الكهف

Al-Kahf

The Cave · Surah 18 · Ayahs: 110 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ عَلَىٰ عَبۡدِهِ ٱلۡكِتَٰبَ وَلَمۡ يَجۡعَل لَّهُۥ عِوَجَاۜ

    Open ayah 18:1

    Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah] na Siyang nagbaba [o nagpahayag] ng Aklat [Qur’an] sa Kanyang alipin [si Muhammad] at walang inilagay dito ng anumang kalihisan [o kabaluktutan].

  2. قَيِّمٗا لِّيُنذِرَ بَأۡسٗا شَدِيدٗا مِّن لَّدُنۡهُ وَيُبَشِّرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ أَجۡرًا حَسَنٗا

    Open ayah 18:2

    [Bagkus, ito ay Kanyang ginawang] matuwid upang bigyang-babala ng isang mahapding parusa mula sa Kanya at upang bigyan ng magandang balita yaong mga naniniwala na gumagawa ng mga gawaing matwid – para sa kanila ay isang mabuting gantimpala [ang Paraiso],

  3. مَّٰكِثِينَ فِيهِ أَبَدٗا

    Open ayah 18:3

    [Na sila ay] mamamalagi roon nang walang hanggan.

  4. وَيُنذِرَ ٱلَّذِينَ قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗا

    Open ayah 18:4

    At upang bigyang-babala yaong mga nagsasabing, “Ang Allah ay nagkaroon ng isang anak na lalaki.”

  5. مَّا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٖ وَلَا لِأٓبَآئِهِمۡۚ كَبُرَتۡ كَلِمَةٗ تَخۡرُجُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡۚ إِن يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبٗا

    Open ayah 18:5

    Sila ay walang [tamang] kaalaman tungkol dito, at maging ang kanilang mga ninuno. Sadyang kakila-kilabot ang salitang namumutawi sa kanilang mga bibig; [sapagka’t] sila ay walang sinasabi maliban sa kasinungalingan.

  6. فَلَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ إِن لَّمۡ يُؤۡمِنُواْ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَسَفًا

    Open ayah 18:6

    Kaya, marahil, ikaw [O Muhammad] ay nagnanais na iyong patayin ang iyong sarili sa pamamagitan ng kalungkutan nang dahil sa kanilang hindi paniniwala sa salaysay [Qur’an] na ito [at bunga] ng pighati.

  7. إِنَّا جَعَلۡنَا مَا عَلَى ٱلۡأَرۡضِ زِينَةٗ لَّهَا لِنَبۡلُوَهُمۡ أَيُّهُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗا

    Open ayah 18:7

    Katotohanan , Aming ginawa ang anumang nasa kalupaan bilang palamuti para rito, upang sila ay Aming subukan kung alin [nga ba] sa kanila ang pinakamabuti sa gawa.

  8. وَإِنَّا لَجَٰعِلُونَ مَا عَلَيۡهَا صَعِيدٗا جُرُزًا

    Open ayah 18:8

    At katotohanan, Aming gagawin ang anumang nasa ibabaw nito [ng mundo] na [maging] isang hungkag na tambak [ng lupa].

  9. أَمۡ حَسِبۡتَ أَنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡكَهۡفِ وَٱلرَّقِيمِ كَانُواْ مِنۡ ءَايَٰتِنَا عَجَبًا

    Open ayah 18:9

    O inakala mo ba na ang mga kasamahan [mga kabataang lalaki] sa yungib at ang mga inskripsiyon ay kabilang sa Aming mga ayaat [himala] na kagila-gilalas?

  10. إِذۡ أَوَى ٱلۡفِتۡيَةُ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ فَقَالُواْ رَبَّنَآ ءَاتِنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةٗ وَهَيِّئۡ لَنَا مِنۡ أَمۡرِنَا رَشَدٗا 

    Open ayah 18:10

    [Alalahanin] nang ang mga kabataang [lalaki] ay nagsitakbo sa [loob ng] yungib at nagsabi: “Aming Panginoon! Igawad Mo po sa amin ang habag mula sa Iyong Sarili at gawin Mo pong magaan para sa amin ang aming mga gawain tungo sa matuwid!”

  11. فَضَرَبۡنَا عَلَىٰٓ ءَاذَانِهِمۡ فِي ٱلۡكَهۡفِ سِنِينَ عَدَدٗا

    Open ayah 18:11

    Kaya, Aming tinakpan ang kanilang mga pandinig sa [loob ng] yungib para sa ilang bilang ng mga taon.

  12. ثُمَّ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِنَعۡلَمَ أَيُّ ٱلۡحِزۡبَيۡنِ أَحۡصَىٰ لِمَا لَبِثُوٓاْ أَمَدٗا

    Open ayah 18:12

    Pagkalipas [ng maraming taon], sila ay Aming ginising [mula sa pagkatulog] upang Aming ipakita kung alin sa dalawang pangkat ang pinakamahusay sa pagbibilang kung [gaano nga] ang panahon ng kanilang inilagi [sa yungib].

  13. نَّحۡنُ نَقُصُّ عَلَيۡكَ نَبَأَهُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّهُمۡ فِتۡيَةٌ ءَامَنُواْ بِرَبِّهِمۡ وَزِدۡنَٰهُمۡ هُدٗى

    Open ayah 18:13

    Aming isasalaysay sa iyo [O Muhammad] ang kanilang kasaysayan nang makatotohanan. Tunay nga na sila ay mga kabataang [lalaki] na naniwala sa kanilang Panginoon, at sila ay Aming dinagdagan sa patnubay.

  14. وَرَبَطۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ إِذۡ قَامُواْ فَقَالُواْ رَبُّنَا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَن نَّدۡعُوَاْ مِن دُونِهِۦٓ إِلَٰهٗاۖ لَّقَدۡ قُلۡنَآ إِذٗا شَطَطًا

    Open ayah 18:14

    At Aming pinatatag ang kanilang mga puso nang sila ay nanindigan at nagsabing: “Ang aming Panginoon ay ang Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan. Kailanman, ay hindi kami mananalangin sa alinmang diyos bukod sa Kanya. [Kung nagawa naming sabihin ito] katiyakan na kami ay nakapagsabi nang gayong [kalaking] kalapastanganan.

  15. هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمُنَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗۖ لَّوۡلَا يَأۡتُونَ عَلَيۡهِم بِسُلۡطَٰنِۭ بَيِّنٖۖ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا

    Open ayah 18:15

    Sila, na aming mga mamamayan, ay nagturing bukod sa Kanya ng mga [ibang] diyos. Bakit hindi sila magpakita ng malinaw na katibayan para sa [pagsamba sa] kanila? Kaya, sino ba ang nakahihigit sa kamalian kaysa sa isang naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah?”

  16. وَإِذِ ٱعۡتَزَلۡتُمُوهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ فَأۡوُۥٓاْ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ يَنشُرۡ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَيُهَيِّئۡ لَكُم مِّنۡ أَمۡرِكُم مِّرۡفَقٗا

    Open ayah 18:16

    [Ang mga kabataang lalaki ay nagsabi sa isa’t isa]: “At kapag kayo ay nagsitiwalag sa kanila, at sa anumang kanilang mga sinasamba bukod sa Allah, magkagayon, kayo ay humayong magtungo sa yungib. Ilalaganap ng inyong Panginoon para sa inyo ang Kanyang habag at pagagaanin para sa inyo ang inyong mga gawain para sa inyong kaluwagan.”

  17. ۞وَتَرَى ٱلشَّمۡسَ إِذَا طَلَعَت تَّزَٰوَرُ عَن كَهۡفِهِمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَت تَّقۡرِضُهُمۡ ذَاتَ ٱلشِّمَالِ وَهُمۡ فِي فَجۡوَةٖ مِّنۡهُۚ ذَٰلِكَ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِۗ مَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ وَلِيّٗا مُّرۡشِدٗا

    Open ayah 18:17

    At [kung ikaw ay naroroon lamang] iyong masisilayan ang araw kapag ito ay sumisikat, lumilihis nang papalayo mula sa kanilang [kinaroroonang] yungib sa dakong kanan. At kapag lumulubog, ito ay nagdaraan mula sa kanila sa dakong kaliwa, habang sila ay [nakahimlay] sa maluwang na kinaroroonan. Iyan ay nagmula sa mga ayaat [himala o kapahayagan] ng Allah. Sinuman ang patnubayan ng Allah ay [matwid na] napatnubayan, nguni’t sinuman ang Kanyang hinayaang maligaw – kailanman ay walang matatagpuan para sa kanya ng isang tagapangalagang magpapatnubay.

  18. وَتَحۡسَبُهُمۡ أَيۡقَاظٗا وَهُمۡ رُقُودٞۚ وَنُقَلِّبُهُمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَذَاتَ ٱلشِّمَالِۖ وَكَلۡبُهُم بَٰسِطٞ ذِرَاعَيۡهِ بِٱلۡوَصِيدِۚ لَوِ ٱطَّلَعۡتَ عَلَيۡهِمۡ لَوَلَّيۡتَ مِنۡهُمۡ فِرَارٗا وَلَمُلِئۡتَ مِنۡهُمۡ رُعۡبٗا

    Open ayah 18:18

    At iyong aakalain na sila ay nakagising subali’t [lingid sa iyo] sila ay natutulog. At sila ay Aming ibinabaling sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa, habang ang kanilang aso ay nakaunat sa dalawang unahang paa nito sa bukana [ng yungib bilang bantay sa pintuan]. Kung sila ay iyong makikita, katiyakang ikaw ay magnanais na makalayo mula sa kanila nang tumatalilis, at katiyakan, ikaw ay labis na mangingilabot sa kanila.

  19. وَكَذَٰلِكَ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِيَتَسَآءَلُواْ بَيۡنَهُمۡۚ قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ كَمۡ لَبِثۡتُمۡۖ قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖۚ قَالُواْ رَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثۡتُمۡ فَٱبۡعَثُوٓاْ أَحَدَكُم بِوَرِقِكُمۡ هَٰذِهِۦٓ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ فَلۡيَنظُرۡ أَيُّهَآ أَزۡكَىٰ طَعَامٗا فَلۡيَأۡتِكُم بِرِزۡقٖ مِّنۡهُ وَلۡيَتَلَطَّفۡ وَلَا يُشۡعِرَنَّ بِكُمۡ أَحَدًا

    Open ayah 18:19

    At ganyan nga Namin sila ginising upang sakali sila ay mag-usisa sa isa’t isa. Ang tagapagsalita mula sa kanila ay nagsabi: “Gaano ba kayo katagal na nanatili [rito]?” Sila ay sumagot: “Kami ay nanatili ng isang araw o bahagi ng maghapon.” Sila ay nagsabi: “Ang inyong Panginoon ang Siyang tunay na Nakababatid kung gaano nga katagal ang inyong inilagi [rito]. Kaya, inyong ipadala ang isa sa inyo sa bayan, dala ang inyong baryang pilak na ito, at hayaan siyang humanap ng anumang pinakamabuting pagkain, at siya ay magdala para sa inyo ng pagkain mula roon. At dapat siyang maging maingat. At huwag ninyong hayaang kayo ay makilala nang isa man [sa kanila].

  20. إِنَّهُمۡ إِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ يَرۡجُمُوكُمۡ أَوۡ يُعِيدُوكُمۡ فِي مِلَّتِهِمۡ وَلَن تُفۡلِحُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا 

    Open ayah 18:20

    Katotohanan, kung kayo ay kanilang makikilala, kayo ay kanilang babatuhin [hanggang mamatay] o kayo ay kanilang ibabalik sa kanilang relihiyon. At sanhi nito, hindi ninyo magagawang magtagumpay nang gayon - kailanman.”

  21. وَكَذَٰلِكَ أَعۡثَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ لِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ لَا رَيۡبَ فِيهَآ إِذۡ يَتَنَٰزَعُونَ بَيۡنَهُمۡ أَمۡرَهُمۡۖ فَقَالُواْ ٱبۡنُواْ عَلَيۡهِم بُنۡيَٰنٗاۖ رَّبُّهُمۡ أَعۡلَمُ بِهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِينَ غَلَبُواْ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِمۡ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيۡهِم مَّسۡجِدٗا

    Open ayah 18:21

    At [tulad nang kung paano Namin sila hinayaang matulog ng matagal at gisingin ay] ganyan Namin pinangyaring sila [mga kabataang lalaki] ay matagpuan upang [ang mga taong nakatagpo sa kanilang kalagayan ay] kanilang mapag-alaman na ang pangako ng Allah ay totoo, [at] na ang tungkol sa [pagsapit ng takdang] Oras ay walang alinlangan. [Iyon ay] nang sila [mga taong bayan] ay nagsipagtalu-talo sa isa’t isa tungkol sa kanilang kalagayan, at sila ay nagsabi: “Ipagtayo sila ng mga gusali sa kanilang ibabaw [sa pasukan ng yungib]; ang kanilang Panginoon ay higit na nakababatid sa kanila.” At yaong mga nangibabaw sa gayong [pagtatalo] ay nagsabi: “Katiyakan na kami ay magtatayo ng isang pook ng pagsamba [masjid] para sa kanila.”

  22. سَيَقُولُونَ ثَلَٰثَةٞ رَّابِعُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ وَيَقُولُونَ خَمۡسَةٞ سَادِسُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ رَجۡمَۢا بِٱلۡغَيۡبِۖ وَيَقُولُونَ سَبۡعَةٞ وَثَامِنُهُمۡ كَلۡبُهُمۡۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا قَلِيلٞۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمۡ إِلَّا مِرَآءٗ ظَٰهِرٗا وَلَا تَسۡتَفۡتِ فِيهِم مِّنۡهُمۡ أَحَدٗا

    Open ayah 18:22

    Sila [mga taong nagtatalo] ay nagsasabi na [ang kanilang bilang] ay tatlo, ang aso ay pang-apat sa kanila; at [ang iba ay] nagsasabi, sila ay lima, ang aso ay pang-anim sa kanila, nanghuhula sa di-nakitang [pangyayari]; at [ang iba ay] nagsasabi na sila ay pito, at ang aso ay pang- walo sa kanila. Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Ang aking Panginoon ay Lubos na Nakababatid ng kanilang [tamang] bilang, walang nakababatid sa kanila maliban sa mangilan-ngilan.” Kaya, huwag kang makipagtalo tungkol sa kanilang [kasaysayan] maliban ng may malinaw na katibayan. At huwag kang sumangguni tungkol sa kanila sa sinumang kabilang sa kanila.

  23. وَلَا تَقُولَنَّ لِشَاْيۡءٍ إِنِّي فَاعِلٞ ذَٰلِكَ غَدًا

    Open ayah 18:23

    At kailanman ay huwag kang magsabi ng anumang bagay, “Katiyakan, aking gagawin iyan bukas.”

  24. إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَهۡدِيَنِ رَبِّي لِأَقۡرَبَ مِنۡ هَٰذَا رَشَدٗا

    Open ayah 18:24

    Maliban [na ito ay dapat mong dugtungan ng katagang] “Inshallah [kung naisin ng Allah.” At alalahanin mo ang iyong Panginoon kapag ikaw ay nakalilimot [nito] at sabihing: “Maaaring ang aking Panginoon ay magpatnubay sa akin [tungo] sa higit pang malapit kaysa rito sa matwid [na asal].”

  25. وَلَبِثُواْ فِي كَهۡفِهِمۡ ثَلَٰثَ مِاْئَةٖ سِنِينَ وَٱزۡدَادُواْ تِسۡعٗا

    Open ayah 18:25

    At sila ay nanatili sa kanilang yungib sa loob ng tatlong daan taon, at karagdagang siyam [na taon].

  26. قُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثُواْۖ لَهُۥ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ أَبۡصِرۡ بِهِۦ وَأَسۡمِعۡۚ مَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيّٖ وَلَا يُشۡرِكُ فِي حُكۡمِهِۦٓ أَحَدٗا

    Open ayah 18:26

    Sabihin: “Ang Allah ay Lubos na Nakababatid kung gaano nga katagal ang kanilang pananatili [sa yungib]. Sa Kanya ang [kaalaman ng] Ghaib [di-nakikitang bahagi] sa mga kalangitan at kalupaan. Sadyang Siya ang Lubos na Nakakikita, at Lubos na Nakaririnig. Sila ay walang tagapangalaga bukod sa Kanya, at Siya ay walang katambal sa Kanyang mga pagpapasiya ng isa man.”

  27. وَٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِن كِتَابِ رَبِّكَۖ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَن تَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدٗا

    Open ayah 18:27

    At bigkasin mo [O Muhammad] ang anumang ipinahayag sa iyo sa Aklat [Qur’an] ng iyong Panginoon. Walang sinuman ang makapagbabago ng Kanyang mga salita, at kailanman ay wala kang matatagpuang iba pang makakanlungan bukod sa Kanya.

  28. وَٱصۡبِرۡ نَفۡسَكَ مَعَ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ رَبَّهُم بِٱلۡغَدَوٰةِ وَٱلۡعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجۡهَهُۥۖ وَلَا تَعۡدُ عَيۡنَاكَ عَنۡهُمۡ تُرِيدُ زِينَةَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَا تُطِعۡ مَنۡ أَغۡفَلۡنَا قَلۡبَهُۥ عَن ذِكۡرِنَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ وَكَانَ أَمۡرُهُۥ فُرُطٗا

    Open ayah 18:28

    At panatilihin mo ang iyong sarili [O Muhammad] sa pagtitiis [sa pamamagitan ng pagiging] kasama niyaong mga nananalangin sa kanilang Panginoon sa umaga at hapon, [kanilang] hinahangad ang Kanyang Mukha [Lugod]; at huwag mong hayaang sila ay makaligtaan ng iyong mga mata [sanhi ng] pagnanasa sa [kinang ng] makamundong buhay at huwag kang sumunod sa sinumang ang puso ay Aming ginawang salat sa Aming pag-aalaala, [at] na sumusunod sa kanyang pagnanasa, [at] na ang mga gawain [o tungkulin] ay lagi nang kinaliligtaan.

  29. وَقُلِ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَن شَآءَ فَلۡيُؤۡمِن وَمَن شَآءَ فَلۡيَكۡفُرۡۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمۡ سُرَادِقُهَاۚ وَإِن يَسۡتَغِيثُواْ يُغَاثُواْ بِمَآءٖ كَٱلۡمُهۡلِ يَشۡوِي ٱلۡوُجُوهَۚ بِئۡسَ ٱلشَّرَابُ وَسَآءَتۡ مُرۡتَفَقًا

    Open ayah 18:29

    At sabihin: “Ang katotohanan ay nagmula sa inyong Panginoon, kaya, sinuman ang magnais, hayaan siyang maniwala; at sinuman ang magnais, hayaan siyang hindi maniwala." Katotohanan, Aming inihanda para sa mga mapaggawa ng kamalian, ang isang apoy na ang mga dingding nito ay papalibot sa kanila. At kung sila ay humingi ng ginhawa [tulong], sila ay pagiginhawahin ng tubig na tulad ng kumukulong langis na lalapnos sa [kanilang] mga mukha. Sadyang napakasamang inumin at napakasamang hantungan.

  30. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجۡرَ مَنۡ أَحۡسَنَ عَمَلًا 

    Open ayah 18:30

    Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, katiyakan na hindi Namin hahayaang mawala ang gantimpala ng sinumang nakagawa ng kabutihan.

  31. أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُ يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَيَلۡبَسُونَ ثِيَابًا خُضۡرٗا مِّن سُندُسٖ وَإِسۡتَبۡرَقٖ مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۚ نِعۡمَ ٱلثَّوَابُ وَحَسُنَتۡ مُرۡتَفَقٗا

    Open ayah 18:31

    Sila yaong mga magkakaroon ng hardin ng Eden [walang hanggang pamamalagi]; sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Sila ay gagayakan doon ng mga pulseras na [yari sa] ginto at bibihisan ng mamahaling kasuutang berdeng manipis at makapal na sutla [hinabi mula sa magandang disenyo], at sila ay magsisipagsandal doon sa mga pinalamutiang sandalan. [Ito ang] pinakamainam na gantimpala at pinakamabuting hantungan.

  32. ۞وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلٗا رَّجُلَيۡنِ جَعَلۡنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيۡنِ مِنۡ أَعۡنَٰبٖ وَحَفَفۡنَٰهُمَا بِنَخۡلٖ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُمَا زَرۡعٗا

    Open ayah 18:32

    At ilahad mo para sa kanila ang halimbawa ng dalawang lalaki; ang isa sa kanila ay Aming binigyan ng dalawang hardin ng ubas at Aming pinalibutan ang dalawang [harding] ito ng mga puno ng datiles; at inilagay sa pagitan ng mga ito, ang mga [bukiring] pananim.

  33. كِلۡتَا ٱلۡجَنَّتَيۡنِ ءَاتَتۡ أُكُلَهَا وَلَمۡ تَظۡلِم مِّنۡهُ شَيۡـٔٗاۚ وَفَجَّرۡنَا خِلَٰلَهُمَا نَهَرٗا

    Open ayah 18:33

    Bawa’t isa sa dalawang harding ito ay nagbigay ng kanyang mga bunga, at ito ay hindi nawalan kahit anuman, at doon sa dalawang [hardin] ay Aming pinapangyaring umagos ang isang ilog.

  34. وَكَانَ لَهُۥ ثَمَرٞ فَقَالَ لِصَٰحِبِهِۦ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَنَا۠ أَكۡثَرُ مِنكَ مَالٗا وَأَعَزُّ نَفَرٗا

    Open ayah 18:34

    At siya ay nagkaroon ng thamar [bungang-kahoy] at siya ay nagsabi sa kanyang kasamahan [nang may pagmamalaki], habang siya ay nakikipag-usap sa kanya, “Ako ay nakahihigit sa iyo sa rami ng yaman at nakahihigit sa [bilang ng] mga tauhan.”

  35. وَدَخَلَ جَنَّتَهُۥ وَهُوَ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ قَالَ مَآ أَظُنُّ أَن تَبِيدَ هَٰذِهِۦٓ أَبَدٗا

    Open ayah 18:35

    At siya ay nagtungo sa kanyang hardin, habang siya ay mapaggawa ng kamalian sa kanyang sarili. Siya ay nagsabi: “Hindi ko iniisip kailanman na ito ay maglalaho.

  36. وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهَا مُنقَلَبٗا

    Open ayah 18:36

    At hindi ko iniisip na ang [takdang] Oras ay magaganap, at kung ako man ay muling ibabalik sa aking Panginoon [sa Araw ng Pagkabuhay na Muli], katiyakang aking matatagpuan ang higit pa kaysa rito bilang kapalit.”

  37. قَالَ لَهُۥ صَاحِبُهُۥ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَكَفَرۡتَ بِٱلَّذِي خَلَقَكَ مِن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ سَوَّىٰكَ رَجُلٗا

    Open ayah 18:37

    Ang kanyang kasamahan ay nagsabi sa kanya habang siya ay nakikipag-usap sa kanya. “Ikaw ba ay hindi naniniwala sa Kanya na Siyang lumikha sa iyo mula sa alabok at pagkaraan mula sa semilya, at pagkaraan, ikaw ay hinubog [bilang] isang tao?”

  38. لَّٰكِنَّا۠ هُوَ ٱللَّهُ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا

    Open ayah 18:38

    “Nguni’t para sa akin, Siya ang Allah, ang aking Panginoon, at ako ay hindi magtatambal sa aking Panginoon ng isa man [sa pagsamba].”

  39. وَلَوۡلَآ إِذۡ دَخَلۡتَ جَنَّتَكَ قُلۡتَ مَا شَآءَ ٱللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ إِن تَرَنِ أَنَا۠ أَقَلَّ مِنكَ مَالٗا وَوَلَدٗا

    Open ayah 18:39

    At bakit hindi mo nagawang magsabi nang ikaw ay pumasok sa iyong hardin na: “Anuman ang naisin ng Allah [ay magaganap]! Walang lakas [o kapangyarihan] maliban sa Allah!” Bagaman nakikita mong hindi ako nakahihigit sa iyo sa yaman at mga anak,

  40. فَعَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يُؤۡتِيَنِ خَيۡرٗا مِّن جَنَّتِكَ وَيُرۡسِلَ عَلَيۡهَا حُسۡبَانٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَتُصۡبِحَ صَعِيدٗا زَلَقًا 

    Open ayah 18:40

    Maaaring ang aking Panginoon ay magbigay sa akin ng [anupamang] higit na mabuti kaysa sa iyong mga hardin, at magpadala rito [sa iyong hardin] ng salot mula sa langit, pagkatapos [ang harding] ito ay magiging isang lupang hungkag na maalikabok.

  41. أَوۡ يُصۡبِحَ مَآؤُهَا غَوۡرٗا فَلَن تَسۡتَطِيعَ لَهُۥ طَلَبٗا

    Open ayah 18:41

    O ang tubig nito [ng hardin] ay bumaba [sa kailaliman ng lupa] upang ito ay hindi mo na magagawa pang hanapin kailanman.

  42. وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِۦ فَأَصۡبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيۡهِ عَلَىٰ مَآ أَنفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُشۡرِكۡ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا

    Open ayah 18:42

    At ang mga bunga nito ay pinalibutan [ng pagkabulok], kaya sinimulan niyang pilipitin ang kanyang mga kamay [sa panlulumo] sanhi ng anumang [panahong] kanyang iginugol dito habang ito ay bulok na nangalaglag sa mga balag nito, at nagsabing, “Sana ay hindi ako nagtambal sa aking Panginoon ng isa man!”

  43. وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ فِئَةٞ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا

    Open ayah 18:43

    At siya ay walang naging kasamahan upang siya ay matulungan bukod sa Allah, at hindi niya magawang ipagtanggol ang kanyang sarili.

  44. هُنَالِكَ ٱلۡوَلَٰيَةُ لِلَّهِ ٱلۡحَقِّۚ هُوَ خَيۡرٞ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ عُقۡبٗا

    Open ayah 18:44

    Iyon [sa Araw na], ang Walayah [ganap na pagsunod at paghatol] ay sa Allah [lamang], ang Katotohanan. At Siya ang pinakamahusay sa [paggawad ng] gantimpala at pinakamabuting wakas.

  45. وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَآءٍ أَنزَلۡنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ فَأَصۡبَحَ هَشِيمٗا تَذۡرُوهُ ٱلرِّيَٰحُۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقۡتَدِرًا

    Open ayah 18:45

    At ilahad mo para sa kanila ang paghahalintulad ng buhay sa mundong ito; tulad nito ay tubig [ulan] na Aming ibinaba mula sa kalangitan, at ito ay sinisipsip ng pananim ng lupa, at [pagkaraang yumabong ay] magiging tuyong dayaming ikinalat ng hangin. At ang Allah ay nakapangyayari sa lahat ng bagay.

  46. ٱلۡمَالُ وَٱلۡبَنُونَ زِينَةُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ أَمَلٗا

    Open ayah 18:46

    Ang yaman at mga anak ay palamuti lamang ng buhay sa mundong ito. Nguni’t ang mga gawaing matwid na nagtatagal ay siyang mabuti sa [paningin ng] iyong Panginoon para sa gantimpala at mabuting [pinagmumulan ng] pag-asa

  47. وَيَوۡمَ نُسَيِّرُ ٱلۡجِبَالَ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ بَارِزَةٗ وَحَشَرۡنَٰهُمۡ فَلَمۡ نُغَادِرۡ مِنۡهُمۡ أَحَدٗا

    Open ayah 18:47

    At [magbabala] sa Araw na Aming tatanggalin ang mga bundok, at iyong makikita ang kalupaan na nakatiwangwang, at sila ay Aming titipuning lahat at kahit isa man sa kanila ay walang maiiwan.

  48. وَعُرِضُواْ عَلَىٰ رَبِّكَ صَفّٗا لَّقَدۡ جِئۡتُمُونَا كَمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةِۭۚ بَلۡ زَعَمۡتُمۡ أَلَّن نَّجۡعَلَ لَكُم مَّوۡعِدٗا

    Open ayah 18:48

    At sila ay dadalhin sa harapan ng kanilang Panginoon na magkakahanay: [at Siya ay magsasabi], “Katiyakan nga [na ngayon] kayo ay nagsirating sa Amin tulad [din] nang kayo ay Aming unang likhain. Nguni’t, inyong inakala na kailanman Kami ay hindi makagagawa para sa inyo ng isang takdang tipanan.”

  49. وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ فَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُشۡفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَٰوَيۡلَتَنَا مَالِ هَٰذَا ٱلۡكِتَٰبِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةٗ وَلَا كَبِيرَةً إِلَّآ أَحۡصَىٰهَاۚ وَوَجَدُواْ مَا عَمِلُواْ حَاضِرٗاۗ وَلَا يَظۡلِمُ رَبُّكَ أَحَدٗا

    Open ayah 18:49

    At ang talaan [ng mga gawa] ay ilalagay [nang nakabukas], at inyong makikita ang mga mapaggawa ng kabuktutan na nangatatakot sa anumang nilalaman niyon. Sila ay magsasabi: “Kasawian sa amin! Ano ba ang talaang ito na hindi nag-iiwan ng maliit o ng malaking [bagay] bagkus ito ay kanyang binibilang.” At kanilang matutunghayang [nakatala] ang anumang kanilang ginawang naroroon sa kanilang harapan. At ang iyong Panginoon ay walang dadayain [sa pagbibigay ng kabayaran laban] sa kaninuman.

  50. وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ كَانَ مِنَ ٱلۡجِنِّ فَفَسَقَ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِۦٓۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُۥ وَذُرِّيَّتَهُۥٓ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِي وَهُمۡ لَكُمۡ عَدُوُّۢۚ بِئۡسَ لِلظَّٰلِمِينَ بَدَلٗا 

    Open ayah 18:50

    At [alalahanin] nang Aming sabihin sa mga anghel, “Magpatirapa kayo kay Adan,” kaya sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis [satanas], siya ay mula sa mga jinn; siya ay sumuway sa kautusan ng kanyang Panginoon. Kaya, kayo ba kung gayon ay magtuturing sa kanya at sa kanyang mga kampon bilang mga tagapangalaga [o kaibigan] bukod sa Akin samantalang sila ay inyong mga kaaway? Napakasama nito para sa mga mapaggawa ng kamalian bilang isang kapalit.

  51. ۞مَّآ أَشۡهَدتُّهُمۡ خَلۡقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَا خَلۡقَ أَنفُسِهِمۡ وَمَا كُنتُ مُتَّخِذَ ٱلۡمُضِلِّينَ عَضُدٗا

    Open ayah 18:51

    Sila ay hindi Ko ginawang mga saksi sa paglikha ng mga kalangitan at kalupaan o sa paglikha ng kanilang mga sarili, at hindi Ko maaaring kuhanin [ituring] ang mga mapagligaw bilang tagapagtangkilik [mga alalay].

  52. وَيَوۡمَ يَقُولُ نَادُواْ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُم مَّوۡبِقٗا

    Open ayah 18:52

    At [magbabala] sa Araw [na iyon] na Siya ay magsasabing: “Manawagan kayo sa inaakala ninyong Aking mga katambal.” At sila ay magsisipanawagan sa kanila, nguni’t sila ay hindi makatutugon sa kanila, at Kami ay maglalagay sa kanilang pagitan ng isang [lambak ng] kapariwaraan.

  53. وَرَءَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٱلنَّارَ فَظَنُّوٓاْ أَنَّهُم مُّوَاقِعُوهَا وَلَمۡ يَجِدُواْ عَنۡهَا مَصۡرِفٗا

    Open ayah 18:53

    At makikita ng mga mapaggawa ng kabuktutan ang Apoy at kanilang matitiyak na sila ay mahuhulog doon. At sila ay walang matatagpuan daan [saan mang] dako mula rito [upang makawala].

  54. وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلٖۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَكۡثَرَ شَيۡءٖ جَدَلٗا

    Open ayah 18:54

    At katiyakan Aming iniba-iba rito sa Qur’an ang bawa’t [uri ng] paghahalintulad para sa tao. Nguni’t ang tao ay lagi nang [nahuhulog sa] pakikipagtalo sa alinmang bagay.

  55. وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤۡمِنُوٓاْ إِذۡ جَآءَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّهُمۡ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ قُبُلٗا

    Open ayah 18:55

    At walang makapipigil sa mga tao mula sa paniniwala at mula sa paghingi ng kapatawaran sa kanilang Panginoon kapag ang patnubay ay dumating sa kanila, maliban na ang mga [dating] kaparaanan [o parusa] ng mga naunang mamamayan ay muling maulit, o di kaya ang parusa ay dalhin sa kanila nang harapan.

  56. وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَۚ وَيُجَٰدِلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ لِيُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّۖ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَمَآ أُنذِرُواْ هُزُوٗا

    Open ayah 18:56

    At Kami ay hindi nagpadala ng mga sugo maliban bilang mga tagapaghatid ng magagandang balita at tagapagbabala. Nguni’t yaong mga di-naniniwala ay nakikipagtalo nang may kabulaanan upang ipawalang-saysay sa pamamagitan nito ang katotohanan. At kanilang itinuring ang Aking mga ayaat [kapahayagan] at ang anumang ibinabala sa kanila bilang isang panunuya.

  57. وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ فَأَعۡرَضَ عَنۡهَا وَنَسِيَ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُۚ إِنَّا جَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۖ وَإِن تَدۡعُهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ فَلَن يَهۡتَدُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا

    Open ayah 18:57

    At sino ba ang gumagawa ng kamalian nang higit kaysa sa isang pinaaalalahanan sa mga ayaat [kapahayagan] ng kanyang Panginoon nguni’t lumalayo mula sa mga [aral] nito, at siya ay nakalilimot sa anumang [kasamaang] ginawa ng kanyang mga kamay. Katotohanan, Aming nilagyan ang kanilang puso ng takip upang sila ay hindi makaunawa nito, at ang kanilang mga tainga ng kabingihan. At kung ikaw man [O Muhammad] ay mag-anyaya sa kanila sa patnubay, sila ay hindi mapapatnubayan – kailanman.

  58. وَرَبُّكَ ٱلۡغَفُورُ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۖ لَوۡ يُؤَاخِذُهُم بِمَا كَسَبُواْ لَعَجَّلَ لَهُمُ ٱلۡعَذَابَۚ بَل لَّهُم مَّوۡعِدٞ لَّن يَجِدُواْ مِن دُونِهِۦ مَوۡئِلٗا

    Open ayah 18:58

    At ang iyong Panginoon ay ang Mapagpatawad, tigib ng habag. Kung Siya ay magpapataw ng parusa sa kanila para sa anumang kanilang pinagsumikapan, katiyakang Kanyang mamadaliin ang parusa. Nguni’t, sa kanila ay isang takdang tipanan. Bukod dito sila ay walang matatagpuang paraan ng pagtakas [mula roon].

  59. وَتِلۡكَ ٱلۡقُرَىٰٓ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ لَمَّا ظَلَمُواْ وَجَعَلۡنَا لِمَهۡلِكِهِم مَّوۡعِدٗا

    Open ayah 18:59

    At ang mga bayang ito – Aming winasak ang mga [mamamayan] nito nang sila ay nagkamali, at Kami ay gumawa ng takdang tipanan para sa kanilang pagkawasak.

  60. وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَىٰهُ لَآ أَبۡرَحُ حَتَّىٰٓ أَبۡلُغَ مَجۡمَعَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ أَوۡ أَمۡضِيَ حُقُبٗا 

    Open ayah 18:60

    At [banggitin] nang si Moises ay nagsabi sa kanyang batang [lalaking] alipin: “Ako ay hindi magtitigil [sa paglalakbay] hanggang marating ko ang sangandaan ng dalawang dagat o di kaya ako ay magpapatuloy [sa paglalakbay] habambuhay.”

  61. فَلَمَّا بَلَغَا مَجۡمَعَ بَيۡنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ سَرَبٗا

    Open ayah 18:61

    Kaya, nang kanilang marating ang sangandaan sa kanilang pagitan, silang dalawa ay nakalimot sa kanilang isda, kaya nakuha nitong makapasag sa daang patungo sa [tila lagusan ng] dagat [at madulas na lumalayo].

  62. فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَىٰهُ ءَاتِنَا غَدَآءَنَا لَقَدۡ لَقِينَا مِن سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبٗا

    Open ayah 18:62

    Kaya, nang kanilang malagpasan ang dalawang ito, siya [Moises] ay nagsabi sa kanyang lalaking alipin: “Magdala ka para sa atin ng pagkaing pang-almusal; katiyakan nga na tayo ay nakaranas ng labis na kapaguran sa ating paglalakbay na ito.”

  63. قَالَ أَرَءَيۡتَ إِذۡ أَوَيۡنَآ إِلَى ٱلصَّخۡرَةِ فَإِنِّي نَسِيتُ ٱلۡحُوتَ وَمَآ أَنسَىٰنِيهُ إِلَّا ٱلشَّيۡطَٰنُ أَنۡ أَذۡكُرَهُۥۚ وَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ عَجَبٗا

    Open ayah 18:63

    Siya ay nagsabi: “Nakita mo ba nang tayo ay tumigil sa bato, at katotohanan, aking nalimutan [doon] ang isda; At walang ibang gumawa nito upang ako ay nakalimot kundi ang satanas – na nararapat kong banggitin ito. At ito ay nakaalpas sa dagat nang kagila-gilalas!”

  64. قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبۡغِۚ فَٱرۡتَدَّا عَلَىٰٓ ءَاثَارِهِمَا قَصَصٗا

    Open ayah 18:64

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Iyan ang ating pinaghahanap.” Kaya, silang dalawa ay nagbalik, kanilang sinusundan ang mga bakas [ng kanilang pinagdaanan].

  65. فَوَجَدَا عَبۡدٗا مِّنۡ عِبَادِنَآ ءَاتَيۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَا وَعَلَّمۡنَٰهُ مِن لَّدُنَّا عِلۡمٗا

    Open ayah 18:65

    At kanilang natagpuan ang isang aliping nabibilang sa Aming mga alipin [si Khidr], na Aming pinagkalooban ng habag mula sa Amin, at tinuruan ng [tiyak na] kaalamang nagmula sa Amin.

  66. قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰ هَلۡ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰٓ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمۡتَ رُشۡدٗا

    Open ayah 18:66

    At siya [si Moises] ay nagsabi sa kanya [kay Khidr]: “Maaari bang ako ay sumunod sa iyo [sa kasunduan] na ako ay iyong turuan ng matuwid na paghatol mula sa anupamang naituro sa iyo?”

  67. قَالَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا

    Open ayah 18:67

    Siya [si Khidr] ay nagsabi: “Katotohanan, hindi mo ako makakayanang pagtiisan!

  68. وَكَيۡفَ تَصۡبِرُ عَلَىٰ مَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ خُبۡرٗا

    Open ayah 18:68

    Paano ka magkakaroon ng pagtitiis sa anupamang hindi sakop ng [iyong] kaalaman?”

  69. قَالَ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ صَابِرٗا وَلَآ أَعۡصِي لَكَ أَمۡرٗا

    Open ayah 18:69

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Kung naisin ng Allah, ako ay iyong matatagpuang matiisin, at ako ay hindi susuway sa iyong ipag-uutos.”

  70. قَالَ فَإِنِ ٱتَّبَعۡتَنِي فَلَا تَسۡـَٔلۡنِي عَن شَيۡءٍ حَتَّىٰٓ أُحۡدِثَ لَكَ مِنۡهُ ذِكۡرٗا 

    Open ayah 18:70

    Siya [si Khidr] ay nagsabi: “Samakatwid, kung ikaw ay sumunod sa akin, huwag mo akong tatanungin tungkol sa anumang bagay hanggang ako na ang magkusang bumanggit nito sa iyo.”

  71. فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا رَكِبَا فِي ٱلسَّفِينَةِ خَرَقَهَاۖ قَالَ أَخَرَقۡتَهَا لِتُغۡرِقَ أَهۡلَهَا لَقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـًٔا إِمۡرٗا

    Open ayah 18:71

    Kaya, silang dalawa ay nagpatuloy [sa paglalakbay], hanggang nang sila ay sumakay sa sasakyang-dagat [barko], kanyang binutasan ito [ang barko]. Siya [si Moises] ay nagsabi: “Binutasan mo ba ito para lunurin mo ang mga taong [sakay] nito? Katotohanan, ikaw ay nakagawa ng isang nakakikilabot na bagay.”

  72. قَالَ أَلَمۡ أَقُلۡ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا

    Open ayah 18:72

    Siya [si Khidr] ay nagsabi: “Hindi ba sinabi sa iyo na hindi mo ako makakayanang pagtiisan?”

  73. قَالَ لَا تُؤَاخِذۡنِي بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرۡهِقۡنِي مِنۡ أَمۡرِي عُسۡرٗا

    Open ayah 18:73

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Huwag mo akong sumbatan sa anumang aking nalimutan, at huwag mo akong pahirapan sa aking mga gawain [sa iyo].”

  74. فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا لَقِيَا غُلَٰمٗا فَقَتَلَهُۥ قَالَ أَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا زَكِيَّةَۢ بِغَيۡرِ نَفۡسٖ لَّقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـٔٗا نُّكۡرٗا

    Open ayah 18:74

    Kaya, sila ay kapwa nagpatuloy [sa kanilang paglalakbay], hanggang kanilang matagpuan ang isang batang lalaki, at ito ay kanyang pinatay. Sinabi [ni Moises sa kanya]: “Pinatay mo ang isang taong walang malay [gayong siya a y ] w a l a n a m a n g p i n a t a y ? Katotohanan, ikaw ay nakagawa ng isang karumal-dumal na bagay!”

  75. ۞قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا

    Open ayah 18:75

    Siya [si Khidr] ay nagsabi: “Hindi ba sinabi ko sa iyo na kailanman ay hindi mo ako makakayanang pagtiisan?”

  76. قَالَ إِن سَأَلۡتُكَ عَن شَيۡءِۭ بَعۡدَهَا فَلَا تُصَٰحِبۡنِيۖ قَدۡ بَلَغۡتَ مِن لَّدُنِّي عُذۡرٗا

    Open ayah 18:76

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Kung ako man ay magtatanong ng anupamang bagay pagkaraan nito, magkagayon huwag mo na akong panatilihin pa bilang [iyong] kasama [sa lakad], ikaw ay nakakuha sa akin ng isang dahilan.”

  77. فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَيَآ أَهۡلَ قَرۡيَةٍ ٱسۡتَطۡعَمَآ أَهۡلَهَا فَأَبَوۡاْ أَن يُضَيِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِيهَا جِدَارٗا يُرِيدُ أَن يَنقَضَّ فَأَقَامَهُۥۖ قَالَ لَوۡ شِئۡتَ لَتَّخَذۡتَ عَلَيۡهِ أَجۡرٗا

    Open ayah 18:77

    Kaya, sila ay kapwa nagpatuloy [sa paglalakbay] hanggang nang sila ay dumating sa mga mamamayan ng isang bayan, sila ay humingi sa mga mamamayan nito ng pagkain nguni’t sila [mga tao] ay tumangging magbigay ng kabutihang-loob sa kanila. At doon ay kanilang natagpuan ang isang bakod na malapit ng mabuwal, kaya ito ay kanyang itinayo. Sinabi [ni Moises], “Kung minarapat mo lamang, maaari kang kumuha ng kabayaran para rito.”

  78. قَالَ هَٰذَا فِرَاقُ بَيۡنِي وَبَيۡنِكَۚ سَأُنَبِّئُكَ بِتَأۡوِيلِ مَا لَمۡ تَسۡتَطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرًا

    Open ayah 18:78

    Siya [si Khidr] ay nagsabi: “Ito ang [oras ng] paghihiwalay sa pagitan ko at sa pagitan mo, [at] aking ipaliliwanag sa iyo ang [tungkol sa] kahulugan ng anumang hindi mo nakayanang pagtiisan sa akin.

  79. أَمَّا ٱلسَّفِينَةُ فَكَانَتۡ لِمَسَٰكِينَ يَعۡمَلُونَ فِي ٱلۡبَحۡرِ فَأَرَدتُّ أَنۡ أَعِيبَهَا وَكَانَ وَرَآءَهُم مَّلِكٞ يَأۡخُذُ كُلَّ سَفِينَةٍ غَصۡبٗا

    Open ayah 18:79

    Tungkol sa barko, ito ay pag-aari ng mga mahihirap na mamamayan na naghahanap-buhay sa dagat. Kaya, nilayon kong sirain ito sapagka’t may isang hari na sa kanilang likuran ay kinukuha nang sapilitan ang bawa’t [maayos] na sasakyang-dagat.

  80. وَأَمَّا ٱلۡغُلَٰمُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤۡمِنَيۡنِ فَخَشِينَآ أَن يُرۡهِقَهُمَا طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗا 

    Open ayah 18:80

    At tungkol sa batang lalaki, ang kanyang mga magulang ay [tunay na] naniniwala, at aming pinangambahan na sila [mga magulang] ay kanyang lapastanganin sa pamamagitan ng pagsuway at kawalan ng paniniwala.

  81. فَأَرَدۡنَآ أَن يُبۡدِلَهُمَا رَبُّهُمَا خَيۡرٗا مِّنۡهُ زَكَوٰةٗ وَأَقۡرَبَ رُحۡمٗا

    Open ayah 18:81

    Kaya, kami ay naglayon na ang kanilang Panginoon ay dapat magpalit para sa kanila ng isang nakahihigit sa kanya sa kadalisayan at higit na malapit sa habag.

  82. وَأَمَّا ٱلۡجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَٰمَيۡنِ يَتِيمَيۡنِ فِي ٱلۡمَدِينَةِ وَكَانَ تَحۡتَهُۥ كَنزٞ لَّهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَٰلِحٗا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَن يَبۡلُغَآ أَشُدَّهُمَا وَيَسۡتَخۡرِجَا كَنزَهُمَا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ وَمَا فَعَلۡتُهُۥ عَنۡ أَمۡرِيۚ ذَٰلِكَ تَأۡوِيلُ مَا لَمۡ تَسۡطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرٗا

    Open ayah 18:82

    At tungkol sa bakod, ito ay pag-aari ng dalawang ulilang batang lalaki sa bayan; at sa ilalim nito [ng bakod] ay may kayamanang [nakabaon] para sa kanila; at ang kanilang ama ay isang matwid na tao. Kaya, ang iyong Panginoon ay nagtakda na sila ay sumapit sa kanilang wastong gulang at kuhanin ang kanilang kayamanan bilang habag mula sa iyong Panginoon. At hindi ko ginawa ito nang ayon sa aking sariling pagkukusa. Iyan ang kahulugan ng mga iyon na siya mong hindi nagawang pagtiisan.”

  83. وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَن ذِي ٱلۡقَرۡنَيۡنِۖ قُلۡ سَأَتۡلُواْ عَلَيۡكُم مِّنۡهُ ذِكۡرًا

    Open ayah 18:83

    At sila ay nagtatanong sa iyo [O Muhammad] tungkol kay Dhul- Qarnayn. Sabihin: “Aking bibigkasin sa inyo ang isang pag-uulat na nauukol sa kanya.”

  84. إِنَّا مَكَّنَّا لَهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِن كُلِّ شَيۡءٖ سَبَبٗا

    Open ayah 18:84

    Katotohanan, siya ay Aming binigyan ng kakayahan [upang makapaglakbay] sa kalupaan, at Aming ipinagkaloob sa kanya ang lahat ng bagay na kapaki-pakinabang.

  85. فَأَتۡبَعَ سَبَبًا

    Open ayah 18:85

    Kaya, sinunod niya ang isang landasin [o kaparaanan sa paglakbay].

  86. حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَغۡرِبَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَغۡرُبُ فِي عَيۡنٍ حَمِئَةٖ وَوَجَدَ عِندَهَا قَوۡمٗاۖ قُلۡنَا يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِمَّآ أَن تُعَذِّبَ وَإِمَّآ أَن تَتَّخِذَ فِيهِمۡ حُسۡنٗا

    Open ayah 18:86

    Hanggang, nang siya ay makarating sa pook na nilulubugan ng araw, natagpuan niya na [tila] ito ay nakatirik sa isang bukal na may maitim na putik at kanyang natagpuan na malapit dito ang isang pamayanan. At Aming sinabi, “O Dhul Qarnayn! Sila ay maaari mong parusahan o di kaya sila ay pakitunguhan mo nang mabuti.”

  87. قَالَ أَمَّا مَن ظَلَمَ فَسَوۡفَ نُعَذِّبُهُۥ ثُمَّ يُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِۦ فَيُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا نُّكۡرٗا

    Open ayah 18:87

    Siya ay nagsabi: “Para sa sinumang gumagawa ng kamalian, siya ay aming parurusahan, at pagkaraan, siya ay muling ibabalik sa kanyang Panginoon, at Siya ang magpaparusa sa kanya ng kagimbal-gimbal na parusa [sa Impiyerno].

  88. وَأَمَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَهُۥ جَزَآءً ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَسَنَقُولُ لَهُۥ مِنۡ أَمۡرِنَا يُسۡرٗا

    Open ayah 18:88

    Nguni’t para sa sinumang naniniwala [sa Kaisahan ng Allah] at gumagawa ng mga gawaing matwid, sa kanya ay pinakamabuting gantimpala, [ang Paraiso] at kami [Dhul Qarnayn] ay mangungusap sa kanya mula sa aming kautusan nang magaan.”

  89. ثُمَّ أَتۡبَعَ سَبَبًا

    Open ayah 18:89

    Pagkaraan, sinunod niya ang isang landasin [o kaparaanan sa paglakbay].

  90. حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَطۡلِعَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَطۡلُعُ عَلَىٰ قَوۡمٖ لَّمۡ نَجۡعَل لَّهُم مِّن دُونِهَا سِتۡرٗا 

    Open ayah 18:90

    Hanggang, nang siya ay makarating sa dakong sinisikatan ng araw [silangan], natagpuan niyang ito ay sumisikat sa isang mamamayan [pamayanan] na Kami ay walang ginawang anumang pananggalang laban dito [sa init ng araw].

  91. كَذَٰلِكَۖ وَقَدۡ أَحَطۡنَا بِمَا لَدَيۡهِ خُبۡرٗا

    Open ayah 18:91

    [Tulad ng unang pamayanan sa dakong kanluran ay] ganyan nga. At Aming sinaklawan [ang lahat] ng kanyang taglay na kaalaman.

  92. ثُمَّ أَتۡبَعَ سَبَبًا

    Open ayah 18:92

    Kaya, sinunod niya ang isang landasin [o kaparaanan sa paglakbay].

  93. حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ بَيۡنَ ٱلسَّدَّيۡنِ وَجَدَ مِن دُونِهِمَا قَوۡمٗا لَّا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ قَوۡلٗا

    Open ayah 18:93

    Hanggang, nang kanyang marating [ang isang daang-lambak] sa pagitan ng dalawang bundok, natagpuan niya [sa gilid ng dalawang bundok] ang isang pamayanang mahirap makaunawa sa [kanyang sariling] salita.

  94. قَالُواْ يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِنَّ يَأۡجُوجَ وَمَأۡجُوجَ مُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَهَلۡ نَجۡعَلُ لَكَ خَرۡجًا عَلَىٰٓ أَن تَجۡعَلَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَهُمۡ سَدّٗا

    Open ayah 18:94

    Sila ay nagsabi: “O Dhul Qarnayn! Katotohanan, sina Ya’juj at Ma’juj ay [kilala sa pagiging] mapaggawa ng katiwalian sa lupain. Kaya maaari bang kami ay magtakda para sa iyo ng gastusin [bilang kabayaran] upang ikaw ay gumawa ng bakod [harang] sa pagitan namin at [sa pagitan] nila?”

  95. قَالَ مَا مَكَّنِّي فِيهِ رَبِّي خَيۡرٞ فَأَعِينُونِي بِقُوَّةٍ أَجۡعَلۡ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُمۡ رَدۡمًا

    Open ayah 18:95

    Siya ay nagsabi: “Ang anumang itinatag ng aking Panginoon sa akin ay higit na mabuti [kaysa sa anumang inyong iniaalok]. Kaya, ako ay inyong tulungan sa pamamagitan ng inyong lakas; ako ay gagawa sa pagitan ninyo at [sa pagitan] nila ng isang saplad [harang].

  96. ءَاتُونِي زُبَرَ ٱلۡحَدِيدِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا سَاوَىٰ بَيۡنَ ٱلصَّدَفَيۡنِ قَالَ ٱنفُخُواْۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَعَلَهُۥ نَارٗا قَالَ ءَاتُونِيٓ أُفۡرِغۡ عَلَيۡهِ قِطۡرٗا

    Open ayah 18:96

    Bigyan ninyo ako ng mga pira-pirasong bakal” – hanggang nang kanyang mapatag [ang mga ito] sa pagitan ng dalisdis ng dalawang bundok, siya ay nagsabi: “[Ito ay inyong] hipan [nang malakas];” hanggang, nang ito ay kanyang nagawa [na tulad] ng apoy, siya ay nagsabi: “Dalhan ninyo ako ng lusaw na tanso upang aking buhusan ang ibabaw nito.”

  97. فَمَا ٱسۡطَٰعُوٓاْ أَن يَظۡهَرُوهُ وَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ لَهُۥ نَقۡبٗا

    Open ayah 18:97

    Kaya, sila [sina Ya’juj at Ma’juj] ay walang kakayahang magdaan sa ibabaw nito, at walang kakayahang makapasok dito.

  98. قَالَ هَٰذَا رَحۡمَةٞ مِّن رَّبِّيۖ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ رَبِّي جَعَلَهُۥ دَكَّآءَۖ وَكَانَ وَعۡدُ رَبِّي حَقّٗا

    Open ayah 18:98

    Siya [si Dhul Qarnayn] ay nagsabi: “Ito ay isang habag mula sa aking Panginoon, nguni’t kapag ang pangako ng aking Panginoon ay dumating, ito ay Kanyang gagawing patag. At ang pangako ng aking Panginoon ay sadyang totoo.”

  99. ۞وَتَرَكۡنَا بَعۡضَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ يَمُوجُ فِي بَعۡضٖۖ وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَجَمَعۡنَٰهُمۡ جَمۡعٗا

    Open ayah 18:99

    At sila ay Aming iiwanan sa Araw na iyon na humahangos sa isa’t isa; at [pagkaraan] ang tambuli ay hihipan, at sila ay Aming titipuning lahat sa [isang] pagtitipon.

  100. وَعَرَضۡنَا جَهَنَّمَ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡكَٰفِرِينَ عَرۡضًا 

    Open ayah 18:100

    At Aming ipakikita ang Impiyerno sa Araw na iyon sa mga di- naniniwala, na nakatanghal,

  101. ٱلَّذِينَ كَانَتۡ أَعۡيُنُهُمۡ فِي غِطَآءٍ عَن ذِكۡرِي وَكَانُواْ لَا يَسۡتَطِيعُونَ سَمۡعًا 

    Open ayah 18:101

    Yaong ang kanilang mga mata ay nasa loob ng takip [ay inalis] mula sa pag-aalala sa Akin, at wala silang kakayahang makinig.

  102. أَفَحَسِبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَن يَتَّخِذُواْ عِبَادِي مِن دُونِيٓ أَوۡلِيَآءَۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا جَهَنَّمَ لِلۡكَٰفِرِينَ نُزُلٗا 

    Open ayah 18:102

    Kaya, yaon bang mga di-naniniwala ay nag-aakala na kanilang maituturing ang Aking mga alipin bukod sa Akin bilang tagapangalaga? Katotohanan, Aming inihanda ang Impiyerno bilang tirahan para sa mga di-naniniwala.

  103. قُلۡ هَلۡ نُنَبِّئُكُم بِٱلۡأَخۡسَرِينَ أَعۡمَٰلًا 

    Open ayah 18:103

    Sabihin: “Ipagbibigay-alam ba namin sa inyo ang mga higit na nawalan tulad ng [kanilang] mga gawa?

  104. ٱلَّذِينَ ضَلَّ سَعۡيُهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ يُحۡسِنُونَ صُنۡعًا 

    Open ayah 18:104

    Yaong ang kanilang mga pagsisikap ay nawala sa buhay sa mundong ito, samantalang sila ay nag-aakalang kanilang matatamo ang kabutihan ng kanilang mga gawa.”

  105. أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ وَلِقَآئِهِۦ فَحَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فَلَا نُقِيمُ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَزۡنٗا 

    Open ayah 18:105

    Sila yaong mga di-naniniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng kanilang Panginoon at [di-naniniwala] sa pakikipagharap sa Kanya [sa kabilang buhay]. Kaya, ang kanilang mga gawain ay nawalan ng halaga, at sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, wala Kaming itatalagang timbang [ng kabutihan] para sa kanila.

  106. ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُمۡ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُواْ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَرُسُلِي هُزُوًا 

    Open ayah 18:106

    Iyan ang kanilang kabayaran - ang Impiyerno – [bilang parusa] para sa anumang kanilang pagtakwil [sapagka’t] sila ay nagturing sa Aking mga ayaat [kapahayagan] at sa Aking mga sugo nang may pangungutya.

  107. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ كَانَتۡ لَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلۡفِرۡدَوۡسِ نُزُلًا 

    Open ayah 18:107

    Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila ay magkakaroon ng mga hardin ng Firdaws [Paraiso] bilang tirahan.

  108. خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يَبۡغُونَ عَنۡهَا حِوَلٗا 

    Open ayah 18:108

    Doon, sila ay mamamalagi nang walang hanggan. Sila ay hindi maghahangad na mailipat mula roon.

  109. قُل لَّوۡ كَانَ ٱلۡبَحۡرُ مِدَادٗا لِّكَلِمَٰتِ رَبِّي لَنَفِدَ ٱلۡبَحۡرُ قَبۡلَ أَن تَنفَدَ كَلِمَٰتُ رَبِّي وَلَوۡ جِئۡنَا بِمِثۡلِهِۦ مَدَدٗا 

    Open ayah 18:109

    Sabihin: “Kung ang dagat ay mga tinta para [sa panulat] ng mga salita ng aking Panginoon, katiyakan, ang [tubig nitong] dagat ay mauubos bago pa man maubos [o masaid] ang mga salita ng aking Panginoon, kahit Kami ay magdala ng [isa pang dagat] tulad nito bilang karagdagan.”

  110. قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ فَمَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ رَبِّهِۦ فَلۡيَعۡمَلۡ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَلَا يُشۡرِكۡ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦٓ أَحَدَۢا 

    Open ayah 18:110

    Sabihin: “Ako ay isang taong katulad lamang ninyo. Ipinahayag sa akin na ang inyong diyos ay Tanging Isang Diyos- [ang Allah]. Kaya, sinumang umaasa sa pakikipagharap sa kanyang Panginoon - hayaan siyang gumawa ng mga gawaing matwid at huwag siyang magtambal ng isa man sa pagsamba sa kanyang Panginoon.”