الأعراف

Al-A'raaf

The Heights · Surah 7 · Ayahs: 206 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. الٓمٓصٓ

    Open ayah 7:1

    Alif,Lam,Mim,Sad.

  2. كِتَٰبٌ أُنزِلَ إِلَيۡكَ فَلَا يَكُن فِي صَدۡرِكَ حَرَجٞ مِّنۡهُ لِتُنذِرَ بِهِۦ وَذِكۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 7:2

    [Ito ay] isang Aklat na ipinahayag [o ibinaba] sa iyo, [O Muhammad], kaya huwag mong hayaang magkaroon ng paninikip ang iyong dibdib mula rito – upang sa pamamagitan nito ay maibigay mo ang babala at [magsilbing] paalaala para sa mga naniniwala.

  3. ٱتَّبِعُواْ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُمۡ وَلَا تَتَّبِعُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَۗ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 7:3

    Sumunod kayo, [O sangkatauhan], sa anumang ipinahayag sa inyo mula sa inyong Panginoon at huwag kayong sumunod sa ibang awliya' [tagapangalaga] bukod sa Kanya. [Sadyang] napakaliit ng inyong pag- aalaala.

  4. وَكَم مِّن قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَا فَجَآءَهَا بَأۡسُنَا بَيَٰتًا أَوۡ هُمۡ قَآئِلُونَ

    Open ayah 7:4

    At ilan na bang bilang ng mga bayan ang Aming winasak, at ang Aming kaparusahan ay dumating sa kanila sa gabi o habang sila ay natutulog sa katanghalian.

  5. فَمَا كَانَ دَعۡوَىٰهُمۡ إِذۡ جَآءَهُم بَأۡسُنَآ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ

    Open ayah 7:5

    Kaya ang kanilang pagsamo [o pakiusap] nang dumating sa kanila ang Aming kaparusahan ay walang iba kundi ang pagsabi ng: “Katotohanan, kami ay [naging] mapaggawa ng kamalian.”

  6. فَلَنَسۡـَٔلَنَّ ٱلَّذِينَ أُرۡسِلَ إِلَيۡهِمۡ وَلَنَسۡـَٔلَنَّ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

    Open ayah 7:6

    Kaya katiyakan, Aming tatanungin yaong [mga tao] na [ang mensahe] ay ipinadala sa kanila at katiyakan, Amin [ding] tatanungin ang mga sugo.

  7. فَلَنَقُصَّنَّ عَلَيۡهِم بِعِلۡمٖۖ وَمَا كُنَّا غَآئِبِينَ

    Open ayah 7:7

    Gayundin, katiyakang Aming isasalaysay [ang kanilang mga gawa] sa kanila nang may kaalaman, at Kami ay hindi [kailanman] lumiban.

  8. وَٱلۡوَزۡنُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّۚ فَمَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 7:8

    At ang pagtimbang [ng gawa] sa Araw na iyon ay [siyang batayan ng] katotohanan. Kaya, sinuman ang mabigat ang kanyang timbang [ng kabutihan] - magkagayon, sila yaong mga matatagumpay.

  9. وَمَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُم بِمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَظۡلِمُونَ

    Open ayah 7:9

    At sinuman ang magaan ang kanyang timbang, sila yaong mga mawawalan sa kanilang mga sarili nang dahil sa anumang kanilang mga kamaliang ginawa hinggil sa Aming mga ayaat [kapahayagan].

  10. وَلَقَدۡ مَكَّنَّٰكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَجَعَلۡنَا لَكُمۡ فِيهَا مَعَٰيِشَۗ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ 

    Open ayah 7:10

    At katiyakan, kayo ay Aming pinanatili sa lupa [ng may pananagutan at karapatan] at doon ay ginawa Namin para sa inyo ang mga [pamamaraan ng inyong] kabuhayan. [Nguni’t] napakaliit ng inyong [isinusukling] pasasalamat.

  11. وَلَقَدۡ خَلَقۡنَٰكُمۡ ثُمَّ صَوَّرۡنَٰكُمۡ ثُمَّ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ لَمۡ يَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ

    Open ayah 7:11

    At katiyakan, kayo ay Aming nilikha, [O sangkatauhan], at kayo ay Aming binigyan ng [marangal na] hubog, at pagkaraan, Aming sinabi sa mga anghel, “Kayo ay magpatirapa kay Adan”; kaya sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis, siya ay hindi kabilang sa mga nagpatirapa.

  12. قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسۡجُدَ إِذۡ أَمَرۡتُكَۖ قَالَ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡهُ خَلَقۡتَنِي مِن نَّارٖ وَخَلَقۡتَهُۥ مِن طِينٖ

    Open ayah 7:12

    [Ang Allah ay] nagsabi: “Ano ang pumigil sa iyo [O Iblis] mula sa pagpapatirapa nang ikaw ay Aking pag-utusan?” Siya ay sumagot: “Ako ay nakahihigit sa kanya [kay Adan], ako ay nilikha Mo mula sa apoy, samantalang siya ay nilikha Mo mula sa putik [lupa].”

  13. قَالَ فَٱهۡبِطۡ مِنۡهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَن تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَٱخۡرُجۡ إِنَّكَ مِنَ ٱلصَّٰغِرِينَ

    Open ayah 7:13

    [Ang Allah ay] nagsabi: “[O Iblis] ikaw ay bumaba mula rito [sa Paraiso], sapagka't hindi [marapat] para sa iyo na ikaw ay maging mapagmalaki rito. Kaya, ikaw ay lumayas, tunay na ikaw ay kabilang sa mga kaaba-aba.”

  14. قَالَ أَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ

    Open ayah 7:14

    [Si Iblis ay] nagsabi: “Ako ay Iyong palugitanan hanggang sa Araw na sila [tao] ay bubuhaying muli.”

  15. قَالَ إِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ

    Open ayah 7:15

    [Ang Allah ay] nagsabi: “Tunay na ikaw ay kabilang sa mga pinalugitanan.”

  16. قَالَ فَبِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأَقۡعُدَنَّ لَهُمۡ صِرَٰطَكَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ

    Open ayah 7:16

    [Si Iblis ay] nagsabi : “Sapagka’t ako ay Iyong isinadlak sa kamalian, katiyakan na ako ay mauupo [na nag-aabang] para sa kanila [tao] sa Iyong matuwid na landas.

  17. ثُمَّ لَأٓتِيَنَّهُم مِّنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ وَعَنۡ أَيۡمَٰنِهِمۡ وَعَن شَمَآئِلِهِمۡۖ وَلَا تَجِدُ أَكۡثَرَهُمۡ شَٰكِرِينَ

    Open ayah 7:17

    Pagkaraan ako ay darating sa kanila, mula sa kanilang harapan at mula sa kanilang likuran, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa at hindi Mo matatagpuan ang karamihan sa kanila na mapagpasalamat [sa Iyo].”

  18. قَالَ ٱخۡرُجۡ مِنۡهَا مَذۡءُومٗا مَّدۡحُورٗاۖ لَّمَن تَبِعَكَ مِنۡهُمۡ لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنكُمۡ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 7:18

    [Ang Allah ay] nagsabi: “Ikaw ay lumabas mula rito [sa Paraiso] na hamak at itinaboy. Sinuman [sa sangkatauhan] ang sumunod sa iyo, katiyakang Aking pupunuin ang Impiyerno mula sa inyong lahat [nang sama-sama].”

  19. وَيَٰٓـَٔادَمُ ٱسۡكُنۡ أَنتَ وَزَوۡجُكَ ٱلۡجَنَّةَ فَكُلَا مِنۡ حَيۡثُ شِئۡتُمَا وَلَا تَقۡرَبَا هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 7:19

    At "O Adan, ikaw ay manirahan at ang iyong asawa sa Paraiso, at kumain [kayong dalawa] saanman ninyo naisin, subali’t huwag ninyong lalapitan ang punong ito upang kayo ay hindi kapwa mapabilang sa mga mapaggawa ng kamalian.

  20. فَوَسۡوَسَ لَهُمَا ٱلشَّيۡطَٰنُ لِيُبۡدِيَ لَهُمَا مَا وُۥرِيَ عَنۡهُمَا مِن سَوۡءَٰتِهِمَا وَقَالَ مَا نَهَىٰكُمَا رَبُّكُمَا عَنۡ هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةِ إِلَّآ أَن تَكُونَا مَلَكَيۡنِ أَوۡ تَكُونَا مِنَ ٱلۡخَٰلِدِينَ 

    Open ayah 7:20

    Nguni’t silang dalawa ay binulungan [o inudyukan] ng satanas upang maging lantad sa kanila ang anumang nakatago mula sa kanilang maselang bahagi [ng katawan]. Siya ay nagsabi: “Hindi ipinagbawal ng inyong Panginoon sa inyo ang punong ito maliban upang kayo ay hindi magiging mga anghel o kayo ay hindi magiging kabilang ng mga imortal [walang kamatayan].”

  21. وَقَاسَمَهُمَآ إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ ٱلنَّٰصِحِينَ

    Open ayah 7:21

    At siya [ang satanas] ay sumumpa [sa Ngalan ng Allah] sa kanila [at nagsabing]: “Katotohanan ako, sa inyong dalawa, ay kabilang sa mga tapat na tagapayo.”

  22. فَدَلَّىٰهُمَا بِغُرُورٖۚ فَلَمَّا ذَاقَا ٱلشَّجَرَةَ بَدَتۡ لَهُمَا سَوۡءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخۡصِفَانِ عَلَيۡهِمَا مِن وَرَقِ ٱلۡجَنَّةِۖ وَنَادَىٰهُمَا رَبُّهُمَآ أَلَمۡ أَنۡهَكُمَا عَن تِلۡكُمَا ٱلشَّجَرَةِ وَأَقُل لَّكُمَآ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لَكُمَا عَدُوّٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 7:22

    Sa gayon, sila [Adan at Eba] ay kanyang nagawang ihulog [sa pagkakasala] sa pamamagitan ng panlilinlang. Kaya nang kanilang matikman ang [bunga ng] puno, nalantad sa kanilang dalawa ang kanilang maselang bahagi, at sila ay nagsimulang magtakip ng kanilang mga sarili mula sa mga dahon ng Paraiso. At sila ay tinawagan ng kanilang Panginoon: “Hindi ba kayo ay Aking pinagbawalang [lumapit] sa punong iyan at sinabi sa inyo na ang satanas ay inyong hayag na kaaway?”

  23. قَالَا رَبَّنَا ظَلَمۡنَآ أَنفُسَنَا وَإِن لَّمۡ تَغۡفِرۡ لَنَا وَتَرۡحَمۡنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

    Open ayah 7:23

    Sila ay nagsabi: “O Aming Panginoon, kami po ay nagkamali sa aming mga sarili. At kung kami ay hindi Mo po patatawarin at hindi Mo po kahahabagan, katiyakan na kami ay mapabibilang sa mga nawalan [o mga talunan].”

  24. قَالَ ٱهۡبِطُواْ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ وَلَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُسۡتَقَرّٞ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٖ

    Open ayah 7:24

    [Ang Allah ay] nagsabi, “Magsibaba kayo, na magkakaaway sa isa’t isa. At para sa inyo sa kalupaan ay isang pook ng paninirahan at kasiyahan hanggang sa takdang panahon [ng kamatayan].”

  25. قَالَ فِيهَا تَحۡيَوۡنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنۡهَا تُخۡرَجُونَ

    Open ayah 7:25

    [Ang Allah ay] nagsabi: “Doon [sa lupa] kayo ay mamumuhay, at doon [din] kayo mamamatay, at mula roon [sa lupang iyon] kayo ay ilalabas [upang buhaying muli].”

  26. يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ قَدۡ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكُمۡ لِبَاسٗا يُوَٰرِي سَوۡءَٰتِكُمۡ وَرِيشٗاۖ وَلِبَاسُ ٱلتَّقۡوَىٰ ذَٰلِكَ خَيۡرٞۚ ذَٰلِكَ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ

    Open ayah 7:26

    O mga anak ni Adan, katiyakan na Aming ibinaba sa inyo ang saplot [kasuutan] upang ikubli ang inyong mga maseselang bahagi [ng katawan] at bilang palamuti; nguni’t ang saplot ng taqwa [takot sa Allah] – iyan ang pinakamabuti. Iyan ay kabilang sa mga ayaat [aral, kapahayagan] ng Allah, upang sakali sila ay [matutong] makaalala.

  27. يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ لَا يَفۡتِنَنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ كَمَآ أَخۡرَجَ أَبَوَيۡكُم مِّنَ ٱلۡجَنَّةِ يَنزِعُ عَنۡهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوۡءَٰتِهِمَآۚ إِنَّهُۥ يَرَىٰكُمۡ هُوَ وَقَبِيلُهُۥ مِنۡ حَيۡثُ لَا تَرَوۡنَهُمۡۗ إِنَّا جَعَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ أَوۡلِيَآءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 7:27

    O mga anak ni Adan, huwag ninyong hayaang kayo ay tuksuhin [o linlangin] ng satanas, katulad ng pagpapalabas niya sa inyong mga magulang mula sa Paraiso, sila ay kapwa nahubaran niya ng kanilang mga saplot upang ipakita sa kanila ang kanilang sariling [maselang] bahagi [ng katawan]. Katotohanan, siya [ang satanas] ay nakakikita sa inyo, siya at ang kanyang kalahi samantalang kayo ay hindi nakakikita sa kanila. Katotohanan, ginawa Namin ang mga demonyo bilang awliya' [kapanalig o kaibigan] ng mga di-naniniwala.

  28. وَإِذَا فَعَلُواْ فَٰحِشَةٗ قَالُواْ وَجَدۡنَا عَلَيۡهَآ ءَابَآءَنَا وَٱللَّهُ أَمَرَنَا بِهَاۗ قُلۡ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَأۡمُرُ بِٱلۡفَحۡشَآءِۖ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:28

    At kapag sila ay nakagawa ng kahalayan, sila ay nagsasabing: “Aming natagpuan ang aming mga ninuno na ginagawa ito, at ito ay ipinag-utos ng Allah sa amin.” Sabihin: “Katotohanan, hindi ipinag-uutos ng Allah ang [gawaing] kahalayan. Kayo ba ay nagsasabi laban sa Allah ng anumang hindi ninyo nalalaman?”

  29. قُلۡ أَمَرَ رَبِّي بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَقِيمُواْ وُجُوهَكُمۡ عِندَ كُلِّ مَسۡجِدٖ وَٱدۡعُوهُ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَۚ كَمَا بَدَأَكُمۡ تَعُودُونَ

    Open ayah 7:29

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Ang aking Panginoon ay nag- utos ng katarungan at inyong panatilihin ang inyong mga sarili [sa pagsamba sa Kanya] sa bawa’t masjid at manawagan kayo sa Kanya, maging matapat kayo sa Kanya sa relihiyon.” Katulad ng Kanyang unang pagkalikha sa inyo, kayo ay ibabalik [sa pagkabuhay].

  30. فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلضَّلَٰلَةُۚ إِنَّهُمُ ٱتَّخَذُواْ ٱلشَّيَٰطِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ 

    Open ayah 7:30

    Ang isang pangkat [sa inyo] ay Kanyang pinatnubayan, at ang isang pangkat ay nararapat [na masadlak] sa pagkakaligaw. Katotohanan, sila [ang huli] ay nagturing sa mga demonyo bilang [kanilang] mga tagapangalaga [o kaibigan] sa halip na ang Allah, at kanilang inaakala na sila ay napatnubayan.

  31. ۞يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ خُذُواْ زِينَتَكُمۡ عِندَ كُلِّ مَسۡجِدٖ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ وَلَا تُسۡرِفُوٓاْۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡرِفِينَ

    Open ayah 7:31

    O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng palamuti [maayos na damit sa pagtungo], sa bawa’t masjid at kayo ay kumain at uminom, nguni’t huwag kayong magmalabis, katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga mapagmalabis.

  32. قُلۡ مَنۡ حَرَّمَ زِينَةَ ٱللَّهِ ٱلَّتِيٓ أَخۡرَجَ لِعِبَادِهِۦ وَٱلطَّيِّبَٰتِ مِنَ ٱلرِّزۡقِۚ قُلۡ هِيَ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا خَالِصَةٗ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:32

    Sabihin: Sino ba ang nagbawal sa palamuti ng Allah, na Kanyang inilitaw [ipinasuot] para sa Kanyang mga alipin, at sa mga mabubuting [bagay na] nagmula sa panustos? Sabihin: “Ang mga ito ay para sa mga naniniwala sa makamundong buhay, [at] natatangi para sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.” Ganyan Namin ipinaliliwanag [sa masusing paraan] ang ayaat [mga aral, tanda] para sa mga taong nakaaalam.

  33. قُلۡ إِنَّمَا حَرَّمَ رَبِّيَ ٱلۡفَوَٰحِشَ مَا ظَهَرَ مِنۡهَا وَمَا بَطَنَ وَٱلۡإِثۡمَ وَٱلۡبَغۡيَ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَأَن تُشۡرِكُواْ بِٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗا وَأَن تَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:33

    Sabihin : Ang ipinagbabawal lamang ng aking Panginoon ay ang mga kahalayan – anumang nakahayag nito at anumang nakatago, at kasalanan at pag-usig nang walang katarungan, at ang inyong pagtatambal sa Allah [sa pagsamba] na wala naman Siyang ibinabang kapahintulutan, at ang inyong pagsasabi ng anuman sa Allah na wala naman kayong nalalaman.

  34. وَلِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٞۖ فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ لَا يَسۡتَأۡخِرُونَ سَاعَةٗ وَلَا يَسۡتَقۡدِمُونَ

    Open ayah 7:34

    At sa bawa’t pamayanan ay isang [itinakdang] panahon. Kaya kapag sumapit na ang kanilang oras, [ito ay] hindi nila maaaring antalahin kahit isang saglit at hindi rin magagawang paagahin [o ito ay pangunahan].

  35. يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ إِمَّا يَأۡتِيَنَّكُمۡ رُسُلٞ مِّنكُمۡ يَقُصُّونَ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِي فَمَنِ ٱتَّقَىٰ وَأَصۡلَحَ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

    Open ayah 7:35

    O mga anak ni Adan, kung may dumating sa inyong mga sugo mula sa inyo, na nagsasalaysay sa inyo ng Aking mga aayat [kapahayagan], samakatwid, sinumang may takot [sa Allah] at naging matwid, sa kanila ay walang [mararanasang] pangamba at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.

  36. وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱسۡتَكۡبَرُواْ عَنۡهَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 7:36

    Nguni’t yaong mga nagtakwil sa Aming mga aayat [kapahayagan] at sila ay mapagmalaki sa mga ito [o wala man lamang pagpapahalaga], sila yaong mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno], at sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  37. فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ يَنَالُهُمۡ نَصِيبُهُم مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُنَا يَتَوَفَّوۡنَهُمۡ قَالُوٓاْ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالُواْ ضَلُّواْ عَنَّا وَشَهِدُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰفِرِينَ

    Open ayah 7:37

    Kaya sino ba ang di-makatarungang hihigit kaysa sa isang naglulubid [ng kasinungalingan] laban sa Allah o nagtatakwil ng Kanyang mga aayat [kapahayagan]? Sila yaong mga magkakamit ng kanilang nakatakdang bahagi mula sa aklat [ng tadhana] hanggang kapag ang Aming mga sugo [anghel ng kamatayan] ay dumating sa kanila upang sila ay kunin para sa kamatayan, sila [mga anghel] ay magsasabi: “Nasaan yaong lagi ninyong mga dinadalanginan bukod sa Allah,” at sila ay magsasabi, “Sila ay nagsilayo mula sa amin.” At sila ay sasaksi laban sa kanilang mga sarili, na sila ay mga di-naniniwala.

  38. قَالَ ٱدۡخُلُواْ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِكُم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ فِي ٱلنَّارِۖ كُلَّمَا دَخَلَتۡ أُمَّةٞ لَّعَنَتۡ أُخۡتَهَاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا ٱدَّارَكُواْ فِيهَا جَمِيعٗا قَالَتۡ أُخۡرَىٰهُمۡ لِأُولَىٰهُمۡ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ أَضَلُّونَا فَـَٔاتِهِمۡ عَذَابٗا ضِعۡفٗا مِّنَ ٱلنَّارِۖ قَالَ لِكُلّٖ ضِعۡفٞ وَلَٰكِن لَّا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:38

    [Ang Allah ay] magsasabi: “Magsipasok kayo, kabilang yaong mga naunang pamayanan [mula sa lipon] ng mga jinn at tao, sa Apoy.” Bawa’t sandali na mayroong mga mamamayan [o pamayanan] na pumapasok, isinusumpa nito ang kanyang kapwa mamamayan [o pamayanan] hanggang kapag silang lahat ay magtipong sama-sama roon sa Apoy, ang mga [mamamayang dumating ng] huli sa kanila ay magsasabi sa mga [mamamayang dumating na] nauna sa kanila. “Aming Panginoon, sila ang mga nagligaw sa amin [mula sa tamang landas], kaya sila ay Iyong bigyan ng ibayong parusa mula sa Apoy!” Siya ay magsasabi: “Ang bawa’t isa [sa inyo] ay may ibayong parusa, nguni’t [ito ay] hindi ninyo nababatid.”

  39. وَقَالَتۡ أُولَىٰهُمۡ لِأُخۡرَىٰهُمۡ فَمَا كَانَ لَكُمۡ عَلَيۡنَا مِن فَضۡلٖ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ

    Open ayah 7:39

    At ang mga nauna sa kanila ay magsasabi sa mga nahuli sa kanila: “Hindi kayo nakahihigit sa amin kaya inyong lasapin ang parusa nang dahil sa anumang [kasamaang] lagi ninyong pinagsusumikapan.”

  40. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱسۡتَكۡبَرُواْ عَنۡهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمۡ أَبۡوَٰبُ ٱلسَّمَآءِ وَلَا يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ ٱلۡجَمَلُ فِي سَمِّ ٱلۡخِيَاطِۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُجۡرِمِينَ 

    Open ayah 7:40

    Katotohanan, yaong mga nagsipagtakwil sa Aming aayat [mga kapahayagan, babala] at sila ay nagmalaki sa mga ito - ang mga pintuan ng kalangitan ay hindi magbubukas para sa kanila, at sila ay hindi makapapasok sa Paraiso hanggang ang kamelyo ay makapasok sa butas ng karayom. At ganyan Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng mga kabuktutan.

  41. لَهُم مِّن جَهَنَّمَ مِهَادٞ وَمِن فَوۡقِهِمۡ غَوَاشٖۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 7:41

    Sila ay may higaan mula sa Impiyerno at mula sa kanilang itaas ay mga takip [ng apoy]. At ganyan Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng kamalian.

  42. وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 7:42

    Subali’t yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid - hindi Namin pinagpapasan [ng pananagutan] ang sinuman nang higit sa kakayahan nito - sila yaong mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  43. وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلّٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي هَدَىٰنَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهۡتَدِيَ لَوۡلَآ أَنۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُۖ لَقَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُ رَبِّنَا بِٱلۡحَقِّۖ وَنُودُوٓاْ أَن تِلۡكُمُ ٱلۡجَنَّةُ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 7:43

    At Aming papawiin ang anumang hinanakit sa kanilang mga dibdib, [habang] sa kanilang mga ilalim ay may mga ilog na umaagos at sila ay magsasabing: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah] na Siyang pumatnubay sa amin [patungo] rito, at kailanman kami ay hindi mapapatnubayan kung kami ay hindi pinatnubayan ng Allah. Katiyakan, ang mga sugo ng aming Panginoon ay nagsirating na dala ang katotohanan.” At sila ay tatawagin: “Ito ang Paraiso na sa inyo ay ipinamana nang dahil sa anumang [kabutihang] inyong laging ginagawa.”

  44. وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ أَن قَدۡ وَجَدۡنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقّٗا فَهَلۡ وَجَدتُّم مَّا وَعَدَ رَبُّكُمۡ حَقّٗاۖ قَالُواْ نَعَمۡۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنُۢ بَيۡنَهُمۡ أَن لَّعۡنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 7:44

    At ang mga naninirahan sa Paraiso ay mananawagan sa mga naninirahan sa Apoy [na nagsasabing]: “Katunayan, natagpuan na namin na ang anumang ipinangako sa amin ng aming Panginoon ay sadyang totoo. Natagpuan din ba ninyo na ang ipinangako sa inyo ng inyong Panginoon ay sadyang totoo?” Sila ay magsasabi: “Oo.” Pagkaraan, ang isang tagapagbalita ay ipagbibigay-alam sa kanilang pagitan na: “Ang Sumpa ng Allah ay para sa mga mapaggawa ng kamalian.”

  45. ٱلَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 7:45

    Yaong mga humadlang [sa mga tao] sa Landas ng Allah, at nagtangkang gawing [tila ito ay] baluktot, at sila ang mga di-naniniwala tungkol sa kabilang buhay.

  46. وَبَيۡنَهُمَا حِجَابٞۚ وَعَلَى ٱلۡأَعۡرَافِ رِجَالٞ يَعۡرِفُونَ كُلَّۢا بِسِيمَىٰهُمۡۚ وَنَادَوۡاْ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ أَن سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡۚ لَمۡ يَدۡخُلُوهَا وَهُمۡ يَطۡمَعُونَ

    Open ayah 7:46

    At sa kanilang pagitan ay may isang harang. At sa bakod [A’raf] nito ay naroroon ang mga tao na nakakikilala ang lahat [ng mga tao sa Paraiso at Impiyerno] sa pamamagitan ng kanilang mga tanda. At sila ay mananawagan sa mga naninirahan sa Paraiso, “Kapayapaan ay sumainyo’’ at sila ay hindi pa nakapasok dito [sa Paraiso], subali’t sila ay labis na umaasam [hinggil dito].

  47. ۞وَإِذَا صُرِفَتۡ أَبۡصَٰرُهُمۡ تِلۡقَآءَ أَصۡحَٰبِ ٱلنَّارِ قَالُواْ رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 7:47

    At kapag ang kanilang mga paningin ay mapatuon sa mga naninirahan sa Impiyerno, sila ay magsasabi: “O aming Panginoon, huwag Mo po kaming ilalagay na kasama ng mga taong mapaggawa ng kamalian.”

  48. وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَعۡرَافِ رِجَالٗا يَعۡرِفُونَهُم بِسِيمَىٰهُمۡ قَالُواْ مَآ أَغۡنَىٰ عَنكُمۡ جَمۡعُكُمۡ وَمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ

    Open ayah 7:48

    At ang mga maninirahan sa A’raf [bakod] ay mananawagan sa mga tao [ng Impiyerno] na kanilang nakikilala sa pamamagitan ng kanilang mga tanda, na nagsasabing: “Hindi nakakatulong sa inyo ang inyong paglilikom [ng yaman o kapangyarihan] at ang inyong pagiging mapagmalaki?”

  49. أَهَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَقۡسَمۡتُمۡ لَا يَنَالُهُمُ ٱللَّهُ بِرَحۡمَةٍۚ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمۡ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ

    Open ayah 7:49

    [Ang Allah ay magsasabi sa mga tao ng Impiyerno] “Sila ba yaong inyong mga isinumpa, [na inyong sinasabing] sila [na nasa A’raf ay hindi kailanman gagawaran ng Allah ng [Kanyang] habag. [Subali’t O mga taong nasa A’raf] “Kayo [ay humayong] magsipasok sa Paraiso. Kayo ay walang [mararanasang] pangamba at walang [madaramang] kalungkutan.”

  50. وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ أَنۡ أَفِيضُواْ عَلَيۡنَا مِنَ ٱلۡمَآءِ أَوۡ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُۚ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ 

    Open ayah 7:50

    At ang mga maninirahan sa Apoy ay mananawagan sa mga maninirahan sa Paraiso: “Kami ay inyong buhusan ng tubig o anumang panustos na sa inyo ay ipinagkaloob ng Allah.” Sila ay magsasabi: “Katiyakan, ipinagbabawal ng Allah ang dalawang ito [tubig at anumang panustos] sa mga di-naniniwala.

  51. ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ دِينَهُمۡ لَهۡوٗا وَلَعِبٗا وَغَرَّتۡهُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ نَنسَىٰهُمۡ كَمَا نَسُواْ لِقَآءَ يَوۡمِهِمۡ هَٰذَا وَمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ

    Open ayah 7:51

    [Sila] yaong mga nagturing sa kanilang relihiyon bilang isang libangan at laro [lamang], at ang buhay sa mundo ay luminlang sa kanila.” Kaya sa Araw na ito, sila ay Aming kalilimutan tulad ng kanilang paglimot sa pakikipagharap sa kanilang Araw na ito, at sa kanilang pagtalikod sa Aming mga ayaat [kapahayagan].

  52. وَلَقَدۡ جِئۡنَٰهُم بِكِتَٰبٖ فَصَّلۡنَٰهُ عَلَىٰ عِلۡمٍ هُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 7:52

    At katiyakan Aming ipinarating sa kanila ang Aklat [ang Qur’an] na Aming masusing ipinaliwanag nang may kaalaman, bilang patnubay at habag para sa mga taong naniniwala.

  53. هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا تَأۡوِيلَهُۥۚ يَوۡمَ يَأۡتِي تَأۡوِيلُهُۥ يَقُولُ ٱلَّذِينَ نَسُوهُ مِن قَبۡلُ قَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُ رَبِّنَا بِٱلۡحَقِّ فَهَل لَّنَا مِن شُفَعَآءَ فَيَشۡفَعُواْ لَنَآ أَوۡ نُرَدُّ فَنَعۡمَلَ غَيۡرَ ٱلَّذِي كُنَّا نَعۡمَلُۚ قَدۡ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ

    Open ayah 7:53

    Sila ba ay magsisipaghintay maliban sa katuparan nito? Sa araw ng katuparan nito, magsisirating yaong [mga taong] noon ay niwalang-halaga [ang mensaheng] ito, magsasabing: “Katotohanan, ang mga sugo ng aming Panginoon ay naparitong dala ang katotohanan, kaya [sa sandaling iyon] mayroon bang mga tagapamagitan na maaaring mamagitan para sa atin? O maaari bang tayo ay ibalik muli [sa mundo] upang tayo ay makagawa [ng kabutihan] kaysa sa anumang [masasamang] gawa na ating laging ginagawa?” Katiyakan, sila ay mawawalan sa kanilang mga sarili at naglaho mula sa kanila ang anumang lagi nilang nilulubid [na kasinungalingan].

  54. إِنَّ رَبَّكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ يُغۡشِي ٱلَّيۡلَ ٱلنَّهَارَ يَطۡلُبُهُۥ حَثِيثٗا وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ وَٱلنُّجُومَ مُسَخَّرَٰتِۭ بِأَمۡرِهِۦٓۗ أَلَا لَهُ ٱلۡخَلۡقُ وَٱلۡأَمۡرُۗ تَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 7:54

    Katotohanan, ang inyong Panginoon ay ang Allah Na Siyang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan sa loob ng anim na araw. Pagkaraan, Siya ay pumaitaas [istawa] sa Trono. Kanyang tinatakpan ang gabi ng araw - matuling sinusundan ito, at [Kanyang nilikha] ang araw, at ang buwan, at ang mga bituin, itinalaga sa pamamagitan ng Kanyang kautusan. Walang alinlangan, nasa Kanya ang [kapangyarihan ng] paglikha at pag-uutos. Mapagpala ang Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha.

  55. ٱدۡعُواْ رَبَّكُمۡ تَضَرُّعٗا وَخُفۡيَةًۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُعۡتَدِينَ

    Open ayah 7:55

    Manalangin kayo sa inyong Panginoon nang may pagpapakumbaba at nang sarilinan. Katiyakan, hindi Niya minamahal ang mga mapanlabag.

  56. وَلَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بَعۡدَ إِصۡلَٰحِهَا وَٱدۡعُوهُ خَوۡفٗا وَطَمَعًاۚ إِنَّ رَحۡمَتَ ٱللَّهِ قَرِيبٞ مِّنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 7:56

    At huwag kayong maghasik ng katiwalian sa balat ng lupa, pagkaraang ito ay isinaayos, at manalangin kayo sa Kanya nang may [kaakibat na] takot at pag-asam. Katiyakan, ang habag ng Allah ay [lagi] nang malapit sa mga mapaggawa ng kabutihan.

  57. وَهُوَ ٱلَّذِي يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦۖ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَقَلَّتۡ سَحَابٗا ثِقَالٗا سُقۡنَٰهُ لِبَلَدٖ مَّيِّتٖ فَأَنزَلۡنَا بِهِ ٱلۡمَآءَ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦ مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِۚ كَذَٰلِكَ نُخۡرِجُ ٱلۡمَوۡتَىٰ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 7:57

    At Siya ang nagpadala ng mga hangin bilang tanda ng magandang balita bago [dumating] ang Kanyang habag [ang ulan], hanggang ang mga ito ay magpasan ng mabigat na ulap, Aming itinaboy ito patungo sa tigang na lupa at Aming ibinaba ang tubig [ulan] doon. At Aming pinatubo sa pamamagitan nito [ng ulan] ang bawa’t uri ng prutas. Ganyan Namin palalabasin [bubuhaying muli] ang mga patay upang sakali kayo ay mapaalalahanan.

  58. وَٱلۡبَلَدُ ٱلطَّيِّبُ يَخۡرُجُ نَبَاتُهُۥ بِإِذۡنِ رَبِّهِۦۖ وَٱلَّذِي خَبُثَ لَا يَخۡرُجُ إِلَّا نَكِدٗاۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَشۡكُرُونَ

    Open ayah 7:58

    At sa mabuting lupa - ang [luntiang] pananim nito ay sumibol [nang sagana] sa Kapahintulutan ng Panginoon nito; nguni’t ang masama [na lupa] - walang sumibol maliban sa madalang. Ganyan nga Namin pinag- iba-iba ang paliwanag sa mga aayat [palatandaan] para sa mga taong mapagpasalamat.

  59. لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ

    Open ayah 7:59

    Katiyakan, Aming ipinadala si Noah sa kanyang mga mamamayan at siya ay nagsabi: “O, aking mga mamamayan, sambahin ninyo ang Allah; wala kayong ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Tunay na aking pinangangambahan para sa inyo ang parusa ng isang Dakilang Araw.”

  60. قَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِۦٓ إِنَّا لَنَرَىٰكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ 

    Open ayah 7:60

    Ang bantog [o kinikilalang namumuno] mula sa kanyang mga mamamayan ay nagsabi [kay Noah]: “Katotohanan, aming nakikita na ikaw ay nasa hayag na pagkaligaw.”

  61. قَالَ يَٰقَوۡمِ لَيۡسَ بِي ضَلَٰلَةٞ وَلَٰكِنِّي رَسُولٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 7:61

    Siya [Noah] ay nagsabi: “O, aking mga mamamayan, wala sa akin ang pagkaligaw, bagkus ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilikha.”

  62. أُبَلِّغُكُمۡ رِسَٰلَٰتِ رَبِّي وَأَنصَحُ لَكُمۡ وَأَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:62

    Aking ipinararating sa inyo ang mga mensahe ng aking Panginoon at kayo ay aking pinagpapayuhan. At aking nababatid mula sa Allah ang anumang hindi ninyo nababatid.

  63. أَوَعَجِبۡتُمۡ أَن جَآءَكُمۡ ذِكۡرٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنكُمۡ لِيُنذِرَكُمۡ وَلِتَتَّقُواْ وَلَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

    Open ayah 7:63

    At kayo ba ay nagtataka na may dumating sa inyong isang paalala mula sa inyong Panginoon sa pamamagitan ng isang lalaking kabilang sa inyong [lahi], upang kayo ay kanyang balaan at upang kayo ay matakot [sa Allah] at upang sakali kayo ay tumanggap ng habag?”

  64. فَكَذَّبُوهُ فَأَنجَيۡنَٰهُ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ وَأَغۡرَقۡنَا ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمًا عَمِينَ

    Open ayah 7:64

    Subali’t siya [si Noah] ay kanilang itinakwil, kaya siya ay Aming iniligtas at yaong kanyang mga kasamahan sa sasakyang-dagat, at Aming nilunod yaong mga nagtakwil sa Aming mga ayaat [babala]. Katotohanan, sila ay mga taong bulag [sa katotohanan].

  65. ۞وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمۡ هُودٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ

    Open ayah 7:65

    At sa [mga mamamayan ng] 'Aad [Aming isinugo] ang kanilang kapatid na si Hud. Siya ay nagsabi: “O, aking mga mamamayan, sambahin ang Allah; wala kayong ibang diyos maliban sa Kanya. Hindi ba kayo, kung gayon, natatakot sa Kanya?”

  66. قَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦٓ إِنَّا لَنَرَىٰكَ فِي سَفَاهَةٖ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ

    Open ayah 7:66

    Nagsabi yaong mga bantog [namumuno] sa mga di-naniniwala na kabilang sa kanyang mga mamamayan na: “Katotohanan, aming nakikita sa iyo ang pagiging hangal, at katotohanan, aming iniisip na ikaw ay isa sa mga sinungaling.”

  67. قَالَ يَٰقَوۡمِ لَيۡسَ بِي سَفَاهَةٞ وَلَٰكِنِّي رَسُولٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 7:67

    Siya [si Hud] ay nagsabi: “O, aking mga mamamayan, hindi ako inaalihan ng kahangalan, bagkus [ako ay] isang sugo mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilikha.

  68. أُبَلِّغُكُمۡ رِسَٰلَٰتِ رَبِّي وَأَنَا۠ لَكُمۡ نَاصِحٌ أَمِينٌ

    Open ayah 7:68

    Aking ipinararating sa inyo ang mga mensahe ng aking Panginoon, at ako ay isang mapagkakatiwalaang tagapagpayo para sa inyo.

  69. أَوَعَجِبۡتُمۡ أَن جَآءَكُمۡ ذِكۡرٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنكُمۡ لِيُنذِرَكُمۡۚ وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ جَعَلَكُمۡ خُلَفَآءَ مِنۢ بَعۡدِ قَوۡمِ نُوحٖ وَزَادَكُمۡ فِي ٱلۡخَلۡقِ بَصۜۡطَةٗۖ فَٱذۡكُرُوٓاْ ءَالَآءَ ٱللَّهِ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ

    Open ayah 7:69

    At kayo ba ay nagtataka na may dumating sa inyo na isang paalala mula sa inyong Panginoon sa pamamagitan ng isang lalaking kabilang sa inyong [lahi], upang kayo ay kanyang balaan [o paalalahanan]? At inyong alalahanin nang kayo ay Kanyang ginawang khulafa [tagapaghalili ng lahi] pagkalipas ng mga mamamayan ni Noah at kayo ay Kanyang dinagdagan sa pagkakalikha nang labis na taas [sukat sa katayuan]. Kaya, inyong alalahanin ang mga kagandahang-loob ng Allah upang sakali kayo ay magsipagtagumpay.”

  70. قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا لِنَعۡبُدَ ٱللَّهَ وَحۡدَهُۥ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ 

    Open ayah 7:70

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ba ay naparito sa amin upang [ipag-utos na] sambahin ang Allah, tanging Siya lamang at talikdan ang anumang dating sinasamba ng aming mga ninuno? Magkagayon, dalhin mo sa amin ang anumang ipinangako mo sa amin kung tunay nga na ikaw ay kabilang sa makatotohanan.”

  71. قَالَ قَدۡ وَقَعَ عَلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُمۡ رِجۡسٞ وَغَضَبٌۖ أَتُجَٰدِلُونَنِي فِيٓ أَسۡمَآءٖ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّا نَزَّلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٖۚ فَٱنتَظِرُوٓاْ إِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُنتَظِرِينَ

    Open ayah 7:71

    Siya [si Hud] ay nagsabi: “Ang kaparusahan at poot ay bumaba na sa inyo mula sa inyong Panginoon. Makikipagtalo ba kayo sa akin tungkol [lamang] sa mga pangalan na inyong ipinangalan [sa mga itinuturing ninyong mga diyos], kayo at ng inyong mga ninuno - para sa alinman na ang Allah ay walang ibinaba na isa mang batayan [o kapahintulutan]? Kaya kayo ay magsipaghintay, [sapagka’t] ako ay kabilang sa mga nagsisipaghintay.”

  72. فَأَنجَيۡنَٰهُ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَقَطَعۡنَا دَابِرَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَاۖ وَمَا كَانُواْ مُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 7:72

    Kaya siya [si Hud] ay Aming iniligtas at yaong kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng habag mula sa Amin, at pinutol Namin ang kadulu-duluhang [pinag-ugatang lahi] niyaong mga nagtakwil sa Aming mga kapahayagan at sila ay hindi [nabibilang sa] mga naniniwala.

  73. وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ قَدۡ جَآءَتۡكُم بَيِّنَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡۖ هَٰذِهِۦ نَاقَةُ ٱللَّهِ لَكُمۡ ءَايَةٗۖ فَذَرُوهَا تَأۡكُلۡ فِيٓ أَرۡضِ ٱللَّهِۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 7:73

    At sa [Tribu ng] Thamud [Aming isinugo] ang kanilang kapatid na si Salih. Siya ay nagsabi: “O, aking mga mamamayan, sambahin ang Alllah. Wala kayong ibang diyos maliban sa Kanya. Katotohanan, may dumating sa inyong isang malinaw na katibayan mula sa inyong Panginoon. Ang babaing kamelyong ito ng Allah ay isang palatandaan para sa inyo, kaya hayaan itong manginain sa lupa ng Allah at huwag ninyong dudulutan ito ng anumang pananakit, upang hindi kayo datnan ng isang mahapding parusa.

  74. وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ جَعَلَكُمۡ خُلَفَآءَ مِنۢ بَعۡدِ عَادٖ وَبَوَّأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ تَتَّخِذُونَ مِن سُهُولِهَا قُصُورٗا وَتَنۡحِتُونَ ٱلۡجِبَالَ بُيُوتٗاۖ فَٱذۡكُرُوٓاْ ءَالَآءَ ٱللَّهِ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ

    Open ayah 7:74

    At alalahanin nang kayo ay Kanyang ginawang khulafa [tagapaghalili ng lahi] pagkalipas ng [mga mamamayan ng] Aad at kayo ay pinamalagi sa kalupaan, kayo ay nagtayo para sa inyong mga sarili ng mga palasyo sa mga kapatagan [ng mga lupain] at nag-ukit ng mga bundok upang [inyong gawing] mga tahanan. Kaya alalahanin ang mga kagandahang-loob ng Allah at huwag kayong gumawa ng kaguluhan sa lupa, naghahasik ng katiwalian.”

  75. قَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ لِلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ لِمَنۡ ءَامَنَ مِنۡهُمۡ أَتَعۡلَمُونَ أَنَّ صَٰلِحٗا مُّرۡسَلٞ مِّن رَّبِّهِۦۚ قَالُوٓاْ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلَ بِهِۦ مُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 7:75

    Nagsabi yaong mga bantog [namumuno] mula sa mga [taong] mapagmalaking kabilang sa kanyang mga mamamayan sa mga [taong naniniwala na kanilang itinuturing bilang] mahihina na: “Alam ba ninyo na si Salih ay isinugo mula sa Kanyang Panginoon.” Sila ay nagsabi: “Kami ay tunay na naniniwala sa anumang ipinadala sa kanya.”

  76. قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا بِٱلَّذِيٓ ءَامَنتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 7:76

    Nagsabi yaong mga [taong] mapagmalaki na: “Katotohanan, kami ay hindi naniniwala sa anumang inyong pinaniniwalaan.”

  77. فَعَقَرُواْ ٱلنَّاقَةَ وَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ وَقَالُواْ يَٰصَٰلِحُ ٱئۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

    Open ayah 7:77

    Kaya kanilang nilumpo [at pagkaraa’y pinatay] ang babaing kamelyo at walang pakundangang nilabag ang kautusan ng kanilang Panginoon, at [sila ay] nagsabi: “O Salih, dalhin mo sa amin ang anumang ipinangako mo sa amin kung tunay nga na ikaw ay isa sa mga sugo [ng Allah].”

  78. فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دَارِهِمۡ جَٰثِمِينَ

    Open ayah 7:78

    Kaya sila ay sinakmal ng lindol at sila ay [patay na] nakalugmok sa kanilang mga pamamahay.

  79. فَتَوَلَّىٰ عَنۡهُمۡ وَقَالَ يَٰقَوۡمِ لَقَدۡ أَبۡلَغۡتُكُمۡ رِسَالَةَ رَبِّي وَنَصَحۡتُ لَكُمۡ وَلَٰكِن لَّا تُحِبُّونَ ٱلنَّٰصِحِينَ

    Open ayah 7:79

    Kaya, siya [si Salih] ay tumalikod mula sa kanila at nagsabi: “O, aking mga mamamayan, katiyakan na aking ipinarating sa inyo ang mensahe ng aking Panginoon at kayo ay binigyan [ko] ng mabubuting payo nguni’t hindi ninyo nais ang mga tagapagpayo.”

  80. وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مَا سَبَقَكُم بِهَا مِنۡ أَحَدٖ مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ 

    Open ayah 7:80

    At [Aming ipinadala] si Lot, nang siya ay nagsabi sa kanyang mga mamamayan: “Kayo ba ay gumawa ng isang kahalayan na hindi pa nagawa ng sinumang mga nagsiuna sa inyo sa lahat ng mga nilikha?”

  81. إِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهۡوَةٗ مِّن دُونِ ٱلنِّسَآءِۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ مُّسۡرِفُونَ

    Open ayah 7:81

    “Katotohanan, inyong [pinagnanasaang] lapitan ang mga lalaki sa halip na ang mga babae. Tunay nga, na kayo ay mga taong mapagmalabis.”

  82. وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ أَخۡرِجُوهُم مِّن قَرۡيَتِكُمۡۖ إِنَّهُمۡ أُنَاسٞ يَتَطَهَّرُونَ

    Open ayah 7:82

    At ang naging kasagutan ng kanyang mga mamamayan ay ang pagsasabi lamang nila ng: “Sila ay inyong palayasin sa inyong bayan, tunay na sila ang mga taong nagnanais na manatiling malinis.”

  83. فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ

    Open ayah 7:83

    Kaya siya at ang kanyang mag-anak ay Aming iniligtas maliban sa kanyang asawa; siya ay kabilang sa mga nagpaiwan [kasama ng mga makasalanan].

  84. وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ

    Open ayah 7:84

    At sila ay Aming pinaulanan ng ulan [ng mga bato]. Kaya, inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga taong mapaggawa ng mga kabuktutan.

  85. وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ قَدۡ جَآءَتۡكُم بَيِّنَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡۖ فَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَٱلۡمِيزَانَ وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بَعۡدَ إِصۡلَٰحِهَاۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 7:85

    At sa [mga mamamayan ng] Madyan [Midian] [Aming isinugo] ang kanilang kapatid na si Shu’aib. Siya ay nagsabi: “O, aking mga mamamayan, inyong sambahin ang Allah; wala kayong ibang diyos maliban sa Kanya. Katotohanan, may dumating na isang malinaw na katibayan mula sa inyong Panginoon, kaya inyong tuparin o ibigay ang tamang sukat at tamang timbang at huwag bawasan sa mga tao ang mga bagay na nararapat para sa kanila, at huwag kayong gumawa ng katiwalian sa kalupaan pagkaraang ito ay ginawang maayos. Iyan ay nakabubuti para sa inyo kung tunay nga na kayo ay mga [tapat na] naniniwala.

  86. وَلَا تَقۡعُدُواْ بِكُلِّ صِرَٰطٖ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ بِهِۦ وَتَبۡغُونَهَا عِوَجٗاۚ وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ كُنتُمۡ قَلِيلٗا فَكَثَّرَكُمۡۖ وَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ

    Open ayah 7:86

    At huwag kayong nagsisiupo sa bawa't daraanan upang manakot [o magbanta], at [upang] hadlangan sa Landas ng Allah yaong mga [taong] naniwala sa Kanya at naglalayong ito ay gawing [tila] baluktot, at inyong alalahanin nang kayo ay mangilan-ngilan lamang, kayo ay Kanyang pinarami [kayo ay Kanyang pinagyaman at ginawang maunlad]. At inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga [taong] mapaggawa ng mga katiwalian.

  87. وَإِن كَانَ طَآئِفَةٞ مِّنكُمۡ ءَامَنُواْ بِٱلَّذِيٓ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦ وَطَآئِفَةٞ لَّمۡ يُؤۡمِنُواْ فَٱصۡبِرُواْ حَتَّىٰ يَحۡكُمَ ٱللَّهُ بَيۡنَنَاۚ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ

    Open ayah 7:87

    At kung mayroon mang isang pangkat na kabilang sa inyo ang naniwala nito na siyang [tunay na layon ng] pagkasugo sa akin at isang pangkat ang di-naniwala [nito], magkagayon, kayo ay [nararapat] maging matiisin hanggang maghatol ang Allah sa pagitan natin, at Siya ang pinakamahusay na Tagapaghatol.”

  88. ۞قَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ لَنُخۡرِجَنَّكَ يَٰشُعَيۡبُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَكَ مِن قَرۡيَتِنَآ أَوۡ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَاۚ قَالَ أَوَلَوۡ كُنَّا كَٰرِهِينَ

    Open ayah 7:88

    Sinabi niyaong mga bantog [o kinikilalang namumuno] mula sa mga mga mamamayan: “O, Shu’aib, katiyakan na ikaw ay aming itataboy papa naniwala mula sa ating bayan, o kaya’y kayo ay nararapat na magsibalik Shu’aib] ay nagsabi: “Kahit ba ito ay aming kinamumuhian?

  89. قَدِ ٱفۡتَرَيۡنَا عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا إِنۡ عُدۡنَا فِي مِلَّتِكُم بَعۡدَ إِذۡ نَجَّىٰنَا ٱللَّهُ مِنۡهَاۚ وَمَا يَكُونُ لَنَآ أَن نَّعُودَ فِيهَآ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّنَاۚ وَسِعَ رَبُّنَا كُلَّ شَيۡءٍ عِلۡمًاۚ عَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلۡنَاۚ رَبَّنَا ٱفۡتَحۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَ قَوۡمِنَا بِٱلۡحَقِّ وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡفَٰتِحِينَ

    Open ayah 7:89

    Maaaring kami ay makapaglubid ng kasinungalingan laban sa Allah kung kami ay magsibalik sa inyong [maling] relihiyon pagkaraang kami ay iniligtas ng Allah mula rito. Kaya hindi marapat para sa amin ang magbalik pa rito maliban kung ang Allah, na Siyang aming Panginoon ay magpahintulot nito. Saklaw ng Aming Panginoon ang lahat ng bagay sa [pamamagitan ng] Kanyang kaalaman. Sa Allah, kami ay nagtitiwala [nang lubusan]. Aming Panginoon, Ikaw ay magpasiya sa pagitan namin at sa pagitan ng aming mga mamamayan sa katotohanan. At Ikaw ang Pinakamahusay sa mga nagbibigay ng pasiya.”

  90. وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ لَئِنِ ٱتَّبَعۡتُمۡ شُعَيۡبًا إِنَّكُمۡ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ 

    Open ayah 7:90

    At sinabi niyaong mga bantog [o kinikilalang namumuno] mula sa mga di-naniwalang kabilang sa kanyang mga mamamayan:“Kapag inyong sinunod si Shu’aib, katiyakang kayo, kung gayon ang mga talunan [o nawalan].”

  91. فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دَارِهِمۡ جَٰثِمِينَ

    Open ayah 7:91

    Kaya, sila ay ginulantang [nang matinding pagyanig] ng lindol at sila ay [patay na] nakalugmok sa loob ng kanilang mga [sariling] pamamahay.

  92. ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ شُعَيۡبٗا كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَاۚ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ شُعَيۡبٗا كَانُواْ هُمُ ٱلۡخَٰسِرِينَ

    Open ayah 7:92

    Yaong mga nagtakwil kay Shu’aib ay wari bang sila ay hindi [dating] nanirahan doon [sa kanilang mga pamamahay]. Yaong mga nagtakwil [di- naniwala] kay Shu’aib, sila ang naging mga talunan [o mga nawalan].

  93. فَتَوَلَّىٰ عَنۡهُمۡ وَقَالَ يَٰقَوۡمِ لَقَدۡ أَبۡلَغۡتُكُمۡ رِسَٰلَٰتِ رَبِّي وَنَصَحۡتُ لَكُمۡۖ فَكَيۡفَ ءَاسَىٰ عَلَىٰ قَوۡمٖ كَٰفِرِينَ

    Open ayah 7:93

    Kaya, siya [Shu’aib] ay tumalikod sa kanila at nagsabi:“O aking mga mamamayan, katiyakan na aking naiparating ang mga mensahe ng aking Panginoon sa inyo at aking ibinigay sa inyo ang mabuting payo. Kaya, paano ako malulungkot para sa mga taong di-naniniwala.”

  94. وَمَآ أَرۡسَلۡنَا فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّبِيٍّ إِلَّآ أَخَذۡنَآ أَهۡلَهَا بِٱلۡبَأۡسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ لَعَلَّهُمۡ يَضَّرَّعُونَ

    Open ayah 7:94

    At wala Kaming ipinadalang propeta sa alinmang bayan [na hindi nila itinakwil] maliban na Aming hinablot ang mga mamamayan nito sa pamamagitan ng karukhaan at kahirapan upang sakali sila ay magpakumbaba [sa Allah].

  95. ثُمَّ بَدَّلۡنَا مَكَانَ ٱلسَّيِّئَةِ ٱلۡحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَواْ وَّقَالُواْ قَدۡ مَسَّ ءَابَآءَنَا ٱلضَّرَّآءُ وَٱلسَّرَّآءُ فَأَخَذۡنَٰهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 7:95

    Pagkaraan Aming pinalitan ang masamang kalagayan ng kabutihan, hanggang sa sila ay dumami sa bilang [at umunlad] at sila ay nagsabi [nang may pagmamalaki]: “Ang aming mga ninuno ay dinatnan [din] ng matinding kahirapan at kasaganaan.” Kaya, sila ay Aming hinablot nang biglaan habang hindi nila namamalayan.

  96. وَلَوۡ أَنَّ أَهۡلَ ٱلۡقُرَىٰٓ ءَامَنُواْ وَٱتَّقَوۡاْ لَفَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَرَكَٰتٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِن كَذَّبُواْ فَأَخَذۡنَٰهُم بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

    Open ayah 7:96

    At kung ang mga mamamayan ng mga bayan ay naniwala lamang at nagkaroon ng takot [sa Allah] katiyakan, Aming bubuksan para sa kanila ang mga pagpapala mula sa langit at lupa, subali’t kanilang itinakwil [ang mga sugo]. Kaya sila ay Aming hinablot [ng parusa] nang dahil sa anumang kanilang lagi nang pinagsusumikapan.

  97. أَفَأَمِنَ أَهۡلُ ٱلۡقُرَىٰٓ أَن يَأۡتِيَهُم بَأۡسُنَا بَيَٰتٗا وَهُمۡ نَآئِمُونَ

    Open ayah 7:97

    Kaya, sila bang mga mamamayan ng mga bayan ay nakadarama ng katiwasayan laban sa pagdating ng Aming kaparusahan sa [oras ng] gabi habang sila ay [himbing na] natutulog?

  98. أَوَأَمِنَ أَهۡلُ ٱلۡقُرَىٰٓ أَن يَأۡتِيَهُم بَأۡسُنَا ضُحٗى وَهُمۡ يَلۡعَبُونَ

    Open ayah 7:98

    O di kaya sila bang mga mamamayan ng mga bayan ay nakadarama ng katiwasayan laban sa pagdating ng Aming kaparusahan sa kinaumagahan habang sila ay nagsisipaglaro?

  99. أَفَأَمِنُواْ مَكۡرَ ٱللَّهِۚ فَلَا يَأۡمَنُ مَكۡرَ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

    Open ayah 7:99

    O sila ba ay nakadarama ng katiwasayan mula sa balakin ng Allah? Walang sinuman ang nakadarama ng katiwasayan mula sa balakin ng Allah maliban yaong mga taong nawalan [o talunan].

  100. أَوَلَمۡ يَهۡدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِ أَهۡلِهَآ أَن لَّوۡ نَشَآءُ أَصَبۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡۚ وَنَطۡبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ 

    Open ayah 7:100

    Ito ba ay hindi naging malinaw [na pahiwatig] sa mga nagmana ng kalupaan pagkaraan ng mga [naunang] mamamayan nito, na kung Aming naisin, sila ay maaari Naming parusahan sa kanilang mga kasalanan? At Aming sasarhan ang kanilang mga puso upang sa gayon, sila ay hindi makarinig.

  101. تِلۡكَ ٱلۡقُرَىٰ نَقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآئِهَاۚ وَلَقَدۡ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا كَانُواْ لِيُؤۡمِنُواْ بِمَا كَذَّبُواْ مِن قَبۡلُۚ كَذَٰلِكَ يَطۡبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلۡكَٰفِرِينَ 

    Open ayah 7:101

    Iyon ang mga pamayanan [o mamamayan] na ang mga kasaysayan ay Aming isinalaysay sa iyo [O Muhammad]. At katiyakan na mayroong dumating sa kanilang mga sugo na may dalang malilinaw na katibayan subali’t hindi nila pinaniwalaan ang anumang [mensahe] na noon pa man ay itinakwil na. [Kung paano sinarhan ang mga puso ng mga di-naniwala noon] Ganyan sinarhan ng Allah ang mga puso ng mga di-naniniwala.

  102. وَمَا وَجَدۡنَا لِأَكۡثَرِهِم مِّنۡ عَهۡدٖۖ وَإِن وَجَدۡنَآ أَكۡثَرَهُمۡ لَفَٰسِقِينَ 

    Open ayah 7:102

    At wala Kaming natagpuang isa mang kasunduan [na natupad] para sa karamihan sa kanila, bagkus, ang karamihan sa kanila ay mga suwail.

  103. ثُمَّ بَعَثۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِم مُّوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَظَلَمُواْ بِهَاۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ 

    Open ayah 7:103

    Pagkaraan, Aming isinugo pagkalipas nila, si Moises na dala ang Aming mga ayaat [himala o babala] kay Paraon at sa kanyang mga pinuno, nguni’t sila ay naging di-makatarungan sa mga ito. Kaya iyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga mapaggawa ng katiwalian.

  104. وَقَالَ مُوسَىٰ يَٰفِرۡعَوۡنُ إِنِّي رَسُولٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ 

    Open ayah 7:104

    At sinabi ni Moises: “O Paraon, katotohanan, ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilikha.

  105. حَقِيقٌ عَلَىٰٓ أَن لَّآ أَقُولَ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّۚ قَدۡ جِئۡتُكُم بِبَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ فَأَرۡسِلۡ مَعِيَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ 

    Open ayah 7:105

    [Nakaatang sa akin ang] tungkulin na huwag magsasabi ng tungkol sa Allah maliban ang katotohanan. Katiyakan, ako ay naparito sa inyo na may dalang mga malilinaw na katibayan mula sa inyong Panginoon. Kaya, ako ay hayaan mong lumisang kasama ng mga anak ni Israel.”

  106. قَالَ إِن كُنتَ جِئۡتَ بِـَٔايَةٖ فَأۡتِ بِهَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ 

    Open ayah 7:106

    Siya [si Paraon] ay nagsabi: “Kung ikaw ay naparito na may dalang ayah [himala o babala], magkagayon ilabas mo ito, kung ikaw nga ay isa sa mga makatotohanan.”

  107. فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٞ مُّبِينٞ 

    Open ayah 7:107

    Kaya, inihagis ni Moises ang kanyang tungkod at kapagdaka, ito ay [naging] isang lantad na ahas!

  108. وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ 

    Open ayah 7:108

    At kanyang inilabas ang kanyang kamay [mula sa bulsa ng kanyang damit], at kapagdaka, ito ay maputi [puspos ng liwanag] para sa mga nagmamasid.

  109. قَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِ فِرۡعَوۡنَ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٞ 

    Open ayah 7:109

    Ang mga bantog [namumuno] mula sa mga mamamayan ni Paraon ay nagsabi: “Katotohanan, ito ay isang bihasang salamangkero,

  110. يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُمۡۖ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ 

    Open ayah 7:110

    Na naghahangad na kayo ay itaboy mula sa inyong lupain [sa pamamagitan ng salamangka] kaya ano nga ba ang inyong ipag-uutos?”

  111. قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَأَرۡسِلۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ

    Open ayah 7:111

    Sila ay nagsabi: “[Ipagpaliban o] pigilin siya at ang kanyang kapatid at magpadala sa mga lungsod ng mga tagapagtipon –

  112. يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَٰحِرٍ عَلِيمٖ

    Open ayah 7:112

    “Na magdadala sa iyo ng lahat ng mga bihasang salamangkero.”

  113. وَجَآءَ ٱلسَّحَرَةُ فِرۡعَوۡنَ قَالُوٓاْ إِنَّ لَنَا لَأَجۡرًا إِن كُنَّا نَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبِينَ

    Open ayah 7:113

    At nagsirating ang mga salamangkero kay Paraon, sila ay nagsabi: “Tunay nga bang sa amin ay may nakalaang gantimpala kung kami ang magsisipagwagi.”

  114. قَالَ نَعَمۡ وَإِنَّكُمۡ لَمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ

    Open ayah 7:114

    Siya [si Paraon] ay nagsabi: “Oo, at kayo ay mapabibilang sa mga pinakamalapit [sa akin].”

  115. قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ نَحۡنُ ٱلۡمُلۡقِينَ

    Open ayah 7:115

    [Sa Araw ng Paligsahan], sila ay nagsabi: “O Moises, Ikaw ba ang maghahagis o kami ang [mauunang] maghahagis?”

  116. قَالَ أَلۡقُواْۖ فَلَمَّآ أَلۡقَوۡاْ سَحَرُوٓاْ أَعۡيُنَ ٱلنَّاسِ وَٱسۡتَرۡهَبُوهُمۡ وَجَآءُو بِسِحۡرٍ عَظِيمٖ

    Open ayah 7:116

    Sinabi niya [ni Moises]: “Kayo ang [maunang] maghagis.” Kaya nang sila ay maghagis, kanilang nagawang linlangin ang paningin ng mga tao [na nanunuod], at [ito ay] nagdulot ng pagkagimbal sa kanila sapagka’t sila ay nakapagpakita ng isang malaking [kagila-gilalas na] salamangka.

  117. ۞وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۖ فَإِذَا هِيَ تَلۡقَفُ مَا يَأۡفِكُونَ

    Open ayah 7:117

    At [sa oras na iyon] Aming ipinahayag kay Moises, “Ihagis mo ang iyong tungkod,” at kagyat nitong nilulon ang anumang kanilang hinabi [o tinahi-tahing] kasinungalingan.

  118. فَوَقَعَ ٱلۡحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 7:118

    Kaya, ang katotohanan ay naitatag, at nawalang saysay ang anumang kanilang ginawa.

  119. فَغُلِبُواْ هُنَالِكَ وَٱنقَلَبُواْ صَٰغِرِينَ

    Open ayah 7:119

    Kaya, sila ay nangatalo roon at sila ay nagsibalik na kaaba-aba.

  120. وَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سَٰجِدِينَ 

    Open ayah 7:120

    At ang mga salamangkero ay nagsipagpatirapa [sa Allah].

  121. قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 7:121

    Sila ay nagsabi: “Kami ay naniniwala sa Panginoon ng lahat ng mga nilikha.

  122. رَبِّ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ

    Open ayah 7:122

    Ang Panginoon nina Moises at Aaron.”

  123. قَالَ فِرۡعَوۡنُ ءَامَنتُم بِهِۦ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكۡرٞ مَّكَرۡتُمُوهُ فِي ٱلۡمَدِينَةِ لِتُخۡرِجُواْ مِنۡهَآ أَهۡلَهَاۖ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:123

    Sinabi ni Paraon: “Kayo ay naniwala sa kanya [kay Moises] bago pa man ako magbigay ng pahintulot sa inyo. Katiyakan, ito ay isang sabwatan na inyong pinagsabwatan sa lungsod upang itaboy mula rito ang mga mamamayan nito subali’t inyong mapag-aalaman [ang bunga ng inyong pakikipagsabwatan].

  124. لَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ ثُمَّ لَأُصَلِّبَنَّكُمۡ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 7:124

    Katiyakan, aking puputulin ang inyong mga kamay at ang inyong mga paa nang magkabilaan; pagkatapos kayong lahat ay aking ipapako.”

  125. قَالُوٓاْ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ

    Open ayah 7:125

    Sila ay nagsabing: “Katotohanan, sa Aming Panginoon, kami ay magbabalik.

  126. وَمَا تَنقِمُ مِنَّآ إِلَّآ أَنۡ ءَامَنَّا بِـَٔايَٰتِ رَبِّنَا لَمَّا جَآءَتۡنَاۚ رَبَّنَآ أَفۡرِغۡ عَلَيۡنَا صَبۡرٗا وَتَوَفَّنَا مُسۡلِمِينَ

    Open ayah 7:126

    At ikaw ay hindi naghihiganti sa amin maliban sa dahilang kami ay naniwala sa mga kapahayagan ng aming Panginoon nang ito ay dumating sa amin. [Sila ay nanalangin]: “Aming Panginoon, ibuhos Mo sa amin ang pagtitiis, at tulutan Mong kami ay pumanaw bilang mga Muslim.”

  127. وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِ فِرۡعَوۡنَ أَتَذَرُ مُوسَىٰ وَقَوۡمَهُۥ لِيُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَيَذَرَكَ وَءَالِهَتَكَۚ قَالَ سَنُقَتِّلُ أَبۡنَآءَهُمۡ وَنَسۡتَحۡيِۦ نِسَآءَهُمۡ وَإِنَّا فَوۡقَهُمۡ قَٰهِرُونَ

    Open ayah 7:127

    At ang mga bantog [o kinikilalang namumuno] mula sa mga mamamayan ni Paraon ay nagsabi: “Hahayaan mo bang si Moises at ang kanyang mga mamamayan ay maghasik ng katiwalian sa lupain at ikaw ay talikdan at maging ang iyong mga diyos?” Siya [Paraon] ay nagsabi: “Aming papatayin ang kanilang mga anak na lalaki at hahayaang mabuhay ang kanilang mga kababaihan, at tunay na kami ay nasa kanilang itaas na tagapagsupil sa kanila.”

  128. قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِ ٱسۡتَعِينُواْ بِٱللَّهِ وَٱصۡبِرُوٓاْۖ إِنَّ ٱلۡأَرۡضَ لِلَّهِ يُورِثُهَا مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۖ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 7:128

    Sinabi ni Moises sa kanyang mga mamamayan: “Inyong hingin ang tulong ng Allah at maging matiisin. Katotohanan, ang mundo ay sa [pagmamay-ari ng] Allah, Kanyang ipinamamana ito sa sinumang Kanyang naisin mula sa Kanyang mga alipin, at ang [mainam na] wakas ay para sa mga natatakot [sa Kanya].”

  129. قَالُوٓاْ أُوذِينَا مِن قَبۡلِ أَن تَأۡتِيَنَا وَمِنۢ بَعۡدِ مَا جِئۡتَنَاۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمۡ أَن يُهۡلِكَ عَدُوَّكُمۡ وَيَسۡتَخۡلِفَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرَ كَيۡفَ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 7:129

    Sila ay nagsabi: “Kami [mga anak ni Israel] ay dumanas [ng katampalasanan] bago ka pa naparito sa amin, at pagkaraang ikaw ay pumarito sa amin,” Siya ay nagsabi: “Maaaring wawasakin ng inyong Panginoon ang inyong mga kaaway at kayo ay [Kanyang] gagawing khalifah [tagapaghalili] sa kalupaan upang makita kung paano kayo magsigawa.”

  130. وَلَقَدۡ أَخَذۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ بِٱلسِّنِينَ وَنَقۡصٖ مِّنَ ٱلثَّمَرَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ 

    Open ayah 7:130

    At katiyakan Aming pinarusahan ang mga mamamayan ni Paraon [sa pamamagitan] ng mga taon [panahon] ng tagtuyot at kakulangan sa mga prutas [o pananim] upang sakali sila ay makaalala.

  131. فَإِذَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡحَسَنَةُ قَالُواْ لَنَا هَٰذِهِۦۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةٞ يَطَّيَّرُواْ بِمُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓۗ أَلَآ إِنَّمَا طَٰٓئِرُهُمۡ عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:131

    Subali’t kapag ang mabuti [biyaya] ay dumating sa kanila, sila ay nagsasabi: “Ito ay sa amin” at kapag sila ay sinalanta ng masamang [kalagayan], ito ay kanilang itinuturing bilang masamang pangitaing nauukol kay Moises at sa kanyang mga kasamahan. Walang alinlangan, ang kanilang pangitain ay nasa [takda ng] Allah, subali’t karamihan sa kanila ay hindi nakababatid [nito].

  132. وَقَالُواْ مَهۡمَا تَأۡتِنَا بِهِۦ مِنۡ ءَايَةٖ لِّتَسۡحَرَنَا بِهَا فَمَا نَحۡنُ لَكَ بِمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 7:132

    At kanilang sinabi [kay Moises]: “Anumang ayah [palatandaan o himala] ang dalhin mo sa amin upang kami ay gayumahin nito, kami ay hindi maniniwala sa iyo.”

  133. فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلطُّوفَانَ وَٱلۡجَرَادَ وَٱلۡقُمَّلَ وَٱلضَّفَادِعَ وَٱلدَّمَ ءَايَٰتٖ مُّفَصَّلَٰتٖ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ

    Open ayah 7:133

    Kaya Aming ipinadala sa kanila: ang baha, ang mga balang, at mga kuto, at mga palaka, at dugo bilang mga malilinaw na palatandaan, subali’t sila ay nanatiling mapagmalaki [matigas ang kalooban], at sila yaong mga taong mapaggawa ng kabuktutan.

  134. وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيۡهِمُ ٱلرِّجۡزُ قَالُواْ يَٰمُوسَى ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَۖ لَئِن كَشَفۡتَ عَنَّا ٱلرِّجۡزَ لَنُؤۡمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرۡسِلَنَّ مَعَكَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ

    Open ayah 7:134

    At nang ang salot [bilang parusa] ay bumaba sa kanila, sila ay nagsabi: “O Moises, ikaw ay magsumamo sa iyong Panginoon para sa amin sa pamamagitan ng anumang ipinangako sa iyo. Kung mapawi mo ang salot [parusa] na ito mula sa amin, katiyakan na kami ay maniniwala sa iyo at hahayaan naming sumama sa iyo ang mga anak ni Israel.”

  135. فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُمُ ٱلرِّجۡزَ إِلَىٰٓ أَجَلٍ هُم بَٰلِغُوهُ إِذَا هُمۡ يَنكُثُونَ

    Open ayah 7:135

    Subali’t nang Aming pinawi ang salot sa kanila hanggang sa takdang panahon na kanilang dapat maabot, kapagdaka’y kanilang sinira ang kanilang salita [pangako].

  136. فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ بِأَنَّهُمۡ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ عَنۡهَا غَٰفِلِينَ

    Open ayah 7:136

    Kaya, Kami ay kumuha ng kabayaran mula sa kanila. Sila ay Aming nilunod sa dagat, sapagka’t kanilang itinakwil ang Aming mga ayaat [babala at himala] at sila ay hindi nagbigay-pansin sa mga [ayaat na] ito.

  137. وَأَوۡرَثۡنَا ٱلۡقَوۡمَ ٱلَّذِينَ كَانُواْ يُسۡتَضۡعَفُونَ مَشَٰرِقَ ٱلۡأَرۡضِ وَمَغَٰرِبَهَا ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَاۖ وَتَمَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ ٱلۡحُسۡنَىٰ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ بِمَا صَبَرُواْۖ وَدَمَّرۡنَا مَا كَانَ يَصۡنَعُ فِرۡعَوۡنُ وَقَوۡمُهُۥ وَمَا كَانُواْ يَعۡرِشُونَ

    Open ayah 7:137

    At Aming ipinamana sa mga inalipustang mamamayan ang silangang bahagi ng lupain at Aming pinagpala ang kanlurang bahagi nito. At ang mabuting salita ng iyong Panginoon ay naipatupad para sa mga anak ni Israel nang dahil sa anumang kanilang [matinding katampalasanan at pasakit na] pinagtiisan. At Aming winasak [lahat] ang anumang ginawa ni Paraon at ng kanyang mga tauhan at ang anumang kanilang itinayo [mga nagtataasang gusali at mararangyang palasyo].

  138. وَجَٰوَزۡنَا بِبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡبَحۡرَ فَأَتَوۡاْ عَلَىٰ قَوۡمٖ يَعۡكُفُونَ عَلَىٰٓ أَصۡنَامٖ لَّهُمۡۚ قَالُواْ يَٰمُوسَى ٱجۡعَل لَّنَآ إِلَٰهٗا كَمَا لَهُمۡ ءَالِهَةٞۚ قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ تَجۡهَلُونَ

    Open ayah 7:138

    At Aming itinawid ang mga anak ni Israel sa kabilang ibayo ng dagat, at kanilang natagpuan [doon] ang isang pamayanang nahuhumaling sa kanilang mga imahen [sinasambang mga diyus-diyusan]. Sila [mga anak ni Israel] ay nagsabi: “O Moises, ikaw ay gumawa para sa amin ng isang diyos na katulad ng pagkakaroon nila ng mga diyos. Siya [si Moises] ay nagsabi: Katotohanan, kayo ang mga taong umaasal nang may kamangmangan.”

  139. إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ مُتَبَّرٞ مَّا هُمۡ فِيهِ وَبَٰطِلٞ مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 7:139

    “Katotohanan, ang mga [taong sumasambang] ito - nawasak ang alinmang kanilang [pinagtuunan ng pagsamba]. At [sadyang] walang kabuluhan ang anumang kanilang laging ginagawa.”

  140. قَالَ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَبۡغِيكُمۡ إِلَٰهٗا وَهُوَ فَضَّلَكُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ 

    Open ayah 7:140

    Kanyang sinabi: “Dapat ba akong humanap para sa inyo ng isang diyos bukod sa Allah, samantalang kayo ay Kanyang itinangi [o pinahalagahan] nang higit sa lahat ng mga nilikha ?”

  141. وَإِذۡ أَنجَيۡنَٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يُقَتِّلُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ

    Open ayah 7:141

    At [inyong alalahanin] nang kayo ay Aming iniligtas mula sa tauhan ni Paraon na naghahasik sa inyo ng matinding parusa [katampalasanan], kinikitil ang inyong mga anak na lalaki at hinahayaang mabuhay ang inyong mga kababaihan. At iyan ay isang malaking pagsubok mula sa inyong Panginoon.

  142. ۞وَوَٰعَدۡنَا مُوسَىٰ ثَلَٰثِينَ لَيۡلَةٗ وَأَتۡمَمۡنَٰهَا بِعَشۡرٖ فَتَمَّ مِيقَٰتُ رَبِّهِۦٓ أَرۡبَعِينَ لَيۡلَةٗۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَٰرُونَ ٱخۡلُفۡنِي فِي قَوۡمِي وَأَصۡلِحۡ وَلَا تَتَّبِعۡ سَبِيلَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ

    Open ayah 7:142

    At Kami ay nakipagtipan para kay Moises ng tatlumpung gabi at binuo ito ng karagdagang [bilang na] sampu, kaya naganap ang itinakdang panahon ng kanyang Panginoon sa [kabuuang] apatnapung gabi. At sinabi ni Moises sa kanyang kapatid na si Aaron: “Halinhan mo ako [sa pagtataguyod] sa aking mga mamamayan, ikaw ay maging matwid at huwag kang sumunod sa landas ng mga mapaggawa ng katiwalian.”

  143. وَلَمَّا جَآءَ مُوسَىٰ لِمِيقَٰتِنَا وَكَلَّمَهُۥ رَبُّهُۥ قَالَ رَبِّ أَرِنِيٓ أَنظُرۡ إِلَيۡكَۚ قَالَ لَن تَرَىٰنِي وَلَٰكِنِ ٱنظُرۡ إِلَى ٱلۡجَبَلِ فَإِنِ ٱسۡتَقَرَّ مَكَانَهُۥ فَسَوۡفَ تَرَىٰنِيۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُۥ لِلۡجَبَلِ جَعَلَهُۥ دَكّٗا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقٗاۚ فَلَمَّآ أَفَاقَ قَالَ سُبۡحَٰنَكَ تُبۡتُ إِلَيۡكَ وَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 7:143

    At nang si Moises ay dumating sa itinakda Naming oras at ang Kanyang Panginoon [Allah] ay nakipag-usap sa kanya; siya [si Moises] ay nagsabi: “O aking Panginoon, ilantad Mo [ang Iyong Sarili] upang Ikaw ay aking masilayan.” Ang Allah ay nagsabi: “Hindi mo Ako maaaring masilayan, nguni’t tanawin mo ang [kinaroroonan ng] bundok, kung ito ay mananatili [nang hindi natitinag] sa kinatatayuan nito, magkagayon, Ako ay maaari mong masilayan.” Kaya nang ang [Luwalhati ng] Kanyang Panginoon ay lumitaw sa bundok, ito ay Kanyang ginawang maging alabok, at si Moises ay bumulagtang nawalan ng ulirat. Nang siya’y balikan ng ulirat, siya ay nagsabi: “Luwalhati sa Iyo, ako ay nagbabalik-loob sa Iyo sa pagsisisi at ako ang nangunguna sa mga naniniwala.”

  144. قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ إِنِّي ٱصۡطَفَيۡتُكَ عَلَى ٱلنَّاسِ بِرِسَٰلَٰتِي وَبِكَلَٰمِي فَخُذۡ مَآ ءَاتَيۡتُكَ وَكُن مِّنَ ٱلشَّٰكِرِينَ

    Open ayah 7:144

    Siya [ang Allah] ay nagsabi: “O, Moises ikaw ay aking pinili nang higit kaysa sa mga tao sa [pamamagitan ng] Aking mga mensahe at sa Aking tuwirang pakikipag-usap [sa iyo]. Kaya, iyong panghawakan ang anumang Aking ipinagkaloob sa iyo at ikaw ay maging isa sa mga mapagpasalamat.”

  145. وَكَتَبۡنَا لَهُۥ فِي ٱلۡأَلۡوَاحِ مِن كُلِّ شَيۡءٖ مَّوۡعِظَةٗ وَتَفۡصِيلٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ فَخُذۡهَا بِقُوَّةٖ وَأۡمُرۡ قَوۡمَكَ يَأۡخُذُواْ بِأَحۡسَنِهَاۚ سَأُوْرِيكُمۡ دَارَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

    Open ayah 7:145

    At Aming isinulat para sa kanya [kay Moises] sa mga Tableta [Kalatas], ang lahat ng bagay [bilang] paalala at paliwanag sa bawa’t bagay [na nagsasabing]: “Panghawakan [o kunin] mo nang may katatagan ang mga [aral na] ito, at ipag-utos mo sa iyong mga mamamayan na kanilang kuhanin ang pinakamabuting [aral] nito. Aking ipakikita sa inyo ang tahanan ng [mga taong] suwail.

  146. سَأَصۡرِفُ عَنۡ ءَايَٰتِيَ ٱلَّذِينَ يَتَكَبَّرُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَإِن يَرَوۡاْ كُلَّ ءَايَةٖ لَّا يُؤۡمِنُواْ بِهَا وَإِن يَرَوۡاْ سَبِيلَ ٱلرُّشۡدِ لَا يَتَّخِذُوهُ سَبِيلٗا وَإِن يَرَوۡاْ سَبِيلَ ٱلۡغَيِّ يَتَّخِذُوهُ سَبِيلٗاۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ عَنۡهَا غَٰفِلِينَ

    Open ayah 7:146

    Aking ililihis mula sa Aking mga ayaat [palatandaan] yaong mga mapagmalaki sa kalupaan na hindi makatarungan at [kahit] makita pa nila ang bawa’t ayah [kapahayagan] sila ay hindi pa rin maniniwala rito. At kung kanilang makita ang landas ng kabutihan, hindi nila ito tatahakin [o kukuhanin] bilang kanilang landas [o panuntunan], nguni’t kung kanilang makita ang landas ng kamalian, kanilang tatahakin [ito bilang kanilang] landas [panuntunan], iyan ay sapagka’t kanilang itinakwil ang Aming mga ayaat [kapahayagan] at sila ay naging pabaya sa mga ito.

  147. وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَلِقَآءِ ٱلۡأٓخِرَةِ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡۚ هَلۡ يُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 7:147

    At yaong mga nagtakwil sa Aming mga ayaat [aral o kapahayagan] at sa pakikipagharap sa kabilang buhay [sa Araw ng Pagkabuhay na Muli], walang kabuluhan ang kanilang mga gawain. Sila ba ay babayaran maliban kung ano ang kanilang palagiang ginagawa?

  148. وَٱتَّخَذَ قَوۡمُ مُوسَىٰ مِنۢ بَعۡدِهِۦ مِنۡ حُلِيِّهِمۡ عِجۡلٗا جَسَدٗا لَّهُۥ خُوَارٌۚ أَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّهُۥ لَا يُكَلِّمُهُمۡ وَلَا يَهۡدِيهِمۡ سَبِيلًاۘ ٱتَّخَذُوهُ وَكَانُواْ ظَٰلِمِينَ

    Open ayah 7:148

    At ang mga mamamayan ni Moises sa kanyang [pansamantalang] paglisan ay gumawa ng isang imahen [sa hugis] ng isang baka mula sa kanilang mga palamuti. Ang katawan nito ay may [umaatungal na] tinig. Hindi ba nila nakikita na ito ay hindi man lamang makapangusap sa kanila o hindi man lamang makapagpatnubay sa kanila sa [tamang] landas? Kanilang kinuha ito [para sambahin], kaya sila ay naging mga mapaggawa ng kamalian.

  149. وَلَمَّا سُقِطَ فِيٓ أَيۡدِيهِمۡ وَرَأَوۡاْ أَنَّهُمۡ قَدۡ ضَلُّواْ قَالُواْ لَئِن لَّمۡ يَرۡحَمۡنَا رَبُّنَا وَيَغۡفِرۡ لَنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

    Open ayah 7:149

    At nang kanilang naramdaman ang panlulumo at kanilang nakita [o napag-isip] na sila ay napaligaw, sila ay [nagsising] nagsabi: “Kung kami ay hindi kahahabagan ng Aming Panginoon at hindi patatawarin, katiyakan na kami ay kabilang sa mga nawalan [o mga talunan].”

  150. وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰٓ إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ غَضۡبَٰنَ أَسِفٗا قَالَ بِئۡسَمَا خَلَفۡتُمُونِي مِنۢ بَعۡدِيٓۖ أَعَجِلۡتُمۡ أَمۡرَ رَبِّكُمۡۖ وَأَلۡقَى ٱلۡأَلۡوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأۡسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُۥٓ إِلَيۡهِۚ قَالَ ٱبۡنَ أُمَّ إِنَّ ٱلۡقَوۡمَ ٱسۡتَضۡعَفُونِي وَكَادُواْ يَقۡتُلُونَنِي فَلَا تُشۡمِتۡ بِيَ ٱلۡأَعۡدَآءَ وَلَا تَجۡعَلۡنِي مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ 

    Open ayah 7:150

    At nang si Moises ay nagbalik sa kanyang mga mamamayan, galit at malungkot, kanyang sinabi: “Sadyang napakasama ng anumang inyong ipinagpalit pagkaraan [ng aking paglisan]. Kayo ba ay nawalan ng pagtitimpi hinggil sa kautusan ng inyong Panginoon?” At kanyang inihagis ang mga kalatas [tableta] at hinatak ang kanyang kapatid sa [buhok ng] kanyang ulo at siya ay kanyang kinaladkad patungo sa kanya. Sinabi [ni Aaron]: “O anak [na lalaki] ng aking ina, katotohanan na ako ay nilapastangan ng mga mamamayan at ako ay kanilang pinagtangkaang patayin, kaya huwag mong hayaang magsipagsaya ang mga kaaway para sa akin at huwag mo akong ilagay [o ibilang] sa mga taong mapaggawa ng kamalian.”

  151. قَالَ رَبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَلِأَخِي وَأَدۡخِلۡنَا فِي رَحۡمَتِكَۖ وَأَنتَ أَرۡحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ

    Open ayah 7:151

    Sinabi [ni Moises]: “O, aking Panginoon, ako ay Iyong patawarin at ang aking kapatid at kami ay Iyong tanggapin sa Iyong habag, sapagka’t Ikaw ang lubos na Mahabagin sa mga mahabagin.”

  152. إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ ٱلۡعِجۡلَ سَيَنَالُهُمۡ غَضَبٞ مِّن رَّبِّهِمۡ وَذِلَّةٞ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُفۡتَرِينَ

    Open ayah 7:152

    Katotohanan, yaong mga nagturing sa baka [bilang kanilang diyos], kanilang tatanggapin ang poot mula sa kanilang Panginoon at kahihiyan sa buhay sa mundong ito. At ganyan Namin binabayaran yaong mga mapaglubid [ng kasinungalingan].

  153. وَٱلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ ثُمَّ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِهَا وَءَامَنُوٓاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 7:153

    At yaong mga nagsigawa ng mga kasamaan [nguni’t] pagkaraan ay nagsisi magbuhat noon at naniwala, katotohanan, ang iyong Panginoon pagkaraan nito ay sadyang Mapagpatawad, Maawain.

  154. وَلَمَّا سَكَتَ عَن مُّوسَى ٱلۡغَضَبُ أَخَذَ ٱلۡأَلۡوَاحَۖ وَفِي نُسۡخَتِهَا هُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّلَّذِينَ هُمۡ لِرَبِّهِمۡ يَرۡهَبُونَ

    Open ayah 7:154

    At nang ang poot ni Moises ay nagmaliw, kinuha niya ang mga kalatas [tableta]; at [sapagka’t] naririto sa mga inskripsyon nito, ang patnubay at habag para sa [mga taong] kinasisindakan ang kanilang Panginoon.

  155. وَٱخۡتَارَ مُوسَىٰ قَوۡمَهُۥ سَبۡعِينَ رَجُلٗا لِّمِيقَٰتِنَاۖ فَلَمَّآ أَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ قَالَ رَبِّ لَوۡ شِئۡتَ أَهۡلَكۡتَهُم مِّن قَبۡلُ وَإِيَّٰيَۖ أَتُهۡلِكُنَا بِمَا فَعَلَ ٱلسُّفَهَآءُ مِنَّآۖ إِنۡ هِيَ إِلَّا فِتۡنَتُكَ تُضِلُّ بِهَا مَن تَشَآءُ وَتَهۡدِي مَن تَشَآءُۖ أَنتَ وَلِيُّنَا فَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَاۖ وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡغَٰفِرِينَ

    Open ayah 7:155

    At si Moises ay pumili ng pitumpung lalaki [pinakamabuting tao] mula sa kanyang mga mamamayan para sa Aming tipanan. At nang sila ay ginulantang ng isang matinding [pagyanig ng] lindol, siya ay nagsabi: “O, aking Panginoon, kung ito man ay Iyong marapatin, sila ay maaari Mong wasakin at maging ako noon pa man. Kami ba ay Iyong wawasaking lahat nang dahil sa anumang [masamang] ginawa ng mga hangal mula sa amin? Ito ay walang anupaman maliban sa Iyong pagsubok na naghahatid sa pagkaligaw sa sinuman na Iyong naisin, at pinapatnubayan ang sinuman na Iyong naisin. Ikaw ang Aming Wali [tagapangalaga], kaya kami ay Iyong patawarin at ipagkaloob Mo ang habag sa amin; sapagka’t Ikaw ang Pinakamabuting Nagpapatawad.”

  156. ۞وَٱكۡتُبۡ لَنَا فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِنَّا هُدۡنَآ إِلَيۡكَۚ قَالَ عَذَابِيٓ أُصِيبُ بِهِۦ مَنۡ أَشَآءُۖ وَرَحۡمَتِي وَسِعَتۡ كُلَّ شَيۡءٖۚ فَسَأَكۡتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلَّذِينَ هُم بِـَٔايَٰتِنَا يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 7:156

    At [Iyong] itakda sa amin ang [anumang] kabutihan sa mundong ito, at [gayundin] sa kabilang-buhay. Katotohanan, kami ay nagbalik-loob sa Iyo. Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Ang Aking kaparusahan – ito ay Aking ipapataw sa sinumang Aking nais subali't ang Aking habag ay laganap sa lahat ng bagay. Kaya, Aking itatakda ito para sa mga natatakot [sa Akin], at sa mga nagbibigay ng Zakaah; at yaong mga naniniwala sa Aming mga ayaat [kapahayagan]-

  157. ٱلَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ٱلرَّسُولَ ٱلنَّبِيَّ ٱلۡأُمِّيَّ ٱلَّذِي يَجِدُونَهُۥ مَكۡتُوبًا عِندَهُمۡ فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَٱلۡإِنجِيلِ يَأۡمُرُهُم بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَىٰهُمۡ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَيُحِلُّ لَهُمُ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيۡهِمُ ٱلۡخَبَٰٓئِثَ وَيَضَعُ عَنۡهُمۡ إِصۡرَهُمۡ وَٱلۡأَغۡلَٰلَ ٱلَّتِي كَانَتۡ عَلَيۡهِمۡۚ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِهِۦ وَعَزَّرُوهُ وَنَصَرُوهُ وَٱتَّبَعُواْ ٱلنُّورَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ مَعَهُۥٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 7:157

    Yaong mga sumunod sa sugo, ang Propeta na hindi nag-aral [o di- makabasa at di-makasulat], [siya ay] kanilang matatagpuang nakasulat [o binanggit] sa anumang nasa kanila sa Torah at sa Ebanghelyo - na nag- uutos sa kanila ng kabutihan at nagbabawal sa kanila ng kasamaan, at kanyang ipinahintulot sa kanila ang mabubuting bagay at nagbabawal sa kanila ng kasamaan, at pinagagaan para sa kanila ang pasanin at mga sakal [o tanikala] na nakagapos sa kanila. Kaya, yaong mga naniwala sa kanya [kay Muhammad], gumalang sa kanya, nakipagtulungan sa kanya [upang itaguyod at ipalaganap ang mensahe ng Islam] at sumunod sa liwanag [o mga aral ng Qur’an] na ipinahayag sa kanya, sila yaong mga magsisitagumpay.

  158. قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡ جَمِيعًا ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِ ٱلنَّبِيِّ ٱلۡأُمِّيِّ ٱلَّذِي يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَكَلِمَٰتِهِۦ وَٱتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ

    Open ayah 7:158

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “O sangkatauhan, katotohanan, ako ay Sugo ng Allah para sa inyong lahat - Siya na nagmamay-ari [at tanging tagapamahala] ng mga kalangitan at ng kalupaan. Walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. At Siya ang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan.” Kaya, maniwala sa Allah at sa Kanyang sugo [Muhammad], ang Propetang hindi marunong magsulat at magbasa na naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga salita [Kapahayagan] at sumunod sa kanya upang sakali kayo ay mapatnubayan.

  159. وَمِن قَوۡمِ مُوسَىٰٓ أُمَّةٞ يَهۡدُونَ بِٱلۡحَقِّ وَبِهِۦ يَعۡدِلُونَ

    Open ayah 7:159

    At kabilang sa mga mamamayan ni Moises ay isang pamayanan na nangunang umakay [sa mga tao [tungo] sa katotohanan at sa pamamagitan nito sila ay nagtatag ng [mga gawaing batay sa] katarungan.

  160. وَقَطَّعۡنَٰهُمُ ٱثۡنَتَيۡ عَشۡرَةَ أَسۡبَاطًا أُمَمٗاۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ إِذِ ٱسۡتَسۡقَىٰهُ قَوۡمُهُۥٓ أَنِ ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡحَجَرَۖ فَٱنۢبَجَسَتۡ مِنۡهُ ٱثۡنَتَا عَشۡرَةَ عَيۡنٗاۖ قَدۡ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٖ مَّشۡرَبَهُمۡۚ وَظَلَّلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلۡغَمَٰمَ وَأَنزَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰۖ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ 

    Open ayah 7:160

    At sila ay Aming hinati sa labingdalawang tribu [bilang natatanging] mga pamayanan. Aming ipinahayag kay Moises nang ang kanyang mga mamamayan ay humingi sa kanya ng tubig [na nagsasabing]: “Hampasin mo ang [tipak ng] bato ng iyong tungkod,” at mula roon ay bumulwak ang labingdalawang bukal, bawa't pangkat ay nakababatid ng kanilang sariling pook [na pagkukuhanan] ng tubig. Sila ay Aming nililiman ng mga ulap at Aming ibinaba sa kanila ang manna at mga pugo - “Magsikain kayo sa mga mabubuting bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo.” At hindi Kami ang kanilang ginawan ng kamalian bagkus kanila [lamang] ginawan ng kamalian ang kanilang mga sarili.

  161. وَإِذۡ قِيلَ لَهُمُ ٱسۡكُنُواْ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةَ وَكُلُواْ مِنۡهَا حَيۡثُ شِئۡتُمۡ وَقُولُواْ حِطَّةٞ وَٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدٗا نَّغۡفِرۡ لَكُمۡ خَطِيٓـَٰٔتِكُمۡۚ سَنَزِيدُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 7:161

    At [banggitin mo Muhammad] nang ito ay sabihin sa kanila: “Kayo ay manirahan sa bayang ito [Herusalem] at kayo ay magsikain doon saanman ninyo naisin, at inyong sabihin, ‘[O Allah] pawiin Mo po ang aming mga pasanin [kasalanan].’ At kayo ay magsipasok sa bukana [nito] na nagpapatirapa ng may pagpapakumbaba. [Sa gayon] Aming patatawarin ang inyong mga kasalanan. Aming daragdagan [ang gantimpala] ng mga mapaggawa ng kabutihan.

  162. فَبَدَّلَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡ قَوۡلًا غَيۡرَ ٱلَّذِي قِيلَ لَهُمۡ فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِجۡزٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُواْ يَظۡلِمُونَ

    Open ayah 7:162

    Subali’t yaong mga gumawa ng kamalian mula sa kanila ay pinalitan ng [ibang] salita ang [totoong] sinabi sa kanila. Kaya, sila ay Aming pinadalhan ng salot [parusa] mula sa kalangitan nang dahil sa kanilang kamalian.

  163. وَسۡـَٔلۡهُمۡ عَنِ ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِي كَانَتۡ حَاضِرَةَ ٱلۡبَحۡرِ إِذۡ يَعۡدُونَ فِي ٱلسَّبۡتِ إِذۡ تَأۡتِيهِمۡ حِيتَانُهُمۡ يَوۡمَ سَبۡتِهِمۡ شُرَّعٗا وَيَوۡمَ لَا يَسۡبِتُونَ لَا تَأۡتِيهِمۡۚ كَذَٰلِكَ نَبۡلُوهُم بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ

    Open ayah 7:163

    At sila ay iyong tanungin [O Muhammad] tungkol sa bayan na nasa tabing-dagat; nang sila ay lumabag [ukol] sa Sabbath [araw ng Sabado]: nang ang kanilang mga isda ay dumating sa kanila nang lantaran sa araw ng kanilang sabbath at sa araw na sila ay walang sabbath, ang mga ito ay hindi dumating sa kanila. Sa gayong pagkakataon, sila ay Aming binigyan ng pagsubok sapagka't sila ay lagi nang mapaghimagsik.

  164. وَإِذۡ قَالَتۡ أُمَّةٞ مِّنۡهُمۡ لِمَ تَعِظُونَ قَوۡمًا ٱللَّهُ مُهۡلِكُهُمۡ أَوۡ مُعَذِّبُهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗاۖ قَالُواْ مَعۡذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمۡ وَلَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ

    Open ayah 7:164

    At nang ang isang pamayanan mula sa kanila ay nagsabi: “Bakit ninyo pinangangaralan ang isang mamamayang malapit ng wasakin ng Allah o parusahan ng isang matinding parusa?” Sila ay nagsabi [ang mga mangangaral]: “Upang kami ay maging malaya [sa pananagutan] sa harap ng inyong Panginoon, at upang sakali sila ay magkaroon ng takot sa Kanya.”

  165. فَلَمَّا نَسُواْ مَا ذُكِّرُواْ بِهِۦٓ أَنجَيۡنَا ٱلَّذِينَ يَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلسُّوٓءِ وَأَخَذۡنَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ بِعَذَابِۭ بَـِٔيسِۭ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ

    Open ayah 7:165

    Kaya nang sila ay nakalimot sa anumang ipinapaalala sa kanila, Aming iniligtas yaong mga [taong] nagbabawal ng kasamaan, subali’t yaong mga gumagawa ng kamalian ay dinulutan Namin ng isang matinding parusa sapagka’t sila ay lagi nang naghihimagsik.

  166. فَلَمَّا عَتَوۡاْ عَن مَّا نُهُواْ عَنۡهُ قُلۡنَا لَهُمۡ كُونُواْ قِرَدَةً خَٰسِـِٔينَ

    Open ayah 7:166

    Kaya nang sila ay naging marahas tungkol sa anumang [bagay na] sa kanila ay ipinagbawal, Aming sinabi sa kanila: “Kayo ay maging mga unggoy, na kinamuhian.”

  167. وَإِذۡ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبۡعَثَنَّ عَلَيۡهِمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَن يَسُومُهُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ ٱلۡعِقَابِ وَإِنَّهُۥ لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 7:167

    At [alalahanin] nang ang iyong Panginoon ay nagpahayag na katiyakang Siya ay [patuloy na] magpapadala sa kanila [ng parusa] hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, sila na naghahasik sa kanila ng pinakamasamang parusa. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay maagap sa pagpaparusa at katiyakan, Siya ang Mapagpatawad, Maawain.

  168. وَقَطَّعۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ أُمَمٗاۖ مِّنۡهُمُ ٱلصَّٰلِحُونَ وَمِنۡهُمۡ دُونَ ذَٰلِكَۖ وَبَلَوۡنَٰهُم بِٱلۡحَسَنَٰتِ وَٱلسَّيِّـَٔاتِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 7:168

    At sila ay Aming pinaghati-hati bilang mga pamayanan sa mga lupain; ang iba sa kanila ay mga matwid at ang iba naman ay kakaiba [sa asal]. At sila ay Aming sinubukan [sa pamamagitan ng pagkakaloob] ng mga mabubuti [mga biyaya] at masasama [mga sakuna, unos, at salot] upang sakali sila ay magsipagbalik [sa pagtalima].

  169. فَخَلَفَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ خَلۡفٞ وَرِثُواْ ٱلۡكِتَٰبَ يَأۡخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا ٱلۡأَدۡنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغۡفَرُ لَنَا وَإِن يَأۡتِهِمۡ عَرَضٞ مِّثۡلُهُۥ يَأۡخُذُوهُۚ أَلَمۡ يُؤۡخَذۡ عَلَيۡهِم مِّيثَٰقُ ٱلۡكِتَٰبِ أَن لَّا يَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّ وَدَرَسُواْ مَا فِيهِۗ وَٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ يَتَّقُونَۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 7:169

    Kaya, pagkalipas nila, humalili ang [masamang] henerasyon na nagmana ng Aklat nguni’t kanilang pinili [para sa kanilang sarili] ang mga makamundong kasiyahan ng mababang [uri ng] buhay at nagsasabing: “Ito ay mapapatawad para sa amin.” At kung ang tulad nito ay muling dumating sa kanila, ito ay kanilang [muling] pipiliin. Hindi nga ba ang kasunduan ng Aklat ay pinagtibay mula sa kanila - na sila ay hindi magsasabi ng anupamang tungkol sa Allah maliban ang katotohanan? At kanilang pinag- aralan kung ano ang nilalamang [aral] nito. At ang tahanan ng kabilang buhay ay higit na mainam para sa mga natatakot [sa Allah]. Hindi ba ninyo, kung gayon, ito pinag-iisipan?

  170. وَٱلَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِٱلۡكِتَٰبِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُصۡلِحِينَ 

    Open ayah 7:170

    At yaong mga matatag na pinanghahawakan ang Aklat [Qur’an] at nagsasagawa ng pagdarasal [Salaah], - katiyakan, hindi Namin hahayaang mawala ang gantimpala ng mga mapaggawa ng matwid.

  171. ۞وَإِذۡ نَتَقۡنَا ٱلۡجَبَلَ فَوۡقَهُمۡ كَأَنَّهُۥ ظُلَّةٞ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُۥ وَاقِعُۢ بِهِمۡ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةٖ وَٱذۡكُرُواْ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

    Open ayah 7:171

    At [alalahanin] nang Aming itinaas sa kanila ang bundok na tila ito ay [isang] madilim na ulap, at sila ay nag-akala na ito ay babagsak sa kanila. [at ang Allah ay nagsabi]: “Tanggapin ninyo ang anumang ipinagkaloob Namin sa inyo nang may katatagan at alalahanin ninyo ang anumang [katuruang] napapaloob doon upang sakali kayo ay [matutong] matakot [sa Allah].”

  172. وَإِذۡ أَخَذَ رَبُّكَ مِنۢ بَنِيٓ ءَادَمَ مِن ظُهُورِهِمۡ ذُرِّيَّتَهُمۡ وَأَشۡهَدَهُمۡ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ أَلَسۡتُ بِرَبِّكُمۡۖ قَالُواْ بَلَىٰ شَهِدۡنَآۚ أَن تَقُولُواْ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ إِنَّا كُنَّا عَنۡ هَٰذَا غَٰفِلِينَ

    Open ayah 7:172

    At [alalahanin] nang kumuha ang iyong Panginoon mula sa mga anak ni Adan – mula sa kanilang gulugod – ang kanilang mga inapo at sila ay Kanyang ginawang sumaksi para sa kanilang mga sarili [na nagsasabing] "Hindi ba ako ang inyong Panginoon? Sila ay nagsabi: “Opo, [at] kami ay sumaksi,” upang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli ay huwag na kayo ay magsabing: “Katotohanan, hindi namin nababatid [ang bagay na] ito.”

  173. أَوۡ تَقُولُوٓاْ إِنَّمَآ أَشۡرَكَ ءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةٗ مِّنۢ بَعۡدِهِمۡۖ أَفَتُهۡلِكُنَا بِمَا فَعَلَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ

    Open ayah 7:173

    O huwag na kayo ay magsabi na: “Ang aming mga ninuno lamang ang nagtambal [ng iba] sa Allah noon, at kami ay kanilang mga apo pagkaraan nila. [Kaya] kami ba kung gayon ay Iyong wawasakin nang dahil sa ginawa ng mga mapaggawa ng kabulaanan?

  174. وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ وَلَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 7:174

    At ganyan nga Namin masusing ipinaliwanag ang mga ayaat

  175. وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ ٱلَّذِيٓ ءَاتَيۡنَٰهُ ءَايَٰتِنَا فَٱنسَلَخَ مِنۡهَا فَأَتۡبَعَهُ ٱلشَّيۡطَٰنُ فَكَانَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ

    Open ayah 7:175

    At bigkasin mo [O Muhammad] sa kanila ang kasaysayan niya na Aming pinagkalooban ng [kaalaman hinggil sa] Aming mga ayaat [kapahayagan] subali’t kanyang inilayo ang sarili mula sa mga ito, kaya siya ay sinundan ng satanas, kaya siya ay naging kabilang ng mga napaligaw.

  176. وَلَوۡ شِئۡنَا لَرَفَعۡنَٰهُ بِهَا وَلَٰكِنَّهُۥٓ أَخۡلَدَ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُۚ فَمَثَلُهُۥ كَمَثَلِ ٱلۡكَلۡبِ إِن تَحۡمِلۡ عَلَيۡهِ يَلۡهَثۡ أَوۡ تَتۡرُكۡهُ يَلۡهَثۚ ذَّٰلِكَ مَثَلُ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَاۚ فَٱقۡصُصِ ٱلۡقَصَصَ لَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 7:176

    At kung Aming naisin, katiyakang siya ay maaari Naming pinarangalan [itinaas ng antas] sa pamamagitan nito, subali’t siya ay nanguyapit sa [kinang ng] mundo at kanyang sinunod ang sariling pagnanasa. Kaya ang kanyang kahalintulad ay ang isang aso: kung ito ay iyong itataboy, kanyang inilalawit ang kanyang dila, o kung ito man ay iyong hayaang nag-iisa, siya ay humihingal [pa rin]. Iyan ang halimbawa ng mga nagtakwil sa Aming mga ayaat [kapahayagan]. Kaya, ipahayag mo ang mga kasaysayan, upang sakali, sila ay makapag-isip.

  177. سَآءَ مَثَلًا ٱلۡقَوۡمُ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَأَنفُسَهُمۡ كَانُواْ يَظۡلِمُونَ

    Open ayah 7:177

    Napakasama ng halimbawa niyaong mga taong nagtakwil sa Aming mga ayaat [kapahayagan] at laging minamali ang kanilang mga sarili.

  178. مَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِيۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

    Open ayah 7:178

    Sinumang patnubayan ng Allah, [magkagayon] siya ang tunay na napatnubayan at sinuman ang Kanyang hinayaang maligaw, sila yaong mga nawalan [o mga talunan].

  179. وَلَقَدۡ ذَرَأۡنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ لَهُمۡ قُلُوبٞ لَّا يَفۡقَهُونَ بِهَا وَلَهُمۡ أَعۡيُنٞ لَّا يُبۡصِرُونَ بِهَا وَلَهُمۡ ءَاذَانٞ لَّا يَسۡمَعُونَ بِهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ كَٱلۡأَنۡعَٰمِ بَلۡ هُمۡ أَضَلُّۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡغَٰفِلُونَ

    Open ayah 7:179

    At katiyakan, Aming nilikha para sa Impiyerno ang karamihan mula sa mga jinn at mga tao. Sila ay mayroong mga puso na hindi marunong makaunawa, at sila ay mayroong mga mata nguni’t hindi nakakikita, at sila ay mayroong mga tainga nguni’t hindi nakaririnig [ng katotohanan]. Sila yaong katulad ng [kawan ng] mga hayupan subali’t sila ang higit na naliligaw. Sila yaong mga hindi nagbigay-pahalaga [sa mga mensahe ng Allah at ng Kanyang Sugo].

  180. وَلِلَّهِ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ فَٱدۡعُوهُ بِهَاۖ وَذَرُواْ ٱلَّذِينَ يُلۡحِدُونَ فِيٓ أَسۡمَٰٓئِهِۦۚ سَيُجۡزَوۡنَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ 

    Open ayah 7:180

    At sa Allah [ang pagmamay-ari ng] mga pinakamagagandang Pangalan, kaya manawagan sa pamamagitan ng mga ito at lisanin yaong [pangkat ng] mga nagsisilihis hinggil sa Kanyang mga Pangalan. Sila ay babayaran para sa anumang lagi nilang ginagawa.

  181. وَمِمَّنۡ خَلَقۡنَآ أُمَّةٞ يَهۡدُونَ بِٱلۡحَقِّ وَبِهِۦ يَعۡدِلُونَ

    Open ayah 7:181

    At kabilang sa kanila na Aming nilikha, ay isang pamayanan na namamatnubay sa katotohanan. At sa pamamagitan nito, sila ay nagtatatag ng katarungan.

  182. وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا سَنَسۡتَدۡرِجُهُم مِّنۡ حَيۡثُ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:182

    At yaong mga nagtakwil sa Aming mga ayaat [kapahayagan], sila ay Aming unti-unting aakayin [sa kapariwaraan] tungo sa kung saan sila ay walang nalalaman.

  183. وَأُمۡلِي لَهُمۡۚ إِنَّ كَيۡدِي مَتِينٌ

    Open ayah 7:183

    At sila ay Aking bibigyan ng panahon [o palugit]; katiyakan, ang Aking balakin ay [sadyang] matatag.

  184. أَوَلَمۡ يَتَفَكَّرُواْۗ مَا بِصَاحِبِهِم مِّن جِنَّةٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٌ

    Open ayah 7:184

    Sila ba kung gayon ay hindi man lamang nag-iisip? Ang kanilang kasamahan [si Muhammad] ay walang [taglay na] kabaliwan. [Bagkus] siya ay isa lamang malinaw na tagapagbabala.

  185. أَوَلَمۡ يَنظُرُواْ فِي مَلَكُوتِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٖ وَأَنۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ قَدِ ٱقۡتَرَبَ أَجَلُهُمۡۖ فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَهُۥ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 7:185

    Sila ba ay hindi sumusulyap sa [malawak na] kaharian ng mga kalangitan at kalupaan at sa lahat ng bagay na nilikha ng Allah at [hindi rin ba sila nag-iisip nang malalim na] marahil ang wakas ng kanilang buhay ay nalalapit na. Kaya ano kayang pahayag [o mensahe] pagkaraan nito, ang kanilang maaari pang paniwalaan?

  186. مَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَا هَادِيَ لَهُۥۚ وَيَذَرُهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ

    Open ayah 7:186

    Sinumang hinayaang maligaw ng Allah walang makapagpapatnubay para sa kanya; at sila ay Kanyang hahayaan sa kanilang pagsuway – bulag na naglalaboy.

  187. يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَاۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ رَبِّيۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقۡتِهَآ إِلَّا هُوَۚ ثَقُلَتۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَا تَأۡتِيكُمۡ إِلَّا بَغۡتَةٗۗ يَسۡـَٔلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنۡهَاۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 7:187

    Sila ay nagtatanong sa iyo [O Muhammad] tungkol sa Oras. “Kailan nga ba ang takdang Oras?” Sabihin: “Ang kaalaman nito ay nasa aking Panginoon. Walang sinuman ang makapagpapahayag [ng Oras] nito maliban sa Kanya. Ito ay mabigat [na nakakubli] sa mga kalangitan at kalupaan. Ito ay hindi darating sa inyo maliban nang biglaan.” Sila ay nagtatanong sa iyo na tila ba ikaw ay may sapat na kaalaman tungkol dito. Sabihin: “Ang kaalaman nito ay nasa Allah [lamang], nguni’t karamihan sa tao ay hindi nakababatid [nito].”

  188. قُل لَّآ أَمۡلِكُ لِنَفۡسِي نَفۡعٗا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ وَلَوۡ كُنتُ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ لَٱسۡتَكۡثَرۡتُ مِنَ ٱلۡخَيۡرِ وَمَا مَسَّنِيَ ٱلسُّوٓءُۚ إِنۡ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ وَبَشِيرٞ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 7:188

    Sabihin: “Ako ay hindi nagtataglay ng kapangyarihan sa aking sarili para sa anumang pakinabang o kapinsalaan maliban kung ano ang pinahintulutan ng Allah. At kung batid ko lamang ang Ghaib [di-nakikitang pangyayari o bagay], marahil ako ay nagparami [ng gawaing] mabubuti, at marahil ako ay hindi madudulutan ng kapinsalaan. [Subali't] Ako ay isa lamang tagapagbabala, at isang tagapaghatid ng magagandang balita para sa mga taong naniniwala.”

  189. ۞هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَجَعَلَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا لِيَسۡكُنَ إِلَيۡهَاۖ فَلَمَّا تَغَشَّىٰهَا حَمَلَتۡ حَمۡلًا خَفِيفٗا فَمَرَّتۡ بِهِۦۖ فَلَمَّآ أَثۡقَلَت دَّعَوَا ٱللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنۡ ءَاتَيۡتَنَا صَٰلِحٗا لَّنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ

    Open ayah 7:189

    Siya [Allah] ang Siyang lumikha sa inyo mula sa isang kaluluwa at [pagkaraan] Kanyang nilikha mula sa kanya ang kanyang asawa, upang sa gayon siya ay mamalagi sa kanya nang matiwasay. Nang siya [tao] ay sumiping sa kanya, siya ay nagdala ng magaan na dalahin [o nagdalang- tao] at nagpatuloy doon. At nang ito ay nagiging mabigat, sila ay kapwa nagsumamo sa Allah, ang kanilang Panginoon [na nagsasabing]: “Kung kami po ay Iyong pagkalooban ng isang mabuting [anak], tunay na kami ay magiging mapagpasalamat.

  190. فَلَمَّآ ءَاتَىٰهُمَا صَٰلِحٗا جَعَلَا لَهُۥ شُرَكَآءَ فِيمَآ ءَاتَىٰهُمَاۚ فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا يُشۡرِكُونَ 

    Open ayah 7:190

    Subali’t nang sila ay pagkalooban ng isang mabuting [anak], sila ay nagbigay ng pagtatambal sa Kanya hinggil sa alinmang Kanyang ipinagkaloob sa kanila. [Subali’t] ang Allah ay Mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang itinatambal sa Kanya.

  191. أَيُشۡرِكُونَ مَا لَا يَخۡلُقُ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ

    Open ayah 7:191

    Kanila bang itinatambal [sa Allah] ang mga walang nalilikha bagkus sila ay mga nilikha [lamang]?

  192. وَلَا يَسۡتَطِيعُونَ لَهُمۡ نَصۡرٗا وَلَآ أَنفُسَهُمۡ يَنصُرُونَ

    Open ayah 7:192

    At sila [mga huwad na diyos] ay walang kakayahang [magbigay] ng tulong sa kanila o [kakayahang] matulungan ang kanilang sarili.

  193. وَإِن تَدۡعُوهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ لَا يَتَّبِعُوكُمۡۚ سَوَآءٌ عَلَيۡكُمۡ أَدَعَوۡتُمُوهُمۡ أَمۡ أَنتُمۡ صَٰمِتُونَ

    Open ayah 7:193

    At kung sila ay inyong anyayahan [tungo] sa patnubay, sila ay hindi susunod sa inyo. Ito ay walang kaibahan para sa inyo kung sila man ay inyong anyayahan o kayo ay manahimik.

  194. إِنَّ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ عِبَادٌ أَمۡثَالُكُمۡۖ فَٱدۡعُوهُمۡ فَلۡيَسۡتَجِيبُواْ لَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 7:194

    Katotohanan, yaong inyong mga dinadalanginan bukod sa Allah ay mga alipin [o nilikha lamang] na tulad ninyo. Kaya, manawagan kayo sa kanila at hayaan silang tumugon sa inyong [mga panalangin] kung tunay nga na kayo ay makatotohanan.

  195. أَلَهُمۡ أَرۡجُلٞ يَمۡشُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ أَيۡدٖ يَبۡطِشُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ أَعۡيُنٞ يُبۡصِرُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ ءَاذَانٞ يَسۡمَعُونَ بِهَاۗ قُلِ ٱدۡعُواْ شُرَكَآءَكُمۡ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنظِرُونِ

    Open ayah 7:195

    Sila ba ay mayroong mga paa na maaaring gamitin sa paglalakad? O sila ba ay mayroong mga kamay na maaaring gamitin sa paghawak? O sila ba ay mayroong mga mata na maaaring gamitin sa pagsulyap o sila ba ay may mga tainga na maaaring gagamitin sa pakikinig? Sabihin mo “[sa kanila O Muhammad] Inyong tawagin ang [inyong itinuturing na] mga ‘katambal’ [ng Allah] pagkaraan ay magtangka ng balakin laban sa akin at huwag ninyo akong bigyan ng palugit.

  196. إِنَّ وَلِـِّۧيَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي نَزَّلَ ٱلۡكِتَٰبَۖ وَهُوَ يَتَوَلَّى ٱلصَّٰلِحِينَ

    Open ayah 7:196

    Katotohanan ang aking Wali [Tagapangalaga] ay ang Allah na Siyang nagpahayag ng Aklat [ang Qur’an] at Siya ang Tagapangalaga ng mga [taong] matwid.

  197. وَٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَكُمۡ وَلَآ أَنفُسَهُمۡ يَنصُرُونَ

    Open ayah 7:197

    At yaong inyong mga dinadalanginang bukod sa Kanya [sa Allah], ay walang kakayahang tumulong sa inyo at walang maitutulong sa kanilang mga sarili.”

  198. وَإِن تَدۡعُوهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ لَا يَسۡمَعُواْۖ وَتَرَىٰهُمۡ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ وَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ

    Open ayah 7:198

    At katotohanan, kung ikaw ay dumalangin sa kanila sa patnubay, sila ay hindi makaririnig at sila ay iyong makikitang nakatitig sa iyo, samantalang sila ay hindi nakakikita.

  199. خُذِ ٱلۡعَفۡوَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡعُرۡفِ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡجَٰهِلِينَ

    Open ayah 7:199

    Kunin [at ugaliin mo O Muhammad] ang pagpapatawad, ipag-utos mo ang anumang mabuti at lumayo sa mga taong mangmang.

  200. وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ نَزۡغٞ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 

    Open ayah 7:200

    At kung ang isang masamang bulong ay dumating sa iyo mula sa demonyo, humingi ng paglingap [pagkupkop] sa Allah. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  201. إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ إِذَا مَسَّهُمۡ طَٰٓئِفٞ مِّنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ تَذَكَّرُواْ فَإِذَا هُم مُّبۡصِرُونَ 

    Open ayah 7:201

    Katotohanan, yaong mga natatakot [sa Allah], kapag sumagi sa kanila ang masamang kaisipan mula sa satanas – [at kapagdaka’y] kanilang naaalala [ang Allah], sila ay [muling] nakakikita [nang matuwid].

  202. وَإِخۡوَٰنُهُمۡ يَمُدُّونَهُمۡ فِي ٱلۡغَيِّ ثُمَّ لَا يُقۡصِرُونَ 

    Open ayah 7:202

    Subali’t [para sa] kanilang mga kapatid [na demonyo], sila [mga demonyo] ay dinaragdagan sa kanilang kamalian, at sila ay hindi nagtitigil.

  203. وَإِذَا لَمۡ تَأۡتِهِم بِـَٔايَةٖ قَالُواْ لَوۡلَا ٱجۡتَبَيۡتَهَاۚ قُلۡ إِنَّمَآ أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ مِن رَّبِّيۚ هَٰذَا بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمۡ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ 

    Open ayah 7:203

    At kapag sila ay hindi mo nadadalhan [O Muhammad] ng tanda [ng kapahayagan nang ayon sa kanilang mungkahi] sila ay magsasabi: “Bakit hindi mo [gawing] maglubid [ng kapahayagan]?” Sabihin mo [sa kanila]: “Ako ay sumusunod lamang sa anumang ipinahayag sa akin mula sa aking Panginoon. Ito [ang Qur’an] ay liwanag mula sa inyong Panginoon, at patnubay at habag para sa mga taong naniniwala.”

  204. وَإِذَا قُرِئَ ٱلۡقُرۡءَانُ فَٱسۡتَمِعُواْ لَهُۥ وَأَنصِتُواْ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ 

    Open ayah 7:204

    At kapag ang Qur’an ay binibigkas, kayo ay makinig dito at manatiling tahimik [at magninilay-nilay] upang sakali kayo ay kahabagan.

  205. وَٱذۡكُر رَّبَّكَ فِي نَفۡسِكَ تَضَرُّعٗا وَخِيفَةٗ وَدُونَ ٱلۡجَهۡرِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ بِٱلۡغُدُوِّ وَٱلۡأٓصَالِ وَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡغَٰفِلِينَ 

    Open ayah 7:205

    At alalahanin mo ang iyong Panginoon sa iyong sarili nang buong pagpapakumbaba at takot na hindi kakikitaan sa pananalita - sa mga [oras ng] umaga at sa mga [oras ng] gabi. At huwag makibilang sa mga nakalilimot [sa Kanya].

  206. إِنَّ ٱلَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِهِۦ وَيُسَبِّحُونَهُۥ وَلَهُۥ يَسۡجُدُونَۤ۩ 

    Open ayah 7:206

    Katotohanan, yaong mga [anghel na] malalapit sa iyong Panginoon ay hindi mapagmalaki sa [pag-aalay ng] pagsamba sa Kanya. Bagkus, sila ay lumuluwalhati sa Kanya, nagpapatirapa sa Kanya [nang buong tapat at pitagan].