التوبة

At-Tawba

The Repentance · Surah 9 · Ayahs: 129 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

  1. بَرَآءَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦٓ إِلَى ٱلَّذِينَ عَٰهَدتُّم مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

    Open ayah 9:1

    [Ito ay pagpapahayag ng] kalayaan sa [lahat ng mga] pananagutan mula sa Allah at sa Kanyang Sugo niyaong kabilang sa mga mushrik na sa inyo ay nakipagkasundo.

  2. فَسِيحُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَرۡبَعَةَ أَشۡهُرٖ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُمۡ غَيۡرُ مُعۡجِزِي ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱللَّهَ مُخۡزِي ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 9:2

    Gayunman, kayo [mga di-naniniwala] ay malayang magsipaglakbay sa loob ng apat na buwan sa mga lupain, subali’t dapat ninyong malaman na hindi ninyo magagawang takasan ang [parusa ng] Allah; at [sapagka’t] gagawing kaaba-aba [at walang dangal] ng Allah ang mga di-naniniwala.

  3. وَأَذَٰنٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦٓ إِلَى ٱلنَّاسِ يَوۡمَ ٱلۡحَجِّ ٱلۡأَكۡبَرِ أَنَّ ٱللَّهَ بَرِيٓءٞ مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ وَرَسُولُهُۥۚ فَإِن تُبۡتُمۡ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۖ وَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُمۡ غَيۡرُ مُعۡجِزِي ٱللَّهِۗ وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ

    Open ayah 9:3

    At [ito ay] isang panawagan mula sa Allah at sa Kanyang Sugo sa sangkatauhan sa pinakadakilang araw ng Hajj, na ang Allah at ang Kanyang Sugo ay walang pananagutan mula sa mga mushrik kaya kung kayo ay magsipagsisi, ito ay higit na makabubuti para sa inyo, subali't kung kayo ay magsisitalikod, magkagayon, dapat ninyong malaman na hindi ninyo magagawang takasan ang [parusa ng] Allah. At magbigay ng balita [O Muhammad] sa mga di-naniniwala ng isang mahapding parusa.

  4. إِلَّا ٱلَّذِينَ عَٰهَدتُّم مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ ثُمَّ لَمۡ يَنقُصُوكُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَمۡ يُظَٰهِرُواْ عَلَيۡكُمۡ أَحَدٗا فَأَتِمُّوٓاْ إِلَيۡهِمۡ عَهۡدَهُمۡ إِلَىٰ مُدَّتِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 9:4

    Maliban yaong may mga kasunduan sa inyo mula sa mga mushrik, pagkaraan sila ay hindi nagtalu-sira sa inyo sa anuman, at sila ay hindi nakipagtulungan kaninuman laban sa inyo. Kaya, inyong tuparin ang kasunduan sa kanila hanggang sa [matapos ang] kanilang takdang panahon. Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa mga natatakot [sa Kanya].

  5. فَإِذَا ٱنسَلَخَ ٱلۡأَشۡهُرُ ٱلۡحُرُمُ فَٱقۡتُلُواْ ٱلۡمُشۡرِكِينَ حَيۡثُ وَجَدتُّمُوهُمۡ وَخُذُوهُمۡ وَٱحۡصُرُوهُمۡ وَٱقۡعُدُواْ لَهُمۡ كُلَّ مَرۡصَدٖۚ فَإِن تَابُواْ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ فَخَلُّواْ سَبِيلَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 9:5

    Kaya kapag ang mga sagradong buwan ay lumipas na, magkagayon inyong pagpapatayin ang mga mushrik [na nakikipaglaban at umuusig sa inyo] saanman ninyo sila matagpuan, at sila ay inyong bihagin at inyong salakayin at inyong abangan sa bawa’t pook ng tambangan. Subali’t kung sila ay magsisi at magsagawa ng pagdarasal at magbigay ng Zakaah [kawanggawa], samakatwid hayaan sila sa kanilang [sariling] landasin. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  6. وَإِنۡ أَحَدٞ مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ ٱسۡتَجَارَكَ فَأَجِرۡهُ حَتَّىٰ يَسۡمَعَ كَلَٰمَ ٱللَّهِ ثُمَّ أَبۡلِغۡهُ مَأۡمَنَهُۥۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 9:6

    At kung ang isa sa mga mushrik ay humihingi sa iyo ng pangangalaga,

  7. كَيۡفَ يَكُونُ لِلۡمُشۡرِكِينَ عَهۡدٌ عِندَ ٱللَّهِ وَعِندَ رَسُولِهِۦٓ إِلَّا ٱلَّذِينَ عَٰهَدتُّمۡ عِندَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۖ فَمَا ٱسۡتَقَٰمُواْ لَكُمۡ فَٱسۡتَقِيمُواْ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 9:7

    Paanong magkakaroon ng isang kasunduan sa Allah at sa Kanyang Sugo ang mga mushrik maliban yaong mga ginawan ninyo ng kasunduang malapit sa Masjid Al-Haram [sa Makkah]? Kaya, hanggang sila ay nananatiling matapat sa inyo, kayo ay maging matapat [din] sa kanila. Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa mga natatakot [sa Kanya].

  8. كَيۡفَ وَإِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ لَا يَرۡقُبُواْ فِيكُمۡ إِلّٗا وَلَا ذِمَّةٗۚ يُرۡضُونَكُم بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَتَأۡبَىٰ قُلُوبُهُمۡ وَأَكۡثَرُهُمۡ فَٰسِقُونَ

    Open ayah 9:8

    Paano ba [kayo makikipagkasundo sa kanila] gayong kapag kayo ay kanilang napangibabawan, hindi nila pinahahalagahan ang ugnayan sa inyo na pangkamag-anakan o ang kasunduan ng pangangalaga? Kayo ay kanilang binibigyan ng kasiyahan sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, subali't ang kanilang mga puso ay tumututol, at karamihan sa kanila ay mga suwail.

  9. ٱشۡتَرَوۡاْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ ثَمَنٗا قَلِيلٗا فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 9:9

    Kanilang ipinagbili ang mga ayaat [kapahayagan] ng Allah sa maliit na halaga, at kanilang hinadlangan [ang mga tao] sa Kanyang Landas; sadyang kasamaan ang anumang kanilang laging ginagawa.

  10. لَا يَرۡقُبُونَ فِي مُؤۡمِنٍ إِلّٗا وَلَا ذِمَّةٗۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُعۡتَدُونَ 

    Open ayah 9:10

    Sila ay hindi kumikilala sa ugnayang nauukol sa isang naniniwala, maging ito man ay pangkamag-anakan o kasunduan ng pangangalaga. Sila yaong mga mapanlabag.

  11. فَإِن تَابُواْ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ فَإِخۡوَٰنُكُمۡ فِي ٱلدِّينِۗ وَنُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 9:11

    Subali’t kung sila’y magsisi, magsagawa ng pagdarasal at magbigay ng Zakaah, magkagayon, sila ay inyong mga kapatid sa relihiyon. At Aming masusing ipinaliliwanag ang mga ayaat [kapahayagan] para sa mga taong nakaaalam.

  12. وَإِن نَّكَثُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُم مِّنۢ بَعۡدِ عَهۡدِهِمۡ وَطَعَنُواْ فِي دِينِكُمۡ فَقَٰتِلُوٓاْ أَئِمَّةَ ٱلۡكُفۡرِ إِنَّهُمۡ لَآ أَيۡمَٰنَ لَهُمۡ لَعَلَّهُمۡ يَنتَهُونَ

    Open ayah 9:12

    Subali’t kung sila ay sumira sa kanilang panunumpa pagkaraan ng kanilang kasunduan at kanilang tuligsain ang inyong relihiyon samakatwid, makipaglaban sa mga pinuno ng mga di-naniniwala sapagka’t katiyakan walang mga [sagradong] panunumpa sa kanila [kaya makipaglaban sa kanila] upang sakali sila ay magsitigil.

  13. أَلَا تُقَٰتِلُونَ قَوۡمٗا نَّكَثُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ وَهَمُّواْ بِإِخۡرَاجِ ٱلرَّسُولِ وَهُم بَدَءُوكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٍۚ أَتَخۡشَوۡنَهُمۡۚ فَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَوۡهُ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 9:13

    Hindi ba kayo makikipaglaban sa mga taong nagtalu-sira sa kanilang mga panunumpa [at mga pangako] at kanilang tinangkang itaboy ang Sugo at sila [rin yaong] mga naunang [magtangkang sumagupa] sa inyo sa unang pagkakataon? Sila ba ay inyong kinatatakutan? [Subali’t] higit na nararapat na ang Allah ang Siya ninyong katakutan kung tunay nga na kayo ay mga naniniwala.

  14. قَٰتِلُوهُمۡ يُعَذِّبۡهُمُ ٱللَّهُ بِأَيۡدِيكُمۡ وَيُخۡزِهِمۡ وَيَنصُرۡكُمۡ عَلَيۡهِمۡ وَيَشۡفِ صُدُورَ قَوۡمٖ مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 9:14

    Makipaglaban sa kanila; sila ay parurusahan ng Allah sa pamamagitan ng inyong mga kamay at sila ay [Kanyang] hihiyain at kayo ay bibigyan ng tagumpay laban sa kanila at [Kanyang] bibigyang kasiyahan ang mga dibdib ng mga taong naniniwala.

  15. وَيُذۡهِبۡ غَيۡظَ قُلُوبِهِمۡۗ وَيَتُوبُ ٱللَّهُ عَلَىٰ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

    Open ayah 9:15

    At [Kanyang] papawiin [sa mga naniniwala] ang poot sa kanilang mga puso. At tatanggapin ng Allah ang pagsisisi ng sinumang Kanyang nais. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  16. أَمۡ حَسِبۡتُمۡ أَن تُتۡرَكُواْ وَلَمَّا يَعۡلَمِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ جَٰهَدُواْ مِنكُمۡ وَلَمۡ يَتَّخِذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَا رَسُولِهِۦ وَلَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَلِيجَةٗۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 9:16

    Inaakala ba ninyo na kayo ay hahayaan [sa ganyang kalagayan] samantalang hindi pa nasusubukan ng Allah yaong mga kabilang sa inyo na nagpunyagi [sa Kanyang Landas] at hindi nagturing ng iba bukod sa Allah, at sa Kanyang Sugo at sa mga naniniwala bilang [kanilang] Walijah [kapalagayang-loob]. Ang Allah ay Maalam sa anumang inyong ginagawa.

  17. مَا كَانَ لِلۡمُشۡرِكِينَ أَن يَعۡمُرُواْ مَسَٰجِدَ ٱللَّهِ شَٰهِدِينَ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِم بِٱلۡكُفۡرِۚ أُوْلَٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ وَفِي ٱلنَّارِ هُمۡ خَٰلِدُونَ

    Open ayah 9:17

    Hindi [marapat] para sa mga mushrik na pangasiwaan ang mga masjid ng Allah samantalang sila ay sumasaksi laban sa kanilang mga sariling kawalan ng paniniwala. Sila yaong ang kanilang mga gawain ay walang kabuluhan. At sa Apoy, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  18. إِنَّمَا يَعۡمُرُ مَسَٰجِدَ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَأَقَامَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَى ٱلزَّكَوٰةَ وَلَمۡ يَخۡشَ إِلَّا ٱللَّهَۖ فَعَسَىٰٓ أُوْلَٰٓئِكَ أَن يَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُهۡتَدِينَ

    Open ayah 9:18

    Ang pangangasiwa ng mga masjid ng Allah ay para lamang sa kanya na naniniwala sa Allah at sa Huling Araw; nagsasagawa ng pagdarasal at nagbibigay ng Zakaah at [siya ay] walang kinatatakutan maliban sa Allah. Kaya, inaasahang sila yaong mga kabilang sa mga napatnubayan.

  19. ۞أَجَعَلۡتُمۡ سِقَايَةَ ٱلۡحَآجِّ وَعِمَارَةَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ كَمَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَجَٰهَدَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ لَا يَسۡتَوُۥنَ عِندَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 9:19

    Ginawa ba ninyo na ang pagbibigay ng inumin sa mga nagsasagawa ng Hajj at Umrah at ang pangangasiwa ng Masjid Al-Haram [sa Makkah] ay kapantay ng [mga gawain ng] isang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw, at nagpupunyagi sa Landas ng Allah? Sila ay hindi magkapantay sa paningin ng Allah. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong mapaggawa ng kamalian.

  20. ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ أَعۡظَمُ دَرَجَةً عِندَ ٱللَّهِۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ 

    Open ayah 9:20

    Yaong mga naniwala [sa Allah at sa Kanyang Sugo] at nagsilikas at nagpunyagi para sa Landas ng Allah sa pamamagitan ng kanilang mga yaman at ng kanilang mga sarili, [sila] ay nakahihigit sa antas [ng karangalan] sa paningin ng Allah. Sila yaong mga nagkamit [ng dakilang tagumpay].

  21. يُبَشِّرُهُمۡ رَبُّهُم بِرَحۡمَةٖ مِّنۡهُ وَرِضۡوَٰنٖ وَجَنَّٰتٖ لَّهُمۡ فِيهَا نَعِيمٞ مُّقِيمٌ

    Open ayah 9:21

    Ang kanilang Panginoon ay nagbibigay ng magandang balita ng isang habag mula sa Kanya at ng magandang lugod [para sa kanila] at ng mga hardin [Paraiso] para sa kanila na kung saan ay naroroon ang walang katapusang ligaya.

  22. خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 9:22

    Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. Katotohanan, nasa Allah ang isang dakilang gantimpala.

  23. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُوٓاْ ءَابَآءَكُمۡ وَإِخۡوَٰنَكُمۡ أَوۡلِيَآءَ إِنِ ٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡكُفۡرَ عَلَى ٱلۡإِيمَٰنِۚ وَمَن يَتَوَلَّهُم مِّنكُمۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

    Open ayah 9:23

    O kayong mga naniwala, huwag ninyong ituring bilang awliya'

  24. قُلۡ إِن كَانَ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ وَإِخۡوَٰنُكُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ وَعَشِيرَتُكُمۡ وَأَمۡوَٰلٌ ٱقۡتَرَفۡتُمُوهَا وَتِجَٰرَةٞ تَخۡشَوۡنَ كَسَادَهَا وَمَسَٰكِنُ تَرۡضَوۡنَهَآ أَحَبَّ إِلَيۡكُم مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَجِهَادٖ فِي سَبِيلِهِۦ فَتَرَبَّصُواْ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ ٱللَّهُ بِأَمۡرِهِۦۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

    Open ayah 9:24

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: kung ang inyong mga ama, ang inyong mga anak na lalaki, ang inyong mga kapatid na lalaki, ang inyong mga asawa, ang inyong mga kamag-anak, ang inyong mga kayamanang pinagkakakitaan, ang inyong mga kalakal na pinangagambahang mangawala, ang inyong ikinasisiyang mga tahanan ay higit ninyong minamahal kaysa sa Allah at sa Kanyang Sugo, at sa pagpupunyagi sa Kanyang Landas, magkagayon, kayo ay magsipaghintay hanggang ipagkaloob ng Allah ang Kanyang kapasiyahan. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong suwail.

  25. لَقَدۡ نَصَرَكُمُ ٱللَّهُ فِي مَوَاطِنَ كَثِيرَةٖ وَيَوۡمَ حُنَيۡنٍ إِذۡ أَعۡجَبَتۡكُمۡ كَثۡرَتُكُمۡ فَلَمۡ تُغۡنِ عَنكُمۡ شَيۡـٔٗا وَضَاقَتۡ عَلَيۡكُمُ ٱلۡأَرۡضُ بِمَا رَحُبَتۡ ثُمَّ وَلَّيۡتُم مُّدۡبِرِينَ

    Open ayah 9:25

    Katiyakan, ang Allah ay nagbigay ng tulong sa inyo sa maraming mga pook [ng labanan] at [maging] sa araw ng [digmaan sa] Hunain nang kayo ay nangagalak sa rami ng inyong bilang, subali't ito ay walang naidulot na anupamang tulong sa inyo. At ang kalupaan ay lubhang naging masikip para sa inyo sa [kabila ng] lawak nito. Pagkaraan, kayo ay nagsitalikod, na nagsisitakas [mula sa pakikipaglaban].

  26. ثُمَّ أَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَعَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَأَنزَلَ جُنُودٗا لَّمۡ تَرَوۡهَا وَعَذَّبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 9:26

    Pagkaraan, ang Allah ay nagpababa ng Kanyang katiwasayan sa Kanyang Sugo [Muhammad] at sa mga naniniwala, at nagpababa [rin] ng mga kawal [mga anghel] na hindi ninyo nakikita at [Kanyang] pinarusahan yaong mga di-naniniwala. At iyan ang kabayaran para sa mga di- naniniwala.

  27. ثُمَّ يَتُوبُ ٱللَّهُ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ عَلَىٰ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 9:27

    Pagkaraan, tatanggapin ng Allah ang pagsisisi ng sinumang Kanyang nais. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  28. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّمَا ٱلۡمُشۡرِكُونَ نَجَسٞ فَلَا يَقۡرَبُواْ ٱلۡمَسۡجِدَ ٱلۡحَرَامَ بَعۡدَ عَامِهِمۡ هَٰذَاۚ وَإِنۡ خِفۡتُمۡ عَيۡلَةٗ فَسَوۡفَ يُغۡنِيكُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦٓ إِن شَآءَۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 9:28

    O kayong mga naniwala, katotohanan, ang mga mushrik ay marurumi. Kaya huwag ninyo silang hayaang magsilapit sa Al-Masjid Al Haram [sa Makkah] pagkaraan nitong kanilang [huling] taon. At kung inyong pinangangambahan ang paghihikahos, kayo ay pagyayamanin ng Allah mula sa Kanyang biyaya kung Kanyang naisin. Katotohanan, ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  29. قَٰتِلُواْ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَلَا بِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَلَا يُحَرِّمُونَ مَا حَرَّمَ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَلَا يَدِينُونَ دِينَ ٱلۡحَقِّ مِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ حَتَّىٰ يُعۡطُواْ ٱلۡجِزۡيَةَ عَن يَدٖ وَهُمۡ صَٰغِرُونَ

    Open ayah 9:29

    Inyong labanan yaong mga di-naniniwala sa Allah at sa Huling Araw at yaong hindi mga nagbabawal sa anumang ginawang bawal ng Allah at ng Kanyang Sugo [si Muhammad] at yaong mga hindi kumikilala sa relihiyon ng katotohanan [Islam] mula sa mga pinagkalooban ng Kasulatan – [kayo ay makipaglaban] hanggang sila ay kusang magbayad ng jizyah, at sila ay maging kaaba-aba.

  30. وَقَالَتِ ٱلۡيَهُودُ عُزَيۡرٌ ٱبۡنُ ٱللَّهِ وَقَالَتِ ٱلنَّصَٰرَى ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ ٱللَّهِۖ ذَٰلِكَ قَوۡلُهُم بِأَفۡوَٰهِهِمۡۖ يُضَٰهِـُٔونَ قَوۡلَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَبۡلُۚ قَٰتَلَهُمُ ٱللَّهُۖ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ 

    Open ayah 9:30

    At ang mga Hudyo ay nagsasabing:“Si Ezra ay anak na lalaki ng Allah,” at ang mga Kristiyano ay nagsasabing: “Ang Mesiyas [Hesus] ay anak na lalaki ng Allah.” Iyan ang pananalitang namumutawi sa kanilang mga bibig, kanilang tinutularan ang mga pananalita niyaong mga taong di-naniniwala noon. Sila ay isinumpa [at winasak] ng Allah, paano nga bang sila ay nalinlang [mula sa katotohanan]?

  31. ٱتَّخَذُوٓاْ أَحۡبَارَهُمۡ وَرُهۡبَٰنَهُمۡ أَرۡبَابٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَٱلۡمَسِيحَ ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَمَآ أُمِرُوٓاْ إِلَّا لِيَعۡبُدُوٓاْ إِلَٰهٗا وَٰحِدٗاۖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ سُبۡحَٰنَهُۥ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 9:31

    Kanilang itinuturing ang kanilang mga ahbar at mga monghe bilang kanilang mga panginoon bukod sa Allah, at [kanilang itinuring din bilang kanilang panginoon] ang Mesiyas, anak ni Maria samantalang sila [mga Hudyo at Kristiyano] ay hindi inutusan [sa Torah at Injeel] maliban na sambahin ang Isang tanging Diyos. Walang diyos maliban sa Kanya. Luwalhati sa Kanya [sadyang napakalayo Niya] mula sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].

  32. يُرِيدُونَ أَن يُطۡفِـُٔواْ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَيَأۡبَى ٱللَّهُ إِلَّآ أَن يُتِمَّ نُورَهُۥ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ

    Open ayah 9:32

    Kanilang hangad na patayin [o putulin] ang liwanag ng Allah sa [pamamagitan ng] kanilang mga bibig, subali’t ang Allah ay tumututol maliban upang gawing ganap ang Kanyang liwanag bagaman [ito ay] kinamumuhian ng mga di-naniniwala.

  33. هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُشۡرِكُونَ

    Open ayah 9:33

    Siya ang nagpadala ng Kanyang Sugo [si Muhammad] na may dalang patnubay at relihiyon ng katotohanan [Islam], upang ito’y mangibabaw nang higit sa lahat ng mga relihiyon bagaman ito ay kinamumuhian ng mga mushrik [nagtatambal sa Allah].

  34. ۞يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلۡأَحۡبَارِ وَٱلرُّهۡبَانِ لَيَأۡكُلُونَ أَمۡوَٰلَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡبَٰطِلِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۗ وَٱلَّذِينَ يَكۡنِزُونَ ٱلذَّهَبَ وَٱلۡفِضَّةَ وَلَا يُنفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٖ

    Open ayah 9:34

    O kayong mga naniwala, katotohanan, karamihan sa mga ahbar [maalam o pantas ng mga Hudyo] at mga monghe [ng mga Kristiyano] ay lumalamon [at lumulustay] sa yaman ng sangkatauhan sa [pamamagitan ng] kabulaanan, at hinahadlangan [ang mga tao] sa Landas ng Allah. At yaong mga nag-iimbak ng ginto at pilak at hindi ginugugol ito sa Landas ng Allah – sa kanila ay magbigay ng balita ng isang mahapding parusa.

  35. يَوۡمَ يُحۡمَىٰ عَلَيۡهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكۡوَىٰ بِهَا جِبَاهُهُمۡ وَجُنُوبُهُمۡ وَظُهُورُهُمۡۖ هَٰذَا مَا كَنَزۡتُمۡ لِأَنفُسِكُمۡ فَذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡنِزُونَ

    Open ayah 9:35

    Sa Araw [na iyon] kapag ito [mga tinipong ginto at pilak] ay paiinitin sa Apoy ng Impiyerno, at pagkaraan ito ay itatatak sa kanilang mga noo, sa kanilang mga tagiliran at sa kanilang mga likod [at ang sasabihin sa kanila]: ito ang anumang inyong tinipong yaman para sa inyong mga sarili. Kaya, inyong lasapin ang anumang lagi ninyong pinag-iipunan.

  36. إِنَّ عِدَّةَ ٱلشُّهُورِ عِندَ ٱللَّهِ ٱثۡنَا عَشَرَ شَهۡرٗا فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ يَوۡمَ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ مِنۡهَآ أَرۡبَعَةٌ حُرُمٞۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُۚ فَلَا تَظۡلِمُواْ فِيهِنَّ أَنفُسَكُمۡۚ وَقَٰتِلُواْ ٱلۡمُشۡرِكِينَ كَآفَّةٗ كَمَا يُقَٰتِلُونَكُمۡ كَآفَّةٗۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 9:36

    Katotohanan, ang bilang ng mga buwan sa [paningin ng] Allah ay labindalawang buwan [ sa loob ng isang taon], sa aklat o talaan ng Allah [mula] sa araw na Kanyang likhain ang mga kalangitan at kalupaan; kabilang sa mga [buwang] ito, ang apat nito ay sagrado. Iyan ang matuwid na relihiyon, kaya’t huwag kayong gumawa ng kamalian sa inyong mga sarili sa panahon ng mga ito at makipaglaban sa mga mushrik nang may pagkakaisa tulad ng pakikipaglaban nila sa inyo nang may pagkakaisa. At dapat ninyong malaman na ang Allah ay nasa panig ng mga natatakot [sa Kanya].

  37. إِنَّمَا ٱلنَّسِيٓءُ زِيَادَةٞ فِي ٱلۡكُفۡرِۖ يُضَلُّ بِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُحِلُّونَهُۥ عَامٗا وَيُحَرِّمُونَهُۥ عَامٗا لِّيُوَاطِـُٔواْ عِدَّةَ مَا حَرَّمَ ٱللَّهُ فَيُحِلُّواْ مَا حَرَّمَ ٱللَّهُۚ زُيِّنَ لَهُمۡ سُوٓءُ أَعۡمَٰلِهِمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 9:37

    Katotohanan, ang pagpapaliban [ng isang sagradong buwan] ay karagdagan sa kawalan ng paniniwala: [sanhi nito] yaong mga di- naniniwala ay [higit pang] napaligaw, sapagka't kanilang pinahintulutan ito sa isang taon at ipinagbawal naman ito sa sumunod na taon upang ito ay itugma sa bilang ng mga buwang ipinagbawal ng Allah, at [sa gayon] kanilang ginawang marapat ang anumang ipinagbawal ng Allah. Ginawang kalugud-lugod para sa kanila ang kasamaan ng kanilang mga gawain. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong di-naniniwala.

  38. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَا لَكُمۡ إِذَا قِيلَ لَكُمُ ٱنفِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱثَّاقَلۡتُمۡ إِلَى ٱلۡأَرۡضِۚ أَرَضِيتُم بِٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مِنَ ٱلۡأٓخِرَةِۚ فَمَا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا قَلِيلٌ

    Open ayah 9:38

    O kayong mga naniwala, ano ba ang nangyayari sa inyo, na kapag kayo ay pinagsabihang humayo sa Landas ng Allah [sa Jihad] kayo ay mahigpit na nangunguyapit sa lupa? Kayo ba ay nasisiyahan sa buhay sa mundong ito nang higit kaysa sa kabilang buhay? Subali’t, ano ang kasiyahan ng buhay sa mundong ito kung ihahambing sa kabilang buhay maliban sa napakaliit [na kasiyahan] lamang.

  39. إِلَّا تَنفِرُواْ يُعَذِّبۡكُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا وَيَسۡتَبۡدِلۡ قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ وَلَا تَضُرُّوهُ شَيۡـٔٗاۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

    Open ayah 9:39

    Kung kayo ay hindi humayo [upang makipaglaban], kayo ay Kanyang parurusahan ng isang mahapding parusa at kayo ay papalitan ng [ibang] mga mamamayan bukod sa inyo; at Siya [ang Allah] ay hindi ninyo maaaring pinsalain sa anupaman sapagka’t ang Allah ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.

  40. إِلَّا تَنصُرُوهُ فَقَدۡ نَصَرَهُ ٱللَّهُ إِذۡ أَخۡرَجَهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ثَانِيَ ٱثۡنَيۡنِ إِذۡ هُمَا فِي ٱلۡغَارِ إِذۡ يَقُولُ لِصَٰحِبِهِۦ لَا تَحۡزَنۡ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَنَاۖ فَأَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَيۡهِ وَأَيَّدَهُۥ بِجُنُودٖ لَّمۡ تَرَوۡهَا وَجَعَلَ كَلِمَةَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلسُّفۡلَىٰۗ وَكَلِمَةُ ٱللَّهِ هِيَ ٱلۡعُلۡيَاۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 

    Open ayah 9:40

    Kung siya [si Muhammad] ay hindi ninyo tutulungan [ito ay walang anupaman] sapagka’t katotohanan, siya ay tinulungan na ng Allah nang siya ay ipinagtabuyang papalabas [sa kanyang bayan] niyaong mga di- naniniwala bilang isa sa dalawa. Nang sila [sina Muhammad at Abu Bakr] ay nasa loob ng yungib, at siya [si Muhammad] ay nagsabi sa kanyang kasamang [si Abu Bakr]: “Huwag kang malungkot, katiyakan, ang Allah ay kasama natin.” At ibinaba ng Allah ang Kanyang katiwasayan sa kanya at siya ay pinatatag sa pamamagitan ng mga kawal [o pangkat ng mga anghel] na hindi ninyo nakikita at ang salita niyaong mga di-naniniwala ay ginawang pinakamababa, samantalang ang Salita ng Allah ay nangibabaw; at ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  41. ٱنفِرُواْ خِفَافٗا وَثِقَالٗا وَجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 9:41

    Humayo kayong magsilakad, maging kayo man ay magaan o mabigat, at magpunyagi kayo sa pamamagitan ng inyong mga yaman at inyong mga sarili sa Landas ng Allah. Iyan ay makabubuti para sa inyo kung inyo lamang nababatid [ang kahalagahan ng pagpupunyagi sa Landas ng Allah].

  42. لَوۡ كَانَ عَرَضٗا قَرِيبٗا وَسَفَرٗا قَاصِدٗا لَّٱتَّبَعُوكَ وَلَٰكِنۢ بَعُدَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلشُّقَّةُۚ وَسَيَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ لَوِ ٱسۡتَطَعۡنَا لَخَرَجۡنَا مَعَكُمۡ يُهۡلِكُونَ أَنفُسَهُمۡ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ

    Open ayah 9:42

    Kung ito lamang ay isang malapit na pagkakakitaan at isang madaling paglalakbay, marahil sila [mga mapagkunwari] ay nagsisunod sa iyo nguni’t naging mahaba para sa kanila ang layo [ng paglalakbay] at [sa inyong pagbabalik] sila ay susumpa sa Allah na “kung magagawa namin, kami ay magsisilabas [at makikipaglabang] kasama ninyo.” Kanilang winawasak ang kanilang mga sarili [sa maling panunumpa], at nababatid ng Allah na sila ay mga sinungaling.

  43. عَفَا ٱللَّهُ عَنكَ لِمَ أَذِنتَ لَهُمۡ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكَ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْ وَتَعۡلَمَ ٱلۡكَٰذِبِينَ

    Open ayah 9:43

    Nawa’y ikaw ay patawarin ng Allah [O Muhammad], bakit mo hinayaang sila ay magpaiwan [at hindi mo dapat gawin ito] hanggang ito ay maging malinaw sa iyo [kung sino ba] yaong mga makatotohanan at mapag-alaman mo ang mga sinungaling?

  44. لَا يَسۡتَـٔۡذِنُكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ أَن يُجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 9:44

    Hindi hihingi sa iyo ng kapahintulutan [upang lumiban o magpaiwan] yaong mga naniniwala sa Allah at sa Huling Araw sa pagpupunyagi [sa Landas ng Allah] sa pamamagitan ng kanilang mga yaman at kanilang mga sarili; at nababatid ng Allah ang mga natatakot sa Kanya.

  45. إِنَّمَا يَسۡتَـٔۡذِنُكَ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَٱرۡتَابَتۡ قُلُوبُهُمۡ فَهُمۡ فِي رَيۡبِهِمۡ يَتَرَدَّدُونَ

    Open ayah 9:45

    Ang humihingi ng pahintulot [upang lumiban mula sa Jihad] sa iyo ay yaon lamang mga di-naniniwala sa Allah at sa Huling Araw at [yaong] ang kanilang mga puso ay may [bahid ng] pag-aalinlangan. Kaya, sila, sa kanilang pag-aalinlangan ay nag-aatubili [o bantulot sa pakikipaglaban].

  46. ۞وَلَوۡ أَرَادُواْ ٱلۡخُرُوجَ لَأَعَدُّواْ لَهُۥ عُدَّةٗ وَلَٰكِن كَرِهَ ٱللَّهُ ٱنۢبِعَاثَهُمۡ فَثَبَّطَهُمۡ وَقِيلَ ٱقۡعُدُواْ مَعَ ٱلۡقَٰعِدِينَ

    Open ayah 9:46

    At marahil kung kanilang hinangad lamang na humayo [upang makipaglaban], katiyakan, sila ay nakapaghanda ng [ilang[ paghahanda para rito, subali’t kinamuhian ng Allah na sila ay ipadala, kaya sila ay Kanyang pinanatiling nasa [iyong] likuran at sa kanila ay sinabi, “[Magpaiwan kayo o] magsiupo kayong kasama ng mga nangakaupo [sa pamamahay].”

  47. لَوۡ خَرَجُواْ فِيكُم مَّا زَادُوكُمۡ إِلَّا خَبَالٗا وَلَأَوۡضَعُواْ خِلَٰلَكُمۡ يَبۡغُونَكُمُ ٱلۡفِتۡنَةَ وَفِيكُمۡ سَمَّٰعُونَ لَهُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 9:47

    Kung sila man ay humayo [upang makipaglaban] na kasama ninyo, [sila ay] hindi makararagdag sa inyo ng anupaman maliban sa kaguluhan, at marahil sila ay masigasig na pumasok sa inyong pagitan, hinahanap sa inyo ang fitnah [kaguluhan]. At kabilang sa inyo ay masugid nilang tagapakinig. At ang Allah ay Maalam sa mga mapaggawa ng kamalian.

  48. لَقَدِ ٱبۡتَغَوُاْ ٱلۡفِتۡنَةَ مِن قَبۡلُ وَقَلَّبُواْ لَكَ ٱلۡأُمُورَ حَتَّىٰ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَظَهَرَ أَمۡرُ ٱللَّهِ وَهُمۡ كَٰرِهُونَ

    Open ayah 9:48

    Katiyakan, sila ay nagtangka na ng fitnah [paghihimagsik] noon pa man, at nagawang guluhin ang pangyayari para sa iyo hanggang dumating ang katotohanan at naging malinaw ang takda [kautusan] ng Allah, habang sila ay tumututol.

  49. وَمِنۡهُم مَّن يَقُولُ ٱئۡذَن لِّي وَلَا تَفۡتِنِّيٓۚ أَلَا فِي ٱلۡفِتۡنَةِ سَقَطُواْۗ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 9:49

    At kabilang sa kanila ay isang nagsasabi: “Pahintulutan mo akong lumiban [at ako ay hayaan mong manatili sa pamamahay] at huwag mo akong ilalagay sa pagsubok.” Walang alinlangan [sanhi nito], sila ay nangahulog sa pagsubok. At katotohanan, palilibutan ng Impiyerno ang mga di-naniniwala.

  50. إِن تُصِبۡكَ حَسَنَةٞ تَسُؤۡهُمۡۖ وَإِن تُصِبۡكَ مُصِيبَةٞ يَقُولُواْ قَدۡ أَخَذۡنَآ أَمۡرَنَا مِن قَبۡلُ وَيَتَوَلَّواْ وَّهُمۡ فَرِحُونَ 

    Open ayah 9:50

    Kung dumating sa iyo [O Muhammad] ang kabutihan, ito ay kanilang ikinalulungkot, nguni’t kung ikaw ay dinatnan ng kapinsalaan, sila ay magsasabing: “Kami ay naging maingat noon pa man,” at sila ay nagsitalikod na nagagalak.

  51. قُل لَّن يُصِيبَنَآ إِلَّا مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَنَا هُوَ مَوۡلَىٰنَاۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 9:51

    Sabihin: “Kailanman ay walang mangyayari sa amin, maliban kung ano ang itinakda ng Allah para sa amin. Siya ang aming Maula [o Tagapagtanggol]” at sa Allah nararapat ipagkaloob ang [buong] pagtitiwala ng mga naniniwala.

  52. قُلۡ هَلۡ تَرَبَّصُونَ بِنَآ إِلَّآ إِحۡدَى ٱلۡحُسۡنَيَيۡنِۖ وَنَحۡنُ نَتَرَبَّصُ بِكُمۡ أَن يُصِيبَكُمُ ٱللَّهُ بِعَذَابٖ مِّنۡ عِندِهِۦٓ أَوۡ بِأَيۡدِينَاۖ فَتَرَبَّصُوٓاْ إِنَّا مَعَكُم مُّتَرَبِّصُونَ

    Open ayah 9:52

    Sabihin: “Kayo ba ay naghihintay para sa amin maliban sa isa sa dalawang pinakamabuting bagay [ang mamatay sa Landas ng Allah o tagumpay sa pakikipaglaban sa inyo] at kami ay naghihintay para sa inyo na kayo ay palasapin ng Allah ng isang parusa mula sa Kanya o sa [pamamagitan ng] aming mga kamay. Kaya, maghintay kayo, [sapagka’t] kami ay kasama ninyong naghihintay.”

  53. قُلۡ أَنفِقُواْ طَوۡعًا أَوۡ كَرۡهٗا لَّن يُتَقَبَّلَ مِنكُمۡ إِنَّكُمۡ كُنتُمۡ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ

    Open ayah 9:53

    Sabihin:“Gumugol man kayo [sa Landas ng Allah] nang kusang-loob o walang kusang-loob, [kailanman ay] hindi ito tatanggapin sa inyo. Katotohanan, kayo ay mga taong suwail.”

  54. وَمَا مَنَعَهُمۡ أَن تُقۡبَلَ مِنۡهُمۡ نَفَقَٰتُهُمۡ إِلَّآ أَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَبِرَسُولِهِۦ وَلَا يَأۡتُونَ ٱلصَّلَوٰةَ إِلَّا وَهُمۡ كُسَالَىٰ وَلَا يُنفِقُونَ إِلَّا وَهُمۡ كَٰرِهُونَ

    Open ayah 9:54

    At walang nakakapigil sa kanilang paggugol upang [ito ay] tanggapin mula sa kanila maliban ang kanilang kawalan ng paniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo at sila ay hindi nagsisitungo sa pagdarasal malibang sila ay mga tamad at sila ay hindi gumugugol [sa kawanggawa] malibang sila ay umaayaw [o napipilitan].

  55. فَلَا تُعۡجِبۡكَ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُمۡۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُعَذِّبَهُم بِهَا فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَتَزۡهَقَ أَنفُسُهُمۡ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 9:55

    Kaya huwag kang manggilalas sa kanilang mga yaman o sa kanilang mga anak. Ang Allah ay naglalayon lamang na sila ay parusahan sa pamamagitan nito sa makamundong buhay [at] na ang kanilang kaluluwa ay lilisan [sa oras ng kamatayan] habang sila’y mga di-naniniwala.

  56. وَيَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ إِنَّهُمۡ لَمِنكُمۡ وَمَا هُم مِّنكُمۡ وَلَٰكِنَّهُمۡ قَوۡمٞ يَفۡرَقُونَ

    Open ayah 9:56

    At sila ay sumusumpa sa Allah na sila ay kabilang sa inyo samantalang sila ay hindi [tunay na] nabibilang sa inyo, subali’t sila ay mga taong naduduwag.

  57. لَوۡ يَجِدُونَ مَلۡجَـًٔا أَوۡ مَغَٰرَٰتٍ أَوۡ مُدَّخَلٗا لَّوَلَّوۡاْ إِلَيۡهِ وَهُمۡ يَجۡمَحُونَ

    Open ayah 9:57

    Marahil, kung sila ay makatatagpo lamang ng pook na kanilang mapagkakanlungan, o mga yungib o isang pook na mapapasukan [upang pagtaguan], sila ay magsisitalikod patungo roon at sila ay maghuhumangos nang walang pakundangan.

  58. وَمِنۡهُم مَّن يَلۡمِزُكَ فِي ٱلصَّدَقَٰتِ فَإِنۡ أُعۡطُواْ مِنۡهَا رَضُواْ وَإِن لَّمۡ يُعۡطَوۡاْ مِنۡهَآ إِذَا هُمۡ يَسۡخَطُونَ

    Open ayah 9:58

    At kabilang sa kanila ay mga ilang bumabatikos sa iyo [O Muhammad] hinggil sa [iyong pamamahagi ng] kawanggawa. Kung sila’y nabahaginan mula sa mga ito, sila ay nasisiyahan, nguni’t kung sila ay hindi nabahaginan mula sa mga ito, pagmasdan! Sila ay nagpupuyos sa galit.

  59. وَلَوۡ أَنَّهُمۡ رَضُواْ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَقَالُواْ حَسۡبُنَا ٱللَّهُ سَيُؤۡتِينَا ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ وَرَسُولُهُۥٓ إِنَّآ إِلَى ٱللَّهِ رَٰغِبُونَ

    Open ayah 9:59

    At marahil kung sila lamang ay nasiyahan sa anumang ibinigay ng Allah at ng Kanyang Sugo sa kanila at nagsabing: “Sapat na para sa amin ang Allah; ang Allah ay magbibigay sa amin mula sa Kanyang biyaya, at [maging] ang Kanyang Sugo; katunayan, kami ay umaasa sa Allah,” [ito ay higit sanang mabuti para sa kanila].

  60. ۞إِنَّمَا ٱلصَّدَقَٰتُ لِلۡفُقَرَآءِ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡعَٰمِلِينَ عَلَيۡهَا وَٱلۡمُؤَلَّفَةِ قُلُوبُهُمۡ وَفِي ٱلرِّقَابِ وَٱلۡغَٰرِمِينَ وَفِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِۖ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ 

    Open ayah 9:60

    Katotohanan, ang kawanggawa ay nakalaan lamang para sa mga dukha at maralita at sa mga kawaning naglilikom [ng kawanggawa] at sa mga taong ang puso ay malalapit [sa Islam]; at sa pagpapalaya ng mga bilanggo [o alipin] at sa mga may pagkakautang; at sa Landas ng Allah [para sa mga Mujahideen na nakikipaglaban] at sa mga naglalakbay [na nagigipit]; isang tungkulin [na iniatang] ng Allah. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  61. وَمِنۡهُمُ ٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ ٱلنَّبِيَّ وَيَقُولُونَ هُوَ أُذُنٞۚ قُلۡ أُذُنُ خَيۡرٖ لَّكُمۡ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَيُؤۡمِنُ لِلۡمُؤۡمِنِينَ وَرَحۡمَةٞ لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡۚ وَٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ رَسُولَ ٱللَّهِ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 9:61

    At kabilang sa kanila ay yaong mga nagbibigay-pasakit sa Propeta at nagsasabi: “Siya ay tainga [naniniwala sa bawa’t bagay na kanyang naririnig].” Sabihin: “Siya ay tainga ng kabutihan para sa inyo na naniniwala sa Allah; at naniniwala sa mga [tunay na] naniniwala. At siya ay [isang] habag para sa mga naniniwala na kabilang sa inyo.” At yaong mga nagbibigay-pasakit sa Sugo ng Allah, para sa kanila ay isang mahapding parusa.

  62. يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ لَكُمۡ لِيُرۡضُوكُمۡ وَٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ أَحَقُّ أَن يُرۡضُوهُ إِن كَانُواْ مُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 9:62

    Sila ay sumusumpa [sa Ngalan ng] Allah sa inyo [mga Muslim] upang kayo ay masiyahan, subali’t ang Allah at ang Kanyang Sugo [Muhammad] ang higit na karapat-dapat bigyang kasiyahan kung tunay na sila ay mga naniniwala.

  63. أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّهُۥ مَن يُحَادِدِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَأَنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدٗا فِيهَاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡخِزۡيُ ٱلۡعَظِيمُ

    Open ayah 9:63

    Hindi ba nila nalalaman na sinuman ang sumalungat sa Allah at sa Kanyang Sugo, katiyakan, [nakalaan] para sa kanya ang Apoy ng Impiyerno upang mamalagi roon nang walang hanggan? Iyan ang malaking kahihiyan.

  64. يَحۡذَرُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ أَن تُنَزَّلَ عَلَيۡهِمۡ سُورَةٞ تُنَبِّئُهُم بِمَا فِي قُلُوبِهِمۡۚ قُلِ ٱسۡتَهۡزِءُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ مُخۡرِجٞ مَّا تَحۡذَرُونَ

    Open ayah 9:64

    Ang mga mapagkunwari ay nababagabag na ang isang surah [kabanata ng Qur’an] ay ipahayag tungkol sa kanila, [upang] ipabatid sa kanila ang anumang nasa kanilang mga puso. Sabihin: “Mangutya kayo [hanggang inyong nais]! Katotohanan, isisiwalat ng Allah ang anumang inyong kinababagabag.”

  65. وَلَئِن سَأَلۡتَهُمۡ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلۡعَبُۚ قُلۡ أَبِٱللَّهِ وَءَايَٰتِهِۦ وَرَسُولِهِۦ كُنتُمۡ تَسۡتَهۡزِءُونَ

    Open ayah 9:65

    At kung sila ay iyong tatanungin [tungkol dito] katiyakang kanilang sasabihin: “Kami ay naghuhuntahan lamang at naglalaro [nagbibiruan].” Sabihin: “Ang Allah ba at ang Kanyang ayaat [kapahayagan] at ang Kanyang Sugo ang inyong kinukutya?”

  66. لَا تَعۡتَذِرُواْ قَدۡ كَفَرۡتُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡۚ إِن نَّعۡفُ عَن طَآئِفَةٖ مِّنكُمۡ نُعَذِّبۡ طَآئِفَةَۢ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ مُجۡرِمِينَ

    Open ayah 9:66

    Huwag na kayong magdahilan [mangatwiran], katotohanan na kayo ay naging di-naniniwala pagkaraang kayo ay naniwala. Kung Aming patatawarin ang ibang pangkat sa inyo, Aming parurusahan ang ibang pangkat sapagka’t sila ay naging mga mapaggawa ng kabuktutan.

  67. ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتُ بَعۡضُهُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡمُنكَرِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَقۡبِضُونَ أَيۡدِيَهُمۡۚ نَسُواْ ٱللَّهَ فَنَسِيَهُمۡۚ إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ

    Open ayah 9:67

    Ang mga lalaking mapagkunwari at mga babaing mapagkunwari ay nagkakaisa sa bawa’t isa; sila ay nag-uutos ng kasamaan at nagbabawal ng kabutihan. At itinitikom ang kanilang mga kamay [para sa kawanggawa]. Sila ay nakalimot sa Allah kaya sila ay Kanyang kinalimutan. Katotohanan, ang mga mapagkunwari – sila ang mga suwail.

  68. وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتِ وَٱلۡكُفَّارَ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ هِيَ حَسۡبُهُمۡۚ وَلَعَنَهُمُ ٱللَّهُۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ مُّقِيمٞ

    Open ayah 9:68

    Ang Allah ay nangako sa mga lalaking mapagkunwari at mga babaing mapagkunwari, at sa mga di-naniniwala, ng Apoy ng Impiyerno. Doon, sila ay mamamalagi nang walang hanggan. Ito ay sapat na para sa kanila. Sila ay isinumpa ng Allah, at sa kanila ay walang katapusang parusa.

  69. كَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ كَانُوٓاْ أَشَدَّ مِنكُمۡ قُوَّةٗ وَأَكۡثَرَ أَمۡوَٰلٗا وَأَوۡلَٰدٗا فَٱسۡتَمۡتَعُواْ بِخَلَٰقِهِمۡ فَٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِخَلَٰقِكُمۡ كَمَا ٱسۡتَمۡتَعَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُم بِخَلَٰقِهِمۡ وَخُضۡتُمۡ كَٱلَّذِي خَاضُوٓاْۚ أُوْلَٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

    Open ayah 9:69

    [Kayong mga di-naniniwala ay] katulad niyaong mga nauna sa inyo, sila ay higit na malalakas kaysa sa inyo sa kapangyarihan, at higit na masagana sa yaman at mga anak. Sila ay nagtamasa ng kanilang bahagi [sa makamundong kasiyahan], at kayo rin ay nagtamasa ng inyong bahagi [ng makamundong kasiyahan] tulad niyaong mga nauna sa inyo na nagtamasa ng kanilang bahagi [ng makamundong kasiyahan] at kayo ay nahumaling [sa karangyaan] tulad ng kanilang pagkahumaling. Sila yaong ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan sa mundong ito at sa kabilang buhay, at sila yaong mga nawalan [o mga talunan].

  70. أَلَمۡ يَأۡتِهِمۡ نَبَأُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ قَوۡمِ نُوحٖ وَعَادٖ وَثَمُودَ وَقَوۡمِ إِبۡرَٰهِيمَ وَأَصۡحَٰبِ مَدۡيَنَ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتِۚ أَتَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِۖ فَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظۡلِمَهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ 

    Open ayah 9:70

    Hindi ba nakarating sa kanila ang kasaysayan ng mga nauna sa kanila? Ang mga mamamayan ni Noah, Aad at [mga Tribu ng] Thamud, ang mga mamamayan ni Abraham, ang mga naninirahan ng Madyan [Midian] at ang mga bayang itinaob; dumating sa kanila ang kanilang mga sugo na may dalang mga malilinaw na katibayan. Kaya kailanman hindi ang Allah ang gumawa ng kamalian sa kanila, subali’t sila – sa kanilang mga sarili ay lagi nang gumagawa ng kamalian.

  71. وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۚ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَيُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَيُطِيعُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ سَيَرۡحَمُهُمُ ٱللَّهُۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 9:71

    Ang mga lalaking naniniwala at mga babaing naniniwala ay awliya' [tagapangalaga o kaibigan] sa isa't isa, sila ay nag-uutos ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan at sila ay nagsasagawa ng pagdarasal, at nagbibigay ng Zakaah at sumusunod sa Allah at sa Kanyang Sugo. Sila yaong mga kinahahabagan ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  72. وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا وَمَسَٰكِنَ طَيِّبَةٗ فِي جَنَّٰتِ عَدۡنٖۚ وَرِضۡوَٰنٞ مِّنَ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

    Open ayah 9:72

    Ang Allah ay nangako sa mga lalaking naniniwala at sa mga babaing naniniwala - ng mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, doon sila ay mamamalagi nang walang hanggan, at ng kasiya-siyang mga tahanan sa mga hardin ng walang hanggang pamamalagi. Subali’t ang magandang lugod ng Allah ang siyang pinakamalaking [gantimpala]. Iyan ang dakilang tagumpay.

  73. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ جَٰهِدِ ٱلۡكُفَّارَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱغۡلُظۡ عَلَيۡهِمۡۚ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 9:73

    O Propeta, ikaw ay magpunyagi [o makipaglaban] sa mga di- naniniwala at mga mapagkunwari, at maging mabagsik sa kanila. At ang kanilang kanlungan ay ang Impiyerno, at napakasama na patutunguhan.

  74. يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ مَا قَالُواْ وَلَقَدۡ قَالُواْ كَلِمَةَ ٱلۡكُفۡرِ وَكَفَرُواْ بَعۡدَ إِسۡلَٰمِهِمۡ وَهَمُّواْ بِمَا لَمۡ يَنَالُواْۚ وَمَا نَقَمُوٓاْ إِلَّآ أَنۡ أَغۡنَىٰهُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ مِن فَضۡلِهِۦۚ فَإِن يَتُوبُواْ يَكُ خَيۡرٗا لَّهُمۡۖ وَإِن يَتَوَلَّوۡاْ يُعَذِّبۡهُمُ ٱللَّهُ عَذَابًا أَلِيمٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَمَا لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ

    Open ayah 9:74

    Sila ay sumusumpa sa Allah na sila ay walang sinabi [na anumang laban sa Propeta] samantalang sila ay nagsabi ng salita ng kawalan ng paniniwala, at sila ay di-naniwala pagkaraan ng kanilang [pakunwaring] pagyakap sa Islam, at sila ay nagbalak ng anumang hindi nila nagawang gampanan at sila ay walang matagpuang anupamang dahilan para gawin ito maliban na sila ay pinagyaman ng Allah at ng Kanyang Sugo mula sa Kanyang mga biyaya. Kung, pagkaraan nito, sila ay magsipagsisi, ito ay makabubuti para sa kanila, nguni’t kung sila ay magsitalikod, sila ay parurusahan ng Allah ng isang mahapding parusa sa buhay sa mundong ito at sa kabilang buhay. At sila ay walang [matatagpuan] sa mundo ng sinumang wali [tagapangalaga] o ng isang makatutulong.

  75. ۞وَمِنۡهُم مَّنۡ عَٰهَدَ ٱللَّهَ لَئِنۡ ءَاتَىٰنَا مِن فَضۡلِهِۦ لَنَصَّدَّقَنَّ وَلَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

    Open ayah 9:75

    At kabilang sa kanila ay ang ilang gumawa ng kasunduan sa Allah [na nagsasabing]: Kung kami ay Kanyang pagkakalooban ng Kanyang biyaya, katiyakan na kami ay magbibigay ng kawanggawa at katiyakan na kami ay mapabibilang sa mga matutuwid.

  76. فَلَمَّآ ءَاتَىٰهُم مِّن فَضۡلِهِۦ بَخِلُواْ بِهِۦ وَتَوَلَّواْ وَّهُم مُّعۡرِضُونَ

    Open ayah 9:76

    Kaya, nang sila ay Kanyang pinagkalooban ng Kanyang biyaya, sila ay naging maramot sa mga [biyayang] ito, at nagsilayo nang may pagtutol.

  77. فَأَعۡقَبَهُمۡ نِفَاقٗا فِي قُلُوبِهِمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ يَلۡقَوۡنَهُۥ بِمَآ أَخۡلَفُواْ ٱللَّهَ مَا وَعَدُوهُ وَبِمَا كَانُواْ يَكۡذِبُونَ

    Open ayah 9:77

    Kaya, sila ay Kanyang pinarusahan ng pagkukunwari sa kanilang mga puso hanggang sa Araw ng kanilang pakikipagtipan sa Kanya sapagka’t binigo [sinuway] nila ang Allah sa anupamang kanilang ipinangako sa Kanya at sa anumang kanilang nakagawiang pagsisinungaling.

  78. أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ

    Open ayah 9:78

    Hindi ba nila nalalaman na ang Allah ay nakababatid ng kanilang mga lihim at [ng] kanilang mga sarilinang usapan at ang Allah ay Maalam ng Ghaib [mga di-nakikitang pangyayari o bagay]?

  79. ٱلَّذِينَ يَلۡمِزُونَ ٱلۡمُطَّوِّعِينَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ فِي ٱلصَّدَقَٰتِ وَٱلَّذِينَ لَا يَجِدُونَ إِلَّا جُهۡدَهُمۡ فَيَسۡخَرُونَ مِنۡهُمۡ سَخِرَ ٱللَّهُ مِنۡهُمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ

    Open ayah 9:79

    Yaong mga bumabatikos sa mga naniniwala hinggil sa [kanilang] kusang-loob na pagbibigay ng kawanggawa at [binabatikos] yaong mga [naniniwalang] walang matagpuan [upang gumugol] maliban sa kanilang kakayahan - kaya sila ay kanilang kinukutya; [subali’t] ang Allah ay mangungutya sa kanila [sa mga di-naniniwala], at sa kanila ay isang mahapding parusa.

  80. ٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ أَوۡ لَا تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ إِن تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ سَبۡعِينَ مَرَّةٗ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ 

    Open ayah 9:80

    Hingin mo man [O Muhammad] ang kapatawaran para sa kanila o hindi hingin ang kapatawaran para sa kanila; [o] kahit ikaw man ay humingi ng pitumpong ulit na kapatawaran para sa kanila, sila ay hindi kailanman patatawarin ng Allah sapagka’t sila ay hindi naniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong suwail.

  81. فَرِحَ ٱلۡمُخَلَّفُونَ بِمَقۡعَدِهِمۡ خِلَٰفَ رَسُولِ ٱللَّهِ وَكَرِهُوٓاْ أَن يُجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَقَالُواْ لَا تَنفِرُواْ فِي ٱلۡحَرِّۗ قُلۡ نَارُ جَهَنَّمَ أَشَدُّ حَرّٗاۚ لَّوۡ كَانُواْ يَفۡقَهُونَ

    Open ayah 9:81

    Yaong mga nagpaiwan ay nagalak sa kanilang pananatili [sa pamamahay] pagkaraan [ng paglisan] ng Sugo ng Allah; at kanilang kinamuhian ang pagpupunyagi [sa Landas ng Allah] sa pamamagitan ng kanilang mga yaman at kanilang mga sarili at sila ay nagsabi: “Huwag kayong humayong magsilakad sa [gitna ng] kainitan.” Sabihin: “Ang Apoy ng Impiyerno ay higit na mainit,” kung ito ay kanilang nauunawaan lamang.

  82. فَلۡيَضۡحَكُواْ قَلِيلٗا وَلۡيَبۡكُواْ كَثِيرٗا جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

    Open ayah 9:82

    Kaya hayaan silang bahagyang humalakhak sapagka’t [hindi magtatagal sila ay] mananangis nang labis-labis bilang kabayaran sa anumang lagi nilang pinagsumikapan.

  83. فَإِن رَّجَعَكَ ٱللَّهُ إِلَىٰ طَآئِفَةٖ مِّنۡهُمۡ فَٱسۡتَـٔۡذَنُوكَ لِلۡخُرُوجِ فَقُل لَّن تَخۡرُجُواْ مَعِيَ أَبَدٗا وَلَن تُقَٰتِلُواْ مَعِيَ عَدُوًّاۖ إِنَّكُمۡ رَضِيتُم بِٱلۡقُعُودِ أَوَّلَ مَرَّةٖ فَٱقۡعُدُواْ مَعَ ٱلۡخَٰلِفِينَ

    Open ayah 9:83

    At kung sakaling man ikaw ay ibabalik ng Allah sa isang pangkat nila [pagkaraan ng labanan], at pagkatapos sila ay hihingi ng pahintulot para lumabas [upang makipaglaban]. Sabihin: “Kailanman, kayo ay hindi lalabas na kasama ako at kailanman kayo ay hindi makikipaglaban sa isang kaaway na kasama ako; katotohanan, kayo ay nasiyahang nangakaupo [sa inyong mga pamamahay] sa kauna-unahang pagkakataon, kaya kayo ay magsiupo [ngayon] na kasama ng mga nagpaiwan.”

  84. وَلَا تُصَلِّ عَلَىٰٓ أَحَدٖ مِّنۡهُم مَّاتَ أَبَدٗا وَلَا تَقُمۡ عَلَىٰ قَبۡرِهِۦٓۖ إِنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَمَاتُواْ وَهُمۡ فَٰسِقُونَ

    Open ayah 9:84

    At huwag mong ipagdasal [ng salatul-Janazah, O Muhammad] ang sinumang namatay sa kanila kailanman - at huwag kang tumayo sa libingan nito. Katotohanan, sila ay hindi naniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, at [sila ay] nangamatay habang sila ay mga suwail.

  85. وَلَا تُعۡجِبۡكَ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَأَوۡلَٰدُهُمۡۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُعَذِّبَهُم بِهَا فِي ٱلدُّنۡيَا وَتَزۡهَقَ أَنفُسُهُمۡ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 9:85

    At huwag mong hayaan ang kanilang mga yaman, at gayundin ang kanilang mga anak ay makapagigilalas sa iyong [isipan]. Ang Allah ay naghahangad lamang na sila ay parusahan sa pamamagitan ng mga ito [ng kanilang mga yaman at anak] sa mundong ito, at upang ang kanilang mga kaluluwa ay lumisan habang sila ay mga di-naniniwala.

  86. وَإِذَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٌ أَنۡ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَجَٰهِدُواْ مَعَ رَسُولِهِ ٱسۡتَـٔۡذَنَكَ أُوْلُواْ ٱلطَّوۡلِ مِنۡهُمۡ وَقَالُواْ ذَرۡنَا نَكُن مَّعَ ٱلۡقَٰعِدِينَ

    Open ayah 9:86

    At kapag ang isang kabanata [ng Qur’an] ay ipinahayag [na nag-uutos sa kanila na] maniwala sa Allah at magpunyagi [o makipaglaban sa Kanyang Landas] kasama ng Kanyang Sugo, yaong mga nakaririwasang kabilang sa kanila ay nakikiusap sa iyo [O Muhammad] na sila ay pahintulutang lumiban [sa Jihad] at magsasabing, “Hayaan mo kaming maiwang kasama ng mga nananatili [sa pamamahay].”

  87. رَضُواْ بِأَن يَكُونُواْ مَعَ ٱلۡخَوَالِفِ وَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَفۡقَهُونَ

    Open ayah 9:87

    Sila ay nasisiyahan na kasama niyaong mga nagsisiupo [sa kanilang mga pamamahay]. Ang kanilang mga puso ay natatakpan, kaya sila ay hindi nakauunawa [sa kahalagahan nito].

  88. لَٰكِنِ ٱلرَّسُولُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ جَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلۡخَيۡرَٰتُۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 9:88

    Subali’t ang Sugo at yaong kanyang mga kasamang naniwala [sa Allah] ay nagpunyagi [o nakipaglaban] sa Landas ng Allah sa pamamagitan ng kanilang yaman at ng kanilang mga sarili. At sila yaong mga magtatamo [ng lahat] ng kabutihan at sila yaong mga magtatagumpay.

  89. أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

    Open ayah 9:89

    Ang Allah ay naghanda para sa kanila ng mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos upang mamalagi roon nang walang hanggan. Iyan ang dakilang tagumpay.

  90. وَجَآءَ ٱلۡمُعَذِّرُونَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ لِيُؤۡذَنَ لَهُمۡ وَقَعَدَ ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۚ سَيُصِيبُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ 

    Open ayah 9:90

    At nagsilapit [sa iyo O Muhammad] yaong mga nagsigawa ng mga dahilan mula sa mga bedouin upang humingi ng pahintulot na lumiban at manatili [sa pamamahay] at [gayundin] yaong mga nagsinungaling sa Allah at sa Kanyang Sugo na nagsiupo [sa pamamahay]. Yaong mga di- naniwalang kabilang sa kanila ay daratnan ng isang mahapding parusa.

  91. لَّيۡسَ عَلَى ٱلضُّعَفَآءِ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرۡضَىٰ وَلَا عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يَجِدُونَ مَا يُنفِقُونَ حَرَجٌ إِذَا نَصَحُواْ لِلَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡسِنِينَ مِن سَبِيلٖۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 9:91

    Walang nakaatang [na pagkakasala] sa mga mahihina o may karamdaman o walang kakayahang gumugol [sa Landas ng Allah], kung sila ay matapat at makatotohanan [sa kanilang tungkulin] sa Allah at sa Kanyang Sugo. Walang nakaatang [na pagkakasala] sa mga taong mapaggawa ng kabutihan. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  92. وَلَا عَلَى ٱلَّذِينَ إِذَا مَآ أَتَوۡكَ لِتَحۡمِلَهُمۡ قُلۡتَ لَآ أَجِدُ مَآ أَحۡمِلُكُمۡ عَلَيۡهِ تَوَلَّواْ وَّأَعۡيُنُهُمۡ تَفِيضُ مِنَ ٱلدَّمۡعِ حَزَنًا أَلَّا يَجِدُواْ مَا يُنفِقُونَ

    Open ayah 9:92

    At walang nakaatang [na pagkakasala] sa mga nagsilapit sa iyo upang sila ay bigyan ng masasakyan, nang ikaw ay nagsabi: “Wala akong matagpuang sasakyan [na maaaring ibigay] para sa inyo,” sila ay nagsitalikod, habang ang kanilang mga mata ay tigib ng luha sa kalungkutan na sila ay walang matagpuang anupamang panggugol [sa Landas ng Allah].

  93. ۞إِنَّمَا ٱلسَّبِيلُ عَلَى ٱلَّذِينَ يَسۡتَـٔۡذِنُونَكَ وَهُمۡ أَغۡنِيَآءُۚ رَضُواْ بِأَن يَكُونُواْ مَعَ ٱلۡخَوَالِفِ وَطَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 9:93

    Ang sanhi [ng pagkakasala] ay laban lamang sa mga nakaririwasa na sa kabila nito ay nakikiusap sa iyo na lumiban [sa pakikipaglaban]. Sila ay nasisiyahang kasama ng mga nananatili [sa kanilang mga pamamahay] at [sanhi nito] sinarhan ng Allah ang kanilang mga puso [mula sa patnubay] kaya hindi nila nababatid [ang anumang nawawala sa kanila].

  94. يَعۡتَذِرُونَ إِلَيۡكُمۡ إِذَا رَجَعۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡۚ قُل لَّا تَعۡتَذِرُواْ لَن نُّؤۡمِنَ لَكُمۡ قَدۡ نَبَّأَنَا ٱللَّهُ مِنۡ أَخۡبَارِكُمۡۚ وَسَيَرَى ٱللَّهُ عَمَلَكُمۡ وَرَسُولُهُۥ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 9:94

    Sila ay magdadahilan sa inyo [O mga Muslim] kapag kayo ay nagsibalik na sa kanila [mula sa labanan]. Sabihin mo [O Muhammad]: “Huwag na kayong magdahilan, kailanman kami ay hindi maniniwala sa inyo. Ipinagbigay-alam na ng Allah ang balita [pangyayari] tungkol sa inyo. At mamatyagan ng Allah ang inyong mga gawa at [gayundin] ng Kanyang Sugo. Pagkaraan, kayo ay muling ibabalik sa [Allah na] Maalam ng di- nakikita at ng nakikita [o nasasaksihan], at Kanyang ipagbibigay-alam sa inyo ang anumang lagi ninyong ginagawa.”

  95. سَيَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ لَكُمۡ إِذَا ٱنقَلَبۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡ لِتُعۡرِضُواْ عَنۡهُمۡۖ فَأَعۡرِضُواْ عَنۡهُمۡۖ إِنَّهُمۡ رِجۡسٞۖ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

    Open ayah 9:95

    Sila ay susumpa sa inyo [sa Ngalan ng] Allah kapag kayo ay magsisibalik sa kanila upang sila ay inyong iiwanang mag-isa. Kaya, iwanan silang mag-isa. Katotohanan, sila ay marurumi [sanhi ng kanilang mga kasalanan], at ang Impiyerno ang kanilang kanlungan, bilang kabayaran sa anumang kanilang pinagsumikapan.

  96. يَحۡلِفُونَ لَكُمۡ لِتَرۡضَوۡاْ عَنۡهُمۡۖ فَإِن تَرۡضَوۡاْ عَنۡهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يَرۡضَىٰ عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡفَٰسِقِينَ

    Open ayah 9:96

    Sila [mga mapagkunwari] ay sumusumpa sa inyo [sa mga Muslim] upang sakali kayo ay masiyahan sa kanila, nguni’t kung kayo ay nasisiyahan sa kanila, katiyakan ang Allah ay hindi nasisiyahan sa mga taong suwail.

  97. ٱلۡأَعۡرَابُ أَشَدُّ كُفۡرٗا وَنِفَاقٗا وَأَجۡدَرُ أَلَّا يَعۡلَمُواْ حُدُودَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 9:97

    Ang mga bedouin ay higit na matitindi sa kawalan ng paniniwala at pagkukunwari, at higit na walang kaalaman [hinggil] sa mga hangganan [mga batas at kautusan] na ipinahayag ng Allah sa Kanyang Sugo. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  98. وَمِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مَن يَتَّخِذُ مَا يُنفِقُ مَغۡرَمٗا وَيَتَرَبَّصُ بِكُمُ ٱلدَّوَآئِرَۚ عَلَيۡهِمۡ دَآئِرَةُ ٱلسَّوۡءِۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 9:98

    At kabilang sa mga bedouin ay may iba na nag-aakala na ang anumang kanilang ginugol [sa Landas ng Allah] ay isang kawalan at sila ay naghihintay sa inyo para sa pagdating ng kasawian. [Subali’t] sa kanila ay kasawian ng kasamaan. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  99. وَمِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مَن يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَيَتَّخِذُ مَا يُنفِقُ قُرُبَٰتٍ عِندَ ٱللَّهِ وَصَلَوَٰتِ ٱلرَّسُولِۚ أَلَآ إِنَّهَا قُرۡبَةٞ لَّهُمۡۚ سَيُدۡخِلُهُمُ ٱللَّهُ فِي رَحۡمَتِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 9:99

    At kabilang sa mga bedouin ay may naniniwala sa Allah at sa Huling Araw, at nagtuturing sa anumang kanilang ginugol sa Landas ng Allah bilang paraan upang mapalapit sa Allah, at isang dahilan ng pagtanggap sa mga panalangin ng Sugo. Katiyakan [ang paggugol sa Landas ng Allah] na ito ay paraan ng pagiging malapit [sa Kanya] para sa kanila. Sila ay papapasukin ng Allah sa Kanyang habag. Katiyakan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  100. وَٱلسَّٰبِقُونَ ٱلۡأَوَّلُونَ مِنَ ٱلۡمُهَٰجِرِينَ وَٱلۡأَنصَارِ وَٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُم بِإِحۡسَٰنٖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُ وَأَعَدَّ لَهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي تَحۡتَهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ 

    Open ayah 9:100

    At ang mga nanguna [sa pagyakap sa Islam] ay nagmula sa mga nagsilikas [muhajireen] at ansar [mga taga-Madinah na nagsilbing kanlungan] at yaong mga sumunod sa kanila sa [mga gawaing] mabuti. Ang Allah ay nasisiyahan sa kanila at sila ay nasisiyahan sa Kanya. Siya ay naghanda para sa kanila ng mga hardin - na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos [sa Paraiso], upang sila ay mamalagi roon nang walang hanggan. Iyan ang dakilang tagumpay.

  101. وَمِمَّنۡ حَوۡلَكُم مِّنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مُنَٰفِقُونَۖ وَمِنۡ أَهۡلِ ٱلۡمَدِينَةِ مَرَدُواْ عَلَى ٱلنِّفَاقِ لَا تَعۡلَمُهُمۡۖ نَحۡنُ نَعۡلَمُهُمۡۚ سَنُعَذِّبُهُم مَّرَّتَيۡنِ ثُمَّ يُرَدُّونَ إِلَىٰ عَذَابٍ عَظِيمٖ 

    Open ayah 9:101

    At kabilang sa mga bedouin na nakapaligid sa inyo ay mga mapagkunwari, at [gayundin] mula sa mamamayan ng [lungsod ng] Madinah - sila ay nagmalaki [sa pamamagitan ng] pagkukunwari; Ikaw [O Muhammad] ay hindi nakababatid sa kanila, [nguni’t] sila ay Aming nababatid. Sila ay Aming parurusahan nang dalawang ulit [sa mundo], at pagkaraan, sila ay ibabalik sa isang napakalaking parusa.

  102. وَءَاخَرُونَ ٱعۡتَرَفُواْ بِذُنُوبِهِمۡ خَلَطُواْ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَءَاخَرَ سَيِّئًا عَسَى ٱللَّهُ أَن يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ 

    Open ayah 9:102

    At [may] iba na umamin ng kanilang mga pagkakasala, kanilang pinaghahalo ang mga gawaing matwid sa ibang mga gawaing makasalanan. Maaaring ang Allah ay magbibigay sa kanila ng [Kanyang] kapatawaran. Katiyakan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  103. خُذۡ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡ صَدَقَةٗ تُطَهِّرُهُمۡ وَتُزَكِّيهِم بِهَا وَصَلِّ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّ صَلَوٰتَكَ سَكَنٞ لَّهُمۡۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 

    Open ayah 9:103

    Kumuha [O Muhammad] mula sa kanilang yaman [para] sa kawanggawa upang sila ay iyong gawing malinis at sila ay pagpalain nito, at sila ay iyong ipanalangin sa Allah. Katotohanan, ang iyong mga panalangin ay kapanatagan para sa kanila at ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  104. أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ هُوَ يَقۡبَلُ ٱلتَّوۡبَةَ عَنۡ عِبَادِهِۦ وَيَأۡخُذُ ٱلصَّدَقَٰتِ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ 

    Open ayah 9:104

    Hindi ba nila nalalaman na ang Allah ang Siyang tumatanggap ng pagsisisi mula sa Kanyang mga alipin at tumatanggap ng kawanggawa; na ang Allah ang Siyang tanging nagpapatawad [at tumatanggap ng pagsisisi], Maawain?

  105. وَقُلِ ٱعۡمَلُواْ فَسَيَرَى ٱللَّهُ عَمَلَكُمۡ وَرَسُولُهُۥ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَۖ وَسَتُرَدُّونَ إِلَىٰ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ 

    Open ayah 9:105

    At sabihin mo: “Magsigawa kayo [kung inyong nais] sapagka’t tinitingnan ng Allah ang inyong mga gawa at [maging] ang Kanyang Sugo at ang mga naniniwala. At kayo ay ibabalik sa [Allah na] Maalam ng di- nakikita at ng nakikita [nasasaksihan]. Pagkaraan, Kanyang ipagbibigay- alam sa inyo ang anumang lagi ninyong ginagawa.”

  106. وَءَاخَرُونَ مُرۡجَوۡنَ لِأَمۡرِ ٱللَّهِ إِمَّا يُعَذِّبُهُمۡ وَإِمَّا يَتُوبُ عَلَيۡهِمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ 

    Open ayah 9:106

    At [may] mga iba na ginawang maghintay sa kautusan ng Allah, kung sila ba ay Kanyang parurusahan o sila ba ay Kanyang patatawarin. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  107. وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مَسۡجِدٗا ضِرَارٗا وَكُفۡرٗا وَتَفۡرِيقَۢا بَيۡنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَإِرۡصَادٗا لِّمَنۡ حَارَبَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ مِن قَبۡلُۚ وَلَيَحۡلِفُنَّ إِنۡ أَرَدۡنَآ إِلَّا ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ 

    Open ayah 9:107

    At yaong [mga mapagkunwaring] nagtayo ng masjid upang makapagdulot ng pinsala [hidwaan] at kawalan ng paniniwala at upang pagwatak-watakin ang mga naniniwala at [upang ito ay kanilang gawin] bilang isang himpilan para sa mga naghimagsik laban sa Allah at sa Kanyang Sugo noong una pa. Sila ay sumusumpa na wala silang hangarin maliban sa kabutihan. Ang Allah ay sumasaksi na sila ay mga sinungaling.

  108. لَا تَقُمۡ فِيهِ أَبَدٗاۚ لَّمَسۡجِدٌ أُسِّسَ عَلَى ٱلتَّقۡوَىٰ مِنۡ أَوَّلِ يَوۡمٍ أَحَقُّ أَن تَقُومَ فِيهِۚ فِيهِ رِجَالٞ يُحِبُّونَ أَن يَتَطَهَّرُواْۚ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُطَّهِّرِينَ 

    Open ayah 9:108

    Huwag kang tumayo roon kailanman [para sa iyong pagdarasal]. Katotohanan, ang masjid na itinayo sa [diwa ng] taqwa mula sa unang araw ay higit na karapat-dapat tayuan [sa pagdarasal]. Sa loob nito ay naroroon ang mga kalalakihang kinalulugdan ang pagpapadalisay ng kanilang mga sarili. At ang Allah ay nagmamahal sa mga dinadalisay ang kanilang mga sarili.

  109. أَفَمَنۡ أَسَّسَ بُنۡيَٰنَهُۥ عَلَىٰ تَقۡوَىٰ مِنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٍ خَيۡرٌ أَم مَّنۡ أَسَّسَ بُنۡيَٰنَهُۥ عَلَىٰ شَفَا جُرُفٍ هَارٖ فَٱنۡهَارَ بِهِۦ فِي نَارِ جَهَنَّمَۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ 

    Open ayah 9:109

    Ang isa bang nagtatag ng haligi ng kanyang gusali batay sa taqwa [pagiging matwid at takot] sa Allah at [batay sa] Kanyang Magandang Lugod ay higit na mabuti o ang isang nagtatag ng haligi ng kanyang gusali sa gilid ng isang [matarik na] bangin na nasa bingit na ng pagguho ? Kaya ito ay kasama niyang gumuho sa Apoy ng Impiyerno. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong mapaggawa ng mga kamalian.

  110. لَا يَزَالُ بُنۡيَٰنُهُمُ ٱلَّذِي بَنَوۡاْ رِيبَةٗ فِي قُلُوبِهِمۡ إِلَّآ أَن تَقَطَّعَ قُلُوبُهُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 

    Open ayah 9:110

    Ang gusali na kanilang itinayo ay hindi maglalaho upang maging isang [sanhi ng] pag-aalinlangan sa kanilang mga puso maliban ang kanilang puso ay pugtuin [hanggang sila ay mamatay]. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  111. ۞إِنَّ ٱللَّهَ ٱشۡتَرَىٰ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَنفُسَهُمۡ وَأَمۡوَٰلَهُم بِأَنَّ لَهُمُ ٱلۡجَنَّةَۚ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَيَقۡتُلُونَ وَيُقۡتَلُونَۖ وَعۡدًا عَلَيۡهِ حَقّٗا فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَٱلۡإِنجِيلِ وَٱلۡقُرۡءَانِۚ وَمَنۡ أَوۡفَىٰ بِعَهۡدِهِۦ مِنَ ٱللَّهِۚ فَٱسۡتَبۡشِرُواْ بِبَيۡعِكُمُ ٱلَّذِي بَايَعۡتُم بِهِۦۚ وَذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

    Open ayah 9:111

    Katotohanan, binili ng Allah sa mga naniniwala ang kanilang mga sarili at kanilang mga yaman kapalit [ng halaga] na kanilang tatanggapin para sa Paraiso. Sila ay nakikipaglaban sa Landas ng Allah, kaya sila ay pumapatay at sila ay napapatay. Ito ay isang tunay na pangakong nakaatang sa Kanya sa Torah [ni Moises] at sa Ebanghelyo [ni Hesus] at sa Qur’an. At sino ba ang tapat sa pangako [kasunduan] na nakahihigit kaysa sa Allah? Kaya, magsipagdiwang sa inyong bilihan na inyong binili [o napagkasunduan]. At iyan ang dakilang tagumpay.

  112. ٱلتَّٰٓئِبُونَ ٱلۡعَٰبِدُونَ ٱلۡحَٰمِدُونَ ٱلسَّٰٓئِحُونَ ٱلرَّٰكِعُونَ ٱلسَّٰجِدُونَ ٱلۡأٓمِرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱلنَّاهُونَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡحَٰفِظُونَ لِحُدُودِ ٱللَّهِۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 9:112

    [Ang mga naniniwala] ay ang mga nagsisisi, mga sumasamba, mga pumupuri [sa Allah], ang mga manlalakbay [para sa Kanyang Landas], ang mga nagsisiyuko at ang mga nagpapatirapa, ang mga nag-uutos ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan at ang mga nangangalaga sa hangganan [batas] ng Allah. At magbigay ng magandang balita sa mga naniniwala.

  113. مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن يَسۡتَغۡفِرُواْ لِلۡمُشۡرِكِينَ وَلَوۡ كَانُوٓاْ أُوْلِي قُرۡبَىٰ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمۡ أَنَّهُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ

    Open ayah 9:113

    Hindi [marapat] para sa propeta at sa mga naniniwala na hingin [sa Allah] ang kapatawaran para sa mga mushrik, kahit pa sila ay kanilang malalapit na kamag-anak, pagkaraang ito ay naging malinaw sa kanila na sila ay mga [taong] maninirahan sa Apoy ng Impiyerno.

  114. وَمَا كَانَ ٱسۡتِغۡفَارُ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ إِلَّا عَن مَّوۡعِدَةٖ وَعَدَهَآ إِيَّاهُ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُۥٓ أَنَّهُۥ عَدُوّٞ لِّلَّهِ تَبَرَّأَ مِنۡهُۚ إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ لَأَوَّٰهٌ حَلِيمٞ

    Open ayah 9:114

    At ang paghingi ni Abraham para sa kapatawaran ng kanyang ama ay sanhi lamang ng pangakong kanyang [ni Abraham] ginawa para sa kanyang [ama]. At nang ito’y naging malinaw na sa kanya [kay Abraham] na siya [ang kanyang ama] ay isang kaaway ng Allah, kanyang inilayo ang kanyang sarili sa kanya. Katotohanan, si Abraham ay madamayin [o madasalin] at mapagparaya.

  115. وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُضِلَّ قَوۡمَۢا بَعۡدَ إِذۡ هَدَىٰهُمۡ حَتَّىٰ يُبَيِّنَ لَهُم مَّا يَتَّقُونَۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ

    Open ayah 9:115

    At hindi hahayaang maligaw ng Allah ang isang mamamayan pagkaraang [ito ay] Kanyang patnubayan hanggang gawin Niyang malinaw para sa kanila ang anumang kanilang nararapat na iwasan. Katotohanan, ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.

  116. إِنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۚ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ

    Open ayah 9:116

    Katotohanan, nasa Allah ang [pagmamay-ari ng] kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan. Siya ang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan. At bukod sa Kanya, kayo ay wala nang iba pang wali [tagapangalaga], o makatutulong.

  117. لَّقَد تَّابَ ٱللَّهُ عَلَى ٱلنَّبِيِّ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ وَٱلۡأَنصَارِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ فِي سَاعَةِ ٱلۡعُسۡرَةِ مِنۢ بَعۡدِ مَا كَادَ يَزِيغُ قُلُوبُ فَرِيقٖ مِّنۡهُمۡ ثُمَّ تَابَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّهُۥ بِهِمۡ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 9:117

    Katotohanan, pinatawad na ng Allah ang Propeta, at ang mga muhajir [nagsilikas] at ang mga ansar – yaong mga sumunod sa kanya sa oras ng kahirapan [sa digmaang Tabuk], pagkaraan na ang mga puso ng ibang pangkat sa kanila ay halos humilig [sa pag-aalinlangan], nguni’t sila ay Kanyang pinatawad. Katotohanan, Siya ay Tigib ng Kabaitan sa kanila, Maawain.

  118. وَعَلَى ٱلثَّلَٰثَةِ ٱلَّذِينَ خُلِّفُواْ حَتَّىٰٓ إِذَا ضَاقَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَرۡضُ بِمَا رَحُبَتۡ وَضَاقَتۡ عَلَيۡهِمۡ أَنفُسُهُمۡ وَظَنُّوٓاْ أَن لَّا مَلۡجَأَ مِنَ ٱللَّهِ إِلَّآ إِلَيۡهِ ثُمَّ تَابَ عَلَيۡهِمۡ لِيَتُوبُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 9:118

    At [Kanyang pinatawad din] ang tatlong nagpaiwan [hindi nakipaglaban sa digmaang Tabuk na ang kaso ay ipinagpaliban ng Propeta] para sa pagpapasiya ng Allah] hanggang sa ang bahagi ng lupa, [sa kabila ng lawak nito], ay naging masikip at ang kanilang sarili ay naging masikip para sa kanila, at kanilang napagtanto na walang makatatakas mula sa Allah, at walang mapagkakanlungan maliban sa Kanya. Pagkaraan, sila ay Kanyang pinatawad [tinanggap ang kanilang pagsisisi] upang sa gayon sila ay magsisi. Katotohanan, ang Allah ang Siyang Nagpapatawad at tumatanggap ng pagsisisi, Maawain.

  119. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَكُونُواْ مَعَ ٱلصَّٰدِقِينَ

    Open ayah 9:119

    O kayong mga naniwala, matakot kayo sa Allah at makibilang kayo sa mga makatotohanan.

  120. مَا كَانَ لِأَهۡلِ ٱلۡمَدِينَةِ وَمَنۡ حَوۡلَهُم مِّنَ ٱلۡأَعۡرَابِ أَن يَتَخَلَّفُواْ عَن رَّسُولِ ٱللَّهِ وَلَا يَرۡغَبُواْ بِأَنفُسِهِمۡ عَن نَّفۡسِهِۦۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ لَا يُصِيبُهُمۡ ظَمَأٞ وَلَا نَصَبٞ وَلَا مَخۡمَصَةٞ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا يَطَـُٔونَ مَوۡطِئٗا يَغِيظُ ٱلۡكُفَّارَ وَلَا يَنَالُونَ مِنۡ عَدُوّٖ نَّيۡلًا إِلَّا كُتِبَ لَهُم بِهِۦ عَمَلٞ صَٰلِحٌۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ 

    Open ayah 9:120

    Hindi [marapat] para sa mga mamamayan ng Madinah at sa mga bedouin na nakapaligid sa kanila na [sila ay] magpaiwan [pagkaraang lumisan] ang Sugo ng Allah at [hindi rin marapat para sa kanila na] kanilang pahalagahan ang kanilang mga sarili nang higit kaysa sa kanyang sarili. Iyan ay sapagka’t sila ay hindi dumanas ng uhaw o pagod o gutom sa Landas ng Allah, sila ay hindi tumahak sa alinmang lupa na ikagagalit ng mga di-naniniwala o sila ay walang naranasang hirap [o sakit] mula sa isang kaaway maliban na ito ay itinala para sa kanila bilang isang gawaing matwid. Katiyakan, hindi pinawawalang-halaga ng Allah ang gantimpala ng mga mapaggawa ng kabutihan.

  121. وَلَا يُنفِقُونَ نَفَقَةٗ صَغِيرَةٗ وَلَا كَبِيرَةٗ وَلَا يَقۡطَعُونَ وَادِيًا إِلَّا كُتِبَ لَهُمۡ لِيَجۡزِيَهُمُ ٱللَّهُ أَحۡسَنَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 9:121

    At sila ay hindi gumugugol ng anumang paggugol [sa Landas ng Allah], maging ito man ay maliit o malaki at hindi tumawid sa isang lambak, maliban na ito ay naitala na para sa kanila upang sila ay gantimpalaan ng Allah ng pinakamabuti para sa anupamang kanilang ginagawa.

  122. ۞وَمَا كَانَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ لِيَنفِرُواْ كَآفَّةٗۚ فَلَوۡلَا نَفَرَ مِن كُلِّ فِرۡقَةٖ مِّنۡهُمۡ طَآئِفَةٞ لِّيَتَفَقَّهُواْ فِي ٱلدِّينِ وَلِيُنذِرُواْ قَوۡمَهُمۡ إِذَا رَجَعُوٓاْ إِلَيۡهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَحۡذَرُونَ

    Open ayah 9:122

    At hindi [marapat] para sa mga naniniwala na silang lahat ay humayong magkipaglaban nang magkakasama. Hindi ba ang nararapat ay magkaroon sila ng magkahiwalay na pangkat [para sa pakikipaglaban] mula sa pangkat [na maiiwanan] upang tumanggap ng pang-unawa sa relihiyon at [ang iba ay] makapagbigay ng babala sa kanilang mga mamamayan kapag sila ay nagsibalik sa kanila upang sakali sila ay [matutong] maging maingat.

  123. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَٰتِلُواْ ٱلَّذِينَ يَلُونَكُم مِّنَ ٱلۡكُفَّارِ وَلۡيَجِدُواْ فِيكُمۡ غِلۡظَةٗۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 9:123

    O kayong mga naniwala, makipaglaban sa mga di-naniniwala na malalapit sa inyo, at hayaan silang kayo ay kakitaan nila ng katigasan [ng kalooban]; at dapat ninyong malaman na ang Allah ay nasa panig ng mga natatakot [sa Kanya].

  124. وَإِذَا مَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ فَمِنۡهُم مَّن يَقُولُ أَيُّكُمۡ زَادَتۡهُ هَٰذِهِۦٓ إِيمَٰنٗاۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فَزَادَتۡهُمۡ إِيمَٰنٗا وَهُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ

    Open ayah 9:124

    At sa tuwing may ipahahayag na isang surah [kabanata], ang ilan sa kanila [na mapagkunwari] ay nagsasabi: “Sino ba sa inyo ang nagkaroon ng karagdagan sa pananampalataya sa pamamagitan nito [ng Qur’an]?” [Nguni’t] yaong mga naniniwala, ito ay nakaragdag sa kanilang Eeman [pananampalataya], at sila ay nagsisipagdiwang.

  125. وَأَمَّا ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ فَزَادَتۡهُمۡ رِجۡسًا إِلَىٰ رِجۡسِهِمۡ وَمَاتُواْ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 9:125

    Subali’t yaong sa kanilang mga puso ay may sakit [ng pagkukunwari], ito ay nakaragdag [lamang] ng kasamaan sa kanilang [dating] kasamaan; at sila ay mga nangamatay habang sila ay [nasa kalagayan bilang] mga di-naniniwala.

  126. أَوَلَا يَرَوۡنَ أَنَّهُمۡ يُفۡتَنُونَ فِي كُلِّ عَامٖ مَّرَّةً أَوۡ مَرَّتَيۡنِ ثُمَّ لَا يَتُوبُونَ وَلَا هُمۡ يَذَّكَّرُونَ

    Open ayah 9:126

    Hindi ba nila nakikitang sila ay inilalagay sa pagsubok minsan o dalawa sa bawa’t taon [ng iba’t ibang uri ng sakuna, sakit at gutom], subali’t sila ay hindi [natutong] manumbalik sa pagsisisi, [at] hindi rin sila [natutong] makaalala?

  127. وَإِذَا مَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ نَّظَرَ بَعۡضُهُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٍ هَلۡ يَرَىٰكُم مِّنۡ أَحَدٖ ثُمَّ ٱنصَرَفُواْۚ صَرَفَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُم بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَفۡقَهُونَ

    Open ayah 9:127

    At sa tuwing may ipahahayag na isang surah [kabanata], sila ay nagtitinginan sa isa’t isa, [at nagsasabing] “Mayroon bang isa na nakakikita sa inyo?” Pagkaraan, sila ay nagsisibaling. Ibinaling [o inilayo] ng Allah ang kanilang mga puso [mula sa patnubay] sapagka’t sila ay mga taong hindi nakauunawa.

  128. لَقَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولٞ مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ عَزِيزٌ عَلَيۡهِ مَا عَنِتُّمۡ حَرِيصٌ عَلَيۡكُم بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 9:128

    Katiyakang dumating na sa inyo ang isang Sugo [Muhammad] mula sa inyong mga sarili [lahi]. Ikinalulungkot niya na kayo ay dumanas ng kahirapan. Siya ay nagmamalasakit sa inyo [hangad niya na kayo ay mapatnubayan]; [at] sa mga naniniwala, [siya ay] mabait, at maawain.

  129. فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُلۡ حَسۡبِيَ ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُۖ وَهُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 9:129

    Kaya, kung sila ay magsitalikod [O Muhammad], sabihin mo: “Ang Allah ay sapat na para sa akin; walang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Sa Kanya, ako ay nagtitiwala at Siya ang Panginoon ng Dakilang Arsh [Trono].”