يونس
Yunus
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡحَكِيمِ
Open ayah 10:1Alif, Lam, Ra. Ito ang mga ayaat [talata] ng Aklat [Qur’an], angTigib ng Karunungan.
أَكَانَ لِلنَّاسِ عَجَبًا أَنۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ رَجُلٖ مِّنۡهُمۡ أَنۡ أَنذِرِ ٱلنَّاسَ وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنَّ لَهُمۡ قَدَمَ صِدۡقٍ عِندَ رَبِّهِمۡۗ قَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٞ مُّبِينٌ
Open ayah 10:2Kamangha-mangha ba para sa sangkatauhan na Aming ipahayag [ang Qur’an] sa isang taong nagmula sa kanila [na nagsabing]: “Bigyan mo ng babala ang sangkatauhan, at bigyan mo ng magandang balita yaong mga naniniwala, na para sa kanila ay may natatanging karangalan mula sa kanilang Panginoon?” [Nguni’t] ang mga di-naniniwala ay nagsabing: “Ito [si Muhammad] ay isang hayag na salamangkero.”
إِنَّ رَبَّكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَۖ مَا مِن شَفِيعٍ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ إِذۡنِهِۦۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Open ayah 10:3Katotohanan, ang inyong Panginoon ay ang Allah na Siyang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan sa loob ng anim na araw, pagkaraan ay pumaitaas sa [Kanyang] Trono, Kanyang pinamamahalaan ang mga gawain [ng Kanyang mga nilikha]. Walang sinumang tagapamagitan malibang pagkaraan ng Kanyang kapahintulutan. Iyan ang Allah, ang inyong Panginoon; kaya sambahin Siya [at wala ng iba]. Hindi ba kayo, kung gayon, makaaalala?
إِلَيۡهِ مَرۡجِعُكُمۡ جَمِيعٗاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقًّاۚ إِنَّهُۥ يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ بِٱلۡقِسۡطِۚ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَهُمۡ شَرَابٞ مِّنۡ حَمِيمٖ وَعَذَابٌ أَلِيمُۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡفُرُونَ
Open ayah 10:4Sa Kanya ang inyong pagbabalik nang magkakasama. [Ito] ang pangako ng Allah na [sadyang] katotohanan. Katunayan, Siya ang nagpasimula ng [pamamaraan sa] paglikha, pagkaraan ito ay Kanyang uulitin upang Kanyang gantimpalaan yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid sa [paraang] makatarungan. Nguni’t, yaong mga di-naniwala, sa kanila ay isang inumin mula sa hamim [kumukulong tubig] at isang mahapding parusa para sa anumang kanilang lagi nang di-paniniwala.
هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ ٱلشَّمۡسَ ضِيَآءٗ وَٱلۡقَمَرَ نُورٗا وَقَدَّرَهُۥ مَنَازِلَ لِتَعۡلَمُواْ عَدَدَ ٱلسِّنِينَ وَٱلۡحِسَابَۚ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ ذَٰلِكَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۚ يُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 10:5Siya [Allah] ang gumawa sa araw bilang isang makislap na ilaw at sa buwan bilang isang liwanag. At sinukat para rito ang mga [iba’t ibang]
إِنَّ فِي ٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَمَا خَلَقَ ٱللَّهُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَّقُونَ
Open ayah 10:6Katotohanan, sa pagsasalitan ng gabi at ng araw at sa anupamang nilikha ng Allah sa mga kalangitan at sa kalupaan [dito] ay mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong natatakot [sa Kanya].
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا وَرَضُواْ بِٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَٱطۡمَأَنُّواْ بِهَا وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَنۡ ءَايَٰتِنَا غَٰفِلُونَ
Open ayah 10:7Katotohanan, yaong mga hindi umaasa sa pakikipagharap sa Amin, at kinasisiyahan ang buhay sa mundo at nakadarama ng katiwasayan mula rito at yaong mga walang pagpapahalaga sa Aming mga ayaat [babala o tanda],
أُوْلَٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Open ayah 10:8Sila yaong, ang kanilang kanlungan ay ang Apoy para sa anumang kanilang lagi nang pinagsusumikapan.
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ يَهۡدِيهِمۡ رَبُّهُم بِإِيمَٰنِهِمۡۖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُ فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Open ayah 10:9Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila ay papatnubayan ng kanilang Panginoon nang dahil sa kanilang pananampalataya. Sa kanilang ilalim ay may mga ilog na umaagos sa mga hardin ng kaligayahan.
دَعۡوَىٰهُمۡ فِيهَا سُبۡحَٰنَكَ ٱللَّهُمَّ وَتَحِيَّتُهُمۡ فِيهَا سَلَٰمٞۚ وَءَاخِرُ دَعۡوَىٰهُمۡ أَنِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 10:10Ang kanilang panalangin doon ay: “Luwalhati sa Iyo, O Allah,” at ang kanilang pagbati roon ay: “Kapayapaan” at ang pangwakas ng kanilang mga panalangin ay: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah], ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha.”
۞وَلَوۡ يُعَجِّلُ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ ٱلشَّرَّ ٱسۡتِعۡجَالَهُم بِٱلۡخَيۡرِ لَقُضِيَ إِلَيۡهِمۡ أَجَلُهُمۡۖ فَنَذَرُ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Open ayah 10:11At kung minamadali [lamang] ng Allah para sa mga tao ang kasamaan [na kanilang ipinagsusumamo] tulad ng Kanyang pagmamadali para sa kanila ng kabutihan, marahil ang kanilang takdang panahon ay nagwakas na para sa kanila. Kaya, Aming hinayaaan yaong mga hindi umaasa sa [araw ng] kanilang pakikipagharap sa Amin, na [sila ay] magsilaboy nang bulag sa kanilang pagsuway.
وَإِذَا مَسَّ ٱلۡإِنسَٰنَ ٱلضُّرُّ دَعَانَا لِجَنۢبِهِۦٓ أَوۡ قَاعِدًا أَوۡ قَآئِمٗا فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُ ضُرَّهُۥ مَرَّ كَأَن لَّمۡ يَدۡعُنَآ إِلَىٰ ضُرّٖ مَّسَّهُۥۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلۡمُسۡرِفِينَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 10:12At kapag ang hirap ay sumaling sa tao, siya ay nananalangin sa Amin, maging siya man ay nakahigang tagilid o nakaupo o nakatayo. Nguni’t, kung Aming pawiin ang hirap mula sa kanya, siya ay patuloy [sa pagsuway] na wari bang siya ay hindi nanalangin sa Amin [upang mapawi] ang hirap na dumating sa kanya. Ganyan ginawang kalugud-lugod sa [paningin ng] mga mapagmalabis ang anumang kanilang lagi nang ginagawa.
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَا ٱلۡقُرُونَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَمَّا ظَلَمُواْ وَجَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَمَا كَانُواْ لِيُؤۡمِنُواْۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 10:13At katiyakan, Aming winasak na ang mga salinlahi [henerasyong] nauna sa inyo nang sila ay nagkamali, at ang kanilang mga sugo ay nagsirating sa kanila na may dalang mga malilinaw na katibayan nguni’t [sa kabila nito], sila ay hindi naniwala. Ganyan Namin pinagbabayad ang mga taong mapaggawa ng kabuktutan.
ثُمَّ جَعَلۡنَٰكُمۡ خَلَٰٓئِفَ فِي ٱلۡأَرۡضِ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لِنَنظُرَ كَيۡفَ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 10:14Pagkaraan, kayo ay Aming ginawang khalifah [pamalit na salinlahi] sa lupa pagkalipas nila, upang Aming matunghayan kung paano kayo magsipaggawa.
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَاتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا ٱئۡتِ بِقُرۡءَانٍ غَيۡرِ هَٰذَآ أَوۡ بَدِّلۡهُۚ قُلۡ مَا يَكُونُ لِيٓ أَنۡ أُبَدِّلَهُۥ مِن تِلۡقَآيِٕ نَفۡسِيٓۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّۖ إِنِّيٓ أَخَافُ إِنۡ عَصَيۡتُ رَبِّي عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Open ayah 10:15At kapag ang Aming mga ayaat [kapahayagan] ay binibigkas sa kanila bilang mga malilinaw na katibayan, yaong mga hindi umaasa para sa pakikipagharap sa Amin ay nagsasabi: “[Pakitaan o] dalhan mo kami ng Qur’an na naiiba kaysa rito, o kaya’y ito ay [iyong] baguhin.” Sabihin mo [O Muhammad]: “Wala sa akin ang karapatang baguhin ito nang ayon sa aking sarili; ako ay sumusunod lamang kung ano ang ipinahayag sa akin. Katotohanan, aking kinatatakutan ang parusa ng Mahalagang Araw [ng Paghuhukom] kung ako ay susuway sa aking Panginoon.”
قُل لَّوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا تَلَوۡتُهُۥ عَلَيۡكُمۡ وَلَآ أَدۡرَىٰكُم بِهِۦۖ فَقَدۡ لَبِثۡتُ فِيكُمۡ عُمُرٗا مِّن قَبۡلِهِۦٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Open ayah 10:16Sabihin: “Kung ninais ng Allah, ito ay hindi ko mabibigkas sa inyo at marahil, ito ay hindi Niya ginawang ipabatid sa inyo. Katiyakan, ako ay nanatiling [nakasalamuha] sa inyo sa matagal na panahon bago pa man [ipinahayag] ito. Kaya, hindi ba kayo nakauunawa?”
فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Open ayah 10:17Kaya, sino ba ang gumagawa ng kamaliang higit kaysa sa naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah o sa nagtatakwil sa Kanyang mga ayaat [kapahayagan]? Katotohanan, hindi magtatagumpay ang mga mapaggawa ng kabuktutan,
وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمۡ وَلَا يَنفَعُهُمۡ وَيَقُولُونَ هَٰٓؤُلَآءِ شُفَعَٰٓؤُنَا عِندَ ٱللَّهِۚ قُلۡ أَتُنَبِّـُٔونَ ٱللَّهَ بِمَا لَا يَعۡلَمُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Open ayah 10:18At sila ay sumasamba sa iba bukod sa Allah na hindi makapipinsala o makapagbibigay-buti sa kanila, at sila ay nagsasabing: “Sila [na aming sinasamba] ay aming mga tagapamagitan sa Allah.” Sabihin: “Ipinagbibigay-alam ba ninyo sa Allah ang anumang hindi Niya nababatid sa mga kalangitan at sa kalupaan?” Luwalhati sa Kanya at Siya ay Mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].
وَمَا كَانَ ٱلنَّاسُ إِلَّآ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ فَٱخۡتَلَفُواْۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡ فِيمَا فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Open ayah 10:19Ang sangkatauhan [noon] ay isa lamang pamayanan [nagkaisa sa relihiyon] nguni’t [nang maglaon] sila ay nagkaiba-iba; at kung hindi lamang para sa isang naunang salita na nagmula sa iyong Panginoon, marahil ay [malaon nang] nahatulan sa kanilang pagitan ang tungkol dito sa anumang kanilang ipinagkaiba.
وَيَقُولُونَ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦۖ فَقُلۡ إِنَّمَا ٱلۡغَيۡبُ لِلَّهِ فَٱنتَظِرُوٓاْ إِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُنتَظِرِينَ
Open ayah 10:20At sila ay nagsasabi: “Bakit wala man lamang isang ayah [palatandaan] ang ibinaba sa kanya mula sa kanyang Panginoon?” Sabihin: “Ang Ghaib [di-nakikitang mga bagay] ay nasa Allah lamang, kaya kayo ay magsipaghintay, [sapagka’t] katotohanan, ako ay kasama ninyong naghihintay [sa hatol ng Allah].”
وَإِذَآ أَذَقۡنَا ٱلنَّاسَ رَحۡمَةٗ مِّنۢ بَعۡدِ ضَرَّآءَ مَسَّتۡهُمۡ إِذَا لَهُم مَّكۡرٞ فِيٓ ءَايَاتِنَاۚ قُلِ ٱللَّهُ أَسۡرَعُ مَكۡرًاۚ إِنَّ رُسُلَنَا يَكۡتُبُونَ مَا تَمۡكُرُونَ
Open ayah 10:21At kapag Aming ipinalasap sa tao ang habag pagkaraan ng hirap na dumating sa kanila, pagmasdan! sila ay nagsabwatan laban sa Aming mga ayaat [kapahayagan]. Sabihin: “Ang Allah ay Maagap sa pagbabalak.” Katotohanan, ang Aming mga sugo [mga anghel] ay nagtatala sa anumang inyong pinagsasabwatan.
هُوَ ٱلَّذِي يُسَيِّرُكُمۡ فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا كُنتُمۡ فِي ٱلۡفُلۡكِ وَجَرَيۡنَ بِهِم بِرِيحٖ طَيِّبَةٖ وَفَرِحُواْ بِهَا جَآءَتۡهَا رِيحٌ عَاصِفٞ وَجَآءَهُمُ ٱلۡمَوۡجُ مِن كُلِّ مَكَانٖ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ أُحِيطَ بِهِمۡ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ لَئِنۡ أَنجَيۡتَنَا مِنۡ هَٰذِهِۦ لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ
Open ayah 10:22Siya ang nagbigay ng kakayahan sa inyo upang kayo ay makapaglakbay sa mga lupain at karagatan, hanggang nang kayo ay lulan ng sasakyang-dagat, at sila ay kasama nilang nagsipaglayag nang may mabuting [ihip ng] hangin, at sila ay nangagalak doon. [Nguni’t di-naglaon] dumating ang isang unos at ang mga alon ay tumambad sa kanila mula sa lahat ng dako, at [nang] inaakala nilang sila ay napalilibutan [ng panganib], [sila ay] nagsumamo sa Allah, naging matapat sa Kanya sa relihiyon, [na nagsasabing]: “Kung kami ay Iyong ililigtas mula rito, katiyakan na kami ay magiging kabilang ng mga mapagpasalamat.”
فَلَمَّآ أَنجَىٰهُمۡ إِذَا هُمۡ يَبۡغُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّۗ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّمَا بَغۡيُكُمۡ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۖ مَّتَٰعَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ ثُمَّ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُكُمۡ فَنُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 10:23Nguni’t nang sila ay Kanyang iniligtas, pagmasdan! sila ay sumuway [sa Kanya] sa kalupaan nang walang katuwiran. O sangkatauhan, ang inyong pagsuway ay laban sa inyong mga sarili, [ito ay isa lamang maikling] kasiyahan ng makamundong buhay, pagkaraan, [sa huli] sa Amin ang inyong pagbabalik. At Aming ipagbibigay-alam sa inyo ang anumang inyong lagi nang ginagawa.
إِنَّمَا مَثَلُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَآءٍ أَنزَلۡنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ مِمَّا يَأۡكُلُ ٱلنَّاسُ وَٱلۡأَنۡعَٰمُ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَخَذَتِ ٱلۡأَرۡضُ زُخۡرُفَهَا وَٱزَّيَّنَتۡ وَظَنَّ أَهۡلُهَآ أَنَّهُمۡ قَٰدِرُونَ عَلَيۡهَآ أَتَىٰهَآ أَمۡرُنَا لَيۡلًا أَوۡ نَهَارٗا فَجَعَلۡنَٰهَا حَصِيدٗا كَأَن لَّمۡ تَغۡنَ بِٱلۡأَمۡسِۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Open ayah 10:24Katotohanan, ang kahalintulad ng makamundong buhay [na ito] ay tulad ng tubig [ulan] na Aming ibinaba mula sa kalangitan na sinisipsip ng mga halaman sa lupa – [ito] ang pinagkukunan ng tao at ng mga hayop para kainin hanggang, kapag kuhanin ng lupa ang [pangangasiwa nito upang ayusin ang] palamuti nito at pagandahin, at ang mga mamamayan nito ay nag-aakalang sila ay may kakayahang mapanatili ito [habang panahon nguni’t] ito ay dinatnan ng Aming [takdang] kautusan sa gabi at sa araw. Kaya ito ay Aming nagawang [ipatupad sa pamamagitan ng] pag- ani, na wari bang ito ay hindi yumabong [o namukadkad] kahapon. Ganyan Namin ipinaliliwanag nang masusi ang mga palatandaan para sa mga taong nag-iisip.
وَٱللَّهُ يَدۡعُوٓاْ إِلَىٰ دَارِ ٱلسَّلَٰمِ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 10:25At ang Allah ay nananawagan tungo sa tahanan ng kapayapaan at nagpapatnubay sa sinumang Kanyang nais tungo sa matuwid na landas.
۞لِّلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ ٱلۡحُسۡنَىٰ وَزِيَادَةٞۖ وَلَا يَرۡهَقُ وُجُوهَهُمۡ قَتَرٞ وَلَا ذِلَّةٌۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Open ayah 10:26Para sa mga gumawa ng mabuti, [ito] ang pinakamainam [na gantimpala] at – may karagdagan pa. Walang dilim ang tatakip sa kanilang mga mukha o ng kahihiyan. Sila yaong mga maninirahan sa Paraiso, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.
وَٱلَّذِينَ كَسَبُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ جَزَآءُ سَيِّئَةِۭ بِمِثۡلِهَا وَتَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۖ مَّا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِنۡ عَاصِمٖۖ كَأَنَّمَآ أُغۡشِيَتۡ وُجُوهُهُمۡ قِطَعٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِ مُظۡلِمًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Open ayah 10:27At yaong mga nagsumikap para sa masasamang gawain, ang kabayaran ng isang kasamaan ay ang nakakatulad nito, at ang kahihiyan ay tatakip sa kanila. Sila ay hindi magkakaroon ng tagapagtanggol mula sa Allah. Ang kanilang mga mukha ay wari bang tinakpan ng mga piraso ng gabi – sadyang madilim. Sila yaong mga maninirahan sa Apoy; sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.
وَيَوۡمَ نَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ مَكَانَكُمۡ أَنتُمۡ وَشُرَكَآؤُكُمۡۚ فَزَيَّلۡنَا بَيۡنَهُمۡۖ وَقَالَ شُرَكَآؤُهُم مَّا كُنتُمۡ إِيَّانَا تَعۡبُدُونَ
Open ayah 10:28At sa Araw [na iyon] na kung saan sila ay Aming titipuning magkakasama, pagkaraan ay Aming sasabihin sa mga nagtambal [ng iba sa Amin]: “[Manatili kayo sa] inyong kinaroroonan, kayo at ng inyong mga itinuturing ng mga katambal.” Pagkaraan, sila ay Aming ihihiwalay, at yaong [kanilang itinuturing na] mga katambal [ng Allah] ay magsasabi: “Hindi namin [namamalayan] ang anumang inyong ginagawang pagsamba sa amin.”
فَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدَۢا بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمۡ إِن كُنَّا عَنۡ عِبَادَتِكُمۡ لَغَٰفِلِينَ
Open ayah 10:29“Kaya, sapat na ang Allah bilang Saksi sa pagitan namin at sa pagitan ninyo - na wala kaming kinalaman sa inyong [mga ginawang] pagsamba [sa amin].”
هُنَالِكَ تَبۡلُواْ كُلُّ نَفۡسٖ مَّآ أَسۡلَفَتۡۚ وَرُدُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ مَوۡلَىٰهُمُ ٱلۡحَقِّۖ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Open ayah 10:30Doon, [sa Araw na iyon], bawa’t kaluluwa ay ilalagay sa paglilitis para sa anumang kanyang nagawa noon, at sila ay ibabalik sa Allah, ang kanilang tunay na Maula [Panginoon]. At maglalaho sa kanila ang anumang kanilang lagi nang nilulubid [na kasinungalingan].
قُلۡ مَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أَمَّن يَمۡلِكُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَمَن يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَيُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّ وَمَن يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَۚ فَسَيَقُولُونَ ٱللَّهُۚ فَقُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ
Open ayah 10:31Sabihin: “Sino ang nagbigay-panustos sa inyo mula sa kalangitan at sa kalupaan? At sino ang nakapangyayari [upang kayo ay magkaroon] ng pandinig at paningin? At sino ang bumubuhay sa mga patay at sino ang nagdudulot ng kamatayan sa mga nabubuhay? At sino ang tagapangasiwa ng mga pangyayari?” Sila ay magsasabi: “Ang Allah.” Kaya sabihin: “Hindi ba kayo, kung gayon natatakot sa Kanya?”
فَذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَاذَا بَعۡدَ ٱلۡحَقِّ إِلَّا ٱلضَّلَٰلُۖ فَأَنَّىٰ تُصۡرَفُونَ
Open ayah 10:32Kaya, iyan ang Allah, ang inyong Panginoon, ang Katotohanan. Kaya pagkaraan ng katotohanan, ano ba ang kataliwasan ng katotohanan maliban sa kamalian? Kaya, paano nga ba’t kayo ay nagsilayo [sa katotohanan]?
كَذَٰلِكَ حَقَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى ٱلَّذِينَ فَسَقُوٓاْ أَنَّهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 10:33Ganyan ang salita [takda] ng iyong Panginoon na ipinatupad [nang makatarungan] sa mga suwail - na sila ay hindi naniniwala.
قُلۡ هَلۡ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥۚ قُلِ ٱللَّهُ يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Open ayah 10:34Sabihin: “Mayroon ba mula sa inyong [itinuturing bilang] mga katambal [ng Allah] ang nagpapasimula sa paglikha, at pagkaraan ito ay kanyang uulitin?” Sabihin mo: “Ang Allah ang [tanging] nagpapasimula ng paglikha, pagkaraan ito ay Kanyang uulitin. Kaya, paano nga ba kayo nalinlang?”
قُلۡ هَلۡ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّۚ قُلِ ٱللَّهُ يَهۡدِي لِلۡحَقِّۗ أَفَمَن يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّ أَحَقُّ أَن يُتَّبَعَ أَمَّن لَّا يَهِدِّيٓ إِلَّآ أَن يُهۡدَىٰۖ فَمَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Open ayah 10:35Sabihin: “Mayroon ba mula sa inyong [itinuturing bilang] mga katambal [ng Allah] ang nagpapatnubay sa katotohanan?” Sabihin: “Ang Allah ang Siyang [tanging] nagpapatnubay sa katotohanan. Siya ba na nagpapatnubay sa katotohanan ay higit na nararapat sundin, o ang isang walang matatagpuang patnubay [sa sarili] malibang siya ay papatnubayan? Kung gayon, ano ba ang nangyayari sa inyo? Paano nga ba kayo humahatol?”
وَمَا يَتَّبِعُ أَكۡثَرُهُمۡ إِلَّا ظَنًّاۚ إِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا يَفۡعَلُونَ
Open ayah 10:36At karamihan sa kanila ay walang sinusunod maliban sa pag-aakala lamang. Katunayan, ang pag-aakala ay hindi makapananaig laban sa katotohanan nang kahit anupaman. Tunay na ang Allah ay Lubos na Nakababatid sa anumang kanilang ginagawa.
وَمَا كَانَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ أَن يُفۡتَرَىٰ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِن تَصۡدِيقَ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَتَفۡصِيلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَا رَيۡبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 10:37At hindi [maaaring magkagayon] para sa Qur’an na ito ay kathain ng iba bukod sa Allah, bagkus ito ay isang pagpapatunay ng [mga kapahayagang] nauna rito, at isang masusing pagpapaliwanag ng mga [lumang] kasulatan. Walang alinlangan na ito ay nagmula sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ فَأۡتُواْ بِسُورَةٖ مِّثۡلِهِۦ وَٱدۡعُواْ مَنِ ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 10:38O di kaya sila ba ay nagsasabi: “Ito [ang Qur’an] ay kanyang kathang- isip.” Sabihin: “Kung gayon, kayo ay magdala [o magpakita] ng isang surah [kabanata] na katulad nito, at inyong tawagin ang sinumang maaari ninyong tawagan bukod sa Allah [upang kayo ay tulungan], kung tunay ngang kayo ay makatotohanan.”
بَلۡ كَذَّبُواْ بِمَا لَمۡ يُحِيطُواْ بِعِلۡمِهِۦ وَلَمَّا يَأۡتِهِمۡ تَأۡوِيلُهُۥۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 10:39Bagkus, kanilang itinakwil ang anumang kaalamang hindi nila naunawaan at ang pagpapaliwanag ay hindi pa dumating sa kanila. Ganyan din ang [ginawang] pagtakwil niyaong mga nauna sa kanila. Kaya, inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga mapaggawa ng kamalian.
وَمِنۡهُم مَّن يُؤۡمِنُ بِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن لَّا يُؤۡمِنُ بِهِۦۚ وَرَبُّكَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 10:40At kabilang sa kanila ay mga naniniwala rito; at kabilang din sa kanila ay mga di-naniniwala rito, at ang iyong Panginoon ay Lubos na Nababatid ang mga mapaggawa ng katiwalian.
وَإِن كَذَّبُوكَ فَقُل لِّي عَمَلِي وَلَكُمۡ عَمَلُكُمۡۖ أَنتُم بَرِيٓـُٔونَ مِمَّآ أَعۡمَلُ وَأَنَا۠ بَرِيٓءٞ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 10:41At kung ikaw man ay kanilang itinatakwil [O Muhammad], sabihin mo [sa kanila]: “Sa akin ang aking mga gawa at sa inyo ang inyong mga gawa. Kayo ay walang kaugnayan sa anumang aking ginagawa, at ako ay walang kaugnayan sa anumang inyong mga ginagawa.”
وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُونَ إِلَيۡكَۚ أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ وَلَوۡ كَانُواْ لَا يَعۡقِلُونَ
Open ayah 10:42At kabilang sa kanila ay [mga] nakikinig sa iyo, nguni’t magagawa mo bang makarinig ang bingi kung sila ay hindi makaunawa [o gumagamit ng katwiran]?
وَمِنۡهُم مَّن يَنظُرُ إِلَيۡكَۚ أَفَأَنتَ تَهۡدِي ٱلۡعُمۡيَ وَلَوۡ كَانُواْ لَا يُبۡصِرُونَ
Open ayah 10:43At kabilang sa kanila ay [mga] nakatingin sa iyo, nguni’t magagawa mo bang patnubayan ang bulag kung sila ay hindi [nagtatangkang] makakita?
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَظۡلِمُ ٱلنَّاسَ شَيۡـٔٗا وَلَٰكِنَّ ٱلنَّاسَ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Open ayah 10:44Katotohanan, hindi ginagawan ng kamalian [o dinadaya] ng Allah ang mga tao ng kahit anupaman; nguni’t ang mga tao ang gumagawa ng mga kamalian sa kanilang mga sarili.
وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ كَأَن لَّمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا سَاعَةٗ مِّنَ ٱلنَّهَارِ يَتَعَارَفُونَ بَيۡنَهُمۡۚ قَدۡ خَسِرَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱللَّهِ وَمَا كَانُواْ مُهۡتَدِينَ
Open ayah 10:45At sa Araw [na iyon kapag] sila ay Kanyang titipunin, [ito ay] wari bang sila ay hindi nanatili [sa mundong ito] maliban sa isang oras ng maghapon [at] sila ay magkakakilala sa isa’t isa. Katiyakan, ang nawalan ay yaong mga nagtakwil hinggil sa araw ng pakikipagharap sa Allah at sila ay hindi mga napatnubayan.
وَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعۡضَ ٱلَّذِي نَعِدُهُمۡ أَوۡ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ ثُمَّ ٱللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا يَفۡعَلُونَ
Open ayah 10:46At kahit Aming ipakita sa iyo [O Muhammad] ang ilan sa anumang ipinangako Namin sa kanila o ikaw ay Aming tulutang mamatay, sa Amin pa rin ang kanilang pagbabalik, kaya [sa alinmang paraan], ang Allah ay Saksi sa anumang kanilang ginagawa.
وَلِكُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولٞۖ فَإِذَا جَآءَ رَسُولُهُمۡ قُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡقِسۡطِ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Open ayah 10:47At sa bawa’t pamayanan ay [may] isang sugo; kaya kapag ang kanilang sugo ay dumating, [anumang bagay] ay hahatulan sa kanilang pagitan nang makatarungan, at sila ay hindi gagawan ng kamalian.
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 10:48At sila ay nagsasabi: “Kailan nga ba ang [katuparan ng] pangakong ito kung [tunay nga na] kayo ay makatotohanan?”
قُل لَّآ أَمۡلِكُ لِنَفۡسِي ضَرّٗا وَلَا نَفۡعًا إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۗ لِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌۚ إِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ فَلَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ سَاعَةٗ وَلَا يَسۡتَقۡدِمُونَ
Open ayah 10:49Sabihin: “Ako ay walang [taglay na] kapangyarihan [para] sa aking sarili sa anumang pinsala o pakinabang maliban kung ano ang nais ng Allah. Bawa’t pamayanan ay [may] isang takdang panahon; at kapag dumating na ang kanilang takda, hindi nila magagawang antalahin [ito] kahit isang oras at hindi nila magagawang pangunahan.”
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَتَىٰكُمۡ عَذَابُهُۥ بَيَٰتًا أَوۡ نَهَارٗا مَّاذَا يَسۡتَعۡجِلُ مِنۡهُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Open ayah 10:50Sabihin: “Isinasaalang-alang ba ninyo: na kung ang Kanyang parusa ay dumating sa inyo sa oras ng gabi o sa araw, aling [bahagi] kaya nito ang maaaring madaliin ng mga mapaggawa ng kabuktutan?”
أَثُمَّ إِذَا مَا وَقَعَ ءَامَنتُم بِهِۦٓۚ ءَآلۡـَٰٔنَ وَقَدۡ كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ
Open ayah 10:51Pagkaraan, kapag ito ay nangyari na [saka pa lamang] kayo ay maniniwala rito? Ngayon pa? At katiyakan kayo ay nagmamadali [noon] para rito.
ثُمَّ قِيلَ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡخُلۡدِ هَلۡ تُجۡزَوۡنَ إِلَّا بِمَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ
Open ayah 10:52Pagkaraan, ito ang sasabihin sa mga nakagawa ng mga kamalian: “Lasapin ninyo ang walang katapusang parusa. Hindi nga ba kayo ay binabayaran lamang para sa anumang [kasalanan o kasamaang] inyong lagi nang pinagsumikapan?”
۞وَيَسۡتَنۢبِـُٔونَكَ أَحَقٌّ هُوَۖ قُلۡ إِي وَرَبِّيٓ إِنَّهُۥ لَحَقّٞۖ وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ
Open ayah 10:53At sila ay nagtatanong [O Muhammad] ng kaalaman sa iyo [na nagsasabing]: “Ito ba ay totoo [ang Araw ng Pagkabuhay na Muli]?” Sabihin: “Oo, sumpa man sa aking Panginoon. Ito ay katotohanan. At hindi ninyo matatakasan [ang Allah].”
وَلَوۡ أَنَّ لِكُلِّ نَفۡسٖ ظَلَمَتۡ مَا فِي ٱلۡأَرۡضِ لَٱفۡتَدَتۡ بِهِۦۗ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۖ وَقُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡقِسۡطِ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Open ayah 10:54At kung ang bawa’t kaluluwang nagkamali sa sarili ay [magkaroon ng] anumang nasa mundo, ito ay kanyang ibibigay bilang pantubos [sa sariling kaligtasan, subali’t ito ay hindi tatanggapin sa kanya]. At kanilang ikukubli ang pagsisisi kapag kanilang matunghayan ang parusa, at sila ay hahatulan sa kanilang pagitan nang makatarungan at sila ay hindi gagawan ng kamalian.
أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَلَآ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 10:55Walang alinlangan, anumang nasa mga kalangitan at kalupaan ay pagmamay-ari ng Allah. Walang alinlangan, ang pangako ng Allah ay totoo. Nguni't karamihan sa kanila ay hindi nakababatid.
هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 10:56Siya ang naggagawad ng buhay, at nagdudulot ng kamatayan. At sa Kanya, kayong [lahat] ay ibabalik.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدۡ جَآءَتۡكُم مَّوۡعِظَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَشِفَآءٞ لِّمَا فِي ٱلصُّدُورِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 10:57O sangkatauhan, tunay nga na dumating sa inyo ang isang mabuting payo mula sa inyong Panginoon at isang [mabisang] lunas para sa anumang [karamdamang] nasa inyong mga dibdib, at [magsilbing] patnubay at habag para sa mga naniniwala.
قُلۡ بِفَضۡلِ ٱللَّهِ وَبِرَحۡمَتِهِۦ فَبِذَٰلِكَ فَلۡيَفۡرَحُواْ هُوَ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ
Open ayah 10:58Sabihin: “Sa biyaya ng Allah at sa Kanyang habag; kaya sa mga iyan hayaan silang magsipagdiwang.” Ito ay higit na mainam kaysa sa anuman [yaman] na kanilang pinagtitipunan.
قُلۡ أَرَءَيۡتُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ لَكُم مِّن رِّزۡقٖ فَجَعَلۡتُم مِّنۡهُ حَرَامٗا وَحَلَٰلٗا قُلۡ ءَآللَّهُ أَذِنَ لَكُمۡۖ أَمۡ عَلَى ٱللَّهِ تَفۡتَرُونَ
Open ayah 10:59Sabihin: “Nakita ba ninyo ang anumang panustos na ibinaba ng Allah para sa inyo [ang iba nito ay] ginawa ninyong bawal at [ang iba ay] marapat?” Sabihin: “Pinahintulutan ba ng Allah para sa inyo [na ito ay inyong gawin] o kayo ay naglubid ng kasinungalingan laban sa Allah?”
وَمَا ظَنُّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَشۡكُرُونَ
Open ayah 10:60At ano ba ang inaakala niyaong mga naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah sa Araw ng Pagkabuhay na Muli? [ano ang inaakala nilang gagawin sa kanila ng Allah]? Katotohanan, ang Allah ay Tigib ng biyaya sa sangkatauhan, nguni’t karamihan sa kanila ay hindi mapagpasalamat.
وَمَا تَكُونُ فِي شَأۡنٖ وَمَا تَتۡلُواْ مِنۡهُ مِن قُرۡءَانٖ وَلَا تَعۡمَلُونَ مِنۡ عَمَلٍ إِلَّا كُنَّا عَلَيۡكُمۡ شُهُودًا إِذۡ تُفِيضُونَ فِيهِۚ وَمَا يَعۡزُبُ عَن رَّبِّكَ مِن مِّثۡقَالِ ذَرَّةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِ وَلَآ أَصۡغَرَ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكۡبَرَ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٍ
Open ayah 10:61At ikaw [O Muhammad] ay hindi maaaring [gumawa ng] anupaman o bumigkas ng alinman sa Qur’an at [maging] kayo [O mga tao] ay hindi maaaring gumawa ng anupaman maliban na Kami ang Saksi sa mga ito kapag kayo ay nakatuon [abala] rito. At walang nakaaalpas mula sa iyong Panginoon ng anumang [bahagi] ng isang maliit na bagay na nasa kalupaan o nasa kalangitan o [anumang] higit na maliit o higit na malaki maliban na iyan ay nakatala sa isang malinaw na talaan.
أَلَآ إِنَّ أَوۡلِيَآءَ ٱللَّهِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Open ayah 10:62Walang alinlangan, katotohanan, [para sa] mga awliyah [kapanalig o alagad] ng Allah, sila ay walang [madaramang] pangamba at sila ay walang [mararanasang] kalungkutan,
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Open ayah 10:63[Sila] yaong mga [matatapat at tunay na] naniwala at lagi nang kinatatakutan [ang parusa ng Allah],
لَهُمُ ٱلۡبُشۡرَىٰ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ لَا تَبۡدِيلَ لِكَلِمَٰتِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Open ayah 10:64Para sa kanila ay [nakalaan] ang mga magagandang balita sa buhay sa mundong ito, at [maging] sa kabilang buhay. Walang pagbabago sa mga salita ng Allah. Iyan ang dakilang tagumpay.
وَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّ ٱلۡعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعًاۚ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 10:65At huwag mong hayaang ang kanilang mga pananalita ay magbigay ng kalungkutan sa iyo [O Muhammad] sapagka’t ang Izzat [Karangalan] ay nasa pagmamay-aring ganap ng Allah. Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.
أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَمَا يَتَّبِعُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ شُرَكَآءَۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ
Open ayah 10:66Walang alinlangan, katotohanan, sa Allah ang [pagmamay-ari ng] sinumang nasa mga kalangitan at sinumang nasa kalupaan. At yaong mga dumadalangin sa iba bukod sa Allah ay hindi [tunay na] sumusunod [sa itinuturing nilang] mga katambal [ng Allah]. Katotohanan, sila ay walang sinusunod kundi ang mga [maling] pag-aakala, at katotohanang sila ay mapaggawa ng mga haka-haka.
هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ
Open ayah 10:67Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi upang kayo ay magpahinga roon, at ng araw upang kayo ay bigyan ng [magandang] pananaw [o makakita]. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nakikinig [o nag-iisip nang malalim].
قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۖ هُوَ ٱلۡغَنِيُّۖ لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ إِنۡ عِندَكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭ بِهَٰذَآۚ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Open ayah 10:68Sila [mga Hudyo, Kristiyano at mga pagano] ay nagsabi: “Ang Allah ay nagkaroon ng anak na lalaki.” Luwalhati sa Kanya, Siya ay Mayaman [walang pangangailangan]. Sa Kanya ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. Wala kayong katibayan [o anumang batayan] para rito. [Sapagka’t] kayo ay nagsasabi lamang tungkol sa Allah ng anumang hindi ninyo nalalaman?
قُلۡ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا يُفۡلِحُونَ
Open ayah 10:69Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]:“Katotohanan, yaong mga mapaglubid ng kasinungalingan laban sa Allah ay hindi magtatagumpay.”
مَتَٰعٞ فِي ٱلدُّنۡيَا ثُمَّ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ ثُمَّ نُذِيقُهُمُ ٱلۡعَذَابَ ٱلشَّدِيدَ بِمَا كَانُواْ يَكۡفُرُونَ
Open ayah 10:70[Para sa kanila ay isang maikling] kasiyahan [lamang] sa mundong ito. At pagkaraan, sa Amin ang kanilang pagbabalik, at pagkaraan sila ay Aming palalasapin ng matinding parusa nang dahil sa kanilang lagi nang hindi paniniwala.
۞وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ نُوحٍ إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ إِن كَانَ كَبُرَ عَلَيۡكُم مَّقَامِي وَتَذۡكِيرِي بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَعَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلۡتُ فَأَجۡمِعُوٓاْ أَمۡرَكُمۡ وَشُرَكَآءَكُمۡ ثُمَّ لَا يَكُنۡ أَمۡرُكُمۡ عَلَيۡكُمۡ غُمَّةٗ ثُمَّ ٱقۡضُوٓاْ إِلَيَّ وَلَا تُنظِرُونِ
Open ayah 10:71At bigkasin mo sa kanila ang pangyayari [o balita] tungkol kay Noah. Nang kanyang sabihin sa kanyang mga mamamayan:“O aking mga mamamayan, kung ang aking pananatili [sa inyo] at ang aking pagbibigay ng babala ng Allah ay naging lubhang mabigat para sa inyo, samakatwid, ako ay nagtitiwala sa Allah. Kaya, inyong tipunin ang inyong mga balakin at [tawagin] ang inyong mga kasamahan, at huwag hayaang ang inyong mga balakin ay mag-alinlangan sa inyo. Pagkaraan, inyong igawad sa akin [ang hatol] at huwag ninyo akong bigyan ng palugit.
فَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَمَا سَأَلۡتُكُم مِّنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۖ وَأُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Open ayah 10:72Nguni’t kung kayo ay magsitalikod [mula sa aking payo] samakatwid, wala akong hinihiling na anumang gantimpala sa inyo; ang aking gantimpala ay magmumula sa Allah, at ako ay napag-utusan [lamang] na maging kabilang ng mga Muslim [na tumatalima sa Kanya].”
فَكَذَّبُوهُ فَنَجَّيۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ وَجَعَلۡنَٰهُمۡ خَلَٰٓئِفَ وَأَغۡرَقۡنَا ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَاۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Open ayah 10:73Kaya, siya [si Noah] ay kanilang itinakwil, nguni't siya ay Aming iniligtas at yaong mga sumama sa kanya sa sasakyang-dagat, at sila ay Aming ginawang mga tagapamalit [ng salinlahi] samantalang Aming nilunod yaong mga nagtakwil sa Aming mga ayaat [tanda o babala]. Kaya, inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga binalaan.
ثُمَّ بَعَثۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ رُسُلًا إِلَىٰ قَوۡمِهِمۡ فَجَآءُوهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا كَانُواْ لِيُؤۡمِنُواْ بِمَا كَذَّبُواْ بِهِۦ مِن قَبۡلُۚ كَذَٰلِكَ نَطۡبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلۡمُعۡتَدِينَ
Open ayah 10:74Pagkaraan, Aming ipinadala ang mga sugo pagkalipas niya sa kanilang mga mamamayan. Sila [mga sugo] ay nagdala ng mga malilinaw na katibayan, Subali’t sila [mga tao] ay hindi naniwala sa anumang [mensahe] na noon pa man ay itinakwil na. Ganyan Namin tinatakpan ang mga puso niyaong mga mapanlabag.
ثُمَّ بَعَثۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِم مُّوسَىٰ وَهَٰرُونَ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ بِـَٔايَٰتِنَا فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ
Open ayah 10:75Pagkaraan, Aming ipinadala pagkalipas nila - sina Moises at Aaron kay Paraon at sa kanyang mga punong-kawal na may dalang mga ayaat [mga babala]. Nguni’t sila ay nagmalaki at [sila ay] mga taong mapaggawa ng kabuktutan.
فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ مِنۡ عِندِنَا قَالُوٓاْ إِنَّ هَٰذَا لَسِحۡرٞ مُّبِينٞ
Open ayah 10:76Kaya, nang dumating sa kanila ang katotohanang nagmula sa Amin, sila ay nagsabing: “Ito ay isang malinaw na salamangka.”
قَالَ مُوسَىٰٓ أَتَقُولُونَ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَكُمۡۖ أَسِحۡرٌ هَٰذَا وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّٰحِرُونَ
Open ayah 10:77Si Moises ay nagsabi: “Ito pa ba ang inyong sasabihin tungkol sa katotohanan pagkaraang ito ay dumating sa inyo? Ito ba ay salamangka? Nguni’t, [kailanman ay] hindi magsisipagtagumpay ang mga salamangkero.”
قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا لِتَلۡفِتَنَا عَمَّا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَا وَتَكُونَ لَكُمَا ٱلۡكِبۡرِيَآءُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا نَحۡنُ لَكُمَا بِمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 10:78Sila [mga tauhan ni Paraon] ay nagsabi: “Kayo ba ay dumating sa amin upang kami ay inyong ilayo mula sa [paniniwala na] aming nakagisnang sinusunod ng aming mga ninuno, at upang kayo ay kapwa magkaroon ng karangalan sa lupain? Kami ay hindi maniniwala sa inyong dalawa.”
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ ٱئۡتُونِي بِكُلِّ سَٰحِرٍ عَلِيمٖ
Open ayah 10:79At si Paraon ay nagsabi: “Dalhin ninyo sa akin ang bawa’t bihasang salamangkero.”
فَلَمَّا جَآءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالَ لَهُم مُّوسَىٰٓ أَلۡقُواْ مَآ أَنتُم مُّلۡقُونَ
Open ayah 10:80At nang ang mga salamangkero ay nagsirating, si Moises ay nagsabi sa kanila: “Ihagis ninyo ang anumang inyong ihahagis.”
فَلَمَّآ أَلۡقَوۡاْ قَالَ مُوسَىٰ مَا جِئۡتُم بِهِ ٱلسِّحۡرُۖ إِنَّ ٱللَّهَ سَيُبۡطِلُهُۥٓ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُصۡلِحُ عَمَلَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 10:81Kaya, nang sila ay nagsipaghagis, si Moises ay nagsabi: “Anuman ang inyong dinala ay isang salamangka [lamang]; katotohanang ito ay pabubulaanan ng Allah. Katotohanan, hindi itinutuwid ng Allah ang gawain ng mga mapaggawa ng katiwalian.
وَيُحِقُّ ٱللَّهُ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Open ayah 10:82At itatatag ng Allah ang katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, maging ito man ay kamuhian ng mga mapaggawa ng kabuktutan.”
فَمَآ ءَامَنَ لِمُوسَىٰٓ إِلَّا ذُرِّيَّةٞ مِّن قَوۡمِهِۦ عَلَىٰ خَوۡفٖ مِّن فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِمۡ أَن يَفۡتِنَهُمۡۚ وَإِنَّ فِرۡعَوۡنَ لَعَالٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Open ayah 10:83Subali’t walang naniwala kay Moises maliban sa [ilang] anak [o kabataang] mula sa kanyang mga mamamayan, sanhi ng kanilang takot na sila ay uusigin ni Paraon at ng kanyang mga punong-kawal. At katotohanan, si Paraon ay isang mapagmataas sa kalupaan, at tunay na siya ay kabilang sa mga mapagmalabis.
وَقَالَ مُوسَىٰ يَٰقَوۡمِ إِن كُنتُمۡ ءَامَنتُم بِٱللَّهِ فَعَلَيۡهِ تَوَكَّلُوٓاْ إِن كُنتُم مُّسۡلِمِينَ
Open ayah 10:84At si Moises ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, kung kayo ay maniwala sa Allah, samakatwid, inyong ipagkaloob ang ganap na tiwala sa Kanya kung kayo nga ay mga Muslim [na tumatalima sa Kanya].
فَقَالُواْ عَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلۡنَا رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا فِتۡنَةٗ لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 10:85Kaya, sila ay nagsabi: “Sa Allah, kami ay ganap na nagtitiwala. O, Aming Panginoon, huwag Mo po kaming gawing isang pagsubok para sa mga taong mapaggawa ng kamalian.
وَنَجِّنَا بِرَحۡمَتِكَ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 10:86At iligtas Mo po kami sa pamamagitan ng Iyong habag laban sa mga taong di-naniniwala.”
وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَن تَبَوَّءَا لِقَوۡمِكُمَا بِمِصۡرَ بُيُوتٗا وَٱجۡعَلُواْ بُيُوتَكُمۡ قِبۡلَةٗ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 10:87At Aming ipinahayag kay Moises at sa kanyang kapatid [na nagsasabing]: “Panatilihin ninyo ang inyong mga mamamayan sa Ehipto sa mga bahay, at inyong gawin ang inyong mga pamamahay [na nakaharap] sa [dakong gawi ng] Qiblah, at kayo ay magsipagdasal, at magbigay ng magandang balita sa mga naniniwala.”
وَقَالَ مُوسَىٰ رَبَّنَآ إِنَّكَ ءَاتَيۡتَ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَأَهُۥ زِينَةٗ وَأَمۡوَٰلٗا فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا رَبَّنَا لِيُضِلُّواْ عَن سَبِيلِكَۖ رَبَّنَا ٱطۡمِسۡ عَلَىٰٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ وَٱشۡدُدۡ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُواْ حَتَّىٰ يَرَوُاْ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Open ayah 10:88At si Moises ay nagsabi: “Aming Panginoon, tunay na Ikaw ay nagkaloob kay Paraon at sa kanyang mga punong-kawal ng karangyaan at yaman ng buhay sa mundong ito, Aming Panginoon, upang kanilang mailigaw [ang mga tao] mula sa Iyong landas. Aming Panginoon, sirain [pawiin] Mo po ang kanilang yaman, at patigasin Mo po ang kanilang mga puso, upang sila ay hindi maniwala hanggang kanilang makita ang mahapding parusa.”
قَالَ قَدۡ أُجِيبَت دَّعۡوَتُكُمَا فَٱسۡتَقِيمَا وَلَا تَتَّبِعَآنِّ سَبِيلَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 10:89[Ang Allah ay] nagsabi: “Katiyakan, ang panalangin ninyong dalawa ay tinanggap.” Kaya, kayo ay kapwa manatili sa matuwid na landas at huwag kayong sumunod sa landas ng mga hindi nakaaalam.
۞وَجَٰوَزۡنَا بِبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡبَحۡرَ فَأَتۡبَعَهُمۡ فِرۡعَوۡنُ وَجُنُودُهُۥ بَغۡيٗا وَعَدۡوًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَدۡرَكَهُ ٱلۡغَرَقُ قَالَ ءَامَنتُ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱلَّذِيٓ ءَامَنَتۡ بِهِۦ بَنُوٓاْ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَأَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Open ayah 10:90At Aming idinaong ang mga anak ni Israel sa kabilang ibayo ng dagat at sila ay hinabol ni Paraon at ng kanyang mga kawal nang may kalupitan at pagkasuklam, hanggang nang siya [si Paraon] ay nalulunod, siya ay nagsabi: “ako ay naniniwala na walang diyos maliban sa [Diyos]” na pinaniniwalaan ng mga anak ni Israel, at ako ay isa sa mga Muslim [sumusuko at tumatalima sa Allah].
ءَآلۡـَٰٔنَ وَقَدۡ عَصَيۡتَ قَبۡلُ وَكُنتَ مِنَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 10:91Ngayon pa ba? At katiyakang ikaw ay sumuway [sa Kanya] noon pa man at ikaw ay kabilang sa mga mapaggawa ng katiwalian.
فَٱلۡيَوۡمَ نُنَجِّيكَ بِبَدَنِكَ لِتَكُونَ لِمَنۡ خَلۡفَكَ ءَايَةٗۚ وَإِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلنَّاسِ عَنۡ ءَايَٰتِنَا لَغَٰفِلُونَ
Open ayah 10:92Kaya, sa araw na ito, Aming ililigtas ang iyong [patay na] katawan [mula sa dagat] upang ikaw ay maging tanda [aral o halimbawa] para sa mga susunod [na salinlahi] sa iyo. At katotohanan, karamihan sa tao ay walang pagpapahalaga sa Aming mga ayaat [babala o kautusan].
وَلَقَدۡ بَوَّأۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ مُبَوَّأَ صِدۡقٖ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ فَمَا ٱخۡتَلَفُواْ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Open ayah 10:93At katiyakan Aming pinagyaman ang mga anak ni Israel sa isang marangal na paninirahan, at Aming ipinagkaloob sa kanila ang mga mabubuting panustos, at sila ay hindi nagkaiba [sa paniniwala] hanggang [pagkaraang] dumating sa kanila ang kaalaman. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay maghahatol sa kanilang pagitan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli hinggil sa anumang kanilang lagi nang ipinagkakaiba.
فَإِن كُنتَ فِي شَكّٖ مِّمَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ فَسۡـَٔلِ ٱلَّذِينَ يَقۡرَءُونَ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكَۚ لَقَدۡ جَآءَكَ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُمۡتَرِينَ
Open ayah 10:94Kaya, kung ikaw [O Muhammad] ay may agam-agam hinggil sa anumang Aming ipinahayag sa iyo, magkagayon, tanungin mo yaong mga nagbabasa ng kasulatan [ng Torah at Ebanghelyo] na nauna sa iyo. Katiyakan, ang katotohanan ay dumating sa iyo mula sa iyong Panginoon. Kaya, kailanman ay huwag kang makibilang sa mga mapag-alinlangan.
وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَتَكُونَ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Open ayah 10:95At huwag kang makibilang sa mga nagtatakwil sa ayaat [kapahayagan] ng Allah sapagka’t ikaw ay mapabibilang sa mga nawalan [o mga talunan].
إِنَّ ٱلَّذِينَ حَقَّتۡ عَلَيۡهِمۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 10:96Katotohanan, [kailanman ay] hindi maniniwala yaong mga binigyan ng katuparan ang salita [o takdang parusa] ng iyong Panginoon,
وَلَوۡ جَآءَتۡهُمۡ كُلُّ ءَايَةٍ حَتَّىٰ يَرَوُاْ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Open ayah 10:97Kahit dumating pa sa kanila ang bawa’t ayah [babala o kapahayagan], hanggang kanilang makita ang mahapding parusa.
فَلَوۡلَا كَانَتۡ قَرۡيَةٌ ءَامَنَتۡ فَنَفَعَهَآ إِيمَٰنُهَآ إِلَّا قَوۡمَ يُونُسَ لَمَّآ ءَامَنُواْ كَشَفۡنَا عَنۡهُمۡ عَذَابَ ٱلۡخِزۡيِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَمَتَّعۡنَٰهُمۡ إِلَىٰ حِينٖ
Open ayah 10:98Nguni’t, wala bang isang bayan na naniwala [pagkaraang makita ang parusa] upang ang pananampalataya nito ay makapagligtas dito maliban sa mga mamamayan ni Yunus [Jonas] ? Nang sila ay naniwala, Aming pinawi mula sa kanila ang parusa ng kahihiyan sa makamundong buhay, at ipinagkaloob sa kanila ang kasiyahan hanggang sa takdang panahon.
وَلَوۡ شَآءَ رَبُّكَ لَأٓمَنَ مَن فِي ٱلۡأَرۡضِ كُلُّهُمۡ جَمِيعًاۚ أَفَأَنتَ تُكۡرِهُ ٱلنَّاسَ حَتَّىٰ يَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ
Open ayah 10:99At kung ninais lamang ng iyong Panginoon, yaong mga nasa kalupaan ay maaaring maniwalang lahat [nang lubusan]. Kaya, pipilitin mo ba [O Muhammad] ang sangkatauhan, hanggang sila ay maging mga Muslim [mga naniniwala sa Kaisahan ng Allah]?
وَمَا كَانَ لِنَفۡسٍ أَن تُؤۡمِنَ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَيَجۡعَلُ ٱلرِّجۡسَ عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يَعۡقِلُونَ
Open ayah 10:100Hindi marapat para sa sinumang tao na maniwala maliban sa kapahintulutan ng Allah, at Kanyang ilalagay ang dungis sa mga taong hindi marunong umunawa [walang mabuting pangangatuwiran].
قُلِ ٱنظُرُواْ مَاذَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَا تُغۡنِي ٱلۡأٓيَٰتُ وَٱلنُّذُرُ عَن قَوۡمٖ لَّا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 10:101Sabihin: “Inyong pagmasdan ang anumang nasa mga kalangitan at kalupaan” nguni’t walang kabuluhan ang anumang ayaat [kapahayagan o aral] at mga tagapagbabala sa mga taong hindi naniniwala.
فَهَلۡ يَنتَظِرُونَ إِلَّا مِثۡلَ أَيَّامِ ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلِهِمۡۚ قُلۡ فَٱنتَظِرُوٓاْ إِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُنتَظِرِينَ
Open ayah 10:102Kaya, sila ba ay naghihintay lamang para sa tulad [ng nangyari sa] mga araw niyaong mga nangamatay na nauna sa kanila? Sabihin: “Kung gayon, kayo ay magsipaghintay, [sapagka’t] ako ay kasama ninyong naghihintay.”
ثُمَّ نُنَجِّي رُسُلَنَا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ كَذَٰلِكَ حَقًّا عَلَيۡنَا نُنجِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 10:103Pagkaraan, Aming iniligtas ang Aming mga sugo at yaong mga naniwala. Ganyan ang tungkuling nakaatang sa Amin - na Aming iligtas ang mga naniniwala.
قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِن كُنتُمۡ فِي شَكّٖ مِّن دِينِي فَلَآ أَعۡبُدُ ٱلَّذِينَ تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِنۡ أَعۡبُدُ ٱللَّهَ ٱلَّذِي يَتَوَفَّىٰكُمۡۖ وَأُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 10:104Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “O sangkatauhan, kung kayo ay may agam-agam tungkol sa aking relihiyon [ang Islam] magkagayon, hindi ko sasambahin yaong inyong mga sinasambang iba bukod sa Allah. Nguni’t ako ay sumasamba lamang sa Allah na Siyang nagdudulot ng inyong kamatayan, at ako ay napag-utusan na makibilang sa mga naniniwala
وَأَنۡ أَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفٗا وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 10:105At [ipinag-utos sa akin]: ‘Ibaling mo ang iyong mukha [O Muhammad] tungo sa relihiyon, Hanifah [tuwirang pagsamba sa nag-iisang Diyos], at kailanman ay huwag kang makibilang sa mga nagtatambal [sa Allah];
وَلَا تَدۡعُ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُكَ وَلَا يَضُرُّكَۖ فَإِن فَعَلۡتَ فَإِنَّكَ إِذٗا مِّنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 10:106At huwag kang manalangin sa iba bukod sa Allah, [sila ay] hindi makakabuti sa iyo at hindi makapipinsala sa iyo nguni’t kung mangyari mang ito ay iyong nagawa, katotohanang ikaw ay mapabibilang, kapag nagkagayon, sa mga mapaggawa ng kamalian.’”
وَإِن يَمۡسَسۡكَ ٱللَّهُ بِضُرّٖ فَلَا كَاشِفَ لَهُۥٓ إِلَّا هُوَۖ وَإِن يُرِدۡكَ بِخَيۡرٖ فَلَا رَآدَّ لِفَضۡلِهِۦۚ يُصِيبُ بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Open ayah 10:107At kung ikaw ay datnan ng kapinsalaan ng Allah, walang makapapawi nito maliban sa Kanya, at kung Siya ay maglayon ng kabutihan para sa iyo, walang makapipigil ng Kanyang pagpapala. Kanyang pinapangyayaring ito ay maabot ng sinumang Kanyang nais sa Kanyang mga alipin. At Siya ang Mapagpatawad, ang Maawain.
قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدۡ جَآءَكُمُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهۡتَدِي لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيۡهَاۖ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيۡكُم بِوَكِيلٖ
Open ayah 10:108Sabihin: “O sangkatauhan, ang katotohanan ay dumating sa inyo mula sa inyong Panginoon. Kaya, sinuman ang napatnubayan ay napatnubayan para sa [kabutihan ng] kanyang kaluluwa; at sinuman ang naligaw, ay naligaw para sa kanyang [sariling kawalan]; at ako ay hindi [itinalaga bilang] tagapangasiwa para sa inyo.”
وَٱتَّبِعۡ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيۡكَ وَٱصۡبِرۡ حَتَّىٰ يَحۡكُمَ ٱللَّهُۚ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Open ayah 10:109At sumunod ka [O Muhammad] sa anumang ipinahayag sa iyo at magtiis hanggang ang Allah ay maghatol. At Siya ang pinakamahusay sa mga tagapaghatol.