المائدة
Al-Maaida
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَوۡفُواْ بِٱلۡعُقُودِۚ أُحِلَّتۡ لَكُم بَهِيمَةُ ٱلۡأَنۡعَٰمِ إِلَّا مَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ غَيۡرَ مُحِلِّي ٱلصَّيۡدِ وَأَنتُمۡ حُرُمٌۗ إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ مَا يُرِيدُ
Open ayah 5:1O kayong mga naniniwala, tuparin ninyo ang [lahat ng inyong] mga pananagutan [pangako at kasunduan]. Ipinahihintulot para sa inyo [bilang pagkain] ang mga hayop [sa kawan] ng bakahan maliban para sa anumang binigkas [o binanggit] sa inyo rito [sa Qur’an] - ipinagbabawal sa inyo ang pangangaso habang kayo ay nasa kalagayan ng ihram [sa panahon ng Hajj o Umrah]. Katotohanan, ang Allah ay nagpapatupad ng anumang [batas na] Kanyang nais.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُحِلُّواْ شَعَٰٓئِرَ ٱللَّهِ وَلَا ٱلشَّهۡرَ ٱلۡحَرَامَ وَلَا ٱلۡهَدۡيَ وَلَا ٱلۡقَلَٰٓئِدَ وَلَآ ءَآمِّينَ ٱلۡبَيۡتَ ٱلۡحَرَامَ يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّن رَّبِّهِمۡ وَرِضۡوَٰنٗاۚ وَإِذَا حَلَلۡتُمۡ فَٱصۡطَادُواْۚ وَلَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شَنَـَٔانُ قَوۡمٍ أَن صَدُّوكُمۡ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ أَن تَعۡتَدُواْۘ وَتَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡبِرِّ وَٱلتَّقۡوَىٰۖ وَلَا تَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Open ayah 5:2O kayong mga naniniwala, huwag ninyong lapastanganin [o labagin] ang mga ritwal ng Allah o ang sagradong buwan o [huwag ninyong kalilimutang lagyan ng pananda] ang mga hady [hayop na dinala sa pag- aalay] o ang mga [hayop na] pinuluputan ng gayak [sa kanilang mga leeg bilang pananda] o ang [kaligtasan ng] mga taong nagtutungo sa sagradong bahay [sa Makkah], hinahanap ang biyaya ng kanilang Panginoon at ang [Kanyang] magandang lugod. Subali’t kung kayo ay lumabas na sa kalagayan ng ihram [para sa Hajj o Umrah] magkagayon, [maaari na kayong] mangaso. At huwag ninyong hayaang ang inyong suklam sa mga taong humadlang sa inyo [sa pagtungo] sa Masjid Al-Haram [sa Makkah] ay maghatid sa inyo sa [gawaing] paglabag. At magtulungan kayo sa gawaing matwid at pagiging may takot [sa Allah]. Subali’t huwag kayong magtulungan sa isa’t isa sa [gawaing] makasalanan at paglabag. At matakot kayo sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay mahigpit sa pagpaparusa.
حُرِّمَتۡ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةُ وَٱلدَّمُ وَلَحۡمُ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦ وَٱلۡمُنۡخَنِقَةُ وَٱلۡمَوۡقُوذَةُ وَٱلۡمُتَرَدِّيَةُ وَٱلنَّطِيحَةُ وَمَآ أَكَلَ ٱلسَّبُعُ إِلَّا مَا ذَكَّيۡتُمۡ وَمَا ذُبِحَ عَلَى ٱلنُّصُبِ وَأَن تَسۡتَقۡسِمُواْ بِٱلۡأَزۡلَٰمِۚ ذَٰلِكُمۡ فِسۡقٌۗ ٱلۡيَوۡمَ يَئِسَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن دِينِكُمۡ فَلَا تَخۡشَوۡهُمۡ وَٱخۡشَوۡنِۚ ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ وَأَتۡمَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ نِعۡمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ ٱلۡإِسۡلَٰمَ دِينٗاۚ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ فِي مَخۡمَصَةٍ غَيۡرَ مُتَجَانِفٖ لِّإِثۡمٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 5:3Ipinagbawal sa inyo [bilang pagkain] ang mga patay na hayop, dugo, laman ng baboy at ang alinmang inialay sa iba [sa mga diyus-diyusan] bukod sa Allah at [ipinagbawal din ang mga hayop] na pinatay sa sakal [o bigti] o sa marahas na palo o pagbagok o pagsuwag ng mga [matutulis na] sungay at yaong mga kinain [o nilapa] ng mga mababangis na hayop maliban lamang ang anumang inyong nagawang katayin [bago ito nalagutan ng hininga], at ang [mga hayop na] kinatay [bilang alay] sa mga altar. [Ipinagbawal din sa inyo] ang paggamit ng palaso [o pana] sa paghahanap ng kapalaran o pasiya; Iyan [lahat] ay matinding pagsuway. Sa Araw na ito, yaong mga hindi naniwala ay nawalan na ng pag-asang [supilin ang] inyong relihiyon, kaya huwag ninyo silang katakutan bagkus Ako ang inyong [dapat] katakutan. Sa Araw na ito, Aking ginawang ganap
يَسۡـَٔلُونَكَ مَاذَآ أُحِلَّ لَهُمۡۖ قُلۡ أُحِلَّ لَكُمُ ٱلطَّيِّبَٰتُ وَمَا عَلَّمۡتُم مِّنَ ٱلۡجَوَارِحِ مُكَلِّبِينَ تُعَلِّمُونَهُنَّ مِمَّا عَلَّمَكُمُ ٱللَّهُۖ فَكُلُواْ مِمَّآ أَمۡسَكۡنَ عَلَيۡكُمۡ وَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهِۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 5:4Sila ay nagtatanong sa iyo [O Muhammad] kung ano ba ang ipinahihintulot para sa kanila [bilang pagkain]. Sabihin: “Ipinahihintulot para sa inyo ay ang tayyibat [malilinis at mabubuting pagkain]; at ang anumang [nahuli ng] inyong sinanay na hayop sa pangangaso na inyong sinasanay tulad ng itinuro ng Allah sa inyo, kaya, inyong kainin ang anumang kanilang nahuli para sa inyo at banggitin ang Ngalan ng Allah sa mga ito, at inyong katakutan ang Allah.” Katotohanan, ang Allah ay Maagap sa Pagtutuos [ng mga gawa].
ٱلۡيَوۡمَ أُحِلَّ لَكُمُ ٱلطَّيِّبَٰتُۖ وَطَعَامُ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ حِلّٞ لَّكُمۡ وَطَعَامُكُمۡ حِلّٞ لَّهُمۡۖ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ مُحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَ وَلَا مُتَّخِذِيٓ أَخۡدَانٖۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱلۡإِيمَٰنِ فَقَدۡ حَبِطَ عَمَلُهُۥ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Open ayah 5:5Sa Araw na ito, ipinahihintulot para sa inyo ang tayyibat [lahat ng mabuti at malinis na pagkain]. At ang pagkain niyaong mga pinagkalooban ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] ay ipinahintulot para sa inyo at ang inyong [mga pagkain] ay ipinahihintulot din para sa kanila. At [ipinahihintulot para sa inyo upang pakasalan] ang mga malilinis na babae mula sa mga naniniwala at ang mga malilinis na babae mula sa mga pinagkalooban ng Kasulatan na nauna sa inyo kapag inyong naipagkaloob sa kanila ang mahr [ang kaukulang handog] na naglalayon ng kalinisan, hindi ng bawal na pakikipagtalik o pagkakaroon ng [lihim na ugnayan bilang] kasintahan. At sinuman ang nagtatakwil ng pananampalataya, katiyakan ang kanyang gawain ay nawawalan ng kabuluhan; at sa kabilang buhay, siya ay kabilang sa mga talunan [o higit pang nawalan].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا قُمۡتُمۡ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ فَٱغۡسِلُواْ وُجُوهَكُمۡ وَأَيۡدِيَكُمۡ إِلَى ٱلۡمَرَافِقِ وَٱمۡسَحُواْ بِرُءُوسِكُمۡ وَأَرۡجُلَكُمۡ إِلَى ٱلۡكَعۡبَيۡنِۚ وَإِن كُنتُمۡ جُنُبٗا فَٱطَّهَّرُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُم مِّنۡهُۚ مَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيَجۡعَلَ عَلَيۡكُم مِّنۡ حَرَجٖ وَلَٰكِن يُرِيدُ لِيُطَهِّرَكُمۡ وَلِيُتِمَّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Open ayah 5:6O kayong mga naniwala, kung kayo ay magsasagawa ng pagdarasal, hugasan ninyo ang inyong mga mukha, at ang inyong mga kamay [braso] hanggang sa siko, at haplusin [ng basang kamay] ang inyong mga ulo at [hugasan] ang inyong mga paa hanggang sa bukung-bukong. Nguni’t kung kayo ay nasa [kalagayan ng] janabah magkagayon, dalisayin ang inyong mga sarili [paliguan ang buong katawan]. Nguni’t kung kayo ay may karamdaman o kaya’y nasa [oras ng] paglalakbay o nanggaling ang isa sa inyo mula sa [palikuran o] pagtugon sa tawag ng kalikasan, o nakipagtalik sa mga kababaihan at wala kayong matagpuang tubig – [sa gayong pagkakataon] magsagawa kayo ng tayammum sa pamamagitan ng malinis na lupa at ihaplos [o idampi] ito sa inyong mga mukha at sa inyong mga kamay. Hindi nais ilagay ng Allah ang anumang kahirapan para sa inyo nguni’t nais [lamang] Niyang kayo ay maging malinis, at lubusin ang Kanyang mga pagpapala sa inyo upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.
وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَمِيثَٰقَهُ ٱلَّذِي وَاثَقَكُم بِهِۦٓ إِذۡ قُلۡتُمۡ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَاۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Open ayah 5:7At inyong alalahanin ang pagpapala ng Allah sa inyo at ang Kanyang kasunduan na Kanyang pinagtibay sa inyo nang inyong sabihin: “Aming naririnig at Aming susundin.” At inyong katakutan ang Allah. Katotohanan, ang Allah ay Maalam ng anumang nasa [inyong] mga dibdib.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُواْ قَوَّٰمِينَ لِلَّهِ شُهَدَآءَ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَلَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شَنَـَٔانُ قَوۡمٍ عَلَىٰٓ أَلَّا تَعۡدِلُواْۚ ٱعۡدِلُواْ هُوَ أَقۡرَبُ لِلتَّقۡوَىٰۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 5:8O kayong mga naniwala, maging matatag kayo para sa Allah, [bilang] mga saksi sa katarungan at huwag ninyong hayaang ang suklam ng isang mamamayan ay pumigil sa inyo mula sa pagiging makatarungan. Maging makatarungan: Iyan ay higit na malapit sa pagkakaroon ng takot [sa Allah] at matakot kayo sa Allah. Katotohanan ang Allah ay Ganap na Nakababatid sa anumang inyong mga ginagawa.
وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٌ عَظِيمٞ
Open ayah 5:9Pinangakuan ng Allah yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, para sa kanila ay kapatawaran at dakilang gantimpala [ang Paraiso].
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 5:10At yaong mga di-naniwala at kanilang itinakwil ang Aming mga ayaat
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ هَمَّ قَوۡمٌ أَن يَبۡسُطُوٓاْ إِلَيۡكُمۡ أَيۡدِيَهُمۡ فَكَفَّ أَيۡدِيَهُمۡ عَنكُمۡۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Open ayah 5:11O kayong mga naniwala, inyong alalahanin ang pagpapala ng Allah sa inyo nang ang ilang mamamayan ay magpasiyang iunat ang kanilang mga kamay laban sa inyo [upang kayo ay kanilang alipustain at lupigin], nguni’t Kanyang pinigil ang kanilang mga kamay laban sa inyo. Kaya, matakot kayo sa Allah. At sa Allah, nararapat [ipagkaloob] ang [buong] pagtitiwala ng mga naniniwala.
۞وَلَقَدۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَبَعَثۡنَا مِنۡهُمُ ٱثۡنَيۡ عَشَرَ نَقِيبٗاۖ وَقَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مَعَكُمۡۖ لَئِنۡ أَقَمۡتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَيۡتُمُ ٱلزَّكَوٰةَ وَءَامَنتُم بِرُسُلِي وَعَزَّرۡتُمُوهُمۡ وَأَقۡرَضۡتُمُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا لَّأُكَفِّرَنَّ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَلَأُدۡخِلَنَّكُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ فَمَن كَفَرَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ مِنكُمۡ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
Open ayah 5:12At katiyakan tinanggap ng Allah ang kasunduan sa mga anak ni Israel [mga Hudyo], at Aming itinalaga mula sa kanila ang labindalawang namumuno. At sinabi ng Allah [sa kanila]: “Ako ay nasasainyo kung kayo ay magsasagawa ng pagdarasal at magbibigay ng Zakaah [kawanggawa] at kayo ay maniwala sa Aking mga sugo; sila ay [inyong] tangkilikin at kayo ay magpautang sa Allah ng isang mabuting pautang. Katotohanan, Aking papawiin ang inyong mga kasalanan at kayo ay Aking papapasukin sa mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Nguni’t sinuman sa inyo ang hindi maniwala pagkaraan niyan, tunay na siya’y napaligaw mula sa patag na landas.”
فَبِمَا نَقۡضِهِم مِّيثَٰقَهُمۡ لَعَنَّٰهُمۡ وَجَعَلۡنَا قُلُوبَهُمۡ قَٰسِيَةٗۖ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ عَن مَّوَاضِعِهِۦ وَنَسُواْ حَظّٗا مِّمَّا ذُكِّرُواْ بِهِۦۚ وَلَا تَزَالُ تَطَّلِعُ عَلَىٰ خَآئِنَةٖ مِّنۡهُمۡ إِلَّا قَلِيلٗا مِّنۡهُمۡۖ فَٱعۡفُ عَنۡهُمۡ وَٱصۡفَحۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 5:13Kaya, dahil sa kanilang pagsira sa kanilang kasunduan, sila ay Aming isinumpa at Aming ginawang matigas ang kanilang mga puso. Kanilang binago ang mga salita mula sa [tamang] kinalalagyan [o kahulugan] ng mga ito at kanilang kinalimutan ang isang [mahalagang] bahagi ng anumang ipinaalala sa kanila. At sila ay kakikitaan mo pa rin ng pandaraya, maliban sa mangilan-ngilan sa kanila. Kaya, sila ay iyong patawarin at ipagpaumanhin. Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabutihan.
وَمِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّا نَصَٰرَىٰٓ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَهُمۡ فَنَسُواْ حَظّٗا مِّمَّا ذُكِّرُواْ بِهِۦ فَأَغۡرَيۡنَا بَيۡنَهُمُ ٱلۡعَدَاوَةَ وَٱلۡبَغۡضَآءَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَسَوۡفَ يُنَبِّئُهُمُ ٱللَّهُ بِمَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ
Open ayah 5:14At kabilang niyaong mga nagsasabing, “Kami ay mga Kristiyano,” Aming kinuha [at tinanggap] ang kanilang kasunduan, subali’t sila ay nakalimot sa isang [mahalagang] bahagi ng anumang [aral na] ipinaalala sa kanila. Kaya, Aming pinangyaring [umiral ang masidhing] suklam at poot sa kanilang pagitan hanggang sa [pagsapit ng] Araw ng Pagkabuhay na Muli at sa kanila ay ipababatid ng Allah ang anumang [kasalanang] kanilang lagi nang ginagawa.
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ قَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمۡ كَثِيرٗا مِّمَّا كُنتُمۡ تُخۡفُونَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَعۡفُواْ عَن كَثِيرٖۚ قَدۡ جَآءَكُم مِّنَ ٱللَّهِ نُورٞ وَكِتَٰبٞ مُّبِينٞ
Open ayah 5:15O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], katotohanang dumating na sa inyo ang Aming Sugo [na si Muhammad], upang gawin niyang malinaw para sa inyo ang karamihan sa anumang inyong inililihim mula sa Aklat, at kanyang pinagpaumanhin ang karamihan [nito]. Katotohanan, may dumating na sa inyo mula sa Allah ng isang liwanag at isang malinaw na Aklat [ang Qur’an].
يَهۡدِي بِهِ ٱللَّهُ مَنِ ٱتَّبَعَ رِضۡوَٰنَهُۥ سُبُلَ ٱلسَّلَٰمِ وَيُخۡرِجُهُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ بِإِذۡنِهِۦ وَيَهۡدِيهِمۡ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 5:16Na sa pamamagitan nito, pinapatnubayan ng Allah ang mga naghahanap ng Kanyang magandang lugod [tungo] sa mga landasin ng kapayapaan, at sila ay Kanyang hinahango mula sa kadiliman tungo sa liwanag sa Kanyang Kapahintulutan at sila ay Kanyang pinapatnubayan sa matuwid na landas.
لَّقَدۡ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَۚ قُلۡ فَمَن يَمۡلِكُ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔا إِنۡ أَرَادَ أَن يُهۡلِكَ ٱلۡمَسِيحَ ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَأُمَّهُۥ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗاۗ وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَاۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 5:17Katiyakan, [itinuturing na] di-naniwala yaong mga nagsasabi na ang Allah ay ang Mesiyas, anak ni Maria. Sabihin, sino kaya ang may kapangyarihan laban sa Allah sa anupaman, kung Kanyang pagpasiyahang wasakin ang Mesiyas, anak ni Maria at [wasakin] maging ang kanyang ina at ang lahat ng anumang nasa kalupaan. At nasa Allah ang [pagmamay-ari ng] kapamahalaan sa mga kalangitan at sa kalupaan at sa anumang nasa pagitan ng dalawang ito. Siya ay lumilikha ng anumang Kanyang nais. At Siya ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
وَقَالَتِ ٱلۡيَهُودُ وَٱلنَّصَٰرَىٰ نَحۡنُ أَبۡنَٰٓؤُاْ ٱللَّهِ وَأَحِبَّٰٓؤُهُۥۚ قُلۡ فَلِمَ يُعَذِّبُكُم بِذُنُوبِكُمۖ بَلۡ أَنتُم بَشَرٞ مِّمَّنۡ خَلَقَۚ يَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۚ وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَاۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 5:18At ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay nagsasabi: “Kami ay mga anak ng Allah at Kanyang minamahal.” Sabihin: “Kung gayon, bakit kayo ay Kanyang pinarurusahan sa inyong mga kasalanan?” Nguni’t [ang katotohanan nito], kayo ay mga tao [lamang] na mula sa Kanyang mga nilikha. Kanyang pinatatawad ang sinumang Kanyang nais, at Kanyang pinarurusahan ang sinumang Kanyang nais. At sa Allah ang [pagmamay- ari ng] Kapamahalaan sa mga kalangitan at sa kalupaan at sa anumang nasa pagitan ng dalawang nito; at sa Kanya ang patutunguhan [ng lahat].
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ قَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمۡ عَلَىٰ فَتۡرَةٖ مِّنَ ٱلرُّسُلِ أَن تَقُولُواْ مَا جَآءَنَا مِنۢ بَشِيرٖ وَلَا نَذِيرٖۖ فَقَدۡ جَآءَكُم بَشِيرٞ وَنَذِيرٞۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 5:19O Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] dumating na sa inyo ang Aming Sugo [si Muhammad] upang gawing malinaw [ang relihiyon] para sa inyo, pagkaraan ng panahon [ng pagkakatigil] ng mga sugo, [at] na maaaring inyong sabihing: “Walang dumating sa amin na tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala.” Nguni’t, may dumating sa inyong tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala. At ang Allah ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ جَعَلَ فِيكُمۡ أَنۢبِيَآءَ وَجَعَلَكُم مُّلُوكٗا وَءَاتَىٰكُم مَّا لَمۡ يُؤۡتِ أَحَدٗا مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 5:20At [banggitin mo O Muhammad] nang sabihin ni Moises sa kanyang mga mamamayan: “O aking mga mamamayan, alalahanin ninyo ang mga pagpapala ng Allah sa inyo nang Kanyang hinirang mula sa inyo ang mga propeta, at ginawa kayong mga hari [o tagapamahala] at ipinagkaloob sa inyo ang anumang hindi Niya ipinagkaloob sa sinumang ibang nilikha.”
يَٰقَوۡمِ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡأَرۡضَ ٱلۡمُقَدَّسَةَ ٱلَّتِي كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمۡ وَلَا تَرۡتَدُّواْ عَلَىٰٓ أَدۡبَارِكُمۡ فَتَنقَلِبُواْ خَٰسِرِينَ
Open ayah 5:21“O, aking mga mamamayan, magsipasok kayo sa banal na lupain [ng bayan ng Palestina] na itinagubilin ng Allah para sa inyo at huwag kayong magsisitalikod [sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah], magkagayon kayo ay magsisitalikod bilang mga talunan.”
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّ فِيهَا قَوۡمٗا جَبَّارِينَ وَإِنَّا لَن نَّدۡخُلَهَا حَتَّىٰ يَخۡرُجُواْ مِنۡهَا فَإِن يَخۡرُجُواْ مِنۡهَا فَإِنَّا دَٰخِلُونَ
Open ayah 5:22Sila ay nagsabi: “O Moises, sa loob nito [ng banal na lupain] ay naroroon ang mga mamamayang malulupit, at katotohanan na hindi namin kailanman papasukin ito hanggang hindi sila magsisilabas; Nguni’t kung sila ay magsisilabas dito, magkagayon kami ay [tuluyang] magsisipasok.”
قَالَ رَجُلَانِ مِنَ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمَا ٱدۡخُلُواْ عَلَيۡهِمُ ٱلۡبَابَ فَإِذَا دَخَلۡتُمُوهُ فَإِنَّكُمۡ غَٰلِبُونَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَتَوَكَّلُوٓاْ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Open ayah 5:23Sinabi ng dalawang lalaking kabilang niyaong mga natatakot [na sumuway sa Allah], sila na ginawaran ng Allah ng pagpapala: “Pasukin [at lusubin] sila sa [gawing bukana ng] pintuan sapagka’t kapag kayo’y makapasok dito [sa bayang ito] kayo ay mangingibabaw [magtatagumpay]; at magtiwala kayo sa Allah kung tunay nga na kayo ay mga naniniwala.
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّا لَن نَّدۡخُلَهَآ أَبَدٗا مَّا دَامُواْ فِيهَا فَٱذۡهَبۡ أَنتَ وَرَبُّكَ فَقَٰتِلَآ إِنَّا هَٰهُنَا قَٰعِدُونَ
Open ayah 5:24Sila ay nagsabi: “O Moises, tunay na hindi namin papasukin [ang bayang] ito kailanman, hanggang sila ay naroroon pa. Kaya, ikaw ay humayong kasama ng iyong Panginoon, at [kayong dalawa ay] makipaglaban [habang] kami ay naririto lamang na nakaupo [at naghihintay].
قَالَ رَبِّ إِنِّي لَآ أَمۡلِكُ إِلَّا نَفۡسِي وَأَخِيۖ فَٱفۡرُقۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Open ayah 5:25Siya [si Moises] ay nagsabi: “O aking Panginoon, ako ay walang kapangyarihan [para sila ay pigilin] maliban sa aking sarili at sa aking kapatid na lalaki, kaya ihiwalay Mo po kami mula sa mga taong suwail.”
قَالَ فَإِنَّهَا مُحَرَّمَةٌ عَلَيۡهِمۡۛ أَرۡبَعِينَ سَنَةٗۛ يَتِيهُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ فَلَا تَأۡسَ عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Open ayah 5:26Sinabi [ng Allah]: “Samakatwid katotohanan [ang banal na lupain na] ito ay ipinagbabawal sa kanila sa loob ng apatnapung taon; sila ay maglalabuy-laboy sa mga lupain. Kaya huwag mong ikalungkot ang mga taong suwail.”
۞وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ ٱبۡنَيۡ ءَادَمَ بِٱلۡحَقِّ إِذۡ قَرَّبَا قُرۡبَانٗا فَتُقُبِّلَ مِنۡ أَحَدِهِمَا وَلَمۡ يُتَقَبَّلۡ مِنَ ٱلۡأٓخَرِ قَالَ لَأَقۡتُلَنَّكَۖ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلۡمُتَّقِينَ
Open ayah 5:27At bigkasin mo [O Muhammad] sa kanila ang kasaysayan ng dalawang anak ni Adan [sina Habil at Qabil], sa katotohanan; nang sila ay kapwa naghandog ng pag-aalay [sa Allah], ito ay tinanggap mula sa isa nguni’t hindi tinanggap mula sa isa. Sinabi [ng huli sa una] “Katotohanan, ikaw ay aking papatayin.” Sumagot [ang una]: “Katotohanan, ang Allah ay tumatanggap lamang mula sa mga natatakot [sa Kanya].
لَئِنۢ بَسَطتَ إِلَيَّ يَدَكَ لِتَقۡتُلَنِي مَآ أَنَا۠ بِبَاسِطٖ يَدِيَ إِلَيۡكَ لِأَقۡتُلَكَۖ إِنِّيٓ أَخَافُ ٱللَّهَ رَبَّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 5:28“Kung marapat ngang iunat mo ang iyong kamay laban sa akin upang ako ay iyong patayin, hindi ko dapat iunat ang aking kamay laban sa iyo upang ikaw ay aking patayin: sapagka’t kinatatakutan ko ang Allah, ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].”
إِنِّيٓ أُرِيدُ أَن تَبُوٓأَ بِإِثۡمِي وَإِثۡمِكَ فَتَكُونَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلنَّارِۚ وَذَٰلِكَ جَزَٰٓؤُاْ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 5:29“Katotohanan: Aking hinahangad sa iyo na iyong pasanin [sa pamamagitan nito] ang aking kasalanan at ang iyong kasalanan, upang ikaw ay mapabilang sa mga maninirahan sa Apoy at iyan ang [magsisilbing] kabayaran para sa mga mapaggawa ng kamalian.”
فَطَوَّعَتۡ لَهُۥ نَفۡسُهُۥ قَتۡلَ أَخِيهِ فَقَتَلَهُۥ فَأَصۡبَحَ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Open ayah 5:30Kaya ang kanyang sariling kasamaan ay nag-udyok sa kanya upang paslangin ang kanyang kapatid; kaya kanyang pinatay ito [ang kapatid] at [sa gayon] siya ay napabilang sa mga talunan [o nawalan].
فَبَعَثَ ٱللَّهُ غُرَابٗا يَبۡحَثُ فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيُرِيَهُۥ كَيۡفَ يُوَٰرِي سَوۡءَةَ أَخِيهِۚ قَالَ يَٰوَيۡلَتَىٰٓ أَعَجَزۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِثۡلَ هَٰذَا ٱلۡغُرَابِ فَأُوَٰرِيَ سَوۡءَةَ أَخِيۖ فَأَصۡبَحَ مِنَ ٱلنَّٰدِمِينَ
Open ayah 5:31Pagkaraan, ang Allah ay nagpadala ng isang uwak na kinakahig nito ang lupa upang maipakita sa kanya kung paano niya maitatago ang patay na katawan ng kanyang kapatid. Siya [ang nakapatay] ay nagsabing: “Kasawian sa akin! Nagawa ko bang maging katulad ng uwak na ito at maitago ang kahihiyan [patay na katawan] ng aking kapatid?” Pagkaraan, siya ay naging kabilang ng mga nagsisi.
مِنۡ أَجۡلِ ذَٰلِكَ كَتَبۡنَا عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَنَّهُۥ مَن قَتَلَ نَفۡسَۢا بِغَيۡرِ نَفۡسٍ أَوۡ فَسَادٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَكَأَنَّمَا قَتَلَ ٱلنَّاسَ جَمِيعٗا وَمَنۡ أَحۡيَاهَا فَكَأَنَّمَآ أَحۡيَا ٱلنَّاسَ جَمِيعٗاۚ وَلَقَدۡ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُنَا بِٱلۡبَيِّنَٰتِ ثُمَّ إِنَّ كَثِيرٗا مِّنۡهُم بَعۡدَ ذَٰلِكَ فِي ٱلۡأَرۡضِ لَمُسۡرِفُونَ
Open ayah 5:32Sanhi niyan, Aming itinagubilin sa mga anak ni Israel na sinuman ang pumatay ng isang tao na hindi naman para sa [pagganti ng] isang tao [na pinatay nang di-makatarungan] o para sa [ginawang] katiwalian sa kalupaan - ito ay katumbas na rin ng kanyang pagpatay sa buong sangkatauhan, at sinuman ang nagligtas ng isang buhay, ito ay katumbas ng kanyang pagligtas sa buhay ng buong sangkatauhan. At katiyakan, dumating sa kanila ang Aming mga sugo na may dalang mga malilinaw na katibayan, nguni’t [sa kabila nito], katotohanang marami sa kanila pagkaraan nito ang naging mga mapagmalabis sa kalupaan.
إِنَّمَا جَزَٰٓؤُاْ ٱلَّذِينَ يُحَارِبُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَسۡعَوۡنَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَسَادًا أَن يُقَتَّلُوٓاْ أَوۡ يُصَلَّبُوٓاْ أَوۡ تُقَطَّعَ أَيۡدِيهِمۡ وَأَرۡجُلُهُم مِّنۡ خِلَٰفٍ أَوۡ يُنفَوۡاْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِۚ ذَٰلِكَ لَهُمۡ خِزۡيٞ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Open ayah 5:33Katotohanan, ang kabayaran [o parusa ng batas] niyaong mga nagtataguyod [o nananawagan] ng digmaan laban sa Allah at sa Kanyang Sugo at naghahasik ng kaguluhan sa kalupaan - sila ay nararapat na pagpapatayin o sila ay ipako at putulin ang kanilang mga kamay at paa nang magkabilaan o sila ay itapon [o palayasin] mula sa lupain. Iyan ang [nararapat] para sa kanila sa mundong ito. At para sa kanila sa kabilang buhay ay isang malaking parusa.
إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ مِن قَبۡلِ أَن تَقۡدِرُواْ عَلَيۡهِمۡۖ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 5:34Maliban yaong mga nagsipagbalik-loob [o nagsisi] bago pa man sila ay inyong nagapi [nadakip o nabihag]. Kaya dapat ninyong malaman na ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱبۡتَغُوٓاْ إِلَيۡهِ ٱلۡوَسِيلَةَ وَجَٰهِدُواْ فِي سَبِيلِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Open ayah 5:35O kayong mga naniwala, inyong katakutan ang Allah at inyong hanapin ang [daan ng] paglapit sa Kanya at magpunyagi kayo sa Kanyang Landas upang sakali kayo ay magtagumpay.
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ أَنَّ لَهُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا وَمِثۡلَهُۥ مَعَهُۥ لِيَفۡتَدُواْ بِهِۦ مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَا تُقُبِّلَ مِنۡهُمۡۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 5:36Katotohanan, yaong mga di-naniwala, kung sila man ay magkaroon ng lahat ng anumang [yamang] nasa kalupaan, at ng nakakatulad nito upang tubusin [iligtas] ang kanilang sarili mula sa parusa sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanila, at para sa kanila ay isang mahapding parusa.
يُرِيدُونَ أَن يَخۡرُجُواْ مِنَ ٱلنَّارِ وَمَا هُم بِخَٰرِجِينَ مِنۡهَاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ مُّقِيمٞ
Open ayah 5:37Kanilang hahangarin na sila ay makalabas [o makatakas] mula sa apoy, subali’t, sila ay hindi makalalabas mula roon; at para sa kanila ay isang parusang walang katapusan.
وَٱلسَّارِقُ وَٱلسَّارِقَةُ فَٱقۡطَعُوٓاْ أَيۡدِيَهُمَا جَزَآءَۢ بِمَا كَسَبَا نَكَٰلٗا مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Open ayah 5:38[Hinggil] sa lalaking magnanakaw at sa babaing magnanakaw, putulin ang kanilang [kanang] kamay bilang kabayaran sa anumang kanilang pinagsikapan [o nagawang kasalanan], [ito ay] isang halimbawa [ng pagsugpo ng krimen] mula sa Allah. At ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.
فَمَن تَابَ مِنۢ بَعۡدِ ظُلۡمِهِۦ وَأَصۡلَحَ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَتُوبُ عَلَيۡهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
Open ayah 5:39Nguni’t sinuman ang nagsisi pagkaraan ng kanyang pagkakamali at kanyang itinuwid [ang kanyang asal] magkagayon katiyakan, siya ay patatawarin ng Allah. Katotohanan ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ يُعَذِّبُ مَن يَشَآءُ وَيَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 5:40Hindi mo ba nababatid na sa Allah ang [pagmamay-ari ng] kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan! Kanyang pinarurusahan ang sinumang Kanyang nais at Kanyang pinatatawad ang sinumang Kanyang nais. At ang Allah ay Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay.
۞يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ لَا يَحۡزُنكَ ٱلَّذِينَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡكُفۡرِ مِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَلَمۡ تُؤۡمِن قُلُوبُهُمۡۛ وَمِنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْۛ سَمَّٰعُونَ لِلۡكَذِبِ سَمَّٰعُونَ لِقَوۡمٍ ءَاخَرِينَ لَمۡ يَأۡتُوكَۖ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ مِنۢ بَعۡدِ مَوَاضِعِهِۦۖ يَقُولُونَ إِنۡ أُوتِيتُمۡ هَٰذَا فَخُذُوهُ وَإِن لَّمۡ تُؤۡتَوۡهُ فَٱحۡذَرُواْۚ وَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ فِتۡنَتَهُۥ فَلَن تَمۡلِكَ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يُطَهِّرَ قُلُوبَهُمۡۚ لَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞۖ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Open ayah 5:41O Sugo, [Muhammad] huwag mong ikalungkot yaong mga humahangos patungo sa kawalan ng paniniwala, sila na nagsasabing: “Kami ay naniwala” mula sa kanilang mga bibig subali’t ang kanilang mga puso ay hindi naniniwala, at yaong kabilang sa mga Hudyo, [sila ay] mahihilig sa pakikinig ng mga kasinungalingan, nakikinig sa ibang mga tao na hindi lumalapit sa iyo. Kanilang pinapalitan [o binabago] ang mga salita mula sa [tamang] kinalalagyan [o kahulugan] ng mga ito; na nagsasabing, “Kung kayo ay binigyan ng ganito [nang ayon sa katuruan nito], ito ay inyong kuhanin, nguni’t kung kayo ay hindi binigyan nito, samakatwid, kayo ay mag-ingat!” At sinuman ang nais ng Allah na ilagay sa pagsubok, kailanman ikaw ay walang kapangyarihan para sa kanya ng anupaman laban sa Allah. Sila yaong ang mga puso ay hindi ginawang dalisay ng Allah; para sa kanila sa mundong ito ay kahihiyan, at para sa kanila sa kabilang buhay ay isang malaking parusa.
سَمَّٰعُونَ لِلۡكَذِبِ أَكَّٰلُونَ لِلسُّحۡتِۚ فَإِن جَآءُوكَ فَٱحۡكُم بَيۡنَهُمۡ أَوۡ أَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡۖ وَإِن تُعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ فَلَن يَضُرُّوكَ شَيۡـٔٗاۖ وَإِنۡ حَكَمۡتَ فَٱحۡكُم بَيۡنَهُم بِٱلۡقِسۡطِۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ
Open ayah 5:42[Kanilang kinagigiliwan] ang pakikinig sa kasinungalingan, ang paglamon ng anumang ipinagbabawal. Kaya kung sila ay magsisilapit sa iyo [O Muhammad], ikaw ay humatol sa kanilang pagitan, o [di kaya] sila ay iyong layuan. Kung sila ay iyong layuan - kailanman ikaw ay hindi nila masasaktan kahit anupaman. At kung ikaw ay hahatol, ikaw ay humatol ng makatarungan sa kanilang pagitan. Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa mga mapaggawa ng makatarungang gawain.
وَكَيۡفَ يُحَكِّمُونَكَ وَعِندَهُمُ ٱلتَّوۡرَىٰةُ فِيهَا حُكۡمُ ٱللَّهِ ثُمَّ يَتَوَلَّوۡنَ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۚ وَمَآ أُوْلَٰٓئِكَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 5:43Subali’t paano nga sila magsisilapit sa iyo para sa paghatol samantalang nasa kanila ang Torah [Batas ni Moises] na naglalaman ng paghatol ng Allah? Nguni’t, [sa kabila nito] sila ay nagsitalikod pagkaraan niyan; sila yaong mga hindi naniniwala.
إِنَّآ أَنزَلۡنَا ٱلتَّوۡرَىٰةَ فِيهَا هُدٗى وَنُورٞۚ يَحۡكُمُ بِهَا ٱلنَّبِيُّونَ ٱلَّذِينَ أَسۡلَمُواْ لِلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلرَّبَّٰنِيُّونَ وَٱلۡأَحۡبَارُ بِمَا ٱسۡتُحۡفِظُواْ مِن كِتَٰبِ ٱللَّهِ وَكَانُواْ عَلَيۡهِ شُهَدَآءَۚ فَلَا تَخۡشَوُاْ ٱلنَّاسَ وَٱخۡشَوۡنِ وَلَا تَشۡتَرُواْ بِـَٔايَٰتِي ثَمَنٗا قَلِيلٗاۚ وَمَن لَّمۡ يَحۡكُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Open ayah 5:44Katotohanan, Aming ipinahayag ang Torah [kay Moises], na nagsilbing patnubay at liwanag. Yaong mga propetang tumalima [sa Allah] ay humatol sa pamamagitan nito para sa mga Hudyo katulad ng ginawang [paghatol ng] mga rabbi [kagalang-galang] at mga maaalam nang ayon sa anumang ipinagkatiwala sa kanila sa Kasulatan ng Allah, at bukod pa rito, sila ay naging mga saksi. Samakatwid, huwag ninyong katakutan ang mga tao bagkus kayo ay matakot sa Akin at huwag ninyong ipagbili ang Aking mga ayaat [talata] para sa maliit na halaga. At sinuman ang hindi humatol nang ayon sa anumang ipinahayag ng Allah, sila yaong mga di-naniniwala.
وَكَتَبۡنَا عَلَيۡهِمۡ فِيهَآ أَنَّ ٱلنَّفۡسَ بِٱلنَّفۡسِ وَٱلۡعَيۡنَ بِٱلۡعَيۡنِ وَٱلۡأَنفَ بِٱلۡأَنفِ وَٱلۡأُذُنَ بِٱلۡأُذُنِ وَٱلسِّنَّ بِٱلسِّنِّ وَٱلۡجُرُوحَ قِصَاصٞۚ فَمَن تَصَدَّقَ بِهِۦ فَهُوَ كَفَّارَةٞ لَّهُۥۚ وَمَن لَّمۡ يَحۡكُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Open ayah 5:45At Aming itinagubilin para sa kanila roon ang buhay para sa buhay, mata para sa mata, ilong para sa ilong, tainga para sa tainga, ngipin para sa ngipin at [para] sa mga sugat ay isang pinahintulutan [makatarungang batas ng] pagpaparusa. Nguni’t sinuman ang nagpaubaya [ng kanyang karapatang gumanti] para sa kawanggawa, ito ay kabayaran para sa kanya. At sinuman ang hindi humatol nang ayon sa ipinahayag ng Allah – magkagayon sila yaong mga mapaggawa ng kamalian.
وَقَفَّيۡنَا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم بِعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡإِنجِيلَ فِيهِ هُدٗى وَنُورٞ وَمُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَهُدٗى وَمَوۡعِظَةٗ لِّلۡمُتَّقِينَ
Open ayah 5:46At Aming ipinadala sa kanilang mga yapak, si Hesus, anak ni Maria na nagpapatunay sa anumang nauna sa kanya sa Torah [ni Moises] at Aming ipinagkaloob sa kanya [kay Hesus] ang Ebanghelyo na siyang patnubay at liwanag at nagpapatunay sa anumang sinundan nito ng Torah [ni Moises] bilang isang patnubay at isang tagubilin para sa mga natatakot [sa Allah].
وَلۡيَحۡكُمۡ أَهۡلُ ٱلۡإِنجِيلِ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فِيهِۚ وَمَن لَّمۡ يَحۡكُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Open ayah 5:47At hayaang humatol ang mga taong tagasunod ng Ebanghelyo nang ayon sa anumang ipinahayag ng Allah doon. At sinumang hindi humatol nang ayon sa ipinahayag ng Allah, magkagayon, sila yaong mga suwail.
وَأَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَمُهَيۡمِنًا عَلَيۡهِۖ فَٱحۡكُم بَيۡنَهُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُۖ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَهُمۡ عَمَّا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡحَقِّۚ لِكُلّٖ جَعَلۡنَا مِنكُمۡ شِرۡعَةٗ وَمِنۡهَاجٗاۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَلَٰكِن لِّيَبۡلُوَكُمۡ فِي مَآ ءَاتَىٰكُمۡۖ فَٱسۡتَبِقُواْ ٱلۡخَيۡرَٰتِۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡ جَمِيعٗا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ
Open ayah 5:48At Aming ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad] ang Aklat [Qur’an] sa katotohanan, [ito ay] nagpapatunay sa sinundan nitong Kasulatan at nagsilbing pamantayan para rito. Kaya, ikaw ay humatol sa kanilang pagitan nang ayon sa anumang ipinahayag ng Allah at huwag mong sundin ang kanilang walang kabuluhang hangarin mula sa anumang katotohanang dumating sa iyo. Sa bawa’t isa sa inyo, Kami ay gumawa para sa inyo ng batas at isang malinaw na pamamaraan [na dapat tahakin]. Kung ninais lamang ng Allah, Kanyang magagawang kayo ay maging isang pamayanan, [pag-isahin sa relihiyon] nguni’t kayo ay Kanyang sinusubukan [lamang] sa anumang Kanyang ipinagkaloob sa inyo. Kaya, mag-unahan kayo sa [lahat ng] mga gawaing matwid. At sa Allah ang pagbabalik ninyong lahat; at sa gayon, Kanyang ipababatid sa inyo ang tungkol sa lagi ninyong ipinagkaiba.
وَأَنِ ٱحۡكُم بَيۡنَهُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَهُمۡ وَٱحۡذَرۡهُمۡ أَن يَفۡتِنُوكَ عَنۢ بَعۡضِ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيۡكَۖ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَٱعۡلَمۡ أَنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُصِيبَهُم بِبَعۡضِ ذُنُوبِهِمۡۗ وَإِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلنَّاسِ لَفَٰسِقُونَ
Open ayah 5:49At humatol ka [O Muhammad] sa kanilang pagitan nang ayon sa anumang ibinaba [o ipinahayag] ng Allah at huwag mong sundin ang kanilang [masasamang] pagnanasa, at mag-ingat sa kanila [sapagka’t] ikaw ay kanilang aakitin nang papalayo sa mga ibang ipinahayag ng Allah sa iyo. At kung sila ay tumalikod nang palayo, magkagayon, dapat mong malaman na nais lamang ng Allah na sila ay parusahan sa kanilang iba pang [sariling] mga kasalanan. At tunay ngang, karamihan sa mga tao ay mga suwail.
أَفَحُكۡمَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ يَبۡغُونَۚ وَمَنۡ أَحۡسَنُ مِنَ ٱللَّهِ حُكۡمٗا لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ
Open ayah 5:50Samakatwid, kanila bang hinahanap ang paghatol [batay sa panahon] ng kamangmangan? At sino ba ang nakahihigit kaysa sa Allah sa paghatol para sa mga taong may katiyakan [sa pananampalataya]?
۞يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ ٱلۡيَهُودَ وَٱلنَّصَٰرَىٰٓ أَوۡلِيَآءَۘ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۚ وَمَن يَتَوَلَّهُم مِّنكُمۡ فَإِنَّهُۥ مِنۡهُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 5:51O kayong mga naniwala, huwag ninyong ituring ang mga Hudyo at mga Kristiyano bilang inyong wali [kaibigan], sila ay wali [kaibigan] lamang ng bawa’t isa sa kanila. At sinuman sa inyo ang kanilang maging kaibigan - magkagayon, katiyakan na siya ay [isa sa] nabibilang sa kanila. Katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong mapaggawa ng kamalian.
فَتَرَى ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ يُسَٰرِعُونَ فِيهِمۡ يَقُولُونَ نَخۡشَىٰٓ أَن تُصِيبَنَا دَآئِرَةٞۚ فَعَسَى ٱللَّهُ أَن يَأۡتِيَ بِٱلۡفَتۡحِ أَوۡ أَمۡرٖ مِّنۡ عِندِهِۦ فَيُصۡبِحُواْ عَلَىٰ مَآ أَسَرُّواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ نَٰدِمِينَ
Open ayah 5:52Kaya, iyong makikita yaong nasa kanilang mga puso ay sakit [ng pagkukunwari], sila ay humahangos patungo sa [pakikisalamuha sa] kanila [mga Hudyo] na nagsasabing: “Kami ay nangangamba na maaaring ang isang kapahamakan ay manalanta sa atin.” Nguni’t maaaring ang Allah ay magdadala ng tagumpay o ng isang kautusan mula sa Kanya. Magkagayon, sila ay nagsisisi sa anumang kanilang ikinukubli sa kanilang mga sarili.
وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَهَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ إِنَّهُمۡ لَمَعَكُمۡۚ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فَأَصۡبَحُواْ خَٰسِرِينَ
Open ayah 5:53At yaong mga naniwala ay magsasabi [sa mga Hudyo tungkol sa mga mapagkunwari]: “Sila ba yaong mga sumumpa ng pinakamatibay na panunumpa sa Allah na tunay na sila ay kabilang sa inyo? Lahat ng kanilang mga ginawa ay nawalan ng kabuluhan [sanhi ng kanilang pagkukunwari] at sila ay mga talunan [o nawalan].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَن يَرۡتَدَّ مِنكُمۡ عَن دِينِهِۦ فَسَوۡفَ يَأۡتِي ٱللَّهُ بِقَوۡمٖ يُحِبُّهُمۡ وَيُحِبُّونَهُۥٓ أَذِلَّةٍ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَعِزَّةٍ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ يُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا يَخَافُونَ لَوۡمَةَ لَآئِمٖۚ ذَٰلِكَ فَضۡلُ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌ
Open ayah 5:54O kayong mga naniwala, sinuman sa inyo ang tumiwalag mula sa kanyang relihiyon [ang Islam], ang Allah ay magdadala ng [ibang kapalit na] mamamayan na Kanyang mamahalin at sila ay [tunay na] magmamahal din sa Kanya; [sila ay mga] mapagpakumbaba sa kanilang kapwa naniniwala; mahigpit laban sa mga di-naniniwala, sila ay nagpupunyagi sa Landas ng Allah at hindi pinangagambahan ang sumbat ng isang mapanuri. Iyan ang biyaya ng Allah na Kanyang ipinagkaloob sa sinumang Kanyang nais. At ang Allah ay nasasaklawan [ang Kanyang mga nilikha], Maalam.
إِنَّمَا وَلِيُّكُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُمۡ رَٰكِعُونَ
Open ayah 5:55Katotohanan, ang inyong Wali [tagapangalaga] ay walang iba kundi ang Allah, ang Kanyang Sugo at yaong mga naniwala, yaong mga nagdarasal at nagbibigay ng kawanggawa at sila ay nagsisiyuko [sa pagsamba].
وَمَن يَتَوَلَّ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فَإِنَّ حِزۡبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ
Open ayah 5:56At sinuman ang magturing sa Allah, sa Kanyang Sugo at sa mga naniniwala, bilang awliyah [kaibigan o kapanalig] – katiyakan, ang kaanib [na pangkat] ng Allah ang siyang mangingibabaw.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ دِينَكُمۡ هُزُوٗا وَلَعِبٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَٱلۡكُفَّارَ أَوۡلِيَآءَۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Open ayah 5:57O kayong mga naniwala, huwag ninyong ituring bilang inyong awliyah [mga kaibigan] yaong mga ginawang katatawanan at libangan ang inyong relihiyon mula sa mga pinagkalooban ng Kasulatang nauna sa inyo o [yaong mga kabilang mula sa] mga di-naniniwala. At inyong katakutan ang Allah kung kayo ay tunay ngang mga naniniwala.
وَإِذَا نَادَيۡتُمۡ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ ٱتَّخَذُوهَا هُزُوٗا وَلَعِبٗاۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَعۡقِلُونَ
Open ayah 5:58At kapag kayo ay tumawag ng [adhan para sa] Salaah, ito ay kanilang ginagawang katatawanan at libangan; iyan ay sa dahilang sila ay mga taong walang [taglay na] pang-unawa.
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ هَلۡ تَنقِمُونَ مِنَّآ إِلَّآ أَنۡ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡنَا وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلُ وَأَنَّ أَكۡثَرَكُمۡ فَٰسِقُونَ
Open ayah 5:59Sabihin: “O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], kayo ba ay nagagalit sa amin [nang walang mabuting dahilan] maliban na kami ay naniniwala sa Allah at sa anumang ibinaba [o ipinahayag] sa amin at sa anumang naunang ibinaba [o ipinahayag]? At katotohanan, karamihan sa inyo ay mga suwail.
قُلۡ هَلۡ أُنَبِّئُكُم بِشَرّٖ مِّن ذَٰلِكَ مَثُوبَةً عِندَ ٱللَّهِۚ مَن لَّعَنَهُ ٱللَّهُ وَغَضِبَ عَلَيۡهِ وَجَعَلَ مِنۡهُمُ ٱلۡقِرَدَةَ وَٱلۡخَنَازِيرَ وَعَبَدَ ٱلطَّٰغُوتَۚ أُوْلَٰٓئِكَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضَلُّ عَن سَوَآءِ ٱلسَّبِيلِ
Open ayah 5:60Sabihin: “Ipagbibigay-alam ko ba sa inyo ang [alinmang] higit na masama kaysa riyan bilang parusa mula sa Allah? [Sila na kabilang] niyaong mga isinumpa ng Allah at kasama niyaong Kanyang mga kinapootan at sila ay ginawa [Niyang] mga unggoy at mga baboy at mga alipin ng mga taaghoot. Sila yaong higit na masama ang kalagayan [sa Araw ng Pagkabuhay na Muli] at higit na naliligaw mula sa patag na landas.”
وَإِذَا جَآءُوكُمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَقَد دَّخَلُواْ بِٱلۡكُفۡرِ وَهُمۡ قَدۡ خَرَجُواْ بِهِۦۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا كَانُواْ يَكۡتُمُونَ
Open ayah 5:61At kapag sila ay dumating sa inyo, sila ay nagsasabing: “Kami ay naniniwala.” Nguni’t katotohanan, sila ay pumasok nang walang paniniwala [sa kanilang mga puso] at sila ay lumisang kasama nito. At ang Allah ay lubos na nakababatid sa anumang lagi nilang ikinukubli.
وَتَرَىٰ كَثِيرٗا مِّنۡهُمۡ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَأَكۡلِهِمُ ٱلسُّحۡتَۚ لَبِئۡسَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 5:62At iyong makikita ang karamihan sa kanila [mga Hudyo] na humahangos sa gawaing makasalanan at paglabag at ang paglamon [o pagkamkam] ng [anumang] ipinagbabawal. Sadyang napakasama ng anumang kanilang ginagawa.
لَوۡلَا يَنۡهَىٰهُمُ ٱلرَّبَّٰنِيُّونَ وَٱلۡأَحۡبَارُ عَن قَوۡلِهِمُ ٱلۡإِثۡمَ وَأَكۡلِهِمُ ٱلسُّحۡتَۚ لَبِئۡسَ مَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ
Open ayah 5:63Bakit ang mga rabbi at mga taong maalam [sa kanila] ay hindi nagbabawal sa kanila mula sa anumang makasalanang pananalita at [mula sa] pagkain ng anumang bawal? Sadyang napakasama ng anumang kanilang nakagawian.
وَقَالَتِ ٱلۡيَهُودُ يَدُ ٱللَّهِ مَغۡلُولَةٌۚ غُلَّتۡ أَيۡدِيهِمۡ وَلُعِنُواْ بِمَا قَالُواْۘ بَلۡ يَدَاهُ مَبۡسُوطَتَانِ يُنفِقُ كَيۡفَ يَشَآءُۚ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرٗا مِّنۡهُم مَّآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗاۚ وَأَلۡقَيۡنَا بَيۡنَهُمُ ٱلۡعَدَٰوَةَ وَٱلۡبَغۡضَآءَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ كُلَّمَآ أَوۡقَدُواْ نَارٗا لِّلۡحَرۡبِ أَطۡفَأَهَا ٱللَّهُۚ وَيَسۡعَوۡنَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَسَادٗاۚ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 5:64Sila [mga Hudyo] ay nagsasabi: “Ang Kamay ng Allah ay nakagapos.” Igapos nawa ang kanilang mga kamay at sumpa sa kanila sa anumang kanilang mga pinagsasasabi [laban sa Allah]. Bagkus, ang Kanyang dalawang Kamay ay bukas-palad. Siya ay gumugugol ng Kanyang biyaya sa paano mang Kanyang nais. Katotohanan ang anumang ipinahayag sa iyo mula sa iyong Panginoon [Allah] ay naging sanhi ng kanilang higit pang paglabag at kawalan ng paniniwala. Aming itinanim sa kanilang pagitan [Hudyo at kristiyano] ang galit at poot hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli: Sa bawa’t sandaling kanilang pinagningas ang apoy ng digmaan [laban sa iyo], ito ay pinapawi ng Allah at sila ay lagi nang nagsusumikap na maghasik ng katiwalian sa [balat ng] lupa. At hindi minamahal ng Allah ang mapaggawa ng katiwalian.
وَلَوۡ أَنَّ أَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ ءَامَنُواْ وَٱتَّقَوۡاْ لَكَفَّرۡنَا عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَأَدۡخَلۡنَٰهُمۡ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Open ayah 5:65At kung silang mga Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] ay naniwala lamang [kay Muhammad] at umiwas sa kasamaan at may takot [sa Allah], marahil Aming pinawi mula sa kanila ang kanilang mga kasalanan at sila ay Aming papapasukin sa mga hardin ng kaligayahan [sa Paraiso].
وَلَوۡ أَنَّهُمۡ أَقَامُواْ ٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِم مِّن رَّبِّهِمۡ لَأَكَلُواْ مِن فَوۡقِهِمۡ وَمِن تَحۡتِ أَرۡجُلِهِمۚ مِّنۡهُمۡ أُمَّةٞ مُّقۡتَصِدَةٞۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ سَآءَ مَا يَعۡمَلُونَ
Open ayah 5:66At kung kanilang pinanindigan lamang ang Torah [Batas ni Moises], ang Ebanghelyo [ni Hesus] at ang anumang ipinahayag [ang Qur’an] sa kanila mula sa kanilang Panginoon, marahil sila ay malayang magsisikain [sa panustos] na nagmumula sa kanilang itaas [sa langit] at nagmumula sa ilalim ng kanilang mga paa [sa lupa]. Kabilang sa kanila [mga Hudyo at Kristiyano] ay isang matuwid na pamayanan nguni’t karamihan sa kanila ay gumagawa ng kasamaan.
۞يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ بَلِّغۡ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۖ وَإِن لَّمۡ تَفۡعَلۡ فَمَا بَلَّغۡتَ رِسَالَتَهُۥۚ وَٱللَّهُ يَعۡصِمُكَ مِنَ ٱلنَّاسِۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 5:67O Sugo [ng Allah - Muhammad] ipaabot mo [ang mensahe] na ipinahayag [o ibinaba] sa iyo mula sa iyong Panginoon, at kung hindi mo magawa, samakatwid hindi mo naipaabot ang Kanyang mensahe. Ang Allah ay mangangalaga sa iyo laban sa mga tao. Katiyakan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong di-naniniwala.
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَسۡتُمۡ عَلَىٰ شَيۡءٍ حَتَّىٰ تُقِيمُواْ ٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُمۡۗ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرٗا مِّنۡهُم مَّآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗاۖ فَلَا تَأۡسَ عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 5:68Sabihin, “O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], kayo ay walang bagay [na pinaninindigan] hanggang hindi kayo maninindigan nang ayon sa Torah, at Ebanghelyo at sa anumang ibinaba [o ipinahayag] sa inyo mula sa inyong Panginoon [ang Qur’an]. At ang anumang ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad] mula sa iyong Panginoon ay makararagdag lamang sa mga karamihan sa kanila ng pagsuway at kawalan ng paniniwala. Kaya, huwag mong ikalungkot ang mga taong di- naniniwala.
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلصَّٰبِـُٔونَ وَٱلنَّصَٰرَىٰ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Open ayah 5:69Katotohanan, yaong mga naniwala [kay Propeta Muhammad] at yaong mga [nauna sa kanya na] Hudyo at Sabiyano at Kristiyano, sinumang [kabilang sa kanila] ang naniwala sa Allah at sa Huling Araw at gumawa ng mga gawaing matwid, sila ay walang [mararanasang] pangamba at walang [madaramang] kalungkutan.
لَقَدۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمۡ رُسُلٗاۖ كُلَّمَا جَآءَهُمۡ رَسُولُۢ بِمَا لَا تَهۡوَىٰٓ أَنفُسُهُمۡ فَرِيقٗا كَذَّبُواْ وَفَرِيقٗا يَقۡتُلُونَ
Open ayah 5:70Katiyakan, tinanggap Namin ang kasunduan sa mga anak ni Israel at Kami ay nagpadala sa kanila ng mga sugo. Sa tuwing may dumarating na sugo sa kanila na hindi ninanasa ng kanilang mga sarili, ang isang pangkat [ng sugo] ay kanilang pinararatangan bilang mga sinungaling, at ang iba sa kanila ay kanilang pinagpapatay.
وَحَسِبُوٓاْ أَلَّا تَكُونَ فِتۡنَةٞ فَعَمُواْ وَصَمُّواْ ثُمَّ تَابَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ ثُمَّ عَمُواْ وَصَمُّواْ كَثِيرٞ مِّنۡهُمۡۚ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ
Open ayah 5:71At sila ay nag-aakala na walang [ibubungang] pagsubok [o parusa] kaya sila ay naging bulag at bingi, [at] pagkaraan nito, sila ay nilingap ng Allah tungo sa kapatawaran subali’t, karamihan sa kanila ay [muling] naging bulag at bingi. At ang Allah ay Ganap na Nakakikita sa anumang kanilang ginagawa.
لَقَدۡ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ وَقَالَ ٱلۡمَسِيحُ يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمۡۖ إِنَّهُۥ مَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ حَرَّمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ ٱلۡجَنَّةَ وَمَأۡوَىٰهُ ٱلنَّارُۖ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ أَنصَارٖ
Open ayah 5:72Katiyakan hindi [maituturing bilang] naniniwala yaong mga nagsasabing:“Ang Allah ay ang Mesiyas [Hesus] ang anak ni Maria.” Samantalang ang Mesiyas ay nagsabi: “O mga anak ni Israel, inyong sambahin ang Allah, ang aking Panginoon at ang inyong Panginoon.” Katotohanan, sinuman ang nagtatambal sa Allah, katiyakang ipagkakait ng Allah ang Paraiso sa kanya at ang Apoy ay kanyang magiging tirahan. At sa mga mapaggawa ng kamalian, sa kanila ay walang makatutulong.
لَّقَدۡ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ ثَالِثُ ثَلَٰثَةٖۘ وَمَا مِنۡ إِلَٰهٍ إِلَّآ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۚ وَإِن لَّمۡ يَنتَهُواْ عَمَّا يَقُولُونَ لَيَمَسَّنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Open ayah 5:73Katiyakan hindi [maituturing bilang] naniniwala yaong mga nagsasabing: “Ang Allah ay ikatlo sa tatlo. Subali’t walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa isang Diyos at kung sila ay hindi magsisitigil sa anumang kanilang pinagsasabi - katotohanan, yaong mga di-naniniwala mula sa kanila ay daratnan ng isang mahapding parusa.
أَفَلَا يَتُوبُونَ إِلَى ٱللَّهِ وَيَسۡتَغۡفِرُونَهُۥۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 5:74Kaya, sila ba ay hindi magsisisi [tungo] sa Allah at hanapin ang Kanyang kapatawaran? At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
مَّا ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَ إِلَّا رَسُولٞ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِ ٱلرُّسُلُ وَأُمُّهُۥ صِدِّيقَةٞۖ كَانَا يَأۡكُلَانِ ٱلطَّعَامَۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُبَيِّنُ لَهُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ ثُمَّ ٱنظُرۡ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Open ayah 5:75Ang Mesiyas [si Hesus] anak ni Maria ay hindi humigit sa isang Sugo. Marami ng mga sugo ang lumipas [naunang ipinadala] bago pa man siya. Ang kanyang ina [si Maria] ay isang makatotohanan. Sila [Hesus at Maria] ay kapwa kumakain ng pagkain. Pagmasdan mo kung paano nga Namin ginagawang malinaw ang mga ayaat [aral, palatandaan] sa kanila; subali’t pagmasdan mo kung paano sila nalinlang [mula sa katotohanan].
قُلۡ أَتَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗاۚ وَٱللَّهُ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 5:76Sabihin: “Kayo ba ay sasamba bukod sa Allah ng alinmang walang kapangyarihan upang manakit o magbigay-buti sa inyo? Samantalang ang Allah ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam?”
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَا تَغۡلُواْ فِي دِينِكُمۡ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ وَلَا تَتَّبِعُوٓاْ أَهۡوَآءَ قَوۡمٖ قَدۡ ضَلُّواْ مِن قَبۡلُ وَأَضَلُّواْ كَثِيرٗا وَضَلُّواْ عَن سَوَآءِ ٱلسَّبِيلِ
Open ayah 5:77Sabihin: O Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano]. Huwag kayong lumagpas sa [mga hangganan ng] inyong relihiyon nang higit sa katotohanan at huwag kayong sumunod sa mga [masasamang] hangarin ng mga taong nangaligaw noon at nagligaw sa karamihan, at naligaw mula sa patag na landas.
لُعِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۢ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ عَلَىٰ لِسَانِ دَاوُۥدَ وَعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ
Open ayah 5:78Ang mga isinumpa ay yaong mga di-naniniwala mula sa mga anak ni Israel sa pamamagitan ng dila [Zabur] ni David at [Ebanghelyo] ni Hesus, anak ni Maria. Iyan ay sa dahilang sila ay sumuway at lagi nang mapanlabag.
كَانُواْ لَا يَتَنَاهَوۡنَ عَن مُّنكَرٖ فَعَلُوهُۚ لَبِئۡسَ مَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Open ayah 5:79Sila ay dati nang hindi nagbabawal sa isa’t isa mula sa gawaing masama na kanilang nagawa. Sadyang napakasama ng anumang kanilang lagi nang ginagawa.
تَرَىٰ كَثِيرٗا مِّنۡهُمۡ يَتَوَلَّوۡنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ لَبِئۡسَ مَا قَدَّمَتۡ لَهُمۡ أَنفُسُهُمۡ أَن سَخِطَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ وَفِي ٱلۡعَذَابِ هُمۡ خَٰلِدُونَ
Open ayah 5:80Iyong makikita ang karamihan mula sa kanila na tinatangkilik [bilang kapanalig o kaibigan] yaong mga di-naniniwala. Sadyang napakasama ng kanilang ginawa para sa kanilang mga sarili; at sanhi niyon, ang Allah ay napoot sa kanila, at sa kaparusahan sila ay mamamalagi nang walang hanggan.
وَلَوۡ كَانُواْ يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلنَّبِيِّ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مَا ٱتَّخَذُوهُمۡ أَوۡلِيَآءَ وَلَٰكِنَّ كَثِيرٗا مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Open ayah 5:81At kung sila lamang ay [tapat na] naniwala sa Allah, at sa Propeta [Muhammad] at sa anumang ipinahayag sa kanya, kailanman sila ay hindi magtuturing [o kukuha] sa kanila [sa mga di-naniniwala] bilang kanilang mga awliya' [kapanalig o kaibigan]; subali’t karamihan sa kanila ay mga suwail.
۞لَتَجِدَنَّ أَشَدَّ ٱلنَّاسِ عَدَٰوَةٗ لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱلۡيَهُودَ وَٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْۖ وَلَتَجِدَنَّ أَقۡرَبَهُم مَّوَدَّةٗ لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّا نَصَٰرَىٰۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّ مِنۡهُمۡ قِسِّيسِينَ وَرُهۡبَانٗا وَأَنَّهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ
Open ayah 5:82Katiyakan, iyong matatagpuan ang pinakamasidhing pagkapoot ng sangkatauhan sa mga naniniwala sa [lipon] niyaong mga Hudyo at niyaong mga mushrik [nagtatambal] at iyong matatagpuan bilang pinakamalapit sa pagmamahal sa mga naniniwala, yaong mga nagsasabing: “Kami ay mga Kristiyano.” Iyan ay sa dahilang kabilang sa kanila ay mga [mabubuting] pari at mga [mabubuting] monghe at sila ay hindi mga mapagmalaki.
وَإِذَا سَمِعُواْ مَآ أُنزِلَ إِلَى ٱلرَّسُولِ تَرَىٰٓ أَعۡيُنَهُمۡ تَفِيضُ مِنَ ٱلدَّمۡعِ مِمَّا عَرَفُواْ مِنَ ٱلۡحَقِّۖ يَقُولُونَ رَبَّنَآ ءَامَنَّا فَٱكۡتُبۡنَا مَعَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Open ayah 5:83At kapag kanilang naririnig ang anumang ipinahayag [o ibinaba] sa Sugo [si Muhammad] iyong makikita ang kanilang mga mata na labis ang pagtulo ng luha nang dahil sa natunghayan nilang katotohanan. Sila ay nagsasabing: “Aming Panginoon Kami ay naniwala, kaya kami ay [Iyong] italang kasama ng mga saksi.”
وَمَا لَنَا لَا نُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَمَا جَآءَنَا مِنَ ٱلۡحَقِّ وَنَطۡمَعُ أَن يُدۡخِلَنَا رَبُّنَا مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 5:84At bakit nga ba hindi kami maniniwala sa Allah at sa anumang katotohanang dumating sa amin? At aming hinahangad na [nawa’y] kami ay papapasukin [sa Paraiso] ng aming Panginoon kasama ng mga taong matwid.
فَأَثَٰبَهُمُ ٱللَّهُ بِمَا قَالُواْ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 5:85Kaya, sila ay ginantimpalaan ng Allah sa anumang kanilang sinabi – ng mga hardin [sa Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. Iyan ang gantimpala ng mga taong mapaggawa ng kabutihan.
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 5:86Subali’t yaong mga di-naniwala at nagsipagtakwil sa Aming mga ayaat
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُحَرِّمُواْ طَيِّبَٰتِ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكُمۡ وَلَا تَعۡتَدُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُعۡتَدِينَ
Open ayah 5:87O kayong mga naniwala, huwag ninyong ipagbawal ang mabubuting bagay na pinahintulutan ng Allah para sa inyo at huwag kayong lumabag [sa itinakdang hangganan]. Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga taong mapanlabag.
وَكُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلٗا طَيِّبٗاۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤۡمِنُونَ
Open ayah 5:88At magsikain kayo sa anumang pinahintulutan at mabuting [panustos] na ipinagkaloob ng Allah para sa inyo. At inyong katakutan ang Allah na sa Kanya kayo ay naniniwala.
لَا يُؤَاخِذُكُمُ ٱللَّهُ بِٱللَّغۡوِ فِيٓ أَيۡمَٰنِكُمۡ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا عَقَّدتُّمُ ٱلۡأَيۡمَٰنَۖ فَكَفَّٰرَتُهُۥٓ إِطۡعَامُ عَشَرَةِ مَسَٰكِينَ مِنۡ أَوۡسَطِ مَا تُطۡعِمُونَ أَهۡلِيكُمۡ أَوۡ كِسۡوَتُهُمۡ أَوۡ تَحۡرِيرُ رَقَبَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖۚ ذَٰلِكَ كَفَّٰرَةُ أَيۡمَٰنِكُمۡ إِذَا حَلَفۡتُمۡۚ وَٱحۡفَظُوٓاْ أَيۡمَٰنَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Open ayah 5:89Hindi kayo pananagutin ng Allah para sa anumang walang kabuluhan sa inyong mga panunumpa subali’t kayo ay Kanyang pananagutin para sa [pagsira ng] anumang pinagtibay na mga panunumpa. Kaya, ang kabayaran nito ay ang pagpapakain ng sampung dukha ayon sa sukat na karaniwan ninyong ipinakakain sa inyong [sariling] mga pamilya o sila ay inyong bihisan o ang pagpapalaya ng isang alipin. Nguni’t sinuman ang walang kakayahang gawin [ito], magkagayon, ang mag-ayuno [sa loob] ng tatlong araw [ay nararapat]. Iyan ang kabayaran para sa mga panunumpa kapag inyong pinagtibay. At ingatan [o pangalagaan] ang inyong mga panunumpa. Ganyan ginawang malinaw ng Allah sa inyo ang Kanyang mga ayaat [kapahayagan] upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّمَا ٱلۡخَمۡرُ وَٱلۡمَيۡسِرُ وَٱلۡأَنصَابُ وَٱلۡأَزۡلَٰمُ رِجۡسٞ مِّنۡ عَمَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِ فَٱجۡتَنِبُوهُ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Open ayah 5:90O kayong mga naniwala, ang [lahat ng mga] inuming nakalalasing, sugal at ang [pag-aalay sa] mga altar sa iba pa bukod sa Allah at ang mga palaso ay mga dungis na nagmula sa gawang-kamay ng Satanas. Kaya, [mahigpit na] iwasan ito upang sakali kayo ay magsipagtagumpay.
إِنَّمَا يُرِيدُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَن يُوقِعَ بَيۡنَكُمُ ٱلۡعَدَٰوَةَ وَٱلۡبَغۡضَآءَ فِي ٱلۡخَمۡرِ وَٱلۡمَيۡسِرِ وَيَصُدَّكُمۡ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِ وَعَنِ ٱلصَّلَوٰةِۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّنتَهُونَ
Open ayah 5:91Nais lamang ng Satanas na maghasik ng matinding galit at poot sa inyong pagitan sa [pamamagitan ng] mga inuming nakalalasing at sugal at [upang] kayo ay kanyang mailihis sa pag-aalaala sa Allah at sa pagdarasal. Kaya, hindi ba kayo magsisitigil [sa gayong masasamang bisyo]?
وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَٱحۡذَرُواْۚ فَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Open ayah 5:92At sumunod kayo sa Allah at sumunod sa [Kanyang] Sugo [si Muhammad] at kayo ay mag-ingat. At kung kayo ay magsitalikod, dapat ninyong malaman na ang nakaatang sa Aming sugo ay ipaabot [o ipalaganap] lamang nang malinaw [ang mensahe].
لَيۡسَ عَلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جُنَاحٞ فِيمَا طَعِمُوٓاْ إِذَا مَا ٱتَّقَواْ وَّءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ ثُمَّ ٱتَّقَواْ وَّءَامَنُواْ ثُمَّ ٱتَّقَواْ وَّأَحۡسَنُواْۚ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 5:93Walang pagkakasala yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, kung anuman ang kanilang kinain [noong mga nakaraang panahon]. Kung sila [ngayon] ay natatakot sa Allah, at naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid at pagkaraan ay natatakot sa Allah at naniniwala at pagkaraan ay [muli pang] natatakot sa Allah at gumagawa ng mga kabutihan. At [tunay na] ang Allah ay nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabutihan.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَيَبۡلُوَنَّكُمُ ٱللَّهُ بِشَيۡءٖ مِّنَ ٱلصَّيۡدِ تَنَالُهُۥٓ أَيۡدِيكُمۡ وَرِمَاحُكُمۡ لِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَخَافُهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 5:94O kayong mga naniwala, katiyakang kayo ay susubukan ng Allah sa bagay na nauukol sa larong abot ng inyong mga kamay [o pangangaso], at ng inyong mga sibat upang malaman [o gawing malinaw] ng Allah kung sino nga ang [tunay na] natatakot sa Kanya nang lihim. Kaya, sinuman ang lumabag pagkaraan niyan - para sa kanya ay isang mahapding parusa.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡتُلُواْ ٱلصَّيۡدَ وَأَنتُمۡ حُرُمٞۚ وَمَن قَتَلَهُۥ مِنكُم مُّتَعَمِّدٗا فَجَزَآءٞ مِّثۡلُ مَا قَتَلَ مِنَ ٱلنَّعَمِ يَحۡكُمُ بِهِۦ ذَوَا عَدۡلٖ مِّنكُمۡ هَدۡيَۢا بَٰلِغَ ٱلۡكَعۡبَةِ أَوۡ كَفَّٰرَةٞ طَعَامُ مَسَٰكِينَ أَوۡ عَدۡلُ ذَٰلِكَ صِيَامٗا لِّيَذُوقَ وَبَالَ أَمۡرِهِۦۗ عَفَا ٱللَّهُ عَمَّا سَلَفَۚ وَمَنۡ عَادَ فَيَنتَقِمُ ٱللَّهُ مِنۡهُۚ وَٱللَّهُ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٍ
Open ayah 5:95O kayong mga naniwala, huwag kayong pumatay sa laro [ng pangangaso] habang kayo ay nasa kalagayan ng ihram [para sa Hajj o Umrah] at sinuman sa inyo ang pumatay nito nang sinadya, ang kabayaran [nito] ay isang katumbas mula sa mga inialay na hayop para sa anumang kanyang napatay, [sa pamamagitan] ng paghatol dito ng dalawang makatarungang taong kabilang sa inyo bilang isang pag-aalay [sa Allah] na dadalhin sa Ka'bah [upang ipamahagi sa mga mahihirap rito]; o isang kabayaran – [sa pamamagitan] ng pagpapakain sa mga dukha o ng katumbas na pag-aayuno upang kanyang malasap ang bigat ng kanyang ginawa. Pinatawad ng Allah ang anumang nakaraan [na pagkakasala] subali’t sinuman ang muling bumalik [sa paglabag], ang Allah ay maniningil ng kapalit [na parusa] mula sa kanya. At ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Ganap na Nakapangyayaring magpataw ng parusa.
أُحِلَّ لَكُمۡ صَيۡدُ ٱلۡبَحۡرِ وَطَعَامُهُۥ مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِلسَّيَّارَةِۖ وَحُرِّمَ عَلَيۡكُمۡ صَيۡدُ ٱلۡبَرِّ مَا دُمۡتُمۡ حُرُمٗاۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
Open ayah 5:96Ipinahihintulot para sa inyo ang panghuhuli [ng lamang-tubig] sa dagat at ang pagkain nito bilang panustos para sa inyo at sa mga manlalakbay subali’t ipinagbabawal sa inyo ang larong-lupa [pangangaso] habang kayo ay nasa kalagayan ng ihram [sa Hajj o Umrah]. At inyong katakutan ang Allah na sa Kanya kayo ay magsisitipon.
۞جَعَلَ ٱللَّهُ ٱلۡكَعۡبَةَ ٱلۡبَيۡتَ ٱلۡحَرَامَ قِيَٰمٗا لِّلنَّاسِ وَٱلشَّهۡرَ ٱلۡحَرَامَ وَٱلۡهَدۡيَ وَٱلۡقَلَٰٓئِدَۚ ذَٰلِكَ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Open ayah 5:97Ginawa ng Allah ang Ka’bah, ang sagradong bahay-dalanginan. [Ito ay] itinayo [bilang santuwaryo ng kaligtasan] para sa sangkatauhan at [Kanyang pinagpala] ang mga sagradong buwan at ang mga hayop para sa pag-aalay at ang mga [hayop na] pinuluputan [ng gayak sa leeg bilang pagkakilanlan]. Iyan ay upang inyong mabatid na ang Allah ay Maalam sa anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan at ang Allah ang Lubos na nakababatid sa lahat ng bagay.
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ وَأَنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 5:98[O sangkatauhan, dapat ninyong] alalahanin na ang Allah ay mahigpit sa pagpaparusa at ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
مَّا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تُبۡدُونَ وَمَا تَكۡتُمُونَ
Open ayah 5:99Hindi nakaatang sa sugo [ang tungkulin] maliban [upang] ipalaganap [ang mensahe ng Qur'an]. At nababatid ng Allah ang anumang inyong inilalantad at ang anumang inyong itinatago.
قُل لَّا يَسۡتَوِي ٱلۡخَبِيثُ وَٱلطَّيِّبُ وَلَوۡ أَعۡجَبَكَ كَثۡرَةُ ٱلۡخَبِيثِۚ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Open ayah 5:100Sabihin, “Hindi magkatulad ang kasamaan at ang kabutihan, bagaman ang kasaganaan ng kasamaan ay maaaring makaakit sa iyo.” Kaya matakot kayo sa Allah, O mga taong nagtataglay ng pang-unawa upang sakali kayo ay magsipagtagumpay.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَسۡـَٔلُواْ عَنۡ أَشۡيَآءَ إِن تُبۡدَ لَكُمۡ تَسُؤۡكُمۡ وَإِن تَسۡـَٔلُواْ عَنۡهَا حِينَ يُنَزَّلُ ٱلۡقُرۡءَانُ تُبۡدَ لَكُمۡ عَفَا ٱللَّهُ عَنۡهَاۗ وَٱللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٞ
Open ayah 5:101O kayong mga naniwala, huwag kayong magtanong ng anumang bagay na kung ang mga ito ay ipakita sa inyo ay magdulot ng ligalig sa inyo. Nguni’t kung magtatanong kayo tungkol sa mga ito habang ang Qur’an ay ipinahahayag, ang mga ito ay gagawing malinaw para sa inyo. [Anumang nakaraan ay] pinatawad na iyan ng Allah, at ang Allah ay Mapagpatawad, Mapagparaya.
قَدۡ سَأَلَهَا قَوۡمٞ مِّن قَبۡلِكُمۡ ثُمَّ أَصۡبَحُواْ بِهَا كَٰفِرِينَ
Open ayah 5:102Ang [isang lipon ng] mamamayang nauna sa inyo ay nagtanong nang gayong [mga katanungan]; pagkaraan dahil sa gayon ding katanungan, sila ay naging mga di-naniniwala.
مَا جَعَلَ ٱللَّهُ مِنۢ بَحِيرَةٖ وَلَا سَآئِبَةٖ وَلَا وَصِيلَةٖ وَلَا حَامٖ وَلَٰكِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۖ وَأَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ
Open ayah 5:103Walang ginawa ang Allah [nang gayong pagbabawal para sa pakinabang tulad ng] bahirah, o sa’ibah, o wasilah o ham. Nguni’t, yaong mga di-naniniwala ay naglubid ng mga kasinungalingan tungkol sa Allah; at karamihan sa kanila ay walang taglay na pang-unawa.
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَإِلَى ٱلرَّسُولِ قَالُواْ حَسۡبُنَا مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ءَابَآؤُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَهۡتَدُونَ
Open ayah 5:104At kung sabihin sa kanila: “Halina [at tumalima] sa anumang ipinahayag ng Allah at sa Sugo.” Sila ay nagsasabi: “Sapat na para sa amin [na sundin] ang anumang natagpuan namin mula sa aming mga ninuno.” Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay walang anupamang kaalaman, at walang [mapananaligang] patnubay?
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَيۡكُمۡ أَنفُسَكُمۡۖ لَا يَضُرُّكُم مَّن ضَلَّ إِذَا ٱهۡتَدَيۡتُمۡۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡ جَمِيعٗا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 5:105O kayong mga naniwala: inyong pangalagaan ang inyong mga sarili. Walang magagawang pananakit sa inyo ang mga nangaligaw kapag kayo ay napatnubayan. Sa Allah ang inyong pagbabalik na lahat nang sama- sama; pagkaraan ay Kanyang ipababatid sa inyo ang anumang inyong lagi nang ginagawa.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ شَهَٰدَةُ بَيۡنِكُمۡ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ حِينَ ٱلۡوَصِيَّةِ ٱثۡنَانِ ذَوَا عَدۡلٖ مِّنكُمۡ أَوۡ ءَاخَرَانِ مِنۡ غَيۡرِكُمۡ إِنۡ أَنتُمۡ ضَرَبۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَأَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةُ ٱلۡمَوۡتِۚ تَحۡبِسُونَهُمَا مِنۢ بَعۡدِ ٱلصَّلَوٰةِ فَيُقۡسِمَانِ بِٱللَّهِ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ لَا نَشۡتَرِي بِهِۦ ثَمَنٗا وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰ وَلَا نَكۡتُمُ شَهَٰدَةَ ٱللَّهِ إِنَّآ إِذٗا لَّمِنَ ٱلۡأٓثِمِينَ
Open ayah 5:106O kayong mga naniwala, ang [pagkuha ng] saksi [ay nararapat isagawa] sa inyong pagitan kapag ang kamatayan ay nalalapit na sa sinuman sa inyo sa oras ng pagsasagawa ng Huling Habilin, [na] ang pagsaksi ng dalawang makatarungang lalaki [ay dapat kuhanin bilang] saksi mula sa inyong [mga Muslim] o dalawa mula sa labas [ng inyong kamag-anakan] kung kayo ay naglalakbay sa mga lupain at kung ang panganib ng kamatayan ay dumating sa inyo. Silang dalawa [mga saksi] ay inyong pigilin pagkatapos ng Salaah [Salatul Asr], at hayaan silang dalawa na manumpa sa Allah kung kayo ay nag-aalinlangan [sa kanilang pagsaksi, na nagsasabing]: “Hindi namin ipagpapalit ito [ang aming panunumpa] para sa halaga [ng makamundong kapakinabangan], kahit na siya ay isang malapit na kamag-anak. At hindi namin itatago ang pagsaksi [na ipinag-utos] ng Allah. Katotohanan, kung mangyari nga ang gayon, kami ay mapabibilang sa mga makasalanan.”
فَإِنۡ عُثِرَ عَلَىٰٓ أَنَّهُمَا ٱسۡتَحَقَّآ إِثۡمٗا فَـَٔاخَرَانِ يَقُومَانِ مَقَامَهُمَا مِنَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَحَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَوۡلَيَٰنِ فَيُقۡسِمَانِ بِٱللَّهِ لَشَهَٰدَتُنَآ أَحَقُّ مِن شَهَٰدَتِهِمَا وَمَا ٱعۡتَدَيۡنَآ إِنَّآ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 5:107Nguni’t kung [inyong] natagpuan na ang dalawa ay nagkasala, hayaang ang dalawa pa ang manindigan sa kanilang katayuan, [na] nakahihigit [sa pag-angkin] mula sa mga mayroong legal na karapatan. Hayaan silang manumpa sa Allah [na nagsasabing]: “Kami ay nagpapatunay na ang aming pahayag ay makatotohanan kaysa sa dalawang iyan at kami ay hindi lumabag. Katotohanan, kung mangyari nga ang gayon, kami ay mapabibilang sa mga mapaggawa ng kamalian.”
ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن يَأۡتُواْ بِٱلشَّهَٰدَةِ عَلَىٰ وَجۡهِهَآ أَوۡ يَخَافُوٓاْ أَن تُرَدَّ أَيۡمَٰنُۢ بَعۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱسۡمَعُواْۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Open ayah 5:108Iyan [ang hatol] na mas malapit upang sila ay makapagbibigay ng kanilang panunumpa nang ayon sa [tunay] nitong layunin o kaya [kahit paano ay] kanilang pangangambahan na [ang ibang] mga panunumpa ay maaaring kuhanin pagkaraan ng kanilang [mga sariling] panunumpa. At inyong katakutan ang Allah at makinig [tumalima sa Kanya]. At ang Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
۞يَوۡمَ يَجۡمَعُ ٱللَّهُ ٱلرُّسُلَ فَيَقُولُ مَاذَآ أُجِبۡتُمۡۖ قَالُواْ لَا عِلۡمَ لَنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ
Open ayah 5:109Sa Araw na titipunin ng Allah ang mga sugo at sasabihin sa kanila: “Ano ang naging mga katugunang inyong tinanggap [mula sa tao hinggil sa inyong mensahe]? Sila [ang mga sugo] ay magsasabi: “Wala kaming nalalaman. Katotohanan, tanging Ikaw lamang ang Maalam sa mga di- nakikitang [mga pangyayari].”
إِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱذۡكُرۡ نِعۡمَتِي عَلَيۡكَ وَعَلَىٰ وَٰلِدَتِكَ إِذۡ أَيَّدتُّكَ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِ تُكَلِّمُ ٱلنَّاسَ فِي ٱلۡمَهۡدِ وَكَهۡلٗاۖ وَإِذۡ عَلَّمۡتُكَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَۖ وَإِذۡ تَخۡلُقُ مِنَ ٱلطِّينِ كَهَيۡـَٔةِ ٱلطَّيۡرِ بِإِذۡنِي فَتَنفُخُ فِيهَا فَتَكُونُ طَيۡرَۢا بِإِذۡنِيۖ وَتُبۡرِئُ ٱلۡأَكۡمَهَ وَٱلۡأَبۡرَصَ بِإِذۡنِيۖ وَإِذۡ تُخۡرِجُ ٱلۡمَوۡتَىٰ بِإِذۡنِيۖ وَإِذۡ كَفَفۡتُ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ عَنكَ إِذۡ جِئۡتَهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Open ayah 5:110[Banggitin] kapag ang Allah ay magsasabi [sa Araw ng Pagkabuhay na Muli]: “O Hesus, anak ni Maria, alalahanin mo ang Aking pagpapala sa iyo at sa iyong ina nang ikaw ay Aking tangkilikin [patatagin] sa pamamagitan ng Banal na Espiritu [Anghel Gabriel]. Upang ikaw ay mangusap sa mga tao mula sa duyan [o kamusmusan] at sa tamang gulang at [alalahanin mo] nang ituro Ko sa iyo ang Aklat [o kakayahan ng pagsulat], ang hikmah [karunungan] at ang Torah at ang Ebanghelyo at nang gawin mo mula sa luad [putik] ang isang hugis na tulad ng isang ibon sa Aking kapahintulutan at iyong hiningahan ito at naging ibon sa Aking Kapahintulutan at pinagaling mo ang ipinanganak na bulag at ang mga ketongin sa Aking kapahintulutan. At nang inilabas mo ang mga patay [mula sa libingan] sa Aking kapahintulutan at nang Aking pigilin ang mga anak ni Israel laban sa iyo [upang ikaw ay kanilang patayin], nang dahil sa ikaw ay dumating sa kanila na may [dalang malinaw na] katibayan, at yaong mga di-naniniwala mula sa kanila ay nagsabing: “Ito ay walang anupaman maliban sa isang malinaw na salamangka.”
وَإِذۡ أَوۡحَيۡتُ إِلَى ٱلۡحَوَارِيِّـۧنَ أَنۡ ءَامِنُواْ بِي وَبِرَسُولِي قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَٱشۡهَدۡ بِأَنَّنَا مُسۡلِمُونَ
Open ayah 5:111At [alalahanin] nang Ako [ang Allah] ay nagbigay-sigla sa mga disipulo [ni Hesus, anak ni Maria]; “Maniwala kayo sa Akin at sa Aking sugo.” Sila ay nagsabi: “Kami ay naniniwala at Ikaw ay saksi na kami ay mga Muslim.”
إِذۡ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ هَلۡ يَسۡتَطِيعُ رَبُّكَ أَن يُنَزِّلَ عَلَيۡنَا مَآئِدَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِۖ قَالَ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Open ayah 5:112[Alalahanin] nang ang mga disipulo [ni Hesus] ay magsabi : “O Hesus, anak ni Maria, may kakayahan ba ang iyong Panginoon na magbaba sa amin ng isang hapag [na may latag ng pagkain] mula sa langit?” [Si Hesus ay] nagsabi: “Matakot kayo sa Allah, kung [tunay nga na] kayo ay mga naniniwala.”
قَالُواْ نُرِيدُ أَن نَّأۡكُلَ مِنۡهَا وَتَطۡمَئِنَّ قُلُوبُنَا وَنَعۡلَمَ أَن قَدۡ صَدَقۡتَنَا وَنَكُونَ عَلَيۡهَا مِنَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Open ayah 5:113Sila ay nagsabi: “Nais naming kumain mula roon at hayaang ang aming mga puso ay magkaroon ng katiyakan [sa paniniwala] at [upang] aming mapag-alaman na ikaw ay naging makatotohanan sa amin at kami ay maging kabilang sa mga saksi nito.”
قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ ٱللَّهُمَّ رَبَّنَآ أَنزِلۡ عَلَيۡنَا مَآئِدَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ تَكُونُ لَنَا عِيدٗا لِّأَوَّلِنَا وَءَاخِرِنَا وَءَايَةٗ مِّنكَۖ وَٱرۡزُقۡنَا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ
Open ayah 5:114Si Hesus, anak ni Maria ay nagsabi: “O Allah, aming Panginoon, ibaba Mo po sa amin ang isang hapag [ng pagkain] mula sa langit bilang isang pagdiriwang ng mga nauna sa amin at ng mga huli sa amin at bilang isang palatandaan mula sa Iyo; at pagkalooban Mo po kami [ng panustos] sapagka’t ikaw ang pinakamahusay na Tagapanustos.”
قَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيۡكُمۡۖ فَمَن يَكۡفُرۡ بَعۡدُ مِنكُمۡ فَإِنِّيٓ أُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا لَّآ أُعَذِّبُهُۥٓ أَحَدٗا مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 5:115Ang Allah ay nagsabi: “Aking ibababa ito [ang hapag-kainan] sa inyo, nguni’t sinuman sa inyo ang hindi maniwala pagkaraan [nito], tunay na siya ay Aking parurusahan ng isang parusang hindi Ko pa naiparusa sa kaninuman mula sa mga nilikha.”
وَإِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ءَأَنتَ قُلۡتَ لِلنَّاسِ ٱتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيۡنِ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالَ سُبۡحَٰنَكَ مَا يَكُونُ لِيٓ أَنۡ أَقُولَ مَا لَيۡسَ لِي بِحَقٍّۚ إِن كُنتُ قُلۡتُهُۥ فَقَدۡ عَلِمۡتَهُۥۚ تَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِي وَلَآ أَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِكَۚ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ
Open ayah 5:116At [inyong alalahanin ang Araw na]: Kapag ang Allah ay magsasabi: “O, Hesus, anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa tao: ‘Ituring ninyo ako at ang aking ina bilang dalawang diyos bukod sa Allah?’” Siya [si Hesus] ay magsasabi: “Luwalhati po sa Iyo. Hindi marapat para sa akin ang magsabi ng anumang wala akong karapatan [na sabihin]. Kung ito man ay aking nasabi, katiyakang ito ay Iyong mababatid. Batid Mo po ang anumang nasa aking kalooban, samantalang hindi ko nababatid ang anumang nasa Iyong Kalooban. Katotohanan, Ikaw ang Maalam sa mga di-nakikitang [bagay o pangyayari]. ”
مَا قُلۡتُ لَهُمۡ إِلَّا مَآ أَمَرۡتَنِي بِهِۦٓ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمۡۚ وَكُنتُ عَلَيۡهِمۡ شَهِيدٗا مَّا دُمۡتُ فِيهِمۡۖ فَلَمَّا تَوَفَّيۡتَنِي كُنتَ أَنتَ ٱلرَّقِيبَ عَلَيۡهِمۡۚ وَأَنتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
Open ayah 5:117Wala po akong sinabi sa kanila maliban kung ano lamang ang Iyong ipinag-utos sa akin [na sabihin]: “Inyong sambahin ang Allah, ang aking Panginoon at ang inyong Panginoon. At ako ay naging saksi sa kanila habang ako ay nanatili sa kanila nguni't nang ako ay Iyong bawiin, [tanging] Ikaw ang Tagapagmasid sa kanila at [tanging] Ikaw ang Saksi sa lahat ng bagay.”
إِن تُعَذِّبۡهُمۡ فَإِنَّهُمۡ عِبَادُكَۖ وَإِن تَغۡفِرۡ لَهُمۡ فَإِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 5:118Kung sila ay Iyong parurusahan – tunay nga na sila ay Iyong mga alipin; nguni't kung sila ay Iyong patatawarin, katotohanan na Ikaw, [tanging Ikaw] ang Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.
قَالَ ٱللَّهُ هَٰذَا يَوۡمُ يَنفَعُ ٱلصَّٰدِقِينَ صِدۡقُهُمۡۚ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Open ayah 5:119Ang Allah ay magsasabi: “Ito ang Araw na ang mga [taong] makatotohanan ay makikinabang sa kanilang pagiging makatotohanan.” Sa kanila ay mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. Ang Allah ay nasisiyahan sa kanila at [gayon din] naman sila sa Kanya. Iyan ang dakilang tagumpay.
لِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا فِيهِنَّۚ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرُۢ
Open ayah 5:120Nasa Allah ang [pagmamay-ari ng] kapamahalaan ng mga kalangitan at kalupaan at ng anumang nilalaman ng mga ito. At Siya ay Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay.