هود
Hud
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓرۚ كِتَٰبٌ أُحۡكِمَتۡ ءَايَٰتُهُۥ ثُمَّ فُصِّلَتۡ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ خَبِيرٍ
Open ayah 11:1Alif,Lam,Ra. [Ito ay] isang Aklat na ang mga talata nito ay ginawang ganap [walang pagkukulang at], pagkaraan ay masusing ipinaliwanag ng [Isang] Tigib ng Karunungan, Maalam.
أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۚ إِنَّنِي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ وَبَشِيرٞ
Open ayah 11:2[Upang sa pamamagitan nito ay aking maipahayag na]: “Wala kayong dapat sambahin maliban sa Allah. Katotohanan, ako [si Muhammad] ay isang tagapagbabala para sa inyo na nagmula sa Kanya; at isang tagapaghatid ng magagandang balita.”
وَأَنِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُمَتِّعۡكُم مَّتَٰعًا حَسَنًا إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى وَيُؤۡتِ كُلَّ ذِي فَضۡلٖ فَضۡلَهُۥۖ وَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٖ كَبِيرٍ
Open ayah 11:3At [nagsasabing]: inyong hingin ang kapatawaran ng inyong Panginoon [at] pagkaraan ay magsisi sa Kanya [at] kayo ay Kanyang hahayaang magtamasa ng mabuting kasiyahan hanggang sa [pagsapit ng] takdang panahon, at Kanyang ipagkakaloob sa bawa’t nagmamay-ari ng biyaya ang kanyang biyaya. At kung kayo ay magsisitalikod, katotohanan aking pinangangambahan para sa inyo ang parusa ng isang mahalagang Araw.
إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Open ayah 11:4Sa Allah ang inyong pagbabalik [na lahat], at Siya ang may [ganap na] kakayahan sa lahat ng bagay.
أَلَآ إِنَّهُمۡ يَثۡنُونَ صُدُورَهُمۡ لِيَسۡتَخۡفُواْ مِنۡهُۚ أَلَا حِينَ يَسۡتَغۡشُونَ ثِيَابَهُمۡ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Open ayah 11:5Walang alinlangan, kanilang tinatakpan ang kanilang mga dibdib [sa pag-aakalang] kanilang maitatago ang kanilang mga sarili mula sa Kanya. Walang alinlangan, kahit kanilang balutin pa ang kanilang mga sarili ng kanilang mga damit, Kanyang lubos na nababatid ang anumang kanilang itinatago, at ang anumang kanilang inilalantad. Katotohanan, Siya ay
۞وَمَا مِن دَآبَّةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِ رِزۡقُهَا وَيَعۡلَمُ مُسۡتَقَرَّهَا وَمُسۡتَوۡدَعَهَاۚ كُلّٞ فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٖ
Open ayah 11:6At walang nilikhang gumagala sa kalupaan maliban na nasa Allah ang panustos nito, at Kanyang nababatid ang pinamamahayanang pook nito at [maging] ang pinagtataguan nito. Ang lahat ay nasa malinaw na talaan.
وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ وَكَانَ عَرۡشُهُۥ عَلَى ٱلۡمَآءِ لِيَبۡلُوَكُمۡ أَيُّكُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗاۗ وَلَئِن قُلۡتَ إِنَّكُم مَّبۡعُوثُونَ مِنۢ بَعۡدِ ٱلۡمَوۡتِ لَيَقُولَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Open ayah 11:7At Siya ang lumikha ng mga kalangitan at ng kalupaan sa loob ng anim na araw at ang Kanyang Arsh [Trono] ay nasa ibabaw ng tubig - upang kayo ay Kanyang subukan kung alin sa inyo ang pinakamabuti sa gawa. Nguni’t kung ito ay iyong sabihin: “Tunay na kayo ay bubuhaying muli pagkaraan ng kamatayan,” yaong mga di-naniniwala sa kanila ay tiyak na magsasabi: “Ito ay walang anupaman maliban sa isang malinaw na salamangka.”
وَلَئِنۡ أَخَّرۡنَا عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابَ إِلَىٰٓ أُمَّةٖ مَّعۡدُودَةٖ لَّيَقُولُنَّ مَا يَحۡبِسُهُۥٓۗ أَلَا يَوۡمَ يَأۡتِيهِمۡ لَيۡسَ مَصۡرُوفًا عَنۡهُمۡ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Open ayah 11:8At kung Aming ipagpaliban ang parusa para sa kanila sa isang takdang panahon, sila ay tiyak na magsasabi, “Anong dahilan ng pagpigil?” Walang alinlangan, sa Araw ng pagdating nito sa kanila, ito ay hindi nila magagawang ilayo mula sa kanila, at sila ay palilibutan ng anumang lagi nilang kinukutya.
وَلَئِنۡ أَذَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِنَّا رَحۡمَةٗ ثُمَّ نَزَعۡنَٰهَا مِنۡهُ إِنَّهُۥ لَيَـُٔوسٞ كَفُورٞ
Open ayah 11:9At kung Aming ipalasap sa tao ang habag mula sa Amin, pagkaraan ay muling bawiin ito sa kanya, katotohanan, siya ay naghihinagpis, [at] walang pasasalamat.
وَلَئِنۡ أَذَقۡنَٰهُ نَعۡمَآءَ بَعۡدَ ضَرَّآءَ مَسَّتۡهُ لَيَقُولَنَّ ذَهَبَ ٱلسَّيِّـَٔاتُ عَنِّيٓۚ إِنَّهُۥ لَفَرِحٞ فَخُورٌ
Open ayah 11:10At kung Aming pinalasap sa kanya ang pagpapala pagkaraang dumating sa kanya ang hirap, katiyakang siya ay magsasabing: “Ang kasamaan ay lumisan sa akin.” Katotohanan, siya ay labis na nagsasaya, [at] nagyayabang.
إِلَّا ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٞ
Open ayah 11:11Subali’t yaong mga nagtiis [o nagtimpi] at gumawa ng mga gawaing matwid; sila yaong may kapatawaran para sa kanila at malaking gantimpala.
فَلَعَلَّكَ تَارِكُۢ بَعۡضَ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيۡكَ وَضَآئِقُۢ بِهِۦ صَدۡرُكَ أَن يَقُولُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ جَآءَ مَعَهُۥ مَلَكٌۚ إِنَّمَآ أَنتَ نَذِيرٞۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٌ
Open ayah 11:12Kaya, marahil ay magagawa mong isantabi ang ilan sa anumang ipinahayag sa iyo, [O Muhammad] o ang iyong dibdib ay nanikip sanhi nito sapagka’t sila ay nagsasabing, “Bakit walang ibinabang yaman sa kanya o walang anghel na dumating sa kanya? Nguni’t, ikaw ay isa lamang tagapagbabala. At ang Allah ang Siyang Tagapangasiwa sa lahat ng bagay.
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ فَأۡتُواْ بِعَشۡرِ سُوَرٖ مِّثۡلِهِۦ مُفۡتَرَيَٰتٖ وَٱدۡعُواْ مَنِ ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 11:13O kaya sila ay nagsasabing: “Ito [ang Qur’an] ay kanyang kathang-isip [lamang].” Sabihin: “Magpakita kayo ng sampung surah [o kabanatang] katulad ng inyong inaakala na ito ay kinatha, at inyong tawagin ang sinumang inyong makakaya bukod sa Allah [upang kayo ay tulungan], kung [tunay ngang] kayo ay makatotohanan!”
فَإِلَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَآ أُنزِلَ بِعِلۡمِ ٱللَّهِ وَأَن لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ
Open ayah 11:14Kaya, kung sila ay hindi tumugon sa inyo, samakatwid, inyong alalahanin na ito [ang Qur’an] ay ipinahayag [o ibinaba] sa pamamagitan ng Ganap na Kaalaman ng Allah at walang ibang diyos maliban sa Kanya. Hindi ba kayo, kung gayon, magiging Muslim [tatalima sa Kanya]?
مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتَهَا نُوَفِّ إِلَيۡهِمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ فِيهَا وَهُمۡ فِيهَا لَا يُبۡخَسُونَ
Open ayah 11:15Sinuman ang maghahangad ng buhay sa mundo at ng mga karangyaan [o palamuti] nito, sila ay Aming babayaran nang lubusan para sa kanilang mga gawaing nauukol dito, at sila ay hindi pagkakaitan dito [sa mundong ito].
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَيۡسَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا ٱلنَّارُۖ وَحَبِطَ مَا صَنَعُواْ فِيهَا وَبَٰطِلٞ مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 11:16Sila yaong mga walang [matatamo] sa kabilang buhay maliban sa Apoy, at naglaho ang anumang kanilang ginawa dito [sa mundo]. Sapagka’t walang kabuluhan ang anumang kanilang lagi nang ginagawa.
أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّهِۦ وَيَتۡلُوهُ شَاهِدٞ مِّنۡهُ وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامٗا وَرَحۡمَةًۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِهِۦ مِنَ ٱلۡأَحۡزَابِ فَٱلنَّارُ مَوۡعِدُهُۥۚ فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةٖ مِّنۡهُۚ إِنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 11:17Siya ba na [naninindigan] batay sa malinaw na katibayan [ng Qur’an] mula sa kanyang Panginoon [ay katulad ng naunang nabanggit]? At ang isang saksing nagmula sa Kanya ay sumusunod dito, at nauna rito [sa Qur’an], ay ang Aklat ni Moises na nagpatnubay at [nagsilbing] habag. Sila yaong mga [dating naniwala sa mga naunang kasulatan ay] naniwala rito [sa Qur’an]. Kaya, sinuman ang di-naniwala rito [sa Qur’an] mula sa mga [iba’t ibang] sekta [ng mga Hudyo at Kristiyano at di-Muslim], ang Apoy ang magiging ipinangakong hantungan para sa kanila. Kaya, ikaw ay huwag mag-alinlangan tungkol dito. Katiyakan, ito ay katotohanan mula sa iyong Panginoon, nguni’t karamihan sa sangkatauhan ay hindi naniniwala.
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُعۡرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمۡ وَيَقُولُ ٱلۡأَشۡهَٰدُ هَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ عَلَىٰ رَبِّهِمۡۚ أَلَا لَعۡنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 11:18At sino ba ang gumagawa ng kamaliang nakahihigit kaysa sa naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah. Sila yaong mga ihaharap sa kanilang Panginoon, at ang mga saksi ay magsasabing: “Sila ang mga nagsinungaling laban sa kanilang Panginoon.” Walang alinlangan, ang sumpa ng Allah ay nasa mga mapaggawa ng kamalian.
ٱلَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ
Open ayah 11:19Yaong mga humahadlang [sa tao] mula sa Landas ng Allah, at naghahangad upang ito [ang mensahe] ay gawing [tila] lihis [o baluktot], samantalang, sila ay mga walang paniniwala hinggil sa kabilang buhay,
أُوْلَٰٓئِكَ لَمۡ يَكُونُواْ مُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كَانَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِنۡ أَوۡلِيَآءَۘ يُضَٰعَفُ لَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ مَا كَانُواْ يَسۡتَطِيعُونَ ٱلسَّمۡعَ وَمَا كَانُواْ يُبۡصِرُونَ
Open ayah 11:20Sila yaong mga walang maidudulot na kabiguan [sa Allah] sa mundo, at sila ay walang awliyah [tagapangalaga, kaibigan o kapanalig] bukod sa Allah. Para sa kanila, ang parusa ay mararagdagan, [sapagka’t] hindi nila nagawang marinig [ang mensahe], at hindi nila nakita [ang katotohanan].
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Open ayah 11:21Sila yaong mga nawalan sa kanilang mga sarili at naglaho sa kanila ang anumang kanilang lagi nang nilulubid [na kasinungalingan].
لَا جَرَمَ أَنَّهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡأَخۡسَرُونَ
Open ayah 11:22Walang alinlangan, katiyakan nga na sila ang higit na nawalan sa kabilang buhay.
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَأَخۡبَتُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Open ayah 11:23Katunayan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, at nagpakumbaba [ng kanilang mga sarili] sa kanilang Panginoon, sila yaong mga maninirahan sa Paraiso upang mamalagi roon nang walang hanggan.
۞مَثَلُ ٱلۡفَرِيقَيۡنِ كَٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡأَصَمِّ وَٱلۡبَصِيرِ وَٱلسَّمِيعِۚ هَلۡ يَسۡتَوِيَانِ مَثَلًاۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Open ayah 11:24Ang kahalintulad ng dalawang pangkat ay [tulad ng] isang bulag at pipi at ng isang nakakikita at nakaririnig. Sila bang dalawa ay magkatulad sa paghahambing? Hindi ba kayo, kung gayon, makaalaala?
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Open ayah 11:25At katiyakan, Aming ipinadala si Noah sa kanyang mga mamamayan [na nagsasabing]: “Tunay na ako ay [naparito] sa inyo bilang malinaw na tagapagbabala.
أَن لَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۖ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ أَلِيمٖ
Open ayah 11:26Na wala kayong dapat sambahin maliban sa Allah; katotohanan, ako ay nangangamba para sa inyo ng parusa ng isang mahapding Araw.”
فَقَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ مَا نَرَىٰكَ إِلَّا بَشَرٗا مِّثۡلَنَا وَمَا نَرَىٰكَ ٱتَّبَعَكَ إِلَّا ٱلَّذِينَ هُمۡ أَرَاذِلُنَا بَادِيَ ٱلرَّأۡيِ وَمَا نَرَىٰ لَكُمۡ عَلَيۡنَا مِن فَضۡلِۭ بَلۡ نَظُنُّكُمۡ كَٰذِبِينَ
Open ayah 11:27Kaya, ang bantog na pinuno niyaong mga di-naniniwala mula sa kanyang mga mamamayan ay nagsabi: “Wala kaming nakikita sa iyo maliban bilang [karaniwang] tao na tulad ng aming mga sarili, at wala kaming nakikitang sinumang sumunod sa iyo maliban yaong mga hamak [o kapus-palad na] kabilang sa amin at sila ay sumunod sa iyo nang di- nag-iisip. At wala kaming nakikitang anumang pagpapala sa inyo na nakahihigit sa amin, bagkus, kami ay nagtuturing sa inyo bilang mga sinungaling.”
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَءَاتَىٰنِي رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِهِۦ فَعُمِّيَتۡ عَلَيۡكُمۡ أَنُلۡزِمُكُمُوهَا وَأَنتُمۡ لَهَا كَٰرِهُونَ
Open ayah 11:28Siya [si Noah] ay nagsabi: “O aking mga mamamayan! Isinaalang- alang ba ninyo] ito: kung ako ba ay nasa malinaw na katibayan mula sa aking Panginoon, at ang isang habag [ang pagiging Propeta] ay dumating sa akin mula sa Kanya, nguni’t ito [ang habag] ay hindi naging malinaw sa inyo [o hindi ninyo naunawaan]. Maaari bang ito ay aming ipilit sa inyo samantalang ito ay inyong tinututulan?
وَيَٰقَوۡمِ لَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مَالًاۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۚ وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْۚ إِنَّهُم مُّلَٰقُواْ رَبِّهِمۡ وَلَٰكِنِّيٓ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمٗا تَجۡهَلُونَ
Open ayah 11:29At O aking mga mamamayan, ako ay hindi humihingi sa inyo ng anumang yaman para rito. Ang aking gantimpala ay hindi nagmula sa iba kundi sa Allah. At ako ay hindi isang [taong] magtataboy sa mga naniwala. Katotohanan, kanilang makahaharap ang kanilang Panginoon nguni’t aking nakikita na kayo ay mga taong [umaasal bilang] mangmang.
وَيَٰقَوۡمِ مَن يَنصُرُنِي مِنَ ٱللَّهِ إِن طَرَدتُّهُمۡۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Open ayah 11:30At O aking mga mamamayan, sino ang makatutulong [makapanganga- laga] sa akin mula sa Allah, kung sila ay aking itinaboy na papalayo? Hindi ba kayo, kung gayon, paaalalahanan?
وَلَآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ وَلَآ أَقُولُ إِنِّي مَلَكٞ وَلَآ أَقُولُ لِلَّذِينَ تَزۡدَرِيٓ أَعۡيُنُكُمۡ لَن يُؤۡتِيَهُمُ ٱللَّهُ خَيۡرًاۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا فِيٓ أَنفُسِهِمۡ إِنِّيٓ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 11:31At ako ay hindi nagsasabi sa inyo na ang kaban [ng yaman] ng Allah ay nasa akin, o [at hindi rin nagsasabi] na aking nababatid ang Ghaib [mga di-nakikita o nakatagong bagay], o kaya ako ay nagsasabi na ako ay isang anghel, at ako ay hindi nagsasabi na yaong inyong mga minamaliit [hinahamak] ay hindi kailanman pagkakalooban ng Allah ng anumang kabutihan. Nababatid ng Allah ang anumang nasa kanilang mga sarili. [Kung sakali mang sabihin ko ito] marahil ako ay mapabibilang sa mga mapaggawa ng kamalian.”
قَالُواْ يَٰنُوحُ قَدۡ جَٰدَلۡتَنَا فَأَكۡثَرۡتَ جِدَٰلَنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Open ayah 11:32Sila ay nagsabi: “O, Noah, ikaw ay nakipagtalo sa amin at madalas ang iyong pakikipagtalo sa amin, kaya [ngayon], ipakita [o dalhin] mo sa amin ang anumang ibinabanta mo sa amin, kung ikaw nga ay isang makatotohanan.”
قَالَ إِنَّمَا يَأۡتِيكُم بِهِ ٱللَّهُ إِن شَآءَ وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ
Open ayah 11:33Siya [si Noah] ay nagsabi: “Ang Allah lamang ang makapagbibigay nito [ng nagbabadyang parusa] kung Kanyang pahintulutan, at [Siya ay] hindi ninyo magagawang biguin.
وَلَا يَنفَعُكُمۡ نُصۡحِيٓ إِنۡ أَرَدتُّ أَنۡ أَنصَحَ لَكُمۡ إِن كَانَ ٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يُغۡوِيَكُمۡۚ هُوَ رَبُّكُمۡ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 11:34At ang aking payo ay hindi makapagdudulot ng kabutihan sa inyo, bagaman hinangad kong magbigay ng mabuting payo para sa inyo - kung hangad ng Allah na kayo ay masadlak sa pagkaligaw. Siya ang inyong Panginoon at sa Kanya kayo ay ibabalik.”
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَيۡتُهُۥ فَعَلَيَّ إِجۡرَامِي وَأَنَا۠ بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُجۡرِمُونَ
Open ayah 11:35O di kaya sila ay magsasabi: “Ito [ang Qur'an] ay kanyang kathang- isip.” Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Kung ito ay kathang-isip ko lamang, ang [bunga ng] kasalanan ay nakaatang sa akin, nguni’t, ako ay walang kamalayan mula sa anumang inyong kabuktutang ginawa.”
وَأُوحِيَ إِلَىٰ نُوحٍ أَنَّهُۥ لَن يُؤۡمِنَ مِن قَوۡمِكَ إِلَّا مَن قَدۡ ءَامَنَ فَلَا تَبۡتَئِسۡ بِمَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Open ayah 11:36At ito ay naipahayag kay Noah na: “Walang maniniwala mula sa iyong mga mamamayan maliban silang mga [naunang] naniwala na. Kaya, huwag kang malungkot sa anumang kanilang lagi nang ginagawa.”
وَٱصۡنَعِ ٱلۡفُلۡكَ بِأَعۡيُنِنَا وَوَحۡيِنَا وَلَا تُخَٰطِبۡنِي فِي ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِنَّهُم مُّغۡرَقُونَ
Open ayah 11:37“At ikaw ay gumawa ng sasakyang-dagat sa ilalim ng Aming paningin [o pagsubaybay] at ng Aming Kapahayagan, at huwag mong ipakiusap sa Akin ang hinggil sa [kaligtasan] niyaong mga mapaggawa ng kamalian. Katotohanang sila ay lulunurin.”
وَيَصۡنَعُ ٱلۡفُلۡكَ وَكُلَّمَا مَرَّ عَلَيۡهِ مَلَأٞ مِّن قَوۡمِهِۦ سَخِرُواْ مِنۡهُۚ قَالَ إِن تَسۡخَرُواْ مِنَّا فَإِنَّا نَسۡخَرُ مِنكُمۡ كَمَا تَسۡخَرُونَ
Open ayah 11:38At siya ay gumawa ng sasakyang-dagat, at sa tuwing ang bantog na pinuno ng kanyang mga mamamayan ay dumaraan sa kanya, sila ay nangungutya sa kanya. Siya [si Noah] ay nagsabi: “Kung kayo ay mangungutya sa amin, kami ay mangungutya ring tulad ng inyong pangungutya.”
فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيۡهِ عَذَابٞ مُّقِيمٌ
Open ayah 11:39At inyong mababatid kung sino ang daratnan ng parusa na magbibigay ng kahihiyan sa kanya at magdadala sa kanya ng walang katapusang parusa [sa kabilang buhay].”
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَمۡرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ قُلۡنَا ٱحۡمِلۡ فِيهَا مِن كُلّٖ زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَأَهۡلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيۡهِ ٱلۡقَوۡلُ وَمَنۡ ءَامَنَۚ وَمَآ ءَامَنَ مَعَهُۥٓ إِلَّا قَلِيلٞ
Open ayah 11:40[Kaya, nangyari nga] hanggang nang ang Aming Kautusan ay dumating at ang imbakan ay nag-umapaw. Aming sinabi: “Ilulan mo rito [sa sasakyang-dagat] ang bawa’t uri ng [nilikhang] dalawang magkapares, at ang iyong mag-anak maliban sa kanya na ang salita ay malaon nang naitakda at [iyong isama] ang sinumang naniwala. Subali’t walang naniwala sa kanya, maliban sa mangilan-ngilan lamang.”
۞وَقَالَ ٱرۡكَبُواْ فِيهَا بِسۡمِ ٱللَّهِ مَجۡر۪ىٰهَا وَمُرۡسَىٰهَآۚ إِنَّ رَبِّي لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 11:41At siya [si Noah] ay nagsabi: “Magsisakay kayo rito: sa Ngalan ng Allah, ito ay maglalayag at magdadaong. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Mapagpatawad, Maawain.”
وَهِيَ تَجۡرِي بِهِمۡ فِي مَوۡجٖ كَٱلۡجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ٱبۡنَهُۥ وَكَانَ فِي مَعۡزِلٖ يَٰبُنَيَّ ٱرۡكَب مَّعَنَا وَلَا تَكُن مَّعَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 11:42At [ang sasakyang-dagat ay] naglayag sa gitna ng [naglalakihang] mga alon tulad ng mga bundok, at si Noah ay nanawagan sa kanyang humiwalay na anak na lalaki: “O aking anak, sumakay kang kasama namin at huwag kang makibilang sa mga di-naniniwala.”
قَالَ سَـَٔاوِيٓ إِلَىٰ جَبَلٖ يَعۡصِمُنِي مِنَ ٱلۡمَآءِۚ قَالَ لَا عَاصِمَ ٱلۡيَوۡمَ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِ إِلَّا مَن رَّحِمَۚ وَحَالَ بَيۡنَهُمَا ٱلۡمَوۡجُ فَكَانَ مِنَ ٱلۡمُغۡرَقِينَ
Open ayah 11:43Siya [ang anak] ay sumagot: “Ako ay magtutungo sa bundok upang ako ay makaligtas mula sa tubig [ng malaking baha].” Si Noah ay nagsabi: “Sa Araw na ito - walang tagapagligtas [o makapipigil] mula sa kautusan ng Allah maliban sa kanya na pinagkalooban Niya ng habag.” At dumating sa kanilang pagitan ang mga alon, kaya siya [ang anak] ay napabilang sa mga nangalunod.
وَقِيلَ يَٰٓأَرۡضُ ٱبۡلَعِي مَآءَكِ وَيَٰسَمَآءُ أَقۡلِعِي وَغِيضَ ٱلۡمَآءُ وَقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ وَٱسۡتَوَتۡ عَلَى ٱلۡجُودِيِّۖ وَقِيلَ بُعۡدٗا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 11:44At ito ay sinabi: “O kalupaan, higupin mo ang iyong tubig, at O kalangitan, pigilin mo [ang iyong ulan].” At ang tubig ay humupa at ang takda [babala ng Allah] ay naganap [ang pagkawasak ng mga mamamayan ni Noah]. At ito [ang sasakyang-dagat] ay dumaong sa [bundok ng] Judi, at ito ay sinabi: “Malayo [sa habag ng Allah] ang mga taong mapaggawa ng kamalian!”
وَنَادَىٰ نُوحٞ رَّبَّهُۥ فَقَالَ رَبِّ إِنَّ ٱبۡنِي مِنۡ أَهۡلِي وَإِنَّ وَعۡدَكَ ٱلۡحَقُّ وَأَنتَ أَحۡكَمُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Open ayah 11:45At si Noah ay nanawagan [o nagsumamo] sa kanyang Panginoon at nagsabing, “O aking Panginoon, katotohanan, ang aking anak ay kabilang sa aking mag-anak. At katotohanan, ang Iyong pangako ay totoo, at Ikaw ang pinakamakatarungan sa mga tagapaghatol.”
قَالَ يَٰنُوحُ إِنَّهُۥ لَيۡسَ مِنۡ أَهۡلِكَۖ إِنَّهُۥ عَمَلٌ غَيۡرُ صَٰلِحٖۖ فَلَا تَسۡـَٔلۡنِ مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٌۖ إِنِّيٓ أَعِظُكَ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Open ayah 11:46Siya [ang Allah] ay nagsabi: “O Noah, katotohanan, siya [ang iyong anak] ay hindi kabilang sa iyong mag-anak; katotohanan, siya ay isa [na ang] kanyang gawa ay hindi matwid, kaya huwag mo Akong pakiusapan sa anumang wala kang kaalaman. Ikaw ay Aking pinagpapayuhan upang ikaw ay huwag na di-mapabilang sa mga mangmang.”
قَالَ رَبِّ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِكَ أَنۡ أَسۡـَٔلَكَ مَا لَيۡسَ لِي بِهِۦ عِلۡمٞۖ وَإِلَّا تَغۡفِرۡ لِي وَتَرۡحَمۡنِيٓ أَكُن مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Open ayah 11:47Si Noah ay nagsabi: “O aking Panginoon, ako po ay humihingi sa Iyo ng paglingap laban sa anumang wala akong kaalaman. At kung ako po ay hindi Mo patatawarin at kahahabagan, katiyakan na ako ay mapabibilang sa mga nawalan [o naging mga talunan].
قِيلَ يَٰنُوحُ ٱهۡبِطۡ بِسَلَٰمٖ مِّنَّا وَبَرَكَٰتٍ عَلَيۡكَ وَعَلَىٰٓ أُمَمٖ مِّمَّن مَّعَكَۚ وَأُمَمٞ سَنُمَتِّعُهُمۡ ثُمَّ يَمَسُّهُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 11:48Sinabi [ng Allah]: “O Noah, ikaw ay bumaba [sa sasakyang-dagat] nang mapayapa mula sa Amin at ang pagpapala ay sumaiyo at sa mga mamamayang kasama mo nguni’t [may ibang mamamayang kasama mo] na Aming gagawaran ng [pansamantalang] kasiyahan, nguni’t sa huli, isang mahapding parusa ang darating sa kanila mula sa Amin.”
تِلۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهَآ إِلَيۡكَۖ مَا كُنتَ تَعۡلَمُهَآ أَنتَ وَلَا قَوۡمُكَ مِن قَبۡلِ هَٰذَاۖ فَٱصۡبِرۡۖ إِنَّ ٱلۡعَٰقِبَةَ لِلۡمُتَّقِينَ
Open ayah 11:49Ito ay nagmula sa balita ng Ghaib [di-nakikitang pangyayari] na Aming ipinahayag sa iyo [O Muhammad]. Ito ay hindi mo batid, maging ikaw man o ang iyong mamamayan, bago pa man [dumating sa iyo ang kapahayagang] ito. Kaya maging matiisin, katotohanan, [ang pinakamabuting] kahihinatnan ay nakalaan sa mga natatakot [sa Allah].
وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمۡ هُودٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۖ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا مُفۡتَرُونَ
Open ayah 11:50At sa [mga mamamayan ng] ‘Aad [Aming ipinadala] ang kanilang kapatid na si Hud. Siya ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, sambahin ninyo ang Allah, wala kayong ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Kayo ay walang anupaman maliban sa mga taong mapaglubid [ng kasinungalingan].”
يَٰقَوۡمِ لَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًاۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱلَّذِي فَطَرَنِيٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Open ayah 11:51“O aking mga mamamayan, wala akong kahilingan sa inyo para rito [sa mensahe] ng anumang kabayaran. Ang aking kabayaran ay magmumula sa Kanya na Siyang lumikha sa akin. Hindi ba kayo, kung gayon makauunawa?”
وَيَٰقَوۡمِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا وَيَزِدۡكُمۡ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمۡ وَلَا تَتَوَلَّوۡاْ مُجۡرِمِينَ
Open ayah 11:52“At O aking mga mamamayan, humingi kayo ng kapatawaran sa inyong Panginoon, magbalik-loob kayo sa Kanya. Siya ay magpapadala sa inyo ng pag-ambon [ng ulan] mula sa langit at Kanyang daragdagan ang inyong [dating] lakas ng ibayong lakas, kaya huwag kayong magsitalikod bilang mga mapaggawa ng kabuktutan.”
قَالُواْ يَٰهُودُ مَا جِئۡتَنَا بِبَيِّنَةٖ وَمَا نَحۡنُ بِتَارِكِيٓ ءَالِهَتِنَا عَن قَوۡلِكَ وَمَا نَحۡنُ لَكَ بِمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 11:53Sila [ang mga di-naniniwala] ay nagsabi: “O Hud, ikaw ay walang dinalang katibayan sa amin at hindi namin tatalikdan [o iiwanan] ang aming mga [sinasambang] diyos para lamang sa iyong sinasabi! At kami ay hindi naniniwala sa iyo.”
إِن نَّقُولُ إِلَّا ٱعۡتَرَىٰكَ بَعۡضُ ءَالِهَتِنَا بِسُوٓءٖۗ قَالَ إِنِّيٓ أُشۡهِدُ ٱللَّهَ وَٱشۡهَدُوٓاْ أَنِّي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُشۡرِكُونَ
Open ayah 11:54“Kami ay nagsasabi lamang na ang ibang mga diyos namin ay nagdulot sa iyo ng kasamaan [o kabaliwan].” Siya ay nagsabi: “Katotohanan, ako ay nanawagan sa Allah upang sumaksi, at kayo ay sumaksi na ako ay malaya mula sa anumang inyong itinatambal,
مِن دُونِهِۦۖ فَكِيدُونِي جَمِيعٗا ثُمَّ لَا تُنظِرُونِ
Open ayah 11:55Bukod sa Kanya. Kaya, gumawa kayo ng balakin nang magkakasama laban sa akin, pagkaraan ay huwag ninyo akong bigyan ng palugit.
إِنِّي تَوَكَّلۡتُ عَلَى ٱللَّهِ رَبِّي وَرَبِّكُمۚ مَّا مِن دَآبَّةٍ إِلَّا هُوَ ءَاخِذُۢ بِنَاصِيَتِهَآۚ إِنَّ رَبِّي عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 11:56Katotohanan, ako ay nagtitiwala sa Allah, na Siyang aking Panginoon at inyong Panginoon at walang isang nilikha maliban na Siya ang [may Kapangyarihang] pumigil [o tumangan sa noo] nito. Katotohanan, ang aking Panginoon ay [nasa] matuwid na landas.”
فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقَدۡ أَبۡلَغۡتُكُم مَّآ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦٓ إِلَيۡكُمۡۚ وَيَسۡتَخۡلِفُ رَبِّي قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ وَلَا تَضُرُّونَهُۥ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ رَبِّي عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَفِيظٞ
Open ayah 11:57“Kaya, kung kayo man ay magsitalikod, katiyakan, aking naihatid na ang anumang [mensaheng] ipinadala sa akin para sa inyo. Ang aking Panginoon ay magpapalit ng ibang mga mamamayan [o salinlahi] bukod sa inyo, at Siya ay hindi ninyo mapipinsala kahit anupaman. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Tagapagbantay sa lahat ng bagay.”
وَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا هُودٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَنَجَّيۡنَٰهُم مِّنۡ عَذَابٍ غَلِيظٖ
Open ayah 11:58At nang dumating ang Aming Kautusan [upang wasakin ang mamamayang A’ad], Aming iniligtas si Hud at yaong mga naniwala na kasama niya sa pamamagitan ng habag mula sa Amin. At sila ay Aming iniligtas mula sa mahigpit na parusa.
وَتِلۡكَ عَادٞۖ جَحَدُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ وَعَصَوۡاْ رُسُلَهُۥ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَمۡرَ كُلِّ جَبَّارٍ عَنِيدٖ
Open ayah 11:59At ito ang [mamamayan ng] ‘Aad, kanilang tinanggihan ang ayaat [kapahayagan o babala] ng kanilang Panginoon at kanilang sinuway ang Kanyang Sugo at kanilang sinunod ang kautusan ng bawa’t malupit [at] mapaniil.
وَأُتۡبِعُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا لَعۡنَةٗ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَآ إِنَّ عَادٗا كَفَرُواْ رَبَّهُمۡۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّعَادٖ قَوۡمِ هُودٖ
Open ayah 11:60At [sanhi nito] sila ay sinundan ng sumpa sa mundong ito at [maging] sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Walang alinlangan! Katotohanan ang [mga mamamayang] ‘Aad ay hindi naniwala sa kanilang Panginoon. Kaya, malayo [sa habag ng Allah] ang ‘Aad, ang mga mamamayan ni Hud.
۞وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ هُوَ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَٱسۡتَعۡمَرَكُمۡ فِيهَا فَٱسۡتَغۡفِرُوهُ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِۚ إِنَّ رَبِّي قَرِيبٞ مُّجِيبٞ
Open ayah 11:61At ang [Tribu ng] Thamud [Aming ipinadala] ang kanilang kapatid na si Salih. Siya ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, inyong sambahin ang Allah: wala kayong ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Kayo ay Kanyang pinalitaw [o nilikha] mula sa lupa at kayo ay Kanyang ginawang manirahan [mamuhay] dito, kaya humingi kayo ng kapatawaran sa Kanya at magbalik-loob kayo sa Kanya sa pagsisisi. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Malapit [sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman], Siya ay Mapagtugon [ng dalangin].”
قَالُواْ يَٰصَٰلِحُ قَدۡ كُنتَ فِينَا مَرۡجُوّٗا قَبۡلَ هَٰذَآۖ أَتَنۡهَىٰنَآ أَن نَّعۡبُدَ مَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَا وَإِنَّنَا لَفِي شَكّٖ مِّمَّا تَدۡعُونَآ إِلَيۡهِ مُرِيبٖ
Open ayah 11:62Sila [ang mga mamamayan] ay nagsabi: “O Salih, ikaw ay naging kasama namin bilang bagong pag-asa bago pa man [mangyari] ito. Kami ba ay iyong pinagbabawalan [ngayon] na sambahin kung ano ang [dating] sinamba ng aming mga ninuno? Tunay na kami ay nag-aagam-agam hinggil sa anumang ipinag-aanyaya mo sa amin.”
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَءَاتَىٰنِي مِنۡهُ رَحۡمَةٗ فَمَن يَنصُرُنِي مِنَ ٱللَّهِ إِنۡ عَصَيۡتُهُۥۖ فَمَا تَزِيدُونَنِي غَيۡرَ تَخۡسِيرٖ
Open ayah 11:63Siya [si Salih] ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, isinaalang- alang ba ninyo] ito: kung ako ba ay nasa malinaw na katibayan mula sa aking Panginoon, at ang isang habag [ang pagiging Propeta] ay dumating sa akin mula sa Kanya, sino ba ang makapangangalaga sa akin mula sa Allah kung ako ay sumuway sa Kanya? Kaya, wala kayong maidaragdag sa akin kundi kawalan.
وَيَٰقَوۡمِ هَٰذِهِۦ نَاقَةُ ٱللَّهِ لَكُمۡ ءَايَةٗۖ فَذَرُوهَا تَأۡكُلۡ فِيٓ أَرۡضِ ٱللَّهِۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابٞ قَرِيبٞ
Open ayah 11:64At O aking mga mamamayan! Ito ang babaing kamelyo ng Allah – [ito] ay isang palatandaan para sa inyo. Kaya, hayaan siyang manginain sa lupain ng Allah, at huwag ninyong dulutan ito ng [anumang] pananakit, kundi kayo ay dudulutan ng isang nagbabadyang parusa.”
فَعَقَرُوهَا فَقَالَ تَمَتَّعُواْ فِي دَارِكُمۡ ثَلَٰثَةَ أَيَّامٖۖ ذَٰلِكَ وَعۡدٌ غَيۡرُ مَكۡذُوبٖ
Open ayah 11:65Nguni’t, ito ay kanilang nilumpo [o pinilay at pagkaraa’y pinatay]. Kaya, siya ay nagsabi: “Magpakasaya kayo sa inyong mga tahanan nang tatlong araw. Iyan ay pangako na walang kasinungalingan.”
فَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا صَٰلِحٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَمِنۡ خِزۡيِ يَوۡمِئِذٍۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡعَزِيزُ
Open ayah 11:66Kaya, nang ang Aming kautusan ay dumating, Aming iniligtas si Salih at yaong mga naniwala na kanyang kasama sa pamamagitan ng habag mula sa Amin, at [sila ay iniligtas] mula sa kaaba-abang Araw na iyon. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Siyang Malakas, ang Ganap na Makapangyarihan.
وَأَخَذَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلصَّيۡحَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دِيَٰرِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Open ayah 11:67At yaong mga mapaggawa ng kamalian ay dinatnan ng isang as- sayhah, kaya sila ay nakahandusay [na walang buhay] sa loob ng kanilang mga pamamahay.
كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَآۗ أَلَآ إِنَّ ثَمُودَاْ كَفَرُواْ رَبَّهُمۡۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّثَمُودَ
Open ayah 11:68Na wari bang sila ay hindi kailanman nanagana [o namuhay nang maayos] doon. Walang alinlangan, ang mga mamamayan ng Thamud ay hindi naniwala sa kanilang Panginoon. Kaya, malayo [sa habag ng Allah] ang [Tribu ng] Thamud!
وَلَقَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُنَآ إِبۡرَٰهِيمَ بِٱلۡبُشۡرَىٰ قَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞۖ فَمَا لَبِثَ أَن جَآءَ بِعِجۡلٍ حَنِيذٖ
Open ayah 11:69At katiyakan, dumating ang Aming mga sugo [mga anghel] kay Abraham na may dalang magandang balita. Sila ay nagsabi [sa kanya ng]: “Salaam” [kapayapaan sa iyo]. Siya ay sumagot, “Salaamun” [kapayapaan sa inyo!] at [siya ay] hindi nag-atubiling maghain [sa kanila] ng inihaw na baka.
فَلَمَّا رَءَآ أَيۡدِيَهُمۡ لَا تَصِلُ إِلَيۡهِ نَكِرَهُمۡ وَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۚ قَالُواْ لَا تَخَفۡ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمِ لُوطٖ
Open ayah 11:70Nguni’t nang nakita niyang ito [ang inihaw na baka] ay hindi inabot ng kanilang mga kamay, sila ay kanyang pinaghinalaan, at nakaramdam ng takot mula sa kanila. Sila [mga anghel] ay nagsabi: “Huwag kang matakot, kami ay ipinadala sa mga mamamayan ni Lot.”
وَٱمۡرَأَتُهُۥ قَآئِمَةٞ فَضَحِكَتۡ فَبَشَّرۡنَٰهَا بِإِسۡحَٰقَ وَمِن وَرَآءِ إِسۡحَٰقَ يَعۡقُوبَ
Open ayah 11:71At ang kanyang asawa ay nakatayo [roon], at siya ay nakangiti. Kaya, Aming ibinigay sa kanya ang magandang balita [ng pagkakaroon niya ng anak na] si Isaak, at pagkaraan ni Isaak, si Hakob.
قَالَتۡ يَٰوَيۡلَتَىٰٓ ءَأَلِدُ وَأَنَا۠ عَجُوزٞ وَهَٰذَا بَعۡلِي شَيۡخًاۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٌ عَجِيبٞ
Open ayah 11:72Siya [ang asawa ni Abraham ay nagtatakang] nagsabi: “Kasawian sa akin! Ako ba ay manganganak pa samantalang ako ay matanda na, at itong aking asawa ay matanda [na rin]? Katotohanan, ito ay isang kamangha-manghang bagay!”
قَالُوٓاْ أَتَعۡجَبِينَ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِۖ رَحۡمَتُ ٱللَّهِ وَبَرَكَٰتُهُۥ عَلَيۡكُمۡ أَهۡلَ ٱلۡبَيۡتِۚ إِنَّهُۥ حَمِيدٞ مَّجِيدٞ
Open ayah 11:73Sila [ang mga anghel] ay nagsabi: “Ikaw ba [O Sarah] ay namangha sa [itinakdang] kautusan ng Allah? Nawa’y ang habag ng Allah at ang Kanyang pagpapala ay sumainyo, O mag-anak ng tahanang ito [ni Abraham]. Katotohanan, Siya [ang Allah] ay Kapuri-puri, ang Marangal.”
فَلَمَّا ذَهَبَ عَنۡ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلرَّوۡعُ وَجَآءَتۡهُ ٱلۡبُشۡرَىٰ يُجَٰدِلُنَا فِي قَوۡمِ لُوطٍ
Open ayah 11:74Kaya, nang ang matinding bagabag ay naglaho kay Abraham, at ang magandang balita ay dumating sa kanya, siya ay nagsimulang makipagtalo sa Amin [sa Aming mga sugong anghel] hinggil sa mga mamamayan ni Lot.
إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ لَحَلِيمٌ أَوَّٰهٞ مُّنِيبٞ
Open ayah 11:75Katotohanan, si Abraham, ay mapagparaya, mapagsumamo, at [laging] nagbabalik-loob [sa Allah].
يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ أَعۡرِضۡ عَنۡ هَٰذَآۖ إِنَّهُۥ قَدۡ جَآءَ أَمۡرُ رَبِّكَۖ وَإِنَّهُمۡ ءَاتِيهِمۡ عَذَابٌ غَيۡرُ مَرۡدُودٖ
Open ayah 11:76[Ang mga anghel ay nagsabi]: “O Abraham, iyong layuan ito [ang pagsusumamo para sa kanila]. Katotohanan, ang Kautusan ng iyong Panginoon ay sumapit na. At katotohanan, sila ay aabutan ng isang parusang hindi maaaring pigilin [o iwasan].
وَلَمَّا جَآءَتۡ رُسُلُنَا لُوطٗا سِيٓءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعٗا وَقَالَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَصِيبٞ
Open ayah 11:77At nang ang Aming mga sugo [mga anghel] ay dumating kay Lot, siya ay nalungkot para sa kanila [sa mga anghel] at nakaramdam para sa kanila ng kahihiyan. Siya ay nagsabi: “Ito ay isang nakapanlulumong araw.”
وَجَآءَهُۥ قَوۡمُهُۥ يُهۡرَعُونَ إِلَيۡهِ وَمِن قَبۡلُ كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِي هُنَّ أَطۡهَرُ لَكُمۡۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ فِي ضَيۡفِيٓۖ أَلَيۡسَ مِنكُمۡ رَجُلٞ رَّشِيدٞ
Open ayah 11:78At ang kanyang mga mamamayan ay humahangos na dumating sa kanya, at bago pa man [maganap ang pangyayaring ito] sila ay gumagawa na ng mga kasamaan [ng sodomiya], siya ay nagsabi [sa kanila]: “O aking mga mamamayan! Naririto ang aking mga anak na babae, sila ay higit na dalisay para sa inyo. Kaya, matakot kayo sa Allah at huwag ninyo akong hiyain sa aking mga panauhin! Wala bang kahit isang lalaki sa inyo na may matwid na pag-iisip?
قَالُواْ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَا لَنَا فِي بَنَاتِكَ مِنۡ حَقّٖ وَإِنَّكَ لَتَعۡلَمُ مَا نُرِيدُ
Open ayah 11:79Sila ay nagsabi [kay Lot]: “Katiyakan, iyong nababatid na kami ay walang pagnanasa sa iyong mga anak na babae, at tunay nga, na iyong nababatid kung ano ang aming pinagnanasaan.”
قَالَ لَوۡ أَنَّ لِي بِكُمۡ قُوَّةً أَوۡ ءَاوِيٓ إِلَىٰ رُكۡنٖ شَدِيدٖ
Open ayah 11:80Siya [si Lot] ay nagsabi: “Kung ako lamang ay may taglay na lakas laban sa inyo, o kaya ako ay makakuha ng mahigpit na tangkilik [upang kayo ay pigilin].”
قَالُواْ يَٰلُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَن يَصِلُوٓاْ إِلَيۡكَۖ فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٌ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَۖ إِنَّهُۥ مُصِيبُهَا مَآ أَصَابَهُمۡۚ إِنَّ مَوۡعِدَهُمُ ٱلصُّبۡحُۚ أَلَيۡسَ ٱلصُّبۡحُ بِقَرِيبٖ
Open ayah 11:81Sila [ang mga anghel] ay nagsabi: “O Lot, katotohanan, kami ay mga sugong mula sa iyong Panginoon, ikaw ay hindi nila maaabutan! Kaya, ikaw ay maglakbay kasama ng iyong mag-anak sa isang bahagi ng gabi, at huwag mong hayaang ang sinuman sa inyo na lumingon sa likuran; - maliban sa iyong asawa; katotohanan, siya ay tatamaan ng anumang [parusang] ibabato sa kanila. Katotohanan, ang umaga ang itinakdang oras para sa kanila. Hindi ba ang umaga ay papalapit na?”
فَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا جَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهَا حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٖ مَّنضُودٖ
Open ayah 11:82Kaya, nang ang Aming Kautusan ay dumating, ang pinakamataas na bahagi [ng bayan ng Sodom sa Palestine] ay Aming ginawang pinakamababang [bahagi nito], at sila ay pinaulanan ng mga pinagpatung-patong na batong luad [na pinatigas],
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَۖ وَمَا هِيَ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ بِبَعِيدٖ
Open ayah 11:83[Ang mga batong ito] ay nilagyan ng pananda ng iyong Panginoon; at [ang mga] ito ay hindi nalalayo mula sa mga taong mapaggawa ng kamalian.
۞وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ وَلَا تَنقُصُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَۖ إِنِّيٓ أَرَىٰكُم بِخَيۡرٖ وَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٖ مُّحِيطٖ
Open ayah 11:84At sa mga mamamayan ng Madyan [Aming isinugo] ang kanilang kapatid na si Shu’aib. Siya ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, inyong sambahin ang Allah, wala kayong ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, at huwag kayong magbigay ng kakulangan sa panukat at pagtimbang. Nakikita ko ang inyong kaunlaran, nguni’t katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang isang parusa ng Araw na pumapalibot.
وَيَٰقَوۡمِ أَوۡفُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
Open ayah 11:85“At O aking mga mamamayan, magbigay kayo ng wastong sukat at timbang sa [paraang] makatarungan at huwag ninyong ipagkait sa mga tao ang kanilang karapatan, at huwag kayong gumawa ng kaguluhan sa lupain, na naghahasik ng katiwalian.
بَقِيَّتُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَۚ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيۡكُم بِحَفِيظٖ
Open ayah 11:86“Anumang pinanatili [o ginawang marapat at pinahintulutan] ng Allah ay makabubuti para sa inyo, kung tunay na kayo ay naniniwala. At ako ay hindi isang tagapagbantay sa inyo.”
قَالُواْ يَٰشُعَيۡبُ أَصَلَوٰتُكَ تَأۡمُرُكَ أَن نَّتۡرُكَ مَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَآ أَوۡ أَن نَّفۡعَلَ فِيٓ أَمۡوَٰلِنَا مَا نَشَٰٓؤُاْۖ إِنَّكَ لَأَنتَ ٱلۡحَلِيمُ ٱلرَّشِيدُ
Open ayah 11:87Sila ay nagsabi: “O Shu'aib! Ang iyo bang pagdarasal ay nag-uutos sa iyo na aming nararapat talikdan kung ano ang dating sinasamba ng aming mga ninuno, at [nag-uutos na] huwag naming gawin ang anumang aming nais para sa aming mga yaman? Katotohanan, ikaw ay mapagparaya, ang may matwid na pag-iisip!”
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَرَزَقَنِي مِنۡهُ رِزۡقًا حَسَنٗاۚ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أُخَالِفَكُمۡ إِلَىٰ مَآ أَنۡهَىٰكُمۡ عَنۡهُۚ إِنۡ أُرِيدُ إِلَّا ٱلۡإِصۡلَٰحَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُۚ وَمَا تَوۡفِيقِيٓ إِلَّا بِٱللَّهِۚ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ أُنِيبُ
Open ayah 11:88Siya [si Shu’aib] ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, isinaalang- alang ba ninyo ito: kung ako ba ay nasa malinaw na katibayan mula sa aking Panginoon, at Siya ay nagkaloob sa akin ng mabuting panustos mula sa Kanya? At ako ay walang hangarin upang kayo ay labagin sa anumang ipinagbawal ko sa inyo. Hangad ko lamang ang pagsasaayos sa abot ng aking kakayahan. At ang aking tagumpay ay hindi nagmula sa iba kundi sa pamamagitan ng Allah. Sa Kanya, ako ay nagtitiwala at sa Kanya ako ay nagbabalik [sa pagsisisi].
وَيَٰقَوۡمِ لَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شِقَاقِيٓ أَن يُصِيبَكُم مِّثۡلُ مَآ أَصَابَ قَوۡمَ نُوحٍ أَوۡ قَوۡمَ هُودٍ أَوۡ قَوۡمَ صَٰلِحٖۚ وَمَا قَوۡمُ لُوطٖ مِّنكُم بِبَعِيدٖ
Open ayah 11:89“O aking mga mamamayan, huwag ninyong hayaang ang inyong pagsalangsang sa akin ay maging sanhi upang kayo ay dumanas ng [malagim na sakunang] katulad ng dinanas ng mga mamamayan nina Noah, Hud at Salih. At ang mga mamamayan ni Lot ay hindi nalalayo sa inyo.
وَٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِۚ إِنَّ رَبِّي رَحِيمٞ وَدُودٞ
Open ayah 11:90At humingi kayo ng kapatawaran sa inyong Panginoon at magbalik- loob kayo sa Kanya sa pagsisisi. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Maawain, Mapagmahal.
قَالُواْ يَٰشُعَيۡبُ مَا نَفۡقَهُ كَثِيرٗا مِّمَّا تَقُولُ وَإِنَّا لَنَرَىٰكَ فِينَا ضَعِيفٗاۖ وَلَوۡلَا رَهۡطُكَ لَرَجَمۡنَٰكَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡنَا بِعَزِيزٖ
Open ayah 11:91Sila ay nagsabi: “O Shu’aib, hindi namin gaanong naunawaan ang karamihan sa iyong mga sinasabi, at tunay na aming nakikita na ikaw ay kabilang sa mga mahihina mula sa amin. Kung hindi lamang sa iyong mag-anak, katiyakan, ikaw ay aming binato [hanggang ikaw ay mamatay] at para sa amin, ikaw ay walang kapangyarihan [laban sa amin].”
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَهۡطِيٓ أَعَزُّ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱللَّهِ وَٱتَّخَذۡتُمُوهُ وَرَآءَكُمۡ ظِهۡرِيًّاۖ إِنَّ رَبِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ
Open ayah 11:92Siya ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, ang aking mag-anak ba ay higit na matimbang sa inyo sa kapangyarihan kaysa sa Allah? At Siya [ang Allah] ay inyong pinagwalang-halaga. Katotohanan, nasasaklawan ng aking Panginoon ang anumang inyong ginagawa.
وَيَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَٰمِلٞۖ سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَمَنۡ هُوَ كَٰذِبٞۖ وَٱرۡتَقِبُوٓاْ إِنِّي مَعَكُمۡ رَقِيبٞ
Open ayah 11:93“At O aking mga mamamayan, magsigawa kayo nang ayon sa inyong katayuan, at tunay na ako ay gumagawa [nang ayon sa aking sariling katayuan]. [Hindi maglalaon] inyong mababatid kung sino ang aabutan ng parusa na magbibigay ng kahihiyan sa kanya at kung sino ang sinungaling. At kayo ay magmatyag. Katotohanan, ako ay kasama ninyong nagmamatyag [sa kahihinatnan nito].”
وَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا شُعَيۡبٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَأَخَذَتِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلصَّيۡحَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دِيَٰرِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Open ayah 11:94At nang ang Aming kautusan ay dumating, Aming iniligtas si Shu'aib at yaong mga naniwala na kasama niya sa pamamagitan ng habag mula sa Amin. At yaong mga mapaggawa ng kamalian ay hinablot ng isang as- sayhah, at sila ay nakahandusay [na walang buhay] sa loob ng kanilang mga pamamahay,
كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَآۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّمَدۡيَنَ كَمَا بَعِدَتۡ ثَمُودُ
Open ayah 11:95Na wari bang sila ay hindi nanagana [at nanirahan nang maayos] doon. Kaya, [sila ay malayo sa habag ng Allah] at naglaho ang mga mamamayan ng Midyan tulad ng paglaho ng [Tribu ng] Thamud.
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
Open ayah 11:96At katiyakan, Aming isinugo si Moises na may dalang ayaat [mga kapahayagan, himala] at isang malinaw na batayan,
إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱتَّبَعُوٓاْ أَمۡرَ فِرۡعَوۡنَۖ وَمَآ أَمۡرُ فِرۡعَوۡنَ بِرَشِيدٖ
Open ayah 11:97[Patungo] kay Paraon at sa kanyang mga bantog na pinuno, nguni’t kanilang sinunod ang kautusan ni Paraon, at ang kautusan ni Paraon ay hindi matuwid [na kautusan].
يَقۡدُمُ قَوۡمَهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَأَوۡرَدَهُمُ ٱلنَّارَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡوِرۡدُ ٱلۡمَوۡرُودُ
Open ayah 11:98Siya ang mangunguna sa kanyang mga mamamayan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, at siya ang magdadala sa kanila patungong Apoy, sadyang napakasamang pook na pagdadalhan sa kanila.
وَأُتۡبِعُواْ فِي هَٰذِهِۦ لَعۡنَةٗ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ بِئۡسَ ٱلرِّفۡدُ ٱلۡمَرۡفُودُ
Open ayah 11:99At sila ay sinundan dito [sa mundong ito] ng sumpa at maging sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. At sadyang napakasama ng handog na ipinagkaloob.
ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡقُرَىٰ نَقُصُّهُۥ عَلَيۡكَۖ مِنۡهَا قَآئِمٞ وَحَصِيدٞ
Open ayah 11:100Iyan ay mula sa mga balita [o pangyayari] ng mga bayan na Aming isinalaysay sa iyo [O Muhammad]. Ang ilan sa mga ito ay nakatayo pa [may bakas pang nalalabi], at ang ilan naman ay naglaho [o gumuho] na.
وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡۖ فَمَآ أَغۡنَتۡ عَنۡهُمۡ ءَالِهَتُهُمُ ٱلَّتِي يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖ لَّمَّا جَآءَ أَمۡرُ رَبِّكَۖ وَمَا زَادُوهُمۡ غَيۡرَ تَتۡبِيبٖ
Open ayah 11:101At sila ay hindi Namin ginawan ng kamalian, bagkus kanilang ginawan ng kamalian ang kanilang mga sarili. At sila ay hindi natulungan ng kanilang [itinuturing na] mga diyos na kanilang dinadalanginan bukod sa Allah nang dumating ang Kautusan ng iyong Panginoon. At walang nakaragdag sa kanila maliban sa kapariwaraan.
وَكَذَٰلِكَ أَخۡذُ رَبِّكَ إِذَآ أَخَذَ ٱلۡقُرَىٰ وَهِيَ ظَٰلِمَةٌۚ إِنَّ أَخۡذَهُۥٓ أَلِيمٞ شَدِيدٌ
Open ayah 11:102At ganyan ang pananalanta ng iyong Panginoon nang Kanyang salantain [o patawan ng parusa] ang [mamamayan ng] mga bayan habang sila ay gumagawa ng kamalian. Katotohanan, ang Kanyang pananalanta ay mahapdi, [at] matindi.
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّمَنۡ خَافَ عَذَابَ ٱلۡأٓخِرَةِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمٞ مَّجۡمُوعٞ لَّهُ ٱلنَّاسُ وَذَٰلِكَ يَوۡمٞ مَّشۡهُودٞ
Open ayah 11:103Katotohanan, naririto ang isang aral para sa mga natatakot sa parusa ng kabilang buhay. Iyan ang Araw na kung saan ang sangkatauhan ay titipuning magkakasama, at iyan ang Araw na sasaksihan [ng lahat].
وَمَا نُؤَخِّرُهُۥٓ إِلَّا لِأَجَلٖ مَّعۡدُودٖ
Open ayah 11:104At hindi Namin ipinagpapaliban ito maliban para sa isang takdang panahon.
يَوۡمَ يَأۡتِ لَا تَكَلَّمُ نَفۡسٌ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦۚ فَمِنۡهُمۡ شَقِيّٞ وَسَعِيدٞ
Open ayah 11:105Sa Araw na ito ay dumating, walang kaluluwa ang maaaring mangusap maliban sa Kanyang kapahintulutan. Kaya, kabilang sa kanila ay yaong mga sawimpalad at mga mapapalad.
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ شَقُواْ فَفِي ٱلنَّارِ لَهُمۡ فِيهَا زَفِيرٞ وَشَهِيقٌ
Open ayah 11:106At para sa kanila na [naitakdang maging] sawimpalad, sila ay maninirahan sa Apoy, [at] doon, sila ay may [mararahas na] buntong- hininga.
خَٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَۚ إِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٞ لِّمَا يُرِيدُ
Open ayah 11:107Sila ay mamalagi roon nang walang hanggan habang nananatili ang mga kalangitan at kalupaan maliban kung ano ang pahintulutan ng iyong Panginoon. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Tagapaggawa ng anumang Kanyang hinahangad.
۞وَأَمَّا ٱلَّذِينَ سُعِدُواْ فَفِي ٱلۡجَنَّةِ خَٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَۖ عَطَآءً غَيۡرَ مَجۡذُوذٖ
Open ayah 11:108At para sa kanila na [naitakdang] maging mapapalad, sila ay maninirahan sa Paraiso, mamamalagi roon nang walang hanggan habang nananatili ang mga kalangitan at kalupaan maliban kung ano ang pahintulutan ng iyong Panginoon – [ito ay] isang paggawad [ng pagpapala] na walang maliw.
فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةٖ مِّمَّا يَعۡبُدُ هَٰٓؤُلَآءِۚ مَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُهُم مِّن قَبۡلُۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمۡ نَصِيبَهُمۡ غَيۡرَ مَنقُوصٖ
Open ayah 11:109Kaya, huwag kang mag-alinlangan [O Muhammad] sa anumang sinasamba ng mga [nagtatambal na] ito. Sila ay walang sinasamba kundi katulad ng mga [dating] sinasamba ng kanilang mga ninuno noon. At katotohanan, Aming ipagkakaloob sa kanila ang kanilang [kaukulang] bahagi [ng kasalanan] nang walang kakulangan.
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَٱخۡتُلِفَ فِيهِۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ
Open ayah 11:110At katiyakan, Aming ipinagkaloob ang kasulatan kay Moises, nguni't ito ay naghatid ng di-pagkaunawaan [sa kanilang pagitan], at kung hindi lamang para sa isang paunang salita [o takda] mula sa iyong Panginoon, marahil ang pangyayari ay malaon ng nahatulan sa pagitan nila, at tunay nga na sila ay nasa malubhang pag-aagam-agam hinggil dito [sa Qur’an].
وَإِنَّ كُلّٗا لَّمَّا لَيُوَفِّيَنَّهُمۡ رَبُّكَ أَعۡمَٰلَهُمۡۚ إِنَّهُۥ بِمَا يَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Open ayah 11:111At katotohanan, bawa’t isa sa kanila [naniniwala o di-naniniwala] ay babayaran nang lubusan ng iyong Panginoon para sa kanilang mga gawa. Katotohanan, Siya ang Ganap na Nakababatid ng anumang kanilang ginagawa.
فَٱسۡتَقِمۡ كَمَآ أُمِرۡتَ وَمَن تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطۡغَوۡاْۚ إِنَّهُۥ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Open ayah 11:112Kaya, manindigan [o tumahak sa tamang landas] tulad ng ipinag- utos sa iyo at sa mga kasamahan mong nagbalik-loob [sa Allah] at huwag kayong sumuway [sa Kanya]. Katotohanan, Siya ang Ganap na Nakakikita sa anumang inyong ginagawa.
وَلَا تَرۡكَنُوٓاْ إِلَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ فَتَمَسَّكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِنۡ أَوۡلِيَآءَ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ
Open ayah 11:113At huwag ninyong kampihan [o panigan] yaong mga mapaggawa ng kamalian, sapagka’t baka mangyaring ang Apoy ay sumaling sa inyo at kayo ay walang ibang tagapangalaga bukod sa Allah, sa gayon, kayo ay hindi matutulungan.
وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ طَرَفَيِ ٱلنَّهَارِ وَزُلَفٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِۚ إِنَّ ٱلۡحَسَنَٰتِ يُذۡهِبۡنَ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ ذَٰلِكَ ذِكۡرَىٰ لِلذَّٰكِرِينَ
Open ayah 11:114At magsagawa ng pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa ibang bahagi ng gabi. Katotohanan, ang mga mabubuting gawa ay nakapapawi ng mga masasamang gawa. Iyan ang paalala [o payo] para sa mga nakaaalala.
وَٱصۡبِرۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 11:115At ikaw [O Muhammad] ay magtiis; sapagka’t katotohanan, hindi hinahayaan ng Allah na mawala ang gantimpala ng mga mapaggawa ng kabutihan.
فَلَوۡلَا كَانَ مِنَ ٱلۡقُرُونِ مِن قَبۡلِكُمۡ أُوْلُواْ بَقِيَّةٖ يَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡفَسَادِ فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّنۡ أَنجَيۡنَا مِنۡهُمۡۗ وَٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مَآ أُتۡرِفُواْ فِيهِ وَكَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Open ayah 11:116Kaya, kung nagkaroon lamang ng mga salinlahi [o henerasyon] na nauna sa inyo na may taglay na kabutihang nagbabawal sa katiwalian sa kalupaan [subali’t wala] maliban sa mangilan-ngilan lamang na Aming iniligtas mula sa kanila. Nguni’t yaong mga gumawa ng mga kamalian ay nagnasa sa anumang karangyaang ipinagkaloob dito, at sila ay mga [taong] mapaggawa ng kabuktutan.
وَمَا كَانَ رَبُّكَ لِيُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ بِظُلۡمٖ وَأَهۡلُهَا مُصۡلِحُونَ
Open ayah 11:117At hindi wawasakin ng iyong Panginoon ang mga pamayanan [o mga bayan] nang di-makatarungan kung ang mga mamamayan nito ay mapaggawa ng matwid.
وَلَوۡ شَآءَ رَبُّكَ لَجَعَلَ ٱلنَّاسَ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗۖ وَلَا يَزَالُونَ مُخۡتَلِفِينَ
Open ayah 11:118At kung ninais lamang ng iyong Panginoon, Kanyang magagawang pagbuklurin ang sangkatauhan bilang isang Ummah [isang pamayanan at relihiyon], nguni’t sila ay hindi magsisipagtigil sa pagkakaiba.
إِلَّا مَن رَّحِمَ رَبُّكَۚ وَلِذَٰلِكَ خَلَقَهُمۡۗ وَتَمَّتۡ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 11:119Maliban sa kanila na ginawaran ng habag ng iyong Panginoon, at iyan ang dahilan kung bakit sila ay Kanyang nilikha. At [sa pamamagitan nito] ang salita [o takda] ng iyong Panginoon ay naipatutupad: “Katiyakan, Aking pupunuin ang Impiyerno ng mga jinn at mga tao na magkakasama.
وَكُلّٗا نَّقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِۦ فُؤَادَكَۚ وَجَآءَكَ فِي هَٰذِهِ ٱلۡحَقُّ وَمَوۡعِظَةٞ وَذِكۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 11:120At bawa’t [kasaysayan] ay Aming isasalaysay sa iyo [O Muhammad] mula sa balita ng mga sugo upang Aming patatagin ang iyong kalooban. At dito [sa surang ito] ay dumating sa iyo ang katotohanan, at [ito ay nagsilbing] alituntunin at isang paala-ala para sa mga naniniwala.
وَقُل لِّلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنَّا عَٰمِلُونَ
Open ayah 11:121At sabihin sa mga di-naniniwala: “Magsigawa kayo nang ayon sa inyong kalagayan; [sapagka’t] katotohanan, kami ay nagsisigawa [nang ayon sa aming kalagayan].
وَٱنتَظِرُوٓاْ إِنَّا مُنتَظِرُونَ
Open ayah 11:122At kayo ay magsipaghintay; [sapagka’t] katotohanan, kami ay naghihintay [sa kahihinatnan nito].”
وَلِلَّهِ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ يُرۡجَعُ ٱلۡأَمۡرُ كُلُّهُۥ فَٱعۡبُدۡهُ وَتَوَكَّلۡ عَلَيۡهِۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 11:123At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] Ghaib [di-nakikitang bahagi] ng mga kalangitan at kalupaan, at sa Kanya ibinabalik ang lahat ng mga pangyayari [upang pagpasiyahan]. Kaya, sambahin Siya at magtiwala sa Kanya. At ang iyong Panginoon ay hindi nakaliligta sa anumang inyong ginagawa.”