البقرة

Al-Baqara

The Cow · Surah 2 · Ayahs: 286 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. الٓمٓ

    Open ayah 2:1

    Alif, Lam, Mim.

  2. ذَٰلِكَ ٱلۡكِتَٰبُ لَا رَيۡبَۛ فِيهِۛ هُدٗى لِّلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 2:2

    Ito ang Aklat [Qur’an], walang alinlangan, dito ay [matatagpuan ang] patnubay para sa mga natatakot [sa Allah],

  3. ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡغَيۡبِ وَيُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ

    Open ayah 2:3

    Yaong mga naniniwala sa Ghaib, at nagsasagawa ng pagdarasal, at gumugugol mula sa anumang [panustos na] Aming ipinagkaloob sa kanila.

  4. وَٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَ وَبِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ

    Open ayah 2:4

    At yaong mga naniniwala sa anumang ipinahayag [o ibinaba] sa iyo [O Muhammad], at sa anumang ipinahayag [sa mga sugong] nauna sa iyo, at sa kabilang buhay, sila ay [naniniwala nang] may katiyakan [sa kanilang puso].

  5. أُوْلَٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدٗى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 2:5

    Sila yaong nasa patnubay mula sa kanilang Panginoon, at sila yaong mga matagumpay.

  6. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 2:6

    Katotohanan, yaong mga di-naniniwala - ito ay walang kaibahan sa kanila kahit sila ay iyong paalalahanan o hindi paalalahanan, sila ay hindi maniniwala [sa Kaisahan ng Allah at sa Kanyang Sugo].

  7. خَتَمَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَعَلَىٰ سَمۡعِهِمۡۖ وَعَلَىٰٓ أَبۡصَٰرِهِمۡ غِشَٰوَةٞۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 2:7

    Ang Allah ay naglapat ng takip sa kanilang mga puso at sa kanilang mga pandinig, at sa kanilang mga paningin ay [may] isang kubli at para sa kanila ay isang malaking parusa.

  8. وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَمَا هُم بِمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 2:8

    At mula sa sangkatauhan ay may [mga mapagkunwaring] nagsasabi: “Kami ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw,” Nguni’t sila ay hindi tunay na naniniwala.

  9. يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَمَا يَخۡدَعُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 2:9

    Kanilang [inaakala na kanilang] malilinlang ang Allah at yaong mga naniniwala, subali’t wala silang malilinlang maliban ang kanilang mga sarili at [ito ay] hindi nila namamalayan.

  10. فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ فَزَادَهُمُ ٱللَّهُ مَرَضٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمُۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡذِبُونَ 

    Open ayah 2:10

    Sa kanilang mga puso ay sakit [ng pag-aalinlangan at pagkukunwari] at dinagdagan ng Allah ang kanilang sakit. At para sa kanila ay isang mahapding parusa nang dahil sa kanilang [patuloy at nakagawiang] pagsisinungaling.

  11. وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ قَالُوٓاْ إِنَّمَا نَحۡنُ مُصۡلِحُونَ

    Open ayah 2:11

    At kapag sinasabi sa kanila: “Huwag kayong gumawa ng katiwalian sa kalupaan,” sila ay nagsasabi: “Kami ay mga tagapag-ayos lamang [tungo sa mabuting pagbabago].”

  12. أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡمُفۡسِدُونَ وَلَٰكِن لَّا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 2:12

    Walang alinlangan, sila ang mapaggawa ng katiwalian, nguni’t [ito ay] hindi nila namamalayan [sa kanilang mga sarili].

  13. وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ ءَامِنُواْ كَمَآ ءَامَنَ ٱلنَّاسُ قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ كَمَآ ءَامَنَ ٱلسُّفَهَآءُۗ أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلسُّفَهَآءُ وَلَٰكِن لَّا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:13

    At kapag sinasabi sa kanila [sa mga mapagkunwari]: “Maniwala kayo katulad ng mga taong naniwala.” Sila ay nagsasabi: “Kami ba ay maniniwala tulad ng paniniwala ng mga hangal?” Walang alinlangan, tunay nga na sila ang mga hangal, subali’t, [ito ay] hindi nila nalalaman.

  14. وَإِذَا لَقُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوۡاْ إِلَىٰ شَيَٰطِينِهِمۡ قَالُوٓاْ إِنَّا مَعَكُمۡ إِنَّمَا نَحۡنُ مُسۡتَهۡزِءُونَ

    Open ayah 2:14

    At kapag kanilang nakakaharap yaong mga naniniwala, sila ay nagsasabi: “Kami ay naniniwala.” Subali’t, kapag sila ay nag-iisang [kaharap] ng kanilang mga [kasamahang] demonyo, sila ay nagsasabi: “Katotohanan, kami ay sa inyo; kami ay nangungutya lamang [sa kanila].”

  15. ٱللَّهُ يَسۡتَهۡزِئُ بِهِمۡ وَيَمُدُّهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ

    Open ayah 2:15

    Ang Allah ay mangungutya sa kanila at sila ay pinatatagal sa kanilang mga pagsuway upang sila ay magsilaboy na [wari bang] mga bulag.

  16. أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلۡهُدَىٰ فَمَا رَبِحَت تِّجَٰرَتُهُمۡ وَمَا كَانُواْ مُهۡتَدِينَ

    Open ayah 2:16

    Sila yaong mga binili ang kamalian upang [ipagpalit] sa patnubay. Kaya, ang kanilang mga kalakal ay walang [ibinungang] kapakinabangan, at sila ay hindi napatnubayan [sa tamang landas].

  17. مَثَلُهُمۡ كَمَثَلِ ٱلَّذِي ٱسۡتَوۡقَدَ نَارٗا فَلَمَّآ أَضَآءَتۡ مَا حَوۡلَهُۥ ذَهَبَ ٱللَّهُ بِنُورِهِمۡ وَتَرَكَهُمۡ فِي ظُلُمَٰتٖ لَّا يُبۡصِرُونَ

    Open ayah 2:17

    Ang kanilang kahalintulad [mga mapagkunwari] ay tulad ng isang nagpaningas ng apoy; kaya nang mailawan nito ang anumang nakapaligid sa kanya, binawi ng Allah ang kanilang liwanag at sila ay naiwan sa [gitna ng] kadiliman. [Kaya] sila ay hindi makakita.

  18. صُمُّۢ بُكۡمٌ عُمۡيٞ فَهُمۡ لَا يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 2:18

    [Sila ay] bingi, pipi at bulag - kaya sila ay hindi makababalik [sa tamang landas].

  19. أَوۡ كَصَيِّبٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فِيهِ ظُلُمَٰتٞ وَرَعۡدٞ وَبَرۡقٞ يَجۡعَلُونَ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِم مِّنَ ٱلصَّوَٰعِقِ حَذَرَ ٱلۡمَوۡتِۚ وَٱللَّهُ مُحِيطُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 2:19

    O [ang kanilang kahalintulad ay] tila isang unos mula sa kalangitan, dala nito ay kadiliman, kulog at kidlat. Ang kanilang mga daliri ay idiniriin sa kanilang mga tainga laban sa dagundong ng kulog sanhi ng sindak sa kamatayan. Subali’t nasasaklawan ng [kaalaman ng] Allah ang mga di- naniniwala.

  20. يَكَادُ ٱلۡبَرۡقُ يَخۡطَفُ أَبۡصَٰرَهُمۡۖ كُلَّمَآ أَضَآءَ لَهُم مَّشَوۡاْ فِيهِ وَإِذَآ أَظۡلَمَ عَلَيۡهِمۡ قَامُواْۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَذَهَبَ بِسَمۡعِهِمۡ وَأَبۡصَٰرِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ 

    Open ayah 2:20

    Halos agawin ng kidlat ang kanilang mga paningin; sa bawa’t sandali na ito [ang daan] ay magliwanag para sa kanila, sila ay nagsisilakad doon, nguni’t kapag ang kadiliman ay bumalot sa kanila, sila ay [tulalang] nakatayo. At kung ninais lamang ng Allah, Kanyang magagawang bawiin ang kanilang mga pandinig at ang kanilang mga paningin. Katotohanan, ang Allah ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.

  21. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱعۡبُدُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

    Open ayah 2:21

    O sangkatauhan, sambahin ninyo ang inyong Panginoon na Siyang lumikha sa inyo at sa mga nauna sa inyo upang sakali kayo ay [matutong] matakot [sa Kanya].

  22. ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فِرَٰشٗا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءٗ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزۡقٗا لَّكُمۡۖ فَلَا تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادٗا وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:22

    Siya ang gumawa para sa inyo ng kalupaan bilang higaan [na nakalatag], at ng kalangitan bilang silungan, at Siya ang nagbaba mula sa kalangitan ng tubig [ulan], at sa pamamagitan nito ay tumubo ang mga prutas bilang panustos para sa inyo. Kaya, huwag kayong mag-akibat sa Allah ng mga kapantay [o ng karibal] samantalang inyong nalalaman [na Siya ay walang katulad].

  23. وَإِن كُنتُمۡ فِي رَيۡبٖ مِّمَّا نَزَّلۡنَا عَلَىٰ عَبۡدِنَا فَأۡتُواْ بِسُورَةٖ مِّن مِّثۡلِهِۦ وَٱدۡعُواْ شُهَدَآءَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 2:23

    At kung kayo ay nag-aalinlangan hinggil sa anumang Aming ibinaba [o ipinahayag] [ang Qur’an] sa Aming alipin [na si Muhammad], magkagayon, magpakita kayo ng isang kabanata na katulad nito at inyong tawagin ang inyong mga saksi bukod sa Allah [upang kayo ay tulungan], kung [tunay ngang] kayo ay makatotohanan.

  24. فَإِن لَّمۡ تَفۡعَلُواْ وَلَن تَفۡعَلُواْ فَٱتَّقُواْ ٱلنَّارَ ٱلَّتِي وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلۡحِجَارَةُۖ أُعِدَّتۡ لِلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 2:24

    Subali’t kung hindi ninyo magawa, at kailanman ay hindi ninyo magagawa, magkagayon, inyong katakutan ang Apoy [ng Impiyerno] na ang panggatong ay mga tao at mga bato, [na] inihanda para sa mga di- naniniwala.

  25. وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ كُلَّمَا رُزِقُواْ مِنۡهَا مِن ثَمَرَةٖ رِّزۡقٗا قَالُواْ هَٰذَا ٱلَّذِي رُزِقۡنَا مِن قَبۡلُۖ وَأُتُواْ بِهِۦ مُتَشَٰبِهٗاۖ وَلَهُمۡ فِيهَآ أَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞۖ وَهُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 2:25

    At bigyan mo ng magandang balita yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, na sa kanila ay mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Sa bawa’t sandali na sila ay pagkalooban doon ng mga prutas bilang panustos, sila ay nagsasabi: “Ito ang panustos [na ipinagkaloob] sa amin noong una pa.” At ito ay ipinagkakaloob lamang nang mga asawang busilak [dalisay at marangal] at sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  26. ۞إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَسۡتَحۡيِۦٓ أَن يَضۡرِبَ مَثَلٗا مَّا بَعُوضَةٗ فَمَا فَوۡقَهَاۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فَيَعۡلَمُونَ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّهِمۡۖ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَيَقُولُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۘ يُضِلُّ بِهِۦ كَثِيرٗا وَيَهۡدِي بِهِۦ كَثِيرٗاۚ وَمَا يُضِلُّ بِهِۦٓ إِلَّا ٱلۡفَٰسِقِينَ

    Open ayah 2:26

    Katotohanan, ang Allah ay hindi nakikiming maglahad ng paghahalintulad [na may mabuting aral] maging ito man ay [kasing liit ng] isang lamok o higit [na maliit] kaysa rito. Kaya, yaong mga naniwala ay nakababatid na ito ay katotohanang nagmula sa kanilang Panginoon. Nguni’t, yaong mga di-naniniwala ay nagsasabi: “Ano nga ba ang nais ipahiwatig ng Allah sa ganitong paghahalintulad?” Kanyang inililigaw sa pamamagitan nito ang karamihan, at Kanyang pinapatnubayan sa pamamagitan nito ang karamihan. At wala Siyang inililigaw sa pamamagitan nito maliban ang mga suwail.

  27. ٱلَّذِينَ يَنقُضُونَ عَهۡدَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مِيثَٰقِهِۦ وَيَقۡطَعُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

    Open ayah 2:27

    Yaong mga sumira [di-tumupad] sa kasunduan ng Allah pagkaraang ito ay pinagtibay at pinutol ang anumang [ugnayang] ipinag-utos ng Allah na pagdugtungin [o ipagpatuloy] at naghasik ng mga katiwalian sa [balat ng] lupa, sila yaong mga talunan [o mga nawalan].

  28. كَيۡفَ تَكۡفُرُونَ بِٱللَّهِ وَكُنتُمۡ أَمۡوَٰتٗا فَأَحۡيَٰكُمۡۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يُحۡيِيكُمۡ ثُمَّ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

    Open ayah 2:28

    Paano ninyo [magagawang] di-paniwalaan ang Allah, gayong kayo ay [dating] walang buhay at Siya ay nagbigay-buhay sa inyo; pagkaraan, kayo ay [dinulutan ng] kamatayan, pagkaraan ay muling bubuhayin [sa Araw ng Paghuhukom at] pagkaraan, sa Kanya, kayo ay muling ibabalik.

  29. هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ لَكُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰٓ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَسَوَّىٰهُنَّ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖۚ وَهُوَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:29

    Siya ang lumikha para sa inyo ng lahat ng anumang nasa kalupaan; pagkaraan, Siya ay pumaitaas [istawa] sa kalangitan [sa paraang angkop sa Kanyang Kadakilaan] at Kanyang ginawa ang mga ito na pitong kalangitan, at Siya ang Lubos na Nakababatid sa bawa’t bagay.

  30. وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّي جَاعِلٞ فِي ٱلۡأَرۡضِ خَلِيفَةٗۖ قَالُوٓاْ أَتَجۡعَلُ فِيهَا مَن يُفۡسِدُ فِيهَا وَيَسۡفِكُ ٱلدِّمَآءَ وَنَحۡنُ نُسَبِّحُ بِحَمۡدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَۖ قَالَ إِنِّيٓ أَعۡلَمُ مَا لَا تَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 2:30

    At [banggitin mo] nang ang iyong Panginoon ay magsabi sa mga anghel: “Katotohanan, Ako ay maglalagay ng khalifah sa kalupaan.” Sila ay nagsabi: “Ikaw ba ay maglalagay doon ng [mga taong] magsisigawa ng katiwalian, at magpapadanak ng dugo, at [samantalang] kami ay lumuluwalhati sa Iyong mga papuri at kami ay nagbubunyi sa Iyong Kabanalan?” Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Katotohanan, Aking nalalaman ang anumang hindi ninyo nalalaman.”

  31. وَعَلَّمَ ءَادَمَ ٱلۡأَسۡمَآءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمۡ عَلَى ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ فَقَالَ أَنۢبِـُٔونِي بِأَسۡمَآءِ هَٰٓؤُلَآءِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 2:31

    At Kanyang tinuruan si Adan ng mga pangalan ng lahat [ng bagay], nagsabing: “Sabihin nga ninyo sa Akin ang mga pangalan ng mga ito kung kayo ay makatotohanan.”

  32. قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ لَا عِلۡمَ لَنَآ إِلَّا مَا عَلَّمۡتَنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 2:32

    Sila [mga anghel] ay nagsabi:“Luwalhati sa Iyo! Wala kaming kaalaman maliban kung ano lamang ang itinuro Mo sa amin. Katotohanan, Ikaw lamang ang Maalam, Tigib ng Karunungan.”

  33. قَالَ يَٰٓـَٔادَمُ أَنۢبِئۡهُم بِأَسۡمَآئِهِمۡۖ فَلَمَّآ أَنۢبَأَهُم بِأَسۡمَآئِهِمۡ قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ إِنِّيٓ أَعۡلَمُ غَيۡبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَأَعۡلَمُ مَا تُبۡدُونَ وَمَا كُنتُمۡ تَكۡتُمُونَ

    Open ayah 2:33

    Siya [ang Allah] ay nagsabi:“O Adan, sabihin mo nga sa kanila ang mga pangalan ng mga [bagay na] ito.” At nang kanyang tinuran ang mga pangalan ng mga ito, ang Allah ay nagsabi: “Hindi ba Aking sinabi sa inyo na nababatid Ko ang Ghaib [bahaging di-nakikita] sa mga kalangitan at sa kalupaan? At nababatid Ko ang anumang inyong inilalantad at ang anumang inyong itinatago.”

  34. وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰ وَٱسۡتَكۡبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 2:34

    At [banggitin mo] nang Aming sabihin sa mga anghel: “Magpatirapa kayo sa harapan ni Adan.” At sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis [ang satanas]; siya ay tumanggi at nagmalaki. Siya ay kabilang sa mga di- naniniwala.

  35. وَقُلۡنَا يَٰٓـَٔادَمُ ٱسۡكُنۡ أَنتَ وَزَوۡجُكَ ٱلۡجَنَّةَ وَكُلَا مِنۡهَا رَغَدًا حَيۡثُ شِئۡتُمَا وَلَا تَقۡرَبَا هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 2:35

    At Aming sinabi: “O Adan, ikaw ay manirahan kapiling ng iyong asawa sa Paraiso at kayo ay kapwa kumain nang may malayang kasiyahan mula roon kailan man na inyong naisin. Nguni’t huwag ninyong lalapitan ang punongkahoy na ito, magkagayon [baka] kayo ay kapwa mapabilang sa mga mapaggawa ng kamalian.”

  36. فَأَزَلَّهُمَا ٱلشَّيۡطَٰنُ عَنۡهَا فَأَخۡرَجَهُمَا مِمَّا كَانَا فِيهِۖ وَقُلۡنَا ٱهۡبِطُواْ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ وَلَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُسۡتَقَرّٞ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٖ

    Open ayah 2:36

    Nguni’t [hindi nga naglaon] sila ay nagawang mailihis ng satanas mula rito [sa Paraiso] at sila ay napalayas mula sa dati nilang [mapayapang] kinaroroonan. At Kami [ang Allah] ay nagsabi: “Magsibaba [kayong lahat], bilang magkakaaway sa isa’t isa. At para sa inyo roon sa kalupaan ay isang tirahan at kabuhayan hanggang sa [takdang] panahon.”

  37. فَتَلَقَّىٰٓ ءَادَمُ مِن رَّبِّهِۦ كَلِمَٰتٖ فَتَابَ عَلَيۡهِۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 2:37

    Pagkaraan, si Adan ay tumanggap ng mga salita [ng pamamaraan ng pagsisisi] mula sa kanyang Panginoon at tinanggap [ng Allah] ang kanyang pagsisisi. Katotohanan, Siya ang tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.

  38. قُلۡنَا ٱهۡبِطُواْ مِنۡهَا جَمِيعٗاۖ فَإِمَّا يَأۡتِيَنَّكُم مِّنِّي هُدٗى فَمَن تَبِعَ هُدَايَ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

    Open ayah 2:38

    Kami [ang Allah] ay nagsabi: “Magsibaba kayong lahat mula rito [sa Paraiso]. Kaya, kailanma’t dumating sa inyo ang patnubay mula sa Akin; [at] sinuman ang sumunod sa Aking patnubay, samakatwid sa kanila ay walang pangamba, at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.

  39. وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 2:39

    Subali’t, yaong mga di-naniwala at nagtakwil sa Aming mga ayaat [kapahayagan], sila yaong mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno]. Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.”

  40. يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتِيَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ وَأَوۡفُواْ بِعَهۡدِيٓ أُوفِ بِعَهۡدِكُمۡ وَإِيَّٰيَ فَٱرۡهَبُونِ 

    Open ayah 2:40

    O mga anak ni Israel, inyong alalahanin ang Aking iginawad na pagpapala sa inyo at inyong tuparin ang Aking kasunduang [iniatang sa inyo], at Aking tutuparin ang kasunduan Ko sa inyo, at Ako lamang ang [inyong dapat] kasindakan.

  41. وَءَامِنُواْ بِمَآ أَنزَلۡتُ مُصَدِّقٗا لِّمَا مَعَكُمۡ وَلَا تَكُونُوٓاْ أَوَّلَ كَافِرِۭ بِهِۦۖ وَلَا تَشۡتَرُواْ بِـَٔايَٰتِي ثَمَنٗا قَلِيلٗا وَإِيَّٰيَ فَٱتَّقُونِ

    Open ayah 2:41

    At maniwala kayo sa anumang Aking ipinahayag [ang Qur’an] na nagpapatunay sa anumang nasa sa inyo na at huwag kayong mangunang di-paniwalaan ito. At huwag ninyong ipagbili ang Aking mga ayaat [kapahayagan] para sa murang halaga at Ako lamang ang [inyong dapat] katakutan.

  42. وَلَا تَلۡبِسُواْ ٱلۡحَقَّ بِٱلۡبَٰطِلِ وَتَكۡتُمُواْ ٱلۡحَقَّ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:42

    At huwag ninyong haluan ang katotohanan ng kabulaanan, at [huwag] ninyong itago ang katotohanan gayong inyong nalalaman [ang ibubungang kasamaan nito].

  43. وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱرۡكَعُواْ مَعَ ٱلرَّٰكِعِينَ

    Open ayah 2:43

    At kayo ay magsagawa ng pagdarasal at magbigay ng Zakaah [kawanggawa], at magsiyuko kayong kasama ng mga nagsisiyuko [sa pagsamba].

  44. ۞أَتَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبِرِّ وَتَنسَوۡنَ أَنفُسَكُمۡ وَأَنتُمۡ تَتۡلُونَ ٱلۡكِتَٰبَۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 2:44

    Ipinag-uutos ba ninyo ang Birr [pagiging mabuti at matwid] sa mga tao gayong kayo ay nakalilimot [na tuparin o pahalagahan ito] sa inyong mga sarili samantalang inyo namang binibigkas [binabasa] ang Kasulatan? Hindi ba kayo, kung gayon, nakauunawa?

  45. وَٱسۡتَعِينُواْ بِٱلصَّبۡرِ وَٱلصَّلَوٰةِۚ وَإِنَّهَا لَكَبِيرَةٌ إِلَّا عَلَى ٱلۡخَٰشِعِينَ

    Open ayah 2:45

    At humingi kayo ng tulong [sa Allah] sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. At katiyakang ito ay sadyang mahirap gawin maliban sa mga mapagpakumbaba [sa Kanya].

  46. ٱلَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُم مُّلَٰقُواْ رَبِّهِمۡ وَأَنَّهُمۡ إِلَيۡهِ رَٰجِعُونَ

    Open ayah 2:46

    [Sila] yaong mga nakatitiyak na kanilang makahaharap ang kanilang Panginoon at sila ay magbabalik sa Kanya.

  47. يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتِيَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ وَأَنِّي فَضَّلۡتُكُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 2:47

    O mga anak ni Israel, inyong alalahanin ang Aking iginawad na pagpapala sa inyo. At kayo ay higit Kong biniyayaan [o pinahalagahan] sa lahat ng nilikha [mga tao].

  48. وَٱتَّقُواْ يَوۡمٗا لَّا تَجۡزِي نَفۡسٌ عَن نَّفۡسٖ شَيۡـٔٗا وَلَا يُقۡبَلُ مِنۡهَا شَفَٰعَةٞ وَلَا يُؤۡخَذُ مِنۡهَا عَدۡلٞ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ

    Open ayah 2:48

    At inyong katakutan ang Araw [ng Paghuhukom] na walang kaluluwa [tao] ang makaaasa sa ibang kaluluwa [tao] nang anupamang [tulong]; at walang pamamagitan [ng iba] ang tatanggapin mula sa kanya; at walang kabayaran [o pantubos] ang maaaring kuhanin mula sa kanya; at sila ay hindi matutulungan.

  49. وَإِذۡ نَجَّيۡنَٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يُذَبِّحُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ

    Open ayah 2:49

    At [inyong alalahanin] nang kayo ay Aming iniligtas mula sa tauhan ni Paraon na naghahasik sa inyo ng matinding parusa [katampalasanan], kinikitil ang inyong mga anak na lalaki at pinananatiling mabuhay ang inyong mga kababaihan. At iyan ay isang mabigat na pagsubok mula sa inyong Panginoon.

  50. وَإِذۡ فَرَقۡنَا بِكُمُ ٱلۡبَحۡرَ فَأَنجَيۡنَٰكُمۡ وَأَغۡرَقۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ 

    Open ayah 2:50

    At [inyong alalahanin] nang Aming hinati ang dagat para sa inyo, at kayo ay Aming iniligtas, at Aming nilunod ang mga tauhan ni Paraon habang kayo ay nakamasid [habang sila ay nilalamon ng tubig].

  51. وَإِذۡ وَٰعَدۡنَا مُوسَىٰٓ أَرۡبَعِينَ لَيۡلَةٗ ثُمَّ ٱتَّخَذۡتُمُ ٱلۡعِجۡلَ مِنۢ بَعۡدِهِۦ وَأَنتُمۡ ظَٰلِمُونَ

    Open ayah 2:51

    At [inyong alalahanin] nang Kami ay nakipagtipan kay Moises ng apatnapung gabi, pagkaraan [sa kanyang paglisan], kayo ay kumuha ng guya [biserong baka upang sambahin], at kayo ay naging mga [taong] mapaggawa ng kamalian.

  52. ثُمَّ عَفَوۡنَا عَنكُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 2:52

    Pagkaraan, Kami ay nagpatawad sa inyo sa kabila niyan, upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat [sa mga biyayang inyong tinatamasa].

  53. وَإِذۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡفُرۡقَانَ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ

    Open ayah 2:53

    At [inyong alalahanin] nang Aming ipinagkaloob kay Moises ang Kasulatan at ang Pamantayan upang sakali kayo ay mapatnubayan.

  54. وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ إِنَّكُمۡ ظَلَمۡتُمۡ أَنفُسَكُم بِٱتِّخَاذِكُمُ ٱلۡعِجۡلَ فَتُوبُوٓاْ إِلَىٰ بَارِئِكُمۡ فَٱقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ عِندَ بَارِئِكُمۡ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 2:54

    At [inyong alalahanin] nang sabihin ni Moises sa kanyang mga kamalian ang inyong mga sarili sa pagkuha [o pagturing] ninyo sa guya [biserong baka upang sambahin]. Kaya, kayo ay magsisi [magbalik-loob nang buong puso] sa inyong Tagapaglalang at inyong patayin ang [mga makasalanan mula sa] inyong mga sarili. Iyan ay higit na makabubuti para sa inyo sa [paningin ng] inyong Tagapaglalang.” Kaya, Kanyang tinanggap ang inyong pagsisisi. Katotohanan, Siya ang tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.

  55. وَإِذۡ قُلۡتُمۡ يَٰمُوسَىٰ لَن نُّؤۡمِنَ لَكَ حَتَّىٰ نَرَى ٱللَّهَ جَهۡرَةٗ فَأَخَذَتۡكُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ

    Open ayah 2:55

    At [inyong alalahanin] nang inyong sabihin: “O Moises, hindi kami maniniwala sa iyo kailanman hanggang hindi namin nasisilayan nang lantaran ang Allah.” Subali’t, kayo ay hinablot ng kulog at kidlat habang kayo ay nakatingin [o nakatitig].

  56. ثُمَّ بَعَثۡنَٰكُم مِّنۢ بَعۡدِ مَوۡتِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 2:56

    Pagkaraan, kayo ay Aming muling binuhay pagkatapos ng inyong kamatayan upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat [sa mga pagpapalang Aming iginawad sa inyo].

  57. وَظَلَّلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡغَمَامَ وَأَنزَلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰۖ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

    Open ayah 2:57

    At kayo ay Aming nililiman ng mga ulap sa inyong itaas at Aming ibinaba sa inyo ang manna at salwa [pugo], [na nagsabing]: “Magsikain kayo mula sa mga mabubuti [at pinahihintulutang bagay] na Aming itinustos para sa inyo.” [Nguni’t sila ay naghimagsik]. Gayunpaman, hindi Kami ang kanilang ginawan ng kamalian bagkus ang kanilang mga sarili ang ginawan nila ng kamalian.

  58. وَإِذۡ قُلۡنَا ٱدۡخُلُواْ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةَ فَكُلُواْ مِنۡهَا حَيۡثُ شِئۡتُمۡ رَغَدٗا وَٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدٗا وَقُولُواْ حِطَّةٞ نَّغۡفِرۡ لَكُمۡ خَطَٰيَٰكُمۡۚ وَسَنَزِيدُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 2:58

    At [inyong alalahanin] nang Aming sinabi: “Magsipasok kayo sa bayang ito [ng Herusalem], at kayo ay magsikain doon nang masagana saanman ninyo nais, at kayo ay pumasok sa bukanang pintuan na nagpapatirapa [nang may kababaang-loob]. At inyong sabihin: “Kami ay [Iyong] patawarin,” at Aming patatawarin ang inyong mga kasalanan at Aming daragdagan ang gantimpala ng mga mapaggawa ng kabutihan.

  59. فَبَدَّلَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ قَوۡلًا غَيۡرَ ٱلَّذِي قِيلَ لَهُمۡ فَأَنزَلۡنَا عَلَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ رِجۡزٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ

    Open ayah 2:59

    Nguni’t, binago niyaong mga mapaggawa ng kamalian [ang salita] na sadyang naiiba sa anumang [dating] sinabi sa kanila. Kaya, Aming ibinaba sa mga mapaggawa ng kamalian ang isang salot [bilang tanda ng parusa] mula sa kalangitan sapagka’t sila ay lagi nang nagiging suwail [laban sa kautusan ng Allah].

  60. ۞وَإِذِ ٱسۡتَسۡقَىٰ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ فَقُلۡنَا ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡحَجَرَۖ فَٱنفَجَرَتۡ مِنۡهُ ٱثۡنَتَا عَشۡرَةَ عَيۡنٗاۖ قَدۡ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٖ مَّشۡرَبَهُمۡۖ كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ مِن رِّزۡقِ ٱللَّهِ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ 

    Open ayah 2:60

    At [inyong alalahanin] nang si Moises ay humingi ng tubig para sa kanyang mga mamamayan, Kami [ang Allah] ay nagsabi: “Hampasin mo ng iyong tungkod ang bato.” Kaya, bumulwak mula roon ang labindalawang bukal [o batis]. Ang bawa’t [pangkat ng] mamamayan ay nakababatid ng kanilang sariling pagkukuhanan ng tubig. “Magsikain kayo at magsiinom kayo mula sa panustos [na ipinagkaloob] ng Allah, at huwag kayong gumawa ng kaguluhan, [at] huwag maghasik ng mga katiwalian sa kalupaan.”

  61. وَإِذۡ قُلۡتُمۡ يَٰمُوسَىٰ لَن نَّصۡبِرَ عَلَىٰ طَعَامٖ وَٰحِدٖ فَٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُخۡرِجۡ لَنَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ مِنۢ بَقۡلِهَا وَقِثَّآئِهَا وَفُومِهَا وَعَدَسِهَا وَبَصَلِهَاۖ قَالَ أَتَسۡتَبۡدِلُونَ ٱلَّذِي هُوَ أَدۡنَىٰ بِٱلَّذِي هُوَ خَيۡرٌۚ ٱهۡبِطُواْ مِصۡرٗا فَإِنَّ لَكُم مَّا سَأَلۡتُمۡۗ وَضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلذِّلَّةُ وَٱلۡمَسۡكَنَةُ وَبَآءُو بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ

    Open ayah 2:61

    At [inyong alalahanin] nang inyong sabihin: “O Moises, hindi namin mapagtitiisan ang isang [uri ng] pagkain lamang; kaya, ikaw ay manawagan para sa amin sa iyong Panginoon upang magpatubo para sa amin mula sa lupang ito ng anumang luntiang herba [damong-gamot] nito, ng pipino nito, ng bawang nito, ng patani nito at ng sibuyas nito.” Siya [si Moises] ay nagsabi: “Inyo bang kukunin ang mababang uri kapalit nang higit na mainam [na uri]? Magsibaba kayo sa alinmang karatig-bayan at katotohanang inyong matatagpuan para sa inyo ang inyong kahilingan!” At sila ay nalipos ng kahihiyan at karukhaan; at isinuong [ang kanilang mga sarili] mula sa poot ng Allah. Iyan ay bunga ng kanilang [paulit-ulit na] di- paniniwala sa mga ayaat [mga kapahayagan] ng Allah, at kanilang pinagpapatay ang mga propeta nang walang [makatarungang] dahilan. Iyan ay sa dahilang sila ay naghimagsik at lagi nang mapanlabag.

  62. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلنَّصَٰرَىٰ وَٱلصَّٰبِـِٔينَ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

    Open ayah 2:62

    Katotohanan, yaong mga naniwala [mga Muslim] at yaong mga Hudyo at mga Kristiyano at mga Sabiyano, na naniwala sa [Kaisahan ng] Allah at sa Huling Araw, at gumawa ng mga gawaing matwid, para sa kanila ay gantimpalang magmumula sa kanilang Panginoon at sila ay walang [mararanasang] pangamba, [at] sila ay walang [madaramang] kalungkutan.

  63. وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ وَرَفَعۡنَا فَوۡقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةٖ وَٱذۡكُرُواْ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

    Open ayah 2:63

    At [O mga anak ni Israel, inyong alalahanin] nang Aming tinanggap ang inyong kasunduan at Aming itinaas ang bundok sa inyong mga itaas [na nagsabing]: “Inyong tanggapin ang anumang Aming ipinagkaloob sa inyo [ang Torah] nang may katatagan, at inyong alalahanin ang anumang [mga aral na] nilalaman nito upang sakali kayo ay [matutong] matakot [sa Allah].”

  64. ثُمَّ تَوَلَّيۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۖ فَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَكُنتُم مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

    Open ayah 2:64

    Nguni’t, [sa kabila nito] kayo ay nagsitalikod pagkaraan niyan. At kung hindi lamang sa [iginawad na] biyaya ng Allah sa inyo at sa Kanyang habag, marahil kayo ay napabilang sa mga talunan [o mga nawalan].

  65. وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلَّذِينَ ٱعۡتَدَوۡاْ مِنكُمۡ فِي ٱلسَّبۡتِ فَقُلۡنَا لَهُمۡ كُونُواْ قِرَدَةً خَٰسِـِٔينَ

    Open ayah 2:65

    At katiyakang inyong nababatid na yaong mga lumabag na kabilang sa inyo hinggil sa Sabbath [araw ng Sabado]. Kaya Aming sinabi sa kanila: “Kayo ay maging mga unggoy, na hinamak!”

  66. فَجَعَلۡنَٰهَا نَكَٰلٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهَا وَمَا خَلۡفَهَا وَمَوۡعِظَةٗ لِّلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 2:66

    At ito ay Aming ginawa bilang babala [ng parusa] para sa mga naroroon at para sa mga susunod [sa kanila] at [magsilbing] aral para sa mga natatakot [sa Allah].

  67. وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُكُمۡ أَن تَذۡبَحُواْ بَقَرَةٗۖ قَالُوٓاْ أَتَتَّخِذُنَا هُزُوٗاۖ قَالَ أَعُوذُ بِٱللَّهِ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ

    Open ayah 2:67

    At [inyong alalahanin] nang sabihin ni Moises sa kanyang mga mamamayan: “Katotohanan, ang Allah ay nag-uutos sa inyo na kayo ay magkatay ng isang baka.” Sila ay nagsabi: “Ginagawa mo ba kaming katatawanan?” Siya ay nagsabi:“Ako ay humihingi ng paglingap sa Allah na [nawa'y] ako ay hindi mapabilang sa [katulad ninyong] mga mangmang.”

  68. قَالُواْ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا هِيَۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٞ لَّا فَارِضٞ وَلَا بِكۡرٌ عَوَانُۢ بَيۡنَ ذَٰلِكَۖ فَٱفۡعَلُواْ مَا تُؤۡمَرُونَ

    Open ayah 2:68

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ay manawagan sa iyong Panginoon para sa amin upang Kanyang gawing malinaw sa amin kung ano nga ba ito!” Siya [si Moises] ay nagsabi: “Katotohanan, Siya [ang Allah] ay nagsabi, ‘Tunay nga na ito ay isang baka na hindi katandaang gulang at hindi [rin naman] labis na kabataan, bagkus [ito ay] nasa [katamtamang] pagitan niyan, kaya, inyong gawin ang anumang ipinag-uutos sa inyo.”

  69. قَالُواْ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا لَوۡنُهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٞ صَفۡرَآءُ فَاقِعٞ لَّوۡنُهَا تَسُرُّ ٱلنَّٰظِرِينَ

    Open ayah 2:69

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ay manawagan sa iyong Panginoon para sa amin upang Kanyang gawing malinaw sa amin kung ano nga ba ang kulay nito!” Siya [si Moises] ay nagsabi: “Katotohanan, Kanyang sinabi, ‘ito ay dilaw na baka, matingkad ang kulay at kaakit-akit sa paningin ng mga nakakikita.”

  70. قَالُواْ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا هِيَ إِنَّ ٱلۡبَقَرَ تَشَٰبَهَ عَلَيۡنَا وَإِنَّآ إِن شَآءَ ٱللَّهُ لَمُهۡتَدُونَ 

    Open ayah 2:70

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ay manawagan sa iyong Panginoon para sa amin upang Kanyang gawing malinaw sa amin kung ano nga ba ito? Katotohanan, para sa amin, ang [lahat ng] baka ay magkakahawig. At katotohanan, kung nais ng Allah, kami ay mapapatnubayan.”

  71. قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٞ لَّا ذَلُولٞ تُثِيرُ ٱلۡأَرۡضَ وَلَا تَسۡقِي ٱلۡحَرۡثَ مُسَلَّمَةٞ لَّا شِيَةَ فِيهَاۚ قَالُواْ ٱلۡـَٰٔنَ جِئۡتَ بِٱلۡحَقِّۚ فَذَبَحُوهَا وَمَا كَادُواْ يَفۡعَلُونَ

    Open ayah 2:71

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Katotohanan, Kanyang [Allah] sinabi: Ito ay isang baka na hindi nagbubungkal ng lupa at hindi naglilinang ng bukirin, ito ay malusog, at walang ibang batik [maliban sa matingkad na dilaw].” Sila ay nagsabi: “Ngayon, ikaw ay naghatid ng katotohanan.” Kaya, kanilang kinatay ito bagaman [ito ay] halos hindi nila nais gawin.

  72. وَإِذۡ قَتَلۡتُمۡ نَفۡسٗا فَٱدَّٰرَٰءۡتُمۡ فِيهَاۖ وَٱللَّهُ مُخۡرِجٞ مَّا كُنتُمۡ تَكۡتُمُونَ

    Open ayah 2:72

    At [inyong alalahanin] nang inyong paslangin ang isang tao, at kayo ay nagtalu-talo hinggil dito [sa kaso ng pagpaslang]. Subali’t, pinalitaw ng Allah ang anumang inyong itinatago.

  73. فَقُلۡنَا ٱضۡرِبُوهُ بِبَعۡضِهَاۚ كَذَٰلِكَ يُحۡيِ ٱللَّهُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَيُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 2:73

    Kaya, Aming sinabi: “Inyong hampasin [ang bangkay sa pamamagitan] ng [isang] bahagi nito [ng laman ng kinatay na baka].” Ganyan binibigyang-buhay ng Allah ang mga patay at Kanyang ipinakikita sa inyo ang Kanyang ayaat [mga palatandaan] upang sakali kayo ay [matutong] makaunawa.

  74. ثُمَّ قَسَتۡ قُلُوبُكُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ فَهِيَ كَٱلۡحِجَارَةِ أَوۡ أَشَدُّ قَسۡوَةٗۚ وَإِنَّ مِنَ ٱلۡحِجَارَةِ لَمَا يَتَفَجَّرُ مِنۡهُ ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ وَإِنَّ مِنۡهَا لَمَا يَشَّقَّقُ فَيَخۡرُجُ مِنۡهُ ٱلۡمَآءُۚ وَإِنَّ مِنۡهَا لَمَا يَهۡبِطُ مِنۡ خَشۡيَةِ ٱللَّهِۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 2:74

    Pagkaraan, [nang inyong makita ang himalang naganap] ang inyong mga puso ay naging matigas pagkatapos niyon, naging [matigas na] tulad ng bato o higit pa sa katigasan. At katotohanan, may bato na inaagusan ng mga ilog, at katotohanan [din] may ibang [bato] na kung ito ay mabiyak, ito ay tinutuluan ng tubig; at katotohanan ang iba ay nangalalaglag sanhi ng [nadaramang] takot sa Allah. At walang hindi nababatid ang Allah sa anumang inyong ginagawa.

  75. ۞أَفَتَطۡمَعُونَ أَن يُؤۡمِنُواْ لَكُمۡ وَقَدۡ كَانَ فَرِيقٞ مِّنۡهُمۡ يَسۡمَعُونَ كَلَٰمَ ٱللَّهِ ثُمَّ يُحَرِّفُونَهُۥ مِنۢ بَعۡدِ مَا عَقَلُوهُ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:75

    Kayo ba [O mga Muslim] ay naghahangad [o umaasa pa] na sila ay maniniwala sa inyo samantalang ang katotohanan nito, ang isang pangkat sa kanila ay dati nang nakaririnig ng mga Salita ng Allah [ang Torah], subali’t ito ay kanilang binago [o sinira] pagkaraang maunawaan at ito ay kanilang nalalaman?

  76. وَإِذَا لَقُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَا بَعۡضُهُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٖ قَالُوٓاْ أَتُحَدِّثُونَهُم بِمَا فَتَحَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ لِيُحَآجُّوكُم بِهِۦ عِندَ رَبِّكُمۡۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 2:76

    At kapag kanilang makaharap yaong mga naniniwala, sila ay nagsasabi: “Kami ay naniwala,” subali’t kapag sila ay magkakaharap sa isa’t isa, sila ay nagsasabi: “Kayo ba ay makikipag-usap sa kanila [sa mga Muslim] tungkol sa anumang ipinahayag ng Allah sa inyo upang sila ay makipagtalo sa inyo tungkol dito sa harap ng inyong Panginoon?” Hindi ba kayo, kung gayon, nakauunawa?

  77. أَوَلَا يَعۡلَمُونَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ

    Open ayah 2:77

    Subali’t hindi ba nila nalalaman na ang Allah ay nakababatid ng anumang kanilang ikinukubli at ng anumang kanilang inihahayag?

  78. وَمِنۡهُمۡ أُمِّيُّونَ لَا يَعۡلَمُونَ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّآ أَمَانِيَّ وَإِنۡ هُمۡ إِلَّا يَظُنُّونَ

    Open ayah 2:78

    At kabilang sa kanila ay mga mangmang na walang nalalaman tungkol sa Aklat [Kasulatan] maliban sa mga [masisidhing] pagnanasang saloobin, at sila ay naghaka-haka lamang.

  79. فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ يَكۡتُبُونَ ٱلۡكِتَٰبَ بِأَيۡدِيهِمۡ ثُمَّ يَقُولُونَ هَٰذَا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ لِيَشۡتَرُواْ بِهِۦ ثَمَنٗا قَلِيلٗاۖ فَوَيۡلٞ لَّهُم مِّمَّا كَتَبَتۡ أَيۡدِيهِمۡ وَوَيۡلٞ لَّهُم مِّمَّا يَكۡسِبُونَ

    Open ayah 2:79

    Kaya, kasawian sa mga nagsusulat ng aklat sa kanilang [sariling] mga kamay, [at] pagkaraan ay nagsasabing: “Ito ay nagmula sa Allah,” upang ito ay kanilang ipagbili [o ipagpalit] sa murang halaga! Kaya, kasawian sa anumang isinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa kanila para sa anumang kanilang pinagkakakitaan [o pinagsumikapan].

  80. وَقَالُواْ لَن تَمَسَّنَا ٱلنَّارُ إِلَّآ أَيَّامٗا مَّعۡدُودَةٗۚ قُلۡ أَتَّخَذۡتُمۡ عِندَ ٱللَّهِ عَهۡدٗا فَلَن يُخۡلِفَ ٱللَّهُ عَهۡدَهُۥٓۖ أَمۡ تَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 2:80

    At sila ay nagsasabi: “Kailanman, ang Apoy [ng Impiyerno] ay hindi sasaling sa amin maliban sa ilang bilang na araw.” Sabihin: “Kayo ba ay nakakuha ng kasunduan mula sa Allah; sapagka’t ang Allah ay hindi kailanman sumisira sa Kanyang kasunduan? O, kayo ba ay nagsasabi ng tungkol sa Allah na hindi ninyo nalalaman?”

  81. بَلَىٰۚ مَن كَسَبَ سَيِّئَةٗ وَأَحَٰطَتۡ بِهِۦ خَطِيٓـَٔتُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 2:81

    Nguni’t [ang katunayan nito] sinuman ang nakagawa ng kasamaan

  82. وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 2:82

    At yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, sila yaong mga maninirahan sa Paraiso, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  83. وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ لَا تَعۡبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَانٗا وَذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَقُولُواْ لِلنَّاسِ حُسۡنٗا وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ ثُمَّ تَوَلَّيۡتُمۡ إِلَّا قَلِيلٗا مِّنكُمۡ وَأَنتُم مُّعۡرِضُونَ

    Open ayah 2:83

    At [inyong alalahanin] nang Aming tanggapin ang kasunduan mula sa mga anak ni Israel [na nagtatagubilin sa kanila]: “Huwag kayong sumamba maliban sa Allah at maging mabuti sa inyong mga magulang, at sa mga kamag-anakan, at sa mga ulila at sa mga dukha, at mangusap ng mabuting [salita] sa mga tao; at magsagawa ng pagdarasal; at magbigay ng Zakaah [kawanggawa].” [Nguni’t] pagkaraan, kayo ay nagsitalikod, maliban sa mga mangilan-ngilan sa inyo, at kayo ay tumatanggi.

  84. وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ لَا تَسۡفِكُونَ دِمَآءَكُمۡ وَلَا تُخۡرِجُونَ أَنفُسَكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ ثُمَّ أَقۡرَرۡتُمۡ وَأَنتُمۡ تَشۡهَدُونَ

    Open ayah 2:84

    At [inyong alalahanin] nang Aming tanggapin ang inyong kasunduan [na nag-uutos sa inyo na]: “Huwag kayong magpadanak ng inyong dugo, at huwag ninyong itaboy ang inyong mga sarili [sariling mga mamamayan] mula sa inyong mga pamamahay.” At [ito ay] inyong pinagtibay habang [ito ay] inyong sinasaksihan.

  85. ثُمَّ أَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ تَقۡتُلُونَ أَنفُسَكُمۡ وَتُخۡرِجُونَ فَرِيقٗا مِّنكُم مِّن دِيَٰرِهِمۡ تَظَٰهَرُونَ عَلَيۡهِم بِٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَإِن يَأۡتُوكُمۡ أُسَٰرَىٰ تُفَٰدُوهُمۡ وَهُوَ مُحَرَّمٌ عَلَيۡكُمۡ إِخۡرَاجُهُمۡۚ أَفَتُؤۡمِنُونَ بِبَعۡضِ ٱلۡكِتَٰبِ وَتَكۡفُرُونَ بِبَعۡضٖۚ فَمَا جَزَآءُ مَن يَفۡعَلُ ذَٰلِكَ مِنكُمۡ إِلَّا خِزۡيٞ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يُرَدُّونَ إِلَىٰٓ أَشَدِّ ٱلۡعَذَابِۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 2:85

    [Subali’t] pagkaraan, kayo yaong mga pumapatay sa inyong mga sarili [mga sariling mamamayan], at nagtataboy sa isang pangkat na kabilang sa inyong [mga sariling mamamayan] mula sa kanilang mga pamamahay; kayo ay nakikipagtulungan [sa kanilang mga kaaway] laban sa kanila sa [mga gawaing] makasalanan at paglabag. At kung sila ay dumating sa inyo bilang mga bihag, sila ay inyong ipinatutubos bagaman ang pagtaboy sa kanila ay ipinagbawal sa inyo. [Kung gayon] kayo ba ay naniniwala sa ilang bahagi ng Aklat at di-naniniwala naman sa ibang bahagi? Kaya, ano nga ba ang dapat maging kabayaran ng sinuman sa inyo na gumagawa niyon maliban ang kahihiyan sa buhay sa mundong ito. At sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, sila ay ihaharap sa napakatinding parusa. At walang hindi nababatid ang Allah sa anumang inyong ginagawa.

  86. أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا بِٱلۡأٓخِرَةِۖ فَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ

    Open ayah 2:86

    Sila yaong mga binili ang buhay sa mundong ito [kapalit ng halaga ng kaligtasan] para sa kabilang buhay. Kaya, ang parusa ay hindi pagagaanin para sa kanila, at sila ay hindi matutulungan.

  87. وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَقَفَّيۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ بِٱلرُّسُلِۖ وَءَاتَيۡنَا عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَيَّدۡنَٰهُ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِۗ أَفَكُلَّمَا جَآءَكُمۡ رَسُولُۢ بِمَا لَا تَهۡوَىٰٓ أَنفُسُكُمُ ٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡ فَفَرِيقٗا كَذَّبۡتُمۡ وَفَرِيقٗا تَقۡتُلُونَ

    Open ayah 2:87

    At katiyakan, Aming ipinagkaloob kay Moises ang Kasulatan [Torah] at Aming isinunod pagkaraan niya ang mga sugo. At Aming ipinagkaloob kay Hesus na anak ni Maria, ang mga malilinaw na katibayan [o himala] at siya ay Aming pinatatag ng Banal na Espiritu. Nguni’t, hindi nga ba sa tuwing may dumarating na isang sugo sa inyo na hindi kinalugdan ng inyong mga sarili, kayo ay naging lubhang mapagmalaki. Kaya, ang ibang pangkat [ng sugo] ay inyong itinakwil, at ang ibang pangkat ay inyong pinagpapatay?

  88. وَقَالُواْ قُلُوبُنَا غُلۡفُۢۚ بَل لَّعَنَهُمُ ٱللَّهُ بِكُفۡرِهِمۡ فَقَلِيلٗا مَّا يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 2:88

    At sila ay nagsasabi: “Ang aming mga puso ay nababalutan [hindi makaunawa ng mensahe].” Subali’t [ang katotohanan], sila ay isinumpa ng Allah nang dahil sa kanilang kawalan ng paniniwala. Sadyang napakaliit nitong kanilang pinaniniwalaan.

  89. وَلَمَّا جَآءَهُمۡ كِتَٰبٞ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٞ لِّمَا مَعَهُمۡ وَكَانُواْ مِن قَبۡلُ يَسۡتَفۡتِحُونَ عَلَى ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَلَمَّا جَآءَهُم مَّا عَرَفُواْ كَفَرُواْ بِهِۦۚ فَلَعۡنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 2:89

    At nang dumating sa kanila ang isang Aklat [ang Qur’an] mula sa Allah na nagpapatunay sa anumang nasa kanila [Torah at Injeel], bagaman noong una pa man [ay kanilang batid na ang pagdating ng huling sugo], sila ay lagi nang nagsusumamo para sa tagumpay laban sa mga di-naniniwala. Subali’t nang dumating sa kanila ang anumang kanilang nakilala [si Muhammad bilang Sugo], sila ay hindi naniwala rito, kaya, ang sumpa ng Allah ay nasa mga di-naniniwala.

  90. بِئۡسَمَا ٱشۡتَرَوۡاْ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمۡ أَن يَكۡفُرُواْ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بَغۡيًا أَن يُنَزِّلَ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۖ فَبَآءُو بِغَضَبٍ عَلَىٰ غَضَبٖۚ وَلِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٞ مُّهِينٞ 

    Open ayah 2:90

    Sadyang napakasama ng anupamang kanilang ipinagbili [o ipinagpalit] sa kanilang mga sarili - na kanilang nagagawang di-paniwalaan ang anumang ipinahayag ng Allah, sanhi ng [kanilang masidhing] pangangalit na ang biyaya ng Allah ay ibaba [o igawad] sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin. Kaya, sila ay nagsibalik nang may tinamong sunud-sunod na poot [ng Allah]. At para sa mga di-naniniwala, [sa kanila] ay isang nakahihiyang parusa.

  91. وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ ءَامِنُواْ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ نُؤۡمِنُ بِمَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا وَيَكۡفُرُونَ بِمَا وَرَآءَهُۥ وَهُوَ ٱلۡحَقُّ مُصَدِّقٗا لِّمَا مَعَهُمۡۗ قُلۡ فَلِمَ تَقۡتُلُونَ أَنۢبِيَآءَ ٱللَّهِ مِن قَبۡلُ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 2:91

    At kapag sinasabi sa kanila [sa mga Hudyo]: “Maniwala kayo sa anumang ipinahayag ng Allah,” sila ay nagsasabi, “Kami ay naniniwala [lamang] sa anumang ipinahayag sa amin.” At sila ay hindi naniwala sa anumang dumating pagkaraan nito, samantalang ito ang katotohanang nagpapatunay sa anumang [Kasulatang] nasa kanila. Sabihin, “Kung gayon, bakit ninyo pinagpapatay ang mga propeta ng Allah noon kung [tunay ngang] kayo ay mga naniniwala?”

  92. ۞وَلَقَدۡ جَآءَكُم مُّوسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ ثُمَّ ٱتَّخَذۡتُمُ ٱلۡعِجۡلَ مِنۢ بَعۡدِهِۦ وَأَنتُمۡ ظَٰلِمُونَ

    Open ayah 2:92

    At katiyakang si Moises ay dumating sa inyo na may [dalang] malilinaw na katibayan; subali’t inyong kinuha [at itinuring] ang baka [bilang inyong diyos] pagkaraan niyon. At kayo ay naging mga mapaggawa ng kamalian.

  93. وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ وَرَفَعۡنَا فَوۡقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةٖ وَٱسۡمَعُواْۖ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَعَصَيۡنَا وَأُشۡرِبُواْ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡعِجۡلَ بِكُفۡرِهِمۡۚ قُلۡ بِئۡسَمَا يَأۡمُرُكُم بِهِۦٓ إِيمَٰنُكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 2:93

    At [inyong alalahanin] nang Aming tanggapin ang inyong kasunduan at Aming itinaas ang bundok [ng Sinai] sa inyong itaas [na nagsasabing]: “Inyong tanggapin ang anumang Aming ipinagkaloob sa inyo nang may katatagan [o lakas] at kayo’y makinig.” [Nguni’t, sa halip] sila ay nagsabi: “Kami ay nakakarinig at kami ay sumusuway.” At ang kanilang puso ay [tuluyang] nahumaling [sa pagsamba] sa baka sanhi ng kanilang kawalan ng paniniwala. Sabihin: “Napakasama ng anumang ipinag-uutos ng inyong pananampalataya sa inyo, kung [tunay ngang] kayo ay mga naniniwala!”

  94. قُلۡ إِن كَانَتۡ لَكُمُ ٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ ٱللَّهِ خَالِصَةٗ مِّن دُونِ ٱلنَّاسِ فَتَمَنَّوُاْ ٱلۡمَوۡتَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 2:94

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Kung ang tahanan ng kabilang buhay kapiling ng Allah ay tanging inilaan para sa inyo at hindi inilaan para sa ibang tao, magkagayon, inyong asamin ang kamatayan kung [tunay ngang] kayo ay makatotohanan.”

  95. وَلَن يَتَمَنَّوۡهُ أَبَدَۢا بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 2:95

    Nguni’t kailanman, ito ay hindi nila aasamin sanhi ng anumang [kasalanang] ginawa ng kanilang mga kamay. At Ganap na Nababatid ng Allah ang mga mapaggawa ng kamalian.

  96. وَلَتَجِدَنَّهُمۡ أَحۡرَصَ ٱلنَّاسِ عَلَىٰ حَيَوٰةٖ وَمِنَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْۚ يَوَدُّ أَحَدُهُمۡ لَوۡ يُعَمَّرُ أَلۡفَ سَنَةٖ وَمَا هُوَ بِمُزَحۡزِحِهِۦ مِنَ ٱلۡعَذَابِ أَن يُعَمَّرَۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 2:96

    At katiyakan, matatagpuan mo na sila ang pinakasakim na tao sa buhay, higit [ang kasakiman] kaysa sa mga mushrik. Ang isa sa kanila ay naghahangad na siya ay pagkalooban ng isang libong taong buhay. Subali’t ito ay hindi makapagpapalayo sa kanya kamunti man mula sa parusa, na siya ay binigyan nang gayong [haba ng] buhay. Ang Allah ay Lubos na Nakakikita sa anumang kanilang ginagawa.

  97. قُلۡ مَن كَانَ عَدُوّٗا لِّـجِبۡرِيلَ فَإِنَّهُۥ نَزَّلَهُۥ عَلَىٰ قَلۡبِكَ بِإِذۡنِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَهُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 2:97

    Sabihin, “Sinuman ang kaaway ng [Anghel] Gabriel – siya [at wala ng iba] ang nagpahayag nito [ng Qur’an] sa iyong puso sa kapahintulutan ng Allah; isang pagpapatunay ng anumang [Kasulatang] nauna rito at [nagsisilbing] patnubay at magandang balita para sa mga naniniwala.”

  98. مَن كَانَ عَدُوّٗا لِّلَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَرُسُلِهِۦ وَجِبۡرِيلَ وَمِيكَىٰلَ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَدُوّٞ لِّلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 2:98

    Sinuman ang kaaway ng Allah, at ng Kanyang mga anghel, at ng Kanyang mga sugo, at ng [mga anghel na] Gabriel at Mikael, magkagayon, katotohanan, ang Allah ay kaaway ng mga di-naniniwala.

  99. وَلَقَدۡ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖۖ وَمَا يَكۡفُرُ بِهَآ إِلَّا ٱلۡفَٰسِقُونَ

    Open ayah 2:99

    At katiyakan, Aming ipinahayag sa iyo [O Muhammad] ang mga ayaat [talata ng Qur’an, bilang] malilinaw na katibayan. At walang hindi maniniwala sa mga ito maliban ang mga suwail.

  100. أَوَكُلَّمَا عَٰهَدُواْ عَهۡدٗا نَّبَذَهُۥ فَرِيقٞ مِّنۡهُمۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ 

    Open ayah 2:100

    Hindi nga ba sa bawa’t pagkakataon na kanilang tanggapin ang isang kasunduan, ito ay ipinagwawalang-halaga [lamang] ng isang pangkat sa kanila? Nguni’t [ang katotohanan nito], karamihan sa kanila ay hindi [tunay na] naniniwala.

  101. وَلَمَّا جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٞ لِّمَا مَعَهُمۡ نَبَذَ فَرِيقٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ كِتَٰبَ ٱللَّهِ وَرَآءَ ظُهُورِهِمۡ كَأَنَّهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 2:101

    At nang ang isang sugo [si Muhammad] na nagmula sa Allah ay dumating sa kanila na nagpapatunay sa anumang [Kasulatang] nasa sa kanila, ang isang pangkat niyaong mga pinagkalooban ng Kasulatan ay winalang-halaga ang Aklat ng Allah na wari bang hindi nila nalalaman [ang nilalaman nito].

  102. وَٱتَّبَعُواْ مَا تَتۡلُواْ ٱلشَّيَٰطِينُ عَلَىٰ مُلۡكِ سُلَيۡمَٰنَۖ وَمَا كَفَرَ سُلَيۡمَٰنُ وَلَٰكِنَّ ٱلشَّيَٰطِينَ كَفَرُواْ يُعَلِّمُونَ ٱلنَّاسَ ٱلسِّحۡرَ وَمَآ أُنزِلَ عَلَى ٱلۡمَلَكَيۡنِ بِبَابِلَ هَٰرُوتَ وَمَٰرُوتَۚ وَمَا يُعَلِّمَانِ مِنۡ أَحَدٍ حَتَّىٰ يَقُولَآ إِنَّمَا نَحۡنُ فِتۡنَةٞ فَلَا تَكۡفُرۡۖ فَيَتَعَلَّمُونَ مِنۡهُمَا مَا يُفَرِّقُونَ بِهِۦ بَيۡنَ ٱلۡمَرۡءِ وَزَوۡجِهِۦۚ وَمَا هُم بِضَآرِّينَ بِهِۦ مِنۡ أَحَدٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَيَتَعَلَّمُونَ مَا يَضُرُّهُمۡ وَلَا يَنفَعُهُمۡۚ وَلَقَدۡ عَلِمُواْ لَمَنِ ٱشۡتَرَىٰهُ مَا لَهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنۡ خَلَٰقٖۚ وَلَبِئۡسَ مَا شَرَوۡاْ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمۡۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 2:102

    At [sa halip], kanilang sinunod ang anumang binigkas ng mga demonyo [noong panahon] ng paghahari ni Solomon. Hindi si Solomon ang di-naniwala subali’t ang mga demonyo ang mga di-naniwala, sila [mga demonyo] ang nagturo sa mga tao ng salamangka at ng anumang ibinaba sa Babila [Babylonia] sa dalawang anghel na sina Harut at Marut, subali’t sila [ang dalawang anghel] ay hindi nagturo sa sinuman [nang gayong salamangka] hanggang hindi sila nakapagsasabi [bilang babala na]: “Kami [sa pamamagitan ng pagsasanay ng salamangka].” At sila ay natuto mula sa kanilang dalawa ng anumang pamamaraang maaaring magdulot ng paghihiwalay sa pagitan ng lalaki at ng kanyang asawa. Subali’t sila ay walang magagawang pinsala sa sinuman sa pamamagitan nito maliban sa kapahintulutan ng Allah. At sila [mga tao] ay natuto ng anumang nakapipinsala sa kanila at hindi nakabubuti sa kanila. At katotohanan, sila [mga anak ni Israel] ay nakababatid na sinumang kumalakal nito [ng salamangka] ay walang [nakalaang mabuting] bahagi sa kabilang buhay. Sadyang napakasama ng anumang kanilang ipinagbili [ipinagpalit] para sa kanilang mga sarili, kung ito ay kanila lamang nababatid!

  103. وَلَوۡ أَنَّهُمۡ ءَامَنُواْ وَٱتَّقَوۡاْ لَمَثُوبَةٞ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ خَيۡرٞۚ لَّوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 2:103

    At kung sila ay naniwala lamang at kinatakutan [ang Allah], marahil ang gantimpalang nagmumula sa Allah ay higit sanang mainam [kaysa sa pagsasanay ng salamangka] kung ito ay kanila lamang nababatid.

  104. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقُولُواْ رَٰعِنَا وَقُولُواْ ٱنظُرۡنَا وَٱسۡمَعُواْۗ وَلِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٞ 

    Open ayah 2:104

    O kayong mga naniwala, huwag ninyong sabihin [sa sugo] ang “Raina” subali’t ang inyong sabihin ay “Undhurna” at kayo ay makinig [sa kanya]. At para sa mga di-naniniwala, [nakalaan para sa kanila ang] isang kasakit-sakit na parusa.

  105. مَّا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ وَلَا ٱلۡمُشۡرِكِينَ أَن يُنَزَّلَ عَلَيۡكُم مِّنۡ خَيۡرٖ مِّن رَّبِّكُمۡۚ وَٱللَّهُ يَخۡتَصُّ بِرَحۡمَتِهِۦ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ 

    Open ayah 2:105

    Hindi hahangarin niyaong mga di-naniniwala mula sa Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] at ng mga mushrik na mayroong ibababang anumang kabutihan para sa inyo [mga Muslim] mula sa inyong Panginoon. Subali’t pinipili ng Allah para sa Kanyang habag ang sinumang Kanyang nais, at ang Allah ang Siyang may Tangan ng dakilang biyaya.

  106. ۞مَا نَنسَخۡ مِنۡ ءَايَةٍ أَوۡ نُنسِهَا نَأۡتِ بِخَيۡرٖ مِّنۡهَآ أَوۡ مِثۡلِهَآۗ أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ 

    Open ayah 2:106

    Hindi Namin sinususugan ang isang ayah [kapahayagan o batas] o hinahayaang malimutan maliban na Kami ay nagdadala ng [isang] nakahihigit pa rito o katulad nito Hindi mo ba nalalaman na ang Allah ay Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay?

  107. أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ 

    Open ayah 2:107

    Hindi mo ba nalalaman na nasa Allah ang [pagmamay-ari ng] kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan, at [na] bukod sa Allah, kayo ay walang [matatagpuang] wali [o tagapangalaga] o ng makatutulong?

  108. أَمۡ تُرِيدُونَ أَن تَسۡـَٔلُواْ رَسُولَكُمۡ كَمَا سُئِلَ مُوسَىٰ مِن قَبۡلُۗ وَمَن يَتَبَدَّلِ ٱلۡكُفۡرَ بِٱلۡإِيمَٰنِ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ 

    Open ayah 2:108

    O nais ba ninyong magtanong sa inyong sugo [kay Muhammad] tulad ng kanilang pagtatanong kay Moises noon. At sinumang ipinagpalit ang Eeman [pananampalataya] para sa kawalan ng paniniwala, katiyakan, na siya ay napaligaw mula sa patag [o matuwid] na landas.

  109. وَدَّ كَثِيرٞ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَوۡ يَرُدُّونَكُم مِّنۢ بَعۡدِ إِيمَٰنِكُمۡ كُفَّارًا حَسَدٗا مِّنۡ عِندِ أَنفُسِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡحَقُّۖ فَٱعۡفُواْ وَٱصۡفَحُواْ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ ٱللَّهُ بِأَمۡرِهِۦٓۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ 

    Open ayah 2:109

    At karamihan sa Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] ay naghahangad na kayo ay kanilang maibalik sa pagiging di-naniniwala pagkaraang kayo ay naniwala [sa Allah] sanhi ng paninibugho mula sa kanilang mga sarili, [kahit] pagkaraang naging malinaw para sa kanila ang katotohanan. Kaya, kayo ay [matutong] magpatawad at magpaumanhin hanggang iparating ng Allah ang Kanyang Kautusan. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay.

  110. وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ 

    Open ayah 2:110

    At magsagawa kayo ng pagdarasal at magbigay ng kawanggawa. At anuman ang inyong inilabas [ibinigay] na kabutihan para sa inyong mga sarili, ito ay inyong matatagpuan sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na nakikita ang anumang inyong ginagawa.

  111. وَقَالُواْ لَن يَدۡخُلَ ٱلۡجَنَّةَ إِلَّا مَن كَانَ هُودًا أَوۡ نَصَٰرَىٰۗ تِلۡكَ أَمَانِيُّهُمۡۗ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 2:111

    At sila ay nagsabi:“Walang sinuman ang makapapasok sa Paraiso maliban na siya ay isang Hudyo o isang Kristiyano.” Iyon ay kanilang mapagnasang saloobin [lamang]. Sabihin: “Magpakita kayo ng inyong patunay kung [tunay ngang] kayo ay makatotohanan.”

  112. بَلَىٰۚ مَنۡ أَسۡلَمَ وَجۡهَهُۥ لِلَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ فَلَهُۥٓ أَجۡرُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

    Open ayah 2:112

    Bagkus [ang katunayan nito] sinuman ang isinuko [o itinalima] ang kanyang mukha [o sarili] sa Allah at siya ay mapaggawa ng kabutihan, para sa kanya ay gantimpalang nagmumula sa kanyang Panginoon. Sila ay walang [mararanasang] pangamba at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.

  113. وَقَالَتِ ٱلۡيَهُودُ لَيۡسَتِ ٱلنَّصَٰرَىٰ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَقَالَتِ ٱلنَّصَٰرَىٰ لَيۡسَتِ ٱلۡيَهُودُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَهُمۡ يَتۡلُونَ ٱلۡكِتَٰبَۗ كَذَٰلِكَ قَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ مِثۡلَ قَوۡلِهِمۡۚ فَٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

    Open ayah 2:113

    Ang mga Hudyo ay nagsasabi na ang mga Kristiyano ay walang bagay na mapaninindigan at ang mga Kristiyano ay nagsasabi na ang mga Hudyo ay walang bagay na mapaninindigan, samantalang sila ay kapwa bumibigkas ng [kani-kanilang] Kasulatan. Ganyan din yaong [mga pagano na] walang nalalaman, sila ay nagsasabi ng mga pananalitang nakakatulad nila. Kaya, ang Allah ay Siyang maghahatol sa kanilang pagitan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli hinggil sa anumang kanilang lagi nang ipinagkakaiba.

  114. وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن مَّنَعَ مَسَٰجِدَ ٱللَّهِ أَن يُذۡكَرَ فِيهَا ٱسۡمُهُۥ وَسَعَىٰ فِي خَرَابِهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ مَا كَانَ لَهُمۡ أَن يَدۡخُلُوهَآ إِلَّا خَآئِفِينَۚ لَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 2:114

    At sino ba ang mapaggawa ng kamalian na nakahihigit kaysa sa kanila na nagbabawal na ang pangalan ng Allah ay banggitin sa Kanyang mga masjid at nagsisikap na ang mga ito ay sirain? Sila yaong mga hindi nakapapasok sa mga [pook na] ito maliban sa pangamba. Para sa kanila ay kahihiyan sa mundong ito at para sa kanila ay malaking parusa sa kabilang buhay.

  115. وَلِلَّهِ ٱلۡمَشۡرِقُ وَٱلۡمَغۡرِبُۚ فَأَيۡنَمَا تُوَلُّواْ فَثَمَّ وَجۡهُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:115

    At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] silangan at kanluran, kaya saanman kayo bumaling ay naroroon ang Mukha ng Allah. Katotohanan, nasasaklawan ng Allah [ang lahat], Maalam.

  116. وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۖ بَل لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ كُلّٞ لَّهُۥ قَٰنِتُونَ

    Open ayah 2:116

    At sila [mga Hudyo, Kristiyano at pagano] ay nagsabi:‘Ang Allah ay may anak na lalaki.’ Luwalhati sa Kanya! [Bagkus] sa Kanya ang anumang nasa mga kalangitan at ang anumang nasa kalupaan at ang lahat ay masunurin sa Kanya.

  117. بَدِيعُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَإِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

    Open ayah 2:117

    [Siya ang] Tagapagsimula ng mga kalangitan at ng kalupaan. Kapag Kanyang itakda ang isang pangyayari [o bagay], Siya ay magsasabi lamang ng: Kun ‘[mangyari] kaya mangyayari nga.’

  118. وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ لَوۡلَا يُكَلِّمُنَا ٱللَّهُ أَوۡ تَأۡتِينَآ ءَايَةٞۗ كَذَٰلِكَ قَالَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّثۡلَ قَوۡلِهِمۡۘ تَشَٰبَهَتۡ قُلُوبُهُمۡۗ قَدۡ بَيَّنَّا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يُوقِنُونَ

    Open ayah 2:118

    At yaong mga walang nalalaman ay nagsasabi: “Bakit ang Allah ay hindi mangusap sa amin o magkaloob ng palatandaan sa amin?” Ganyan din magsalita yaong mga nauna sa kanila tulad ng kanilang mga pananalita. Ang kanilang mga puso ay magkakatulad sa isa’t isa. Katiyakan, Aming ipinakita nang malinaw ang mga ayaat [tanda] para sa mga taong may katiyakan [sa pananampalataya].

  119. إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗاۖ وَلَا تُسۡـَٔلُ عَنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡجَحِيمِ

    Open ayah 2:119

    Katotohanan, ikaw ay Aming isinugo [O Muhammad] sa katotohanan, bilang isang tagapaghatid ng magagandang balita at isang tagapagbabala. At ikaw ay hindi tatanungin tungkol sa mga maninirahan sa nagliliyab na Apoy.

  120. وَلَن تَرۡضَىٰ عَنكَ ٱلۡيَهُودُ وَلَا ٱلنَّصَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَتَّبِعَ مِلَّتَهُمۡۗ قُلۡ إِنَّ هُدَى ٱللَّهِ هُوَ ٱلۡهُدَىٰۗ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم بَعۡدَ ٱلَّذِي جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ 

    Open ayah 2:120

    At kailanman, ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay hindi masisiyahan sa iyo hanggang ikaw ay hindi sumunod sa kanilang relihiyon. Sabihin: “Katotohanan, ang patnubay ng Allah ang siyang tanging patnubay.” At kung ikaw ay sumunod sa kanilang mga pagnanasa pagkaraang dumating sa iyo ang kaalaman [ng Qur’an], ikaw ay walang wali [tagapangalaga] at walang makakatulong [laban sa poot ng Allah].

  121. ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَتۡلُونَهُۥ حَقَّ تِلَاوَتِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

    Open ayah 2:121

    Yaong Aming mga pinagkalooban ng Aklat ay kanilang binibigkas ito [ang Qur’an] nang may tamang pagbigkas , sila yaong [tunay na] naniwala rito. At sinuman ang hindi naniwala rito, sila yaong mga talunan [o nawalan].

  122. يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتِيَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ وَأَنِّي فَضَّلۡتُكُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 2:122

    O mga anak ni Israel, inyong alalahanin ang iginawad Kong pagpapala sa inyo at kayo ay Aking biniyayaan [o pinahalagahan] nang higit sa lahat [ng mga nilikha sa inyong kapanahunan].

  123. وَٱتَّقُواْ يَوۡمٗا لَّا تَجۡزِي نَفۡسٌ عَن نَّفۡسٖ شَيۡـٔٗا وَلَا يُقۡبَلُ مِنۡهَا عَدۡلٞ وَلَا تَنفَعُهَا شَفَٰعَةٞ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ

    Open ayah 2:123

    At inyong katakutan ang Araw [ng Paghuhukom] na walang kaluluwa ang makaaasa sa iba ng anupaman, at walang kabayaran [pantubos o pamalit] ang maaaring tanggapin mula sa sinuman, at walang tagapamagitan ang makapagbibigay-buti sa kanya at sila ay hindi matutulungan.

  124. ۞وَإِذِ ٱبۡتَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِـۧمَ رَبُّهُۥ بِكَلِمَٰتٖ فَأَتَمَّهُنَّۖ قَالَ إِنِّي جَاعِلُكَ لِلنَّاسِ إِمَامٗاۖ قَالَ وَمِن ذُرِّيَّتِيۖ قَالَ لَا يَنَالُ عَهۡدِي ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 2:124

    At [banggitin mo] nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon ng mga salita [o kautusan] at kanyang tinupad ang mga ito. Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Katotohanan, ikaw ay Aking gagawing isang imam [pinuno] para sa mga tao.” Siya [si Abraham] ay nagsabi: “At mula rin sa aking mga inapo?” Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Hindi kabilang sa Aking kasunduan ang mga mapaggawa ng kamalian.”

  125. وَإِذۡ جَعَلۡنَا ٱلۡبَيۡتَ مَثَابَةٗ لِّلنَّاسِ وَأَمۡنٗا وَٱتَّخِذُواْ مِن مَّقَامِ إِبۡرَٰهِـۧمَ مُصَلّٗىۖ وَعَهِدۡنَآ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ أَن طَهِّرَا بَيۡتِيَ لِلطَّآئِفِينَ وَٱلۡعَٰكِفِينَ وَٱلرُّكَّعِ ٱلسُّجُودِ

    Open ayah 2:125

    At [banggitin mo] nang Aming ginawa ang bahay-dalanginan [ang Ka’bah] bilang pook ng pagbabalik [kanlungan at pagdalaw] para sa sangkatauhan at [isang pook ng] kaligtasan at inyong ituring mula sa kinatatayuan ni Abraham ang isang pook ng dalanginan. At Aming iniatas kina Abraham at Ismael, [na kanilang pangasiwaan ito at naghabiling], “Inyong padalisayin ang Aking bahay-dalanginan para sa mga nagsisiikot [tawaf] dito at sa mga nananatili [rito para sa pagsamba], at sa mga nagsisiyuko at nagpapatirapa [sa pagdarasal].”

  126. وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ رَبِّ ٱجۡعَلۡ هَٰذَا بَلَدًا ءَامِنٗا وَٱرۡزُقۡ أَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ مَنۡ ءَامَنَ مِنۡهُم بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ قَالَ وَمَن كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُۥ قَلِيلٗا ثُمَّ أَضۡطَرُّهُۥٓ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلنَّارِۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 2:126

    At [banggitin mo] nang sabihin ni Abraham:“Aking Panginoon, gawin Mo po ang Lungsod na ito [ang Makkah] bilang isang pook ng kaligtasan at pagkalooban Mo po ang mga mamamayan nito ng mga prutas – sinuman sa kanila ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw.” Siya [ang Allah] ay nagsabi: “At sinuman ang hindi naniniwala, siya ay Aking gagawaran ng isang panandaliang kasiyahan; pagkaraan, siya ay Aking pipilitin sa parusa ng Apoy, at sadyang napakasamang patutunguhan.”

  127. وَإِذۡ يَرۡفَعُ إِبۡرَٰهِـۧمُ ٱلۡقَوَاعِدَ مِنَ ٱلۡبَيۡتِ وَإِسۡمَٰعِيلُ رَبَّنَا تَقَبَّلۡ مِنَّآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

    Open ayah 2:127

    At [banggitin mo] nang itayo nina Abraham at [ng kanyang anak na si] Ismael ang haligi ng [sagradong] bahay-dalanginan [ang Ka’bah] [at sila ay nanalangin]: “Aming Panginoon, tanggapin Mo po [ang paglilingkod na] ito mula sa amin. Katotohanan, Ikaw ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.”

  128. رَبَّنَا وَٱجۡعَلۡنَا مُسۡلِمَيۡنِ لَكَ وَمِن ذُرِّيَّتِنَآ أُمَّةٗ مُّسۡلِمَةٗ لَّكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبۡ عَلَيۡنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 2:128

    “Aming Panginoon, [at] gawin Mo po kaming mga Muslim [na laging tumalima] sa Iyo at mula sa aming mga inapo ay isang pamayanang Muslim [na tumatalima] sa Iyo, at ipakita Mo po sa amin ang mga manasik [ng Hajj at Umrah] at tanggapin Mo po ang aming pagsisisi. [Sapagka’t] tunay na Ikaw ang tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.”

  129. رَبَّنَا وَٱبۡعَثۡ فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِكَ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَيُزَكِّيهِمۡۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 2:129

    “Aming Panginoon, at ipadala Mo po sa kanila ang isang sugo na magmumula sa kanilang [sariling lahi], na siyang magbibigkas sa kanila ng Iyong mga ayaat [kapahayagan] at magtuturo sa kanila ng Aklat [Qur’an] at ng karunungan at magpapadalisay sa kanila. Katotohanan, Ikaw ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.”

  130. وَمَن يَرۡغَبُ عَن مِّلَّةِ إِبۡرَٰهِـۧمَ إِلَّا مَن سَفِهَ نَفۡسَهُۥۚ وَلَقَدِ ٱصۡطَفَيۡنَٰهُ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ 

    Open ayah 2:130

    At sino nga ba ang lumilihis mula sa relihiyon [o paniniwala] ni Abraham maliban ang isang ginawang hangal ang kanyang sarili? Katiyakan, siya [si Abraham] ay Aming pinili sa mundong ito. At katotohanan sa kabilang buhay, siya ay kabilang sa [hanay ng] mga matutuwid.

  131. إِذۡ قَالَ لَهُۥ رَبُّهُۥٓ أَسۡلِمۡۖ قَالَ أَسۡلَمۡتُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 2:131

    [At banggitin mo] nang ang kanyang Panginoon [ang Allah] ay nagsabi sa kanya [kay Abraham], “Ikaw ay tumalima” siya ay nagsabi: “Ako ay tumalima [sa Islam bilang Muslim] sa Panginoon ng lahat ng mga nilikha.”

  132. وَوَصَّىٰ بِهَآ إِبۡرَٰهِـۧمُ بَنِيهِ وَيَعۡقُوبُ يَٰبَنِيَّ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰ لَكُمُ ٱلدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسۡلِمُونَ

    Open ayah 2:132

    At inihabilin ni Abraham sa kanyang mga anak [na gawin ang gayong pagtalimang ito] at [gayon din] si Hakob, [na nagsabing], “O aking mga anak na lalaki! Katotohanan, pinili ng Allah para sa inyo ang relihiyong ito [ang Islam], samakatwid, huwag kayong mamatay malibang kayo ay mga Muslim [na tumatalima sa Allah].”

  133. أَمۡ كُنتُمۡ شُهَدَآءَ إِذۡ حَضَرَ يَعۡقُوبَ ٱلۡمَوۡتُ إِذۡ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعۡبُدُونَ مِنۢ بَعۡدِيۖ قَالُواْ نَعۡبُدُ إِلَٰهَكَ وَإِلَٰهَ ءَابَآئِكَ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ إِلَٰهٗا وَٰحِدٗا وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ

    Open ayah 2:133

    O kayo ba ay naging saksi nang dumating kay Hakob ang kamatayan [paghihingalo]? Nang kanyang sabihin sa kanyang mga anak na lalaki: “Ano ang inyong sasambahin kung ako ay yumao na?” Sila ay nagsabi, “Aming sasambahin ang iyong Diyos, ang Diyos ng iyong mga ninunong sina Abraham, Ismael, Isaak, - tanging isang Diyos at sa Kanya, kami ay tumatalima [bilang Muslim].”

  134. تِلۡكَ أُمَّةٞ قَدۡ خَلَتۡۖ لَهَا مَا كَسَبَتۡ وَلَكُم مَّا كَسَبۡتُمۡۖ وَلَا تُسۡـَٔلُونَ عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 2:134

    Iyon ay isang pamayanan na lumipas na. Makakamit nito [ang bunga ng] anumang pinagsumikapan nito at inyo [ring] makakamit ang [bunga ng] anumang inyong pinagsumikapan. At kayo ay hindi tatanungin sa anumang kanilang lagi nang ginawa.

  135. وَقَالُواْ كُونُواْ هُودًا أَوۡ نَصَٰرَىٰ تَهۡتَدُواْۗ قُلۡ بَلۡ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِـۧمَ حَنِيفٗاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

    Open ayah 2:135

    At sila [mga Hudyo at Kristiyano] ay nagsabi: “Kayo ay maging mga Hudyo o mga Kristiyano upang kayo ay mapatnubayan.” Sabihin, “Hindi, [kami ay sumusunod] sa relihiyon ni Abraham, ang matwid [Hanifah sumasamba nang tuwiran sa Allah] at siya ay hindi kabilang sa mga mushrik.”

  136. قُولُوٓاْ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡنَا وَمَآ أُنزِلَ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَمَآ أُوتِيَ ٱلنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمۡ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ

    Open ayah 2:136

    Sabihin [O mga Muslim] : “Kami ay naniniwala sa Allah at sa anumang ipinahayag sa amin at sa anumang ipinahayag kina Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at sa tribu [asbat] at sa anumang [Kasulatang] ipinagkaloob kay Moises at kay Hesus, at sa anumang ipinagkaloob sa mga propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagbibigay ng pagtatangi [o kaibhan] sa pagitan ng sinuman sa kanila, at sa Kanya, kami ay tumatalima [bilang mga Muslim].”

  137. فَإِنۡ ءَامَنُواْ بِمِثۡلِ مَآ ءَامَنتُم بِهِۦ فَقَدِ ٱهۡتَدَواْۖ وَّإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا هُمۡ فِي شِقَاقٖۖ فَسَيَكۡفِيكَهُمُ ٱللَّهُۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

    Open ayah 2:137

    Kaya, kung sila ay naniniwalang tulad ng inyong paniniwala, magkagayon sila ay [matwid na] napatnubayan. Subali’t kung sila ay nagsitalikod, sila ay nasa [kalagayan ng] pagsasalungatan lamang. At ang Allah ay Sapat na para sa inyo laban sa kanila. At Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.

  138. صِبۡغَةَ ٱللَّهِ وَمَنۡ أَحۡسَنُ مِنَ ٱللَّهِ صِبۡغَةٗۖ وَنَحۡنُ لَهُۥ عَٰبِدُونَ

    Open ayah 2:138

    [At kayo ay manatili] sa relihiyon ng Allah [ang Islam] at sino ba ang nakahihigit kaysa sa Allah sa [pagtatakda ng] relihiyon? At kami ay sa Kanya [lamang] sumasamba.”

  139. قُلۡ أَتُحَآجُّونَنَا فِي ٱللَّهِ وَهُوَ رَبُّنَا وَرَبُّكُمۡ وَلَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُخۡلِصُونَ

    Open ayah 2:139

    Sabihin [sa kanila O Muhammad], “Kayo ba ay makikipagtalo sa amin tungkol sa Allah samantalang Siya ang aming Panginoon at inyong Panginoon? At para sa amin ang aming mga gawa at para sa inyo ang inyong mga gawa. At kami ay matapat [sa gawa at layunin] para sa Kanya.”

  140. أَمۡ تَقُولُونَ إِنَّ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطَ كَانُواْ هُودًا أَوۡ نَصَٰرَىٰۗ قُلۡ ءَأَنتُمۡ أَعۡلَمُ أَمِ ٱللَّهُۗ وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَتَمَ شَهَٰدَةً عِندَهُۥ مِنَ ٱللَّهِۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ 

    Open ayah 2:140

    O kayo ba ay nagsasabi na sina Abraham, Ismael, Isaak, at Hakob at ang tribu [asbat] ay mga Hudyo o mga Kristiyano? Sabihin: “Kayo ba ay higit na maalam o ang Allah? At sino nga ba ang nakahihigit sa paggawa ng kamalian kaysa sa isang nagtatago ng pagsaksing nasa sa kanya mula sa Allah? At walang hindi nababatid ang Allah sa anumang inyong mga ginagawa [maging ito man ay mabuti o masama].”

  141. تِلۡكَ أُمَّةٞ قَدۡ خَلَتۡۖ لَهَا مَا كَسَبَتۡ وَلَكُم مَّا كَسَبۡتُمۡۖ وَلَا تُسۡـَٔلُونَ عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 2:141

    Iyon ay isang pamayanang lumipas na. Makakamit nito [ang bunga ng] anumang pinagsumikapan nito, at inyo [ring] makakamit ang [bunga ng] anumang inyong pinagsumikapan. At kayo ay hindi tatanungin sa anumang kanilang lagi nang ginawa.

  142. ۞سَيَقُولُ ٱلسُّفَهَآءُ مِنَ ٱلنَّاسِ مَا وَلَّىٰهُمۡ عَن قِبۡلَتِهِمُ ٱلَّتِي كَانُواْ عَلَيۡهَاۚ قُل لِّلَّهِ ٱلۡمَشۡرِقُ وَٱلۡمَغۡرِبُۚ يَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 2:142

    Ang mga hangal mula sa mga tao ay magsasabi: “Ano nga ba ang dahilan na sila ay tumalikod mula sa kanilang Qiblah [ng Herusalem] na dati nilang hinaharap [sa pagdarasal?]” Sabihin: “Sa Allah ang [pagmamay- ari ng] silangan at kanluran. Kanyang pinapatnubayan ang sinumang Kanyang nais tungo sa matuwid na landas.”

  143. وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَٰكُمۡ أُمَّةٗ وَسَطٗا لِّتَكُونُواْ شُهَدَآءَ عَلَى ٱلنَّاسِ وَيَكُونَ ٱلرَّسُولُ عَلَيۡكُمۡ شَهِيدٗاۗ وَمَا جَعَلۡنَا ٱلۡقِبۡلَةَ ٱلَّتِي كُنتَ عَلَيۡهَآ إِلَّا لِنَعۡلَمَ مَن يَتَّبِعُ ٱلرَّسُولَ مِمَّن يَنقَلِبُ عَلَىٰ عَقِبَيۡهِۚ وَإِن كَانَتۡ لَكَبِيرَةً إِلَّا عَلَى ٱلَّذِينَ هَدَى ٱللَّهُۗ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُضِيعَ إِيمَٰنَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 2:143

    At ganyan nga Namin kayo ginawang isang Ummatan Wasatan [makatarungang pamayanan] upang kayo ay maging saksi para sa mga tao, at ang Sugo [si Muhammad] ay maging saksi para sa inyo. At hindi Namin ginawa ang dating Qiblah na kung saan ikaw ay nakaharap maliban upang Aming subukan [o gawing malinaw] kung sino ang magsisisunod sa sugo [at] kung sino ang magsisitalikod sa kanilang mga yapak [mula sa Islam]. Katotohanan, ito [ang paglipat ng Qiblah mula sa Herusalem patungo sa Makkah] ay sadyang mabigat maliban sa kanila na napatnubayan ng Allah. At kailanman ay hindi hahayaan ng Allah na maglaho ang inyong Eeman [pananampalataya]. Katotohanan, ang Allah ay Mabait, Maawain sa sangkatauhan.

  144. قَدۡ نَرَىٰ تَقَلُّبَ وَجۡهِكَ فِي ٱلسَّمَآءِۖ فَلَنُوَلِّيَنَّكَ قِبۡلَةٗ تَرۡضَىٰهَاۚ فَوَلِّ وَجۡهَكَ شَطۡرَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَحَيۡثُ مَا كُنتُمۡ فَوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ شَطۡرَهُۥۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ لَيَعۡلَمُونَ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّهِمۡۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 2:144

    Katiyakan, Aming nakikita ang iyong [paulit-ulit na] pagbaling ng iyong mukha sa dakong langit [O Muhammad]. Katiyakan, ikaw ay Aming ibabaling sa isang Qiblah na iyong naiibigan [at hinahangad]. Kaya, ibaling mo ang iyong mukha sa dakong kinaroroonan ng Masjid Al Haram [sa Makkah]. At kahit saanman kayo naroroon, iharap ninyo ang inyong mga mukha sa dakong ito [sa pagdarasal]. At katotohanan, yaong mga Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] ay lubos na nakababatid na ito ay katotohanan mula sa kanilang Panginoon. At walang hindi nababatid ang Allah sa anumang kanilang mga ginagawa.

  145. وَلَئِنۡ أَتَيۡتَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ بِكُلِّ ءَايَةٖ مَّا تَبِعُواْ قِبۡلَتَكَۚ وَمَآ أَنتَ بِتَابِعٖ قِبۡلَتَهُمۡۚ وَمَا بَعۡضُهُم بِتَابِعٖ قِبۡلَةَ بَعۡضٖۚ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ إِنَّكَ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 2:145

    At kahit pa man iyong dalhin [o ipakita] sa mga pinagkalooban ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] ang lahat ng ayaat [o palatandaan], sila ay hindi susunod sa iyong Qiblah , [at] ikaw ay hindi tagasunod ng kanilang Qiblah. Sila ay hindi tagasunod ng Qiblah ng iba. Kaya, kung iyong sinunod ang kanilang mga [maling] pagnanasa pagkaraan ng anumang kaalamang dumating sa iyo [mula sa Allah], tunay na ikaw ay mapabibilang sa mga mapaggawa ng mga kamalian.

  146. ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَعۡرِفُونَهُۥ كَمَا يَعۡرِفُونَ أَبۡنَآءَهُمۡۖ وَإِنَّ فَرِيقٗا مِّنۡهُمۡ لَيَكۡتُمُونَ ٱلۡحَقَّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:146

    Yaong Aming mga pinagkalooban ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano], siya [si Muhammad] ay kanilang nakikilala tulad ng kanilang pagkilala sa kanilang sariling mga anak na lalaki; at ang katunayan [nito], ang isang pangkat sa kanila ay itinatago ang katotohanan bagaman [ito ay] kanilang nalalaman.

  147. ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُمۡتَرِينَ

    Open ayah 2:147

    Ang katotohanan ay nagmula sa iyong Panginoon, kaya, huwag kang makibilang sa mga mapag-alinlangan.

  148. وَلِكُلّٖ وِجۡهَةٌ هُوَ مُوَلِّيهَاۖ فَٱسۡتَبِقُواْ ٱلۡخَيۡرَٰتِۚ أَيۡنَ مَا تَكُونُواْ يَأۡتِ بِكُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

    Open ayah 2:148

    At bawa’t isa [pamayanan o relihiyon] ay isang direksiyon na kanilang hinaharap [sa pagdarasal]. Kaya, kayo ay mag-unahan sa [paggawa ng mga] kabutihan. Saanman kayo naroroon, kayong lahat ay titipunin ng Allah [sa paghuhukom]. Katotohanan, ang Allah ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.

  149. وَمِنۡ حَيۡثُ خَرَجۡتَ فَوَلِّ وَجۡهَكَ شَطۡرَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۖ وَإِنَّهُۥ لَلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 2:149

    At kahit saan ka mang pook lumalabas [para sa pagdarasal], ibaling mo ang iyong mukha sa dakong kinaroroonan ng Masjid Al Haram [sa Makkah]. Katiyakan, ito ay katotohanang nagmula sa iyong Panginoon. At walang hindi nababatid ang Allah sa anumang inyong ginagawa.

  150. وَمِنۡ حَيۡثُ خَرَجۡتَ فَوَلِّ وَجۡهَكَ شَطۡرَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَحَيۡثُ مَا كُنتُمۡ فَوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ شَطۡرَهُۥ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَيۡكُمۡ حُجَّةٌ إِلَّا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡ فَلَا تَخۡشَوۡهُمۡ وَٱخۡشَوۡنِي وَلِأُتِمَّ نِعۡمَتِي عَلَيۡكُمۡ وَلَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ 

    Open ayah 2:150

    At kahit saan ka mang pook lumalabas [para sa pagdarasal], ibaling mo ang iyong mukha sa dakong kinaroroonan ng Masjid Al Haram, at kahit saanman kayo naroroon, ibaling ninyo ang inyong mga mukha sa dako roon upang ang mga tao ay hindi magkaroon ng katibayan [o katuwiran] laban sa inyo, maliban yaong mga mapaggawa ng kamaliang kabilang sa kanila. Kaya, huwag silang katakutan bagkus Ako ang inyong katakutan. At [ito ay] upang Aking lubusin ang Aking pagpapala sa inyo upang sakali kayo ay mapatnubayan.

  151. كَمَآ أَرۡسَلۡنَا فِيكُمۡ رَسُولٗا مِّنكُمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِنَا وَيُزَكِّيكُمۡ وَيُعَلِّمُكُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَيُعَلِّمُكُم مَّا لَمۡ تَكُونُواْ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:151

    Tulad ng Aming pagpapadala sa inyo ng isang sugo na nagmula sa inyo [sa inyong lahi], binibigkas sa inyo ang Aming mga talata [ng Qur’an] at kayo ay pinadadalisay at kayo ay tinuturuan ng Aklat [ang Qur’an] at ng karunungan at kayo ay tinuturuan ng anumang [kaalamang] hindi ninyo [dating] nalalaman.

  152. فَٱذۡكُرُونِيٓ أَذۡكُرۡكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لِي وَلَا تَكۡفُرُونِ

    Open ayah 2:152

    Kaya, Ako ay inyong alalahanin [sa pamamagitan ng pagdarasal o pagpuri]; at kayo ay Aking aalalahanin. At magpasalamat kayo sa Akin at huwag ninyong ipagkaila [o itanggi ang Aking mga biyaya at pagpapala].

  153. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱسۡتَعِينُواْ بِٱلصَّبۡرِ وَٱلصَّلَوٰةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ

    Open ayah 2:153

    O kayong mga naniwala, humingi kayo ng tulong [sa Allah] sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na ang Allah ay lagi nang nasa [panig ng] mga matiisin.

  154. وَلَا تَقُولُواْ لِمَن يُقۡتَلُ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَمۡوَٰتُۢۚ بَلۡ أَحۡيَآءٞ وَلَٰكِن لَّا تَشۡعُرُونَ

    Open ayah 2:154

    At huwag ninyong sabihin na ang mga nasawi sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah na: “[Sila ay] mga patay.” [Hindi], bagkus sila ay mga buhay bagaman [ito ay] hindi ninyo namamalayan.

  155. وَلَنَبۡلُوَنَّكُم بِشَيۡءٖ مِّنَ ٱلۡخَوۡفِ وَٱلۡجُوعِ وَنَقۡصٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَنفُسِ وَٱلثَّمَرَٰتِۗ وَبَشِّرِ ٱلصَّٰبِرِينَ

    Open ayah 2:155

    At katiyakan, kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na nakakapangamba, gutom, kawalan ng yaman, buhay at mga pananim, subali’t magbigay ng magandang balita para sa mga matiisin.

  156. ٱلَّذِينَ إِذَآ أَصَٰبَتۡهُم مُّصِيبَةٞ قَالُوٓاْ إِنَّا لِلَّهِ وَإِنَّآ إِلَيۡهِ رَٰجِعُونَ

    Open ayah 2:156

    [Ang mga matiisin ay] yaong, kapag dinapuan ng pinsala ay nagsasabing: “Katotohanan, kami ay sa Allah [nagmula] at sa Kanya, kami ay [muling] magbabalik.”

  157. أُوْلَٰٓئِكَ عَلَيۡهِمۡ صَلَوَٰتٞ مِّن رَّبِّهِمۡ وَرَحۡمَةٞۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُهۡتَدُونَ

    Open ayah 2:157

    Sila yaong mga nagawaran ng salawaat [pagpapala at kapatawaran] mula sa kanilang Panginoon at ng [Kanyang] habag at sila yaong mga [matuwid na] napatnubayan.

  158. ۞إِنَّ ٱلصَّفَا وَٱلۡمَرۡوَةَ مِن شَعَآئِرِ ٱللَّهِۖ فَمَنۡ حَجَّ ٱلۡبَيۡتَ أَوِ ٱعۡتَمَرَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِ أَن يَطَّوَّفَ بِهِمَاۚ وَمَن تَطَوَّعَ خَيۡرٗا فَإِنَّ ٱللَّهَ شَاكِرٌ عَلِيمٌ

    Open ayah 2:158

    Katotohanan, ang [bundok ng] Safa at Marwah ay kabilang sa mga sagisag ng [relihiyon at pook ng sambahan para sa] Allah. Kaya, sinuman ang magsagawa ng Hajj o Umrah sa bahay-dalanginan, hindi [isang] pagkakasala para sa kanya ang maglakad sa mga [pagitan ng dalawang] ito. At sinuman ang magkusang-loob na gumawa ng kabutihan, magkagayon, katotohanan, ang Allah ay kumikilala [sa gawang kabutihan], Maalam.

  159. إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡتُمُونَ مَآ أَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلۡهُدَىٰ مِنۢ بَعۡدِ مَا بَيَّنَّٰهُ لِلنَّاسِ فِي ٱلۡكِتَٰبِ أُوْلَٰٓئِكَ يَلۡعَنُهُمُ ٱللَّهُ وَيَلۡعَنُهُمُ ٱللَّٰعِنُونَ

    Open ayah 2:159

    Katotohanan, yaong mga nagtatago ng anumang mga katibayan at patnubay na Aming ibinaba [o ipinahayag] pagkaraang ito ay Aming ginawang malinaw para sa mga tao sa Kasulatan, sila yaong mga isinumpa ng Allah at isinumpa ng mga manunumpa [mula sa lipon ng mga anghel at tao].

  160. إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ وَأَصۡلَحُواْ وَبَيَّنُواْ فَأُوْلَٰٓئِكَ أَتُوبُ عَلَيۡهِمۡ وَأَنَا ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ 

    Open ayah 2:160

    Maliban yaong mga nagsisi at itinuwid [ang pagkakamali] at ginawang malinaw [ang anumang kanilang itinatago]. Kaya, sila yaong Aking tatanggapin ang kanilang pagsisisi. At Ako ay Lagi nang Tumatanggap ng Pagsisisi, ang Maawain.

  161. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَمَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٌ أُوْلَٰٓئِكَ عَلَيۡهِمۡ لَعۡنَةُ ٱللَّهِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 2:161

    Katotohanan, yaong mga di-naniwala at nangamatay habang sila ay mga di-naniniwala, sila yaong isinumpa ng Allah, at ng mga anghel at ng sangkatauhan, lahat ay pinagsama.

  162. خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ

    Open ayah 2:162

    Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan, hindi pagagaanin para sa kanila ang parusa at sila ay hindi palulugitanan.

  163. وَإِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 2:163

    At ang inyong Diyos ay [tanging] isang Diyos, walang ibang diyos maliban sa Kanya, ang Mahabagin, ang Maawain.

  164. إِنَّ فِي خَلۡقِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَٱلۡفُلۡكِ ٱلَّتِي تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِمَا يَنفَعُ ٱلنَّاسَ وَمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن مَّآءٖ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَا وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةٖ وَتَصۡرِيفِ ٱلرِّيَٰحِ وَٱلسَّحَابِ ٱلۡمُسَخَّرِ بَيۡنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 2:164

    Katotohanan, sa pagkakalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at ng araw, at sa mga sasakyang-dagat na naglalayag sa [laot ng] karagatan na may dalang mga pakinabang para sa mga tao, at sa anumang ibinaba ng Allah mula sa kalangitan - ang tubig [o ulan] na nagbigay-buhay sa dati’y tigang na lupa at sa lahat [ng uri] ng mga nilikhang gumagala na Kanyang ikinalat doon at sa pagbabago [ng ihip] ng mga hangin at ng mga ulap na sunud-sunuran [sa Kanyang kautusan] sa pagitan ng kalangitan at ng kalupaan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga mamamayang nakauunawa.

  165. وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَتَّخِذُ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَندَادٗا يُحِبُّونَهُمۡ كَحُبِّ ٱللَّهِۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَشَدُّ حُبّٗا لِّلَّهِۗ وَلَوۡ يَرَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِذۡ يَرَوۡنَ ٱلۡعَذَابَ أَنَّ ٱلۡقُوَّةَ لِلَّهِ جَمِيعٗا وَأَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعَذَابِ

    Open ayah 2:165

    At kabilang sa sangkatauhan ay yaong mga nagtuturing sa iba bukod sa Allah bilang [Kanyang] mga kapantay. Kanilang minamahal ang mga ito tulad ng kanilang pagmamahal sa Allah. Nguni’t, yaong mga [tunay na] naniniwala ay higit na masidhi ang kanilang pagmamahal sa Allah. At kung nababatid lamang niyaong mga [taong] mapaggawa ng kamalian kapag kanilang masisilayan ang parusa; [kanilang mauunawaan] na ang lahat ng lakas ay sa [pagmamay-ari ng] Allah at ang Allah ay mahigpit sa parusa.

  166. إِذۡ تَبَرَّأَ ٱلَّذِينَ ٱتُّبِعُواْ مِنَ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُواْ وَرَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَ وَتَقَطَّعَتۡ بِهِمُ ٱلۡأَسۡبَابُ

    Open ayah 2:166

    [At dapat nilang isaalang-alang na] kapag yaong mga sinunod [na namuno] ay itinatwa yaong mga sumunod [sa kanila], at kanilang [lahat] masisilayan ang parusa, at [sa gayong kalagayan] ang kanilang bigkis [ng ugnayan] ay mapuputol,

  167. وَقَالَ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُواْ لَوۡ أَنَّ لَنَا كَرَّةٗ فَنَتَبَرَّأَ مِنۡهُمۡ كَمَا تَبَرَّءُواْ مِنَّاۗ كَذَٰلِكَ يُرِيهِمُ ٱللَّهُ أَعۡمَٰلَهُمۡ حَسَرَٰتٍ عَلَيۡهِمۡۖ وَمَا هُم بِخَٰرِجِينَ مِنَ ٱلنَّارِ

    Open ayah 2:167

    At yaong mga sumunod ay magsasabi: “Marahil kung kami ay may isa pang pagkakataon na muling makabalik [sa mundo], sila ay amin ding itatatwa tulad ng [ginawa nilang] pagtatwa sa amin.” Kaya, [tulad ng kung paano ipinakikta ng Allah sa kanila ang parusa] ipakikita rin ng Allah sa kanila ang kanilang mga gawain bilang mga pighati para sa kanila. At sila ay hindi makaaahon [makalalabas] mula sa Apoy.

  168. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ كُلُواْ مِمَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ حَلَٰلٗا طَيِّبٗا وَلَا تَتَّبِعُواْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٌ

    Open ayah 2:168

    O sangkatauhan, magsikain kayo mula sa anumang pinahihintulutan at mabubuti sa kalupaan at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng satanas. [Sapagka’t] katotohanan, siya ay isang hayag na kaaway para sa inyo.

  169. إِنَّمَا يَأۡمُرُكُم بِٱلسُّوٓءِ وَٱلۡفَحۡشَآءِ وَأَن تَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:169

    Kayo ay kanyang inuutusan [o inuudyukan] lamang sa kasamaan at kahalayan at upang kayo ay magsabi laban sa Allah ng anumang hindi ninyo nalalaman.

  170. وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ بَلۡ نَتَّبِعُ مَآ أَلۡفَيۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ءَابَآؤُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَهۡتَدُونَ 

    Open ayah 2:170

    At kapag sinasabi sa kanila: “Sumunod kayo sa anumang ipinahayag ng Allah.” Sila ay nagsasabi: “Hindi! Aming susundin ang anumang natagpuan naming sinusunod ng aming mga ninuno.” [Sabihin] “Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay walang anumang naunawaan at sila ay hindi napatnubayan?”

  171. وَمَثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ كَمَثَلِ ٱلَّذِي يَنۡعِقُ بِمَا لَا يَسۡمَعُ إِلَّا دُعَآءٗ وَنِدَآءٗۚ صُمُّۢ بُكۡمٌ عُمۡيٞ فَهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 2:171

    Ang kahalintulad niyaong mga di-naniniwala ay katulad ng isang sumisigaw sa [baka o tupa na] walang anumang naririnig maliban sa sigaw at tawag [na walang anumang nauunawaan sa sinasabi sa kanya]. [Sila ay] bingi, pipi at bulag. Kaya, sila ay hindi makaunawa.

  172. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لِلَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ

    Open ayah 2:172

    O kayong mga naniwala, magsikain kayo mula sa mga mabubuting panustos na Aming ipinagkaloob para sa inyo at maging mapagpasalamat sa Allah, kung tunay nga na Siya ang [Diyos na] inyong sinasamba.

  173. إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ بِهِۦ لِغَيۡرِ ٱللَّهِۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

    Open ayah 2:173

    Katotohanan, ang Kanyang ipinagbabawal lamang sa inyo ay ang [kumain ng laman ng] patay na hayop at dugo at laman ng baboy at ang anumang kinatay bilang alay sa iba bukod sa Allah. Nguni’t sinumang napilitan na hindi humigit sa kanyang pangangailangan at wala namang layon ng paglabag [sa hangganan nito], samakatwid, hindi [isang] pagkakasala para sa kanya. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  174. إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡتُمُونَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَشۡتَرُونَ بِهِۦ ثَمَنٗا قَلِيلًا أُوْلَٰٓئِكَ مَا يَأۡكُلُونَ فِي بُطُونِهِمۡ إِلَّا ٱلنَّارَ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ ٱللَّهُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ

    Open ayah 2:174

    Katotohanan, yaong mga nagtatago ng anumang [katotohanang] ibinaba [o ipinahayag] ng Allah sa Aklat at ipinagbili ito para sa murang halaga, sila yaong walang anumang kinakain sa loob ng kanilang mga tiyan maliban sa apoy. At sila ay hindi kakausapin ng Allah sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, at sila ay hindi padadalisayin [mula sa kanilang mga kasalanan] at para sa kanila ay isang mahapding parusa.

  175. أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلۡهُدَىٰ وَٱلۡعَذَابَ بِٱلۡمَغۡفِرَةِۚ فَمَآ أَصۡبَرَهُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ

    Open ayah 2:175

    Sila yaong ipinagbili sa kamalian ang [halaga ng] patnubay, at sa parusa ang [halaga ng] kapatawaran [ng Allah]. Kaya, sila ay sadyang napakamatiisin para sa [parusa ng] Apoy.

  176. ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ نَزَّلَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِي ٱلۡكِتَٰبِ لَفِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ

    Open ayah 2:176

    Iyan ang [nararapat sa kanila] sapagka’t ang Allah ay nagbaba [o nagpahayag] ng Aklat [ang Qur’an] sa katotohanan. At tunay na yaong mga nagkakaiba hinggil sa Aklat [ng Allah] ay nasa matinding pagsasalungatan.

  177. ۞لَّيۡسَ ٱلۡبِرَّ أَن تُوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ قِبَلَ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡبِرَّ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلۡكِتَٰبِ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ وَءَاتَى ٱلۡمَالَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ ذَوِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينَ وَٱبۡنَ ٱلسَّبِيلِ وَٱلسَّآئِلِينَ وَفِي ٱلرِّقَابِ وَأَقَامَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَى ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلۡمُوفُونَ بِعَهۡدِهِمۡ إِذَا عَٰهَدُواْۖ وَٱلصَّٰبِرِينَ فِي ٱلۡبَأۡسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَحِينَ ٱلۡبَأۡسِۗ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُتَّقُونَ

    Open ayah 2:177

    Hindi isang Birr [pagiging mabuti at matwid] na inyong ibaling ang inyong mga mukha sa dakong silangan at kanluran [sa pagdarasal] bagkus, ang Birr [pagiging mabuti at matwid] ay ang paniniwala sa Allah, at sa Huling Araw, at sa mga anghel, at sa Aklat, at sa mga propeta at ang pamamahagi ng yaman sa kabila ng pagmamahal dito, sa mga kamag- anakan, sa mga ulila at sa mga dukha at sa mga manlalakbay at sa mga humihingi [ng tulong] at ang pagpapalaya ng mga alipin, at ang pagsasagawa ng pagdarasal [Salaah] at ang pagbibigay ng kawanggawa [Zakaah at Sadaqah] at ang pagpapatupad ng kanilang mga kasunduan [tiwala at pangako] kapag sila ay nakipagkasundo at ang pagtitiis sa [gitna ng] pagdarahop at [malubhang] karamdaman at sa panahon ng pakikipaglaban. Sila yaong [kabilang sa] mga makatotohanan at sila yaong mga tunay na natatakot [sa Allah].

  178. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡقِصَاصُ فِي ٱلۡقَتۡلَىۖ ٱلۡحُرُّ بِٱلۡحُرِّ وَٱلۡعَبۡدُ بِٱلۡعَبۡدِ وَٱلۡأُنثَىٰ بِٱلۡأُنثَىٰۚ فَمَنۡ عُفِيَ لَهُۥ مِنۡ أَخِيهِ شَيۡءٞ فَٱتِّبَاعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَأَدَآءٌ إِلَيۡهِ بِإِحۡسَٰنٖۗ ذَٰلِكَ تَخۡفِيفٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَرَحۡمَةٞۗ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 2:178

    O kayong mga naniwala, itinatagubilin sa inyo ang Qisas [Batas ng Pagkapantay-pantay sa pagpataw ng parusa] sa kaso [o krimen] ng pagpatay: ang malaya para sa malaya, ang alipin para sa alipin, at ang babae para sa babae. Nguni’t sinuman ang nagpaumanhin [o nagpatawad] sa kanyang kapatid [na nakapatay] nang anupaman [bilang kapalit ng hatol na kamatayan], magkagayon, [ito ay] nararapat na sundan [ng magkabilang panig] ng mabuting asal [sa pagsingil ng kabayaran] at pagbayad sa kanya [ng kaukulang halaga para sa biktima]. Ito ay isang kaluwagan [para sa inyo] mula sa inyong Panginoon at isang habag. Subali’t sinuman ang lumabag [magtangka pang patayin ang nakapatay] pagkaraan niyan [ng pagtanggap ng kabayaran], para sa kanya ay isang mahapding parusa.

  179. وَلَكُمۡ فِي ٱلۡقِصَاصِ حَيَوٰةٞ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

    Open ayah 2:179

    At sa [Batas ng] Qisas ay may [kaligtasan ng] buhay para sa inyo, O kayong mga [taong] nagtataglay ng pang-unawa, upang sakali kayo ay matakot [sa Allah].

  180. كُتِبَ عَلَيۡكُمۡ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ إِن تَرَكَ خَيۡرًا ٱلۡوَصِيَّةُ لِلۡوَٰلِدَيۡنِ وَٱلۡأَقۡرَبِينَ بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُتَّقِينَ 

    Open ayah 2:180

    Itinatagubilin para sa inyo na kapag ang kamatayan ay nalalapit na sa [sinuman sa] inyo at mag-iiwan ng yaman, [siya ay nararapat na] gumawa ng Huling Habilin [Wasiyyah] para sa mga magulang at malalapit na kamag-anakan nang ayon sa paraang matwid. [Ito ay] isang tungkuling [iniatang] sa mga natatakot [sa Allah].

  181. فَمَنۢ بَدَّلَهُۥ بَعۡدَمَا سَمِعَهُۥ فَإِنَّمَآ إِثۡمُهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ يُبَدِّلُونَهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:181

    Kaya, sinuman ang magbago nito [ng Huling Habilin] pagkaraang ito ay kanyang marinig, ang kasalanan ay nakapataw lamang sa mga [taong] gumawa ng pagbabago nito. Katotohanan, ang Allah ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.

  182. فَمَنۡ خَافَ مِن مُّوصٖ جَنَفًا أَوۡ إِثۡمٗا فَأَصۡلَحَ بَيۡنَهُمۡ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 2:182

    Subali’t, kung pinangagambahan ng sinuman ang [ilang] pagkakamali o pagkakasala mula sa naghabilin at [pagkaraan ay] kanyang itinuwid ang anumang namagitan sa kanila [sa mga kinauukulan], siya ay hindi nagkasala [hinggil dito]. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, ang Maawain.

  183. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

    Open ayah 2:183

    O kayong mga naniwala, ang Sawm [pag-aayuno] ay itinatagubilin sa inyo tulad ng itinagubilin sa mga nauna sa inyo upang sakali kayo ay matakot [sa Allah nang may tunay na pagkatakot sa Kanya].

  184. أَيَّامٗا مَّعۡدُودَٰتٖۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٖ فَعِدَّةٞ مِّنۡ أَيَّامٍ أُخَرَۚ وَعَلَى ٱلَّذِينَ يُطِيقُونَهُۥ فِدۡيَةٞ طَعَامُ مِسۡكِينٖۖ فَمَن تَطَوَّعَ خَيۡرٗا فَهُوَ خَيۡرٞ لَّهُۥۚ وَأَن تَصُومُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:184

    [Ang pag-aayuno ay] para sa itinakdang bilang ng araw, kaya, sinuman sa inyo ang may karamdaman [sakit] o nasa paglalakbay [sa buwang ito], magkagayon ang [katumbas na] bilang ng pag-aayuno ay dapat [ding] tuparin sa ibang araw [bilang kabayaran sa pagliban]. At yaong mga [nakararanas ng kahirapan na] may kakayahan namang magbayad ng fidyah [kapalit ng di-pag-aayuno], sila ay nararapat magpakain ng isang dukha [sa bawa’t araw]. Subali’t, sinuman ang gumawa ng kusang kabutihan [nang ayon sa kanyang kakayahan], ito ay higit na makabubuti para sa kanya. At ang inyong pag-aayuno ay higit na mainam para sa inyo kung inyo lamang nalalaman [ang kahalagahan at kabutihan nito].

  185. شَهۡرُ رَمَضَانَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ فِيهِ ٱلۡقُرۡءَانُ هُدٗى لِّلنَّاسِ وَبَيِّنَٰتٖ مِّنَ ٱلۡهُدَىٰ وَٱلۡفُرۡقَانِۚ فَمَن شَهِدَ مِنكُمُ ٱلشَّهۡرَ فَلۡيَصُمۡهُۖ وَمَن كَانَ مَرِيضًا أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٖ فَعِدَّةٞ مِّنۡ أَيَّامٍ أُخَرَۗ يُرِيدُ ٱللَّهُ بِكُمُ ٱلۡيُسۡرَ وَلَا يُرِيدُ بِكُمُ ٱلۡعُسۡرَ وَلِتُكۡمِلُواْ ٱلۡعِدَّةَ وَلِتُكَبِّرُواْ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَىٰكُمۡ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 2:185

    Buwan ng Ramadhan [nang] ipinahayag ang Qur’an, [ito ay nagsisilbing] patnubay para sa sangkatauhan at [bilang] mga malilinaw na katibayan ng patnubay at pamantayan [sa pagitan ng wasto at mali]. Kaya, sinuman sa inyo ang nakatanaw sa [bagong buwan ng] buwan [ng Ramadhan], siya ay nararapat na mag-ayuno at sinuman ang may karamdaman o nasa paglalakbay, ang katumbas na bilang ng araw ng pag- aayuno sa ibang araw ay dapat tuparin [bilang kabayaran ng pagliban]. Hangad ng Allah na ito ay gawing magaan para sa inyo at hindi Niya hangaring ito ay gawing mahirap para sa inyo. At [hangad Niya] para sa inyo na buuin ang mga itinakdang araw [ng pag-aayuno] at upang inyong dakilain ang Allah para sa anumang Kanyang ipinatnubay sa inyo at upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat [sa Kanya].

  186. وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِي عَنِّي فَإِنِّي قَرِيبٌۖ أُجِيبُ دَعۡوَةَ ٱلدَّاعِ إِذَا دَعَانِۖ فَلۡيَسۡتَجِيبُواْ لِي وَلۡيُؤۡمِنُواْ بِي لَعَلَّهُمۡ يَرۡشُدُونَ

    Open ayah 2:186

    At kapag ang Aking mga alipin ay magtatanong sa iyo [O Muhammad] tungkol sa Akin. Tunay na Ako ay malapit [sa kanila]. Tinutugon Ko ang mga panalangin ng bawa't dumadalangin kapag siya ay nananalangin sa Akin [nang walang ibang tagapamagitan]. Kaya, hayaan silang tumugon sa Akin [sa pamamagitan ng pagsunod] at maniwala sa Akin, upang sakali sila ay [mapatnubayan] tumahak sa matuwid na landas.

  187. أُحِلَّ لَكُمۡ لَيۡلَةَ ٱلصِّيَامِ ٱلرَّفَثُ إِلَىٰ نِسَآئِكُمۡۚ هُنَّ لِبَاسٞ لَّكُمۡ وَأَنتُمۡ لِبَاسٞ لَّهُنَّۗ عَلِمَ ٱللَّهُ أَنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَخۡتَانُونَ أَنفُسَكُمۡ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡ وَعَفَا عَنكُمۡۖ فَٱلۡـَٰٔنَ بَٰشِرُوهُنَّ وَٱبۡتَغُواْ مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكُمُ ٱلۡخَيۡطُ ٱلۡأَبۡيَضُ مِنَ ٱلۡخَيۡطِ ٱلۡأَسۡوَدِ مِنَ ٱلۡفَجۡرِۖ ثُمَّ أَتِمُّواْ ٱلصِّيَامَ إِلَى ٱلَّيۡلِۚ وَلَا تُبَٰشِرُوهُنَّ وَأَنتُمۡ عَٰكِفُونَ فِي ٱلۡمَسَٰجِدِۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَقۡرَبُوهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ ءَايَٰتِهِۦ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ

    Open ayah 2:187

    Ipinahihintulot para sa inyo ang pakikipagtalik sa inyong mga asawa sa gabi ng pag-aayuno. Sila ay inyong mga saplot [sa katawan at panangga] at kayo ay saplot rin para sa kanila. Nababatid ng Allah na inyong palagiang dinaraya ang inyong mga sarili, kaya Kanyang tinanggap ang inyong pagsisisi at kayo ay Kanyang pinatawad. Samakatwid, ngayon, makipag-ugnay [o makipagtalik] kayo sa kanila at inyong hanapin ang anumang naitakda ng Allah para sa inyo [ang inyong magiging supling] at magsikain kayo at magsiinom hanggang ang puting hibla [o sinag] ng bukang liwayway ay maging malinaw sa inyo mula sa itim na hibla [ng dilim ng gabi], kaya inyong buuin ang pag-aayuno hanggang sa gabi [pagsapit ng takip-silim]. At huwag kayong makipag-ugnayan sa kanila [sa inyong mga asawa] habang kayo ay namamalagi sa masjid [para sa pagsamba]. Ito ang mga hangganan ng Allah, kaya, sila ay huwag ninyong lalapitan. Ganyan ginagawang malinaw ng Allah ang Kanyang ayaat [mga alituntunin] sa sangkatauhan upang sakali sila ay [matutong] matakot [sa Kanya].

  188. وَلَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَكُم بَيۡنَكُم بِٱلۡبَٰطِلِ وَتُدۡلُواْ بِهَآ إِلَى ٱلۡحُكَّامِ لِتَأۡكُلُواْ فَرِيقٗا مِّنۡ أَمۡوَٰلِ ٱلنَّاسِ بِٱلۡإِثۡمِ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:188

    At huwag ninyong kainin [lustayin o kamkamin] ang yaman ng iba [sa paraang] di-makatarungan o ipadala ito [bilang suhol] sa mga [taong] may katungkulan upang [sakali kayo ay kanilang tulungang] kamkamin ang isang bahagi ng yaman ng iba sa paraang makasalanan, samantalang inyong nalalaman [na ito ay bawal].

  189. ۞يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡأَهِلَّةِۖ قُلۡ هِيَ مَوَٰقِيتُ لِلنَّاسِ وَٱلۡحَجِّۗ وَلَيۡسَ ٱلۡبِرُّ بِأَن تَأۡتُواْ ٱلۡبُيُوتَ مِن ظُهُورِهَا وَلَٰكِنَّ ٱلۡبِرَّ مَنِ ٱتَّقَىٰۗ وَأۡتُواْ ٱلۡبُيُوتَ مِنۡ أَبۡوَٰبِهَاۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ

    Open ayah 2:189

    Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa mga bagong buwan. Sabihin: “Ito ay mga panukat ng panahon para sa sangkatauhan at para sa Hajj.” At hindi isang Birr [pagiging mabuti at matwid] na kayo ay pumasok mula sa likuran ng mga pamamahay subali’t ang pagiging matwid ay [katangian ng] isang may takot sa Allah. Kaya, magsipasok kayo sa mga [itinalagang] pintuan ng mga pamamahay nito at inyong katakutan ang Allah upang sakali kayo ay magtagumpay.

  190. وَقَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ يُقَٰتِلُونَكُمۡ وَلَا تَعۡتَدُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُعۡتَدِينَ 

    Open ayah 2:190

    At makipaglaban kayo sa Landas ng Allah sa mga [taong] nakikipaglaban [o umuusig] sa inyo subali’t huwag kayong lumabag [sa hangganan]. Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga [taong] mapanlabag.

  191. وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ ثَقِفۡتُمُوهُمۡ وَأَخۡرِجُوهُم مِّنۡ حَيۡثُ أَخۡرَجُوكُمۡۚ وَٱلۡفِتۡنَةُ أَشَدُّ مِنَ ٱلۡقَتۡلِۚ وَلَا تُقَٰتِلُوهُمۡ عِندَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ حَتَّىٰ يُقَٰتِلُوكُمۡ فِيهِۖ فَإِن قَٰتَلُوكُمۡ فَٱقۡتُلُوهُمۡۗ كَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 2:191

    At sila [mga di-naniniwalang nakikipagpatayan laban sa inyo] ay inyong pagpapatayin saanman ninyo sila matagpuan at sila ay inyong itaboy [sa pook na] kung saan kayo ay kanilang itinaboy. At ang fitnah [di- makatarungang pag-usig] ay higit na masama kaysa sa pagpatay. At huwag kayong makipaglaban sa kanila sa Masjid Al Haram [ang santuwaryo sa Makkah] hanggang sa sila ay [magpatiunang] makipaglaban sa inyo roon. Subali’t kung sila ay makikipaglaban sa inyo, magkagayon, sila ay inyong pagpapatayin. Iyan ang kabayaran para sa mga di- naniniwala.

  192. فَإِنِ ٱنتَهَوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 2:192

    Nguni’t, kung sila ay nagsitigil [sa kanilang pag-usig sa inyo], magkagayon, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  193. وَقَٰتِلُوهُمۡ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتۡنَةٞ وَيَكُونَ ٱلدِّينُ لِلَّهِۖ فَإِنِ ٱنتَهَوۡاْ فَلَا عُدۡوَٰنَ إِلَّا عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 2:193

    At makipaglaban sa kanila hanggang ang fitnah [di-makatarungang pag-usig] ay maglaho at ang relihiyon [o pagsamba] ay kilalanin [na ito ay] para lamang sa Allah. Nguni’t kung sila ay magsipagtigil, magkagayon walang [dapat na maganap na] poot kundi laban sa mga mapaggawa ng kamalian.

  194. ٱلشَّهۡرُ ٱلۡحَرَامُ بِٱلشَّهۡرِ ٱلۡحَرَامِ وَٱلۡحُرُمَٰتُ قِصَاصٞۚ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَٱعۡتَدُواْ عَلَيۡهِ بِمِثۡلِ مَا ٱعۡتَدَىٰ عَلَيۡكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 2:194

    Ang [pakikipaglaban sa] sagradong buwan ay para sa [nagawang paglabag sa] sagradong buwan, at para sa [lahat ng] mga paglabag ay may kaukulang Qisas [Batas ng Pagkapantay-pantay]. Kaya, sinuman ang sumalakay sa inyo, siya ay inyong salakaying tulad ng kanyang ginawang pananalakay sa inyo. At inyong katakutan ang Allah at inyong alalahanin na ang Allah ay nasa panig ng mga natatakot [sa Kanya].

  195. وَأَنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا تُلۡقُواْ بِأَيۡدِيكُمۡ إِلَى ٱلتَّهۡلُكَةِ وَأَحۡسِنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 2:195

    At gumugol kayo sa Landas ng Allah at huwag ninyong isadlak ang inyong [sariling] mga kamay tungo sa kapariwaraan [sa pamamagitan ng pag-iwas o pagkakait]. At gumawa kayo ng kabutihan. Tunay na ang Allah ay nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabutihan.

  196. وَأَتِمُّواْ ٱلۡحَجَّ وَٱلۡعُمۡرَةَ لِلَّهِۚ فَإِنۡ أُحۡصِرۡتُمۡ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۖ وَلَا تَحۡلِقُواْ رُءُوسَكُمۡ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ ٱلۡهَدۡيُ مَحِلَّهُۥۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوۡ بِهِۦٓ أَذٗى مِّن رَّأۡسِهِۦ فَفِدۡيَةٞ مِّن صِيَامٍ أَوۡ صَدَقَةٍ أَوۡ نُسُكٖۚ فَإِذَآ أَمِنتُمۡ فَمَن تَمَتَّعَ بِٱلۡعُمۡرَةِ إِلَى ٱلۡحَجِّ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۚ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖ فِي ٱلۡحَجِّ وَسَبۡعَةٍ إِذَا رَجَعۡتُمۡۗ تِلۡكَ عَشَرَةٞ كَامِلَةٞۗ ذَٰلِكَ لِمَن لَّمۡ يَكُنۡ أَهۡلُهُۥ حَاضِرِي ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

    Open ayah 2:196

    At inyong buuin ang [mga ritwal ng] Hajj at Umrah para sa Allah. Nguni’t kung kayo ay nahadlangan [ng di-maiwasang pangyayari] magkagayon, magdala kayo ng anumang madaling kuhanin [sa pag-aalay] ng hady [o kakataying hayop]. At huwag kayong mag-ahit ng inyong mga ulo hanggang ang hady ay dumating sa pook ng pagkakatayan. At sinuman sa inyo ang may sakit o karamdaman sa [bahagi ng] kanyang ulo [na kailangang ahitin, nararapat na] magbigay ng fidyah [pamalit o kabayaran] sa pamamagitan ng pag-aayuno [ng tatlong araw] o magbigay ng kawanggawa [i.e pagpapakain ng anim na dukha] o ng hady. At kapag kayo ay nasa ligtas na kalagayan samakatwid sinuman ang nagsagawa ng Umrah [sa mga panahon ng mga buwan ng Hajj] na sinundan ng Hajj [siya ay dapat na mag-alay ng] anupamang madaling kuhanin na hady, nguni’t sinuman ang walang mapagkukunan, ay nararapat na mag-ayuno ng tatlong araw sa panahon ng Hajj at ng pitong araw kapag nakabalik na [sa sariling tahanan], iyan ay kabuuang sampung araw. Ito ay nauukol sa sinuman na ang mag-anak ay wala sa kinasasakupan ng Masjid Al Haram [hindi naninirahan sa Makkah]. At inyong katakutan ang Allah at inyong alalahanin na ang Allah ay mahigpit sa pagpaparusa.

  197. ٱلۡحَجُّ أَشۡهُرٞ مَّعۡلُومَٰتٞۚ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ ٱلۡحَجَّ فَلَا رَفَثَ وَلَا فُسُوقَ وَلَا جِدَالَ فِي ٱلۡحَجِّۗ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ يَعۡلَمۡهُ ٱللَّهُۗ وَتَزَوَّدُواْ فَإِنَّ خَيۡرَ ٱلزَّادِ ٱلتَّقۡوَىٰۖ وَٱتَّقُونِ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ

    Open ayah 2:197

    Ang Hajj ay [itinakda] sa mga kilalang buwan. Kaya, sinuman ang maglayong magsagawa ng Hajj doon [sa pamamagitan ng pagpasok sa kalayagan ng Ihram] magkagayon, siya ay hindi dapat makipagtalik [sa kanyang mga asawa], huwag gumawa ng mga kasalanan o makipagtalo [na magdudulot ng away o poot] sa panahon ng Hajj. At anumang kabutihan ang inyong gagawin [katiyakang] ito ay nababatid ng Allah [at gagantimpalaan ng kabutihan]. At magdala kayo ng inyong baon [para sa inyong paglalakbay] subali’t ang pinakamabuting baon ay ang [inyong] taqwa [pagkatakot sa Allah]. At matakot sa Akin O kayong mga taong nagtataglay ng pang-unawa.

  198. لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَبۡتَغُواْ فَضۡلٗا مِّن رَّبِّكُمۡۚ فَإِذَآ أَفَضۡتُم مِّنۡ عَرَفَٰتٖ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ عِندَ ٱلۡمَشۡعَرِ ٱلۡحَرَامِۖ وَٱذۡكُرُوهُ كَمَا هَدَىٰكُمۡ وَإِن كُنتُم مِّن قَبۡلِهِۦ لَمِنَ ٱلضَّآلِّينَ

    Open ayah 2:198

    Hindi [isang] pagkakasala sa inyo kung kayo ay humanap ng biyaya ng inyong Panginoon [sa panahon ng Hajj sa pamamagitan ng kalakalan]. Subali’t kung kayo ay lumisan mula sa [kapatagan ng] Arafat, inyong alalahanin ang Allah [sa pamamagitan ng pagbubunyi sa Kanyang Papuri] sa Mash’ar il Haram. At Siya ay inyong alalahanin, na kayo ay Kanyang pinatnubayan. At katotohanan, kayo, noon, ay [dating] kabilang sa mga nangaligaw.

  199. ثُمَّ أَفِيضُواْ مِنۡ حَيۡثُ أَفَاضَ ٱلنَّاسُ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 2:199

    Pagkaraan, kayo ay lumisan mula sa pook [ng Muzdalifah] na kung saan ang lahat ng tao ay lumilisan at kayo ay magsumamo ng kapatawaran sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, ang Maawain.

  200. فَإِذَا قَضَيۡتُم مَّنَٰسِكَكُمۡ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَذِكۡرِكُمۡ ءَابَآءَكُمۡ أَوۡ أَشَدَّ ذِكۡرٗاۗ فَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ رَبَّنَآ ءَاتِنَا فِي ٱلدُّنۡيَا وَمَا لَهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنۡ خَلَٰقٖ 

    Open ayah 2:200

    Kaya kapag inyong nabuo na ang inyong manasik, inyong alalahanin ang Allah tulad ng inyong pag-alaala sa inyong mga ninuno o higit pang pag-alaala. Subali’t kabilang sa sangkatauhan ay ang isang nagsasabi [at nananalanging]:“Aming Panginoon, ipagkaloob Mo po sa amin sa mundong ito [ang yaman at mga anak],” subali’t siya ay walang [matatamong anumang mabuting] bahagi sa kabilang buhay.

  201. وَمِنۡهُم مَّن يَقُولُ رَبَّنَآ ءَاتِنَا فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ حَسَنَةٗ وَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ 

    Open ayah 2:201

    At kabilang sa kanila ay isang nagsasabing: “Aming Panginoon ipagkaloob Mo po sa amin ang kabutihan ng mundong ito at kabutihan ng kabilang buhay at iligtas Mo po kami sa parusa ng Apoy.”

  202. أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ نَصِيبٞ مِّمَّا كَسَبُواْۚ وَٱللَّهُ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ 

    Open ayah 2:202

    Sila yaong magtatamo ng [mabuting] bahagi para sa anumang kanilang pinagsumikapan. At ang Allah ay Maagap sa pagtutuos [ng mga gawa].

  203. ۞وَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ فِيٓ أَيَّامٖ مَّعۡدُودَٰتٖۚ فَمَن تَعَجَّلَ فِي يَوۡمَيۡنِ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِ وَمَن تَأَخَّرَ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۖ لِمَنِ ٱتَّقَىٰۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُمۡ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ 

    Open ayah 2:203

    At inyong alalahanin ang Allah sa loob ng mga [itinakdang] bilang na araw. Nguni’t, sinuman ang nagmamadali [para sa kanyang paglisan] sa dalawang araw, hindi isang pagkakasala sa kanya, at sinuman ang magpaliban [hanggang sa tatlong araw], hindi isang pagkakasala sa kanya – para sa sinumang natatakot [sa Allah]. At inyong katakutan ang Allah at inyong alalahanin na sa Kanya kayo ay titipunin.

  204. وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُعۡجِبُكَ قَوۡلُهُۥ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَيُشۡهِدُ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا فِي قَلۡبِهِۦ وَهُوَ أَلَدُّ ٱلۡخِصَامِ 

    Open ayah 2:204

    At kabilang sa sangkatauhan [sa mga mapagkunwari] ay isa na ang kanyang pananalita ay maaaring makapagbigay-kasiyahan sa iyo sa mundong ito, at kanyang tinatawag ang Allah upang saksihan ang anumang nasa kanyang puso subali’t siya ang pinakamalupit sa mga kalaban.

  205. وَإِذَا تَوَلَّىٰ سَعَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيُفۡسِدَ فِيهَا وَيُهۡلِكَ ٱلۡحَرۡثَ وَٱلنَّسۡلَۚ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلۡفَسَادَ 

    Open ayah 2:205

    At kung siya ay tumalikod sa iyo, siya ay nagsisikap sa kalupaan upang maghasik doon ng katiwalian at maminsala ng mga pananim at ng mga hayupan. At hindi minamahal ng Allah ang katiwalian.

  206. وَإِذَا قِيلَ لَهُ ٱتَّقِ ٱللَّهَ أَخَذَتۡهُ ٱلۡعِزَّةُ بِٱلۡإِثۡمِۚ فَحَسۡبُهُۥ جَهَنَّمُۖ وَلَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ 

    Open ayah 2:206

    At kapag sinasabi sa kanya: “Matakot ka sa Allah,” [siya ay hindi tumatalima bagkus] ang pagmamalaki ay naghahatid sa kanya nang [higit pang] kasamaan. Kaya, sapat na sa kanya ang Impiyerno at sadyang napakasamang pook ng paghihimlayan.

  207. وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشۡرِي نَفۡسَهُ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ رَءُوفُۢ بِٱلۡعِبَادِ 

    Open ayah 2:207

    At kabilang sa sangkatauhan ay isang nakahandang magbuwis ng sariling buhay upang hanapin ang kasiyahan ng Allah. At ang Allah ay Tigib ng Kabaitan sa [Kanyang] mga alipin.

  208. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱدۡخُلُواْ فِي ٱلسِّلۡمِ كَآفَّةٗ وَلَا تَتَّبِعُواْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ 

    Open ayah 2:208

    O kayong mga naniwala, pumasok kayo sa Islam nang lubusan [at buong puso]. At huwag kayong sumunod sa mga yapak ng satanas. Katotohanan, para sa inyo, siya ay isang hayag na kaaway.

  209. فَإِن زَلَلۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡكُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 

    Open ayah 2:209

    At kung kayo ay napalihis pagkaraan na ang malinaw na ayaat [aral o babala] ay dumating sa inyo, samakatwid, dapat ninyong malaman na ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  210. هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّآ أَن يَأۡتِيَهُمُ ٱللَّهُ فِي ظُلَلٖ مِّنَ ٱلۡغَمَامِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ 

    Open ayah 2:210

    Sila ba ay walang hinihintay maliban na ang Allah ay nararapat na lumapit sa kanila sa mga anino ng mga ulap at [maging] ang mga anghel? [Pagkaraan] ang pangyayari [o ang kaso ay saka lamang] napagpasiyahan. At sa Allah, ibabalik ang [lahat ng mga] pangyayari.

  211. سَلۡ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ كَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُم مِّنۡ ءَايَةِۭ بَيِّنَةٖۗ وَمَن يُبَدِّلۡ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

    Open ayah 2:211

    Tanungin mo ang mga anak ni Israel kung ilang ayaat [tanda] ng katibayan ang Aming naipagkaloob sa kanila? At sinumang magpalit [o magbago] sa pagpapala ng Allah [para sa kawalan ng paniniwala] pagkaraang ito ay dumating sa kanya, magkagayon, ang Allah ay mahigpit sa pagpaparusa.

  212. زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَيَسۡخَرُونَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۘ وَٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ وَٱللَّهُ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٖ

    Open ayah 2:212

    Ginawang kaakit-akit ang buhay sa mundong ito para sa mga di- naniniwala at kanilang kinukutya yaong mga naniniwala. Subali’t yaong mga natatakot sa Allah ay nakapaibabaw sa kanila [sa mga di-naniwala] sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. At ang Allah ay nagbibigay ng panustos sa sinumang Kanyang nais nang walang pagtutuos [o takdang sukat].

  213. كَانَ ٱلنَّاسُ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ فَبَعَثَ ٱللَّهُ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ وَأَنزَلَ مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَ ٱلنَّاسِ فِيمَا ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِۚ وَمَا ٱخۡتَلَفَ فِيهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ أُوتُوهُ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۖ فَهَدَى ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَا ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ مِنَ ٱلۡحَقِّ بِإِذۡنِهِۦۗ وَٱللَّهُ يَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٍ

    Open ayah 2:213

    Ang sangkatauhan [noon] ay iisang pamayanan [na sumasamba lamang sa Allah bago sila nagkawatak-watak] at ang Allah ay nagpadala ng mga propeta bilang tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala. At sa kanila ay ibinaba [o ipinahayag] ang Kasulatan sa katotohanan upang maghatol sa pagitan ng mga tao hinggil sa anumang kanilang ipinagkaiba rito. At walang ipinagkaiba rito [sa Kasulatan] maliban yaong mga pinagkalooban nito [ang mga Hudyo at Kristiyano] - pagkaraang dumating sa kanila ang mga malilinaw na katibayan - na nagbunga ng matinding paninibugho sa isa’t isa. At pinatnubayan ng Allah yaong mga naniwala sa katotohanan hinggil sa anumang kanilang ipinagkaiba rito sa pamamagitan ng Kanyang kapahintulutan. At ang Allah ay nagpapatnubay sa sinumang Kanyang nais sa isang matuwid na landas.

  214. أَمۡ حَسِبۡتُمۡ أَن تَدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ وَلَمَّا يَأۡتِكُم مَّثَلُ ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلِكُمۖ مَّسَّتۡهُمُ ٱلۡبَأۡسَآءُ وَٱلضَّرَّآءُ وَزُلۡزِلُواْ حَتَّىٰ يَقُولَ ٱلرَّسُولُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ مَتَىٰ نَصۡرُ ٱللَّهِۗ أَلَآ إِنَّ نَصۡرَ ٱللَّهِ قَرِيبٞ

    Open ayah 2:214

    O kayo ba ay nag-aakala na kayo ay makapapasok sa Paraiso samantalang ang gayong [pagsubok] ay hindi pa dumating sa inyo tulad ng [pagsubok na] dumating sa mga yumaong nauna sa inyo? Sila ay dumanas ng matinding kahirapan at paghihikahos at sila ay naligalig at maging ang [kanilang] sugo at yaong mga naniniwalang kasama niya ay nagsabing: “Kailan kaya darating ang tulong ng Allah?” Walang alinlangan, ang tulong ng Allah ay nalalapit na.

  215. يَسۡـَٔلُونَكَ مَاذَا يُنفِقُونَۖ قُلۡ مَآ أَنفَقۡتُم مِّنۡ خَيۡرٖ فَلِلۡوَٰلِدَيۡنِ وَٱلۡأَقۡرَبِينَ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِۗ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:215

    Sila ay nagtatanong sa iyo [O Muhammad] kung ano ang kanilang dapat gugulin [para sa kawanggawa]? Sabihin: “Anuman ang inyong gugulin para sa kabutihan ay [nararapat ilaan para] sa inyong mga magulang at sa mga kamag-anakan at sa mga ulila at sa mga dukha at sa mga manlalakbay. At anuman ang inyong ginagawang kabutihan - tunay, na ito ay lubos na nababatid ng Allah.”

  216. كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡقِتَالُ وَهُوَ كُرۡهٞ لَّكُمۡۖ وَعَسَىٰٓ أَن تَكۡرَهُواْ شَيۡـٔٗا وَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۖ وَعَسَىٰٓ أَن تُحِبُّواْ شَيۡـٔٗا وَهُوَ شَرّٞ لَّكُمۡۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:216

    Ang Qital [pakikipaglaban] ay itinagubilin sa inyo bagaman ito ay nakamumuhi para sa inyo. At maaaring inyong kinamumuhian ang isang bagay subali’t ito ay nakabubuti para sa inyo; at maaaring inyong kinalulugdan ang isang bagay subali’t ito ay nakasasama para sa inyo. Ang Allah ay nakababatid [ng anumang nakabubuti para sa inyo] subali’t ito ay hindi ninyo [lubusang] nababatid.

  217. يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلشَّهۡرِ ٱلۡحَرَامِ قِتَالٖ فِيهِۖ قُلۡ قِتَالٞ فِيهِ كَبِيرٞۚ وَصَدٌّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَكُفۡرُۢ بِهِۦ وَٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَإِخۡرَاجُ أَهۡلِهِۦ مِنۡهُ أَكۡبَرُ عِندَ ٱللَّهِۚ وَٱلۡفِتۡنَةُ أَكۡبَرُ مِنَ ٱلۡقَتۡلِۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَٰتِلُونَكُمۡ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمۡ عَن دِينِكُمۡ إِنِ ٱسۡتَطَٰعُواْۚ وَمَن يَرۡتَدِدۡ مِنكُمۡ عَن دِينِهِۦ فَيَمُتۡ وَهُوَ كَافِرٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 2:217

    Sila [mga di-naniniwala] ay nagtatanong sa iyo tungkol sa sagradong buwan [hinggil sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah sa loob ng mga buwang ito]. Sabihin: “Ang pakikipaglaban [sa mga buwang ito] ay malaking [kasalanan] subali’t ang [inyong] hadlangan [ang mga tao] sa Landas ng Allah [ang Islam] at ang kawalan ng paniniwala sa Kanya, at ang pagpigil sa [pagtungo sa] Masjid Al Haram at ang pagtaboy sa mga mamamayan nito ay higit na malalaking [kasalanan] sa paningin ng Allah [kaysa sa pakikipaglaban sa sagradong buwan]. At ang fitnah [di- makatarungang pag-usig] ay higit na masama kaysa sa pagpatay. At sila ay patuloy na makikipaglaban sa inyo hanggang kayo ay kanilang mailayo sa inyong relihiyon sa abot ng kanilang kakayahan. At sinuman sa inyo ang tumiwalag sa kanyang relihiyon at namatay bilang isang di-naniniwala, sila yaong ang kanilang mga gawain ay nawalan ng kabuluhan sa mundong ito at sa kabilang buhay. At sila yaong mga maninirahan sa Apoy. Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  218. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أُوْلَٰٓئِكَ يَرۡجُونَ رَحۡمَتَ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 2:218

    Katotohanan, yaong mga naniwala at yaong mga nagsilikas [hijrah o nangibang bayan nang dahil sa pagmamahal sa Allah] at nagpunyagi [at nakipaglaban] sa Landas ng Allah, sila yaong mga umaasa sa habag ng Allah. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  219. ۞يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡخَمۡرِ وَٱلۡمَيۡسِرِۖ قُلۡ فِيهِمَآ إِثۡمٞ كَبِيرٞ وَمَنَٰفِعُ لِلنَّاسِ وَإِثۡمُهُمَآ أَكۡبَرُ مِن نَّفۡعِهِمَاۗ وَيَسۡـَٔلُونَكَ مَاذَا يُنفِقُونَۖ قُلِ ٱلۡعَفۡوَۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 2:219

    Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa alak at sugal. Sabihin:“Sa mga ito ay [may kaakibat na] malaking kasalanan at ilang pakinabang para sa tao subali’t ang kasalanang [ibinubunga nito] ay nakahihigit kaysa sa [kaunting] pakinabang nito.” At sila ay nagtatanong kung ano ang dapat nilang gugulin [para sa kawanggawa]. Sabihin:“Anumang labis sa inyong mga pangangailangan.” [Katulad ng paglilinaw na ito] ginawang malinaw ng Allah ang Kanyang mga batas upang sakali kayo ay makapag-isip.

  220. فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۗ وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡيَتَٰمَىٰۖ قُلۡ إِصۡلَاحٞ لَّهُمۡ خَيۡرٞۖ وَإِن تُخَالِطُوهُمۡ فَإِخۡوَٰنُكُمۡۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ ٱلۡمُفۡسِدَ مِنَ ٱلۡمُصۡلِحِۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَأَعۡنَتَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ 

    Open ayah 2:220

    Sa [buhay sa] mundong ito at sa kabilang buhay. At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa mga ulila. Sabihin: “Ang pagpapaunlad [tapat na pangangasiwa] para sa kanila ay siyang pinakamabuti. At kung inyong pagsasamahin ang inyong mga gawain [at yaman] sa kanilang [yaman], [alalahaning] sila ay inyong mga kapatid. At ang Allah ay Nakababatid kung sino ang may layon ng kasamaan at kung sino ang may layon ng kabutihan. Kung nais lamang ng Allah, kayo ay Kanyang magagawang isadlak sa kahirapan. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.”

  221. وَلَا تَنكِحُواْ ٱلۡمُشۡرِكَٰتِ حَتَّىٰ يُؤۡمِنَّۚ وَلَأَمَةٞ مُّؤۡمِنَةٌ خَيۡرٞ مِّن مُّشۡرِكَةٖ وَلَوۡ أَعۡجَبَتۡكُمۡۗ وَلَا تُنكِحُواْ ٱلۡمُشۡرِكِينَ حَتَّىٰ يُؤۡمِنُواْۚ وَلَعَبۡدٞ مُّؤۡمِنٌ خَيۡرٞ مِّن مُّشۡرِكٖ وَلَوۡ أَعۡجَبَكُمۡۗ أُوْلَٰٓئِكَ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلنَّارِۖ وَٱللَّهُ يَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱلۡجَنَّةِ وَٱلۡمَغۡفِرَةِ بِإِذۡنِهِۦۖ وَيُبَيِّنُ ءَايَٰتِهِۦ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ

    Open ayah 2:221

    At huwag ninyong pakasalan ang mga babaing nagtatambal [o sumasamba sa mga diyus-diyusan] hanggang sila ay maniwala [sa Kaisahan ng Allah]. At ang isang naniniwalang babaing alipin ay higit na mabuti kaysa sa [malayang] nagtatambal kahit na siya ay inyong naiibigan. At huwag kayong magbigay ng kasal [para sa inyong mga anak na babae] sa mga nagtatambal hanggang sila ay maniwala [sa Kaisahan ng Allah]. At ang isang naniniwalang lalaking alipin ay higit na mabuti kaysa sa isang nagtatambal kahit na siya ay inyong naiibigan. Sila yaong mga nag- aanyaya sa apoy [ng Impiyerno] samantalang ang Allah ay nag-aanyaya sa inyo [tungo] sa Paraiso at kapatawaran sa pamamagitan ng Kanyang Kapahintulutan. At Kanyang ginawang malinaw ang mga ayaat [babala, aral] para sa sangkatauhan upang sakali sila ay [matutong] makaalala.

  222. وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡمَحِيضِۖ قُلۡ هُوَ أَذٗى فَٱعۡتَزِلُواْ ٱلنِّسَآءَ فِي ٱلۡمَحِيضِ وَلَا تَقۡرَبُوهُنَّ حَتَّىٰ يَطۡهُرۡنَۖ فَإِذَا تَطَهَّرۡنَ فَأۡتُوهُنَّ مِنۡ حَيۡثُ أَمَرَكُمُ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلتَّوَّٰبِينَ وَيُحِبُّ ٱلۡمُتَطَهِّرِينَ

    Open ayah 2:222

    At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa regla [ng mga kababaihan]. Sabihin: “Ito ay adha. Kaya, lumayo kayo [huwag makipagtalik] sa mga kababaihan [mga asawa] sa panahon ng kanilang pagreregla, at sila ay huwag ninyong lalapitan [huwag makipagtalik sa kanila] hanggang sila ay maging malinis [matapos ang regla at nakapaligo]. At kung sila ay naging malinis na, sila ay maaari na ninyong lapitan [upang makipagtalik] sa bahagi na kung saan ay ipinag-utos ng Allah sa inyo. Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa [sinumang] lagi nang nagbabalik-loob sa Kanya [sa pagsisisi] at Siya ay nagmamahal sa mga nagpapadalisay [ng kanilang mga sarili].”

  223. نِسَآؤُكُمۡ حَرۡثٞ لَّكُمۡ فَأۡتُواْ حَرۡثَكُمۡ أَنَّىٰ شِئۡتُمۡۖ وَقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُم مُّلَٰقُوهُۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 2:223

    Ang inyong mga asawa ay taniman [ng binhi] para sa inyo. Kaya, inyong lapitan [at makipagtalik] sa inyong taniman sa paraang inyong nais at magbigay [ng kabutihan] para sa inyong mga sarili. At inyong katakutan ang Allah at inyong alalahanin na Siya ay inyong makahaharap [sa kabilang buhay], at magbigay ng magandang balita sa mga naniniwala.

  224. وَلَا تَجۡعَلُواْ ٱللَّهَ عُرۡضَةٗ لِّأَيۡمَٰنِكُمۡ أَن تَبَرُّواْ وَتَتَّقُواْ وَتُصۡلِحُواْ بَيۡنَ ٱلنَّاسِۚ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:224

    At huwag ninyong gawin ang [inyong panunumpa sa Ngalan ng] Allah bilang isang katwiran upang hadlangan ang paggawa ng kabutihan at takot [sa Kanya], at [bilang isang paraan ng] pakikipagkasundo sa pagitan ng mga tao. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  225. لَّا يُؤَاخِذُكُمُ ٱللَّهُ بِٱللَّغۡوِ فِيٓ أَيۡمَٰنِكُمۡ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا كَسَبَتۡ قُلُوبُكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٞ

    Open ayah 2:225

    Hindi kayo pananagutin ng Allah sa anumang hindi ninyo sinadya sa inyong mga panunumpa, nguni’t kayo ay Kanyang pananagutin sa anumang [hangarin o layong] pinagsumikapan ng inyong mga puso. At Allah ay Mapagpatawad, Mapagparaya.

  226. لِّلَّذِينَ يُؤۡلُونَ مِن نِّسَآئِهِمۡ تَرَبُّصُ أَرۡبَعَةِ أَشۡهُرٖۖ فَإِن فَآءُو فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 2:226

    Yaong mga sumumpa na sila ay hindi makikipagtalik sa kanilang mga asawa, [sila ay] nararapat na maghintay ng apat na buwan, subali’t kung sila ay nagsibalik [sa karaniwang ugnayan sa loob ng panahong ito] Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  227. وَإِنۡ عَزَمُواْ ٱلطَّلَٰقَ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:227

    Nguni’t kung sila ay [kapwa] magpasya ng paghihiwalay [o diborsiyo] magkagayon, katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  228. وَٱلۡمُطَلَّقَٰتُ يَتَرَبَّصۡنَ بِأَنفُسِهِنَّ ثَلَٰثَةَ قُرُوٓءٖۚ وَلَا يَحِلُّ لَهُنَّ أَن يَكۡتُمۡنَ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ فِيٓ أَرۡحَامِهِنَّ إِن كُنَّ يُؤۡمِنَّ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَبُعُولَتُهُنَّ أَحَقُّ بِرَدِّهِنَّ فِي ذَٰلِكَ إِنۡ أَرَادُوٓاْ إِصۡلَٰحٗاۚ وَلَهُنَّ مِثۡلُ ٱلَّذِي عَلَيۡهِنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ وَلِلرِّجَالِ عَلَيۡهِنَّ دَرَجَةٞۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ

    Open ayah 2:228

    Ang mga hiniwalayang babae ay mananatili sa paghihintay [di- magpapakasal sa iba] ng tatlong panahon [ng pagreregla], at hindi ipinahihintulot para sa kanila na ikubli ang anumang nilikha ng Allah sa kanilang mga sinapupunan, kung tunay nga na sila ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. At ang kanilang mga asawa ay may higit na karapatang sila ay balikan [o kuhaning] muli [sa panahong ito], kung nais nilang makipagbalikan. At sila [mga asawang babae] ay may karapatan [hinggil sa gastusin] katulad din ng karapatan ng kanilang mga asawa [na sila ay sundin at igalang] nang ayon sa paraang matwid. Nguni’t ang mga kalalakihan ay nakahihigit [sa tungkulin] sa kanila. At ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  229. ٱلطَّلَٰقُ مَرَّتَانِۖ فَإِمۡسَاكُۢ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ تَسۡرِيحُۢ بِإِحۡسَٰنٖۗ وَلَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَأۡخُذُواْ مِمَّآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ شَيۡـًٔا إِلَّآ أَن يَخَافَآ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَا فِيمَا ٱفۡتَدَتۡ بِهِۦۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَعۡتَدُوهَاۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

    Open ayah 2:229

    Ang [kapahintulutan ng] diborsiyo ay dalawang ulit lamang, pagkaraan nito, siya [ang babae] ay maaaring panatilihin [bilang asawa] nang ayon sa paraang matwid o tuluyang hiwalayan nang may kabaitan. At hindi pinahihintulutan sa inyong [mga lalaki] na bawiing muli ang anumang bagay [mahr] na inyong ipinagkaloob sa kanila maliban lamang kung ang magkabilang panig [ang mag-asawa] ay nangangambang sila ay hindi makatutupad sa mga hangganang itinakda ng Allah [kaya sila ay maaaring sumangguni sa isang tagapamagitan upang sila ay magkasundo]. Nguni’t kung kayo [mga tagapaghukom] ay nangangambang silang [mag-asawa] ay hindi makatutupad sa hangganang itinakda ng Allah, samakatwid, hindi isang pagkakasala sa sinuman sa kanilang dalawa hinggil sa anupamang kanyang ibinalik sa kanya [sa lalaki bilang kabayaran]. Ito ang mga hangganang itinakda ng Allah, kaya huwag ninyong labagin ito. At sinumang lumabag sa mga hangganang itinakda ng Allah, samakatwid, sila yaong mga mapaggawa ng kamalian.

  230. فَإِن طَلَّقَهَا فَلَا تَحِلُّ لَهُۥ مِنۢ بَعۡدُ حَتَّىٰ تَنكِحَ زَوۡجًا غَيۡرَهُۥۗ فَإِن طَلَّقَهَا فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَآ أَن يَتَرَاجَعَآ إِن ظَنَّآ أَن يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِۗ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ يُبَيِّنُهَا لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 2:230

    At kung siya [ang babae] ay diniborsiyo ng kanyang asawa [sa ikatlong pagkakataon] siya [ang babae] ay hindi ipinahihintulot para sa kanya [upang muling pakasalan] hanggang pagkaraan lamang na siya [ang babae] ay magpakasal muna sa ibang lalaki at kung siya [ang babae] ay hiniwalayan ng kanyang [kasalukuyang] asawa [o siya ay nabalo]. [Sa ganitong katayuan] hindi isang pagkakasala kung sila [babae at ang unang asawa] ay magkabalikang muli [at magpakasal] kung kanilang inaakala na kanilang mapananatili sa kanilang mga sarili ang itinakdang mga hangganan ng Allah. Ito ang mga hangganan [na itinakda] ng Allah na Kanyang ginawang malinaw para sa mga mamamayang nakaaalam.

  231. وَإِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَبَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمۡسِكُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ سَرِّحُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٖۚ وَلَا تُمۡسِكُوهُنَّ ضِرَارٗا لِّتَعۡتَدُواْۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَقَدۡ ظَلَمَ نَفۡسَهُۥۚ وَلَا تَتَّخِذُوٓاْ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ هُزُوٗاۚ وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَمَآ أَنزَلَ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡحِكۡمَةِ يَعِظُكُم بِهِۦۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:231

    At kung inyong hiniwalayan [diniborsiyo] ang mga kababaihan at [halos malapit ng] matupad ang kanilang iddah [o takdang paghihintay], sila ay inyong maaaring panatilihing muli nang ayon sa paraang matwid o sila ay tuluyang bigyang-laya nang ayon sa paraang matwid. Subali’t sila ay huwag ninyong panatilihin upang sila ay pasakitan at suwayin [laban sa kanilang kalooban]. Sinuman ang gumawa nito, katiyakan na kanya lamang ginawan ng kamalian ang sarili. At huwag ninyong ituring bilang isang biro ang mga ayaat [batas] ng Allah. At inyong alalahanin ang pagpapala ng Allah sa inyo at ang anumang ipinahayag sa inyo mula sa Aklat [ang Qur’an] at karunungan na Kanyang ipinaaalala sa inyo. At inyong katakutan ang Allah at inyong alalahanin na ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.

  232. وَإِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَبَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا تَعۡضُلُوهُنَّ أَن يَنكِحۡنَ أَزۡوَٰجَهُنَّ إِذَا تَرَٰضَوۡاْ بَيۡنَهُم بِٱلۡمَعۡرُوفِۗ ذَٰلِكَ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ مِنكُمۡ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۗ ذَٰلِكُمۡ أَزۡكَىٰ لَكُمۡ وَأَطۡهَرُۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:232

    At kung inyong hiniwalayan [diniborsiyo] ang mga kababaihan at kanilang natupad ang takdang iddah, sila ay huwag ninyong pigilan sa pagpapakasal muli sa kanilang dating asawa kung sila ay magkasundo sa isa’t isa nang ayon sa paraang matwid. Iyan ay iniatas sa sinuman sa inyo na naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Iyan ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. At ang Allah ay nakababatid [ng anumang nakabubuti para sa inyo], at kayo ay hindi nakababatid [nito].

  233. ۞وَٱلۡوَٰلِدَٰتُ يُرۡضِعۡنَ أَوۡلَٰدَهُنَّ حَوۡلَيۡنِ كَامِلَيۡنِۖ لِمَنۡ أَرَادَ أَن يُتِمَّ ٱلرَّضَاعَةَۚ وَعَلَى ٱلۡمَوۡلُودِ لَهُۥ رِزۡقُهُنَّ وَكِسۡوَتُهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ لَا تُكَلَّفُ نَفۡسٌ إِلَّا وُسۡعَهَاۚ لَا تُضَآرَّ وَٰلِدَةُۢ بِوَلَدِهَا وَلَا مَوۡلُودٞ لَّهُۥ بِوَلَدِهِۦۚ وَعَلَى ٱلۡوَارِثِ مِثۡلُ ذَٰلِكَۗ فَإِنۡ أَرَادَا فِصَالًا عَن تَرَاضٖ مِّنۡهُمَا وَتَشَاوُرٖ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَاۗ وَإِنۡ أَرَدتُّمۡ أَن تَسۡتَرۡضِعُوٓاْ أَوۡلَٰدَكُمۡ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِذَا سَلَّمۡتُم مَّآ ءَاتَيۡتُم بِٱلۡمَعۡرُوفِۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ

    Open ayah 2:233

    Ang mga ina ay maaaring magpasuso sa kanilang mga anak sa loob ng dalawang buong taon [iyon ay] para sa kanila na nagnanais na buuin ang [takdang panahon ng] pagpapasuso. At [itinalaga] sa ama [ng anak na isinilang] ang [pananagutan sa paggugol ng] kanilang panustos at kanilang pananamit nang ayon sa matwid [na kabayaran]. Walang tao ang pinagpapasan nang higit sa kanyang kakayahan. Walang ina ang maaaring magdusa [ng di-makatarungan] para sa kanyang anak, o maging ang ama para sa kanyang anak. At [itinalaga] sa isang tagapagmana [ng yumaong ama] ang [pananagutang] katulad [ng pananagutan] niyaon [ng ama]. At kung silang [mag-asawa] ay kapwa magpasiya ng pag-awat [sa pagpapasuso] sa pamamagitan ng kasunduan sa bawa’t isa at [pagkaraan din ng] sanggunian, magkagayon, ito ay hindi [isang] pagkakasala para sa kanilang dalawa. At kung kayo ay magpasiya [na kumuha] ng tagapag- alaga na magpapasuso para sa inyong mga anak, samakatwid, hindi [isang] pagkakasala para sa inyo kung kayo ay magbayad sa anupamang gastusin nang ayon sa matwid [na kabayaran]. At inyong katakutan ang Allah at inyong alalahanin na nakikita ng Allah ang anumang inyong mga ginagawa.

  234. وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوۡنَ مِنكُمۡ وَيَذَرُونَ أَزۡوَٰجٗا يَتَرَبَّصۡنَ بِأَنفُسِهِنَّ أَرۡبَعَةَ أَشۡهُرٖ وَعَشۡرٗاۖ فَإِذَا بَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا فَعَلۡنَ فِيٓ أَنفُسِهِنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

    Open ayah 2:234

    At yaong mga [lalaking] mamamatay na kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga asawa, sila [mga asawang babae] ay dapat maghintay ng apat na buwan at [karagdagang] sampung [araw]. Kaya, kapag kanilang matupad ang kanilang takda [panahon ng paghihintay], hindi [isang] pagkakasala na kanilang gawin ang anumang pasiya para sa kanilang mga sarili [sila ay maaaring mag-asawang muli] nang ayon sa paraang matwid. At ang Allah ay Ganap na Nakababatid ng anumang inyong ginagawa.

  235. وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا عَرَّضۡتُم بِهِۦ مِنۡ خِطۡبَةِ ٱلنِّسَآءِ أَوۡ أَكۡنَنتُمۡ فِيٓ أَنفُسِكُمۡۚ عَلِمَ ٱللَّهُ أَنَّكُمۡ سَتَذۡكُرُونَهُنَّ وَلَٰكِن لَّا تُوَاعِدُوهُنَّ سِرًّا إِلَّآ أَن تَقُولُواْ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗاۚ وَلَا تَعۡزِمُواْ عُقۡدَةَ ٱلنِّكَاحِ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ ٱلۡكِتَٰبُ أَجَلَهُۥۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ فَٱحۡذَرُوهُۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٞ

    Open ayah 2:235

    Hindi [isang] pagkakasala sa inyo para sa anumang [di-tuwirang] pahiwatig hinggil sa isang alok [ng kasal] sa mga babae o para sa anumang inyong inililihim sa inyong mga sarili. Nababatid ng Allah na sila ay nasa inyong alaala [o itinatangi ng inyong mga puso]. Subali’t sila ay huwag ninyong pangakuan nang palihim maliban sa pagsasabi nang ayon sa maayos na pananalita. At huwag tangkaing ganapin ang kasunduang kasal hanggang ang takdang paghihintay ay lubusang naabot. At inyong alalahanin na nababatid ng Allah ang anumang nasa inyong mga sarili, kaya kayo ay maging maingat sa Kanya. At inyong alalahanin na ang Allah ay Mapagpatawad, Mapagparaya.

  236. لَّا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِن طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ مَا لَمۡ تَمَسُّوهُنَّ أَوۡ تَفۡرِضُواْ لَهُنَّ فَرِيضَةٗۚ وَمَتِّعُوهُنَّ عَلَى ٱلۡمُوسِعِ قَدَرُهُۥ وَعَلَى ٱلۡمُقۡتِرِ قَدَرُهُۥ مَتَٰعَۢا بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 2:236

    Hindi [isang] pagkakasala sa inyo kung inyong hiwalayan ang mga kababaihan habang sila ay hindi pa ninyo nasasaling [wala pang pagtatalik na naganap] o hindi pa naitakda para sa kanila ang pananagutan [ang kaukulang mahr]. Subali’t sila ay inyong dapat bigyan ng laang-panustos bilang kabayaran. Ang mayaman nang ayon sa kanyang kakayahan, at ang mahirap nang ayon sa kanyang kakayahan, isang panggugol [laang- panustos] nang ayon sa paraang matwid [na dapat tanggapin]. Ito ay isang tungkulin para sa mga mapaggawa ng kabutihan.

  237. وَإِن طَلَّقۡتُمُوهُنَّ مِن قَبۡلِ أَن تَمَسُّوهُنَّ وَقَدۡ فَرَضۡتُمۡ لَهُنَّ فَرِيضَةٗ فَنِصۡفُ مَا فَرَضۡتُمۡ إِلَّآ أَن يَعۡفُونَ أَوۡ يَعۡفُوَاْ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ عُقۡدَةُ ٱلنِّكَاحِۚ وَأَن تَعۡفُوٓاْ أَقۡرَبُ لِلتَّقۡوَىٰۚ وَلَا تَنسَوُاْ ٱلۡفَضۡلَ بَيۡنَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ

    Open ayah 2:237

    At kung sila ay inyong hiniwalayan bago ninyo nagawang sila ay salingin [o nakipagtalik], at inyong naitakda na sa kanila ang pananagutan [pagbibigay ng mahr], samakatwid, [ipagkaloob] ang kalahating bahagi ng anumang inyong naitakda [ang mahr], maliban lamang kung sila [mga kababaihan] ay nagpaubaya ng karapatan [na huwag nang kuhanin pa ang mahr] o ang may tangan ng kasunduang kasal [asawang lalaki] ay nagpaubaya ng karapatan nito [huwag nang bawiin pa ang mahr]. At ang pagpapaubaya [ng mahr] ay [katangian na] pinakamalapit sa pagkakaroon ng taqwa [takot sa Allah]. At huwag ninyong kalilimutan na maging bukas- palad [o maging mapagbigay] sa bawa’t isa. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Nakakikita ng anumang inyong ginagawa.

  238. حَٰفِظُواْ عَلَى ٱلصَّلَوَٰتِ وَٱلصَّلَوٰةِ ٱلۡوُسۡطَىٰ وَقُومُواْ لِلَّهِ قَٰنِتِينَ

    Open ayah 2:238

    PangaIagaan ninyo ang [limang takdang] pagdarasal at [lalo na] ang panggitnang dasal. At tumayo kayo sa [harap ng] Allah nang may tapat [o taimtim na] pagsunod.

  239. فَإِنۡ خِفۡتُمۡ فَرِجَالًا أَوۡ رُكۡبَانٗاۖ فَإِذَآ أَمِنتُمۡ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَمَا عَلَّمَكُم مَّا لَمۡ تَكُونُواْ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 2:239

    At kung inyong pinangangambahan [ang inyong mga kaaway] magkagayon kayo ay magdasal habang naglalakad [o nakatayo] o nakasakay. Subali’t kung kayo ay nasa payapang kalagayan, inyong alalahanin ang Allah [sa mga itinakdang oras ng pagdarasal] sapagka’t kayo ay Kanyang tinuruan ng anupamang hindi ninyo nalalaman.

  240. وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوۡنَ مِنكُمۡ وَيَذَرُونَ أَزۡوَٰجٗا وَصِيَّةٗ لِّأَزۡوَٰجِهِم مَّتَٰعًا إِلَى ٱلۡحَوۡلِ غَيۡرَ إِخۡرَاجٖۚ فَإِنۡ خَرَجۡنَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِي مَا فَعَلۡنَ فِيٓ أَنفُسِهِنَّ مِن مَّعۡرُوفٖۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٞ 

    Open ayah 2:240

    At yaong sa inyo [mga kalalakihan] na mamamatay at mag-iiwan ng mga asawa, nararapat na mag-iwan ng Huling Habilin [Wasiyyah] sa mga asawa hinggil sa kanilang gastusin [at laang-panustos] sa loob ng isang taon nang walang pagtaboy [sa kanila mula sa pamamahay ng yumaong asawa]. Subali’t kung sila ay lumisan [nang sariling pagkukusa], hindi [isang] pagkakasala [para sa mga kamag-anak ng yumao] kung anuman ang kanilang nais gawin para sa kanilang mga sarili sa paraang matwid. At ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  241. وَلِلۡمُطَلَّقَٰتِ مَتَٰعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 2:241

    At para sa mga hiniwalayang [o diniborsiyong] babae, ay isang panggugol [na dapat ibigay] nang ayon sa paraang matwid. Ito ay isang tungkuling nakaatang sa mga natatakot [sa Allah].

  242. كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 2:242

    Ganyan ginagawang malinaw ng Allah para sa inyo ang Kanyang ayaat [mga batas at alituntunin] upang sakali kayo ay [matutong] makaunawa.

  243. ۞أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ خَرَجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَهُمۡ أُلُوفٌ حَذَرَ ٱلۡمَوۡتِ فَقَالَ لَهُمُ ٱللَّهُ مُوتُواْ ثُمَّ أَحۡيَٰهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ

    Open ayah 2:243

    Hindi mo ba nakikita yaong mga [taong] libu-libo ang bilang na nagsialis mula sa kanilang mga pamamahay sanhi ng pangamba sa kamatayan? Ang Allah ay nagsabi sa kanila: “Mangamatay kayo.” At pagkaraan, sila ay Kanyang muling binuhay. Katotohanan, ang Allah ay Tigib ng biyaya sa sangkatauhan. Subali’t karamihan sa tao ay walang pasasalamat.

  244. وَقَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:244

    At makipaglaban kayo sa Landas ng Allah. At [dapat ninyong] alalahanin na ang Allah ay Nakaririnig, Maalam.

  245. مَّن ذَا ٱلَّذِي يُقۡرِضُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا فَيُضَٰعِفَهُۥ لَهُۥٓ أَضۡعَافٗا كَثِيرَةٗۚ وَٱللَّهُ يَقۡبِضُ وَيَبۡصُۜطُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

    Open ayah 2:245

    Sino nga kaya ang [nakahandang] magpautang [gumugol ng yaman para] sa Allah ng isang mabuting pautang [dalisay na paggugol] upang ito ay Kanyang dagdagan nang maraming ulit para sa kanya. Ang Allah ay Siyang pumipigil at nagkakaloob [ng kasaganaan]. At sa Kanya - kayo ay ibabalik.

  246. أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلۡمَلَإِ مِنۢ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ مِنۢ بَعۡدِ مُوسَىٰٓ إِذۡ قَالُواْ لِنَبِيّٖ لَّهُمُ ٱبۡعَثۡ لَنَا مَلِكٗا نُّقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ قَالَ هَلۡ عَسَيۡتُمۡ إِن كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡقِتَالُ أَلَّا تُقَٰتِلُواْۖ قَالُواْ وَمَا لَنَآ أَلَّا نُقَٰتِلَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَقَدۡ أُخۡرِجۡنَا مِن دِيَٰرِنَا وَأَبۡنَآئِنَاۖ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقِتَالُ تَوَلَّوۡاْ إِلَّا قَلِيلٗا مِّنۡهُمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 2:246

    Hindi mo ba isinasalang-alang ang lipon ng mga anak ni Israel pagkaraan [ng pagyao] ni Moises? Nang sila ay nagsabi sa kanilang Propetang [si Samuel]: “Magpadala sa amin ng isang hari [upang mamuno sa amin] at kami ay makikipaglaban sa Landas ng Allah.” Siya ay nagsabi: “Kayo ba ay tatangging makipaglaban kung sakaling ang pakikipaglaban ay itinagubilin sa inyo?” Sila ay nagsabi: “Paano kami tatangging makipaglaban para sa Landas ng Allah gayong kami ay itinaboy mula sa aming mga pamamahay at [kami ay inilayo] sa aming mga anak.” Subali’t nang ang pakikipaglaban ay itinagubilin na para sa kanila, sila ay nagsitalikod maliban sa mangilan-ngilan sa kanila. At ang Allah ang Siyang Maalam sa mga mapaggawa ng kamalian.

  247. وَقَالَ لَهُمۡ نَبِيُّهُمۡ إِنَّ ٱللَّهَ قَدۡ بَعَثَ لَكُمۡ طَالُوتَ مَلِكٗاۚ قَالُوٓاْ أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُ ٱلۡمُلۡكُ عَلَيۡنَا وَنَحۡنُ أَحَقُّ بِٱلۡمُلۡكِ مِنۡهُ وَلَمۡ يُؤۡتَ سَعَةٗ مِّنَ ٱلۡمَالِۚ قَالَ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰهُ عَلَيۡكُمۡ وَزَادَهُۥ بَسۡطَةٗ فِي ٱلۡعِلۡمِ وَٱلۡجِسۡمِۖ وَٱللَّهُ يُؤۡتِي مُلۡكَهُۥ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:247

    Ang kanilang Propeta ay nagsabi sa kanila: “Katotohanan, itinalaga ng Allah para sa inyo si Saul bilang Hari.” Sila ay nagsabi: “Paano siya makapaghahari sa amin samantalang kami ay higit na may karapatan sa paghahari kaysa sa kanya at siya ay hindi napagkalooban ng anumang sukat [o dami] ng yaman?” Siya ay nagsabi: “Katotohanan, siya ay pinili ng Allah nang higit kaysa sa inyo at siya ay dinagdagan ng sapat na kaalaman at ng matipunong [pangangatawan].” At ipinagkakaloob ng Allah ang Kanyang kaharian sa sinumang Kanyang nais. At ang Allah ay Nasasaklawan [ang lahat], Maalam.

  248. وَقَالَ لَهُمۡ نَبِيُّهُمۡ إِنَّ ءَايَةَ مُلۡكِهِۦٓ أَن يَأۡتِيَكُمُ ٱلتَّابُوتُ فِيهِ سَكِينَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَبَقِيَّةٞ مِّمَّا تَرَكَ ءَالُ مُوسَىٰ وَءَالُ هَٰرُونَ تَحۡمِلُهُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 2:248

    At ang kanilang Propeta ay nagsabi sa kanila: “Katotohanan, ang palatandaan ng kanyang paghahari ay ang pagdating sa inyo ng tabut [baol na yari sa kahoy] na kung saan matatagpuan dito [ang Torah at] ang katiwasayan mula sa inyong Panginoon at ng anumang naiwan ng angkan ni Moises at angkan ni Aaron na pinapasan ng mga anghel. Katotohanan, ito ay isang palatandaan para sa inyo kung tunay nga na kayo ay mga naniniwala.”

  249. فَلَمَّا فَصَلَ طَالُوتُ بِٱلۡجُنُودِ قَالَ إِنَّ ٱللَّهَ مُبۡتَلِيكُم بِنَهَرٖ فَمَن شَرِبَ مِنۡهُ فَلَيۡسَ مِنِّي وَمَن لَّمۡ يَطۡعَمۡهُ فَإِنَّهُۥ مِنِّيٓ إِلَّا مَنِ ٱغۡتَرَفَ غُرۡفَةَۢ بِيَدِهِۦۚ فَشَرِبُواْ مِنۡهُ إِلَّا قَلِيلٗا مِّنۡهُمۡۚ فَلَمَّا جَاوَزَهُۥ هُوَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ قَالُواْ لَا طَاقَةَ لَنَا ٱلۡيَوۡمَ بِجَالُوتَ وَجُنُودِهِۦۚ قَالَ ٱلَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُم مُّلَٰقُواْ ٱللَّهِ كَم مِّن فِئَةٖ قَلِيلَةٍ غَلَبَتۡ فِئَةٗ كَثِيرَةَۢ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ

    Open ayah 2:249

    At nang humayo si Saul kasama ng mga kawal, siya ay nagsabi [sa kanila]: “Katotohanan, susubukan kayo ng Allah sa pamamagitan ng isang ilog. Sinuman ang uminom mula roon ay hindi nabibilang sa akin at sinumang hindi tumikim nito ay tunay na nabibilang sa akin, maliban sa sinumang kumuha [mula roon] sa [sukat ng] isang dakot ng kanyang kamay [nang di-iniinom].” Subali’t sila ay nagsiinom mula roon maliban yaong mga mangilan-ngilan sa kanila. Kaya nang kanyang bagtasin ang ilog, kasama niyaong mga naniwala sa kanya, sila ay nagsabi: “Sa araw na ito, wala tayong lakas laban kay Goliath at sa kanyang mga kawal.” Subali’t yaong mga naniniwala na kanilang makahaharap [sa kabilang buhay] ang Allah ay nagsabi: “Ilan na bang maliliit na samahan ang gumapi sa malalaking samahan sa kapahintulutan ng Allah? At ang Allah ay nasa panig ng mga matiisin.”

  250. وَلَمَّا بَرَزُواْ لِجَالُوتَ وَجُنُودِهِۦ قَالُواْ رَبَّنَآ أَفۡرِغۡ عَلَيۡنَا صَبۡرٗا وَثَبِّتۡ أَقۡدَامَنَا وَٱنصُرۡنَا عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ 

    Open ayah 2:250

    At nang sila ay humayo upang harapin si Goliath at ang kanyang kawal, sila ay nagsabi [at nanalangin]: “Aming Panginoon ibuhos Mo po sa amin ang pagtitiis at patatagin Mo po ang aming mga paa [o mga hakbang] at ipagkaloob Mo po sa amin ang tagumpay laban sa mga taong di- naniniwala.”

  251. فَهَزَمُوهُم بِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَقَتَلَ دَاوُۥدُ جَالُوتَ وَءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ٱلۡمُلۡكَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَعَلَّمَهُۥ مِمَّا يَشَآءُۗ وَلَوۡلَا دَفۡعُ ٱللَّهِ ٱلنَّاسَ بَعۡضَهُم بِبَعۡضٖ لَّفَسَدَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ ذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 2:251

    Kaya, sila ay kanilang nagapi sa kapahintulutan ng Allah. At napatay ni David si Goliath at ipinagkaloob ng Allah sa kanya [kay David] ang paghahari at ang karunungan [o kahusayan sa larangan ng paghatol]. At siya ay Kanyang tinuruan ng anumang Kanyang nais. At kung hindi lamang sinisiyasat ng Allah ang ibang tao sa pamamagitan ng ibang tao, marahil ang kalupaan ay naging [pook ng kabuktutan at pook ng mga] tiwali. Subali’t ang Allah ay Tigib ng biyaya sa lahat [ng Kanyang] mga nilikha.

  252. تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۚ وَإِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

    Open ayah 2:252

    Ito ang mga ayaat [kapahayagan] ng Allah na Aming binigkas [o isinalaysay] sa iyo [O Muhammad] nang makatotohanan, at katunayan, ikaw ay isa sa mga sugo.

  253. ۞تِلۡكَ ٱلرُّسُلُ فَضَّلۡنَا بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۘ مِّنۡهُم مَّن كَلَّمَ ٱللَّهُۖ وَرَفَعَ بَعۡضَهُمۡ دَرَجَٰتٖۚ وَءَاتَيۡنَا عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَيَّدۡنَٰهُ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِۗ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقۡتَتَلَ ٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ وَلَٰكِنِ ٱخۡتَلَفُواْ فَمِنۡهُم مَّنۡ ءَامَنَ وَمِنۡهُم مَّن كَفَرَۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقۡتَتَلُواْ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يُرِيدُ

    Open ayah 2:253

    Ito ang mga sugo. Aming biniyayaan ang ilan sa kanila nang higit sa iba. Kabilang sa kanila ay kinausap ng Allah [nang tuwiran]. Ang iba naman ay Kanyang itinaas sa ibayong antas [ng karangalan]. At Aming ipinagkaloob kay Hesus, anak ni Maria, ang mga malilinaw na katibayan at siya ay Aming itinaguyod sa pamamagitan ng Banal na Espiritu [ang Anghel Gabriel]. Kung ninais lamang ng Allah, yaong mga [henerasyong] sumunod sa kanila ay hindi naglaban-laban sa isa’t isa pagkaraang dumating sa kanila ang mga malilinaw na katibayan. Subali’t sila ay nagkaiba-iba, ang ilan sa kanila ay naniwala at ang iba sa kanila ay di-naniwala. At kung ninais lamang ng Allah, sila ay hindi naglaban-laban sa isa’t isa. Subali’t ginagawa ng Allah ang anumang Kanyang nais.

  254. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا بَيۡعٞ فِيهِ وَلَا خُلَّةٞ وَلَا شَفَٰعَةٞۗ وَٱلۡكَٰفِرُونَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

    Open ayah 2:254

    O kayong mga naniwala, gumugol kayo sa kawanggawa mula sa anumang [panustos na] Aming ipinagkaloob sa inyo bago dumating ang araw na walang [tatanggaping] palitan [o bilihan], walang kaibigan at walang pamamagitan. At ang mga di-naniniwala - sila ang mga mapaggawa ng kamalian.

  255. ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡحَيُّ ٱلۡقَيُّومُۚ لَا تَأۡخُذُهُۥ سِنَةٞ وَلَا نَوۡمٞۚ لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ مَن ذَا ٱلَّذِي يَشۡفَعُ عِندَهُۥٓ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦۚ يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيۡءٖ مِّنۡ عِلۡمِهِۦٓ إِلَّا بِمَا شَآءَۚ وَسِعَ كُرۡسِيُّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۖ وَلَا يَـُٔودُهُۥ حِفۡظُهُمَاۚ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡعَظِيمُ

    Open ayah 2:255

    Allah, walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, ang Laging Buhay, at ang [patuloy na] Tagapagpanatili [ng lahat]. Ang antok at ang idlip ay hindi makapananaig sa Kanya. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. Sino ba ang maaaring [makiusap upang] makapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan. Kanyang nababatid ang anumang mangyayari sa kanila [sa daigdig na ito] at ang anumang mangyayari sa kanila [sa kabilang buhay] at kailanman ay hindi nila matatarok ang anumang bagay mula sa Kanyang Kaalaman maliban kung ano ang Kanyang nais. Ang Kanyang Kursi ay sumasakop [saklaw at umaabot] sa mga kalangitan at kalupaan. At [Siya ay] walang kapaguran sa pananatili sa kanila. At Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila.

  256. لَآ إِكۡرَاهَ فِي ٱلدِّينِۖ قَد تَّبَيَّنَ ٱلرُّشۡدُ مِنَ ٱلۡغَيِّۚ فَمَن يَكۡفُرۡ بِٱلطَّٰغُوتِ وَيُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰ لَا ٱنفِصَامَ لَهَاۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

    Open ayah 2:256

    Walang sapilitan sa [pagtanggap ng] relihiyon. Katotohanan, ang matuwid [na landas] ay malinaw kaysa sa lihis [maling landas]. Kaya, sinuman ang di-maniwala sa mga taaghoot at maniwala sa Allah, tunay na siya ay tumangan sa matibay na hawakan [o sa pananampalatayang] kailanman ay hindi mapuputol. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  257. ٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُخۡرِجُهُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَوۡلِيَآؤُهُمُ ٱلطَّٰغُوتُ يُخۡرِجُونَهُم مِّنَ ٱلنُّورِ إِلَى ٱلظُّلُمَٰتِۗ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 2:257

    Ang Allah ay Wali [tagapangalaga] niyaong mga naniniwala. Sila ay Kanyang hinahango mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. At yaong mga di-naniniwala, ang kanilang mga awliya’ [tagapangalaga] ay ang mga taaghoot. Sila ay kanilang hinahango mula sa liwanag tungo sa mga kadiliman. Sila yaong mga maninirahan sa Apoy, at sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  258. أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِي حَآجَّ إِبۡرَٰهِـۧمَ فِي رَبِّهِۦٓ أَنۡ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ٱلۡمُلۡكَ إِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ رَبِّيَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ قَالَ أَنَا۠ أُحۡيِۦ وَأُمِيتُۖ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَأۡتِي بِٱلشَّمۡسِ مِنَ ٱلۡمَشۡرِقِ فَأۡتِ بِهَا مِنَ ٱلۡمَغۡرِبِ فَبُهِتَ ٱلَّذِي كَفَرَۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 2:258

    Hindi mo ba natunghayan ang [kuwento ng] isang taong nakipagtalo kay Abraham tungkol sa kanyang Panginoon nang dahil [lamang] siya ay pinagkalooban ng Allah ng kaharian? Nang si Abraham ay nagsabi: “Ang aking Panginoon ang Siyang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan. Siya ay sumagot: “Ako ay nagbibigay ng buhay at kamatayan.” Sinabi ni Abraham: “Katotohanan, pinasisikat ng Allah ang araw sa silangan, kaya, pasikatin mo nga ito mula sa kanluran.” Kaya, ang di- naniniwala ay nagulumihan [sa labis niyang pagkamangha]. At ang Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga mamamayang mapaggawa ng kamalian.

  259. أَوۡ كَٱلَّذِي مَرَّ عَلَىٰ قَرۡيَةٖ وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحۡيِۦ هَٰذِهِ ٱللَّهُ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۖ فَأَمَاتَهُ ٱللَّهُ مِاْئَةَ عَامٖ ثُمَّ بَعَثَهُۥۖ قَالَ كَمۡ لَبِثۡتَۖ قَالَ لَبِثۡتُ يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖۖ قَالَ بَل لَّبِثۡتَ مِاْئَةَ عَامٖ فَٱنظُرۡ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمۡ يَتَسَنَّهۡۖ وَٱنظُرۡ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجۡعَلَكَ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِۖ وَٱنظُرۡ إِلَى ٱلۡعِظَامِ كَيۡفَ نُنشِزُهَا ثُمَّ نَكۡسُوهَا لَحۡمٗاۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُۥ قَالَ أَعۡلَمُ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

    Open ayah 2:259

    O [hindi mo ba naalala ang] tulad ng isang tao na naparaan sa isang bayang nakalugmok sa pagguho. Siya ay nagsabi: “Paano kaya maibabalik ng Allah ang buhay nito pagkaraang ito ay mamatay?” Kaya, pinangyari ng Allah na siya ay mamatay sa loob ng isang daang taon at pagkaraan siya ay Kanyang muling binuhay. Siya ay tinanong: “Gaano ba katagal ang iyong pananatili [sa pagkamatay]?” Siya ay sumagot: “Ako ay nanatili [sa tagal] ng isang araw o bahagi lamang ng maghapon.” Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Hindi, ikaw ay nanatiling patay sa loob ng isang daang taon. Pagmasdan mo ang iyong pagkain at ang iyong inumin, hindi ito nagbago sa [paglipas ng] panahon; at pagmasdan mo ang iyong buriko; at ikaw ay Aming gagawin bilang isang palatandaan para sa mga tao. At pagmasdan mo ang mga buto [ng burikong ito] kung paano Namin bubuuin ang [lahat ng bahagi ng] mga ito at pagkatapos ay Aming babalutan ng laman ang mga ito.” Kaya nang ito ay naging malinaw para sa kanya, siya ay nagsabi: “Aking nababatid [ngayon] na ang Allah ang Siyang Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay.”

  260. وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ رَبِّ أَرِنِي كَيۡفَ تُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰۖ قَالَ أَوَلَمۡ تُؤۡمِنۖ قَالَ بَلَىٰ وَلَٰكِن لِّيَطۡمَئِنَّ قَلۡبِيۖ قَالَ فَخُذۡ أَرۡبَعَةٗ مِّنَ ٱلطَّيۡرِ فَصُرۡهُنَّ إِلَيۡكَ ثُمَّ ٱجۡعَلۡ عَلَىٰ كُلِّ جَبَلٖ مِّنۡهُنَّ جُزۡءٗا ثُمَّ ٱدۡعُهُنَّ يَأۡتِينَكَ سَعۡيٗاۚ وَٱعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ 

    Open ayah 2:260

    At [alalahanin] nang si Abraham ay nagsabi: “Aking Panginoon, ipakita Mo po sa akin kung paano Mo binibigyang-buhay ang patay.” Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Ikaw ba ay hindi naniniwala?” Siya [si Abraham] ay sumagot: “Opo [ako ay naniniwala], subali't [ako po ay nagtatanong lamang] upang bigyan [ko] ng kapanatagan ang aking puso.” Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Ikaw ay kumuha ng apat na ibon, sila ay iyong tipunin at dalhin sa iyo, pagkatapos [mo silang katayin at pagputul-putulin] ilagay mo ang ilang bahagi nila sa bawa’t bundok, at pagkaraan, sila ay iyong tawagin, [at] sila ay magmamadaling [lilipad] pabalik sa iyo. At [sa gayon ay iyong] mapag-aalaman na ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.”

  261. مَّثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنۢبَتَتۡ سَبۡعَ سَنَابِلَ فِي كُلِّ سُنۢبُلَةٖ مِّاْئَةُ حَبَّةٖۗ وَٱللَّهُ يُضَٰعِفُ لِمَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌ

    Open ayah 2:261

    Ang kahalintulad niyaong mga gumugugol ng kanilang yaman sa Landas ng Allah ay katulad ng isang binhi [ng butil ng mais] na tumutubo [namumunga] ng may pitong puso at ang bawa’t puso ay naglalaman ng isang daang butil. At dinaragdagan ng Allah ang [Kanyang gantimpala sa] sinumang Kanyang nais. At nasasaklawan ng Allah [ang lahat], Maalam.

  262. ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ لَا يُتۡبِعُونَ مَآ أَنفَقُواْ مَنّٗا وَلَآ أَذٗى لَّهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

    Open ayah 2:262

    Yaong mga gumugugol ng kanilang yaman sa Landas ng Allah at pagkaraan ay hindi sinusundan ng panunumbat [dito] at ng pananakit ang anumang kanilang ginugol, kanilang makakamit ang kanilang gantimpala sa kanilang Panginoon. At sila ay walang [mararanasang] pangamba, at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.

  263. ۞قَوۡلٞ مَّعۡرُوفٞ وَمَغۡفِرَةٌ خَيۡرٞ مِّن صَدَقَةٖ يَتۡبَعُهَآ أَذٗىۗ وَٱللَّهُ غَنِيٌّ حَلِيمٞ

    Open ayah 2:263

    Ang pananalitang may [kaakibat na] kabaitan at pagpapatawad [sa kakulangan ng iba] ay higit na mainam kaysa sa kawanggawa na sinusundan ng pananakit [sa pinagbigyan]. Ang Allah ay Mayaman, Mapagparaya [Mapagpaliban sa pagpaparusa].

  264. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُبۡطِلُواْ صَدَقَٰتِكُم بِٱلۡمَنِّ وَٱلۡأَذَىٰ كَٱلَّذِي يُنفِقُ مَالَهُۥ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۖ فَمَثَلُهُۥ كَمَثَلِ صَفۡوَانٍ عَلَيۡهِ تُرَابٞ فَأَصَابَهُۥ وَابِلٞ فَتَرَكَهُۥ صَلۡدٗاۖ لَّا يَقۡدِرُونَ عَلَىٰ شَيۡءٖ مِّمَّا كَسَبُواْۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 2:264

    O kayong mga naniwala, huwag ninyong sayangin ang inyong mga kawanggawa [sanhi] ng panunumbat at pananakit [sa pinagbigyan nito], katulad ng ginagawa ng isang gumugugol ng kanyang yaman upang makita [lamang] ng ibang tao nguni’t siya ay hindi naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Ang kanyang nakakatulad ay isang makinis na [tipak ng] bato na sa ibabaw nito ay may alikabok at tinamaan ng isang malakas na buhos [ng ulan] kaya ito ay naiwang nakatiwangwang. Hindi nila nagawang [mapanatili] ang anumang bagay na kanilang pinagsumikapan. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga mamamayang hindi naniniwala.

  265. وَمَثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمُ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِ وَتَثۡبِيتٗا مِّنۡ أَنفُسِهِمۡ كَمَثَلِ جَنَّةِۭ بِرَبۡوَةٍ أَصَابَهَا وَابِلٞ فَـَٔاتَتۡ أُكُلَهَا ضِعۡفَيۡنِ فَإِن لَّمۡ يُصِبۡهَا وَابِلٞ فَطَلّٞۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ

    Open ayah 2:265

    At ang nakakatulad niyaong mga gumugugol ng kanilang yaman, upang hanapin ang Lugod ng Allah at upang patatagin ang kanilang mga sarili [sa pananampalataya]- ay katulad ng isang hardin na nasa [itaas ng] burol na tinamaan ng malakas na pagbuhos ng ulan, kaya ito ay nagbunga nang higit pang masaganang ani. At [kahit] hindi man ito tinamaan ng malakas na pagbuhos [ng ulan], [sapat na rito] ang bahagyang [patak ng] ulan. At ang Allah ay Ganap na Nakakikita sa anumang inyong mga ginagawa.

  266. أَيَوَدُّ أَحَدُكُمۡ أَن تَكُونَ لَهُۥ جَنَّةٞ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَابٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ لَهُۥ فِيهَا مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ وَأَصَابَهُ ٱلۡكِبَرُ وَلَهُۥ ذُرِّيَّةٞ ضُعَفَآءُ فَأَصَابَهَآ إِعۡصَارٞ فِيهِ نَارٞ فَٱحۡتَرَقَتۡۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 2:266

    Nais ba ng isa sa inyo na magkaroon ng hardin ng mga puno ng datiles at mga ubasan na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos at doon ay mayroon siyang iba’t ibang uri ng bungangkahoy? Nguni’t siya ay dinatnan ng katandaan at siya ay may mga anak na mahihina pa, at ito [ang hardin] ay sinalanta ng buhawing may dalang apoy at ito ay tinupok? Ganyan ginawang malinaw ng Allah ang [Kanyang] mga ayaat [babala, palatandaan] sa inyo upang sakali kayo ay [matutong] mag-isip nang malalim [tungkol sa paghahalintulad na ito].

  267. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنفِقُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا كَسَبۡتُمۡ وَمِمَّآ أَخۡرَجۡنَا لَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِۖ وَلَا تَيَمَّمُواْ ٱلۡخَبِيثَ مِنۡهُ تُنفِقُونَ وَلَسۡتُم بِـَٔاخِذِيهِ إِلَّآ أَن تُغۡمِضُواْ فِيهِۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٌ

    Open ayah 2:267

    O kayong mga naniwala, kayo ay gumugol mula sa inyong mabubuting pinagkakitaan, at mula sa Aming mga [biyayang] pinatubo sa lupa para sa inyo. At huwag ninyong hangaring gumugol [sa kawanggawa] mula sa anumang [bagay na] marumi [mababang-uri o walang halaga], na maging kayo man ay hindi tatanggap nito maliban lamang kung kayo ay nakapikit. At dapat ninyong malaman na ang Allah ay Mayaman [walang pangangailangan], Kapuri-puri.

  268. ٱلشَّيۡطَٰنُ يَعِدُكُمُ ٱلۡفَقۡرَ وَيَأۡمُرُكُم بِٱلۡفَحۡشَآءِۖ وَٱللَّهُ يَعِدُكُم مَّغۡفِرَةٗ مِّنۡهُ وَفَضۡلٗاۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:268

    Ang satanas ay nangangako [o nagbabanta] sa inyo ng paghihikahos [kung kayo ay magkawanggawa] at siya ay nag-uutos [o nag-uudyok] sa inyo ng kahalayan; samantalang ang Allah ay nangangako sa inyo ng kapatawaran mula sa Kanya at ng biyaya. At nasasaklawan ng Allah [ang lahat], Maalam.

  269. يُؤۡتِي ٱلۡحِكۡمَةَ مَن يَشَآءُۚ وَمَن يُؤۡتَ ٱلۡحِكۡمَةَ فَقَدۡ أُوتِيَ خَيۡرٗا كَثِيرٗاۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّآ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ

    Open ayah 2:269

    Siya ang nagkakaloob ng karunungan sa sinumang Kanyang nais. At sinumang pinagkalooban ng karunungan, katotohanang siya ay napagkalooban ng maraming kabutihan. At walang sinumang makaalaala maliban sa mga taong nagtataglay ng pang-unawa.

  270. وَمَآ أَنفَقۡتُم مِّن نَّفَقَةٍ أَوۡ نَذَرۡتُم مِّن نَّذۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُهُۥۗ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ أَنصَارٍ 

    Open ayah 2:270

    At anuman ang inyong gugulin sa gastusin [ng kawanggawa] o anumang panata na inyong ipinangako, katotohanan na ito ay nababatid ng Allah. Subali’t para sa mga mapaggawa ng kamalian, [sa kanila ay] walang makatutulong.

  271. إِن تُبۡدُواْ ٱلصَّدَقَٰتِ فَنِعِمَّا هِيَۖ وَإِن تُخۡفُوهَا وَتُؤۡتُوهَا ٱلۡفُقَرَآءَ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۚ وَيُكَفِّرُ عَنكُم مِّن سَيِّـَٔاتِكُمۡۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

    Open ayah 2:271

    Kung inyong ilantad ang inyong kawanggawa, ito ay mabuti, subali’t kung ito ay inyong ilihim at ipamigay sa mga mahihirap, ito ay higit na mabuti para sa inyo. At Kanyang papawiin mula sa inyo ang inyong mga masasamang gawa. At ang Allah ay Nakababatid ng anumang inyong mga ginagawa.

  272. ۞لَّيۡسَ عَلَيۡكَ هُدَىٰهُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يَشَآءُۗ وَمَا تُنفِقُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَلِأَنفُسِكُمۡۚ وَمَا تُنفِقُونَ إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ ٱللَّهِۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِنۡ خَيۡرٖ يُوَفَّ إِلَيۡكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تُظۡلَمُونَ

    Open ayah 2:272

    Hindi nakaatang sa iyo [O Muhammad] ang [pananagutan para sa] kanilang patnubay, bagkus ang Allah ang Siyang nagpapatnubay sa sinumang Kanyang nais. At anumang inyong gugulin mula sa mabuting [bagay], ito ay para sa inyong mga sariling [kapakanan] at hindi kayo [dapat] gumugugol maliban upang hanapin ang Lugod ng Allah. At anuman ang inyong gugulin sa kabutihan [mula sa inyong yaman], ito ay babayaran [nang lubusan] sa inyo. At kayo ay hindi dadayain [sa inyong mga gantimpala].

  273. لِلۡفُقَرَآءِ ٱلَّذِينَ أُحۡصِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ لَا يَسۡتَطِيعُونَ ضَرۡبٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ يَحۡسَبُهُمُ ٱلۡجَاهِلُ أَغۡنِيَآءَ مِنَ ٱلتَّعَفُّفِ تَعۡرِفُهُم بِسِيمَٰهُمۡ لَا يَسۡـَٔلُونَ ٱلنَّاسَ إِلۡحَافٗاۗ وَمَا تُنفِقُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٌ

    Open ayah 2:273

    [Ang kawanggawa ay] para sa mga dukha, sila yaong lubhang abala [o nakatuon sa pakikipaglaban] sa Landas ng Allah, na walang kakayahan [upang maghanap-buhay] sa kalupaan. Sila ay napagkakamalan ng mga di-nakakikilala na sila ay nakaririwasa sanhi ng kanilang pagiging kimi [mahiyain]. Subali’t sila ay iyong makikilala sa pamamagitan ng mga bakas [sa kanilang mukha]. Sila ay hindi nagpupumilit na mamalimos sa mga tao. At [inyong alalahanin na] anuman ang inyong gugulin sa kabutihan, katotohanang, ito ay lubos na nababatid ng Allah.

  274. ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُم بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ فَلَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

    Open ayah 2:274

    Yaong mga gumugugol ng kanilang mga yaman sa gabi at sa araw [para sa Landas ng Allah], maging ito man ay kubli o hayag, sa kanila ay gantimpalang nagmumula sa kanilang Panginoon. Sila ay walang [mararanasang] pangamba at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.

  275. ٱلَّذِينَ يَأۡكُلُونَ ٱلرِّبَوٰاْ لَا يَقُومُونَ إِلَّا كَمَا يَقُومُ ٱلَّذِي يَتَخَبَّطُهُ ٱلشَّيۡطَٰنُ مِنَ ٱلۡمَسِّۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّمَا ٱلۡبَيۡعُ مِثۡلُ ٱلرِّبَوٰاْۗ وَأَحَلَّ ٱللَّهُ ٱلۡبَيۡعَ وَحَرَّمَ ٱلرِّبَوٰاْۚ فَمَن جَآءَهُۥ مَوۡعِظَةٞ مِّن رَّبِّهِۦ فَٱنتَهَىٰ فَلَهُۥ مَا سَلَفَ وَأَمۡرُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِۖ وَمَنۡ عَادَ فَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 2:275

    Yaong mga lumalamon ng riba [patubuan] sila ay hindi makatatayo [sa Araw ng Paghuhukom] malibang katulad ng pagtayo ng isang hinahataw ng satanas tungo sa [kanyang] kabaliwan. Iyan ay sa dahilang sila ay nagsabi: “Ang kalakalan ay katulad [lamang] ng riba [patubuan].” Gayong pinahintulutan ng Allah ang kalakalan at ipinagbawal ang riba. Kaya, sinumang dumating sa kanya ang paala-ala [o babala] mula sa kanyang Panginoon at [siya ay] tumigil [mula sa gawaing-riba], magkagayon [siya ay walang pananagutan] para sa anumang kanyang naging nakaraang kaso. At siya at ang kanyang gawain [ay ipinaubaya] sa [pasiya ng] Allah. Subali’t, sinuman ang nagbalik [sa gawaing ito] sila yaong mga maninirahan sa Apoy; sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  276. يَمۡحَقُ ٱللَّهُ ٱلرِّبَوٰاْ وَيُرۡبِي ٱلصَّدَقَٰتِۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ كَفَّارٍ أَثِيمٍ

    Open ayah 2:276

    Pagkakaitan ng pagpapala ng Allah ang riba [patubuan] at Kanyang pauunlarin ang mga kawanggawa. At ang Allah ay hindi nagmamahal sa bawa’t makasalanang di-naniniwala.

  277. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

    Open ayah 2:277

    Katotohanan, yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, at nagsasagawa ng pagdarasal, at nagbibigay ng kawanggawa, para sa kanila ay [mabuting] gantimpalang nagmumula sa kanilang Panginoon. Sila ay walang [mararanasang] pangamba at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.

  278. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَذَرُواْ مَا بَقِيَ مِنَ ٱلرِّبَوٰٓاْ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 2:278

    O kayong mga naniwala, inyong katakutan ang Allah, at inyong talikdan ang anumang nalalabing riba, kung tunay nga na kayo ay mga naniniwala.

  279. فَإِن لَّمۡ تَفۡعَلُواْ فَأۡذَنُواْ بِحَرۡبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۖ وَإِن تُبۡتُمۡ فَلَكُمۡ رُءُوسُ أَمۡوَٰلِكُمۡ لَا تَظۡلِمُونَ وَلَا تُظۡلَمُونَ

    Open ayah 2:279

    Nguni’t, kung ito ay hindi ninyo gagawin, magkagayon, humanda kayo sa isang digmaan laban sa Allah at sa Kanyang Sugo. Subali’t kung kayo ay magsisi, [maaari ninyong] kuhaning muli ang inyong yamang [inyong ginawang puhunan]. Kaya, huwag kayong gumawa ng kamalian, at kayo ay hindi gagawan ng kamalian.

  280. وَإِن كَانَ ذُو عُسۡرَةٖ فَنَظِرَةٌ إِلَىٰ مَيۡسَرَةٖۚ وَأَن تَصَدَّقُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 2:280

    At kung siya [na may utang] ay nasa kagipitan [at wala pang kakayahang magbayad], samakatwid, ipagpaliban [ang paniningil at bigyan siya ng kaluwagan hanggang ang [kanyang] kagipitan ay mapawi. Subali’t kung kayo ay nagbigay patawad [sa mga pagkakautang ng iba] bilang [inyong] kawanggawa, ito ay nakabubuti para sa inyo kung batid lamang ninyo [ang buting kapalit nito].

  281. وَٱتَّقُواْ يَوۡمٗا تُرۡجَعُونَ فِيهِ إِلَى ٱللَّهِۖ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

    Open ayah 2:281

    At inyong katakutan ang [pagsapit ng takdang] Araw na kung saan kayong lahat ay ibabalik sa Allah. At pagkaraan, ang bawa’t tao ay babayaran sa anumang kanyang pinagsumikapan. At sila ay hindi dadayain [o gagawan ng kamalian].

  282. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا تَدَايَنتُم بِدَيۡنٍ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى فَٱكۡتُبُوهُۚ وَلۡيَكۡتُب بَّيۡنَكُمۡ كَاتِبُۢ بِٱلۡعَدۡلِۚ وَلَا يَأۡبَ كَاتِبٌ أَن يَكۡتُبَ كَمَا عَلَّمَهُ ٱللَّهُۚ فَلۡيَكۡتُبۡ وَلۡيُمۡلِلِ ٱلَّذِي عَلَيۡهِ ٱلۡحَقُّ وَلۡيَتَّقِ ٱللَّهَ رَبَّهُۥ وَلَا يَبۡخَسۡ مِنۡهُ شَيۡـٔٗاۚ فَإِن كَانَ ٱلَّذِي عَلَيۡهِ ٱلۡحَقُّ سَفِيهًا أَوۡ ضَعِيفًا أَوۡ لَا يَسۡتَطِيعُ أَن يُمِلَّ هُوَ فَلۡيُمۡلِلۡ وَلِيُّهُۥ بِٱلۡعَدۡلِۚ وَٱسۡتَشۡهِدُواْ شَهِيدَيۡنِ مِن رِّجَالِكُمۡۖ فَإِن لَّمۡ يَكُونَا رَجُلَيۡنِ فَرَجُلٞ وَٱمۡرَأَتَانِ مِمَّن تَرۡضَوۡنَ مِنَ ٱلشُّهَدَآءِ أَن تَضِلَّ إِحۡدَىٰهُمَا فَتُذَكِّرَ إِحۡدَىٰهُمَا ٱلۡأُخۡرَىٰۚ وَلَا يَأۡبَ ٱلشُّهَدَآءُ إِذَا مَا دُعُواْۚ وَلَا تَسۡـَٔمُوٓاْ أَن تَكۡتُبُوهُ صَغِيرًا أَوۡ كَبِيرًا إِلَىٰٓ أَجَلِهِۦۚ ذَٰلِكُمۡ أَقۡسَطُ عِندَ ٱللَّهِ وَأَقۡوَمُ لِلشَّهَٰدَةِ وَأَدۡنَىٰٓ أَلَّا تَرۡتَابُوٓاْ إِلَّآ أَن تَكُونَ تِجَٰرَةً حَاضِرَةٗ تُدِيرُونَهَا بَيۡنَكُمۡ فَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَلَّا تَكۡتُبُوهَاۗ وَأَشۡهِدُوٓاْ إِذَا تَبَايَعۡتُمۡۚ وَلَا يُضَآرَّ كَاتِبٞ وَلَا شَهِيدٞۚ وَإِن تَفۡعَلُواْ فَإِنَّهُۥ فُسُوقُۢ بِكُمۡۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ وَيُعَلِّمُكُمُ ٱللَّهُۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:282

    O kayong mga naniwala, kung kayo ay makipagkasundo para sa isang pananagutan [o pagkakautang] para sa takdang oras [ng pagbabayad] ilagay ito sa kasulatan. At hayaan ang isang tagapagtala na siya ay magsulat sa pagitan ninyo nang makatarungan. At ang tagapagtala ay hindi dapat tumangging magsulat katulad ng itinuro sa kanya ng Allah. Kaya, hayaan siyang magsulat at hayaan ang may pananagutan [o may pagkakautang] ang magdikta. At hayaan siyang matakot sa Allah, ang kanyang Panginoon at huwag kaliligtaan ang anumang [mahalagang] bagay mula rito. Subali’t kung ang may pagkakautang ay kapos sa pang- unawa o may kahinaan o walang kakayahang magdikta, samakatwid hayaan ang kanyang tagapangasiwa [o katiwala] na magdikta nang makatarungan. At kumuha ng dalawang saksi mula sa inyong mga kalalakihan. At kung kayo ay walang makuhang dalawang lalaki, samakatwid [kumuha kayo ng] isang lalaki at dalawang babae na inyong mapagkakasunduan bilang mga saksi upang kung sakali mang ang isa sa kanilang [dalawa] ay magkamali, siya ay mapaaalalahanan ng isa [sa kanila]. At huwag hayaang tumanggi ang mga saksi kung sila ay tawagin bilang saksi. Huwag kayong manghinawa sa pagsulat [ng inyong mga kasunduan] maging ito man ay maliit o malaki para sa itinakdang panahon. Iyan ay higit na makatarungan sa paningin ng Allah; at higit na mapananaligan bilang katibayan at higit na mainam upang maiwasan ang alinlangan sa inyong pagitan, maliban lamang kung ito ay madaliang kalakalan na kasalukuyan ninyong isinasagawa, samakatwid hindi [isang] pagkakasala kung ito man ay hindi ninyo ilagay sa kasulatan. At kumuha ng mga saksi sa tuwing kayo ay nagsasara ng kasunduan. At huwag hayaan ang tagapagtala at saksi na dumanas ng anumang kapinsalaan. Kung mangyari mang [ang kapinsalaan] ay inyong gawin, katotohanan ito ay isang [malaking] pagsuway sa inyo. Kaya, inyong katakutan ang Allah sapagka’t ang Allah ay nagtuturo sa inyo. At ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.

  283. ۞وَإِن كُنتُمۡ عَلَىٰ سَفَرٖ وَلَمۡ تَجِدُواْ كَاتِبٗا فَرِهَٰنٞ مَّقۡبُوضَةٞۖ فَإِنۡ أَمِنَ بَعۡضُكُم بَعۡضٗا فَلۡيُؤَدِّ ٱلَّذِي ٱؤۡتُمِنَ أَمَٰنَتَهُۥ وَلۡيَتَّقِ ٱللَّهَ رَبَّهُۥۗ وَلَا تَكۡتُمُواْ ٱلشَّهَٰدَةَۚ وَمَن يَكۡتُمۡهَا فَإِنَّهُۥٓ ءَاثِمٞ قَلۡبُهُۥۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ عَلِيمٞ

    Open ayah 2:283

    At kung kayo ay nasa paglalakbay at kayo ay walang matagpuang tagapagtala, magkagayon, [kayo ay nararapat] kumuha ng lagak [sanla bilang pinanghahawakang panagot]. Nguni’t kung ang isa sa inyo ay nagtitiwala sa iba [sa kanila], samakatwid, hayaang tuparin ng isang pinagkatiwalaan [ng lagak] ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya. At hayaan siyang matakot sa Allah, ang kanyang Panginoon. Huwag itago ang mga katibayan sapagka’t sinuman ang magtago nito, katiyakan na ang kanyang puso ay makasalanan. At ang Allah ay Maalam sa anumang inyong mga ginagawa.

  284. لِّلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَإِن تُبۡدُواْ مَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ أَوۡ تُخۡفُوهُ يُحَاسِبۡكُم بِهِ ٱللَّهُۖ فَيَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

    Open ayah 2:284

    Sa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. Kahit inyong ilantad o inyong ilihim ang anumang nasa inyong mga sarili, kayo ay pananagutin ng Allah hinggil dito. Gayunpaman, Kanyang pinatatawad ang sinumang Kanyang nais at pinarurusahan ang sinumang Kanyang nais sapagka’t ang Allah ay Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay.

  285. ءَامَنَ ٱلرَّسُولُ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مِن رَّبِّهِۦ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَۚ كُلٌّ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّن رُّسُلِهِۦۚ وَقَالُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَاۖ غُفۡرَانَكَ رَبَّنَا وَإِلَيۡكَ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 2:285

    Ang Sugo [si Muhammad] ay naniniwala sa anumang ibinaba [o ipinahayag] sa kanya mula sa kanyang Panginoon at gayundin ang mga naniniwala. Silang lahat ay naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Aklat, at sa Kanyang mga sugo. [Sila ay nagsasabing]: “Kami ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng sinuman sa Kanyang mga sugo.” At sila ay nagsasabing: “Aming narinig at aming sinunod. [Hangad po namin ang] Iyong kapatawaran, Aming Panginoon, at sa Iyo ang [aming huling] patutunguhan.”

  286. لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۚ لَهَا مَا كَسَبَتۡ وَعَلَيۡهَا مَا ٱكۡتَسَبَتۡۗ رَبَّنَا لَا تُؤَاخِذۡنَآ إِن نَّسِينَآ أَوۡ أَخۡطَأۡنَاۚ رَبَّنَا وَلَا تَحۡمِلۡ عَلَيۡنَآ إِصۡرٗا كَمَا حَمَلۡتَهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِنَاۚ رَبَّنَا وَلَا تُحَمِّلۡنَا مَا لَا طَاقَةَ لَنَا بِهِۦۖ وَٱعۡفُ عَنَّا وَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَآۚ أَنتَ مَوۡلَىٰنَا فَٱنصُرۡنَا عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 2:286

    Ang Allah ay hindi magbibigay-pasanin sa isang kaluluwa maliban sa [abot ng] kakayahan nito. Makakamit nito ang [bunga ng] anumang [buting] pinagsumikapan nito, at papasanin nito ang [bunga ng] anumang [kasamaang] pinagsumikapan nito. “[O Allah] Aming Panginoon, huwag Mo pong ipapataw ang sumbat sa amin kung kami man ay makalimot at magkamali.” [O Allah] Aming Panginoon, huwag Mo pong iatang sa amin ang isang pasaning katulad ng pasaning iniatang Mo sa mga nauna sa amin. [O Allah] Aming Panginoon, huwag Mo pong ipapasan sa amin ang anumang [mga pasanin] na wala kaming kakayahan [magpasan] para rito. Pagpaumanhin Mo po kami [sa aming mga kalabisan at mga kakulangan], at patawarin Mo po kami [sa aming mga kasalanan], at kahabagan Mo po kami. [O Allah] Ikaw ang aming Tagapagtanggol, kaya igawad Mo po sa amin ang tagumpay laban sa mga taong di-naniniwala.