يوسف

Yusuf

Joseph · Surah 12 · Ayahs: 111 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ

    Open ayah 12:1

    Alif,Lam,Ra. Ito ang mga ayaat [talata] ng malinaw na Aklat [Qur’an].

  2. إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ قُرۡءَٰنًا عَرَبِيّٗا لَّعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 12:2

    Katotohanan, Aming ibinaba [o ipinahayag] ito bilang Qur’an sa [wikang] Arabe upang sakali ito ay inyong maunawaan.

  3. نَحۡنُ نَقُصُّ عَلَيۡكَ أَحۡسَنَ ٱلۡقَصَصِ بِمَآ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ وَإِن كُنتَ مِن قَبۡلِهِۦ لَمِنَ ٱلۡغَٰفِلِينَ

    Open ayah 12:3

    Aming isinasalaysay sa iyo [O Muhammad] ang pinakamahusay na mga kasaysayan sa pamamagitan ng anumang Aming ipinahayag sa iyo sa Qur’an na ito bagaman bago pa man ito, ikaw ay kabilang sa mga hindi nakababatid.

  4. إِذۡ قَالَ يُوسُفُ لِأَبِيهِ يَٰٓأَبَتِ إِنِّي رَأَيۡتُ أَحَدَ عَشَرَ كَوۡكَبٗا وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ رَأَيۡتُهُمۡ لِي سَٰجِدِينَ

    Open ayah 12:4

    [Isa sa mga kasaysayang binanggit dito ay] nang sabihin ni Yusuf [Joseph] sa kanyang ama, “O aking ama, katotohanan aking nakita [sa aking panaginip] ang labing-isang bituin, at ang araw at ang buwan, ang mga ito ay nakita kong nagpapatirapa sa akin.”

  5. قَالَ يَٰبُنَيَّ لَا تَقۡصُصۡ رُءۡيَاكَ عَلَىٰٓ إِخۡوَتِكَ فَيَكِيدُواْ لَكَ كَيۡدًاۖ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لِلۡإِنسَٰنِ عَدُوّٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 12:5

    Siya [ang kanyang ama] ay nagsabi: “O aking anak, huwag mong isalaysay sa iyong mga kapatid ang iyong nakita [sa iyong panaginip] baka sila ay magbalak laban sa iyo ng isang [masamang] balakin. Katotohanan, ang satanas ay isang hayag na kaaway ng tao!”

  6. وَكَذَٰلِكَ يَجۡتَبِيكَ رَبُّكَ وَيُعَلِّمُكَ مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِ وَيُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكَ وَعَلَىٰٓ ءَالِ يَعۡقُوبَ كَمَآ أَتَمَّهَا عَلَىٰٓ أَبَوَيۡكَ مِن قَبۡلُ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَۚ إِنَّ رَبَّكَ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 12:6

    At [tulad ng anumang nakita mo sa panaginip ay], ganyan ka rin pipiliin ng iyong Panginoon at ikaw ay Kanyang tuturuan ng pagpapaliwanag ng mga kahulugan ng mga salaysay [na nauukol sa mga panaginip o pangyayari] at Kanyang lulubusin ang Kanyang pagpapala sa iyo at sa mga supling ni Hakob tulad ng Kanyang ginawang paglubos sa iyong dalawang ninuno noon, sina Abraham at Isaak. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Lubos na Maalam, Tigib ng Karunungan.”

  7. ۞لَّقَدۡ كَانَ فِي يُوسُفَ وَإِخۡوَتِهِۦٓ ءَايَٰتٞ لِّلسَّآئِلِينَ

    Open ayah 12:7

    Katiyakan, mayroong mga ayaat [mabubuting aral at tanda] para sa mga nagtatanong [sa kasaysayang nauukol] kay Yusuf at sa kanyang mga kapatid [tulad nito],

  8. إِذۡ قَالُواْ لَيُوسُفُ وَأَخُوهُ أَحَبُّ إِلَىٰٓ أَبِينَا مِنَّا وَنَحۡنُ عُصۡبَةٌ إِنَّ أَبَانَا لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ

    Open ayah 12:8

    Nang sila [mga magkakapatid] ay nagsabing: “Si Yusuf, at ang kanyang kapatid [na si Benyamin] ay higit na minamahal ng ating ama kaysa sa atin samantalang tayo ay iisang angkan [o lipi]. Tunay na ang ating ama ay nasa hayag na kamalian.

  9. ٱقۡتُلُواْ يُوسُفَ أَوِ ٱطۡرَحُوهُ أَرۡضٗا يَخۡلُ لَكُمۡ وَجۡهُ أَبِيكُمۡ وَتَكُونُواْ مِنۢ بَعۡدِهِۦ قَوۡمٗا صَٰلِحِينَ

    Open ayah 12:9

    [Inyong] patayin si Yusuf o siya ay itapon sa ibang lupain; [upang] ang [pagbaling ng] mukha ng inyong ama ay magiging para sa inyo lamang, at pagkaraan nito, kayo ay magiging mga taong matwid.”

  10. قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ لَا تَقۡتُلُواْ يُوسُفَ وَأَلۡقُوهُ فِي غَيَٰبَتِ ٱلۡجُبِّ يَلۡتَقِطۡهُ بَعۡضُ ٱلسَّيَّارَةِ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ 

    Open ayah 12:10

    Sinabi ng isang tagapagsalita mula sa kanila: “Huwag ninyong patayin si Yusuf nguni’t siya ay inyong ihulog sa ilalim ng balon. Siya ay mapupulot ng ibang mga manlalakbay kung inyong magagawa [ang bagay na ito].”

  11. قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا مَا لَكَ لَا تَأۡمَ۬نَّا عَلَىٰ يُوسُفَ وَإِنَّا لَهُۥ لَنَٰصِحُونَ

    Open ayah 12:11

    Sila ay nagsabi: “O aming ama, bakit hindi mo ipagkatiwala sa amin si Yusuf samantalang kami ay kanyang mga [tapat na] tagapagpayo.”

  12. أَرۡسِلۡهُ مَعَنَا غَدٗا يَرۡتَعۡ وَيَلۡعَبۡ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ

    Open ayah 12:12

    “Ipadala mo siya sa amin bukas upang siya ay masiyahan [o makakain nang maayos] at makapaglaro. At katiyakang kami ay kanyang magiging tagapagbantay.”

  13. قَالَ إِنِّي لَيَحۡزُنُنِيٓ أَن تَذۡهَبُواْ بِهِۦ وَأَخَافُ أَن يَأۡكُلَهُ ٱلذِّئۡبُ وَأَنتُمۡ عَنۡهُ غَٰفِلُونَ

    Open ayah 12:13

    Siya [si Hakob] ay nagsabi: “Tunay na aking ikinalulungkot na siya ay inyong dapat isama at ako ay nangangamba na baka siya ay kainin ng isang [mabangis na] lobo habang siya ay hindi ninyo napapansin.

  14. قَالُواْ لَئِنۡ أَكَلَهُ ٱلذِّئۡبُ وَنَحۡنُ عُصۡبَةٌ إِنَّآ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ

    Open ayah 12:14

    Sila ay nagsabi: “Kung siya ay kakainin ng lobo samantalang kami ay [malalakas na] iisang angkan [o lipi], katotohanan, kami ang mga nawalan [o ang mga talunan].”

  15. فَلَمَّا ذَهَبُواْ بِهِۦ وَأَجۡمَعُوٓاْ أَن يَجۡعَلُوهُ فِي غَيَٰبَتِ ٱلۡجُبِّۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِ لَتُنَبِّئَنَّهُم بِأَمۡرِهِمۡ هَٰذَا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 12:15

    Kaya, nang sila ay lumisang kasama siya [si Yusuf], sila ay nagkaisang ilagay siya sa ilalim ng balon, nguni’t [sa oras na iyon] Kami ay nagpahayag sa kanya [kay Yusuf], “Katiyakan na iyong babanggitin sa kanila [sa darating na panahon] ang tungkol sa kanilang gawain [na ito] habang hindi nila namamalayan [ang iyong tunay na pagkatao].”

  16. وَجَآءُوٓ أَبَاهُمۡ عِشَآءٗ يَبۡكُونَ

    Open ayah 12:16

    At sila ay dumating sa kanilang ama sa [oras ng] gabi, na nananangis.

  17. قَالُواْ يَٰٓأَبَانَآ إِنَّا ذَهَبۡنَا نَسۡتَبِقُ وَتَرَكۡنَا يُوسُفَ عِندَ مَتَٰعِنَا فَأَكَلَهُ ٱلذِّئۡبُۖ وَمَآ أَنتَ بِمُؤۡمِنٖ لَّنَا وَلَوۡ كُنَّا صَٰدِقِينَ

    Open ayah 12:17

    Sila ay nagsabi: “O aming ama! Katotohanan, kami ay nag-uunahan sa pagtakbo, at aming naiwan si Yusuf kasama ng aming mga dalahin at siya ay kinain ng isang [mabangis na] lobo, nguni't hindi mo kami paniniwalaan kahit na kami ay makatotohanan.”

  18. وَجَآءُو عَلَىٰ قَمِيصِهِۦ بِدَمٖ كَذِبٖۚ قَالَ بَلۡ سَوَّلَتۡ لَكُمۡ أَنفُسُكُمۡ أَمۡرٗاۖ فَصَبۡرٞ جَمِيلٞۖ وَٱللَّهُ ٱلۡمُسۡتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ

    Open ayah 12:18

    At kanilang dala ang kanyang damit na may kunwaring bahid ng dugo. Siya ay nagsabi: “Nguni’t, kayo ay nag-udyok sa inyong sarili ng isang [kabulaanang] pangyayari, kaya higit na nararapat [sa akin] na ako ay magtiis. At tanging ang Allah lamang ang maaaring hingan ng tulong laban sa anumang inyong [ipinagpipilitang] isalaysay.”

  19. وَجَآءَتۡ سَيَّارَةٞ فَأَرۡسَلُواْ وَارِدَهُمۡ فَأَدۡلَىٰ دَلۡوَهُۥۖ قَالَ يَٰبُشۡرَىٰ هَٰذَا غُلَٰمٞۚ وَأَسَرُّوهُ بِضَٰعَةٗۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 12:19

    At may dumating na isang karaban [lulan nito ay pangkat] ng mga manlalakbay, at kanilang ipinadala ang kanilang tagapagsalok ng tubig at ibinaba nito ang sisidlan [sa balong kinaroroonan ni Yusuf]. Siya ay nagsabi: “Aba! Kay gandang balita! May isang batang lalaki rito.” Kaya, [siya ay] kanilang itinago bilang [aliping] paninda. At ang Allah ay Maalam sa anumang kanilang ginagawa.

  20. وَشَرَوۡهُ بِثَمَنِۭ بَخۡسٖ دَرَٰهِمَ مَعۡدُودَةٖ وَكَانُواْ فِيهِ مِنَ ٱلزَّٰهِدِينَ 

    Open ayah 12:20

    At siya [si Yusuf] ay kanilang ipinagbili sa murang halaga - ilang bilang ng dirham [o salapi] at hinggil sa kanya, sila ay walang pagmamalasakit.

  21. وَقَالَ ٱلَّذِي ٱشۡتَرَىٰهُ مِن مِّصۡرَ لِٱمۡرَأَتِهِۦٓ أَكۡرِمِي مَثۡوَىٰهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوۡ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدٗاۚ وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلِنُعَلِّمَهُۥ مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِۚ وَٱللَّهُ غَالِبٌ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِۦ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 12:21

    At isang [lalaki] mula sa Ehipto na nakabili sa kanya ay nagsabi sa kanyang asawa: “Gawin mong maginhawa ang pananatili [niya] rito, maaaring siya ay magbigay ng pakinabang sa atin o siya ay ating ampunin bilang anak.” At ganyan nga Namin binigyang kakayahan [o ipinamalagi] si Yusuf sa lupain [ng Ehipto] upang siya ay Aming maturuan ng pagpapaliwanag [ng mga kahulugan] ng mga pangyayari [o panaginip]. At ang Allah ang Siyang may Tangan ng Kanyang Takdang Kautusan [o pangyayari], nguni’t karamihan sa tao ay hindi nakababatid.

  22. وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥٓ ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 12:22

    At nang siya ay umabot sa kanyang wastong gulang, siya ay Aming ginawaran ng karunungan at kaalaman [sa pagiging Propeta] at ganyan nga Namin ginagantimpalaan ang mga mapaggawa ng kabutihan.

  23. وَرَٰوَدَتۡهُ ٱلَّتِي هُوَ فِي بَيۡتِهَا عَن نَّفۡسِهِۦ وَغَلَّقَتِ ٱلۡأَبۡوَٰبَ وَقَالَتۡ هَيۡتَ لَكَۚ قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ رَبِّيٓ أَحۡسَنَ مَثۡوَايَۖ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ

    Open ayah 12:23

    At siya [babae], na sa kanyang bahay, siya [si Yusuf] ay naninirahan, ay nagtangkang akitin siya [na gumawa ng kahalayan] at isinara [ng babae] ang mga pintuan at nagsabi: “Halika, ikaw nga!” Siya [si Yusuf] ay nagsabi: “Ako ay humihingi ng paglingap sa Allah. Katotohanan, siya [ang iyong asawa] ay aking pinaglilingkuran [at] kanyang ginawang maginhawa ang aking pananatili rito. [Kaya, hindi ko magagawang siya ay aking pagtaksilan]. Katotohanan, hindi nagtatagumpay ang mga mapaggawa ng kamalian.”

  24. وَلَقَدۡ هَمَّتۡ بِهِۦۖ وَهَمَّ بِهَا لَوۡلَآ أَن رَّءَا بُرۡهَٰنَ رَبِّهِۦۚ كَذَٰلِكَ لِنَصۡرِفَ عَنۡهُ ٱلسُّوٓءَ وَٱلۡفَحۡشَآءَۚ إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُخۡلَصِينَ

    Open ayah 12:24

    At katiyakan na siya ay pinagnasaan nito [ng babae], at siya [si Yusuf] ay [nakarama] rin ng pagnanasa sa kanya, kung hindi lamang niya nakita ang patunay ng kanyang Panginoon. Ganyan nga Namin inilayo sa kanya ang kasamaan at kahalayan. Katotohanan, siya ay isa sa Aming mga [pinili] matapat na alipin.

  25. وَٱسۡتَبَقَا ٱلۡبَابَ وَقَدَّتۡ قَمِيصَهُۥ مِن دُبُرٖ وَأَلۡفَيَا سَيِّدَهَا لَدَا ٱلۡبَابِۚ قَالَتۡ مَا جَزَآءُ مَنۡ أَرَادَ بِأَهۡلِكَ سُوٓءًا إِلَّآ أَن يُسۡجَنَ أَوۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 12:25

    Kaya, sila ay [kapwa] naghabulan sa isa't isa sa may pintuan, at napunit niya [ng babae] ang damit niya [ni Yusuf] sa likuran. Kanilang natagpuan ang asawa niya [ng babae] sa may pintuan at kanyang sinabi [ng babae sa kanyang asawa]: “Ano nga ba ang [maaaring] kabayaran ng isang nagtangka ng kasamaan laban sa iyong asawa maliban na siya ay nararapat ibilanggo o [siya ay patawan] ng isang mahapding parusa?”

  26. قَالَ هِيَ رَٰوَدَتۡنِي عَن نَّفۡسِيۚ وَشَهِدَ شَاهِدٞ مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن قُبُلٖ فَصَدَقَتۡ وَهُوَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ

    Open ayah 12:26

    Siya [si Yusuf] ay nagsabi: “Siya ang nagtangkang tumukso sa akin,” at isang saksi mula sa kanyang pamilya [ay nagsabi] na kung ang kanyang damit ay napunit sa harapan, samakatwid, siya [ang babae] ay nagsasabi ng katotohanan, at siya [si Yusuf] ay kabilang sa mga sinungaling.”

  27. وَإِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٖ فَكَذَبَتۡ وَهُوَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

    Open ayah 12:27

    “At kung ang damit niya [ni Yusuf] ay napunit sa likuran, samakatwid, siya [babae] ay nagsisinungaling at siya [si Yusuf] ay kabilang sa mga makatotohanan.”

  28. فَلَمَّا رَءَا قَمِيصَهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٖ قَالَ إِنَّهُۥ مِن كَيۡدِكُنَّۖ إِنَّ كَيۡدَكُنَّ عَظِيمٞ

    Open ayah 12:28

    Kaya, nang makita niya [ng asawa] na ang damit niya [ni Yusuf] ay napunit sa likuran, siya ay nagsabing: “Katotohanan, ito ay kabilang sa balakin ninyong [mga kababaihan], at katotohanan, ang inyong balakin ay [sadyang] masidhi.”

  29. يُوسُفُ أَعۡرِضۡ عَنۡ هَٰذَاۚ وَٱسۡتَغۡفِرِي لِذَنۢبِكِۖ إِنَّكِ كُنتِ مِنَ ٱلۡخَاطِـِٔينَ

    Open ayah 12:29

    [Si Yusuf ay kanyang sinabihan] “Yusuf, kalimutan mo na ito [tila ba walang nangyari]. [At kanyang sinabihan din ang kanyang asawa na], at ikaw ay humingi ng kapatawaran sa iyong kasalanan. Katotohanan, ikaw ay kabilang sa mga makasalanan.”

  30. ۞وَقَالَ نِسۡوَةٞ فِي ٱلۡمَدِينَةِ ٱمۡرَأَتُ ٱلۡعَزِيزِ تُرَٰوِدُ فَتَىٰهَا عَن نَّفۡسِهِۦۖ قَدۡ شَغَفَهَا حُبًّاۖ إِنَّا لَنَرَىٰهَا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ 

    Open ayah 12:30

    At ang mga kababaihan sa lungsod ay nangagsabi: “Ang asawa ng Aziz [ng pinuno] ay nagtangkang tuksuhin ang kanyang batang [alipin], siya ay kanyang pinukaw ng pagmamahal. Katotohanan, siya [ang babae] ay Aming nakikitang nasa hayag na kamalian.”

  31. فَلَمَّا سَمِعَتۡ بِمَكۡرِهِنَّ أَرۡسَلَتۡ إِلَيۡهِنَّ وَأَعۡتَدَتۡ لَهُنَّ مُتَّكَـٔٗا وَءَاتَتۡ كُلَّ وَٰحِدَةٖ مِّنۡهُنَّ سِكِّينٗا وَقَالَتِ ٱخۡرُجۡ عَلَيۡهِنَّۖ فَلَمَّا رَأَيۡنَهُۥٓ أَكۡبَرۡنَهُۥ وَقَطَّعۡنَ أَيۡدِيَهُنَّ وَقُلۡنَ حَٰشَ لِلَّهِ مَا هَٰذَا بَشَرًا إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا مَلَكٞ كَرِيمٞ

    Open ayah 12:31

    Kaya, nang kanyang marinig ang kanilang paratang, sila ay kanyang ipinatawag at naghanda ng isang piging para sa kanila; binigyan niya ang bawa’t isa sa kanila ng kutsilyo [para sa pagkain], at siya ay nagsabi [kay Yusuf]: “Lumabas ka [at] makiharap sa kanila.” Kaya, nang siya ay kanilang masulyapan, sila ay nabighani [at humanga] sa kanya [sa kakisigan nito] at [sa kanilang labis na paghanga] ay kanilang nahiwa [nang di-sinasadya] ang kanilang mga daliri. Sila ay nagsabi: “Hashaalillaah! Siya [si Yusuf] ay hindi isang tao, kundi, isang marangal na anghel!”

  32. قَالَتۡ فَذَٰلِكُنَّ ٱلَّذِي لُمۡتُنَّنِي فِيهِۖ وَلَقَدۡ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفۡسِهِۦ فَٱسۡتَعۡصَمَۖ وَلَئِن لَّمۡ يَفۡعَلۡ مَآ ءَامُرُهُۥ لَيُسۡجَنَنَّ وَلَيَكُونٗا مِّنَ ٱلصَّٰغِرِينَ

    Open ayah 12:32

    Siya [ang babae] ay nagsabi: “Siya nga [ang lalaki] na inyong isinusumbat sa akin, at nagawa ko ngang siya ay tuksuhin, subali’t siya ay matatag na tumanggi. At kung hindi niya gagawin ang aking ipinag-uutos sa kanya, katiyakan siya ay [aking] ipakukulong, at siya ay mapabibilang sa mga nawalan ng dangal.

  33. قَالَ رَبِّ ٱلسِّجۡنُ أَحَبُّ إِلَيَّ مِمَّا يَدۡعُونَنِيٓ إِلَيۡهِۖ وَإِلَّا تَصۡرِفۡ عَنِّي كَيۡدَهُنَّ أَصۡبُ إِلَيۡهِنَّ وَأَكُن مِّنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ

    Open ayah 12:33

    Siya [si Yusuf] ay nagsabi: “O aking Panginoon, ang bilangguan ay higit na mainam sa akin kaysa sa anumang kanilang ipinag-aanyaya sa akin, at maliban na Iyong ilayo sa akin ang kanilang balakin [pagtatangka], ako ay mahuhulog sa kanilang [pagnanasa] at mapabibilang sa mga mangmang.”

  34. فَٱسۡتَجَابَ لَهُۥ رَبُّهُۥ فَصَرَفَ عَنۡهُ كَيۡدَهُنَّۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

    Open ayah 12:34

    Kaya, tinugon ng kanyang Panginoon ang kanyang panalangin at siya ay inilayo mula sa kanilang [masamang] balakin. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.

  35. ثُمَّ بَدَا لَهُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا رَأَوُاْ ٱلۡأٓيَٰتِ لَيَسۡجُنُنَّهُۥ حَتَّىٰ حِينٖ

    Open ayah 12:35

    Pagkaraan, ito ay lumitaw sa kanila nang matapos nilang makita ang mga patunay [ng kanyang kawalan ng kamalayan], na siya [si Yusuf] ay tiyak na ipabibilanggo niya [ng Aziz] hanggang sa takdang panahon.

  36. وَدَخَلَ مَعَهُ ٱلسِّجۡنَ فَتَيَانِۖ قَالَ أَحَدُهُمَآ إِنِّيٓ أَرَىٰنِيٓ أَعۡصِرُ خَمۡرٗاۖ وَقَالَ ٱلۡأٓخَرُ إِنِّيٓ أَرَىٰنِيٓ أَحۡمِلُ فَوۡقَ رَأۡسِي خُبۡزٗا تَأۡكُلُ ٱلطَّيۡرُ مِنۡهُۖ نَبِّئۡنَا بِتَأۡوِيلِهِۦٓۖ إِنَّا نَرَىٰكَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 12:36

    At siya ay ipiniit sa loob [ng bilangguan] kasama ng dalawang kabataang lalaki. Ang isa sa kanilang dalawa ay nagsabi: “Katotohanan, nakita ko ang aking sarili [sa panaginip] na ako ay nagkakatas ng [mga prutas para gawing] alak.” Ang isa naman ay nagsabi: “Katotohanan, nakita ko ang aking sarili [sa panaginip] na may dala-dalang tinapay sa aking ulo at ang mga ibon ay nagsisikain mula rito.” [Sila ay nagsabi]: “Ipaliwanag mo nga sa amin ang kahulugan nito. Katotohanan, ikaw ay aming nakikitang kabilang ng mga mapaggawa ng kabutihan.

  37. قَالَ لَا يَأۡتِيكُمَا طَعَامٞ تُرۡزَقَانِهِۦٓ إِلَّا نَبَّأۡتُكُمَا بِتَأۡوِيلِهِۦ قَبۡلَ أَن يَأۡتِيَكُمَاۚ ذَٰلِكُمَا مِمَّا عَلَّمَنِي رَبِّيٓۚ إِنِّي تَرَكۡتُ مِلَّةَ قَوۡمٖ لَّا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 12:37

    Siya ay nagsabi: “Hindi kayo makatatanggap ng pagkaing ipinagkakaloob sa inyo maliban na bago dumating ito [ang pagkain] ay aking ipagbibigay-alam sa inyong dalawa ang kahulugan nito [ng inyong panaginip]. Iyan ay nagmula sa anumang itinuro ng aking Panginoon sa akin. Katotohanan, aking tinalikdan ang relihiyon ng mga taong di- naniniwala sa Allah at sila ay mga di-naniniwala [hinggil] sa kabilang buhay.

  38. وَٱتَّبَعۡتُ مِلَّةَ ءَابَآءِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَۚ مَا كَانَ لَنَآ أَن نُّشۡرِكَ بِٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۚ ذَٰلِكَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ عَلَيۡنَا وَعَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ

    Open ayah 12:38

    At aking sinunod ang relihiyon ng aking mga ninuno, sina Abraham, Isaak at Hakob, at kailanman ay hindi kami nagtambal ng anumang bagay sa Allah. Iyan ay mula sa pagpapala ng Allah sa amin at sa sangkatauhan, nguni’t karamihan sa mga tao ay walang [isinusukling] pasasalamat.

  39. يَٰصَٰحِبَيِ ٱلسِّجۡنِ ءَأَرۡبَابٞ مُّتَفَرِّقُونَ خَيۡرٌ أَمِ ٱللَّهُ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّارُ

    Open ayah 12:39

    O kayong dalawa kong kasamahan sa bilangguan, ang iba’t ibang mga panginoon ba ang mas mainam o ang Allah, ang [tanging] Nag-iisa, ang Di- mapaglalaban?

  40. مَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِهِۦٓ إِلَّآ أَسۡمَآءٗ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِ أَمَرَ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّآ إِيَّاهُۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 12:40

    Wala kayong sinasamba bukod sa Allah maliban sa mga pangalan lamang na ipinangalan ninyo at ng inyong mga ninuno, na walang ibinabang kapahintulutan [o batayan] ang Allah para sa mga ito [upang sila ay inyong sambahin]. Ang pagbabatas [hukom] ay para lamang sa Allah. Kanyang ipinag-utos na wala kayong dapat sambahin kundi Siya [lamang]. Iyan ang matuwid na relihiyon, nguni’t karamihan sa mga tao ay hindi nakababatid [nito].”

  41. يَٰصَٰحِبَيِ ٱلسِّجۡنِ أَمَّآ أَحَدُكُمَا فَيَسۡقِي رَبَّهُۥ خَمۡرٗاۖ وَأَمَّا ٱلۡأٓخَرُ فَيُصۡلَبُ فَتَأۡكُلُ ٱلطَّيۡرُ مِن رَّأۡسِهِۦۚ قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ ٱلَّذِي فِيهِ تَسۡتَفۡتِيَانِ

    Open ayah 12:41

    “O kayong dalawa kong kasamahan sa bilangguan, [ayon sa kahulugan ng inyong panaginip] ang isa sa inyo ay magbibigay ng alak bilang inumin para sa kanyang panginoon [ang hari ng Ehipto]; at ang isa naman sa inyo ay ipapako sa krus, at ang mga ibon ay manginginain mula sa kanyang ulo. Ang pangyayari na inyong inuusisa ay naitakda na.”

  42. وَقَالَ لِلَّذِي ظَنَّ أَنَّهُۥ نَاجٖ مِّنۡهُمَا ٱذۡكُرۡنِي عِندَ رَبِّكَ فَأَنسَىٰهُ ٱلشَّيۡطَٰنُ ذِكۡرَ رَبِّهِۦ فَلَبِثَ فِي ٱلسِّجۡنِ بِضۡعَ سِنِينَ

    Open ayah 12:42

    At sinabi niya [ni Yusuf] sa isa sa dalawang kasamahan niyang nalalaman niyang palalayain [mula sa bilangguan]: “Banggitin mo ako sa iyong panginoon.” Nguni’t, nagawa ng satanas na siya ay makalimot

  43. وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ إِنِّيٓ أَرَىٰ سَبۡعَ بَقَرَٰتٖ سِمَانٖ يَأۡكُلُهُنَّ سَبۡعٌ عِجَافٞ وَسَبۡعَ سُنۢبُلَٰتٍ خُضۡرٖ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٖۖ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَأُ أَفۡتُونِي فِي رُءۡيَٰيَ إِن كُنتُمۡ لِلرُّءۡيَا تَعۡبُرُونَ

    Open ayah 12:43

    At ang hari [ng Ehipto] ay nagsabi: “Katotohanan, nakita ko [sa aking panaginip] ang pitong matatabang baka na nilalapa ng pitong payat na baka, at pitong sariwang busal [ng mais], at iba pang [pitong] natuyo. O mga mararangal na pinuno! Ipaliwanag nga ninyo sa akin ang aking panaginip, kung magagawa nga ninyong ipaliwanag ang [kahulugan ng] mga panaginip.”

  44. قَالُوٓاْ أَضۡغَٰثُ أَحۡلَٰمٖۖ وَمَا نَحۡنُ بِتَأۡوِيلِ ٱلۡأَحۡلَٰمِ بِعَٰلِمِينَ

    Open ayah 12:44

    Sila ay nagsabi: “[Ito ay] mga pinaghalu-halong maling panaginip, at kami ay hindi mga bihasa sa pagpapaliwanag ng mga panaginip.”

  45. وَقَالَ ٱلَّذِي نَجَا مِنۡهُمَا وَٱدَّكَرَ بَعۡدَ أُمَّةٍ أَنَا۠ أُنَبِّئُكُم بِتَأۡوِيلِهِۦ فَأَرۡسِلُونِ

    Open ayah 12:45

    Nguni’t ang isang lalaki na pinalaya [isa sa dalawang kasama ni Yusuf sa bilangguan] ang nakaalala [kay Yusuf] pagkaraang lumipas ang panahon at kanyang sinabi: “Aking sasabihin sa inyo ang kahulugan nito kaya ako ay inyong ipadala,”

  46. يُوسُفُ أَيُّهَا ٱلصِّدِّيقُ أَفۡتِنَا فِي سَبۡعِ بَقَرَٰتٖ سِمَانٖ يَأۡكُلُهُنَّ سَبۡعٌ عِجَافٞ وَسَبۡعِ سُنۢبُلَٰتٍ خُضۡرٖ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٖ لَّعَلِّيٓ أَرۡجِعُ إِلَى ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 12:46

    [Siya ay nagsabi]: Yusuf, O lalaking makatotohanan, ipaliwanag mo nga sa amin [ang panaginip] ng pitong matabang baka na nilapa ng pitong payat na baka, at ng pitong sariwang busal [ng mais] at [pitong] iba na nangatuyo, upang ako ay makabalik sa mga tao, at upang sakaling kanilang malaman [ang tungkol sa iyo].”

  47. قَالَ تَزۡرَعُونَ سَبۡعَ سِنِينَ دَأَبٗا فَمَا حَصَدتُّمۡ فَذَرُوهُ فِي سُنۢبُلِهِۦٓ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّا تَأۡكُلُونَ

    Open ayah 12:47

    [Si Yusuf ay] nagsabi: “Kayo ay makapagtatanim para sa pitong sunud-sunod na mga taon at ang anumang inyong inani ay inyong hayaang manatili sa busal nito [upang hindi agad masira] maliban sa mangilan- ngilan na siya ninyong kakainin.

  48. ثُمَّ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ سَبۡعٞ شِدَادٞ يَأۡكُلۡنَ مَا قَدَّمۡتُمۡ لَهُنَّ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّا تُحۡصِنُونَ

    Open ayah 12:48

    Pagkaraan ay darating pagkalipas niyan ang pitong [taon ng] tag- gutom, [sa panahong ito] inyong kakainin ang anumang inyong inilaan para rito [sa mga taon na anihan], [na walang malalabi] maliban sa mangilan- ngilan na inyong inimbak.

  49. ثُمَّ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ عَامٞ فِيهِ يُغَاثُ ٱلنَّاسُ وَفِيهِ يَعۡصِرُونَ

    Open ayah 12:49

    “Pagkaraan ay darating pagkalipas niyan ang isang taon na ang mga tao ay pagkakalooban ng ulan at sa gayon, sila ay magkakatas [ng oliba at ubas].

  50. وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ ٱئۡتُونِي بِهِۦۖ فَلَمَّا جَآءَهُ ٱلرَّسُولُ قَالَ ٱرۡجِعۡ إِلَىٰ رَبِّكَ فَسۡـَٔلۡهُ مَا بَالُ ٱلنِّسۡوَةِ ٱلَّٰتِي قَطَّعۡنَ أَيۡدِيَهُنَّۚ إِنَّ رَبِّي بِكَيۡدِهِنَّ عَلِيمٞ 

    Open ayah 12:50

    At ang hari ay nagsabi: “Dalhin siya sa akin.” Nguni’t nang ang sugo ay dumating sa kanya, sinabi niya [ni Yusuf]: “Bumalik ka sa iyong panginoon at itanong mo sa kanya, 'kung ano ang nangyari sa mga babaeng nakahiwa ng kanilang mga kamay? Katotohanan, ang aking Panginoon ay Ganap na Nakababatid ng kanilang balakin.”

  51. قَالَ مَا خَطۡبُكُنَّ إِذۡ رَٰوَدتُّنَّ يُوسُفَ عَن نَّفۡسِهِۦۚ قُلۡنَ حَٰشَ لِلَّهِ مَا عَلِمۡنَا عَلَيۡهِ مِن سُوٓءٖۚ قَالَتِ ٱمۡرَأَتُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡـَٰٔنَ حَصۡحَصَ ٱلۡحَقُّ أَنَا۠ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفۡسِهِۦ وَإِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

    Open ayah 12:51

    [Ang hari ay] nagsabi [sa mga babae]: “Ano ang inyong naging kalagayan nang inyong tangkaing tuksuhin si Yusuf?” Ang mga babae ay nagsabi: “Hashaalillaah [Ang Allah ay Ganap]! Wala kaming nalalamang kasamaan tungkol sa kanya!” Ang asawa ng Aziz ay nagsabi: “Ngayon, ang katotohanan ay malinaw na [sa lahat]; ako ang siyang nagtangka upang siya ay tuksuhin, at katunayan siya ay nabibilang sa mga makatotohanan.

  52. ذَٰلِكَ لِيَعۡلَمَ أَنِّي لَمۡ أَخُنۡهُ بِٱلۡغَيۡبِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي كَيۡدَ ٱلۡخَآئِنِينَ

    Open ayah 12:52

    Iyan [ang tunay na nangyari], upang kanyang mabatid na hindi ako nagtaksil sa kanya sa [panahon ng kanyang pansamantalang] pagkawala [noon]. At katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga nagtataksil.

  53. ۞وَمَآ أُبَرِّئُ نَفۡسِيٓۚ إِنَّ ٱلنَّفۡسَ لَأَمَّارَةُۢ بِٱلسُّوٓءِ إِلَّا مَا رَحِمَ رَبِّيٓۚ إِنَّ رَبِّي غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 12:53

    At hindi ko pinawawalang-sala ang aking sarili. [Sapagka’t] katotohanan, ang kaluluwa ay walang tigil sa tawag ng kasamaan maliban sa mga ginawaran ng awa ng aking Panginoon. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Mapagpatawad, Maawain.”

  54. وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ ٱئۡتُونِي بِهِۦٓ أَسۡتَخۡلِصۡهُ لِنَفۡسِيۖ فَلَمَّا كَلَّمَهُۥ قَالَ إِنَّكَ ٱلۡيَوۡمَ لَدَيۡنَا مَكِينٌ أَمِينٞ

    Open ayah 12:54

    At ang hari ay nagsabi: “Dalhin siya sa akin; siya ay aking itatalagang natatangi para sa aking sarili.” Kaya, nang siya ay kanyang kinausap, siya ay nagsabi: “Katotohanan, sa araw na ito, ikaw ay itinalaga [sa mataas na katungkulan] at pinagkatitiwalaan.”

  55. قَالَ ٱجۡعَلۡنِي عَلَىٰ خَزَآئِنِ ٱلۡأَرۡضِۖ إِنِّي حَفِيظٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 12:55

    Siya [si Yusuf] ay nagsabi: “Italaga mo ako sa [pangangasiwa ng] mga kaban [imbakan ng mga ani] sa lupain; at tunay na ako ay maalam na tagapagbantay.”

  56. وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَتَبَوَّأُ مِنۡهَا حَيۡثُ يَشَآءُۚ نُصِيبُ بِرَحۡمَتِنَا مَن نَّشَآءُۖ وَلَا نُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 12:56

    At [tulad ng pagpapalaya sa kanya] ganyan din Namin ibinigay [o pinamalagi] kay Yusuf ang pamamahala sa lupain [ng Ehipto], saanman niya naisin. Aming ipinalalasap ang Aming habag sa sinumang Aming nais, at hindi Namin hinahayaang mawala ang gantimpala ng mga mapaggawa ng kabutihan.

  57. وَلَأَجۡرُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ

    Open ayah 12:57

    At ang [walang hanggang] gantimpala ng kabilang buhay ay nakahihigit para sa mga naniwala at lagi nang natatakot [sa Allah].

  58. وَجَآءَ إِخۡوَةُ يُوسُفَ فَدَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَعَرَفَهُمۡ وَهُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ

    Open ayah 12:58

    At dumating ang mga kapatid ni Yusuf at sila ay nagsipasok sa kanya, at sila ay kanyang nakilala [namukhaan] nguni’t siya ay hindi nila nakilala [o namukhaan].

  59. وَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمۡ قَالَ ٱئۡتُونِي بِأَخٖ لَّكُم مِّنۡ أَبِيكُمۡۚ أَلَا تَرَوۡنَ أَنِّيٓ أُوفِي ٱلۡكَيۡلَ وَأَنَا۠ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ

    Open ayah 12:59

    At nang kanyang ipinagkaloob sa kanila ang kanilang mga pangangailangan, siya ay nagsabi: “Dalhin ninyo sa akin ang isa ninyong kapatid mula sa inyong ama. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay nagbigay sa inyo ng wastong takal [ng mais], at ako ang pinakamabuti sa mga mapag- asikaso?

  60. فَإِن لَّمۡ تَأۡتُونِي بِهِۦ فَلَا كَيۡلَ لَكُمۡ عِندِي وَلَا تَقۡرَبُونِ 

    Open ayah 12:60

    “Nguni’t kung siya ay hindi ninyo madadala sa akin, wala kayong makukuhang takal [ng mais] pagkaraan nito] mula sa akin, ni makalalapit sa akin.”

  61. قَالُواْ سَنُرَٰوِدُ عَنۡهُ أَبَاهُ وَإِنَّا لَفَٰعِلُونَ

    Open ayah 12:61

    Sila ay nagsabi: “Pipilitin naming humingi ng pahintulot sa aming ama, at katotohanan, ito ay aming gagawin.”

  62. وَقَالَ لِفِتۡيَٰنِهِ ٱجۡعَلُواْ بِضَٰعَتَهُمۡ فِي رِحَالِهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَعۡرِفُونَهَآ إِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 12:62

    At sinabi [ni Yusuf] sa kanyang mga alipin: “Ilagay [o ipatago] ang kanilang mga pinamili sa kanilang mga sisidlan upang ito ay kanilang matandaan kapag sila ay nagsiuwing pabalik sa kanilang mga mamamayan; upang sakali sila ay muling magsibalik.

  63. فَلَمَّا رَجَعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَبِيهِمۡ قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا مُنِعَ مِنَّا ٱلۡكَيۡلُ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَآ أَخَانَا نَكۡتَلۡ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ

    Open ayah 12:63

    Kaya, nang sila ay bumalik sa kanilang ama, sila ay nagsabi: “O aming ama, hindi na kami makakukuha pa ng takal [ng mais]. Kaya, ipadala mo sa amin ang aming kapatid, [upang] kami ay makakuha ng takal [ng mais] at tunay na kami ay kanyang magiging tagapagbantay.”

  64. قَالَ هَلۡ ءَامَنُكُمۡ عَلَيۡهِ إِلَّا كَمَآ أَمِنتُكُمۡ عَلَىٰٓ أَخِيهِ مِن قَبۡلُ فَٱللَّهُ خَيۡرٌ حَٰفِظٗاۖ وَهُوَ أَرۡحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ

    Open ayah 12:64

    Siya ay nagsabi: “Maaari ko ba siyang ipagkatiwala sa inyo malibang tulad ng [sapilitang] pagkatiwala ko sa inyo sa kapatid niyang [si Yusuf] noon? Nguni’t, ang Allah ay pinakamahusay na Tagapagbantay, at Siya ay Maawain sa mga maawain.”

  65. وَلَمَّا فَتَحُواْ مَتَٰعَهُمۡ وَجَدُواْ بِضَٰعَتَهُمۡ رُدَّتۡ إِلَيۡهِمۡۖ قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا مَا نَبۡغِيۖ هَٰذِهِۦ بِضَٰعَتُنَا رُدَّتۡ إِلَيۡنَاۖ وَنَمِيرُ أَهۡلَنَا وَنَحۡفَظُ أَخَانَا وَنَزۡدَادُ كَيۡلَ بَعِيرٖۖ ذَٰلِكَ كَيۡلٞ يَسِيرٞ

    Open ayah 12:65

    At nang kanilang binuksan ang kanilang sisidlan, kanilang natagpuan [sa loob nito] ang kanilang ipinalit [na kalakal] na ibinalik sa kanila. Sila ay nagsabi: “O aming ama! Ano pa ang aming mahihiling? Itong aming ipinamili ay ibinalik sa amin; kaya makakukuha pa tayo ng panustos [na pagkain] para sa ating mag-anak, at aming babantayan ang aming kapatid at magdaragdag pa [na katumbas] ng isang hakot ng kamelyo. Ganyan ang isang madaling [paraan ng pagkuha ng] takal.

  66. قَالَ لَنۡ أُرۡسِلَهُۥ مَعَكُمۡ حَتَّىٰ تُؤۡتُونِ مَوۡثِقٗا مِّنَ ٱللَّهِ لَتَأۡتُنَّنِي بِهِۦٓ إِلَّآ أَن يُحَاطَ بِكُمۡۖ فَلَمَّآ ءَاتَوۡهُ مَوۡثِقَهُمۡ قَالَ ٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٞ

    Open ayah 12:66

    Siya [si Hakob] ay nagsabi: “Kailanman ay hindi ko siya ipadadala sa inyo hanggang hindi ninyo naipangangako sa akin na sa Ngalan ng Allah, siya ay inyong [muling] ibabalik sa akin maliban na lamang kung kayo ay napalilibutan [napangibabawan] ng mga kaaway. At nang sila ay nagbigay ng panunumpa sa kanya, siya [si Hakob] ay nagsabi: “Ang Allah ay Siyang Tagapangasiwa sa anupamang ating sinabi.”

  67. وَقَالَ يَٰبَنِيَّ لَا تَدۡخُلُواْ مِنۢ بَابٖ وَٰحِدٖ وَٱدۡخُلُواْ مِنۡ أَبۡوَٰبٖ مُّتَفَرِّقَةٖۖ وَمَآ أُغۡنِي عَنكُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٍۖ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِۖ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُۖ وَعَلَيۡهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ

    Open ayah 12:67

    At siya ay nagsabi: “O aking mga anak! Huwag kayong pumasok sa isang pintuan lamang, bagkus kayo ay pumasok sa magkakaibang pintuan, at wala akong magagawa sa inyo laban sa [takda ng] Allah. Katotohanan, ang kapasiyahan ay nasa Allah lamang. Sa Kanya, ako ay lubos na nagtitiwala at hayaan yaong mga nagtitiwala na sila ay lubusang magtiwala sa Kanya.

  68. وَلَمَّا دَخَلُواْ مِنۡ حَيۡثُ أَمَرَهُمۡ أَبُوهُم مَّا كَانَ يُغۡنِي عَنۡهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٍ إِلَّا حَاجَةٗ فِي نَفۡسِ يَعۡقُوبَ قَضَىٰهَاۚ وَإِنَّهُۥ لَذُو عِلۡمٖ لِّمَا عَلَّمۡنَٰهُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 12:68

    At nang sila ay pumasok mula sa kung saan sila ay pinag-utusan ng kanilang ama, sila ay walang nagawang anupaman laban sa takda ng Allah [nguni't ito ay tawag ng] isang pangangailangan [o kutob] sa kalooban ni Hakob. At katotohanan, siya ay nagtataglay ng kaalaman nang dahil sa anumang itinuro Namin sa kanya nguni’t karamihan sa tao ay hindi nakababatid.

  69. وَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَىٰ يُوسُفَ ءَاوَىٰٓ إِلَيۡهِ أَخَاهُۖ قَالَ إِنِّيٓ أَنَا۠ أَخُوكَ فَلَا تَبۡتَئِسۡ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 12:69

    At nang sila ay pumasok [at nakiharap] kay Yusuf, kanyang inilapit [ni Yusuf] ang kanyang sarili sa kapatid niyang [si Benyamin] at kanyang sinabi “Katotohanan, ako ang iyong kapatid, kaya huwag kang malungkot sa anumang lagi nilang ginagawa [sa akin].”

  70. فَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمۡ جَعَلَ ٱلسِّقَايَةَ فِي رَحۡلِ أَخِيهِ ثُمَّ أَذَّنَ مُؤَذِّنٌ أَيَّتُهَا ٱلۡعِيرُ إِنَّكُمۡ لَسَٰرِقُونَ 

    Open ayah 12:70

    Kaya, nang siya ay nagbigay sa kanila ng kanilang panustos [na pagkain], kanyang inilagay ang [gintong] mangkok sa sisidlan ng kapatid niyang [si Benyamin]. At pagkaraan, isang tagapagsalita ay nanawagan: “O kayong mga sakay [o lulan ng karaban]! Katotohanang kayo ay mga

  71. قَالُواْ وَأَقۡبَلُواْ عَلَيۡهِم مَّاذَا تَفۡقِدُونَ

    Open ayah 12:71

    Sila [ang mga kapatid ni Yusuf] ay nagsabi habang papalapit sa kanila [ang mga tauhan ni Yusuf]: “Ano ba ang nawawala sa inyo?”

  72. قَالُواْ نَفۡقِدُ صُوَاعَ ٱلۡمَلِكِ وَلِمَن جَآءَ بِهِۦ حِمۡلُ بَعِيرٖ وَأَنَا۠ بِهِۦ زَعِيمٞ

    Open ayah 12:72

    Sila ay nagsabi: “Nawala sa amin ang [gintong] mangkok ng hari at sinumang makapaglabas nito ay may nakalaang [gantimpalang katumbas ng] isang hakot ng kamelyo; at ako ay naatasan para rito.”

  73. قَالُواْ تَٱللَّهِ لَقَدۡ عَلِمۡتُم مَّا جِئۡنَا لِنُفۡسِدَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كُنَّا سَٰرِقِينَ

    Open ayah 12:73

    Sila [mga kapatid ni Yusuf] ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah! Tunay na inyong nababatid na kami ay hindi nagtungo rito upang gumawa ng katiwalian sa lupain [ng Ehipto] at kami ay hindi mga magnanakaw.”

  74. قَالُواْ فَمَا جَزَٰٓؤُهُۥٓ إِن كُنتُمۡ كَٰذِبِينَ

    Open ayah 12:74

    Sila [mga tauhan ni Yusuf] ay nagsabi: “Kung gayon, ano ang magiging kabayaran nito, kung sakaling kayo ay [napatunayang] mga sinungaling.”

  75. قَالُواْ جَزَٰٓؤُهُۥ مَن وُجِدَ فِي رَحۡلِهِۦ فَهُوَ جَزَٰٓؤُهُۥۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 12:75

    Sila [mga kapatid ni Yusuf] ay nagsabi: “Ang kabayaran na sa kanyang sisidlan ay natagpuan [ang nawawala] – siya [ang kanyang sarili] ang magiging kabayaran. Ganyan namin pinarurusahan ang mga mapaggawa ng kamalian.”

  76. فَبَدَأَ بِأَوۡعِيَتِهِمۡ قَبۡلَ وِعَآءِ أَخِيهِ ثُمَّ ٱسۡتَخۡرَجَهَا مِن وِعَآءِ أَخِيهِۚ كَذَٰلِكَ كِدۡنَا لِيُوسُفَۖ مَا كَانَ لِيَأۡخُذَ أَخَاهُ فِي دِينِ ٱلۡمَلِكِ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ نَرۡفَعُ دَرَجَٰتٖ مَّن نَّشَآءُۗ وَفَوۡقَ كُلِّ ذِي عِلۡمٍ عَلِيمٞ

    Open ayah 12:76

    Kaya, siya [si Yusuf] ay nagsimulang [magsiyasat] sa kanilang mga sisidlan bago [niya siniyasat] ang sisidlan ng kanyang kapatid [na si Benyamin], pagkaraan ay inilabas niya ito [ang mangkok] mula sa sisidlan ng kanyang kapatid. Ganyan nga Namin ginawa ang balakin para kay Yusuf. Hindi niya magagawang kuhanin ang kanyang kapatid sa batas ng hari [bilang alipin] malibang pahintulutan ng Allah. Aming itinataas sa karangalan ang sinumang Aming naisin, nguni’t sa bawa’t nagtataglay ng kaalaman, nahihigitan nito ang isang [mas] maalam.

  77. ۞قَالُوٓاْ إِن يَسۡرِقۡ فَقَدۡ سَرَقَ أَخٞ لَّهُۥ مِن قَبۡلُۚ فَأَسَرَّهَا يُوسُفُ فِي نَفۡسِهِۦ وَلَمۡ يُبۡدِهَا لَهُمۡۚ قَالَ أَنتُمۡ شَرّٞ مَّكَانٗاۖ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا تَصِفُونَ

    Open ayah 12:77

    Sila [mga kapatid ni Yusuf] ay nagsabi: "Kung siya ay nagnanakaw - ang isa niyang kapatid ay nagnakaw ding tulad niya noon.” Nguni’t, ito ay kinimkim ni Yusuf sa kanyang sarili at hindi niya inihayag ito sa kanila. Siya ay nagsabi [nang lihim]: “Kayo ay nasa masamang kalagayan, at ang Allah ay Maalam sa anumang inyong sinasabi.”

  78. قَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡعَزِيزُ إِنَّ لَهُۥٓ أَبٗا شَيۡخٗا كَبِيرٗا فَخُذۡ أَحَدَنَا مَكَانَهُۥٓۖ إِنَّا نَرَىٰكَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 12:78

    Sila ay nagsabi: “O, Aziz [pinuno] ng lupain [ng Ehipto], siya [si Benyamin] ay mayroong matandang ama, kaya kuhanin na lamang ang isa sa amin bilang kanyang kapalit. Tunay na ikaw ay itinuturing namin bilang isa sa mga mapaggawa ng kabutihan.

  79. قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِ أَن نَّأۡخُذَ إِلَّا مَن وَجَدۡنَا مَتَٰعَنَا عِندَهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّظَٰلِمُونَ

    Open ayah 12:79

    Siya ay nagsabi: “[Aking hinihiling] ang paglingap ng Allah, [na pigilin] ang pagkuha maliban sa kanya na aming natagpuan ang [nawalang] ari- arian. Katotohanan, [kung ito ay gagawin namin], kami ay mapabibilang sa mga mapaggawa ng kamalian.

  80. فَلَمَّا ٱسۡتَيۡـَٔسُواْ مِنۡهُ خَلَصُواْ نَجِيّٗاۖ قَالَ كَبِيرُهُمۡ أَلَمۡ تَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ أَبَاكُمۡ قَدۡ أَخَذَ عَلَيۡكُم مَّوۡثِقٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَمِن قَبۡلُ مَا فَرَّطتُمۡ فِي يُوسُفَۖ فَلَنۡ أَبۡرَحَ ٱلۡأَرۡضَ حَتَّىٰ يَأۡذَنَ لِيٓ أَبِيٓ أَوۡ يَحۡكُمَ ٱللَّهُ لِيۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ 

    Open ayah 12:80

    Kaya, nang sila ay nanlumo sa [nangyari sa] kanya, sila ay nag-usap nang sarilinan. Ang panganay sa kanila ay nagsabi: “Hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong ama ay gumawa ng panunumpa sa Ngalan ng Allah para sa inyo, at bago pa man [nangyari ito] kayo ay nabigong tuparin ang inyong tungkulin kay Yusuf [noon]? Samakatwid, hindi ko magagawang lisanin ang lupaing ito hanggang ako ay pahintulutan ng aking ama, o ang Allah ay magpasiya sa aking kalagayan [upang palayain si Benyamin] at Siya [ang Allah] ay pinakamahusay na Tagapaghatol.”

  81. ٱرۡجِعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَبِيكُمۡ فَقُولُواْ يَٰٓأَبَانَآ إِنَّ ٱبۡنَكَ سَرَقَ وَمَا شَهِدۡنَآ إِلَّا بِمَا عَلِمۡنَا وَمَا كُنَّا لِلۡغَيۡبِ حَٰفِظِينَ

    Open ayah 12:81

    “Magbalik kayo sa inyong ama at inyong sabihin [sa kanya], “O aming ama! Katotohanan, ang iyong anak [na si Benyamin] ay nagnakaw, at kami ay hindi sumasaksi malibang ayon sa aming nabatid, at hindi namin nababatid ang Ghaib [mga kubling pangyayari].

  82. وَسۡـَٔلِ ٱلۡقَرۡيَةَ ٱلَّتِي كُنَّا فِيهَا وَٱلۡعِيرَ ٱلَّتِيٓ أَقۡبَلۡنَا فِيهَاۖ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ

    Open ayah 12:82

    “At tanungin mo [ang mga mamamayan] ng bayan na aming pinanggalingan, at ang karaban na aming [sinakyang] pabalik; at tunay nga na kami ay nagsasabi ng katotohanan.”

  83. قَالَ بَلۡ سَوَّلَتۡ لَكُمۡ أَنفُسُكُمۡ أَمۡرٗاۖ فَصَبۡرٞ جَمِيلٌۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَأۡتِيَنِي بِهِمۡ جَمِيعًاۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 12:83

    Siya [si Hakob] ay nagsabi: “Nguni’t, kayo ay nag-udyok sa inyong sarili ng [kabulaanang] pangyayari. Kaya, higit na nararapat [sa akin] na ako ay magtiis. Maaaring ibalik ng Allah [ang inyong dalawang kapatid] sa akin na magkakasama. Katotohanan Siya ang Maalam, ang Tigib ng Karunungan.”

  84. وَتَوَلَّىٰ عَنۡهُمۡ وَقَالَ يَٰٓأَسَفَىٰ عَلَىٰ يُوسُفَ وَٱبۡيَضَّتۡ عَيۡنَاهُ مِنَ ٱلۡحُزۡنِ فَهُوَ كَظِيمٞ

    Open ayah 12:84

    At siya ay tumalikod mula sa kanila at kanyang sinabi: “Ah, ang aking siphayo para kay Yusuf!” At ang kanyang paningin ay naglaho nang dahil sa [labis na] kalungkutan, sapagka’t siya ay isa na sumisikil [ng kanyang dinaramdam].”

  85. قَالُواْ تَٱللَّهِ تَفۡتَؤُاْ تَذۡكُرُ يُوسُفَ حَتَّىٰ تَكُونَ حَرَضًا أَوۡ تَكُونَ مِنَ ٱلۡهَٰلِكِينَ

    Open ayah 12:85

    Sila [mga anak] ay nagsabi [sa kanilang ama]: “Sumpa man sa Allah! Hindi ka magtitigil sa pag-alala kay Yusuf hanggang ikaw ay datnan nang kahinaan sa katandaan, o [hanggang] ikaw ay [tuluyang nang] pumanaw.”

  86. قَالَ إِنَّمَآ أَشۡكُواْ بَثِّي وَحُزۡنِيٓ إِلَى ٱللَّهِ وَأَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 12:86

    Siya [si Hakod] ay nagsabi: “Ako ay dumaraing lamang ng aking pagdurusa at kalungkutan sa Allah, at aking nababatid mula sa Allah ang hindi ninyo nababatid.”

  87. يَٰبَنِيَّ ٱذۡهَبُواْ فَتَحَسَّسُواْ مِن يُوسُفَ وَأَخِيهِ وَلَا تَاْيۡـَٔسُواْ مِن رَّوۡحِ ٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ لَا يَاْيۡـَٔسُ مِن رَّوۡحِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ

    Open ayah 12:87

    “O aking mga anak, humayo kayo at magtanung-tanong tungkol kay Yusuf at sa kanyang kapatid, at huwag kayong mawalan ng pag-asa mula sa paglingap ng Allah. Katotohanan, walang nawawalan ng pag-asa mula sa paglingap ng Allah maliban ang mga taong di-naniniwala.”

  88. فَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَيۡهِ قَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡعَزِيزُ مَسَّنَا وَأَهۡلَنَا ٱلضُّرُّ وَجِئۡنَا بِبِضَٰعَةٖ مُّزۡجَىٰةٖ فَأَوۡفِ لَنَا ٱلۡكَيۡلَ وَتَصَدَّقۡ عَلَيۡنَآۖ إِنَّ ٱللَّهَ يَجۡزِي ٱلۡمُتَصَدِّقِينَ

    Open ayah 12:88

    Kaya, nang sila ay pumasok [at nakiharap] sa kanya [kay Yusuf], sila ay nagsabi: “O Aziz [pinuno] ng lupain [ng Ehipto]! Kami ay dumanas ng

  89. قَالَ هَلۡ عَلِمۡتُم مَّا فَعَلۡتُم بِيُوسُفَ وَأَخِيهِ إِذۡ أَنتُمۡ جَٰهِلُونَ

    Open ayah 12:89

    Siya ay nagsabi: “Alam [o natatandaan] ba ninyo kung ano ang inyong ginawa kay Yusuf at sa kanyang kapatid, nang kayo ay mga mangmang?”

  90. قَالُوٓاْ أَءِنَّكَ لَأَنتَ يُوسُفُۖ قَالَ أَنَا۠ يُوسُفُ وَهَٰذَآ أَخِيۖ قَدۡ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَآۖ إِنَّهُۥ مَن يَتَّقِ وَيَصۡبِرۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ 

    Open ayah 12:90

    Sila ay nagsabi: “Tunay nga ba na ikaw ay si Yusuf?” Siya ay nagsabi: “Ako ay si Yusuf at ito ang aking kapatid [si Benyamin]. Katotohanan na ang Allah ay Mapagpala sa amin. Katotohanan, sinuman ang may takot sa Allah at naging matiisin, magkagayon, katotohanang hindi hinahayaan ng Allah na mawala ang gantimpala ng mga mapaggawa ng kabutihan.”

  91. قَالُواْ تَٱللَّهِ لَقَدۡ ءَاثَرَكَ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا وَإِن كُنَّا لَخَٰطِـِٔينَ

    Open ayah 12:91

    Sila ay nagsabi: “Sa [ngalan ng] Allah! Katiyakan, na ikaw ay itinangi ng Allah nang higit sa amin, at katotohanan na kami ay naging mga makasalanan.”

  92. قَالَ لَا تَثۡرِيبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَۖ يَغۡفِرُ ٱللَّهُ لَكُمۡۖ وَهُوَ أَرۡحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ

    Open ayah 12:92

    Siya [si Yusuf] ay nagsabi: “Mula sa araw na ito wala ng isusumbat pa sa inyo; nawa’y patawarin kayo ng Allah, at Siya ang higit na Mahabagin sa lahat ng nagpapakita ng habag!

  93. ٱذۡهَبُواْ بِقَمِيصِي هَٰذَا فَأَلۡقُوهُ عَلَىٰ وَجۡهِ أَبِي يَأۡتِ بَصِيرٗا وَأۡتُونِي بِأَهۡلِكُمۡ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 12:93

    “Humayo kayong dalhin ang damit ko, at ito ay inyong ihagis sa mukha ng aking ama, at [sa gayon] siya ay makakikita, at [pagkaraan ay] inyong dalhin sa akin ang lahat ng inyong mga pamilya.”

  94. وَلَمَّا فَصَلَتِ ٱلۡعِيرُ قَالَ أَبُوهُمۡ إِنِّي لَأَجِدُ رِيحَ يُوسُفَۖ لَوۡلَآ أَن تُفَنِّدُونِ

    Open ayah 12:94

    At nang ang karaban ay lumisan [mula sa Ehipto patungo sa kanilang ama], ang kanilang ama ay nagsabi: “Katotohanan, aking nalalanghap ang amoy ni Yusuf, kung hindi ninyo ako pag-iisipang ako ay nag-uulyanin na.”

  95. قَالُواْ تَٱللَّهِ إِنَّكَ لَفِي ضَلَٰلِكَ ٱلۡقَدِيمِ

    Open ayah 12:95

    Sila ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah! Katotohanan, na ikaw ay nasa iyong dating kamalian.”

  96. فَلَمَّآ أَن جَآءَ ٱلۡبَشِيرُ أَلۡقَىٰهُ عَلَىٰ وَجۡهِهِۦ فَٱرۡتَدَّ بَصِيرٗاۖ قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ إِنِّيٓ أَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 12:96

    Kaya, nang ang tagapaghatid ng magandang balita ay dumating, kanyang inihagis ito [ang damit ni Yusuf] sa kanyang mukha, at [sanhi nito ay muling] nanumbalik ang kanyang paningin. Siya ay nagsabi: “Hindi ba sinasabi ko sa inyo na aking nababatid mula sa Allah ang anumang hindi ninyo nababatid?”

  97. قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا ٱسۡتَغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَآ إِنَّا كُنَّا خَٰطِـِٔينَ

    Open ayah 12:97

    Sila ay nagsabi: “O aming ama! Humingi kayo ng kapatawaran [mula sa Allah] para sa aming mga kasalanan, tunay nga na kami ay mga makasalanan.”

  98. قَالَ سَوۡفَ أَسۡتَغۡفِرُ لَكُمۡ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 12:98

    Siya ay nagsabi: “Hihingin ko sa aking Panginoon ang kapatawaran para sa inyo, katotohanan, Siya ang Mapagpatawad, ang Maawain.”

  99. فَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَىٰ يُوسُفَ ءَاوَىٰٓ إِلَيۡهِ أَبَوَيۡهِ وَقَالَ ٱدۡخُلُواْ مِصۡرَ إِن شَآءَ ٱللَّهُ ءَامِنِينَ

    Open ayah 12:99

    Kaya, nang sila ay pumasok sa harapan ni Yusuf, kinuha niya [niyakap niya] ang kanyang mga magulang at kanyang sinabi [sa kanila]: “[Halina kayong] pumasok sa [lupain ng] Ehipto nang buong katiwasayan sa kapahintulutan ng Allah.”

  100. وَرَفَعَ أَبَوَيۡهِ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ وَخَرُّواْ لَهُۥ سُجَّدٗاۖ وَقَالَ يَٰٓأَبَتِ هَٰذَا تَأۡوِيلُ رُءۡيَٰيَ مِن قَبۡلُ قَدۡ جَعَلَهَا رَبِّي حَقّٗاۖ وَقَدۡ أَحۡسَنَ بِيٓ إِذۡ أَخۡرَجَنِي مِنَ ٱلسِّجۡنِ وَجَآءَ بِكُم مِّنَ ٱلۡبَدۡوِ مِنۢ بَعۡدِ أَن نَّزَغَ ٱلشَّيۡطَٰنُ بَيۡنِي وَبَيۡنَ إِخۡوَتِيٓۚ إِنَّ رَبِّي لَطِيفٞ لِّمَا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ 

    Open ayah 12:100

    At itinaas niya ang kanyang mga magulang sa Trono at sila ay nagpatirapa sa kanyang harapan. At siya ay nagsabi: “O aking ama! Ito ang kahulugan ng aking panaginip noon! Ang aking Panginoon ay nagbigay katuparan nito! At tunay na Siya ay Mabuti sa akin, nang ako ay Kanyang pinalaya mula sa pagkabilanggo, at nang kayo ay Kanyang dinala ritong [lahat] pagkaraan [ng panahong] maghasik ng hidwaan ang satanas sa pagitan ko at sa pagitan ng aking mga kapatid. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Mabait sa sinumang Kanyang nais. Tunay nga na Siya ang Maalam, ang Tigib ng Karunungan.

  101. ۞رَبِّ قَدۡ ءَاتَيۡتَنِي مِنَ ٱلۡمُلۡكِ وَعَلَّمۡتَنِي مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِۚ فَاطِرَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ أَنتَ وَلِيِّۦ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ تَوَفَّنِي مُسۡلِمٗا وَأَلۡحِقۡنِي بِٱلصَّٰلِحِينَ 

    Open ayah 12:101

    “Aking Panginoon, tunay na ipinagkaloob Mo sa akin ang Kapamahalaan, at tinuruan Mo ako sa pagpapaliwanag ng mga panaginip, [Ikaw] ang Tanging Tagapaglikha ng mga kalangitan at ng kalupaan! Ikaw ang aking Wali [Tagapangalaga] sa mundong ito at sa kabilang buhay. Tulutan Mong ako ay pumanaw bilang isang Muslim at ako ay ibilang Mo sa [hanay ng] mga matutuwid.”

  102. ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهِ إِلَيۡكَۖ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ أَجۡمَعُوٓاْ أَمۡرَهُمۡ وَهُمۡ يَمۡكُرُونَ 

    Open ayah 12:102

    Iyan ay nagmula sa balita ng Ghaib [mga di-nakikita o nakatagong pangyayari] na Aming ipinahayag sa iyo [O Muhammad]. At ikaw ay wala sa kanila nang kanilang isagawang magkakasama ang kanilang balakin, at sila ay nagsabwatan.

  103. وَمَآ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ وَلَوۡ حَرَصۡتَ بِمُؤۡمِنِينَ 

    Open ayah 12:103

    At karamihan sa sangkatauhan ay hindi mga naniniwala bagaman ikaw ay masigasig sa hangaring [sila ay mapatnubayan].

  104. وَمَا تَسۡـَٔلُهُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ 

    Open ayah 12:104

    At ikaw ay hindi humihingi sa kanila ng anumang gantimpala para rito; bagkus ito ay isa lamang paalala para sa lahat [ng mga nilikha].

  105. وَكَأَيِّن مِّنۡ ءَايَةٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ يَمُرُّونَ عَلَيۡهَا وَهُمۡ عَنۡهَا مُعۡرِضُونَ 

    Open ayah 12:105

    At gaano karami ang palatandaan sa mga kalangitan at sa kalupaan ang kanilang nadaraanan subali’t sila ay nagsisilayo mula rito.

  106. وَمَا يُؤۡمِنُ أَكۡثَرُهُم بِٱللَّهِ إِلَّا وَهُم مُّشۡرِكُونَ 

    Open ayah 12:106

    At karamihan sa kanila ay hindi naniniwala sa [Kaisahan ng] Allah bagkus sila ay mga nagtatambal sa Kanya [sa pagsamba].

  107. أَفَأَمِنُوٓاْ أَن تَأۡتِيَهُمۡ غَٰشِيَةٞ مِّنۡ عَذَابِ ٱللَّهِ أَوۡ تَأۡتِيَهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ 

    Open ayah 12:107

    Sila ba ay nakadarama ng katiwasayan na hindi darating sa kanila ang nakakubling takip ng isang [kasindak-sindak na] parusa ng Allah o nang biglaang pagdating ng [Huling] Oras laban sa kanila habang [ito ay] hindi nila namamalayan?

  108. قُلۡ هَٰذِهِۦ سَبِيلِيٓ أَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۚ عَلَىٰ بَصِيرَةٍ أَنَا۠ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِيۖ وَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ 

    Open ayah 12:108

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Ito ang aking landas; ako ay nag-aanyaya tungo sa Allah nang may [tamang] kaalaman [o pang-unawa], ako at yaong mga sumunod sa akin. At Luwalhati sa Allah; at ako ay hindi nabibilang sa mga nagtatambal [sa Kanya].”

  109. وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِم مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡقُرَىٰٓۗ أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۗ وَلَدَارُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ 

    Open ayah 12:109

    At hindi Namin ipinadala ang sinumang [sugong] nauna sa iyo maliban na sila ay mga lalaking pinagpahayagan Namin mula sa mga mamamayan ng mga bayan. Hindi ba sila nagsipaglakbay sa mga lupain upang kanilang matunghayan kung paano ang naging wakas ng mga nauna sa kanila? At katotohanan, ang tahanan ng kabilang buhay ay siyang pinakamaganda

  110. حَتَّىٰٓ إِذَا ٱسۡتَيۡـَٔسَ ٱلرُّسُلُ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ قَدۡ كُذِبُواْ جَآءَهُمۡ نَصۡرُنَا فَنُجِّيَ مَن نَّشَآءُۖ وَلَا يُرَدُّ بَأۡسُنَا عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ 

    Open ayah 12:110

    [Sila ay nagpatuloy] hanggang, nang ang mga sugo ay nanlumo at natiyak na sila [mga sugo] ay itinakwil [ng kanilang mga mamamayan], dumating sa kanila ang Aming tulong [at tagumpay], at sinuman ang Aming ninais, ay nakaligtas. At ang Aming kaparusahan ay hindi makaiiwas mula sa mga taong mapaggawa ng kabuktutan.

  111. لَقَدۡ كَانَ فِي قَصَصِهِمۡ عِبۡرَةٞ لِّأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِۗ مَا كَانَ حَدِيثٗا يُفۡتَرَىٰ وَلَٰكِن تَصۡدِيقَ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَتَفۡصِيلَ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 12:111

    Katiyakan, sa kanilang mga kasaysayan ay mayroong mga [kapupulutang] aral para sa mga taong nagtataglay ng pang-unawa. Ito [ang Qur’an] ay hindi kailanman isang kathang-isip [ni Muhammad] bagkus isang pagpapatunay sa anumang [kapahayagan o kasulatang] nauna rito [sa Qur’an] at isang masusing pagpapaliwanag sa lahat ng bagay at [nagsisilbing] patnubay at habag para sa mga taong [tunay na] naniniwala.