طه
Taa-Haa
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Ta, Ha.
مَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لِتَشۡقَىٰٓ
Open ayah 20:2Hindi Namin ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad] ang Qur’an upang ikaw ay mabagabag.
إِلَّا تَذۡكِرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰ
Open ayah 20:3Maliban bilang isang paalaala para sa sinumang natatakot [sa Allah] -
تَنزِيلٗا مِّمَّنۡ خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ وَٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلۡعُلَى
Open ayah 20:4Isang kapahayagang nagmula sa Kanya na lumikha sa kalupaan at sa mga kalangitang nagtataasan [sa isa’t isa],
ٱلرَّحۡمَٰنُ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ ٱسۡتَوَىٰ
Open ayah 20:5Ang Mahabagin [na] pumaitaas sa Kanyang [marangal na] Trono,
لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَمَا تَحۡتَ ٱلثَّرَىٰ
Open ayah 20:6Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at ng anumang nasa kalupaan at ng anumang nasa pagitan nilang dalawa at ng anumang nasa ilalim ng lupa.
وَإِن تَجۡهَرۡ بِٱلۡقَوۡلِ فَإِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ وَأَخۡفَى
Open ayah 20:7At kung ikaw ay magsalita nang malakas, katotohanan, Lubos Niyang Nababatid ang lihim at ang [anumang higit pang] nakakubli.
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ
Open ayah 20:8Allah - walang ibang diyos maliban sa Kanya. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] mga pinakamagagandang Pangalan.
وَهَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ
Open ayah 20:9At nakarating na ba sa iyo ang kasaysayan ni Moises? –
إِذۡ رَءَا نَارٗا فَقَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِقَبَسٍ أَوۡ أَجِدُ عَلَى ٱلنَّارِ هُدٗى
Open ayah 20:10Nang siya ay makakita ng apoy, at kanyang sinabi sa kanyang mag- anak: “Manatili kayo [rito]! Katotohanang ako ay nakakita ng apoy, baka sakaling ako ay makapagdala sa inyo mula roon ng isang sulo [o tanglaw] o [aking] matagpuan sa apoy ang patnubay.”
فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ يَٰمُوسَىٰٓ
Open ayah 20:11Kaya, nang siya ay makalapit dito [sa apoy], siya ay tinawag: “O Moises!”
إِنِّيٓ أَنَا۠ رَبُّكَ فَٱخۡلَعۡ نَعۡلَيۡكَ إِنَّكَ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوٗى
Open ayah 20:12Katotohanan, Ako ang iyong Panginoon. Kaya, hubarin mo ang iyong sandalyas; katotohanan ikaw ay nasa banal na lambak ng Tuwa.
وَأَنَا ٱخۡتَرۡتُكَ فَٱسۡتَمِعۡ لِمَا يُوحَىٰٓ
Open ayah 20:13“At ikaw [O Moises] ay Aking pinili, kaya, ikaw ay makinig sa anumang ipahahayag [Ko sa iyo].
إِنَّنِيٓ أَنَا ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدۡنِي وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِذِكۡرِيٓ
Open ayah 20:14Katotohanan, Ako ang Allah; walang ibang diyos maliban sa Akin. Kaya, Ako ay sambahin mo [tanging Ako] at magsagawa ka ng pagdarasal bilang pag-alaala sa Akin.
إِنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٌ أَكَادُ أُخۡفِيهَا لِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا تَسۡعَىٰ
Open ayah 20:15“Katotohanan, ang [takdang] Oras ay darating - halos Aking itago ito upang ang bawa’t tao ay mabayaran nang ayon sa anumang kanilang pagsisikap.
فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنۡهَا مَن لَّا يُؤۡمِنُ بِهَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ فَتَرۡدَىٰ
Open ayah 20:16Kaya, huwag mong hayaan na ikaw ay mahadlangan mula rito ng sinumang hindi naniniwala nito at sumusunod sa kanyang [sariling] pagnanasa, sapagka’t [magkagayon] maaaring ikaw ay mapariwara.
وَمَا تِلۡكَ بِيَمِينِكَ يَٰمُوسَىٰ
Open ayah 20:17“At ano iyang nasa kanang kamay mo, O Moises?”
قَالَ هِيَ عَصَايَ أَتَوَكَّؤُاْ عَلَيۡهَا وَأَهُشُّ بِهَا عَلَىٰ غَنَمِي وَلِيَ فِيهَا مَـَٔارِبُ أُخۡرَىٰ
Open ayah 20:18Siya ay sumagot: “Ito ay aking tungkod, aking hinihiligan ito, at aking [gamit sa] pagtigpas ng mga dahon para sa aking mga [pinapastulang] tupa at sa iba pang aking paggagamitan.
قَالَ أَلۡقِهَا يَٰمُوسَىٰ
Open ayah 20:19Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Ihagis mo iyan sa ibaba, O Moises!”
فَأَلۡقَىٰهَا فَإِذَا هِيَ حَيَّةٞ تَسۡعَىٰ
Open ayah 20:20Kaya, ito ay kanyang inihagis sa ibaba, at kapagdaka, ito ay ahas na mabilis na gumagalaw.
قَالَ خُذۡهَا وَلَا تَخَفۡۖ سَنُعِيدُهَا سِيرَتَهَا ٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 20:21Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Kunin mo [o sakmalin] ito at huwag kang matakot; ito ay Aming ibabalik muli sa dati nitong kalagayan [o anyo],
وَٱضۡمُمۡ يَدَكَ إِلَىٰ جَنَاحِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٍ ءَايَةً أُخۡرَىٰ
Open ayah 20:22At isuksok mo ang iyong kamay sa iyong tagiliran; ito ay lalabas na maputi na walang anumang [bahid ng] sakit - [bilang] isa pang ayaah [himala],
لِنُرِيَكَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا ٱلۡكُبۡرَى
Open ayah 20:23Upang Kami ay magpakita sa iyo ng Aming [iba pang] mga malalaking
ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ
Open ayah 20:24“Ikaw ay magtungo kay Paraon. Katotohanan, siya ay sumuway.”
قَالَ رَبِّ ٱشۡرَحۡ لِي صَدۡرِي
Open ayah 20:25Siya [si Moises] ay nagsabi: “O aking Panginoon, palubagin Mo po para sa akin ang aking dibdib [o bigyan Mo ako ng lakas ng loob],
وَيَسِّرۡ لِيٓ أَمۡرِي
Open ayah 20:26At gawin [Mo pong] magaan para sa akin ang gawain [iniatang Mo],
وَٱحۡلُلۡ عُقۡدَةٗ مِّن لِّسَانِي
Open ayah 20:27At kalagin Mo ang buhol sa aking dila [pawiin ang aking pagiging utal],
يَفۡقَهُواْ قَوۡلِي
Open ayah 20:28Upang kanilang maunawaan ang aking salita,
وَٱجۡعَل لِّي وَزِيرٗا مِّنۡ أَهۡلِي
Open ayah 20:29At gawin Mo [bilang alalay] para sa akin ang isang ministro mula sa aking pamilya,
هَٰرُونَ أَخِي
Open ayah 20:30[Italaga Mo po] si Aaron, na aking kapatid na lalaki,
ٱشۡدُدۡ بِهِۦٓ أَزۡرِي
Open ayah 20:31“Dagdagan [Mo po] ang aking lakas [katatagan] sa pamamagitan niya [ni Aaron],
وَأَشۡرِكۡهُ فِيٓ أَمۡرِي
Open ayah 20:32At hayaan siyang makibahagi sa aking gawain,
كَيۡ نُسَبِّحَكَ كَثِيرٗا
Open ayah 20:33Upang kami ay lumuwalhati sa Iyo nang palagian,
وَنَذۡكُرَكَ كَثِيرًا
Open ayah 20:34At kami ay makapagbigay ng pag-alaala sa Iyo nang palagian,
إِنَّكَ كُنتَ بِنَا بَصِيرٗا
Open ayah 20:35[Sapagka’t] katotohanan, Ikaw ay Lagi nang Nakakikita sa amin.”
قَالَ قَدۡ أُوتِيتَ سُؤۡلَكَ يَٰمُوسَىٰ
Open ayah 20:36Siya [ang Allah] ay nagsabi: “O Moises, ang iyong kahilingan ay ipinagkaloob sa iyo!”
وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَيۡكَ مَرَّةً أُخۡرَىٰٓ
Open ayah 20:37“At katiyakang Aming naipagkaloob na [noon pa man] sa ibang pagkakataon ang kagandahang-loob sa iyo.
إِذۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّكَ مَا يُوحَىٰٓ
Open ayah 20:38“Nang Kami ay nagbigay- inspirasyon sa iyong ina ng anumang Aming [naipagkaloob na] inspirasyon.”
أَنِ ٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلتَّابُوتِ فَٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ فَلۡيُلۡقِهِ ٱلۡيَمُّ بِٱلسَّاحِلِ يَأۡخُذۡهُ عَدُوّٞ لِّي وَعَدُوّٞ لَّهُۥۚ وَأَلۡقَيۡتُ عَلَيۡكَ مَحَبَّةٗ مِّنِّي وَلِتُصۡنَعَ عَلَىٰ عَيۡنِيٓ
Open ayah 20:39[Na nagsasabing]: “Ilagay mo siya [ang sanggol na si Moises] sa isang kuna, at ito ay iyong ipaanod sa ilog. At ang ilog ay magsasadsad sa kanya sa pampang. Doon, siya ay kukunin ng isang kaaway Ko at ng kaaway niya." At Aking iginawad sa iyo ang pagmamahal mula sa Akin, upang ikaw ay palakihin sa [ilalim ng] Aking paningin.
إِذۡ تَمۡشِيٓ أُخۡتُكَ فَتَقُولُ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ مَن يَكۡفُلُهُۥۖ فَرَجَعۡنَٰكَ إِلَىٰٓ أُمِّكَ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَۚ وَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا فَنَجَّيۡنَٰكَ مِنَ ٱلۡغَمِّ وَفَتَنَّٰكَ فُتُونٗاۚ فَلَبِثۡتَ سِنِينَ فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ ثُمَّ جِئۡتَ عَلَىٰ قَدَرٖ يَٰمُوسَىٰ
Open ayah 20:40[At ikaw ay Aming pinagpala] nang ang iyong kapatid na babae ay nagtungo [sa pamilya ni Paraon] at nagsabi: “Maaari ko bang ituro sa inyo ang isang mag-aalaga para sa kanya?” Kaya [sa gayong paraan] ikaw [O Moises] ay Aming naibalik sa iyong [tunay na] ina, upang siya ay maging panatag at hindi malumbay. At [nang] ikaw ay nakapatay ng isang tao, subali’t ikaw ay Aming iniligtas sa pagganti at ikaw ay Aming sinubukan ng [matinding] pagsubok. At ikaw ay nanirahan ng [maraming] taon sa mga mamamayan ng Madyan. Pagkaraan, ikaw ay dumating [rito] sa takdang oras, O Moises!
وَٱصۡطَنَعۡتُكَ لِنَفۡسِي
Open ayah 20:41At Ako ang pumili sa iyo para [maglingkod] sa Aking Sarili.
ٱذۡهَبۡ أَنتَ وَأَخُوكَ بِـَٔايَٰتِي وَلَا تَنِيَا فِي ذِكۡرِي
Open ayah 20:42Ikaw ay magtungong kasama ng iyong kapatid, dala ang Aking mga ayaat [babala o himala] at huwag kayong makalimot sa pag-aalaala sa Akin.
ٱذۡهَبَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ
Open ayah 20:43“Magtungo kayong dalawa kay Paraon. Katotohanan, siya ay sumuway.”
فَقُولَا لَهُۥ قَوۡلٗا لَّيِّنٗا لَّعَلَّهُۥ يَتَذَكَّرُ أَوۡ يَخۡشَىٰ
Open ayah 20:44Kaya, mangusap sa kanya ng mahinahong pananalita, upang sakali siya ay tumanggap ng paalaala at matakot [sa Akin].
قَالَا رَبَّنَآ إِنَّنَا نَخَافُ أَن يَفۡرُطَ عَلَيۡنَآ أَوۡ أَن يَطۡغَىٰ
Open ayah 20:45Sila [Moises at Aaron] ay nagsabi: “Aming Panginoon, katotohanang kami ay nangangamba na madaliin niya [ang parusa] laban sa amin at siya ay sumuway [sa aming kautusan].
قَالَ لَا تَخَافَآۖ إِنَّنِي مَعَكُمَآ أَسۡمَعُ وَأَرَىٰ
Open ayah 20:46[Ang Allah ay] nagsabi: “Huwag kayong matakot. Katotohanan, Ako ay nasa sa inyo, Ako ay nakaririnig, at Ako ay Nakakikita.”
فَأۡتِيَاهُ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَا تُعَذِّبۡهُمۡۖ قَدۡ جِئۡنَٰكَ بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكَۖ وَٱلسَّلَٰمُ عَلَىٰ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلۡهُدَىٰٓ
Open ayah 20:47Kaya, kayo ay magtungo sa kanya at magsabi: “Katotohanang kami ay mga sugo ng iyong Panginoon, kaya ipadala mo sa amin ang mga anak ni Israel, at huwag mo silang parusahan. Katiyakang kami ay dumating sa iyo na may dalang ayaat [babala] mula sa iyong Panginoon. At ang kapayapaan ay matatamo ng sinumang sumusunod sa patnubay!”
إِنَّا قَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡنَآ أَنَّ ٱلۡعَذَابَ عَلَىٰ مَن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ
Open ayah 20:48“Katotohanan, ipinahayag sa amin na ang parusa ay matatamo ng sinumang nagtatakwil at tumatalikod [sa patnubay].”
قَالَ فَمَن رَّبُّكُمَا يَٰمُوسَىٰ
Open ayah 20:49Siya [si Paraon] ay nagsabi: “Sino ba, O Moises ang Panginoon ninyong dalawa?”
قَالَ رَبُّنَا ٱلَّذِيٓ أَعۡطَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ خَلۡقَهُۥ ثُمَّ هَدَىٰ
Open ayah 20:50Siya [si Moises] ay nagsabi: “Ang aming Panginoon ay Siya na nagbigay ng hugis [o anyo] sa bawa’t bagay [at] pagkaraan [ito] ay pinatnubayan.”
قَالَ فَمَا بَالُ ٱلۡقُرُونِ ٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 20:51Siya [si Paraon] ay nagsabi: “Ano ang kahihinatnan ng mga naunang henerasyon?”
قَالَ عِلۡمُهَا عِندَ رَبِّي فِي كِتَٰبٖۖ لَّا يَضِلُّ رَبِّي وَلَا يَنسَى
Open ayah 20:52Siya [si Moises] ay nagsabi: “Ang gayong kaalaman ay nasa sa aking Panginoon sa isang Talaan. Ang aking Panginoon ay hindi kailanman nagkakamali at hindi nakalilimot,
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَسَلَكَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّن نَّبَاتٖ شَتَّىٰ
Open ayah 20:53[Siya] na gumawa ng kalupaan para sa inyo bilang isang higaang [nakalatag]; at doon ay inilagay para sa inyo ang mga daan at ibinaba mula sa langit, ang ulan.” At Aming pinatubo sa pamamagitan nito ang iba't ibang uri ng halaman.
كُلُواْ وَٱرۡعَوۡاْ أَنۡعَٰمَكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ
Open ayah 20:54Magsikain kayo at inyong pastulan ang inyong mga hayupan [mula roon]; katotohanang naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga [taong] taglay ang talino.
۞مِنۡهَا خَلَقۡنَٰكُمۡ وَفِيهَا نُعِيدُكُمۡ وَمِنۡهَا نُخۡرِجُكُمۡ تَارَةً أُخۡرَىٰ
Open ayah 20:55Mula rito [sa lupa], kayo ay Aming nilikha, at dito rin, kayo ay Aming ibabalik, at mula rito, kayo ay Aming ilalabas sa ibang [takdang] panahon.
وَلَقَدۡ أَرَيۡنَٰهُ ءَايَٰتِنَا كُلَّهَا فَكَذَّبَ وَأَبَىٰ
Open ayah 20:56At katiyakan Aming ipinakita sa kanya [kay Paraon] ang Aming mga
قَالَ أَجِئۡتَنَا لِتُخۡرِجَنَا مِنۡ أَرۡضِنَا بِسِحۡرِكَ يَٰمُوسَىٰ
Open ayah 20:57Siya ay nagsabi: “Ikaw ba ay naparito upang kami ay iyong itaboy sa labas ng aming lupain sa pamamagitan ng iyong salamangka, O Moises?”
فَلَنَأۡتِيَنَّكَ بِسِحۡرٖ مِّثۡلِهِۦ فَٱجۡعَلۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكَ مَوۡعِدٗا لَّا نُخۡلِفُهُۥ نَحۡنُ وَلَآ أَنتَ مَكَانٗا سُوٗى
Open ayah 20:58Kung gayon, katiyakang kami ay magdadala sa iyo ng salamangkang katulad niyon. Kaya ikaw ay magtakda ng [araw ng] pakikipagtipan sa pagitan namin at sa pagitan mo, upang hindi namin makaliligtaang tupdin at maging ikaw man - sa isang naitalagang pook.
قَالَ مَوۡعِدُكُمۡ يَوۡمُ ٱلزِّينَةِ وَأَن يُحۡشَرَ ٱلنَّاسُ ضُحٗى
Open ayah 20:59Siya [si Moises] ay nagsabi: “Ang inyong pakikipagtipan ay sa Araw ng Kasayahan, sa [sandaling] ang mga tao ay magsisitipon sa gitnang [oras ng] umaga.
فَتَوَلَّىٰ فِرۡعَوۡنُ فَجَمَعَ كَيۡدَهُۥ ثُمَّ أَتَىٰ
Open ayah 20:60Kaya si Paraon ay [sandaling] tumalikod; pinagtuunan ang kanyang balakin, pagkaraan ay muling nagbalik [kay Moises].
قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ وَيۡلَكُمۡ لَا تَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا فَيُسۡحِتَكُم بِعَذَابٖۖ وَقَدۡ خَابَ مَنِ ٱفۡتَرَىٰ
Open ayah 20:61Siya [si Moises] ay nagsabi sa kanila: “Kasawian sa inyo, huwag kayong maglubid [ng kasinungalingan] laban sa Allah, [baka] kayo ay Kanyang lipulin ng isang parusa. At katiyakan, sinuman ang naglulubid [ng kasinungalingan] ay nabibigo.”
فَتَنَٰزَعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّجۡوَىٰ
Open ayah 20:62At sila ay nagtalu-talo tungkol sa kanilang gawain, at kanilang inilihim ang kanilang sariling usapan.
قَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَٰنِ لَسَٰحِرَٰنِ يُرِيدَانِ أَن يُخۡرِجَاكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِمَا وَيَذۡهَبَا بِطَرِيقَتِكُمُ ٱلۡمُثۡلَىٰ
Open ayah 20:63Sila ay nagsabi [sa mga tao]: “Katotohanan, ang dalawang ito ay mga salamangkerong naghahangad na kayo ay itaboy palabas mula sa inyong lupain sa pamamagitan ng kanilang salamangka at [naghahangad ding] alisin sa inyo ang inyong nakagisnang relihiyon.”
فَأَجۡمِعُواْ كَيۡدَكُمۡ ثُمَّ ٱئۡتُواْ صَفّٗاۚ وَقَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡيَوۡمَ مَنِ ٱسۡتَعۡلَىٰ
Open ayah 20:64“Kaya inyong paghandaan ang inyong balakin, pagkaraan ay magsitipon kayo nang magkakahanay. At sinuman ang mangingibabaw sa araw na ito ay tunay na nagtagumpay.”
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَلۡقَىٰ
Open ayah 20:65[Nang dumating ang Araw ng Tunggalian], sila ay nagsabi: “O Moises, ikaw ba ang maghahahagis o kami ang mauunang maghagis?”
قَالَ بَلۡ أَلۡقُواْۖ فَإِذَا حِبَالُهُمۡ وَعِصِيُّهُمۡ يُخَيَّلُ إِلَيۡهِ مِن سِحۡرِهِمۡ أَنَّهَا تَسۡعَىٰ
Open ayah 20:66Siya [si Moises] ay nagsabi: “Hindi, bagkus, kayo ang [maunang] maghagis” At kapagdaka, ang kanilang mga lubid at tungkod ay tumambad sa kanya [kay Moises] na animo’y gumagalaw [tulad ng mga ahas] mula sa kanilang salamangka.
فَأَوۡجَسَ فِي نَفۡسِهِۦ خِيفَةٗ مُّوسَىٰ
Open ayah 20:67Si Moises ay nakaramdam sa kanyang sarili ng pagkatakot.
قُلۡنَا لَا تَخَفۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡأَعۡلَىٰ
Open ayah 20:68Kami [ang Allah] ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Katotohanang ikaw [O Moises] ang mangingibabaw [o magwawagi].
وَأَلۡقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلۡقَفۡ مَا صَنَعُوٓاْۖ إِنَّمَا صَنَعُواْ كَيۡدُ سَٰحِرٖۖ وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيۡثُ أَتَىٰ
Open ayah 20:69At ihagis mo ang anumang nasa iyong kanang kamay! Lululunin nito ang anumang kanilang ginawang pandaraya. At kanilang pandaraya ay isa lamang panlilinlang ng isang salamangkero, at ang salamangkero ay hindi kailanman magtatagumpay, saan man ang kanyang naabot.”
فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سُجَّدٗا قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ هَٰرُونَ وَمُوسَىٰ
Open ayah 20:70Kaya ang mga salamangkero ay nangayupapa sa pagpapatirapa. Sila ay nagsabi: “Kami ay naniniwala sa Panginoon nina Aaron at Moises.”
قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ فِي جُذُوعِ ٱلنَّخۡلِ وَلَتَعۡلَمُنَّ أَيُّنَآ أَشَدُّ عَذَابٗا وَأَبۡقَىٰ
Open ayah 20:71Siya [si Paraon] ay nagsabi: “Kayo ba ay naniwala sa kanya [kay Moises] bago pa man ako magbigay sa inyo ng pahintulot? Katotohanan, siya [si Moises] ang inyong pinuno na nagturo sa inyo ng salamangka. Kaya, katiyakang puputulin ko ang inyong mga kamay at paa nang magkabilaan at kayo ay aking ipapako sa puno ng mga datiles, at katiyakang inyong mapag-aalaman kung sino sa amin [ako o ang Panginoon ni Moises] ang higit na matindi [sa pagpataw] at nagtatagal na parusa.”
قَالُواْ لَن نُّؤۡثِرَكَ عَلَىٰ مَا جَآءَنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلَّذِي فَطَرَنَاۖ فَٱقۡضِ مَآ أَنتَ قَاضٍۖ إِنَّمَا تَقۡضِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَآ
Open ayah 20:72Sila ay nagsabi: “Kailanman, ikaw [Paraon] ay hindi namin itatangi nang higit sa anumang dumating na malilinaw na katibayan sa amin at [higit] sa Kanya na Siyang lumikha sa amin. Kaya itakda mo ang anumang nais mong itakda [para sa amin], sapagka’t ikaw ay makapagtatakda lamang para rito sa makamundong buhay.
إِنَّآ ءَامَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغۡفِرَ لَنَا خَطَٰيَٰنَا وَمَآ أَكۡرَهۡتَنَا عَلَيۡهِ مِنَ ٱلسِّحۡرِۗ وَٱللَّهُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ
Open ayah 20:73Katotohanan, kami ay naniwala sa aming Panginoon upang kami ay Kanyang patawarin sa aming mga pagkakasala, at sa anumang salamangkang pilit mong ipinagawa sa amin. At ang Allah ay nakahihigit [sa gantimpala] at nananatiling [walang kupas].
إِنَّهُۥ مَن يَأۡتِ رَبَّهُۥ مُجۡرِمٗا فَإِنَّ لَهُۥ جَهَنَّمَ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Open ayah 20:74Katotohanan, sinumang dumating sa kanyang Panginoon bilang isang mapaggawa ng kamalian, katiyakang para sa kanya ay Impiyerno.Doon, siya ay hindi mamamatay ni mabubuhay.
وَمَن يَأۡتِهِۦ مُؤۡمِنٗا قَدۡ عَمِلَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلدَّرَجَٰتُ ٱلۡعُلَىٰ
Open ayah 20:75Nguni’t sinumang dumating sa Kanya bilang isang naniniwalang nakagawa ng mga [gawaing] matwid, sila yaong mayroong matataas na antas ng kalagayan [sa kabilang buhay],
جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ مَن تَزَكَّىٰ
Open ayah 20:76Mga hardin ng walang hanggang paninirahan - sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos; na kung saan sila ay mamamalagi nang walang hanggan. At iyan ang kabayaran para sa sinumang nagpakadalisay [ng kanilang sarili].
وَلَقَدۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَسۡرِ بِعِبَادِي فَٱضۡرِبۡ لَهُمۡ طَرِيقٗا فِي ٱلۡبَحۡرِ يَبَسٗا لَّا تَخَٰفُ دَرَكٗا وَلَا تَخۡشَىٰ
Open ayah 20:77At Kami ay nagbigay-inspirasyon kay Moises [at nag-utos sa kanya]: “Maglakbay kayo sa [oras ng] gabi kasama ng Aking mga alipin at hampasin mo para sa kanila ang tuyong landas sa dagat, at huwag mong katakutan na [kayo ay] abutan [ni Paraon], ni pangambahan [ang pagkalunod].”
فَأَتۡبَعَهُمۡ فِرۡعَوۡنُ بِجُنُودِهِۦ فَغَشِيَهُم مِّنَ ٱلۡيَمِّ مَا غَشِيَهُمۡ
Open ayah 20:78Kaya, sila ay tinugis ni Paraon kasama ng kanyang mga kawal, nguni’t sila ay tinakluban mula sa dagat ng anumang isinaklob sa kanila.
وَأَضَلَّ فِرۡعَوۡنُ قَوۡمَهُۥ وَمَا هَدَىٰ
Open ayah 20:79At si Paraon ang nagtulak sa kanyang mga mamamayan upang sila ay mapaligaw at sila ay hindi napatnubayan.
يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ قَدۡ أَنجَيۡنَٰكُم مِّنۡ عَدُوِّكُمۡ وَوَٰعَدۡنَٰكُمۡ جَانِبَ ٱلطُّورِ ٱلۡأَيۡمَنَ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰ
Open ayah 20:80O mga anak ni Israel, katiyakan, kayo ay Aming iniligtas mula sa inyong kaaway at Kami ay gumawa ng kasunduan sa inyo sa dakong [kanang] bahagi ng bundok [ng Sinai]; at Aming ibinaba sa inyo ang manna at mga pugo.
كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ وَلَا تَطۡغَوۡاْ فِيهِ فَيَحِلَّ عَلَيۡكُمۡ غَضَبِيۖ وَمَن يَحۡلِلۡ عَلَيۡهِ غَضَبِي فَقَدۡ هَوَىٰ
Open ayah 20:81[Na nagsasabing]: “Magsikain kayo ng mga mabubuting [bagay] na Aming ipinagkaloob sa inyo [bilang panustos], at huwag kayong sumuway doon, at [upang] huwag na di-bumaba sa inyo ang Aking Poot. At sinuman ang binabaan ng Aking Poot ay katiyakang nahulog [sa kapariwaraan]!”
وَإِنِّي لَغَفَّارٞ لِّمَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا ثُمَّ ٱهۡتَدَىٰ
Open ayah 20:82Nguni’t katotohanan, Ako ang Lagi nang Nagpapatawad sa sinumang nagsisisi at naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid at pagkaraan ay patuloy [sa pagtahak] sa patnubay.
۞وَمَآ أَعۡجَلَكَ عَن قَوۡمِكَ يَٰمُوسَىٰ
Open ayah 20:83Siya [ang Allah] ay nagsabi: “At ano ang ginawa mo at ikaw ay nagmamadaling [lumisan] mula sa iyong mga mamamayan, O Moises?”
قَالَ هُمۡ أُوْلَآءِ عَلَىٰٓ أَثَرِي وَعَجِلۡتُ إِلَيۡكَ رَبِّ لِتَرۡضَىٰ
Open ayah 20:84Siya ay sumagot: “Sila ay malalapit sa aking mga yapak, at ako ay nagmamadali [na nagtungo] sa Iyo, O aking Panginoon, upang Ikaw ay masiyahan.”
قَالَ فَإِنَّا قَدۡ فَتَنَّا قَوۡمَكَ مِنۢ بَعۡدِكَ وَأَضَلَّهُمُ ٱلسَّامِرِيُّ
Open ayah 20:85Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Nguni’t katotohanan Aming sinubukan ang iyong mga mamamayan pagkaraan mong [lumisan] at si Samiri ay naghatid sa kanilang pagkaligaw.”
فَرَجَعَ مُوسَىٰٓ إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ غَضۡبَٰنَ أَسِفٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَمۡ يَعِدۡكُمۡ رَبُّكُمۡ وَعۡدًا حَسَنًاۚ أَفَطَالَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡعَهۡدُ أَمۡ أَرَدتُّمۡ أَن يَحِلَّ عَلَيۡكُمۡ غَضَبٞ مِّن رَّبِّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُم مَّوۡعِدِي
Open ayah 20:86At si Moises ay nagbalik sa kanyang mga mamamayan na napopoot at nagdadalamhati. Siya ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, hindi ba ang inyong Panginoon ay nangako sa inyo ng isang mabuting pangako? Ang pangako ba ay sadyang matagal para sa inyo? O ninais ninyong ang poot ng inyong Panginoon ay bumaba sa inyo kaya kayo ay sumira ng inyong pangako sa akin?”
قَالُواْ مَآ أَخۡلَفۡنَا مَوۡعِدَكَ بِمَلۡكِنَا وَلَٰكِنَّا حُمِّلۡنَآ أَوۡزَارٗا مِّن زِينَةِ ٱلۡقَوۡمِ فَقَذَفۡنَٰهَا فَكَذَٰلِكَ أَلۡقَى ٱلسَّامِرِيُّ
Open ayah 20:87Sila ay nagsabi: “Kami ay hindi sumira sa aming pangako sa iyo nang ayon sa aming nais, subali’t kami ay ginawang magpasan ng mga dalahin mula sa mga palamuti ng mga mamamayan [ni Paraon], kaya aming inihagis ang mga ito [sa apoy] at ganyan ang ginawang paghagis ni Samiri.”
فَأَخۡرَجَ لَهُمۡ عِجۡلٗا جَسَدٗا لَّهُۥ خُوَارٞ فَقَالُواْ هَٰذَآ إِلَٰهُكُمۡ وَإِلَٰهُ مُوسَىٰ فَنَسِيَ
Open ayah 20:88At siya [si Samiri] ay naglabas [mula sa tinunaw ng apoy at gumawa] para sa kanila ng [estatwa ng] isang bulo [batang baka] na may umuungal na tinig at sila ay nagsabi: “Ito ang inyong diyos, at ang diyos ni Moises, subali't siya [si Moises] ay nakalimot.”
أَفَلَا يَرَوۡنَ أَلَّا يَرۡجِعُ إِلَيۡهِمۡ قَوۡلٗا وَلَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا
Open ayah 20:89Hindi ba nila nakikita na hindi nito magagawang ibalik sa kanila ang isang salita [upang tugunin nito], at ito ay wala ring taglay [na kapangyarihan] para sa kanila upang makapinsala o makagawa ng kabutihan?
وَلَقَدۡ قَالَ لَهُمۡ هَٰرُونُ مِن قَبۡلُ يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا فُتِنتُم بِهِۦۖ وَإِنَّ رَبَّكُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَٱتَّبِعُونِي وَأَطِيعُوٓاْ أَمۡرِي
Open ayah 20:90At katiyakang si Aaron ay nagsabi sa kanila noon pa man: “O aking mga mamamayan! Kayo ay sinusubukan lamang dito, at katotohanan, ang inyong Panginoon ay Mahabagin, kaya ako ay inyong sundin at sumunod sa aking ipinag-uutos.”
قَالُواْ لَن نَّبۡرَحَ عَلَيۡهِ عَٰكِفِينَ حَتَّىٰ يَرۡجِعَ إِلَيۡنَا مُوسَىٰ
Open ayah 20:91Sila ay nagsabi: “Kailanman, kami ay hindi magsisitigil sa pagsamba dito [sa baka] hanggang si Moises ay makabalik sa amin.”
قَالَ يَٰهَٰرُونُ مَا مَنَعَكَ إِذۡ رَأَيۡتَهُمۡ ضَلُّوٓاْ
Open ayah 20:92Siya [si Moises] ay nagsabi: “O Aaron! Ano ang pumigil sa iyo nang sila ay makita mong napapaligaw;
أَلَّا تَتَّبِعَنِۖ أَفَعَصَيۡتَ أَمۡرِي
Open ayah 20:93Mula sa pagsunod sa akin? Ikaw ba ay sumuway sa aking ipinag- uutos?”
قَالَ يَبۡنَؤُمَّ لَا تَأۡخُذۡ بِلِحۡيَتِي وَلَا بِرَأۡسِيٓۖ إِنِّي خَشِيتُ أَن تَقُولَ فَرَّقۡتَ بَيۡنَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَمۡ تَرۡقُبۡ قَوۡلِي
Open ayah 20:94Siya [si Aaron] ay sumagot: “O anak na lalaki ng aking ina! Huwag mo akong hablutin sa aking balbas, o sa [buhok ng] aking ulo! Katotohanang ako ay nangangamba na iyong sabihin: “Ikaw ang sanhi ng pagkawatak- watak ng mga anak ni Israel, at ikaw ay hindi nakatupad [o nakapaghintay] sa aking salita!”
قَالَ فَمَا خَطۡبُكَ يَٰسَٰمِرِيُّ
Open ayah 20:95Siya [si Moises] ay nagsabi: “At ano ang iyong kaso, O Samiri?
قَالَ بَصُرۡتُ بِمَا لَمۡ يَبۡصُرُواْ بِهِۦ فَقَبَضۡتُ قَبۡضَةٗ مِّنۡ أَثَرِ ٱلرَّسُولِ فَنَبَذۡتُهَا وَكَذَٰلِكَ سَوَّلَتۡ لِي نَفۡسِي
Open ayah 20:96Siya [si Samiri] ay sumagot: “Nakita ko ang anumang hindi nila nakikita, kaya ako ay kumuha ng isang dakot [na alikabok] mula sa bakas [ng paa ng kabayo] ng Sugo [si Gabriel] at ito ay aking isinaboy. At ganyan din ang iniuudyok sa akin ng aking kaluluwa.”
قَالَ فَٱذۡهَبۡ فَإِنَّ لَكَ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ أَن تَقُولَ لَا مِسَاسَۖ وَإِنَّ لَكَ مَوۡعِدٗا لَّن تُخۡلَفَهُۥۖ وَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ إِلَٰهِكَ ٱلَّذِي ظَلۡتَ عَلَيۡهِ عَاكِفٗاۖ لَّنُحَرِّقَنَّهُۥ ثُمَّ لَنَنسِفَنَّهُۥ فِي ٱلۡيَمِّ نَسۡفًا
Open ayah 20:97Siya [si Moises] ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay lumayas! At katotohanang [itinakda] para sa iyo sa buhay na ito ang pagsasabing: “Huwag mo akong salingin; at katotohanan ikaw ay may pangako [sa kabilang buhay] na hindi mo magagawang kaligtaang tuparin. At masdan mo ang iyong [ginawang] "diyos", na siya mong pinagtuunan [ng pagsamba]; katiyakan, ito ay Aming susunugin, pagkaraan ay ikakalat ang abo [nito] sa dagat.”
إِنَّمَآ إِلَٰهُكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَسِعَ كُلَّ شَيۡءٍ عِلۡمٗا
Open ayah 20:98Ang inyong Diyos ay ang Allah [lamang]; walang ibang diyos maliban sa Kanya. Kanyang nasasaklawan ang [kaalaman ng] lahat ng bagay.
كَذَٰلِكَ نَقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ مَا قَدۡ سَبَقَۚ وَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ مِن لَّدُنَّا ذِكۡرٗا
Open ayah 20:99Ganyan Namin isasalaysay sa iyo [O Muhammad] mula sa balita ng anumang naunang [naganap] noon. At katiyakang Aming ipinagkaloob sa iyo mula sa Amin ang mensahe [ng Qur’an].
مَّنۡ أَعۡرَضَ عَنۡهُ فَإِنَّهُۥ يَحۡمِلُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وِزۡرًا
Open ayah 20:100At sinumang lumalayo mula rito [sa patnubay ng Qur’an], katotohanang siya ay magdadala ng isang pasanin [o pagkakasala] sa Araw ng Pagkabuhay na Muli,
خَٰلِدِينَ فِيهِۖ وَسَآءَ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ حِمۡلٗا
Open ayah 20:101[Sila ay mamamalagi] roon nang walang hanggan, at ito ay napakasama para sa kanila bilang pasanin sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.
يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِۚ وَنَحۡشُرُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ يَوۡمَئِذٖ زُرۡقٗا
Open ayah 20:102Sa Araw na ang tambuli ay hihipan; at Aming titipunin ang mga mapaggawa ng kabuktutan; sa Araw na iyon ang mga mata ay magkukulay asul [sa sindak at ligalig].
يَتَخَٰفَتُونَ بَيۡنَهُمۡ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا عَشۡرٗا
Open ayah 20:103Sila ay magbubulungan sa isa’t isa [na nagsasabing]: “Kayo ay namalagi lamang ng sampung [araw sa mundo].”
نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَ إِذۡ يَقُولُ أَمۡثَلُهُمۡ طَرِيقَةً إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا يَوۡمٗا
Open ayah 20:104Kami ang Lubos na Nakababatid sa anumang kanilang mga sinasabi, kapag ang mahusay mangatwiran sa kanila ay magsasabing: “Kayo ay namalagi lamang [sa mundo] ng isang araw.”
وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡجِبَالِ فَقُلۡ يَنسِفُهَا رَبِّي نَسۡفٗا
Open ayah 20:105At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa mga bundok; kaya sabihin: “Pagkakalat-kalatin ng aking Panginoon ang mga ito nang may pagsabog.”
فَيَذَرُهَا قَاعٗا صَفۡصَفٗا
Open ayah 20:106Pagkaraan ay Kanyang lilisanin ito [ang lupa] nang patag [at hungkag].
لَّا تَرَىٰ فِيهَا عِوَجٗا وَلَآ أَمۡتٗا
Open ayah 20:107Wala kang makikita roon [sa lupa kahit] isang uka o isang usli.
يَوۡمَئِذٖ يَتَّبِعُونَ ٱلدَّاعِيَ لَا عِوَجَ لَهُۥۖ وَخَشَعَتِ ٱلۡأَصۡوَاتُ لِلرَّحۡمَٰنِ فَلَا تَسۡمَعُ إِلَّا هَمۡسٗا
Open ayah 20:108Sa Araw na iyon, sila ay susunod sa [panawagan ng] tagatawag na walang paglihis sa kanya. At ang [lahat ng] mga tinig ay mananahimik [o magtitigil] sa harap ng Mahabagin [Allah] at wala kayong maririnig maliban sa mahinang yabag [ng kanilang mga paa].
يَوۡمَئِذٖ لَّا تَنفَعُ ٱلشَّفَٰعَةُ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَرَضِيَ لَهُۥ قَوۡلٗا
Open ayah 20:109Sa Araw na iyon, walang pamamagitan ang makatutulong maliban sa isang pinagkalooban ng kapahintulutan ng Mahabagin [Allah], at tinanggap ang kanyang salita.
يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَلَا يُحِيطُونَ بِهِۦ عِلۡمٗا
Open ayah 20:110Kanyang nababatid ang anumang nangyari sa kanila [sa Kanyang mga nilikha], at ang anumang mangyayari sa kanila [sa kabilang buhay], sapagka’t hindi nila masasaklawan ang anumang Kanyang Kaalaman.
۞وَعَنَتِ ٱلۡوُجُوهُ لِلۡحَيِّ ٱلۡقَيُّومِۖ وَقَدۡ خَابَ مَنۡ حَمَلَ ظُلۡمٗا
Open ayah 20:111At ang [lahat ng] mga mukha ay mangayuyupapa sa harapan ng Laging Buhay, Tagapanustos ng lahat [ang Allah]. At katiyakang siya na nagdadala ng kamalian ay magtatamo ng kabiguan [sa Araw ng Paghuhukom].
وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَا يَخَافُ ظُلۡمٗا وَلَا هَضۡمٗا
Open ayah 20:112Nguni’t sinumang gumagawa ng mga gawaing matwid habang siya ay naniniwala - siya ay walang [madaramang] pangamba ng kamalian [o ng di-makatarungang hatol] at [siya ay] hindi pagkakaitan [ng biyaya ng Allah].
وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا وَصَرَّفۡنَا فِيهِ مِنَ ٱلۡوَعِيدِ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ أَوۡ يُحۡدِثُ لَهُمۡ ذِكۡرٗا
Open ayah 20:113At ganyan Namin ibinaba [o ipinahayag] ito bilang Qur’an sa [wikang] Arabe, at Aming iniba-iba roon ang mga [halimbawa ng] babala upang sakali sila ay makaiwas [sa kasamaan], at magsilbing babala ito para sa kanila.
فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۗ وَلَا تَعۡجَلۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مِن قَبۡلِ أَن يُقۡضَىٰٓ إِلَيۡكَ وَحۡيُهُۥۖ وَقُل رَّبِّ زِدۡنِي عِلۡمٗا
Open ayah 20:114Napakataas ng Allah [sa lahat], ang Hari, ang Katotohanan. Huwag mong madaliin [O Muhammad] ang [pagbigkas ng] Qur’an bago mabuo ang kapahayagan nito sa iyo, at ikaw ay magsabing: “Aking Panginoon, dagdagan Mo po ako sa kaalaman.”
وَلَقَدۡ عَهِدۡنَآ إِلَىٰٓ ءَادَمَ مِن قَبۡلُ فَنَسِيَ وَلَمۡ نَجِدۡ لَهُۥ عَزۡمٗا
Open ayah 20:115At katiyakan Kami ay gumawa na ng kasunduan kay Adan noon pa man, nguni’t siya ay nakalimot, at wala Kaming nakitang sigasig sa kanya.
وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰ
Open ayah 20:116At nang Aming sabihin sa mga anghel; “Magpatirapa kayo kay Adan” at sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis [satanas], siya ay tumanggi.
فَقُلۡنَا يَٰٓـَٔادَمُ إِنَّ هَٰذَا عَدُوّٞ لَّكَ وَلِزَوۡجِكَ فَلَا يُخۡرِجَنَّكُمَا مِنَ ٱلۡجَنَّةِ فَتَشۡقَىٰٓ
Open ayah 20:117Kaya Kami ay nagsabi: “O Adan, katiyakang ito [ang satanas] ay isang kaaway sa iyo at sa iyong asawa. Kaya, huwag ninyong hayaang kayo ay kanyang magawang mapaalis mula sa Paraiso upang sa gayon kayo ay magdusa.
إِنَّ لَكَ أَلَّا تَجُوعَ فِيهَا وَلَا تَعۡرَىٰ
Open ayah 20:118Katotohanan, ito ay [pangako] para sa iyo na ikaw ay hindi magugutom doon [sa Paraiso] at hindi mahuhubaran.
وَأَنَّكَ لَا تَظۡمَؤُاْ فِيهَا وَلَا تَضۡحَىٰ
Open ayah 20:119At katotohanan, ikaw ay hindi mauuhaw doon, at hindi maiinitan [mula sa araw].
فَوَسۡوَسَ إِلَيۡهِ ٱلشَّيۡطَٰنُ قَالَ يَٰٓـَٔادَمُ هَلۡ أَدُلُّكَ عَلَىٰ شَجَرَةِ ٱلۡخُلۡدِ وَمُلۡكٖ لَّا يَبۡلَىٰ
Open ayah 20:120Nguni't [hindi nga naglaon], ang satanas ay bumulong sa kanya na nagsabing: “O Adan, nais mo bang ihatid kita sa Puno ng Walang Hanggan at sa kahariang hindi maglalaho [magpakailanman]?”
فَأَكَلَا مِنۡهَا فَبَدَتۡ لَهُمَا سَوۡءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخۡصِفَانِ عَلَيۡهِمَا مِن وَرَقِ ٱلۡجَنَّةِۚ وَعَصَىٰٓ ءَادَمُ رَبَّهُۥ فَغَوَىٰ
Open ayah 20:121Kaya, sila ay kumain [ng bunga] nito; at ang kanilang maselang bahagi ay humantad sa kanilang dalawa; at sila ay nagsimulang magtapis mula sa mga dahon ng Paraiso [bilang saplot] sapagka’t sinuway ni Adan ang kanyang Panginoon at [siya ay] nagkasala.
ثُمَّ ٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَتَابَ عَلَيۡهِ وَهَدَىٰ
Open ayah 20:122Pagkaraan, siya ay pinili ng kanyang Panginoon at iginawad sa kanya ang kapatawaran at patnubay.
قَالَ ٱهۡبِطَا مِنۡهَا جَمِيعَۢاۖ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ فَإِمَّا يَأۡتِيَنَّكُم مِّنِّي هُدٗى فَمَنِ ٱتَّبَعَ هُدَايَ فَلَا يَضِلُّ وَلَا يَشۡقَىٰ
Open ayah 20:123Siya [ang Allah] ay nagsabi: “Magsibaba kayo mula rito [sa Paraiso], [kayong] lahat bilang magkakaaway sa isa’t isa. At kung may patnubay na dumating sa inyo mula sa Akin, magkagayon, sinuman ang sumunod sa Aking patnubay ay hindi maliligaw, at hindi magdurusa [sa kabilang buhay].
وَمَنۡ أَعۡرَضَ عَن ذِكۡرِي فَإِنَّ لَهُۥ مَعِيشَةٗ ضَنكٗا وَنَحۡشُرُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَعۡمَىٰ
Open ayah 20:124Nguni’t sinumang lumayo sa Aking paalaala [o babala], katotohanan, kanyang matatamo ang isang masaklap na buhay at siya ay Aming bubuhaying bulag sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.
قَالَ رَبِّ لِمَ حَشَرۡتَنِيٓ أَعۡمَىٰ وَقَدۡ كُنتُ بَصِيرٗا
Open ayah 20:125Siya ay magsasabi: “[O] Aking Panginoon, bakit Mo po ako binuhay ng bulag, samantalang ako po ay [dating] nakakikita?”
قَالَ كَذَٰلِكَ أَتَتۡكَ ءَايَٰتُنَا فَنَسِيتَهَاۖ وَكَذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمَ تُنسَىٰ
Open ayah 20:126Siya [ang Allah] ay magsasabi: “Ganyan dumating sa iyo ang Aming mga ayaat [kapahayagan at kautusan] nguni’t ito ay iyong kinalimutan, at [tulad ng iyong paglimot sa mga kapahayagan at kautusan] ganyan ka rin kalilimutan sa Araw na ito.”
وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَنۡ أَسۡرَفَ وَلَمۡ يُؤۡمِنۢ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦۚ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَشَدُّ وَأَبۡقَىٰٓ
Open ayah 20:127At [tulad ng Aming kabayaran sa sinumang lumayo] ganyan nga Namin binabayaran ang sinumang nagmalabis at hindi naniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng kanyang Panginoon; at ang parusa ng kabilang buhay ay higit na kasakit-sakit at nagtatagal.
أَفَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ
Open ayah 20:128Kaya, hindi ba naging gabay para sa kanila ang ilang henerasyon na Aming winasak na nauna sa kanila, habang sila ay naglalakad sa kanilang mga tinitirhan? Katotohanan, naririto ang mga ayaat [babala o aral] para sa mga taong nakauunawa.
وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَكَانَ لِزَامٗا وَأَجَلٞ مُّسَمّٗى
Open ayah 20:129At kung hindi lamang para sa isang salitang ipinauna mula sa iyong Panginoon at [para sa] naitakdang panahon, marahil ito [ang parusa] ay naging isang tungkuling [dapat ipatupad nang daglian].
فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ غُرُوبِهَاۖ وَمِنۡ ءَانَآيِٕ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡ وَأَطۡرَافَ ٱلنَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرۡضَىٰ
Open ayah 20:130Kaya, ikaw ay magtiis sa anumang kanilang mga sinasabi, at luwalhatiin mo ng mga papuri ang iyong Panginoon bago sumikat ang araw at bago lumubog ito, at [Siya ay luwalhatiin mo] sa mga ilang bahagi ng gabi, at sa mga huling bahagi ng araw, upang sakali ikaw ay masiyahan.
وَلَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ زَهۡرَةَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا لِنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَرِزۡقُ رَبِّكَ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰ
Open ayah 20:131At huwag mong pagurin [sa kakatitig] ang iyong mga mata sa anumang Aming ipinagkaloob na kasiyahan sa [ibang] lipon sa kanila, [ito ay] kinang [lamang] ng makamundong buhay, na sa pamamagitan nito, sila ay Aming sinusubukan, nguni’t ang panustos ng iyong Panginoon ay higit na mainam at nagtatagal.
وَأۡمُرۡ أَهۡلَكَ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱصۡطَبِرۡ عَلَيۡهَاۖ لَا نَسۡـَٔلُكَ رِزۡقٗاۖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُكَۗ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلتَّقۡوَىٰ
Open ayah 20:132At iyong ipag-utos ang pagdarasal sa iyong mag-anak [at pamayanan], at maging ka matiisin dito. Kami ay hindi humihingi ng panustos mula sa iyo. Kami ang magkakaloob [ng panustos] sa iyo. Ang [mabuting] wakas ay para sa mga natatakot [sa Akin].
وَقَالُواْ لَوۡلَا يَأۡتِينَا بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّهِۦٓۚ أَوَلَمۡ تَأۡتِهِم بَيِّنَةُ مَا فِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 20:133At sila ay nagsasabi: “Bakit hindi siya nagbigay sa amin ng mga ayaat [o katibayan] mula sa kanyang Panginoon?” Hindi ba dumating sa kanila ang katibayan ng anumang [nakatala] sa mga naunang Kalatas?
وَلَوۡ أَنَّآ أَهۡلَكۡنَٰهُم بِعَذَابٖ مِّن قَبۡلِهِۦ لَقَالُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولٗا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ مِن قَبۡلِ أَن نَّذِلَّ وَنَخۡزَىٰ
Open ayah 20:134At kung sila ay Aming winasak ng isang parusang nauna sa kanya, sila ay maaaring magsabing: “Aming Panginoon, bakit hindi Mo po ipinadala sa amin ang isang sugo upang kami ay nakasunod sa Iyong mga ayaat [aral o kautusan] bago kami napahiyang maalipusta at naging kaaba- aba.”
قُلۡ كُلّٞ مُّتَرَبِّصٞ فَتَرَبَّصُواْۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ أَصۡحَٰبُ ٱلصِّرَٰطِ ٱلسَّوِيِّ وَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ
Open ayah 20:135Sabihin: “Ang bawa’t isa [sa atin] ay naghihintay kaya magsipaghintay kayo; sapagka’t inyong mapag-aalaman kung sino ang mga kasamahang nasa maayos na landas at sino ang napatnubayan.”