النور

An-Noor

The Light · Surah 24 · Ayahs: 64 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. سُورَةٌ أَنزَلۡنَٰهَا وَفَرَضۡنَٰهَا وَأَنزَلۡنَا فِيهَآ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖ لَّعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 24:1

    [Ito ay] isang kabanata [ng Qur’an] na Aming ibinaba [o ipinahayag] at Aming itinagubilin [ang anumang nilalaman nito bilang] isang tungkulin [na dapat ipatupad] at dito ay Aming ipinahayag ang mga malilinaw na talata upang sakali kayo ay [matutong] makaalala.

  2. ٱلزَّانِيَةُ وَٱلزَّانِي فَٱجۡلِدُواْ كُلَّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا مِاْئَةَ جَلۡدَةٖۖ وَلَا تَأۡخُذۡكُم بِهِمَا رَأۡفَةٞ فِي دِينِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۖ وَلۡيَشۡهَدۡ عَذَابَهُمَا طَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 24:2

    Ang babaing mangangalunya o lalaking mangangalunya - bawa’t isa sa kanila ay hagupitin ng isang daang haplit. At huwag hayaang mabagbag ang inyong damdamin para sa kanila sa relihiyon [o batas] ng Allah, kung kayo ay [tunay ngang] naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. At hayaang saksihan ng isang pangkat mula sa mga naniniwala ang kanilang kaparusahan.

  3. ٱلزَّانِي لَا يَنكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوۡ مُشۡرِكَةٗ وَٱلزَّانِيَةُ لَا يَنكِحُهَآ إِلَّا زَانٍ أَوۡ مُشۡرِكٞۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 24:3

    Ang lalaking nangalunya ay hindi mag-aasawa maliban sa isang [babaing] nangalunya o nagtatambal at walang magpapakasal sa kanya [sa babaing nangalunya] maliban sa isang [lalaking] nangalunya o nagtatambal at iyan [ang pagpapakasal sa gayong tao] ay ginawang bawal para sa mga naniniwala.

  4. وَٱلَّذِينَ يَرۡمُونَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ثُمَّ لَمۡ يَأۡتُواْ بِأَرۡبَعَةِ شُهَدَآءَ فَٱجۡلِدُوهُمۡ ثَمَٰنِينَ جَلۡدَةٗ وَلَا تَقۡبَلُواْ لَهُمۡ شَهَٰدَةً أَبَدٗاۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ

    Open ayah 24:4

    At yaong mga nagparatang sa mga malilinis na babae [at] pagkaraan ay hindi makapagpakita ng apat na saksi - sila ay hagupitin ng walumpung haplit, at huwag ninyong tanggapin mula sa kanila ang pagsaksi kahit kailan. [Sapagka’t] sila ay mga suwail.

  5. إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ وَأَصۡلَحُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 24:5

    Maliban yaong mga nagsisi pagkaraan niyan at naging matwid; sa gayon, katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  6. وَٱلَّذِينَ يَرۡمُونَ أَزۡوَٰجَهُمۡ وَلَمۡ يَكُن لَّهُمۡ شُهَدَآءُ إِلَّآ أَنفُسُهُمۡ فَشَهَٰدَةُ أَحَدِهِمۡ أَرۡبَعُ شَهَٰدَٰتِۭ بِٱللَّهِ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

    Open ayah 24:6

    At yaong mga nagparatang [ng pakikiapid] sa kanilang mga asawang babae nguni’t walang mga saksi maliban sa kanilang mga sarili, samakatwid ang panunumpa [bilang katibayan] ng isa sa kanila ay [nararapat gawing] apat na [ulit na] panunumpa [sa pamamagitan ng panunumpa] sa Allah na siya ay isa sa mga makatotohanan.

  7. وَٱلۡخَٰمِسَةُ أَنَّ لَعۡنَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡهِ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ

    Open ayah 24:7

    At ang ikalima [ay panunumpa bilang katibayan na] ang sumpa ng Allah ay mapasasakanya kung siya ay kabilang sa mga sinungaling.

  8. وَيَدۡرَؤُاْ عَنۡهَا ٱلۡعَذَابَ أَن تَشۡهَدَ أَرۡبَعَ شَهَٰدَٰتِۭ بِٱللَّهِ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ

    Open ayah 24:8

    Nguni’t ito ay makapipigil sa pagpaparusa sa kanya [sa babae] kung siya ay makapagbibigay ng apat na [ulit na] panunumpa. [Siya ay sumusumpa] sa Allah, na katotohanan, siya [ang kanyang asawang lalaki] ay isang sinungaling.

  9. وَٱلۡخَٰمِسَةَ أَنَّ غَضَبَ ٱللَّهِ عَلَيۡهَآ إِن كَانَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

    Open ayah 24:9

    At ang ikalimang [panunumpa] na ang Poot ng Allah ay mapasasakanya [sa babae] kung siya [ang lalaki] ay isang makatotohanan.

  10. وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ وَأَنَّ ٱللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ 

    Open ayah 24:10

    At kung hindi lamang sa pagpapala ng Allah at sa Kanyang habag sa inyo … at sapagka’t ang Allah ay tumatanggap ng pagsisisi, Tigib ng Karunungan.

  11. إِنَّ ٱلَّذِينَ جَآءُو بِٱلۡإِفۡكِ عُصۡبَةٞ مِّنكُمۡۚ لَا تَحۡسَبُوهُ شَرّٗا لَّكُمۖ بَلۡ هُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۚ لِكُلِّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُم مَّا ٱكۡتَسَبَ مِنَ ٱلۡإِثۡمِۚ وَٱلَّذِي تَوَلَّىٰ كِبۡرَهُۥ مِنۡهُمۡ لَهُۥ عَذَابٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 24:11

    Katotohanan, yaong mga dumating na may dalang hinabi [o tahitahing] kasinungalingan [tulad ng paninirang-puri] ay isang pangkat na kabilang sa inyo. Huwag ninyong isipin na ito ay nakasasama para sa inyo; bagkus; ito ay nakabubuti para sa inyo. Sapagka’t sa bawa’t taong kabilang sa kanila [na naninirang-puri], ang [parusa] ay siyang [magiging bunga ng] anumang kanyang pinagsumikapan mula sa [nagawang] kasalanan. At siya na mayroong malaking bahagi rito – sa kanya ay isang malaking parusa [ng Impiyerno].

  12. لَّوۡلَآ إِذۡ سَمِعۡتُمُوهُ ظَنَّ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ بِأَنفُسِهِمۡ خَيۡرٗا وَقَالُواْ هَٰذَآ إِفۡكٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 24:12

    Bakit, nang ito [ang paninirang-puri] ay inyong marinig, ang mga lalaking naniniwala at mga babaing naniniwala ay hindi man lamang nakapag-isip nang mabuti para sa kanilang mga sarili at magsabing: “Ito [ang paninirang-puring] ay isang hayag na hinabi [at mga pinagtahi-tahing] kasinungalingan. ?”

  13. لَّوۡلَا جَآءُو عَلَيۡهِ بِأَرۡبَعَةِ شُهَدَآءَۚ فَإِذۡ لَمۡ يَأۡتُواْ بِٱلشُّهَدَآءِ فَأُوْلَٰٓئِكَ عِندَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ

    Open ayah 24:13

    Bakit sila [mga naninirang-puri] ay hindi magpakita ng apat na saksi para rito? Kaya, kung sila ay hindi nakapagpakita ng mga saksi, samakatwid, sila, sa [paningin ng] Allah, ang mga sinungaling.

  14. وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ لَمَسَّكُمۡ فِي مَآ أَفَضۡتُمۡ فِيهِ عَذَابٌ عَظِيمٌ

    Open ayah 24:14

    At kung hindi lamang sa pagpapala ng Allah at sa Kanyang habag sa inyo sa mundong ito at sa kabilang buhay, marahil kayo ay dinatnan na ng isang malaking parusa para rito [sa mga kamaliang] inyong kinasangkutan.

  15. إِذۡ تَلَقَّوۡنَهُۥ بِأَلۡسِنَتِكُمۡ وَتَقُولُونَ بِأَفۡوَاهِكُم مَّا لَيۡسَ لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞ وَتَحۡسَبُونَهُۥ هَيِّنٗا وَهُوَ عِندَ ٱللَّهِ عَظِيمٞ

    Open ayah 24:15

    Nang ito ay inyong tinanggap sa inyong mga dila, at namutawi sa inyong mga bibig ang alinmang wala kayong kaalaman, at ito ay inakala ninyo na isa lamang maliit [na bagay], samantalang sa [paningin ng] Allah, ito ay sadyang malubha.

  16. وَلَوۡلَآ إِذۡ سَمِعۡتُمُوهُ قُلۡتُم مَّا يَكُونُ لَنَآ أَن نَّتَكَلَّمَ بِهَٰذَا سُبۡحَٰنَكَ هَٰذَا بُهۡتَٰنٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 24:16

    At bakit nga ba, nang ito ay inyong marinig, kayo ay hindi man lamang nagsabing, “Ito ay hindi marapat para sa atin upang magsabi niyan. Luwalhati sa Iyo, [O Allah]! Ito ay isang malaking kasiraang-puri?”

  17. يَعِظُكُمُ ٱللَّهُ أَن تَعُودُواْ لِمِثۡلِهِۦٓ أَبَدًا إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 24:17

    Ang Allah ay nagbababala sa inyo na huwag ninyong ulitin [o balikan] pa ang katulad nito [ang maling asal] kailan man, kung tunay nga na kayo ay mga naniniwala.

  18. وَيُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

    Open ayah 24:18

    At ginawang malinaw ng Allah ang mga ayaat [kapasiyahan] para sa inyo, at ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  19. إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحِبُّونَ أَن تَشِيعَ ٱلۡفَٰحِشَةُ فِي ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 24:19

    Katotohanan, yaong mga nasisiyahan na ang kahalayan ay ipagkalat [o ipamalita] sa mga naniwala – para sa kanila ay isang mahapding parusa sa mundong ito at sa kabilang buhay. At ang Allah ay nakaaalam at kayo ay hindi nakaaalam [nito].

  20. وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ وَأَنَّ ٱللَّهَ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ 

    Open ayah 24:20

    At kung hindi lamang sa pagpapala ng Allah at sa Kanyang habag …, at sapagka’t ang Allah ay Tigib ng Kabaitan, Maawain.

  21. ۞يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّبِعُواْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ وَمَن يَتَّبِعۡ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِ فَإِنَّهُۥ يَأۡمُرُ بِٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۚ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ مَا زَكَىٰ مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ أَبَدٗا وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يُزَكِّي مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 24:21

    O kayong mga naniwala, huwag kayong sumunod sa mga yapak ng Satanas. At sinuman ang sumunod sa mga yapak ng Satanas, magkagayon, katotohanan, siya [ang Satanas] ay nag-uutos ng kahalayan at kasamaan. At kung hindi lamang sa pagpapala ng Allah at sa Kanyang habag sa inyo, walang isa man sa inyo ang magiging malinis [mula sa kasalanan] kailanman. Nguni’t, pinadadalisay ng Allah ang sinumang Kanyang nais, at ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  22. وَلَا يَأۡتَلِ أُوْلُواْ ٱلۡفَضۡلِ مِنكُمۡ وَٱلسَّعَةِ أَن يُؤۡتُوٓاْ أُوْلِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينَ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ وَلۡيَعۡفُواْ وَلۡيَصۡفَحُوٓاْۗ أَلَا تُحِبُّونَ أَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

    Open ayah 24:22

    At huwag hayaan yaong mga pinagkalooban ng biyaya at ng yaman na kabilang sa inyo na sila ay manumpang magkakait [ng tulong] sa kanilang mga kamag-anakan at sa mga nangangailangan, at sa mga lumikas para sa Landas ng Allah. At hayaan silang magpatawad at magparaya. Hindi ba ninyo nais na ang Allah ay magpatawad sa inyo? At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  23. إِنَّ ٱلَّذِينَ يَرۡمُونَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡغَٰفِلَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ لُعِنُواْ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 24:23

    Katotohanan, yaong mga nagparatang sa mga malilinis, walang kamalayan [sa paratang] at naniniwalang babae – [sila na nagparatang] ay isinumpa sa mundong ito at sa kabilang buhay, at sa kanila ay isang malaking parusa

  24. يَوۡمَ تَشۡهَدُ عَلَيۡهِمۡ أَلۡسِنَتُهُمۡ وَأَيۡدِيهِمۡ وَأَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 24:24

    Sa Araw [na iyon] kapag ang kanilang mga dila, ang kanilang mga kamay, at ang kanilang mga paa ay sasaksi laban sa kanila hinggil sa anumang kanilang laging ginagawa.

  25. يَوۡمَئِذٖ يُوَفِّيهِمُ ٱللَّهُ دِينَهُمُ ٱلۡحَقَّ وَيَعۡلَمُونَ أَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ ٱلۡمُبِينُ

    Open ayah 24:25

    Sa Araw na iyon, ang Allah ay magbabayad sa kanila nang lubusang kabayaran, at kanilang mababatid na ang Allah ay Siyang Malinaw na Katotohanan [ang Makatarungan].

  26. ٱلۡخَبِيثَٰتُ لِلۡخَبِيثِينَ وَٱلۡخَبِيثُونَ لِلۡخَبِيثَٰتِۖ وَٱلطَّيِّبَٰتُ لِلطَّيِّبِينَ وَٱلطَّيِّبُونَ لِلطَّيِّبَٰتِۚ أُوْلَٰٓئِكَ مُبَرَّءُونَ مِمَّا يَقُولُونَۖ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ

    Open ayah 24:26

    Ang mga masasamang babae ay para sa mga masasamang lalaki at ang mga masasamang lalaki ay para sa mga masasamang babae. Ang mga mabubuting babae ay para sa mga mabubuting lalaki at ang mga mabubuting lalaki ay para sa mga mabubuting babae. Sila yaong mga [mabubuti na] naturingang walang kamuwangan sa anumang [paninirangpuri] kanilang sinasabi. Sa kanila ay kapatawaran at marangal na panustos.

  27. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَدۡخُلُواْ بُيُوتًا غَيۡرَ بُيُوتِكُمۡ حَتَّىٰ تَسۡتَأۡنِسُواْ وَتُسَلِّمُواْ عَلَىٰٓ أَهۡلِهَاۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 24:27

    O kayong mga naniwala, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi ninyo [sariling] pamamahay hanggang inyong matiyak ang kapahintulutan at inyong mabati ang mga naninirahan [sa loob nito]. Iyan ay nakabubuti para sa inyo; upang sakali kayo ay mapaalalahanan.

  28. فَإِن لَّمۡ تَجِدُواْ فِيهَآ أَحَدٗا فَلَا تَدۡخُلُوهَا حَتَّىٰ يُؤۡذَنَ لَكُمۡۖ وَإِن قِيلَ لَكُمُ ٱرۡجِعُواْ فَٱرۡجِعُواْۖ هُوَ أَزۡكَىٰ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ عَلِيمٞ

    Open ayah 24:28

    At kung wala kayong matagpuang sinupaman sa loob, huwag kayong pumasok hanggang maipagkaloob sa inyo ang kapahintulutan. At kung sinabi sa inyo na, “Kayo ay magsibalik,” samakatwid, kayo ay magsibalik; ito ay higit na dalisay para sa inyo. At ang Allah ay Maalam sa anumang inyong mga ginagawa.

  29. لَّيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَدۡخُلُواْ بُيُوتًا غَيۡرَ مَسۡكُونَةٖ فِيهَا مَتَٰعٞ لَّكُمۡۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تُبۡدُونَ وَمَا تَكۡتُمُونَ

    Open ayah 24:29

    Hindi isang pagkakasala sa inyo kung kayo ay pumasok sa mga pamamahay na hindi na tinitirhan upang makapagbigay ng ginhawa para sa inyo. At ang Allah ay nakababatid sa anumang inyong inihahayag at sa anumang inyong mga ikinukubli.

  30. قُل لِّلۡمُؤۡمِنِينَ يَغُضُّواْ مِنۡ أَبۡصَٰرِهِمۡ وَيَحۡفَظُواْ فُرُوجَهُمۡۚ ذَٰلِكَ أَزۡكَىٰ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا يَصۡنَعُونَ 

    Open ayah 24:30

    Sabihin sa mga naniniwalang lalaki na kanilang ibaba ang kanilang mga paningin [sa mga bawal na bagay], at pangalagaan ang kanilang mga maseselang bahagi ng katawan [upang hindi makagawa ng kahalayan]. Iyan ay higit na dalisay para sa kanila. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakababatid sa anumang kanilang mga ginagawa.

  31. وَقُل لِّلۡمُؤۡمِنَٰتِ يَغۡضُضۡنَ مِنۡ أَبۡصَٰرِهِنَّ وَيَحۡفَظۡنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبۡدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنۡهَاۖ وَلۡيَضۡرِبۡنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلَىٰ جُيُوبِهِنَّۖ وَلَا يُبۡدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا لِبُعُولَتِهِنَّ أَوۡ ءَابَآئِهِنَّ أَوۡ ءَابَآءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوۡ أَبۡنَآئِهِنَّ أَوۡ أَبۡنَآءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوۡ إِخۡوَٰنِهِنَّ أَوۡ بَنِيٓ إِخۡوَٰنِهِنَّ أَوۡ بَنِيٓ أَخَوَٰتِهِنَّ أَوۡ نِسَآئِهِنَّ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُنَّ أَوِ ٱلتَّٰبِعِينَ غَيۡرِ أُوْلِي ٱلۡإِرۡبَةِ مِنَ ٱلرِّجَالِ أَوِ ٱلطِّفۡلِ ٱلَّذِينَ لَمۡ يَظۡهَرُواْ عَلَىٰ عَوۡرَٰتِ ٱلنِّسَآءِۖ وَلَا يَضۡرِبۡنَ بِأَرۡجُلِهِنَّ لِيُعۡلَمَ مَا يُخۡفِينَ مِن زِينَتِهِنَّۚ وَتُوبُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ

    Open ayah 24:31

    At sabihin sa mga naniniwalang babae na kanilang ibaba ang kanilang mga paningin [sa mga bawal na bagay], at pangalagaan ang kanilang maseselang bahagi ng katawan, [upang hindi makagawa ng kahalayan] at huwag nilang iladlad ang kanilang palamuti [ganda] maliban sa [kailangang] ilitaw at kanilang balutin [ng isang bahagi ng] kanilang takipulo ang ibabaw ng kanilang mga dibdib at huwag nilang ilantad ang kanilang palamuti [ganda] maliban sa kanilang mga asawa, o kanilang mga ama, o kanilang mga biyenang lalaki o kanilang mga anak na lalaki o anak na lalaki ng kanilang mga asawa o kanilang mga kapatid na lalaki at anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na lalaki o anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae at ang kanilang mga kababaihan [kapatid na babae sa relihiyong Islam] o [mga babaing aliping] taglay ng kanilang kanang kamay o matatandang lalaking alipin na wala nang lakas [sa tawag ng pagnanasa] o mga batang walang kamuwangan sa pribadong aspeto ng mga kababaihan. At huwag nilang hayaang ipadyak ang kanilang mga paa upang kanilang mailantad ang anumang kanilang ikinukubling palamuti [ganda]. At magbalik-loob sa Allah, kayong lahat, O kayong mga naniwala, upang sakali kayo ay magtagumpay.

  32. وَأَنكِحُواْ ٱلۡأَيَٰمَىٰ مِنكُمۡ وَٱلصَّٰلِحِينَ مِنۡ عِبَادِكُمۡ وَإِمَآئِكُمۡۚ إِن يَكُونُواْ فُقَرَآءَ يُغۡنِهِمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 24:32

    At inyong pakasalan ang mga malalayang [walang asawang] kabilang sa inyo at ang mga matutuwid na kabilang sa inyong mga [lalaki at babaing] alipin. At kung sila man ay mahihirap, sila ay pagyayamanin ng Allah mula sa Kanyang mga biyaya, at ang Allah ay Tigib ng Kasaganaan, Maalam.

  33. وَلۡيَسۡتَعۡفِفِ ٱلَّذِينَ لَا يَجِدُونَ نِكَاحًا حَتَّىٰ يُغۡنِيَهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۗ وَٱلَّذِينَ يَبۡتَغُونَ ٱلۡكِتَٰبَ مِمَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡ فَكَاتِبُوهُمۡ إِنۡ عَلِمۡتُمۡ فِيهِمۡ خَيۡرٗاۖ وَءَاتُوهُم مِّن مَّالِ ٱللَّهِ ٱلَّذِيٓ ءَاتَىٰكُمۡۚ وَلَا تُكۡرِهُواْ فَتَيَٰتِكُمۡ عَلَى ٱلۡبِغَآءِ إِنۡ أَرَدۡنَ تَحَصُّنٗا لِّتَبۡتَغُواْ عَرَضَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَمَن يُكۡرِههُّنَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ مِنۢ بَعۡدِ إِكۡرَٰهِهِنَّ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 24:33

    At hayaan yaong mga walang kakayahang makapag-asawa na umiwas [mula sa bawal na pagtatalik] hanggang sila ay pagyamanin ng Allah mula sa Kanyang biyaya. At yaong mga humahanap ng kasunduan [ng paglaya] mula sa sinumang [aliping] taglay ng inyong kanang kamay - samakatwid, gumawa ng kasunduan sa kanila kung inyong nalalaman na taglay nila ang mabuting kalooban at sila ay inyong bahaginan mula sa yaman ng Allah na Kanyang ipinagkaloob sa inyo. At huwag pilitin [o ibulid] ang inyong mga babaing alipin sa kahalayan, kung sila ay nagnanais maging malinis [o marangal], upang [inyong] hanapin [sa pamamagitan nito] ang panandaliang kasiyahan ng makamundong buhay. Nguni’t sinuman ang pumilit sa kanila, samakatwid, [sa mga napilitan] ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  34. وَلَقَدۡ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ ءَايَٰتٖ مُّبَيِّنَٰتٖ وَمَثَلٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلِكُمۡ وَمَوۡعِظَةٗ لِّلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 24:34

    At katiyakan Aming ipinahayag [o ibinaba] sa inyo ang mga malilinaw na talata, at ang paghahalintulad niyaong mula sa mga yumaong nauna sa inyo [upang magsilbing halimbawa], at isang babala para sa mga natatakot [sa Allah].

  35. ۞ٱللَّهُ نُورُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ مَثَلُ نُورِهِۦ كَمِشۡكَوٰةٖ فِيهَا مِصۡبَاحٌۖ ٱلۡمِصۡبَاحُ فِي زُجَاجَةٍۖ ٱلزُّجَاجَةُ كَأَنَّهَا كَوۡكَبٞ دُرِّيّٞ يُوقَدُ مِن شَجَرَةٖ مُّبَٰرَكَةٖ زَيۡتُونَةٖ لَّا شَرۡقِيَّةٖ وَلَا غَرۡبِيَّةٖ يَكَادُ زَيۡتُهَا يُضِيٓءُ وَلَوۡ لَمۡ تَمۡسَسۡهُ نَارٞۚ نُّورٌ عَلَىٰ نُورٖۚ يَهۡدِي ٱللَّهُ لِنُورِهِۦ مَن يَشَآءُۚ وَيَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡأَمۡثَٰلَ لِلنَّاسِۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

    Open ayah 24:35

    Ang Allah ay Liwanag ng mga kalangitan at kalupaan. Ang kahalintulad ng Kanyang Liwanag ay tulad ng isang sisidlan na sa loob nito ay may isang lampara; ang lampara ay nasa loob ng salamin, ang salamin ay tila isang perlas [sa kaputian] na bituin, sinindihan mula sa [langis ng] isang pinagpalang puno ng oliba, hindi ng silangan o ng kanluran, na ang langis nito ay halos magbaga kahit ito ay hindi nasaling ng apoy. Liwanag sa ibabaw ng mga liwanag. Pinapatnubayan ng Allah sa Kanyang Liwanag ang sinumang Kanyang nais. Ang Allah ay naglalahad ng paghahalintulad para sa sangkatauhan. At ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.

  36. فِي بُيُوتٍ أَذِنَ ٱللَّهُ أَن تُرۡفَعَ وَيُذۡكَرَ فِيهَا ٱسۡمُهُۥ يُسَبِّحُ لَهُۥ فِيهَا بِٱلۡغُدُوِّ وَٱلۡأٓصَالِ

    Open ayah 24:36

    [Ang gayong liwanag ay] nasa mga bahay-dalanginan na itinagubilin ng Allah na itayo, [at] na ang Kanyang Pangalan ay banggitin [luwalhatiin] doon. Niluluwalhati Siya sa loob ng mga ito sa umaga at sa mga gabi,

  37. رِجَالٞ لَّا تُلۡهِيهِمۡ تِجَٰرَةٞ وَلَا بَيۡعٌ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِ وَإِقَامِ ٱلصَّلَوٰةِ وَإِيتَآءِ ٱلزَّكَوٰةِ يَخَافُونَ يَوۡمٗا تَتَقَلَّبُ فِيهِ ٱلۡقُلُوبُ وَٱلۡأَبۡصَٰرُ

    Open ayah 24:37

    [Sila ang] mga lalaki na ang kalakal at paninda ay hindi makaaabala sa kanila para sa pag-aalaala sa Allah, at sa pagsasagawa ng pagdarasal at pagbibigay ng Zakaah [kawanggawa]. Kanilang kinatatakutan ang Araw na ang mga puso at mga mata ay natutuliro [sanhi ng matinding takot].

  38. لِيَجۡزِيَهُمُ ٱللَّهُ أَحۡسَنَ مَا عَمِلُواْ وَيَزِيدَهُم مِّن فَضۡلِهِۦۗ وَٱللَّهُ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٖ

    Open ayah 24:38

    Upang sila ay gantimpalaan ng Allah [nang ayon] sa anumang kanilang pinakamabuting ginawa, at dagdagan nang higit pa mula sa Kanyang biyaya. At ang Allah ay nagkakaloob [ng panustos] sa sinumang Kanyang nais nang walang pagsukat.

  39. وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَعۡمَٰلُهُمۡ كَسَرَابِۭ بِقِيعَةٖ يَحۡسَبُهُ ٱلظَّمۡـَٔانُ مَآءً حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَهُۥ لَمۡ يَجِدۡهُ شَيۡـٔٗا وَوَجَدَ ٱللَّهَ عِندَهُۥ فَوَفَّىٰهُ حِسَابَهُۥۗ وَٱللَّهُ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ

    Open ayah 24:39

    At yaong mga di-naniniwala - ang kanilang mga gawain ay katulad ng isang malik-mata sa isang patag na lupa na inaakala ng isang nauuhaw na ito ay tubig, hanggang nang siya ay makalapit dito, wala siyang natagpuang anupaman; nguni’t natagpuan niya ang Allah na nasa kanya, at Siya ay magbabayad sa kanya nang lubusang bayad; at ang Allah ay Maagap sa pagtutuos [paniningil].

  40. أَوۡ كَظُلُمَٰتٖ فِي بَحۡرٖ لُّجِّيّٖ يَغۡشَىٰهُ مَوۡجٞ مِّن فَوۡقِهِۦ مَوۡجٞ مِّن فَوۡقِهِۦ سَحَابٞۚ ظُلُمَٰتُۢ بَعۡضُهَا فَوۡقَ بَعۡضٍ إِذَآ أَخۡرَجَ يَدَهُۥ لَمۡ يَكَدۡ يَرَىٰهَاۗ وَمَن لَّمۡ يَجۡعَلِ ٱللَّهُ لَهُۥ نُورٗا فَمَا لَهُۥ مِن نُّورٍ 

    Open ayah 24:40

    O [silang mga di-naniniwala], ay katulad ng mga kadiliman sa ilalim ng di-matarok na dagat na natatakpan ng mga alon na tinakpan pa ng mga alon. Sa ibabaw nito ay mga ulap - mga kadiliman na ang mga iba nito ay nakapatong sa iba. [Kaya] kapag ilalagay ng isa ang kamay niya [rito], ito ay mahihirapan niyang makita. At sinuman ang hindi pinagkalooban ng Allah ng liwanag, - sa kanya ay walang [makikitang] liwanag.

  41. أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُسَبِّحُ لَهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱلطَّيۡرُ صَٰٓفَّٰتٖۖ كُلّٞ قَدۡ عَلِمَ صَلَاتَهُۥ وَتَسۡبِيحَهُۥۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِمَا يَفۡعَلُونَ

    Open ayah 24:41

    Hindi mo ba nakikita na ang Allah ay niluluwalhati ng mga nasa kalangitan at kalupaan, at ng mga ibon na may pakpak na bumubuka [sa paglipad]? Na ang [bawa’t] isa sa kanila ay nakababatid ng [paraan ng] kanyang pagdarasal at maging ang pagpuri [sa Kanya]; at ang Allah ay Maalam sa anumang kanilang ginagawa.

  42. وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 24:42

    At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] kapamahalaan ng mga kalangitan at kalupaan, at sa Allah ang patutunguhan [ng lahat].

  43. أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُزۡجِي سَحَابٗا ثُمَّ يُؤَلِّفُ بَيۡنَهُۥ ثُمَّ يَجۡعَلُهُۥ رُكَامٗا فَتَرَى ٱلۡوَدۡقَ يَخۡرُجُ مِنۡ خِلَٰلِهِۦ وَيُنَزِّلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن جِبَالٖ فِيهَا مِنۢ بَرَدٖ فَيُصِيبُ بِهِۦ مَن يَشَآءُ وَيَصۡرِفُهُۥ عَن مَّن يَشَآءُۖ يَكَادُ سَنَا بَرۡقِهِۦ يَذۡهَبُ بِٱلۡأَبۡصَٰرِ

    Open ayah 24:43

    Hindi mo ba nakikita na ang Allah ay nagpapadpad sa mga ulap? Pagkaraan, Kanyang tinipun-tipon ang mga ito, at pagkaraan ay ginagawa Niyang isang bunton [patung-patong] ang mga ito at inyong nakikita ang pagsibol ng ulan mula sa loob nito. At ibinababa Niya mula sa kalangitan ang gabundok [na mga ulap] na sa loob nito ay mga [mumunting] yelo, at pinatatamaan Niya nito ang sinumang nais Niya at ito ay iniiwas sa sinumang nais Niya. Ang kislap ng kidlat nito ay halos makabulag ng paningin.

  44. يُقَلِّبُ ٱللَّهُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّأُوْلِي ٱلۡأَبۡصَٰرِ

    Open ayah 24:44

    Pinagsasalitan ng Allah ang gabi at ang araw. Katotohanan, naririto ang isang aral para sa mga nakakakita [o may paningin].

  45. وَٱللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَآبَّةٖ مِّن مَّآءٖۖ فَمِنۡهُم مَّن يَمۡشِي عَلَىٰ بَطۡنِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن يَمۡشِي عَلَىٰ رِجۡلَيۡنِ وَمِنۡهُم مَّن يَمۡشِي عَلَىٰٓ أَرۡبَعٖۚ يَخۡلُقُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

    Open ayah 24:45

    At nilikha ng Allah ang bawa’t gumagalang nilikha mula sa tubig. At kabilang sa kanila ay ang mga gumagapang sa [pamamagitan ng] kanilang mga tiyan, at ang iba naman ay naglalakad sa kanilang dalawang paa, at ang ilan ay naglalakad sa apat [na paa]. Ang Allah ay lumilikha ng anumang Kanyang nais. Katotohanan, ang Allah ay may kakayahang gawin ang lahat ng bagay.

  46. لَّقَدۡ أَنزَلۡنَآ ءَايَٰتٖ مُّبَيِّنَٰتٖۚ وَٱللَّهُ يَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 24:46

    Katiyakan, Aming ipinahayag [o ibinaba] ang mga malilinaw na ayaat [kapahayagan]. At ang Allah ay nagpapatnubay sa sinumang Kanyang nais tungo sa isang matuwid na landas.

  47. وَيَقُولُونَ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلرَّسُولِ وَأَطَعۡنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٞ مِّنۡهُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۚ وَمَآ أُوْلَٰٓئِكَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 24:47

    At sila [mga mapagkunwari] ay nagsasabing; “Kami ay naniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, at kami ay sumusunod.” [Nguni’t] pagkaraan, ang isang pangkat mula sa kanila ay nagsilayo pagkatapos niyon. At sila yaong mga di-naniniwala.

  48. وَإِذَا دُعُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَهُمۡ إِذَا فَرِيقٞ مِّنۡهُم مُّعۡرِضُونَ

    Open ayah 24:48

    At kapag sila ay inaanyayahan [o tinatawag] tungo sa [salita ng] Allah at ng Kanyang Sugo upang humatol sa kanilang pagitan, kapagdaka ang isang pangkat mula sa kanila ay nagsitalikod [sa pagtutol].

  49. وَإِن يَكُن لَّهُمُ ٱلۡحَقُّ يَأۡتُوٓاْ إِلَيۡهِ مُذۡعِنِينَ

    Open ayah 24:49

    Nguni’t kung ang katotohanan ay nasa kanilang [panig], sila ay lumalapit sa kanya [kay Propeta Muhammad] nang maagap na pagsunod.

  50. أَفِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ أَمِ ٱرۡتَابُوٓاْ أَمۡ يَخَافُونَ أَن يَحِيفَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ وَرَسُولُهُۥۚ بَلۡ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ 

    Open ayah 24:50

    [Sila ba ay] mayroong sakit sa kanilang mga puso? O sila ba ay nagaalinlangan? O sila ay nangangamba na ang Allah ay magiging dimakatarungan sa kanila, o ang Kanyang Sugo? Nguni’t, sila yaong mga mapaggawa ng kamalian.

  51. إِنَّمَا كَانَ قَوۡلَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ إِذَا دُعُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَهُمۡ أَن يَقُولُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَاۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 24:51

    Ang tanging sinasabi ng mga [tunay na] naniniwala, kapag sila ay inaanyayahan [tinatawagan] tungo sa Allah at sa Kanyang Sugo upang humatol sa kanilang pagitan, sila ay nagsasabing: “Aming naririnig at aming susundin.” At sila yaong mga magtatagumpay.

  52. وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَخۡشَ ٱللَّهَ وَيَتَّقۡهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ

    Open ayah 24:52

    At sinuman ang sumusunod sa Allah at sa Kanyang Sugo, at pinangangambahan ang Allah, at may takot sa Kanya, magkagayon, sila yaong mga magtatamo [ng tagumpay].

  53. ۞وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَئِنۡ أَمَرۡتَهُمۡ لَيَخۡرُجُنَّۖ قُل لَّا تُقۡسِمُواْۖ طَاعَةٞ مَّعۡرُوفَةٌۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 24:53

    At sila [mga mapagkunwari] ay sumusumpa sa Allah ng kanilang pinakamatibay na panunumpa - na kung sila ay iyong pag-utusan, sila ay magsisilabas [upang makipaglaban sa Landas ng Allah]. Sabihin: “Huwag na kayong sumumpa; ang [gayong inyong] pagsunod ay batid na. Katotohanan, ang Allah ay nakababatid ng anumang inyong ginagawa.”

  54. قُلۡ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَۖ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيۡكُم مَّا حُمِّلۡتُمۡۖ وَإِن تُطِيعُوهُ تَهۡتَدُواْۚ وَمَا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

    Open ayah 24:54

    Sabihin: “Sumunod kayo sa Allah at sumunod sa Sugo, nguni’t, kung kayo ay magsilayo, samakatwid, ang nakaatang lamang sa kanya ay ang [tungkuling] iniatas sa kanya, at ang sa inyo ay iyon lamang iniatas sa inyo. At kung kayo ay sumunod sa kanya, kayo ay [matwid na] mapapatnubayan. At walang nakaatang sa Sugo maliban sa [tungkuling] maghatid nang malinaw [na mensahe].”

  55. وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَيَسۡتَخۡلِفَنَّهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ كَمَا ٱسۡتَخۡلَفَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَلَيُمَكِّنَنَّ لَهُمۡ دِينَهُمُ ٱلَّذِي ٱرۡتَضَىٰ لَهُمۡ وَلَيُبَدِّلَنَّهُم مِّنۢ بَعۡدِ خَوۡفِهِمۡ أَمۡنٗاۚ يَعۡبُدُونَنِي لَا يُشۡرِكُونَ بِي شَيۡـٔٗاۚ وَمَن كَفَرَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ

    Open ayah 24:55

    Pinangakuan ng Allah yaong mga naniwalang kabilang sa inyo at gumawa ng mga gawaing matwid; na katiyakan, sila ay pagkakalooban Niya nito [ng karapatang] halinhan [o palitan] ang [pamunuan ng] kalupaan tulad ng pagkakaloob Niya nito sa mga nauna sa kanila. At katiyakan na itatatag Niya [rito] para sa kanila ang kanilang relihiyon na Kanyang pinili para sa kanila at katiyakang pagkaraan ng kanilang pangamba, ito ay papalitan Niya ng katiwasayan para sa kanila [sapagka't] sila ay sumasamba sa Akin, sila ay hindi nagtatambal sa Akin ng anupaman. Nguni’t sinuman ang mga di-naniwala pagkaraan niyan - sila ang mga suwail.

  56. وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

    Open ayah 24:56

    At magsagawa kayo ng pagdarasal at magbigay ng Zakaah [kawanggawa] at sumunod sa Sugo upang sakali kayo ay tumanggap ng habag.

  57. لَا تَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَمَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُۖ وَلَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 24:57

    Kailanman ay huwag mong isipin na yaong mga di-naniniwala ay makakatakas [sa Allah] sa [balat ng] lupa. Ang kanilang kanlungan ay ang Apoy - at napakasamang patunguhan.

  58. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِيَسۡتَـٔۡذِنكُمُ ٱلَّذِينَ مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡ وَٱلَّذِينَ لَمۡ يَبۡلُغُواْ ٱلۡحُلُمَ مِنكُمۡ ثَلَٰثَ مَرَّٰتٖۚ مِّن قَبۡلِ صَلَوٰةِ ٱلۡفَجۡرِ وَحِينَ تَضَعُونَ ثِيَابَكُم مِّنَ ٱلظَّهِيرَةِ وَمِنۢ بَعۡدِ صَلَوٰةِ ٱلۡعِشَآءِۚ ثَلَٰثُ عَوۡرَٰتٖ لَّكُمۡۚ لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ وَلَا عَلَيۡهِمۡ جُنَاحُۢ بَعۡدَهُنَّۚ طَوَّٰفُونَ عَلَيۡكُم بَعۡضُكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 24:58

    O kayong mga naniwala, hayaan yaong mga [aliping] taglay ng inyong kanang kamay at yaong mga kabilang sa inyo na hindi umabot sa wastong gulang, na humingi ng pahintulot sa inyo [bago sila magsipasok sa inyong pribadong kinaroroonan] sa tatlong pagkakataon: bago ang Salatul Fajr, o habang kayo ay nagpapalit ng damit para sa tanghaliang [pamamahinga], at pagkatapos ng Salatul Isha. [Ang mga ito] ay tatlong [pagkakataon o] oras ng pansariling laan para sa inyo. [Nguni’t bukod dito], hindi isang pagkakasala para sa inyo o sa kanila ang iba pang mga oras sapagka’t sila ay lagi nang nakahalubilong kabilang sa inyo – sa isa’t isa, kasama ng iba pa. Ganyan ginagawang malinaw ng Allah ang mga ayaat [alituntunin] para sa inyo. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  59. وَإِذَا بَلَغَ ٱلۡأَطۡفَٰلُ مِنكُمُ ٱلۡحُلُمَ فَلۡيَسۡتَـٔۡذِنُواْ كَمَا ٱسۡتَـٔۡذَنَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 24:59

    At kapag ang mga batang kabilang sa inyo ay umabot na sa wastong gulang [ng pagbibinata o pagdadalaga], hayaan silang humingi ng pahintulot [sa lahat ng oras] tulad niyaong ginawa ng mga [kabataang] nauna sa kanila [sa gulang]. Ganyan ginagawang malinaw ng Allah ang Kanyang ayaat [alituntunin] para sa inyo. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  60. وَٱلۡقَوَٰعِدُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ ٱلَّٰتِي لَا يَرۡجُونَ نِكَاحٗا فَلَيۡسَ عَلَيۡهِنَّ جُنَاحٌ أَن يَضَعۡنَ ثِيَابَهُنَّ غَيۡرَ مُتَبَرِّجَٰتِۭ بِزِينَةٖۖ وَأَن يَسۡتَعۡفِفۡنَ خَيۡرٞ لَّهُنَّۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ 

    Open ayah 24:60

    At sa mga babaing lumipas na sa [panahon ng] pagreregla na wala nang hangarin para sa pag-aasawa, hindi isang pagkakasala para sa kanila kung kanilang isantabi [o alisin] ang kanilang pantakip na kasuutan [nguni’t sa paraang] hindi nagpapakita ng kanilang palamuti [ganda]. Gayunpaman, ang kiming pag-iwas [di-pagtanggal ng takip] ay higit na mabuti para sa kanila. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  61. لَّيۡسَ عَلَى ٱلۡأَعۡمَىٰ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡأَعۡرَجِ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرِيضِ حَرَجٞ وَلَا عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ أَن تَأۡكُلُواْ مِنۢ بُيُوتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ ءَابَآئِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أُمَّهَٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ إِخۡوَٰنِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَخَوَٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَعۡمَٰمِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ عَمَّٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَخۡوَٰلِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ خَٰلَٰتِكُمۡ أَوۡ مَا مَلَكۡتُم مَّفَاتِحَهُۥٓ أَوۡ صَدِيقِكُمۡۚ لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَأۡكُلُواْ جَمِيعًا أَوۡ أَشۡتَاتٗاۚ فَإِذَا دَخَلۡتُم بُيُوتٗا فَسَلِّمُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ تَحِيَّةٗ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ مُبَٰرَكَةٗ طَيِّبَةٗۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 24:61

    Hindi isang pagkakasala [o paghihigpit] para sa mga bulag, sa mga lumpo o sa mga maysakit at maging sa inyong mga sarili, kung kayo man ay magsikain sa inyong [sariling] mga pamamahay, o sa mga pamamahay ng inyong mga ama o sa mga pamamahay ng inyong mga ina, o sa mga pamamahay ng inyong mga kapatid na lalaki o sa mga pamamahay ng inyong mga kapatid na babae o sa mga pamamahay ng mga kapatid na lalaki ng inyong mga ama o sa mga pamamahay ng mga kapatid na babae ng inyong mga ama o sa mga pamamahay ng mga kapatid na lalaki ng inyong mga ina o sa mga pamamahay ng mga kapatid na babae ng inyong mga ina [sa mga pamamahay] na kayo ang nagtatangan ng mga susi nito o [mula sa pamamahay] ng inyong kaibigan. Hindi isang pagkakasala [o paghihigpit] sa inyo kung kayo man ay kumaing salu-salo at magkakahiwalay. Nguni’t kung kayo ay magsipasok sa mga pamamahay, magbigay ng pagbati sa inyong mga sarili [sa bawa’t isa] – isang pagbati mula sa Allah, pinagpala at mabuti [para sa inyo]. Ganyan ginagawang malinaw ng Allah ang mga ayaat [bilang alituntunin sa kagandahang-asal] para sa inyo upang sakali kayo ay [matutong] makaunawa.

  62. إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَإِذَا كَانُواْ مَعَهُۥ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ جَامِعٖ لَّمۡ يَذۡهَبُواْ حَتَّىٰ يَسۡتَـٔۡذِنُوهُۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسۡتَـٔۡذِنُونَكَ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ فَإِذَا ٱسۡتَـٔۡذَنُوكَ لِبَعۡضِ شَأۡنِهِمۡ فَأۡذَن لِّمَن شِئۡتَ مِنۡهُمۡ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمُ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 24:62

    Ang mga [tunay na] naniniwala ay yaong mga naniniwala lamang sa Allah at sa Kanyang Sugo: at kapag sila ay [makipagkita] sa kanya [sa Sugo] para sa pangkalahatang kapakanan, sila ay hindi lumilisan hanggang sila ay makahingi ng kanyang pahintulot. Katotohanan, yaong mga humihingi ng pahintulot sa iyo [O Muhammad], sila yaong mga tunay na naniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo. Kaya kung sila man ay humingi sa iyo ng pahintulot para sa kanilang mga gawain, samakatwid, bigyan mo ng pahintulot ang sinumang nais mong pahintulutan sa kanila, at iyong hilingin para sa kanila ang kapatawaran ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  63. لَّا تَجۡعَلُواْ دُعَآءَ ٱلرَّسُولِ بَيۡنَكُمۡ كَدُعَآءِ بَعۡضِكُم بَعۡضٗاۚ قَدۡ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ يَتَسَلَّلُونَ مِنكُمۡ لِوَاذٗاۚ فَلۡيَحۡذَرِ ٱلَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنۡ أَمۡرِهِۦٓ أَن تُصِيبَهُمۡ فِتۡنَةٌ أَوۡ يُصِيبَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ

    Open ayah 24:63

    Huwag ninyong gagawin ang [inyong] pagtawag sa Sugo sa inyong mga sarili tulad ng [karaniwang] pagtawag ng iba sa inyo sa isa't isa. Katiyakang nababatid ng Allah yaong mga tumalilis [o umalis nang walang paalam sa Propeta] sa inyo, na pinagtakpan ng iba. Kaya hayaang magingat yaong mga di-sumang-ayon sa kanyang kautusan, maaaring sila ay datnan ng isang matinding pagsubok o ng isang mahapding parusa.

  64. أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ قَدۡ يَعۡلَمُ مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ وَيَوۡمَ يُرۡجَعُونَ إِلَيۡهِ فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُواْۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمُۢ

    Open ayah 24:64

    Walang alinlangan, sa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at kalupaan. Katiyakang Kanyang nababatid ang inyong katayuan at [Kanyang nababatid] ang Araw na sila ay ibabalik sa Kanya, at Kanyang ipagbibigay-alam sa kanila ang anumang kanilang ginawa. At ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.