الحج

Al-Hajj

The Pilgrimage · Surah 22 · Ayahs: 78 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡۚ إِنَّ زَلۡزَلَةَ ٱلسَّاعَةِ شَيۡءٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 22:1

    O sangkatauhan, katakutan ninyo ang inyong Panginoon. Katotohanan, ang paglindol sa [Huling] Oras ay isang bagay na kasindak-sindak.

  2. يَوۡمَ تَرَوۡنَهَا تَذۡهَلُ كُلُّ مُرۡضِعَةٍ عَمَّآ أَرۡضَعَتۡ وَتَضَعُ كُلُّ ذَاتِ حَمۡلٍ حَمۡلَهَا وَتَرَى ٱلنَّاسَ سُكَٰرَىٰ وَمَا هُم بِسُكَٰرَىٰ وَلَٰكِنَّ عَذَابَ ٱللَّهِ شَدِيدٞ

    Open ayah 22:2

    Sa Araw na [iyon ay] iyong makikita ang bawa’t nagpapasusong ina na naguguluhan [o nalilingat] sa kanyang pinasususong [anak], at bawa’t babaing nagdadalantao ay ilalaglag ang kanyang dinadala [sa sinapupunan], at iyong makikita ang mga tao na [wari bang] lasing, samantalang sila ay hindi lasing, sapagka’t ang parusa ng Allah ay sadyang matindi.

  3. وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَيَتَّبِعُ كُلَّ شَيۡطَٰنٖ مَّرِيدٖ

    Open ayah 22:3

    At sa sangkatauhan ay may isang [taong] nakikipagtalo tungkol sa Allah na wala namang [sapat at tamang] kaalaman, at sumusunod sa bawa’t demonyong mapaghimagsik.

  4. كُتِبَ عَلَيۡهِ أَنَّهُۥ مَن تَوَلَّاهُ فَأَنَّهُۥ يُضِلُّهُۥ وَيَهۡدِيهِ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ

    Open ayah 22:4

    Itinakda para sa kanya [sa bawa’t demonyo] na sinuman ang sumunod sa kanya - siya ay kanyang ililigaw at siya ay kanyang aakayin [tungo] sa parusa ng naglalagablab [na Apoy].

  5. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِن كُنتُمۡ فِي رَيۡبٖ مِّنَ ٱلۡبَعۡثِ فَإِنَّا خَلَقۡنَٰكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ مِنۡ عَلَقَةٖ ثُمَّ مِن مُّضۡغَةٖ مُّخَلَّقَةٖ وَغَيۡرِ مُخَلَّقَةٖ لِّنُبَيِّنَ لَكُمۡۚ وَنُقِرُّ فِي ٱلۡأَرۡحَامِ مَا نَشَآءُ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى ثُمَّ نُخۡرِجُكُمۡ طِفۡلٗا ثُمَّ لِتَبۡلُغُوٓاْ أَشُدَّكُمۡۖ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَيۡلَا يَعۡلَمَ مِنۢ بَعۡدِ عِلۡمٖ شَيۡـٔٗاۚ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ هَامِدَةٗ فَإِذَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡهَا ٱلۡمَآءَ ٱهۡتَزَّتۡ وَرَبَتۡ وَأَنۢبَتَتۡ مِن كُلِّ زَوۡجِۭ بَهِيجٖ

    Open ayah 22:5

    O sangkatauhan, kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa [Araw ng] Pagkabuhay na Muli, samakatwid [isaalang-alang ito], katotohanan kayo ay Aming nilikha mula sa alabok, pagkaraan mula sa isang patak ng semilya at pagkaraan mula sa isang namuong kimpal ng dugo, pagkaraan mula sa kapirasong laman - [ang iba ay] nabuo at [ang iba ay] hindi nabuo [o nakunan] upang sa gayon ay Aming maipakita sa inyo. At Aming pinanatili sa loob ng mga sinapupunan ang sinumang Aming marapatin para sa isang takdang panahon, pagkaraan, kayo ay Aming iniluwal bilang sanggol at pagkaraan [kayo ay Aming pinalaki] upang kayo ay umabot sa wastong gulang. At mula sa inyo ay mayroong [maagang] kinukuha ng kamatayan at mula [rin] sa inyo ay mayroong ibinalik sa kahinaan [pagiging ulyanin]

  6. ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّهُۥ يُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَأَنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

    Open ayah 22:6

    Iyan ay sa dahilang ang Allah ay Siyang Katotohanan, at sapagka’t Siya ang naggagawad ng buhay sa patay, at katotohanang Siya ang may kakayahang gawin ang lahat ng bagay.

  7. وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٞ لَّا رَيۡبَ فِيهَا وَأَنَّ ٱللَّهَ يَبۡعَثُ مَن فِي ٱلۡقُبُورِ

    Open ayah 22:7

    At [upang kanilang malaman na] ang Oras ay darating - walang alinlangan tungkol dito – at tunay ngang bubuhaying muli ng Allah ang mga nasa libingan.

  8. وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَلَا هُدٗى وَلَا كِتَٰبٖ مُّنِيرٖ

    Open ayah 22:8

    At sa sangkatauhan ay may isang nakikipagtalo tungkol sa Allah, na wala namang [sapat at tamang] kaalaman o patnubay, o isang aklat na nagbibigay liwanag [mula sa Allah],

  9. ثَانِيَ عِطۡفِهِۦ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۖ لَهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞۖ وَنُذِيقُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ

    Open ayah 22:9

    Binabaling ang kanyang leeg [sa pagmamalaki] upang mailigaw [ang mga tao] mula sa Landas ng Allah. [Nakalaan para] sa kanya ang kahihiyan sa mundong ito. At sa Araw ng Pagkabuhay na Muli ay Aming ipalalasap sa kanya ang parusa ng nagliliyab na Apoy.

  10. ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتۡ يَدَاكَ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيۡسَ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ 

    Open ayah 22:10

    Iyan ay sanhi ng anumang ginawa ng iyong mga kamay, at sapagka’t ang Allah ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa [Kanyang] mga alipin.

  11. وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَعۡبُدُ ٱللَّهَ عَلَىٰ حَرۡفٖۖ فَإِنۡ أَصَابَهُۥ خَيۡرٌ ٱطۡمَأَنَّ بِهِۦۖ وَإِنۡ أَصَابَتۡهُ فِتۡنَةٌ ٱنقَلَبَ عَلَىٰ وَجۡهِهِۦ خَسِرَ ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةَۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡخُسۡرَانُ ٱلۡمُبِينُ

    Open ayah 22:11

    At sa sangkatauhan ay may sumasamba sa Allah na nasa bingit. Kapag siya ay datnan ng kabutihan, siya ay nagiging panatag sa pamamagitan nito; nguni’t kapag siya ay datnan ng pagsubok, kanyang ibinabaling ang mukha [sa ibang dako]. [Sanhi nito] siya ay nawalan sa mundo [ng ito] at sa kabilang buhay. Iyan ang [tanda ng] hayag na kawalan.

  12. يَدۡعُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُۥ وَمَا لَا يَنفَعُهُۥۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَٰلُ ٱلۡبَعِيدُ

    Open ayah 22:12

    Bukod sa Allah, siya ay nananalangin sa iba na hindi nakakapinsala at hindi nakakabuti sa kanya. Iyan ang [tanda ng] malubhang kamalian.

  13. يَدۡعُواْ لَمَن ضَرُّهُۥٓ أَقۡرَبُ مِن نَّفۡعِهِۦۚ لَبِئۡسَ ٱلۡمَوۡلَىٰ وَلَبِئۡسَ ٱلۡعَشِيرُ

    Open ayah 22:13

    Siya ay nananalangin sa isang higit na malapit sa pinsala kaysa sa kanyang kabutihan – sadyang napakasamang tagapagtanggol at napakasamang kasamahan.

  14. إِنَّ ٱللَّهَ يُدۡخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يُرِيدُ

    Open ayah 22:14

    Katotohanan, papapasukin ng Allah yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid sa mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Katotohanan, ang Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang hinahangad.

  15. مَن كَانَ يَظُنُّ أَن لَّن يَنصُرَهُ ٱللَّهُ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ فَلۡيَمۡدُدۡ بِسَبَبٍ إِلَى ٱلسَّمَآءِ ثُمَّ لۡيَقۡطَعۡ فَلۡيَنظُرۡ هَلۡ يُذۡهِبَنَّ كَيۡدُهُۥ مَا يَغِيظُ

    Open ayah 22:15

    Sinuman ang mag-aakalang siya [si Muhammad] ay hindi tutulungan ng Allah sa mundong ito at sa kabilang buhay - hayaan siyang magtali ng lubid sa kisame, pagkaraan ay pugtuin [ang kanyang hininga] at hayaan niyang matunghayan [ito]. Ang pagsisikap ba niya ay makapapawi sa anumang ipinagpupuyos ng [kanyang] galit?

  16. وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖ وَأَنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يُرِيدُ

    Open ayah 22:16

    At ganyan Namin ibinaba [o ipinahayag] ito [ang Qur’an] bilang kapahayagang may malinaw na katibayan. At katotohanan, ang Allah ay nagpapatnubay sa sinumang Kanyang hinahangad.

  17. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلصَّٰبِـِٔينَ وَٱلنَّصَٰرَىٰ وَٱلۡمَجُوسَ وَٱلَّذِينَ أَشۡرَكُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ يَفۡصِلُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ

    Open ayah 22:17

    Katotohanan, yaong mga naniwala at yaong mga Hudyo, at mga Sabiyano, at mga Kristiyano, at mga Magyan, at yaong mga nagtatambal [sa iba bukod sa Allah] - ang Allah ay maghahatol sa kanilang pagitan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Katotohanan, ang Allah ay Saksi sa lahat ng bagay.

  18. أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَسۡجُدُۤ لَهُۥۤ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ وَٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ وَٱلنُّجُومُ وَٱلۡجِبَالُ وَٱلشَّجَرُ وَٱلدَّوَآبُّ وَكَثِيرٞ مِّنَ ٱلنَّاسِۖ وَكَثِيرٌ حَقَّ عَلَيۡهِ ٱلۡعَذَابُۗ وَمَن يُهِنِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن مُّكۡرِمٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يَشَآءُ۩

    Open ayah 22:18

    Hindi mo ba nakikita [o nalalaman] na sa Allah nagpapatirapa ang sinumang nasa mga kalangitan at sinumang nasa kalupaan, at ang araw, ang buwan, at ang mga bituin at ang mga bundok, at ang mga punongkahoy, at ang bawa’t nilikhang gumagala, at ang nakararami sa tao? Nguni’t sa nakararaming tao [na tumangging magpatirapa sa Kanya] ang parusa ay naging marapat [o makatuwiran]. At sinumang bigyan ng Allah ng kahihiyan, walang sinuman ang makapagbibigay sa kanya ng karangalan. At katotohanan, ang Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang nais.

  19. ۞هَٰذَانِ خَصۡمَانِ ٱخۡتَصَمُواْ فِي رَبِّهِمۡۖ فَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قُطِّعَتۡ لَهُمۡ ثِيَابٞ مِّن نَّارٖ يُصَبُّ مِن فَوۡقِ رُءُوسِهِمُ ٱلۡحَمِيمُ

    Open ayah 22:19

    Ito ang dalawang magkaaway na nagtatalo tungkol sa kanilang Panginoon. Kaya, yaong mga di-naniwala ay magkakaroon ng tinabas na damit mula sa Apoy. Sa kanilang ulo ay ibubuhos ang kumukulong tubig.

  20. يُصۡهَرُ بِهِۦ مَا فِي بُطُونِهِمۡ وَٱلۡجُلُودُ 

    Open ayah 22:20

    Sa pamamagitan nito ay lulusawin ang anumang nasa loob ng kanilang mga tiyan, at [ng kanilang] mga balat.

  21. وَلَهُم مَّقَٰمِعُ مِنۡ حَدِيدٖ

    Open ayah 22:21

    At para sa kanila ay mga nakasimang bakal [upang sila ay hampasin at wakwakin].

  22. كُلَّمَآ أَرَادُوٓاْ أَن يَخۡرُجُواْ مِنۡهَا مِنۡ غَمٍّ أُعِيدُواْ فِيهَا وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ

    Open ayah 22:22

    Sa bawa’t sandali na sila ay naghahangad lumabas dito [sa Impiyerno] mula sa dusa, sila ay ibabalik doon, at [ito ang] sasabihin sa kanila: “Lasapin ninyo ang [hapdi ng] parusang nakakasunog.”

  23. إِنَّ ٱللَّهَ يُدۡخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَلُؤۡلُؤٗاۖ وَلِبَاسُهُمۡ فِيهَا حَرِيرٞ

    Open ayah 22:23

    Katotohanan, papapasukin ng Allah yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid sa mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Sila ay gagayakan doon ng mga pulseras na ginto at perlas at ang kanilang mga kasuutan doon ay [yari sa mga mararangyang disenyo ng] sutla.

  24. وَهُدُوٓاْ إِلَى ٱلطَّيِّبِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ وَهُدُوٓاْ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡحَمِيدِ

    Open ayah 22:24

    At sila ay napatnubayan [sa mundong ito] tungo sa mabubuting pananalita, at sila ay napatnubayan sa landas na ipinagkakapuri.

  25. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ ٱلَّذِي جَعَلۡنَٰهُ لِلنَّاسِ سَوَآءً ٱلۡعَٰكِفُ فِيهِ وَٱلۡبَادِۚ وَمَن يُرِدۡ فِيهِ بِإِلۡحَادِۭ بِظُلۡمٖ نُّذِقۡهُ مِنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ

    Open ayah 22:25

    Katotohanan, yaong mga di-naniwala at humadlang [sa mga tao] mula sa landas ng Allah, at [sa pagtungo] sa Al-Masjid Al-Haram [sa Makkah], na Aming ginawa para sa lahat ng tao – magkakapantay ang mga taong naninirahan dito at ang mga tao mula sa labas – at [gayunman] ang sinumang maglayon [ng isang gawain] ng paglihis [sa relihiyon] dito o ng kamalian – Aming ipalalasap sa kanya ang isang mahapding parusa.

  26. وَإِذۡ بَوَّأۡنَا لِإِبۡرَٰهِيمَ مَكَانَ ٱلۡبَيۡتِ أَن لَّا تُشۡرِكۡ بِي شَيۡـٔٗا وَطَهِّرۡ بَيۡتِيَ لِلطَّآئِفِينَ وَٱلۡقَآئِمِينَ وَٱلرُّكَّعِ ٱلسُّجُودِ

    Open ayah 22:26

    At [alalahanin] nang Aming italaga kay Abraham ang pook ng [sagradong] bahay [Ka’bah] [nagsasabing]: “Huwag magtambal sa Akin ng anuman at gawing dalisay ang Aking bahay para sa mga nagsisiikot [dito], at yaong mga nagsisitayo [sa pagdarasal], at yaong mga nagsisiyuko at mga nagpapatirapa.

  27. وَأَذِّن فِي ٱلنَّاسِ بِٱلۡحَجِّ يَأۡتُوكَ رِجَالٗا وَعَلَىٰ كُلِّ ضَامِرٖ يَأۡتِينَ مِن كُلِّ فَجٍّ عَمِيقٖ

    Open ayah 22:27

    At ipanawagan mo sa sangkatauhan ang [kahalagahan ng] Hajj; sila ay darating sa iyong nakayapak at nakasakay sa bawa’t kamelyo, at sila ay magsisirating mula sa bawa’t [matatarik at] malalayong daan –

  28. لِّيَشۡهَدُواْ مَنَٰفِعَ لَهُمۡ وَيَذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ فِيٓ أَيَّامٖ مَّعۡلُومَٰتٍ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلۡأَنۡعَٰمِۖ فَكُلُواْ مِنۡهَا وَأَطۡعِمُواْ ٱلۡبَآئِسَ ٱلۡفَقِيرَ

    Open ayah 22:28

    Upang kanilang saksihan ang mga kabutihan para sa kanila at [upang] kanilang banggitin ang Ngalan ng Allah sa mga takdang araw para sa anumang mga hayop na Kanyang ipinagkaloob [bilang panustos] sa kanila. Kaya, kayo ay magsikain mula sa mga ito at magpakain sa mga naghihikahos at mga dukha.

  29. ثُمَّ لۡيَقۡضُواْ تَفَثَهُمۡ وَلۡيُوفُواْ نُذُورَهُمۡ وَلۡيَطَّوَّفُواْ بِٱلۡبَيۡتِ ٱلۡعَتِيقِ

    Open ayah 22:29

    Pagkaraan, hayaan silang buuin ang kanilang mga ritwal [ng Hajj] at tuparin ang kanilang mga panata, at magsagawa ng pag-ikot [sa palibot ng] lumang bahay [Ka’bah].”

  30. ذَٰلِكَۖ وَمَن يُعَظِّمۡ حُرُمَٰتِ ٱللَّهِ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّهُۥ عِندَ رَبِّهِۦۗ وَأُحِلَّتۡ لَكُمُ ٱلۡأَنۡعَٰمُ إِلَّا مَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱجۡتَنِبُواْ ٱلرِّجۡسَ مِنَ ٱلۡأَوۡثَٰنِ وَٱجۡتَنِبُواْ قَوۡلَ ٱلزُّورِ 

    Open ayah 22:30

    Iyan [ay ipinag-utos] at sinumang dumakila sa mga sagradong alituntunin ng Allah - ito ay pinakamabuti para sa kanya sa paningin ng kanyang Panginoon. At ipinahintulot sa inyo [bilang pagkain] ay ang mga pinapastulang hayop [sa kawan ng bakahan], maliban ang anumang binanggit sa inyo. Kaya inyong layuan ang dungis ng mga diyus-diyusan, at inyong iwasan ang pananalitang walang katotohanan [pagsaksi ng walang katotohanan].

  31. حُنَفَآءَ لِلَّهِ غَيۡرَ مُشۡرِكِينَ بِهِۦۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَكَأَنَّمَا خَرَّ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَتَخۡطَفُهُ ٱلطَّيۡرُ أَوۡ تَهۡوِي بِهِ ٱلرِّيحُ فِي مَكَانٖ سَحِيقٖ

    Open ayah 22:31

    HunafaAllah [mga tuwirang sumasamba sa Allah], nang walang pagtatambal [ng anupaman] sa Kanya. At sinuman ang magtatambal sa Allah - ito ay wari bang siya ay nahulog mula sa langit, at siya ay dinagit ng mga ibon at siya ay ipinadpad ng hangin sa malayong [liblib na] pook.

  32. ذَٰلِكَۖ وَمَن يُعَظِّمۡ شَعَٰٓئِرَ ٱللَّهِ فَإِنَّهَا مِن تَقۡوَى ٱلۡقُلُوبِ

    Open ayah 22:32

    Iyan nga [iyon]. At sinuman ang dumakila sa mga sagisag [o ritwal] ng Allah, katotohanan, ito ay nagmula sa kabanalan [o kalinisan] ng mga puso.

  33. لَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى ثُمَّ مَحِلُّهَآ إِلَى ٱلۡبَيۡتِ ٱلۡعَتِيقِ

    Open ayah 22:33

    Para sa inyo rito [sa mga hayop bilang alay] ay mga pakinabang hanggang sa naitakdang panahon; magkagayon ang pook ng pag-aalay [pagkatay] ay sa Lumang Bahay.

  34. وَلِكُلِّ أُمَّةٖ جَعَلۡنَا مَنسَكٗا لِّيَذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلۡأَنۡعَٰمِۗ فَإِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَلَهُۥٓ أَسۡلِمُواْۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُخۡبِتِينَ

    Open ayah 22:34

    At sa bawa’t pamayanan Kami ay gumawa ng isang ritwal [ng pagkatay] upang kanilang banggitin ang Ngalan ng Allah sa anumang [kakataying] hayop na Kanyang ipinagkaloob [bilang panustos] para sa kanila. Sapagka’t ang inyong Diyos ay isang Diyos [ang Allah], kaya kayo ay tumalima sa Kanya. At ikaw [O Muhammad] ay magbigay ng magandang balita sa mga mapagkumbaba [sa harap ng kanilang Panginoon],

  35. ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَجِلَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ عَلَىٰ مَآ أَصَابَهُمۡ وَٱلۡمُقِيمِي ٱلصَّلَوٰةِ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ

    Open ayah 22:35

    Yaong, kapag ang Allah ay nabanggit, ang kanilang mga puso ay nanginginig [sa takot] at [sila ay] mga matiisin sa anumang sakit [na idinulot] sa kanila, at nagsasagawa ng pagdarasal, at gumugugol mula sa anumang panustos na Aming ipinagkaloob sa kanila.

  36. وَٱلۡبُدۡنَ جَعَلۡنَٰهَا لَكُم مِّن شَعَٰٓئِرِ ٱللَّهِ لَكُمۡ فِيهَا خَيۡرٞۖ فَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهَا صَوَآفَّۖ فَإِذَا وَجَبَتۡ جُنُوبُهَا فَكُلُواْ مِنۡهَا وَأَطۡعِمُواْ ٱلۡقَانِعَ وَٱلۡمُعۡتَرَّۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرۡنَٰهَا لَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 22:36

    At ang mga kamelyo at [kawan ng] mga bakahan, Aming ginawa ang mga ito para sa inyo bilang sagisag [ritwal] ng Allah; mula rito ay [may nakalaang] kabutihan para sa inyo. At inyong banggitin ang Ngalan ng Allah sa mga ito [habang kinakatay ng] nakatayo; at kapag ang mga ito ay [wala nang buhay] nakahandusay sa kanilang tagiliran, samakatwid, magsikain kayo sa mga ito at magpakain sa mga dukha [na hindi humihingi] at sa mga pulubi. Ganyan Namin itinalaga ang mga ito sa inyo upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.

  37. لَن يَنَالَ ٱللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَآؤُهَا وَلَٰكِن يَنَالُهُ ٱلتَّقۡوَىٰ مِنكُمۡۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمۡ لِتُكَبِّرُواْ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَىٰكُمۡۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 22:37

    Hindi ang kanilang [laman] karne ang nakararating sa Allah o ang kanilang dugo kundi ang nakararating sa Kanya ay ang taqwa [mapitagang takot] mula sa inyo. Ganyan Namin itinalaga para sa inyo ang mga ito upang sakali ay inyong dakilain ang Allah para sa anumang Kanyang ipinatnubay sa inyo. At magbigay ng magandang balita sa mga mapaggawa ng kabutihan.

  38. ۞إِنَّ ٱللَّهَ يُدَٰفِعُ عَنِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٖ كَفُورٍ

    Open ayah 22:38

    Katotohanan, ipinagtatanggol ng Allah yaong mga naniniwala. Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang lahat ng nagtataksil [at] walang pasasalamat.

  39. أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَٰتَلُونَ بِأَنَّهُمۡ ظُلِمُواْۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ نَصۡرِهِمۡ لَقَدِيرٌ

    Open ayah 22:39

    Ang kapahintulutan [upang makipaglaban] ay ipinagkaloob sa mga [naniniwala na] kinalaban, sapagka't sila ay ginawan ng di-makatarungan; at katotohanan, ang Allah ay may kakayahang magkaloob sa kanila ng tagumpay.

  40. ٱلَّذِينَ أُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِم بِغَيۡرِ حَقٍّ إِلَّآ أَن يَقُولُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُۗ وَلَوۡلَا دَفۡعُ ٱللَّهِ ٱلنَّاسَ بَعۡضَهُم بِبَعۡضٖ لَّهُدِّمَتۡ صَوَٰمِعُ وَبِيَعٞ وَصَلَوَٰتٞ وَمَسَٰجِدُ يُذۡكَرُ فِيهَا ٱسۡمُ ٱللَّهِ كَثِيرٗاۗ وَلَيَنصُرَنَّ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ 

    Open ayah 22:40

    [Sila] yaong mga itinaboy mula sa kanilang mga tahanan nang walang katarungan – nang dahil sa kanilang pagsasabing: “Ang aming Panginoon ay ang Allah.” At kung hindi lamang na ang Allah ay sumusuri sa mga tao, ang ilan ay sa pamamagitan ng mga iba, marahil nagkaroon na ng paninira sa mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagogue, at mga masjid, na kung saan ang Ngalan ng Allah ay malimit na binabanggit [o pinupuri]. At katotohanan, tutulungan ng Allah yaong mga tumutulong sa Kanya [sa Kanyang Landas]. Katotohanan, ang Allah ay Malakas, ang Ganap na Makapangyarihan.

  41. ٱلَّذِينَ إِن مَّكَّنَّٰهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَمَرُواْ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَنَهَوۡاْ عَنِ ٱلۡمُنكَرِۗ وَلِلَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ

    Open ayah 22:41

    [At sila] yaong kapag Aming binigyan ng kapangyarihan sa [mga] lupain, [sila ay] nagsasagawa ng pagdarasal, nagbibigay ng Zakaah at sila ay nag- uutos ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan. At sa Allah ang wakas [o kaganapan] ng lahat ng pangyayari.

  42. وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَعَادٞ وَثَمُودُ

    Open ayah 22:42

    At kung ikaw [O Muhammad] ay kanilang itakwil – ganyan din ang mga nauna sa kanila - ang mga mamamayan ni Noah, ang [mamamayan ng] 'Aad at [Tribu] ng Thamud ay nagtakwil [sa kanilang mga propeta]

  43. وَقَوۡمُ إِبۡرَٰهِيمَ وَقَوۡمُ لُوطٖ

    Open ayah 22:43

    At ang mga mamamayan ni Abraham at mamamayan ni Lot,

  44. وَأَصۡحَٰبُ مَدۡيَنَۖ وَكُذِّبَ مُوسَىٰۖ فَأَمۡلَيۡتُ لِلۡكَٰفِرِينَ ثُمَّ أَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ

    Open ayah 22:44

    At ang mga naninirahan sa Midyan [Midian]. At [kanilang] itinakwil si Moises, kaya Aking pinahaba ang kasiyahan para sa mga di-naniniwala, pagkaraan sila ay Aking hinablot at sadyang kasindak-sindak ang Aking parusa.

  45. فَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَا وَهِيَ ظَالِمَةٞ فَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَبِئۡرٖ مُّعَطَّلَةٖ وَقَصۡرٖ مَّشِيدٍ

    Open ayah 22:45

    Kaya, ilang bayan na ba ang Aming winasak habang ito ay gumagawa ng mga kamalian - kaya ito [ngayon] ay nahulog sa pagkaguho – at [ilan na ba] ang mga iniwang balon at [ilan na bang] mga nagtatayugang palasyo?

  46. أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَتَكُونَ لَهُمۡ قُلُوبٞ يَعۡقِلُونَ بِهَآ أَوۡ ءَاذَانٞ يَسۡمَعُونَ بِهَاۖ فَإِنَّهَا لَا تَعۡمَى ٱلۡأَبۡصَٰرُ وَلَٰكِن تَعۡمَى ٱلۡقُلُوبُ ٱلَّتِي فِي ٱلصُّدُورِ

    Open ayah 22:46

    Kaya, hindi ba sila magsisipaglakbay sa mga lupain, upang sila ay magkaroon ng mga pusong kanilang iunawa o mga taingang kanilang ipandinig? Sa katotohanan, hindi ang mga mata ang nabubulag, kundi ang nabubulag ay ang mga pusong nasa mga dibdib.

  47. وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَلَن يُخۡلِفَ ٱللَّهُ وَعۡدَهُۥۚ وَإِنَّ يَوۡمًا عِندَ رَبِّكَ كَأَلۡفِ سَنَةٖ مِّمَّا تَعُدُّونَ

    Open ayah 22:47

    At sila ay humihiling sa iyo na madaliin ang parusa! Nguni’t kailanman, ang Allah ay hindi sumisira sa Kanyang pangako. At katotohanan, ang isang araw sa iyong Panginoon ay katumbas ng isang libong taon ng inyong pagbibilang.

  48. وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ أَمۡلَيۡتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٞ ثُمَّ أَخَذۡتُهَا وَإِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 22:48

    At ilang bayan na ba ang Aking pinahaba ang kasiyahan habang ito ay gumagawa ng kamalian. Pagkaraan, ito ay Aking hinablot at sa Akin ang [huling] patutunguhan [ng lahat].

  49. قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّمَآ أَنَا۠ لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 22:49

    Sabihin: “O sangkatauhan, ako ay isang malinaw na tagapagbabala para sa inyo.”

  50. فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ 

    Open ayah 22:50

    Kaya, yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, sa kanila ay may kapatawaran at marangal na panustos.

  51. وَٱلَّذِينَ سَعَوۡاْ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ

    Open ayah 22:51

    Nguni’t yaong mga nagsikap laban sa Aming ayaat [kapahayagan] [hinahanap] ang paraan upang biguin – sila yaong mga maninirahan sa Apoy ng Impiyerno.

  52. وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رَّسُولٖ وَلَا نَبِيٍّ إِلَّآ إِذَا تَمَنَّىٰٓ أَلۡقَى ٱلشَّيۡطَٰنُ فِيٓ أُمۡنِيَّتِهِۦ فَيَنسَخُ ٱللَّهُ مَا يُلۡقِي ٱلشَّيۡطَٰنُ ثُمَّ يُحۡكِمُ ٱللَّهُ ءَايَٰتِهِۦۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 22:52

    At hindi Kami nagpadala ng sugo o propeta na una sa iyo maliban na kapag siya ay nagsalita [o bumigkas], ito ay hinahagisan ng satanas [ng ilang di-pagkakaunawaan]. Nguni’t, pinapawi ng Allah ang anumang inihagis ng satanas dito. Pagkaraan ay ginagawang ganap [na malinaw] ng Allah ang Kanyang mga ayaat [kapahayagan]. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  53. لِّيَجۡعَلَ مَا يُلۡقِي ٱلشَّيۡطَٰنُ فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡقَاسِيَةِ قُلُوبُهُمۡۗ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَفِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ

    Open ayah 22:53

    [Ganyan nga] upang Kanyang gawin ang anumang inihagis [inudyok] ng satanas bilang isang pagsubok para sa mga [taong] ang puso ay may sakit [ng pagkukunwari] at para sa kanila na may matitigas na puso. At katotohanan, ang mga mapaggawa ng kamalian ay nasa masidhing pagsasalungatan.

  54. وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَيُؤۡمِنُواْ بِهِۦ فَتُخۡبِتَ لَهُۥ قُلُوبُهُمۡۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 22:54

    At upang sa gayon ay mapag-alaman niyaong mga pinagkalooban ng kaalaman na ito ang katotohanan mula sa iyong Panginoon, at [sa gayon] ito ay kanilang paniniwalaan, at ang kanilang puso ay magpapakumbabang tatalima roon. At katotohanan, ang Allah ang Siyang patnubay niyaong mga naniwala sa matuwid na landas.

  55. وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي مِرۡيَةٖ مِّنۡهُ حَتَّىٰ تَأۡتِيَهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةً أَوۡ يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابُ يَوۡمٍ عَقِيمٍ

    Open ayah 22:55

    At yaong mga di-naniniwala ay hindi magtitigil sa pag-aalinlangan dito [sa Qur’an] hanggang ang [takdang] Oras ay dumating sa kanila nang biglaan o may darating sa kanila ng parusa ng hungkag na Araw.

  56. ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٖ لِّلَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡۚ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ

    Open ayah 22:56

    Ang [lahat ng] paghahari sa Araw na iyon ay para sa Allah. Siya ay maghahatol sa kanilang pagitan. Kaya, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid ay nasa mga hardin ng kaligayahan [sa Paraiso].

  57. وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ

    Open ayah 22:57

    At yaong mga di-naniwala at nagtakwil sa Aming mga ayaat

  58. وَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ قُتِلُوٓاْ أَوۡ مَاتُواْ لَيَرۡزُقَنَّهُمُ ٱللَّهُ رِزۡقًا حَسَنٗاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ

    Open ayah 22:58

    At yaong mga nagsilikas para sa Landas ng Allah at pagkaraan ay napaslang o namatay, katiyakan, sila ay pagkakalooban ng Allah ng mabuting panustos. At katotohanan, ang Allah ay Pinakamahusay na Tagapanustos.

  59. لَيُدۡخِلَنَّهُم مُّدۡخَلٗا يَرۡضَوۡنَهُۥۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَلِيمٌ حَلِيمٞ

    Open ayah 22:59

    Katiyakang sila ay Kanyang tutulutang pumasok sa pintuang kanilang ikagagalak, at katotohanan, ang Allah ay Maalam, Mapagparaya.

  60. ۞ذَٰلِكَۖ وَمَنۡ عَاقَبَ بِمِثۡلِ مَا عُوقِبَ بِهِۦ ثُمَّ بُغِيَ عَلَيۡهِ لَيَنصُرَنَّهُ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٞ 

    Open ayah 22:60

    Iyan nga [iyon]. At sinuman ang gumanti [sa kawalang-katarungang] katumbas ng anupamang ginawa sa kanya, at pagkaraan ay muling ginantihan nang di-makatarungan, katiyakang siya ay tutulungan ng Allah. Katotohanan, ang Allah ang Mapagpaumanhin , Mapagpatawad.

  61. ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَأَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٞ

    Open ayah 22:61

    Iyan ay sapagka’t pinangyayari ng Allah na ang gabi ay pumasok sa araw, at Kanyang pinangyayaring ang araw ay pumasok sa gabi. At katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Lubos na Nakakikita.

  62. ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ هُوَ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ

    Open ayah 22:62

    Iyan ay sapagka’t ang Allah, Siya ang Katotohanan at ang anumang kanilang tinatawagan [dinadalanginan] bukod sa Kanya ay kabulaanan, at sapagka’t ang Allah ang Kataas-taasan, ang Dakila.

  63. أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَتُصۡبِحُ ٱلۡأَرۡضُ مُخۡضَرَّةًۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ

    Open ayah 22:63

    Hindi mo ba nakikita na ang Allah ay nagpababa ng tubig [ulan] mula sa langit, kaya [sa pamamagitan nito] ang kalupaan ay naging luntian? Katotohanan, ang Allah ay Mahinahon at Ganap na Nakatatalos.

  64. لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

    Open ayah 22:64

    Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At katotohanan, ang Allah ang Mayaman, ang Kapuri-puri.

  65. أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦ وَيُمۡسِكُ ٱلسَّمَآءَ أَن تَقَعَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 22:65

    Hindi mo ba nakikita na itinalaga ng Allah sa inyo ang anumang nasa kalupaan, at ang sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan? At Kanyang pinipigil ang kalangitan mula sa pagbagsak sa lupa maliban sa Kanyang kapahintulutan. Katotohanan, ang Allah ang Mabait, ang Maawain sa sangkatauhan.

  66. وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَحۡيَاكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يُحۡيِيكُمۡۗ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٞ

    Open ayah 22:66

    At Siya ang naggawad sa inyo ng buhay; pagkaraan, kayo ay Kanyang dudulutan ng kamatayan, at pagkaraan ay [muling] bubuhayin. Katotohanan, ang tao ay walang pasasalamat.

  67. لِّكُلِّ أُمَّةٖ جَعَلۡنَا مَنسَكًا هُمۡ نَاسِكُوهُۖ فَلَا يُنَٰزِعُنَّكَ فِي ٱلۡأَمۡرِۚ وَٱدۡعُ إِلَىٰ رَبِّكَۖ إِنَّكَ لَعَلَىٰ هُدٗى مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 22:67

    Sa bawa’t pamayanan, Aming ginawa ang mga ritwal na kanilang isinasagawa. Kaya, huwag mo silang [mga pagano] hayaang makipagtalo sa iyo sa gayong bagay bagkus sila ay iyong anyayahan tungo sa iyong Panginoon. Katotohanan, ikaw [O Muhammad] ay nasa matuwid na patnubay.

  68. وَإِن جَٰدَلُوكَ فَقُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 22:68

    At kung sila ay makipagtalo sa iyo, samakatwid, sabihin: “Ang Allah ay lubos na nakababatid sa anumang inyong ginagawa.

  69. ٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ

    Open ayah 22:69

    Ang Allah ay maghahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagkabuhay na Muli hinggil sa alinmang inyong laging ipinagkakaiba.”

  70. أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ 

    Open ayah 22:70

    Hindi mo ba nalalaman na nababatid ng Allah ang anumang nasa mga kalangitan at kalupaan? Katotohanan, iyan ay nasa talaan. Katotohanan, iyan ay sadyang madali para sa Allah.

  71. وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗا وَمَا لَيۡسَ لَهُم بِهِۦ عِلۡمٞۗ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِن نَّصِيرٖ

    Open ayah 22:71

    At sila ay sumasamba sa iba bukod sa Allah na wala naman Siyang ibinabang batayan [hinggil dito], at wala [rin] naman silang kaalaman dito. At para sa mga mapaggawa ng kamalian, sa kanila ay walang makatutulong.

  72. وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلۡمُنكَرَۖ يَكَادُونَ يَسۡطُونَ بِٱلَّذِينَ يَتۡلُونَ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَاۗ قُلۡ أَفَأُنَبِّئُكُم بِشَرّٖ مِّن ذَٰلِكُمُۚ ٱلنَّارُ وَعَدَهَا ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 22:72

    At kapag ang Aming mga ayaat [kapahayagan] ay binigkas sa kanila bilang malilinaw na katibayan, iyong mababanaag sa mga mukha niyaong mga di-naniniwala ang pagtutol. Sila ay halos nasa bingit ng pagdaluhong sa mga bumibigkas sa kanila ng Aming mga ayaat [kapahayagan]. Sabihin "Nais ba ninyong ipagbigay-alam ko sa inyo [ang anumang] kasamaang nakahihigit kaysa riyan? [Ito ay] ang Apoy ng Impiyerno na ipinangako ng Allah sa mga di-naniniwala, at sadyang napakasamang patutunguhan.

  73. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ضُرِبَ مَثَلٞ فَٱسۡتَمِعُواْ لَهُۥٓۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَن يَخۡلُقُواْ ذُبَابٗا وَلَوِ ٱجۡتَمَعُواْ لَهُۥۖ وَإِن يَسۡلُبۡهُمُ ٱلذُّبَابُ شَيۡـٔٗا لَّا يَسۡتَنقِذُوهُ مِنۡهُۚ ضَعُفَ ٱلطَّالِبُ وَٱلۡمَطۡلُوبُ

    Open ayah 22:73

    O sangkatauhan, isang paghahalintulad [o halimbawa] ang inilahad [para sa inyo], kaya inyong pakinggan [at inyong unawain] ito. Katotohanan yaong inyong mga tinatawagan [at dinadalanginan] bukod sa Allah ay hindi kailanman makalilikha [ng kahit] isang langaw, kahit sila ay magsama-sama para rito [sa gayong layunin]. At kung ang langaw ay mang-agaw ng isang [maliit na] bagay mula sa kanila, hindi nila magagawang bawiin ito mula sa kanya [sa langaw]. Mahihina ang mga naghahanap [diyus-diyusan] at ang hinahanap [ang langaw].

  74. مَا قَدَرُواْ ٱللَّهَ حَقَّ قَدۡرِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ

    Open ayah 22:74

    Hindi nila nagawang pahalagahan ang Allah sa totoong pagpapahalagang nararapat [iukol para sa Kanya]. Katotohanan, ang Allah ang Malakas, Ganap na Makapangyarihan.

  75. ٱللَّهُ يَصۡطَفِي مِنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ رُسُلٗا وَمِنَ ٱلنَّاسِۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٞ

    Open ayah 22:75

    Ang Allah ay pumipili ng mga sugo mula sa mga anghel at [pumipili rin] mula sa mga tao. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Lubos na Nakakikita.

  76. يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ

    Open ayah 22:76

    Nababatid Niya ang anumang [kasalukuyang] nangyayari sa kanila, at ang anumang mangyayari pagkaraan nila. At sa Allah ang pagbabalik ng lahat ng pangyayari.

  77. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱرۡكَعُواْ وَٱسۡجُدُواْۤ وَٱعۡبُدُواْ رَبَّكُمۡ وَٱفۡعَلُواْ ٱلۡخَيۡرَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ۩

    Open ayah 22:77

    O kayong mga naniwala, kayo ay magsipagyuko at magsipatirapa, at inyong sambahin ang inyong Panginoon at kayo ay magsigawa ng kabutihan - upang sakali kayo ay magsipagtagumpay.

  78. وَجَٰهِدُواْ فِي ٱللَّهِ حَقَّ جِهَادِهِۦۚ هُوَ ٱجۡتَبَىٰكُمۡ وَمَا جَعَلَ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلدِّينِ مِنۡ حَرَجٖۚ مِّلَّةَ أَبِيكُمۡ إِبۡرَٰهِيمَۚ هُوَ سَمَّىٰكُمُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ مِن قَبۡلُ وَفِي هَٰذَا لِيَكُونَ ٱلرَّسُولُ شَهِيدًا عَلَيۡكُمۡ وَتَكُونُواْ شُهَدَآءَ عَلَى ٱلنَّاسِۚ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱعۡتَصِمُواْ بِٱللَّهِ هُوَ مَوۡلَىٰكُمۡۖ فَنِعۡمَ ٱلۡمَوۡلَىٰ وَنِعۡمَ ٱلنَّصِيرُ

    Open ayah 22:78

    At kayo ay magpunyagi para sa [Landas ng] Allah nang [buong pusong] pagpupunyaging nararapat sa Kanya. Kayo ay Kanyang pinili, at wala Siyang ginawang anumang kahirapan sa inyo sa relihiyon. [Ito] ang relihiyon ng inyong ninuno, si Abraham. At Siya [ang Allah] ang nagpangalan sa inyo bilang mga Muslim noon [sa mga naunang kasulatan] at dito [sa Qur’an] upang ang Sugo [si Muhammad] ay maging isang saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa sangkatauhan. Kaya, kayo ay magsagawa ng pagdarasal, magbigay ng kawanggawa [Zakaah], at tumangan ng mahigpit sa [relihiyon ng] Allah. Siya ang inyong Maula [o tagapagtanggol], Mapagpalang Maula, at Mapagpalang tagapagtangkilik.