الحجر
Al-Hijr
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ وَقُرۡءَانٖ مُّبِينٖ
Open ayah 15:1Alif, Lam, Ra. Ito ang mga ayaat [talata] ng Aklat at isang malinaw na Qur’an.
رُّبَمَا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِينَ
Open ayah 15:2Marahil, hahangarin niyaong mga di-naniwala na sila ay naging mga Muslim [sa Araw ng Paghuhukom].
ذَرۡهُمۡ يَأۡكُلُواْ وَيَتَمَتَّعُواْ وَيُلۡهِهِمُ ٱلۡأَمَلُۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 15:3Hayaan silang magsikain at magtamasa [ng ligaya], at sila ay [maging] abala sa pamamagitan ng [huwad na] pag-asa, sapagka’t [hindi maglalaon] kanilang mapag-aalaman.
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٞ مَّعۡلُومٞ
Open ayah 15:4At hindi Namin winasak ang alinmang bayan malibang [nagkaroon] para rito ng isang naitalagang takda.
مَّا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ
Open ayah 15:5Hindi [magagawang] pangunahan ng alinmang pamayanan ang takda nito at hindi [rin magagawang] antalahin ito.
وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِي نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ إِنَّكَ لَمَجۡنُونٞ
Open ayah 15:6At sila [mga di-naniniwala] ay nagsasabi: “O ikaw [Muhammad] na pinagpahayagan ng Dkhir [Qur’an], katotohanan, ikaw ay baliw.
لَّوۡ مَا تَأۡتِينَا بِٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Open ayah 15:7Bakit hindi mo kami pakitaan ng mga anghel kung tunay nga na ikaw ay kabilang sa mga makatotohanan?”
مَا نُنَزِّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَمَا كَانُوٓاْ إِذٗا مُّنظَرِينَ
Open ayah 15:8Hindi Namin pinabababa ang mga anghel maliban sa katotohanan, at [sa gayon] sila [mga di-naniwal] ay hindi na maaari pang palugitanan [sa parusang naitakda ng ipatupad].
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا ٱلذِّكۡرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
Open ayah 15:9Katotohanan, Kami ang nagpahayag ng Dkhir [Qur’an] at katotohanan, Kami ang magiging Tagapagbantay nito [laban sa anumang katiwalian].
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي شِيَعِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 15:10At katiyakan, Aming ipinadala [ang mga sugo] nang una sa iyo [O Muhammad] sa mga sekta ng mga naunang mamamayan.
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Open ayah 15:11At walang isang sugo na dumating sa kanila maliban na siya ay kanilang kinutya [pinagtawanan at inalipusta].
كَذَٰلِكَ نَسۡلُكُهُۥ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 15:12Ganyan Namin hinahayaang manuot [ang kawalan ng paniniwala] sa puso ng mga mapaggawa ng kabuktutan.
لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَقَدۡ خَلَتۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 15:13Sila ay hindi naniniwala rito [sa Qur’an]; samantalang lumipas na ang kaparaanan [ng pagwasak ng Allah] sa mga naunang mamamayang [nagtakwil sa mga sugo].
وَلَوۡ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَظَلُّواْ فِيهِ يَعۡرُجُونَ
Open ayah 15:14At kahit na Amin pang binuksan sa kanila ang isang pintuan mula sa kalangitan, at sila ay magpapatuloy sa pag-akyat rito,
لَقَالُوٓاْ إِنَّمَا سُكِّرَتۡ أَبۡصَٰرُنَا بَلۡ نَحۡنُ قَوۡمٞ مَّسۡحُورُونَ
Open ayah 15:15Katiyakan, sila ay magsasabing: “Ang aming mga mata ay nasilaw lamang sapagka’t kami ay mga taong nagayuma.”
وَلَقَدۡ جَعَلۡنَا فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَزَيَّنَّٰهَا لِلنَّٰظِرِينَ
Open ayah 15:16At katiyakan, Aming inilagay ang mga naglalakihang bituin sa langit at Aming pinalamutian [o pinaganda] ito para sa mga sumusulyap.
وَحَفِظۡنَٰهَا مِن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٍ
Open ayah 15:17At Aming binantayan ito [ang mababang langit] mula sa bawa’t isinumpang demonyo.
إِلَّا مَنِ ٱسۡتَرَقَ ٱلسَّمۡعَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ مُّبِينٞ
Open ayah 15:18Maliban sa sinumang [demonyong] panakaw na nakikinig, kaya, siya ay tinutugis ng isang malinaw na nagniningas na Apoy.
وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ شَيۡءٖ مَّوۡزُونٖ
Open ayah 15:19At ang kalupaan - Aming inilatag ito at nagtirik doon ng mga matatag na bundok, at nagpatubo roon ng bawa’t bagay sa wastong kaaayusan.
وَجَعَلۡنَا لَكُمۡ فِيهَا مَعَٰيِشَ وَمَن لَّسۡتُمۡ لَهُۥ بِرَٰزِقِينَ
Open ayah 15:20At Aming ginawa para sa inyo roon ang [inyong] hanap-buhay at para sa kanila [sa mga nilikha] na hindi ninyo tinutustusan [o pinakakain].
وَإِن مِّن شَيۡءٍ إِلَّا عِندَنَا خَزَآئِنُهُۥ وَمَا نُنَزِّلُهُۥٓ إِلَّا بِقَدَرٖ مَّعۡلُومٖ
Open ayah 15:21At walang isang bagay maliban na nasa Amin ang tinggalan [o pinagtataguan] nito. At hindi Namin ibinababa ito maliban sa itinalagang sukat.
وَأَرۡسَلۡنَا ٱلرِّيَٰحَ لَوَٰقِحَ فَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَسۡقَيۡنَٰكُمُوهُ وَمَآ أَنتُمۡ لَهُۥ بِخَٰزِنِينَ
Open ayah 15:22At Aming ipinadala ang mga patabang hangin at ibinaba ang tubig mula sa kalangitan at Aming ipinagkaloob mula rito ang inyong maiinom. At hindi kayo ang mga tinggalan [o mga tagapagtago] nito.
وَإِنَّا لَنَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَنَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثُونَ
Open ayah 15:23At katotohanan, Kami ang Siyang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan, at Kami ang Tagapagmana [o ang Allah ay mananatili pagkaraan ng pagyao ng lahat ng Kanyang mga nilikha].
وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَقۡدِمِينَ مِنكُمۡ وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَـٔۡخِرِينَ
Open ayah 15:24At katiyakan, Aming nababatid na ang mga unang henerasyong [nagsiyao at lumipas na] kabilang sa inyo. At katiyakan, Aming nababatid na ang mga huling henerasyon [na darating].
وَإِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَحۡشُرُهُمۡۚ إِنَّهُۥ حَكِيمٌ عَلِيمٞ
Open ayah 15:25At katotohanan, ang iyong Panginoon ay magtitipon sa kanila. Katotohanan, Siya ay Tigib ng Karunungan, Maalam.
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Open ayah 15:26At katiyakan, Aming nilikha ang tao mula sa luad na nagmula sa isang [kakaibang] maitim na putik.
وَٱلۡجَآنَّ خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ مِن نَّارِ ٱلسَّمُومِ
Open ayah 15:27At ang Jinn, siya ay Aming nilikha noong una [bago likhain si Adan] mula sa nagliliyab na Apoy.
وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّي خَٰلِقُۢ بَشَرٗا مِّن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Open ayah 15:28At [alalahanin mo] nang ang iyong Panginoon ay nagsabi sa mga anghel: “Ako ay lilikha ng isang tao [si Adan] mula sa luad na nagmula sa [naiibang maitim na] putik.
فَإِذَا سَوَّيۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُواْ لَهُۥ سَٰجِدِينَ
Open ayah 15:29“Kaya, kapag siya [si Adan] ay Aking nahubog na at mahingahan ng Aking [nilikhang] kaluluwa para sa kanya, samakatwid, kayo ay magsiyuko sa kanya sa pagpapatirapa.”
فَسَجَدَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ
Open ayah 15:30Kaya ang mga anghel ay nagsipagpatirapa – silang lahat.
إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰٓ أَن يَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Open ayah 15:31Maliban kay Iblis [ang satanas]. Siya ay tumangging makibilang sa mga [anghel na] nagsipagpatirapa [kay Adan].
قَالَ يَٰٓإِبۡلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Open ayah 15:32[Ang Allah ay] nagsabi: “O Iblis, ano ang [nangyari] sa iyo [at] ikaw ay hindi nakibilang sa mga nagsipatirapa [sa kanya]?”
قَالَ لَمۡ أَكُن لِّأَسۡجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقۡتَهُۥ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Open ayah 15:33[Si Iblis ay] nagsabi: “Hindi ako kailanman magpapatirapa sa isang tao na nilikha Mo lamang mula sa luad na nagmula sa maitim na putik.”
قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ
Open ayah 15:34[Ang Allah ay] nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay lumayas mula rito [sa Paraiso], sapagka't katotohanan, ikaw ay isinumpa.”
وَإِنَّ عَلَيۡكَ ٱللَّعۡنَةَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
Open ayah 15:35“At katotohanan, sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Pagbabayad.”
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Open ayah 15:36[Si Iblis) ay] nagsabi: “Aking Panginoon, kung gayon ako ay Iyong palugitanan [o panatilihing mabuhay] hanggang sa Araw na sila ay bubuhaying muli.”
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Open ayah 15:37[Ang Allah ay] nagsabi: “Kaya, katotohanan, ikaw ay isa sa mga [pansamantalang] pinalugitanan.
إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ
Open ayah 15:38“Hanggang sa [pagsapit ng] Araw ng naitakdang Oras.”
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 15:39[Si Iblis ay] nagsabi: “O aking Panginoon, sapagka’t ako ay Iyong iniligaw, katiyakan na aking gagawing kaakit-akit para sa kanila [ang pagsuway sa Iyo] rito sa mundo, at silang lahat ay aking ililigaw.
إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Open ayah 15:40Maliban sa Iyong mga matatapat na aliping kabilang sa kanila,
قَالَ هَٰذَا صِرَٰطٌ عَلَيَّ مُسۡتَقِيمٌ
Open ayah 15:41[Ang Allah ay] nagsabi: “Ito ay isang landas [ng pagbabalik] sa Akin [na] matuwid.”
إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٌ إِلَّا مَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ
Open ayah 15:42Katotohanan, sa Aking mga alipin - ikaw [O Iblis] ay walang kapangyarihan [at kakayahan] sa kanila, maliban sa kanila na sumunod sa iyo mula sa mga nangaligaw [sa tuwid na landas].
وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوۡعِدُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 15:43At katotohanan, ang Impiyerno ay ang ipinangakong pook para sa kanilang lahat.
لَهَا سَبۡعَةُ أَبۡوَٰبٖ لِّكُلِّ بَابٖ مِّنۡهُمۡ جُزۡءٞ مَّقۡسُومٌ
Open ayah 15:44Ito [ang Impiyerno] ay may pitong pintuan. Sa bawa’t pintuan ay may isang itinalagang bahagi para sa kanila [na tagasunod ng satanas].”
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
Open ayah 15:45“Katotohanan, ang mga natatakot [sa Allah] ay nasa loob ng mga hardin at mga bukal [ng tubig sa Paraiso],
ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٍ ءَامِنِينَ
Open ayah 15:46[At sa kanila ay sasabihin]: “Magsipasok kayo roon [sa Paraiso] nang mapayapa at matiwasay.”
وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلٍّ إِخۡوَٰنًا عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
Open ayah 15:47“At Aming papawiin [o tatanggalin] ang anumang poot [o hinanakit] sa kanilang mga dibdib. [At sila ay pagbubuklurin bilang] magkakapatid na magkakaharap sa isa’t isa sa mga sandalan.”
لَا يَمَسُّهُمۡ فِيهَا نَصَبٞ وَمَا هُم مِّنۡهَا بِمُخۡرَجِينَ
Open ayah 15:48“Doon [sa Paraiso], sila ay walang madaramang kapaguran at sila ay hindi [kailanman] mapapaalis mula roon.”
۞نَبِّئۡ عِبَادِيٓ أَنِّيٓ أَنَا ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Open ayah 15:49Ibalita mo [O Muhammad] sa Aking mga alipin na Ako ang Mapagpatawad, ang Maawain.
وَأَنَّ عَذَابِي هُوَ ٱلۡعَذَابُ ٱلۡأَلِيمُ
Open ayah 15:50At [na] ang Aking parusa, ang siyang pinakamahapding parusa.
وَنَبِّئۡهُمۡ عَن ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ
Open ayah 15:51At ibalita [isalaysay] mo sa kanila ang tungkol sa mga panauhin [mga anghel] ni Abraham,
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ
Open ayah 15:52Nang sila ay pumasok sa kanya, at nagsabi: “Kapayapaan” [Si Abraham ay] nagsabi sa kanila: “Katotohanan, kami ay natatakot sa inyo.”
قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Open ayah 15:53Sila [mga anghel] ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Katotohanan, kami ay magbibigay sa iyo ng magandang balita ng [pagkakaroon mo ng] isang matalinong batang lalaki [anak].”
قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِي عَلَىٰٓ أَن مَّسَّنِيَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ
Open ayah 15:54Sinabi [ni Abraham]: “Kayo ba ay nagbigay sa akin ng magandang balita bagaman ako ay matanda na? Kaya, ano bang [kamangha-mangha] ang inyong ibabalita?
قَالُواْ بَشَّرۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَٰنِطِينَ
Open ayah 15:55Sila [mga anghel] ay nagsabi: “Kami ay nagbigay ng magandang balita sa iyo sa katotohanan. Kaya, huwag kang makibilang sa mga nawawalan ng pag-asa.”
قَالَ وَمَن يَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦٓ إِلَّا ٱلضَّآلُّونَ
Open ayah 15:56[Si Abraham ay] nagsabi: “At sino ba ang nawawalan ng pag-asa mula sa habag ng kanyang Panginoon maliban yaong mga nangaligaw?”
قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Open ayah 15:57[Si Abraham ay] nagsabi: “Ano, kung gayon, ang inyong pakay [sa inyong pagparito] O, mga sugo?”
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Open ayah 15:58Sila [mga anghel] ay nagsabi; “Katotohanan kami ay ipinadala para sa mga mamamayang mapaggawa ng kabuktutan,
إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 15:59Maliban sa mag-anak ni Lot; katotohanan, sila [ang mag-anak ni Lot] ay aming ililigtas na lahat,
إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَآ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Open ayah 15:60Maliban sa kanyang asawa,” Aming itinakda na siya ay mapabilang sa mga maiiwan.
فَلَمَّا جَآءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Open ayah 15:61Kaya, nang ang mga sugo [mga anghel] ay nagsirating sa mag-anak ni Lot,
قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
Open ayah 15:62Siya [si Lot] ay nagsabi: “Katotohanan, kayo ay mga taong hindi nangakikilala.”
قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَٰكَ بِمَا كَانُواْ فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Open ayah 15:63Sila [mga anghel] ay nagsabi: “Nguni’t kami ay naparito sa iyo na dala ang anumang [parusa] na kanilang pinag-aalinlanganan.
وَأَتَيۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Open ayah 15:64At kami ay naparito sa iyo nang may katotohanan. At katotohanan, kami ay nagsasabi ng totoo.
فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَٰرَهُمۡ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٞ وَٱمۡضُواْ حَيۡثُ تُؤۡمَرُونَ
Open ayah 15:65Kaya, ikaw ay humayong maglakbay sa isang bahagi ng gabi kasama ng iyong mag-anak, at ikaw ay sumunod sa kanilang likuran, at huwag na ang isa sa inyo ay lumingon at kayo ay magpatuloy [sa paglalakbay tungo] sa kung saang [pook] kayo pinag-uutusan.”
وَقَضَيۡنَآ إِلَيۡهِ ذَٰلِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَٰٓؤُلَآءِ مَقۡطُوعٞ مُّصۡبِحِينَ
Open ayah 15:66At Aming nagawang ipaabot sa kanya ang takda ng pangyayaring iyan; na ang huling maiiwan sa kanila [mga makasalanan] ay pupuksain sa [pagsapit ng] madaling-araw.
وَجَآءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Open ayah 15:67At ang mga mamamayan ng lungsod ay nagsirating na nangagagalak [sa balita hinggil sa mga kabataang lalaki].
قَالَ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ ضَيۡفِي فَلَا تَفۡضَحُونِ
Open ayah 15:68[Si Lot ay] nagsabi [sa kanyang mga mamamayan]: “Katotohanan, sila ay aking mga panauhin, kaya huwag ninyo akong ilagay sa kahihiyan.
وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ
Open ayah 15:69At matakot kayo sa Allah at huwag ninyo akong alisan ng dangal.”
قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 15:70Sila [mga mamamayan] ay nagsabi: “Hindi ba ikaw ay aming pinagbawalan [na tumanggap] ng mga taong [dayuhan]?”
قَالَ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِيٓ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ
Open ayah 15:71[Si Lot ay] nagsabi: “Naririto ang aking mga anak na babae kung kayo man ay magnasang gumawa [o mag-asawa].”
لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِي سَكۡرَتِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Open ayah 15:72Sumpa man sa iyong buhay [O Muhammad] katiyakan, sa kanilang kahibangan, sila ay [wari bang] mga bulag na palabuy-laboy.
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُشۡرِقِينَ
Open ayah 15:73Kaya, sila ay hinablot ng isang as-sayhah sa [oras ng] pagsikat ng araw.
فَجَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٍ
Open ayah 15:74At Aming itinaob [ginawang pinakamababa ang pinakamataas na bahagi [ng bayan] at sila ay pinaulanan ng mga batong pinatigas mula sa luad.
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُتَوَسِّمِينَ
Open ayah 15:75Katotohanan, naririto ang mga ayaat [aral, babala] para sa mga [taong] marunong makiramdam.
وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٖ مُّقِيمٍ
Open ayah 15:76At katotohanan, ito [mga winasak na bayan] ay [nangakatayo] sa [pangunahing] lunduyang daraanan.
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 15:77Katotohanan, naririto ang isang ayah [aral] para sa mga naniniwala.
وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ
Open ayah 15:78At ang mga naninirahan sa kakahuyan [silang mga mamamayan ng Madyan] ay mapaggawa ng kamalian.
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٖ مُّبِينٖ
Open ayah 15:79Kaya, Kami ay naningil ng ganti mula sa kanila. Katotohanan, ang dalawang ito [bayan] ay nasa malinaw na [lunduyang] daang-bayan.
وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 15:80At katiyakan, ang mga naninirahan sa Hijr [mula sa iba’t ibang Tribu ng Thamud] ay nagsipagtakwil sa mga sugo [ng Allah].
وَءَاتَيۡنَٰهُمۡ ءَايَٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Open ayah 15:81At Aming ipinagkaloob sa kanila ang Aming mga ayaat [babala] nguni’t mula sa mga [babalang] ito, sila ay nagsitalikod [nang papalayo].
وَكَانُواْ يَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا ءَامِنِينَ
Open ayah 15:82At sila ay laging nag-uukit mula sa mga [tipak ng batong] bundok, [upang gawing] mga bahay, [at sa loob nito sila ay] nakadarama ng katiwasayan.
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُصۡبِحِينَ
Open ayah 15:83Nguni’t sila ay hinablot ng isang as-sayhah sa kinaumagahan,
فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Open ayah 15:84Kaya, walang naidulot na buti sa kanila ang anumang kanilang pinagsumikapan.
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِيلَ
Open ayah 15:85At hindi Namin nilikha ang mga kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan ng mga ito maliban sa katotohanan. At katotohanan ang Oras ay [tiyak na] darating; kaya [inyong ugaliing] magpatawad ng magandang pagpapatawad.
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 15:86Katotohanan, ang iyong Panginoon – Siya ang Tagapaglikha, ang Maalam.
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعٗا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ
Open ayah 15:87At katiyakan, Aming ipinagkaloob sa iyo ang pitong [talata ng Fatiha] malimit na inulit-ulit [sa pagdarasal] at ang dakilang Qur’an.
لَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 15:88Huwag mong sulyapan sa iyong mga mata [nang may paghahangad] ang anumang kasiyahan na Aming iginawad sa ilang uri sa kanila [sa mga di-naniniwala] at huwag mo silang ikalungkot. At ibaba mo ang iyong pakpak [o diwa ng kabaitan] sa mga naniniwala.
وَقُلۡ إِنِّيٓ أَنَا ٱلنَّذِيرُ ٱلۡمُبِينُ
Open ayah 15:89At sabihin: “Katotohanan, ako ay malinaw na tagapagbabala [para sa inyo].”
كَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِينَ
Open ayah 15:90Tulad ng Aming ipinahayag [o ibinabang mga banal na kasulatan] sa mga nagsipaghiwalay,
ٱلَّذِينَ جَعَلُواْ ٱلۡقُرۡءَانَ عِضِينَ
Open ayah 15:91[Sila] yaong mga ginawang hiwa-hiwalay ang [iba’t ibang bahagi ng] Qur’an.
فَوَرَبِّكَ لَنَسۡـَٔلَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 15:92Kaya, sumpa man sa iyong Panginoon, katiyakan, silang lahat ay Aming tatanungin.
عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 15:93Tungkol sa kanilang lagi nang ginagawa.
فَٱصۡدَعۡ بِمَا تُؤۡمَرُ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 15:94Kaya, ipahayag mo [O Muhammad] ang anumang [mensahe] na ipinag-utos sa iyo at ikaw ay lumayo sa mga nagtatambal [sa Allah].
إِنَّا كَفَيۡنَٰكَ ٱلۡمُسۡتَهۡزِءِينَ
Open ayah 15:95Katotohanan, Kami ay sapat na para sa iyo laban sa mga mapanuya.
ٱلَّذِينَ يَجۡعَلُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 15:96Yaong mga gumawang [ipantay] sa Allah ang ibang [itinuring nilang] diyos. Subali’t [hindi maglalaon] kanilang mapag-aalaman [ang katotohanan].
وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّكَ يَضِيقُ صَدۡرُكَ بِمَا يَقُولُونَ
Open ayah 15:97At katiyakan, Aming [lubos na] nababatid ang paninikip ng iyong dibdib sanhi ng anumang kanilang mga sinasabi.
فَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ وَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Open ayah 15:98Kaya, luwalhatiin mo nang may papuri ang iyong Panginoon at makibilang sa mga nagpapatirapa [para sa pagsamba sa Kanya].
وَٱعۡبُدۡ رَبَّكَ حَتَّىٰ يَأۡتِيَكَ ٱلۡيَقِينُ
Open ayah 15:99At sambahin mo ang iyong Panginoon hanggang dumating sa iyo ang katiyakan [ng iyong kamatayan].