الرعد
Ar-Ra'd
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓمٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِۗ وَٱلَّذِيٓ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ ٱلۡحَقُّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 13:1Alif, Lam, Mim, Ra. Ito ang mga ayaat [talata] ng Aklat [ang Qur’an]; at ang ipinahayag sa iyo [O Muhammad] mula sa iyong Panginoon ay ang katotohanan, subali’t karamihan sa tao ay hindi naniniwala.
ٱللَّهُ ٱلَّذِي رَفَعَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ بِغَيۡرِ عَمَدٖ تَرَوۡنَهَاۖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِي لِأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَ يُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُم بِلِقَآءِ رَبِّكُمۡ تُوقِنُونَ
Open ayah 13:2Ang Allah ay Siyang nagtaas ng mga kalangitang walang haligi na inyong nakikita. Pagkaraan, siya ay pumaitaas sa [Kanyang] Trono at itinalaga ang araw at buwan, bawa’t isa ay umiinog para sa isang itinakdang panahon. Kanyang isinasaayos ang [bawa’t] pangyayari; Kanyang masusing ipinaliliwanag ang mga ayaat [kapahayagan] upang sakali kayo ay magkaroon ng katiyakan hinggil sa [Araw ng] Pakikipagharap sa inyong Panginoon.
وَهُوَ ٱلَّذِي مَدَّ ٱلۡأَرۡضَ وَجَعَلَ فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۡهَٰرٗاۖ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ جَعَلَ فِيهَا زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِۖ يُغۡشِي ٱلَّيۡلَ ٱلنَّهَارَۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Open ayah 13:3At Siya ang naglatag sa kalupaan, at Kanyang inilagay doon [sa lupa] ang mga matitibay na bundok at mga ilog at ang lahat ng mga prutas ay Kanyang ginawang dalawang magkapares; Kanyang pinangyayaring ang gabi ay matakpan ng araw. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nag-iisip.
وَفِي ٱلۡأَرۡضِ قِطَعٞ مُّتَجَٰوِرَٰتٞ وَجَنَّٰتٞ مِّنۡ أَعۡنَٰبٖ وَزَرۡعٞ وَنَخِيلٞ صِنۡوَانٞ وَغَيۡرُ صِنۡوَانٖ يُسۡقَىٰ بِمَآءٖ وَٰحِدٖ وَنُفَضِّلُ بَعۡضَهَا عَلَىٰ بَعۡضٖ فِي ٱلۡأُكُلِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Open ayah 13:4At sa kalupaan ay [may] mga magkakaratig na pitak [ng lupain], at mga hardin ng ubas, at luntiang bukirin, at mga puno ng datiles, nagsisitubo nang dalawa o tatlo mula sa isang ugat o kaya ay naiiba [isang ugat sa bawa’t puno ng palmera], diniligan sa iisang tubig subali’t Aming ginawang nakahihigit ang iba kaysa sa iba sa [uri ng] bunga. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nakauunawa.
۞وَإِن تَعۡجَبۡ فَعَجَبٞ قَوۡلُهُمۡ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبًا أَءِنَّا لَفِي خَلۡقٖ جَدِيدٍۗ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ ٱلۡأَغۡلَٰلُ فِيٓ أَعۡنَاقِهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Open ayah 13:5At kung ikaw [O Muhammad] ay nagtataka, [higit na] nakapagtataka ang kanilang mga sinasabi na: “Kung kami ay [mamatay at] magiging alabok, kami ba kung gayon ay [bubuhaying muli at] magiging bagong nilikha? Sila yaong mga hindi naniniwala sa kanilang Panginoon! At sila yaong magkakaroon ng mga tanikalang sakal sa kanilang mga leeg. At sila yaong mga maninirahan sa apoy at sila ay mamamalagi roon nang walang
وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِ وَقَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِمُ ٱلۡمَثُلَٰتُۗ وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغۡفِرَةٖ لِّلنَّاسِ عَلَىٰ ظُلۡمِهِمۡۖ وَإِنَّ رَبَّكَ لَشَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Open ayah 13:6At sila ay nagmamadaling humihiling sa iyo na dalhin mo ang kasamaan bago ang kabutihan, samantalang mayroon ng mga nangyaring kaparusahang katulad [ng anumang kanilang hinihiling]. At katotohanan, ang iyong Panginoon ay tigib ng kapatawaran sa sangkatauhan sa kabila ng kanilang mga kamalian. At katotohanan, ang iyong Panginoon ay matindi sa pagpaparusa.
وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦٓۗ إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرٞۖ وَلِكُلِّ قَوۡمٍ هَادٍ
Open ayah 13:7At yaong mga di-naniniwala ay nagsasabing: “Bakit ang isang ayah [tanda] ay hindi ipinahayag [o ibinaba] sa kanya mula sa kanyang Panginoon? [Nguni’t] ikaw ay isa lamang tagapagbabala, at sa bawa’t mamamayan ay [may itinatalagang] tagapagpatnubay.
ٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَحۡمِلُ كُلُّ أُنثَىٰ وَمَا تَغِيضُ ٱلۡأَرۡحَامُ وَمَا تَزۡدَادُۚ وَكُلُّ شَيۡءٍ عِندَهُۥ بِمِقۡدَارٍ
Open ayah 13:8Ang Allah ay nakababatid kung ano ang dinadala ng bawa’t babae, at kung ano ang nagkukulang [sa wastong bilang] sa sinapupunan o lumalagpas [sa karaniwang bilang ng pagdadalantao]. Ang lahat ng bagay na nasa Kanya ay ayon sa tamang sukat [o bilang].
عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡكَبِيرُ ٱلۡمُتَعَالِ
Open ayah 13:9[Allah] ang Maalam ng Ghaib [di-nakikita] at ng nakikita [o nasasaksihan]. Siya ang Maringal, ang Kataas-taasan.
سَوَآءٞ مِّنكُم مَّنۡ أَسَرَّ ٱلۡقَوۡلَ وَمَن جَهَرَ بِهِۦ وَمَنۡ هُوَ مُسۡتَخۡفِۭ بِٱلَّيۡلِ وَسَارِبُۢ بِٱلنَّهَارِ
Open ayah 13:10Walang pagkakaiba [sa Kanya] hinggil sa inyo, maging itago man nito ang [kanyang] pananalita o di kaya ay kanyang ihayag ito. At maging ito man ay kanyang ikubli sa [dilim ng] gabi o ilantad sa [liwanag ng] araw.
لَهُۥ مُعَقِّبَٰتٞ مِّنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ يَحۡفَظُونَهُۥ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُغَيِّرُ مَا بِقَوۡمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُواْ مَا بِأَنفُسِهِمۡۗ وَإِذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِقَوۡمٖ سُوٓءٗا فَلَا مَرَدَّ لَهُۥۚ وَمَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَالٍ
Open ayah 13:11Sa kanya [sa bawa’t tao] ay may nagpapalit-palitang [mga anghel], mula sa kanyang harapan at mula sa kanyang likuran na nagbabantay sa kanya sa pamamagitan ng Kautusan ng Allah. Katotohanan, hindi babaguhin ng Allah ang kalagayan ng tao hanggang hindi nila binabago ang anumang nasa kanilang mga sarili. At kapag hinangad ng Allah para sa isang mamamayan ang kasamaan, walang makaiiwas nito at walang tagapangalaga para sa kanila bukod sa Kanya.
هُوَ ٱلَّذِي يُرِيكُمُ ٱلۡبَرۡقَ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَيُنشِئُ ٱلسَّحَابَ ٱلثِّقَالَ
Open ayah 13:12Siya ang nagpapakita sa inyo ng kidlat [na nagdudulot ng] takot at pag- asa. At Siya ang nagdudulot [upang lumikha] ng mga makakapal na ulap.
وَيُسَبِّحُ ٱلرَّعۡدُ بِحَمۡدِهِۦ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ مِنۡ خِيفَتِهِۦ وَيُرۡسِلُ ٱلصَّوَٰعِقَ فَيُصِيبُ بِهَا مَن يَشَآءُ وَهُمۡ يُجَٰدِلُونَ فِي ٱللَّهِ وَهُوَ شَدِيدُ ٱلۡمِحَالِ
Open ayah 13:13At ang kulog ay lumuluwalhati ng papuri sa Kanya, at maging ang mga anghel nang dahil sa [matinding] sindak sa Kanya. At Siya ang nagpapadala ng kulog at kidlat, tumatama sa sinumang Kanyang naisin, habang sila [mga di-naniniwala] ay nakikipagtalo tungkol sa Allah. At Siya ay mahigpit sa pagdaluhong [o pagpaparusa].
لَهُۥ دَعۡوَةُ ٱلۡحَقِّۚ وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَسۡتَجِيبُونَ لَهُم بِشَيۡءٍ إِلَّا كَبَٰسِطِ كَفَّيۡهِ إِلَى ٱلۡمَآءِ لِيَبۡلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَٰلِغِهِۦۚ وَمَا دُعَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ
Open ayah 13:14Sa Kanya [nararapat ituon] ang makatotohanang dalangin. At yaong kanilang mga dinadalanginan bukod sa Kanya ay hindi nakatutugon sa kanila ng isang bagay malibang tulad ng isang nag-uunat ng kanyang kamay sa pag-abot ng tubig upang mailapit sa kanyang bibig. Nguni’t hindi ito makaaabot sa kanya; at ang panalangin ng mga di-naniniwala ay walang [idudulot] kundi kamalian.
وَلِلَّهِۤ يَسۡجُدُۤ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ طَوۡعٗا وَكَرۡهٗا وَظِلَٰلُهُم بِٱلۡغُدُوِّ وَٱلۡأٓصَالِ۩
Open ayah 13:15At sa Allah [lamang] nagpapatirapa ang sinuman [o anumang] nasa mga kalangitan at kalupaan, kusa man o sapilitan, at [nagpapatirapa rin sa Kanya maging] ang kanilang mga anino sa [oras ng] umaga at mga hapon.
قُلۡ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ قُلِ ٱللَّهُۚ قُلۡ أَفَٱتَّخَذۡتُم مِّن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ لَا يَمۡلِكُونَ لِأَنفُسِهِمۡ نَفۡعٗا وَلَا ضَرّٗاۚ قُلۡ هَلۡ يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُ أَمۡ هَلۡ تَسۡتَوِي ٱلظُّلُمَٰتُ وَٱلنُّورُۗ أَمۡ جَعَلُواْ لِلَّهِ شُرَكَآءَ خَلَقُواْ كَخَلۡقِهِۦ فَتَشَٰبَهَ ٱلۡخَلۡقُ عَلَيۡهِمۡۚ قُلِ ٱللَّهُ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُوَ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّٰرُ
Open ayah 13:16Sabihin: “Sino ang Panginoon ng mga kalangitan at ng kalupaan?” Sabihin: “[Ang] Allah.” Sabihin: “Kayo ba kung gayon ay magtuturing ng ibang awliyah [tagapangalaga] bukod sa Kanya, sila na walang taglay na [kapangyarihang] magbigay buti o pinsala [kahit] sa kanilang mga sarili? Sabihin: "Ang bulag ba ay katulad ng nakakikita? O ang kadiliman ba ay katulad ng liwanag? O sila ba ay nag-akibat sa Allah ng mga katambal na lumikha ng nakakatulad ng Kanyang mga nilikha upang ang nilikha [ng bawa’t isa] ay tila nakakatulad nila? Sabihin: “Ang Allah ay Tagapaglikha ng lahat ng bagay; at Siya ang tanging Isa, ang di-Mapaglalabanan.”
أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَسَالَتۡ أَوۡدِيَةُۢ بِقَدَرِهَا فَٱحۡتَمَلَ ٱلسَّيۡلُ زَبَدٗا رَّابِيٗاۖ وَمِمَّا يُوقِدُونَ عَلَيۡهِ فِي ٱلنَّارِ ٱبۡتِغَآءَ حِلۡيَةٍ أَوۡ مَتَٰعٖ زَبَدٞ مِّثۡلُهُۥۚ كَذَٰلِكَ يَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡحَقَّ وَٱلۡبَٰطِلَۚ فَأَمَّا ٱلزَّبَدُ فَيَذۡهَبُ جُفَآءٗۖ وَأَمَّا مَا يَنفَعُ ٱلنَّاسَ فَيَمۡكُثُ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ كَذَٰلِكَ يَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡأَمۡثَالَ
Open ayah 13:17Siya ang nagbababa ng tubig [o ulan] mula sa langit, at ang [tubig sa] mga lambak ay nagsisiagos nang ayon sa kanilang sukat, at ang bugso ng baha [ng tubig] ay nagdadala ng mga bulang nag-uumaapaw. At mula sa anumang kanilang pinaiinit sa apoy, naglalayong gumawa ng mga palamuti o kagamitan ay tulad din nitong bulang nag-uumapaw. Ganyan inilalahad ng Allah ang katotohanan at kabulaanan. Kaya, ang bula ay naglalaho, itinatapon, samantalang ang anumang nakabubuti sa tao ay pinananatili sa kalupaan. Ganyan inilalahad ng Allah ang mga paghahalintulad [bilang aral na dapat pagtuunan ng sangkatauhan].
لِلَّذِينَ ٱسۡتَجَابُواْ لِرَبِّهِمُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَٱلَّذِينَ لَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُۥ لَوۡ أَنَّ لَهُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا وَمِثۡلَهُۥ مَعَهُۥ لَٱفۡتَدَوۡاْ بِهِۦٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ سُوٓءُ ٱلۡحِسَابِ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Open ayah 13:18Yaong mga tumugon sa kanilang Panginoon, [nakalaan sa kanila] ang pinakamabuting [gantimpala]. Subali’t yaong mga hindi tumugon sa Kanya - kung sila man ay mayroong lahat ng nasa kalupaan at ng nakakatulad nito, kanilang [tatangkaing] ipagpapalit ito bilang pantubos sa kanilang mga sariling [kaligtasan]. Sila yaong mayroong pinakamasamang pagtutuos [ng gawa]. At ang kanilang kanlungan ay ang Impiyerno; at napakasamang pook na paghihimlayan.
۞أَفَمَن يَعۡلَمُ أَنَّمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ ٱلۡحَقُّ كَمَنۡ هُوَ أَعۡمَىٰٓۚ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Open ayah 13:19Kaya, ang isa bang nakababatid na ang anumang ipinahayag sa iyo [O Muhammad] mula sa iyong Panginoon ay katotohanan ay nakakatulad ng isang bulag? Katotohanan, silang mga pinaaalalahanan lamang ang nagtataglay ng pang-unawa.
ٱلَّذِينَ يُوفُونَ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ وَلَا يَنقُضُونَ ٱلۡمِيثَٰقَ
Open ayah 13:20[Sila] yaong mga tumutupad ng kasunduan sa Allah at hindi nagtatalu- sira [sa mga pinagtibay na kasunduan at tiwala].
وَٱلَّذِينَ يَصِلُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيَخۡشَوۡنَ رَبَّهُمۡ وَيَخَافُونَ سُوٓءَ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 13:21At yaong mga dinurugtungan ang anumang [ugnayang] ipinag-utos ng Allah na dugtungan, at kinatatakutan ang kanilang Panginoon, at pinangangambahan ang [bunga ng] kasamaan ng [kanilang] pagtutuos,
وَٱلَّذِينَ صَبَرُواْ ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِمۡ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ وَيَدۡرَءُونَ بِٱلۡحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عُقۡبَى ٱلدَّارِ
Open ayah 13:22At yaong mga matiisin, hinahanap [ang magandang] lugod [o Mukha] ng kanilang Panginoon. At kanilang isinasagawa ang pagdarasal, at gumugugol mula sa anumang [panustos na] Aming ipinagkaloob sa kanila, maging ito man ay lihim o hayag, at pumipigil sa kasamaan sa pamamagitan ng gawaing mabuti, sila yaong mayroong [nakalaang] mabuting wakas ng tahanan.
جَنَّٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا وَمَن صَلَحَ مِنۡ ءَابَآئِهِمۡ وَأَزۡوَٰجِهِمۡ وَذُرِّيَّٰتِهِمۡۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَدۡخُلُونَ عَلَيۡهِم مِّن كُلِّ بَابٖ
Open ayah 13:23Eden [Paraiso ng walang hanggang pananatili]; kanilang papasukin ang mga ito kasama ng sinumang naging matwid mula sa kanilang mga ama, at sa kanilang mga asawa, at sa kanilang mga anak. At ang mga anghel ay papasok sa kanila mula sa bawa’t pintuan [na nagsasabing]:
سَلَٰمٌ عَلَيۡكُم بِمَا صَبَرۡتُمۡۚ فَنِعۡمَ عُقۡبَى ٱلدَّارِ
Open ayah 13:24“Ang kapayapaan ay sumainyo sapagka’t kayo ay naging matiyaga sa pagtitiis. Sadyang napakaganda ng huling tahanan [sa kabilang buhay].”
وَٱلَّذِينَ يَنقُضُونَ عَهۡدَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مِيثَٰقِهِۦ وَيَقۡطَعُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱللَّعۡنَةُ وَلَهُمۡ سُوٓءُ ٱلدَّارِ
Open ayah 13:25At yaong mga nagtalu-sira sa kanilang kasunduan sa Allah pagkaraang ito ay pinagtibay, at pinutol ang ugnayan na ipinag-utos ng Allah na pagdugtungin at naghasik ng mga katiwalian sa kalupaan, sa kanila ay sumpa [ng Allah], at sila yaong mayroong pinakamasamang tahanan [ang Impiyerno].
ٱللَّهُ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ وَفَرِحُواْ بِٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا مَتَٰعٞ
Open ayah 13:26Pinalalawig [o dinaragdagan] ng Allah ang panustos ng sinumang Kanyang nais, at hinihigpitan ito [sa sinumang Kanyang nais]. At sila ay nagagalak sa buhay sa mundong ito samantalang [itong] buhay sa mundo kung ihahambing sa kabilang buhay ay isa lamang maikling kasiyahan.
وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِيٓ إِلَيۡهِ مَنۡ أَنَابَ
Open ayah 13:27At yaong mga di-naniniwala ay magsasabing: “Bakit hindi ipinahayag sa kanya ang isang ayah [o kapahayagan] mula sa Kanyang Panginoon? Sabihin: “Katotohanan, hinahayaang maligaw ng Allah ang sinumang Kanyang nais at pinapatnubayan tungo rito [sa katotohanan] ang sinumang [matapat na] nagbabalik-loob sa Kanya [sa pagsisisi].”
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَتَطۡمَئِنُّ قُلُوبُهُم بِذِكۡرِ ٱللَّهِۗ أَلَا بِذِكۡرِ ٱللَّهِ تَطۡمَئِنُّ ٱلۡقُلُوبُ
Open ayah 13:28Yaong mga naniwala at panatag ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng pag-alaala sa Allah. Walang alinlangan, matatagpuan sa pag-alaala sa Allah ang kapanatagan ng mga puso.
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ طُوبَىٰ لَهُمۡ وَحُسۡنُ مَـَٔابٖ
Open ayah 13:29Yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid - kanilang malalasap [ang mabuting kasiyahan] at isang mabuting pagbabalik.
كَذَٰلِكَ أَرۡسَلۡنَٰكَ فِيٓ أُمَّةٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهَآ أُمَمٞ لِّتَتۡلُوَاْ عَلَيۡهِمُ ٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ وَهُمۡ يَكۡفُرُونَ بِٱلرَّحۡمَٰنِۚ قُلۡ هُوَ رَبِّي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ مَتَابِ
Open ayah 13:30Ganyan nga [O Muhammad] ikaw ay Aming isinugo sa isang pamayanan na noong una pa man ay marami ng pamayanan ang nagsilipas, upang iyong bigkasin sa kanila ang anumang Aming ipinahayag sa iyo, samantalang sila ay hindi naniniwala sa Mahabagin [sa Allah]. Sabihin: “Siya ang aking Panginoon; wala nang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Sa Kanya, ako ay buong pusong nagtitiwala, at sa Kanya ang aking pagbabalik.”
وَلَوۡ أَنَّ قُرۡءَانٗا سُيِّرَتۡ بِهِ ٱلۡجِبَالُ أَوۡ قُطِّعَتۡ بِهِ ٱلۡأَرۡضُ أَوۡ كُلِّمَ بِهِ ٱلۡمَوۡتَىٰۗ بَل لِّلَّهِ ٱلۡأَمۡرُ جَمِيعًاۗ أَفَلَمۡ يَاْيۡـَٔسِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَهَدَى ٱلنَّاسَ جَمِيعٗاۗ وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ تُصِيبُهُم بِمَا صَنَعُواْ قَارِعَةٌ أَوۡ تَحُلُّ قَرِيبٗا مِّن دَارِهِمۡ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ وَعۡدُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُخۡلِفُ ٱلۡمِيعَادَ
Open ayah 13:31Kung may isang Qur'an na maaaring magpagalaw sa mga bundok [mula sa kanilang kinatitirikan], o ang kalupaan ay magkalansag-lansag, o ang mga patay ay magawang makipag-usap [ito ay wala nang iba pa kundi ang Qur’an na ito]. Nguni't, nasa [kapamahalaan ng] Allah ang buong pangyayari. Kaya, hindi ba nababatid niyaong mga naniwala na kung nais lamang ng Allah, Kanyang mapapatnubayan ang buong sangkatauhan – silang lahat? At yaong mga di-naniwala ay hindi titigilan na dulutan ng kapinsalaan sanhi ng anumang kanilang ginawa - o ito ay bababa ng malapit sa kanilang mga pamamahay hanggang dumating ang pangako ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay hindi sumisira sa Kanyang pangako.
وَلَقَدِ ٱسۡتُهۡزِئَ بِرُسُلٖ مِّن قَبۡلِكَ فَأَمۡلَيۡتُ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ ثُمَّ أَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ عِقَابِ
Open ayah 13:32At katiyakan, maraming [ibang] mga sugo ang inalipusta na nauna pa sa iyo [O Muhammad] nguni’t Aking pinalugitanan ang mga di-naniwala, at pagkatapos nito, sila ay Aking hinablot [pinarusahan]. Kaya, sadyang kasindak-sindak ang Aking kaparusahan!
أَفَمَنۡ هُوَ قَآئِمٌ عَلَىٰ كُلِّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡۗ وَجَعَلُواْ لِلَّهِ شُرَكَآءَ قُلۡ سَمُّوهُمۡۚ أَمۡ تُنَبِّـُٔونَهُۥ بِمَا لَا يَعۡلَمُ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَم بِظَٰهِرٖ مِّنَ ٱلۡقَوۡلِۗ بَلۡ زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ مَكۡرُهُمۡ وَصُدُّواْ عَنِ ٱلسَّبِيلِۗ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ
Open ayah 13:33Kaya, Siya ba na Tagapagpanatili ng bawat kaluluwa, [at Maalam] kung ano ang pinagsumikapan nito [ay nakakatulad ng alinmang itinatambal sa Kanya]? Subali’t, sila ay gumawa ng mga katambal sa Allah. Sabihin: “Sila ay inyong pangalanan! O kayo ba ang magbibigay-alam sa Kanya ng anumang hindi Niya nababatid sa kalupaan at kung ano ang [inaakalang] hayag na pananalita? Bagkus, ginawang kalugud-lugod [ng satanas] para sa mga di-naniniwala ang kanilang sariling balakin, at sila ay [ginawang] ilihis mula sa [tuwid na] landas. At sinuman ang hinayaang maligaw ng Allah - sa kanya ay walang makapagpapatnubay.
لَّهُمۡ عَذَابٞ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَشَقُّۖ وَمَا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن وَاقٖ
Open ayah 13:34Sa kanila ay may [nakalaang] parusa sa buhay sa mundong [ito], at katiyakan, higit na masidhi ang parusa sa kabilang buhay. At sila ay walang tagapagtanggol laban sa Allah.
۞مَّثَلُ ٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ أُكُلُهَا دَآئِمٞ وَظِلُّهَاۚ تِلۡكَ عُقۡبَى ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْۚ وَّعُقۡبَى ٱلۡكَٰفِرِينَ ٱلنَّارُ
Open ayah 13:35Ang kahalintulad ng [paglalarawan sa] Paraiso na ipinangako sa mga may takot [sa Allah] ay: sa ilalim nito ay mga ilog na umaagos, ang mga prutas nito ay walang pagkupas at maging ang lilim ng mga ito; ito ang kahihinatnan ng mga may takot [sa Allah], at ang kahihinatnan ng mga di- naniniwala ay ang Apoy.
وَٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَفۡرَحُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَۖ وَمِنَ ٱلۡأَحۡزَابِ مَن يُنكِرُ بَعۡضَهُۥۚ قُلۡ إِنَّمَآ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱللَّهَ وَلَآ أُشۡرِكَ بِهِۦٓۚ إِلَيۡهِ أَدۡعُواْ وَإِلَيۡهِ مَـَٔابِ
Open ayah 13:36At yaong Aming mga pinagkalooban ng [naunang] Aklat ay nagagalak sa anumang ipinahayag sa iyo [O Muhammad] nguni’t kabilang sa pangkat [ng mga di-naniniwala] ay yaong mga nagtatakwil sa isang bahagi nito [ng Qur’an]. Sabihin mo [O Muhammad]: “Ako ay napag-utusan na sumamba lamang sa Allah at hindi ako magtatambal ng anupaman sa Kanya. Sa Kanya, ako ay nag-aanyaya, at sa Kanya ang aking pagbabalik.”
وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ حُكۡمًا عَرَبِيّٗاۚ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم بَعۡدَمَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا وَاقٖ
Open ayah 13:37At [tulad ng mga naunang kapahayagan ay] ganyan din Namin ibinaba [o ipinahayag] ito [ang Qur’an] bilang batas [na nasa wikang] Arabe. At kung mangyari mang ikaw [O Muhammad] ay sumunod sa kanilang [walang kabuluhang] pagnanasa pagkaraang dumating sa iyo ang kaalaman, samakatwid, ikaw ay hindi magkakaroon ng sinumang tagapangalaga o ng tagapagtanggol [laban sa Allah].
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلٗا مِّن قَبۡلِكَ وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَذُرِّيَّةٗۚ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَن يَأۡتِيَ بِـَٔايَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ لِكُلِّ أَجَلٖ كِتَابٞ
Open ayah 13:38At katiyakan, Aming ipinadala na ang mga sugo na una pa sa iyo [O Muhammad] at Aming ginawa [o itinalaga] para sa kanila ang mga asawa at mga supling. At hindi marapat para sa isang sugo na magdala ng isang ayaat [batas o kapahayagan] maliban sa Kapahintulutan ng Allah. Ang bawa’t itinalagang panahon ay may kaukulang takda.
يَمۡحُواْ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ وَيُثۡبِتُۖ وَعِندَهُۥٓ أُمُّ ٱلۡكِتَٰبِ
Open ayah 13:39Pinapawi ng Allah ang anumang Kanyang nais at pinagtitibay [ang anumang Kanyang nais]. At nasa Kanya ang [pangangasiwa ng] Inang Aklat.
وَإِن مَّا نُرِيَنَّكَ بَعۡضَ ٱلَّذِي نَعِدُهُمۡ أَوۡ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُ وَعَلَيۡنَا ٱلۡحِسَابُ
Open ayah 13:40At kahit na ipakita pa Namin sa iyo [O Muhammad] ang isang bahagi ng anumang [parusa na] Aming ipinangako sa kanila o ikaw ay tulutang mamatay, katiyakang ang nakaatang lamang sa iyo [bilang tungkulin] ay ang maghatid [ng mensahe], at sa Amin nakaatang ang pagbibilang [o pagtutuos ng mga gawa].
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا نَأۡتِي ٱلۡأَرۡضَ نَنقُصُهَا مِنۡ أَطۡرَافِهَاۚ وَٱللَّهُ يَحۡكُمُ لَا مُعَقِّبَ لِحُكۡمِهِۦۚ وَهُوَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 13:41Hindi ba nila nakikita na Aming unti-unting binabawasan ang lupaing [nasasakupan ng mga di-naniniwala] mula sa mga liblib na hangganan nito. At ang Allah ay naghahatol; walang sinuman ang makapipigil [sa pagliban] ng Kanyang paghatol. At Siya ay Maagap sa pagtutuos [o pagbibilang ng mga gawa].
وَقَدۡ مَكَرَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَلِلَّهِ ٱلۡمَكۡرُ جَمِيعٗاۖ يَعۡلَمُ مَا تَكۡسِبُ كُلُّ نَفۡسٖۗ وَسَيَعۡلَمُ ٱلۡكُفَّٰرُ لِمَنۡ عُقۡبَى ٱلدَّارِ
Open ayah 13:42At katiyakan, nagbalak yaong mga nauna sa kanila, nguni't ang balakin ay nasa ganap [na kaalaman ng] Allah. Nababatid Niya kung ano ang pinagsumikapan ng bawat kaluluwa [o tao], at mapag-aalaman ng mga di- naniniwala kung kanino [nakalaan] ang [mabuting] tahanan [o ang huling hantungan].
وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَسۡتَ مُرۡسَلٗاۚ قُلۡ كَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدَۢا بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡ وَمَنۡ عِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلۡكِتَٰبِ
Open ayah 13:43At yaong mga di-naniwala ay magsasabi: “Ikaw [O Muhammad] ay hindi isang sugo.” Sabihin [sa mga di-naniniwala: “Sapat na ang Allah bilang Saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo, at [ang saksi ng] sinumang may kaalaman sa Aklat.”