الأنبياء

Al-Anbiyaa

The Prophets · Surah 21 · Ayahs: 112 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. ٱقۡتَرَبَ لِلنَّاسِ حِسَابُهُمۡ وَهُمۡ فِي غَفۡلَةٖ مُّعۡرِضُونَ

    Open ayah 21:1

    Ang [Oras ng] kanilang pagtutuos ay lumapit na para sa sangkatauhan habang sila ay nasa kapabayaang nagsisilayo.

  2. مَا يَأۡتِيهِم مِّن ذِكۡرٖ مِّن رَّبِّهِم مُّحۡدَثٍ إِلَّا ٱسۡتَمَعُوهُ وَهُمۡ يَلۡعَبُونَ

    Open ayah 21:2

    Walang paalalang dumarating sa kanila bilang isang panibagong [kapahayagang] nagmula sa kanilang Panginoon malibang sila ay nakikinig dito habang sila ay nagsisipaglaro,

  3. لَاهِيَةٗ قُلُوبُهُمۡۗ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّجۡوَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ هَلۡ هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡۖ أَفَتَأۡتُونَ ٱلسِّحۡرَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ

    Open ayah 21:3

    Sapagka't ang kanilang mga puso ay abala [sa makamundong kasiyahan]. At yaong mga gumagawa ng kamalian, kanilang itinatago ang kanilang sarilinang usapan, [na nagsasabing]: “Ano nga ba itong [si Muhammad] maliban sa isang taong katulad lamang ninyo? Kaya, kayo ba ay magsisilapit sa salamangka bagaman [ito ay] inyong [malinaw na] nakikita?”

  4. قَالَ رَبِّي يَعۡلَمُ ٱلۡقَوۡلَ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

    Open ayah 21:4

    Siya [si Muhammad] ay nagsabi: “Ang aking Panginoon ay nakababatid ng [anumang] sinabi sa buong kalangitan at kalupaan. At Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.”

  5. بَلۡ قَالُوٓاْ أَضۡغَٰثُ أَحۡلَٰمِۭ بَلِ ٱفۡتَرَىٰهُ بَلۡ هُوَ شَاعِرٞ فَلۡيَأۡتِنَا بِـَٔايَةٖ كَمَآ أُرۡسِلَ ٱلۡأَوَّلُونَ

    Open ayah 21:5

    Nguni’t, sila ay nagsasabi: “[Ang kapahayagan ay walang anupaman maliban sa] pinaghalong mga huwad na panaginip; [ang iba sa kanila ay nagsasabing:] “Ito ay kanyang kinatha lamang” [at ang iba naman ay nagsasabing:] “Siya ay isang manunula. Kaya, hayaan siyang magpakita sa atin ng isang katibayan tulad ng mga naunang [sugong] ipinadala [na may dalang himala].”

  6. مَآ ءَامَنَتۡ قَبۡلَهُم مِّن قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَآۖ أَفَهُمۡ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 21:6

    Walang isang bayan na Aming winasak ang naniwalang nauna sa kanila [bagaman kanilang nasaksihan ang mga babala]. Kaya, sila ba ay maniniwala?

  7. وَمَآ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِمۡۖ فَسۡـَٔلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلذِّكۡرِ إِن كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 21:7

    At wala Kaming isinugong nauna sa iyo [O Muhammad] maliban [na sila ay] mga lalaking Aming pinagpahayagan [ng mensahe]. Kaya, inyongtanungin ang mga taong pinagkalooban ng kapahayagan kung ito ay hindi ninyo nalalaman.

  8. وَمَا جَعَلۡنَٰهُمۡ جَسَدٗا لَّا يَأۡكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَمَا كَانُواْ خَٰلِدِينَ

    Open ayah 21:8

    At sila [mga propeta] ay hindi Namin ginawa [na may] katawang hindi kumakain ng pagkain, o sila ay walang kamatayan [sa mundo].

  9. ثُمَّ صَدَقۡنَٰهُمُ ٱلۡوَعۡدَ فَأَنجَيۡنَٰهُمۡ وَمَن نَّشَآءُ وَأَهۡلَكۡنَا ٱلۡمُسۡرِفِينَ

    Open ayah 21:9

    Pagkaraan, Aming tinupad para sa kanila ang pangako, at sila ay Aming iniligtas at yaong Aming nais. At Aming winasak ang mga mapagmalabis.

  10. لَقَدۡ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ كِتَٰبٗا فِيهِ ذِكۡرُكُمۡۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ 

    Open ayah 21:10

    Katiyakan, Aming ibinaba [o ipinahayag] sa inyo ang isang Aklat [Qur’an], sa loob nito ay isang paalala [o karangalan para] sa inyo. Kaya, hindi ba kayo makauunawa?

  11. وَكَمۡ قَصَمۡنَا مِن قَرۡيَةٖ كَانَتۡ ظَالِمَةٗ وَأَنشَأۡنَا بَعۡدَهَا قَوۡمًا ءَاخَرِينَ

    Open ayah 21:11

    At ilang bilang ng bayan [o pamayanan] na di-makatarungan ang Aming sinira, at pagkaraan nito ay Aming pinalitaw ang ibang [bagong] mamamayan.

  12. فَلَمَّآ أَحَسُّواْ بَأۡسَنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَرۡكُضُونَ

    Open ayah 21:12

    Kaya, nang kanilang mahiwatigan [o makita] ang Aming kaparusahan, kapagdaka sila ay nagsitakas mula rito.

  13. لَا تَرۡكُضُواْ وَٱرۡجِعُوٓاْ إِلَىٰ مَآ أُتۡرِفۡتُمۡ فِيهِ وَمَسَٰكِنِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُسۡـَٔلُونَ

    Open ayah 21:13

    [Ang ibang anghel ay nagsabi] “Huwag kayong magsitakas, bagkus kayo ay magsibalik sa dating karangyaang ipinagkaloob sa inyo, at sa inyong mga pamamahay, upang sakali kayo ay tanungin.”

  14. قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ

    Open ayah 21:14

    Sila ay nagsabi: “Kasawian sa amin! Katotohanan, kami ay naging mga mapaggawa ng kamalian.”

  15. فَمَا زَالَت تِّلۡكَ دَعۡوَىٰهُمۡ حَتَّىٰ جَعَلۡنَٰهُمۡ حَصِيدًا خَٰمِدِينَ

    Open ayah 21:15

    Kaya, itong kanilang paghuhumiyaw ay hindi nagtigil hanggang sila ay Aming ginawang [mistulang mga] bukiring ginapas, [sila ay] natupok [tulad ng apoy].

  16. وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَآءَ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا لَٰعِبِينَ

    Open ayah 21:16

    At hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan ng mga ito para sa paglalaro.

  17. لَوۡ أَرَدۡنَآ أَن نَّتَّخِذَ لَهۡوٗا لَّٱتَّخَذۡنَٰهُ مِن لَّدُنَّآ إِن كُنَّا فَٰعِلِينَ

    Open ayah 21:17

    Kung Aming ninais lamang na kumuha ng libangan, Kami ay maaaring kumuha nito mula sa [anumang] nasa Aming Sarili, kung [tunay nga na] Aming gagawin [ang gayon].

  18. بَلۡ نَقۡذِفُ بِٱلۡحَقِّ عَلَى ٱلۡبَٰطِلِ فَيَدۡمَغُهُۥ فَإِذَا هُوَ زَاهِقٞۚ وَلَكُمُ ٱلۡوَيۡلُ مِمَّا تَصِفُونَ

    Open ayah 21:18

    Bagkus, Aming ipinukol [o isinaboy] ang katotohanan laban sa kabulaanan, at ito ay sinira nito, kaya kapagdaka, ito [ang kabulaanan] ay naglaho. At kasawian para sa anumang inyong iniakibat [sa Kanya].

  19. وَلَهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَنۡ عِندَهُۥ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِهِۦ وَلَا يَسۡتَحۡسِرُونَ

    Open ayah 21:19

    Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] sinumang nasa mga kalangitan at kalupaan. At silang [mga anghel na] malalapit sa Kanya ay hindi napipigilan ng pagmamalaki sa pagsamba sa Kanya, at sila ay hindi napapagod.

  20. يُسَبِّحُونَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ لَا يَفۡتُرُونَ 

    Open ayah 21:20

    Sila [mga anghel] ay lumuluwalhati sa [Kanya sa] gabi at araw, [at sila ay] hindi nanghihinawa [upang gawin ito],

  21. أَمِ ٱتَّخَذُوٓاْ ءَالِهَةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ هُمۡ يُنشِرُونَ

    Open ayah 21:21

    O sila ba [mga tao] ay nagturing [para sa kanilang sarili] ng mga diyos mula sa kalupaan na bumubuhay [sa patay]?

  22. لَوۡ كَانَ فِيهِمَآ ءَالِهَةٌ إِلَّا ٱللَّهُ لَفَسَدَتَاۚ فَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ

    Open ayah 21:22

    Kung mayroon nga roon [sa mga kalangitan at kalupaan] ng mga diyos bukod sa Allah, katiyakang sila ay mawawasak. Kaya, luwalhati sa Allah, ang Panginoon ng Dakilang Arsh [Trono] Siya ay Mataas nang higit sa anumang kanilang iniaakibat [sa Kanya].

  23. لَا يُسۡـَٔلُ عَمَّا يَفۡعَلُ وَهُمۡ يُسۡـَٔلُونَ

    Open ayah 21:23

    Siya [ang Allah] ay hindi maaaring tanungin sa anumang Kanyang ginagawa, subali’t sila ay [Kanyang] tatanungin.

  24. أَمِ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗۖ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡۖ هَٰذَا ذِكۡرُ مَن مَّعِيَ وَذِكۡرُ مَن قَبۡلِيۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ٱلۡحَقَّۖ فَهُم مُّعۡرِضُونَ

    Open ayah 21:24

    O sila ba ay nagturing ng ibang mga diyos bukod sa Kanya? Sabihin: “Ipakita ninyo ang inyong mga katibayan.” Ito [ang Qur’an] ay mensahe para sa aking mga kasama at mensahe para sa mga nauna sa akin. Nguni’t, karamihan sa kanila ay hindi nakababatid ng katotohanan, kaya sila ay nagsisilayo.

  25. وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رَّسُولٍ إِلَّا نُوحِيٓ إِلَيۡهِ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدُونِ

    Open ayah 21:25

    At Kami ay hindi nagpadala ng alinmang sugo na una sa iyo [O Muhammad] malibang Kami ay nagpahayag sa kanya na: “Walang diyos maliban sa Akin, kaya Ako ay inyong sambahin [at wala ng iba].”

  26. وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۚ بَلۡ عِبَادٞ مُّكۡرَمُونَ

    Open ayah 21:26

    At sila ay nagsasabi: “Ang Mahabagin ay nagkaroon ng anak [na lalaki].” Luwalhati sa Kanya! Bagkus, sila [na kanilang itinuring bilang anak ng Allah] ay mga mararangal na alipin [lamang].

  27. لَا يَسۡبِقُونَهُۥ بِٱلۡقَوۡلِ وَهُم بِأَمۡرِهِۦ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 21:27

    Sila ay hindi makapangunguna sa Kanya sa salita, bagaman sila ay gumagawa sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan.

  28. يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَلَا يَشۡفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ٱرۡتَضَىٰ وَهُم مِّنۡ خَشۡيَتِهِۦ مُشۡفِقُونَ

    Open ayah 21:28

    Kanyang nababatid ang anumang [kasalukuyang] nangyayari sa kanila, at ang anumang nangyari pagkaraan nila, at sila ay hindi makapamamagitan maliban sa isang kinalulugdan Niya. At sila, sanhi ng kanilang takot sa Kanya, ay nababagabag.

  29. ۞وَمَن يَقُلۡ مِنۡهُمۡ إِنِّيٓ إِلَٰهٞ مِّن دُونِهِۦ فَذَٰلِكَ نَجۡزِيهِ جَهَنَّمَۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 21:29

    At sinumang kabilang sa kanila ang sakaling magsabing: “Katotohanan, ako ay isang diyos bukod sa Kanya [Allah],” siya [na nagsabi nang gayon] ay nararapat Naming bayaran ng Impiyerno. Ganyan Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng kamalian.

  30. أَوَلَمۡ يَرَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ كَانَتَا رَتۡقٗا فَفَتَقۡنَٰهُمَاۖ وَجَعَلۡنَا مِنَ ٱلۡمَآءِ كُلَّ شَيۡءٍ حَيٍّۚ أَفَلَا يُؤۡمِنُونَ 

    Open ayah 21:30

    Hindi ba nakikita niyaong mga di-naniniwala na ang mga kalangitan at kalupaan ay dating magkadikit, pagkaraan ito ay Aming pinaghiwalay [pinagbukod]? At Aming ginawa mula sa tubig ang bawa’t nabubuhay na bagay. Sila ba, sa kabila nito, ay hindi pa rin maniniwala?

  31. وَجَعَلۡنَا فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِهِمۡ وَجَعَلۡنَا فِيهَا فِجَاجٗا سُبُلٗا لَّعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ

    Open ayah 21:31

    At Kami ang nagtirik sa kalupaan ng matatatag na mga bundok, upang ito [ang lupa] ay hindi umugang kasama nila, at Aming inilagay doon [sa mga bundok] ang mga lagusan [bilang] daraanan [na kanilang matatawiran], upang sakali sila ay gabayan [sa pook na patutunguhan].

  32. وَجَعَلۡنَا ٱلسَّمَآءَ سَقۡفٗا مَّحۡفُوظٗاۖ وَهُمۡ عَنۡ ءَايَٰتِهَا مُعۡرِضُونَ

    Open ayah 21:32

    At Kami ang gumawa ng langit bilang iningatang bubungan. Subali’t sila ay nagsilayo mula sa mga ayaat [o palatandaan] nito.

  33. وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ فِي فَلَكٖ يَسۡبَحُونَ

    Open ayah 21:33

    At Siya ang lumikha ng gabi at ng maghapon, at ng araw at ng buwan, lahat ay nasa ligirang umiinog [sa kalawakan].

  34. وَمَا جَعَلۡنَا لِبَشَرٖ مِّن قَبۡلِكَ ٱلۡخُلۡدَۖ أَفَإِيْن مِّتَّ فَهُمُ ٱلۡخَٰلِدُونَ

    Open ayah 21:34

    At Kami ay hindi naggawad sa sinumang nauna sa iyo ng buhay na walang hanggan kaya kung ikaw ay mamamatay, sila ba ay walang kamatayan?

  35. كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۗ وَنَبۡلُوكُم بِٱلشَّرِّ وَٱلۡخَيۡرِ فِتۡنَةٗۖ وَإِلَيۡنَا تُرۡجَعُونَ

    Open ayah 21:35

    Bawa’t kaluluwa ay makararanas ng kamatayan. At kayo ay Aming susubukan nang may [kaakibat na] kasamaan at kabutihan bilang pagsubok. At sa Amin, kayo ay ibabalik.

  36. وَإِذَا رَءَاكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا ٱلَّذِي يَذۡكُرُ ءَالِهَتَكُمۡ وَهُم بِذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ هُمۡ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 21:36

    At kapag ikaw [O Muhammad] ay nakikita niyaong mga di-naniniwala, sila ay hindi magtuturing sa iyo maliban sa panunuya [na nagsasabing]: “Ito ba ang [taong] bumabanggit [o umaalipusta] sa inyong mga diyos?” At sila, sa pagbanggit ng Mahabagin [ang Allah], sila ay hindi naniniwala.

  37. خُلِقَ ٱلۡإِنسَٰنُ مِنۡ عَجَلٖۚ سَأُوْرِيكُمۡ ءَايَٰتِي فَلَا تَسۡتَعۡجِلُونِ

    Open ayah 21:37

    Ang tao ay nilikha ng nagmamadali [o padalus-dalos]. Aking ipakikita sa inyo ang Aking ayaat [parusa]. Kaya, huwag ninyo Akong hikayating [ito ay Aking] madaliin.

  38. وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 21:38

    At sila ay nagsasabi: “Kailan nga ba [magaganap] itong pangako, kung kayo nga ay makatotohanan?”

  39. لَوۡ يَعۡلَمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ حِينَ لَا يَكُفُّونَ عَن وُجُوهِهِمُ ٱلنَّارَ وَلَا عَن ظُهُورِهِمۡ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ

    Open ayah 21:39

    Kung nababatid lamang niyaong mga di-naniniwala ang Oras habang hindi nila magawang iwasan ang Apoy mula sa kanilang mga mukha at mula sa kanilang mga likuran, at sila ay hindi matutulungan.

  40. بَلۡ تَأۡتِيهِم بَغۡتَةٗ فَتَبۡهَتُهُمۡ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ رَدَّهَا وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ 

    Open ayah 21:40

    Bagkus, ito [ang Apoy] ay darating sa kanila nang di-inaasahan at [ito ay] gugulantang sa kanila, at sila ay walang kakayahang umiwas [para rito] at sila ay hindi palulugitanan.

  41. وَلَقَدِ ٱسۡتُهۡزِئَ بِرُسُلٖ مِّن قَبۡلِكَ فَحَاقَ بِٱلَّذِينَ سَخِرُواْ مِنۡهُم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

    Open ayah 21:41

    At katiyakan, [maraming] sugo na ang kinutya nang una pa sa iyo [O Muhammad] nguni’t yaong mga nanuya sa kanila ay pinalibutan [o binalutan] ng anumang lagi nilang ipinanunuya.

  42. قُلۡ مَن يَكۡلَؤُكُم بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ مِنَ ٱلرَّحۡمَٰنِۚ بَلۡ هُمۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِم مُّعۡرِضُونَ

    Open ayah 21:42

    Sabihin: “Sino ba ang makapangangalaga sa inyo sa gabi o sa araw mula sa Mahabagin [ang Allah]?” Nguni’t, sila ay nagsilayo mula sa pag- alaala sa kanilang Panginoon.

  43. أَمۡ لَهُمۡ ءَالِهَةٞ تَمۡنَعُهُم مِّن دُونِنَاۚ لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَ أَنفُسِهِمۡ وَلَا هُم مِّنَّا يُصۡحَبُونَ

    Open ayah 21:43

    O sila ba ay mayroong mga diyos na magtatanggol sa kanila bukod sa

  44. بَلۡ مَتَّعۡنَا هَٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ طَالَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡعُمُرُۗ أَفَلَا يَرَوۡنَ أَنَّا نَأۡتِي ٱلۡأَرۡضَ نَنقُصُهَا مِنۡ أَطۡرَافِهَآۚ أَفَهُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ

    Open ayah 21:44

    Nguni’t [gayunpaman] Kami ay nagkaloob ng mabubuting bagay para sa mga ito [sa mga di-naniniwala] at sa kanilang mga ninuno hanggang ang buhay ay pinahaba para sa kanila. Hindi ba nila nakikita na Aming unti- unting binabawasan ang lupaing [sakop ng mga di-naniniwala] mula sa mga liblib na hangganan nito? Kaya, sila ba, kung gayon, ay mananaig?

  45. قُلۡ إِنَّمَآ أُنذِرُكُم بِٱلۡوَحۡيِۚ وَلَا يَسۡمَعُ ٱلصُّمُّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا مَا يُنذَرُونَ

    Open ayah 21:45

    Sabihin: “Ako ay nagbababala lamang sa inyo sa pamamagitan ng kapahayagang [nagmula sa Allah].” Nguni’t ang mga bingi ay hindi makaririnig ng panawagan, kapag sila ay binalaan.

  46. وَلَئِن مَّسَّتۡهُمۡ نَفۡحَةٞ مِّنۡ عَذَابِ رَبِّكَ لَيَقُولُنَّ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ

    Open ayah 21:46

    At kung ang bahagyang dagit ng parusa ng iyong Panginoon ay nangyaring sumaling sa kanila, katiyakang sila ay magsasabing: “Kasawian sa amin! Katotohanan, kami ay naging mapaggawa ng kamalian.”

  47. وَنَضَعُ ٱلۡمَوَٰزِينَ ٱلۡقِسۡطَ لِيَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَلَا تُظۡلَمُ نَفۡسٞ شَيۡـٔٗاۖ وَإِن كَانَ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٍ أَتَيۡنَا بِهَاۗ وَكَفَىٰ بِنَا حَٰسِبِينَ

    Open ayah 21:47

    At Kami ang maglalagay ng timbangan ng katarungan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, kaya walang kaluluwa ang pakikitunguhan ng di- makatarungan sa anupaman. At kung mayroon mang timbang ng [kahit] isang buto ng mustasa, ito ay Aming ipakikita. At Kami ay sapat na bilang Tagapagtuos.

  48. وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ ٱلۡفُرۡقَانَ وَضِيَآءٗ وَذِكۡرٗا لِّلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 21:48

    At katiyakan, Kami ang nagkaloob kina Moises at Aaron ng pamantayan [ng wasto at mali], at [ito ay nagsilbing] isang liwanag at isang babala para sa mga natatakot [sa Allah].

  49. ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ وَهُم مِّنَ ٱلسَّاعَةِ مُشۡفِقُونَ

    Open ayah 21:49

    [Sila] yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon na hindi nakikita, habang sila ay nababagabag sa [pagsapit ng takdang] Oras.

  50. وَهَٰذَا ذِكۡرٞ مُّبَارَكٌ أَنزَلۡنَٰهُۚ أَفَأَنتُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ 

    Open ayah 21:50

    At ito [ang Qur’an] ay isang pinagpalang mensahe na Aming ibinaba [o ipinahayag]. Kaya, kayo ba kung gayon ay [magkukunwang] walang kaalaman para rito?

  51. ۞وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَآ إِبۡرَٰهِيمَ رُشۡدَهُۥ مِن قَبۡلُ وَكُنَّا بِهِۦ عَٰلِمِينَ

    Open ayah 21:51

    At katiyakan, Kami ang nagkaloob kay Abraham ng matwid [na patnubay] noong una, at Kami ay lubos na nakababatid [o nakakikilala] sa kanya.

  52. إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَا هَٰذِهِ ٱلتَّمَاثِيلُ ٱلَّتِيٓ أَنتُمۡ لَهَا عَٰكِفُونَ

    Open ayah 21:52

    Nang kanyang sabihin sa kanyang ama at sa kanyang mga mamamayan: “Ano ba itong mga imaheng inyong pinaglalaanan [ng pagsamba]?”

  53. قَالُواْ وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا لَهَا عَٰبِدِينَ

    Open ayah 21:53

    Sila ay nagsabi: “Aming natagpuan ang aming mga ninuno na sumasamba sa kanila.”

  54. قَالَ لَقَدۡ كُنتُمۡ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُمۡ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

    Open ayah 21:54

    Siya [si Abraham] ay nagsabi [sa kanila]: “Katiyakan, kayo at ang inyong mga ninuno ay nasa hayag na pagkaligaw.”

  55. قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا بِٱلۡحَقِّ أَمۡ أَنتَ مِنَ ٱللَّٰعِبِينَ

    Open ayah 21:55

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ba ay dumating sa amin na may dalang katotohanan o ikaw ay kabilang sa mga mapaglaro [o mapanuya]?”

  56. قَالَ بَل رَّبُّكُمۡ رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلَّذِي فَطَرَهُنَّ وَأَنَا۠ عَلَىٰ ذَٰلِكُم مِّنَ ٱلشَّٰهِدِينَ

    Open ayah 21:56

    Siya ay nagsabi: “[Hindi] bagkus, ang inyong [tunay na] Panginoon ay Panginoon ng mga kalangitan at ng kalupaan na Siyang lumikha sa mga ito at ako ay isa sa mga sumasaksi [sa katotohanan] nito.

  57. وَتَٱللَّهِ لَأَكِيدَنَّ أَصۡنَٰمَكُم بَعۡدَ أَن تُوَلُّواْ مُدۡبِرِينَ

    Open ayah 21:57

    At [ako ay sumusumpa] sa Allah, katiyakan na ako ay magbabalak laban sa inyong mga [sinasambang] diyus-diyusan pagkaraang kayo ay magsitalikod na nag-aalisan.”

  58. فَجَعَلَهُمۡ جُذَٰذًا إِلَّا كَبِيرٗا لَّهُمۡ لَعَلَّهُمۡ إِلَيۡهِ يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 21:58

    Kaya, kanyang dinurog [ang mga estatwa] maliban sa isang malaking kabilang sa mga ito, upang sakali sila ay magsibalik dito [at mag-usisa].

  59. قَالُواْ مَن فَعَلَ هَٰذَا بِـَٔالِهَتِنَآ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 21:59

    Sila ay nagsabi: “Sino kaya ang may kagagawan nito sa aming mga diyos? Katotohanan, siya ay isa sa mga mapaggawa ng kamalian.”

  60. قَالُواْ سَمِعۡنَا فَتٗى يَذۡكُرُهُمۡ يُقَالُ لَهُۥٓ إِبۡرَٰهِيمُ 

    Open ayah 21:60

    Sila ay nagsabi: “Aming narinig ang isang binata na kanyang binabanggit ang mga [estatuwang] ito, na ang tawag sa kanya ay Abraham.”

  61. قَالُواْ فَأۡتُواْ بِهِۦ عَلَىٰٓ أَعۡيُنِ ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَشۡهَدُونَ

    Open ayah 21:61

    Sila ay nagsabi: “Kung gayon, siya ay inyong dalhin sa paningin [o sa harap] ng mga tao upang sakali sila ay sumaksi [laban sa kanya].”

  62. قَالُوٓاْ ءَأَنتَ فَعَلۡتَ هَٰذَا بِـَٔالِهَتِنَا يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ

    Open ayah 21:62

    [Kaya, nang siya ay iharap sa kanila]. Sila ay nagsabi: “Ikaw ba ang may kagagawan nito sa aming mga diyos, O Abraham?”

  63. قَالَ بَلۡ فَعَلَهُۥ كَبِيرُهُمۡ هَٰذَا فَسۡـَٔلُوهُمۡ إِن كَانُواْ يَنطِقُونَ

    Open ayah 21:63

    Siya [si Abraham] ay nagsabi: “Hindi, bagkus - ang pinakamalaki sa kanila [sa mga estatwa] ang may kagagawan [ng pagdurog] nito. Kaya, sila [mga estatwa] ay inyong tanungin, kung magagawa nga nilang makipag- usap [sa inyo].”

  64. فَرَجَعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ فَقَالُوٓاْ إِنَّكُمۡ أَنتُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

    Open ayah 21:64

    Kaya sila ay nagsibalik [na nagsisisihan] sa kanilang mga sarili at nagsabi [sa isa’t isa]: “Katotohanan, kayo ang mga mapaggawa ng kamalian.”

  65. ثُمَّ نُكِسُواْ عَلَىٰ رُءُوسِهِمۡ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَا هَٰٓؤُلَآءِ يَنطِقُونَ

    Open ayah 21:65

    Pagkaraan, kanilang ibinaling [o binago] ang kanilang mga sarili [na nagsasabing]: “Katiyakan, iyong nababatid na ang mga ito [mga estatwa] ay hindi nakapagsasalita!”

  66. قَالَ أَفَتَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُكُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا يَضُرُّكُمۡ

    Open ayah 21:66

    Siya [si Abraham] ay nagsabi: “Kaya, sila ba ay inyong sasambahin sa halip na ang Allah – [sila na] hindi nakapagbibigay ng buti sa inyo sa anupaman at hindi nakapipinsala sa inyo?

  67. أُفّٖ لَّكُمۡ وَلِمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 21:67

    Uff sa inyo at sa anumang inyong sinasamba bukod sa Allah. Hindi ba kayo, kung gayon, nakauunawa?”

  68. قَالُواْ حَرِّقُوهُ وَٱنصُرُوٓاْ ءَالِهَتَكُمۡ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ

    Open ayah 21:68

    Sila ay nagsabi: “Siya [si Abraham] ay inyong sunugin at inyong [patuloy na] tangkilikin ang inyong mga diyos – kung kayo ay magsisikilos.”

  69. قُلۡنَا يَٰنَارُ كُونِي بَرۡدٗا وَسَلَٰمًا عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ

    Open ayah 21:69

    Kami [ang Allah] ay nagsabi [at nag-utos sa apoy]: “O Apoy, ikaw ay maging malamig at mapayapa kay Abraham!”

  70. وَأَرَادُواْ بِهِۦ كَيۡدٗا فَجَعَلۡنَٰهُمُ ٱلۡأَخۡسَرِينَ 

    Open ayah 21:70

    At sila ay nagtangka para sa kanya ng isang balakin [o pananakit], nguni’t sila ay Aming ginawang mga talunan [o nawalan].

  71. وَنَجَّيۡنَٰهُ وَلُوطًا إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَا لِلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 21:71

    At Aming iniligtas siya [si Abraham] at si Lot tungo sa lupain na Aming pinagpala para sa Alamin [para sa lahat ng mga nilikha].

  72. وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ نَافِلَةٗۖ وَكُلّٗا جَعَلۡنَا صَٰلِحِينَ

    Open ayah 21:72

    At Aming iginawad para sa kanya [kay Abraham ang mga anak na] sina Isaak at Hakob bilang karagdagan. At silang lahat ay Aming ginawang matwid.

  73. وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَئِمَّةٗ يَهۡدُونَ بِأَمۡرِنَا وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِمۡ فِعۡلَ ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَإِقَامَ ٱلصَّلَوٰةِ وَإِيتَآءَ ٱلزَّكَوٰةِۖ وَكَانُواْ لَنَا عَٰبِدِينَ

    Open ayah 21:73

    At sila ay Aming ginawang Imam [mga pinunong], nagpapatnubay [sa sangkatauhan] sa pamamagitan ng Aming kautusan, at [sila ay] Aming [binigyang inspirasyong at] itinagubilin sa kanila ang paggawa ng kabutihan, pagsagawa ng pagdarasal, at pagbigay ng Zakaah [kawanggawa] at sila ay [tanging] sa Amin lamang sumasamba.

  74. وَلُوطًا ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗا وَنَجَّيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِي كَانَت تَّعۡمَلُ ٱلۡخَبَٰٓئِثَۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمَ سَوۡءٖ فَٰسِقِينَ

    Open ayah 21:74

    At kay Lot, Kami ay nagkaloob sa kanya ng [matwid na] paghatol at kaalaman, at siya ay Aming iniligtas mula sa bayan ng mga mapaggawa ng kasamaan [kalaswaan at kahalayan]. Katotohanan, sila ay mga taong makasalanan at mga suwail.

  75. وَأَدۡخَلۡنَٰهُ فِي رَحۡمَتِنَآۖ إِنَّهُۥ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

    Open ayah 21:75

    At siya [si Lot] ay Aming ipinasok [tinanggap] sa Aming habag; katotohanan, siya ay kabilang sa [hanay ng] mga matutuwid.

  76. وَنُوحًا إِذۡ نَادَىٰ مِن قَبۡلُ فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ فَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 21:76

    At [banggitin mo] si Noah nang siya ay manawagan noong [panahon na iyon] kaya Kami ay tumugon sa kanya at siya ay Aming iniligtas at ang kanyang mag-anak mula sa malaking pinsala [ng bahang delubyo].

  77. وَنَصَرۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمَ سَوۡءٖ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 21:77

    At siya ay Aming tinulungan [upang siya ay makaligtas] mula sa mamamayang nagtakwil sa Aming ayaat [o babala]. Katotohanan, sila ay mamamayang makasalanan. Kaya, sila ay Aming nilunod nang sama-sama.

  78. وَدَاوُۥدَ وَسُلَيۡمَٰنَ إِذۡ يَحۡكُمَانِ فِي ٱلۡحَرۡثِ إِذۡ نَفَشَتۡ فِيهِ غَنَمُ ٱلۡقَوۡمِ وَكُنَّا لِحُكۡمِهِمۡ شَٰهِدِينَ

    Open ayah 21:78

    At [banggitin mo] sina David at Soloman nang sila ay humatol hinggil sa [kaso ng isang] bukirin – nang ang mga tupa ng isang mamamayan ay nanalasa rito [sa oras ng gabi]; at Kami ang naging Saksi sa kanilang [matwid na] paghatol.

  79. فَفَهَّمۡنَٰهَا سُلَيۡمَٰنَۚ وَكُلًّا ءَاتَيۡنَا حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَسَخَّرۡنَا مَعَ دَاوُۥدَ ٱلۡجِبَالَ يُسَبِّحۡنَ وَٱلطَّيۡرَۚ وَكُنَّا فَٰعِلِينَ

    Open ayah 21:79

    At Aming ipinagkaloob kay Solomon ang [kakayahang] unawain [ang kasong] ito; at bawa’t isa [sa kanila] ay Aming binigyan ng [makatwirang] paghatol at kaalaman. At Aming itinalaga ang mga bundok upang lumuwalhati [sa Amin], kasama ni David at ng mga ibon. At Kami ang Siyang gumagawa [niyon].

  80. وَعَلَّمۡنَٰهُ صَنۡعَةَ لَبُوسٖ لَّكُمۡ لِتُحۡصِنَكُم مِّنۢ بَأۡسِكُمۡۖ فَهَلۡ أَنتُمۡ شَٰكِرُونَ 

    Open ayah 21:80

    At Aming itinuro sa kanya ang paghubog ng kalasag [na bakal] upang pangalagaan kayo mula sa inyong [mga kaaway] sa pakikipaglaban. Hindi ba kayo kung gayon magiging mapagpasalamat?

  81. وَلِسُلَيۡمَٰنَ ٱلرِّيحَ عَاصِفَةٗ تَجۡرِي بِأَمۡرِهِۦٓ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَاۚ وَكُنَّا بِكُلِّ شَيۡءٍ عَٰلِمِينَ

    Open ayah 21:81

    At kay Solomon [Aming itinalaga] ang hangin, [ito ay] umiihip nang malakas, humahaplit sa kanyang kautusan tungo sa lupaing Aming pinagpala. At Kami ay Lagi nang Maalam sa lahat ng bagay.

  82. وَمِنَ ٱلشَّيَٰطِينِ مَن يَغُوصُونَ لَهُۥ وَيَعۡمَلُونَ عَمَلٗا دُونَ ذَٰلِكَۖ وَكُنَّا لَهُمۡ حَٰفِظِينَ

    Open ayah 21:82

    At mula sa mga demonyo [jinn] ang iba ay sumisisid [sa dagat] para sa kanya, at naninilbihan [kay Solomon] ng gawaing bukod pa riyan; at Kami ang kanilang naging Tagapagbantay [sa kanilang mga ginagawa].

  83. ۞وَأَيُّوبَ إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَسَّنِيَ ٱلضُّرُّ وَأَنتَ أَرۡحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ

    Open ayah 21:83

    At [banggitin] si Ayyub [Hob], nang siya ay manawagan sa kanyang Panginoon [dumaraing]: “Katotohanan, ang karamdaman ay dumapo sa akin, at Ikaw [O Allah] ang Mahabagin sa lahat ng mahabagin.”

  84. فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ فَكَشَفۡنَا مَا بِهِۦ مِن ضُرّٖۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ أَهۡلَهُۥ وَمِثۡلَهُم مَّعَهُمۡ رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَا وَذِكۡرَىٰ لِلۡعَٰبِدِينَ

    Open ayah 21:84

    Kaya, siya ay Aming tinugon, at Aming pinawi ang anumang karamdamang dumapo sa kanya, kaya Aming ipinagkaloob muli sa kanya ang kanyang mag-anak [na nangawalay] at ang ibang nakakatulad nito bilang isang habag mula sa Amin at isang paalala para sa mga sumasamba [sa Allah].

  85. وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِدۡرِيسَ وَذَا ٱلۡكِفۡلِۖ كُلّٞ مِّنَ ٱلصَّٰبِرِينَ

    Open ayah 21:85

    At [banggitin] sina Ismael, at Idris [Enok] at Dhul-Khifl: silang lahat ay kabilang sa [hanay ng] mga matiisin.

  86. وَأَدۡخَلۡنَٰهُمۡ فِي رَحۡمَتِنَآۖ إِنَّهُم مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

    Open ayah 21:86

    At sila ay Aming ipinasok [o tinanggap] sa Aming habag. Katotohanan, sila ay kabilang sa [hanay ng] mga matutuwid.

  87. وَذَا ٱلنُّونِ إِذ ذَّهَبَ مُغَٰضِبٗا فَظَنَّ أَن لَّن نَّقۡدِرَ عَلَيۡهِ فَنَادَىٰ فِي ٱلظُّلُمَٰتِ أَن لَّآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنتَ سُبۡحَٰنَكَ إِنِّي كُنتُ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 21:87

    At [banggitin] ang Dhun-Nun [si Jonas], nang siya ay lumisang napopoot, at nag-akalang hindi Namin itatakda [ang anuman] sa kanya! Nguni’t siya ay nanalangin sa loob ng kadiliman [ng dagat na nagsabing]: “Walang ibang diyos maliban sa Iyo. Luwalhati sa Iyo. Katotohanan, ako ay napabilang mula sa [hanay ng] mga mapaggawa ng kamalian.”

  88. فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ وَنَجَّيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡغَمِّۚ وَكَذَٰلِكَ نُـۨجِي ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 21:88

    Kaya, siya ay Aming tinugon, at siya ay Aming iniligtas mula sa kasawian. At ganyan nga Namin inililigtas ang mga [taong] naniniwala.

  89. وَزَكَرِيَّآ إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥ رَبِّ لَا تَذَرۡنِي فَرۡدٗا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡوَٰرِثِينَ

    Open ayah 21:89

    At [alalahanin] si Zakarias, nang siya ay manawagan sa kanyang Panginoon: “Aking Panginoon, huwag Mo po akong hayaang nag-iisang [walang tagapagmanang anak] at Ikaw ang pinakamahusay sa mga Tagapagmana.”

  90. فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ وَوَهَبۡنَا لَهُۥ يَحۡيَىٰ وَأَصۡلَحۡنَا لَهُۥ زَوۡجَهُۥٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَيَدۡعُونَنَا رَغَبٗا وَرَهَبٗاۖ وَكَانُواْ لَنَا خَٰشِعِينَ 

    Open ayah 21:90

    Kaya siya ay Aming tinugon, at Aming iginawad sa kanya si Yahya [Juan] at Aming isinayos [pinagaling] para sa kanya ang kanyang asawa [upang magdalang-tao]. Katotohanan, sila ay lagi nang maagap sa paggawa ng mga kabutihan, at sila ay lagi nang nagsusumamo sa Amin nang may pag-asa at takot, at sila ay lagi nang nagpapakumbaba sa Amin.

  91. وَٱلَّتِيٓ أَحۡصَنَتۡ فَرۡجَهَا فَنَفَخۡنَا فِيهَا مِن رُّوحِنَا وَجَعَلۡنَٰهَا وَٱبۡنَهَآ ءَايَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 21:91

    At [banggitin mo] ang isang nangalaga ng kanyang dangal [si Maria], na Aming hinipan [ang kanyang kasuutan] sa pamamagitan ng Aming Ruh [Anghel Gabriel], at siya ay Aming ginawa at ang kanyang anak [si Hesus] bilang tanda para sa lahat ng nilikha .

  92. إِنَّ هَٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَأَنَا۠ رَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُونِ

    Open ayah 21:92

    Katotohanan ito [ang Islam], ang inyong relihiyon ay isang relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon, kaya Ako ay inyong sambahin.

  93. وَتَقَطَّعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡۖ كُلٌّ إِلَيۡنَا رَٰجِعُونَ

    Open ayah 21:93

    At [subali’t], kanilang pinaghati-hati ang kanilang mga gawain [ukol sa relihiyon] sa kanilang pagitan. Nguni’t, silang lahat ay magsisibalik sa Amin.

  94. فَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَا كُفۡرَانَ لِسَعۡيِهِۦ وَإِنَّا لَهُۥ كَٰتِبُونَ

    Open ayah 21:94

    Kaya, sinuman ang gumagawa ng mga gawaing matwid habang siya ay isang naniniwala – hindi ipagkakait ang [gantimpala ng] kanyang mga pagsisikap. Katotohanan, Kami [ang Aming mga anghel] ang mga tagapagtala nito.

  95. وَحَرَٰمٌ عَلَىٰ قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَآ أَنَّهُمۡ لَا يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 21:95

    At ipinagbabawal para sa [mga mamamayan ng] bawa’t bayan na Aming winasak – na katiyakang sila ay hindi na [kailanman] makababalik pa [sa buhay sa mundo]

  96. حَتَّىٰٓ إِذَا فُتِحَتۡ يَأۡجُوجُ وَمَأۡجُوجُ وَهُم مِّن كُلِّ حَدَبٖ يَنسِلُونَ

    Open ayah 21:96

    Hanggang, nang [ang saplad o harang] nina Gog at Magog ay mabuksan at sila, sa bawa’t [mataas na kinalalagyan na] gulod, ay mabilis na nagsisipanaog.

  97. وَٱقۡتَرَبَ ٱلۡوَعۡدُ ٱلۡحَقُّ فَإِذَا هِيَ شَٰخِصَةٌ أَبۡصَٰرُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَٰوَيۡلَنَا قَدۡ كُنَّا فِي غَفۡلَةٖ مِّنۡ هَٰذَا بَلۡ كُنَّا ظَٰلِمِينَ

    Open ayah 21:97

    At [kapag] ang tunay na pangako [ang Araw ng Pagkabuhay na Muli] ay lumapit; magkagayon, ang mga mata niyaong mga di-naniniwala ay biglang nakatitig sa [gitna ng] ligalig. [At sila ay magsasabing]: “Kasawian sa amin! Kami ay nasa kapabayaan mula rito at kami ay naging mga mapaggawa ng kamalian [o ng di-makatarungan].

  98. إِنَّكُمۡ وَمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ حَصَبُ جَهَنَّمَ أَنتُمۡ لَهَا وَٰرِدُونَ

    Open ayah 21:98

    Katotohanan, kayo [mga di-naniwala] at ang anumang inyong sinasamba bukod sa Allah ay panggatong sa Impiyerno. Kaya kayo ay darating [upang pumasok] dito.

  99. لَوۡ كَانَ هَٰٓؤُلَآءِ ءَالِهَةٗ مَّا وَرَدُوهَاۖ وَكُلّٞ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 21:99

    Kung ang mga ito [mga huwad na diyos] ay tunay ngang mga diyos, marahil sila ay hindi nakarating doon [sa Impiyerno], nguni’t silang lahat ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  100. لَهُمۡ فِيهَا زَفِيرٞ وَهُمۡ فِيهَا لَا يَسۡمَعُونَ 

    Open ayah 21:100

    Doon, sila ay magbubuntong-hininga nang malalim. At sila ay hindi makaririnig dito.

  101. إِنَّ ٱلَّذِينَ سَبَقَتۡ لَهُم مِّنَّا ٱلۡحُسۡنَىٰٓ أُوْلَٰٓئِكَ عَنۡهَا مُبۡعَدُونَ 

    Open ayah 21:101

    Katotohanan, yaong ang kanilang mga kabutihan ay nagpauna sa Amin, sila yaong mga ilalayo roon [sa Impiyerno].

  102. لَا يَسۡمَعُونَ حَسِيسَهَاۖ وَهُمۡ فِي مَا ٱشۡتَهَتۡ أَنفُسُهُمۡ خَٰلِدُونَ 

    Open ayah 21:102

    Sila ay walang maririnig na ingay nito [ng Impiyerno], habang sila ay nananatili sa anumang pag-asam ng kanilang sarili nang walang hanggan.

  103. لَا يَحۡزُنُهُمُ ٱلۡفَزَعُ ٱلۡأَكۡبَرُ وَتَتَلَقَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ هَٰذَا يَوۡمُكُمُ ٱلَّذِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ 

    Open ayah 21:103

    Sila ay walang [madaramang] pangamba laban sa pinakamalaking ligalig [ng parusa ng apoy], at ang mga anghel ay sasalubong sa kanila [at nagsasabing] “Ito ang inyong Araw na ipinangako sa inyo.”

  104. يَوۡمَ نَطۡوِي ٱلسَّمَآءَ كَطَيِّ ٱلسِّجِلِّ لِلۡكُتُبِۚ كَمَا بَدَأۡنَآ أَوَّلَ خَلۡقٖ نُّعِيدُهُۥۚ وَعۡدًا عَلَيۡنَآۚ إِنَّا كُنَّا فَٰعِلِينَ 

    Open ayah 21:104

    Sa Araw [na iyon] ay Aming ititiklop ang kalangitan tulad ng pagtiklop sa isang pilas ng papel para sa talaan. Katulad ng Aming unang paglikha, ito ay Aming uulitin. [Ito ay] isang pangako [na nakaatang] sa Amin. Katotohanan, ito ay Aming gagawin.

  105. وَلَقَدۡ كَتَبۡنَا فِي ٱلزَّبُورِ مِنۢ بَعۡدِ ٱلذِّكۡرِ أَنَّ ٱلۡأَرۡضَ يَرِثُهَا عِبَادِيَ ٱلصَّٰلِحُونَ 

    Open ayah 21:105

    At katiyakan, Aming naisulat na sa aklat ng Psalmo mula pa noong ito ay [unang] binanggit - na ang lupain [ng walang hanggang Paraiso] ay mamanahin ng Aking mga matutuwid na alipin.

  106. إِنَّ فِي هَٰذَا لَبَلَٰغٗا لِّقَوۡمٍ عَٰبِدِينَ 

    Open ayah 21:106

    Katotohanan, naririto [sa Qur’an] ang malinaw na mensahe [bilang panuntunan] para sa mga taong sumasamba [sa Akin].

  107. وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا رَحۡمَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ 

    Open ayah 21:107

    At ikaw [O Muhammad] ay hindi Namin ipinadala maliban bilang isang habag para sa lahat [ng mga nilikha].

  108. قُلۡ إِنَّمَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ 

    Open ayah 21:108

    Sabihin: “Katotohanan, ipinahayag lamang sa akin na ang inyong Diyos ay tanging isang diyos [ang Allah]. Hindi ba kayo, kung gayon, tatalima [sa Kanya bilang Muslim]?”

  109. فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُلۡ ءَاذَنتُكُمۡ عَلَىٰ سَوَآءٖۖ وَإِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٌ أَم بَعِيدٞ مَّا تُوعَدُونَ 

    Open ayah 21:109

    Nguni’t, kung sila ay magsitalikod [sa iyo], magkagayon sabihin mo [sa kanila]: “Aking ipinaalam [sa inyong lahat] nang pantay [walang pagkiling o pagtangi]. At hindi ko nababatid kung malapit na o malayo pa ang anumang ipinangako sa inyo.”

  110. إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ وَيَعۡلَمُ مَا تَكۡتُمُونَ 

    Open ayah 21:110

    Katotohanan, Kanyang lubos na nababatid kung ano ang inyong inihahayag na mga salita at kung ano ang inyong itinatago.

  111. وَإِنۡ أَدۡرِي لَعَلَّهُۥ فِتۡنَةٞ لَّكُمۡ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٖ

    Open ayah 21:111

    At katotohanan, hindi ko nababatid na baka sakaling ito [ang palugit na ipinagkaloob sa inyo] ay [magsilbing] isang pagsubok para sa inyo, o isang kasiyahan hanggang sa isang [takdang pagsapit ng] panahon.

  112. قَٰلَ رَبِّ ٱحۡكُم بِٱلۡحَقِّۗ وَرَبُّنَا ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلۡمُسۡتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ

    Open ayah 21:112

    Siya [si Propeta Muhammad] ay nagsabi: “[O Allah] Aking Panginoon, Ikaw ang humatol [sa aming pagitan] sa katotohanan. At ang Aming Panginoon - ang Mahabagin, ang Siyang tanging hinihingan ng tulong laban sa anumang inyong [mga kasinungalingang] iniaakibat [laban sa Kanya].”