النحل

An-Nahl

The Bee · Surah 16 · Ayahs: 128 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. أَتَىٰٓ أَمۡرُ ٱللَّهِ فَلَا تَسۡتَعۡجِلُوهُۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 16:1

    [Nalalapit na] ang pagdating ng kautusan [o kaparusahan] ng Allah, kaya huwag ninyong [naising] madaliin ito. Luwalhati sa Kanya, at Siya ay Mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].

  2. يُنَزِّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ بِٱلرُّوحِ مِنۡ أَمۡرِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرُوٓاْ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱتَّقُونِ

    Open ayah 16:2

    Kanyang pinabababa ang mga anghel, dala ang ruh [kapahayagan] mula sa Kanyang kautusan sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin [na nagsasabi sa kanila]: “Magbabala kayo [sa sangkatauhan na] Walang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Akin, kaya matakot sa Akin.”

  3. خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ تَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 16:3

    Kanyang nilikha ang mga kalangitan at kalupaan sa katotohanan. Siya ay Mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].

  4. خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 16:4

    Kanyang nilikha ang tao mula sa isang patak ng semilya nguni’t kapagdaka’y, siya [ang tao] ay isang hayag na kalaban.

  5. وَٱلۡأَنۡعَٰمَ خَلَقَهَاۖ لَكُمۡ فِيهَا دِفۡءٞ وَمَنَٰفِعُ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ

    Open ayah 16:5

    At ang pinapastulang mga hayop [sa kawan] ng bakahan, Kanyang nilikha [ang mga ito] para sa inyo, sa kanila ay [mayroon kayong nakukuhang] init at mga [di-mabilang na] pakinabang, at mula sa mga ito [sa kanilang karne], kayo ay kumakain.

  6. وَلَكُمۡ فِيهَا جَمَالٌ حِينَ تُرِيحُونَ وَحِينَ تَسۡرَحُونَ

    Open ayah 16:6

    At para sa inyo ang [kasiyahan sa] kanilang kagandahan kung sila ay inyong iniuuwi [para sa gabi], at kung sila ay inyong inilalabas [upang pastulan].

  7. وَتَحۡمِلُ أَثۡقَالَكُمۡ إِلَىٰ بَلَدٖ لَّمۡ تَكُونُواْ بَٰلِغِيهِ إِلَّا بِشِقِّ ٱلۡأَنفُسِۚ إِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 16:7

    At sila [mga hayop] ay naghahakot ng inyong mga dalahin patungo sa mga lupain na hindi ninyo magawang lakarin [o marating] malibang may kahirapan sa inyong mga sarili. Katotohanan, ang inyong Panginoon ay Tigib ng Kagandahang-loob, Maawain.

  8. وَٱلۡخَيۡلَ وَٱلۡبِغَالَ وَٱلۡحَمِيرَ لِتَرۡكَبُوهَا وَزِينَةٗۚ وَيَخۡلُقُ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 16:8

    At [Kanyang nilikha] ang kabayo, mga mula [mola] at mga asno para sa inyo upang inyong masakyan at [magsilbing] palamuti. At Siya ay lumilikha ng anumang hindi ninyo nalalaman.

  9. وَعَلَى ٱللَّهِ قَصۡدُ ٱلسَّبِيلِ وَمِنۡهَا جَآئِرٞۚ وَلَوۡ شَآءَ لَهَدَىٰكُمۡ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 16:9

    At sa Allah [nakaatang ang tungkuling] ipakita ang [tuwid na] landas at kabilang sa mga ito ay mga [iba’t ibang landasing] liku-liko [o nakaliligaw]. At kung Kanyang naisin, kayo ay Kanyang mapatnunubayang lahat.

  10. هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗۖ لَّكُم مِّنۡهُ شَرَابٞ وَمِنۡهُ شَجَرٞ فِيهِ تُسِيمُونَ 

    Open ayah 16:10

    Siya ang nagbaba ng tubig [ulan] mula sa langit para sa inyo; mula rito ay inumin at mula rin dito ay mga [luntiang] dahon na siya ninyong pinagpapastulan [ng hayop].

  11. يُنۢبِتُ لَكُم بِهِ ٱلزَّرۡعَ وَٱلزَّيۡتُونَ وَٱلنَّخِيلَ وَٱلۡأَعۡنَٰبَ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 16:11

    Kanyang pinatutubo para sa inyo sa pamamagitan nito [ng tubig] ang mga pananim, mga oliba, mga palmera [punong datiles], mga ubasan, at mula sa lahat ng mga bungangkahoy. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nag-iisip.

  12. وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ وَٱلنُّجُومُ مُسَخَّرَٰتُۢ بِأَمۡرِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 16:12

    At Kanyang itinalaga para sa inyo ang gabi at maghapon, at ang araw at buwan; at ang mga bituin ay itinalaga sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan o aral] para sa mga taong nakauunawa.

  13. وَمَا ذَرَأَ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهُۥٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَذَّكَّرُونَ

    Open ayah 16:13

    At [Kanyang itinalaga] ang anumang Kanyang [mga ibang] nilikha para sa inyo sa kalupaan na may magkakaibang kulay. Katotohanan, naririto ang isang ayah [palatandaan] para sa taong nakaaalala.

  14. وَهُوَ ٱلَّذِي سَخَّرَ ٱلۡبَحۡرَ لِتَأۡكُلُواْ مِنۡهُ لَحۡمٗا طَرِيّٗا وَتَسۡتَخۡرِجُواْ مِنۡهُ حِلۡيَةٗ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 16:14

    At Siya ang nagtalaga sa dagat upang kayo ay makakain mula roon ng malalambot na laman at upang kayo ay makahango mula roon ng mga palamuti na inyong maisusuot. At inyong nakikita ang sasakyang-dagat na naglalayag sa pamamagitan nito, at [ito ay Kanyang itinalaga] upang inyong hanapin ang Kanyang biyaya at upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.

  15. وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَأَنۡهَٰرٗا وَسُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ

    Open ayah 16:15

    At Kanyang itinirik sa lupa ang mga matatag na bundok upang di- gumalaw [sa kinalalagyan nito] na kasama ninyo; at [Kanyang ginawa] ang mga ilog at mga daraanan upang sakali kayo ay mapatnubayan [sa inyong pook na patutunguhan].

  16. وَعَلَٰمَٰتٖۚ وَبِٱلنَّجۡمِ هُمۡ يَهۡتَدُونَ

    Open ayah 16:16

    At ang mga muhong-pananda [sa lupa]. At sa pamamagitan ng mga bituin, sila ay napatnubayan.

  17. أَفَمَن يَخۡلُقُ كَمَن لَّا يَخۡلُقُۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 16:17

    Kaya, Siya ba na lumilikha ay katulad ng isang hindi lumilikha? Hindi ba kayo kung gayon mapaalalahanan?

  18. وَإِن تَعُدُّواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ لَا تُحۡصُوهَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 16:18

    At kung inyong bibilangin ang mga pagpapala ng Allah, hindi ninyo magagawang isa-isahin ang mga ito. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  19. وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ

    Open ayah 16:19

    At [lubos na] nababatid ng Allah ang anumang inyong itinatago at ang anumang inyong inihahayag.

  20. وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ 

    Open ayah 16:20

    At yaong kanilang mga dinadalanginang iba bukod sa Allah ay hindi nakakalikha ng kahit anuman, bagkus sila mismo ay mga nilikha.

  21. أَمۡوَٰتٌ غَيۡرُ أَحۡيَآءٖۖ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ

    Open ayah 16:21

    Sila [sa katunayan] ay mga patay, hindi buhay; at hindi nila namamalayan kung kailan sila muling bubuhayin.

  22. إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۚ فَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ قُلُوبُهُم مُّنكِرَةٞ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ

    Open ayah 16:22

    Ang inyong Diyos ay isang diyos. Nguni’t yaong mga hindi naniniwala [tungkol] sa kabilang buhay - ang kanilang mga puso ay tumututol [sa likas na katotohanang ito], at sila ay mapagmalaki.

  23. لَا جَرَمَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡتَكۡبِرِينَ

    Open ayah 16:23

    Walang alinlangan, ang Allah ay [lubos na] nakababatid sa anumang kanilang itinatago at sa anumang kanilang inihahayag. Katotohanan, hindi Niya minamahal ang mga mapagmalaki.

  24. وَإِذَا قِيلَ لَهُم مَّاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمۡ قَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 16:24

    At kapag sa kanila [mga di-naniniwala] ay sabihin: “Ano ba ang ibinaba [o ipinahayag] ng inyong Panginoon?” Sila ay magsasabi: “Mga alamat ng mga sinaunang tao,”

  25. لِيَحۡمِلُوٓاْ أَوۡزَارَهُمۡ كَامِلَةٗ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَمِنۡ أَوۡزَارِ ٱلَّذِينَ يُضِلُّونَهُم بِغَيۡرِ عِلۡمٍۗ أَلَا سَآءَ مَا يَزِرُونَ

    Open ayah 16:25

    Upang kanilang papasanin ang kanilang sariling mga dalahin [mga kasalanan] nang lubusan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, at [kanilang papasanin din] ang ibang mga dalahin niyaong kanilang mga iniligaw na walang kaalaman. Walang alinlangan, kasamaan ang siyang kanilang pinapasan.

  26. قَدۡ مَكَرَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَأَتَى ٱللَّهُ بُنۡيَٰنَهُم مِّنَ ٱلۡقَوَاعِدِ فَخَرَّ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّقۡفُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَأَتَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 16:26

    Katiyakan, yaong mga nauna sa kanila ay nagbalak na, subali’t ang [parusa ng] Allah ay dumating, [at binunot] ang kanilang gusali mula sa kinatitirikang [mga haligi] nito, kaya ang bubungan ay nahulog sa kanila mula sa kanilang itaas, at ang parusa ay dumating sa kanila mula sa kung saan ay hindi nila namamalayan.

  27. ثُمَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يُخۡزِيهِمۡ وَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تُشَٰٓقُّونَ فِيهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ إِنَّ ٱلۡخِزۡيَ ٱلۡيَوۡمَ وَٱلسُّوٓءَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 16:27

    Pagkaraan, sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, sila ay Kanyang hihiyain at sa kanila ay sasabihin: “Nasaan ang [sinasabi ninyong] Aking mga katambal na lagi ninyong iginigiit [sa mga naniniwala]?” Yaong mga pinagkalooban ng kaalaman ay magsasabi: “Katotohanan [sa inyo ay] kahihiyan, sa Araw na ito at kasamaan ay para sa mga di-naniniwala.”

  28. ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ ظَالِمِيٓ أَنفُسِهِمۡۖ فَأَلۡقَوُاْ ٱلسَّلَمَ مَا كُنَّا نَعۡمَلُ مِن سُوٓءِۭۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 16:28

    “Yaong mga kinukuha ng mga anghel sa [oras ng] kamatayan habang kanilang ginagawan ng kamalian ang kanilang mga sarili, at [sino] kaya [sa mga sandaling ito] ang tatalima, [at magsasabing]: “Kami ay hindi gumagawa ng anumang kasamaan ?” Nguni’t, [kayo ay mga sinungaling] katotohanan, ang Allah ay Maalam sa anumang inyong lagi nang ginagawa.

  29. فَٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَلَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ

    Open ayah 16:29

    Kaya, magsipasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno upang mamalagi roon nang walang hanggan, at katotohanan, sadyang napakasamang tirahan para sa mga mapagmalaki.

  30. ۞وَقِيلَ لِلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ مَاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمۡۚ قَالُواْ خَيۡرٗاۗ لِّلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٞۚ وَلَدَارُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞۚ وَلَنِعۡمَ دَارُ ٱلۡمُتَّقِينَ 

    Open ayah 16:30

    At ito ang sasabihin sa mga natatakot [sa Allah], “Ano ba ang ipinahayag [o ibinaba] ng inyong Panginoon?” Sila ay magsasabing: “Kabutihan.” Yaong mga gumagawa ng kabutihan sa mundong ito - ay [may nakalaang] kabutihan, at ang tahanan ng kabilang buhay ay nakahihigit. At napakaganda ng tahanan ng mga natatakot [sa Allah].

  31. جَنَّٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ لَهُمۡ فِيهَا مَا يَشَآءُونَۚ كَذَٰلِكَ يَجۡزِي ٱللَّهُ ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 16:31

    ‘Eden – mga Paraisong walang hanggang pamamalagi na kanilang papasukin, sa ilalim ay may mga ilog na umaagos. Para sa kanila ay naroroon ang lahat ng kanilang minimithi. Ganyan ginagantimpalaan ng Allah ang mga natatakot [sa Kanya].

  32. ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ طَيِّبِينَ يَقُولُونَ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمُ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 16:32

    Yaong mga kinukuha ng mga anghel sa kamatayan habang sila ay mabubuti [at dalisay]; [ang mga anghel ay] magsasabi sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan. Magsipasok kayo sa Paraiso, nang dahil sa [kabutihang] lagi ninyong ginagawa [noon sa mundo].”

  33. هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ يَأۡتِيَ أَمۡرُ رَبِّكَۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ ٱللَّهُ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

    Open ayah 16:33

    Sila ba [mga di-naniniwala] ay naghihintay [ng anupaman] maliban na ang mga anghel ay magsirating sa kanila [upang kunin ang kanilang kaluluwa] o may dumating na kautusan [o parusa] mula sa iyong Panginoon? [Tulad ng kanilang pagtakwil,] ganyan din ang ginawa niyaong mga nauna sa kanila. At sila ay hindi minali ng Allah bagkus kanilang minali ang kanilang mga sarili.

  34. فَأَصَابَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا عَمِلُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

    Open ayah 16:34

    Kaya, sila ay tinamaan ng masamang bunga ng anumang kanilang ginawa at sila ay nabalutan ng anumang lagi nilang kinukutya.

  35. وَقَالَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ لَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا عَبَدۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖ نَّحۡنُ وَلَآ ءَابَآؤُنَا وَلَا حَرَّمۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ فَهَلۡ عَلَى ٱلرُّسُلِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

    Open ayah 16:35

    At yaong mga nagtatambal ng iba sa Allah ay nagsasabi: “Kung ninais ng Allah, marahil kami ay hindi sumamba sa anupaman maliban sa Kanya, kami at maging ang aming mga ninuno. At [marahil] kami ay hindi nagbawal ng anupamang bagay [na hindi Niya ipinagbawal] sa pamamagitan ng iba maliban sa Kanya.” [Tulad nitong baluktot na pangangatuwiran ay] ganyan din ang ginawang [katuwiran] niyaong mga nauna sa kanila. Kaya, mayroon bang ibang nakaatang sa mga sugo maliban sa [tungkuling] ihatid ng malinaw ang mensahe?

  36. وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّٰغُوتَۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ هَدَى ٱللَّهُ وَمِنۡهُم مَّنۡ حَقَّتۡ عَلَيۡهِ ٱلضَّلَٰلَةُۚ فَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 16:36

    At katiyakan, Aming ipinadala sa bawa’t pamayanan ang isang sugo [na nag-aanyayang]: “Sambahin ang Allah [tanging Siya], at iwasan ang [pagsamba sa] mga huwad na diyos.” Kabilang sa kanila ay yaong mga napatnubayan ng Allah, at kabilang [din] sa kanila ay yaong mga nararapat na mapaligaw. Kaya, humayo kayong magsipaglakbay sa mga lupain at inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga nagsipagtakwil [sa katotohanan].

  37. إِن تَحۡرِصۡ عَلَىٰ هُدَىٰهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَن يُضِلُّۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ

    Open ayah 16:37

    [Kahit] ikaw pa [O Muhammad] ay masigasig para sa kanilang patnubay, katotohanan, ang Allah ay hindi nagpapatnubay sa sinumang hinayaan Niyang mapaligaw. At sa kanila ay walang makatutulong.

  38. وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَا يَبۡعَثُ ٱللَّهُ مَن يَمُوتُۚ بَلَىٰ وَعۡدًا عَلَيۡهِ حَقّٗا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 16:38

    At sila ay sumusumpa sa Allah ng isang napakatibay na panunumpa, na hindi bubuhaying muli ng Allah ang sinumang mamamatay. Nguni’t, [ito ay] isang totoong pangako [na nakaatang] sa Kanya, subali’t karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam [nito].

  39. لِيُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِي يَخۡتَلِفُونَ فِيهِ وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰذِبِينَ

    Open ayah 16:39

    [Na sila ay bubuhaying muli] upang Kanyang gawing malinaw para sa kanila [ang katotohanan] na kung saan sila ay nagkakaiba, at upang mapag-alaman niyaong mga di-naniwala na sila ay mga sinungaling.

  40. إِنَّمَا قَوۡلُنَا لِشَيۡءٍ إِذَآ أَرَدۡنَٰهُ أَن نَّقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ 

    Open ayah 16:40

    Katotohanan, ang Aming salita [o Kautusan] sa isang bagay kapag ito ay Aming nilayon - Kami ay magsasabi lamang dito ng: “Maging,” kaya mangyayari nga.

  41. وَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ فِي ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْ لَنُبَوِّئَنَّهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗۖ وَلَأَجۡرُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 16:41

    At yaong mga nagsilikas [nangibang-bayan] para sa [Landas ng] Allah matapos silang ginawan ng mga kamalian – katiyakan, sila ay Aming patitirahin sa mundong ito sa isang mabuting kalagayan, nguni’t ang gantimpala ng kabilang buhay ay nakahihigit, kung [ito ay] kanila lamang nalalaman.

  42. ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ

    Open ayah 16:42

    [Sila] yaong mga nagtiis, at sila ay nagtitiwala [ng buong puso] sa kanilang Panginoon.

  43. وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِمۡۖ فَسۡـَٔلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلذِّكۡرِ إِن كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 16:43

    At Kami ay hindi nagpadala [ng mga sugo] na nauna sa iyo [O Muhammad] malibang [sila ay] mga lalaking pinagpahayagan Namin [ng mensahe]. Kaya, inyong tanungin ang mga angkan [unang pinagkalooban] ng mensahe kung hindi ninyo nalalaman.

  44. بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلزُّبُرِۗ وَأَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلذِّكۡرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيۡهِمۡ وَلَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 16:44

    [Sila ay Aming mga sugong] may dalang mga malilinaw na katibayan at mga nakatalang alituntunin. At Aming ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad] ang Dikhr [ang Qur’an] upang gawin mong malinaw para sa mga tao kung ano ang [halaga ng] ibinaba [o ipinahayag] sa kanila, at upang sakali sila ay makapag-isip.

  45. أَفَأَمِنَ ٱلَّذِينَ مَكَرُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن يَخۡسِفَ ٱللَّهُ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 16:45

    Kaya, yaon bang nagbalak ng masasamang gawain ay nakadarama ng katiwasayan na sila ay hindi hahayaan ng Allah na lamunin ng lupa, o na ang parusa ay hindi darating sa kanila mula sa kung saan ay hindi nila namamalayan?

  46. أَوۡ يَأۡخُذَهُمۡ فِي تَقَلُّبِهِمۡ فَمَا هُم بِمُعۡجِزِينَ

    Open ayah 16:46

    O na sila ay hindi Niya magagawang hablutin sa gitna ng kanilang [karaniwang] mga gawain at sila ay walang maidudulot na kabiguan [o makatatakas mula sa parusa ng Allah]?

  47. أَوۡ يَأۡخُذَهُمۡ عَلَىٰ تَخَوُّفٖ فَإِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٌ

    Open ayah 16:47

    O na sila ay hindi Niya magagawang hablutin nang unti-unti [sa gitna ng sindak]? Katotohanan, ang inyong Panginoon ay Tigib ng Kabaitan, ang Maawain.

  48. أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٖ يَتَفَيَّؤُاْ ظِلَٰلُهُۥ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَٱلشَّمَآئِلِ سُجَّدٗا لِّلَّهِ وَهُمۡ دَٰخِرُونَ

    Open ayah 16:48

    Hindi ba nila nakikita ang anumang bagay na nilikha ng Allah: na ang kanilang mga anino ay nakahilig sa dakong kanan at kaliwa - nagpapatirapa sa Allah, habang sila [mga ibang nilikha] ay nangayupapa.

  49. وَلِلَّهِۤ يَسۡجُدُۤ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن دَآبَّةٖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ

    Open ayah 16:49

    At sa Allah nagpapatirapa ang anumang nasa mga kalangitan at ang anumang gumagalang nilikhang nasa kalupaan at [maging] ang mga anghel, at sila ay hindi mapagmalaki.

  50. يَخَافُونَ رَبَّهُم مِّن فَوۡقِهِمۡ وَيَفۡعَلُونَ مَا يُؤۡمَرُونَ۩ 

    Open ayah 16:50

    Kanilang kinatatakutan ang kanilang Panginoong nasa kanilang itaas, at kanilang ginagawa ang anumang ipinag-utos sa kanila.

  51. ۞وَقَالَ ٱللَّهُ لَا تَتَّخِذُوٓاْ إِلَٰهَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِۖ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَإِيَّٰيَ فَٱرۡهَبُونِ

    Open ayah 16:51

    At sinabi ng Allah: “Huwag kayong kumuha [o magturing] ng dalawang diyos para sa inyong [pagsamba]. Katotohanan, Siya ay Nag-iisang Diyos. Kaya, Ako ay inyong [dapat] kasindakan.

  52. وَلَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَهُ ٱلدِّينُ وَاصِبًاۚ أَفَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَتَّقُونَ

    Open ayah 16:52

    Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at ng anumang nasa kalupaan at sa Kanya [nararapat] ang palagiang pagsamba. Kaya, mayroon ba kayong ibang kinatatakutan bukod sa Allah?

  53. وَمَا بِكُم مِّن نِّعۡمَةٖ فَمِنَ ٱللَّهِۖ ثُمَّ إِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فَإِلَيۡهِ تَجۡـَٔرُونَ

    Open ayah 16:53

    At anumang pagpapala na mayroon kayo - ito ay nagmula sa Allah. Pagkaraan, kapag kayo ay dumanas ng kahirapan, sa Kanya kayo ay tumatangis [para magpatulong].

  54. ثُمَّ إِذَا كَشَفَ ٱلضُّرَّ عَنكُمۡ إِذَا فَرِيقٞ مِّنكُم بِرَبِّهِمۡ يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 16:54

    Pagkaraan, nang Kanyang pawiin ang hirap mula sa inyo, kapagdaka'y ang ibang pangkat sa inyo ay nagtatambal [ng iba] sa kanilang Panginoon.

  55. لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡۚ فَتَمَتَّعُواْ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 16:55

    Upang hindi nila paniwalaan [o pasalamatan] ang anumang Aming ipinagkaloob sa kanila. Kaya, kayo ay [pansamantalang] magtamasa [ng kasiyahan] sapagka’t [hindi maglalaon] inyong mapag-aalaman.

  56. وَيَجۡعَلُونَ لِمَا لَا يَعۡلَمُونَ نَصِيبٗا مِّمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡۗ تَٱللَّهِ لَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَفۡتَرُونَ

    Open ayah 16:56

    At kanilang itinalaga ang isang bahagi mula sa Aming itinustos sa kanila para sa mga [huwad na diyos na] walang anumang nalalaman. [Sumpa man] sa Allah, katiyakan na kayo ay tatanungin tungkol sa inyong lagi nang nilulubid [na kasinugalingan].

  57. وَيَجۡعَلُونَ لِلَّهِ ٱلۡبَنَٰتِ سُبۡحَٰنَهُۥ وَلَهُم مَّا يَشۡتَهُونَ

    Open ayah 16:57

    At kanilang [ginawang] iakibat para sa Allah ang mga anak na babae! Luwalhati sa Kanya - at para sa kanila ang anumang kanilang inaasam [mga anak na lalaki];

  58. وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِٱلۡأُنثَىٰ ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٞ

    Open ayah 16:58

    At kapag ang isa sa kanila ay binalitaan ng [pagsilang ng] isang [sanggol na] babae, ang kanyang mukha ay nagiging madilim, at kanyang kinikimkim ang dalamhati.

  59. يَتَوَٰرَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ مِن سُوٓءِ مَا بُشِّرَ بِهِۦٓۚ أَيُمۡسِكُهُۥ عَلَىٰ هُونٍ أَمۡ يَدُسُّهُۥ فِي ٱلتُّرَابِۗ أَلَا سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ

    Open ayah 16:59

    Kanyang ikinukubli ang sarili mula sa mga tao nang dahil sa kasamaang ibinalita sa kanya. Pananatilihin ba niya ito [ang sanggol na babae] sa kahihiyan o ito ay ililibing sa lupa? Walang alinlangan, kasamaan ang anumang kanilang napagpasiyahan.

  60. لِلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ مَثَلُ ٱلسَّوۡءِۖ وَلِلَّهِ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ 

    Open ayah 16:60

    Para sa mga di-naniniwala [hinggil] sa kabilang buhay, [ito] ay isang masamang paglalarawan [o isang katangian ng kasamaan], nguni’t para sa Allah ang pinakamataas na Katangian. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.

  61. وَلَوۡ يُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِظُلۡمِهِم مَّا تَرَكَ عَلَيۡهَا مِن دَآبَّةٖ وَلَٰكِن يُؤَخِّرُهُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۖ فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ لَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ سَاعَةٗ وَلَا يَسۡتَقۡدِمُونَ

    Open ayah 16:61

    At kung ang Allah ay magpataw ng panunumbat sa mga tao nang dahil sa kanilang mga pagkakamali, marahil ay wala Siyang iniwan [sa mundo] ng kahit isang nilikhang gumagala, subali’t Kanyang ipinagpapaliban ang mga ito para sa isang tinakdang panahon at kung ang kanilang takdang panahon ay dumating, sila ay hindi mananatili kahit isang saglit at hindi rin nila mapangungunahan [ito].

  62. وَيَجۡعَلُونَ لِلَّهِ مَا يَكۡرَهُونَۚ وَتَصِفُ أَلۡسِنَتُهُمُ ٱلۡكَذِبَ أَنَّ لَهُمُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ لَا جَرَمَ أَنَّ لَهُمُ ٱلنَّارَ وَأَنَّهُم مُّفۡرَطُونَ

    Open ayah 16:62

    At kanilang iniaakibat sa Allah ang anumang kanilang kinamumuhian, at iginigiit ng kanilang mga dila ang kasinungalingan na sila ay magtatamo ng pinakamabuti [mula sa Kanya]. Katiyakan, kanilang matatamo ang Apoy, at [doon], sila ay pababayaan.

  63. تَٱللَّهِ لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰٓ أُمَمٖ مِّن قَبۡلِكَ فَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَهُوَ وَلِيُّهُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 16:63

    [Sumpa man] sa Allah, katiyakang Kami ay nagpadala [ng mga sugo] sa mga pamayanang nauna sa iyo [O Muhammad] nguni’t ginawang kaakit-akit ng satanas para sa kanila ang kanilang mga [maling] gawain. Kaya, siya [ang satanas] ay kanilang tagapangalaga [o kaibigan] ngayon at para sa kanila ay isang mahapding parusa.

  64. وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا لِتُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِي ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 16:64

    At hindi Namin ipinahayag [o ibinaba] ang Aklat [Qur’an] sa iyo [O Muhammad] maliban upang gawin mong malinaw para sa kanila ang anumang kanilang ipinagkaiba, at [bilang] patnubay at habag para sa mga taong naniniwala.

  65. وَٱللَّهُ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ

    Open ayah 16:65

    At ang Allah ay nagbaba ng tubig [ulan] mula sa langit, at binigyang buhay sa pamamagitan nito ang lupa na dati ay tigang. Katotohanan, naririto ang ayaah [palatandaan] para sa taong nakikinig.

  66. وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةٗۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهِۦ مِنۢ بَيۡنِ فَرۡثٖ وَدَمٖ لَّبَنًا خَالِصٗا سَآئِغٗا لِّلشَّٰرِبِينَ

    Open ayah 16:66

    At katotohanan, sa mga pinapastulang hayop [mula sa kawan ng bakahan], ay isang aral. At kayo ay Aming binigyan ng inumin na nagmumula sa kanilang mga tiyan - sa pagitan ng [kanilang] labasan [ng dumi] at dugo - malinis na gatas; [na] mainam na inumin para sa mga nagsisiinom.

  67. وَمِن ثَمَرَٰتِ ٱلنَّخِيلِ وَٱلۡأَعۡنَٰبِ تَتَّخِذُونَ مِنۡهُ سَكَرٗا وَرِزۡقًا حَسَنًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 16:67

    At mula sa mga bunga ng mga punong datiles at mga ubasan, inyong [nakakatas at] nakukuha [mula rito] ang matapang na inumin at mabubuting panustos. Katotohanan, naririto ang isang ayaah [aral] para sa taong nakauunawa.

  68. وَأَوۡحَىٰ رَبُّكَ إِلَى ٱلنَّحۡلِ أَنِ ٱتَّخِذِي مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا وَمِنَ ٱلشَّجَرِ وَمِمَّا يَعۡرِشُونَ

    Open ayah 16:68

    At ang iyong Panginoon ay nagbigay-inspirasyon sa mga bubuyog: “Kunin [at manirahan kayo] sa mga bundok at sa mga bahay at sa mga punongkahoy at sa anumang kanilang itinatayo [bilang inyong pagpupugaran].

  69. ثُمَّ كُلِي مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ فَٱسۡلُكِي سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلٗاۚ يَخۡرُجُ مِنۢ بُطُونِهَا شَرَابٞ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهُۥ فِيهِ شِفَآءٞ لِّلنَّاسِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 16:69

    Pagkaraan, magsikain kayo mula sa lahat ng mga bunga at sundin ang mga kaparaanang iniatas ng inyong Panginoon [para sa inyo].” Dito ay lumalabas mula sa kanilang mga tiyan ang isang inumin [pulut-pukyutan], may iba't ibang kulay, [nagsisilbing] gamot para sa tao. Katotohanan, naririto ang ayah [palatandaan] para sa mga taong nag-iisip.

  70. وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ ثُمَّ يَتَوَفَّىٰكُمۡۚ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَيۡ لَا يَعۡلَمَ بَعۡدَ عِلۡمٖ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٞ قَدِيرٞ 

    Open ayah 16:70

    At kayo ay nilikha ng Allah, pagkaraan kayo ay Kanyang babawiin sa kamatayan; at kabilang sa inyo ay isang hukluban [sa katandaan] upang hindi nito mabatid [o makaalala pa] ang anupaman pagkaraan ng [dati nitong] kaalaman. Katotohanan, ang Allah ay Maalam, may Kakayahan.

  71. وَٱللَّهُ فَضَّلَ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ فِي ٱلرِّزۡقِۚ فَمَا ٱلَّذِينَ فُضِّلُواْ بِرَآدِّي رِزۡقِهِمۡ عَلَىٰ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَهُمۡ فِيهِ سَوَآءٌۚ أَفَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ

    Open ayah 16:71

    At biniyayaan ng Allah ang iba sa inyo nang higit sa iba [hinggil] sa panustos. Subali’t, yaong mga biniyayaan [nang higit] ay hindi nagkakaloob ng kanilang panustos sa sinumang [mga aliping] taglay ng kanilang kanang kamay upang sila ay kanilang maging kapantay sa ganoong paraan. Kaya, hindi ba ang pagpapala ng Allah ang kanilang inaayawan?

  72. وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُم بَنِينَ وَحَفَدَةٗ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ أَفَبِٱلۡبَٰطِلِ يُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ هُمۡ يَكۡفُرُونَ

    Open ayah 16:72

    At [nilikha o] ginawa ng Allah para sa inyo ang mga asawa mula sa inyong mga sarili, at ginawa para sa inyo mula sa inyong mga asawa, ang mga anak at mga apo, at Kanyang itinustos para sa inyo ang mga mabubuting bagay. [Nguni’t] sa kabila nito, sila ba ay naniniwala pa rin sa kabulaanan at sa pagpapala ng Allah, sila ay hindi naniniwala?

  73. وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ رِزۡقٗا مِّنَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡتَطِيعُونَ

    Open ayah 16:73

    At sila ay sumasamba bukod sa Allah ng anumang [huwad na diyos na] walang taglay na [kapangyarihang magbigay ng] panustos mula sa mga kalangitan at kalupaan at [katunayan] sila ay walang kakayahan.

  74. فَلَا تَضۡرِبُواْ لِلَّهِ ٱلۡأَمۡثَالَۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 16:74

    Kaya, huwag kayong maglahad ng paghahalintulad sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay Maalam at kayo ay hindi nakaaalam.

  75. ۞ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا عَبۡدٗا مَّمۡلُوكٗا لَّا يَقۡدِرُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَمَن رَّزَقۡنَٰهُ مِنَّا رِزۡقًا حَسَنٗا فَهُوَ يُنفِقُ مِنۡهُ سِرّٗا وَجَهۡرًاۖ هَلۡ يَسۡتَوُۥنَۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 16:75

    At ang Allah ay naglahad ng paghahalintulad: [tungkol sa] isang alipin na pag-aari ng iba, at [ito ay] walang nagagawang isa mang bagay, at [ang isa naman] ay Aming ginawaran ng mabuting panustos mula sa Amin, kaya siya ay gumugugol [sa kawanggawa] mula rito nang palihim at hayag. Sila ba ay magkapantay? Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah]. Nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam.

  76. وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا رَّجُلَيۡنِ أَحَدُهُمَآ أَبۡكَمُ لَا يَقۡدِرُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوۡلَىٰهُ أَيۡنَمَا يُوَجِّههُّ لَا يَأۡتِ بِخَيۡرٍ هَلۡ يَسۡتَوِي هُوَ وَمَن يَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 16:76

    At ang Allah ay naglahad ng [isa pang] paghahalintulad [tungkol sa] dalawang lalaki, ang isa sa kanila ay pipi, walang nagagawang isa mang bagay kaya siya ay pasanin ng kanyang tagapag-alaga; saanman siya ibaling nito [ng kanyang tagapag-alaga], siya ay walang dinadalang kabutihan. Siya ba [na taong pipi o walang kakayahang makagawa ng kabutihan] ay katulad ng isang nag-uutos ng katarungan, habang siya ay nasa isang matuwid na landas?

  77. وَلِلَّهِ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَآ أَمۡرُ ٱلسَّاعَةِ إِلَّا كَلَمۡحِ ٱلۡبَصَرِ أَوۡ هُوَ أَقۡرَبُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

    Open ayah 16:77

    At sa Allah ang pagmamay-ari ng Ghaib [mga di-nakikitang bahagi] sa mga kalangitan at kalupaan. At ang kautusan para sa [takdang] Oras ay walang anupaman maliban sa isang sulyap ng mata o higit pang malapit. Katotohanan, ang Allah ay may [ganap na] Kakayahan sa lahat ng bagay.

  78. وَٱللَّهُ أَخۡرَجَكُم مِّنۢ بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 16:78

    At kayo ay iniluwal ng Allah mula sa mga sinapupunan ng inyong mga ina na walang anupamang nalalaman. At Kanyang ginawa para sa inyo ang pandinig, paningin, at mga puso [o isip] upang sakali kayo ay magpasalamat.

  79. أَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّيۡرِ مُسَخَّرَٰتٖ فِي جَوِّ ٱلسَّمَآءِ مَا يُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱللَّهُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 16:79

    Hindi ba nila natatanaw ang mga ibong nangakalutang sa alapaap ng himpapawid? Walang tumatangan sa kanila maliban sa Allah. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong naniniwala.

  80. وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۢ بُيُوتِكُمۡ سَكَنٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّن جُلُودِ ٱلۡأَنۡعَٰمِ بُيُوتٗا تَسۡتَخِفُّونَهَا يَوۡمَ ظَعۡنِكُمۡ وَيَوۡمَ إِقَامَتِكُمۡ وَمِنۡ أَصۡوَافِهَا وَأَوۡبَارِهَا وَأَشۡعَارِهَآ أَثَٰثٗا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ 

    Open ayah 16:80

    At ginawa ng Allah para sa inyo ang isang himlayan mula sa inyong mga tahanan, at ginawa para sa inyo mula sa mga katad [o balat] ng mga hayop ang mga kubol [silungan] na inyong matatagpuan ang ginhawa sa araw ng inyong paglalakbay at sa araw ng inyong pananatili [pagtigil]. At mula sa kanilang balat, balahibo at buhok [kayo ay nakagagawa ng mga] kasangkapan at kasiyahan hanggang sa isang takdang panahon.

  81. وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّمَّا خَلَقَ ظِلَٰلٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡجِبَالِ أَكۡنَٰنٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ سَرَٰبِيلَ تَقِيكُمُ ٱلۡحَرَّ وَسَرَٰبِيلَ تَقِيكُم بَأۡسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُسۡلِمُونَ

    Open ayah 16:81

    At ginawa ng Allah para sa inyo, mula sa anumang Kanyang nilikha ang mga lilim [o anino ng mga ulap], at ginawa para sa inyo mula sa mga bundok, ang mga tirahan [kanlungan] at ginawa para sa inyo ang mga kasuutan upang kayo ay isanggalang laban sa init at [ginawa rin] ang mga kasuutang baluti upang kayo ay isanggalang mula sa inyong [mga kaaway] sa [panahon ng] digmaan. Kaya, ganyan Niya ginagawang ganap ang Kanyang pagpapala sa inyo upang sakali kayo ay tumalima [sa Kanya].

  82. فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

    Open ayah 16:82

    Kaya, kung sila ay magsitalikod - ang tanging nakaatang sa iyo [O Muhammad] ay [ang tungkuling] ihatid ng malinaw [ang mensahe].

  83. يَعۡرِفُونَ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ ثُمَّ يُنكِرُونَهَا وَأَكۡثَرُهُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ

    Open ayah 16:83

    Kanilang nababatid ang pagpapala ng Allah subali’t pagkaraan, ito ay kanilang itinatakwil at karamihan sa kanila ay mga [taong] di-naniniwala.

  84. وَيَوۡمَ نَبۡعَثُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا ثُمَّ لَا يُؤۡذَنُ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ

    Open ayah 16:84

    At [alalahanin] ang Araw na Aming bubuhaying muli sa bawa’t pamayanan ang isang saksi [ang kanilang sugo]. Pagkaraan ay hindi na pahihintulutan yaong mga di-naniniwala [upang mangatwiran], at sila ay hindi hihilinging magbalik-loob [sa Allah].

  85. وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلۡعَذَابَ فَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ

    Open ayah 16:85

    At kapag makikita niyaong mga gumawa ng kamalian ang parusa, ito ay hindi pagagaanin para sa kanila at sila ay hindi bibigyan ng palugit.

  86. وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ شُرَكَآءَهُمۡ قَالُواْ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ شُرَكَآؤُنَا ٱلَّذِينَ كُنَّا نَدۡعُواْ مِن دُونِكَۖ فَأَلۡقَوۡاْ إِلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلَ إِنَّكُمۡ لَكَٰذِبُونَ

    Open ayah 16:86

    At kapag makikita niyaong mga nagtatambal ang kanilang [mga iniakibat na] katambal [ng Allah], sila ay magsasabi; “O Aming Panginoon, sila ang aming mga itinambal [sa Iyo] na lagi naming dinadalanginan bukod sa Iyo.” Nguni’t, kanilang itatapong pabalik sa kanila ang kanilang mga salita [at magsasabing]: “Katotohanan, kayo ay mga sinungaling!”

  87. وَأَلۡقَوۡاْ إِلَى ٱللَّهِ يَوۡمَئِذٍ ٱلسَّلَمَۖ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ

    Open ayah 16:87

    At kanilang ipagkakaloob sa Allah ang [kanilang] pagtalima sa Araw na iyon, at mawawala mula sa kanila ang anumang lagi nilang nilulubid [na kasinungalingan].

  88. ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ زِدۡنَٰهُمۡ عَذَابٗا فَوۡقَ ٱلۡعَذَابِ بِمَا كَانُواْ يُفۡسِدُونَ

    Open ayah 16:88

    Yaong mga di-naniwala at humadlang [sa ibang tao] sa Landas ng Allah – sila ay Aming daragdagan sa kaparusahan nang ibayong parusa nang dahil sa anumang katiwaliang kanilang idinudulot.

  89. وَيَوۡمَ نَبۡعَثُ فِي كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدًا عَلَيۡهِم مِّنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَجِئۡنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِۚ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ تِبۡيَٰنٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ

    Open ayah 16:89

    At [alalahanin] ang Araw [na kapag] Aming bubuhaying muli sa bawa't pamayanan ang isang saksi laban sa kanila na nagmula sa kanilang mga sarili. At ikaw [O Muhammad] ay Aming dadalhin, bilang saksi laban sa mga ito [sa iyong pamayanan]. At Aming ibinaba [o ipinahayag] sa iyo ang Aklat [ang Qur’an] bilang paglilinaw para sa lahat ng bagay, at bilang patnubay, at habag at magandang balita para sa mga tumatalima [sa Kanya bilang Muslim].

  90. ۞إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَٱلۡإِحۡسَٰنِ وَإِيتَآيِٕ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَيَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡبَغۡيِۚ يَعِظُكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ 

    Open ayah 16:90

    Katotohanan, ang Allah ay nag-uutos ng katarungan at mabuting asal at pagbibigay [ng tulong at pagmamalasakit] sa mga kamag-anak at nagbabawal ng kahalayan at masamang asal at pang-aapi. Kayo ay Kanyang pinagpapayuhan upang sakali kayo ay mapaalalahanan.

  91. وَأَوۡفُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ إِذَا عَٰهَدتُّمۡ وَلَا تَنقُضُواْ ٱلۡأَيۡمَٰنَ بَعۡدَ تَوۡكِيدِهَا وَقَدۡ جَعَلۡتُمُ ٱللَّهَ عَلَيۡكُمۡ كَفِيلًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ

    Open ayah 16:91

    At inyong tuparin ang kasunduan [na inyong pinagtibay sa Ngalan] ng Allah kapag kayo ay gumawa ng inyong pakikipagkasundo, at huwag ninyong sirain ang mga panunumpa pagkaraang ang mga ito ay pagtibayin at katunayan inyong itinalaga [bilang] Tagapanagot ang Allah para sa inyo. Katotohanan, [Lubos na] Nababatid ng Allah ang anumang inyong ginagawa.

  92. وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّتِي نَقَضَتۡ غَزۡلَهَا مِنۢ بَعۡدِ قُوَّةٍ أَنكَٰثٗا تَتَّخِذُونَ أَيۡمَٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَيۡنَكُمۡ أَن تَكُونَ أُمَّةٌ هِيَ أَرۡبَىٰ مِنۡ أُمَّةٍۚ إِنَّمَا يَبۡلُوكُمُ ٱللَّهُ بِهِۦۚ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ

    Open ayah 16:92

    At huwag kayong maging katulad ng isang [babaing] kinalas ang sinulid na kanyang inikit matapos na ito ay naging matibay [sa pamamagitan ng] paggamit ng inyong panunumpa bilang [isang paraan ng] pandaraya sa inyong pagitan nang dahil lamang na ang isang pamayanan ay nakahihigit sa kasaganaan [sa bilang at yaman] kaysa sa ibang pamayanan. Kayo ay sinusubukan ng Allah sa pamamagitan nito. At katotohanan Kanyang gagawing malinaw para sa inyo sa Araw ng Pagkabuhay na Muli ang anumang inyong lagi nang ipinagkaiba.

  93. وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَلَٰكِن يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَلَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 16:93

    At kung ninais lamang ng Allah, kayo ay Kanyang magagawang pag- isahin bilang pamayanan [o relihiyon], nguni’t Kanyang hinahayaang maligaw ang sinumang Kanyang nais at pinapatnubayan ang sinumang Kanyang nais. At katiyakan, kayo ay tatanungin tungkol sa anumang lagi ninyong ginagawa.

  94. وَلَا تَتَّخِذُوٓاْ أَيۡمَٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَيۡنَكُمۡ فَتَزِلَّ قَدَمُۢ بَعۡدَ ثُبُوتِهَا وَتَذُوقُواْ ٱلسُّوٓءَ بِمَا صَدَدتُّمۡ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَكُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 16:94

    At huwag ninyong gamitin bilang [isang paraan ng] pandaraya ang inyong mga panunumpa sa inyong pagitan, upang hindi matisod ang isang paa pagkaraang ito ay naging matatag, at inyong malasap ang kasamaan [o parusa sa mundong ito] nang dahil sa anumang inyong ginawang paglihis [sa mga tao] sa Landas ng Allah at inyong matamo ang malaking parusa [sa kabilang buhay].

  95. وَلَا تَشۡتَرُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ ثَمَنٗا قَلِيلًاۚ إِنَّمَا عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 16:95

    At huwag ninyong ipagbili [o ipagpalit] ang kasunduan ng Allah sa maliit na halaga. Katotohanan, anumang nasa Allah ay higit na mabuti para sa inyo kung nababatid ninyo [ang kahalagahan nito].

  96. مَا عِندَكُمۡ يَنفَدُ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ بَاقٖۗ وَلَنَجۡزِيَنَّ ٱلَّذِينَ صَبَرُوٓاْ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 16:96

    Anumang nasa sa inyo ay magwawakas, subali’t anumang nasa Allah ay mananatili [walang kupas]. At katiyakan, Aming ipagkakaloob sa mga nagtiis ang kanilang gantimpala nang ayon sa anumang pinakamabuti na kanilang lagi nang ginagawa.

  97. مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَنُحۡيِيَنَّهُۥ حَيَوٰةٗ طَيِّبَةٗۖ وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 16:97

    Sinuman ang gumawa ng mga gawaing matwid, maging siya man ay lalaki o babae, at siya ay naniniwala, katiyakang Aming ipagkakaloob sa kanya ang magandang buhay, at katiyakan na sila ay Aming gagantimpalaan [sa kabilang buhay] nang ayon sa anumang pinakamabuti na kanilang lagi nang ginagawa.

  98. فَإِذَا قَرَأۡتَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ ٱلرَّجِيمِ

    Open ayah 16:98

    Kaya, kapag iyong binibigkas ang Qur’an, [una ay] humingi ka ng paglingap sa Allah laban sa satanas, ang isinumpa [o pinagkaitan ng Kanyang habag].

  99. إِنَّهُۥ لَيۡسَ لَهُۥ سُلۡطَٰنٌ عَلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ

    Open ayah 16:99

    Katotohanan, siya [ang satanas] ay walang kapangyarihan laban sa mga naniwala at nagtitiwala sa kanilang Panginoon.

  100. إِنَّمَا سُلۡطَٰنُهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ يَتَوَلَّوۡنَهُۥ وَٱلَّذِينَ هُم بِهِۦ مُشۡرِكُونَ 

    Open ayah 16:100

    Ang kanyang kapangyarihan ay sa mga nagtuturing sa kanya bilang [kanilang] kapanalig at yaong sa pamamagitan niya [ng satanas] ay nagtatambal [ng iba bukod sa Allah].

  101. وَإِذَا بَدَّلۡنَآ ءَايَةٗ مَّكَانَ ءَايَةٖ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُنَزِّلُ قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مُفۡتَرِۭۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 16:101

    At kapag Aming hinalinhan ang isang ayaah [o talata] kapalit ng isang talata - at ang Allah ay lubos na nakababatid sa anumang Kanyang ipinahayag - sila ay magsasabing: “Ikaw [O Muhammad] ay isang mapaglubid [ng kasinungalingan].” Nguni’t, karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam.

  102. قُلۡ نَزَّلَهُۥ رُوحُ ٱلۡقُدُسِ مِن رَّبِّكَ بِٱلۡحَقِّ لِيُثَبِّتَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ 

    Open ayah 16:102

    Sabihin mo [O Muhammad]: “Ang Banal na Espiritu ang nagpahayag nito [ng Qur’an] mula sa iyong Panginoon sa katotohanan, upang patatagin [ang Eeman] niyaong mga naniniwala at [magsilbing] patnubay at magandang balita para sa mga tumatalima [sa Allah bilang Muslim].”

  103. وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّهُمۡ يَقُولُونَ إِنَّمَا يُعَلِّمُهُۥ بَشَرٞۗ لِّسَانُ ٱلَّذِي يُلۡحِدُونَ إِلَيۡهِ أَعۡجَمِيّٞ وَهَٰذَا لِسَانٌ عَرَبِيّٞ مُّبِينٌ 

    Open ayah 16:103

    At katotohanang Aming nababatid ang kanilang sinasabi na: “Ito ay isa lamang tao na nagtuturo sa kanya [kay Muhammad].” Ang dila ng isa na kanilang tinutukoy ay banyaga, at ito [ang Qur’an] ay [nasa] isang malinaw na wikang Arabe.”

  104. إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ لَا يَهۡدِيهِمُ ٱللَّهُ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ 

    Open ayah 16:104

    Katotohanan, yaong mga di-naniniwala sa mga ayaat [talata] ng Allah, sila ay hindi papatnubayan ng Allah at sa kanila ay isang mahapding parusa.

  105. إِنَّمَا يَفۡتَرِي ٱلۡكَذِبَ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ 

    Open ayah 16:105

    Katotohanan, ang naglulubid lamang [ng kasinungalingan] – sila yaong mga di-naniniwala [o nagtatakwil] sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah, at sila yaong mga sinungaling.

  106. مَن كَفَرَ بِٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ إِيمَٰنِهِۦٓ إِلَّا مَنۡ أُكۡرِهَ وَقَلۡبُهُۥ مُطۡمَئِنُّۢ بِٱلۡإِيمَٰنِ وَلَٰكِن مَّن شَرَحَ بِٱلۡكُفۡرِ صَدۡرٗا فَعَلَيۡهِمۡ غَضَبٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ 

    Open ayah 16:106

    Sinuman ang hindi naniwala [at nagtakwil] sa Allah pagkaraan ng kanyang paniniwala…. maliban sa isang napilitang [tumalikod sa Islam] bagaman ang kanyang puso ay matatag sa pananampalataya. Nguni’t yaong mga [nagkusang] binuksan ang kanilang mga dibdib tungo sa kawalan ng paniniwala, sa gayon sa kanila ay poot na nagmumula sa Allah, at para sa kanila ay isang malaking parusa.

  107. ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ ٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا عَلَى ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ 

    Open ayah 16:107

    Iyan ay sa dahilang kanilang kinalugdan ang [kasiyahan ng] buhay sa mundong ito nang higit kaysa sa [kasiyahan ng] kabilang buhay. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong hindi naniniwala [sa Kanyang Kaisahan at sa mga mahahalagang aral ng Islam].

  108. أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَسَمۡعِهِمۡ وَأَبۡصَٰرِهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡغَٰفِلُونَ 

    Open ayah 16:108

    Sila yaong ang kanilang mga puso, pandinig at paningin ay sinarhan ng Allah. At sila yaong mga pabaya [sapagka’t sila ay nalulong at nahumaling sa kinang ng makamundong kasiyahan].

  109. لَا جَرَمَ أَنَّهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ 

    Open ayah 16:109

    Katiyakan, sila yaong, sa kabilang buhay, ay magiging mga talunan [o nawalan].

  110. ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ هَاجَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا فُتِنُواْ ثُمَّ جَٰهَدُواْ وَصَبَرُوٓاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ 

    Open ayah 16:110

    Pagkaraan, katotohanan, ang iyong Panginoon, sa mga nagsilikas matapos na sila ay mapilitang [tumalikod sa Islam] nguni’t magbuhat noon ay nagpunyagi [o nakipaglaban sa Landas ng Allah] at sila ay naging matiisin, katotohanan, ang iyong Panginoon, pagkatapos niyon, ay Mapagpatawad, Maawain.

  111. ۞يَوۡمَ تَأۡتِي كُلُّ نَفۡسٖ تُجَٰدِلُ عَن نَّفۡسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

    Open ayah 16:111

    Sa Araw [na iyon] ang bawa’t kaluluwa ay darating na nakikipagtalo para sa kanyang sarili, at bawa't isa ay lubos na babayaran para sa anumang kanyang ginawa [mabuti o masama sa mundong ito] at sila ay hindi gagawan ng kamalian.

  112. وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا قَرۡيَةٗ كَانَتۡ ءَامِنَةٗ مُّطۡمَئِنَّةٗ يَأۡتِيهَا رِزۡقُهَا رَغَدٗا مِّن كُلِّ مَكَانٖ فَكَفَرَتۡ بِأَنۡعُمِ ٱللَّهِ فَأَذَٰقَهَا ٱللَّهُ لِبَاسَ ٱلۡجُوعِ وَٱلۡخَوۡفِ بِمَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ

    Open ayah 16:112

    At ang Allah ay naglahad ng isang paghahalintulad: [ito ay tungkol sa] isang bayan [ang Makkah] na malaya at matiwasay: ang panustos nito ay dumarating nang masagana mula sa iba’t ibang pook, nguni’t itinakwil nito [ng kanyang mamamayan] ang mga pagpapala ng Allah. Kaya ipinalasap ng Allah ang sidhi ng gutom at pangamba nang dahil sa anumang kanilang [kasamaang] ginagawa.

  113. وَلَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مِّنۡهُمۡ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَهُمۡ ظَٰلِمُونَ

    Open ayah 16:113

    At katiyakan may dumating sa kanila na isang sugo mula sa kanilang mga sariling [lahi], subali’t siya ay kanilang itinakwil, kaya sila ay hinablot ng parusa habang sila ay mga mapaggawa ng kamalian.

  114. فَكُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلٗا طَيِّبٗا وَٱشۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ

    Open ayah 16:114

    Kaya, magsikain kayo mula sa anumang [pagkaing] pinahintulutan at mabuti na itinustos ng Allah para sa inyo. At maging mapagpasalamat kayo sa mga pagpapala ng Allah, kung [tunay nga na] Siya ang inyong sinasamba.

  115. إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 16:115

    Ang Kanyang ipinagbawal lamang sa inyo ay ang [pagkain ng] laman ng patay na hayop, dugo, laman ng baboy, at alinmang hayop na kinatay bilang pag-aalay sa iba bukod sa Allah [o kinatay para sa mga iniidolo o ang di-pagbanggit sa Ngalan ng Allah sa oras ng pagkatay]. Nguni’t sinuman ang napilitan [nang dahil sa tawag ng pangangailangan], na wala [namang layon ng] pagsuway at paglabag [sa hangganan ng kautusan] samakatwid, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  116. وَلَا تَقُولُواْ لِمَا تَصِفُ أَلۡسِنَتُكُمُ ٱلۡكَذِبَ هَٰذَا حَلَٰلٞ وَهَٰذَا حَرَامٞ لِّتَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا يُفۡلِحُونَ

    Open ayah 16:116

    At huwag kayong magsabi tungkol sa anumang iginigiit na kasinungalingan ng inyong mga dila: [nagsasabing] “Ito ay pinahihintulutan at ito ay bawal” upang kayo ay makapaglubid ng kasinungalingan laban sa Allah. Katotohanan, yaong mga naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah ay hindi kailanman magtatagumpay.

  117. مَتَٰعٞ قَلِيلٞ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 16:117

    [Ito ay] isa lamang maikling kasiyahan, at para sa kanila ay isang mahapding parusa.

  118. وَعَلَى ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا مَا قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ مِن قَبۡلُۖ وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

    Open ayah 16:118

    At sa mga Hudyo, Aming ipinagbawal ang anumang Aming isinalaysay sa iyo [O Muhammad] noong una. At sila ay hindi Namin ginawan ng kamalian [sa pamamagitan nito] bagkus, kanilang ginagawan ng kamalian ang kanilang mga sarili.

  119. ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ وَأَصۡلَحُوٓاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورٞ رَّحِيمٌ

    Open ayah 16:119

    Pagkaraan, katiyakan, ang iyong Panginoon, sa mga nakagawa ng kasamaan sanhi ng kamangmangan pagkaraan ay nagsisi magbuhat noon at itinuwid ang sarili – katiyakan, [sa kanila] ang iyong Panginoon pagkaraan niyan, ay Mapagpatawad, Maawain.

  120. إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ كَانَ أُمَّةٗ قَانِتٗا لِّلَّهِ حَنِيفٗا وَلَمۡ يَكُ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ 

    Open ayah 16:120

    Katotohanan, si Abraham ay isang pinunong [nagtataglay ng malawak na pang-unawa], masunuring tapat sa Allah, [siya ay] Hanifah [sumasamba nang tuwiran sa Kanya] at siya ay hindi kabilang sa mga nagtatambal [sa Kanya].

  121. شَاكِرٗا لِّأَنۡعُمِهِۚ ٱجۡتَبَىٰهُ وَهَدَىٰهُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 16:121

    [Si Abraham ay] mapagpasalamat sa Kanyang mga pagpapala. Kanyang pinili siya at pinatnubayan siya sa isang matuwid na landas.

  122. وَءَاتَيۡنَٰهُ فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

    Open ayah 16:122

    At Aming ipinagkaloob sa kanya ang kabutihan sa mundong ito. At katotohanan, sa kabilang buhay, siya ay kabilang sa mga matutuwid.

  123. ثُمَّ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ أَنِ ٱتَّبِعۡ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

    Open ayah 16:123

    Pagkaraan Aming ipinahayag sa iyo [O Muhammad], na sumunod sa relihiyon ni Abraham, [siya ay] Hanifah [sumasamba nang tuwiran sa Allah] at siya ay hindi kabilang sa mga nagtatambal [sa Kanya].

  124. إِنَّمَا جُعِلَ ٱلسَّبۡتُ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِۚ وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

    Open ayah 16:124

    Ang [Araw ng] Sabado ay itinalaga lamang para sa mga nagkaiba hinggil dito. At katotohanan, ang iyong Panginoon ay maghahatol sa kanilang pagitan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli tungkol dito sa anumang kanilang lagi nang ipinagkakaiba.

  125. ٱدۡعُ إِلَىٰ سَبِيلِ رَبِّكَ بِٱلۡحِكۡمَةِ وَٱلۡمَوۡعِظَةِ ٱلۡحَسَنَةِۖ وَجَٰدِلۡهُم بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ

    Open ayah 16:125

    Anyayahan [ang sangkatauhan] sa Landas ng iyong Panginoon nang may karunungan at mahusay na talakayan, at makipagtalo sa kanila sa paraang pinakamahusay. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Lubos na Nakababatid kung sino ang napaligaw mula sa Kanyang Landas, at Kanyang Lubos na nakababatid kung sino ang [matwid na] napatnubayan.

  126. وَإِنۡ عَاقَبۡتُمۡ فَعَاقِبُواْ بِمِثۡلِ مَا عُوقِبۡتُم بِهِۦۖ وَلَئِن صَبَرۡتُمۡ لَهُوَ خَيۡرٞ لِّلصَّٰبِرِينَ

    Open ayah 16:126

    At kung inyong parusahan [ang inyong mga kaaway, O mga Muslim], sila ay inyong parusahang katumbas ng anumang ginawang pananakit sa inyo. Nguni’t, kung kayo ay nagtiis - ito ay higit na mabuti para sa mga matiisin.

  127. وَٱصۡبِرۡ وَمَا صَبۡرُكَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُ فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ

    Open ayah 16:127

    At magtiis ka [O Muhammad], at ang iyong pagtitiis ay hindi nagmula [kaninuman] kundi sa Allah. At huwag mo silang ikalungkot, at huwag kang masiphayo laban sa anupamang kanilang mga pinagsasabwatan.

  128. إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْ وَّٱلَّذِينَ هُم مُّحۡسِنُونَ

    Open ayah 16:128

    Katotohanan, ang Allah ay nasa [panig] niyaong mga natatakot sa Kanya at niyaong mga mapaggawa ng mga kabutihan.