المؤمنون

Al-Muminoon

The Believers · Surah 23 · Ayahs: 118 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. قَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 23:1

    Katiyakan, nagtagumpay ang mga naniniwala,

  2. ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي صَلَاتِهِمۡ خَٰشِعُونَ

    Open ayah 23:2

    Yaong sa [oras ng] kanilang pagdarasal ay mga matataimtim.

  3. وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَنِ ٱللَّغۡوِ مُعۡرِضُونَ

    Open ayah 23:3

    At yaong mga umiiwas mula sa mga marurumi [o malalaswang] pananalita.

  4. وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِلزَّكَوٰةِ فَٰعِلُونَ

    Open ayah 23:4

    At yaong mga mapagtupad sa [wastong pamantayan ng] Zakaah [kawanggawa].

  5. وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ

    Open ayah 23:5

    At yaong mga nangangalaga ng kanilang maseselang bahagi [ng katawan mula sa bawal na pagtatalik].

  6. إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ

    Open ayah 23:6

    Maliban sa kanilang mga asawa o yaong taglay ng kanilang kanang kamay,

  7. فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ

    Open ayah 23:7

    Nguni’t sinuman ang naghahanap nang higit pa riyan, samakatwid, sila yaong mga mapanlabag [sa hangganan].

  8. وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ

    Open ayah 23:8

    At yaong mga kumikilalla [o pinahahalagahan] ang kanilang mga tiwala at ang kanilang mga pangako.

  9. وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَوَٰتِهِمۡ يُحَافِظُونَ

    Open ayah 23:9

    At yaong mga maiingat na pinangangalagaan ang kanilang mga pagdarasal,

  10. أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡوَٰرِثُونَ 

    Open ayah 23:10

    Sila yaong mga tagapagmana –

  11. ٱلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلۡفِرۡدَوۡسَ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 23:11

    Yaong mga magmamana ng Firdaws. Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  12. وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن سُلَٰلَةٖ مِّن طِينٖ

    Open ayah 23:12

    At katiyakan Aming nilikha ang tao mula sa isang hinangong luad [ng lupa].

  13. ثُمَّ جَعَلۡنَٰهُ نُطۡفَةٗ فِي قَرَارٖ مَّكِينٖ

    Open ayah 23:13

    Pagkaraan, siya ay Aming inilagak bilang [pinaghalong patak ng] semilya [ng lalaki at babae] sa matiwasay na kinalalagyan [sa sinapupunan ng ina].

  14. ثُمَّ خَلَقۡنَا ٱلنُّطۡفَةَ عَلَقَةٗ فَخَلَقۡنَا ٱلۡعَلَقَةَ مُضۡغَةٗ فَخَلَقۡنَا ٱلۡمُضۡغَةَ عِظَٰمٗا فَكَسَوۡنَا ٱلۡعِظَٰمَ لَحۡمٗا ثُمَّ أَنشَأۡنَٰهُ خَلۡقًا ءَاخَرَۚ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ أَحۡسَنُ ٱلۡخَٰلِقِينَ

    Open ayah 23:14

    Pagkaraan, Aming ginawa ang semilya na isang namuong kimpal ng dugo, pagkaraan ay Aming ginawa ang namuong kimpal ng dugo na isang kapirasong laman, at [mula sa] kapirasong laman, Aming ginawa ang buto, at Aming binalutan ang mga buto ng laman at pagkaraan ito ay Aming hinubog [bilang] isang bagong nilikha [ang tao]. Kaya, Mapagpala ang Allah, ang Pinakamahusay sa mga manlilikha.

  15. ثُمَّ إِنَّكُم بَعۡدَ ذَٰلِكَ لَمَيِّتُونَ

    Open ayah 23:15

    Pagkaraan katotohanan, pagkatapos niyan, kayo ay mamamatay.

  16. ثُمَّ إِنَّكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ تُبۡعَثُونَ

    Open ayah 23:16

    Pagkaraan katotohanan, kayo, sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, ay ibabangon.

  17. وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعَ طَرَآئِقَ وَمَا كُنَّا عَنِ ٱلۡخَلۡقِ غَٰفِلِينَ

    Open ayah 23:17

    At katiyakan, Aming nilikha sa inyong [dakong] itaas ang pitong magkakapatong na mga kalangitan, kailanman Kami ay hindi nakaliligta sa [Aming] nilikha.

  18. وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٖ فَأَسۡكَنَّٰهُ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَإِنَّا عَلَىٰ ذَهَابِۭ بِهِۦ لَقَٰدِرُونَ

    Open ayah 23:18

    At Aming ibinaba mula sa kalangitan ang tubig [ulan] sa [tamang] sukat, at ito ay pinamalagi sa lupa. At katotohanan, Kami ay may kakayahang kuhaning muli [o patuyuin] ito.

  19. فَأَنشَأۡنَا لَكُم بِهِۦ جَنَّٰتٖ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَٰبٖ لَّكُمۡ فِيهَا فَوَٰكِهُ كَثِيرَةٞ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ

    Open ayah 23:19

    Kaya, Aming pinatubo para sa inyo sa pamamagitan nito [ng ulan] ang mga hardin ng mga punong datiles at mga ubasang hitik sa bunga para sa inyo upang inyong kainin.

  20. وَشَجَرَةٗ تَخۡرُجُ مِن طُورِ سَيۡنَآءَ تَنۢبُتُ بِٱلدُّهۡنِ وَصِبۡغٖ لِّلۡأٓكِلِينَ 

    Open ayah 23:20

    At [Aming pinatubo] ang isang puno [ng oliba] na sumusulpot mula sa bundok ng Sinai, na nagbibigay ng langis at pagkain para sa mga kumakain.

  21. وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةٗۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهَا وَلَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ كَثِيرَةٞ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ

    Open ayah 23:21

    At katotohanan, sa [kawan ng] mga bakahan, narito ang isang aral para sa inyo. Kami ay nagbigay sa inyo ng inumin [gatas] mula sa kanilang mga tiyan, at sa kanila ay maraming [iba pang] pakinabang para sa inyo, at ang iba sa kanila ay inyong nakakain.

  22. وَعَلَيۡهَا وَعَلَى ٱلۡفُلۡكِ تُحۡمَلُونَ

    Open ayah 23:22

    At sa kanila at maging sa mga sasakyang-dagat, kayo ay isinasakay.

  23. وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ

    Open ayah 23:23

    At katiyakan, Aming ipinadala si Noah sa kanyang mga mamamayan, at siya ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, sambahin ninyo ang Allah; wala kayong ibang diyos bukod sa Kanya. Kaya, hindi ba kayo kung gayon, natatakot sa Kanya?”

  24. فَقَالَ ٱلۡمَلَؤُاْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُرِيدُ أَن يَتَفَضَّلَ عَلَيۡكُمۡ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَأَنزَلَ مَلَٰٓئِكَةٗ مَّا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِيٓ ءَابَآئِنَا ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 23:24

    Nguni’t ang mga bantog [kilalang pinunong] kabilang niyaong mga dinaniniwala mula sa kanyang mga mamamayan ay nagsabi: “Siya [si Noah] ay isang taong tulad lamang ninyo na naghahangad na kayo ay pangibabawan; at kung naisin lamang ng Allah, magsagawa Niyang magbaba ng mga anghel [bilang sugo]. Kami ay hindi nakarinig kailanman nang gayon mula sa aming mga ninuno.

  25. إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلُۢ بِهِۦ جِنَّةٞ فَتَرَبَّصُواْ بِهِۦ حَتَّىٰ حِينٖ

    Open ayah 23:25

    Siya [si Noah] ay isang taong inaalihan ng kabaliwan, kaya, kayo ay magsipaghintay hinggil sa kanya para sa ilang panahon.”

  26. قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ

    Open ayah 23:26

    [Si Noah ay] nagsabi: “Aking Panginoon, tulungan Mo po ako sapagka't ako ay kanilang itinakwil.”

  27. فَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِ أَنِ ٱصۡنَعِ ٱلۡفُلۡكَ بِأَعۡيُنِنَا وَوَحۡيِنَا فَإِذَا جَآءَ أَمۡرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ فَٱسۡلُكۡ فِيهَا مِن كُلّٖ زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَأَهۡلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيۡهِ ٱلۡقَوۡلُ مِنۡهُمۡۖ وَلَا تُخَٰطِبۡنِي فِي ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِنَّهُم مُّغۡرَقُونَ

    Open ayah 23:27

    Kaya, siya [si Noah] ay Aming pinagpahayagan [na nag-uutos na]: “[Ikaw ay] gumawa ng sasakyang-dagat sa ilalim ng Aming paningin [pagsubaybay] at sa ilalim ng Aming kapahayagan [o pamamatnubay]. Kaya, kapag ang Aming kautusan ay dumating na, at ang imbakan [ng tubig] ay mag-umapaw, isakay mo rito [sa sasakyang-dagat] ang bawa’t uri [ng nilikhang] dalawang magkapares, at ang iyong mag-anak maliban yaong ang kapasiyahan [ng pagkawasak] ay malaon nang naitakda. At huwag mong ipakiusap sa Akin yaong mga gumawa ng kamalian. Katotohanan, sila ay lulunurin.

  28. فَإِذَا ٱسۡتَوَيۡتَ أَنتَ وَمَن مَّعَكَ عَلَى ٱلۡفُلۡكِ فَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي نَجَّىٰنَا مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 23:28

    Kaya, kapag kayo ay nakalulan na sa sasakyang-dagat, ikaw at yaong mga kasama mo ay [nararapat] magsabing: Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah] na Siyang nagligtas sa amin mula sa mga taong mapaggawa ng kamalian!’

  29. وَقُل رَّبِّ أَنزِلۡنِي مُنزَلٗا مُّبَارَكٗا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ

    Open ayah 23:29

    At sabihin: ‘Aking Panginoon, hayaan [Mo] akong dumaong sa isang pinagpalang daungan, sapagka’t Ikaw ay Pinakamahusay na Tagapagdaong [sa kaligtasan].’”

  30. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ وَإِن كُنَّا لَمُبۡتَلِينَ 

    Open ayah 23:30

    Katotohanan, naririto [sa kasaysayan ni Noah] ang mga ayaat [aral], at bagaman, Kami ay lagi nang naglalagay ng mga pagsubok [sa Aming mga alipin].

  31. ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ

    Open ayah 23:31

    Pagkaraan, Kami ay nagpalitaw [o lumikha] pagkatapos nila ng iba pang henerasyon [o salin-lahi].

  32. فَأَرۡسَلۡنَا فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ

    Open ayah 23:32

    Pagkaraan, Aming ipinadala sa kanila ang isang sugong nagmula sa kanila [sariling lahi], [nag-aanyayang]: “Sambahin ninyo ang Allah; wala kayong ibang diyos maliban sa Kanya. Magkagayon, hindi ba kayo natatakot sa Kanya?”

  33. وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَتۡرَفۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يَأۡكُلُ مِمَّا تَأۡكُلُونَ مِنۡهُ وَيَشۡرَبُ مِمَّا تَشۡرَبُونَ

    Open ayah 23:33

    At ang mga bantog [pinunong] kabilang sa kanyang mga mamamayang di-naniwala at nagtakwil sa [araw ng] pakikipagharap sa kabilang buhay, na Aming ginawaran din ng karangyaan sa makamundong buhay na ito ay nagsabi: “Ito ay isang tao lamang na katulad ninyo. Siya ay kumakain mula sa anumang inyong kinakain, at umiinom mula sa anumang inyong iniinuman.

  34. وَلَئِنۡ أَطَعۡتُم بَشَرٗا مِّثۡلَكُمۡ إِنَّكُمۡ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ

    Open ayah 23:34

    At kung inyong susundin ang isang taong katulad [lamang] ninyo, magkagayon, kayo ang mga nawalan [o talunan].

  35. أَيَعِدُكُمۡ أَنَّكُمۡ إِذَا مِتُّمۡ وَكُنتُمۡ تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَنَّكُم مُّخۡرَجُونَ

    Open ayah 23:35

    Siya ba ay nangangako sa inyo na kapag kayo ay nangamatay at naging alabok at buto, kayo ay ilalabas [o muling bubuhayin]?

  36. ۞هَيۡهَاتَ هَيۡهَاتَ لِمَا تُوعَدُونَ

    Open ayah 23:36

    [Ito ay] malayong [magaganap], sadyang malayong [magaganap] ang anumang ipinangako sa inyo.

  37. إِنۡ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا نَحۡنُ بِمَبۡعُوثِينَ

    Open ayah 23:37

    Ito [ang buhay] ay walang anupaman maliban sa ating makamundong buhay - tayo ay mamamatay at mabubuhay, nguni’t hindi tayo muling bubuhayin pa.

  38. إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلٌ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا وَمَا نَحۡنُ لَهُۥ بِمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 23:38

    Siya ay isang tao na naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah, at huwag tayong maniniwala sa kanya.”

  39. قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ

    Open ayah 23:39

    Siya [si Noah] ay nagsabi: “Aking Panginoon, tulungan Mo po ako sapagka't ako ay kanilang itinakwil.”

  40. قَالَ عَمَّا قَلِيلٖ لَّيُصۡبِحُنَّ نَٰدِمِينَ 

    Open ayah 23:40

    [Ang Allah ay] nagsabi: “Paglipas ng kaunting panahon, katiyakang sila ay maghihinagpis.”

  41. فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ بِٱلۡحَقِّ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ غُثَآءٗۚ فَبُعۡدٗا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 23:41

    Kaya, sila ay hinablot ng isang as-sayhah sa katotohanan, at sila ay Aming ginawang tila mga nangatuyong dayami [ng tanim]. Kaya, magsilayo sa mga mamamayang mapaggawa ng kamalian.

  42. ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قُرُونًا ءَاخَرِينَ

    Open ayah 23:42

    Pagkaraan nila, Kami ay nagpalitaw [o lumikha] ng ibang mga henerasyon [o salin-lahi].

  43. مَا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ

    Open ayah 23:43

    Walang pamayanan ang makapag-papatiuna ng kanilang takdang oras, at hindi rin [naman] makapagpapaliban [o makapag-aantala].

  44. ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا تَتۡرَاۖ كُلَّ مَا جَآءَ أُمَّةٗ رَّسُولُهَا كَذَّبُوهُۖ فَأَتۡبَعۡنَا بَعۡضَهُم بَعۡضٗا وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَۚ فَبُعۡدٗا لِّقَوۡمٖ لَّا يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 23:44

    Pagkaraan, Aming ipinadala ang Aming mga sugo nang sunud-sunod. Bawa’t panahon ay may dumarating sa isang pamayanan ng sugo nito, [subalit] siya ay kanilang itinakwil; kaya sila ay Aming ginawang sumunod sa isa’t isa [tungo sa kapariwaraan], at sila ay Aming ginawa bilang salaysay [o kasaysayan]. Kaya, [ang habag ng Allah ay] malayo para sa mga mamamayang di-naniniwala!

  45. ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ وَأَخَاهُ هَٰرُونَ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ

    Open ayah 23:45

    Pagkaraan, Aming ipinadala si Moises at ang kanyang kapatid na si Aaron, dala ang Aming ayaat [himala, kapahayagan at babala] at ang malinaw na batayan,

  46. إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمًا عَالِينَ

    Open ayah 23:46

    Kay Paraon at sa kanyang mga pinuno, subali’t sila ay mapagmalaki at mga taong mapanlait.

  47. فَقَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لِبَشَرَيۡنِ مِثۡلِنَا وَقَوۡمُهُمَا لَنَا عَٰبِدُونَ

    Open ayah 23:47

    Sila ay nagsabi: “Kami ba ay maniniwala sa dalawang taong katulad lamang namin, samantalang ang kanilang mga mamamayan ay mga alipin [busabos lamang] namin.”

  48. فَكَذَّبُوهُمَا فَكَانُواْ مِنَ ٱلۡمُهۡلَكِينَ

    Open ayah 23:48

    Kaya, sila [si Paraon at kanyang mga pinuno] ay nagtakwil sa kanila [kina Moises at Aaron] kaya [sila ay] napabilang sa mga winasak.

  49. وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ

    Open ayah 23:49

    At katiyakan na Aming ipinagkaloob kay Moises ang kasulatan upang sakali sila ay mapatnubayan.

  50. وَجَعَلۡنَا ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَأُمَّهُۥٓ ءَايَةٗ وَءَاوَيۡنَٰهُمَآ إِلَىٰ رَبۡوَةٖ ذَاتِ قَرَارٖ وَمَعِينٖ 

    Open ayah 23:50

    At Aming ginawa ang anak ni Maria [Hesus] at ang kanyang ina bilang ayah [isang tanda], at sila ay Aming kinupkop sa loob ng isang mataas na pook na patag at umaagos na batis.

  51. يَٰٓأَيُّهَا ٱلرُّسُلُ كُلُواْ مِنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَٱعۡمَلُواْ صَٰلِحًاۖ إِنِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ عَلِيمٞ

    Open ayah 23:51

    [Ang Allah ay nagsabi], “O kayong mga sugo, magsikain kayo mula sa mga mabubuting pagkain at magsigawa kayo ng mga gawaing matwid. Katotohanan, Aking nababatid ang anumang inyong mga ginagawa.

  52. وَإِنَّ هَٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَأَنَا۠ رَبُّكُمۡ فَٱتَّقُونِ

    Open ayah 23:52

    At katotohanan, itong inyong relihiyon ay isang relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon, kaya matakot kayo sa Akin.”

  53. فَتَقَطَّعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ زُبُرٗاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ

    Open ayah 23:53

    Subalit, kanilang pinaghati-hati ang kanilang relihiyon sa iba’t ibang bahagi [o sekta] – bawa’t pangkat ay nangagdiriwang sa anumang nasa kanila.

  54. فَذَرۡهُمۡ فِي غَمۡرَتِهِمۡ حَتَّىٰ حِينٍ

    Open ayah 23:54

    Kaya, hayaan sila sa kanilang kalituhan [pagkaligaw] hanggang sa takdang panahon.

  55. أَيَحۡسَبُونَ أَنَّمَا نُمِدُّهُم بِهِۦ مِن مَّالٖ وَبَنِينَ

    Open ayah 23:55

    Sila ba ay nag-aakala na ang anumang yaman at mga anak na Aming ipinagkaloob sa kanila,

  56. نُسَارِعُ لَهُمۡ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِۚ بَل لَّا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 23:56

    Ay [sanhi ng] Aming pagmamadali para sa kanila ng mabubuting bagay? Hindi, [bagkus] ito ay hindi nila namamalayan.

  57. إِنَّ ٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ خَشۡيَةِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ

    Open ayah 23:57

    Katotohanan, yaong mga nababagabag mula sa takot sa kanilang Panginoon;

  58. وَٱلَّذِينَ هُم بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 23:58

    At yaong mga naniniwala sa mga ayaat [tanda, aral, kapahayagan, himala at babala] ng kanilang Panginoon;

  59. وَٱلَّذِينَ هُم بِرَبِّهِمۡ لَا يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 23:59

    At yaong mga hindi nagtatambal ng anupaman sa kanilang Panginoon;

  60. وَٱلَّذِينَ يُؤۡتُونَ مَآ ءَاتَواْ وَّقُلُوبُهُمۡ وَجِلَةٌ أَنَّهُمۡ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ رَٰجِعُونَ 

    Open ayah 23:60

    At yaong mga nagbibigay [sa kawanggawa] mula sa anumang kanilang ibinibigay habang ang kanilang puso ay nanginginig [sa takot] sapagka’t sila ay magbabalik sa kanilang Panginoon –

  61. أُوْلَٰٓئِكَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَهُمۡ لَهَا سَٰبِقُونَ

    Open ayah 23:61

    Sila yaong mga maaagap sa paggawa ng mga kabutihan, at sila ay mga nangunguna [sa iba] hinggil dito.

  62. وَلَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۚ وَلَدَيۡنَا كِتَٰبٞ يَنطِقُ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

    Open ayah 23:62

    At Kami ay hindi nagbibigay-pasanin sa sinuman malibang [ayon] sa kakayahan nito at nasa Amin ang talaang magsasalita nang makatotohanan, at sila ay hindi dadayain [sa pagbabayad ng gantimpala].

  63. بَلۡ قُلُوبُهُمۡ فِي غَمۡرَةٖ مِّنۡ هَٰذَا وَلَهُمۡ أَعۡمَٰلٞ مِّن دُونِ ذَٰلِكَ هُمۡ لَهَا عَٰمِلُونَ

    Open ayah 23:63

    Subali’t, [silang mga di-naniniwala] ang kanilang mga puso ay nababalutan ng kalituhan hinggil dito [sa Qur’an] at sila ay may

  64. حَتَّىٰٓ إِذَآ أَخَذۡنَا مُتۡرَفِيهِم بِٱلۡعَذَابِ إِذَا هُمۡ يَجۡـَٔرُونَ

    Open ayah 23:64

    Hanggang nang Aming hinablot ng parusa ang kanilang mga kasamahang nakaririwasa, kapagdaka, sila ay nananangis [sa Allah] para tulungan.

  65. لَا تَجۡـَٔرُواْ ٱلۡيَوۡمَۖ إِنَّكُم مِّنَّا لَا تُنصَرُونَ

    Open ayah 23:65

    Huwag kayong tumangis sa araw na ito. Katotohanan, mula sa Amin, kayo ay hindi Namin matutulungan.

  66. قَدۡ كَانَتۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَكُنتُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡ تَنكِصُونَ

    Open ayah 23:66

    Katiyakan, ang Aking mga ayaat [kapahayagan] ay binigkas na [noon] sa inyo, nguni’t kayo ay nagsibalik muli sa inyong mga [dating] yapak.

  67. مُسۡتَكۡبِرِينَ بِهِۦ سَٰمِرٗا تَهۡجُرُونَ

    Open ayah 23:67

    [Silang mga di-naniniwala ay] mga nagmamalaki hinggil dito [sa kapahayagan], [sila ay] nag-uusap sa gabi, nagsasalita ng masama.

  68. أَفَلَمۡ يَدَّبَّرُواْ ٱلۡقَوۡلَ أَمۡ جَآءَهُم مَّا لَمۡ يَأۡتِ ءَابَآءَهُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 23:68

    Kaya, hindi ba nila napag-isipan ang salita [ng Qur’an] o mayroon bang [patnubay na] dumating sa kanila na hindi dumating [noon] sa kanilang mga ninuno?

  69. أَمۡ لَمۡ يَعۡرِفُواْ رَسُولَهُمۡ فَهُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ

    Open ayah 23:69

    O hindi ba nila [lubusang] nakikilala ang kanilang sugong [si Muhammad], kaya siya ay hindi nila tinatanggap?

  70. أَمۡ يَقُولُونَ بِهِۦ جِنَّةُۢۚ بَلۡ جَآءَهُم بِٱلۡحَقِّ وَأَكۡثَرُهُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ 

    Open ayah 23:70

    O sila ba ay nagsasabi: “Siya [si Muhammad] ay may [taglay na] kabaliwan?” Bagkus, siya ay nagdala sa kanila ng katotohanan, nguni’t karamihan sa kanila ay tumututol sa katotohanan.

  71. وَلَوِ ٱتَّبَعَ ٱلۡحَقُّ أَهۡوَآءَهُمۡ لَفَسَدَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهِنَّۚ بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِذِكۡرِهِمۡ فَهُمۡ عَن ذِكۡرِهِم مُّعۡرِضُونَ

    Open ayah 23:71

    At kung sinunod ng Katotohanan [i.e Allah], ang kanilang mga [imbing] pagnanasa, ang mga kalangitan at ang kalupaan, at sinumang naroroon sa mga ito ay nangyaring ngang naging tiwali. Nguni’t, Aming dinala sa kanila ang kanilang paalala nguni’t sila ay nagsitalikod mula sa kanilang paalala.

  72. أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ خَرۡجٗا فَخَرَاجُ رَبِّكَ خَيۡرٞۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ

    Open ayah 23:72

    O ikaw ba [O Muhammad] ay humihingi sa kanila ng kabayaran? Nguni’t ang kabayaran ng iyong Panginoon ay siyang pinakamabuti, at Siya ang Pinakamahusay na Tagapanustos.

  73. وَإِنَّكَ لَتَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 23:73

    At katotohanan, ikaw ay mag-anyaya [o manawagan] sa kanila tungo sa matuwid na Landas.

  74. وَإِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ عَنِ ٱلصِّرَٰطِ لَنَٰكِبُونَ

    Open ayah 23:74

    At katotohanan, yaong mga di- naniniwala [hinggil] sa kabilang buhay ay lumilihis mula sa [matuwid na] landas.

  75. ۞وَلَوۡ رَحِمۡنَٰهُمۡ وَكَشَفۡنَا مَا بِهِم مِّن ضُرّٖ لَّلَجُّواْ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ

    Open ayah 23:75

    At kung sila man ay Aming kinahabagan at Aming pinawi ang anumang karamdamang nasa kanila, sila ay patuloy pa rin sa kanilang pagsuway, nagsisilaboy nang bulag.

  76. وَلَقَدۡ أَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ فَمَا ٱسۡتَكَانُواْ لِرَبِّهِمۡ وَمَا يَتَضَرَّعُونَ

    Open ayah 23:76

    At katiyakan, sila ay Aming dinulutan ng pagdurusa [bilang babala], nguni’t sila ay hindi nagpahinuhod sa kanilang Panginoon, ni nagpakumbaba sa pagsumamo,

  77. حَتَّىٰٓ إِذَا فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا ذَا عَذَابٖ شَدِيدٍ إِذَا هُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ

    Open ayah 23:77

    Hanggang, nang Aming binuksan sa kanilang harapan ang pintuan ng masidhing parusa, kapagdaka sila ay nanlulumo rito.

  78. وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 23:78

    At Siya ang lumikha para sa inyo ng pandinig, at ng paningin at ng puso [o kakayahang mag-isip]. [Nguni’t] napakaliit ng inyong [isinusukling] pasasalamat.

  79. وَهُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ

    Open ayah 23:79

    At Siya ang nagparami sa inyo sa buong mundo, at sa Kanya kayo ay titipunin [lahat].

  80. وَهُوَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ وَلَهُ ٱخۡتِلَٰفُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ 

    Open ayah 23:80

    At Siya ang naggawad ng buhay at nagdulot ng kamatayan, at sa Kanya ang pagsasalit-salitan ng gabi at araw. Hindi ba kayo kung gayon makauunawa?

  81. بَلۡ قَالُواْ مِثۡلَ مَا قَالَ ٱلۡأَوَّلُونَ

    Open ayah 23:81

    Bagkus, [sa halip na unawain] sila ay nagsasabi ng katulad ng anumang sinabi ng mga naunang mamamayan.

  82. قَالُوٓاْ أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ

    Open ayah 23:82

    Sila ay nagsabi na: “Kung kami ba ay patay na at maging alabok at mga buto, kami ba ay tunay na bubuhaying muli?

  83. لَقَدۡ وُعِدۡنَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا هَٰذَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 23:83

    Katiyakan, kami ay pinangakuan nito - kami at ng aming mga ninuno, noon; ito ay walang anupaman maliban sa mga alamat ng mga sinaunang tao.”

  84. قُل لِّمَنِ ٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهَآ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 23:84

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Sino ba ang nagmamay-ari ng kalupaan at ng anumang nilalaman nito, kung inyong nalalaman?”

  85. سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 23:85

    Sila ay magsasabi: “Ang Allah!” Sabihin: “Hindi ba kayo, kung gayon makaaalala?”

  86. قُلۡ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلسَّبۡعِ وَرَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 23:86

    Sabihin: “Sino ba ang Panginoon ng pitong kalangitan at [ang] Panginoon ng Dakilang Trono?”

  87. سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ

    Open ayah 23:87

    Sila ay magsasabi: “Ang Allah.” Sabihin: “Hindi ba kayo kung gayon natatakot sa Kanya?”

  88. قُلۡ مَنۢ بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُوَ يُجِيرُ وَلَا يُجَارُ عَلَيۡهِ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 23:88

    Sabihin: “Kaninong Kamay ang may kapamahalaan [o may tangan] ng lahat ng bagay at Kanyang pinangangalagaan [ang lahat], samantalang walang sinuman ang makapangangalaga laban sa Kanya - kung [ito ay] inyong nalalaman?”

  89. سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ فَأَنَّىٰ تُسۡحَرُونَ

    Open ayah 23:89

    Sila ay magsasabi: “Ang Allah.” Sabihin: “Samakatwid, paano nga ba’t kayo ay napalihis [sa katotohanan]?”

  90. بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ 

    Open ayah 23:90

    Bagkus, Aming ipinagkaloob sa kanila ang katotohanan, at tunay nga na

  91. مَا ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ مِن وَلَدٖ وَمَا كَانَ مَعَهُۥ مِنۡ إِلَٰهٍۚ إِذٗا لَّذَهَبَ كُلُّ إِلَٰهِۭ بِمَا خَلَقَ وَلَعَلَا بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ

    Open ayah 23:91

    Ang Allah ay walang itinuring [bilang Kanyang] anak, at kailanman ay walang ibang diyos na naging kasama Niya. [Kung nagkaroon man ng ibang mga diyos maliban sa Kanya], katiyakang bawa’t diyos ay maaaring kuhanin ang anumang kanyang nilikha at ang iba sa kanila ay maaaring magtangkang pangibabawan [talunin o daigin] ang iba. [Nguni’t] luwalhati sa Allah, Siya ay Mataas sa anumang kanilang iniaakibat [sa Kanya].

  92. عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 23:92

    [Siya ang] Maalam ng Ghaib [di-nakikita] at nakikita [o nasasaksihan]. Siya ay Mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].

  93. قُل رَّبِّ إِمَّا تُرِيَنِّي مَا يُوعَدُونَ

    Open ayah 23:93

    Sabihin mo [O Muhammad]: “Aking Panginoon, kung Iyong marapatin, ipakita Mo po sa akin ang anumang [bagay] na sa kanila ay ipinangako,

  94. رَبِّ فَلَا تَجۡعَلۡنِي فِي ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 23:94

    Aking Panginoon, huwag [Mo] po akong ilagay sa [hanay ng] mga taong mapaggawa ng kamalian.”

  95. وَإِنَّا عَلَىٰٓ أَن نُّرِيَكَ مَا نَعِدُهُمۡ لَقَٰدِرُونَ

    Open ayah 23:95

    At katotohanan, Aming magagawang ipakita sa iyo [O Muhammad] ang anumang Aming ipinangako sa kanila.

  96. ٱدۡفَعۡ بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ ٱلسَّيِّئَةَۚ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَصِفُونَ

    Open ayah 23:96

    Iwaksi, sa [pamamagitan ng] anumang pinakamabuti, ang [kanilang] kasamaan. Aming higit na Nababatid ang anumang kanilang mga iniaakibat [o sinasabi].

  97. وَقُل رَّبِّ أَعُوذُ بِكَ مِنۡ هَمَزَٰتِ ٱلشَّيَٰطِينِ

    Open ayah 23:97

    At sabihin: “Aking Panginoon, ako ay humihingi ng paglingap sa Iyo laban sa mga udyok [o sulsol] ng mga demonyo,

  98. وَأَعُوذُ بِكَ رَبِّ أَن يَحۡضُرُونِ

    Open ayah 23:98

    At ako ay humihingi ng paglingap sa Iyo, aking Panginoon, upang huwag na sila ay magpakita sa akin.”

  99. حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ رَبِّ ٱرۡجِعُونِ

    Open ayah 23:99

    [Iyan ang masamang kalagayan ng mga di-naniwala], hanggang, kapag ang kamatayan ay dumating sa isa sa kanila, siya ay magsasabing: “Aking Panginoon, ako ay ibalik [Mong] muli [sa mundo],

  100. لَعَلِّيٓ أَعۡمَلُ صَٰلِحٗا فِيمَا تَرَكۡتُۚ كَلَّآۚ إِنَّهَا كَلِمَةٌ هُوَ قَآئِلُهَاۖ وَمِن وَرَآئِهِم بَرۡزَخٌ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ 

    Open ayah 23:100

    Upang sakali ako ay makagawa ng mga gawaing matwid na aking nakaligtaan.” Hindi! Ito ay isang salita lamang na namumutawi [sa kanyang bibig]; at sa kanilang likuran ay isang pagitan [ang barzakh] hanggang sa Araw na sila ay bubuhaying muli.

  101. فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَلَآ أَنسَابَ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ وَلَا يَتَسَآءَلُونَ 

    Open ayah 23:101

    Kaya, kapag ang tambuli ay hinipan, wala nang ugnayan ang mamamagitan pa sa kanila [bilang kamag-anakan], at wala nang magtatanungan pa [tungkol sa isa’t isa].

  102. فَمَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ 

    Open ayah 23:102

    Kaya, sinuman na ang timbangan [ng kabutihan] ay mabigat, sila yaong mga magtatagumpay [sa kabilang buhay].

  103. وَمَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فِي جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ 

    Open ayah 23:103

    At sinuman na ang timbangan ay magaan - sila yaong mga nawalan sa kanilang mga sarili, [at] sa Impiyerno, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  104. تَلۡفَحُ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ وَهُمۡ فِيهَا كَٰلِحُونَ 

    Open ayah 23:104

    Ang Apoy ay susunog sa kanilang mga mukha, at doon, sila ay magkakaroon ng mapait na ngiti [o pangangatal ng labi].

  105. أَلَمۡ تَكُنۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَكُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ 

    Open ayah 23:105

    [Ito ang sasabihin], “Hindi ba binigkas sa inyo ang Aking mga ayaat [kapahayagan], nguni’t, kayo ay lagi nang nagtatakwil sa mga ito?”

  106. قَالُواْ رَبَّنَا غَلَبَتۡ عَلَيۡنَا شِقۡوَتُنَا وَكُنَّا قَوۡمٗا ضَآلِّينَ 

    Open ayah 23:106

    Sila ay magsasabi: “Aming Panginoon, ang kasamaan namin ay nanaig sa amin, at kami ay isang mamamayang nangaligaw.

  107. رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا مِنۡهَا فَإِنۡ عُدۡنَا فَإِنَّا ظَٰلِمُونَ 

    Open ayah 23:107

    Aming Panginoon, kami ay [Iyong] hanguin mula rito [sa Apoy]. Kaya, kung kami man ay magsibalik [sa dating kasamaan], tunay na kami ay mga mapaggawa ng kamalian.”

  108. قَالَ ٱخۡسَـُٔواْ فِيهَا وَلَا تُكَلِّمُونِ 

    Open ayah 23:108

    Siya [ang Allah] ay magsasabi: “Manatili kayong kaaba-aba [hamak at walang dangal] doon! At huwag kayong makiusap sa Akin.

  109. إِنَّهُۥ كَانَ فَرِيقٞ مِّنۡ عِبَادِي يَقُولُونَ رَبَّنَآ ءَامَنَّا فَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰحِمِينَ 

    Open ayah 23:109

    Katotohanan, may isang pangkat sa Aking mga alipin na nagsasabi: ‘Aming Panginoon, kami po ay naniwala, kaya kami po ay [Iyong] patawarin at kami po ay [Iyong] kahabagan, sapagka’t Ikaw ang pinakamahusay sa mga mahabagin!’

  110. فَٱتَّخَذۡتُمُوهُمۡ سِخۡرِيًّا حَتَّىٰٓ أَنسَوۡكُمۡ ذِكۡرِي وَكُنتُم مِّنۡهُمۡ تَضۡحَكُونَ 

    Open ayah 23:110

    Nguni’t, kayong [mga di-naniwala] ay nagturing sa kanila [sa mga Muslim] nang may panunuya hanggang kayo ay kanilang nagawang makalimot sa pag-alaala sa Akin at kayo ay lagi nang nagtatawa sa kanila.

  111. إِنِّي جَزَيۡتُهُمُ ٱلۡيَوۡمَ بِمَا صَبَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ

    Open ayah 23:111

    Katotohanan, sila ay Aking ginantimpalaan sa Araw na ito nang dahil sa kanilang pinasang pagtitiis – na sila ang magkakamit [ng tagumpay].”

  112. قَٰلَ كَمۡ لَبِثۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ عَدَدَ سِنِينَ

    Open ayah 23:112

    [Ang Allah] ay magsasabi: “Ilang bilang ng taon kayong nanatili sa mundo?”

  113. قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖ فَسۡـَٔلِ ٱلۡعَآدِّينَ

    Open ayah 23:113

    Sila ay magsasabi: “Kami ay nanatili ng isang araw o [ilang] bahagi ng isang maghapon; tanungin mo ang mga nagbibilang.”

  114. قَٰلَ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا قَلِيلٗاۖ لَّوۡ أَنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 23:114

    Siya [ang Allah] ay magsasabi: “Kayo ay hindi nanatili maliban sa isang saglit lamang - kung ito ay inyong batid lamang!

  115. أَفَحَسِبۡتُمۡ أَنَّمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ عَبَثٗا وَأَنَّكُمۡ إِلَيۡنَا لَا تُرۡجَعُونَ

    Open ayah 23:115

    Kaya inakala ba ninyo na kayo ay Aming nilikha nang walang kabuluhan [walang mahalagang layunin], at kayo ay hindi ibabalik muli sa Amin?”

  116. فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡكَرِيمِ

    Open ayah 23:116

    Kaya, ipagbunyi ang Allah, ang Hari: ang Katotohanan. Walang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, ang Panginoon ng Marangal na Trono.

  117. وَمَن يَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ لَا بُرۡهَٰنَ لَهُۥ بِهِۦ فَإِنَّمَا حِسَابُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ

    Open ayah 23:117

    At sinuman ang manalangin sa ibang diyos bukod sa Allah na walang patunay tungkol dito; magkagayon, ang kanyang pagtutuos [o pananagutan] ay tanging nasa kanyang Panginoon. Katotohanan, ang mga di-naniniwala ay hindi magtatagumpay.

  118. وَقُل رَّبِّ ٱغۡفِرۡ وَٱرۡحَمۡ وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰحِمِينَ

    Open ayah 23:118

    At sabihin mo [O Muhammad]: “O aking Panginoon, ako po ay Iyong patawarin at [ako ay] Iyong kahabagan, sapagka’t Ikaw ay pinakamahusay sa mga mahabagin!”