الإسراء
Al-Israa
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِيٓ أَسۡرَىٰ بِعَبۡدِهِۦ لَيۡلٗا مِّنَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ إِلَى ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡأَقۡصَا ٱلَّذِي بَٰرَكۡنَا حَوۡلَهُۥ لِنُرِيَهُۥ مِنۡ ءَايَٰتِنَآۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ
Open ayah 17:1Luwalhati sa Kanya na Siyang nagpalakbay sa Kanyang alipin [si Propeta Muhammad] sa gabi mula sa Masjid al-Haram [sa Makkah] patungong Masjid al-Aqsa [sa Herusalem], na ang mga kapaligiran nito ay Aming pinagpala, upang Aming ipakita sa kanya ang Aming mga ayaat [palatandaan]. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Lubos na Nakakikita.
وَءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَٰهُ هُدٗى لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَلَّا تَتَّخِذُواْ مِن دُونِي وَكِيلٗا
Open ayah 17:2At Aming ipinagkaloob kay Moises ang kasulatan at ito ay Aming ginawang patnubay para sa mga anak ni Israel [na nagsasabing]: “Huwag kayong magturing ng iba bukod sa Akin bilang [inyong] Tagapangasiwa,”
ذُرِّيَّةَ مَنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحٍۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَبۡدٗا شَكُورٗا
Open ayah 17:3O, kayong mga inapo na nagmula [sa lahi] niyaong mga isinakay Namin [sa sasakyang-dagat] kasama ni Noah, katotohanan, siya [si Noah] ay isang aliping mapagpasalamat.
وَقَضَيۡنَآ إِلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ فِي ٱلۡكِتَٰبِ لَتُفۡسِدُنَّ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَّتَيۡنِ وَلَتَعۡلُنَّ عُلُوّٗا كَبِيرٗا
Open ayah 17:4At Aming itinakda [para] sa mga anak ni Israel sa kasulatan na: “Katiyakan na kayo ay maghahasik ng katiwalian sa lupa nang dalawang ulit at katiyakan na kayo ay hahantong sa labis na kapalaluan.”
فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ أُولَىٰهُمَا بَعَثۡنَا عَلَيۡكُمۡ عِبَادٗا لَّنَآ أُوْلِي بَأۡسٖ شَدِيدٖ فَجَاسُواْ خِلَٰلَ ٱلدِّيَارِۚ وَكَانَ وَعۡدٗا مَّفۡعُولٗا
Open ayah 17:5Kaya, nang ang [oras ng] pangako ay dumating para sa una sa dalawang ito, Aming ipinadala laban sa inyo ang Aming mga alipin – [yaong mga] bihasa sa pakikipagdigma, at sila ay nagsiyasat [maging] sa loob ng mga pamamahay. At ito ay isang pangakong naipatupad.
ثُمَّ رَدَدۡنَا لَكُمُ ٱلۡكَرَّةَ عَلَيۡهِمۡ وَأَمۡدَدۡنَٰكُم بِأَمۡوَٰلٖ وَبَنِينَ وَجَعَلۡنَٰكُمۡ أَكۡثَرَ نَفِيرًا
Open ayah 17:6Pagkaraan, Aming ipinagkaloob muli para sa inyo ang balik-tagumpay laban sa kanila. At kayo ay Aming pinalakas sa pamamagitan ng yaman at ng mga anak at kayo ay Aming ginawang nakararami sa [bilang ng] mga tauhan.
إِنۡ أَحۡسَنتُمۡ أَحۡسَنتُمۡ لِأَنفُسِكُمۡۖ وَإِنۡ أَسَأۡتُمۡ فَلَهَاۚ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ ٱلۡأٓخِرَةِ لِيَسُـُٔواْ وُجُوهَكُمۡ وَلِيَدۡخُلُواْ ٱلۡمَسۡجِدَ كَمَا دَخَلُوهُ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَلِيُتَبِّرُواْ مَا عَلَوۡاْ تَتۡبِيرًا
Open ayah 17:7[At sinabi], “Kung kayo ay gagawa ng kabutihan, kayo ay nakagagawa ng kabutihan para sa inyong mga sarili, at kung kayo ay gagawa ng kasamaan, [kayo ay nakagagawa] para rito [laban sa inyong mga sarili].” Kaya, nang ang huli [sa ikalawang] pangako ay dumating, [Aming ipinadala ang inyong mga kaaway] upang gawing hapis ang inyong mga mukha at upang pasukin ang masjid [i.e templo ng Herusalem] tulad ng kanilang pagpasok dito noong una at upang wasakin ang anumang kanilang sinakop nang [lubusang] pagkawasak.
عَسَىٰ رَبُّكُمۡ أَن يَرۡحَمَكُمۡۚ وَإِنۡ عُدتُّمۡ عُدۡنَاۚ وَجَعَلۡنَا جَهَنَّمَ لِلۡكَٰفِرِينَ حَصِيرًا
Open ayah 17:8[Pagkaraan ang Allah ay nagsabi], “Ito ay inaasahan [na kung kayo ay magsisi], kayo ay kahahabagan ng inyong Panginoon. Nguni’t kung kayo ay magsisibalik [sa kasalanan], Aming ibabalik [ang parusa]. At Aming ginawa ang Impiyerno bilang higaan [ng bilangguan] para sa mga di- naniniwala.”
إِنَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ يَهۡدِي لِلَّتِي هِيَ أَقۡوَمُ وَيُبَشِّرُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ أَجۡرٗا كَبِيرٗا
Open ayah 17:9Katotohanan, itong Qur’an ay nagpapatnubay tungo sa anumang higit na nararapat [o matwid] at nagbibigay ng magandang balita sa mga naniniwala na gumagawa ng mga gawaing matwid – sa kanila ay isang malaking gantimpala [ang walang hanggang ligaya sa Paraiso].
وَأَنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ أَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا
Open ayah 17:10At yaong mga hindi naniniwala [hinggil] sa kabilang buhay - Aming inihanda para sa kanila ang mahapding parusa.
وَيَدۡعُ ٱلۡإِنسَٰنُ بِٱلشَّرِّ دُعَآءَهُۥ بِٱلۡخَيۡرِۖ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ عَجُولٗا
Open ayah 17:11At ang tao ay nananalangin para sa kasamaan [kapag siya ay galit] tulad ng kanyang panalangin para sa kabutihan, at sadyang ang tao ay lagi nang nagmamadali.
وَجَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ ءَايَتَيۡنِۖ فَمَحَوۡنَآ ءَايَةَ ٱلَّيۡلِ وَجَعَلۡنَآ ءَايَةَ ٱلنَّهَارِ مُبۡصِرَةٗ لِّتَبۡتَغُواْ فَضۡلٗا مِّن رَّبِّكُمۡ وَلِتَعۡلَمُواْ عَدَدَ ٱلسِّنِينَ وَٱلۡحِسَابَۚ وَكُلَّ شَيۡءٖ فَصَّلۡنَٰهُ تَفۡصِيلٗا
Open ayah 17:12At Aming ginawa ang gabi at ang a r a w b i l a n g d a l a w a n g a y a a t [palatandaan], at Aming ginawang madilim ang tanda ng gabi at ginawang maliwanag ang tanda ng araw upang sa gayon ay inyong hanapin ang biyaya mula sa inyong Panginoon, at upang inyong mapag-alaman ang bilang ng mga taon at ang pagbilang [ng oras]. At ang lahat ng bagay ay Aming ipinaliwanag nang masusi.
وَكُلَّ إِنسَٰنٍ أَلۡزَمۡنَٰهُ طَٰٓئِرَهُۥ فِي عُنُقِهِۦۖ وَنُخۡرِجُ لَهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ كِتَٰبٗا يَلۡقَىٰهُ مَنشُورًا
Open ayah 17:13At [sa] bawa’t tao, Aming ipinataw [o inilapat] ang kanyang kapalaran sa kanyang leeg, at Kami ay maglalabas para sa kanya sa Araw ng Pagkabuhay na Muli ng isang talaan [ng gawa] na kanyang matatagpuang malayang nakabukas.
ٱقۡرَأۡ كِتَٰبَكَ كَفَىٰ بِنَفۡسِكَ ٱلۡيَوۡمَ عَلَيۡكَ حَسِيبٗا
Open ayah 17:14[At ito ang sasabihin sa kanya]: “Basahin mo ang iyong talaan [ng gawa]. Sapat na ang iyong sarili laban sa iyo sa Araw na ito bilang tagapagtuos [ng iyong sariling mga gawa].”
مَّنِ ٱهۡتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهۡتَدِي لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيۡهَاۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۗ وَمَا كُنَّا مُعَذِّبِينَ حَتَّىٰ نَبۡعَثَ رَسُولٗا
Open ayah 17:15Sinuman ang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa [kabutihan ng] kanyang kaluluwa. At sinuman ang naligaw ay naligaw lamang laban dito [sa kanyang sarili]. At walang tagapagpasan ng mga dalahin [o kasalanan] ang magpapasan ng dalahin ng iba. At kailanman Kami ay hindi magpaparusa hanggang Kami ay makapagpadala ng isang sugo.
وَإِذَآ أَرَدۡنَآ أَن نُّهۡلِكَ قَرۡيَةً أَمَرۡنَا مُتۡرَفِيهَا فَفَسَقُواْ فِيهَا فَحَقَّ عَلَيۡهَا ٱلۡقَوۡلُ فَدَمَّرۡنَٰهَا تَدۡمِيرٗا
Open ayah 17:16At kung Aming tangkaing wasakin ang isang bayan, Aming inuutusan ang mga nakaririwasa rito [na maging masunurin sa Allah] nguni’t sila ay sumuway dito. Kaya, ang salita [o takda] ay naipatupad laban dito [sa kanila], at Aming winasak ito nang [lubusang] pagkawasak.
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِنَ ٱلۡقُرُونِ مِنۢ بَعۡدِ نُوحٖۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ بِذُنُوبِ عِبَادِهِۦ خَبِيرَۢا بَصِيرٗا
Open ayah 17:17At ilang henerasyon na ba ang Aming winasak pagkaraan ni Noah. At sapat na ang iyong Panginoon hinggil sa mga kasalanan ng Kanyang mga alipin bilang Maalam at Lubos na Nakakikita.
مَّن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡعَاجِلَةَ عَجَّلۡنَا لَهُۥ فِيهَا مَا نَشَآءُ لِمَن نُّرِيدُ ثُمَّ جَعَلۡنَا لَهُۥ جَهَنَّمَ يَصۡلَىٰهَا مَذۡمُومٗا مَّدۡحُورٗا
Open ayah 17:18Sinuman ang naghahangad nang madalian – Aming mamadaliin para sa kanya roon ang anumang Aming pahintulutan sa sinumang Aming naisin. Pagkaraan, Aming ginawa para sa kanya ang Impiyerno; siya ay papasok dito [upang sunugin], bilang isang hinamak, nilayuan [ng habag ng Allah].
وَمَنۡ أَرَادَ ٱلۡأٓخِرَةَ وَسَعَىٰ لَهَا سَعۡيَهَا وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ كَانَ سَعۡيُهُم مَّشۡكُورٗا
Open ayah 17:19Nguni’t sinuman ang maghangad ng kabilang buhay at nagsikap nang puspusang pagsisikap para rito habang siya ay naniniwala - sila yaong ang pagsisikap ay laging pinahahalagahan [ng Allah].
كُلّٗا نُّمِدُّ هَٰٓؤُلَآءِ وَهَٰٓؤُلَآءِ مِنۡ عَطَآءِ رَبِّكَۚ وَمَا كَانَ عَطَآءُ رَبِّكَ مَحۡظُورًا
Open ayah 17:20Sa bawa’t [uri ng tao] Kami ay nagkakaloob - sa kanila [na nagnanasa ng makamundong buhay] at sa kanila [na nagnanasa ng kabilang buhay]
ٱنظُرۡ كَيۡفَ فَضَّلۡنَا بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ وَلَلۡأٓخِرَةُ أَكۡبَرُ دَرَجَٰتٖ وَأَكۡبَرُ تَفۡضِيلٗا
Open ayah 17:21Pagmasdan, kung paano Namin biniyayaan ang iba nang higit kaysa sa iba [sa panustos]. Nguni't, ang kabilang buhay ay nakahihigit sa antas [ng pagkakaiba] at nakahihigit sa katangian.
لَّا تَجۡعَلۡ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَتَقۡعُدَ مَذۡمُومٗا مَّخۡذُولٗا
Open ayah 17:22Huwag kayong mag-akibat ng ibang diyos [bilang kapantay] ng Allah [na maghahatid sa inyo upang kayo ay] maging hamak at pinabayaan.
۞وَقَضَىٰ رَبُّكَ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّآ إِيَّاهُ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنًاۚ إِمَّا يَبۡلُغَنَّ عِندَكَ ٱلۡكِبَرَ أَحَدُهُمَآ أَوۡ كِلَاهُمَا فَلَا تَقُل لَّهُمَآ أُفّٖ وَلَا تَنۡهَرۡهُمَا وَقُل لَّهُمَا قَوۡلٗا كَرِيمٗا
Open ayah 17:23At ang iyong Panginoon ay nagtakda na wala kang sasambahin maliban sa Kanya, at maging mabuti [sa pakikitungo] sa mga magulang. Maging ang isa sa kanila o silang dalawa ay kapwa umabot na sa katandaang gulang. [Habang sila ay] nasa iyong piling, huwag kang mangusap sa kanila ng [salitang kawalang-galang tulad ng] “Uff”, at huwag mo silang hiyawan [o sigawan] bagkus mangusap sa kanila ng salitang kapita- pitagan.
وَٱخۡفِضۡ لَهُمَا جَنَاحَ ٱلذُّلِّ مِنَ ٱلرَّحۡمَةِ وَقُل رَّبِّ ٱرۡحَمۡهُمَا كَمَا رَبَّيَانِي صَغِيرٗا
Open ayah 17:24At iyong ibaba para sa kanilang dalawa ang diwa ng kababaang-loob bilang habag, at [ikaw ay] magsabing: “O aking Panginoon, kahabagan Mo po silang dalawa tulad ng kanilang pag-aruga sa akin [nang ako ay] musmos pa.”
رَّبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَا فِي نُفُوسِكُمۡۚ إِن تَكُونُواْ صَٰلِحِينَ فَإِنَّهُۥ كَانَ لِلۡأَوَّٰبِينَ غَفُورٗا
Open ayah 17:25Ang inyong Panginoon ay Maalam sa anumang nasa inyong sariling [kalooban]. Kung kayo ay maging matwid [sa inyong layunin], katotohanan, Siya ay Lagi nang, sa mga [taong] malimit magbalik-loob, Mapagpatawad.
وَءَاتِ ذَا ٱلۡقُرۡبَىٰ حَقَّهُۥ وَٱلۡمِسۡكِينَ وَٱبۡنَ ٱلسَّبِيلِ وَلَا تُبَذِّرۡ تَبۡذِيرًا
Open ayah 17:26At ibigay sa kamag-anak ang kanyang karapatan at sa mga dukha at sa mga manlalakbay [na kinapos ng baon]. At huwag maglustay ng [walang kabuluhang] paglustay .
إِنَّ ٱلۡمُبَذِّرِينَ كَانُوٓاْ إِخۡوَٰنَ ٱلشَّيَٰطِينِۖ وَكَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لِرَبِّهِۦ كَفُورٗا
Open ayah 17:27Katotohanan, ang mga mapaglustay [nang walang kabuluhan] ay kapatid ng mga demonyo at ang demonyo ay lagi nang walang pasasalamat sa kanyang Panginoon.
وَإِمَّا تُعۡرِضَنَّ عَنۡهُمُ ٱبۡتِغَآءَ رَحۡمَةٖ مِّن رَّبِّكَ تَرۡجُوهَا فَقُل لَّهُمۡ قَوۡلٗا مَّيۡسُورٗا
Open ayah 17:28At kung ikaw man ay [kailangang] humanap sa kanila [sa mga dukhang], naghihintay ng habag mula sa iyong Panginoon na siya mong inaaasahan, samakatwid, ikaw ay mangusap sa kanila nang salitang malumanay.
وَلَا تَجۡعَلۡ يَدَكَ مَغۡلُولَةً إِلَىٰ عُنُقِكَ وَلَا تَبۡسُطۡهَا كُلَّ ٱلۡبَسۡطِ فَتَقۡعُدَ مَلُومٗا مَّحۡسُورًا
Open ayah 17:29At huwag mong gawin ang iyong kamay [bilang] sakal sa iyong leeg [huwag kang maramot], o lubhang nakaunat ito [labis na mapagbigay] at [sanhi nito] ikaw ay manumbat at maubusan.
إِنَّ رَبَّكَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّهُۥ كَانَ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرَۢا بَصِيرٗا
Open ayah 17:30Katotohanan, pinalalawig ng iyong Panginoon ang panustos para sa sinumang Kanyang nais, at hinihigpitan [ang sinumang Kanyang nais]. Katotohanan, Siya ay Lagi nang Maalam, Lubos na Nakakikita sa Kanyang mga alipin.
وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَوۡلَٰدَكُمۡ خَشۡيَةَ إِمۡلَٰقٖۖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُهُمۡ وَإِيَّاكُمۡۚ إِنَّ قَتۡلَهُمۡ كَانَ خِطۡـٔٗا كَبِيرٗا
Open ayah 17:31At huwag ninyong patayin ang inyong mga anak sanhi ng pangamba sa kahirapan. Kami ay magkakaloob [ng panustos] sa kanila, at sa inyo. Katotohanan, ang pagpatay sa kanila ay isang malaking kasalanan.
وَلَا تَقۡرَبُواْ ٱلزِّنَىٰٓۖ إِنَّهُۥ كَانَ فَٰحِشَةٗ وَسَآءَ سَبِيلٗا
Open ayah 17:32At huwag ninyong lapitan [at inyong iwasan] ang bawal na pakikipagtalik. Katotohanan, ito ay kahalayan at napakasamang landas.
وَلَا تَقۡتُلُواْ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَمَن قُتِلَ مَظۡلُومٗا فَقَدۡ جَعَلۡنَا لِوَلِيِّهِۦ سُلۡطَٰنٗا فَلَا يُسۡرِف فِّي ٱلۡقَتۡلِۖ إِنَّهُۥ كَانَ مَنصُورٗا
Open ayah 17:33At huwag ninyong patayin ang kaluluwa [tao] na ipinagbawal ng Allah, maliban sa makatarungang dahilan. At sinuman ang pinatay nang di- makatarungan - Aming ipinagkaloob sa kanyang tagapagmana ang karapatan [upang kuhanin ang katarungan, nguni’t huwag siyang hayaang lumagpas sa mga hangganan [ukol] sa [batas ng] pagkitil ng buhay. Katotohanan, siya ay tinulungan [sa pamamagitan ng batas ng Islam].
وَلَا تَقۡرَبُواْ مَالَ ٱلۡيَتِيمِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ أَشُدَّهُۥۚ وَأَوۡفُواْ بِٱلۡعَهۡدِۖ إِنَّ ٱلۡعَهۡدَ كَانَ مَسۡـُٔولٗا
Open ayah 17:34At huwag ninyong lapitan [o gamitin] ang ari-arian [o yaman] ng isang ulila maliban sa paraang pinakamabuti hanggang siya ay umabot sa wastong gulang [upang pangasiwaan ang sariling buhay]. At inyong tuparin ang [bawa’t] k a s u n d u a n . K a t o t o h a n a n , a n g kasunduan, ay lagi nang itinatanong [o inuusisa].
وَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ إِذَا كِلۡتُمۡ وَزِنُواْ بِٱلۡقِسۡطَاسِ ٱلۡمُسۡتَقِيمِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ وَأَحۡسَنُ تَأۡوِيلٗا
Open ayah 17:35At magbigay ng tamang sukat kapag kayo ay nagsusukat, at magtimbang nang may wastong pagtimbang. Iyan ay pinakamabuti [na paraan] at pinakamabuting kalalabasan [kasasapitan].
وَلَا تَقۡفُ مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٌۚ إِنَّ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡبَصَرَ وَٱلۡفُؤَادَ كُلُّ أُوْلَٰٓئِكَ كَانَ عَنۡهُ مَسۡـُٔولٗا
Open ayah 17:36At huwag mong sundin [gawin o sabihin] ang anumang [bagay o pangyayari na] wala kang kaalaman dito. Katotohanan, ang pandinig, at ang paningin, at ang kalooban [puso] – ang ukol sa lahat ng mga ito ay itinatanong [ng Allah].
وَلَا تَمۡشِ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَحًاۖ إِنَّكَ لَن تَخۡرِقَ ٱلۡأَرۡضَ وَلَن تَبۡلُغَ ٱلۡجِبَالَ طُولٗا
Open ayah 17:37At huwag kang maglakad sa lupa nang lubhang nagagalak [labis ang tuwa]. Katotohanan, hindi mo magagawang punitin [o sirain] ang lupa, o hindi mo magagawang maabot ang katayuang tulad ng [matayog na] mga bundok.
كُلُّ ذَٰلِكَ كَانَ سَيِّئُهُۥ عِندَ رَبِّكَ مَكۡرُوهٗا
Open ayah 17:38Lahat ng mga iyan [na naunang binanggit] – ang kasamaan nito ay lagi nang, sa [paningin ng] iyong Panginoon, kinamumuhian.
ذَٰلِكَ مِمَّآ أَوۡحَىٰٓ إِلَيۡكَ رَبُّكَ مِنَ ٱلۡحِكۡمَةِۗ وَلَا تَجۡعَلۡ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَتُلۡقَىٰ فِي جَهَنَّمَ مَلُومٗا مَّدۡحُورًا
Open ayah 17:39Iyan ay nagmula sa anumang ipinahayag ng iyong Panginoon sa iyo [O Muhammad] ng karunungan. At [O sangkatauhan] huwag mag-akibat sa Allah ng ibang diyos [bilang Kanyang kapantay] upang kayo ay hindi ihagis sa Impiyerno, sinumbatan at nilayuan.
أَفَأَصۡفَىٰكُمۡ رَبُّكُم بِٱلۡبَنِينَ وَٱتَّخَذَ مِنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنَٰثًاۚ إِنَّكُمۡ لَتَقُولُونَ قَوۡلًا عَظِيمٗا
Open ayah 17:40Kaya, kayo ba ay pinili ng inyong Panginoon para sa [pagkakaroon ng] mga anak na lalaki at nagturing mula sa mga anghel bilang [Kanyang] mga anak na babae? Katotohanan, kayo ay nagsabi ng isang malubhang pananalita.
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِيَذَّكَّرُواْ وَمَا يَزِيدُهُمۡ إِلَّا نُفُورٗا
Open ayah 17:41At katiyakan, Aming ipinaliwanag [sa iba't ibang pamamaraan ang nilalaman] nitong Qur’an upang sa gayon sila ay mapaalalahanan, nguni’t ito ay hindi nakaragdag sa kanila [sa mga di-naniniwala] maliban sa pagtutol.
قُل لَّوۡ كَانَ مَعَهُۥٓ ءَالِهَةٞ كَمَا يَقُولُونَ إِذٗا لَّٱبۡتَغَوۡاْ إِلَىٰ ذِي ٱلۡعَرۡشِ سَبِيلٗا
Open ayah 17:42Sabihin: “Kung nagkaroon nga ng ibang mga diyos na Kanyang kasama tulad ng kanilang sinasabi [o inaakala], magkagayon, bawa’t isa sa kanila [mga diyos] ay maghahanap ng paraan upang angkinin ang Trono.”
سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يَقُولُونَ عُلُوّٗا كَبِيرٗا
Open ayah 17:43Luwalhati sa Kanya, at Siya ay Mataas nang higit sa anumang matinding [kasinungalingang] kanilang sinasabi.
تُسَبِّحُ لَهُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ ٱلسَّبۡعُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهِنَّۚ وَإِن مِّن شَيۡءٍ إِلَّا يُسَبِّحُ بِحَمۡدِهِۦ وَلَٰكِن لَّا تَفۡقَهُونَ تَسۡبِيحَهُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ حَلِيمًا غَفُورٗا
Open ayah 17:44Ang pitong kalangitan at kalupaan at ang anumang nakapaloob doon, ay lumuluwalhati sa Kanya at walang isang bagay maliban na ito ay lumuluwalhati sa Kanyang Papuri. Nguni’t hindi ninyo nauunawaan ang [p a m a m a ra a n n g ] k a n i l a n g p a g lu l u wa l h a ti . K a to to h a n a n , S i ya a y L a g i n a n g Mapagparaya, Mapagpatawad.
وَإِذَا قَرَأۡتَ ٱلۡقُرۡءَانَ جَعَلۡنَا بَيۡنَكَ وَبَيۡنَ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ حِجَابٗا مَّسۡتُورٗا
Open ayah 17:45At kapag iyong binabasa ang Qur'an, Kami ay naglalagay sa pagitan mo at sa pagitan niyaong mga di-naniniwala [tungkol] sa kabilang buhay ng isang nakakubling harang [sa kanilang mga puso upang sila ay hindi mapatnubayan].
وَجَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۚ وَإِذَا ذَكَرۡتَ رَبَّكَ فِي ٱلۡقُرۡءَانِ وَحۡدَهُۥ وَلَّوۡاْ عَلَىٰٓ أَدۡبَٰرِهِمۡ نُفُورٗا
Open ayah 17:46At Aming inilagay sa kanilang mga puso ang pantakip upang kanilang hindi maunawaan ito [Qur’an], at sa kanilang mga tainga ay kabingihan. At kapag binanggit mo ang iyong Panginoon nang mag-isa sa Qur’an, sila ay nagsisitalikod nang may pagtutol.
نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَسۡتَمِعُونَ بِهِۦٓ إِذۡ يَسۡتَمِعُونَ إِلَيۡكَ وَإِذۡ هُمۡ نَجۡوَىٰٓ إِذۡ يَقُولُ ٱلظَّٰلِمُونَ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلٗا مَّسۡحُورًا
Open ayah 17:47Kami ay nakababatid ng anumang kanilang ginawang pakikinig dito kapag sila ay nakikinig sa iyo. At kapag sila ay nag-uusap nang palihim, kapag ang mga mapaggawa ng kamalian ay nagsasabi: “Wala kayong sinusunod maliban sa isang lalaking nagayuma.”
ٱنظُرۡ كَيۡفَ ضَرَبُواْ لَكَ ٱلۡأَمۡثَالَ فَضَلُّواْ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ سَبِيلٗا
Open ayah 17:48Pagmasdan mo kung paano sila maglahad sa iyo ng paghahalintulad. Nguni’t, sila ay napaligaw, kaya sila ay walang kakayahang [matagpuan ang tamang] daan.
وَقَالُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا وَرُفَٰتًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ خَلۡقٗا جَدِيدٗا
Open ayah 17:49At sila ay nagsasabi: “Kung kami ay naging mga buto at abo, kami ba ay tunay na bubuhaying muli bilang isang bagong nilikha?”
۞قُلۡ كُونُواْ حِجَارَةً أَوۡ حَدِيدًا
Open ayah 17:50Sabihin: “Kahit na kayo pa ay maging mga bato o bakal,
أَوۡ خَلۡقٗا مِّمَّا يَكۡبُرُ فِي صُدُورِكُمۡۚ فَسَيَقُولُونَ مَن يُعِيدُنَاۖ قُلِ ٱلَّذِي فَطَرَكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٖۚ فَسَيُنۡغِضُونَ إِلَيۡكَ رُءُوسَهُمۡ وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هُوَۖ قُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ قَرِيبٗا
Open ayah 17:51O [anumang] nilikha na [higit pang] malaki na nasa inyong mga dibdib.” At sila ay magsasabi: “Sino ang makapagbabalik sa amin [sa buhay]?” Sabihin [sa kanila]: “Siya na lumikha sa inyo noong una.” Pagkaraan, sila ay pailing-iling ng kanilang mga ulo sa iyo at magsasabing: “Kailan kaya ito [magaganap]?” Sabihin: “Maaaring, ito ay nalalapit na –
يَوۡمَ يَدۡعُوكُمۡ فَتَسۡتَجِيبُونَ بِحَمۡدِهِۦ وَتَظُنُّونَ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا قَلِيلٗا
Open ayah 17:52Sa Araw [na iyon], Siya ay mananawagan sa inyo, at kayo ay magsisitugon nang may papuri sa Kanya at inyong aakalain na kayo ay nanatili [sa mundong ito] maliban sa ilang saglit [lamang].”
وَقُل لِّعِبَادِي يَقُولُواْ ٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُۚ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ يَنزَغُ بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ كَانَ لِلۡإِنسَٰنِ عَدُوّٗا مُّبِينٗا
Open ayah 17:53At sabihin mo sa Aking mga alipin na sila ay magsabi ng alinmang pinakamabuti. Katotohanan, ang satanas ay nag-uudyok ng hidwaan sa kanilang pagitan. Katotohanan, ang satanas ay lagi nang hayag na kaaway ng tao.
رَّبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِكُمۡۖ إِن يَشَأۡ يَرۡحَمۡكُمۡ أَوۡ إِن يَشَأۡ يُعَذِّبۡكُمۡۚ وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ وَكِيلٗا
Open ayah 17:54Ang inyong Panginoon ay Maalam sa inyo. Kung Kanyang naisin, Siya ay magkakaloob ng habag sa inyo, o kung Kanyang naisin, Siya ay magpaparusa sa inyo. At ikaw [O Muhammad] ay hindi ipinadala sa kanila bilang isang tagapangasiwa.
وَرَبُّكَ أَعۡلَمُ بِمَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَلَقَدۡ فَضَّلۡنَا بَعۡضَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ عَلَىٰ بَعۡضٖۖ وَءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ زَبُورٗا
Open ayah 17:55At ang iyong Panginoon ay Lubos na nababatid ang sinumang nasa mga kalangitan at kalupaan. At katiyakan, Aming biniyayaan ang ibang propeta nang higit sa iba, at kay David, Aming ipinagkaloob ang Zabur [Psalmo].
قُلِ ٱدۡعُواْ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُم مِّن دُونِهِۦ فَلَا يَمۡلِكُونَ كَشۡفَ ٱلضُّرِّ عَنكُمۡ وَلَا تَحۡوِيلًا
Open ayah 17:56Sabihin, “kayo ay manalangin sa inyong mga itinuturing [na mga diyos] bukod sa Kanya bagaman sila ay walang taglay [na kapangyarihan] upang pawiin ang pighati mula sa inyo o [upang ito ay] ilipat [sa iba].”
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ يَبۡتَغُونَ إِلَىٰ رَبِّهِمُ ٱلۡوَسِيلَةَ أَيُّهُمۡ أَقۡرَبُ وَيَرۡجُونَ رَحۡمَتَهُۥ وَيَخَافُونَ عَذَابَهُۥٓۚ إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ كَانَ مَحۡذُورٗا
Open ayah 17:57Sila yaong ang kanilang mga dinadalanginan ay humahanap ng paraang mapalapit sa kanilang Panginoon [ang Allah] at [nagsisikap] kung alin sa kanila ang higit na malapit; at sila ay umaasa para sa Kanyang habag at pinangangambahan ang Kanyang parusa. Katotohanan, ang parusa ng iyong Panginoon ay lagi nang kinasisindakan.
وَإِن مِّن قَرۡيَةٍ إِلَّا نَحۡنُ مُهۡلِكُوهَا قَبۡلَ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَوۡ مُعَذِّبُوهَا عَذَابٗا شَدِيدٗاۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَسۡطُورٗا
Open ayah 17:58At walang isang bayan [o pamayanang makasalanan] maliban na ito ay Aming wawasakin bago [dumating] ang Araw ng Pagkabuhay na Muli, o parusahan ito [ang mga mamamayan nito] ng matinding parusa. Iyan ay nasa nakalimbag na talaan.
وَمَا مَنَعَنَآ أَن نُّرۡسِلَ بِٱلۡأٓيَٰتِ إِلَّآ أَن كَذَّبَ بِهَا ٱلۡأَوَّلُونَۚ وَءَاتَيۡنَا ثَمُودَ ٱلنَّاقَةَ مُبۡصِرَةٗ فَظَلَمُواْ بِهَاۚ وَمَا نُرۡسِلُ بِٱلۡأٓيَٰتِ إِلَّا تَخۡوِيفٗا
Open ayah 17:59At walang pumigil sa Amin mula sa pagpapadala ng ayaat [mga kapahayagan o palatandaan] maliban na ang mga naunang mamamayan ay nagtakwil sa mga ito. At Aming ibinigay ang babaing kamelyo sa [Tribu ng] Thamud bilang malinaw na ayaat [babala], nguni’t ito ay kanilang ginawan ng kamalian. At hindi Kami nagpadala ng mga ayaat maliban bilang isang panakot [o babala].
وَإِذۡ قُلۡنَا لَكَ إِنَّ رَبَّكَ أَحَاطَ بِٱلنَّاسِۚ وَمَا جَعَلۡنَا ٱلرُّءۡيَا ٱلَّتِيٓ أَرَيۡنَٰكَ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلنَّاسِ وَٱلشَّجَرَةَ ٱلۡمَلۡعُونَةَ فِي ٱلۡقُرۡءَانِۚ وَنُخَوِّفُهُمۡ فَمَا يَزِيدُهُمۡ إِلَّا طُغۡيَٰنٗا كَبِيرٗا
Open ayah 17:60At [alalahanin mo O Muhammad] nang Aming sinabi sa iyo: “Katotohanan, ang iyong Panginoon ay nakapalibot [Makapangyarihan at Maalam] sa sangkatauhan.” At hindi Namin ginawa ang pangitain na Aming ipinakita sa iyo [O Muhammad] maliban bilang isang pagsubok para sa sangkatauhan, tulad ng isinumpang punongkahoy [Zaqqum na binanggit] sa Qur’an. At sila ay Aming binalaan nguni’t ito ay hindi nakaragdag sa kanila maliban sa malubhang pagsuway.
وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ قَالَ ءَأَسۡجُدُ لِمَنۡ خَلَقۡتَ طِينٗا
Open ayah 17:61At [banggitin] nang Aming sabihin sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan.” At sila ay nagsipatirapa maliban kay Iblis [ang satanas]. Siya ay nagsabi: “Dapat ba akong magpatirapa sa isang nilikha Mo lamang mula sa putik?”
قَالَ أَرَءَيۡتَكَ هَٰذَا ٱلَّذِي كَرَّمۡتَ عَلَيَّ لَئِنۡ أَخَّرۡتَنِ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَأَحۡتَنِكَنَّ ذُرِّيَّتَهُۥٓ إِلَّا قَلِيلٗا
Open ayah 17:62[Si Iblis ay] nagsabi: “Nakikita Mo ba ang isang ito na Iyong pinarangalan nang higit sa akin? Kung Iyong ipagpaliban [ang aking kamatayan] hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, katiyakan na aking wawasakin ang kanyang mga inapo [lahi] maliban sa mangilan- ngilang [matapat sa iyo].”
قَالَ ٱذۡهَبۡ فَمَن تَبِعَكَ مِنۡهُمۡ فَإِنَّ جَهَنَّمَ جَزَآؤُكُمۡ جَزَآءٗ مَّوۡفُورٗا
Open ayah 17:63[Ang Allah ay] nagsabi: “Ikaw ay humayo sapagka’t sinuman sa kanila ang sumunod sa iyo, katotohanan, ang Impiyerno ang magiging inyong kabayarang [lahat], isang lubos na kabayaran.
وَٱسۡتَفۡزِزۡ مَنِ ٱسۡتَطَعۡتَ مِنۡهُم بِصَوۡتِكَ وَأَجۡلِبۡ عَلَيۡهِم بِخَيۡلِكَ وَرَجِلِكَ وَشَارِكۡهُمۡ فِي ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَوۡلَٰدِ وَعِدۡهُمۡۚ وَمَا يَعِدُهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ إِلَّا غُرُورًا
Open ayah 17:64At iyong udyukin [akitin sa walang kabuluhan] ang sinumang iyong m a k a k a y a n a n s a k a n i l a [ s a pamamagitan] ng iyong tinig, at iyong ipasalakay sila sa pamamagitan ng iyong mga kabayo [hukbo] at ng iyong mga kawal, at makibahagi sa kanilang mga yaman at mga anak, at sila ay iyong pangakuan.” Nguni’t, ang satanas ay walang maipapangako maliban sa panlilinlang.
إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٞۚ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ وَكِيلٗا
Open ayah 17:65Katotohanan, [para sa] Aking mga aliping [tunay na naniniwala], ikaw [O satanas] ay walang kapangyarihan [o karapatan] sa kanila. At sapat na ang iyong Panginoon bilang Tagapangasiwa.
رَّبُّكُمُ ٱلَّذِي يُزۡجِي لَكُمُ ٱلۡفُلۡكَ فِي ٱلۡبَحۡرِ لِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ بِكُمۡ رَحِيمٗا
Open ayah 17:66Ang inyong Panginoon ang Siyang nagpalayag ng sasakyang-dagat [barko] sa dagat para sa inyo upang inyong hanapin ang Kanyang biyaya. Katotohanan, Siya ay Lagi nang Maawain sa inyo.
وَإِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فِي ٱلۡبَحۡرِ ضَلَّ مَن تَدۡعُونَ إِلَّآ إِيَّاهُۖ فَلَمَّا نَجَّىٰكُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ أَعۡرَضۡتُمۡۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ كَفُورًا
Open ayah 17:67At nang kayo [mga di-naniniwala] ay inabutan ng panganib sa [gitna ng] karagatan, yaong inyong mga dinadalanginan ay naglahong lahat maliban sa Kanya. Nguni’t, nang kayo ay iniligtas [dinala] sa kating-lupa, kayo ay nagsilayo [sa Kanya]. At sadyang ang tao ay lagi nang walang pasasalamat.
أَفَأَمِنتُمۡ أَن يَخۡسِفَ بِكُمۡ جَانِبَ ٱلۡبَرِّ أَوۡ يُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ حَاصِبٗا ثُمَّ لَا تَجِدُواْ لَكُمۡ وَكِيلًا
Open ayah 17:68Kaya, kayo ba ay nakadarama ng katiwasayan na hindi Niya hahayaan na kayo ay lulunin ng isang bahagi ng lupa o Siya ay magpapadala laban sa inyo ng isang unos ng mga bato? Pagkaraan, wala kayong matatagpuan para sa inyong sarili ng isang tagapangasiwa.
أَمۡ أَمِنتُمۡ أَن يُعِيدَكُمۡ فِيهِ تَارَةً أُخۡرَىٰ فَيُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ قَاصِفٗا مِّنَ ٱلرِّيحِ فَيُغۡرِقَكُم بِمَا كَفَرۡتُمۡ ثُمَّ لَا تَجِدُواْ لَكُمۡ عَلَيۡنَا بِهِۦ تَبِيعٗا
Open ayah 17:69O kayo ba ay nakadarama ng katiwasayan na kayo ay hindi Niya muling ipadadala roon sa dagat sa ibang pagkakataon at Siya ay magpapadala sa inyo ng isang buhawi ng hangin at kayo ay lunurin nang dahil sa inyong kawalan ng paniniwala? Sa gayon, wala kayong matatagpuang sinumang maghihiganti laban sa Amin.
۞وَلَقَدۡ كَرَّمۡنَا بَنِيٓ ءَادَمَ وَحَمَلۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّمَّنۡ خَلَقۡنَا تَفۡضِيلٗا
Open ayah 17:70At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan, at sila ay Aming dinala sa mga lupain at karagatan, at ipinagkaloob sa kanila ang mabubuting panustos at sila ay Aming itinangi [o pinahalagahan] nang higit sa Aming mga nilikha nang [may tanda ng] pagtangi [o pagpapahalaga].
يَوۡمَ نَدۡعُواْ كُلَّ أُنَاسِۭ بِإِمَٰمِهِمۡۖ فَمَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَقۡرَءُونَ كِتَٰبَهُمۡ وَلَا يُظۡلَمُونَ فَتِيلٗا
Open ayah 17:71[At alalahanin O Muhammad] ang Araw na Aming tatawagin ang lahat ng tao kasama ng kani-kanilang pinuno. Kaya, sinumang binigyan ng kanyang talaan [ng gawa] sa kanyang kanang kamay, sila yaong mga babasahin ang kanilang talaan, at sila ay hindi g a g a w a n n g d i - m a k a t a r u n g a n g [paghatol] maging kasinliit ng hibla [ng buto ng datiles].
وَمَن كَانَ فِي هَٰذِهِۦٓ أَعۡمَىٰ فَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ أَعۡمَىٰ وَأَضَلُّ سَبِيلٗا
Open ayah 17:72At sinuman ang bulag dito [sa mundo] siya ay magiging bulag sa kabilang buhay at [siya ay] higit na naligaw sa [tuwid na] landas.
وَإِن كَادُواْ لَيَفۡتِنُونَكَ عَنِ ٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ لِتَفۡتَرِيَ عَلَيۡنَا غَيۡرَهُۥۖ وَإِذٗا لَّٱتَّخَذُوكَ خَلِيلٗا
Open ayah 17:73A t k a t o t o h a n a n , i k a w [ O Muhammad] ay kanilang halos matuksong ilayo mula sa anumang Aming ipinahayag [ang Qur’an] sa iyo, upang [kanilang] magawang ikaw ay makapaglubid [ng kasinungalingan] tungkol sa Amin sa ibang bagay, at magkagayon ikaw ay kanilang ituturing bilang isang matalik na kaibigan.
وَلَوۡلَآ أَن ثَبَّتۡنَٰكَ لَقَدۡ كِدتَّ تَرۡكَنُ إِلَيۡهِمۡ شَيۡـٔٗا قَلِيلًا
Open ayah 17:74At kung hindi lamang na ikaw ay Aming pinatatag, katiyakan ikaw ay malapit nang kumiling sa kanila nang bahagya.
إِذٗا لَّأَذَقۡنَٰكَ ضِعۡفَ ٱلۡحَيَوٰةِ وَضِعۡفَ ٱلۡمَمَاتِ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ عَلَيۡنَا نَصِيرٗا
Open ayah 17:75Kaya, [kung nagawa mo man ang gayon], marahil Aming naipalasap sa iyo ang ibayong [parusa] sa buhay at ibayong [parusa pagkaraan ng] kamatayan. Pagkaraan, hindi mo matatagpuan para sa iyong sarili ang isang makatutulong laban sa Amin.
وَإِن كَادُواْ لَيَسۡتَفِزُّونَكَ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ لِيُخۡرِجُوكَ مِنۡهَاۖ وَإِذٗا لَّا يَلۡبَثُونَ خِلَٰفَكَ إِلَّا قَلِيلٗا
Open ayah 17:76At katotohanan, ikaw ay kanilang halos malapit ng matuksong [itaboy mula] sa lupain [ng Makkah] upang ikaw ay mapaalis doon. Nguni’t [kung ito man ay kanilang gagawin], sila ay hindi mananatili [roon] pagkaraan mo maliban para sa kaunting [panahon lamang].
سُنَّةَ مَن قَدۡ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِن رُّسُلِنَاۖ وَلَا تَجِدُ لِسُنَّتِنَا تَحۡوِيلًا
Open ayah 17:77[Iyan ang Aming] kaparaanan para sa mga ipinadala Naming mga sugong nauna sa iyo [O Muhammad], at wala k a n g m a t a t a g p u a n g a n u m a n g pagbabago sa Aming kaparaanan.
أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِدُلُوكِ ٱلشَّمۡسِ إِلَىٰ غَسَقِ ٱلَّيۡلِ وَقُرۡءَانَ ٱلۡفَجۡرِۖ إِنَّ قُرۡءَانَ ٱلۡفَجۡرِ كَانَ مَشۡهُودٗا
Open ayah 17:78Magsagawa ng pagdarasal sa pagbaba ng araw [mula sa kalagitnaan nito] hanggang sa kadiliman ng gabi, at sa [pagbigkas ng] Qur’an sa madaling araw. Katotohanan, ang pagbigkas [ng Qur’an] sa madaling araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَتَهَجَّدۡ بِهِۦ نَافِلَةٗ لَّكَ عَسَىٰٓ أَن يَبۡعَثَكَ رَبُّكَ مَقَامٗا مَّحۡمُودٗا
Open ayah 17:79At mula sa [ilang bahagi ng] gabi, ikaw ay magdasal sa pamamagitan nito [pagbigkas ng Qur’an], bilang iyong karagdagan [sa pagsamba sa Kanya]. Inaasahang ikaw ay ibabangon ng iyong Panginoon sa isang pinagkakapuring katayuan.
وَقُل رَّبِّ أَدۡخِلۡنِي مُدۡخَلَ صِدۡقٖ وَأَخۡرِجۡنِي مُخۡرَجَ صِدۡقٖ وَٱجۡعَل لِّي مِن لَّدُنكَ سُلۡطَٰنٗا نَّصِيرٗا
Open ayah 17:80At sabihin, “Aking Panginoon, tulutan Mo pong ako ay pumasok [sa Madinah] sa isang kaaya-ayang pagpasok, at ako ay lumisan [sa Makkah] sa isang kaaya-ayang paglisan. At igawad Mo po sa akin mula sa Iyong Sarili ang makapangyarihang tulong.”
وَقُلۡ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَزَهَقَ ٱلۡبَٰطِلُۚ إِنَّ ٱلۡبَٰطِلَ كَانَ زَهُوقٗا
Open ayah 17:81At sabihin: “Ang katotohanan ay dumating at ang kabulaanan ay naglaho. Katunayan, ang kabulaanan ay lagi nang naglalaho.”
وَنُنَزِّلُ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِ مَا هُوَ شِفَآءٞ وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَا يَزِيدُ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا خَسَارٗا
Open ayah 17:82At Aming ibinaba [o ipinahayag] mula sa Qur’an ang lunas [o gamot] at habag para sa mga naniniwala, at ito ay hindi nakararagdag sa mga mapaggawa ng kamalian maliban sa kawalan.
وَإِذَآ أَنۡعَمۡنَا عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ أَعۡرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ كَانَ يَـُٔوسٗا
Open ayah 17:83At kapag Aming iginagawad sa tao [sa di-naniniwala] ang Aming biyaya, siya ay lumalayo at kanyang inihihiwalay ang sarili; at kapag ang kasamaan ay dumapo sa kanya, siya ay lubhang nanlulumo.
قُلۡ كُلّٞ يَعۡمَلُ عَلَىٰ شَاكِلَتِهِۦ فَرَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَنۡ هُوَ أَهۡدَىٰ سَبِيلٗا
Open ayah 17:84Sabihin: “Bawa’t isa ay gumagawa nang ayon sa kanyang pamamaraan, nguni’t, ang inyong Panginoon ay lubos na nababatid kung sino ang napatnubayan sa [matuwid na] landas.”
وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلرُّوحِۖ قُلِ ٱلرُّوحُ مِنۡ أَمۡرِ رَبِّي وَمَآ أُوتِيتُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِ إِلَّا قَلِيلٗا
Open ayah 17:85At sila ay nagtatanong sa iyo [O Muhammad] hinggil sa Ruh [Espiritu]; Sabihin mo [sa kanila]: “Ang Ruh [Espiritu] ay nasa kapasiyahan ng aking Panginoon. At kayo [sangkatauhan] ay hindi pinagkalooban ng kaalaman maliban sa kaunti lamang.”
وَلَئِن شِئۡنَا لَنَذۡهَبَنَّ بِٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ بِهِۦ عَلَيۡنَا وَكِيلًا
Open ayah 17:86At kung Aming naisin, katiyakang maaari Naming bawiin ang anumang ipinahayag Namin sa iyo [ang Qur’an]. Pagkaraan, ikaw ay walang matatagpuang tagapangasiwa para sa iyo laban sa Amin.
إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ إِنَّ فَضۡلَهُۥ كَانَ عَلَيۡكَ كَبِيرٗا
Open ayah 17:87Maliban [na ito ay Aming iniwan sa iyo] bilang habag mula sa iyong Panginoon. Katotohanan, ang Kanyang biyaya sa iyo ay lagi nang dakila.
قُل لَّئِنِ ٱجۡتَمَعَتِ ٱلۡإِنسُ وَٱلۡجِنُّ عَلَىٰٓ أَن يَأۡتُواْ بِمِثۡلِ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لَا يَأۡتُونَ بِمِثۡلِهِۦ وَلَوۡ كَانَ بَعۡضُهُمۡ لِبَعۡضٖ ظَهِيرٗا
Open ayah 17:88Sabihin: “Kung ang sangkatauhan at jinn ay magtipon upang magpakita [kumatha] ng katulad nitong Qur’an, hindi nila magagawang magpakita [kumatha] ng katulad nito, kahit sila ay magtulungan sa isa’t isa.”
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٖ فَأَبَىٰٓ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ إِلَّا كُفُورٗا
Open ayah 17:89At katiyakan, Aming iniba-iba para sa sangkatauhan ang bawa’t paghahalintulad sa Qurán na ito, nguni’t karamihan sa sangkatauhan ay tumanggi [sa anupaman] maliban sa kawalang paniniwala.
وَقَالُواْ لَن نُّؤۡمِنَ لَكَ حَتَّىٰ تَفۡجُرَ لَنَا مِنَ ٱلۡأَرۡضِ يَنۢبُوعًا
Open ayah 17:90At sila ay nagsasabi: “Kami ay hindi maniniwala sa iyo [O Muhammad] hanggang hindi mo magawang magpabulwak para sa amin ng isang bukal mula sa lupa,
أَوۡ تَكُونَ لَكَ جَنَّةٞ مِّن نَّخِيلٖ وَعِنَبٖ فَتُفَجِّرَ ٱلۡأَنۡهَٰرَ خِلَٰلَهَا تَفۡجِيرًا
Open ayah 17:91O [hanggang] ikaw ay magkaroon ng hardin ng datiles at ubasan, at magawa mong paagusin ang ilog nang sapilitan sa kanila [at masagana];
أَوۡ تُسۡقِطَ ٱلسَّمَآءَ كَمَا زَعَمۡتَ عَلَيۡنَا كِسَفًا أَوۡ تَأۡتِيَ بِٱللَّهِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ قَبِيلًا
Open ayah 17:92O kaya’y magawa mong ihulog ang langit sa amin nang pira-piraso tulad ng iyong sinabi [o inakala], o dalhin mo ang Allah at ang mga anghel sa [aming] harapan;
أَوۡ يَكُونَ لَكَ بَيۡتٞ مِّن زُخۡرُفٍ أَوۡ تَرۡقَىٰ فِي ٱلسَّمَآءِ وَلَن نُّؤۡمِنَ لِرُقِيِّكَ حَتَّىٰ تُنَزِّلَ عَلَيۡنَا كِتَٰبٗا نَّقۡرَؤُهُۥۗ قُلۡ سُبۡحَانَ رَبِّي هَلۡ كُنتُ إِلَّا بَشَرٗا رَّسُولٗا
Open ayah 17:93O kaya’y ikaw ay magkaroon ng bahay na pinalamutian [ng ginto] o di kaya, ikaw ay umakyat patungong kalangitan. At [gayunpaman], hindi pa rin kami maniniwala sa iyong pag-akyat hanggang maibaba mo para sa amin ang isang Aklat na maaari naming basahin.” Sabihin: “Luwalhati sa aking Panginoon. Hindi ba ako ay isang taong isinugo lamang?”
وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤۡمِنُوٓاْ إِذۡ جَآءَهُمُ ٱلۡهُدَىٰٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ أَبَعَثَ ٱللَّهُ بَشَرٗا رَّسُولٗا
Open ayah 17:94At ano ang nakapigil sa mga tao mula sa paniniwala nang ang patnubay ay dumating sa kanila maliban na sila ay nagsabing: “Ang Allah ba ay nagpadala ng isang tao bilang [Kanyang] sugo?”
قُل لَّوۡ كَانَ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَلَٰٓئِكَةٞ يَمۡشُونَ مُطۡمَئِنِّينَ لَنَزَّلۡنَا عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَلَكٗا رَّسُولٗا
Open ayah 17:95Sabihin: “Kung mayroon mang mga anghel sa lupa na naglalakad nang matiwasay, marahil Aming ibinaba sa kanila mula sa kalangitan ang isang anghel [bilang isang] sugo.”
قُلۡ كَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدَۢا بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرَۢا بَصِيرٗا
Open ayah 17:96Sabihin: “Sapat na ang Allah bilang Saksi sa pagitan ko at pagitan ninyo. Katotohanan, Siya ay Lagi nang Maalam, Lubos na Nakakikita sa Kanyang mga alipin.”
وَمَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُمۡ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِهِۦۖ وَنَحۡشُرُهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ عُمۡيٗا وَبُكۡمٗا وَصُمّٗاۖ مَّأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ كُلَّمَا خَبَتۡ زِدۡنَٰهُمۡ سَعِيرٗا
Open ayah 17:97At sinuman ang patnubayan ng Allah - siya ay [matwid na] napatnubayan; nguni’t sinumang Kanyang hinayaang maligaw, ikaw ay hindi makatatagpo para sa kanila ng awliyah [tagapangalaga] bukod sa Kanya, at sila ay Aming titipunin sa Araw ng Pagkabuhay na Muli [na nakasubsob] sa kanilang mga mukha - bulag, pipi at bingi. Ang kanilang kanlungan ay ang Impiyerno; sa bawa’t sandali na ito ay napapawi, sila ay Aming dinaragdagan ng naglalagablab na Apoy.
ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُم بِأَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا وَرُفَٰتًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ خَلۡقٗا جَدِيدًا
Open ayah 17:98Iyan ang kanilang kabayaran, sapagka’t sila ay hindi naniwala sa Aming mga ayaat [aral, tanda, babala] at sila ay nagsabi: “Kung kami ay [magiging] mga buto at abo, kami ba ay bubuhaying muli bilang panibagong nilikha?”
۞أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ قَادِرٌ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۡ وَجَعَلَ لَهُمۡ أَجَلٗا لَّا رَيۡبَ فِيهِ فَأَبَى ٱلظَّٰلِمُونَ إِلَّا كُفُورٗا
Open ayah 17:99Hindi ba nila nakikita na ang Allah, na Siyang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan ay Siyang [tanging] may kakayahan upang lumikha ng katulad nila? At Siya ay nagtakda para sa kanila ng isang panahon na walang alinlangan [tungkol dito]. Nguni’t ang mga mapaggawa ng kamalian ay tumatanggi [sa anupaman] maliban sa kawalan ng paniniwala.
قُل لَّوۡ أَنتُمۡ تَمۡلِكُونَ خَزَآئِنَ رَحۡمَةِ رَبِّيٓ إِذٗا لَّأَمۡسَكۡتُمۡ خَشۡيَةَ ٱلۡإِنفَاقِۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ قَتُورٗا
Open ayah 17:100Sabihin [sa kanila]: “Kung kayo ang may tangan sa kaban ng habag ng aking Panginoon, magkagayon, katiyakang ito ay inyong tatanganan nang mahigpit dahil sa pangamba ng pagkaubos, at ang tao ay lubhang nagiging maramot.”
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ تِسۡعَ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖۖ فَسۡـَٔلۡ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِذۡ جَآءَهُمۡ فَقَالَ لَهُۥ فِرۡعَوۡنُ إِنِّي لَأَظُنُّكَ يَٰمُوسَىٰ مَسۡحُورٗا
Open ayah 17:101At katiyakan, Aming ipinagkaloob kay Moises ang siyam na malilinaw na palatandaan. Kaya, inyong tanungin ang mga anak ni Israel – [tungkol sa nangyaring ito] nang siya [si Moises] ay dumating sa kanila, at si Paraon ay nagsabi sa kanila: “Katunayan, O Moises, ako ay nag-iisip na ikaw ay nagayuma.”
قَالَ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَآ أَنزَلَ هَٰٓؤُلَآءِ إِلَّا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ بَصَآئِرَ وَإِنِّي لَأَظُنُّكَ يَٰفِرۡعَوۡنُ مَثۡبُورٗا
Open ayah 17:102Siya [si Moises] ay nagsabi: “Katiyakan, nababatid mo na walang ibang nagpahayag [o nagbaba] ng mga ayaat [kapahayagan] na ito maliban sa Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan bilang [malilinaw na] katibayan. At ako ay nakatitiyak na, ikaw O, Paraon ay napariwara.”
فَأَرَادَ أَن يَسۡتَفِزَّهُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ فَأَغۡرَقۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ جَمِيعٗا
Open ayah 17:103Kaya, siya ay nagpasiyang sila ay ipagtabuyan mula sa lupain [ng Ehipto]. Nguni’t, siya ay Aming nilunod at ang sinumang kasama niya - lahat.
وَقُلۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ لِبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱسۡكُنُواْ ٱلۡأَرۡضَ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ ٱلۡأٓخِرَةِ جِئۡنَا بِكُمۡ لَفِيفٗا
Open ayah 17:104At Aming sinabi pagkaraan niya [ni Paraon] sa mga anak ni Israel: “Manirahan kayo sa lupain, at kung dumating na ang pangako ng kabilang buhay [ang pakikipagtipan], kayo ay Aming bubuhaying muli para sa [isang mahalagang] pagtitipon.”
وَبِٱلۡحَقِّ أَنزَلۡنَٰهُ وَبِٱلۡحَقِّ نَزَلَۗ وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا مُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا
Open ayah 17:105At sa katotohanan, ito [ang Qur’an] ay Aming ipinahayag at sa katotohanan ito ay ibinaba. At ikaw ay hindi Namin isinugo [O Muhammad] maliban bilang isang tagapaghatid ng magandang balita at isang tagapagbabala.
وَقُرۡءَانٗا فَرَقۡنَٰهُ لِتَقۡرَأَهُۥ عَلَى ٱلنَّاسِ عَلَىٰ مُكۡثٖ وَنَزَّلۡنَٰهُ تَنزِيلٗا
Open ayah 17:106At [ito ay] ang Qur’an na Aming hinati-hati [ang pagpapahayag] upang sa gayon ito ay iyong bigkasin sa mga tao nang unti-unti. At ito ay Aming ipinahayag sa iba’t ibang yugto [ng panahon sa loob ng 2 taon].
قُلۡ ءَامِنُواْ بِهِۦٓ أَوۡ لَا تُؤۡمِنُوٓاْۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ مِن قَبۡلِهِۦٓ إِذَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ يَخِرُّونَۤ لِلۡأَذۡقَانِۤ سُجَّدٗاۤ
Open ayah 17:107Sabihin, “Maniwala man kayo rito o hindi maniwala.” Katotohanan, yaong mga pinagkalooban ng kaalamang nauna rito - kapag ito ay binigkas sa kanila, ay napapasubsob ng kanilang mga mukha sa pagpapatirapa.”
وَيَقُولُونَ سُبۡحَٰنَ رَبِّنَآ إِن كَانَ وَعۡدُ رَبِّنَا لَمَفۡعُولٗا
Open ayah 17:108At sila ay nagsabi: “Luwalhati sa aming Panginoon! Katotohanan, ang pangako ng aming Panginoon ay natupad na.”
وَيَخِرُّونَ لِلۡأَذۡقَانِ يَبۡكُونَ وَيَزِيدُهُمۡ خُشُوعٗا۩
Open ayah 17:109At sila ay napapasubsob ng kanilang mga mukha nang luhaan at ito [ang Qur’an] ay nakaragdag sa kanilang kataimtiman [at kababaang-loob].
قُلِ ٱدۡعُواْ ٱللَّهَ أَوِ ٱدۡعُواْ ٱلرَّحۡمَٰنَۖ أَيّٗا مَّا تَدۡعُواْ فَلَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَلَا تَجۡهَرۡ بِصَلَاتِكَ وَلَا تُخَافِتۡ بِهَا وَٱبۡتَغِ بَيۡنَ ذَٰلِكَ سَبِيلٗا
Open ayah 17:110Sabihin: “Kayo ay manawagan sa Allah o manawagan sa Mahabagin. Anumang [Kanyang Pangalan] ang inyong tawagin - sa Kanya ang pagmamay-ari ng mga pinakamagagandang Pangalan.” At huwag kayong bumigkas nang [labis na] malakas sa inyong pagdarasal o [lubhang] mahina bagkus inyong hanapin ang [katamtamang] pamamaraan niyan.
وَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي لَمۡ يَتَّخِذۡ وَلَدٗا وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ شَرِيكٞ فِي ٱلۡمُلۡكِ وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ وَلِيّٞ مِّنَ ٱلذُّلِّۖ وَكَبِّرۡهُ تَكۡبِيرَۢا
Open ayah 17:111At sabihin: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah], na hindi nagkaanak at walang katambal [sa Kanyang] Kapamahalaan [o paghahari], at wala Siyang [kailangang] tagapangalagang nagmumula sa kahinaan. At Siya ay iyong dakilain nang [lubusang] pagdakila.”