آل عمران
Aal-i-Imraan
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓمٓ
Open ayah 3:1Alif,Lam,Mim.
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡحَيُّ ٱلۡقَيُّومُ
Open ayah 3:2Allah, walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, ang Lagi nang Buhay, ang Tagapagpanatili [ng lahat].
نَزَّلَ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَأَنزَلَ ٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ
Open ayah 3:3Kanyang ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad] ang Aklat [Qur’an] sa katotohanan, [ito ay] nagpapatunay sa anumang [kasulatang] nauna rito. At Kanyang ibinaba [o ipinahayag] ang Torah at ang Ebanghelyo,
مِن قَبۡلُ هُدٗى لِّلنَّاسِ وَأَنزَلَ ٱلۡفُرۡقَانَۗ إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٍ
Open ayah 3:4Noong una, bilang patnubay sa tao. At Kanyang ibinaba [o ipinahayag] ang pamantayan. Katotohanan, yaong mga di-naniwala sa mga ayaat [o kapahayagan] ng Allah, para sa kanila ay isang matinding parusa; at ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang may Tangan ng pagpaparusa [o pagpataw ng ganti].
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَخۡفَىٰ عَلَيۡهِ شَيۡءٞ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِ
Open ayah 3:5Katotohanan sa Allah - walang nakatagong bagay sa Kanya sa kalupaan at sa kalangitan.
هُوَ ٱلَّذِي يُصَوِّرُكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡحَامِ كَيۡفَ يَشَآءُۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 3:6Siya ang humubog [o nagbigay-anyo at hugis] sa inyo sa loob ng mga sinapupunan sa paano mang [paraang] Kanyang nais. Walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ مِنۡهُ ءَايَٰتٞ مُّحۡكَمَٰتٌ هُنَّ أُمُّ ٱلۡكِتَٰبِ وَأُخَرُ مُتَشَٰبِهَٰتٞۖ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمۡ زَيۡغٞ فَيَتَّبِعُونَ مَا تَشَٰبَهَ مِنۡهُ ٱبۡتِغَآءَ ٱلۡفِتۡنَةِ وَٱبۡتِغَآءَ تَأۡوِيلِهِۦۖ وَمَا يَعۡلَمُ تَأۡوِيلَهُۥٓ إِلَّا ٱللَّهُۗ وَٱلرَّٰسِخُونَ فِي ٱلۡعِلۡمِ يَقُولُونَ ءَامَنَّا بِهِۦ كُلّٞ مِّنۡ عِندِ رَبِّنَاۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّآ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Open ayah 3:7Siya ang nagbaba [o nagpahayag] sa iyo [O Muhammad] ng Aklat [ang Qur’an] – naglalaman ng mga talatang Muhkamat, - ang mga ito ay saligan [o batayan] ng Aklat at ang iba ay Mutasha’bihat. At yaong ang kanilang mga puso ay lihis [sa katotohanan], kanilang sinusunod ang anumang hindi ganap na maliwanag, naghahanap ng fitnah [o kamalian] at naghahanap ng isang kahulugan [na naaayon sa kanila]. Subali’t walang nakababatid sa [tunay na] kahulugan nito maliban sa Allah. At yaong [mga taong] taglay ang matibay na kaalaman ay nagsasabing: “Kami ay naniniwala rito; ang lahat [ng ito] ay nagmula sa aming Panginoon.” At walang sinuman ang makatatanggap ng paalala nito maliban sa mga nagtataglay ng pang-unawa.
رَبَّنَا لَا تُزِغۡ قُلُوبَنَا بَعۡدَ إِذۡ هَدَيۡتَنَا وَهَبۡ لَنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةًۚ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡوَهَّابُ
Open ayah 3:8[Sila yaong nagsasabing]: “Aming Panginoon, huwag Mo pong tulutang ang aming mga puso ay lumihis [sa katotohanan] pagkaraan na kami ay Iyong patnubayan, at igawad Mo po sa amin mula sa Iyong Sarili ang habag. Tunay na Ikaw ang Tagapaggawad [ng habag].”
رَبَّنَآ إِنَّكَ جَامِعُ ٱلنَّاسِ لِيَوۡمٖ لَّا رَيۡبَ فِيهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُخۡلِفُ ٱلۡمِيعَادَ
Open ayah 3:9“Aming Panginoon, katotohanan, Ikaw ang magtitipon sa sangkatauhan para sa Araw [ng Pagkabuhay na Muli] na walang alinlangan tungkol dito. Katotohanan, ang Allah ay hindi sumisira sa [Kanyang] pangako.”
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَن تُغۡنِيَ عَنۡهُمۡ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ وَقُودُ ٱلنَّارِ
Open ayah 3:10Katotohanan, yaong mga di-naniwala, kailanman ang kanilang mga yaman at kanilang mga anak ay hindi makatutulong sa kanila laban sa Allah kahit sa anupaman; at sila yaong mga panggatong sa Apoy [ng Impiyerno].
كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمۡۗ وَٱللَّهُ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Open ayah 3:11[Sila ay] katulad ng [masamang] kaugalian ng mga mamamayan ni Paraon at yaong mga nauna sa kanila; kanilang pinasinungalingan [o itinakwil] ang Aming mga ayaat [o kapahayagan, babala]. Kaya, sila ay pinuksa ng Allah nang dahil sa kanilang mga kasalanan. At ang Allah ay matindi [o mahigpit] sa [paggawad ng] pagpaparusa.
قُل لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ سَتُغۡلَبُونَ وَتُحۡشَرُونَ إِلَىٰ جَهَنَّمَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Open ayah 3:12Sabihin sa mga di-naniniwala: “[Hindi maglalaon] kayo ay magagapi at kayo ay titipuning sama-sama sa Impiyerno, at ito ay sadyang napakasamang [pook] na paghihimlayan.”
قَدۡ كَانَ لَكُمۡ ءَايَةٞ فِي فِئَتَيۡنِ ٱلۡتَقَتَاۖ فِئَةٞ تُقَٰتِلُ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَأُخۡرَىٰ كَافِرَةٞ يَرَوۡنَهُم مِّثۡلَيۡهِمۡ رَأۡيَ ٱلۡعَيۡنِۚ وَٱللَّهُ يُؤَيِّدُ بِنَصۡرِهِۦ مَن يَشَآءُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّأُوْلِي ٱلۡأَبۡصَٰرِ
Open ayah 3:13Katiyakan, nagkaroon na ng ayaat [pahiwatig o babala] para sa inyo sa dalawang hukbong nagkasagupaan [sa digmaan ng Badr]. Ang isang hukbo ay nakipaglaban para sa Landas ng Allah, at ang isa [naman] ay sa [panig ng] mga di-naniniwala. Kanilang nakita na sila [mga di-naniniwala] ay nakahihigit sa bilang ng dalawang ulit sa [kanilang] paningin. Subali’t tinatangkilik ng Allah ang sinumang Kanyang nais [sa pamamagitan] ng Kanyang [tulong para sa] tagumpay. Katotohanan, naririto ang isang aral para sa mga nakakikita [o nakauunawa].
زُيِّنَ لِلنَّاسِ حُبُّ ٱلشَّهَوَٰتِ مِنَ ٱلنِّسَآءِ وَٱلۡبَنِينَ وَٱلۡقَنَٰطِيرِ ٱلۡمُقَنطَرَةِ مِنَ ٱلذَّهَبِ وَٱلۡفِضَّةِ وَٱلۡخَيۡلِ ٱلۡمُسَوَّمَةِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ وَٱلۡحَرۡثِۗ ذَٰلِكَ مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَٱللَّهُ عِندَهُۥ حُسۡنُ ٱلۡمَـَٔابِ
Open ayah 3:14“Ginawang kaakit-akit para sa tao ang pagmamahal sa alinmang kanilang pinagnanasaan - mga kababaihan, at mga anak, at mga bunton ng pinagtipunang ginto at pilak, mga naggagandahang uri ng kabayo, at mga hayupan at mga taniman [o mga sakahang] lupa. Iyan ang kasiyahan ng makamundong buhay, nguni’t nasa Allah, ang pinakamabuting pook na pagbabalikan [ang walang hanggang paninirahan sa Paraiso].”
۞قُلۡ أَؤُنَبِّئُكُم بِخَيۡرٖ مِّن ذَٰلِكُمۡۖ لِلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا وَأَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞ وَرِضۡوَٰنٞ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Open ayah 3:15Sabihin: “Ipagbibigay-alam ko ba sa inyo ang [mga bagay] na nakahihigit kaysa riyan? Yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon, [nakalaan para sa kanila] ang mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Doon, sila ay mamamalagi nang walang hanggan at [doon] sila ay may mga asawang busilak, at lugod mula sa Allah. At ang Allah ay Ganap na nakakikita sa [Kanyang] mga alipin -
ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَآ إِنَّنَآ ءَامَنَّا فَٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ
Open ayah 3:16Yaong mga nagsasabing: “Aming Panginoon, tunay na kami ay naniwala, kaya patawarin Mo po kami sa aming mga kasalanan at iligtas Mo po kami sa parusa ng Apoy.”
ٱلصَّٰبِرِينَ وَٱلصَّٰدِقِينَ وَٱلۡقَٰنِتِينَ وَٱلۡمُنفِقِينَ وَٱلۡمُسۡتَغۡفِرِينَ بِٱلۡأَسۡحَارِ
Open ayah 3:17[Sila] ang mga matiisin, ang mga makatotohanan, ang mga masunurin [sa Allah], at ang mga gumugugol [sa Kanyang Landas], at ang mga humihingi ng kapatawaran sa huling [ikatlong] bahagi ng gabi.”
شَهِدَ ٱللَّهُ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَأُوْلُواْ ٱلۡعِلۡمِ قَآئِمَۢا بِٱلۡقِسۡطِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 3:18Ang Allah ay sumasaksi na walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, at [sumasaksi rin] ang mga anghel at yaong mga may kaalaman; [Kanyang] pinangangalagaan [ang Kanyang mga nilikha] nang makatarungan. Walang diyos maliban sa Kanya; ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلۡإِسۡلَٰمُۗ وَمَا ٱخۡتَلَفَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 3:19Katotohanan, ang [tanging] relihiyon [Deen] sa [paningin ng] Allah ay ang Islam. At yaong mga pinagkalooban ng [Banal na] Kasulatan [ang mga Hudyo at Kristiyano] ay hindi nagkaiba malibang pagkaraang dumating sa kanila ang kaalaman – na nagbunga ng [matinding] paninibugho sa kanilang pagitan. At sinuman ang di-naniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah, katotohanan, ang Allah ay Maagap sa pagtutuos [ng mga gawa].
فَإِنۡ حَآجُّوكَ فَقُلۡ أَسۡلَمۡتُ وَجۡهِيَ لِلَّهِ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِۗ وَقُل لِّلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡأُمِّيِّـۧنَ ءَأَسۡلَمۡتُمۡۚ فَإِنۡ أَسۡلَمُواْ فَقَدِ ٱهۡتَدَواْۖ وَّإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Open ayah 3:20Kaya, kung sila ay makipagtalo sa iyo, sabihin, “Isinuko ko na ang aking sarili sa Allah [sa Islam] at [gayundin] yaong mga sumunod sa akin.” At sabihin sa mga [naunang] pinagkalooban ng Kasulatan at sa mga mangmang [na pagano]: “Isinuko na ba ninyo ang inyong mga sarili?” At kung sila’y nagsisuko, tunay nga na sila’y napatnubayan nang matuwid. Nguni’t, kung sila ay magsisitalikod, magkagayon ang nakaatang sa iyo ay ang [tungkuling] ipalaganap lamang nang malinaw [ang mensahe]; at ang Allah ay Ganap na nakakikita sa [Kanyang] mga alipin.
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَيَقۡتُلُونَ ٱلَّذِينَ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡقِسۡطِ مِنَ ٱلنَّاسِ فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Open ayah 3:21Katotohanan, yaong mga di-naniniwala sa mga ayaat [aral, babala at tanda] ng Allah at kanilang pinagpapatay ang mga propeta nang walang makatarungang [dahilan], at kanilang pinagpapatay yaong mga nag-uutos ng katarungan mula sa mga tao – kaya, ibalita mo sa kanila ang isang mahapding parusa.
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Open ayah 3:22Sila yaong ang kanilang mga gawain ay nawalan ng kabuluhan sa mundong ito at sa kabilang buhay. At sila ay walang [matatagpuang] mga makatutulong [upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili].
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يُدۡعَوۡنَ إِلَىٰ كِتَٰبِ ٱللَّهِ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَهُمۡ ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٞ مِّنۡهُمۡ وَهُم مُّعۡرِضُونَ
Open ayah 3:23Hindi mo ba isinasaalang-alang [O Muhammad] yaong mga pinagkalooban ng isang bahagi ng Kasulatan? Sila ay inanyayahan sa Kasulatan ng Allah na siyang maghahatol sa kanilang pagitan, [subali’t] pagkaraan ang isang pangkat sa kanila ay tumalikod, at sila ay tumututol.
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُواْ لَن تَمَسَّنَا ٱلنَّارُ إِلَّآ أَيَّامٗا مَّعۡدُودَٰتٖۖ وَغَرَّهُمۡ فِي دِينِهِم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Open ayah 3:24Iyan ay sa dahilang sila ay nagsasabi na: “Kailanman, kami ay hindi masasaling ng apoy maliban sa [ilang] bilang na araw [lamang].” At [sapagka’t] sila ay nilinlang ng kanilang relihiyon sanhi ng anumang kanilang nilubid [na kasinungalingan laban sa Allah].
فَكَيۡفَ إِذَا جَمَعۡنَٰهُمۡ لِيَوۡمٖ لَّا رَيۡبَ فِيهِ وَوُفِّيَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Open ayah 3:25Paano [na kaya] kapag sila ay Aming titipunin sa Araw [ng Pagkabuhay na Muli] na walang alinlangan tungkol [sa pagsapit] nito? At bawa’t kaluluwa [o tao] ay babayaran [nang lubusan] para sa anumang kanilang pinagsumikapan. At sila ay hindi [dadayain] gagawan ng kamalian.
قُلِ ٱللَّهُمَّ مَٰلِكَ ٱلۡمُلۡكِ تُؤۡتِي ٱلۡمُلۡكَ مَن تَشَآءُ وَتَنزِعُ ٱلۡمُلۡكَ مِمَّن تَشَآءُ وَتُعِزُّ مَن تَشَآءُ وَتُذِلُّ مَن تَشَآءُۖ بِيَدِكَ ٱلۡخَيۡرُۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 3:26Sabihin: “O Allah, ang nagmamay-ari ng kaharian. Ipinagkakaloob Mo ang kaharian sa sinumang Iyong nais, at binabawi Mo ang kaharian mula sa sinumang Iyong nais, at pinararangalan Mo ang sinumang Iyong nais, at ginagawa Mong kaaba-aba ang sinumang Iyong nais. Nasa Iyong Kamay ang [lahat ng] kabutihan. Katotohanan, Ikaw ang may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.”
تُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَتُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِۖ وَتُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَتُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّۖ وَتَرۡزُقُ مَن تَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Open ayah 3:27Pinapangyari Mo na ang gabi ay pumasok sa araw, at pinapangyari Mo na ang araw ay pumasok sa gabi, at binubuhay Mo ang [dati ay] walang buhay at pinapangyari Mong mamatay ang [dati ay] may buhay. At tinutustusan Mo ang sinumang Iyong nais nang walang takdang bilang [o sukat].
لَّا يَتَّخِذِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَلَيۡسَ مِنَ ٱللَّهِ فِي شَيۡءٍ إِلَّآ أَن تَتَّقُواْ مِنۡهُمۡ تُقَىٰةٗۗ وَيُحَذِّرُكُمُ ٱللَّهُ نَفۡسَهُۥۗ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 3:28Huwag hayaang ang mga naniniwala na magturing sa mga di- naniniwala bilang awliyah [mga kaibigan] sa halip na kapwa naniniwala. At sinuman ang gumawa niyan ay walang anupamang [maaasahang] bagay mula sa Allah, maliban lamang kung [ito ay ginagawa] bilang pag- iingat laban sa kanila. At kayo ay binabalaan ng Allah laban sa Kanyang Sariling [kaparusahan], at sa Allah ang huling patutunguhan [ng lahat].
قُلۡ إِن تُخۡفُواْ مَا فِي صُدُورِكُمۡ أَوۡ تُبۡدُوهُ يَعۡلَمۡهُ ٱللَّهُۗ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 3:29Sabihin: “Kahit inyong ilihim ang anumang nasa inyong mga dibdib o ito ay ilantad man, ito ay nababatid ng Allah, at Kanyang nababatid ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At ang Allah ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.”
يَوۡمَ تَجِدُ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ مِنۡ خَيۡرٖ مُّحۡضَرٗا وَمَا عَمِلَتۡ مِن سُوٓءٖ تَوَدُّ لَوۡ أَنَّ بَيۡنَهَا وَبَيۡنَهُۥٓ أَمَدَۢا بَعِيدٗاۗ وَيُحَذِّرُكُمُ ٱللَّهُ نَفۡسَهُۥۗ وَٱللَّهُ رَءُوفُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Open ayah 3:30Sa Araw na bawa’t kaluluwa ay kanyang matatagpuan ang anumang nagawa niyang kabutihan na nakahanda na at ang anumang nagawa niyang kasamaan, [sanhi nito] kanyang nanaisin na sa pagitan niya at pagitan ng [nagawa niyang] kasamaan ay magkaroon ng malaking agwat [layo]. At ang Allah ay nagbabala sa inyo ng Kanyang Sariling [kaparusahan]. At ang Allah ay Tigib ng Kabaitan sa [Kanyang] mga alipin.
قُلۡ إِن كُنتُمۡ تُحِبُّونَ ٱللَّهَ فَٱتَّبِعُونِي يُحۡبِبۡكُمُ ٱللَّهُ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 3:31Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Kung [tunay ngang] kayo ay nagmamahal sa Allah, magkagayon ako ay inyong sundin, [at] kayo ay mamahalin ng Allah at Kanyang patatawarin ang inyong mga kasalanan. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.”
قُلۡ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَۖ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 3:32Sabihin: “Sumunod kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo [si Muhammad]. Nguni’t kung sila’y magsitalikod, magkagayon, tunay na hindi minamahal ng Allah ang mga di-naniniwala.”
۞إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰٓ ءَادَمَ وَنُوحٗا وَءَالَ إِبۡرَٰهِيمَ وَءَالَ عِمۡرَٰنَ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 3:33Katotohanan pinili ng Allah [bilang angkan ng mga Propeta] sina Adan, at Noah, at ang pamilya ni Abraham at ang pamilya ni Imran [at sa kani-kanilang panahon, sila ay Kanyang pinarangalan] nang higit sa lahat ng [Kanyang] mga nilikha.
ذُرِّيَّةَۢ بَعۡضُهَا مِنۢ بَعۡضٖۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
Open ayah 3:34Mga inapo - ang ilan sa kanila ay nagmula sa iba. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.
إِذۡ قَالَتِ ٱمۡرَأَتُ عِمۡرَٰنَ رَبِّ إِنِّي نَذَرۡتُ لَكَ مَا فِي بَطۡنِي مُحَرَّرٗا فَتَقَبَّلۡ مِنِّيٓۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 3:35[Banggitin mo, O Muhammad] nang ang asawa ni Imran ay nagsabi: “Aking Panginoon, katotohanan aking ipinangako po sa Iyo ang anumang nasa aking sinapupunan, na aking iaalay po [para sa paglilingkod sa Iyo] kaya tanggapin Mo po ito mula sa akin. Katotohanan, Ikaw ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.”
فَلَمَّا وَضَعَتۡهَا قَالَتۡ رَبِّ إِنِّي وَضَعۡتُهَآ أُنثَىٰ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا وَضَعَتۡ وَلَيۡسَ ٱلذَّكَرُ كَٱلۡأُنثَىٰۖ وَإِنِّي سَمَّيۡتُهَا مَرۡيَمَ وَإِنِّيٓ أُعِيذُهَا بِكَ وَذُرِّيَّتَهَا مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ ٱلرَّجِيمِ
Open ayah 3:36Kaya, nang siya ay magsilang sa kanya [sa sanggol na si Maria], siya ay nagsabi: “Aking Panginoon, ako po ay nagsilang ng isang [batang] babae. At ang Allah ang higit na nakaaalam sa anumang kanyang isinilang. At ang lalaki ay hindi katulad ng babae [sa paglilingkod] at siya ay aking pinangalanang Maria at ako po ay humihingi ng kanlungan [sa Iyo] para sa kanya at sa kanyang magiging mga supling laban sa satanas, ang isinumpa.”
فَتَقَبَّلَهَا رَبُّهَا بِقَبُولٍ حَسَنٖ وَأَنۢبَتَهَا نَبَاتًا حَسَنٗا وَكَفَّلَهَا زَكَرِيَّاۖ كُلَّمَا دَخَلَ عَلَيۡهَا زَكَرِيَّا ٱلۡمِحۡرَابَ وَجَدَ عِندَهَا رِزۡقٗاۖ قَالَ يَٰمَرۡيَمُ أَنَّىٰ لَكِ هَٰذَاۖ قَالَتۡ هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ إِنَّ ٱللَّهَ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٍ
Open ayah 3:37Kaya, siya ay tinanggap ng kanyang Panginoon nang may mabuting pagtanggap. At siya ay pinalaki sa kagandahang-asal at siya ay inilagay sa pangangalaga ni Zakarias. Sa tuwing papasok sa silid-dalanginan si Zakarias [upang siya ay dalawin], dinaratnan niyang mayroong pagkain. Siya [si Zakarias] ay nagsabi: “O, Maria, saan mo kinuha ang mga [pagkaing] ito?” Siya [si Maria] ay nagsabi: “Ito ay nanggaling sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay nagbibigay [ng panustos] sa sinumang Kanyang nais nang walang takdang bilang [o sukat].”
هُنَالِكَ دَعَا زَكَرِيَّا رَبَّهُۥۖ قَالَ رَبِّ هَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ ذُرِّيَّةٗ طَيِّبَةًۖ إِنَّكَ سَمِيعُ ٱلدُّعَآءِ
Open ayah 3:38Sa [sandaling] iyon, si Zakarias ay nanalangin sa kanyang Panginoon na nagsasabing: “Aking Panginoon, igawad Mo po sa akin mula sa Iyong Sarili ang [pagpapala ng] isang mabuting anak. Katotohanan, Ikaw ang Lubos na Nakaririnig ng panalangin.”
فَنَادَتۡهُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَهُوَ قَآئِمٞ يُصَلِّي فِي ٱلۡمِحۡرَابِ أَنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحۡيَىٰ مُصَدِّقَۢا بِكَلِمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَسَيِّدٗا وَحَصُورٗا وَنَبِيّٗا مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 3:39Kaya, siya [si Zakarias] ay tinawag ng mga anghel habang siya ay nakatayong nagdarasal sa silid-dalanginan, [at silang mga anghel ay nagsabi:] “Katotohanan, ang Allah ay nagbibigay sa iyo ng isang magandang balita [sa pamamagitan ng isang anak na ang pangalan ay] si Juan, na nagpapatunay ng salita mula sa Allah. At siya [si Juan] ay magiging marangal at malaya sa anumang bawal na ugnayan [pakikipagtalik], at isang propeta, mula sa [hanay ng] mga matwid.”
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَقَدۡ بَلَغَنِيَ ٱلۡكِبَرُ وَٱمۡرَأَتِي عَاقِرٞۖ قَالَ كَذَٰلِكَ ٱللَّهُ يَفۡعَلُ مَا يَشَآءُ
Open ayah 3:40Siya [si Zakarias] ay nagsabi: “Aking Panginoon, paano po ako magkakaroon ng anak na lalaki gayong ako ay umabot na sa [sukdulang] katandaang [gulang] at ang aking asawa ay baog?” [Ang anghel ay] nagsabi: “[Kahit na], ganyan ang Allah, ginagawa ang anumang Kanyang nais.”
قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّيٓ ءَايَةٗۖ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَٰثَةَ أَيَّامٍ إِلَّا رَمۡزٗاۗ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ كَثِيرٗا وَسَبِّحۡ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِبۡكَٰرِ
Open ayah 3:41Siya [si Zakarias] ay nagsabi: “Aking Panginoon, gawan Mo po ako ng palatandaan.” Siya ay nagsabi: “Ang iyong palatandaan: ikaw ay hindi makapagsasalita sa tao sa loob ng tatlong araw maliban sa [pamamagitan ng] senyas [o paggalaw lamang]. At [sa loob ng panahong ito] alalahanin mo ang iyong Panginoon sa tuwina. At [Siya ay] iyong luwalhatiin sa gabi at umaga.”
وَإِذۡ قَالَتِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَٰمَرۡيَمُ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰكِ وَطَهَّرَكِ وَٱصۡطَفَىٰكِ عَلَىٰ نِسَآءِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 3:42At [banggitin] nang sabihin ng mga anghel: “O Maria, katotohanan, ikaw ay pinili ng Allah, ikaw ay ginawang dalisay at ikaw ay pinili nang higit sa mga kababaihan sa lahat ng mga nilikha [sa sangkatauhan].
يَٰمَرۡيَمُ ٱقۡنُتِي لِرَبِّكِ وَٱسۡجُدِي وَٱرۡكَعِي مَعَ ٱلرَّٰكِعِينَ
Open ayah 3:43O Maria, ikaw ay maging masunuring tapat sa iyong Panginoon at ikaw ay magpatirapa at yumukong kasama ng mga nagsisiyuko [sa pagdarasal].”
ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهِ إِلَيۡكَۚ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يُلۡقُونَ أَقۡلَٰمَهُمۡ أَيُّهُمۡ يَكۡفُلُ مَرۡيَمَ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يَخۡتَصِمُونَ
Open ayah 3:44Iyan ay nagmula sa mga balita ng Ghaib [o di-nakikitang bahagi ng pangyayari] na Aming ipinahayag sa iyo [O Muhammad]. At ikaw ay wala sa kanilang [kinaroroonan nang panahong iyon], nang [mangyaring] sila ay maghagis ng kanilang mga panulat [upang pagpasiyahan] kung sino sa kanila ang mangangalaga kay Maria. Ikaw ay wala [rin] noon, nang [mangyaring] sila ay magtalu-talo.
إِذۡ قَالَتِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَٰمَرۡيَمُ إِنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَةٖ مِّنۡهُ ٱسۡمُهُ ٱلۡمَسِيحُ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ وَجِيهٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Open ayah 3:45[At banggitin] nang sabihin ng mga anghel: “O Maria, katotohanan, ang Allah ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang salita mula sa Kanya na ang kanyang pangalan ay Mesiyas, si Hesus, ang anak ni Maria. At [siya ay] pinarangalan sa mundong ito at sa kabilang buhay. At [siya ay] mabibilang sa mga malalapit [sa Allah].
وَيُكَلِّمُ ٱلنَّاسَ فِي ٱلۡمَهۡدِ وَكَهۡلٗا وَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 3:46At siya ay magsasalita sa mga tao sa [kanyang] duyan [kamusmusan] at kagulangan. At siya ay mabibilang sa [hanay ng] mga matwid.”
قَالَتۡ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي وَلَدٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞۖ قَالَ كَذَٰلِكِ ٱللَّهُ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Open ayah 3:47Siya [si Maria] ay nagsabi: “Aking Panginoon, paano po ako magkakaroon ng anak [na lalaki] gayong wala namang lalaking sumaling sa akin?” [Ang anghel ay] nagsabi: “[Kahit na] ganyan ang Allah, lumilikha ng anumang Kanyang nais. Kapag Kanyang itinakda ang isang pangyayari [o bagay], Kanyang sasabihin lamang dito: ‘Maging, kaya mangyayari nga.’
وَيُعَلِّمُهُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ
Open ayah 3:48At Kanyang tuturuan siya [si Hesus] ng pagsusulat at ng karunungang [ukol sa katuruan ng mga propeta], at ng Torah at Ebanghelyo.
وَرَسُولًا إِلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَنِّي قَدۡ جِئۡتُكُم بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ أَنِّيٓ أَخۡلُقُ لَكُم مِّنَ ٱلطِّينِ كَهَيۡـَٔةِ ٱلطَّيۡرِ فَأَنفُخُ فِيهِ فَيَكُونُ طَيۡرَۢا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۖ وَأُبۡرِئُ ٱلۡأَكۡمَهَ وَٱلۡأَبۡرَصَ وَأُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۖ وَأُنَبِّئُكُم بِمَا تَأۡكُلُونَ وَمَا تَدَّخِرُونَ فِي بُيُوتِكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Open ayah 3:49At [siya ay gagawing] isang sugo sa mga anak ni Israel [na nagsasabing]: ‘Katotohanan, ako ay naparito sa inyo na may dalang ayah [palatandaan, himala] mula sa inyong Panginoon, na ako ay gagawa para sa inyo mula sa luad [o putik] ng tila anyo ng isang ibon, at ito ay aking hihipan, at magiging ibon sa kapahintulutan ng Allah. At aking pagagalingin ang ipinanganak na bulag, at ang may ketong, at aking bubuhayin ang patay sa kapahintulutan ng Allah. At aking ipababatid sa inyo ang anumang inyong kinakain, at ang anumang inyong iniimbak [o itinatago] sa inyong mga pamamahay. Katotohanan, naririto ang isang ayah [himala] para sa inyo kung tunay nga na kayo ay mga naniniwala.’
وَمُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَلِأُحِلَّ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي حُرِّمَ عَلَيۡكُمۡۚ وَجِئۡتُكُم بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Open ayah 3:50At [ako ay naparito] na magpapatunay sa anumang nauna sa akin, ang Torah [o batas] at upang pahintulutan para sa inyo ang ilan sa anumang dati ay ipinagbawal sa inyo. At ako ay naparito sa inyo na may dalang ayah [himala] mula sa inyong Panginoon. Kaya, matakot kayo sa Allah at sumunod sa akin.
إِنَّ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Open ayah 3:51Katotohanan, ang Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon, samakatwid Siya ay inyong sambahin. Ito ang matuwid na landas.’”
۞فَلَمَّآ أَحَسَّ عِيسَىٰ مِنۡهُمُ ٱلۡكُفۡرَ قَالَ مَنۡ أَنصَارِيٓ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَٱشۡهَدۡ بِأَنَّا مُسۡلِمُونَ
Open ayah 3:52Nguni’t, nang mapag-alaman ni Hesus mula sa kanila ang kawalan ng paniniwala, siya ay nagsabi [sa kanila]: “Sino kaya ang aking magiging tagapagtaguyod para sa [Landas ng] Allah?” Sila [ang mga disipulo] ay nagsabi: “Kami ang [iyong] mga tagapagtaguyod para sa [Landas ng] Allah; kami ay naniwala sa Allah, at ikaw [O Hesus] ay sumaksi na kami ay mga Muslim [na tumatalima sa Kanya].
رَبَّنَآ ءَامَنَّا بِمَآ أَنزَلۡتَ وَٱتَّبَعۡنَا ٱلرَّسُولَ فَٱكۡتُبۡنَا مَعَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Open ayah 3:53Aming Panginoon, kami ay naniwala sa anumang ipinahayag Mo, at kami ay sumunod sa Sugo [kay Hesus]; kaya kami ay Iyong italang kasama ng mga sumaksi [sa katotohanan].”
وَمَكَرُواْ وَمَكَرَ ٱللَّهُۖ وَٱللَّهُ خَيۡرُ ٱلۡمَٰكِرِينَ
Open ayah 3:54At sila [mga di-naniniwala] ay nagbalak [na patayin si Hesus] at ang Allah ay nagbalak din [laban sa kanila]. At ang Allah ay higit na mahusay [sa lahat] ng mga nagbabalak.
إِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَىٰٓ إِنِّي مُتَوَفِّيكَ وَرَافِعُكَ إِلَيَّ وَمُطَهِّرُكَ مِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَجَاعِلُ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوكَ فَوۡقَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِۖ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ فِيمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ
Open ayah 3:55[Banggitin] nang sabihin ng Allah: “O Hesus, katiyakan na ikaw ay Aking kukunin at ikaw ay itataas sa Akin at ikaw ay Aking lilinisin mula sa [maling paratang ng] mga di-naniniwala. At Aking gagawin yaong mga sumusunod sa iyo [sa pagtalima sa Akin] na nahihigitan yaong mga di- naniniwala hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Pagkaraan, kayo ay muling magbabalik sa Akin, at Ako ay maghahatol sa inyong pagitan hinggil dito sa anumang inyong ipinagkaiba.”
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَأُعَذِّبُهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Open ayah 3:56Kaya, yaong mga di-naniniwala, sila ay Aking parurusahan ng isang matinding parusa sa mundong ito at sa kabilang buhay, at sa kanila ay walang [sinumang maaaring maging] tagapagtangkilik [o ng makatutulong].
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَيُوَفِّيهِمۡ أُجُورَهُمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 3:57At yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sa kanila ay Kanyang igagawad nang lubusan ang kanilang mga gantimpala. At hindi minamahal ng Allah ang mga mapaggawa ng kamalian.
ذَٰلِكَ نَتۡلُوهُ عَلَيۡكَ مِنَ ٱلۡأٓيَٰتِ وَٱلذِّكۡرِ ٱلۡحَكِيمِ
Open ayah 3:58Iyan ay Aming binigkas sa iyo [O Muhammad] mula sa [Aming] mga
إِنَّ مَثَلَ عِيسَىٰ عِندَ ٱللَّهِ كَمَثَلِ ءَادَمَۖ خَلَقَهُۥ مِن تُرَابٖ ثُمَّ قَالَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Open ayah 3:59Katotohanan, ang kahalintulad ni Hesus sa [pagkalikha sa kanya ng] Allah ay tulad ni Adan. Siya ay Kanyang nilikha mula sa alabok pagkaraan [ang Allah] ay nagsabi sa kanya: “Maging, kaya nangyari nga.”
ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡمُمۡتَرِينَ
Open ayah 3:60Ang katotohanan ay nagmula sa iyong Panginoon, kaya huwag kang makibilang sa mga mapag-alinlangan [tungkol sa kapahayagang ito] .
فَمَنۡ حَآجَّكَ فِيهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ فَقُلۡ تَعَالَوۡاْ نَدۡعُ أَبۡنَآءَنَا وَأَبۡنَآءَكُمۡ وَنِسَآءَنَا وَنِسَآءَكُمۡ وَأَنفُسَنَا وَأَنفُسَكُمۡ ثُمَّ نَبۡتَهِلۡ فَنَجۡعَل لَّعۡنَتَ ٱللَّهِ عَلَى ٱلۡكَٰذِبِينَ
Open ayah 3:61Kaya, sinuman ang makipagtalo sa iyo tungkol dito [kay Hesus] pagkaraan ng [lahat ng] kaalaman na dumating sa iyo, sabihin: “Halina kayo, tawagin natin ang aming mga anak at inyong mga anak, ang aming mga kababaihan at inyong mga kababaihan, ang aming mga sarili at inyong mga sarili, at pagkatapos ay ating hilingin [nang buong katapatan] ang sumpa ng Allah sa mga nagsisinungaling [na kabilang sa atin].”
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡقَصَصُ ٱلۡحَقُّۚ وَمَا مِنۡ إِلَٰهٍ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 3:62Katotohanan, ito ang tunay na [nangyaring] salaysay [tungkol kay Hesus], at walang diyos maliban sa Allah. At katotohanan, ang Allah ang Siyang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 3:63Subali’t kung sila ay magsitalikod, magkagayon, katotohanang nababatid ng Allah ang mga taong mapaggawa ng katiwalian.
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ كَلِمَةٖ سَوَآءِۭ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمۡ أَلَّا نَعۡبُدَ إِلَّا ٱللَّهَ وَلَا نُشۡرِكَ بِهِۦ شَيۡـٔٗا وَلَا يَتَّخِذَ بَعۡضُنَا بَعۡضًا أَرۡبَابٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِۚ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُولُواْ ٱشۡهَدُواْ بِأَنَّا مُسۡلِمُونَ
Open ayah 3:64Sabihin: “O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano]: Halina kayo sa isang salitang makatwiran sa pagitan namin at sa pagitan ninyo, na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, at huwag tayong magtambal ng anupaman sa Kanya, at huwag nating ituring ang ilan sa atin bilang mga panginoon bukod sa Allah. Subali’t kung sila man ay magsitalikod, magkagayon, inyong sabihin sa kanila: “Kayo ay saksi na kami ay mga Muslim [na tumatalima sa Allah].”
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تُحَآجُّونَ فِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَمَآ أُنزِلَتِ ٱلتَّوۡرَىٰةُ وَٱلۡإِنجِيلُ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِهِۦٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Open ayah 3:65O Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano], bakit kayo nagtatalu- talo tungkol kay Abraham, samantalang ang Torah [Batas] at ang Ebanghelyo ay hindi ipinahayag malibang pagkaraan [ng panahon] niya. Hindi ba kayo, kung gayon, nakauunawa?
هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ حَٰجَجۡتُمۡ فِيمَا لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞ فَلِمَ تُحَآجُّونَ فِيمَا لَيۡسَ لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ
Open ayah 3:66Naririto kayo – kayong mga nakipagtalo tungkol sa anuman na kayo ay may [ilang] kaalaman [ang Torah], kaya bakit kayo nakikipagtalo, kung gayon, sa anuman na wala kayong kaalaman tungkol [sa katayuan ni Abraham]? At ang Allah ay lubos na nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam.
مَا كَانَ إِبۡرَٰهِيمُ يَهُودِيّٗا وَلَا نَصۡرَانِيّٗا وَلَٰكِن كَانَ حَنِيفٗا مُّسۡلِمٗا وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 3:67Si Abraham ay hindi isang Hudyo o isang Kristiyano. Bagkus, siya ay isang Muslim na Hanifah [tuwirang sumasamba sa Allah] at siya ay hindi kabilang sa mga mushrik [mga nagtatambal sa Allah].
إِنَّ أَوۡلَى ٱلنَّاسِ بِإِبۡرَٰهِيمَ لَلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ وَهَٰذَا ٱلنَّبِيُّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۗ وَٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 3:68Katotohanan, mula sa sangkatauhan, ang nakahihigit sa karapatan kay Abraham ay yaong mga sumunod sa kanya at itong Propeta [si Muhammad] at yaong mga naniwala [sa kanyang mensahe]. At ang Allah ay Wali [ang Tagapangalaga] ng mga naniniwala.
وَدَّت طَّآئِفَةٞ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَوۡ يُضِلُّونَكُمۡ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ
Open ayah 3:69Ang isang pangkat mula sa Angkan ng Kasulatan [ng mga Hudyo at Kristiyano] ay nagnanais na kayo ay kanilang mailigaw [mula sa matuwid na landas]. Subali’t sila ay walang maililigaw maliban sa kanilang mga sarili, at [ito ay] hindi nila namamalayan.
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَأَنتُمۡ تَشۡهَدُونَ
Open ayah 3:70O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], bakit hindi kayo naniniwala sa mga ayaat [o kapahayagan] ng Allah samantalang kayo ay sumasaksi [sa katotohanan ng mga ito]?
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَلۡبِسُونَ ٱلۡحَقَّ بِٱلۡبَٰطِلِ وَتَكۡتُمُونَ ٱلۡحَقَّ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Open ayah 3:71O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], bakit ninyo hinahaluan ang katotohanan ng kabulaanan. At inyong itinatago ang katotohanan samantalang [ito ay] inyong nalalaman?
وَقَالَت طَّآئِفَةٞ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ ءَامِنُواْ بِٱلَّذِيٓ أُنزِلَ عَلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَجۡهَ ٱلنَّهَارِ وَٱكۡفُرُوٓاْ ءَاخِرَهُۥ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Open ayah 3:72At ang isang pangkat mula sa Angkan ng Kasulatan ay nagsasabi [sa isa’t isa]: “Maniwala kayo sa anumang ipinahayag sa mga Muslim [mga naniniwala] sa simula ng maghapon at ito ay inyong itakwil sa huli [sa pagsapit ng hapon], upang sakali sila ay magsibalik [at talikdan ang kanilang relihiyon - ang Islam],
وَلَا تُؤۡمِنُوٓاْ إِلَّا لِمَن تَبِعَ دِينَكُمۡ قُلۡ إِنَّ ٱلۡهُدَىٰ هُدَى ٱللَّهِ أَن يُؤۡتَىٰٓ أَحَدٞ مِّثۡلَ مَآ أُوتِيتُمۡ أَوۡ يُحَآجُّوكُمۡ عِندَ رَبِّكُمۡۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡفَضۡلَ بِيَدِ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ
Open ayah 3:73At [sila ay nagsabi sa isa’t isa] huwag kayong maniwala [o magtiwala] maliban sa sinumang sumusunod sa inyong relihiyon.” Sabihin: “Katotohanan, ang [tunay na] patnubay ay ang patnubay ng Allah” [Nguni’t, sila ay nagsabi] [Huwag ninyong] ipagkaloob kaninuman [ang inyong kaalaman] upang sila ay huwag na di-matulad [sa kaalaman na] ipinagkaloob sa inyo o kaya sila ay makikipagtalo [laban] sa inyo [sa pamamagitan nito] sa harap ng inyong Panginoon? Sabihin: “Katotohanan, ang [lahat ng] biyaya ay nasa Kamay ng Allah. Kanyang ipinagkakaloob ito sa sinumang Kanyang nais. At saklaw ng Allah [ang lahat], Maalam.”
يَخۡتَصُّ بِرَحۡمَتِهِۦ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 3:74Kanyang pinipili para sa Kanyang habag ang sinumang Kanyang nais. At ang Allah ang Siyang may tangan ng dakilang biyaya.
۞وَمِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ مَنۡ إِن تَأۡمَنۡهُ بِقِنطَارٖ يُؤَدِّهِۦٓ إِلَيۡكَ وَمِنۡهُم مَّنۡ إِن تَأۡمَنۡهُ بِدِينَارٖ لَّا يُؤَدِّهِۦٓ إِلَيۡكَ إِلَّا مَا دُمۡتَ عَلَيۡهِ قَآئِمٗاۗ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُواْ لَيۡسَ عَلَيۡنَا فِي ٱلۡأُمِّيِّـۧنَ سَبِيلٞ وَيَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 3:75At kabilang sa Angkan ng Kasulatan [ng mga Hudyo at Kristiyano] ay ang isa na kapag iyong pinagkatiwalaan ng Qintar [o isang malaking halaga ng yaman] ito ay kanyang ibabalik sa iyo. At kabilang din sa kanila ay ang isa na kapag iyong pinagkatiwalaan ng isang dinar [o ng isang maliit na halaga] ito ay hindi niya ibabalik sa iyo maliban lamang kung siya ay patuloy mong sisingilin, iyan ay dahil sa kanilang sinasabi [o maling paniniwala na]: “Walang nakaatang na pananagutan sa amin hinggil sa mga taong mangmang.” At sila ay nagsasabi ng kasinungalingan laban sa Allah samantalang [ito ay] kanilang nalalaman.
بَلَىٰۚ مَنۡ أَوۡفَىٰ بِعَهۡدِهِۦ وَٱتَّقَىٰ فَإِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَّقِينَ
Open ayah 3:76Bagkus, [ang katotohanan nito] sinuman ang tumutupad ng kanyang kasunduan at may takot [sa Allah], katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa mga natatakot [sa Kanya].
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَشۡتَرُونَ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ وَأَيۡمَٰنِهِمۡ ثَمَنٗا قَلِيلًا أُوْلَٰٓئِكَ لَا خَلَٰقَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ ٱللَّهُ وَلَا يَنظُرُ إِلَيۡهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 3:77Katotohanan, yaong mga ipinagbili ang kasunduan ng Allah at ang kanilang mga [sariling] panunumpa para sa maliit na halaga, sila ay walang [mabuting] bahagi sa kabilang buhay. At ang Allah ay hindi mangungusap sa kanila at hindi titingin sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. At sila ay hindi padadalisayin [mula sa kasalanan], at para sa kanila ay isang mahapding parusa.
وَإِنَّ مِنۡهُمۡ لَفَرِيقٗا يَلۡوُۥنَ أَلۡسِنَتَهُم بِٱلۡكِتَٰبِ لِتَحۡسَبُوهُ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَمَا هُوَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَقُولُونَ هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ وَمَا هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ وَيَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 3:78At katotohanan, kabilang sa kanila ay isang pangkat na binabago ang [kahulugan ng kapahayagan ng] Aklat sa pamamagitan ng [maling pagbigkas sa] kanilang mga dila upang inyong isipin na ito ay nagmula sa Aklat, subali't ito ay hindi nagmula sa Aklat. At sila ay nagsasabing: “Ito ay nagmula sa Allah,” subali’t ito ay hindi nagmula sa Allah. At sila ay nagsasalita ng kasinungalingan laban sa Allah bagaman [ito ay] kanilang nalalaman.
مَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُؤۡتِيَهُ ٱللَّهُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَ ثُمَّ يَقُولَ لِلنَّاسِ كُونُواْ عِبَادٗا لِّي مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِن كُونُواْ رَبَّٰنِيِّـۧنَ بِمَا كُنتُمۡ تُعَلِّمُونَ ٱلۡكِتَٰبَ وَبِمَا كُنتُمۡ تَدۡرُسُونَ
Open ayah 3:79Hindi marapat para sa sinumang tao [o sinumang propeta] na ang Allah ay magbigay sa kanya ng kasulatan at ng karunungan at ng pagka- propeta, pagkaraan siya ay magsasabi sa tao na: “Kayo ay magpaalipin sa
وَلَا يَأۡمُرَكُمۡ أَن تَتَّخِذُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ أَرۡبَابًاۚ أَيَأۡمُرُكُم بِٱلۡكُفۡرِ بَعۡدَ إِذۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ
Open ayah 3:80At kayo ay hindi rin niya dapat pag-utusang magturing sa mga anghel at sa mga propeta bilang inyong mga Panginoon. Dapat ba niyang ipag- utos sa inyo ang kawalan ng paniniwala pagkaraang kayo ay maging mga Muslim [na tumalima sa Allah]?
وَإِذۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ لَمَآ ءَاتَيۡتُكُم مِّن كِتَٰبٖ وَحِكۡمَةٖ ثُمَّ جَآءَكُمۡ رَسُولٞ مُّصَدِّقٞ لِّمَا مَعَكُمۡ لَتُؤۡمِنُنَّ بِهِۦ وَلَتَنصُرُنَّهُۥۚ قَالَ ءَأَقۡرَرۡتُمۡ وَأَخَذۡتُمۡ عَلَىٰ ذَٰلِكُمۡ إِصۡرِيۖ قَالُوٓاْ أَقۡرَرۡنَاۚ قَالَ فَٱشۡهَدُواْ وَأَنَا۠ مَعَكُم مِّنَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Open ayah 3:81At [inyong alalahanin, O Angkan ng Kasulatan] nang tanggapin ng Allah ang kasunduan ng mga propeta [na nagsasabing]: “Inyong tanggapin ang anumang Aking ipinagkaloob sa inyo mula sa Aklat at karunungan, at pagkaraan nito, may darating sa inyo na isang Sugo [si Muhammad] na magpapatunay sa anumang nasa inyo; [nararapat na] siya ay inyong paniwalaan at siya ay inyong tulungan.” Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Kayo ba ay sumasang-ayon dito at tinatanggap ang Aking kasunduan?” Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasang-ayon.” Siya ay nagsabi: “Magkagayon, kayo ay sumaksi; at Ako ay kabilang sa inyo bilang mga saksi.”
فَمَن تَوَلَّىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Open ayah 3:82Kaya, sinuman ang tumalikod pagkaraan niyan, sila yaong mga suwail [labis na palasuway sa kautusan ng Allah at ng Kanyang Sugo].
أَفَغَيۡرَ دِينِ ٱللَّهِ يَبۡغُونَ وَلَهُۥٓ أَسۡلَمَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ طَوۡعٗا وَكَرۡهٗا وَإِلَيۡهِ يُرۡجَعُونَ
Open ayah 3:83Sila ba ay naghahanap ng iba bukod sa relihiyon ng Allah, samantalang sa Kanya tumalima [at sumuko] ang [lahat ng] nasa mga kalangitan at nasa kalupaan, kusang-loob man o sapilitan, at sa Kanya, sila ay ibabalik?
قُلۡ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا وَمَآ أُنزِلَ عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَٱلنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمۡ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ
Open ayah 3:84Sabihin: “Kami ay naniniwala sa Allah at sa anumang ibinaba [o ipinahayag] sa amin, at sa anumang ibinaba [o ipinahayag] kina Abraham, at Ismael, at Isaak, at Hakob at sa mga asbat [mga anak ni Israel, at sa anumang ipinagkaloob kina Moises, Hesus, at sa mga propetang nagmula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng bawa’t isa sa kanila. At kami ay mga Muslim [na sumuko at tumatalima] para sa Kanya.
وَمَن يَبۡتَغِ غَيۡرَ ٱلۡإِسۡلَٰمِ دِينٗا فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡهُ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Open ayah 3:85At sinumang humanap ng ibang relihiyon bukod sa Islam, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga talunan [o nawalan].
كَيۡفَ يَهۡدِي ٱللَّهُ قَوۡمٗا كَفَرُواْ بَعۡدَ إِيمَٰنِهِمۡ وَشَهِدُوٓاْ أَنَّ ٱلرَّسُولَ حَقّٞ وَجَآءَهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 3:86Paano nga ba papatnubayan ng Allah ang mamamayang di-naniwala pagkaraan ng kanilang paniniwala [sa Kanya] at kanilang sinaksihan na ang Sugo [si Muhammad] ay totoo at ang mga malilinaw na katibayan ay dumating sa kanila? At ang Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga taong mapaggawa ng kamalian.
أُوْلَٰٓئِكَ جَزَآؤُهُمۡ أَنَّ عَلَيۡهِمۡ لَعۡنَةَ ٱللَّهِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 3:87Sila yaong [mga tao na] ang kabayaran sa kanila ay ang sumpa ng Allah, at ng mga anghel at ng lahat ng sangkatauhan, na pinagsama-sama.
خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ
Open ayah 3:88[Sila ay] mamamalagi roon [sa Impiyerno] nang walang hanggan. Ang parusa ay hindi pagagaanin sa kanila at sila ay hindi palulugitanan.
إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ وَأَصۡلَحُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
Open ayah 3:89Maliban yaong mga nagsisi [at nagbalik-loob] pagkaraan niyan [ng pagtalikod sa paniniwala] at kanilang itinuwid [ang kanilang mga sarili]. Sapagka’t katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Mahabagin.
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بَعۡدَ إِيمَٰنِهِمۡ ثُمَّ ٱزۡدَادُواْ كُفۡرٗا لَّن تُقۡبَلَ تَوۡبَتُهُمۡ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلضَّآلُّونَ
Open ayah 3:90Katotohanan, yaong mga di-naniwala [at nagtakwil sa mensahe] pagkaraan ng kanilang paniniwala at pagkatapos ay kanilang dinaragdagan ang kawalan ng paniniwala, kailanma’y hindi tatanggapin ang kanilang [inaangking] pagsisisi, At sila yaong mga naligaw [ng landas].
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَمَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٞ فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡ أَحَدِهِم مِّلۡءُ ٱلۡأَرۡضِ ذَهَبٗا وَلَوِ ٱفۡتَدَىٰ بِهِۦٓۗ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Open ayah 3:91Katotohanan, yaong mga di-naniwala at namatay habang sila ay walang paniniwala, kailanman ang [buong] kalupaan na puno ng ginto ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila kung ito man ay kanyang ibibigay bilang pantubos [sa kanyang kaligtasan]. Para sa kanila ay isang mahapding parusa at para sa kanila ay walang makatutulong.
لَن تَنَالُواْ ٱلۡبِرَّ حَتَّىٰ تُنفِقُواْ مِمَّا تُحِبُّونَۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِن شَيۡءٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٞ
Open ayah 3:92Kailanman ay hindi ninyo makakamtan ang Birr [pagiging mabuti at matwid na siyang daan tungo sa Paraiso] hanggang hindi kayo gumugol [sa Landas ng Allah] mula sa anumang inyong minamahal; at anuman ang inyong gugulin mula sa anumang bagay, katotohanan, ito ay lubos na nababatid ng Allah [at ito ay Kanyang gagantimpalaan].
۞كُلُّ ٱلطَّعَامِ كَانَ حِلّٗا لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِلَّا مَا حَرَّمَ إِسۡرَٰٓءِيلُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ مِن قَبۡلِ أَن تُنَزَّلَ ٱلتَّوۡرَىٰةُۚ قُلۡ فَأۡتُواْ بِٱلتَّوۡرَىٰةِ فَٱتۡلُوهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 3:93Ang lahat ng pagkain ay ipinahintulot sa mga anak ni Israel, maliban sa anumang ipinagbawal ni Israel [i.e.Hakob] sa kanyang sarili bago ipinahayag ang Torah [ni Moises]. Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Magkagayon, inyong dalhin [o ipakita sa akin] ang Torah [Batas] at ito ay inyong bigkasin [sa akin], kung tunay nga na kayo ay makatotohanan.”
فَمَنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Open ayah 3:94Kaya, sinuman ang naglubid ng kasinungalingan laban sa Allah pagkaraan niyan, magkagayon, sila yaong mga mapaggawa ng kamalian.
قُلۡ صَدَقَ ٱللَّهُۗ فَٱتَّبِعُواْ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 3:95Sabihin: “Ang Allah ay nagsabi ng katotohanan; kaya sumunod kayo sa relihiyon [o paniniwala] ni Abraham na Hanifah [sumasamba sa Allah lamang], at siya ay hindi kabilang sa mga mushrik. ”
إِنَّ أَوَّلَ بَيۡتٖ وُضِعَ لِلنَّاسِ لَلَّذِي بِبَكَّةَ مُبَارَكٗا وَهُدٗى لِّلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 3:96Katotohanan, ang unang bahay-dalanginan na itinatag para sa sangkatauhan ay ang nasa Bakkah [Makkah], pinagpala at isang patnubay para sa lahat ng mga nilikha.
فِيهِ ءَايَٰتُۢ بَيِّنَٰتٞ مَّقَامُ إِبۡرَٰهِيمَۖ وَمَن دَخَلَهُۥ كَانَ ءَامِنٗاۗ وَلِلَّهِ عَلَى ٱلنَّاسِ حِجُّ ٱلۡبَيۡتِ مَنِ ٱسۡتَطَاعَ إِلَيۡهِ سَبِيلٗاۚ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 3:97Dito [ay matatagpuan] ang mga malilinaw na ayaat [palatandaan - tulad ng] kinatayuan [maqam] ni Abraham. At sinumang pumasok dito ay kanyang makakamtan ang kaligtasan. At iniatang ng Allah para sa mga tao ang [tungkuling magsagawa ng] Hajj sa bahay-dalanginan [ang Ka’bah], sa sinumang may kakayahang maglakbay para rito. At sinuman ang di- naniwala [at walang pagpapahalaga rito], samakatwid, katotohanan, ang Allah ay [Mayaman] walang pangangailangan mula sa [Kanyang] mga nilikha.
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَٱللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 3:98Sabihin: “O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], bakit kayo hindi naniniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah samantalang ang Allah ay Saksi sa anumang inyong ginagawa?”
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ تَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَأَنتُمۡ شُهَدَآءُۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 3:99Sabihin: “O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], bakit ninyo hinahadlangan sa Landas ng Allah [sa Islam] yaong mga naniwala, inyong hinahangad na ito ay gawing [tila] baluktot [upang ang mga naniniwala ay tumalikod mula rito] samantalang kayo [sa inyong mga sarili] ay saksi [sa katotohanan nito]. At walang hindi nababatid ang Allah sa anumang inyong ginagawa.”
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تُطِيعُواْ فَرِيقٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ يَرُدُّوكُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡ كَٰفِرِينَ
Open ayah 3:100O kayong mga naniwala, kung susundin ninyo ang isang pangkat mula sa mga pinagkalooban ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], tunay na kayo ay kanilang ibabalik muli sa pagiging di-naniniwala pagkaraang kayo ay maniwala [sa Allah].
وَكَيۡفَ تَكۡفُرُونَ وَأَنتُمۡ تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ وَفِيكُمۡ رَسُولُهُۥۗ وَمَن يَعۡتَصِم بِٱللَّهِ فَقَدۡ هُدِيَ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 3:101At paano nga bang kayo ay hindi maniniwala samantalang binibigkas [o binabasa] sa inyo ang mga ayaat [kapahayagan] ng Allah, at inyong kasama ang Kanyang Sugo [si Muhammad]? At sinumang tumangan nang mahigpit sa Allah magkagayo’y tunay na siya ay napatnubayan tungo sa Matuwid na Landas.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ حَقَّ تُقَاتِهِۦ وَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسۡلِمُونَ
Open ayah 3:102O kayong mga naniwala, matakot kayo sa Allah nang may tunay na pagkatakot sa Kanya, at huwag kayong mamatay maliban kayo ay [nasa kalagayan bilang] mga Muslim [na sumuko at tumalima sa Kanya].
وَٱعۡتَصِمُواْ بِحَبۡلِ ٱللَّهِ جَمِيعٗا وَلَا تَفَرَّقُواْۚ وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ كُنتُمۡ أَعۡدَآءٗ فَأَلَّفَ بَيۡنَ قُلُوبِكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم بِنِعۡمَتِهِۦٓ إِخۡوَٰنٗا وَكُنتُمۡ عَلَىٰ شَفَا حُفۡرَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ فَأَنقَذَكُم مِّنۡهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Open ayah 3:103At tumangan kayo nang mahigpit sa Lubid ng Allah nang magkakasama, at huwag kayong maghiwa-hiwalay. At inyong alalahanin ang pagpapala ng Allah sa inyo - nang kayo ay magkakaaway, Kanyang pinagbuklod ang inyong mga puso, at kayo ay naging magkakapatid [sa relihiyong Islam] nang dahil sa Kanyang pagpapala. At kayo [ay dating] nasa bingit ng hukay ng Apoy [sa Impiyerno], nguni't kayo ay Kanyang iniligtas mula rito. Ganyan ginagawang malinaw ng Allah ang Kanyang mga ayaat [kapahayagan] sa inyo upang sakali kayo ay mapatnubayan.
وَلۡتَكُن مِّنكُمۡ أُمَّةٞ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلۡخَيۡرِ وَيَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Open ayah 3:104At hayaang magkaroon mula sa inyo ng isang [mabuti at huwarang] pamayanang mag-aanyaya [sa sangkatauhan] ng kabutihan, nag-uutos ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan. At sila yaong mga magtatagumpay.
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ تَفَرَّقُواْ وَٱخۡتَلَفُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Open ayah 3:105At huwag kayong maging tulad niyaong mga [pamayanang] nagkawatak-watak at nagkaiba-iba pagkaraan ng anumang dumating sa kanilang mga malilinaw na katibayan. At sila yaong magkakaroon ng malaking parusa.
يَوۡمَ تَبۡيَضُّ وُجُوهٞ وَتَسۡوَدُّ وُجُوهٞۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱسۡوَدَّتۡ وُجُوهُهُمۡ أَكَفَرۡتُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Open ayah 3:106Sa Araw [ng Pagkabuhay na Muli], ang mga ibang mukha ay magiging maputi at ang mga ibang mukha ay magiging maitim. At yaong naging maiitim ang kanilang mga mukha [ito ang sasabihin sa kanila]: “Kayo ba ay nagtakwil pagkaraan ng inyong paniniwala? Magkagayon, inyong lasapin ang parusa nang dahil sa anumang inyong pagtakwil.”
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱبۡيَضَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فَفِي رَحۡمَةِ ٱللَّهِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Open ayah 3:107Subali’t yaong naging mapuputi ang kanilang mga mukha ay nasa habag ng Allah [sa Paraiso], at sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۗ وَمَا ٱللَّهُ يُرِيدُ ظُلۡمٗا لِّلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 3:108Iyon ang mga ayaat [babala] ng Allah na Aming binibigkas sa iyo [O Muhammad] nang makatotohanan. At hindi hangad ng Allah ang kawalan ng katarungan sa lahat ng [Kanyang] mga nilikha.
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Open ayah 3:109At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At sa Allah ibabalik ang lahat ng pangyayari.
كُنتُمۡ خَيۡرَ أُمَّةٍ أُخۡرِجَتۡ لِلنَّاسِ تَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَتَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَتُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِۗ وَلَوۡ ءَامَنَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۚ مِّنۡهُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَأَكۡثَرُهُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Open ayah 3:110Kayo ang pinakamabuting pamayanan na lumitaw [bilang halimbawa] para sa sangkatauhan; [sapagka’t] inyong ipinag-uutos ang kabutihan at ipinagbabawal ang kasamaan, at kayo ay naniniwala sa Allah. At kung ang mga Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] ay naniwala lamang, ito ay higit sanang makabubuti para sa kanila. Kabilang sa kanila ay mga [tapat na] naniniwala, nguni’t karamihan sa kanila ay mga suwail.
لَن يَضُرُّوكُمۡ إِلَّآ أَذٗىۖ وَإِن يُقَٰتِلُوكُمۡ يُوَلُّوكُمُ ٱلۡأَدۡبَارَ ثُمَّ لَا يُنصَرُونَ
Open ayah 3:111Kailanman, sila ay walang magagawang pinsala sa inyo maliban sa [mga ilang] pangyayamot. At kung sila man ay makipaglaban sa inyo, kanilang ipakikita sa inyo ang kanilang mga likuran [sila ay magsisitalikod] at pagkaraan, sila ay hindi matutulungan.
ضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلذِّلَّةُ أَيۡنَ مَا ثُقِفُوٓاْ إِلَّا بِحَبۡلٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَحَبۡلٖ مِّنَ ٱلنَّاسِ وَبَآءُو بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَسۡكَنَةُۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ
Open ayah 3:112Sila ay isinadlak sa kawalang-dangal [ng Allah] saanman sila maabutan, maliban sa isang lubid [o kasunduan] mula sa Allah at lubid [o kasunduan] mula sa mga tao [mga Muslim]; at kanilang isinuong [o natamo] ang poot mula sa Allah, at sila ay isinadlak sa karukhaan. Iyan ay sa dahilang sila ay hindi naniwala sa mga ayaat [o kapahayagan] ng Allah, at kanilang pinagpapatay ang mga propeta nang walang katarungan. Iyan ay sa dahilan [din na] sila ay sumuway [sa Allah], at lagi nang mapanlabag.
۞لَيۡسُواْ سَوَآءٗۗ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ أُمَّةٞ قَآئِمَةٞ يَتۡلُونَ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ ءَانَآءَ ٱلَّيۡلِ وَهُمۡ يَسۡجُدُونَ
Open ayah 3:113Sila ay hindi [lahat] magkakatulad. Kabilang sa Angkan ng Kasulatan ay isang pamayanan na naninindigan [sa pagsunod], sila ay bumibigkas ng ayaat [kapahayagan] ng Allah sa mga oras ng gabi, at sila ay nagpapatirapa [sa pagdarasal].
يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَيَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَيُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 3:114Sila ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw, at kanilang ipinag- uutos ang gawang kabutihan at kanilang ipinagbabawal ang gawang kasamaan. At sila ay maagap sa paggawa ng mga kabutihan, at sila yaong kabilang sa [hanay ng] mga matutuwid.
وَمَا يَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَلَن يُكۡفَرُوهُۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُتَّقِينَ
Open ayah 3:115At anumang kabutihang kanilang ginagawa, kailanman ay hindi ito aalisin mula sa kanila [bagkus, ito ay gagantimpalaan para sa kanila]. At ang Allah ay Ganap na Nababatid ang mga natatakot [sa Kanya].
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَن تُغۡنِيَ عَنۡهُمۡ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Open ayah 3:116Katotohanan, yaong mga di-naniwala, ang kanilang mga yaman, at ang kanilang mga anak ay hindi makapagbibigay-buti sa kanila kahit bahagya laban sa [parusa ng] Allah. At sila yaong mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno], sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.
مَثَلُ مَا يُنفِقُونَ فِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَثَلِ رِيحٖ فِيهَا صِرٌّ أَصَابَتۡ حَرۡثَ قَوۡمٖ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَأَهۡلَكَتۡهُۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ ٱللَّهُ وَلَٰكِنۡ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Open ayah 3:117Ang nakakahalintulad ng anumang kanilang ginugugol sa makamundong buhay na ito ay tulad ng isang hanging dala ay labis na lamig - sinasalanta nito ang ani [mga pananim] ng mga taong nagkamali [o nagkasala] sa kanilang mga sarili at ito ay winawasak. At sila ay hindi ginawan ng kamalian ng Allah, bagkus sila ang gumawa ng kamalian [o pandaraya] sa kanilang mga sarili.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ بِطَانَةٗ مِّن دُونِكُمۡ لَا يَأۡلُونَكُمۡ خَبَالٗا وَدُّواْ مَا عَنِتُّمۡ قَدۡ بَدَتِ ٱلۡبَغۡضَآءُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَمَا تُخۡفِي صُدُورُهُمۡ أَكۡبَرُۚ قَدۡ بَيَّنَّا لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ
Open ayah 3:118O kayong mga naniwala, huwag ninyong ituring [bilang] tagapayo, ang iba bukod sa inyong mga sarili [kapwa-Muslim] sapagka’t sila [di- naniniwala] ay hindi magpapabayang kayo ay kanilang sirain. Sila ay naghahangad na kayo ay maghirap. Ang pagkasuklam ay namutawi na mula sa kanilang mga bibig, nguni’t higit na masidhi ang [suklam na] nasa kanilang mga dibdib. Katotohanan, Aming ginawang malinaw para sa inyo ang mga ayaat [palatandaan] kung inyong gagamitin ang inyong pang- unawa.
هَٰٓأَنتُمۡ أُوْلَآءِ تُحِبُّونَهُمۡ وَلَا يُحِبُّونَكُمۡ وَتُؤۡمِنُونَ بِٱلۡكِتَٰبِ كُلِّهِۦ وَإِذَا لَقُوكُمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوۡاْ عَضُّواْ عَلَيۡكُمُ ٱلۡأَنَامِلَ مِنَ ٱلۡغَيۡظِۚ قُلۡ مُوتُواْ بِغَيۡظِكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Open ayah 3:119Naririto kayo, kayo na nagmamahal sa kanila nguni’t sila ay hindi nagmamahal sa inyo, at kayo ay naniniwala sa lahat ng Kasulatan [kabilang ng Torah at Ebanghelyo]. At kapag sila ay inyong nakahaharap, sila ay nagsasabing: “Kami ay naniniwala.” Subali’t kapag sila ay napag-isa na, kanilang kinakagat ang mga dulo ng [kanilang] mga daliri sa tindi ng galit sa inyo. Sabihin, “Mamatay kayo sa inyong pangangalit! Katotohanan, nababatid ng Allah ang nasa loob ng mga dibdib.”
إِن تَمۡسَسۡكُمۡ حَسَنَةٞ تَسُؤۡهُمۡ وَإِن تُصِبۡكُمۡ سَيِّئَةٞ يَفۡرَحُواْ بِهَاۖ وَإِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ لَا يَضُرُّكُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـًٔاۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ
Open ayah 3:120Kung ang kabutihan ay dumating sa inyo, ito ay kanilang ikinalulungkot. Nguni’t kung ang pinsala ay dumating sa inyo, ito ay kanilang ikinagagalak. Subali’t kung kayo ay manatiling matiisin at may takot [sa Allah], ang kanilang masamang balak ay hindi makapipinsala sa inyo kahit anupaman. Katotohanan, saklaw ng [kaalaman ng] Allah ang anumang kanilang mga ginagawa.
وَإِذۡ غَدَوۡتَ مِنۡ أَهۡلِكَ تُبَوِّئُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ مَقَٰعِدَ لِلۡقِتَالِۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
Open ayah 3:121At [alalahanin] nang iyong lisanin [O Muhammad] ang iyong pamilya sa umaga upang italaga ang mga naniniwala sa [kani-kanilang] mga himpilan [bilang paghahanda] para sa digmaan [ng Uhud]. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.
إِذۡ هَمَّت طَّآئِفَتَانِ مِنكُمۡ أَن تَفۡشَلَا وَٱللَّهُ وَلِيُّهُمَاۗ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Open ayah 3:122Nang ang dalawang pangkat sa inyo ay halos mawalan ng pag-asa [dahil sa rami ng mga kalaban], subali’t ang Allah ang Siyang kanilang Wali [Tagapangalaga]. Kaya, sa Allah nararapat ipagkaloob ang [buong] pagtitiwala ng mga naniniwala.
وَلَقَدۡ نَصَرَكُمُ ٱللَّهُ بِبَدۡرٖ وَأَنتُمۡ أَذِلَّةٞۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Open ayah 3:123At katunayan, kayo ay binigyan na ng Allah ng tagumpay sa [digmaan ng] Badr noong kayo ay mahihina pa [kakaunti lamang ang bilang]. Kaya, inyong katakutan ang Allah upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.
إِذۡ تَقُولُ لِلۡمُؤۡمِنِينَ أَلَن يَكۡفِيَكُمۡ أَن يُمِدَّكُمۡ رَبُّكُم بِثَلَٰثَةِ ءَالَٰفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُنزَلِينَ
Open ayah 3:124At [alalahanin mo] nang iyong sabihin sa mga naniniwala: “Hindi ba sapat para sa inyo na kayo ay tulungan ng inyong Panginoon sa pamamagitan ng tatlong libong ibinabang mga anghel?”
بَلَىٰٓۚ إِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ وَيَأۡتُوكُم مِّن فَوۡرِهِمۡ هَٰذَا يُمۡدِدۡكُمۡ رَبُّكُم بِخَمۡسَةِ ءَالَٰفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُسَوِّمِينَ
Open ayah 3:125Oo, kung kayo ay manatiling matiisin at [laging] may takot [sa Allah] at [sa sandaling] ang inyong mga kaaway ay sumagupa sa inyo, kayo ay palalakasin ng inyong Panginoon [sa pamamagitan] ng limang libong anghel na may natatanging pagkakakilanlan.
وَمَا جَعَلَهُ ٱللَّهُ إِلَّا بُشۡرَىٰ لَكُمۡ وَلِتَطۡمَئِنَّ قُلُوبُكُم بِهِۦۗ وَمَا ٱلنَّصۡرُ إِلَّا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Open ayah 3:126At ito ay hindi ginawa ng Allah maliban bilang isang mabuting balita para sa inyo at isang kapanatagan sa inyong mga puso. At walang tagumpay malibang ito ay nagmula sa Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
لِيَقۡطَعَ طَرَفٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَوۡ يَكۡبِتَهُمۡ فَيَنقَلِبُواْ خَآئِبِينَ
Open ayah 3:127Upang Kanyang putulin ang isang bahagi sa [pangkat] niyaong mga di-naniniwala, o di kaya’y sila ay pigilin upang sila ay bigong magsisibalik.
لَيۡسَ لَكَ مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٌ أَوۡ يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡ أَوۡ يُعَذِّبَهُمۡ فَإِنَّهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Open ayah 3:128Hindi [nakaatang] sa iyo [O Muhammad bagkus nasa Allah] ang pagpapasiya para sa anumang bagay; kung Siya man ay magpatawad sa kanila o kaya'y magparusa sa kanila, katotohanan, sila ang mga mapaggawa ng kamalian.
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ يَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 3:129At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. Kanyang pinatatawad ang sinumang Kanyang nais at Kanyang pinarurusahan ang sinumang Kanyang nais. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُواْ ٱلرِّبَوٰٓاْ أَضۡعَٰفٗا مُّضَٰعَفَةٗۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Open ayah 3:130O kayong mga naniwala, huwag kayong lumamon ng riba [patubuan], - pinagpatung-patong at labis-labis [na patubuan]. At inyong katakutan ang Allah upang sakali kayo ay magtagumpay.
وَٱتَّقُواْ ٱلنَّارَ ٱلَّتِيٓ أُعِدَّتۡ لِلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 3:131At inyong katakutan ang Apoy na inihanda para sa mga di- naniniwala.
وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Open ayah 3:132At kayo ay sumunod sa Allah at sa [Kanyang] Sugo upang sakali inyong matamo ang [Kanyang] habag.
۞وَسَارِعُوٓاْ إِلَىٰ مَغۡفِرَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ وَجَنَّةٍ عَرۡضُهَا ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ أُعِدَّتۡ لِلۡمُتَّقِينَ
Open ayah 3:133At magmadali [at maging maagap] kayo sa [paghingi ng] kapatawaran mula sa inyong Panginoon, at sa Paraiso na kasing-lawak ng mga kalangitan at ng kalupaan, na inihanda para sa mga natatakot [sa Allah],
ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ فِي ٱلسَّرَّآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَٱلۡكَٰظِمِينَ ٱلۡغَيۡظَ وَٱلۡعَافِينَ عَنِ ٱلنَّاسِۗ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 3:134Yaong mga gumugugol [para sa landas ng Allah] sa [panahon ng] kasaganaan at kahirapan, [yaong] mga nagtitimpi ng kanilang galit, at nagpapatawad sa tao - at ang Allah ay nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabutihan.
وَٱلَّذِينَ إِذَا فَعَلُواْ فَٰحِشَةً أَوۡ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ ذَكَرُواْ ٱللَّهَ فَٱسۡتَغۡفَرُواْ لِذُنُوبِهِمۡ وَمَن يَغۡفِرُ ٱلذُّنُوبَ إِلَّا ٱللَّهُ وَلَمۡ يُصِرُّواْ عَلَىٰ مَا فَعَلُواْ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 3:135At yaong, kapag nakagawa ng Fahisha [kahalayan] o nakagawa ng kamalian [o maliit na kasalanan] sa kanilang mga sarili, ay kanilang naaalala ang Allah at [dagliang] humihingi ng kapatawaran sa kanilang nagawang mga kasalanan. At sino ang magpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Allah ? At sila [ay] hindi nagpapatuloy sa anumang [kamalian] na kanilang nagawa sa sandaling ito ay kanilang mapag-alaman.
أُوْلَٰٓئِكَ جَزَآؤُهُم مَّغۡفِرَةٞ مِّن رَّبِّهِمۡ وَجَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَنِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Open ayah 3:136Sila yaong ang kanilang gantimpala ay kapatawaran mula sa kanilang Panginoon, at mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, at sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. At sadyang napakainam na gantimpala para sa mga [matatapat na] manggagawa [ng kabutihan].
قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِكُمۡ سُنَنٞ فَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Open ayah 3:137Katotohanan [marami nang] nagdaang mga pangyayaring [ang naganap sa mga pamayanan noon] na nauna sa inyo, kaya kayo ay magsipaglakbay sa [iba’t-ibang] mga lupain at inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga [taong] nagtakwil.
هَٰذَا بَيَانٞ لِّلنَّاسِ وَهُدٗى وَمَوۡعِظَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
Open ayah 3:138Ito [ang Qur’an] ay isang malinaw na pahayag para sa sangkatauhan, at isang patnubay at pangaral para sa mga natatakot [sa Allah].
وَلَا تَهِنُواْ وَلَا تَحۡزَنُواْ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Open ayah 3:139At huwag kayong panghinaan ng loob at huwag kayong malungkot, sapagka’t kayo ay mangingibabaw kung kayo ay naniniwala [sa Allah].
إِن يَمۡسَسۡكُمۡ قَرۡحٞ فَقَدۡ مَسَّ ٱلۡقَوۡمَ قَرۡحٞ مِّثۡلُهُۥۚ وَتِلۡكَ ٱلۡأَيَّامُ نُدَاوِلُهَا بَيۡنَ ٱلنَّاسِ وَلِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَيَتَّخِذَ مِنكُمۡ شُهَدَآءَۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 3:140Kung kayo man ay nakalasap ng sugat, katiyakan, na sila rin ay nakalasap nang gayon ding [hapdi ng] sugat. At ang mga araw na ito [na magkakaiba ang kalagayan] ay Aming ibinibigay sa mga tao nang halinhinan upang subukan ng Allah yaong mga tunay na naniniwala, at upang Siya ay kumuha mula sa inyo ng mga shuhada [martir]. At hindi minamahal ng Allah ang mga mapaggawa ng kamalian.
وَلِيُمَحِّصَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَيَمۡحَقَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 3:141At upang dalisayin ng Allah yaong mga naniniwala [sa pamamagitan ng mga pagsubok] at lipulin ang mga di-naniniwala.
أَمۡ حَسِبۡتُمۡ أَن تَدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ وَلَمَّا يَعۡلَمِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ جَٰهَدُواْ مِنكُمۡ وَيَعۡلَمَ ٱلصَّٰبِرِينَ
Open ayah 3:142O inaakala ba ninyo na kayo ay makapapasok sa Paraiso bago pa man kayo masubukan ng Allah kung sino nga yaong sa inyo ang nagpunyagi [sa Kanyang Landas] at masubukan [kung sino] ang mga matiisin?
وَلَقَدۡ كُنتُمۡ تَمَنَّوۡنَ ٱلۡمَوۡتَ مِن قَبۡلِ أَن تَلۡقَوۡهُ فَقَدۡ رَأَيۡتُمُوهُ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ
Open ayah 3:143At katiyakan, inyong inasam ang kamatayan [bilang martir] bago pa ninyo ito naranasan. At ito [ngayon] ay nakatambad [sa inyong harapan] habang kayo ay nakatingin.
وَمَا مُحَمَّدٌ إِلَّا رَسُولٞ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِ ٱلرُّسُلُۚ أَفَإِيْن مَّاتَ أَوۡ قُتِلَ ٱنقَلَبۡتُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡۚ وَمَن يَنقَلِبۡ عَلَىٰ عَقِبَيۡهِ فَلَن يَضُرَّ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗاۚ وَسَيَجۡزِي ٱللَّهُ ٱلشَّٰكِرِينَ
Open ayah 3:144Si Muhammad ay hindi humigit sa isang sugo, may [ibang] mga sugo ang [nagsiyaong] una pa sa kanya. Kaya kung siya man ay mamatay o masawi, kayo ba ay magbabalik sa inyong yapak [sa kawalan ng paniniwala]? At sinuman ang magbalik sa kanilang [dating] mga yapak, kailanman ito ay hindi makapipinsala sa Allah kahit anupaman. At gagantimpalaan ng Allah ang mga mapagpasalamat.
وَمَا كَانَ لِنَفۡسٍ أَن تَمُوتَ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِ كِتَٰبٗا مُّؤَجَّلٗاۗ وَمَن يُرِدۡ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا نُؤۡتِهِۦ مِنۡهَا وَمَن يُرِدۡ ثَوَابَ ٱلۡأٓخِرَةِ نُؤۡتِهِۦ مِنۡهَاۚ وَسَنَجۡزِي ٱلشَّٰكِرِينَ
Open ayah 3:145At walang tao ang maaaring mamamatay maliban sa kapahintulutan ng Allah sa naitakdang taning. At sinumang magnais ng gantimpala ng mundong ito, Kami ay magkakaloob nito sa kanya. At sinumang magnais ng gantimpala ng kabilang buhay, Kami ay magkakaloob nito sa kanya. At Aming gagantimpalaan ang mga [taong] mapagpasalamat [sapagka’t sila ay matatag sa anumang pagsubok at nagtitiwala nang lubusan sa Allah].
وَكَأَيِّن مِّن نَّبِيّٖ قَٰتَلَ مَعَهُۥ رِبِّيُّونَ كَثِيرٞ فَمَا وَهَنُواْ لِمَآ أَصَابَهُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَمَا ضَعُفُواْ وَمَا ٱسۡتَكَانُواْۗ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلصَّٰبِرِينَ
Open ayah 3:146At ilang propeta na ang nakipaglaban [sa Landas ng Allah] kasama ng maraming [mabubuti at] maaalam na tao. Subali’t, sila ay hindi nawalan ng lakas sa anumang kanilang dinanas sa Landas ng Allah, sila ay hindi pinanghinaan [ng loob] at hindi sumuko. At ang Allah ay nagmamahal sa mga matiisin.
وَمَا كَانَ قَوۡلَهُمۡ إِلَّآ أَن قَالُواْ رَبَّنَا ٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَإِسۡرَافَنَا فِيٓ أَمۡرِنَا وَثَبِّتۡ أَقۡدَامَنَا وَٱنصُرۡنَا عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 3:147At silang [mga matiisin sa pagsubok] ay walang nasambit maliban sa: “Aming Panginoon, patawarin Mo po ang aming mga kasalanan at ang aming mga kalabisan sa aming mga gawain. At patatagin Mo po ang aming mga paa, at igawad Mo po sa amin ang tagumpay laban sa mga taong di- naniniwala.”
فَـَٔاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا وَحُسۡنَ ثَوَابِ ٱلۡأٓخِرَةِۗ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 3:148Kaya ipinagkaloob sa kanila ng Allah ang pabuya ng mundong ito at ang pinakamabuting pabuya ng kabilang buhay. Sapagka’t ang Allah ay nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabutihan.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تُطِيعُواْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَرُدُّوكُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡ فَتَنقَلِبُواْ خَٰسِرِينَ
Open ayah 3:149O kayong mga naniwala, kung susundin ninyo ang mga di- naniniwala, kayo ay kanilang ibabalik muli sa [dating] yapak [ng kawalang paniniwala] at [magkagayon] kayo ay magsisibalik nang talunan [o nawalan].
بَلِ ٱللَّهُ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلنَّٰصِرِينَ
Open ayah 3:150Nguni’t, ang Allah ang inyong [tunay na] Tagapagtanggol at Siya ang pinakamahusay sa mga tumutulong.
سَنُلۡقِي فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلرُّعۡبَ بِمَآ أَشۡرَكُواْ بِٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗاۖ وَمَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُۖ وَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 3:151Aming ihahasik ang ligalig sa puso niyaong mga di-naniniwala, para sa anumang kanilang ginawang pagtatambal sa Allah [sa kabila ng katotohanan na] wala Siyang ibinabang [anumang] batayan [o kautusan] tungkol dito. At ang kanilang hantungan ay ang Apoy [ng Impiyerno], at napakasamang tirahan para sa mga mapaggawa ng kamalian.
وَلَقَدۡ صَدَقَكُمُ ٱللَّهُ وَعۡدَهُۥٓ إِذۡ تَحُسُّونَهُم بِإِذۡنِهِۦۖ حَتَّىٰٓ إِذَا فَشِلۡتُمۡ وَتَنَٰزَعۡتُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِ وَعَصَيۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ مَآ أَرَىٰكُم مَّا تُحِبُّونَۚ مِنكُم مَّن يُرِيدُ ٱلدُّنۡيَا وَمِنكُم مَّن يُرِيدُ ٱلۡأٓخِرَةَۚ ثُمَّ صَرَفَكُمۡ عَنۡهُمۡ لِيَبۡتَلِيَكُمۡۖ وَلَقَدۡ عَفَا عَنكُمۡۗ وَٱللَّهُ ذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 3:152At katiyakan, ang Allah ay tumupad ng Kanyang pangako sa inyo [sa oras na iyon] nang sila ay inyong nagapi sa Kanyang kapahintulutan, hanggang [sa sandaling] kayo ay mawalan ng tapang at kayo ay humantong sa pagtatalu-talo tungkol sa tagubiling [ibinigay ng Propeta], at kayo ay sumuway pagkaraang Kanyang ipakita sa inyo ang inyong minimithi [mga labing-yaman ng digmaan]. Ang iba sa inyo ay minimithi ang mundong ito at ang iba nama’y minimithi ang kabilang buhay. Pagkaraan, kayo ay Kanyang hinayaang [nagapi at] nagsitakas laban sa kanila [na inyong mga kaaway] upang kayo ay Kanyang subukan. Nguni’t, katiyakan, kayo ay Kanya nang pinatawad, at ang Allah ay Siyang may tangan ng biyaya ng mga naniniwala.
۞إِذۡ تُصۡعِدُونَ وَلَا تَلۡوُۥنَ عَلَىٰٓ أَحَدٖ وَٱلرَّسُولُ يَدۡعُوكُمۡ فِيٓ أُخۡرَىٰكُمۡ فَأَثَٰبَكُمۡ غَمَّۢا بِغَمّٖ لِّكَيۡلَا تَحۡزَنُواْ عَلَىٰ مَا فَاتَكُمۡ وَلَا مَآ أَصَٰبَكُمۡۗ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 3:153[At inyong tandaan] nang kayo ay [nagsitakas at] nagsiakyat [sa bundok] na hindi man lamang ninyo nagawang lumingon sa kaninuman, at ang sugo ay nasa inyong gawing likuran na nananawagan sa inyo [upang kayo ay magsibalik]. [Sanhi nito] kayo ay pinagkalooban [ng Allah] ng sunud-sunod na ligalig upang hindi kayo maghinagpis sa [mga bagay na] nawala sa inyo at maging [sa anumang] inyong sinapit. At ang Allah ay Ganap na Nababatid ang anumang inyong ginagawa.
ثُمَّ أَنزَلَ عَلَيۡكُم مِّنۢ بَعۡدِ ٱلۡغَمِّ أَمَنَةٗ نُّعَاسٗا يَغۡشَىٰ طَآئِفَةٗ مِّنكُمۡۖ وَطَآئِفَةٞ قَدۡ أَهَمَّتۡهُمۡ أَنفُسُهُمۡ يَظُنُّونَ بِٱللَّهِ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ ظَنَّ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِۖ يَقُولُونَ هَل لَّنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ مِن شَيۡءٖۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَمۡرَ كُلَّهُۥ لِلَّهِۗ يُخۡفُونَ فِيٓ أَنفُسِهِم مَّا لَا يُبۡدُونَ لَكَۖ يَقُولُونَ لَوۡ كَانَ لَنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٞ مَّا قُتِلۡنَا هَٰهُنَاۗ قُل لَّوۡ كُنتُمۡ فِي بُيُوتِكُمۡ لَبَرَزَ ٱلَّذِينَ كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَتۡلُ إِلَىٰ مَضَاجِعِهِمۡۖ وَلِيَبۡتَلِيَ ٱللَّهُ مَا فِي صُدُورِكُمۡ وَلِيُمَحِّصَ مَا فِي قُلُوبِكُمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Open ayah 3:154Pagkalipas ng ligalig, Kanyang ibinaba para sa inyo ang katiwasayan [sa pamamagitan] ng antok [himbing], na namayani sa isang pangkat sa inyo, samantalang ang ibang pangkat ay nag-aalala tungkol sa kanilang mga sarili at kanilang pinag-iisipan ang Allah ng iba bukod sa katotohanan tulad ng pag-iisip ng isang mangmang. Sila ay nagsasabi: “May kaugnayan ba kami sa anupamang pangyayaring ito?” Sabihin: “Katotohanan, tanging nasa Allah ang kaganapan ng lahat ng mga pangyayari.” Kanilang inililihim sa kanilang sarili ang anumang hindi nila magawang ilantad sa iyo. Sila ay nagsasabing: “Kung mayroon lamang kaming kaugnayan kahit kaunti sa pangyayari dito, marahil ay walang nasawi sa amin.” Sabihin: “Kahit kayo ay manatiling nasa loob ng inyong mga pamamahay, yaong mga nakatakdang mamatay ay tiyak na magtutungo sa pook ng kanilang kamamatayan.” At [itinakda ito] upang subukan ng Allah ang anumang nasa inyong mga kalooban at gawing dalisay ang anumang nasa inyong mga puso. At ang Allah ay Ganap na Nababatid ang nasa loob ng mga dibdib.
إِنَّ ٱلَّذِينَ تَوَلَّوۡاْ مِنكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِ إِنَّمَا ٱسۡتَزَلَّهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ بِبَعۡضِ مَا كَسَبُواْۖ وَلَقَدۡ عَفَا ٱللَّهُ عَنۡهُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٞ
Open ayah 3:155Katotohanan, yaong mga nagsitalikod sa inyo sa araw ng sagupaan ng dalawang hukbo [sa digmaan ng Uhud] - ang satanas ang siyang nag- udyok sa kanila upang magsibalik [mula sa labanan] sanhi ng ilang [kasalanang] kanilang nagawa. Nguni’t katiyakang sila ay pinatawad na ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Mapagparaya.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَقَالُواْ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ إِذَا ضَرَبُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَوۡ كَانُواْ غُزّٗى لَّوۡ كَانُواْ عِندَنَا مَا مَاتُواْ وَمَا قُتِلُواْ لِيَجۡعَلَ ٱللَّهُ ذَٰلِكَ حَسۡرَةٗ فِي قُلُوبِهِمۡۗ وَٱللَّهُ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Open ayah 3:156O kayong mga naniwala, huwag ninyong tularan yaong mga di- naniwalang [mapagkunwari na] nagsabi sa kanilang mga kapatid nang sila ay magsilakbay sa kalupaan at humayong makipaglaban: “Kung sila ay nanatili lamang sa aming [piling], marahil sila ay hindi namatay o nasawi,” Nguni’t, [ang maling haka-hakang] iyan ay ginawa ng Allah bilang isang bagabag sa kanilang mga puso. At ang Allah ang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan. At ang Allah ay Ganap na Nakakikita sa anumang inyong ginagawa.
وَلَئِن قُتِلۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَوۡ مُتُّمۡ لَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَحۡمَةٌ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ
Open ayah 3:157At kung kayo man ay nasawi sa Landas ng Allah o [kayo ay] namatay - ang kapatawaran at habag mula sa Allah ay higit na mabuti kaysa sa lahat ng kanilang tinipong [mga yaman ng mundo].
وَلَئِن مُّتُّمۡ أَوۡ قُتِلۡتُمۡ لَإِلَى ٱللَّهِ تُحۡشَرُونَ
Open ayah 3:158At kung kayo man ay mamatay o masawi, [katiyakang] sa Allah kayo ay titipunin [upang inyong tanggapin ang inyong mga kabayaran].
فَبِمَا رَحۡمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ لِنتَ لَهُمۡۖ وَلَوۡ كُنتَ فَظًّا غَلِيظَ ٱلۡقَلۡبِ لَٱنفَضُّواْ مِنۡ حَوۡلِكَۖ فَٱعۡفُ عَنۡهُمۡ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ وَشَاوِرۡهُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِۖ فَإِذَا عَزَمۡتَ فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَوَكِّلِينَ
Open ayah 3:159At sa pamamagitan ng habag ng Allah, ikaw [O Muhammad] ay naging mahinahon sa kanila. At kung ikaw ay naging marahas [sa pananalita] at naging matigas ang puso, marahil sila ay nagsilayo sa iyong paligid. Kaya, maging mapagparaya [sa kanilang mga kakulangan], at magsumamo ng kapatawaran [sa Allah] para sa kanila, at isangguni sa kanila ang mga pangyayari. Kaya, kapag ikaw ay nakapagpasiya na, magkagayon magtiwala sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa mga nagtitiwala [sa Kanya].
إِن يَنصُرۡكُمُ ٱللَّهُ فَلَا غَالِبَ لَكُمۡۖ وَإِن يَخۡذُلۡكُمۡ فَمَن ذَا ٱلَّذِي يَنصُرُكُم مِّنۢ بَعۡدِهِۦۗ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Open ayah 3:160Kung kayo ay tutulungan ng Allah, walang sinuman ang maaaring makagapi sa inyo. At kung kayo ay Kanyang nararapat pabayaan, sino pa kaya bukod sa Kanya ang maaaring makatulong sa inyo? At sa Allah, nararapat ipagkaloob ang [buong] pagtitiwala ng mga naniniwala.
وَمَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَن يَغُلَّۚ وَمَن يَغۡلُلۡ يَأۡتِ بِمَا غَلَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Open ayah 3:161At hindi marapat para sa sinumang propeta na siya ay mag-asal nang di-makatarungan [hinggil sa labi ng digmaan]. At sinuman ang nagtaksil [kumuha sa paraang di-makatarungan], kanyang dadalhin sa Araw ng Pagkabuhay na Muli ang anumang kanyang ninakaw. Pagkaraan, bawa’t tao ay babayaran [nang lubusan] para sa anumang kanyang pinagsumikapan, at sila ay hindi dadayain [sa kanilang mga gantimpala].
أَفَمَنِ ٱتَّبَعَ رِضۡوَٰنَ ٱللَّهِ كَمَنۢ بَآءَ بِسَخَطٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَمَأۡوَىٰهُ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 3:162Ang isa bang sumusunod [at nagsisikap] para sa kasiyahan [o Lugod] ng Allah ay katulad ng sinumang isinuong [ang sarili] sa matinding poot ng Allah? At ang kanyang kanlungan ay Impiyerno, at napakasamang patutunguhan.
هُمۡ دَرَجَٰتٌ عِندَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ
Open ayah 3:163Sila ay [magkakaiba ng] mga antas [o katayuan] sa [paningin ng] Allah. At ang Allah ay Ganap na Nakikita ang anumang kanilang ginagawa.
لَقَدۡ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ إِذۡ بَعَثَ فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡ أَنفُسِهِمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمۡ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلُ لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Open ayah 3:164Katiyakan, ipinagkaloob ng Allah ang [malaking] kabutihang-loob para sa mga naniniwala nang Kanyang ipinadala sa kanila ang isang Sugo [si Muhammad] mula sa kanilang mga sariling [lahi], binibigkas sa kanila ang Kanyang mga ayaat [kapahayagan], at sila ay dinadalisay [mula sa kasalanan] at itinuturo sa kanila ang Aklat [Qur’an] at karunungan, bagaman noong una, sila ay nasa hayag na pagkaligaw.
أَوَلَمَّآ أَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةٞ قَدۡ أَصَبۡتُم مِّثۡلَيۡهَا قُلۡتُمۡ أَنَّىٰ هَٰذَاۖ قُلۡ هُوَ مِنۡ عِندِ أَنفُسِكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 3:165Bakit [nga kaya] nang kayo ay tinamaan ng [isang] pinsala [sa araw ng Uhud], bagaman inyong tinamaan [ang inyong mga kaaway sa araw ng Badr] nang dalawang ulit na kapinsalaan, kayo ay nagsabi:“Saan kaya nanggaling ito?” [Bakit kaya nangyayari ito sa atin?] Sabihin: “Ito ay nanggaling sa inyong sariling [kagagawan - bunga ng inyong paglabag sa kautusan, kayo ay dapat manatili sa bundok ng Uhud].” Katotohanan, ang Allah ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
وَمَآ أَصَٰبَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِ فَبِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَلِيَعۡلَمَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 3:166At anumang pinsalang idinulot sa inyo sa araw na ang dalawang hukbo ay nagkasagupaan [sa Uhud] ay sa kapahintulutan ng Allah upang Kanyang subukan ang mga [tunay na] naniniwala.
وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ نَافَقُواْۚ وَقِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ قَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَوِ ٱدۡفَعُواْۖ قَالُواْ لَوۡ نَعۡلَمُ قِتَالٗا لَّٱتَّبَعۡنَٰكُمۡۗ هُمۡ لِلۡكُفۡرِ يَوۡمَئِذٍ أَقۡرَبُ مِنۡهُمۡ لِلۡإِيمَٰنِۚ يَقُولُونَ بِأَفۡوَٰهِهِم مَّا لَيۡسَ فِي قُلُوبِهِمۡۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يَكۡتُمُونَ
Open ayah 3:167At upang Kanyang ipabatid [sa pamamagitan ng pagsubok] yaong mga mapagkunwari na sa kanila ay sinabi: “Halina kayong makipaglaban sa Landas ng Allah at inyong ipagtanggol [man lang] [ang inyong sarili].” Sila ay nagsabi: “Kung batid lamang namin na may labanang magaganap, marahil kami ay sumunod sa inyo.” Sila, sa araw na iyon, ay halos nasa bingit ng kawalang-paniniwala kaysa sa paniniwala. Kanilang sinasabi sa kanilang mga bibig nguni’t wala sa kanilang mga puso. At ang Allah ay Maalam sa anumang kanilang itinatago.
ٱلَّذِينَ قَالُواْ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ وَقَعَدُواْ لَوۡ أَطَاعُونَا مَا قُتِلُواْۗ قُلۡ فَٱدۡرَءُواْ عَنۡ أَنفُسِكُمُ ٱلۡمَوۡتَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 3:168Yaong mga nagsasabi tungkol sa kanilang nasawing mga kapatid [sa digmaan] habang sila ay nangakaupo [sa kanilang mga pamamahay]: “Kung sila ay sumunod sa amin, marahil, sila ay hindi nasawi.” Sabihin: “Kung gayon, inyong pigilin ang [takdang] kamatayan sa inyong mga sarili, kung kayo ay makatotohanan.”
وَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ قُتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَمۡوَٰتَۢاۚ بَلۡ أَحۡيَآءٌ عِندَ رَبِّهِمۡ يُرۡزَقُونَ
Open ayah 3:169Huwag ninyong isipin na yaong mga nasawi sa Landas ng Allah ay mga nangamatay, [Hindi] bagkus, sila ay mga buhay, sa [piling ng] kanilang Panginoon, kanilang tinatamasa ang [mga biyayang ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Panginoon at ang masaganang] panustos.
فَرِحِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ وَيَسۡتَبۡشِرُونَ بِٱلَّذِينَ لَمۡ يَلۡحَقُواْ بِهِم مِّنۡ خَلۡفِهِمۡ أَلَّا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Open ayah 3:170Sila ay nagagalak sa anumang ipinagkaloob sa kanila ng Allah mula sa Kanyang biyaya at sila ay nakatatanggap ng magandang balita tungkol sa mga [magiging martir na] susunod sa kanila na hindi nila nakakasama pa - na sila ay walang [mararanasang] pangamba at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.
۞يَسۡتَبۡشِرُونَ بِنِعۡمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَضۡلٖ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 3:171Sila ay tumatanggap ng mga balita ng pagpapala at biyayang nagmula sa Allah. At [ang katotohanan na], hindi hahayaan ng Allah na mawala ang gantimpala ng mga naniniwala.
ٱلَّذِينَ ٱسۡتَجَابُواْ لِلَّهِ وَٱلرَّسُولِ مِنۢ بَعۡدِ مَآ أَصَابَهُمُ ٱلۡقَرۡحُۚ لِلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ مِنۡهُمۡ وَٱتَّقَوۡاْ أَجۡرٌ عَظِيمٌ
Open ayah 3:172Yaong mga [naniniwala na] tumugon sa [panawagan ng] Allah at ng [Kanyang] Sugo pagkaraang magtamo ng sugat [sa Landas ng Allah]; yaong mga gumawa ng kabutihan mula sa kanila at kinatakutan [ang Allah], ay may dakilang gantimpala.
ٱلَّذِينَ قَالَ لَهُمُ ٱلنَّاسُ إِنَّ ٱلنَّاسَ قَدۡ جَمَعُواْ لَكُمۡ فَٱخۡشَوۡهُمۡ فَزَادَهُمۡ إِيمَٰنٗا وَقَالُواْ حَسۡبُنَا ٱللَّهُ وَنِعۡمَ ٱلۡوَكِيلُ
Open ayah 3:173Yaong mga [naniniwala na] pinagsabihan ng mga taong [mapagkunwari], “Katotohanan ang mga tao [mga pagano] ay nagsama- sama laban sa inyo, kaya sila ay inyong pangambahan.” Nguni’t ito ay nakaragdag lamang sa kanila nang higit pang [katatagan ng] Eeman [pananampalataya]. At sila ay nagsabi: “Ang Allah ay Sapat na para sa amin at napakabuti Niyang Tagapangasiwa [ng lahat].”
فَٱنقَلَبُواْ بِنِعۡمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَضۡلٖ لَّمۡ يَمۡسَسۡهُمۡ سُوٓءٞ وَٱتَّبَعُواْ رِضۡوَٰنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ ذُو فَضۡلٍ عَظِيمٍ
Open ayah 3:174Kaya, sila [mga naniniwala] ay nagsibalik [sa Madinah] nang may pagpapala at biyaya mula sa Allah. Walang anumang kasamaan ang dumating sa kanila. At kanilang sinunod ang Kasiyahan ng Allah. At ang Allah ay Siyang may tangan ng dakilang biyaya.
إِنَّمَا ذَٰلِكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ يُخَوِّفُ أَوۡلِيَآءَهُۥ فَلَا تَخَافُوهُمۡ وَخَافُونِ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Open ayah 3:175Iyan ang Satanas na nananakot lamang [sa inyo] mula sa kanyang mga kampon; subali’t sila ay huwag ninyong katakutan bagkus Ako lamang ang katakutan, kung [tunay nga na] kayo ay naniniwala.
وَلَا يَحۡزُنكَ ٱلَّذِينَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡكُفۡرِۚ إِنَّهُمۡ لَن يَضُرُّواْ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗاۚ يُرِيدُ ٱللَّهُ أَلَّا يَجۡعَلَ لَهُمۡ حَظّٗا فِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Open ayah 3:176At huwag mong ikalungkot [O Muhammad] yaong mga humahangos nang papalayo sa kawalang-paniniwala. Katotohanan, hindi nila kailanman magagawang pinsalain ang Allah kahit anupaman. Hangad ng Allah na sila ay huwag bahaginan [ng kabutihan] sa kabilang buhay. At para sa kanila ay isang malaking parusa.
إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلۡكُفۡرَ بِٱلۡإِيمَٰنِ لَن يَضُرُّواْ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 3:177Katotohanan, yaong mga bumibili ng kawalan ng paniniwala [upang ipagpalit] para sa halaga ng Eeman [pananampalataya], kailanman ay hindi nila magagawang pinsalain ang Allah kahit anupaman. At para sa kanila ay isang mahapding parusa.
وَلَا يَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّمَا نُمۡلِي لَهُمۡ خَيۡرٞ لِّأَنفُسِهِمۡۚ إِنَّمَا نُمۡلِي لَهُمۡ لِيَزۡدَادُوٓاْ إِثۡمٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Open ayah 3:178At huwag hayaang isipin niyaong mga di-naniniwala na ang Aming pagpapaliban sa kanilang [parusa] ay [magdudulot ng] kabutihan para sa kanilang sarili. Ipinagpapaliban lamang Namin [ang parusa] sa kanila upang higit nilang maragdagan ang [kanilang] mga kasalanan. At para sa kanila ay isang nakahihiyang parusa.
مَّا كَانَ ٱللَّهُ لِيَذَرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ عَلَىٰ مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ حَتَّىٰ يَمِيزَ ٱلۡخَبِيثَ مِنَ ٱلطَّيِّبِۗ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُطۡلِعَكُمۡ عَلَى ٱلۡغَيۡبِ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَجۡتَبِي مِن رُّسُلِهِۦ مَن يَشَآءُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۚ وَإِن تُؤۡمِنُواْ وَتَتَّقُواْ فَلَكُمۡ أَجۡرٌ عَظِيمٞ
Open ayah 3:179Hindi iiwanan ng Allah ang mga naniniwala sa kalagayang kinatatayuan ninyo [sa ngayon] hanggang Kanyang mapaghiwalay ang kasamaan sa kabutihan. At hindi rin isisiwalat ng Allah ang lihim ng Ghaib [di-nakikitang pangyayari]. [Sa halip] pinipili ng Allah mula sa Kanyang mga sugo ang sinumang Kanyang nais. Kaya maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang mga sugo. At kung kayo ay maniwala at matakot sa Kanya, magkagayon para sa inyo ay isang dakilang gantimpala.
وَلَا يَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ هُوَ خَيۡرٗا لَّهُمۖ بَلۡ هُوَ شَرّٞ لَّهُمۡۖ سَيُطَوَّقُونَ مَا بَخِلُواْ بِهِۦ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ وَلِلَّهِ مِيرَٰثُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Open ayah 3:180At huwag hayaang isipin niyaong mga [sakim na] nagkakait ng anumang ipinagkaloob ng Allah sa kanila mula sa Kanyang biyaya na ito ay nakabubuti para sa kanila. Bagkus ito ay nakasasama para sa kanila. Ang kanilang mga leeg ay pupuluputan ng anumang kanilang ipinagkait sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. At nasa Allah ang [pagmamay-ari ng] lahat ng pamana sa mga kalangitan at sa kalupaan. At ang Allah ay Ganap na nababatid ang anumang inyong ginagawa.
لَّقَدۡ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوۡلَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ فَقِيرٞ وَنَحۡنُ أَغۡنِيَآءُۘ سَنَكۡتُبُ مَا قَالُواْ وَقَتۡلَهُمُ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَنَقُولُ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ
Open ayah 3:181Katiyakan, narinig ng Allah ang pananalita niyaong [mga Hudyo na] nagsabing: “Katotohanan, ang Allah ay mahirap at kami ay mayayaman.” Aming itatala ang anumang kanilang sinabi at ang kanilang pagpatay nang walang katarungan sa mga propeta, at Aming sasabihin [sa kanila]: “Inyong lasapin ang parusa ng nagliliyab [na Apoy].
ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيۡسَ بِظَلَّامٖ لِّلۡعَبِيدِ
Open ayah 3:182Iyan ay bunga ng anumang [kasalanang] ginawa ng inyong mga kamay. At katotohanang hindi naging di-makatarungan ang Allah sa [Kanyang] mga alipin.”
ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ عَهِدَ إِلَيۡنَآ أَلَّا نُؤۡمِنَ لِرَسُولٍ حَتَّىٰ يَأۡتِيَنَا بِقُرۡبَانٖ تَأۡكُلُهُ ٱلنَّارُۗ قُلۡ قَدۡ جَآءَكُمۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِي بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَبِٱلَّذِي قُلۡتُمۡ فَلِمَ قَتَلۡتُمُوهُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 3:183Yaong mga nagsabing: “Katotohanan, ang Allah ay nagtakda sa amin ng kasunduan na kami ay hindi maniniwala sa alinmang sugo malibang dalhin nito sa amin ang isang handog [o pag-aalay] na tutupukin ng apoy [mula sa kalangitan].” Sabihin: “May dumating sa inyong mga sugo na una sa akin na may dalang mga malilinaw na ayaat [palatandaan], at maging ang anumang inyong sinasabi. Nguni’t bakit sila ay inyong pinagpapatay kung kayo ay makatotohanan?”
فَإِن كَذَّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَ جَآءُو بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلزُّبُرِ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُنِيرِ
Open ayah 3:184Kaya, kung ikaw man ay kanilang itakwil [O Muhammad], ganyan din ang kanilang ginawang pagtakwil sa mga sugong nauna sa iyo na nagdala ng malilinaw na ayaat [kapahayagan], at Kalatas, at ng maliwanag na Aklat.
كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۗ وَإِنَّمَا تُوَفَّوۡنَ أُجُورَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۖ فَمَن زُحۡزِحَ عَنِ ٱلنَّارِ وَأُدۡخِلَ ٱلۡجَنَّةَ فَقَدۡ فَازَۗ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ
Open ayah 3:185Bawa’t kaluluwa ay makalalasap ng kamatayan. At tanging sa Araw ng Pagkabuhay na Muli [ipagkakaloob] ang lubos na kabayaran. At sinumang hinilang papalayo sa Apoy [ng Impiyerno] at tinanggap [pinapasok] sa Paraiso, ay siyang [tunay na] nagtagumpay. At ang buhay sa mundong ito ay isa lamang kasiyahang nakapanlilinlang.
۞لَتُبۡلَوُنَّ فِيٓ أَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡ وَلَتَسۡمَعُنَّ مِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَمِنَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُوٓاْ أَذٗى كَثِيرٗاۚ وَإِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ
Open ayah 3:186Katiyakan kayo ay susubukan sa inyong mga yaman at sa inyong mga sarili. At katiyakan kayo ay makaririnig mula sa mga pinagkalooban ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] na nauna sa inyo at sa mga mushrik ng maraming pang-aabuso [o masasakit na salita]. Subali’t kung kayo ay magtitiyaga sa pagtitiis at natatakot [sa Allah], samakatwid, iyan ang magsisilbing batayan sa lahat ng mga gawain.
وَإِذۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ لَتُبَيِّنُنَّهُۥ لِلنَّاسِ وَلَا تَكۡتُمُونَهُۥ فَنَبَذُوهُ وَرَآءَ ظُهُورِهِمۡ وَٱشۡتَرَوۡاْ بِهِۦ ثَمَنٗا قَلِيلٗاۖ فَبِئۡسَ مَا يَشۡتَرُونَ
Open ayah 3:187At [alalahanin] nang tanggapin ng Allah ang matibay na kasunduan niyaong mga pinagkalooban ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] na [nagsasabing]: ‘’Dapat ninyong gawing malinaw ito para sa mga tao at ito ay huwag ninyong itago, subali’t ito ay kanilang tinalikdan [di- pinahalagahan] at ito ay kanilang ipinagbili sa murang halaga. At napakasama ng anumang kanilang binili [o ipinalit].
لَا تَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡرَحُونَ بِمَآ أَتَواْ وَّيُحِبُّونَ أَن يُحۡمَدُواْ بِمَا لَمۡ يَفۡعَلُواْ فَلَا تَحۡسَبَنَّهُم بِمَفَازَةٖ مِّنَ ٱلۡعَذَابِۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 3:188Huwag ninyong isipin na yaong mga nagagalak sa anumang kanilang isinagawa [o tinangkang balakin o layon] at ikinalulugod na sila ay parangalan [o purihin] para sa anumang hindi naman nila nagawa, huwag isipin na sila ay nakaligtas mula sa parusa, sapagka’t para sa kanila ay isang mahapding parusa.
وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Open ayah 3:189At nasa [pagmamay-ari ng] Allah ang Kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan. At ang Allah ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
إِنَّ فِي خَلۡقِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Open ayah 3:190Katotohanan, sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalit-salitan ng gabi at araw, naririto ang ayaat [mga palatandaan, babala, aral] para sa mga [taong] nagtataglay ang tamang pang-unawa.
ٱلَّذِينَ يَذۡكُرُونَ ٱللَّهَ قِيَٰمٗا وَقُعُودٗا وَعَلَىٰ جُنُوبِهِمۡ وَيَتَفَكَّرُونَ فِي خَلۡقِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبَّنَا مَا خَلَقۡتَ هَٰذَا بَٰطِلٗا سُبۡحَٰنَكَ فَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ
Open ayah 3:191Yaong mga nag-aalaala sa Allah nang nakatindig, nakaupo at nakatagilid sa kanilang pagkahiga, at nagmumuni-muni sa pagkalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, [at nagsabing]: “Aming Panginoon, hindi Mo po nilikha ito sa kabulaanan [o nang walang makabuluhang layunin]. Luwalhati sa Iyo. Kaya, iligtas Mo po kami sa parusa ng Apoy [ng Impiyerno].
رَبَّنَآ إِنَّكَ مَن تُدۡخِلِ ٱلنَّارَ فَقَدۡ أَخۡزَيۡتَهُۥۖ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ أَنصَارٖ
Open ayah 3:192Aming Panginoon, katotohanan, sinumang papasukin Mo sa Apoy [ng Impiyerno] ay katiyakang siya ay ginawa Mong kaaba-aba. At para sa mga mapaggawa ng kamalian, sa kanila ay walang makatutulong.
رَّبَّنَآ إِنَّنَا سَمِعۡنَا مُنَادِيٗا يُنَادِي لِلۡإِيمَٰنِ أَنۡ ءَامِنُواْ بِرَبِّكُمۡ فَـَٔامَنَّاۚ رَبَّنَا فَٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَكَفِّرۡ عَنَّا سَيِّـَٔاتِنَا وَتَوَفَّنَا مَعَ ٱلۡأَبۡرَارِ
Open ayah 3:193Aming Panginoon, katotohanang aming narinig ang panawagan ng isang nananawagan [si Propeta Muhammad] tungo sa Eeman [pananampalataya] na nagsabing: “Maniwala kayo sa inyong Panginoon,” at kami ay naniwala. O aming Panginoon, patawarin Mo po kami sa aming mga kasalanan at pawiin Mo po ang aming mga masasamang gawa, at tulutan Mo po na kami ay mamatay kasama ng mga mabubuti.
رَبَّنَا وَءَاتِنَا مَا وَعَدتَّنَا عَلَىٰ رُسُلِكَ وَلَا تُخۡزِنَا يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۖ إِنَّكَ لَا تُخۡلِفُ ٱلۡمِيعَادَ
Open ayah 3:194Aming Panginoon, [at] ipagkaloob Mo po sa amin ang anumang Iyong ipinangako sa amin sa pamamagitan ng Iyong mga sugo, at huwag Mo po kaming hayaang maging kaaba-aba sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Katotohanan, Ikaw ay hindi sumisira sa [Iyong] pangako.
فَٱسۡتَجَابَ لَهُمۡ رَبُّهُمۡ أَنِّي لَآ أُضِيعُ عَمَلَ عَٰمِلٖ مِّنكُم مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰۖ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۖ فَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ وَأُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَأُوذُواْ فِي سَبِيلِي وَقَٰتَلُواْ وَقُتِلُواْ لَأُكَفِّرَنَّ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَأُدۡخِلَنَّهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ ثَوَابٗا مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥ حُسۡنُ ٱلثَّوَابِ
Open ayah 3:195At ang kanilang Panginoon ay tumugon sa kanila. [At nagsabing]: "Kailanman ay hindi Ko hahayaang mawalan ng kabuluhan ang [mabubuting] gawa ng sinuman sa inyo - lalaki man o babae. Kayo ay para isa’t isa. Kaya, yaong mga nagsilikas at pinagtabuyan sa kanilang mga pamamahay, at dumanas ng [masidhing] katampalasanan [nang dahil] sa Aking Landas, at nakipaglaban at [pagkaraa’y] nasawi - katotohanan, Aking papawiin mula sa kanila ang kanilang mga masasamang gawa. At sila ay Aking papapasukin sa mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos; [ito ay] isang pabuya mula sa Allah. At nasa Allah ang pinakamabuting pabuya.”
لَا يَغُرَّنَّكَ تَقَلُّبُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
Open ayah 3:196Huwag kang palilinlang sa [malayang] paggalaw [o paglalakbay] niyaong mga di-naniniwala sa [iba’t ibang] lupain [sanhi ng karangyaan].
مَتَٰعٞ قَلِيلٞ ثُمَّ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Open ayah 3:197[Ito ay] isang maikling kasiyahan lamang. Pagkalipas nito, ang Impiyerno ang kanilang tirahan; isang masamang [pook] na paghihimlayan.
لَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا نُزُلٗا مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۗ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لِّلۡأَبۡرَارِ
Open ayah 3:198Subali’t yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon, para sa kanila ay mga hardin ng Paraiso na sa ilalim nito ay mga ilog na umaagos. Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan; bilang isang [magandang] panuluyan mula sa Allah. At anuman ang nasa Allah ay siyang pinakamainam para sa mga mabubuti.
وَإِنَّ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَمَن يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُمۡ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِمۡ خَٰشِعِينَ لِلَّهِ لَا يَشۡتَرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ ثَمَنٗا قَلِيلًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 3:199At katotohanan, kabilang sa mga Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] ay naniniwala sa Allah, at sa anumang ipinahayag sa inyo at sa anumang ipinahayag sa kanila, [sila ay] mapagpakumbaba sa Allah. Hindi nila ipinagbibili ang mga ayaat [kapahayagan] ng Allah [upang ipagpalit] para sa murang halaga. Sila yaong magkakaroon ng gantimpala sa kanilang Panginoon. Katotohanan, ang Allah ay Maagap sa pagtutuos [ng mga gawa].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱصۡبِرُواْ وَصَابِرُواْ وَرَابِطُواْ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Open ayah 3:200O kayong mga naniwala, manatili kayong matiyaga [sa mga pagsubok] at matiisin [sa harap ng mga kaaway]. At manatili kayong nakamatyag [sa Landas ng Allah upang inyong masugpo ang kasamaan]. At inyong katakutan ang Allah upang sakali kayo ay magsipagtagumpay.