ابراهيم
Ibrahim
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓرۚ كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ إِلَيۡكَ لِتُخۡرِجَ ٱلنَّاسَ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ بِإِذۡنِ رَبِّهِمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ
Open ayah 14:1Alif, Lam, Ra. [Ito] ang Aklat na Aming ipinahayag sa iyo [O Muhammad] upang hanguin mo ang sangkatauhan mula sa kadiliman tungo sa liwanag sa kapahintulutan ng kanilang Panginoon – tungo sa Landas ng Ganap na Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,
ٱللَّهِ ٱلَّذِي لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَوَيۡلٞ لِّلۡكَٰفِرِينَ مِنۡ عَذَابٖ شَدِيدٍ
Open ayah 14:2Allah – sa Kanya ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga kalangitan at ng anumang nasa kalupaan. At kasawian sa mga di-naniniwala mula sa isang matinding parusa.
ٱلَّذِينَ يَسۡتَحِبُّونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا عَلَى ٱلۡأٓخِرَةِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٖ
Open ayah 14:3Yaong mga kinalulugdan ang makamundong buhay nang higit kaysa sa kabilang buhay at kanilang hinahadlangan [ang tao] sa Landas ng Allah at kanilang hinahangad na ito [ang mensahe ng Qur’an] ay gawing [tila] lihis [o baluktot]. Sila yaong mga nasa malubhang kamalian [o malayong pagkaligaw].
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن رَّسُولٍ إِلَّا بِلِسَانِ قَوۡمِهِۦ لِيُبَيِّنَ لَهُمۡۖ فَيُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 14:4At Kami ay hindi nagpadala ng sugo malibang [ito ay nagsasalita] sa wika ng kanyang mga mamamayan, upang gawing malinaw [ang mensahe] para sa kanila. At [hinahayaang] maligaw ng Allah ang sinumang Kanyang naisin at pinapatnubayan ang sinumang Kanyang naisin. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ أَنۡ أَخۡرِجۡ قَوۡمَكَ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ وَذَكِّرۡهُم بِأَيَّىٰمِ ٱللَّهِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ
Open ayah 14:5At katiyakan, Aming isinugo si Moises, dala ang Aming mga ayaat [kapahayagan na nagsasabing]: “Hanguin mo ang iyong mga mamamayan mula sa kadiliman tungo sa liwanag, at sila ay iyong paalalahanan sa mga araw [ng pagpapala na iginawad] ng Allah.” Katotohanan, naririto ang mga ayaat [aral] para sa bawa’t matiisin, [at] mapagpasalamat.
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ أَنجَىٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ وَيُذَبِّحُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ
Open ayah 14:6At [banggitin mo] nang si Moises ay nagsabi sa kanyang mga mamamayan: “Alalahanin ninyo ang mga pagpapala ng Allah sa inyo nang kayo ay Kanyang iniligtas mula sa tauhan ni Paraon na naghahasik sa inyo ng matinding parusa [katampalasanan], at kanilang kinikitil ang inyong mga [bagong silang na] anak na lalaki at hinahayaang mabuhay ang inyong mga kababaihan; at iyan ay isang malaking pagsubok mula sa inyong Panginoon.”
وَإِذۡ تَأَذَّنَ رَبُّكُمۡ لَئِن شَكَرۡتُمۡ لَأَزِيدَنَّكُمۡۖ وَلَئِن كَفَرۡتُمۡ إِنَّ عَذَابِي لَشَدِيدٞ
Open ayah 14:7At [alalahanin] nang ang inyong Panginoon ay nanawagan: “Kung kayo
وَقَالَ مُوسَىٰٓ إِن تَكۡفُرُوٓاْ أَنتُمۡ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا فَإِنَّ ٱللَّهَ لَغَنِيٌّ حَمِيدٌ
Open ayah 14:8At si Moises ay nagsabi: “Kung kayo man ay di-maniniwala - kayo at maging ang sinumang nasa kalupaan, [inyong alalahanin na], ang Allah ang Mayaman [walang pangangailangan], Kapuri-puri.”
أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَبَؤُاْ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ قَوۡمِ نُوحٖ وَعَادٖ وَثَمُودَ وَٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لَا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا ٱللَّهُۚ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَرَدُّوٓاْ أَيۡدِيَهُمۡ فِيٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَقَالُوٓاْ إِنَّا كَفَرۡنَا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ وَإِنَّا لَفِي شَكّٖ مِّمَّا تَدۡعُونَنَآ إِلَيۡهِ مُرِيبٖ
Open ayah 14:9Hindi ba nakarating sa inyo ang balita niyaong mga nauna sa inyo, ang mga mamamayan ni Noah, at [mga mamamayan] ng ‘Aad, at ang [mga Tribu ng] Thamud? At yaong [mga mamamayang] pagkaraan nila? Walang nakaaalam sa kanilang [bilang] maliban sa Allah. Ang kanilang mga sugo ay nagdala sa kanila ng mga malilinaw na katibayan, nguni’t kanilang inilagay ang kanilang mga kamay sa kanilang mga bibig at nagsabi: “Katotohanan, kami ay hindi naniniwala sa anupamang ipinadala sa inyo, at kami ay sadyang nasa malaking agam-agam tungkol sa anumang inyong ipinag-aanyaya sa amin.”
۞قَالَتۡ رُسُلُهُمۡ أَفِي ٱللَّهِ شَكّٞ فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يَدۡعُوكُمۡ لِيَغۡفِرَ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرَكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ قَالُوٓاْ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا تُرِيدُونَ أَن تَصُدُّونَا عَمَّا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَا فَأۡتُونَا بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Open ayah 14:10Ang kanilang mga sugo ay nagsabi: “Mayroon pa ba kayong agam- agam tungkol sa Allah, ang Tagapaglikha ng mga kalangitan at ng kalupaan? Siya ay nag-aanyaya sa inyo upang kayo ay Kanyang patawarin sa inyong mga kasalanan at Kanyang ipagkaloob sa inyo ang [sapat na] palugit para sa itinakdang Oras.” [Nguni’t] sila ay nagsabi: “Kayo [mga sugo] ay hindi hihigit sa isang taong katulad namin - na kayo ay naghahangad [lamang] na kami ay ilayo sa anumang sinasamba ng aming mga ninuno. Kaya, bigyan ninyo kami ng malinaw na batayan.”
قَالَتۡ لَهُمۡ رُسُلُهُمۡ إِن نَّحۡنُ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَمُنُّ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۖ وَمَا كَانَ لَنَآ أَن نَّأۡتِيَكُم بِسُلۡطَٰنٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Open ayah 14:11Ang kanilang mga sugo ay nagsabi sa kanila: “Kami ay hindi humigit sa mga taong katulad ninyo subali’t iginagawad ng Allah ang pagpapala sa sinumang Kanyang nais sa Kanyang mga alipin. Hindi marapat para sa amin na kami ay magbigay sa inyo ng batayan [o ng anumang kautusan] maliban sa kapahintulutan ng Allah. At sa Allah nararapat ipagkaloob ang [buong] pagtitiwala ng mga naniniwala.
وَمَا لَنَآ أَلَّا نَتَوَكَّلَ عَلَى ٱللَّهِ وَقَدۡ هَدَىٰنَا سُبُلَنَاۚ وَلَنَصۡبِرَنَّ عَلَىٰ مَآ ءَاذَيۡتُمُونَاۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ
Open ayah 14:12At bakit nga hindi kami magtitiwala sa Allah gayong Siya ang tunay na nagpatnubay sa amin sa aming mga [mabubuting] gawa? At katiyakan na kami ay magtitiis sa anumang pasakit [o dusa] na inyong idinudulot sa amin, at sa Allah nararapat ipagkaloob ang [buong] pagtitiwala ng mga nagtitiwala.
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِرُسُلِهِمۡ لَنُخۡرِجَنَّكُم مِّنۡ أَرۡضِنَآ أَوۡ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَاۖ فَأَوۡحَىٰٓ إِلَيۡهِمۡ رَبُّهُمۡ لَنُهۡلِكَنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 14:13At yaong mga di-naniwala ay nagsabi sa kanilang mga sugo: “Katiyakan, kayo ay aming itataboy sa labas ng aming lupain, o di kaya kayo ay nararapat magsibalik sa aming relihiyon.” Kaya, ang kanilang Panginoon ay nagpahayag sa kanila: “Tunay na Aming wawasakin ang mga mapaggawa ng kamalian. ”
وَلَنُسۡكِنَنَّكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَافَ مَقَامِي وَخَافَ وَعِيدِ
Open ayah 14:14“At Aming titiyakin na kayo [mga naniwala] ay maninirahan sa mga lupain pagkaraan [ng paglaho] nila. Iyan ay para sa kanya na kinatatakutan ang Aking kinatatayuan at kinatatakutan ang Aking banta.”
وَٱسۡتَفۡتَحُواْ وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِيدٖ
Open ayah 14:15At sila [mga sugo] ay humiling ng pasiya [o tagumpay mula sa Allah], at [dahil dito ay] nabigo ang bawa’t malupit [at] mapaniil.
مِّن وَرَآئِهِۦ جَهَنَّمُ وَيُسۡقَىٰ مِن مَّآءٖ صَدِيدٖ
Open ayah 14:16Sa kanyang harapan [ng bawa’t makasalanan] ay ang Impiyerno, at siya ay paiinumin ng tubig na nagmula sa nagnananang sugat.
يَتَجَرَّعُهُۥ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُۥ وَيَأۡتِيهِ ٱلۡمَوۡتُ مِن كُلِّ مَكَانٖ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٖۖ وَمِن وَرَآئِهِۦ عَذَابٌ غَلِيظٞ
Open ayah 14:17Ito ay kanyang [sapilitang] sisipsipin nguni’t nahihirapang lulunin; at ang kamatayan ay dumarating sa kanya mula sa bawa’t dako, subali’t siya ay hindi mamamatay at sa kanyang likuran ay isang mabigat na parusa.
مَّثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡۖ أَعۡمَٰلُهُمۡ كَرَمَادٍ ٱشۡتَدَّتۡ بِهِ ٱلرِّيحُ فِي يَوۡمٍ عَاصِفٖۖ لَّا يَقۡدِرُونَ مِمَّا كَسَبُواْ عَلَىٰ شَيۡءٖۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَٰلُ ٱلۡبَعِيدُ
Open ayah 14:18Ang kahalintulad niyaong mga di-naniniwala sa kanilang Panginoon [ay ito] ang kanilang mga gawa ay tulad ng mga abo na hinihipan ng malakas na hangin sa binabagyong araw. Hindi nila magawang panatilihin mula sa anumang kanilang pinagsumikapan ang [alinmang] bagay. Iyan ay [malayong pagkaligaw o] malubhang kamalian.
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَأۡتِ بِخَلۡقٖ جَدِيدٖ
Open ayah 14:19Hindi ba ninyo nakikita [o isinaalang-alang] na ang Allah ang Siyang lumikha ng mga kalangitan at ng kalupaan sa katotohanan? Kung Kanyang nais, kayo ay Kanyang mapaaalis at magdadala ng panibagong nilikha.
وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِيزٖ
Open ayah 14:20At iyan ay hindi mahirap [gawin] para sa Allah.
وَبَرَزُواْ لِلَّهِ جَمِيعٗا فَقَالَ ٱلضُّعَفَٰٓؤُاْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا كُنَّا لَكُمۡ تَبَعٗا فَهَلۡ أَنتُم مُّغۡنُونَ عَنَّا مِنۡ عَذَابِ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۚ قَالُواْ لَوۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ لَهَدَيۡنَٰكُمۡۖ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَجَزِعۡنَآ أَمۡ صَبَرۡنَا مَا لَنَا مِن مَّحِيصٖ
Open ayah 14:21At sila ay magsisilitaw sa harapan ng Allah [para sa paghuhukom] na magkakasama; at ang mga mahihina ay magsasabi sa mga mapagmalaki: “Katotohanan, kami ay inyong naging tagasunod kaya kami ba ay inyong matutulungan ng anuman laban sa parusa ng Allah?” Sila ay magsasabi: “Kung kami ay napatnubayan ng Allah, maaari namin kayong napatnubayan. [Nguni’t hindi nga nagkagayon] walang kaibahan sa atin ngayon kung tayo man ay naliligalig o nagtitiis: walang pook para sa ating pagtakas [o kaligtasan mula sa parusa].”
وَقَالَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَمَّا قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ إِنَّ ٱللَّهَ وَعَدَكُمۡ وَعۡدَ ٱلۡحَقِّ وَوَعَدتُّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُكُمۡۖ وَمَا كَانَ لِيَ عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّآ أَن دَعَوۡتُكُمۡ فَٱسۡتَجَبۡتُمۡ لِيۖ فَلَا تَلُومُونِي وَلُومُوٓاْ أَنفُسَكُمۖ مَّآ أَنَا۠ بِمُصۡرِخِكُمۡ وَمَآ أَنتُم بِمُصۡرِخِيَّ إِنِّي كَفَرۡتُ بِمَآ أَشۡرَكۡتُمُونِ مِن قَبۡلُۗ إِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 14:22At ang satanas ay magsasabi kung ang pangyayari ay napagpasiyahan na: “Katotohanan, ang Allah ay nangako sa inyo ng isang pangako ng katotohanan. At ako ay nangako rin, nguni’t ako ay nagtaksil sa inyo. Wala akong karapatan sa inyo maliban na ako ay nag-anyaya sa inyo at kayo ay tumugon [o sumunod] sa akin. Kaya, huwag ninyo akong sisihin bagkus inyong sisihin ang inyong mga sarili. Hindi ko kayo matutulungan, at hindi rin ninyo ako matutulungan. Katotohanan, aking itinatakwil ang inyong ginawang pagtatambal sa akin [sa Allah] noon. Katotohanan, para sa mga mapaggawa ng kamalian, ay isang mahapding parusa.”
وَأُدۡخِلَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِمۡۖ تَحِيَّتُهُمۡ فِيهَا سَلَٰمٌ
Open ayah 14:23At yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid [sila ay] papapasukin sa mga hardin na sa ilalim ng mga ito ay may mga ilog na umaagos upang mamalagi roon nang walang hanggan sa kapahintulutan ng kanilang Panginoon. Ang kanilang pagbati roon ay: "kapayapaan".
أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا كَلِمَةٗ طَيِّبَةٗ كَشَجَرَةٖ طَيِّبَةٍ أَصۡلُهَا ثَابِتٞ وَفَرۡعُهَا فِي ٱلسَّمَآءِ
Open ayah 14:24Hindi ba ninyo nakikita [o isinaalang-alang] kung paano naglahad ng paghahalintulad ang Allah, [Kanyang ginagawa] ang mabuting salita [La ilaha illallah] na tulad ng isang mabuting punongkahoy, na ang ugat ay matatag na nakatirik, at ang mga sanga nito ay [nagtataasan] sa kalangitan?
تُؤۡتِيٓ أُكُلَهَا كُلَّ حِينِۭ بِإِذۡنِ رَبِّهَاۗ وَيَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡأَمۡثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Open ayah 14:25Ito ay nagbubunga ng kanyang mga prutas sa lahat ng panahon, sa pamamagitan ng Kapahintulutan ng Panginoon nito, at ang Allah ay nagbibigay ng mga paghahalintulad para sa sangkatauhan upang sakali sila ay [matutong] makaalala.
وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٖ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ ٱجۡتُثَّتۡ مِن فَوۡقِ ٱلۡأَرۡضِ مَا لَهَا مِن قَرَارٖ
Open ayah 14:26At ang kahalintulad ng isang masamang salita [i.e. pagtatambal sa Allah] ay tulad ng isang masamang punongkahoy, [ito ay] binunot mula sa ibabaw ng lupa na walang anupamang katatagan.
يُثَبِّتُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡقَوۡلِ ٱلثَّابِتِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَيُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلظَّٰلِمِينَۚ وَيَفۡعَلُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ
Open ayah 14:27Pananatilihing matatag ng Allah yaong mga [tunay na] naniniwala, sa pamamagitan ng matibay na salita sa makamundong buhay, at sa kabilang buhay. At hahayaan namang maligaw ng Allah yaong mga mapaggawa ng kamalian, at [sapagka’t] ginagawa ng Allah ang anumang Kanyang nais.
۞أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ بَدَّلُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ كُفۡرٗا وَأَحَلُّواْ قَوۡمَهُمۡ دَارَ ٱلۡبَوَارِ
Open ayah 14:28Hindi mo ba nakita [o isinaalang-alang] yaong mga ipinagpalit ang mga pagpapala ng Allah para sa kawalan ng paniniwala at kanilang isinadlak ang kanilang mga mamamayan sa tahanan ng kapariwaraan?
جَهَنَّمَ يَصۡلَوۡنَهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡقَرَارُ
Open ayah 14:29[Sa Apoy ng] Impiyerno, sila ay [papapasukin doon upang] sunugin, at sadyang napakasamang kinasadlakan.
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادٗا لِّيُضِلُّواْ عَن سَبِيلِهِۦۗ قُلۡ تَمَتَّعُواْ فَإِنَّ مَصِيرَكُمۡ إِلَى ٱلنَّارِ
Open ayah 14:30At sila ay nagtatakda sa Allah ng mga kapantay [karibal], upang iligaw [ang mga tao] sa Kanyang Landas. Sabihin: “Kayo ay magtamasa [ng ligaya sa maikling buhay sa mundo] sapagka’t katotohanan, ang inyong patutunguhan ay ang Apoy!”
قُل لِّعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا بَيۡعٞ فِيهِ وَلَا خِلَٰلٌ
Open ayah 14:31Sabihin mo [O Muhammad] sa Aking mga alipin na naniniwala, na sila ay magsagawa ng pagdarasal at gumugol sa kawanggawa mula sa anumang [panustos] na Aming ipinagkaloob sa kanila, lihim man at hayagan bago dumating ang isang Araw na walang bilihan at walang pagkakaibigan.
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزۡقٗا لَّكُمۡۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡفُلۡكَ لِتَجۡرِيَ فِي ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡأَنۡهَٰرَ
Open ayah 14:32Ang Allah ang Siyang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan. At [Siya ang] nagbaba ng tubig mula sa langit, at sa pamamagitan nito [ng ulan] ay sumibol ang mga prutas bilang panustos para sa inyong [ikabubuhay]; at Kanyang itinalaga para sa inyo ang mga sasakyang-dagat upang [ito ay] makapaglayag sa [laot ng] karagatan sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan; at itinalaga para sa inyo ang mga ilog.
وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ دَآئِبَيۡنِۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ
Open ayah 14:33At itinalaga para sa inyo ang araw at ang buwan, [kapwa] patuloy [sa pag-inog] at itinalaga para sa inyo ang gabi at ang maghapon.
وَءَاتَىٰكُم مِّن كُلِّ مَا سَأَلۡتُمُوهُۚ وَإِن تَعُدُّواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ لَا تُحۡصُوهَآۗ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَظَلُومٞ كَفَّارٞ
Open ayah 14:34At Kanyang ipinagkaloob sa inyo ang lahat ng inyong kahilingan sa Kanya, at kung inyong bibilangin ang mga pagpapala ng Allah, kailanman ay hindi ninyo magagawang isa-isahin ang mga ito. Katotohanan, ang sangkatauhan ay mapaggawa ng kamalian at walang utang na loob.
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِيمُ رَبِّ ٱجۡعَلۡ هَٰذَا ٱلۡبَلَدَ ءَامِنٗا وَٱجۡنُبۡنِي وَبَنِيَّ أَن نَّعۡبُدَ ٱلۡأَصۡنَامَ
Open ayah 14:35At [banggitin mo O Muhammad] nang si Abraham ay nagsabi: “Aking Panginoon, gawin Mo po ang lungsod na ito [Makkah] na matiwasay, at ilayo Mo po ako at ang aking mga anak [na lalaki] mula sa pagsamba sa mga idolo [rebulto].
رَبِّ إِنَّهُنَّ أَضۡلَلۡنَ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلنَّاسِۖ فَمَن تَبِعَنِي فَإِنَّهُۥ مِنِّيۖ وَمَنۡ عَصَانِي فَإِنَّكَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 14:36Aking Panginoon, katotohanan, [nang dahil sa mga rebultong ito] kanilang nailigaw ang karamihan sa tao. Datapwa’t sinuman ang sumunod sa akin, siya ay nabibilang sa akin. At sinuman ang sumuway sa akin, katotohanan, Ikaw ay Mapagpatawad, Maawain.
رَّبَّنَآ إِنِّيٓ أَسۡكَنتُ مِن ذُرِّيَّتِي بِوَادٍ غَيۡرِ ذِي زَرۡعٍ عِندَ بَيۡتِكَ ٱلۡمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِيُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱجۡعَلۡ أَفۡـِٔدَةٗ مِّنَ ٱلنَّاسِ تَهۡوِيٓ إِلَيۡهِمۡ وَٱرۡزُقۡهُم مِّنَ ٱلثَّمَرَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَشۡكُرُونَ
Open ayah 14:37Aming Panginoon, aking pinatira ang ilan sa aking mga supling sa isang tigang na lambak malapit sa Iyong sagradong bahay [ang Ka'bah]. Aming Panginoon, [ito ay] upang sila ay magsagawa ng pagdarasal. Kaya, hayaan Mo pong mapalapit ang kalooban ng mga tao sa kanila, at ipagkaloob Mo po sa kanila [ang panustos] mula sa mga prutas upang sakali sila ay [matutong] magpasalamat [sa Iyong mga biyaya].
رَبَّنَآ إِنَّكَ تَعۡلَمُ مَا نُخۡفِي وَمَا نُعۡلِنُۗ وَمَا يَخۡفَىٰ عَلَى ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِ
Open ayah 14:38Aming Panginoon, katotohanan, Iyong [Lubos na] Nababatid ang anumang aming itinatago at ang anumang aming inihahayag. At walang bagay sa kalupaan o sa kalangitan ang nakakubli mula sa Allah.
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي وَهَبَ لِي عَلَى ٱلۡكِبَرِ إِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَۚ إِنَّ رَبِّي لَسَمِيعُ ٱلدُّعَآءِ
Open ayah 14:39Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah] na Siyang naggawad sa aking katandaang gulang [ng mga anak kong] sina Ismael at Isaak. Katotohanan, ang aking Panginoon ang palakinig ng mga panalangin.
رَبِّ ٱجۡعَلۡنِي مُقِيمَ ٱلصَّلَوٰةِ وَمِن ذُرِّيَّتِيۚ رَبَّنَا وَتَقَبَّلۡ دُعَآءِ
Open ayah 14:40Aking Panginoon, gawin Mo po akong isang tagapagtaguyod ng pagdarasal at gayundin ang aking mga anak. Aming Panginoon, at tanggapin Mo po ang aking panalangin.
رَبَّنَا ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ يَوۡمَ يَقُومُ ٱلۡحِسَابُ
Open ayah 14:41Aming Panginoon, patawarin Mo po ako at ang aking mga magulang, at ang [lahat ng] mga naniniwala sa Araw na ang pagtutuos [ng mga gawa] ay magaganap.”
وَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱللَّهَ غَٰفِلًا عَمَّا يَعۡمَلُ ٱلظَّٰلِمُونَۚ إِنَّمَا يُؤَخِّرُهُمۡ لِيَوۡمٖ تَشۡخَصُ فِيهِ ٱلۡأَبۡصَٰرُ
Open ayah 14:42At huwag mong isipin na ang Allah ay hindi nakatatalos sa anumang ginagawa ng mga mapaggawa ng kamalian, sila ay Kanyang binibigyan [lamang] ng [sapat na] palugit hanggang sa Araw na ang mga mata ay nakatulala sa ligalig [sanhi ng matinding sindak].
مُهۡطِعِينَ مُقۡنِعِي رُءُوسِهِمۡ لَا يَرۡتَدُّ إِلَيۡهِمۡ طَرۡفُهُمۡۖ وَأَفۡـِٔدَتُهُمۡ هَوَآءٞ
Open ayah 14:43[Sila ay] humahangos sa unahan, ang kanilang mga ulo ay nakataas, ang kanilang pagsulyap ay hindi bumabalik sa kanila at ang kanilang mga puso ay tila hangin [hungkag, at walang tibok].
وَأَنذِرِ ٱلنَّاسَ يَوۡمَ يَأۡتِيهِمُ ٱلۡعَذَابُ فَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ رَبَّنَآ أَخِّرۡنَآ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ نُّجِبۡ دَعۡوَتَكَ وَنَتَّبِعِ ٱلرُّسُلَۗ أَوَلَمۡ تَكُونُوٓاْ أَقۡسَمۡتُم مِّن قَبۡلُ مَا لَكُم مِّن زَوَالٖ
Open ayah 14:44At magbabala [O Muhammad] sa sangkatauhan sa Araw [na iyon] na ang parusa ay darating sa kanila; at yaong mga mapaggawa ng mga kamalian ay magsasabi: “Aming Panginoon, kami po ay [Iyong] ipagpaliban para sa maikling panahon, kami po ay tutugon sa Iyong panawagan at susunod sa mga sugo!” [Nguni’t, ito ang magiging kasagutan sa kanila]: “Hindi ba kayo ay nanumpa, noon paman, na para sa inyo, [ang biyaya ng makamundong buhay] ay walang katapusan?”
وَسَكَنتُمۡ فِي مَسَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَتَبَيَّنَ لَكُمۡ كَيۡفَ فَعَلۡنَا بِهِمۡ وَضَرَبۡنَا لَكُمُ ٱلۡأَمۡثَالَ
Open ayah 14:45At kayo ay nanirahan sa mga pamamahay niyaong mga gumawa ng kamalian sa kanilang mga sarili at ito ay naging malinaw sa inyo kung paano ang Aming ginawang [pagwasak] sa kanila. At Aming inilahad sa inyo ang [maraming] halimbawa [bilang paalala sa inyo].”
وَقَدۡ مَكَرُواْ مَكۡرَهُمۡ وَعِندَ ٱللَّهِ مَكۡرُهُمۡ وَإِن كَانَ مَكۡرُهُمۡ لِتَزُولَ مِنۡهُ ٱلۡجِبَالُ
Open ayah 14:46At katiyakan, sila ay nagbalak ng kanilang [masamang] balakin, nguni’t ang kanilang balakin ay nasa [kaalaman ng] Allah, kahit na ang kanilang balakin ay naging [sapat na] upang buwagin ang mga bundok.
فَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱللَّهَ مُخۡلِفَ وَعۡدِهِۦ رُسُلَهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٖ
Open ayah 14:47Kaya huwag mong isipin [O Muhammad] na ang Allah ay hindi tutupad sa Kanyang pangako sa Kanyang mga sugo. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, nagtatangan ng parusa.
يَوۡمَ تُبَدَّلُ ٱلۡأَرۡضُ غَيۡرَ ٱلۡأَرۡضِ وَٱلسَّمَٰوَٰتُۖ وَبَرَزُواْ لِلَّهِ ٱلۡوَٰحِدِ ٱلۡقَهَّارِ
Open ayah 14:48Sa Araw [na iyon] ang kalupaan ay papalitan ng isang [panibagong] kalupaan at [gayun din] ang mga kalangitan. At sila [lahat ng mga nilikha] ay magsisilitaw sa harapan ng Allah, ang Nag-iisa, ang Nangingibabaw.
وَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِينَ يَوۡمَئِذٖ مُّقَرَّنِينَ فِي ٱلۡأَصۡفَادِ
Open ayah 14:49At iyong makikita ang mga mapaggawa ng kabuktutan sa Araw na iyon na sama-samang nakagapos [ng tanikala],
سَرَابِيلُهُم مِّن قَطِرَانٖ وَتَغۡشَىٰ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ
Open ayah 14:50Ang kanilang mga kasuutan ay mula sa malapot [o maitim] na likido [na tila alkitran], at ang kanilang mga mukha ay natatakpan ng Apoy.
لِيَجۡزِيَ ٱللَّهُ كُلَّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 14:51Upang bayaran ng Allah ang bawa’t kaluluwa para sa anumang kanilang mga pinagsumikapan. Katotohanan, ang Allah ay Maagap sa pagtutuos [pagbibilang ng mga gawa].
هَٰذَا بَلَٰغٞ لِّلنَّاسِ وَلِيُنذَرُواْ بِهِۦ وَلِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ وَلِيَذَّكَّرَ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Open ayah 14:52Ito [ang Qur’an] ay mensahe para sa sangkatauhan upang sila ay bigyan ng babala sa pamamagitan nito, at upang kanilang malaman na Siya ang Tanging Diyos, ang nag-iisa [na dapat sambahin] at [upang] mapaalalahanan ang mga taong nagtataglay na pang-unawa.