الأنفال

Al-Anfaal

The Spoils of War · Surah 8 · Ayahs: 75 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡأَنفَالِۖ قُلِ ٱلۡأَنفَالُ لِلَّهِ وَٱلرَّسُولِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَصۡلِحُواْ ذَاتَ بَيۡنِكُمۡۖ وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 8:1

    Sila ay nagtatanong sa iyo [O Muhammad] tungkol sa anfal [labi ng digmaan]. Sabihin: “Ang [kapasiyahan hinggil sa] labi ng digmaan ay para sa Allah at sa Kanyang Sugo.” Kaya matakot kayo sa Allah at inyong isaayos ang alinmang [hidwaang] namamagitan sa inyo at sumunod kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo kung kayo ay [tunay ngang] mga naniniwala.

  2. إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَجِلَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَإِذَا تُلِيَتۡ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُهُۥ زَادَتۡهُمۡ إِيمَٰنٗا وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ

    Open ayah 8:2

    Katotohanan, ang mga naniniwala ay yaon lamang na kapag ang Allah ay nabanggit, ang kanilang mga puso ay nanginginig [sa takot] at kapag ang Kanyang mga ayaat [o kapahayagan] ay binibigkas sa kanila, ito ay nakararagdag sa kanilang Eeman [pananampalataya], at sa kanilang Panginoon, sila ay [buong pusong] nagtitiwala.

  3. ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ

    Open ayah 8:3

    [Sila] yaong mga nagsasagawa ng pagdarasal, at mula sa anumang [panustos] na Aming ipinagkaloob sa kanila, sila ay gumugugol.

  4. أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ حَقّٗاۚ لَّهُمۡ دَرَجَٰتٌ عِندَ رَبِّهِمۡ وَمَغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ

    Open ayah 8:4

    Sila yaong mga naniniwala nang makatotohanan. Para sa kanila ay mga antas [ng karangalan] mula sa kanilang Panginoon, at kapatawaran at marangal na panustos.

  5. كَمَآ أَخۡرَجَكَ رَبُّكَ مِنۢ بَيۡتِكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّ فَرِيقٗا مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ لَكَٰرِهُونَ

    Open ayah 8:5

    [Ito ay] tulad nang ikaw ay pinalabas ng iyong Panginoon mula sa iyong pamamahay nang makatotohanan [para sa labanan ng Badr]; at tunay nga na ang isang pangkat mula sa mga naniniwala ay umaayaw.

  6. يُجَٰدِلُونَكَ فِي ٱلۡحَقِّ بَعۡدَمَا تَبَيَّنَ كَأَنَّمَا يُسَاقُونَ إِلَى ٱلۡمَوۡتِ وَهُمۡ يَنظُرُونَ

    Open ayah 8:6

    Sila ay nakikipagtalo sa iyo hinggil sa katotohanan pagkaraang ito ay naging malinaw; sila ay wari bang itinataboy sa kamatayan, habang sila ay nagmamasid [sa kamatayan].

  7. وَإِذۡ يَعِدُكُمُ ٱللَّهُ إِحۡدَى ٱلطَّآئِفَتَيۡنِ أَنَّهَا لَكُمۡ وَتَوَدُّونَ أَنَّ غَيۡرَ ذَاتِ ٱلشَّوۡكَةِ تَكُونُ لَكُمۡ وَيُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُحِقَّ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦ وَيَقۡطَعَ دَابِرَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 8:7

    At [alalahanin O mga Muslim] nang kayo ay pinangakuan ng Allah ng isa sa dalawang pangkat [ng mga kaaway] - na ito ay mapapasainyo; at

  8. لِيُحِقَّ ٱلۡحَقَّ وَيُبۡطِلَ ٱلۡبَٰطِلَ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُجۡرِمُونَ

    Open ayah 8:8

    Upang Kanyang patotohanan [o patunayan] ang katotohanan, at pabulaanan [o pawiin] ang kabulaanan bagaman ito ay kinasusuklaman ng mga mapaggawa ng kabuktutan.

  9. إِذۡ تَسۡتَغِيثُونَ رَبَّكُمۡ فَٱسۡتَجَابَ لَكُمۡ أَنِّي مُمِدُّكُم بِأَلۡفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُرۡدِفِينَ

    Open ayah 8:9

    [Inyong alalahanin] nang inyong hingin ang tulong ng inyong Panginoon at Siya ay tumugon sa inyo [na nagsabing]: “Katotohanan, kayo ay Aking palalakasin [o daragdagan ng kawal] sa pamamagitan ng isang libong mga anghel na nagkakasunuran [sa isa’t isa].”

  10. وَمَا جَعَلَهُ ٱللَّهُ إِلَّا بُشۡرَىٰ وَلِتَطۡمَئِنَّ بِهِۦ قُلُوبُكُمۡۚ وَمَا ٱلنَّصۡرُ إِلَّا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 

    Open ayah 8:10

    At ito ay hindi ginawa ng Allah maliban bilang isang magandang balita, at upang maging panatag ang inyong mga puso sa pamamagitan nito. At walang tagumpay malibang nagmula sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  11. إِذۡ يُغَشِّيكُمُ ٱلنُّعَاسَ أَمَنَةٗ مِّنۡهُ وَيُنَزِّلُ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ لِّيُطَهِّرَكُم بِهِۦ وَيُذۡهِبَ عَنكُمۡ رِجۡزَ ٱلشَّيۡطَٰنِ وَلِيَرۡبِطَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمۡ وَيُثَبِّتَ بِهِ ٱلۡأَقۡدَامَ

    Open ayah 8:11

    [Alalahanin] nang kayo ay Kanyang nilipos ng antok bilang katiwasayan mula sa Kanya, at Kanyang ibinaba para sa inyo ang tubig [ulan] mula sa kalangitan, upang kayo ay Kanyang gawing malinis sa pamamagitan nito at pawiin sa inyo ang masamang [udyok] ng satanas, at upang patibayin ang inyong mga puso, at patatagin ang inyong mga paa.

  12. إِذۡ يُوحِي رَبُّكَ إِلَى ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ أَنِّي مَعَكُمۡ فَثَبِّتُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ سَأُلۡقِي فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلرُّعۡبَ فَٱضۡرِبُواْ فَوۡقَ ٱلۡأَعۡنَاقِ وَٱضۡرِبُواْ مِنۡهُمۡ كُلَّ بَنَانٖ

    Open ayah 8:12

    [Alalahanin mo] nang ang iyong Panginoon ay magpahayag sa mga anghel, “Katotohanan, Ako ay nasa inyong [panig], kaya inyong patatagin yaong mga naniniwala. Ako ay maghahasik ng ligalig sa mga puso niyaong mga di-naniniwala, kaya sila ay inyong hampasin sa itaas ng [kanilang] mga leeg at sila ay inyong hampasin mula sa bawa’t dulo ng kanilang mga daliri.”

  13. ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ شَآقُّواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۚ وَمَن يُشَاقِقِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

    Open ayah 8:13

    Iyan ay sa dahilang sila ay sumalungat sa Allah at sa Kanyang Sugo. At sinuman ang sumasalungat sa Allah at sa Kanyang Sugo, magkagayon katotohanan, ang Allah ay mahigpit sa [pagpataw ng] kaparusahan.

  14. ذَٰلِكُمۡ فَذُوقُوهُ وَأَنَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابَ ٱلنَّارِ

    Open ayah 8:14

    [Sa mga di-naniniwala] “Iyan [ang inyong nararapat na parusa], kaya ito ay inyong lasapin.” At katiyakan para sa mga di-naniniwala ay parusa ng Apoy.

  15. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا لَقِيتُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ زَحۡفٗا فَلَا تُوَلُّوهُمُ ٱلۡأَدۡبَارَ

    Open ayah 8:15

    O kayong mga naniwala, kapag inyong makatagpo yaong mga di- naniniwala na sumasagupa [sa labanan], huwag ninyo ibaling sa kanila ang [inyong] mga likuran [sa pagtakas].

  16. وَمَن يُوَلِّهِمۡ يَوۡمَئِذٖ دُبُرَهُۥٓ إِلَّا مُتَحَرِّفٗا لِّقِتَالٍ أَوۡ مُتَحَيِّزًا إِلَىٰ فِئَةٖ فَقَدۡ بَآءَ بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَمَأۡوَىٰهُ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 8:16

    At sinuman ang bumaling ng kanila mga likuran sa gayong araw, maliban sa pagtalilis [bilang estratehiya] sa paglaban o pag-anib [sa ibang] kasamahan – katiyakang kanyang isinuong [ang sarili] sa poot na nagmula sa Allah. At ang kanyang kanlungan ay Impiyerno, at sadyang napakasamang patutunguhan.

  17. فَلَمۡ تَقۡتُلُوهُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ قَتَلَهُمۡۚ وَمَا رَمَيۡتَ إِذۡ رَمَيۡتَ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ رَمَىٰ وَلِيُبۡلِيَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ مِنۡهُ بَلَآءً حَسَنًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 8:17

    Gayunpaman, sila ay hindi ninyo napatay, kundi ang Allah ang Siyang pumatay sa kanila. At ikaw [O Muhammad] ay hindi ang [tunay na] tumudla nang ikaw ay tumudla, Nguni’t ang Allah ang Siyang [tunay na] tumudla, upang Kanyang subukan ang mga naniniwala ng isang mabuting pagsubok mula sa Kanya. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  18. ذَٰلِكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ مُوهِنُ كَيۡدِ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 8:18

    Ganyan nga [ang naganap na pangyayari], at [upang] pahinain ng Allah ang [masamang] balakin ng mga di-naniwala.

  19. إِن تَسۡتَفۡتِحُواْ فَقَدۡ جَآءَكُمُ ٱلۡفَتۡحُۖ وَإِن تَنتَهُواْ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۖ وَإِن تَعُودُواْ نَعُدۡ وَلَن تُغۡنِيَ عَنكُمۡ فِئَتُكُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَوۡ كَثُرَتۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 8:19

    Kung kayo [mga di-naniniwala] ay naghahanap ng paghatol, dumating na sa inyo ang paghatol [o pagkatalo]; subali’t kung kayo ay magsitigil [sa pag-usig] ito ay makabubuti para sa inyo, at kung kayo ay magsibalik [sa pag-usig], Kami ay magbabalik, at ang inyong mga hukbo ay walang idudulot para sa inyo ng anupaman gaano man ang dami [ng inyong bilang]. At katotohanan, ang Allah ay nasa [panig ng] mga naniniwala.

  20. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَا تَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ وَأَنتُمۡ تَسۡمَعُونَ 

    Open ayah 8:20

    O kayong mga naniwala, sumunod kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo, at huwag kayong tatalikod sa kanya habang inyong naririnig [ang kanyang mga tagubilin].

  21. وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ

    Open ayah 8:21

    At huwag kayong maging katulad niyaong mga nagsasabing: “Narinig namin,” samantalang sila ay hindi [tunay na] nakarinig.

  22. ۞إِنَّ شَرَّ ٱلدَّوَآبِّ عِندَ ٱللَّهِ ٱلصُّمُّ ٱلۡبُكۡمُ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 8:22

    Katotohanan, ang pinakamasa-mang nilikhang gumagala sa [paningin ng] Allah ay yaong mga bingi at mga pipi na hindi ginagamit ang kanilang [tamang] pag-iisip.

  23. وَلَوۡ عَلِمَ ٱللَّهُ فِيهِمۡ خَيۡرٗا لَّأَسۡمَعَهُمۡۖ وَلَوۡ أَسۡمَعَهُمۡ لَتَوَلَّواْ وَّهُم مُّعۡرِضُونَ

    Open ayah 8:23

    Kung mayroon nga lamang silang [nalalabing] buti na batid ng Allah sa kanila, marahil sila ay bibigyan ng kakayahang makarinig; at kahit sila ay Kanyang ginawang nakaririnig, magagawa pa rin nilang talikdan nang may pagtutol [ang katotohanan].

  24. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱسۡتَجِيبُواْ لِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ إِذَا دَعَاكُمۡ لِمَا يُحۡيِيكُمۡۖ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَحُولُ بَيۡنَ ٱلۡمَرۡءِ وَقَلۡبِهِۦ وَأَنَّهُۥٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ

    Open ayah 8:24

    O, kayong mga naniwala, tumugon kayo sa Allah [sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya] at [sa Kanyang] Sugo kapag siya ay nanawagan sa inyo sa anumang maghahatid sa inyo ng buhay, at dapat ninyong malaman na ang Allah ay [Makapangyarihang] nasa pagitan ng tao at ng kanyang puso, at katotohanan, sa Kanya ang inyong pagtitipon [na lahat].

  25. وَٱتَّقُواْ فِتۡنَةٗ لَّا تُصِيبَنَّ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنكُمۡ خَآصَّةٗۖ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

    Open ayah 8:25

    At inyong katakutan ang fitnah [hirap at pagsubok] na hindi lamang tanging daranasin niyaong mga gumawa ng kamalian na kabilang sa inyo subali’t alalahanin na ang Allah ay mahigpit sa [pagpataw ng] parusa.

  26. وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ أَنتُمۡ قَلِيلٞ مُّسۡتَضۡعَفُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ تَخَافُونَ أَن يَتَخَطَّفَكُمُ ٱلنَّاسُ فَـَٔاوَىٰكُمۡ وَأَيَّدَكُم بِنَصۡرِهِۦ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 8:26

    At inyong alalahanin nang kayo ay mangilan-ngilan at kayo ay inalipusta sa kalupaan, at inyong pinangambahan na kayo ay maaaring dukutin ng mga tao, subali’t kayo ay Kanyang binigyan ng isang kanlungan, kayo ay Kanyang pinalakas sa pamamagitan ng Kanyang tulong at kayo ay Kanyang pinagkalooban ng mabubuting panustos upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.

  27. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَخُونُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ وَتَخُونُوٓاْ أَمَٰنَٰتِكُمۡ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 8:27

    O kayong mga naniwala, huwag kayong magtaksil sa Allah at sa Kanyang Sugo, o magtaksil [o magtalu-sira] sa inyong mga amanaat [tiwala] habang inyong nalalaman [ang ibubungang kasamaan nito].

  28. وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَأَوۡلَٰدُكُمۡ فِتۡنَةٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 8:28

    At [dapat ninyong] malaman na ang inyong mga yaman at ang inyong mga anak ay isang pagsubok lamang at katiyakan sa Allah - nasa Kanya ang isang dakilang gantimpala.

  29. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تَتَّقُواْ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّكُمۡ فُرۡقَانٗا وَيُكَفِّرۡ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۗ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 8:29

    O kayong mga naniwala, kung inyong katakutan ang Allah, Kanyang ipagkakaloob para sa inyo ang pamantayan [ng paghatol sa pagitan ng wasto at mali], at Kanyang papawiin sa inyo ang inyong masasamang gawa, at magpapatawad para sa inyo; sapagka’t ang Allah ang may tangan ng dakilang biyaya.

  30. وَإِذۡ يَمۡكُرُ بِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيُثۡبِتُوكَ أَوۡ يَقۡتُلُوكَ أَوۡ يُخۡرِجُوكَۚ وَيَمۡكُرُونَ وَيَمۡكُرُ ٱللَّهُۖ وَٱللَّهُ خَيۡرُ ٱلۡمَٰكِرِينَ 

    Open ayah 8:30

    At [alalahanin mo] kapag nagbalak laban sa iyo [O Muhammad] yaong mga di-naniniwala na ikaw ay kanilang susugpuin o ikaw ay kanilang papaslangin o ikaw ay kanilang itataboy [mula sa Makkah]; sila ay nagbabalak nguni’t ang Allah ay nagbabalak din [laban sa kanila]; at ang Allah ang pinakamahusay sa mga nagbabalak.

  31. وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا قَالُواْ قَدۡ سَمِعۡنَا لَوۡ نَشَآءُ لَقُلۡنَا مِثۡلَ هَٰذَآ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 8:31

    At kapag ang Aming mga ayaat [kapahayagan] ay binigkas sa kanila, sila ay nagsasabing: “Narinig na namin [ang Qur’an]. Kung nais namin, maaari kaming bumigkas ng tulad niyan. Ito ay walang anupaman maliban sa mga alamat ng mga sinaunang tao.”

  32. وَإِذۡ قَالُواْ ٱللَّهُمَّ إِن كَانَ هَٰذَا هُوَ ٱلۡحَقَّ مِنۡ عِندِكَ فَأَمۡطِرۡ عَلَيۡنَا حِجَارَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ أَوِ ٱئۡتِنَا بِعَذَابٍ أَلِيمٖ

    Open ayah 8:32

    At [alalahanin] nang sila ay magsabi: “O Allah, kung ito man [ang Qur’an] ay katotohanan [na ipinahayag] mula sa Iyo, kung gayon paulanan Mo kami ng mga bato mula sa langit o padalhan Mo kami ng isang mahapding parusa.”

  33. وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمۡ وَأَنتَ فِيهِمۡۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ مُعَذِّبَهُمۡ وَهُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ

    Open ayah 8:33

    Subali’t sila ay hindi parurusahan ng Allah habang ikaw [O Muhammad] ay nasa kanila; at sila ay hindi parurusahan ng Allah habang sila ay [patuloy na] humihingi ng kapatawaran [sa Kanya].

  34. وَمَا لَهُمۡ أَلَّا يُعَذِّبَهُمُ ٱللَّهُ وَهُمۡ يَصُدُّونَ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَمَا كَانُوٓاْ أَوۡلِيَآءَهُۥٓۚ إِنۡ أَوۡلِيَآؤُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡمُتَّقُونَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 8:34

    At bakit nga ba hindi sila parurusahan ng Allah samantalang kanilang hinahadlangan [ang mga tao] patungong Masjid Al Haram, at [gayong] sila ay hindi [nararapat na maging] mga tagapangasiwa nito? Walang sinuman ang maaaring maging tagapangasiwa nito maliban yaong mga natatakot [sa Allah]. Nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nakababatid.

  35. وَمَا كَانَ صَلَاتُهُمۡ عِندَ ٱلۡبَيۡتِ إِلَّا مُكَآءٗ وَتَصۡدِيَةٗۚ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ

    Open ayah 8:35

    At ang kanilang pagdarasal sa [sagradong] bahay [ang Kab’ah sa Makkah] ay walang kabuluhan maliban sa paswit [o sipol] at tunog [ng palakpak] ng mga kamay. Kaya, inyong lasapin ang parusa para sa anumang hindi ninyo pinaniwalaan.

  36. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ لِيَصُدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ فَسَيُنفِقُونَهَا ثُمَّ تَكُونُ عَلَيۡهِمۡ حَسۡرَةٗ ثُمَّ يُغۡلَبُونَۗ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ يُحۡشَرُونَ

    Open ayah 8:36

    Katotohanan, yaong mga di-naniniwala ay gumugugol ng kanilang yaman upang kanilang hadlangan [ang mga tao] sa Landas ng Allah, at sila ay [patuloy na] gumugugol dito, subali’t [di-maglalaon], ito ang kanilang magiging siphayo. Pagkaraan, sila ay magagapi. At yaong mga di- naniniwala ay titipunin sa Impiyerno.

  37. لِيَمِيزَ ٱللَّهُ ٱلۡخَبِيثَ مِنَ ٱلطَّيِّبِ وَيَجۡعَلَ ٱلۡخَبِيثَ بَعۡضَهُۥ عَلَىٰ بَعۡضٖ فَيَرۡكُمَهُۥ جَمِيعٗا فَيَجۡعَلَهُۥ فِي جَهَنَّمَۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

    Open ayah 8:37

    Upang bigyang pagkakilanlan [o kaibahan] ng Allah ang masama mula sa mabuti; at [upang Kanyang] ilagay ang ibang masasama na nakapatong sa ibang [kasamahang masama] at sila ay ibunton nang magkakasama, at sila ay ilagay sa [naglalagablab na Apoy ng] Impiyerno. Sila yaong mga nawalan [o mga talunan].

  38. قُل لِّلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِن يَنتَهُواْ يُغۡفَرۡ لَهُم مَّا قَدۡ سَلَفَ وَإِن يَعُودُواْ فَقَدۡ مَضَتۡ سُنَّتُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 8:38

    Sabihin mo sa mga di-naniwala, [na] kung sila ay magsisitigil, ang anumang naunang nangyari noon ay patatawarin para sa kanila. Nguni’t kung sila ay nagsibalik [sa pag-uusig], samakatwid, ang pagkasumundan ng naunang [mga mapaghimagsik na] tao ay naganap na.

  39. وَقَٰتِلُوهُمۡ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتۡنَةٞ وَيَكُونَ ٱلدِّينُ كُلُّهُۥ لِلَّهِۚ فَإِنِ ٱنتَهَوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِمَا يَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ

    Open ayah 8:39

    At kayo ay makipaglaban sa kanila hanggang maglaho ang fitnah [pag- usig] at [hanggang] ang relihiyon [o pagsamba], ang lahat ng mga ito, ay para sa Allah lamang. Nguni’t kung sila ay nagsitigil, katiyakan na ang Allah ay Ganap na Nakakikita sa anumang kanilang ginagawa.

  40. وَإِن تَوَلَّوۡاْ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَوۡلَىٰكُمۡۚ نِعۡمَ ٱلۡمَوۡلَىٰ وَنِعۡمَ ٱلنَّصِيرُ 

    Open ayah 8:40

    At kung sila ay magsisitalikod – magkagayon, [dapat] ninyong malaman na ang Allah ay ang inyong Tagapagtanggol - pinakamahusay na Tagapagtanggol at pinakamahusay na Tagapagtangkilik.

  41. ۞وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا غَنِمۡتُم مِّن شَيۡءٖ فَأَنَّ لِلَّهِ خُمُسَهُۥ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ إِن كُنتُمۡ ءَامَنتُم بِٱللَّهِ وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ عَبۡدِنَا يَوۡمَ ٱلۡفُرۡقَانِ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

    Open ayah 8:41

    At [dapat ninyong] malaman na ang ghanimah [labi’ ng digmaan] na inyong nasamsam mula sa anumang bagay – katotohanan na ang ikalimang bahagi [/] nito ay [dapat na] ilaan para sa [Landas ng] Allah at para sa Sugo at para sa [kanyang] malalapit na kamag-anak [gayon din] sa mga ulila, mga dukha at mga naglalakbay [na nagigipit], kung tunay nga na kayo ay naniwala sa Allah at sa anumang Aming ipinadala [o ipinahayag] sa Aming alipin [si Muhammad] sa Araw ng Furqan, ang araw na ang dalawang hukbo [ng magkabilang panig] ay magsagupaan [sa Badr]; at ang Allah ay Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay.

  42. إِذۡ أَنتُم بِٱلۡعُدۡوَةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُم بِٱلۡعُدۡوَةِ ٱلۡقُصۡوَىٰ وَٱلرَّكۡبُ أَسۡفَلَ مِنكُمۡۚ وَلَوۡ تَوَاعَدتُّمۡ لَٱخۡتَلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡمِيعَٰدِ وَلَٰكِن لِّيَقۡضِيَ ٱللَّهُ أَمۡرٗا كَانَ مَفۡعُولٗا لِّيَهۡلِكَ مَنۡ هَلَكَ عَنۢ بَيِّنَةٖ وَيَحۡيَىٰ مَنۡ حَيَّ عَنۢ بَيِّنَةٖۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَسَمِيعٌ عَلِيمٌ

    Open ayah 8:42

    At [alalahanin] nang kayo [mga mandirigmang Muslim] ay nasa malapit na dako ng lambak, at sila’y nasa malayong dako ng isang panig, at ang kanilang karaban [pangkat] ay nasa higit na mababang [bahagi ng lupa] kaysa sa inyo. At kung sakaling kayo man ay gumawa ng tipanan [upang sila ay inyong sagupain], maaaring kayo ay hindi magkakasundo sa inyong tipanan nguni’t [nangyari ngang kayo ay pinagbuklod] upang ipatupad ang pangyayaring naitakda na ng Allah – na yaong mga lilipulin [sanhi ng kawalan ng paniniwala] ay maaaring malipol nang ayon sa [malinaw na] katibayan, at yaong mga nararapat mabuhay [o mga naniniwala] ay mamuhay nang ayon sa [malinaw na] katibayan. At katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  43. إِذۡ يُرِيكَهُمُ ٱللَّهُ فِي مَنَامِكَ قَلِيلٗاۖ وَلَوۡ أَرَىٰكَهُمۡ كَثِيرٗا لَّفَشِلۡتُمۡ وَلَتَنَٰزَعۡتُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ سَلَّمَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

    Open ayah 8:43

    [Alalahanin] nang sila ay ipinakita ng Allah sa iyong panaginip na sila ay mangilan-ngilan [O Muhammad]; at kung Kanyang ipinakita sa iyo na sila ay nakararami [sa bilang], marahil kayo ay mawawalan ng tapang, at marahil kayo ay magtalu-talo sa pangyayari [hinggil sa pakikipaglaban]. Subali’t [kayo] ay iniligtas ng Allah [mula sa gayong pangyayari]. Katotohanan, Siya ang Maalam ng anumang nasa mga dibdib.

  44. وَإِذۡ يُرِيكُمُوهُمۡ إِذِ ٱلۡتَقَيۡتُمۡ فِيٓ أَعۡيُنِكُمۡ قَلِيلٗا وَيُقَلِّلُكُمۡ فِيٓ أَعۡيُنِهِمۡ لِيَقۡضِيَ ٱللَّهُ أَمۡرٗا كَانَ مَفۡعُولٗاۗ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ

    Open ayah 8:44

    At [alalahanin], nang Kanyang ipinakita sa inyong mga paningin ang kanilang mangilan-ngilang bilang nang kayo ay magsagupaan [sa Badr] at ginawa Niyang kayo ay [palitawin] sa kanilang paningin na mangilan-ngilan lamang upang tuparin ng Allah ang pangyayaring naitakda na. At sa Allah ang pagbabalik ng [lahat ng] pangyayari.

  45. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا لَقِيتُمۡ فِئَةٗ فَٱثۡبُتُواْ وَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرٗا لَّعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ

    Open ayah 8:45

    O kayong mga naniwala, kapag inyong makakasagupa ang hukbong sandatahan [ng inyong mga kaaway], tumindig kayo nang matatag at inyong alalahanin ang Allah sa tuwina [palagian] upang sakali kayo ay magsipagtagumpay [sa inyong mga mabubuting layunin].

  46. وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَا تَنَٰزَعُواْ فَتَفۡشَلُواْ وَتَذۡهَبَ رِيحُكُمۡۖ وَٱصۡبِرُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ

    Open ayah 8:46

    At sumunod kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo at huwag kayong magtalu-talo [sa isa’t isa] upang hindi maglaho ang inyong tapang at hindi panawan ang inyong lakas, at manatili kayong matiisin. Katotohanan, ang Allah ay nasa [panig ng] mga matiisin.

  47. وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ خَرَجُواْ مِن دِيَٰرِهِم بَطَرٗا وَرِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ

    Open ayah 8:47

    At huwag kayong maging katulad niyaong mga nagsilabas sa kanilang mga pamamahay nang may pagyayabang at naglalayon [lamang na] sila ay makita ng mga tao, subali’t kanilang hinahadlangan [ang tao] mula sa Landas ng Allah. At nasasaklawan ng Allah ang anumang kanilang ginagawa.

  48. وَإِذۡ زَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ وَقَالَ لَا غَالِبَ لَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ مِنَ ٱلنَّاسِ وَإِنِّي جَارٞ لَّكُمۡۖ فَلَمَّا تَرَآءَتِ ٱلۡفِئَتَانِ نَكَصَ عَلَىٰ عَقِبَيۡهِ وَقَالَ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّنكُمۡ إِنِّيٓ أَرَىٰ مَا لَا تَرَوۡنَ إِنِّيٓ أَخَافُ ٱللَّهَۚ وَٱللَّهُ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

    Open ayah 8:48

    At [alalahanin mo] nang ginawang kaaya-aya para kanila ng satanas ang kanilang mga masasamang gawain at nagsabing, “Walang makakagapi sa inyo sa araw [sa Badr] na ito mula sa mga tao. At katunayan, ako ay inyong karamay.” Subali’t, nang ang dalawang lakas- sandatahan ay magsagupaan sa isa’t isa, siya [ang satanas] ay lumayong tumalilis at nagsabing “Katotohanan, ako ay malaya [at walang kaugnayan] mula sa inyo, Katotohanan, aking nakikita ang anumang hindi ninyo nakikita. Katotohanan, ako ay natatakot sa Allah sapagka’t ang Allah ay matindi sa kaparusahan.”

  49. إِذۡ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ غَرَّ هَٰٓؤُلَآءِ دِينُهُمۡۗ وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 8:49

    [Alalahanin mo] nang magsabi ang mga mapagkunwari at yaong [mga taong] sa puso nila ay may sakit [ng kawalan ng paniniwala]: “Ang mga taong ito [mga Muslim] ay nalinlang ng kanilang relihiyon.” Subali’t [hindi nila nalalaman na] sinuman ang [buong pusong] nagtiwala sa Allah, katotohanan, ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  50. وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ يَتَوَفَّى ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَضۡرِبُونَ وُجُوهَهُمۡ وَأَدۡبَٰرَهُمۡ وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ 

    Open ayah 8:50

    At kung iyo lamang makikita kapag hinuhugot na ng mga anghel ang kaluluwa niyaong mga di-naniniwala [sa oras ng kamatayan]; kanilang hinahampas ang kanilang mga mukha at likod, at [silang mga anghel] ay nagsasabing]: “Inyong lasapin ang parusa ng naglalagablab na Apoy.”

  51. ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيۡسَ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ

    Open ayah 8:51

    “Iyan ay bunga ng anumang [kasamaang] dinala ng inyong mga makatarungan sa Kanyang mga alipin.”

  52. كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيّٞ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

    Open ayah 8:52

    [Kanilang] nakakatulad ang [masamang] kinaugalian ng mga mamamayan ni Paraon at niyaong mga nauna sa kanila - sila ay hindi naniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah. Kaya, sila ay hinablot [at pinarusahan] ng Allah nang dahil sa kanilang mga kasalanan. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Malakas, Mahigpit sa kaparusahan.

  53. ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ لَمۡ يَكُ مُغَيِّرٗا نِّعۡمَةً أَنۡعَمَهَا عَلَىٰ قَوۡمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُواْ مَا بِأَنفُسِهِمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 8:53

    Iyan ay sa dahilang hindi kailanman babaguhin ng Allah ang isang pagpapala na Kanyang ipinagkaloob sa mamamayan hanggang hindi nila binabago ang anumang nasa kanilang mga sarili. At katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  54. كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ فَأَهۡلَكۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡ وَأَغۡرَقۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَۚ وَكُلّٞ كَانُواْ ظَٰلِمِينَ

    Open ayah 8:54

    [Kanilang] nakakatulad ang [masamang] kinaugalian ng mga mamamayan ni Paraon at niyaong mga nauna sa kanila. Kanilang itinakwil ang ayaat [kapahayagan] ng kanilang Panginoon kaya sila ay Aming winasak sanhi ng kanilang mga kasalanan, at Aming nilunod ang mga mamamayan ni Paraon sapagka’t silang lahat ay mga mapaggawa ng kamalian.

  55. إِنَّ شَرَّ ٱلدَّوَآبِّ عِندَ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 8:55

    Tunay nga, ang pinakamasamang nilikhang gumagala sa [paningin ng] Allah ay yaong mga di-naniniwala, sapagka’t sila ay hindi maniniwala [kailanman].

  56. ٱلَّذِينَ عَٰهَدتَّ مِنۡهُمۡ ثُمَّ يَنقُضُونَ عَهۡدَهُمۡ فِي كُلِّ مَرَّةٖ وَهُمۡ لَا يَتَّقُونَ

    Open ayah 8:56

    [Sila] yaong mga ginawan mo ng kasunduan, pagkaraan sila ay sumisira sa kanilang kasunduan sa tuwina at sila ay walang [nadaramang] takot [sa Allah].

  57. فَإِمَّا تَثۡقَفَنَّهُمۡ فِي ٱلۡحَرۡبِ فَشَرِّدۡ بِهِم مَّنۡ خَلۡفَهُمۡ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ

    Open ayah 8:57

    Kaya kung sila ay iyong magapi sa [gitna ng] digmaan [O Muhammad], sila ay iyong hawiin sa [pamamagitan niyaong mga nasa kanilang mga likuran upang sakali sila ay mapaalalahanan.

  58. وَإِمَّا تَخَافَنَّ مِن قَوۡمٍ خِيَانَةٗ فَٱنۢبِذۡ إِلَيۡهِمۡ عَلَىٰ سَوَآءٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡخَآئِنِينَ

    Open ayah 8:58

    At kung ikaw [ay may makatuwirang dahilan upang] iyong pangambahan ang kataksilan mula sa kaninumang tao, ibalik mo [ang kasunduan] sa kanila sa mahusay na paraan. Katotohanan, ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga mapaggawa ng kataksilan [o mapagkanulo].

  59. وَلَا يَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ سَبَقُوٓاْۚ إِنَّهُمۡ لَا يُعۡجِزُونَ

    Open ayah 8:59

    At huwag aakalain niyaong mga di-naniniwala na kanilang

  60. وَأَعِدُّواْ لَهُم مَّا ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن قُوَّةٖ وَمِن رِّبَاطِ ٱلۡخَيۡلِ تُرۡهِبُونَ بِهِۦ عَدُوَّ ٱللَّهِ وَعَدُوَّكُمۡ وَءَاخَرِينَ مِن دُونِهِمۡ لَا تَعۡلَمُونَهُمُ ٱللَّهُ يَعۡلَمُهُمۡۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِن شَيۡءٖ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ يُوَفَّ إِلَيۡكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تُظۡلَمُونَ 

    Open ayah 8:60

    At [lagi kayong] maghanda laban sa kanila ng anumang inyong kakayahan [sa pamamagitan] ng lakas at ng mga kabayo [o ng mga kagamitang] pandigmaan upang sa pamamagitan nito ay inyong sindakin ang mga kaaway ng Allah at inyong mga kaaway at yaong mga iba bukod sa kanila na hindi ninyo nakikilala. Subali’t nababatid ng Allah [kung sino nga sila]. At anuman ang inyong gugulin sa Landas ng Allah ito ay may kabayaran sa inyo at kayo ay hindi gagawan ng kamalian [o ng di- makatarungan].

  61. ۞وَإِن جَنَحُواْ لِلسَّلۡمِ فَٱجۡنَحۡ لَهَا وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

    Open ayah 8:61

    At kung sila ay humayo sa [tawag ng] kapayapaan, magkagayon, ikaw ay humayo [sa tawag na] ito, at [buong pusong] magtiwala sa Allah. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.

  62. وَإِن يُرِيدُوٓاْ أَن يَخۡدَعُوكَ فَإِنَّ حَسۡبَكَ ٱللَّهُۚ هُوَ ٱلَّذِيٓ أَيَّدَكَ بِنَصۡرِهِۦ وَبِٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 8:62

    At kung sila man ay maghangad na ikaw ay kanilang linlangin, magkagayon katotohanan, ang Allah ay Sapat na para sa iyo. Siya ang nagtataguyod sa iyo [sa pamamagitan] ng Kanyang tulong at ng mga naniniwala.

  63. وَأَلَّفَ بَيۡنَ قُلُوبِهِمۡۚ لَوۡ أَنفَقۡتَ مَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا مَّآ أَلَّفۡتَ بَيۡنَ قُلُوبِهِمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ أَلَّفَ بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّهُۥ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 8:63

    At [Kanyang] pinagbuklod ang kanilang mga puso. At kung ikaw man ay gumugol ng lahat ng [yamang] nasa kalupaan, hindi mo magagawang pagbuklurin ang kanilang mga puso, nguni’t ang Allah ang Siyang nagbuklod sa kanila. Katotohanan, Siya ang Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  64. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ حَسۡبُكَ ٱللَّهُ وَمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 8:64

    O Propeta, ang Allah ay sapat na para sa iyo at para sa mga sumusunod sa iyo mula sa mga naniniwala.

  65. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ حَرِّضِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ عَلَى ٱلۡقِتَالِۚ إِن يَكُن مِّنكُمۡ عِشۡرُونَ صَٰبِرُونَ يَغۡلِبُواْ مِاْئَتَيۡنِۚ وَإِن يَكُن مِّنكُم مِّاْئَةٞ يَغۡلِبُوٓاْ أَلۡفٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَفۡقَهُونَ

    Open ayah 8:65

    O Propeta, hikayatin mo ang mga naniniwala na makipaglaban. Kung mayroon mula sa inyo ng dalawampung matiisin, kanilang magagapi ang dalawang daan, at kung mayroon sa inyong isang daang matiisin, kanilang magagapi ang isang libo mula sa mga di-naniniwala sapagka’t sila [na di- naniniwala] ay mga taong hindi nakauunawa.

  66. ٱلۡـَٰٔنَ خَفَّفَ ٱللَّهُ عَنكُمۡ وَعَلِمَ أَنَّ فِيكُمۡ ضَعۡفٗاۚ فَإِن يَكُن مِّنكُم مِّاْئَةٞ صَابِرَةٞ يَغۡلِبُواْ مِاْئَتَيۡنِۚ وَإِن يَكُن مِّنكُمۡ أَلۡفٞ يَغۡلِبُوٓاْ أَلۡفَيۡنِ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ

    Open ayah 8:66

    Ngayon, pinagaan ng Allah [ang hirap] para sa inyo, sapagka’t Kanyang nababatid na mayroong mahihina sa inyo. Kaya kung mayroon sa inyong isang daang tao na matitiyaga, kanilang tatalunin [at magagapi] ang dalawang daang [di-naniniwala] at kung mayroon sa inyong isang libo, kanilang tatalunin ang dalawang libo sa kapahintulutan ng Allah. At ang Allah ay nasa [panig ng] mga matiisin.

  67. مَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَن يَكُونَ لَهُۥٓ أَسۡرَىٰ حَتَّىٰ يُثۡخِنَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ تُرِيدُونَ عَرَضَ ٱلدُّنۡيَا وَٱللَّهُ يُرِيدُ ٱلۡأٓخِرَةَۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 8:67

    Hindi [marapat] para sa isang propeta na magkaroon ng mga bihag [mula sa digmaan] hanggang kanyang [lubusang] magapi [ang kanyang mga kaaway] sa lupain. [Ang iba sa] inyo ay naghahangad ng mga mabubuting kapakinabangan ng mundong ito. Subali’t ang Allah ay naghahangad [para sa inyo] ng kabilang buhay. At ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  68. لَّوۡلَا كِتَٰبٞ مِّنَ ٱللَّهِ سَبَقَ لَمَسَّكُمۡ فِيمَآ أَخَذۡتُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 8:68

    Kung hindi lamang sa [naitakdang] tagubilin mula sa Allah, marahil kayo ay dinapuan ng malaking parusa nang dahil sa anupamang inyong kinuha [o ginawa].

  69. فَكُلُواْ مِمَّا غَنِمۡتُمۡ حَلَٰلٗا طَيِّبٗاۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 8:69

    Kaya, kainin [o gamitin] ang anumang inyong nakuha mula sa labi ng digmaan na pinahihintulutan at mabuti. At inyong katakutan ang Allah. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  70. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّمَن فِيٓ أَيۡدِيكُم مِّنَ ٱلۡأَسۡرَىٰٓ إِن يَعۡلَمِ ٱللَّهُ فِي قُلُوبِكُمۡ خَيۡرٗا يُؤۡتِكُمۡ خَيۡرٗا مِّمَّآ أُخِذَ مِنكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ 

    Open ayah 8:70

    O Propeta, sabihin mo sa sinumang bihag na nasa inyong mga kamay: “Kung batid ng Allah na may [nalalabi pang] buti na nasa inyong mga puso, kayo ay bibigyan Niya nang higit na buti kaysa sa anumang kinuha sa inyo, at kayo ay Kanyang patatawarin, at ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.”

  71. وَإِن يُرِيدُواْ خِيَانَتَكَ فَقَدۡ خَانُواْ ٱللَّهَ مِن قَبۡلُ فَأَمۡكَنَ مِنۡهُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

    Open ayah 8:71

    Subali’t kung sila ay naghangad na ikaw ay kanilang pagtaksilan [O Muhammad] tunay na kanilang pinagtaksilan ang Allah noon pa man. Kaya ikaw ay binigyan Niya ng kapangyarihan sa kanila. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  72. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلَّذِينَ ءَاوَواْ وَّنَصَرُوٓاْ أُوْلَٰٓئِكَ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۚ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَمۡ يُهَاجِرُواْ مَا لَكُم مِّن وَلَٰيَتِهِم مِّن شَيۡءٍ حَتَّىٰ يُهَاجِرُواْۚ وَإِنِ ٱسۡتَنصَرُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ فَعَلَيۡكُمُ ٱلنَّصۡرُ إِلَّا عَلَىٰ قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٞۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ

    Open ayah 8:72

    Katotohanan, yaong mga naniwala at lumikas at nagpunyagi sa pamamagitan ng kanilang yaman at ng kanilang sarili sa Landas ng Allah at yaong mga nagkaloob sa kanila ng matutuluyan at tulong [o pagdamay]

  73. وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٍۚ إِلَّا تَفۡعَلُوهُ تَكُن فِتۡنَةٞ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَفَسَادٞ كَبِيرٞ

    Open ayah 8:73

    At yaong mga di-naniwala ay wali [tagapangalaga] ng isa’t isa, [kaya] kung hindi ninyo magagawang [magkaisa, kayong naniniwala ay] magkakaroon ng fitnah [pagsubok at pag-usig] sa [buong] kalupaan at malaking katiwalian [o kaguluhan].

  74. وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلَّذِينَ ءَاوَواْ وَّنَصَرُوٓاْ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ حَقّٗاۚ لَّهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ

    Open ayah 8:74

    At yaong mga naniwala at nagsilikas at nagpunyagi sa Landas ng Allah [Jihad] at yaong mga nagbigay [sa kanila] ng kanlungan [at matitirhan] at pagdamay [o pagtulong] – sila yaong mga naniniwala nang totoo, sa kanila ay may kapatawaran at pinagpalang [o masaganang] panustos.

  75. وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنۢ بَعۡدُ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ مَعَكُمۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ مِنكُمۡۚ وَأُوْلُواْ ٱلۡأَرۡحَامِ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلَىٰ بِبَعۡضٖ فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمُۢ

    Open ayah 8:75

    At yaong mga naniwala pagkaraan [ng unang paglikas], at nagsilikas at nagpunyaging kasama ninyo [sa Landas ng Allah], sila ay kabilang sa inyo. Subali’t ang kamag-anakan sa dugo ay nakahihigit [hinggil sa karapatan ng pamana] batay sa kautusang itinakda ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.