الأنعام
Al-An'aam
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَجَعَلَ ٱلظُّلُمَٰتِ وَٱلنُّورَۖ ثُمَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ
Open ayah 6:1Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah] na Siyang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan at [Siya ang] gumawa sa kadiliman at sa liwanag, datapwa’t, yaong mga di-naniwala ay kanilang ipinapantay ang kanilang Panginoon [sa iba].
هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن طِينٖ ثُمَّ قَضَىٰٓ أَجَلٗاۖ وَأَجَلٞ مُّسَمًّى عِندَهُۥۖ ثُمَّ أَنتُمۡ تَمۡتَرُونَ
Open ayah 6:2Siya ang lumikha sa inyo mula sa luad [putik], pagkaraan ay nagtakda ng isang taning [na panahon upang kayo ay mamatay] at isang taning [upang kayo ay ibalik] sa Kanya nguni’t kayo ay nag-aalinlangan [sa katotohanan nito].
وَهُوَ ٱللَّهُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ يَعۡلَمُ سِرَّكُمۡ وَجَهۡرَكُمۡ وَيَعۡلَمُ مَا تَكۡسِبُونَ
Open ayah 6:3At Siya ang Allah [ang Diyos na sinasamba] sa mga kalangitan at sa kalupaan; nababatid Niya ang inyong ipinaglilihim at ang inyong inilalantad, at nababatid Niya ang anumang inyong pinagsumikapan [mabuti man o masama].
وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٖ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Open ayah 6:4At walang isang ayah [kapahayagan] ang dumarating sa kanila mula sa mga ayaat [kapahayagan] ng kanilang Panginoon maliban na sila ay nagsisilayo mula rito.
فَقَدۡ كَذَّبُواْ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ فَسَوۡفَ يَأۡتِيهِمۡ أَنۢبَٰٓؤُاْ مَا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Open ayah 6:5Kaya, katiyakang kanilang itinakwil ang katotohanan [ng Qur’an] nang ito ay dumating sa kanila, nguni’t darating sa kanila ang balita ng anumang kanilang lagi nang pinagtatawanan.
أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّن قَرۡنٖ مَّكَّنَّٰهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَا لَمۡ نُمَكِّن لَّكُمۡ وَأَرۡسَلۡنَا ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡهِم مِّدۡرَارٗا وَجَعَلۡنَا ٱلۡأَنۡهَٰرَ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمۡ فَأَهۡلَكۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡ وَأَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ
Open ayah 6:6Hindi ba nila nakikita kung ilang henerasyon na ang Aming winasak nang una sa kanila na Aming itinatag sa balat ng lupa na hindi Namin naitatag para sa inyo? At Aming ipinadala sa kanila [ang ulan mula] sa kalangitan nang may mga ambon at Aming ginawang umagos ang mga ilog sa kanilang ilalim. Subali’t, sila ay Aming winasak sanhi ng kanilang mga kasalanan at Aming pinalitaw pagkaraan nila ang panibagong henerasyon [o salin-lahi].
وَلَوۡ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ كِتَٰبٗا فِي قِرۡطَاسٖ فَلَمَسُوهُ بِأَيۡدِيهِمۡ لَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Open ayah 6:7At kahit Aming ibaba [o ipahayag] sa iyo [O Muhammad] ang isang [nilimbag na] Aklat sa isang papel upang ito ay mahawakan ng kanilang mga kamay, yaong mga di-naniwala ay magsasabi pa ring: “Ito ay isa lamang malinaw na salamangka!”
وَقَالُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ مَلَكٞۖ وَلَوۡ أَنزَلۡنَا مَلَكٗا لَّقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ ثُمَّ لَا يُنظَرُونَ
Open ayah 6:8At sila [mga di-naniniwala] ay nagsasabing: “Bakit hindi ibaba ang anghel sa kanya [kay Muhammad upang siya ay saksihan]?” At kahit Aming ibaba ang isang anghel [bilang tugon sa kanilang kahilingan],
وَلَوۡ جَعَلۡنَٰهُ مَلَكٗا لَّجَعَلۡنَٰهُ رَجُلٗا وَلَلَبَسۡنَا عَلَيۡهِم مَّا يَلۡبِسُونَ
Open ayah 6:9At kung siya [ang sugo] ay Aming ginawang isang anghel, magagawa Namin siyang palitawin [sa anyo ng] isang lalaki, at sila ay maaari Naming matakpan ng anumang kanilang itinatakip [sa kanilang mga sarili].
وَلَقَدِ ٱسۡتُهۡزِئَ بِرُسُلٖ مِّن قَبۡلِكَ فَحَاقَ بِٱلَّذِينَ سَخِرُواْ مِنۡهُم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Open ayah 6:10At katiyakan, marami ng mga sugong nauna sa iyo ang tinuya [o pinagtawanan], kaya, yaong mga nanlilibak [o nang-aalipusta] sa kanila ay pinalibutan [ng parusa] nang dahil sa kanilang lagi nang ipinanunuya.
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ ٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Open ayah 6:11Sabihin : “Magsipaglakbay kayo sa [mga] lupain, [at] pagkaraan ay inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga nagtakwil [sa katotohanan].”
قُل لِّمَن مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ قُل لِّلَّهِۚ كَتَبَ عَلَىٰ نَفۡسِهِ ٱلرَّحۡمَةَۚ لَيَجۡمَعَنَّكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِۚ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 6:12Sabihin : Sino ba ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga kalangitan at kalupaan?” Sabihin: [ang pagmamay-ari ay] sa Allah. Kanyang itinalaga sa Sarili Niya ang habag. Katiyakan, kayo ay Kanyang titipunin sa Araw ng Pagkabuhay na Muli na walang alinlangan ang tungkol dito. Yaong mga nawalan [o talunan] sa kanilang mga sarili [sa kabilang buhay], sila ang mga hindi naniwala.
۞وَلَهُۥ مَا سَكَنَ فِي ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 6:13At sa Kanya ang pagmamay-ari ng anumang humihimlay sa gabi at sa araw, at Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.
قُلۡ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَتَّخِذُ وَلِيّٗا فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَهُوَ يُطۡعِمُ وَلَا يُطۡعَمُۗ قُلۡ إِنِّيٓ أُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَسۡلَمَۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 6:14Sabihin: “Ako ba ay dapat magturing [o kumuha] ng iba bilang isang wali [tagapangalaga] bukod sa Allah, ang Tagapaglikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, samantalang Siya ang nagpapakain nguni’t hindi pinakakain?” Sabihin: “Katotohanan, ako ay napag-utusang manguna [sa inyo] sa pagtalima [sa Allah] at [ako ay napag-utusang] huwag makibilang sa mga nagtatambal.”
قُلۡ إِنِّيٓ أَخَافُ إِنۡ عَصَيۡتُ رَبِّي عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Open ayah 6:15Sabihin: “Aking pinangangambahan, kung sakali mang ako ay sumuway sa aking Panginoon, ang parusa ng isang Dakilang Araw.”
مَّن يُصۡرَفۡ عَنۡهُ يَوۡمَئِذٖ فَقَدۡ رَحِمَهُۥۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡمُبِينُ
Open ayah 6:16Sinumang iniwas sa kanya ang gayong parusa sa Araw na iyon, katiyakang ang Allah ay naggawad ng habag sa kanya. At iyan ang malinaw na tagumpay.
وَإِن يَمۡسَسۡكَ ٱللَّهُ بِضُرّٖ فَلَا كَاشِفَ لَهُۥٓ إِلَّا هُوَۖ وَإِن يَمۡسَسۡكَ بِخَيۡرٖ فَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 6:17At kung ikaw ay dulutan ng Allah ng isang pinsala, walang tagapagpawi nito kundi Siya, at kung ikaw ay dulutan ng kabutihan, magkagayon, Siya ang may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
وَهُوَ ٱلۡقَاهِرُ فَوۡقَ عِبَادِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡخَبِيرُ
Open ayah 6:18At Siya ang Tagapagsupil na nangingibabaw sa Kanyang mga alipin at Siya ang Tigib ng Karunungan, ang Lubos na Nakababatid [ng lahat].
قُلۡ أَيُّ شَيۡءٍ أَكۡبَرُ شَهَٰدَةٗۖ قُلِ ٱللَّهُۖ شَهِيدُۢ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۚ وَأُوحِيَ إِلَيَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ لِأُنذِرَكُم بِهِۦ وَمَنۢ بَلَغَۚ أَئِنَّكُمۡ لَتَشۡهَدُونَ أَنَّ مَعَ ٱللَّهِ ءَالِهَةً أُخۡرَىٰۚ قُل لَّآ أَشۡهَدُۚ قُلۡ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ وَإِنَّنِي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُشۡرِكُونَ
Open ayah 6:19Sabihin: “Anong bagay ang pinakadakila sa pagsaksi?” Sabihin mo: “Ang Allah, Siya ang Saksi sa pagitan ko at pagitan ninyo; ipinahayag sa akin itong Qur’an upang kayo ay aking bigyang-babala sa pamamagitan nito at ang sinumang abutan [ng mensahe nito]. Kayo ba ay sumasaksi na may ibang mga diyos bukod sa Allah?” Sabihin: “Ako ay hindi sasaksi” Sabihin: “Katotohanan, Siya ang Nag-iisang Diyos. At katotohanan, ako ay malaya [o walang kaugnayan] sa anumang inyong itinatambal [sa Kanya sa pagsamba].”
ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَعۡرِفُونَهُۥ كَمَا يَعۡرِفُونَ أَبۡنَآءَهُمُۘ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 6:20Yaong Aming mga pinagkalooban ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano], ay makikilala siya [si Muhammad bilang Sugo ng Allah] tulad ng kanilang pagkakakilala sa kanilang mga [sariling] anak. Yaong mga nawalan [o talunan] sa kanilang mga sarili [sa kabilang buhay], sila ang mga hindi naniniwala.
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Open ayah 6:21At sino ba ang mapaggawa ng kamalian nang higit pa kaysa sa isang naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah o nagtatakwil sa Kanyang mga ayaat [o kapahayagan]? Katotohanan, ang mga mapaggawa ng kamalian ay hindi magtatagumpay.
وَيَوۡمَ نَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشۡرَكُوٓاْ أَيۡنَ شُرَكَآؤُكُمُ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
Open ayah 6:22At [banggitin mo O Muhammad] sa Araw [na] sila ay Aming titipunin nang sama-sama, pagkaraan ay Aming sasabihin sa mga nagtambal [sa Allah], “Nasaan na ang inyong mga ‘katambal’ na lagi ninyong iginigiit [o iniaakibat sa Kanya]?”
ثُمَّ لَمۡ تَكُن فِتۡنَتُهُمۡ إِلَّآ أَن قَالُواْ وَٱللَّهِ رَبِّنَا مَا كُنَّا مُشۡرِكِينَ
Open ayah 6:23Pagkaraan, wala nang magiging [dahilan para] sa kanilang pagsusulit maliban na sila ay magsasabi na: “Sumpa man sa Allah, na Siyang aming Panginoon, hindi kami ang mga nagtambal [ng iba sa Kanya].”
ٱنظُرۡ كَيۡفَ كَذَبُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡۚ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Open ayah 6:24Pagmasdan mo kung paano sila magsinungaling sa kanilang mga sarili. At nawala sa kanila ang anumang lagi nilang nilulubid [na kasinungalingan].
وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُ إِلَيۡكَۖ وَجَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۚ وَإِن يَرَوۡاْ كُلَّ ءَايَةٖ لَّا يُؤۡمِنُواْ بِهَاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوكَ يُجَٰدِلُونَكَ يَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 6:25At kabilang sa kanila ay yaong mga nakikinig sa iyo; subali’t Aming inilagay sa kanilang mga puso ang mga panatakip upang sila ay hindi makaunawa nito, at sa kanilang mga tainga ay kabingihan; at kung kanilang makita ang bawa’t ayah [tanda o kapahayagan], sila ay hindi maniniwala sa mga ito hanggang kapag sila ay magsilapit sa iyo upang makipagtalo sa iyo, yaong mga di-naniniwala ay magsasabing: “Ito ay mga alamat lamang ng mga sinaunang tao.”
وَهُمۡ يَنۡهَوۡنَ عَنۡهُ وَيَنۡـَٔوۡنَ عَنۡهُۖ وَإِن يُهۡلِكُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ
Open ayah 6:26At sila ay nagbabawal [sa mga iba sa paglapit] sa kanya [sa Propeta] at [silang nagbabawal ay] malayo sa kanya. At wala silang sinira maliban sa kanilang mga sarili, nguni’t [ito ay] hindi nila namamalayan.
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ وُقِفُواْ عَلَى ٱلنَّارِ فَقَالُواْ يَٰلَيۡتَنَا نُرَدُّ وَلَا نُكَذِّبَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّنَا وَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 6:27At kung sila lamang ay iyong makikita kapag sila ay patatayuin sa Apoy [ng Impiyerno], sila ay magsasabi: “Ahh marahil kung kami ay maibabalik na muli [sa mundo] hindi namin itatakwil ang mga ayaat [kapahayagan] ng aming Panginoon [at], kami ay magiging kabilang ng mga naniniwala.”
بَلۡ بَدَا لَهُم مَّا كَانُواْ يُخۡفُونَ مِن قَبۡلُۖ وَلَوۡ رُدُّواْ لَعَادُواْ لِمَا نُهُواْ عَنۡهُ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Open ayah 6:28Nguni’t ang anumang kanilang ikinukubli noon ay naging malinaw sa kanila. At kung sila man ay ibabalik [sa mundo] katiyakang sila ay magsisibalik sa anumang [dating] ipinagbawal sa kanila; at katotohanan, sila ay mga sinungaling.
وَقَالُوٓاْ إِنۡ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا وَمَا نَحۡنُ بِمَبۡعُوثِينَ
Open ayah 6:29At [noon] sila ay nagsabing: “Wala ng [ibang] buhay maliban sa aming makamundong buhay, at kailanman kami ay hindi na ibabangon pang muli [sa Araw ng Pagkabuhay na Muli].”
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ وُقِفُواْ عَلَىٰ رَبِّهِمۡۚ قَالَ أَلَيۡسَ هَٰذَا بِٱلۡحَقِّۚ قَالُواْ بَلَىٰ وَرَبِّنَاۚ قَالَ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Open ayah 6:30At kung sila ay iyong makikita kapag sila ay patatayuin sa [harap ng] kanilang Panginoon. Siya [ang Allah] ay magsasabi [sa kanila]: “Hindi ba ito ang katotohanan?” Sila ay magsasabi: “Opo, sumpa man sa aming Panginoon!” Kaya, Siya ay magsasabi [sa kanila]: “Kung gayon, inyong lasapin ang parusa nang dahil sa anumang inyong lagi nang di- paniniwala.”
قَدۡ خَسِرَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱللَّهِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَتۡهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةٗ قَالُواْ يَٰحَسۡرَتَنَا عَلَىٰ مَا فَرَّطۡنَا فِيهَا وَهُمۡ يَحۡمِلُونَ أَوۡزَارَهُمۡ عَلَىٰ ظُهُورِهِمۡۚ أَلَا سَآءَ مَا يَزِرُونَ
Open ayah 6:31Katiyakan, ang mga nawalan ay yaong mga nagtakwil sa kanilang pakikipagharap sa Allah, kapag dumating sa kanila ang Oras [ng Pagkabuhay Muli] nang di-inaasahan, sila ay magsasabing: “Ahh, [sadyang napakalaki ng] aming panghihinayang sa anumang aming pinabayaan hinggil dito [sa Oras],” habang kanilang pinapasan ang kanilang mga dalahin [o kasalanan] sa kanilang mga likuran. Walang alinlangan, napakasama ng anumang kanilang mga dalahin [o kasalanan].”
وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا لَعِبٞ وَلَهۡوٞۖ وَلَلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ يَتَّقُونَۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Open ayah 6:32At ang buhay sa mundo ay walang anupaman maliban sa laro at libangan. Subali't ang tahanan sa kabilang buhay ay siyang pinakamabuti para sa mga natatakot [sa Allah]. Hindi ba kayo, kung gayon, makauunawa?
قَدۡ نَعۡلَمُ إِنَّهُۥ لَيَحۡزُنُكَ ٱلَّذِي يَقُولُونَۖ فَإِنَّهُمۡ لَا يُكَذِّبُونَكَ وَلَٰكِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Open ayah 6:33Katiyakan, Aming nalalaman na iyong ikinalungkot [O Muhammad] ang anumang kanilang pinagsasabi. Nguni’t, katotohanan, hindi ikaw ang kanilang itinatakwil, kundi, ang mga ayaat [o kapahayagan] ng Allah ang tinututulan ng mga mapaggawa ng kamalian.
وَلَقَدۡ كُذِّبَتۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَ فَصَبَرُواْ عَلَىٰ مَا كُذِّبُواْ وَأُوذُواْ حَتَّىٰٓ أَتَىٰهُمۡ نَصۡرُنَاۚ وَلَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِ ٱللَّهِۚ وَلَقَدۡ جَآءَكَ مِن نَّبَإِيْ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 6:34At katiyakan, [maraming] sugong nauna sa iyo ang itinakwil subali’t sila ay naging matiisin sa [anumang ginawang] pagtakwil sa kanila at sila ay sinaktan, hanggang ang Aming tulong ay dumating sa kanila. At walang makapagpapabago sa mga salita [o takda] ng Allah, at katiyakan, may dumating sa iyo na ilang balita tungkol sa mga sugong [nauna sa iyo].
وَإِن كَانَ كَبُرَ عَلَيۡكَ إِعۡرَاضُهُمۡ فَإِنِ ٱسۡتَطَعۡتَ أَن تَبۡتَغِيَ نَفَقٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ أَوۡ سُلَّمٗا فِي ٱلسَّمَآءِ فَتَأۡتِيَهُم بِـَٔايَةٖۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَمَعَهُمۡ عَلَى ٱلۡهُدَىٰۚ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Open ayah 6:35At kung ang kanilang pag-iwas ay sadyang mahirap para sa iyo, magkagayon, kung magagawa mong humanap ng lagusan sa [ilalim ng] lupa o ng isang hagdanang [patungo] sa langit upang sila ay bigyan mo ng palatandaan [kung gayon, ito ay iyong gawin]. At kung nais ng Allah, sila ay magagawa Niyang pag-isahing lahat sa patnubay, kaya huwag kang makibilang sa mga taong mangmang.
۞إِنَّمَا يَسۡتَجِيبُ ٱلَّذِينَ يَسۡمَعُونَۘ وَٱلۡمَوۡتَىٰ يَبۡعَثُهُمُ ٱللَّهُ ثُمَّ إِلَيۡهِ يُرۡجَعُونَ
Open ayah 6:36Katotohanan, yaon lamang mga [masigasig na] nakikinig [sa mensahe ng Islam] ang makatutugon [nito], subali’t yaong mga patay, sila ay muling bubuhayin ng Allah, at pagkaraan, sila ay ibabalik sa Kanya.
وَقَالُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّ ٱللَّهَ قَادِرٌ عَلَىٰٓ أَن يُنَزِّلَ ءَايَةٗ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 6:37At sila ay nagsabi: “Bakit hindi ibinaba sa kanya ang isang ayah [palatandaan o himala] mula sa kanyang Panginoon?” Sabihin: “Katiyakan, ang Allah ay may kakayahang magbaba ng palatandaan [himala], nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nakababatid [nito].”
وَمَا مِن دَآبَّةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا طَٰٓئِرٖ يَطِيرُ بِجَنَاحَيۡهِ إِلَّآ أُمَمٌ أَمۡثَالُكُمۚ مَّا فَرَّطۡنَا فِي ٱلۡكِتَٰبِ مِن شَيۡءٖۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ يُحۡشَرُونَ
Open ayah 6:38At walang gumagalang nilikha sa balat ng lupa, at walang ibong lumilipad sa dalawang bagwis nito, malibang [sila ay] isang pamayanang nakakatulad ninyo. Wala Kaming nakaligtaang anumang bagay sa [talaang] Aklat. Pagkaraan, sa kanilang Panginoon – sila ay titipunin [upang magsulit sa kanilang mga ginawa].
وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا صُمّٞ وَبُكۡمٞ فِي ٱلظُّلُمَٰتِۗ مَن يَشَإِ ٱللَّهُ يُضۡلِلۡهُ وَمَن يَشَأۡ يَجۡعَلۡهُ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 6:39Subali’t yaong mga nagtakwil [at hindi naniwala] sa Aming mga ayaat [kapahayagan] ay mga bingi at pipi sa [gitna ng] kadiliman. Hinahayaang maligaw ng Allah ang sinumang Kanyang nais at inilalagay Niya sa matuwid na landas ang sinumang Kanyang nais.
قُلۡ أَرَءَيۡتَكُمۡ إِنۡ أَتَىٰكُمۡ عَذَابُ ٱللَّهِ أَوۡ أَتَتۡكُمُ ٱلسَّاعَةُ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَدۡعُونَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 6:40Sabihin: “Hindi ba ninyo nakita na kung ang parusa ng Allah ay dumating sa inyo, o ang [takdang] Oras ay dumating sa inyo, kayo ba kung gayon ay mananalangin sa iba bukod sa Allah, kung tunay nga na kayo ay makatotohanan?”
بَلۡ إِيَّاهُ تَدۡعُونَ فَيَكۡشِفُ مَا تَدۡعُونَ إِلَيۡهِ إِن شَآءَ وَتَنسَوۡنَ مَا تُشۡرِكُونَ
Open ayah 6:41[Nguni’t] Hindi! Sa Kanya [lamang] kayo mananalangin, at kung Kanyang naisin, magagawa Niyang pawiin ang anumang [siphayong] inyong ipinagsusumamo sa Kanya at inyong malilimutan ang anumang inyong itinatambal [sa Kanya].
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰٓ أُمَمٖ مِّن قَبۡلِكَ فَأَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡبَأۡسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ لَعَلَّهُمۡ يَتَضَرَّعُونَ
Open ayah 6:42At katiyakan, Aming ipinadala [ang mga sugo] sa mga pamayanang nauna sa iyo [O Muhammad] at sila ay Aming dinulutan ng karukhaan at kahirapan upang sakali sila ay [matutong] magpakumbaba.
فَلَوۡلَآ إِذۡ جَآءَهُم بَأۡسُنَا تَضَرَّعُواْ وَلَٰكِن قَسَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 6:43Kaya bakit nga ba nang dumating sa kanila ang Aming kaparusahan ay hindi nila nagawang magpakumbaba? Bagkus, ang kanilang mga puso ay naging matigas at ginawang kaakit-akit ng satanas ang anumang kanilang lagi nang ginagawa.
فَلَمَّا نَسُواْ مَا ذُكِّرُواْ بِهِۦ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِمۡ أَبۡوَٰبَ كُلِّ شَيۡءٍ حَتَّىٰٓ إِذَا فَرِحُواْ بِمَآ أُوتُوٓاْ أَخَذۡنَٰهُم بَغۡتَةٗ فَإِذَا هُم مُّبۡلِسُونَ
Open ayah 6:44Kaya, nang kanilang nalimutan ang anumang [kasamaan na] ibinabala sa kanila, Aming binuksan sa kanila ang mga pintuan ng bawa’t [kaakit-akit na] bagay, hanggang nang sila ay nasa [gitna ng] anumang kasiyahang ipinagkaloob sa kanila, sila ay Aming biglaang hinablot at sila ay nasadlak sa kawalan ng pag-asa.
فَقُطِعَ دَابِرُ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْۚ وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 6:45Kaya, ang pinag-ugatan niyaong mga mamamayang mapaggawa ng kamalian ay naputol. At ang [lahat ng] papuri ay sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha.
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَخَذَ ٱللَّهُ سَمۡعَكُمۡ وَأَبۡصَٰرَكُمۡ وَخَتَمَ عَلَىٰ قُلُوبِكُم مَّنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِهِۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ ثُمَّ هُمۡ يَصۡدِفُونَ
Open ayah 6:46Sabihin: “Hindi ba ninyo nakita na kung babawiin ng Allah ang inyong mga pandinig at ang inyong mga paningin at takpan ang inyong mga puso, sino kayang diyos maliban sa Allah ang makapagkakaloob [muli] nito sa inyo?” Iyong tunghayan kung paano Namin iniba-iba ang [paraan ng pagpapaliwanag sa] mga ayaat [kapahayagan], subali’t, [sa kabila nito] sila ay nagsitalikod.
قُلۡ أَرَءَيۡتَكُمۡ إِنۡ أَتَىٰكُمۡ عَذَابُ ٱللَّهِ بَغۡتَةً أَوۡ جَهۡرَةً هَلۡ يُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Open ayah 6:47Sabihin: “Hindi ba ninyo nakita na kung ang parusa ng Allah ay dumating sa inyo nang biglaan at hayagan, mayroon pa kayang ibang mapaririwara maliban sa mga taong mapaggawa ng kamalian?”
وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَۖ فَمَنۡ ءَامَنَ وَأَصۡلَحَ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Open ayah 6:48At Kami ay hindi nagpapadala ng mga sugo maliban bilang mga tagapaghatid ng magagandang balita at bilang mga tagapagbabala. Kaya, sinuman ang naniwala at naging matwid, magkagayon, sila ay walang [mararanasang] pangamba, at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.
وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَمَسُّهُمُ ٱلۡعَذَابُ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ
Open ayah 6:49Subali’t yaong mga nagtakwil sa Aming mga ayaat [kapahayagan], ang parusa ay darating sa kanila nang dahil sa anumang kanilang pagsuway.
قُل لَّآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ وَلَآ أَقُولُ لَكُمۡ إِنِّي مَلَكٌۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّۚ قُلۡ هَلۡ يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُۚ أَفَلَا تَتَفَكَّرُونَ
Open ayah 6:50Sabihin mo [sa kanila O Muhammad], “Hindi ko sinasabi sa inyo na tangan ko ang kaban [ng yaman] ng Allah, ni nababatid ko ang Ghaib [mga pangyayaring di-nakikita], at hindi ako nagsasabi sa inyo na ako ay isang anghel. Sapagka’t, ako ay sumusunod lamang sa anumang ipinahayag sa akin.” Sabihin: “Magkatulad ba ang isang bulag at ang isang nakakikita? Kayo ba kung gayon, ay hindi nag-iisip?”
وَأَنذِرۡ بِهِ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَن يُحۡشَرُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ لَيۡسَ لَهُم مِّن دُونِهِۦ وَلِيّٞ وَلَا شَفِيعٞ لَّعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Open ayah 6:51At bigyang-babala sa pamamagitan nito [ng Qur’an] yaong mga nangangamba na sila ay titipunin sa harap ng kanilang Panginoon - na sa kanila ay walang [matatagpuang] wali [tagapangalaga] ni tagapamagitan bukod sa Kanya upang sakali sila ay matakot [sa Allah].
وَلَا تَطۡرُدِ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ رَبَّهُم بِٱلۡغَدَوٰةِ وَٱلۡعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجۡهَهُۥۖ مَا عَلَيۡكَ مِنۡ حِسَابِهِم مِّن شَيۡءٖ وَمَا مِنۡ حِسَابِكَ عَلَيۡهِم مِّن شَيۡءٖ فَتَطۡرُدَهُمۡ فَتَكُونَ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 6:52At huwag mong ipagtabuyan yaong mga nananalangin sa kanilang Panginoon sa umaga at hapon [na naglalayong] hanapin ang Kanyang Mukha [Lugod]. Hindi iniatang para sa iyo ang anumang bagay na kanilang pananagutan, at hindi rin iniatang para sa kanila ang anumang bagay na iyong pananagutan, kaya kung mangyari mang sila ay iyong ipagtabuyan, ikaw ay mapabibilang sa mga mapaggawa ng kamalian.
وَكَذَٰلِكَ فَتَنَّا بَعۡضَهُم بِبَعۡضٖ لِّيَقُولُوٓاْ أَهَٰٓؤُلَآءِ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنۢ بَيۡنِنَآۗ أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَعۡلَمَ بِٱلشَّٰكِرِينَ
Open ayah 6:53At ganyan nga Namin sinubukan ang ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba, upang sila [mga di-naniwala] ay maaaring magsabi na: “Sila ba [mga naniniwala] ay itinangi ng Allah mula sa mga nabibilang sa atin?” Hindi ba nababatid ng Allah ang mga mapagpasalamat?
وَإِذَا جَآءَكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِنَا فَقُلۡ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡۖ كَتَبَ رَبُّكُمۡ عَلَىٰ نَفۡسِهِ ٱلرَّحۡمَةَ أَنَّهُۥ مَنۡ عَمِلَ مِنكُمۡ سُوٓءَۢا بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ تَابَ مِنۢ بَعۡدِهِۦ وَأَصۡلَحَ فَأَنَّهُۥ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 6:54At kapag yaong mga naniniwala sa Aming mga ayaat [kapahayagan] ay magsilapit sa iyo, sabihin mo [sa kanila]: “Salamun alaikum [kapayapaan ay sumainyo], ang inyong Panginoon ay nagtakda sa Kanyang Sarili ng habag - na sinuman sa inyo ang magkamali sanhi ng kamangmangan [at] pagkaraan ay nagsisi at itinuwid [ang kanyang sarili] - katiyakan, Siya ay Mapagpatawad, Maawain.”
وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ وَلِتَسۡتَبِينَ سَبِيلُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 6:55At ganyan nga Namin masusing ipinaliliwanag ang mga ayaat [kapahayagan] upang maging malinaw ang [kaibahan ng] landas ng mga mapaggawa ng kabuktutan.
قُلۡ إِنِّي نُهِيتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۚ قُل لَّآ أَتَّبِعُ أَهۡوَآءَكُمۡ قَدۡ ضَلَلۡتُ إِذٗا وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُهۡتَدِينَ
Open ayah 6:56Sabihin: “Katotohanan, ako ay pinagbawalang sumamba sa inyong mga dinadalanginan bukod sa Allah.” Sabihin: “Hindi ko susundin ang inyong mga [walang kabuluhang] hangarin sapagka’t kung magkagayon, ako ay maliligaw at ako ay hindi mapabibilang sa mga [matwid na] napatnubayan.
قُلۡ إِنِّي عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَكَذَّبۡتُم بِهِۦۚ مَا عِندِي مَا تَسۡتَعۡجِلُونَ بِهِۦٓۚ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِۖ يَقُصُّ ٱلۡحَقَّۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡفَٰصِلِينَ
Open ayah 6:57Sabihin : “Katotohanan, ako ay nasa malinaw na katibayan mula sa aking Panginoon, subali’t ito ay inyong itinakwil. Wala ako nitong alinmang inyong minamadali. Ang kapasiyahan ay sa Allah lamang, Kanyang isinasalaysay ang katotohanan at Siya ang Pinakamahusay sa [lahat ng] mga Tagapagpasiya.”
قُل لَّوۡ أَنَّ عِندِي مَا تَسۡتَعۡجِلُونَ بِهِۦ لَقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۗ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 6:58Sabihin: “Kung ako ay mayroon lamang nitong alinmang inyong minamadali, marahil ang pangyayaring ito ay [malaon nang] napagpasiyahan sa aking pagitan at sa inyong pagitan, subali’t nababatid ng Allah ang mga mapaggawa ng kamalian.”
۞وَعِندَهُۥ مَفَاتِحُ ٱلۡغَيۡبِ لَا يَعۡلَمُهَآ إِلَّا هُوَۚ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِۚ وَمَا تَسۡقُطُ مِن وَرَقَةٍ إِلَّا يَعۡلَمُهَا وَلَا حَبَّةٖ فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡأَرۡضِ وَلَا رَطۡبٖ وَلَا يَابِسٍ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٖ
Open ayah 6:59At nasa Kanyang [pagmamay-ari] ang mga susi ng Ghaib, walang nakaaalam sa mga ito maliban sa Kanya. At Kanyang nababatid ang anumang nasa kalupaan at karagatan; walang napipigtal na dahon, maliban na ito ay Kanyang nababatid, walang isang butil [o buto] sa kadiliman ng kalupaan at walang anumang sariwa o natutuyot [na bagay], maliban na ito ay nakatala sa malinaw na aklat.
وَهُوَ ٱلَّذِي يَتَوَفَّىٰكُم بِٱلَّيۡلِ وَيَعۡلَمُ مَا جَرَحۡتُم بِٱلنَّهَارِ ثُمَّ يَبۡعَثُكُمۡ فِيهِ لِيُقۡضَىٰٓ أَجَلٞ مُّسَمّٗىۖ ثُمَّ إِلَيۡهِ مَرۡجِعُكُمۡ ثُمَّ يُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 6:60At Siya ang kumukuha ng inyong mga kaluluwa sa [oras ng] gabi [kapag kayo ay natutulog] at [Siya ay] may kaalaman sa lahat ng inyong ginagawa sa maghapon, pagkaraan kayo ay Kanyang ibinabangon [ginigising] muli upang ang isang itinakdang panahon ay maisakatuparan, pagkaraan sa Kanya ang inyong pagbabalik. At pagkaraan ay Kanyang ipagbibigay-alam sa inyo ang anumang inyong lagi nang ginagawa.
وَهُوَ ٱلۡقَاهِرُ فَوۡقَ عِبَادِهِۦۖ وَيُرۡسِلُ عَلَيۡكُمۡ حَفَظَةً حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ تَوَفَّتۡهُ رُسُلُنَا وَهُمۡ لَا يُفَرِّطُونَ
Open ayah 6:61Siya ang Tagapagsupil ng Kanyang mga alipin at Siya ay nagpapadala ng mga tagapagbantay [na anghel] sa inyo, hanggang kapag ang kamatayan ay dumating sa isa sa inyo, siya ay kukunin ng Aming mga sugong [anghel]. At kailanman sila ay hindi nagpapabaya [sa kanilang mga tungkulin].
ثُمَّ رُدُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ مَوۡلَىٰهُمُ ٱلۡحَقِّۚ أَلَا لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَهُوَ أَسۡرَعُ ٱلۡحَٰسِبِينَ
Open ayah 6:62Pagkaraan sila ay ibabalik sa Allah, [Siya] ang kanilang Maula [o Tagapagtanggol], ang tunay na Panginoon. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] Paghuhukom at Siya ang Maagap sa pagtutuos [ng mga gawa].
قُلۡ مَن يُنَجِّيكُم مِّن ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ تَدۡعُونَهُۥ تَضَرُّعٗا وَخُفۡيَةٗ لَّئِنۡ أَنجَىٰنَا مِنۡ هَٰذِهِۦ لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ
Open ayah 6:63Sabihin: “Sino ba ang nagligtas sa inyo sa mga kadiliman [o panganib] ng lupa at karagatan kapag kayo ay nagmamakaawang nananawagan sa Kanya nang malakas at sarilinan: ‘At kung kami lamang ay Kanyang ililigtas mula rito [sa panganib], tunay na kami ay magiging mapagpasalamat.’”
قُلِ ٱللَّهُ يُنَجِّيكُم مِّنۡهَا وَمِن كُلِّ كَرۡبٖ ثُمَّ أَنتُمۡ تُشۡرِكُونَ
Open ayah 6:64Sabihin: “Ang Allah ang Siyang nagligtas sa inyo mula rito at mula sa lahat ng [iba pang] mga panganib [o kapahamakan] subali’t [sa kabila nito] kayo ay nagtatambal ng iba bukod sa Kanya.”
قُلۡ هُوَ ٱلۡقَادِرُ عَلَىٰٓ أَن يَبۡعَثَ عَلَيۡكُمۡ عَذَابٗا مِّن فَوۡقِكُمۡ أَوۡ مِن تَحۡتِ أَرۡجُلِكُمۡ أَوۡ يَلۡبِسَكُمۡ شِيَعٗا وَيُذِيقَ بَعۡضَكُم بَأۡسَ بَعۡضٍۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَفۡقَهُونَ
Open ayah 6:65Sabihin: “Siya ang [Isang] may kakayahan [makapangyarihan] upang magpadala ng parusa sa inyo mula sa inyong itaas o mula sa ilalim ng inyong mga paa o kaya ay lituhin kayo [upang kayo ay magkahiwa- hiwalay at] maging mga sekta, at inyong malasap ang karahasan ng isa’t isa.” Tunghayan kung paano nga Namin iniba-iba [ang paraan ng pagpapaliwanag] ng mga ayaat [kapahayagan] upang sakali sila ay [matutong] makaunawa.
وَكَذَّبَ بِهِۦ قَوۡمُكَ وَهُوَ ٱلۡحَقُّۚ قُل لَّسۡتُ عَلَيۡكُم بِوَكِيلٖ
Open ayah 6:66Subali’t ito [ang Qurán] ay itinakwil ng iyong mga mamamayan [O Muhammad] bagaman ito ang katotohanan. Sabihin mo, “Ako ay hindi isang tagapangasiwa sa inyo.”
لِّكُلِّ نَبَإٖ مُّسۡتَقَرّٞۚ وَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Open ayah 6:67Sa bawa’t balita [o pangyayari], ay may isang takdang kaganapan [o kabayaran] at [hindi maglalaon ito] ay inyong mapag-aalaman.
وَإِذَا رَأَيۡتَ ٱلَّذِينَ يَخُوضُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ يَخُوضُواْ فِي حَدِيثٍ غَيۡرِهِۦۚ وَإِمَّا يُنسِيَنَّكَ ٱلشَّيۡطَٰنُ فَلَا تَقۡعُدۡ بَعۡدَ ٱلذِّكۡرَىٰ مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 6:68At kung iyong makikita [O, Muhammad] yaong mga nakikipagtalo [nang may panunuya] hinggil sa Aming mga kapahayagan [ng Qur’an], ikaw ay lumayo sa kanila hanggang kanilang baguhin ang paksa. At kung ipag-adya ng satanas na ikaw ay makalimot, huwag kang manatiling nakikiupo sa mga taong mapaggawa ng kamalian pagkaraan mong maalala.
وَمَا عَلَى ٱلَّذِينَ يَتَّقُونَ مِنۡ حِسَابِهِم مِّن شَيۡءٖ وَلَٰكِن ذِكۡرَىٰ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Open ayah 6:69At yaong mga natatakot sa Allah ay hindi mananagot para sa kanila [sa mga di-naniniwala] ng anupaman, sapagka’t [ang kanilang tungkulin ay para lamang] magpaalala – upang sakali sila ay matakot sa Kanya.
وَذَرِ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ دِينَهُمۡ لَعِبٗا وَلَهۡوٗا وَغَرَّتۡهُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ وَذَكِّرۡ بِهِۦٓ أَن تُبۡسَلَ نَفۡسُۢ بِمَا كَسَبَتۡ لَيۡسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٞ وَلَا شَفِيعٞ وَإِن تَعۡدِلۡ كُلَّ عَدۡلٖ لَّا يُؤۡخَذۡ مِنۡهَآۗ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ أُبۡسِلُواْ بِمَا كَسَبُواْۖ لَهُمۡ شَرَابٞ مِّنۡ حَمِيمٖ وَعَذَابٌ أَلِيمُۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡفُرُونَ
Open ayah 6:70At iyong lisanin yaong mga nagtuturing sa kanilang relihiyon [bilang] isang laro at libangan; at [sapagka’t] sila ay nalinlang ng makamundong buhay subali’t [sila ay] paalalahanan mo sa pamamagitan nito [ng Qur’an] upang huwag na di-masadlak sa kapariwaraan ang isang kaluluwa para sa anumang pinagsumikapan nito. [Ang kaluluwang ito ay] hindi magkakaroon ng tagapagtanggol at tagapamagitan bukod sa Allah. At kung ito ay mag-aalok ng lahat ng pantubos, ito ay hindi kukuhanin mula sa kanya [sa kaluluwang ito]. Sila yaong mga nasadlak sa kapariwaraan nang dahil sa anupamang [kasamaang] kanilang pinagsumikapan. Sa kanila ay isang inumin mula sa kumukulong tubig at isang mahapding parusa sapagka’t sila ay lagi nang di-naniniwala.
قُلۡ أَنَدۡعُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُنَا وَلَا يَضُرُّنَا وَنُرَدُّ عَلَىٰٓ أَعۡقَابِنَا بَعۡدَ إِذۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ كَٱلَّذِي ٱسۡتَهۡوَتۡهُ ٱلشَّيَٰطِينُ فِي ٱلۡأَرۡضِ حَيۡرَانَ لَهُۥٓ أَصۡحَٰبٞ يَدۡعُونَهُۥٓ إِلَى ٱلۡهُدَى ٱئۡتِنَاۗ قُلۡ إِنَّ هُدَى ٱللَّهِ هُوَ ٱلۡهُدَىٰۖ وَأُمِرۡنَا لِنُسۡلِمَ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 6:71Sabihin: “Kami ba ay mananawagan sa iba bukod sa Allah, na hindi man lang makapagbibigay sa amin ng buti o ng pinsala ? At kami ba ay babalik sa aming mga [dating] yapak [ng pagkaligaw] pagkaraang kami ay patnubayan ng Allah? [Kung mangyari man ang gayon, kami ay magiging] katulad ng isang inudyukan ng mga demonyo [na maglakbay] sa lupain nang litung-lito, [samantalang] mayroon siyang mga kasamahan na nag- aanyaya sa kanya tungo sa patnubay [na nagsasabing]: ‘Halina kayo sa amin.’” Sabihin: “Katotohanan, ang patnubay ng Allah ang siyang tunay
وَأَنۡ أَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّقُوهُۚ وَهُوَ ٱلَّذِيٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
Open ayah 6:72At magsagawa kayo ng pagdarasal at matakot sa Allah.” At sa Kanya, kayo ay titipuning [lahat upang magsulit sa lahat ng inyong mga ginawa].
وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۖ وَيَوۡمَ يَقُولُ كُن فَيَكُونُۚ قَوۡلُهُ ٱلۡحَقُّۚ وَلَهُ ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِۚ عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡخَبِيرُ
Open ayah 6:73At Siya ang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan nang makatotohanan, at sa araw [o sa tuwinang] Siya ay magsabing: “Maging,” kaya nangyayari, [sapagka’t] ang Kanyang Salita ay Katotohanan. Nasa Kanya ang kapamahalaan ng Araw [na iyon] na ang tambuli ay hihipan. [Ang] Maalam ng di-nakikita at ng nakikita [nasasaksihan]. At Siya ang Tigib ng Karunungan, ang Lubos na Nakababatid.
۞وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ ءَازَرَ أَتَتَّخِذُ أَصۡنَامًا ءَالِهَةً إِنِّيٓ أَرَىٰكَ وَقَوۡمَكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Open ayah 6:74At [banggitin mo] nang sabihin ni Abraham sa kanyang amang si Azar. “Itinuturing mo ba ang mga idolo [rebultong] ito bilang mga diyos? Katotohanan, aking nakikita na ikaw at ang iyong mga mamamayan ay nasa hayag na kamalian.”
وَكَذَٰلِكَ نُرِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ مَلَكُوتَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلِيَكُونَ مِنَ ٱلۡمُوقِنِينَ
Open ayah 6:75At ganyan nga Namin ipinakita kay Abraham ang sakop na kapamahalaan [o ang malawak na kaharian] ng mga kalangitan at ng kalupaan upang siya ay mapabilang sa mga [hanay ng] may katiyakan [sa pananampalataya].
فَلَمَّا جَنَّ عَلَيۡهِ ٱلَّيۡلُ رَءَا كَوۡكَبٗاۖ قَالَ هَٰذَا رَبِّيۖ فَلَمَّآ أَفَلَ قَالَ لَآ أُحِبُّ ٱلۡأٓفِلِينَ
Open ayah 6:76Kaya nang ang gabi ay bumalot sa kanya [sa kadiliman], kanyang natanaw ang isang bituin. Siya ay nagsabi:“Ito ang aking panginoon.” Subali’t nang ito’y maglaho, siya ay nagsabi: “Hindi ko kinalulugdan ang naglalaho.”
فَلَمَّا رَءَا ٱلۡقَمَرَ بَازِغٗا قَالَ هَٰذَا رَبِّيۖ فَلَمَّآ أَفَلَ قَالَ لَئِن لَّمۡ يَهۡدِنِي رَبِّي لَأَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلضَّآلِّينَ
Open ayah 6:77Kaya nang kanyang matanaw ang sumisikat na buwan, siya ay nagsabi: “Ito ang aking panginoon.” Subali’t nang ito ay lumubog, siya ay nagsabi: “Kung hindi lamang ako napatnubayan ng aking Panginoon, katiyakang ako’y mapabibilang sa [hanay ng] mga taong nangaligaw.”
فَلَمَّا رَءَا ٱلشَّمۡسَ بَازِغَةٗ قَالَ هَٰذَا رَبِّي هَٰذَآ أَكۡبَرُۖ فَلَمَّآ أَفَلَتۡ قَالَ يَٰقَوۡمِ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُشۡرِكُونَ
Open ayah 6:78Kaya nang kanyang matanaw ang sumisikat na araw, siya ay nagsabi: “Ito ang aking panginoon.” Ito ay higit na malaki. Nguni’t nang ito ay lumubog, siya ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, katotohanang ako ay malaya [at walang kaugnayan] sa anumang inyong itinatambal [sa Allah].
إِنِّي وَجَّهۡتُ وَجۡهِيَ لِلَّذِي فَطَرَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ حَنِيفٗاۖ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 6:79Katotohanan, aking ibinaling ang aking mukha sa [pagsamba sa] Kanya na Siyang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan, [ako ay] Hanif [sumasamba lamang sa Allah] at ako ay hindi kabilang sa [hanay ng] mga nagtatambal.”
وَحَآجَّهُۥ قَوۡمُهُۥۚ قَالَ أَتُحَٰٓجُّوٓنِّي فِي ٱللَّهِ وَقَدۡ هَدَىٰنِۚ وَلَآ أَخَافُ مَا تُشۡرِكُونَ بِهِۦٓ إِلَّآ أَن يَشَآءَ رَبِّي شَيۡـٔٗاۚ وَسِعَ رَبِّي كُلَّ شَيۡءٍ عِلۡمًاۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ
Open ayah 6:80At nakipagtalo sa kanya ang kanyang mga mamamayan. Siya ay nagsabi: “Kayo ay nakikipagtalo sa akin hinggil sa Allah samantalang ako ay Kanyang pinatnubayan, at hindi ko kinatatakutan yaong inyong mga itinatambal [sa Kanya]. [Walang magaganap sa akin] maliban kung pahintulutan ng aking Panginoon ang anupaman. Saklaw ng Kaalaman ng aking Panginoon ang lahat ng bagay. Hindi nga ba kayo, kung gayon, makaaalaala?
وَكَيۡفَ أَخَافُ مَآ أَشۡرَكۡتُمۡ وَلَا تَخَافُونَ أَنَّكُمۡ أَشۡرَكۡتُم بِٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ عَلَيۡكُمۡ سُلۡطَٰنٗاۚ فَأَيُّ ٱلۡفَرِيقَيۡنِ أَحَقُّ بِٱلۡأَمۡنِۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Open ayah 6:81At paano ko katatakutan ang inyong mga itinatambal [sa Allah], gayong hindi ninyo kinatatakutan ang magtambal ng anupaman sa Allah [sa kabila ng katotohanang] wala naman Siyang ipinahayag [o ibinabang] anumang kapahintulutan [o batayan hinggil dito]? [Kaya] alin kaya sa dalawang pangkat ang may higit na karapatan sa kaligtasan, kung ito ay inyong nababatid?”
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَمۡ يَلۡبِسُوٓاْ إِيمَٰنَهُم بِظُلۡمٍ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلۡأَمۡنُ وَهُم مُّهۡتَدُونَ
Open ayah 6:82[Ang may karapatan sa kaligtasan ay] yaong mga naniniwala at hindi hinahaluan ang kanilang paniniwala ng kamalian, sila yaong may kaligtasan at sila ay [matwid na] napatnubayan.
وَتِلۡكَ حُجَّتُنَآ ءَاتَيۡنَٰهَآ إِبۡرَٰهِيمَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦۚ نَرۡفَعُ دَرَجَٰتٖ مَّن نَّشَآءُۗ إِنَّ رَبَّكَ حَكِيمٌ عَلِيمٞ
Open ayah 6:83At iyon ang Aming [matibay na] katuwirang Aming ipinagkaloob kay Abraham laban sa kanyang mga mamamayan. Aming itinataas sa mga antas [ng karangalan] ang sinumang Aming naisin. Katiyakan, ang iyong Panginoon ay Tigib ng Karunungan, Maalam.
وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَۚ كُلًّا هَدَيۡنَاۚ وَنُوحًا هَدَيۡنَا مِن قَبۡلُۖ وَمِن ذُرِّيَّتِهِۦ دَاوُۥدَ وَسُلَيۡمَٰنَ وَأَيُّوبَ وَيُوسُفَ وَمُوسَىٰ وَهَٰرُونَۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 6:84At Aming iginawad para sa kanya [kay Abraham] sina Isaak at Hakob, lahat sila ay Aming pinatnubayan. At Aming naunang pinatnubayan si Noah at kabilang sa kanyang mga lahi ay sina David, Solomon, Hob, Joseph, Moises at Aaron. Ganyan Namin ginagantimpalaan [o binabayaran] ang mga mapaggawa ng mga kabutihan.
وَزَكَرِيَّا وَيَحۡيَىٰ وَعِيسَىٰ وَإِلۡيَاسَۖ كُلّٞ مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 6:85At sina Zakarias, at Juan at Hesus at Elias [Ilyas], silang lahat ay kabilang mula sa [hanay ng] mga matutuwid.
وَإِسۡمَٰعِيلَ وَٱلۡيَسَعَ وَيُونُسَ وَلُوطٗاۚ وَكُلّٗا فَضَّلۡنَا عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 6:86At sina Ismael, at Al Yasa [Elisha] at Jonah at Lot, silang lahat ay Aming itinangi nang higit sa lahat ng mga nilikha [sa kanilang panahon].
وَمِنۡ ءَابَآئِهِمۡ وَذُرِّيَّٰتِهِمۡ وَإِخۡوَٰنِهِمۡۖ وَٱجۡتَبَيۡنَٰهُمۡ وَهَدَيۡنَٰهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 6:87At [ang ibang] kabilang sa kanilang mga ninuno at sa kanilang mga supling at sa kanilang mga kapatid, ay Aming pinili at sila ay Aming pinatnubayan sa isang matuwid na landas [ang relihiyong Islam].
ذَٰلِكَ هُدَى ٱللَّهِ يَهۡدِي بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۚ وَلَوۡ أَشۡرَكُواْ لَحَبِطَ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 6:88Iyan ang patnubay ng Allah na Kanyang ipinapatnubay sa sinumang Kanyang nais sa Kanyang mga alipin. Subali’t, kung sila ay nagtambal ng iba bukod sa Allah, lahat ng kanilang ginawa ay walang kabuluhan para sa kanila.
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَۚ فَإِن يَكۡفُرۡ بِهَا هَٰٓؤُلَآءِ فَقَدۡ وَكَّلۡنَا بِهَا قَوۡمٗا لَّيۡسُواْ بِهَا بِكَٰفِرِينَ
Open ayah 6:89Sila [mga propetang nabanggit] ay yaong Aming mga pinagkalooban ng kasulatan, karunungan, at [tungkulin ng] pagka-propeta. Subali’t kung sila ay hindi naniniwala roon, magkagayon tunay na Aming ipinagkatiwala ito sa mamamayan na hindi [kabilang sa hanay ng] mga di-naniniwala rito.
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ هَدَى ٱللَّهُۖ فَبِهُدَىٰهُمُ ٱقۡتَدِهۡۗ قُل لَّآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًاۖ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 6:90Sila yaong mga pinatnubayan ng Allah, kaya mula sa kanilang patnubay, kayo ay kumuha ng isang halimbawa [na dapat pamarisan]. Sabihin: “Ako ay walang hinihinging gantimpala sa inyo para rito [sa Qur’an]. Ito ay isa lamang paalala para sa lahat ng mga nilikha.”
وَمَا قَدَرُواْ ٱللَّهَ حَقَّ قَدۡرِهِۦٓ إِذۡ قَالُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَىٰ بَشَرٖ مِّن شَيۡءٖۗ قُلۡ مَنۡ أَنزَلَ ٱلۡكِتَٰبَ ٱلَّذِي جَآءَ بِهِۦ مُوسَىٰ نُورٗا وَهُدٗى لِّلنَّاسِۖ تَجۡعَلُونَهُۥ قَرَاطِيسَ تُبۡدُونَهَا وَتُخۡفُونَ كَثِيرٗاۖ وَعُلِّمۡتُم مَّا لَمۡ تَعۡلَمُوٓاْ أَنتُمۡ وَلَآ ءَابَآؤُكُمۡۖ قُلِ ٱللَّهُۖ ثُمَّ ذَرۡهُمۡ فِي خَوۡضِهِمۡ يَلۡعَبُونَ
Open ayah 6:91At hindi nila nagawang pahalagahan ang [kadakilaan ng] Allah sa pagpapahalagang nararapat na iukol sa Kanya nang sila ay magsabing: “Hindi nagpahayag ang Allah sa kaninumang tao ng anupamang bagay.” Sabihin: “Sino ba, kung gayon, ang nagpahayag sa kasulatang dinala ni Moises, bilang liwanag at patnubay sa tao? Ito ay inyong nagawang [paghiwa-hiwalayin] sa mga pahina, ipinakikita [ang ilan dito] at itinatago ang karamihan. At kayo ay tinuruan ng anumang hindi ninyo nababatid – kayo at ng inyong mga ama [ninuno].” Sabihin mo [sa kanila]: “Ang Allah [ang nagpahayag nito].” Kaya, sila ay iyong iwanan sa kanilang mga [walang kabuluhang] pagtatalo, ginagawang libangan para sa kanilang mga sarili.
وَهَٰذَا كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ مُبَارَكٞ مُّصَدِّقُ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَلِتُنذِرَ أُمَّ ٱلۡقُرَىٰ وَمَنۡ حَوۡلَهَاۚ وَٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۖ وَهُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
Open ayah 6:92At ito ang Aklat [ang Qur’an] na Aming ibinaba [o ipinahayag], pinagpala at nagpapatunay sa mga [kapahayagang] nauna rito, upang iyong paalalahanan ang Inang Bayan [Makkah] at ang lahat ng karatig [na pook] nito. Yaong mga naniniwala [tungkol] sa kabilang buhay ay naniniwala rito [sa Qur’an] at sila ay [matiyagang] pinangangalagaan ang kanilang mga pagdarasal.
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ قَالَ أُوحِيَ إِلَيَّ وَلَمۡ يُوحَ إِلَيۡهِ شَيۡءٞ وَمَن قَالَ سَأُنزِلُ مِثۡلَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُۗ وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلظَّٰلِمُونَ فِي غَمَرَٰتِ ٱلۡمَوۡتِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ بَاسِطُوٓاْ أَيۡدِيهِمۡ أَخۡرِجُوٓاْ أَنفُسَكُمُۖ ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ وَكُنتُمۡ عَنۡ ءَايَٰتِهِۦ تَسۡتَكۡبِرُونَ
Open ayah 6:93At sino ba ang di-makatarungang higit kaysa sa kanya na naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah o nagsasabing: “Ang isang kapahayagan ay dumating sa akin.” Samantalang walang anumang kapahayagang dumating sa kanya: at sa kanya na nagsasabing “Ipahahayag ko ang katulad ng anumang ipinahayag ng Allah.” At kung magagawa mong masilayan kapag ang mga mapaggawa ng kamalian ay nasa kasakit-sakit na [paghihingalo] kamatayan, habang ang mga anghel ay nag-uunat ng kanilang mga kamay [at nagsasabing] ilabas ninyo ang inyong mga kaluluwa! Ngayon, kayo’y pagbabayarin ng [masidhing] parusa nang dahil sa lagi ninyong sinasabi laban sa Allah bukod sa katotohanan. At kayo ay lagi nang mapagmalaki sa Kanyang mga ayaat [kapahayagan].
وَلَقَدۡ جِئۡتُمُونَا فُرَٰدَىٰ كَمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَتَرَكۡتُم مَّا خَوَّلۡنَٰكُمۡ وَرَآءَ ظُهُورِكُمۡۖ وَمَا نَرَىٰ مَعَكُمۡ شُفَعَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُمۡ أَنَّهُمۡ فِيكُمۡ شُرَكَٰٓؤُاْۚ لَقَد تَّقَطَّعَ بَيۡنَكُمۡ وَضَلَّ عَنكُم مَّا كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
Open ayah 6:94At katiyakan, kayo ay nagsirating sa Amin nang nag-iisa [walang dalang yaman, kaibigan o anupaman] tulad [din] nang kayo ay Aming unang likhain. Inyong iniwan ang anumang Aming iginawad sa inyo sa buhay na inyong tinalikuran [ang buhay sa mundo]. Hindi Namin nakikitang kasama ninyo ang inyong mga [inaakalang] ‘tagapamagitan’ na inyong inaangking sila ay kabilang sa mga katambal [ng Allah]. [Ang lahat ng ugnayan ay] naputol sa pagitan ninyo at nawala mula sa inyo ang anumang lagi ninyong iniuugnay [o sinasabi].
۞إِنَّ ٱللَّهَ فَالِقُ ٱلۡحَبِّ وَٱلنَّوَىٰۖ يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَمُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتِ مِنَ ٱلۡحَيِّۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Open ayah 6:95Katotohanan, ang Allah ang Siyang nagpabuka ng mga binhi at mga buto [ng datiles]. Kanyang ginagawang lumabas ang buhay mula sa [dati ay] patay at Siya ang nagpapalabas ng patay mula sa [dating may] buhay. Iyan ang Allah, kaya paano nga ba’t kayo ay nalinlang [mula sa katotohanan]?
فَالِقُ ٱلۡإِصۡبَاحِ وَجَعَلَ ٱلَّيۡلَ سَكَنٗا وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ حُسۡبَانٗاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Open ayah 6:96[Siya] ang nagpasinag ng bukang-liwayway. Kanyang ginawa ang gabi para sa pamamahinga, at ang araw at buwan para sa pagbibilang. Iyan ang panukat [ng Allah], ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maalam.
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلنُّجُومَ لِتَهۡتَدُواْ بِهَا فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِۗ قَدۡ فَصَّلۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 6:97At Siya ang gumawa sa mga bituin upang inyong maging tanglaw sa inyong paglalakbay sa gitna ng mga kadiliman sa kalupaan at karagatan. At tunay na Aming masusing ipinaliwanag ang Aming mga ayaat [kapahayagan] para sa mga taong nakaaalam.
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ فَمُسۡتَقَرّٞ وَمُسۡتَوۡدَعٞۗ قَدۡ فَصَّلۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَفۡقَهُونَ
Open ayah 6:98At Siya ang lumikha sa inyo mula sa isang tao [si Adan] at [nagbibigay sa inyo] ng pook na paninirahan [sa sinapupunan ng mga ina] at pook na imbakan [ng semilya sa bahaging gulugod ng lalaki]. Katotohanan, Aming masusing ipinaliwanag ang Aming mga Kapahayagan [ang Qur’an] para sa mga taong nakauunawa.
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦ نَبَاتَ كُلِّ شَيۡءٖ فَأَخۡرَجۡنَا مِنۡهُ خَضِرٗا نُّخۡرِجُ مِنۡهُ حَبّٗا مُّتَرَاكِبٗا وَمِنَ ٱلنَّخۡلِ مِن طَلۡعِهَا قِنۡوَانٞ دَانِيَةٞ وَجَنَّٰتٖ مِّنۡ أَعۡنَابٖ وَٱلزَّيۡتُونَ وَٱلرُّمَّانَ مُشۡتَبِهٗا وَغَيۡرَ مُتَشَٰبِهٍۗ ٱنظُرُوٓاْ إِلَىٰ ثَمَرِهِۦٓ إِذَآ أَثۡمَرَ وَيَنۡعِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكُمۡ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 6:99At Siya ang nagbaba ng tubig [ulan] mula sa kalangitan at Aming pinasibol sa pamamagitan nito ang lahat ng tumutubong bagay. At Aming pinasibol mula rito ang mga luntiang pananim na kung saan ay Aming
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ شُرَكَآءَ ٱلۡجِنَّ وَخَلَقَهُمۡۖ وَخَرَقُواْ لَهُۥ بَنِينَ وَبَنَٰتِۭ بِغَيۡرِ عِلۡمٖۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يَصِفُونَ
Open ayah 6:100Datapwa’t, sila ay nag-akibat sa Allah ng mga katambal – ang mga jinn, bagaman ang mga ito [jinn] ay Kanyang nilikha [lamang]. At [gayun din] sila ay nag-akibat para sa Kanya ng mga anak na lalaki at mga anak na babae nang walang kaalaman. Luwalhati sa Kanya at sadyang [Siya ay] Mataas nang higit kaysa sa anupamang [kasamaang] kanilang iniaakibat [sa Kanya].
بَدِيعُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُۥ وَلَدٞ وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ صَٰحِبَةٞۖ وَخَلَقَ كُلَّ شَيۡءٖۖ وَهُوَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Open ayah 6:101[Siya ang] Tagapagsimula ng mga kalangitan at ng kalupaan. Paano Siya nagkaroon ng isang anak na lalaki gayong Siya ay walang kasama [asawa]? At Kanyang nilikha ang lahat ng bagay at Siya ang Maalam sa lahat ng bagay.
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ فَٱعۡبُدُوهُۚ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ
Open ayah 6:102Iyan ang Allah, ang inyong Panginoon, walang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Kaya, sambahin Siya [tanging Siya lamang], at Siya ang Tagapangasiwa sa lahat ng bagay.
لَّا تُدۡرِكُهُ ٱلۡأَبۡصَٰرُ وَهُوَ يُدۡرِكُ ٱلۡأَبۡصَٰرَۖ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلۡخَبِيرُ
Open ayah 6:103Walang mga paningin ang makapanghahawak [o makakasaklaw] sa Kanya, nguni’t Kanyang napanghahawakan [o nasasaklawan] ang [lahat ng] paningin. Siya ang Mabait, ang Lubos na Nakababatid.
قَدۡ جَآءَكُم بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَنۡ أَبۡصَرَ فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ عَمِيَ فَعَلَيۡهَاۚ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيۡكُم بِحَفِيظٖ
Open ayah 6:104Katiyakan, dumating na sa inyo ang mga malilinaw na katibayan mula sa inyong Panginoon. Kaya sinuman ang makakita [nito] ay kanyang ginawa [ito] para sa [kabutihan ng] kanyang sarili, at sinuman ang bulag [ay nakagawa ng pinsala] laban dito, at [sabihin mo]: “Ako ay hindi [itinalaga bilang] inyong tagapagbantay.”
وَكَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ وَلِيَقُولُواْ دَرَسۡتَ وَلِنُبَيِّنَهُۥ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 6:105At ganyan nga Namin pinag-iba-iba ang mga kapahayagan kaya sila [mga di-naniniwala] ay magsasabing: “Ikaw ay nakapag-aral,” at upang Aming gawing malinaw [ang Qur’an] para sa mga taong nakaaalam.
ٱتَّبِعۡ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 6:106Sumunod ka sa anumang ipinahayag sa iyo [O Muhammad] mula sa iyong Panginoon, walang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya at [iyong] layuan ang mga nagtatambal [sa Allah sa pagsamba].
وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَآ أَشۡرَكُواْۗ وَمَا جَعَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظٗاۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِوَكِيلٖ
Open ayah 6:107At kung ninais lamang ng Allah, marahil hindi nila nagawang magtambal [ng iba bukod sa Kanya]. At ikaw ay hindi itinalaga bilang kanilang tagapagbantay at [ikaw ay] hindi [itinalaga bilang] tagapangasiwa nila.
وَلَا تَسُبُّواْ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ فَيَسُبُّواْ ٱللَّهَ عَدۡوَۢا بِغَيۡرِ عِلۡمٖۗ كَذَٰلِكَ زَيَّنَّا لِكُلِّ أُمَّةٍ عَمَلَهُمۡ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِم مَّرۡجِعُهُمۡ فَيُنَبِّئُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 6:108At huwag ninyong alipustain yaong [mga huwad na diyos na] kanilang sinasamba bukod sa Allah, baka sa kanilang galit ay kanilang alipustain ang Allah nang walang kaalaman. Ganyan Namin ginawang kaaya-aya sa bawa’t pamayanan ang kanilang sariling mga gawa. Pagkaraan, ang kanilang pagbabalik ay sa kanilang Panginoon at Kanyang ipagbibigay-alam sa kanila ang anumang kanilang lagi nang ginagawa.
وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَئِن جَآءَتۡهُمۡ ءَايَةٞ لَّيُؤۡمِنُنَّ بِهَاۚ قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡأٓيَٰتُ عِندَ ٱللَّهِۖ وَمَا يُشۡعِرُكُمۡ أَنَّهَآ إِذَا جَآءَتۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 6:109At sila ay sumusumpa ng pinakamatinding panunumpa sa [Ngalan ng] Allah, na kung may dumating sa kanilang ayah [o kapahayagan], katiyakan sila ay maniniwala rito. Sabihin: “Ang mga ayaat [o kapahayagan] ay [nagmula lamang] sa Allah.” At ano ba ang inyong kamalayan na kapag ito [ang kapahayagan] ay dumating, sila ay hindi pa rin maniniwala?
وَنُقَلِّبُ أَفۡـِٔدَتَهُمۡ وَأَبۡصَٰرَهُمۡ كَمَا لَمۡ يُؤۡمِنُواْ بِهِۦٓ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَنَذَرُهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Open ayah 6:110At Aming ililihis [o babaligtarin] ang kanilang mga puso at ang kanilang mga paningin [mula sa patnubay] tulad ng kanilang pagtutol na maniwala rito [sa kapahayagan ng Qur’an] sa unang pagkakataon, at sila ay Aming hahayaan sa kanilang [patuloy na] pagsuway, [upang sila ay] bulag na magpalabuy-laboy [sa kawalan].
۞وَلَوۡ أَنَّنَا نَزَّلۡنَآ إِلَيۡهِمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ وَكَلَّمَهُمُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَحَشَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ كُلَّ شَيۡءٖ قُبُلٗا مَّا كَانُواْ لِيُؤۡمِنُوٓاْ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ يَجۡهَلُونَ
Open ayah 6:111At kung Aming ibinaba sa kanila ang mga anghel [na may dalang mensahe], at ang mga patay ay mangusap sa kanila [tungkol dito], at Aming tipuning sama-sama ang lahat ng [nilikhang] bagay sa kanilang harapan, sila ay hindi rin maniniwala maliban na ito ay pahintulutan ng Allah. Subali’t karamihan sa kanila ay mangmang [hinggil dito].
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوّٗا شَيَٰطِينَ ٱلۡإِنسِ وَٱلۡجِنِّ يُوحِي بَعۡضُهُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٖ زُخۡرُفَ ٱلۡقَوۡلِ غُرُورٗاۚ وَلَوۡ شَآءَ رَبُّكَ مَا فَعَلُوهُۖ فَذَرۡهُمۡ وَمَا يَفۡتَرُونَ
Open ayah 6:112At ganyan nga Kami gumawa para sa bawa't propeta ng kaaway – mga demonyo sa [lipon ng] sangkatauhan at jinn, na nagbibigay-sigla sa isa’t isa [sa pamamagitan] ng pinalamutiang salita na nakapanlilinlang. At kung ito lamang ay pinahintulutan ng iyong Panginoon, marahil ito ay hindi nila nagawa; kaya sila ay iyong hayaan at ang anumang kanilang paglulubid [ng mga kasinungalingan].
وَلِتَصۡغَىٰٓ إِلَيۡهِ أَفۡـِٔدَةُ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ وَلِيَرۡضَوۡهُ وَلِيَقۡتَرِفُواْ مَا هُم مُّقۡتَرِفُونَ
Open ayah 6:113At [ito ay] upang ang mga puso niyaong mga di-naniniwala [tungkol] sa kabilang buhay ay humilig sa gayong [salitang nakapanlilinlang], at upang sila ay masiyahan dito at kanilang [patuloy na] pairalin ang anumang kanilang pinaiiral [na kamalian].
أَفَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَبۡتَغِي حَكَمٗا وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡكِتَٰبَ مُفَصَّلٗاۚ وَٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَعۡلَمُونَ أَنَّهُۥ مُنَزَّلٞ مِّن رَّبِّكَ بِٱلۡحَقِّۖ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُمۡتَرِينَ
Open ayah 6:114[Sabihin] “Kaya, ako ba [kung gayon] ay dapat humanap ng ibang tagapaghatol bukod sa Allah samantalang Siya ang nagbaba [o nagpahayag] sa inyo ng Aklat [ang Qur’an bilang batas] na masusing ipinaliwanag?” At yaong Aming [mga naunang] pinagkalooban ng kasulatan ay kanilang nababatid na ito ay ipinahayag [o ibinaba] mula sa iyong Panginoon sa [ganap na] katotohanan. Kaya, huwag kang makibilang sa mga mapag-alinlangan.
وَتَمَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ صِدۡقٗا وَعَدۡلٗاۚ لَّا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِهِۦۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 6:115At ang Salita ng iyong Panginoon ay naipatupad sa katotohanan at sa katarungan. Walang sinuman ang makapagpapabago ng Kanyang mga Salita. At Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.
وَإِن تُطِعۡ أَكۡثَرَ مَن فِي ٱلۡأَرۡضِ يُضِلُّوكَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ
Open ayah 6:116At kung iyong susundin ang halos karamihan sa kalupaan, ikaw ay kanilang ililigaw mula sa Landas ng Allah. Sila ay walang sinusunod maliban sa mga pag-aakala, at katotohanan, sila ay mapaghaka-haka lamang.
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ مَن يَضِلُّ عَن سَبِيلِهِۦۖ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Open ayah 6:117Katotohanan, ang iyong Panginoon ay [lubos na] nababatid kung sino ang naliligaw mula sa Kanyang Landas, at Kanyang [lubos na] Nababatid ang mga napatnubayan.
فَكُلُواْ مِمَّا ذُكِرَ ٱسۡمُ ٱللَّهِ عَلَيۡهِ إِن كُنتُم بِـَٔايَٰتِهِۦ مُؤۡمِنِينَ
Open ayah 6:118Kaya, magsikain kayo ng anumang [karne ng hayop] na ang Ngalan ng Allah ay binanggit [habang ito ay kinakatay], kung tunay nga na kayo ay naniniwala sa Kanyang mga ayaat [batas at alituntunin].
وَمَا لَكُمۡ أَلَّا تَأۡكُلُواْ مِمَّا ذُكِرَ ٱسۡمُ ٱللَّهِ عَلَيۡهِ وَقَدۡ فَصَّلَ لَكُم مَّا حَرَّمَ عَلَيۡكُمۡ إِلَّا مَا ٱضۡطُرِرۡتُمۡ إِلَيۡهِۗ وَإِنَّ كَثِيرٗا لَّيُضِلُّونَ بِأَهۡوَآئِهِم بِغَيۡرِ عِلۡمٍۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُعۡتَدِينَ
Open ayah 6:119At ano ba [ang nangyari] sa inyo na hindi ninyo kinakain ang anumang [karne] na ang Ngalan ng Allah ay binanggit dito [habang kinakatay], samantalang katotohanang ito ay masusing ipinaliwanag na sa inyo kung ano ang ipinagbawal sa inyo, maliban sa anumang kayo ay napilitan [sanhi ng mahigpit na pangangailangan]? At katiyakan, marami ang umaakay [sa iba] sa pagkaligaw sa pamamagitan ng kanilang [mga sariling] pagnanasa
وَذَرُواْ ظَٰهِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَبَاطِنَهُۥٓۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡسِبُونَ ٱلۡإِثۡمَ سَيُجۡزَوۡنَ بِمَا كَانُواْ يَقۡتَرِفُونَ
Open ayah 6:120Inyong iwaksi [at iwasan] ang anumang kasalanan, [maging ito ay] nakahayag o nakatago. Katotohanan, yaong mga nagsumikap upang magtangkang gumawa ng kasalanan ay babayaran para sa anumang kanilang lagi nang pinagtatangkaang gawin.
وَلَا تَأۡكُلُواْ مِمَّا لَمۡ يُذۡكَرِ ٱسۡمُ ٱللَّهِ عَلَيۡهِ وَإِنَّهُۥ لَفِسۡقٞۗ وَإِنَّ ٱلشَّيَٰطِينَ لَيُوحُونَ إِلَىٰٓ أَوۡلِيَآئِهِمۡ لِيُجَٰدِلُوكُمۡۖ وَإِنۡ أَطَعۡتُمُوهُمۡ إِنَّكُمۡ لَمُشۡرِكُونَ
Open ayah 6:121At huwag ninyong kainin ang anumang [karne] na ang Ngalan ng Allah ay hindi binanggit [habang kinakatay], sapagka’t katiyakang ito ay malubhang pagsuway [sa Allah]. At katiyakan, ang mga demonyo ay nagbigay-sigla sa kanilang mga wali [kampon mula sa sangkatauhan] upang makipagtalo sa inyo, at kung sila ay inyong sundin, magkagayon, tunay na kayo ay mapabibilang sa [hanay ng] mga nagtatambal [sa Allah].
أَوَمَن كَانَ مَيۡتٗا فَأَحۡيَيۡنَٰهُ وَجَعَلۡنَا لَهُۥ نُورٗا يَمۡشِي بِهِۦ فِي ٱلنَّاسِ كَمَن مَّثَلُهُۥ فِي ٱلظُّلُمَٰتِ لَيۡسَ بِخَارِجٖ مِّنۡهَاۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلۡكَٰفِرِينَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 6:122At ang isa bang [dating] patay na Aming binigyan ng buhay [ginawaran ng patnubay] at itinakda para sa kanya ang liwanag [ng Eeman] na kung saan siya ay maglalakad kasama ng mga tao ay katulad ng isang nasa kadiliman [ng kawalang paniniwala] na kailanman ay hindi makalalabas mula roon? Ganyan nga ginawang kaaya-aya [sa paningin] ng mga di-naniniwala ang anumang [kamaliang] lagi nilang ginagawa.
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا فِي كُلِّ قَرۡيَةٍ أَكَٰبِرَ مُجۡرِمِيهَا لِيَمۡكُرُواْ فِيهَاۖ وَمَا يَمۡكُرُونَ إِلَّا بِأَنفُسِهِمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ
Open ayah 6:123At ganyan nga, Kami ay naglagay sa loob ng bawa’t bayan ng mga pusakal na mapaggawa ng kabuktutan nito upang sila ay makipagsabwatan doon. Nguni’t sila ay nakipagsabwatan nang walang anupaman kundi laban sa kanilang mga sariling [kapariwaraan], at ito ay hindi nila namamalayan.
وَإِذَا جَآءَتۡهُمۡ ءَايَةٞ قَالُواْ لَن نُّؤۡمِنَ حَتَّىٰ نُؤۡتَىٰ مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ رُسُلُ ٱللَّهِۘ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ حَيۡثُ يَجۡعَلُ رِسَالَتَهُۥۗ سَيُصِيبُ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ صَغَارٌ عِندَ ٱللَّهِ وَعَذَابٞ شَدِيدُۢ بِمَا كَانُواْ يَمۡكُرُونَ
Open ayah 6:124At nang dumating sa kanila ang ayah [ang kapahayagan ng Allah] sila ay nagsasabing: “Kailanman ay hindi kami maniniwala hanggang hindi kami tumanggap ng nakakatulad na [kapahayagang] tinanggap ng mga sugo ng Allah.” Ang Allah ang lubos na nakababatid kung saan Niya ilalagay ang Kanyang mensahe. Matatamo niyaong mga gumawa ng kabuktutan ang [abang] kahihiyan mula sa Allah at ang matinding parusa sanhi ng anumang lagi nilang pinagsasabwatan.
فَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يَهۡدِيَهُۥ يَشۡرَحۡ صَدۡرَهُۥ لِلۡإِسۡلَٰمِۖ وَمَن يُرِدۡ أَن يُضِلَّهُۥ يَجۡعَلۡ صَدۡرَهُۥ ضَيِّقًا حَرَجٗا كَأَنَّمَا يَصَّعَّدُ فِي ٱلسَّمَآءِۚ كَذَٰلِكَ يَجۡعَلُ ٱللَّهُ ٱلرِّجۡسَ عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 6:125Kaya sinuman ang naisin ng Allah upang patnubayan, Kanyang binubuksan ang kanyang dibdib sa [liwanag ng] Islam; at sinuman ang Kanyang naisin upang maligaw, Kanyang ginagawang mahigpit at masikip ang dibdib nito, na wari bang siya ay umaakyat patungong alapaap [ng himpapawid]. Kaya, ganyan inilalagay ng Allah ang dungis [mga karumihan at kawalan ng dangal] sa mga di-naniniwala [sanhi ng kanilang pagtakwil sa Islam].
وَهَٰذَا صِرَٰطُ رَبِّكَ مُسۡتَقِيمٗاۗ قَدۡ فَصَّلۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَذَّكَّرُونَ
Open ayah 6:126At ito ang matuwid na Landas ng iyong Panginoon. Katiyakan na Aming masusing ipinaliwanag ang mga Kapahayagan para sa mga taong nakaaalala.
۞لَهُمۡ دَارُ ٱلسَّلَٰمِ عِندَ رَبِّهِمۡۖ وَهُوَ وَلِيُّهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 6:127Para sa kanila ay tahanan ng kapayapaang nagmula sa kanilang
وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ قَدِ ٱسۡتَكۡثَرۡتُم مِّنَ ٱلۡإِنسِۖ وَقَالَ أَوۡلِيَآؤُهُم مِّنَ ٱلۡإِنسِ رَبَّنَا ٱسۡتَمۡتَعَ بَعۡضُنَا بِبَعۡضٖ وَبَلَغۡنَآ أَجَلَنَا ٱلَّذِيٓ أَجَّلۡتَ لَنَاۚ قَالَ ٱلنَّارُ مَثۡوَىٰكُمۡ خَٰلِدِينَ فِيهَآ إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ رَبَّكَ حَكِيمٌ عَلِيمٞ
Open ayah 6:128At [banggitin mo Muhammad] sa Araw na sila ay Kanyang titipuning [lahat] nang sama-sama [at sa kanila ay sasabihin] “O kayong mga lipon ng jinn, marami kayong iniligaw mula sa sangkatauhan,” at ang kanilang mga wali [mga kampon] mula sa [mga lipon ng] sangkatauhan ay magsasabi: “Aming Panginoon, ang iba sa amin ay pinakinabangan ng iba, at ngayon ay dumating na sa amin ang takdang oras na Iyong itinakda para sa amin.” Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Ang Apoy ang inyong magiging tirahan. Kayo ay mamamalagi roon nang walang hanggan maliban lamang sa sinumang nais ng Allah [na hindi mamalagi rito]. Katiyakan, ang iyong Panginoon ay Tigib ng Karunungan, Maalam.”
وَكَذَٰلِكَ نُوَلِّي بَعۡضَ ٱلظَّٰلِمِينَ بَعۡضَۢا بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Open ayah 6:129At ganyan nga Namin gagawin ang ibang mapaggawa ng kamailan na kaibigan [o tagapangalaga] ng iba sanhi ng kanilang lagi nang pinagsusumikapan.
يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ رُسُلٞ مِّنكُمۡ يَقُصُّونَ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِي وَيُنذِرُونَكُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَاۚ قَالُواْ شَهِدۡنَا عَلَىٰٓ أَنفُسِنَاۖ وَغَرَّتۡهُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَشَهِدُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰفِرِينَ
Open ayah 6:130“O kayong mga lipon ng jinn at sangkatauhan, wala bang dumating sa inyong mga sugo mula sa inyong [sariling lahi] na binibigkas sa inyo ang Aking mga ayaat [kapahayagan] at binabalaan kayo [tungkol] sa inyong pakikipagharap sa inyong Araw na ito?” Sila ay magsasabi:“Kami ay sumasaksi laban sa aming mga sarili.” Ang buhay sa mundo ay luminlang sa kanila. At sila ay sasaksi laban sa kanilang mga sarili, na sila ay mga di- naniniwala.
ذَٰلِكَ أَن لَّمۡ يَكُن رَّبُّكَ مُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ بِظُلۡمٖ وَأَهۡلُهَا غَٰفِلُونَ
Open ayah 6:131Iyan ay sapagka’t hindi wawasakin ng iyong Panginoon ang mga bayan nang dahil sa kamalian kung ang kanilang mga mamamayan ay hindi nakababatid.
وَلِكُلّٖ دَرَجَٰتٞ مِّمَّا عَمِلُواْۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا يَعۡمَلُونَ
Open ayah 6:132Para sa lahat ay may [kaukulang] mga antas [o kalagayang bunga] ng anumang kanilang ginawa. At ang iyong Panginoon ay hindi nakakaligtaan ang anumang kanilang ginagawa.
وَرَبُّكَ ٱلۡغَنِيُّ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۚ إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَسۡتَخۡلِفۡ مِنۢ بَعۡدِكُم مَّا يَشَآءُ كَمَآ أَنشَأَكُم مِّن ذُرِّيَّةِ قَوۡمٍ ءَاخَرِينَ
Open ayah 6:133At ang iyong Panginoon ay Mayaman [walang pangangailangan] tigib ng habag. Kung Kanyang nais, Kanyang magagawang kayo ay alisin, at magbibigay ng inyong kahalili pagkaraan sa sinumang Kanyang nais tulad ng Kanyang pagkalikha sa inyo mula sa mga lahi ng ibang mamamayan.
إِنَّ مَا تُوعَدُونَ لَأٓتٖۖ وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ
Open ayah 6:134Katotohanan, ang anumang ipinangako sa inyo ay sadyang darating, at hindi ninyo magagawang takasan [o pigilin ang katuparan nito].
قُلۡ يَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَامِلٞۖ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن تَكُونُ لَهُۥ عَٰقِبَةُ ٱلدَّارِۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Open ayah 6:135Sabihin:“O aking mga mamamayan, magsigawa kayo nang ayon sa inyong kalagayan [sapagka’t] katotohanan, ako ay gumagawa [nang ayon sa aking kalagayan], at hindi maglalaon, inyong mababatid kung sino ang magtatamo ng [magandang] wakas ng tahanan [sa lupa o sa kabilang buhay]. Katotohanan, ang mga taong mapaggawa ng kamalian ay hindi magtatagumpay.”
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ مِمَّا ذَرَأَ مِنَ ٱلۡحَرۡثِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ نَصِيبٗا فَقَالُواْ هَٰذَا لِلَّهِ بِزَعۡمِهِمۡ وَهَٰذَا لِشُرَكَآئِنَاۖ فَمَا كَانَ لِشُرَكَآئِهِمۡ فَلَا يَصِلُ إِلَى ٱللَّهِۖ وَمَا كَانَ لِلَّهِ فَهُوَ يَصِلُ إِلَىٰ شُرَكَآئِهِمۡۗ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ
Open ayah 6:136At sila [mga nagtatambal] ay nagtalaga sa Allah ng isang bahagi mula sa Kanyang nilikhang mga pananim at mga hayupan, at sila ay nagsabi: “Ito ay laang bahagi para sa Allah” ayon sa kanilang pagturing, “at ito [namang bahaging ito] ay para sa aming [itinuturing na] mga katambal [ng Allah].” Nguni’t, ang bahaging [inilaan] sa kanilang mga “katambal” ay hindi nakaabot sa Allah, samantalang ang bahaging [inilaan] sa Allah ay nakaabot sa kanilang [itinuturing na Kanyang] “mga katambal.” Sadyang napakasama ng paraan ng kanilang paghatol.
وَكَذَٰلِكَ زَيَّنَ لِكَثِيرٖ مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ قَتۡلَ أَوۡلَٰدِهِمۡ شُرَكَآؤُهُمۡ لِيُرۡدُوهُمۡ وَلِيَلۡبِسُواْ عَلَيۡهِمۡ دِينَهُمۡۖ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا فَعَلُوهُۖ فَذَرۡهُمۡ وَمَا يَفۡتَرُونَ
Open ayah 6:137At ganyan din, sa mga nakararaming nagtatambal - ang kanilang ‘mga katambal’ [na iniaakibat sa Allah] ay ginawang [tila] kaaya-aya sa kanilang paningin ang pagkitil sa kanilang mga anak upang sila ay isadlak sa sariling kapariwaraan at upang sila ay balutan ng kalituhan sa kanilang relihiyon. At kung ninais lamang ng Allah, ito ay hindi nila magagawa. Kaya, sila ay iyong layuan at ang anumang kanilang paglulubid [ng kasinungalingan].
وَقَالُواْ هَٰذِهِۦٓ أَنۡعَٰمٞ وَحَرۡثٌ حِجۡرٞ لَّا يَطۡعَمُهَآ إِلَّا مَن نَّشَآءُ بِزَعۡمِهِمۡ وَأَنۡعَٰمٌ حُرِّمَتۡ ظُهُورُهَا وَأَنۡعَٰمٞ لَّا يَذۡكُرُونَ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهَا ٱفۡتِرَآءً عَلَيۡهِۚ سَيَجۡزِيهِم بِمَا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Open ayah 6:138At sila ay nagsabi "ang mga hayupan na ito at ang mga pananim ay ipinagbawal, at walang isa man ang maaaring kumain nito maliban yaong aming mga pinahintulutan" [ito ay] ayon sa kanilang [maling] paniniwala. At mayroon [mga kamelyo] na ipinagbawal na [kanilang] sakyan, at ang mga [hayupan] na [sa oras ng pagkatay] ang Ngalan ng Allah ay hindi nila nagawang binanggitin – [lahat ng mga ito] ay paglulubid [ng kasinungalingan] laban sa Kanya [sa Allah]. Sila ay Kanyang pagbabayarin para sa anumang kanilang lagi nang pinaglulubid [na kasinungalingan].
وَقَالُواْ مَا فِي بُطُونِ هَٰذِهِ ٱلۡأَنۡعَٰمِ خَالِصَةٞ لِّذُكُورِنَا وَمُحَرَّمٌ عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِنَاۖ وَإِن يَكُن مَّيۡتَةٗ فَهُمۡ فِيهِ شُرَكَآءُۚ سَيَجۡزِيهِمۡ وَصۡفَهُمۡۚ إِنَّهُۥ حَكِيمٌ عَلِيمٞ
Open ayah 6:139At sila ay nagsasabi: “Ang anumang nasa mga tiyan ng mga hayop na ito ay natatangi para sa aming mga kalalakihan, at ipinagbawal sa aming mga kababaihan, nguni’t kung ito ay [isinilang na] patay, samakatwid, silang lahat ay mayroong bahagi para roon.” Sila ay Kanyang parurusahan sa kanilang pag-aakibat [ng gayong maling paratang sa Allah]. Katotohanan, Siya ay Tigib ng Karunungan, Maalam.
قَدۡ خَسِرَ ٱلَّذِينَ قَتَلُوٓاْ أَوۡلَٰدَهُمۡ سَفَهَۢا بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَحَرَّمُواْ مَا رَزَقَهُمُ ٱللَّهُ ٱفۡتِرَآءً عَلَى ٱللَّهِۚ قَدۡ ضَلُّواْ وَمَا كَانُواْ مُهۡتَدِينَ
Open ayah 6:140Katiyakan, ang mga nawalan ay yaong mga kumitil sa kanilang mga anak nang may kahangalan na walang [tamang] kaalaman at ipinagbawal ang anumang ipinagkaloob [na panustos] ng Allah sa kanila, [sila ay] naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah. Sila ay nangaligaw at hindi napatnubayan.
۞وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَ جَنَّٰتٖ مَّعۡرُوشَٰتٖ وَغَيۡرَ مَعۡرُوشَٰتٖ وَٱلنَّخۡلَ وَٱلزَّرۡعَ مُخۡتَلِفًا أُكُلُهُۥ وَٱلزَّيۡتُونَ وَٱلرُّمَّانَ مُتَشَٰبِهٗا وَغَيۡرَ مُتَشَٰبِهٖۚ كُلُواْ مِن ثَمَرِهِۦٓ إِذَآ أَثۡمَرَ وَءَاتُواْ حَقَّهُۥ يَوۡمَ حَصَادِهِۦۖ وَلَا تُسۡرِفُوٓاْۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Open ayah 6:141At Siya ang nagpatubo sa mga halamanang may baging at walang baging, at sa mga punong-datiles at mga pananim na may iba’t ibang [uri ng] lasa at mga punong-oliba, at mga granada, [ang mga ito ay may] magkakatulad [na uri] nguni’t magkakaiba [ng lasa]. Magsikain kayo sa kaukulang [Zakaah] mula rito sa araw ng anihan, at huwag kayong magmalabis [mula sa mga takdang hangganang batas ng Allah]. Katotohanan, Siya ay hindi nagmamahal sa mga mapagmalabis.
وَمِنَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ حَمُولَةٗ وَفَرۡشٗاۚ كُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ وَلَا تَتَّبِعُواْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Open ayah 6:142At kabilang sa mga pinapastulang hayop [sa kawan] ng bakahan ay [may mga] tagapaghakot [ng mga dalahin] at [ang iba naman ay] maliliit. Magsikain kayo sa anumang ipinagkaloob sa inyo ng Allah at huwag kayong sumunod sa mga yapak [o sa pag-uudyok] ng satanas. Katiyakan, siya ay inyong hayag [malinaw] na kaaway.
ثَمَٰنِيَةَ أَزۡوَٰجٖۖ مِّنَ ٱلضَّأۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَمِنَ ٱلۡمَعۡزِ ٱثۡنَيۡنِۗ قُلۡ ءَآلذَّكَرَيۡنِ حَرَّمَ أَمِ ٱلۡأُنثَيَيۡنِ أَمَّا ٱشۡتَمَلَتۡ عَلَيۡهِ أَرۡحَامُ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۖ نَبِّـُٔونِي بِعِلۡمٍ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 6:143[Mayroong] walong magkapares [o uri]: sa tupa ay dalawa [babae at lalaki] at sa mga kambing ay dalawa [babae at lalaki]. Sabihin: “Ipinagbawal ba Niya ang dalawang lalaki o ang dalawang babae, o ang anumang [laman] na nasa sinapupunan ng dalawang babae? [Kaya, ipaIiwanag nga ninyo sa akin o] ipagbigay-alam sa akin nang may [tamang] kaalaman kung tunay nga na kayo ay makatotohanan.”
وَمِنَ ٱلۡإِبِلِ ٱثۡنَيۡنِ وَمِنَ ٱلۡبَقَرِ ٱثۡنَيۡنِۗ قُلۡ ءَآلذَّكَرَيۡنِ حَرَّمَ أَمِ ٱلۡأُنثَيَيۡنِ أَمَّا ٱشۡتَمَلَتۡ عَلَيۡهِ أَرۡحَامُ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۖ أَمۡ كُنتُمۡ شُهَدَآءَ إِذۡ وَصَّىٰكُمُ ٱللَّهُ بِهَٰذَاۚ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا لِّيُضِلَّ ٱلنَّاسَ بِغَيۡرِ عِلۡمٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 6:144At mula sa mga kamelyo ay dalawa at mula sa mga baka ay dalawa. Sabihin: “Ipinagbawal ba Niya ang dalawang lalaki o ang dalawang babae o ang anumang [laman] na nasa mga sinapupunan ng dalawang babae? O kayo ba ay saksi nang ito ay iniatang ng Allah sa inyo? Magkagayon, sino ba ang di-makatarungan nang higit kaysa sa isang naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah upang iligaw ang tao [sa anupaman] nang walang [tamang] kaalaman? Katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong mapaggawa ng kamalian.”
قُل لَّآ أَجِدُ فِي مَآ أُوحِيَ إِلَيَّ مُحَرَّمًا عَلَىٰ طَاعِمٖ يَطۡعَمُهُۥٓ إِلَّآ أَن يَكُونَ مَيۡتَةً أَوۡ دَمٗا مَّسۡفُوحًا أَوۡ لَحۡمَ خِنزِيرٖ فَإِنَّهُۥ رِجۡسٌ أَوۡ فِسۡقًا أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۚ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ رَبَّكَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 6:145Sabihin: “Wala akong matagpuan sa anupamang ipinahayag sa akin na ipinagbawal sa sinumang kakain nito, maliban lamang kung ito ay patay na hayop o dugo na tumulo [sa pagkatay o ng tulad nito] o laman ng baboy; sapagka’t katiyakan, ito ay marumi, o [kung] ito ay [kinatay] bilang paglabag, [tulad ng pagkatay] bilang pag-aalay sa iba bukod sa Allah. Nguni’t, sinuman ang napilitan [sanhi ng di-maiwasang pangangailangan] bagaman walang layon ng pagnanasa o paglabag [sa takdang kautusan ng Allah]; magkagayon, katiyakan na ang iyong Panginoon ay Mapagpatawad, Maawain.”
وَعَلَى ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا كُلَّ ذِي ظُفُرٖۖ وَمِنَ ٱلۡبَقَرِ وَٱلۡغَنَمِ حَرَّمۡنَا عَلَيۡهِمۡ شُحُومَهُمَآ إِلَّا مَا حَمَلَتۡ ظُهُورُهُمَآ أَوِ ٱلۡحَوَايَآ أَوۡ مَا ٱخۡتَلَطَ بِعَظۡمٖۚ ذَٰلِكَ جَزَيۡنَٰهُم بِبَغۡيِهِمۡۖ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Open ayah 6:146At yaong sa mga Hudyo, Aming ipinagbawal ang bawa’t [hayop] na walang biyak ang mga paa, at Aming ipinagbawal sa kanila ang taba ng baka at ng tupa maliban kung ano ang nakakapit sa kanilang [bahaging] likod o sa kanilang bituka o ang anumang nakadikit sa kanilang buto. Kaya [sa pamamagitan] niyon, sila ay Aming binayaran sa kanilang pagiging di- makatarungan. At katiyakan, Kami ay Makatotohanan.
فَإِن كَذَّبُوكَ فَقُل رَّبُّكُمۡ ذُو رَحۡمَةٖ وَٰسِعَةٖ وَلَا يُرَدُّ بَأۡسُهُۥ عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 6:147Kaya kung sila [mga Hudyo] ay magtakwil sa iyo [O Muhammad] sabihin mo: “Ang inyong Panginoon ang [Siyang] may tangan ng walang hanggang habag, nguni’t ang Kanyang parusa ay hindi mapapawi [kapag ito ay dumating] sa mga taong mapaggawa ng kabuktutan.
سَيَقُولُ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ لَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَآ أَشۡرَكۡنَا وَلَآ ءَابَآؤُنَا وَلَا حَرَّمۡنَا مِن شَيۡءٖۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ حَتَّىٰ ذَاقُواْ بَأۡسَنَاۗ قُلۡ هَلۡ عِندَكُم مِّنۡ عِلۡمٖ فَتُخۡرِجُوهُ لَنَآۖ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَخۡرُصُونَ
Open ayah 6:148Yaong mga mushrik [mga nagtatambal sa Allah] ay magsasabi: “Kung ninais lamang ng Allah, kami ay hindi nagtambal [ng anupaman sa Kanya], ni ang aming mga ninuno, at marahil hindi namin nagawang ipagbawal ang anumang [pinahintulutang] bagay.” Ganyan ang ginawang pagtakwil ng mga nauna hanggang kanilang nalasap ang Aming kaparusahan. Sabihin mo: “Mayroon ba kayong [tamang] kaalaman na mailalahad sa amin? Katotohanan, wala kayong sinusunod maliban sa haka-haka, at kayo ay mapanghuwad.”
قُلۡ فَلِلَّهِ ٱلۡحُجَّةُ ٱلۡبَٰلِغَةُۖ فَلَوۡ شَآءَ لَهَدَىٰكُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 6:149Sabihin: “Nasa Allah ang matibay na katuwiran. Kung Kanyang naisin, marahil kayo ay Kanyang magagawang patnubayang lahat.”
قُلۡ هَلُمَّ شُهَدَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ يَشۡهَدُونَ أَنَّ ٱللَّهَ حَرَّمَ هَٰذَاۖ فَإِن شَهِدُواْ فَلَا تَشۡهَدۡ مَعَهُمۡۚ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ وَهُم بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ
Open ayah 6:150Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Iharap [o dalhin ninyo sa akin] ang inyong mga saksi na magpapatunay na ito ay ipinagbawal ng Allah.” Kaya, kung sila ay sumaksi, huwag kang sumaksing kasama nila. At huwag mong sundin ang [maling] pagnanasa niyaong mga nagtatakwil sa Aming mga ayaat [batas] at yaong mga di-naniniwala [tungkol] sa kabilang buhay, at habang kanilang ipinapantay [sa iba] ang kanilang Panginoon.
۞قُلۡ تَعَالَوۡاْ أَتۡلُ مَا حَرَّمَ رَبُّكُمۡ عَلَيۡكُمۡۖ أَلَّا تُشۡرِكُواْ بِهِۦ شَيۡـٔٗاۖ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنٗاۖ وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَوۡلَٰدَكُم مِّنۡ إِمۡلَٰقٖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُكُمۡ وَإِيَّاهُمۡۖ وَلَا تَقۡرَبُواْ ٱلۡفَوَٰحِشَ مَا ظَهَرَ مِنۡهَا وَمَا بَطَنَۖ وَلَا تَقۡتُلُواْ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Open ayah 6:151Sabihin: “Halina kayo, aking bibigkasin sa inyo kung ano ang ipinagbabawal ng inyong Panginoon sa inyo: Huwag kayong magbigay- katambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya; kayo ay maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang; huwag ninyong patayin ang inyong mga anak sanhi ng kahirapan. [Sapagka’t] Aming ipagkakaloob ang panustos para sa inyo at para sa kanila; huwag kayong lumapit sa gawaing mahalay [o malaswa] maging ito man ay nakalantad o nakalingid at huwag ninyong kitlin ang may buhay na ipinagbawal ng Allah [na patayin] maliban sa makatarungang dahilan. Iyan ay Kanyang iniatas sa inyo [bilang pananagutan], upang sakali kayo ay [matutong] makaunawa.”
وَلَا تَقۡرَبُواْ مَالَ ٱلۡيَتِيمِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ أَشُدَّهُۥۚ وَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَٱلۡمِيزَانَ بِٱلۡقِسۡطِۖ لَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۖ وَإِذَا قُلۡتُمۡ فَٱعۡدِلُواْ وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰۖ وَبِعَهۡدِ ٱللَّهِ أَوۡفُواْۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
Open ayah 6:152At huwag ninyong lapitan [o pangasiwaan] ang mga yaman ng ulila maliban sa paraang pinakamahusay hanggang siya ay umabot sa wastong gulang. At magbigay kayo ng wastong sukat at pantay na timbang sa katarungan. Hindi Namin binibigyan ng pasanin [o pananagutan] ang isang kaluluwa maliban sa [abot ng] kakayahan nito. At kung kayo ay mangusap [o sumaksi], kayo ay maging makatarungan kahit ito man ay nauukol sa inyong malalapit na kamag-anakan, at inyong tuparin ang inyong kasunduan [o pangako] sa Allah. Ito ay Kanyang itinagubilin sa inyo, upang sakali kayo ay [matutong] makaalala.
وَأَنَّ هَٰذَا صِرَٰطِي مُسۡتَقِيمٗا فَٱتَّبِعُوهُۖ وَلَا تَتَّبِعُواْ ٱلسُّبُلَ فَتَفَرَّقَ بِكُمۡ عَن سَبِيلِهِۦۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ
Open ayah 6:153At katotohanan, ito ang Aking matuwid na landas, kaya ito ay inyong sundin at huwag ninyong susundin ang [ibang] mga landas sapagka’t kayo ay mapahihiwalay mula sa Kanyang Landas. Ito ay Kanyang itinagubilin sa inyo upang sakali kayo ay [matutong] matakot [sa Kanya].
ثُمَّ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ تَمَامًا عَلَى ٱلَّذِيٓ أَحۡسَنَ وَتَفۡصِيلٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لَّعَلَّهُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمۡ يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 6:154Karagdagan [nito], Aming ipinagkaloob kay Moises ang Aklat upang lubusin [ang kagandahang-loob] sa sinumang gumawa ng mabuti, at bilang masusing pagpapaliwanag para sa lahat ng bagay. At bilang patnubay at habag upang sakali ay kanilang paniwalaan ang [kahalagahan ng Araw ng] pagkikipagtipan sa kanilang Panginoon [sa kabilang buhay].
وَهَٰذَا كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ مُبَارَكٞ فَٱتَّبِعُوهُ وَٱتَّقُواْ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Open ayah 6:155At ito ang pinagpalang Aklat [ang Qur’an] na Aming ipinahayag. Kaya ito ay inyong sundin at inyong katakutan [ang pagsuway sa Allah] upang sakali kayo ay magtamo ng [Kanyang] habag.
أَن تَقُولُوٓاْ إِنَّمَآ أُنزِلَ ٱلۡكِتَٰبُ عَلَىٰ طَآئِفَتَيۡنِ مِن قَبۡلِنَا وَإِن كُنَّا عَن دِرَاسَتِهِمۡ لَغَٰفِلِينَ
Open ayah 6:156[Kami ang nagpahayag nito] upang kayong [mga pagano] ay hindi magsasabing: “Ang Aklat ay ipinahayag [o ibinaba] lamang para sa dalawang pangkat [ng mga Hudyo at Kristiyano] na una sa amin at [katunayan] kami ay walang nababatid sa kanilang napag-aralan,”
أَوۡ تَقُولُواْ لَوۡ أَنَّآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡكِتَٰبُ لَكُنَّآ أَهۡدَىٰ مِنۡهُمۡۚ فَقَدۡ جَآءَكُم بَيِّنَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞۚ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَصَدَفَ عَنۡهَاۗ سَنَجۡزِي ٱلَّذِينَ يَصۡدِفُونَ عَنۡ ءَايَٰتِنَا سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ بِمَا كَانُواْ يَصۡدِفُونَ
Open ayah 6:157O, maaaring kayo ay magsabi na: “Kung ang Aklat ay ipinahayag [o ibinaba] lamang sa amin, marahil kami ay higit na napatnubayan kaysa sa kanila.” Kaya, dumating na [ngayon] sa inyo ang malinaw na katibayan [ng Qur’an] mula sa inyong Panginoon, at isang patnubay at habag. Sino ba, kung gayon, ang gumagawa nang higit na kamalian kundi ang isang nagtatakwil sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah at tumatalikod sa mga ito? Aming babayaran yaong mga nagsitalikod sa Aming mga ayaat [kapahayagan] ng pinakamasamang parusa nang dahil sa kanilang pagtalikod.
هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ يَأۡتِيَ رَبُّكَ أَوۡ يَأۡتِيَ بَعۡضُ ءَايَٰتِ رَبِّكَۗ يَوۡمَ يَأۡتِي بَعۡضُ ءَايَٰتِ رَبِّكَ لَا يَنفَعُ نَفۡسًا إِيمَٰنُهَا لَمۡ تَكُنۡ ءَامَنَتۡ مِن قَبۡلُ أَوۡ كَسَبَتۡ فِيٓ إِيمَٰنِهَا خَيۡرٗاۗ قُلِ ٱنتَظِرُوٓاْ إِنَّا مُنتَظِرُونَ
Open ayah 6:158Sila ba [kung gayon] ay walang hinihintay [para sa anuman] maliban na ang mga anghel ay dumating sa kanila [sa oras ng kamatayan upang bawiin ang kanilang mga kaluluwa] o ang iyong Panginoon ay dumating [para sa paghuhukom] o [na] ang ilan sa mga ayaat [o palatandaan] ng iyong Panginoon ay magsirating [tulad ng pagsikat ng araw mula sa kanluran]? Sa Araw [na iyon] na ang ibang mga tanda ng iyong Panginoon ay darating, walang kaluluwa ang makikinabang mula sa pananampalataya nito kung ito ay hindi naniwala noong una o nagsikap na makagawa ng ibang kabutihan sa pamamagitan ng pananampalataya nito. Sabihin: “Kayo ay magsipaghintay. [sapagka’t] katiyakan, na kami ay magsisipaghintay.”
إِنَّ ٱلَّذِينَ فَرَّقُواْ دِينَهُمۡ وَكَانُواْ شِيَعٗا لَّسۡتَ مِنۡهُمۡ فِي شَيۡءٍۚ إِنَّمَآ أَمۡرُهُمۡ إِلَى ٱللَّهِ ثُمَّ يُنَبِّئُهُم بِمَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Open ayah 6:159Katotohanan, yaong mga pinaghati-hati ang kanilang relihiyon at [sanhi nito ay] naging iba't ibang sekta, ikaw [O Muhammad] ay walang kaugnayan sa kanila sa anupaman. Ang kanilang [sariling] mga gawain ay [hinayaan na lamang] sa [kapasiyahan ng] Allah. [At] pagkaraan Siya ang magbibigay-alam sa anumang [kamalian o kasamaang] kanilang lagi nang ginagawa.
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ عَشۡرُ أَمۡثَالِهَاۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجۡزَىٰٓ إِلَّا مِثۡلَهَا وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Open ayah 6:160Sinuman ang dumating [sa Araw ng Paghuhukom] na may dalang
قُلۡ إِنَّنِي هَدَىٰنِي رَبِّيٓ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ دِينٗا قِيَمٗا مِّلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۚ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 6:161Sabihin: “Katotohanan, ang aking Panginoon ay nagpatnubay sa akin sa isang matuwid na landas - isang tamang relihiyon, [batay] sa pamamaraan ni Abraham, ang Hanif [sumasamba lamang sa Nag-iisang Allah] at siya ay hindi kabilang sa mga nagtatambal.”
قُلۡ إِنَّ صَلَاتِي وَنُسُكِي وَمَحۡيَايَ وَمَمَاتِي لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 6:162Sabihin, “Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking ritwal [ng pag-aalay], ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha.
لَا شَرِيكَ لَهُۥۖ وَبِذَٰلِكَ أُمِرۡتُ وَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Open ayah 6:163Walang [dapat na] itambal para sa Kanya. At iyan ay ipinag-utos sa akin, at ako ang una sa [hanay ng] mga Muslim.”
قُلۡ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَبۡغِي رَبّٗا وَهُوَ رَبُّ كُلِّ شَيۡءٖۚ وَلَا تَكۡسِبُ كُلُّ نَفۡسٍ إِلَّا عَلَيۡهَاۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُم مَّرۡجِعُكُمۡ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ
Open ayah 6:164Sabihin: “Ako ba ay dapat humanap ng iba bukod sa Allah bilang Panginoon samantalang, Siya ang [tanging] Panginoon ng lahat ng bagay? Bawa’t kaluluwa ay walang pinagsumikapang [kasalanan] maliban [na ito ay isusumbat] laban sa kanyang sarili, at walang isang nagpapasan ng mga dalahin [o kasalanan] ang maaaring magpasan [o managot] sa mga dalahin [o kasalanan] ng iba. Kaya, sa inyong Panginoon ang inyong pagbabalik [na lahat]. At Kanyang ipagbibigay-alam sa inyo ang anumang inyong ipinagkaiba.”
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَكُمۡ خَلَٰٓئِفَ ٱلۡأَرۡضِ وَرَفَعَ بَعۡضَكُمۡ فَوۡقَ بَعۡضٖ دَرَجَٰتٖ لِّيَبۡلُوَكُمۡ فِي مَآ ءَاتَىٰكُمۡۗ إِنَّ رَبَّكَ سَرِيعُ ٱلۡعِقَابِ وَإِنَّهُۥ لَغَفُورٞ رَّحِيمُۢ
Open ayah 6:165At Siya ang naglagay sa inyo bilang khalifa sa kalupaan at [Kanyang] itinaas ang iba sa inyo nang mataas kaysa sa iba sa antas [ng kalagayan] upang kayo ay Kanyang subukan sa pamamagitan ng anumang [biyayang] ipinagkaloob sa inyo. Katiyakan, ang iyong Panginoon ay Maagap sa pagpaparusa, nguni’t katiyakan, Siya ay Mapagpatawad, Maawain.