النساء

An-Nisaa

The Women · Surah 4 · Ayahs: 176 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَخَلَقَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَبَثَّ مِنۡهُمَا رِجَالٗا كَثِيرٗا وَنِسَآءٗۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِي تَسَآءَلُونَ بِهِۦ وَٱلۡأَرۡحَامَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَيۡكُمۡ رَقِيبٗا

    Open ayah 4:1

    O sangkatauhan, matakot kayo sa inyong Panginoon na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang kaluluwa [si Adan], at mula sa kanya ay nilikha ang kanyang asawa [si Eba], at mula sa kanilang dalawa ay naglitawan [o nangagkalat] ang maraming mga kalalakihan at kababaihan. At matakot kayo sa Allah na Siyang hinihingan ninyo sa pamamagitan Niya [ng inyong mga karapatan], at [magbigay kayo ng pitagan at paggalang sa ugnayang kamag-anakan] ng mga sinapupunan. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Nagmamasid sa inyo.

  2. وَءَاتُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰٓ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَتَبَدَّلُواْ ٱلۡخَبِيثَ بِٱلطَّيِّبِۖ وَلَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَهُمۡ إِلَىٰٓ أَمۡوَٰلِكُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ حُوبٗا كَبِيرٗا

    Open ayah 4:2

    At inyong ipagkaloob sa mga ulila ang kanilang mga yaman [o ari-arian] at huwag ninyong papalitan ng [inyong] mga sirang [ari-arian] ang [kanilang] mga mabubuting [ari-arian]. At huwag ninyong kamkamin [lustayin o ariin] ang kanilang yaman [upang idagdag ito] sa inyong mga yaman. Katotohanan, ito ay lagi nang isang malaking kasalanan.

  3. وَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تُقۡسِطُواْ فِي ٱلۡيَتَٰمَىٰ فَٱنكِحُواْ مَا طَابَ لَكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ مَثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تَعۡدِلُواْ فَوَٰحِدَةً أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَلَّا تَعُولُواْ

    Open ayah 4:3

    At kung inyong pinangangambahan na hindi ninyo magagawang maging makatarungan sa mga naulilang babae, magkagayo’y pakasalan ang [ibang] mga babaing [inaakala ninyong] makasisiya para sa inyo - dalawa, tatlo, o apat. Nguni’t kung inyong pinangangambahan na hindi ninyo magagawang magiging pantay, magkagayo’y [pakasalan lamang ang] isa o yaong mga [aliping] taglay ng inyong kanang kamay. Iyan ay higit na marapat upang kayo ay hindi kumiling [sa gawaing di-makatarungan].

  4. وَءَاتُواْ ٱلنِّسَآءَ صَدُقَٰتِهِنَّ نِحۡلَةٗۚ فَإِن طِبۡنَ لَكُمۡ عَن شَيۡءٖ مِّنۡهُ نَفۡسٗا فَكُلُوهُ هَنِيٓـٔٗا مَّرِيٓـٔٗا

    Open ayah 4:4

    At inyong ipagkaloob sa mga babae [na inyong pakakasalan] ang kanilang handog nang buong puso. Nguni’t kung sila ay nagkusang isauli sa inyo ang anumang [bahagi ng] bagay nito, magkagayon inyong tanggapin ito nang buong kasiyahan at kaluwagan [ng loob].

  5. وَلَا تُؤۡتُواْ ٱلسُّفَهَآءَ أَمۡوَٰلَكُمُ ٱلَّتِي جَعَلَ ٱللَّهُ لَكُمۡ قِيَٰمٗا وَٱرۡزُقُوهُمۡ فِيهَا وَٱكۡسُوهُمۡ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا

    Open ayah 4:5

    At huwag ninyong ipagkaloob sa mga mahihina ang pag-iisip [wala sa tamang pag-iisip] ang inyong yaman na ginawa ng Allah bilang isang paraan ng pagtataguyod [na iniatang] para sa inyo, subali’t sila ay inyong tustusan [pakainin at lingapin] mula rito at sila ay inyong bihisan, at mangusap sa kanila ng mga pananalitang may kabaitan.

  6. وَٱبۡتَلُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغُواْ ٱلنِّكَاحَ فَإِنۡ ءَانَسۡتُم مِّنۡهُمۡ رُشۡدٗا فَٱدۡفَعُوٓاْ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَأۡكُلُوهَآ إِسۡرَافٗا وَبِدَارًا أَن يَكۡبَرُواْۚ وَمَن كَانَ غَنِيّٗا فَلۡيَسۡتَعۡفِفۡۖ وَمَن كَانَ فَقِيرٗا فَلۡيَأۡكُلۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِذَا دَفَعۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡ فَأَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبٗا

    Open ayah 4:6

    At inyong subukan ang mga naulila [hinggil sa kanilang kakayahan] hanggang sila ay umabot sa [wastong] gulang ng pag-aasawa. Kaya, kung inyong nararamdaman sa kanila ang matuwid [o mahusay] na pagpapasiya, ibigay sa kanila ang kanilang yaman. At huwag itong lamunin [o kamkamin] nang may pagmamalabis at pagmamadali [sanhi ng pangamba] na sila ay magsilaki. At sinumang nakaririwasa [na tumatayo bilang tagapag-alaga] ay nararapat magtimpi [sa pagkuha ng kabayaran]. Nguni’t sinuman ang mahirap, hayaan siyang tumanggap [ng kabayaran] nang ayon sa paraang marapat. At kapag inyong ililipat sa kanila ang kanilang yaman, kumuha ng saksi para sa kanila. At ang Allah ay Sapat bilang Tagapagtuos [ng mga gawa].

  7. لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ مِمَّا قَلَّ مِنۡهُ أَوۡ كَثُرَۚ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا

    Open ayah 4:7

    Para sa mga lalaki ay isang kaukulang bahagi mula sa anumang [yamang] iniwan ng mga magulang at malalapit na kamag-anakan at para sa mga babae ay isang kaukulang bahagi mula sa anumang [yamang] iniwan ng mga magulang at malalapit na kamag-anakan, maliit man o malaki – isang marapat na bahagi.

  8. وَإِذَا حَضَرَ ٱلۡقِسۡمَةَ أُوْلُواْ ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينُ فَٱرۡزُقُوهُم مِّنۡهُ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا

    Open ayah 4:8

    At kapag [sa oras ng pamamahagi o paghahatian ay] naroroon ang [ibang] mga kamag-anak at mga ulila at mga mahihirap, sila ay inyong bahaginan [ng anuman] nito, at mangusap sa kanila ng mga pananalitang may kabaitan.

  9. وَلۡيَخۡشَ ٱلَّذِينَ لَوۡ تَرَكُواْ مِنۡ خَلۡفِهِمۡ ذُرِّيَّةٗ ضِعَٰفًا خَافُواْ عَلَيۡهِمۡ فَلۡيَتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡيَقُولُواْ قَوۡلٗا سَدِيدًا

    Open ayah 4:9

    At hayaang pangambahan niyaong [mga tagapangasiwa ng pamana ang kawalang-katarungan] – kung sila [sa gayon ding katayuan] ay mag- iwan ng mga mahihinang anak mula sa kanilang pagyao at mangamba para sa kanila. Kaya hayaan silang matakot sa Allah at mangusap sa kanila ng mga pananalitang makatarungan.

  10. إِنَّ ٱلَّذِينَ يَأۡكُلُونَ أَمۡوَٰلَ ٱلۡيَتَٰمَىٰ ظُلۡمًا إِنَّمَا يَأۡكُلُونَ فِي بُطُونِهِمۡ نَارٗاۖ وَسَيَصۡلَوۡنَ سَعِيرٗا 

    Open ayah 4:10

    Katotohanan, yaong mga lumalamon sa yaman ng mga ulila nang may kamalian ay lumamon lamang ng apoy sa kanilang mga tiyan. At katiyakan sila ay papasok sa naglalagablab na apoy!

  11. يُوصِيكُمُ ٱللَّهُ فِيٓ أَوۡلَٰدِكُمۡۖ لِلذَّكَرِ مِثۡلُ حَظِّ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۚ فَإِن كُنَّ نِسَآءٗ فَوۡقَ ٱثۡنَتَيۡنِ فَلَهُنَّ ثُلُثَا مَا تَرَكَۖ وَإِن كَانَتۡ وَٰحِدَةٗ فَلَهَا ٱلنِّصۡفُۚ وَلِأَبَوَيۡهِ لِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُ مِمَّا تَرَكَ إِن كَانَ لَهُۥ وَلَدٞۚ فَإِن لَّمۡ يَكُن لَّهُۥ وَلَدٞ وَوَرِثَهُۥٓ أَبَوَاهُ فَلِأُمِّهِ ٱلثُّلُثُۚ فَإِن كَانَ لَهُۥٓ إِخۡوَةٞ فَلِأُمِّهِ ٱلسُّدُسُۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِي بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍۗ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ لَا تَدۡرُونَ أَيُّهُمۡ أَقۡرَبُ لَكُمۡ نَفۡعٗاۚ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا

    Open ayah 4:11

    Ang Allah ay nagtatagubilin sa inyo hinggil sa inyong mga anak: [ukol sa kanilang bahagi sa pamana]: para sa lalaki, anumang katumbas [na bahagi] ng dalawang babae. Nguni't kung may mga anak na babae [lamang], dalawa o higit pa, sa kanila ay dalawang ikatlo [/] ng pamana; kung may isa lamang, ang kanyang [bahagi] ay kalahati. At para sa mga magulang, bawa’t isa sa kanila ay isang ikaanim na bahagi [/] ng naiwang pamana kung siya [na namatay] ay may naiwang anak. Subali’t kung siya ay walang [naiwang] anak at ang mga magulang [lamang] ang mga tagapagmana mula sa kanya, magkagayon ang kanyang ina ay may ikatlong bahagi [/]. Kung siya [na namatay] ay may naiwang mga kapatid [lalaki o babae], para sa kanyang ina ay isang ikaanim [/] na bahagi; [ang pamamahaging ito ay] pagkatapos [ng pagbabayad] sa alinmang huling habilin na kanyang [maaaring] ginawa o mga utang. Ang inyong mga magulang o ang inyong mga anak - hindi ninyo nababatid kung alin sa kanila ang higit na malapit sa inyo sa kapakinabangan. [Ang pamamahaging ito ay] isang tungkulin [iniatang] ng Allah. At ang Allah ay Lagi nang Nakababatid, Tigib ng Karunungan.

  12. ۞وَلَكُمۡ نِصۡفُ مَا تَرَكَ أَزۡوَٰجُكُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّهُنَّ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَهُنَّ وَلَدٞ فَلَكُمُ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡنَۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِينَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۚ وَلَهُنَّ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡتُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّكُمۡ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَكُمۡ وَلَدٞ فَلَهُنَّ ٱلثُّمُنُ مِمَّا تَرَكۡتُمۚ مِّنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ تُوصُونَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۗ وَإِن كَانَ رَجُلٞ يُورَثُ كَلَٰلَةً أَوِ ٱمۡرَأَةٞ وَلَهُۥٓ أَخٌ أَوۡ أُخۡتٞ فَلِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُۚ فَإِن كَانُوٓاْ أَكۡثَرَ مِن ذَٰلِكَ فَهُمۡ شُرَكَآءُ فِي ٱلثُّلُثِۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصَىٰ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍ غَيۡرَ مُضَآرّٖۚ وَصِيَّةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَلِيمٞ

    Open ayah 4:12

    Para sa inyo ay kalahati [/] ng anumang [pamanang] iniwan ng inyong mga asawang babae kung sila ay walang anak. Nguni’t kung sila [mga asawang babae] ay may maiiwang anak, sa inyo ay ikaapat na bahagi [/] ng anumang kanilang maiiwan pagkatapos [tuparin o bayaran] ang alinmang huling habilin na kanilang ginawa o mga utang. At para sa kanila [mga asawang babae] ay ikaapat [/] na bahagi kung kayo ay walang maiiwang anak. Nguni’t kung mayroon kayong maiiwang anak, magkagayon, ang kanilang [bahagi] ay ikawalo [/] ng inyong [pamanang] maiiwan pagkatapos [tuparin o bayaran] ang alinmang huling habilin na inyong ginawa o mga utang. At kung ang lalaki o babae ay walang naiwang ninuno o inapo, nguni’t mayroon siyang kapatid na lalaki o babae, ang bawa’t isa sa kanila ay isang ikaanim [/] na bahagi. Nguni’t kung sila ay higit sa dalawa, kanilang paghahatian ang ikatlong [/] bahagi; pagkatapos [tuparin o bayaran] ang alinmang nagawang mga huling habilin o mga utang, hanggang walang pinsala [na naidulot sa sinuman]. [Ito ay] isang tagubilin [na nararapat ninyong tupdin] mula sa Allah. At ang Allah ay Maalam, Mapagparaya.

  13. تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

    Open ayah 4:13

    Ito ang mga hangganang [itinakda] ng Allah, at sinuman ang sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo, siya ay Kanyang papapasukin sa mga hardin [ng kaligayahan sa Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, upang mamalagi roon nang walang hanggan. At iyan ang dakilang tagumpay.

  14. وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُۥ يُدۡخِلۡهُ نَارًا خَٰلِدٗا فِيهَا وَلَهُۥ عَذَابٞ مُّهِينٞ

    Open ayah 4:14

    At sinuman ang sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo, at lumabag sa Kanyang mga [itinakdang] hangganan, siya ay Kanyang papapasukin sa Apoy, upang mamalagi roon nang walang hanggan, at para sa kanya ay isang nakahihiyang parusa.

  15. وَٱلَّٰتِي يَأۡتِينَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مِن نِّسَآئِكُمۡ فَٱسۡتَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِنَّ أَرۡبَعَةٗ مِّنكُمۡۖ فَإِن شَهِدُواْ فَأَمۡسِكُوهُنَّ فِي ٱلۡبُيُوتِ حَتَّىٰ يَتَوَفَّىٰهُنَّ ٱلۡمَوۡتُ أَوۡ يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لَهُنَّ سَبِيلٗا

    Open ayah 4:15

    At yaong mga nakagawa ng Fahisha [kahalayan at bawal na pakikipagtalik] mula sa inyong mga kababaihan, magpakita kayo ng apat [na saksi] mula sa inyo laban sa kanila. At kung sila ay sasaksi [sa katotohanan ng paratang], sila [mga nagkasalang babae] ay inyong ikulong sa [kanilang sariling] mga pamamahay hanggang sila ay abutan ng kamatayan o [hanggang ang] Allah ay gumawa para sa kanila ng [ibang] paraan [ng pagpaparusa].

  16. وَٱلَّذَانِ يَأۡتِيَٰنِهَا مِنكُمۡ فَـَٔاذُوهُمَاۖ فَإِن تَابَا وَأَصۡلَحَا فَأَعۡرِضُواْ عَنۡهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ تَوَّابٗا رَّحِيمًا

    Open ayah 4:16

    At sa dalawang nagkasala [ng bawal na pakikipagtalik] na kabilang sa inyo – [sila] ay inyong kapwa parusahan. At kung sila ay magsisi at itinuwid ang kanilang [masamang] asal, sila ay inyong iwanan. Katotohanan, ang Allah ay Laging Tumatanggap ng Pagsisisi, Maawain.

  17. إِنَّمَا ٱلتَّوۡبَةُ عَلَى ٱللَّهِ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِن قَرِيبٖ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَتُوبُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا

    Open ayah 4:17

    Katotohanan, ang pagsisisi na tinatanggap ng Allah ay [iyon lamang] para sa mga [taong] nakagawa ng kasamaan sanhi ng kamangmangan at pagkaraa’y dagliang nagsisi [at nagbalik-loob]; sila yaong mga patatawarin ng Allah. Ang Allah ay Lagi nang Maalam, Tigib ng Karunungan.

  18. وَلَيۡسَتِ ٱلتَّوۡبَةُ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ حَتَّىٰٓ إِذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ إِنِّي تُبۡتُ ٱلۡـَٰٔنَ وَلَا ٱلَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمۡ كُفَّارٌۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا

    Open ayah 4:18

    At hindi [maituturing na] nagsisisi yaong mga [taong patuloy na] gumagawa ng mga kasamaan hanggang kapag ang isa sa kanila ay abutan ng kamatayan, siya ay magsasabing: “Katotohanan ako ay nagsisisi na ngayon,” at [hindi rin maituturing na nagsisisi] yaong mga [taong] namatay habang sila ay mga di-naniniwala. Sa kanila ay Aming inihanda ang isang mahapding parusa.

  19. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَرِثُواْ ٱلنِّسَآءَ كَرۡهٗاۖ وَلَا تَعۡضُلُوهُنَّ لِتَذۡهَبُواْ بِبَعۡضِ مَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَعَاشِرُوهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِن كَرِهۡتُمُوهُنَّ فَعَسَىٰٓ أَن تَكۡرَهُواْ شَيۡـٔٗا وَيَجۡعَلَ ٱللَّهُ فِيهِ خَيۡرٗا كَثِيرٗا

    Open ayah 4:19

    O kayong mga naniwala, hindi pinahihintulot para sa inyo na manahin ang mga babae nang sapilitan [labag sa kanilang kalooban]. At huwag kayong maglagay ng paghihigpit sa kanila upang inyong makuhang [muli] ang anumang bahagi [ng mahr] na inyong ipinagkaloob sa kanila maliban kung sila ay nagkasala ng hayagang kahalayan [o pakikiapid]. At kayo ay [dapat] mamuhay sa kanila nang may kabaitan. Sapagka’t kung sila ay inyong kinamumuhian marahil inyong kinamumuhian ang isang bagay. At ginagawa ng Allah dito ang maraming [kaakibat na] kabutihan.

  20. وَإِنۡ أَرَدتُّمُ ٱسۡتِبۡدَالَ زَوۡجٖ مَّكَانَ زَوۡجٖ وَءَاتَيۡتُمۡ إِحۡدَىٰهُنَّ قِنطَارٗا فَلَا تَأۡخُذُواْ مِنۡهُ شَيۡـًٔاۚ أَتَأۡخُذُونَهُۥ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا 

    Open ayah 4:20

    Nguni’t kung nais ninyong palitan ang isang asawa ng iba, at kayo ay nakapagbigay na sa isa sa kanila ng isang Qintar [isang malaking halaga bilang mahr], huwag kayong kumuha mula rito ng kahit kaunti man nito. Kukuhanin ba ninyong [muli] ito sa di-makatarungang paraan at sa hayag na kasalanan?

  21. وَكَيۡفَ تَأۡخُذُونَهُۥ وَقَدۡ أَفۡضَىٰ بَعۡضُكُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٖ وَأَخَذۡنَ مِنكُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا

    Open ayah 4:21

    At paano nga ba ninyo magagawa pang kuhaning muli ito sa kanila samantalang kayo ay nagkadaup na [o nagtalik na] sa isa’t isa, at sila ay tumanggap na mula sa inyo ng isang matibay na kasunduan [ng kasal]?

  22. وَلَا تَنكِحُواْ مَا نَكَحَ ءَابَآؤُكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۚ إِنَّهُۥ كَانَ فَٰحِشَةٗ وَمَقۡتٗا وَسَآءَ سَبِيلًا

    Open ayah 4:22

    At huwag ninyong pakasalan ang mga babaing naging asawa ng inyong mga ama, maliban sa anumang [pangyayaring] naganap na noon pa. Katotohanan, ito ay isang [uri ng] kahalayan at kasuklam-suklam [sa paningin ng Allah], at kasamaan bilang isang pamamaraan.

  23. حُرِّمَتۡ عَلَيۡكُمۡ أُمَّهَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُمۡ وَعَمَّٰتُكُمۡ وَخَٰلَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُ ٱلۡأَخِ وَبَنَاتُ ٱلۡأُخۡتِ وَأُمَّهَٰتُكُمُ ٱلَّٰتِيٓ أَرۡضَعۡنَكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُم مِّنَ ٱلرَّضَٰعَةِ وَأُمَّهَٰتُ نِسَآئِكُمۡ وَرَبَٰٓئِبُكُمُ ٱلَّٰتِي فِي حُجُورِكُم مِّن نِّسَآئِكُمُ ٱلَّٰتِي دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَإِن لَّمۡ تَكُونُواْ دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ وَحَلَٰٓئِلُ أَبۡنَآئِكُمُ ٱلَّذِينَ مِنۡ أَصۡلَٰبِكُمۡ وَأَن تَجۡمَعُواْ بَيۡنَ ٱلۡأُخۡتَيۡنِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

    Open ayah 4:23

    Ipinagbawal sa inyo [para pakasalan] ang inyong mga ina, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga kapatid na babae, ang mga kapatid na babae ng inyong ama [tiyahin sa ama], ang mga kapatid na babae ng inyong ina [tiyahin sa ina], ang mga anak na babae ng inyong kapatid na lalaki, ang mga anak na babae ng inyong kapatid na babae, ang ina-inahan na nagpasuso sa inyo, ang mga kapatid sa gatas [mga anak] ng babaing nagpasuso sa inyo, ang mga ina ng inyong mga asawa [biyenan], ang mga anak na babae [sa ibang lalaki] ng inyong asawa na nasa inyong pangangalaga, na ipinanganak ng inyong mga asawa na nagkaroon kayo ng pakikipagtalik - nguni’t walang pagkakasala sa inyo [sa pagpapakasal sa kanilang mga anak] kung walang [nangyaring] pakikipagtalik sa inyo [at sa kanilang ina], ang mga asawa ng inyong mga anak na lalaki na nagmula sa inyong mga sariling laman, at ang dalawang magkapatid na babae nang magkasabay - maliban sa [mga pangyayaring] naganap na noon pa. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.

  24. ۞وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۖ كِتَٰبَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ وَأُحِلَّ لَكُم مَّا وَرَآءَ ذَٰلِكُمۡ أَن تَبۡتَغُواْ بِأَمۡوَٰلِكُم مُّحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَۚ فَمَا ٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهِۦ مِنۡهُنَّ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا تَرَٰضَيۡتُم بِهِۦ مِنۢ بَعۡدِ ٱلۡفَرِيضَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا

    Open ayah 4:24

    At [ipinagbabawal din para sa inyo ang lahat ng] mga babaing may asawa, maliban sa mga [aliping] taglay ng inyong kanang kamay. [Ito ay] isang takdang pasiya ng Allah [na iniatang] sa inyo. At ipinahintulot para sa inyo ang [lahat ng iba na] di-saklaw nito [mga naitakdang hangganan, subalit’] sila ay inyong hanapin [o pakasalan] sa pamamagitan ng [mga handog mula sa] inyong yaman, nagnanasa ng kalinisan at hindi ng bawal na pakikipagtalik. Kaya, para sa anumang inyong kasiyahan [ng pagpapakasal] mula sa kanila, ipagkaloob sa kanila ang kaukulang kabayaran [ng mahr] bilang isang tungkulin. At walang pagkakasala sa inyo para sa anumang inyong kapwa napagkasunduang di-saklaw sa tungkulin. Katotohanan, ang Allah ay Lagi Nang Maalam, Tigib ng Karunungan.

  25. وَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ مِنكُمۡ طَوۡلًا أَن يَنكِحَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ فَمِن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن فَتَيَٰتِكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِكُمۚ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ فَٱنكِحُوهُنَّ بِإِذۡنِ أَهۡلِهِنَّ وَءَاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِ مُحۡصَنَٰتٍ غَيۡرَ مُسَٰفِحَٰتٖ وَلَا مُتَّخِذَٰتِ أَخۡدَانٖۚ فَإِذَآ أُحۡصِنَّ فَإِنۡ أَتَيۡنَ بِفَٰحِشَةٖ فَعَلَيۡهِنَّ نِصۡفُ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ مِنَ ٱلۡعَذَابِۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ ٱلۡعَنَتَ مِنكُمۡۚ وَأَن تَصۡبِرُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 4:25

    At sinumang kabilang sa inyo ang walang kakayahang [humanap ng pangguguol upang] pakasalan ang mga malalayang babaing naniniwala, [hindi mga alipin] magkagayon, [maaari ninyong pakasalan] yaong mga babaing aliping naniniwala na taglay ng inyong kanang kamay. At ang Allah ang Siyang Nakaaalam hinggil sa inyong Eeman [pananampalataya]; Kayo [mga naniniwala] ay para sa isa’t isa. Kaya, sila ay inyong pakasalan nang may kapahintulutan sa kanilang mga pamilya [o mga tagapangalaga] at ipagkaloob sa kanila ang kanilang [karampatang] kabayaran [ang mahr] nang ayon sa paraang marapat. [Sila ay nararapat na] malilinis, hindi nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, at [sila ay] walang anumang [lihim na] kasintahan. At kung sila ay nag-asawa na at [pagkaraan, sila ay] nagkasala ng kahalayan [o pakikiapid], magkagayon, para sa kanila ay kalahati ng parusa [na ipinapataw] sa mga babaing malaya [o walang asawa]. Iyan ay para sa sinumang kabilang sa inyo na nangangambang [siya ay mahulog sa] pagkakasala. Subali’t higit na mainam para sa inyo na kayo ay magkaroon ng pagtitimpi sa inyong sarili. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  26. يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُبَيِّنَ لَكُمۡ وَيَهۡدِيَكُمۡ سُنَنَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَيَتُوبَ عَلَيۡكُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 4:26

    Hinahangad ng Allah na gawing malinaw para sa inyo [kung ano ang marapat at bawal] at upang kayo ay patnubayan sa mga [mabubuting] kaparaanan niyaong mga nauna sa inyo, at upang tanggapin ang inyong pagsisisi. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  27. وَٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يَتُوبَ عَلَيۡكُمۡ وَيُرِيدُ ٱلَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ٱلشَّهَوَٰتِ أَن تَمِيلُواْ مَيۡلًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:27

    At ang Allah ay naghahangad na tanggapin ang inyong pagsisisi. Subali’t yaong mga sumusunod sa [kanilang masasamang] pagnanasa ay naghahangad na kayo ay mailayo [tungo] sa malaking paglihis.

  28. يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُخَفِّفَ عَنكُمۡۚ وَخُلِقَ ٱلۡإِنسَٰنُ ضَعِيفٗا

    Open ayah 4:28

    Hinahangad ng Allah na gawing magaan [ang mga pasaning tungkulin] para sa inyo. At ang tao ay sadyang nilikhang marupok [at mahina].

  29. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَكُم بَيۡنَكُم بِٱلۡبَٰطِلِ إِلَّآ أَن تَكُونَ تِجَٰرَةً عَن تَرَاضٖ مِّنكُمۡۚ وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُمۡ رَحِيمٗا

    Open ayah 4:29

    O kayong mga naniwala, huwag ninyong kainin [lustayin o gamitin] ang yaman ng iba sa inyo nang walang kabuluhan [o walang katarungan] maliban sa [isang mabuting] kalakalan sa pamamagitan ng pinagkaisang pahintulot ng isa’t isa mula sa inyo. At huwag ninyong patayin ang inyong mga sarili [o huwag kayong magpatayan sa isa’t isa]. Katotohanan, ang Allah ay Maawain sa inyo.

  30. وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ عُدۡوَٰنٗا وَظُلۡمٗا فَسَوۡفَ نُصۡلِيهِ نَارٗاۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرًا 

    Open ayah 4:30

    At sinuman ang gumawa niyan sa [pamamagitan ng] karahasan at kawalang-katarungan, magkagayon, siya ay Aming ipapasok sa Apoy. At iyan ay sadyang magaan para sa Allah.

  31. إِن تَجۡتَنِبُواْ كَبَآئِرَ مَا تُنۡهَوۡنَ عَنۡهُ نُكَفِّرۡ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَنُدۡخِلۡكُم مُّدۡخَلٗا كَرِيمٗا

    Open ayah 4:31

    Kung inyong iiwasan ang mga malalaking kasalanan na ipinagbawal sa inyo, Aming papawiin mula sa inyo ang inyong mga [maliliit na] kasalanan, at kayo ay Aming papapasukin sa marangal na pasukan [ng Paraiso].

  32. وَلَا تَتَمَنَّوۡاْ مَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بِهِۦ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبُواْۖ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبۡنَۚ وَسۡـَٔلُواْ ٱللَّهَ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا

    Open ayah 4:32

    At huwag ninyong pagnasaan ang anumang [biyayang] ipinagkaloob ng Allah sa mga ilan sa inyo nang higit sa mga iba. Para sa mga lalaki, ay isang bahagi mula sa anumang kanilang pinagsumikapan, [gayon din naman] para sa mga babae, ay isang bahagi mula sa anumang kanilang pinagsumikapan. At inyong hingin sa Allah ang Kanyang biyaya. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Maalam sa lahat ng bagay.

  33. وَلِكُلّٖ جَعَلۡنَا مَوَٰلِيَ مِمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَۚ وَٱلَّذِينَ عَقَدَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡ فَـَٔاتُوهُمۡ نَصِيبَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدًا

    Open ayah 4:33

    At para sa lahat, Kami ay gumawa ng mga tagapagmana [upang italaga] sa anumang [yamang] iniwan ng mga magulang at mga malalapit na kamag-anakan. At yaong mga kumilala [o nagtiwala] sa inyong mga pangako, inyong ipagkaloob sa kanila ang kanilang [kaukulang] bahagi. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Saksi sa lahat ng bagay.

  34. ٱلرِّجَالُ قَوَّٰمُونَ عَلَى ٱلنِّسَآءِ بِمَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ وَبِمَآ أَنفَقُواْ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡۚ فَٱلصَّٰلِحَٰتُ قَٰنِتَٰتٌ حَٰفِظَٰتٞ لِّلۡغَيۡبِ بِمَا حَفِظَ ٱللَّهُۚ وَٱلَّٰتِي تَخَافُونَ نُشُوزَهُنَّ فَعِظُوهُنَّ وَٱهۡجُرُوهُنَّ فِي ٱلۡمَضَاجِعِ وَٱضۡرِبُوهُنَّۖ فَإِنۡ أَطَعۡنَكُمۡ فَلَا تَبۡغُواْ عَلَيۡهِنَّ سَبِيلًاۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيّٗا كَبِيرٗا

    Open ayah 4:34

    Ang mga lalaki ay tagapaglingap ng mga babae sa pamamagitan ng [karapatang] ipinagkaloob ng Allah sa isa sa kanila [sa lalaki] nang higit kaysa sa iba [sa babae], at sa anumang kanilang ginugugol [bilang panustos] mula sa kanilang yaman. Kaya, ang mga matutuwid na babae ay tapat na masunurin, [kanilang] pinangangalagaan ang anumang dapat pangalagaan na ipinag-utos sa kanila ng Allah sa panahong [wala ang kanilang asawa]. At yaong [mga asawang babae] na inyong pinangangambahan na nagmamatigas – [una] sila ay inyong pagpayuhan; [subali’t kung sila ay nagpupumilit], huwag sumiping sa kanila; at [sa huli] sila ay saktan [nang walang kalabisan]. Subali’t kung sila ay naging masunuring muli sa inyo, huwag ninyong hangarin ang daan [ng pagkayamot] laban sa kanila. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Kataas-taasan, Dakila.

  35. وَإِنۡ خِفۡتُمۡ شِقَاقَ بَيۡنِهِمَا فَٱبۡعَثُواْ حَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهِۦ وَحَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن يُرِيدَآ إِصۡلَٰحٗا يُوَفِّقِ ٱللَّهُ بَيۡنَهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرٗا

    Open ayah 4:35

    At kung kayo ay nangangamba ng di-pagtupad sa pagitan ng dalawa, magpadala kayo ng tagapaghatol, isang nagmula sa kamag-anakan ng lalaki at isang tagapaghatol na nagmula sa kamag-anakan ng babae. Kung sila ay kapwa naghahangad ng pagkakasundo, ito ay itutulot ng Allah sa kanilang pagitan. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Maalam, Nakababatid [sa lahat ng bagay].

  36. ۞وَٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُشۡرِكُواْ بِهِۦ شَيۡـٔٗاۖ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنٗا وَبِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡجَارِ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡجَارِ ٱلۡجُنُبِ وَٱلصَّاحِبِ بِٱلۡجَنۢبِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ مُخۡتَالٗا فَخُورًا

    Open ayah 4:36

    Sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anupaman sa Kanya. At gumawa ng mabuti sa inyong mga magulang, at sa mga kamag-anakan, sa mga ulila, sa mga mahihirap, sa mga malalapit na kapitbahay, sa mga malalayong kapitbahay, sa inyong mga kasamahan, sa mga manlalakbay, at sa mga [aliping] taglay ng inyong kanang kamay [sa ilalim ng inyong pangangasiwa]. Katotohanan, ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga mapagmagaling [sa kapwa-tao] at mapagyabang,

  37. ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِ وَيَكۡتُمُونَ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۗ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا

    Open ayah 4:37

    Yaong mga mararamot at nag-uutos sa [ibang] tao ng karamutan at kanilang itinatago ang anumang ipinagkaloob ng Allah sa kanila mula sa Kanyang biyaya. At Aming inihanda para sa mga di-naniniwala ang isang nakahihiyang parusa, -

  38. وَٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَلَا بِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۗ وَمَن يَكُنِ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَهُۥ قَرِينٗا فَسَآءَ قَرِينٗا

    Open ayah 4:38

    At yaong mga gumugugol ng kanilang yaman upang makita [lamang] ng mga tao, nguni’t hindi naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. At sinuman ang kasamahan ng satanas, samakatwid, napakasama niya bilang isang kasamahan!

  39. وَمَاذَا عَلَيۡهِمۡ لَوۡ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقَهُمُ ٱللَّهُۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِهِمۡ عَلِيمًا

    Open ayah 4:39

    At ano [bang pinsala ang darating] sa kanila kung sila ay naniwala sa Allah at sa Huling Araw, at sila ay gumugol sa anumang ipinagkaloob [na panustos] ng Allah sa kanila? At ang Allah ay Lagi nang Maalam sa kanila.

  40. إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَظۡلِمُ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖۖ وَإِن تَكُ حَسَنَةٗ يُضَٰعِفۡهَا وَيُؤۡتِ مِن لَّدُنۡهُ أَجۡرًا عَظِيمٗا 

    Open ayah 4:40

    Katotohanan, ang Allah ay hindi gumagawa ng pandaraya [maging ito man ay katumbas ng] isang katiting na timbang. Samantalang kung may isang kabutihan, ito ay Kanyang dinaragdagan, at nagkakaloob mula sa Kanyang Sarili ng isang dakilang gantimpala.

  41. فَكَيۡفَ إِذَا جِئۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةِۭ بِشَهِيدٖ وَجِئۡنَا بِكَ عَلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِ شَهِيدٗا

    Open ayah 4:41

    Kaya, paano [pa kaya ang mangyayari], kapag Aming ipinarating mula sa bawa’t pamayanan ang isang saksi, at ikaw ay Aming ipinarating [O Muhammad] laban sa mga ito [mga tao] bilang saksi?

  42. يَوۡمَئِذٖ يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَعَصَوُاْ ٱلرَّسُولَ لَوۡ تُسَوَّىٰ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضُ وَلَا يَكۡتُمُونَ ٱللَّهَ حَدِيثٗا

    Open ayah 4:42

    Sa Araw na iyon [sa Araw ng Pagkabuhay na Muli], yaong mga di- naniwala at sumuway sa Sugo [Muhammad] ay magnanais na sila ay maging tulad na lamang ng lupa [na walang pananagutan]. Sapagka’t hindi nila magawang itago [ang anumang kanilang nagawang kasalanan] mula sa Allah [kahit isa mang] pahayag [salaysay].

  43. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡرَبُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنتُمۡ سُكَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَعۡلَمُواْ مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغۡتَسِلُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوًّا غَفُورًا

    Open ayah 4:43

    O kayong mga naniwala, huwag kayong lumapit sa pagdarasal habang kayo ay lasing hanggang inyong nalalaman ang anumang inyong sinasabi, o [habang] kayo ay marumi [nasa kalagayan ng Janaba] maliban [kapag kayo ay] nakikiraan lamang sa daan [ng Masjid] hanggang kayo ay makapaghugas [ng buong katawan]. At kung kayo ay may sakit o naglalakbay, o ang isa sa inyo ay nanggaling mula sa palikuran o kayo ay nakipagtalik sa mga babae at kayo ay walang matagpuang tubig, [magkagayon] kayo ay magsagawa ng tayammum sa [pamamagitan ng] malinis na lupa [o alikabok] at inyong ihaplos ito sa inyong mga mukha at sa inyong mga kamay. Katiyakan, ang Allah ay Lagi nang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.

  44. أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يَشۡتَرُونَ ٱلضَّلَٰلَةَ وَيُرِيدُونَ أَن تَضِلُّواْ ٱلسَّبِيلَ

    Open ayah 4:44

    Hindi mo ba nakita yaong mga [taong] pinagkalooban ng isang bahagi ng Kasulatan, kanilang binibili ang kamalian [bilang kapalit nito], at sila ay naghahangad na kayo ay kanilang mailigaw mula sa [matuwid na] Landas.

  45. وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِأَعۡدَآئِكُمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَلِيّٗا وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ نَصِيرٗا

    Open ayah 4:45

    At ang Allah ay ganap na nakababatid ng inyong mga kaaway. At ang Allah ay Sapat na bilang Wali [Tagapangalaga]. At ang Allah ay sapat na bilang Tagapagtangkilik.

  46. مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ عَن مَّوَاضِعِهِۦ وَيَقُولُونَ سَمِعۡنَا وَعَصَيۡنَا وَٱسۡمَعۡ غَيۡرَ مُسۡمَعٖ وَرَٰعِنَا لَيَّۢا بِأَلۡسِنَتِهِمۡ وَطَعۡنٗا فِي ٱلدِّينِۚ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَا وَٱسۡمَعۡ وَٱنظُرۡنَا لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَقۡوَمَ وَلَٰكِن لَّعَنَهُمُ ٱللَّهُ بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا

    Open ayah 4:46

    Kabilang sa mga Hudyo ay yaong binabaluktot ang mga salita mula sa [tamang] kalagayan [o paggamit] at sinasabing: “Aming naririnig at aming sinusuway,” at “Makinig [sa amin] nguni’t ikaw ay hindi pakikinggan.” At Ra’ina - kanilang pinipilipit ang kanilang mga dila at kinukutya ang relihiyon [Islam]. At kung [sa halip] sila ay nagsabing: “Aming narinig at kami ay sumusunod,” at “kami ay pakinggan at kami ay hintaying [makaunawa],” marahil ito ay higit sanang mabuti para sa kanila, at higit na marapat. Subali’t sila ay isinumpa ng Allah sanhi ng kanilang kawalang paniniwala. Kaya, sila ay hindi naniniwala maliban ang mangilan-ngilan [sa kanila].

  47. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ ءَامِنُواْ بِمَا نَزَّلۡنَا مُصَدِّقٗا لِّمَا مَعَكُم مِّن قَبۡلِ أَن نَّطۡمِسَ وُجُوهٗا فَنَرُدَّهَا عَلَىٰٓ أَدۡبَارِهَآ أَوۡ نَلۡعَنَهُمۡ كَمَا لَعَنَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلسَّبۡتِۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولًا

    Open ayah 4:47

    O kayong mga pinagkalooban ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], maniwala kayo sa anumang Aming ipinahayag [kay Muhammad] - nagpapatunay sa anumang [Kasulatang] nasa inyo bago Namin katkatin ang mga mukha, at pihitin ang mga ito sa kanilang mga likuran o sila ay Aming isumpa tulad ng pagsumpa Namin sa mga lumabag sa araw ng Sabado. At ang Kautusan [o takda] ng Allah ay Lagi nang Natutupad.

  48. إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱفۡتَرَىٰٓ إِثۡمًا عَظِيمًا

    Open ayah 4:48

    Katotohanan, ang Allah ay hindi nagpapatawad [sa isang nagkasala] ng pagtatambal sa Kanya. Nguni’t Kanyang pinatatawad ang anumang [kasalanang] mababa kaysa riyan sa sinumang Kanyang nais. At sinuman ang magtambal ng iba sa Allah, katiyakan, siya ay nakapaglubid ng isang napakalaking kasalanan.

  49. أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يُزَكُّونَ أَنفُسَهُمۚ بَلِ ٱللَّهُ يُزَكِّي مَن يَشَآءُ وَلَا يُظۡلَمُونَ فَتِيلًا

    Open ayah 4:49

    Hindi mo ba nakita yaong mga nagmamalinis sa kanilang mga sarili. Nguni’t pinadadalisay ng Allah ang sinumang Kanyang nais. At sila ay hindi gagawan ng di-makatarungan [sa kanilang mga nagawa maging] ito man ay katumbas ng isang [manipis na] hibla [sa buto ng datiles].

  50. ٱنظُرۡ كَيۡفَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۖ وَكَفَىٰ بِهِۦٓ إِثۡمٗا مُّبِينًا 

    Open ayah 4:50

    Pagmasdan mo kung paano sila maglubid [ng kasinungalingan] laban sa Allah. At sapat na ito bilang isang malinaw na kasalanan.

  51. أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡجِبۡتِ وَٱلطَّٰغُوتِ وَيَقُولُونَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ هَٰٓؤُلَآءِ أَهۡدَىٰ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ سَبِيلًا

    Open ayah 4:51

    Hindi mo ba nakita yaong mga pinagkalooban ng isang bahagi ng kasulatan? Sila ay naniniwala sa pamahiin at mga taaghoot at sila ay nagsasabi na yaong mga di-naniniwala ay: “Higit na napatnubayan kaysa sa mga naniniwala sa [isang matuwid na] landas.”

  52. أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُۖ وَمَن يَلۡعَنِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ نَصِيرًا

    Open ayah 4:52

    Sila yaong mga isinumpa ng Allah. At sinumang isinumpa ng Allah, kailanman ay hindi mo matatagpuan para sa kanya ang isang makatutulong.

  53. أَمۡ لَهُمۡ نَصِيبٞ مِّنَ ٱلۡمُلۡكِ فَإِذٗا لَّا يُؤۡتُونَ ٱلنَّاسَ نَقِيرًا

    Open ayah 4:53

    O sila ba ay may bahagi sa kapamahalaan? Magkagayo’y [kung mayroon nga] marahil sila ay hindi magbibigay sa mga tao ng kahit isang maliit na butil ng butong datiles.

  54. أَمۡ يَحۡسُدُونَ ٱلنَّاسَ عَلَىٰ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۖ فَقَدۡ ءَاتَيۡنَآ ءَالَ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَءَاتَيۡنَٰهُم مُّلۡكًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:54

    O kanila bang kinaiinggitan ang mga tao para sa anumang ipinagkaloob sa kanila ng Allah mula sa Kanyang biyaya? Nguni’t, katiyakan, Aming naipagkaloob na sa mga angkan ni Abraham ang kasulatan at karunungan [sa larangan ng relihiyon], at naipagkaloob sa kanila ang isang dakilang kaharian.

  55. فَمِنۡهُم مَّنۡ ءَامَنَ بِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن صَدَّ عَنۡهُۚ وَكَفَىٰ بِجَهَنَّمَ سَعِيرًا

    Open ayah 4:55

    At ang ibang kabilang sa kanila ay naniwala rito [kay Muhammad bilang Sugo], at ang iba namang kabilang sa kanila ay tumutol dito. At sapat na ang Impiyerno upang magliyab [sa kanila].

  56. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا سَوۡفَ نُصۡلِيهِمۡ نَارٗا كُلَّمَا نَضِجَتۡ جُلُودُهُم بَدَّلۡنَٰهُمۡ جُلُودًا غَيۡرَهَا لِيَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَزِيزًا حَكِيمٗا

    Open ayah 4:56

    Katotohanan, yaong mga di-naniniwala sa Aming mga ayaat [mga kapahayagan], sila ay Aming papapasukin sa Apoy. Sa tuwing madadarang ang kanilang mga balat, ito ay Aming papalitan ng panibagong mga balat upang kanilang malasap ang [hapdi ng] parusa. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  57. وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَنُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ لَّهُمۡ فِيهَآ أَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞۖ وَنُدۡخِلُهُمۡ ظِلّٗا ظَلِيلًا

    Open ayah 4:57

    Subali’t yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, Aming papapasukin sa mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, sila ay mamamalagi [roon] nang walang hanggan. Doon, sila ay magkakaroon ng mga asawang busilak, at sila ay Aming papapasukin sa higit pang malililim na lilim.

  58. ۞إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُكُمۡ أَن تُؤَدُّواْ ٱلۡأَمَٰنَٰتِ إِلَىٰٓ أَهۡلِهَا وَإِذَا حَكَمۡتُم بَيۡنَ ٱلنَّاسِ أَن تَحۡكُمُواْ بِٱلۡعَدۡلِۚ إِنَّ ٱللَّهَ نِعِمَّا يَعِظُكُم بِهِۦٓۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا

    Open ayah 4:58

    Katotohanan, ang Allah ay nag-utos sa inyo na isauli ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan [o nagmamay-ari] nito; at kung kayo ay maghahatol sa pagitan ng mga tao, kayo ay humatol nang makatarungan. Sadyang pinagpapala ng Allah ang anumang itinagubilin sa inyo. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Nakaririnig, Lubos na Nakakikita.

  59. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَأُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنكُمۡۖ فَإِن تَنَٰزَعۡتُمۡ فِي شَيۡءٖ فَرُدُّوهُ إِلَى ٱللَّهِ وَٱلرَّسُولِ إِن كُنتُمۡ تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ وَأَحۡسَنُ تَأۡوِيلًا

    Open ayah 4:59

    O kayong mga naniwala, sumunod kayo sa Allah at sumunod sa Sugo [si Muhammad], at sa mga namumunong kabilang sa inyo. At kung kayo ay hindi magkasundo hinggil sa anumang bagay, inyong isangguni ito sa Allah at sa [Kanyang] Sugo, kung [tunay nga na] kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Iyan ang pinakamabuting [paraan] at higit na makahulugan [bilang paliwanag].

  60. أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يَزۡعُمُونَ أَنَّهُمۡ ءَامَنُواْ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَ يُرِيدُونَ أَن يَتَحَاكَمُوٓاْ إِلَى ٱلطَّٰغُوتِ وَقَدۡ أُمِرُوٓاْ أَن يَكۡفُرُواْ بِهِۦۖ وَيُرِيدُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَن يُضِلَّهُمۡ ضَلَٰلَۢا بَعِيدٗا 

    Open ayah 4:60

    Hindi mo ba nakita yaong [mga mapagkunwaring] nag-aangking sila ay naniniwala sa anumang ipinahayag sa iyo [O Muhammad], at sa anumang ipinahayag na nauna sa iyo, nguni’t [sa kabila nito] sila ay nagnanais na isangguni ang [pagpapatupad] ng batas sa mga taaghoot samantalang sila ay napag-utusan na huwag maniwala sa mga ito [taaghoot]. At ang satanas ay naghahangad na sila ay kanyang mailigaw [mula sa tuwid na landas], nang malayong pagkaligaw.

  61. وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَإِلَى ٱلرَّسُولِ رَأَيۡتَ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ يَصُدُّونَ عَنكَ صُدُودٗا

    Open ayah 4:61

    At kapag ito ay sabihin sa kanila: “Halina kayo [at tumalima] sa anumang ipinahayag ng Allah at [halina kayo] sa Sugo,” iyong makikita ang mga mapagkunwari na nagsisitalikod sa iyo nang may [matinding] pagtutol.

  62. فَكَيۡفَ إِذَآ أَصَٰبَتۡهُم مُّصِيبَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ ثُمَّ جَآءُوكَ يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ إِنۡ أَرَدۡنَآ إِلَّآ إِحۡسَٰنٗا وَتَوۡفِيقًا

    Open ayah 4:62

    Kaya, paano nga ba [ang mangyayari] kapag ang sakuna ay mananalanta sa kanila sanhi [ng kasamaan] ng kanilang mga kamay, at pagkaraan, sila ay magsisilapit sa iyo na sumusumpa sa Allah, “Wala kaming nilayon kundi kabaitan at magandang ugnayan!”

  63. أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ مَا فِي قُلُوبِهِمۡ فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَعِظۡهُمۡ وَقُل لَّهُمۡ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ قَوۡلَۢا بَلِيغٗا

    Open ayah 4:63

    Sila yaong ang anumang nasa kanilang puso ay nababatid ng Allah. Kaya, sila ay iyong layuan, subali’t sila ay iyong paalalahanan, at mangusap tungkol sa kanilang mga sarili ng pananalitang makaaantig [sa kanilang damdamin].

  64. وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن رَّسُولٍ إِلَّا لِيُطَاعَ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ إِذ ظَّلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ جَآءُوكَ فَٱسۡتَغۡفَرُواْ ٱللَّهَ وَٱسۡتَغۡفَرَ لَهُمُ ٱلرَّسُولُ لَوَجَدُواْ ٱللَّهَ تَوَّابٗا رَّحِيمٗا

    Open ayah 4:64

    At Kami ay hindi nagpadala ng sugo malibang [sila ay dapat] sundin sa kapahintulutan ng Allah. At kung mangyari mang sila [mga di-naniniwala] ay nakagawa ng kamalian sa kanilang mga sarili, at sila ay nagsilapit sa iyo [O Muhammad] at nagsumamo ng kapatawaran sa Allah, at ang sugo ay nagsumamo ng kapatawaran para sa kanila, marahil kanilang matatagpuan ang Allah na Tumatanggap ng Pagsisisi, Maawain.

  65. فَلَا وَرَبِّكَ لَا يُؤۡمِنُونَ حَتَّىٰ يُحَكِّمُوكَ فِيمَا شَجَرَ بَيۡنَهُمۡ ثُمَّ لَا يَجِدُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ حَرَجٗا مِّمَّا قَضَيۡتَ وَيُسَلِّمُواْ تَسۡلِيمٗا

    Open ayah 4:65

    Nguni’t hindi! Sumpa man sa iyong Panginoon, sila ay hindi [tunay na] naniniwala hanggang ikaw [O Muhammad] ay kanilang gawing tagapaghatol sa anumang hidwaang namamagitan sa kanila, at [hanggang] walang makikitang hinanakit [o bahid ng pagtutol] sa kanilang mga sarili hinggil sa anumang iyong hinatol at tumatalima nang [buong] pagtalima.

  66. وَلَوۡ أَنَّا كَتَبۡنَا عَلَيۡهِمۡ أَنِ ٱقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ أَوِ ٱخۡرُجُواْ مِن دِيَٰرِكُم مَّا فَعَلُوهُ إِلَّا قَلِيلٞ مِّنۡهُمۡۖ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ فَعَلُواْ مَا يُوعَظُونَ بِهِۦ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَشَدَّ تَثۡبِيتٗا

    Open ayah 4:66

    At kung [mangyari ngang] sila ay Aming inatasan na: “Inyong patayin ang inyong mga sarili [i.e ang mga walang kasalanan ay patayin ang mga makasalanan] o inyong lisanin ang inyong mga pamamahay,” walang makagagawa nito maliban sa mangilan-ngilan sa kanila, at kung [nangyari ngang] kanilang ginawa ang anumang iniatas sa kanila, [marahil] higit sanang nakabuti ito para sa kanila at makapagbibigay karagdagan sa [kanilang] katatagan.

  67. وَإِذٗا لَّأٓتَيۡنَٰهُم مِّن لَّدُنَّآ أَجۡرًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:67

    At kapag [nagkagayon nga], Aming magagawang ipagkaloob sa kanila mula sa Aming Sarili ang isang dakilang gantimpala.

  68. وَلَهَدَيۡنَٰهُمۡ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا

    Open ayah 4:68

    At marahil sila ay Aming nagawang patnubayan sa isang matuwid na Landas.

  69. وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَعَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلصِّدِّيقِينَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَٱلصَّٰلِحِينَۚ وَحَسُنَ أُوْلَٰٓئِكَ رَفِيقٗا

    Open ayah 4:69

    At sinumang sumunod sa Allah at sa Sugo [si Muhammad], - sila yaong mga makakasama niyaong mga pinagpala ng Allah - ang mga propeta, ang mga makatotohanan, ang mga nasawi [sa Landas ng Allah], at ang mga matutuwid. At sila yaong mga mabubuting kasamahan.

  70. ذَٰلِكَ ٱلۡفَضۡلُ مِنَ ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ عَلِيمٗا 

    Open ayah 4:70

    Iyan ang biyayang nagmula sa Allah. At sapat na ang Allah bilang [tanging Isang] Maalam.

  71. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ خُذُواْ حِذۡرَكُمۡ فَٱنفِرُواْ ثُبَاتٍ أَوِ ٱنفِرُواْ جَمِيعٗا

    Open ayah 4:71

    O kayong mga naniwala, inyong isaalang-alang ang inyong pag-iingat, humayo kayong pangkat-pangkat o humayo kayong sama-samang lahat.

  72. وَإِنَّ مِنكُمۡ لَمَن لَّيُبَطِّئَنَّ فَإِنۡ أَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةٞ قَالَ قَدۡ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيَّ إِذۡ لَمۡ أَكُن مَّعَهُمۡ شَهِيدٗا

    Open ayah 4:72

    At katotohanan, [ang ibang] kabilang sa inyo ay magpapaiwan [nang papalayo mula sa Landas ng Allah], kaya kung kayo ay abutan ng kapahamakan, siya [na nagpaiwan] ay magsasabi, “Katotohanan, ako ay sadyang pinagpala ng Allah na ako ay wala [roon] sa kanila.”

  73. وَلَئِنۡ أَصَٰبَكُمۡ فَضۡلٞ مِّنَ ٱللَّهِ لَيَقُولَنَّ كَأَن لَّمۡ تَكُنۢ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُۥ مَوَدَّةٞ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ مَعَهُمۡ فَأَفُوزَ فَوۡزًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:73

    Subali’t kung dumating sa inyo ang biyaya mula sa Allah, katiyakan na siya [na nagpaiwan] ay magsasabi – [na wari bang ipinakikita niya na] “walang namagitang pagmamahalan sa pagitan ninyo at pagitan niya.” “Ah! sana’y nakasama nila ako, nang sa gayo’y natamo ko rin ang dakilang tagumpay.”

  74. ۞فَلۡيُقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ يَشۡرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا بِٱلۡأٓخِرَةِۚ وَمَن يُقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَيُقۡتَلۡ أَوۡ يَغۡلِبۡ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:74

    Kaya hayaang makipaglaban sa Landas ng Allah yaong mga ipinagbibili ang buhay sa mundong [ito] kapalit ng [karangalan sa] kabilang buhay. At sinumang makipaglaban sa Landas ng Allah, at siya ay nasawi o nagwagi, Aming igagawad sa kanya ang isang [marangal at] dakilang gantimpala.

  75. وَمَا لَكُمۡ لَا تُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلرِّجَالِ وَٱلنِّسَآءِ وَٱلۡوِلۡدَٰنِ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا مِنۡ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلظَّالِمِ أَهۡلُهَا وَٱجۡعَل لَّنَا مِن لَّدُنكَ وَلِيّٗا وَٱجۡعَل لَّنَا مِن لَّدُنكَ نَصِيرًا

    Open ayah 4:75

    At ano ba [ang nangyayari] sa inyo [at] kayo ay hindi makipaglaban sa Landas ng Allah, at [para ipagtanggol] ang mga inalipusta mula sa mga kalalakihan, kababaihan at mga batang nagsasabing: “Aming Panginoon, ilayo Mo po kami sa bayang ito na ang mga mamamayan nito ay di- makatarungan at italaga Mo po para sa amin mula sa Iyong Sarili ang isang tagapangalaga at italaga Mo po sa amin mula sa Iyong Sarili ang isang makatutulong [upang kami ay kanyang damayan]”?

  76. ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱلطَّٰغُوتِ فَقَٰتِلُوٓاْ أَوۡلِيَآءَ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّ كَيۡدَ ٱلشَّيۡطَٰنِ كَانَ ضَعِيفًا

    Open ayah 4:76

    Yaong mga naniniwala ay nakikipaglaban sa Landas ng Allah at yaong mga di-naniniwala ay nakikipaglaban sa landas ng taaghoot [ng satanas]. Kaya makipaglaban kayo sa mga kampon ng satanas. Katotohanan, ang balakin ng satanas ay sadyang marupok [at mahina].

  77. أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ قِيلَ لَهُمۡ كُفُّوٓاْ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقِتَالُ إِذَا فَرِيقٞ مِّنۡهُمۡ يَخۡشَوۡنَ ٱلنَّاسَ كَخَشۡيَةِ ٱللَّهِ أَوۡ أَشَدَّ خَشۡيَةٗۚ وَقَالُواْ رَبَّنَا لِمَ كَتَبۡتَ عَلَيۡنَا ٱلۡقِتَالَ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنَآ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖۗ قُلۡ مَتَٰعُ ٱلدُّنۡيَا قَلِيلٞ وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لِّمَنِ ٱتَّقَىٰ وَلَا تُظۡلَمُونَ فَتِيلًا

    Open ayah 4:77

    Hindi mo ba nakita yaong mga pinagsabihang: “Pigilin ang inyong mga kamay [mula sa pakikipaglaban] at magsagawa ng pagdarasal [Salaah], at magbayad ng Zakaah” nguni’t nang ang pakikipaglaban ay itinagubilin sa kanila, agad na ang isang pangkat sa kanila ay kinatakutan ang mga tao tulad ng kanilang pagkatakot sa Allah o higit pang takot. At sila ay nagsabi: “O, Aming Panginoon, bakit Mo itinagubilin sa amin ang pakikipaglaban? Kung [ito] sana ay Iyong ipinagpaliban [muna] sa amin para sa maikling panahon.” Sabihin mo: “Ang kasiyahan sa mundo ay maliit [lamang] at ang kabilang buhay ay higit na mainam sa sinumang may takot sa Allah. At ang [pagiging] di-makatarungan ay hindi gagawin sa inyo maging ito ay katumbas ng hibla [sa buto ng datiles]”

  78. أَيۡنَمَا تَكُونُواْ يُدۡرِككُّمُ ٱلۡمَوۡتُ وَلَوۡ كُنتُمۡ فِي بُرُوجٖ مُّشَيَّدَةٖۗ وَإِن تُصِبۡهُمۡ حَسَنَةٞ يَقُولُواْ هَٰذِهِۦ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةٞ يَقُولُواْ هَٰذِهِۦ مِنۡ عِندِكَۚ قُلۡ كُلّٞ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ فَمَالِ هَٰٓؤُلَآءِ ٱلۡقَوۡمِ لَا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ حَدِيثٗا

    Open ayah 4:78

    Saanman ang inyong [pook na] kinaroroonan, ang kamatayan ay darating sa inyo maging kayo man ay nasa mga toreng ginawang matayog!” Nguni’t kung sila ay datnan ng isang kabutihan, sila ay nagsasabi: “Ito ay nagmula sa Allah.” Nguni’t kung sila ay datnan ng kasamaan, sila ay nagsasabi: “Ito ay nagmula sa iyo [O Muhammad. Kaya, sabihin mo sa kanila]: “Ang lahat ay nagmula sa Allah.” Kaya, ano ba ang [nangyayari sa] mga taong ito na sila ay tila nahihirapang makaunawa sa anumang pahayag?

  79. مَّآ أَصَابَكَ مِنۡ حَسَنَةٖ فَمِنَ ٱللَّهِۖ وَمَآ أَصَابَكَ مِن سَيِّئَةٖ فَمِن نَّفۡسِكَۚ وَأَرۡسَلۡنَٰكَ لِلنَّاسِ رَسُولٗاۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدٗا

    Open ayah 4:79

    Anumang kabutihang dumating sa iyo ay nagmula sa Allah, nguni’t anumang kasamaang dumating sa iyo, ito ay nagmula sa iyong sariling [kagagawan]. At ikaw [O Muhammad] ay Aming ipinadala sa sangkatauhan bilang isang sugo. At sapat na ang Allah bilang Saksi.

  80. مَّن يُطِعِ ٱلرَّسُولَ فَقَدۡ أَطَاعَ ٱللَّهَۖ وَمَن تَوَلَّىٰ فَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظٗا 

    Open ayah 4:80

    Sinumang sumunod sa Sugo [si Muhammad] ay tunay na sumunod sa Allah. Nguni’t sinumang tumalikod, magkagayon, ikaw [O Muhammad] ay hindi Namin isinugo bilang tagapagbantay sa kanila.

  81. وَيَقُولُونَ طَاعَةٞ فَإِذَا بَرَزُواْ مِنۡ عِندِكَ بَيَّتَ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ غَيۡرَ ٱلَّذِي تَقُولُۖ وَٱللَّهُ يَكۡتُبُ مَا يُبَيِّتُونَۖ فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا

    Open ayah 4:81

    At sila ay nagsasabi: “[Kami ay nangako ng] pagsunod.” Nguni’t nang sila ay lumisan sa iyo, isang pangkat mula sa kanila ay ginugugol ang gabi sa ibang [balaking] bukod sa iyong sinabi. Subali't itinatala ng Allah ang anumang kanilang ginugol [binalak] sa gabi. Kaya, sila ay iyong layuang mag-isa, at magtiwala sa Allah. At ang Allah ay sapat na bilang Tagapangasiwa [ng mga pangyayari o gawain].

  82. أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ ٱلۡقُرۡءَانَۚ وَلَوۡ كَانَ مِنۡ عِندِ غَيۡرِ ٱللَّهِ لَوَجَدُواْ فِيهِ ٱخۡتِلَٰفٗا كَثِيرٗا

    Open ayah 4:82

    Kaya, hindi ba nila pinag-uukulan ng [malalim na] pag-iisip ang Qur’an? Kung ito’y nagmula sa iba bukod sa Allah, kanilang matatagpuan dito ang maraming pagkakasalungatan.

  83. وَإِذَا جَآءَهُمۡ أَمۡرٞ مِّنَ ٱلۡأَمۡنِ أَوِ ٱلۡخَوۡفِ أَذَاعُواْ بِهِۦۖ وَلَوۡ رَدُّوهُ إِلَى ٱلرَّسُولِ وَإِلَىٰٓ أُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنۡهُمۡ لَعَلِمَهُ ٱلَّذِينَ يَسۡتَنۢبِطُونَهُۥ مِنۡهُمۡۗ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَٱتَّبَعۡتُمُ ٱلشَّيۡطَٰنَ إِلَّا قَلِيلٗا

    Open ayah 4:83

    At kapag may dumating sa kanila na isang pangyayari [o balitang] nauukol sa [pangkalahatang] kaligtasan o pangamba, ito ay kanilang ipinagkakalat. At marahil kung ito ay kanilang isinangguni sa sugo o sa mga itinalagang pamunuang kabilang sa kanila, baka sakaling yaong mga makapagbibigay ng tamang pasiya mula rito ay maaaring mabatid ang tungkol dito. Kung hindi nga lamang sa pagpapala ng Allah sa inyo at sa Kanyang habag, marahil kayo ay nagsisunod na sa satanas maliban sa mangilan-ngilan lamang [sa inyo].

  84. فَقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ لَا تُكَلَّفُ إِلَّا نَفۡسَكَۚ وَحَرِّضِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَكُفَّ بَأۡسَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ وَٱللَّهُ أَشَدُّ بَأۡسٗا وَأَشَدُّ تَنكِيلٗا

    Open ayah 4:84

    Kaya makipaglaban sa Landas ng Allah. Ikaw ay hindi mananagot maliban para sa iyong sarili. At pukawin ang [sigla ng] mga naniniwala [upang makipaglabang kasama mo] upang sa gayon ay pigilin ng Allah ang lakas [sandatahan] niyaong mga di-naniniwala. At ang Allah ay Matindi sa kapangyarihan at Matindi sa pagpaparusa.

  85. مَّن يَشۡفَعۡ شَفَٰعَةً حَسَنَةٗ يَكُن لَّهُۥ نَصِيبٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن يَشۡفَعۡ شَفَٰعَةٗ سَيِّئَةٗ يَكُن لَّهُۥ كِفۡلٞ مِّنۡهَاۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقِيتٗا

    Open ayah 4:85

    Sinuman ang mamagitan [para] sa isang mabuting pamamagitan ay magkakaroon para sa kanya ng isang bahagi [o gantimpala] mula roon. At sinuman ang mamagitan [para] sa isang masamang pamamagitan ay magkakaroon para sa kanya ng pasanin [kasalanan] mula roon. At ang Allah ay Lagi nang Tagapag-ingat sa lahat ng bagay.

  86. وَإِذَا حُيِّيتُم بِتَحِيَّةٖ فَحَيُّواْ بِأَحۡسَنَ مِنۡهَآ أَوۡ رُدُّوهَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَسِيبًا

    Open ayah 4:86

    At kapag kayo ay binati ng isang pagbati [assalamu alaikum], inyong tumbasan ng isang pagbating higit na mabuti kaysa rito o ibalik ang pagbating katumbas din nito. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Tagapagtuos ng lahat ng bagay.

  87. ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ لَيَجۡمَعَنَّكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِۗ وَمَنۡ أَصۡدَقُ مِنَ ٱللَّهِ حَدِيثٗا

    Open ayah 4:87

    Allah, walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Katiyakan, kayo ay Kanyang titipuning sama-sama sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, na walang alinlangan ang hinggil [sa kaganapan] nito. At sino ba ang higit na makatotohanan sa pagsasalaysay kaysa sa Allah?

  88. ۞فَمَا لَكُمۡ فِي ٱلۡمُنَٰفِقِينَ فِئَتَيۡنِ وَٱللَّهُ أَرۡكَسَهُم بِمَا كَسَبُوٓاْۚ أَتُرِيدُونَ أَن تَهۡدُواْ مَنۡ أَضَلَّ ٱللَّهُۖ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ سَبِيلٗا

    Open ayah 4:88

    Kaya, ano ba [ang nangyayari] sa inyo at kayo ay nahahati sa dalawang pangkat hinggil sa mga mapagkunwari, samantalang sila ay isinadlak ng Allah [tungo] sa anumang [kamaliang] kanilang pinagsumikapan? Nais ba ninyong patnubayan ang sinumang hinayaan ng Allah na maligaw [ng landas]? At sinumang hinayaan ng Allah na maligaw ng landas, kailanma’y hindi mo matatagpuan ang landas para sa kanya.

  89. وَدُّواْ لَوۡ تَكۡفُرُونَ كَمَا كَفَرُواْ فَتَكُونُونَ سَوَآءٗۖ فَلَا تَتَّخِذُواْ مِنۡهُمۡ أَوۡلِيَآءَ حَتَّىٰ يُهَاجِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَخُذُوهُمۡ وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ وَجَدتُّمُوهُمۡۖ وَلَا تَتَّخِذُواْ مِنۡهُمۡ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرًا

    Open ayah 4:89

    Sila ay naghahangad na kayo ay di-maniwala tulad ng kanilang di- paniniwala upang kayo ay matulad sa kanila. Kaya huwag kayong magturing mula sa kanila ng wali [kaibigan] hanggang sila ay lumikas para sa landas ng Allah. At kung sila ay magsitalikod [tumanggi sa Islam] sila ay inyong dakpin [o bihagin] at sila ay inyong pagpapatayin saanman ninyo sila matagpuan. At huwag kayong magturing mula sa kanila ng wali [kaibigan] o ng tagapagtangkilik.

  90. إِلَّا ٱلَّذِينَ يَصِلُونَ إِلَىٰ قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٌ أَوۡ جَآءُوكُمۡ حَصِرَتۡ صُدُورُهُمۡ أَن يُقَٰتِلُوكُمۡ أَوۡ يُقَٰتِلُواْ قَوۡمَهُمۡۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَسَلَّطَهُمۡ عَلَيۡكُمۡ فَلَقَٰتَلُوكُمۡۚ فَإِنِ ٱعۡتَزَلُوكُمۡ فَلَمۡ يُقَٰتِلُوكُمۡ وَأَلۡقَوۡاْ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَمَ فَمَا جَعَلَ ٱللَّهُ لَكُمۡ عَلَيۡهِمۡ سَبِيلٗا 

    Open ayah 4:90

    Maliban yaong mga humingi ng paglingap sa mga tao na sa inyo ay mayroong namamagitang kasunduan [ng kapayapaan], o yaong mga lumalapit sa inyo na ang kanilang dibdib [o ang kalooban] ay pigil sa pakikipaglaban sa inyo at gayundin sa pakikipaglaban sa kanilang sariling mga mamamayan. At kung ninais lamang ng Allah, sila ay Kanyang magagawang bigyan ng lakas laban sa inyo, at kayo ay kanilang kinalaban. Kaya kung sila ay nagsiurong [nagsilayo] mula sa inyo at hindi nakipaglaban sa inyo, at nag-alok sa inyo ng kapayapaan, magkagayon ang Allah ay hindi nagbigay dahilan sa inyo upang sila ay inyong kalabanin.

  91. سَتَجِدُونَ ءَاخَرِينَ يُرِيدُونَ أَن يَأۡمَنُوكُمۡ وَيَأۡمَنُواْ قَوۡمَهُمۡ كُلَّ مَا رُدُّوٓاْ إِلَى ٱلۡفِتۡنَةِ أُرۡكِسُواْ فِيهَاۚ فَإِن لَّمۡ يَعۡتَزِلُوكُمۡ وَيُلۡقُوٓاْ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَمَ وَيَكُفُّوٓاْ أَيۡدِيَهُمۡ فَخُذُوهُمۡ وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ ثَقِفۡتُمُوهُمۡۚ وَأُوْلَٰٓئِكُمۡ جَعَلۡنَا لَكُمۡ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينٗا

    Open ayah 4:91

    Inyong matatagpuan ang iba na naghahangad na magtamo ng kaligtasan mula sa inyo at magtamo ng kaligtasan mula sa kanilang mga mamamayan. Sa tuwing sila ay bumabalik sa [udyok ng] kawalang paniniwala, sila ay nahuhulog dito. Kaya kung sila ay hindi magsiurong [sa pakikipaglaban] sa inyo, at hindi mag-alok sa inyo ng kapayapaan, at hindi magpigil ng kanilang mga kamay [laban sa inyo], magkagayon, sila ay inyong bihagin at inyong pagpapatayin saanman ninyo sila matagpuan. Sa mga iyon, Kami ay gumawa para sa inyo ng hayag na kapahintulutan laban sa kanila.

  92. وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٍ أَن يَقۡتُلَ مُؤۡمِنًا إِلَّا خَطَـٔٗاۚ وَمَن قَتَلَ مُؤۡمِنًا خَطَـٔٗا فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖ وَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦٓ إِلَّآ أَن يَصَّدَّقُواْۚ فَإِن كَانَ مِن قَوۡمٍ عَدُوّٖ لَّكُمۡ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ وَإِن كَانَ مِن قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٞ فَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ وَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ شَهۡرَيۡنِ مُتَتَابِعَيۡنِ تَوۡبَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا

    Open ayah 4:92

    Hindi kailanman marapat sa isang naniniwala na kanyang patayin ang kapwa naniniwala maliban sa [di-sinadyang] pagkakamali. At sinumang nakapatay ng isang naniniwala sanhi ng pagkakamali, nararapat siyang magpalaya ng isang aliping naniniwala at [siya ay nararapat na] magbayad ng kaukulang bayad-pinsala [o diyah] sa pamilya ng napatay maliban lamang kung kanilang ipaubaya [ang kanilang karapatan] sa kawanggawa. Nguni’t, kung ang napatay ay [isang naniniwalang] nagmula sa isang angkang nakikipaglaban sa inyo, [sapat na] ang pagpapalaya ng isang aliping naniniwala. At kung siya ay nabibilang sa angkan na may kasunduan sa inyo, magkagayo’y [siya ay nararapat] magbayad ng bayad- pinsala sa kanyang pamilya at nararapat magpalaya ng isang aliping naniniwala. At sinuman ang hindi magampanan ito [ang pagpapalaya ng isang alipin], siya ay nararapat na mag-ayuno ng dalawang buwang magkasunod bilang paghingi ng kapatawaran sa Allah. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  93. وَمَن يَقۡتُلۡ مُؤۡمِنٗا مُّتَعَمِّدٗا فَجَزَآؤُهُۥ جَهَنَّمُ خَٰلِدٗا فِيهَا وَغَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَلَعَنَهُۥ وَأَعَدَّ لَهُۥ عَذَابًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:93

    At sinumang nakapatay ng isang naniniwala nang sinasadya, ang kanyang kabayaran ay ang Impiyerno na kung saan [siya ay] mamamalagi roon nang walang hanggan. At ang Allah ay napopoot sa kanya at siya ay [Kanyang] isinumpa. At sa kanya ay inihanda ang isang malaking parusa.

  94. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَتَبَيَّنُواْ وَلَا تَقُولُواْ لِمَنۡ أَلۡقَىٰٓ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَٰمَ لَسۡتَ مُؤۡمِنٗا تَبۡتَغُونَ عَرَضَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ مَغَانِمُ كَثِيرَةٞۚ كَذَٰلِكَ كُنتُم مِّن قَبۡلُ فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ فَتَبَيَّنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا

    Open ayah 4:94

    O kayong mga naniwala, kapag kayo ay humayo [upang makipaglaban] sa Landas ng Allah, kayo ay [nararapat] magsiyasat at huwag kayong magsabi sa sinumang nagbibigay ng [pagbati ng] kapayapaan, “Ikaw ay hindi [tunay na] naniniwala,” - hinahanap ang mga kapakinabangan ng makamundong buhay [subali’t] nasa Allah ang maraming [matatamong] kasaganaan. Kayo [sa inyong mga sarili] ay ganyan din noong una; pagkaraan ay ipinagkaloob ng Allah sa inyo ang Kanyang kabutihang-loob [o patnubay], kaya, kayo ay [matutong] magsiyasat. Ang Allah ay Lagi nang Nakababatid sa anumang inyong ginagawa.

  95. لَّا يَسۡتَوِي ٱلۡقَٰعِدُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ غَيۡرُ أُوْلِي ٱلضَّرَرِ وَٱلۡمُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۚ فَضَّلَ ٱللَّهُ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ عَلَى ٱلۡقَٰعِدِينَ دَرَجَةٗۚ وَكُلّٗا وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَفَضَّلَ ٱللَّهُ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ عَلَى ٱلۡقَٰعِدِينَ أَجۡرًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:95

    Hindi magkapantay sa antas [ng karangalan] yaong mga naniniwalang nakaupo [at nananatili lamang sa kanilang mga pamamahay] - maliban sa mga may kapansanan - at yaong mga Mujahideen [na nagpupunyagi at nakikipaglaban] sa Landas ng Allah sa pamamagitan ng kanilang yaman at ng kanilang buhay. Higit na itinangi ng Allah ang mga Mujahideen sa [pamamagitan ng] kanilang yaman at ng kanilang buhay kaysa yaong mga nananatili [lamang sa kanilang mga pamamahay]. Sa lahat, ang Allah ay nangako ng pinakamabuting [gantimpala], subali’t higit na itinangi ng Allah ang mga Mujahideen kaysa sa mga nakaupo [at nananatili sa pamamahay] ng isang dakilang gantimpala –

  96. دَرَجَٰتٖ مِّنۡهُ وَمَغۡفِرَةٗ وَرَحۡمَةٗۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمًا

    Open ayah 4:96

    Mga antas [ng matataas na karangalan o katayuan] mula sa Kanya, at kapatawaran at habag. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.

  97. إِنَّ ٱلَّذِينَ تَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ ظَالِمِيٓ أَنفُسِهِمۡ قَالُواْ فِيمَ كُنتُمۡۖ قَالُواْ كُنَّا مُسۡتَضۡعَفِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ قَالُوٓاْ أَلَمۡ تَكُنۡ أَرۡضُ ٱللَّهِ وَٰسِعَةٗ فَتُهَاجِرُواْ فِيهَاۚ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا

    Open ayah 4:97

    Katotohanan, yaong mga kinuha ng mga anghel [binawian ng buhay] habang sila ay gumagawa ng kamalian sa kanilang mga sarili, sila [mga anghel] ay magsasabi: “Ano ba ang inyong naging kalagayan?” Sila ay sumagot: “Kami ay inalipusta sa lupa.” Sila [mga anghel] ay magsasabi: “Hindi ba malawak ang lupa ng Allah para kayo ay magsilikas patungo doon?” Sila yaong ang kanilang kanlungan ay Impiyerno – at sadyang napakasama nito bilang patutunguhan.

  98. إِلَّا ٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلرِّجَالِ وَٱلنِّسَآءِ وَٱلۡوِلۡدَٰنِ لَا يَسۡتَطِيعُونَ حِيلَةٗ وَلَا يَهۡتَدُونَ سَبِيلٗا

    Open ayah 4:98

    Maliban yaong mga mahihina mula sa mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na walang kakayahang magtangka [upang sila ay magsilikas], at hindi inalalayan sa landas [na patutunguhan].

  99. فَأُوْلَٰٓئِكَ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَعۡفُوَ عَنۡهُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَفُوًّا غَفُورٗا

    Open ayah 4:99

    Sila yaong mga inaasahang patatawarin ng Allah. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.

  100. ۞وَمَن يُهَاجِرۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ يَجِدۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُرَٰغَمٗا كَثِيرٗا وَسَعَةٗۚ وَمَن يَخۡرُجۡ مِنۢ بَيۡتِهِۦ مُهَاجِرًا إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ثُمَّ يُدۡرِكۡهُ ٱلۡمَوۡتُ فَقَدۡ وَقَعَ أَجۡرُهُۥ عَلَى ٱللَّهِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا 

    Open ayah 4:100

    At sinumang lumikas [para] sa Landas ng Allah, kanyang matatagpuan sa kalupaan ang maraming [mapagpipiliang] pook at kasaganaan. At sinumang lumisan sa kanyang tahanan bilang isang lumikas tungo sa [Landas ng] Allah at sa Kanyang sugo, at pagkaraan siya ay inabutan ng kamatayan [sa gitna ng paglalakbay], katotohanan na ang kanyang gantimpala ay naihanda na [upang igawad] ng Allah. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.

  101. وَإِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَقۡصُرُواْ مِنَ ٱلصَّلَوٰةِ إِنۡ خِفۡتُمۡ أَن يَفۡتِنَكُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْۚ إِنَّ ٱلۡكَٰفِرِينَ كَانُواْ لَكُمۡ عَدُوّٗا مُّبِينٗا 

    Open ayah 4:101

    At kapag kayo [mga Muslim] ay naglalakbay sa mga lupain, walang pagkakasala sa inyo kung inyong paikliin ang pagdarasal [lalo na] kung inyong pinangangambahan na kayo ay salakayin niyaong mga di- naniniwala. Katotohanan, ang mga di-naniniwala ay inyong palagiang hayag na kaaway.

  102. وَإِذَا كُنتَ فِيهِمۡ فَأَقَمۡتَ لَهُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَلۡتَقُمۡ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُم مَّعَكَ وَلۡيَأۡخُذُوٓاْ أَسۡلِحَتَهُمۡۖ فَإِذَا سَجَدُواْ فَلۡيَكُونُواْ مِن وَرَآئِكُمۡ وَلۡتَأۡتِ طَآئِفَةٌ أُخۡرَىٰ لَمۡ يُصَلُّواْ فَلۡيُصَلُّواْ مَعَكَ وَلۡيَأۡخُذُواْ حِذۡرَهُمۡ وَأَسۡلِحَتَهُمۡۗ وَدَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ تَغۡفُلُونَ عَنۡ أَسۡلِحَتِكُمۡ وَأَمۡتِعَتِكُمۡ فَيَمِيلُونَ عَلَيۡكُم مَّيۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِن كَانَ بِكُمۡ أَذٗى مِّن مَّطَرٍ أَوۡ كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَن تَضَعُوٓاْ أَسۡلِحَتَكُمۡۖ وَخُذُواْ حِذۡرَكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ أَعَدَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا 

    Open ayah 4:102

    At kung ikaw ay kabilang sa kanila at sila ay iyong pinamumunuan sa pagdarasal [sa panahon ng pakikipaglaban], hayaang ang isang pangkat sa kanila ay tumayo [sa pagdarasal] na kasama mo, at hayaan nilang dalhin ang kanilang mga gamit-sandata. At kapag sila ay nakapagpatirapa, hayaan silang manatili sa inyong likuran at hayaang humayo sa unahan ang ibang pangkat na hindi pa nakapagdasal at hayaan silang magdasal na kasama mo, [dapat nilang] isaalang-alang ang pag-iingat at dala-dala ang kanilang mga sandata. Yaong mga di-naniniwala ay naghahangad na inyong mapabayaan ang inyong mga sandata at mga kagamitan upang kayo ay kanilang lusubin sa isang [minsanang] paglusob. Nguni’t walang pagkakasala sa inyo kung inyong ibaba ang inyong mga sandata sanhi ng pangamba ng pag-ulan o kayo ay may karamdaman, subali’t [dapat ninyong] isaaalang-alang ang [ibayong] pag-iingat. Katotohanan, ang Allah ay naghanda para sa mga di-naniniwala ng isang kahiya-hiyang parusa.

  103. فَإِذَا قَضَيۡتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ قِيَٰمٗا وَقُعُودٗا وَعَلَىٰ جُنُوبِكُمۡۚ فَإِذَا ٱطۡمَأۡنَنتُمۡ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا 

    Open ayah 4:103

    At kapag inyong naisagawa nang lubusan ang pagdarasal, alalahanin ninyo ang Allah nang nakatayo, nakaupo, at [nakahilig] sa inyong mga tagiliran. Subali’t kapag kayo ay naging ligtas na [sa panganib ng mga kaaway -magkagayon], magsagawa kayo ng [maayos na] pagdarasal. [Sapagka’t] Katotohanan, ang pagdarasal ay [isang tungkulin na] itinagubilin para sa mga naniniwala sa mga itinakdang oras nito.

  104. وَلَا تَهِنُواْ فِي ٱبۡتِغَآءِ ٱلۡقَوۡمِۖ إِن تَكُونُواْ تَأۡلَمُونَ فَإِنَّهُمۡ يَأۡلَمُونَ كَمَا تَأۡلَمُونَۖ وَتَرۡجُونَ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا يَرۡجُونَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا 

    Open ayah 4:104

    At huwag kayong panghinaan ng loob [o panawan ng lakas] sa pagtugis ng mga kaaway. Kung kayo ay nagdurusa, sila rin naman ay nagdurusang katulad ng inyong pagdurusa, subali’t kayo ay umaasa mula sa Allah ng anumang [pagpapala na] hindi nila inaasahan [mula sa Kanya]. At ang Allah ay Lagi nang Maalam, Tigib ng Karunungan.

  105. إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ لِتَحۡكُمَ بَيۡنَ ٱلنَّاسِ بِمَآ أَرَىٰكَ ٱللَّهُۚ وَلَا تَكُن لِّلۡخَآئِنِينَ خَصِيمٗا 

    Open ayah 4:105

    Katotohanan, Aming ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad] ang Aklat [Qur’an] sa katotohanan upang ikaw ay makapaghatol sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng anumang ipinakita sa iyo ng Allah. At huwag kang maging isang tagapagtanggol para sa mga nagtataksil [o mandaraya].

  106. وَٱسۡتَغۡفِرِ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا 

    Open ayah 4:106

    At hilingin ang kapatawaran ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.

  107. وَلَا تُجَٰدِلۡ عَنِ ٱلَّذِينَ يَخۡتَانُونَ أَنفُسَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ خَوَّانًا أَثِيمٗا 

    Open ayah 4:107

    At huwag kang makipagtalo para sa kapakanan ng mga taong nandaraya sa kanilang mga sarili. Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang sinumang makasalanang taksil [o mandaraya].

  108. يَسۡتَخۡفُونَ مِنَ ٱلنَّاسِ وَلَا يَسۡتَخۡفُونَ مِنَ ٱللَّهِ وَهُوَ مَعَهُمۡ إِذۡ يُبَيِّتُونَ مَا لَا يَرۡضَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡلِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطًا 

    Open ayah 4:108

    Kanilang ikinukubli [ang kanilang masamang layunin] mula sa mga tao nguni’t ito ay hindi nila maikukubli sa Allah, Siya ay nasa sa kanila [sa Kanyang Kaalaman] kapag kanilang ginugugol ang gabi sa mga pananalitang hindi Niya kinasisiyahan. At Lagi nang Nasasaklawan [ng Allah] ang anumang kanilang ginagawa.

  109. هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ جَٰدَلۡتُمۡ عَنۡهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَمَن يُجَٰدِلُ ٱللَّهَ عَنۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَم مَّن يَكُونُ عَلَيۡهِمۡ وَكِيلٗا 

    Open ayah 4:109

    Naririto kayo, kayong mga nakipagtalo para sa kanilang kapakanan sa buhay sa mundong ito. Nguni’t sino ang makikipagtalo para sa kanila sa [harap ng] Allah sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, o kaya'y sino nga ba ang kanilang magiging tagapangasiwa?

  110. وَمَن يَعۡمَلۡ سُوٓءًا أَوۡ يَظۡلِمۡ نَفۡسَهُۥ ثُمَّ يَسۡتَغۡفِرِ ٱللَّهَ يَجِدِ ٱللَّهَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا 

    Open ayah 4:110

    At sinuman ang gumawa ng kasamaan o ng kamalian sa kanyang sarili [nguni’t] pagkaraan ay humingi ng kapatawaran sa Allah, kanyang matatagpuan ang Allah na Mapagpatawad, Maawain.

  111. وَمَن يَكۡسِبۡ إِثۡمٗا فَإِنَّمَا يَكۡسِبُهُۥ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا

    Open ayah 4:111

    At sinumang nagsikap [na makagawa ng] kasalanan, ito ay kanya lamang pinagsumikapan laban sa kanyang sarili. At ang Allah ay Lagi nang Maalam, Tigib ng Karunungan.

  112. وَمَن يَكۡسِبۡ خَطِيٓـَٔةً أَوۡ إِثۡمٗا ثُمَّ يَرۡمِ بِهِۦ بَرِيٓـٔٗا فَقَدِ ٱحۡتَمَلَ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا

    Open ayah 4:112

    At sinumang nagsikap [makagawa ng] kamalian o ng kasalanan at pagkaraa’y ibinintang ito sa isang walang kasalanan, tunay na kanyang ipinapasan sa sarili ang paninirang-puri at hayag na kasalanan.

  113. وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكَ وَرَحۡمَتُهُۥ لَهَمَّت طَّآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ أَن يُضِلُّوكَ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡۖ وَمَا يَضُرُّونَكَ مِن شَيۡءٖۚ وَأَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَعَلَّمَكَ مَا لَمۡ تَكُن تَعۡلَمُۚ وَكَانَ فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكَ عَظِيمٗا

    Open ayah 4:113

    At kung hindi lamang sa biyaya ng Allah sa iyo [O Muhammad] at sa Kanyang habag, katiyakan na ang isang pangkat sa kanila ay masigasig upang ikaw ay kanilang mailigaw, subali’t wala silang maililigaw maliban sa kanilang mga sarili, at kahit na katiting na bagay ay hindi ka nila mapipinsala. At ibinaba [o ipinahayag] ng Allah sa iyo ang Aklat [Qur’an], at ang karunungan. At Kanyang itinuro sa iyo ang anumang hindi mo nalalaman. At lagi nang dakila ang biyaya ng Allah sa iyo [O Muhammad].

  114. ۞لَّا خَيۡرَ فِي كَثِيرٖ مِّن نَّجۡوَىٰهُمۡ إِلَّا مَنۡ أَمَرَ بِصَدَقَةٍ أَوۡ مَعۡرُوفٍ أَوۡ إِصۡلَٰحِۭ بَيۡنَ ٱلنَّاسِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:114

    Walang [ibinubungang] kabutihan ang karamihan sa kanilang mga lihim na usapan, maliban yaong mga nag-uutos [na magbigay] ng kawanggawa, o ng kabutihan, o ng pagkakasundo sa pagitan ng mga tao. At sinumang gumawa niyan na may layon ng kasiyahan ng Allah, magkagayon - siya ay Aming pagkakalooban ng isang dakilang gantimpala.

  115. وَمَن يُشَاقِقِ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَتَّبِعۡ غَيۡرَ سَبِيلِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ نُوَلِّهِۦ مَا تَوَلَّىٰ وَنُصۡلِهِۦ جَهَنَّمَۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا

    Open ayah 4:115

    At sinumang sumalungat sa Sugo [kay Muhammad] pagkaraang naging malinaw para sa kanya ang patnubay at sumunod sa ibang [landas] bukod sa landas ng mga naniniwala, siya ay Aming pananatilihin sa [landas na] kanyang pinili at siya ay Aming papapasukin sa Impiyerno, at sadyang napakasama [nito] bilang isang patutunguhan.

  116. إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا

    Open ayah 4:116

    Katotohanan, ang Allah ay hindi nagpapatawad sa sinumang nagkasala ng pagtatambal sa Kanya. Subali’t Kanyang pinatatawad ang anumang kasalanang bukod dito sa sinumang Kanyang nais. At sinumang magtambal ng iba sa Allah ay katiyakang siya ay napaligaw nang napakalayong pagkaligaw.

  117. إِن يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦٓ إِلَّآ إِنَٰثٗا وَإِن يَدۡعُونَ إِلَّا شَيۡطَٰنٗا مَّرِيدٗا

    Open ayah 4:117

    Sila ay walang dinadalanginan bukod sa Kanya [sa Allah] kundi ang mga babaing [diyus-diyusan]; subali’t [ang tunay na] kanilang dinadalanginan ay walang iba kundi ang mapanghimagsik [suwail] na satanas,

  118. لَّعَنَهُ ٱللَّهُۘ وَقَالَ لَأَتَّخِذَنَّ مِنۡ عِبَادِكَ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا

    Open ayah 4:118

    Na isinumpa ng Allah; sapagka't siya [ang satanas] ay nagsabi: “Katiyakan na ako ay kukuha ng takdang bilang mula sa Iyong mga alipin.

  119. وَلَأُضِلَّنَّهُمۡ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمۡ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُبَتِّكُنَّ ءَاذَانَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلۡقَ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَّخِذِ ٱلشَّيۡطَٰنَ وَلِيّٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِ فَقَدۡ خَسِرَ خُسۡرَانٗا مُّبِينٗا

    Open ayah 4:119

    At sila ay aking ililigaw, at aking pupukawin sa kanila ang mga makasalanang pagnanasa, at aking ipag-uutos sa kanila na laslasin ang mga tainga ng mga hayupan, at aking ipag-uutos sa kanila na baguhin ang likha ng Allah.” At sinumang magturing sa satanas bilang wali [tagapangalaga] sa halip na ang Allah, katiyakan na siya ay nakaranas ng hayag ng kawalan.

  120. يَعِدُهُمۡ وَيُمَنِّيهِمۡۖ وَمَا يَعِدُهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ إِلَّا غُرُورًا 

    Open ayah 4:120

    Siya [ang satanas] ay nangangako sa kanila, at pinupukaw sa kanila ang masasamang hangarin nguni’t ang satanas ay walang ipinapangako sa kanila maliban ang panlilinlang [lamang].

  121. أُوْلَٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُ وَلَا يَجِدُونَ عَنۡهَا مَحِيصٗا

    Open ayah 4:121

    Sila yaong ang kanilang kanlungan ay ang Impiyerno at sila ay walang matatagpuan mula rito ng [pook na] matatakasan.

  122. وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَنُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٗاۚ وَمَنۡ أَصۡدَقُ مِنَ ٱللَّهِ قِيلٗا

    Open ayah 4:122

    Nguni’t yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila ay Aming papapasukin sa mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos; sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. Ang pangako ng Allah ay totoo. At sino ba ang higit na makatotohanan sa pananalita kaysa sa Allah?

  123. لَّيۡسَ بِأَمَانِيِّكُمۡ وَلَآ أَمَانِيِّ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِۗ مَن يَعۡمَلۡ سُوٓءٗا يُجۡزَ بِهِۦ وَلَا يَجِدۡ لَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا

    Open ayah 4:123

    Hindi [matatamo ang Paraiso] nang ayon sa inyong mga mapagnasang saloobin, at hindi rin [matatamo nang ayon] sa mga [saloobin] ng mga Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano]. [Bagkus] sinumang gumawa ng isang kamalian ay babayaran para rito. At wala siyang matatagpuang sinumang wali [tagapangalaga] bukod sa Allah o ng isang tagatangkilik [o karamay].

  124. وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ نَقِيرٗا

    Open ayah 4:124

    At sinuman ang gumagawa ng gawaing matwid, lalaki man o babae, at siya ay naniniwala, sila yaong mga papapasukin sa Paraiso, at sila ay hindi gagawan ng kamalian kahit sinliit man ng batik [sa buto ng datiles].

  125. وَمَنۡ أَحۡسَنُ دِينٗا مِّمَّنۡ أَسۡلَمَ وَجۡهَهُۥ لِلَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ وَٱتَّبَعَ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۗ وَٱتَّخَذَ ٱللَّهُ إِبۡرَٰهِيمَ خَلِيلٗا

    Open ayah 4:125

    At sino ba ang nakahihigit sa relihiyon kaysa sa isang nagsuko ng kanyang mukha [o sarili] sa Allah, habang siya ay isang mapaggawa ng mga kabutihan. At sumusunod sa relihiyon [ni Abraham], na Hanifa [tuwirang sumasamba sa Allah]. At itinuring ng Allah si Abraham bilang isang matalik na kaibigan!

  126. وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٖ مُّحِيطٗا

    Open ayah 4:126

    At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At Lagi nang Nasasaklawan [ng Kaalaman] ng Allah ang lahat ng bagay.

  127. وَيَسۡتَفۡتُونَكَ فِي ٱلنِّسَآءِۖ قُلِ ٱللَّهُ يُفۡتِيكُمۡ فِيهِنَّ وَمَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ فِي يَتَٰمَى ٱلنِّسَآءِ ٱلَّٰتِي لَا تُؤۡتُونَهُنَّ مَا كُتِبَ لَهُنَّ وَتَرۡغَبُونَ أَن تَنكِحُوهُنَّ وَٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلۡوِلۡدَٰنِ وَأَن تَقُومُواْ لِلۡيَتَٰمَىٰ بِٱلۡقِسۡطِۚ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِهِۦ عَلِيمٗا

    Open ayah 4:127

    At sila ay humiling sa iyo [O Muhammad] ng isang [marapat na] pasiya hinggil sa mga babae. Sabihin mo: “Ang Allah ay nagbibigay ng pasiya sa inyo hinggil sa kanila at [hinggil] sa anumang binigkas sa inyo sa Aklat na nauukol sa mga babaing ulila na hindi ninyo binibigyan ng anumang itinakdang [karapatan ng pamana at mahr] na nauukol sa kanila. [Sa kabila nito] sila ay inyong hinahangad na pakasalan – at hinggil sa mga batang inalipusta, [na] inyong panatilihin para sa mga ulila [ang kanilang mga karapatan] nang makatarungan.” At anumang kabutihan ang inyong ginagawa, ang Allah ay Lagi nang Nakababatid nito.

  128. وَإِنِ ٱمۡرَأَةٌ خَافَتۡ مِنۢ بَعۡلِهَا نُشُوزًا أَوۡ إِعۡرَاضٗا فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَآ أَن يُصۡلِحَا بَيۡنَهُمَا صُلۡحٗاۚ وَٱلصُّلۡحُ خَيۡرٞۗ وَأُحۡضِرَتِ ٱلۡأَنفُسُ ٱلشُّحَّۚ وَإِن تُحۡسِنُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا

    Open ayah 4:128

    At kung ang isang babae ay nangangamba ng kalupitan o ng kapabayaan sa kanyang asawa, samakatwid, walang pagkakasala sa kanilang dalawa [mag-asawa] kung sila ay magkaroon ng pagkakasundo sa pagitan ng kanilang mga sarili; at ang pagkakasundo ay higit na mabuti. At nasa kaluluwa [ng tao] ang kasakiman, nguni’t kung kayo ay gumagawa ng kabutihan at natatakot sa Allah, magkagayon, katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Nakababatid sa anumang inyong ginagawa.

  129. وَلَن تَسۡتَطِيعُوٓاْ أَن تَعۡدِلُواْ بَيۡنَ ٱلنِّسَآءِ وَلَوۡ حَرَصۡتُمۡۖ فَلَا تَمِيلُواْ كُلَّ ٱلۡمَيۡلِ فَتَذَرُوهَا كَٱلۡمُعَلَّقَةِۚ وَإِن تُصۡلِحُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

    Open ayah 4:129

    At kailanman ay wala kayong kakayahang [magbigay] ng pantay [na damdamin] sa pagitan ng inyong mga asawa kahit kayo ay magsumikap [gawin ito]. Kaya huwag kayong kumiling nang labis sa isa sa kanila upang maiwan ang isa sa balag ng alanganin. At kung inyong iwasto [ang inyong asal] at katakutan ang Allah, magkagayon ang Allah na Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.

  130. وَإِن يَتَفَرَّقَا يُغۡنِ ٱللَّهُ كُلّٗا مِّن سَعَتِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ وَٰسِعًا حَكِيمٗا 

    Open ayah 4:130

    At kung sila ay maghihiwalay, pagyayamanin ng Allah ang bawa’t isa sa kanila mula sa Kanyang kasaganaan. At ang Allah ay Lagi nang Masagana, Tigib ng Karunungan.

  131. وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَلَقَدۡ وَصَّيۡنَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَإِيَّاكُمۡ أَنِ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ وَإِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَنِيًّا حَمِيدٗا

    Open ayah 4:131

    At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At katiyakan, Aming pinagbilinan yaong mga pinagkalooban ng Kasulatan na nauna sa inyo, at [maging] kayo [mga Muslim] - na inyong katakutan ang Allah. Kaya kung kayo ay hindi maniniwala, magkagayon [inyong tandaan na] nasa Allah ang [pagmamay- ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At ang Allah ay Lagi nang Mayaman, Kapuri-puri.

  132. وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا

    Open ayah 4:132

    At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At ang Allah ay Sapat na bilang Tagapangasiwa [ng lahat].

  133. إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ أَيُّهَا ٱلنَّاسُ وَيَأۡتِ بِـَٔاخَرِينَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ قَدِيرٗا

    Open ayah 4:133

    Kung Kanyang nais, kayo ay Kanyang magagawang alisin, O kayong mga tao, at magparating ng iba [bilang inyong magiging mga kapalit]. At ang Allah ay Lagi nang may Kakayahan na gawin iyan.

  134. مَّن كَانَ يُرِيدُ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ ثَوَابُ ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا

    Open ayah 4:134

    Sinumang naghahangad ng gantimpala sa buhay sa mundong ito, magkagayon [dapat niyang malaman] na nasa Allah ang gantimpala ng makamundong buhay at ng kabilang buhay. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Lubos na Nakakikita.

  135. ۞يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُواْ قَوَّٰمِينَ بِٱلۡقِسۡطِ شُهَدَآءَ لِلَّهِ وَلَوۡ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ أَوِ ٱلۡوَٰلِدَيۡنِ وَٱلۡأَقۡرَبِينَۚ إِن يَكُنۡ غَنِيًّا أَوۡ فَقِيرٗا فَٱللَّهُ أَوۡلَىٰ بِهِمَاۖ فَلَا تَتَّبِعُواْ ٱلۡهَوَىٰٓ أَن تَعۡدِلُواْۚ وَإِن تَلۡوُۥٓاْ أَوۡ تُعۡرِضُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا

    Open ayah 4:135

    O kayong mga naniwala, tumayo kayo nang matatag para sa katarungan, bilang mga saksi para sa Allah, maging ito ay laban sa inyong mga sarili, o sa inyong mga magulang, o sa inyong mga kamag-anak. Maging ang isa ay mayaman o mahirap, ang Allah ay higit na karapat- dapat kaysa sa dalawa [ang tumayo sa katarungan at bilang saksi]. Kaya, huwag ninyong sundin ang inyong [makasariling] pagkiling upang kayo ay hindi malihis sa katarungan. At kung inyong sirain [ang inyong pagsaksi] o tumangging [ibigay ito], katotohanang ang Allah ay Lagi nang Lubos na Nakababatid sa anumang inyong ginagawa.

  136. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِي نَزَّلَ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِن قَبۡلُۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا

    Open ayah 4:136

    O kayong mga naniwala, maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo [si Muhammad], at sa Aklat [Qur’an] na Kanyang ibinaba [o ipinahayag] sa Kanyang Sugo, at sa Kasulatan na Kanyang ibinaba [o ipinahayag] sa mga [sugong] nauna. At sinumang hindi maniwala sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga aklat, sa Kanyang mga sugo, at sa Huling Araw, magkagayon, katiyakan siya ay napaligaw nang napakalayong pagkaligaw.

  137. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ ثُمَّ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ ثُمَّ ٱزۡدَادُواْ كُفۡرٗا لَّمۡ يَكُنِ ٱللَّهُ لِيَغۡفِرَ لَهُمۡ وَلَا لِيَهۡدِيَهُمۡ سَبِيلَۢا

    Open ayah 4:137

    Katotohanan, yaong mga naniwala, at pagkaraan ay nagbalik sa kawalan ng paniniwala, at muling naniwala, at [muling] hindi naniwala, at patuloy na dinaragdagan ang kanilang kawalan ng paniniwala [hanggang abutan ng kamatayan]; sila ay hindi patatawarin ng Allah, at hindi papatnubayan sa [tuwid na] landas.

  138. بَشِّرِ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ بِأَنَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمًا

    Open ayah 4:138

    Magbigay ng balita sa mga mapagkunwari - para sa kanila ay isang napakasakit na parusa.

  139. ٱلَّذِينَ يَتَّخِذُونَ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ أَيَبۡتَغُونَ عِندَهُمُ ٱلۡعِزَّةَ فَإِنَّ ٱلۡعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعٗا

    Open ayah 4:139

    Yaong nagturing sa mga di-naniniwala bilang kaibigan sa halip na ang kapwa naniniwala, sila ba ay naghahangad ng karangalan sa kanila [sa pamamagitan ng lakas]? Nguni’t, katotohanan, nasa Allah ang lahat ng karangalan.

  140. وَقَدۡ نَزَّلَ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ أَنۡ إِذَا سَمِعۡتُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ يُكۡفَرُ بِهَا وَيُسۡتَهۡزَأُ بِهَا فَلَا تَقۡعُدُواْ مَعَهُمۡ حَتَّىٰ يَخُوضُواْ فِي حَدِيثٍ غَيۡرِهِۦٓ إِنَّكُمۡ إِذٗا مِّثۡلُهُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ جَامِعُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡكَٰفِرِينَ فِي جَهَنَّمَ جَمِيعًا 

    Open ayah 4:140

    At katiyakan, ito ay naipahayag na sa inyo sa Aklat [Qur’an] na kapag inyong maririnig ang mga ayaat [kapahayagan] ng Allah [na binigkas] at ito ay itinakwil at kinutya, huwag kayong makiupo [o makisalamuha] sa kanila, hanggang sila ay pumasok sa naiibang pag-uusap. [Kung kayo ay mananatiling kasama nila] katiyakang kayo ay matutulad sa kanila. Katotohanan, titipunin ng Allah ang mga mapagkunwari at mga di- naniniwala sa Impiyerno na magkakasamang lahat -

  141. ٱلَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمۡ فَإِن كَانَ لَكُمۡ فَتۡحٞ مِّنَ ٱللَّهِ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡ وَإِن كَانَ لِلۡكَٰفِرِينَ نَصِيبٞ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَسۡتَحۡوِذۡ عَلَيۡكُمۡ وَنَمۡنَعۡكُم مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ فَٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَلَن يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لِلۡكَٰفِرِينَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ سَبِيلًا

    Open ayah 4:141

    Yaong mga [mapagkunwaring] naghihintay [at nagmamasid] sa inyo; kung kayo ay nagtamo ng tagumpay mula sa Allah, sila ay nagsasabi: “Hindi ba’t kami ay inyong mga kasama?” Nguni’t kung nagtamo ng tagumpay ang mga di-naniniwala, sila ay nagsasabi [sa kanila]: “Hindi ba’t kami ay nakahihigit sa inyo at kami ang nagtanggol sa inyo laban sa mga naniniwala?” Ang Allah ay magpapasiya sa inyong pagitan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. At kailanman ay hindi magbibigay ang Allah ng daan [para magtagumpay] ang mga di-naniniwala [laban] sa mga naniniwala.

  142. إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَهُوَ خَٰدِعُهُمۡ وَإِذَا قَامُوٓاْ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ قَامُواْ كُسَالَىٰ يُرَآءُونَ ٱلنَّاسَ وَلَا يَذۡكُرُونَ ٱللَّهَ إِلَّا قَلِيلٗا

    Open ayah 4:142

    Katotohanan, ang mga mapagkunwari [ay nagtatangka upang] linlangin ang Allah, nguni’t Siya ang lilinlang sa kanila. At kapag sila ay tumatayo para sa pagdarasal, sila ay tumatayo nang may katamaran, nagpapakita [lamang ng kanilang mga sarili] sa tao nguni't hindi nag- aalaala sa Allah maliban sa bahagyang [pag-aalaala] lamang.

  143. مُّذَبۡذَبِينَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ لَآ إِلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِ وَلَآ إِلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ سَبِيلٗا

    Open ayah 4:143

    [Sila ay] palipat-lipat sa pagitan niyan [ng paniniwala at di-paniniwala], [sila ay] hindi nabibilang sa mga ito [sa mga naniniwala] at hindi sa mga ito [sa mga di-naniniwala]. At sinumang hinayaang maligaw ng Allah, kailanman ay wala kang matatagpuang daan para sa kanya [sa Islam].

  144. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ أَتُرِيدُونَ أَن تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ عَلَيۡكُمۡ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينًا

    Open ayah 4:144

    O kayong mga naniwala, huwag ninyong ituring [bilang] wali [tagapangalaga o kaibigan] ang mga di-naniniwala sa halip na ang mga [kapwa] naniniwala. Nais ba ninyong magbigay ng malinaw na batayan sa Allah laban sa inyong [mga sarili]?

  145. إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ فِي ٱلدَّرۡكِ ٱلۡأَسۡفَلِ مِنَ ٱلنَّارِ وَلَن تَجِدَ لَهُمۡ نَصِيرًا

    Open ayah 4:145

    Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay nasa kailaliman ng Apoy. At kailanman ay wala kang matatagpuang makatutulong para sa kanila.

  146. إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ وَأَصۡلَحُواْ وَٱعۡتَصَمُواْ بِٱللَّهِ وَأَخۡلَصُواْ دِينَهُمۡ لِلَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَعَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَسَوۡفَ يُؤۡتِ ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَجۡرًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:146

    Maliban yaong mga nagsisi, at itinuwid [ang mga maling asal], at nanalig sa Allah, at naging matapat sa kanilang relihiyon para sa Allah. Sila yaong mga makakasama ng mga naniniwala. At ipagkakaloob ng Allah sa mga naniniwala ang isang dakilang gantimpala [ang Paraiso].

  147. مَّا يَفۡعَلُ ٱللَّهُ بِعَذَابِكُمۡ إِن شَكَرۡتُمۡ وَءَامَنتُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ شَاكِرًا عَلِيمٗا

    Open ayah 4:147

    Ano ang maaaring gawin ng Allah [o ano ang Kanyang magiging kapakinabangan mula] sa inyong mga parusa kung kayo ay mapagpasalamat at kayo ay naniniwala [sa Kanyang Kaisahan]? At ang Allah ay Lagi nang Handang Kumilala [o magpahalaga sa mga mabubuting gawa], Maalam.

  148. ۞لَّا يُحِبُّ ٱللَّهُ ٱلۡجَهۡرَ بِٱلسُّوٓءِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ إِلَّا مَن ظُلِمَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعًا عَلِيمًا

    Open ayah 4:148

    Hindi minamahal ng Allah ang hayagang pagsasabi ng kasamaan maliban sa sinumang ginawan ng kamalian [o ng di-makatarungan]. At ang Allah ay Lagi nang Nakaririnig, Maalam.

  149. إِن تُبۡدُواْ خَيۡرًا أَوۡ تُخۡفُوهُ أَوۡ تَعۡفُواْ عَن سُوٓءٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوّٗا قَدِيرًا

    Open ayah 4:149

    Kung inyong ihayag man ang isang kabutihan o ito ay inyong ilihim o ipagpaumanhin ang isang kasamaan, katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Mapagpaumanhin, may Ganap na Kakayahan.

  150. إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡفُرُونَ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَيُرِيدُونَ أَن يُفَرِّقُواْ بَيۡنَ ٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَيَقُولُونَ نُؤۡمِنُ بِبَعۡضٖ وَنَكۡفُرُ بِبَعۡضٖ وَيُرِيدُونَ أَن يَتَّخِذُواْ بَيۡنَ ذَٰلِكَ سَبِيلًا 

    Open ayah 4:150

    Katotohanan, yaong mga di-naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga sugo at naghahangad na magbigay ng pagtangi [o kaibahan] sa pagitan ng Allah at ng Kanyang mga Sugo, at nagsasabing: “Kami ay naniniwala sa ilan [sa mga sugo] at kami ay hindi naniniwala sa iba [sa kanila],” at [sila ay] naghahangad na kumuha ng [ibang] landas sa pagitan niyan,

  151. أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ حَقّٗاۚ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا

    Open ayah 4:151

    Sila yaong sa katotohanan ay mga di-naniniwala. At Aming inihanda para sa mga di-naniniwala ang isang nakahihiyang parusa.

  152. وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَلَمۡ يُفَرِّقُواْ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ أُوْلَٰٓئِكَ سَوۡفَ يُؤۡتِيهِمۡ أُجُورَهُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

    Open ayah 4:152

    At yaong mga naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at hindi nagbibigay ng pagtangi [o kaibahan] sa pagitan ng sinuman sa kanila [sa mga sugo], sila yaong Kanyang pagkakalooban ng kanilang mga gantimpala. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.

  153. يَسۡـَٔلُكَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَن تُنَزِّلَ عَلَيۡهِمۡ كِتَٰبٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِۚ فَقَدۡ سَأَلُواْ مُوسَىٰٓ أَكۡبَرَ مِن ذَٰلِكَ فَقَالُوٓاْ أَرِنَا ٱللَّهَ جَهۡرَةٗ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ بِظُلۡمِهِمۡۚ ثُمَّ ٱتَّخَذُواْ ٱلۡعِجۡلَ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ فَعَفَوۡنَا عَن ذَٰلِكَۚ وَءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينٗا

    Open ayah 4:153

    Hinihiling sa iyo [O Muhammad] ng mga Angkan ng Kasulatan na magbaba para sa kanila ng isang aklat mula sa langit. Katiyakang kanilang hiniling din kay Moises ang higit pa riyan, at sila ay nagsabi: “Ipakita mo sa amin ang Allah nang lantaran,” nguni’t sila ay tinamaan ng kidlat sanhi ng kanilang kamalian. At pagkaraan ay kanilang kinuha ang guya [bilang diyos] pagkaraang dumating sa kanila ang mga malilinaw na katibayan. At iyan ay Aming pinatawad. At Aming ipinagkaloob kay Moises ang isang malinaw na batayan [kapangyarihan].

  154. وَرَفَعۡنَا فَوۡقَهُمُ ٱلطُّورَ بِمِيثَٰقِهِمۡ وَقُلۡنَا لَهُمُ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدٗا وَقُلۡنَا لَهُمۡ لَا تَعۡدُواْ فِي ٱلسَّبۡتِ وَأَخَذۡنَا مِنۡهُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا

    Open ayah 4:154

    At Aming itinaas sa kanilang ibabaw ang bundok nang dahil sa [pagtanggi sa] kanilang kasunduan, at Aming sinabi sa kanila: “Magsipasok kayo sa bukanang pintuan na nakayuko nang may kababaang-loob,” at Aming sinabi sa kanila: “Huwag kayong lumabag sa [araw ng] Sabado.” At Aming kinuha mula sa kanila ang isang matibay na kasunduan.

  155. فَبِمَا نَقۡضِهِم مِّيثَٰقَهُمۡ وَكُفۡرِهِم بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَقَتۡلِهِمُ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَقَوۡلِهِمۡ قُلُوبُنَا غُلۡفُۢۚ بَلۡ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَيۡهَا بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا

    Open ayah 4:155

    Subali’t [sila ay Aming isinumpa] nang dahil sa kanilang paglabag sa kasunduan, at sa kanilang di-paniniwala sa mga ayaat [mga kapahayagan] ng Allah, at sa kanilang walang katarungang pagpatay sa mga propeta, at sa kanilang pagsasabing: “Ang aming mga puso ay nabalutan na [kaya hindi namin magawang makaunawa pa].” Bagkus, sinarhan ng Allah ang mga ito [ang kanilang mga puso] sanhi ng kanilang kawalan ng paniniwala, kaya sila ay di-naniniwala maliban sa mangilan-ngilan [sa kanila].

  156. وَبِكُفۡرِهِمۡ وَقَوۡلِهِمۡ عَلَىٰ مَرۡيَمَ بُهۡتَٰنًا عَظِيمٗا

    Open ayah 4:156

    At [sila ay Aming isinumpa] nang dahil sa kanilang kawalan ng paniniwala at sa kanilang pagsasabi ng isang malubhang paninirang-puri laban kay Maria.

  157. وَقَوۡلِهِمۡ إِنَّا قَتَلۡنَا ٱلۡمَسِيحَ عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ رَسُولَ ٱللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ وَمَا صَلَبُوهُ وَلَٰكِن شُبِّهَ لَهُمۡۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُۚ مَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍ إِلَّا ٱتِّبَاعَ ٱلظَّنِّۚ وَمَا قَتَلُوهُ يَقِينَۢا

    Open ayah 4:157

    At [para] sa kanilang pagsasabi [nang may pagyayabang], “Tunay na aming pinatay ang Messiah si Hesus ang anak ni Maria, ang Sugo ng Allah.” Datapwa’t siya ay hindi nila nagawang patayin, at siya ay hindi nila nagawang ipako sa krus, bagkus [may iba] na ginawa upang kanyang makawangis sa kanilang [paningin]. At katotohanan, yaong mga nagkaiba- iba rito ay may agam-agam tungkol [sa naganap] dito. Sila ay walang [tamang] kaalaman maliban sa pagsunod sa mga pag-aakala lamang. At siya ay hindi nila nagawang patayin para sa katiyakan [ng kanyang pagkakilanlan].

  158. بَل رَّفَعَهُ ٱللَّهُ إِلَيۡهِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا

    Open ayah 4:158

    Bagkus, [ang katotohanan nito] siya [si Hesus] ay itinaas ng Allah patungo sa Kanyang Sarili. At ang Allah ay Lagi nang Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  159. وَإِن مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ إِلَّا لَيُؤۡمِنَنَّ بِهِۦ قَبۡلَ مَوۡتِهِۦۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكُونُ عَلَيۡهِمۡ شَهِيدٗا

    Open ayah 4:159

    At walang isa man mula sa mga Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] maliban na sila ay nararapat na maniwala sa kanya [kay Hesus] bago [sumapit kay Hesus] ang kanyang kamatayan. At sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, siya ay magiging saksi laban sa kanila.

  160. فَبِظُلۡمٖ مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا عَلَيۡهِمۡ طَيِّبَٰتٍ أُحِلَّتۡ لَهُمۡ وَبِصَدِّهِمۡ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ كَثِيرٗا 

    Open ayah 4:160

    Kaya sa mga kamalian niyaong mga Hudyo, Aming ipinagbawal sa kanila ang ibang mabubuting pagkain na dati ay ipinahintulot para sa kanila. At sa kanilang paghadlang sa karamihan sa [tao sa] Landas ng Allah.

  161. وَأَخۡذِهِمُ ٱلرِّبَوٰاْ وَقَدۡ نُهُواْ عَنۡهُ وَأَكۡلِهِمۡ أَمۡوَٰلَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡبَٰطِلِۚ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ مِنۡهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا

    Open ayah 4:161

    At sa kanilang pagkuha ng riba [mga patubuan] bagaman sila ay pinagbawalan [na makisangkot] mula rito, at sa kanilang walang kabuluhan [o di-makatarungang] paglamon [o pagkamkam] sa yaman ng mga tao. At Aming inihanda para sa mga di-naniwala ang isang masakit na parusa.

  162. لَّٰكِنِ ٱلرَّٰسِخُونَ فِي ٱلۡعِلۡمِ مِنۡهُمۡ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَۚ وَٱلۡمُقِيمِينَ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَٱلۡمُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ أُوْلَٰٓئِكَ سَنُؤۡتِيهِمۡ أَجۡرًا عَظِيمًا

    Open ayah 4:162

    Nguni’t ang mga matatatag sa kaalaman mula sa kanila, at ang mga naniniwala ay naniniwala sa anumang ipinahayag sa iyo [O Muhammad] at sa anumang ipinahayag na nauna sa iyo. At sa mga nagsasagawa ng pagdarasal, at nagbibigay ng kawanggawa, at naniniwala sa Allah at sa Huling Araw, sila yaong Aming pagkakalooban ng dakilang gantimpala.

  163. ۞إِنَّآ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ كَمَآ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ نُوحٖ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ مِنۢ بَعۡدِهِۦۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَعِيسَىٰ وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَٰرُونَ وَسُلَيۡمَٰنَۚ وَءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ زَبُورٗا

    Open ayah 4:163

    Katotohanan, Kami [ang Allah] ay nagpahayag sa iyo [O Muhammad] tulad ng Aming pagpapahayag kay Noah at sa mga propeta pagkaraan niya. At Kami ay nagpahayag kina Abraham, Ismael, Isaak, Hakob, at Asbat [ang mga anak ni Hakob], Hesus, Job, Jonas, Aaron, at Solomon; at kay David, Kami ay nagkaloob ng Zabur [Psalmo].

  164. وَرُسُلٗا قَدۡ قَصَصۡنَٰهُمۡ عَلَيۡكَ مِن قَبۡلُ وَرُسُلٗا لَّمۡ نَقۡصُصۡهُمۡ عَلَيۡكَۚ وَكَلَّمَ ٱللَّهُ مُوسَىٰ تَكۡلِيمٗا

    Open ayah 4:164

    At [Aming ipinadala ang] mga sugong Aming isinalaysay sa iyo noon, at ang mga sugong hindi Namin isinalaysay sa iyo, at ang Allah ay nangusap kay Moises nang [tuwirang] pananalita.

  165. رُّسُلٗا مُّبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَى ٱللَّهِ حُجَّةُۢ بَعۡدَ ٱلرُّسُلِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا

    Open ayah 4:165

    [Aming ipinadala ang] mga sugong tagapaghatid ng mga magagandang balita at tagapagbabala upang ang sangkatauhan ay walang maipangangatuwiran laban sa Allah pagkaraan ng [pagdating sa kanila ng] mga sugo. At ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, [Siya ang] Tigib ng Karunungan.

  166. لَّٰكِنِ ٱللَّهُ يَشۡهَدُ بِمَآ أَنزَلَ إِلَيۡكَۖ أَنزَلَهُۥ بِعِلۡمِهِۦۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَشۡهَدُونَۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدًا

    Open ayah 4:166

    Nguni’t ang Allah ay sumasaksi sa anumang Kanyang ipinahayag sa iyo; Kanyang ipinahayag ito sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman, at maging ang mga anghel ay sumasaksi [rin]. At ang Allah ay sapat na bilang Saksi.

  167. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ قَدۡ ضَلُّواْ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا

    Open ayah 4:167

    Katotohanan, yaong mga di-naniwala at humadlang [sa mga tao tungo] sa Landas ng Allah ay katiyakang nangaligaw, [at sila ay] nangaligaw nang malayo.

  168. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَظَلَمُواْ لَمۡ يَكُنِ ٱللَّهُ لِيَغۡفِرَ لَهُمۡ وَلَا لِيَهۡدِيَهُمۡ طَرِيقًا

    Open ayah 4:168

    Katotohanan, yaong mga di-naniwala at nakagawa ng kamalian [di- makatarungan], kailanman sila ay hindi patatawarin ng Allah, at sila ay hindi Niya papatnubayan sa isang landasin.

  169. إِلَّا طَرِيقَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا

    Open ayah 4:169

    Maliban sa landas ng Impiyerno, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. At iyan ay sadyang magaan para sa Allah.

  170. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدۡ جَآءَكُمُ ٱلرَّسُولُ بِٱلۡحَقِّ مِن رَّبِّكُمۡ فَـَٔامِنُواْ خَيۡرٗا لَّكُمۡۚ وَإِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا 

    Open ayah 4:170

    O sangkatauhan, katiyakan, ang Sugo [ng Allah na si Muhammad] ay dumating na sa inyo na dala ang katotohanan mula sa inyong Panginoon. Kaya maniwala kayo sa kanya, [sapagka’t ito ay] higit na nakabubuti para sa inyo. Subali’t kung kayo ay di-maniwala, magkagayo’y [alalahanin ninyo na] nasa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at kalupaan. At ang Allah ay Lagi nang Maalam, Tigib ng Karunungan.

  171. يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَا تَغۡلُواْ فِي دِينِكُمۡ وَلَا تَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّۚ إِنَّمَا ٱلۡمَسِيحُ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ رَسُولُ ٱللَّهِ وَكَلِمَتُهُۥٓ أَلۡقَىٰهَآ إِلَىٰ مَرۡيَمَ وَرُوحٞ مِّنۡهُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۖ وَلَا تَقُولُواْ ثَلَٰثَةٌۚ ٱنتَهُواْ خَيۡرٗا لَّكُمۡۚ إِنَّمَا ٱللَّهُ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓ أَن يَكُونَ لَهُۥ وَلَدٞۘ لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا

    Open ayah 4:171

    O Angkan ng Kasulatan, huwag kayong gumawa ng kalabisan sa inyong relihiyon o magsabi ng anumang tungkol sa Allah maliban ang katotohanan. Ang Mesiyas [na si Hesus], anak ni Maria, ay isang Sugo ng Allah at Kanyang Salita na Kanyang iginawad kay Maria at isang kaluluwa [na nilikha sa pag-uutos] mula sa Kanya. Kaya maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang mga Sugo. Huwag kayong magsabing: “Tatlo!” Magtigil kayo! Ito ay higit na makabubuti para sa inyo. Katotohanan ang Allah ay [tanging] isang Diyos, Luwalhati sa Kanya [Siya ay Kataas-taasan] sadyang malayo sa pagkakaroon ng anak na lalaki. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At ang Allah ay sapat na bilang Tagapangasiwa [para sa lahat ng mga pangyayari].

  172. لَّن يَسۡتَنكِفَ ٱلۡمَسِيحُ أَن يَكُونَ عَبۡدٗا لِّلَّهِ وَلَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ ٱلۡمُقَرَّبُونَۚ وَمَن يَسۡتَنكِفۡ عَنۡ عِبَادَتِهِۦ وَيَسۡتَكۡبِرۡ فَسَيَحۡشُرُهُمۡ إِلَيۡهِ جَمِيعٗا

    Open ayah 4:172

    Kailanman ay hindi magagawang hamakin [di-pahalagahan] ng Mesiyas ang pagiging isang alipin ng Allah, at maging ang mga anghel na malalapit [sa Allah]. At sinumang humamak [di-nagpahalaga] ng pagsamba sa Kanya at siya ay mapagmalaki - sila ay Kanyang titipuning lahat sa Kanyang [Sarili].

  173. فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَيُوَفِّيهِمۡ أُجُورَهُمۡ وَيَزِيدُهُم مِّن فَضۡلِهِۦۖ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱسۡتَنكَفُواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ فَيُعَذِّبُهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا وَلَا يَجِدُونَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا

    Open ayah 4:173

    Kaya, yaong mga naniwala [sa Allah] at gumawa ng mga gawaing matwid, Kanyang ipagkakaloob sa kanila ang lubos na gantimpala, at sila ay daragdagan pa mula sa Kanyang biyaya. Nguni’t yaong mga humamak [di-nagpahalaga sa Kanya] at naging mapagmalaki, sila ay Kanyang parurusahan ng mahapding parusa. At bukod sa Allah, sila ay walang ibang matatagpuan para sa kanila ng wali [tagapangalaga] at ng makatutulong.

  174. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدۡ جَآءَكُم بُرۡهَٰنٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَأَنزَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ نُورٗا مُّبِينٗا

    Open ayah 4:174

    O sangkatauhan, katiyakan, dumating na sa inyo ang isang patunay [si Muhammad, bilang sugo] mula sa inyong Panginoon. At Aming ibinaba [o ipinahayag] para sa inyo ang isang hayag na liwanag [ang Qur’an].

  175. فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَٱعۡتَصَمُواْ بِهِۦ فَسَيُدۡخِلُهُمۡ فِي رَحۡمَةٖ مِّنۡهُ وَفَضۡلٖ وَيَهۡدِيهِمۡ إِلَيۡهِ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا

    Open ayah 4:175

    Kaya, yaong mga [tunay at tapat na] naniniwala sa Allah at mahigpit na tumatangan sa Kanyang [mga kautusan, paalala at mga tagubilin], sila ay Kanyang papapasukin sa Kanyang habag at biyaya [o ang walang hanggang ligaya sa Paraiso], at sila ay papatnubayan sa Kanya tungo sa matuwid na landas.

  176. يَسۡتَفۡتُونَكَ قُلِ ٱللَّهُ يُفۡتِيكُمۡ فِي ٱلۡكَلَٰلَةِۚ إِنِ ٱمۡرُؤٌاْ هَلَكَ لَيۡسَ لَهُۥ وَلَدٞ وَلَهُۥٓ أُخۡتٞ فَلَهَا نِصۡفُ مَا تَرَكَۚ وَهُوَ يَرِثُهَآ إِن لَّمۡ يَكُن لَّهَا وَلَدٞۚ فَإِن كَانَتَا ٱثۡنَتَيۡنِ فَلَهُمَا ٱلثُّلُثَانِ مِمَّا تَرَكَۚ وَإِن كَانُوٓاْ إِخۡوَةٗ رِّجَالٗا وَنِسَآءٗ فَلِلذَّكَرِ مِثۡلُ حَظِّ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۗ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ أَن تَضِلُّواْۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمُۢ

    Open ayah 4:176

    Sila ay humihiling sa iyo ng [kaukulang] pasiya. Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Ang Allah ay nagbibigay sa inyo ng pasiya tungkol sa kalalah [bilang mga tagapagmana]. Kung ang isang lalaki ay namatay na walang naiwang anak subali’t may naiwang kapatid na babae, sa kanya [sa kapatid na babae] ang kalahati ng naiwang pamana. At kanyang mamanahin [ng kapatid na lalaki ang lahat] kung [ang namatay ay] babaing walang naiwang anak. Kung may [naiwang] dalawa [o higit pang] kapatid na babae, sila ay may dalawang ikatlong [/] bahagi ng naiwang pamana. At kung ang [naiwang] magkapatid ay lalaki at babae, ang lalaki ay may bahaging katumbas ng [pamana sa] dalawang babae. Ginagawang malinaw ng Allah [ang Kanyang mga batas, alituntunin] sa inyo upang kayo ay hindi mapaligaw. At ang Allah ay Maalam ng lahat ng bagay.”