مريم
Maryam
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
كٓهيعٓصٓ
Open ayah 19:1Kaf, Ha, Ya, Ain, Sad.
ذِكۡرُ رَحۡمَتِ رَبِّكَ عَبۡدَهُۥ زَكَرِيَّآ
Open ayah 19:2[Ito ay] isang paalala ng habag ng iyong Panginoon sa Kanyang aliping si Zakarias.
إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥ نِدَآءً خَفِيّٗا
Open ayah 19:3Nang siya ay manalangin sa kanyang Panginoon [Allah] ng isang sarilinang panalangin.
قَالَ رَبِّ إِنِّي وَهَنَ ٱلۡعَظۡمُ مِنِّي وَٱشۡتَعَلَ ٱلرَّأۡسُ شَيۡبٗا وَلَمۡ أَكُنۢ بِدُعَآئِكَ رَبِّ شَقِيّٗا
Open ayah 19:4Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon, katotohanan, ang aking mga buto ay mahihina na, at ang aking ulo ay napuno na ng puting [buhok], at ako ay hindi kailanman nabigo sa aking pagdalangin sa Iyo, aking Panginoon.
وَإِنِّي خِفۡتُ ٱلۡمَوَٰلِيَ مِن وَرَآءِي وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِي عَاقِرٗا فَهَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ وَلِيّٗا
Open ayah 19:5At katotohanan, aking pinangangambahan ang aking mga kahalili pagkaraan ko, at ang aking asawa ay naging baog. Kaya, igawad Mo po sa akin mula sa Iyong Sarili ang isang tagapagmana,
يَرِثُنِي وَيَرِثُ مِنۡ ءَالِ يَعۡقُوبَۖ وَٱجۡعَلۡهُ رَبِّ رَضِيّٗا
Open ayah 19:6‘Na magmamana sa akin, at magmamana [rin] mula sa angkan ni Hakob. At gawin Mo po siyang isang kalugud-lugod [para sa Iyo], aking Panginoon.”
يَٰزَكَرِيَّآ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ ٱسۡمُهُۥ يَحۡيَىٰ لَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ مِن قَبۡلُ سَمِيّٗا
Open ayah 19:7[Sinabi sa kanya]: “O Zakarias, katotohanan Kami ay nagbibigay sa iyo ng isang magandang balita [ng pagkakaroon mo] ng isang anak na lalaki, na ang kanyang [magiging] pangalan ay Juan [Yahya]. Hindi Namin ipinagkaloob sa kaninumang nauna ang pangalang [ito].”
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِي عَاقِرٗا وَقَدۡ بَلَغۡتُ مِنَ ٱلۡكِبَرِ عِتِيّٗا
Open ayah 19:8Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon, paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki, samantalang ang aking asawa ay naging baog, at katotohanang ako ay umabot na sa sukdulang katandaang gulang.”
قَالَ كَذَٰلِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞ وَقَدۡ خَلَقۡتُكَ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ تَكُ شَيۡـٔٗا
Open ayah 19:9[Isang anghel ay] nagsabi: “Kahit na [ito ay mangyayari]; ang iyong Panginoon ay nagsabi: ‘Ito ay madali para sa Akin. At katunayan, ikaw ay Aking nilikha noong una, nang ikaw ay walang anupamang bagay!”
قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّيٓ ءَايَةٗۖ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَٰثَ لَيَالٖ سَوِيّٗا
Open ayah 19:10Siya [si Zakarias] ay nagsabi: “Aking Panginoon, Ikaw ay gumawapara sa akin ng isang palatandaan.” Kanyang sinabi, ‘Ang iyong palatandaan, [ay] ikaw ay hindi makikipag-usap sa mga tao sa [loob ng] tatlong gabi, [bagaman] maayos [ang iyong pananalita].”
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنَ ٱلۡمِحۡرَابِ فَأَوۡحَىٰٓ إِلَيۡهِمۡ أَن سَبِّحُواْ بُكۡرَةٗ وَعَشِيّٗا
Open ayah 19:11Kaya, siya ay lumabas mula sa kanyang silid-dalanginan patungo sa kanyang mga mamamayan at kanyang sinabi sa kanila [sa pamamagitan ng mga senyas] na sila ay magbigay papuri [sa Allah] sa umaga at sa hapon.
يَٰيَحۡيَىٰ خُذِ ٱلۡكِتَٰبَ بِقُوَّةٖۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحُكۡمَ صَبِيّٗا
Open ayah 19:12[Ang Allah ay nagsabi]: “O Juan [Yahya], kunin mo [at panghawakan] ang Kasulatan nang buong katatagan.” At Aming ipinagkaloob sa kanya ang karunungan [habang siya ay] bata pa,
وَحَنَانٗا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَوٰةٗۖ وَكَانَ تَقِيّٗا
Open ayah 19:13At [ipinagkaloob din] ang [diwa ng] pagmamalasakit mula sa Amin, at kalinisan [mula sa kasalanan] at kanyang kinatatakutan [ang Allah],
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَيۡهِ وَلَمۡ يَكُن جَبَّارًا عَصِيّٗا
Open ayah 19:14At [siya ay] masunurin sa kanyang mga magulang, at siya ay hindi naging mapaniil [o malupit], hindi palasuway.
وَسَلَٰمٌ عَلَيۡهِ يَوۡمَ وُلِدَ وَيَوۡمَ يَمُوتُ وَيَوۡمَ يُبۡعَثُ حَيّٗا
Open ayah 19:15At kapayapaan sa kanya sa araw na siya ay ipinanganak at sa araw na siya ay mamamatay at sa araw na siya ay [muling] mabubuhay!
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَرۡيَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتۡ مِنۡ أَهۡلِهَا مَكَانٗا شَرۡقِيّٗا
Open ayah 19:16At banggitin mo [O Muhammad] sa Aklat, [ang kasaysayan ni] Maria, nang siya ay lumisan mula sa kanyang pamilya sa isang pook sa dakong bahagi ng silangan.
فَٱتَّخَذَتۡ مِن دُونِهِمۡ حِجَابٗا فَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرٗا سَوِيّٗا
Open ayah 19:17Pagkaraan, siya ay naglagay ng isang tabing mula sa kanila [upang siya ay mapag-isa]. Kaya, Kami ay nagpadala sa kanya ng Aming Ruh [Banal na Espiritu, ang Anghel Gabriel], at ito ay nagpakita sa kanya sa [anyo ng] isang ganap na lalaki.
قَالَتۡ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيّٗا
Open ayah 19:18Siya [si Maria] ay nagsabi: ‘Katotohanan, ako ay humihingi ng paglingap sa Mahabagin laban sa iyo [o ako ay iyong layuan], kung tunay ngang ikaw ay may takot [sa Kanya].
قَالَ إِنَّمَآ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَٰمٗا زَكِيّٗا
Open ayah 19:19Siya [si Anghel Gabriel] ay nagsabi: ‘Ako ay isang sugo ng iyong Panginoon [na napag-utusan upang] igawad sa iyo ang [magandang balita ng] isang pinagkakapuring anak na lalaki.
قَالَتۡ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞ وَلَمۡ أَكُ بَغِيّٗا
Open ayah 19:20Siya [si Maria] ay nagsabi: ‘Paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki, gayong wala namang lalaki ang sumaling sa akin, at ako ay hindi marumi 6 [o walang dangal]?”
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞۖ وَلِنَجۡعَلَهُۥٓ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِ وَرَحۡمَةٗ مِّنَّاۚ وَكَانَ أَمۡرٗا مَّقۡضِيّٗا
Open ayah 19:21Siya [si Anghel Gabriel] ay nagsabi: ‘Ganyan nga [ito ay mangyayari], ang iyong Panginoon ay nagsabi: ‘Ito ay sadyang madali para sa Akin; at siya ay Aming gagawin bilang palatandaan para sa sangkatauhan at isang habag mula sa Amin. At ito ay isang pangyayaring naitakda [na].’
۞فَحَمَلَتۡهُ فَٱنتَبَذَتۡ بِهِۦ مَكَانٗا قَصِيّٗا
Open ayah 19:22Kaya siya ay nagdalang-tao sa kanya [kay Hesus] at siya ay humayong nagtungo sa isang malayong pook.
فَأَجَآءَهَا ٱلۡمَخَاضُ إِلَىٰ جِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ قَالَتۡ يَٰلَيۡتَنِي مِتُّ قَبۡلَ هَٰذَا وَكُنتُ نَسۡيٗا مَّنسِيّٗا
Open ayah 19:23“At ang sakit [na dala] ng kanyang panganganak ay naghatid sa kanya sa isang puno ng datiles. Siya ay nagsabi [habang nanganganak]: 'Sana ako ay namatay na bago pa man [dumating ang pangyayaring] ito at ako ay nabaon na sa limot.”
فَنَادَىٰهَا مِن تَحۡتِهَآ أَلَّا تَحۡزَنِي قَدۡ جَعَلَ رَبُّكِ تَحۡتَكِ سَرِيّٗا
Open ayah 19:24Kaya, siya [si Maria] ay tinawag niya mula sa ibaba ng kanyang [paanan], [at nagsabing]: “Huwag kang malungkot! Sa katunayan, ang iyong Panginoon ay gumawa ng isang umaagos na bukal [ng tubig] sa [bahaging] ibaba [ng iyong paanan];
وَهُزِّيٓ إِلَيۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَٰقِطۡ عَلَيۡكِ رُطَبٗا جَنِيّٗا
Open ayah 19:25“At yugyugin mo ang puno ng datiles na nasa iyong harapan, ihuhulog nito sa iyo ang hinog na sariwang bungang-datiles.”
فَكُلِي وَٱشۡرَبِي وَقَرِّي عَيۡنٗاۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ ٱلۡبَشَرِ أَحَدٗا فَقُولِيٓ إِنِّي نَذَرۡتُ لِلرَّحۡمَٰنِ صَوۡمٗا فَلَنۡ أُكَلِّمَ ٱلۡيَوۡمَ إِنسِيّٗا
Open ayah 19:26“Kaya, ikaw ay kumain at uminom at masiyahan, at kung ikaw ay makakita ng sinumang tao, [ito ang iyong] sabihin: “Katotohanan, ako ay nagpanata ng isang pag-aayuno [bilang pagsunod] sa Mahabagin [Allah] kaya ako ay hindi makikipag-usap sa sinumang tao sa araw na ito.”
فَأَتَتۡ بِهِۦ قَوۡمَهَا تَحۡمِلُهُۥۖ قَالُواْ يَٰمَرۡيَمُ لَقَدۡ جِئۡتِ شَيۡـٔٗا فَرِيّٗا
Open ayah 19:27Kaya, kanyang dala-dalang iniuwi ito [ang sanggol na si Hesus] sa kanyang mga mamamayan. Sila [mga tao] ay nagsabi: “O Maria! Tunay nga na ikaw ay nagdala ng isang bagay na nakapanghihilakbot.
يَٰٓأُخۡتَ هَٰرُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ ٱمۡرَأَ سَوۡءٖ وَمَا كَانَتۡ أُمُّكِ بَغِيّٗا
Open ayah 19:28“O kapatid na babae ni Aaron. Ang iyong ama ay hindi masamang tao at ang iyong ina ay hindi isang marumi [o walang dangal].’
فَأَشَارَتۡ إِلَيۡهِۖ قَالُواْ كَيۡفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِي ٱلۡمَهۡدِ صَبِيّٗا
Open ayah 19:29Nguni’t, [sa halip na magpaliwanag ay] kanyang itinuro siya [ang sanggol]. Sila ay nagsabi [kay Maria]: “Paano kami makikipag-usap sa isang batang musmos na nasa duyan?”
قَالَ إِنِّي عَبۡدُ ٱللَّهِ ءَاتَىٰنِيَ ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلَنِي نَبِيّٗا
Open ayah 19:30Siya [ang sanggol na si Hesus] ay nagsabi: Katotohanan, ako ay alipin ng Allah, Kanyang ipinagkaloob sa akin ang [banal na] Kasulatan at ako ay Kanyang ginawang isang Propeta;’
وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيۡنَ مَا كُنتُ وَأَوۡصَٰنِي بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ مَا دُمۡتُ حَيّٗا
Open ayah 19:31At ako ay Kanyang pinagpala saan man ako naroroon, at itinagubilin sa akin ang pagdarasal, at kawanggawa, habang ako ay nabubuhay.”
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَتِي وَلَمۡ يَجۡعَلۡنِي جَبَّارٗا شَقِيّٗا
Open ayah 19:32‘At [ako ay ginawang] masunurin sa aking ina at ako ay hindi Niya ginawang malupit, hindi lapastangan.
وَٱلسَّلَٰمُ عَلَيَّ يَوۡمَ وُلِدتُّ وَيَوۡمَ أَمُوتُ وَيَوۡمَ أُبۡعَثُ حَيّٗا
Open ayah 19:33“At ang kapayapaan ay mapasaakin sa araw na ako ay ipinanganak. At sa araw na ako ay mamamatay at sa araw na ako ay muling bubuhayin.”
ذَٰلِكَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ قَوۡلَ ٱلۡحَقِّ ٱلَّذِي فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Open ayah 19:34Iyan si Issa [Hesus], anak na lalaki ni Maria. [Ito ay] isang salita ng katotohanan na kanilang pinag-aalinlanganan.
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٖۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Open ayah 19:35Hindi [naangkop] sa [Kadakilaan ng] Allah na Siya ay magkaroon ng anak na lalaki. Luwalhati sa Kanya. Kapag Kanyang itakda ang isang pangyayari, Siya ay magsasabi lamang dito na: ‘‘Maging,’’ kaya mangyayari nga.
وَإِنَّ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Open ayah 19:36[Si Hesus ay nagsabi]: “At katotohanan, ang Allah ay aking Panginoon at inyong Panginoon. Kaya Siya ay inyong sambahin [tanging Siya lamang]. Ito ang matuwid na landas."
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن مَّشۡهَدِ يَوۡمٍ عَظِيمٍ
Open ayah 19:37Nguni’t, nagkaiba-iba ang mga magkakaanib [na sekta hinggil kay Hesus] mula sa kanilang pagitan. Kaya, kasawian sa mga di-naniwala mula sa tagpo ng isang mahalagang Araw.
أَسۡمِعۡ بِهِمۡ وَأَبۡصِرۡ يَوۡمَ يَأۡتُونَنَا لَٰكِنِ ٱلظَّٰلِمُونَ ٱلۡيَوۡمَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Open ayah 19:38Kanilang [malinaw na] maririnig at matutunghayan ang Araw na sila ay darating sa Aming [harapan]. Subali’t ang mga mapaggawa ng kamalian sa Araw na ito ay nasa hayag na pagkaligaw.
وَأَنذِرۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡحَسۡرَةِ إِذۡ قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ وَهُمۡ فِي غَفۡلَةٖ وَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 19:39At magbabala sa kanila [O Muhammad] ng Araw ng Panlulumo, kapag ang pangyayari [o katayuan ng bawa't isa] ay hahatulan na, [nguni’t sa kabila nito] sila ay nasa kapabayaan, at sila ay hindi naniniwala.
إِنَّا نَحۡنُ نَرِثُ ٱلۡأَرۡضَ وَمَنۡ عَلَيۡهَا وَإِلَيۡنَا يُرۡجَعُونَ
Open ayah 19:40Katotohanan, Kami ang magmamana sa kalupaan at sa sinumang naroroon. At sa Amin, sila ay ibabalik.
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِبۡرَٰهِيمَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقٗا نَّبِيًّا
Open ayah 19:41At banggitin sa Aklat [ang kasaysayan ni] Abraham, katotohanan siya ay makatotohanan [at] isang Propeta.
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ يَٰٓأَبَتِ لِمَ تَعۡبُدُ مَا لَا يَسۡمَعُ وَلَا يُبۡصِرُ وَلَا يُغۡنِي عَنكَ شَيۡـٔٗا
Open ayah 19:42[Banggitin mo] nang kanyang sabihin sa kanyang ama: “O aking ama! Bakit mo sinasamba ang anumang [rebultong nililok lamang ng iyong mga kamay na] hindi nakaririnig, ni nakakikita at hindi makatutulong sa iyo sa anupaman?
يَٰٓأَبَتِ إِنِّي قَدۡ جَآءَنِي مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَمۡ يَأۡتِكَ فَٱتَّبِعۡنِيٓ أَهۡدِكَ صِرَٰطٗا سَوِيّٗا
Open ayah 19:43“O aking ama, katotohanan, may dumating na kaalaman sa akin na hindi dumating sa iyo. Kaya ako ay iyong sundin, ako ay papatnubay sa iyo sa patag [o maayos] na landas.
يَٰٓأَبَتِ لَا تَعۡبُدِ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ عَصِيّٗا
Open ayah 19:44“O aking ama, huwag mong sambahin [at sundin] ang satanas. Katotohanan ang satanas ay lagi nang palasuway sa Mahabagin, [ang Allah].
يَٰٓأَبَتِ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يَمَسَّكَ عَذَابٞ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّيۡطَٰنِ وَلِيّٗا
Open ayah 19:45“O aking ama, katotohanan, aking pinangangambahan na may parusang sasaling sa iyo mula sa Mahabagin [Allah] sa gayon ikaw ay magiging kasamahan ng satanas [sa Impiyerno].”
قَالَ أَرَاغِبٌ أَنتَ عَنۡ ءَالِهَتِي يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ لَأَرۡجُمَنَّكَۖ وَٱهۡجُرۡنِي مَلِيّٗا
Open ayah 19:46Siya [ang ama] ay nagsabi: “Ikaw ba ay walang pagkilala sa aking mga diyos, O Abraham? Kapag ikaw ay hindi nagtigil [sa panunuligsa sa akin], katiyakan na ikaw ay aking pagbababatuhin. Kaya ako ay iyong lisanin nang mahabang panahon.”
قَالَ سَلَٰمٌ عَلَيۡكَۖ سَأَسۡتَغۡفِرُ لَكَ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ كَانَ بِي حَفِيّٗا
Open ayah 19:47Siya [si Abraham] ay nagsabi: “Kapayapaan ay sumaiyo! Ako ay hihingi ng kapatawaran sa aking Panginoon para sa iyo. Katotohanan, Siya ay Lagi nang Nalulugod sa akin.
وَأَعۡتَزِلُكُمۡ وَمَا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَأَدۡعُواْ رَبِّي عَسَىٰٓ أَلَّآ أَكُونَ بِدُعَآءِ رَبِّي شَقِيّٗا
Open ayah 19:48“At ako ay lilisan sa inyo at sa anumang inyong dinadalanginan [sinasamba] bukod sa Allah. At ako ay mananalangin sa aking Panginoon; ako ay umaasa na ako ay hindi mabibigo sa aking pagdalangin sa aking Panginoon.”
فَلَمَّا ٱعۡتَزَلَهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَۖ وَكُلّٗا جَعَلۡنَا نَبِيّٗا
Open ayah 19:49Kaya nang sila ay kanyang lisanin at ang anumang kanilang sinasamba bukod sa Allah, Kami ay naggawad sa kanya [kay Abraham ng mga anak na] sina Isaak at Hakob, at bawa’t isa sa kanila ay Aming ginawang isang Propeta.
وَوَهَبۡنَا لَهُم مِّن رَّحۡمَتِنَا وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ لِسَانَ صِدۡقٍ عَلِيّٗا
Open ayah 19:50At Kami ay naggawad para sa kanila ng Aming habag, at Aming ginawa para sa kanilang mga dila ang magandang [antas ng] papuri [o dangal].
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مُوسَىٰٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ مُخۡلَصٗا وَكَانَ رَسُولٗا نَّبِيّٗا
Open ayah 19:51At banggitin sa Aklat, si Moises. Katotohanan, siya ay isang pinili at siya ay isang Sugo [at] isang Propeta.
وَنَٰدَيۡنَٰهُ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ ٱلۡأَيۡمَنِ وَقَرَّبۡنَٰهُ نَجِيّٗا
Open ayah 19:52At Kami ay nanawagan sa kanya mula sa gilid ng [bundok ng] Tur, sa kanyang [dakong] kanan. At [siya ay] dinalang malapit sa Amin [para sa] isang pakikipag-usap [sa kanya].
وَوَهَبۡنَا لَهُۥ مِن رَّحۡمَتِنَآ أَخَاهُ هَٰرُونَ نَبِيّٗا
Open ayah 19:53At Aming iginawad sa kanya mula sa Aming habag ang kanyang kapatid na si Aaron, [bilang] isang Propeta.
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِسۡمَٰعِيلَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صَادِقَ ٱلۡوَعۡدِ وَكَانَ رَسُولٗا نَّبِيّٗا
Open ayah 19:54At banggitin sa Aklat, si Ismael. Katotohanan siya ay tapat sa kanyang pangako, at siya ay isang Sugo [at] isang Propeta.
وَكَانَ يَأۡمُرُ أَهۡلَهُۥ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ وَكَانَ عِندَ رَبِّهِۦ مَرۡضِيّٗا
Open ayah 19:55At kanyang palagiang ipinag-uutos sa kanyang pamilya ang pagdarasal at kawanggawa, at siya ay kalugud-lugod sa kanyang Panginoon.
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِدۡرِيسَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقٗا نَّبِيّٗا
Open ayah 19:56At banggitin sa Aklat, si Idris [Enok]. Katotohanan, siya ay isang makatotohanan, [at] isang Propeta.
وَرَفَعۡنَٰهُ مَكَانًا عَلِيًّا
Open ayah 19:57At siya ay Aming itinaas sa isang mataas na kalagayan.
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِن ذُرِّيَّةِ ءَادَمَ وَمِمَّنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحٖ وَمِن ذُرِّيَّةِ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡرَٰٓءِيلَ وَمِمَّنۡ هَدَيۡنَا وَٱجۡتَبَيۡنَآۚ إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُ ٱلرَّحۡمَٰنِ خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَبُكِيّٗا۩
Open ayah 19:58Sila yaong mga pinagpala ng Allah mula sa mga propetang nagmula sa supling ni Adan, at mula sa [supling ng] sinumang Aming isinakay kasama ni Noah. At mula sa supling nina Abraham at Israel [Hakob] at mula sa Aming mga pinatnubayan at sa Aming pinili. Kapag binibigkas sa kanila ang mga ayaat [o kapahayagan] ng Mahabagin, sila ay napapasubsob sa pagpapatirapa nang lumuluha.
۞فَخَلَفَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ خَلۡفٌ أَضَاعُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّبَعُواْ ٱلشَّهَوَٰتِۖ فَسَوۡفَ يَلۡقَوۡنَ غَيًّا
Open ayah 19:59Subali't may dumating pagkaraan nila ng mga kasunod [na henerasyon] na nagpabaya sa pagdarasal at kanilang sinunod ang mga masisidhing hangarin. Kaya, kanilang makahaharap ang kasamaan [o isang lambak sa Impiyerno].
إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا
Open ayah 19:60Maliban sa sinumang nagsisi at naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila yaong mga makapapasok sa Paraiso at sila ay hindi gagawan ng kamalian kahit anupaman.
جَنَّٰتِ عَدۡنٍ ٱلَّتِي وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ عِبَادَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّهُۥ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَأۡتِيّٗا
Open ayah 19:61[Naroon ang] mga paraisong Eden na ipinangako ng Mahabagin sa Kanyang mga alipin sa Ghaib [di-nakikitang bahagi]: Katotohanan ang Kanyang pangako ay laging dumarating.
لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوًا إِلَّا سَلَٰمٗاۖ وَلَهُمۡ رِزۡقُهُمۡ فِيهَا بُكۡرَةٗ وَعَشِيّٗا
Open ayah 19:62Sila ay hindi makaririnig doon ng salita maliban sa [pagbati ng] kapayapaan. At para sa kanila roon ay [mabubuting] panustos, sa umaga at sa hapon.
تِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِي نُورِثُ مِنۡ عِبَادِنَا مَن كَانَ تَقِيّٗا
Open ayah 19:63Ito ang Paraiso na Aming ipamamana sa Aming mga [mabubuting] alipin na lagi nang natatakot [sa Amin].
وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمۡرِ رَبِّكَۖ لَهُۥ مَا بَيۡنَ أَيۡدِينَا وَمَا خَلۡفَنَا وَمَا بَيۡنَ ذَٰلِكَۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيّٗا
Open ayah 19:64At kami [mga anghel] ay hindi bumababa maliban sa kautusan ng iyong Panginoon. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng anumang nasa aming harapan at ng anumang nasa aming likuran at ng anumang nasa pagitan niyan; at kailanman ang iyong Panginoon ay hindi nakalilimot.
رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا فَٱعۡبُدۡهُ وَٱصۡطَبِرۡ لِعِبَٰدَتِهِۦۚ هَلۡ تَعۡلَمُ لَهُۥ سَمِيّٗا
Open ayah 19:65[Siya] ang Panginoon ng mga kalangitan at ng kalupaan at ng anumang nasa pagitan nilang dalawa. Kaya sambahin Siya at maging matiisin sa pagsamba sa Kanya. Mayroon ka bang nalalaman na Kanyang nakakatulad?
وَيَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَءِذَا مَا مِتُّ لَسَوۡفَ أُخۡرَجُ حَيًّا
Open ayah 19:66At ang isang tao [na di-naniniwala] ay magsasabi: “Kapag ako ay namatay, ako ba, kung gayon ay ilalabas nang buhay [sa libingan]?”
أَوَلَا يَذۡكُرُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ يَكُ شَيۡـٔٗا
Open ayah 19:67Hindi nga kaya naaalala ng tao na siya ay Aming nilikha noon, nang siya [sa panahong iyon] ay walang anupamang bagay?
فَوَرَبِّكَ لَنَحۡشُرَنَّهُمۡ وَٱلشَّيَٰطِينَ ثُمَّ لَنُحۡضِرَنَّهُمۡ حَوۡلَ جَهَنَّمَ جِثِيّٗا
Open ayah 19:68Kaya, [Ako bilang] iyong Panginoon ay sumusumpa na sila ay Aming titipunin at ang mga demonyo. Pagkaraan, sila ay Aming dadalhin [nang sapilitan] sa paligid ng Impiyerno nang nakaluhod.
ثُمَّ لَنَنزِعَنَّ مِن كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمۡ أَشَدُّ عَلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ عِتِيّٗا
Open ayah 19:69Pagkaraan, katiyakang Aming kakaladkarin mula sa lahat ng sekta ang mga pinakamasasama sa paghihimagsik laban sa Mahabagin [Allah].
ثُمَّ لَنَحۡنُ أَعۡلَمُ بِٱلَّذِينَ هُمۡ أَوۡلَىٰ بِهَا صِلِيّٗا
Open ayah 19:70Pagkaraan, katiyakang Aming nababatid yaong mga higit na karapat- dapat sunugin doon [sa Apoy ng Impiyerno].
وَإِن مِّنكُمۡ إِلَّا وَارِدُهَاۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتۡمٗا مَّقۡضِيّٗا
Open ayah 19:71At walang isa man sa inyo maliban na siya ay magdaraan sa ibabaw nito [ng Impiyerno]: ito ay nasa iyong Panginoon; isang itinakdang [pangyayari na] nararapat maganap.
ثُمَّ نُنَجِّي ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْ وَّنَذَرُ ٱلظَّٰلِمِينَ فِيهَا جِثِيّٗا
Open ayah 19:72Pagkaraan, Aming ililigtas [mula sa pagtawid ng Sirat] yaong mga natatakot [sa Amin]. At Aming hahayaan ang mga mapaggawa ng kamalian doon na naglulumuhod.
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَيُّ ٱلۡفَرِيقَيۡنِ خَيۡرٞ مَّقَامٗا وَأَحۡسَنُ نَدِيّٗا
Open ayah 19:73At kapag ang Aming ayaat [o kapahayagan] ay binibigkas sa kanila bilang malinaw na katibayan, yaong mga di-naniniwala ay nagsasabi sa mga naniniwala: “Alin sa dalawang pangkat [naniniwala at di-naniniwala] ang nakahihigit sa katayuan at nakahihigit sa lipon [ng samahan]?”
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَحۡسَنُ أَثَٰثٗا وَرِءۡيٗا
Open ayah 19:74At ilang bilang na bang henerasyon ang Aming winasak na nauna sa kanila, sila ay nakahihigit sa yaman at kagamitan at sa bikas [panlabas na anyo]?
قُلۡ مَن كَانَ فِي ٱلضَّلَٰلَةِ فَلۡيَمۡدُدۡ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَدًّاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ إِمَّا ٱلۡعَذَابَ وَإِمَّا ٱلسَّاعَةَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضۡعَفُ جُندٗا
Open ayah 19:75Sabihin: Sinuman ang nasa kamalian ay patatagalin ng Mahabagin [Allah] para sa kanya ang isang matagal [na palugit na panahon] hanggang kapag kanilang makita ang anumang ipinangako sa kanila - maging ito man ay parusa [sa mundo] o ang Oras [ng Paghuhukom], at [sa gayon ay] kanilang mapag-aalaman kung sino ang pinakamasama sa katayuan at ang higit na mahina sa mga kawal.
وَيَزِيدُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱهۡتَدَوۡاْ هُدٗىۗ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٞ مَّرَدًّا
Open ayah 19:76At yaong mga napatnubayan ay dinaragdagan ng Allah sa patnubay at ang mga mabubuting gawaing nagtatagal ay nakahihigit sa iyong Panginoon sa [paggawad ng] gantimpala at higit na [mainam na] pagtuunan.
أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي كَفَرَ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالٗا وَوَلَدًا
Open ayah 19:77Kaya, nakita mo ba siya na di-naniwala sa Aming mga ayaat [o kapahayagan] at nagsabing: “Katiyakan na ako ay pagkakalooban ng yaman at ng mga anak [sa kabilang buhay]”
أَطَّلَعَ ٱلۡغَيۡبَ أَمِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Open ayah 19:78Nababatid ba niya ang [lihim ng] Ghaib [o ang bahaging di-nakikita] o siya ba ay nakakuha ng pangako [o kasunduan] sa [Diyos na] Mahabagin?
كَلَّاۚ سَنَكۡتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُۥ مِنَ ٱلۡعَذَابِ مَدّٗا
Open ayah 19:79Gayunpaman, Aming itatala ang anumang kanyang sinasabi, at Aming palalawigin para sa kanya ang parusa nang higit pang malawig;
وَنَرِثُهُۥ مَا يَقُولُ وَيَأۡتِينَا فَرۡدٗا
Open ayah 19:80At Aming mamanahin [kukuhaning muli] sa kanya ang anumang kanyang mga sinasabi [yaman at mga anak sa mundo]. At siya ay darating sa Amin [sa Huling Araw] nang nag-iisa.
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لِّيَكُونُواْ لَهُمۡ عِزّٗا
Open ayah 19:81At sila ay nagturing bukod sa Allah ng mga [huwad na] diyos upang sila [mga diyus-diyusan] ay maging karangalan para sa kanila.
كَلَّاۚ سَيَكۡفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمۡ وَيَكُونُونَ عَلَيۡهِمۡ ضِدًّا
Open ayah 19:82Subali’t, sila [mga diyus-diyusan] ay magtatakwil sa kanilang [ginawang] pagsamba [sa kanila], at sila ay kanilang magiging katunggali [o kalaban sa Araw ng Paghuhukom].
أَلَمۡ تَرَ أَنَّآ أَرۡسَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ تَؤُزُّهُمۡ أَزّٗا
Open ayah 19:83Hindi mo ba nakita na Aming ipinadala ang mga demonyo sa mga di- naniniwala upang sila ay udyukin sa [kasamaan at palagiang] pag-udyok.
فَلَا تَعۡجَلۡ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمۡ عَدّٗا
Open ayah 19:84Kaya huwag kang magmadali sa kanila; Kami ay nagbibilang lamang para sa kanila ng isang [takdang] bilang [ng araw ng kanilang buhay].
يَوۡمَ نَحۡشُرُ ٱلۡمُتَّقِينَ إِلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ وَفۡدٗا
Open ayah 19:85Sa Araw na Aming titipunin ang mga natatakot patungo sa Mahabagin [Allah], bilang isang [pinarangalang] kinatawan.
وَنَسُوقُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرۡدٗا
Open ayah 19:86At Aming itataboy ang mga mapaggawa ng kabuktutan sa Impiyerno, nang uhaw na uhaw [tulad ng uhaw na hayop sa tubigan].
لَّا يَمۡلِكُونَ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَنِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Open ayah 19:87Walang sinuman ang may kapangyarihang mamagitan [para pakiusapan Siya], maliban sa isang nakakuha ng isang kasunduan sa Mahabagin [Allah].
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗا
Open ayah 19:88At kanilang sinabi: “Ang Mahabagin [Allah] ay nagkaroon ng isang anak [na lalaki].
لَّقَدۡ جِئۡتُمۡ شَيۡـًٔا إِدّٗا
Open ayah 19:89Katiyakan, kayo ay nakagawa [nakapagsabi] ng isang bagay na kakila- kilabot.
تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِنۡهُ وَتَنشَقُّ ٱلۡأَرۡضُ وَتَخِرُّ ٱلۡجِبَالُ هَدًّا
Open ayah 19:90Ang mga kalangitan ay halos magkalansag-lansag mula rito [sa salitang ito], ang lupa ay magkabiyak-biyak at ang mga bundok ay gumuho sa matinding pagkawasak.
أَن دَعَوۡاْ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٗا
Open ayah 19:91[Sapagka't] kanilang iniakibat sa Mahabagin [Allah] ang isang anak [na lalaki].
وَمَا يَنۢبَغِي لِلرَّحۡمَٰنِ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا
Open ayah 19:92At hindi [naaangkop] para sa [Kadakilaan ng] Mahabagin [Allah] na Siya ay magkaroon ng isang anak [na lalaki].
إِن كُلُّ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّآ ءَاتِي ٱلرَّحۡمَٰنِ عَبۡدٗا
Open ayah 19:93Walang sinumang nasa mga kalangitan at kalupaan maliban na siya ay darating sa [harap ng] Mahabagin [Allah] bilang isang alipin.
لَّقَدۡ أَحۡصَىٰهُمۡ وَعَدَّهُمۡ عَدّٗا
Open ayah 19:94Katiyakan, Kanyang inisa-isa ang mga ito at binilang ang mga ito nang [lubusang] pagbilang.
وَكُلُّهُمۡ ءَاتِيهِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَرۡدًا
Open ayah 19:95At bawa’t isa sa kanila ay darating sa Kanya sa Araw ng Pagkabuhay na Muli nang nag-iisa.
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَيَجۡعَلُ لَهُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وُدّٗا
Open ayah 19:96Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, ang Mahabagin ay maggagawad para sa kanila ng pagmamahal.
فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ ٱلۡمُتَّقِينَ وَتُنذِرَ بِهِۦ قَوۡمٗا لُّدّٗا
Open ayah 19:97Kaya, Aming ginawang madali ito [ang Qur’an] para sa iyong dila [sa wikang Arabe], upang maibigay mo [O Muhammad] sa pamamagitan nito ang magandang balita para sa mga natatakot [sa Allah], at mabigyan mo ng babala sa pamamagitan nito ang isang mamamayang mapupusok.
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هَلۡ تُحِسُّ مِنۡهُم مِّنۡ أَحَدٍ أَوۡ تَسۡمَعُ لَهُمۡ رِكۡزَۢا
Open ayah 19:98At ilan na bang henerasyong nauna sa kanila ang Aming winasak? Mayroon ka pa bang isang matatagpuang kabilang sa kanila, o ikaw ba ay nakaririnig pa sa kanila ng isang ingay?