الفرقان
Al-Furqaan
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
تَبَارَكَ ٱلَّذِي نَزَّلَ ٱلۡفُرۡقَانَ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦ لِيَكُونَ لِلۡعَٰلَمِينَ نَذِيرًا
Open ayah 25:1Mapagpala ang [Allah na] Siyang nagbaba [o nagpahayag] ng pamantayan, sa Kanyang alipin [si Muhammad], upang siya ay maging tagapagbabala para sa lahat [ng mga nilikha].
ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَمۡ يَتَّخِذۡ وَلَدٗا وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ شَرِيكٞ فِي ٱلۡمُلۡكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيۡءٖ فَقَدَّرَهُۥ تَقۡدِيرٗا
Open ayah 25:2Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan, at Siya ay hindi nagkaroon ng anak, at Siya ay walang katambal sa Kanyang Kapamahalaan. At Kanyang nilikha ang lahat ng bagay, pagkaraan ito ay pinagpasiyahan nang may [wastong] pagpapasiya.
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗ لَّا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ وَلَا يَمۡلِكُونَ لِأَنفُسِهِمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا وَلَا يَمۡلِكُونَ مَوۡتٗا وَلَا حَيَوٰةٗ وَلَا نُشُورٗا
Open ayah 25:3Nguni’t, sila ay nagturing bukod sa Kanya ng ibang mga diyos na wala namang nalilikhang anupaman bagkus sila ay nilikha [lamang ng Allah], at [sila ay] walang taglay na kapangyarihan para sa kanilang mga sarili upang magbigay ng pinsala o pakinabang, at [sila ay] walang taglay na kapangyarihan upang maggawad ng buhay at [magdulot] ng kamatayan, o ng pagkabuhay na muli.
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٌ ٱفۡتَرَىٰهُ وَأَعَانَهُۥ عَلَيۡهِ قَوۡمٌ ءَاخَرُونَۖ فَقَدۡ جَآءُو ظُلۡمٗا وَزُورٗا
Open ayah 25:4At yaong mga di-naniniwala ay nagsasabi: “Ito [ang Qur’an] ay walang anupaman maliban sa isang hinabing [kasinungalingan] na kanyang nilubid at siya ay tinulungan ng ibang tao rito. Kaya, katiyakan, sila [mga dinaniniwala] ay nakagawa ng isang kamalian at kasinungalingan.”
وَقَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٱكۡتَتَبَهَا فَهِيَ تُمۡلَىٰ عَلَيۡهِ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا
Open ayah 25:5At sila ay nagsabi: “[Ito ay] mga alamat ng mga sinaunang tao, na kanyang ipinasulat, at ito ay idinidikta lamang sa kanya sa umaga at hapon.”
قُلۡ أَنزَلَهُ ٱلَّذِي يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Open ayah 25:6Sabihin mo [O Muhammad]: “Ito [ang Qur’an] ay Kanyang ibinaba [o ipinahayag], Siya na Nakaaalam ng [bawa’t] lihim sa mga kalangitan at kalupaan. Katotohanan, Siya ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.”
وَقَالُواْ مَالِ هَٰذَا ٱلرَّسُولِ يَأۡكُلُ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشِي فِي ٱلۡأَسۡوَاقِ لَوۡلَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مَلَكٞ فَيَكُونَ مَعَهُۥ نَذِيرًا
Open ayah 25:7At sila ay nagsasabi: “Bakit itong Sugo [si Muhammad] ay kumakain ng pagkain, at naglalakad sa mga pamilihan [na tulad namin]? Bakit hindi isang anghel ang ibinaba sa kanya upang maging kasama niyang
أَوۡ يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ تَكُونُ لَهُۥ جَنَّةٞ يَأۡكُلُ مِنۡهَاۚ وَقَالَ ٱلظَّٰلِمُونَ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلٗا مَّسۡحُورًا
Open ayah 25:8O [bakit] hindi isang yaman ang ipinagkaloob sa kanya, o isang hardin na kung saan siya ay maaaring kumain mula roon?” At ang mga mapaggawa ng kamalian ay nagsasabi [sa mga naniniwala]: “Kayo ay sumusunod lamang sa isang lalaking nagayuma.”
ٱنظُرۡ كَيۡفَ ضَرَبُواْ لَكَ ٱلۡأَمۡثَٰلَ فَضَلُّواْ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ سَبِيلٗا
Open ayah 25:9Pagmasdan mo [O Muhammad] kung paano sila maglahad ng mga paghahalintulad sa iyo. Nguni’t, sila ay nangaligaw, kaya sila ay walang kakayahang [hanapin] ang [matuwid na] landas.
تَبَارَكَ ٱلَّذِيٓ إِن شَآءَ جَعَلَ لَكَ خَيۡرٗا مِّن ذَٰلِكَ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَيَجۡعَل لَّكَ قُصُورَۢا
Open ayah 25:10Ang pagpapala ay sa Kanya, na kung Kanyang naisin, magagawa Niya para sa iyo ang higit kaysa sa [lahat ng] mga iyan - mga hardin na sa ilalim nito ay may umaagos na mga ilog at [gayon din ay] magagawa Niya para sa iyo ang mga palasyo [sa mundong ito].
بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلسَّاعَةِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِمَن كَذَّبَ بِٱلسَّاعَةِ سَعِيرًا
Open ayah 25:11Nguni’t, kanilang itinakwil ang Oras [ang Araw ng Paghuhukom], at Aming inihanda para sa mga nagtakwil sa Oras [na iyon], ang naglalagablab na Apoy [sa Impiyerno].
إِذَا رَأَتۡهُم مِّن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ سَمِعُواْ لَهَا تَغَيُّظٗا وَزَفِيرٗا
Open ayah 25:12Kapag sila ay makikita nito [ng Impiyerno] mula sa malayong pook, kanilang maririnig ang [matinding] pangangalit at dagundong nito.
وَإِذَآ أُلۡقُواْ مِنۡهَا مَكَانٗا ضَيِّقٗا مُّقَرَّنِينَ دَعَوۡاْ هُنَالِكَ ثُبُورٗا
Open ayah 25:13At kapag sila ay itatapon sa loob ng makitid na pook na iyon na nakagapos, sila ay mapapasigaw doon sa kapariwaraan.
لَّا تَدۡعُواْ ٱلۡيَوۡمَ ثُبُورٗا وَٰحِدٗا وَٱدۡعُواْ ثُبُورٗا كَثِيرٗا
Open ayah 25:14Huwag kayong magsisigaw sa Araw na ito para sa isang kapariwaraan [lamang], bagkus kayo ay magsisigaw para sa napakaraming [susuunging] kapariwaraan.
قُلۡ أَذَٰلِكَ خَيۡرٌ أَمۡ جَنَّةُ ٱلۡخُلۡدِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۚ كَانَتۡ لَهُمۡ جَزَآءٗ وَمَصِيرٗا
Open ayah 25:15Sabihin: “Iyan ba ay higit na mabuti o ang Paraiso na Walang Hanggan na ipinangako sa mga natatakot [sa Allah]? Ito ay para sa kanila bilang isang gantimpala at patunguhan.”
لَّهُمۡ فِيهَا مَا يَشَآءُونَ خَٰلِدِينَۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ وَعۡدٗا مَّسۡـُٔولٗا
Open ayah 25:16Naririto para sa kanila, ang anumang kanilang inaasam, at sila ay mananatili [roon] nang walang hanggan. Ito ay isang pangako ng iyong Panginoon, [karapat-dapat] na hilingin.
وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ فَيَقُولُ ءَأَنتُمۡ أَضۡلَلۡتُمۡ عِبَادِي هَٰٓؤُلَآءِ أَمۡ هُمۡ ضَلُّواْ ٱلسَّبِيلَ
Open ayah 25:17At [banggitin mo] sa Araw na sila ay Kanyang titipunin at [kasama] ng alinmang kanilang mga sinasamba bukod sa Allah. Kaya, Siya ay magsasabi: “Kayo ba ang nagligaw sa kanila na Aking mga alipin o sila ang nagligaw [sa kanilang mga sarili] mula sa [tamang] landas?”
قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ مَا كَانَ يَنۢبَغِي لَنَآ أَن نَّتَّخِذَ مِن دُونِكَ مِنۡ أَوۡلِيَآءَ وَلَٰكِن مَّتَّعۡتَهُمۡ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ نَسُواْ ٱلذِّكۡرَ وَكَانُواْ قَوۡمَۢا بُورٗا
Open ayah 25:18Sila ay magsasabi: “Luwalhati sa Iyo! Hindi marapat para sa amin na kumuha [o magturing] ng alinmang awliyah' [tagapangalaga] bukod sa Iyo, nguni’t Ikaw ay nagkaloob ng kaginhawaan sa kanila at sa kanilang mga ninuno hanggang sila ay nakalimot sa mensahe, at sila ay naging mga mamamayang napariwara.
فَقَدۡ كَذَّبُوكُم بِمَا تَقُولُونَ فَمَا تَسۡتَطِيعُونَ صَرۡفٗا وَلَا نَصۡرٗاۚ وَمَن يَظۡلِم مِّنكُمۡ نُذِقۡهُ عَذَابٗا كَبِيرٗا
Open ayah 25:19Kaya, katiyakan sila [na inyong sinasamba] ay magtatakwil sa inyo sa anumang inyong sinasabi at hindi ninyo makakayang iwasan [ang parusa] o wala kayong matatagpuang tulong. At sinuman sa inyo ang gumagawa ng kamalian - Aming ipalalasap sa kanya ang malaking parusa.
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّآ إِنَّهُمۡ لَيَأۡكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشُونَ فِي ٱلۡأَسۡوَاقِۗ وَجَعَلۡنَا بَعۡضَكُمۡ لِبَعۡضٖ فِتۡنَةً أَتَصۡبِرُونَۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرٗا
Open ayah 25:20At Kami ay walang ipinadalang nauna sa iyo [O Muhammad] ng isa man sa mga sugo, maliban na sila ay kumain ng pagkain at [karaniwang] nagsilakad sa mga pamilihan. At Aming ginawa ang mga iba sa inyo bilang pagsubok para sa mga iba - hindi ba kayo makapagtitiis? At ang iyong Panginoon ay Lagi nang Nakakikita [sa lahat ng bagay].
۞وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ نَرَىٰ رَبَّنَاۗ لَقَدِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ وَعَتَوۡ عُتُوّٗا كَبِيرٗا
Open ayah 25:21At yaong mga hindi umaasa sa pakikipagharap sa Amin ay nagsasabi, “Bakit hindi mga anghel ang ibinaba sa amin, o [bakit hindi] namin nakikita ang aming Panginoon?” Katiyakan, sila ay naging mapagmalaki sa kanilang mga sarili, at naging mapagmataas sa labis na pagmamataas.
يَوۡمَ يَرَوۡنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ لَا بُشۡرَىٰ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُجۡرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا
Open ayah 25:22Sa Araw na kanilang makikita ang mga anghel [sa oras ng kamatayan], - walang mabuting balita ang maihahatid ng Araw na iyon para sa mga mapaggawa ng kabuktutan. At sila [ang mga anghel] ay magsasabi: Ipinagkait at mahirap abutin [para sa inyo ang anumang mabuti].
وَقَدِمۡنَآ إِلَىٰ مَا عَمِلُواْ مِنۡ عَمَلٖ فَجَعَلۡنَٰهُ هَبَآءٗ مَّنثُورًا
Open ayah 25:23At Aming sisiyasatin [o isasaalang-alang] ang anumang gawaing kanilang ginawa, at Aming gagawin ito na tila mga nangagkalat na alikabok.
أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ يَوۡمَئِذٍ خَيۡرٞ مُّسۡتَقَرّٗا وَأَحۡسَنُ مَقِيلٗا
Open ayah 25:24Ang mga kasamahan [o mga naninirahan] sa Paraiso sa Araw na iyon ay [nasa] isang higit na mabuting paninirahan at mabuting pahingahan.
وَيَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلسَّمَآءُ بِٱلۡغَمَٰمِ وَنُزِّلَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ تَنزِيلًا
Open ayah 25:25At [alalahanin] ang Araw na ang kalangitan ay mabibiyak na may [lumalabas na] mga ulap, at ang mga anghel ay pabababain, nang sunudsunod na pagbaba.
ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّ لِلرَّحۡمَٰنِۚ وَكَانَ يَوۡمًا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ عَسِيرٗا
Open ayah 25:26Ang tunay na paghahari [kapamahalaan] sa Araw na iyon ay para sa Mahabagin, at ito ay isang mahirap na Araw para sa mga di-naniniwala.
وَيَوۡمَ يَعَضُّ ٱلظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيۡهِ يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي ٱتَّخَذۡتُ مَعَ ٱلرَّسُولِ سَبِيلٗا
Open ayah 25:27At sa Araw na [iyon] kakagatin ng mapaggawa ng kamalian ang kanyang mga kamay [sa panlulumo], siya ay magsasabi: “Sana ay tinahak ko ang landas ng Sugo [si Muhammad].
يَٰوَيۡلَتَىٰ لَيۡتَنِي لَمۡ أَتَّخِذۡ فُلَانًا خَلِيلٗا
Open ayah 25:28Ah! Kasawian sa akin! Sana ay hindi ko itinuring ang isang ganoon bilang matalik na kaibigan!
لَّقَدۡ أَضَلَّنِي عَنِ ٱلذِّكۡرِ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَنِيۗ وَكَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لِلۡإِنسَٰنِ خَذُولٗا
Open ayah 25:29Katiyakan, siya ang umakay sa akin [sa pagkaligaw] mula sa pagalaala [sa Qur’an] pagkaraang ito ay dumating sa akin. At sa tao, ang satanas ay lagi nang nang-iiwan [sa oras ng kagipitan].”
وَقَالَ ٱلرَّسُولُ يَٰرَبِّ إِنَّ قَوۡمِي ٱتَّخَذُواْ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ مَهۡجُورٗا
Open ayah 25:30At ang Sugo [si Muhammad] ay nagsabi: “O aking Panginoon, katotohanan ang aking mga mamamayan ay nagturing dito sa Qur’an bilang isang [bagay na] iniiwan [o walang halaga].”
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوّٗا مِّنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيٗا وَنَصِيرٗا
Open ayah 25:31At [tulad ng iyong mga kaaway O Muhammad] ganyan din Namin ginawa sa bawa’t propeta ang isang kaaway mula sa mga taong mapaggawa ng kabuktutan. Subali’t sapat na ang iyong Panginoon bilang Tagapagpatnubay at Tagapagtangkilik.
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلۡقُرۡءَانُ جُمۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِۦ فُؤَادَكَۖ وَرَتَّلۡنَٰهُ تَرۡتِيلٗا
Open ayah 25:32At yaong mga di-naniniwala ay nagsasabi: “Bakit hindi ibinaba [o ipinahayag] ang buong Qur’an sa kanya nang minsanan?” [Aming binigyan ng agwat ang pagpapahayag sapagka’t] Ganyan Namin pinatatatag sa pamamagitan nito ang iyong puso. At Aming nilagyan ng agwat [ang pagbigkas] nito nang natatanging [pagbigkas].
وَلَا يَأۡتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَأَحۡسَنَ تَفۡسِيرًا
Open ayah 25:33At sila ay hindi lumalapit sa iyo na may dalang paghahalintulad [o pagtatalo] maliban na Aming dalhin sa iyo ang katotohanan at mahusay na pagpapaliwanag.
ٱلَّذِينَ يُحۡشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُوْلَٰٓئِكَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضَلُّ سَبِيلٗا
Open ayah 25:34Yaong mga titipunin sa Impiyerno [na nakasubsob] sa kanilang mga mukha - sila yaong nasa pinakamasamang kalagayan, at pinakamalayong pagkaligaw ng landas.
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَا مَعَهُۥٓ أَخَاهُ هَٰرُونَ وَزِيرٗا
Open ayah 25:35At katiyakan, Aming ipinagkaloob kay Moises ang Kasulatan [Torah], at Aming itinalaga para sa kanya ang kanyang kapatid na si Aaron bilang isang tagapag-alalay.
فَقُلۡنَا ٱذۡهَبَآ إِلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَدَمَّرۡنَٰهُمۡ تَدۡمِيرٗا
Open ayah 25:36Kaya Aming sinabi [sa kanila]: “Kayo ay kapwa magtungo sa mga mamamayang nagsipagtakwil sa Aming ayaat [mga babala].” Pagkaraan, sila ay Aming winasak nang [ganap na] pagkawasak.
وَقَوۡمَ نُوحٖ لَّمَّا كَذَّبُواْ ٱلرُّسُلَ أَغۡرَقۡنَٰهُمۡ وَجَعَلۡنَٰهُمۡ لِلنَّاسِ ءَايَةٗۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا
Open ayah 25:37At ang mga mamamayan ni Noah, nang sila ay nagsipagtakwil sa mga sugo, sila ay Aming nilunod, at sila ay Aming ginawa bilang ayaat [babala o aral] para sa sangkatauhan. At Aming inihanda ang mahapding parusa para sa mga mapaggawa ng kamalian.
وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَأَصۡحَٰبَ ٱلرَّسِّ وَقُرُونَۢا بَيۡنَ ذَٰلِكَ كَثِيرٗا
Open ayah 25:38At [Aming winasak] ang [mga mamamayan ng] ‘Aad at [mga Tribu ng] Thamud, at ang mga naninirahang mamamayan ng Ar-Rass, at maraming salin-lahi [o henerasyon] sa kanilang mga pagitan.
وَكُلّٗا ضَرَبۡنَا لَهُ ٱلۡأَمۡثَٰلَۖ وَكُلّٗا تَبَّرۡنَا تَتۡبِيرٗا
Open ayah 25:39At bawa’t isa [sa kanila] ay Aming inilahad ang paghahalintulad [bilang babala] at bawa’t isa [sa kanila] ay Aming winasak nang [ganap na] pagkawasak.
وَلَقَدۡ أَتَوۡاْ عَلَى ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِيٓ أُمۡطِرَتۡ مَطَرَ ٱلسَّوۡءِۚ أَفَلَمۡ يَكُونُواْ يَرَوۡنَهَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ نُشُورٗا
Open ayah 25:40At katiyakan kanilang nararaanan ang bayan [ni Propeta Lot] na pinaulanan ng ulan ng kasamaan [mga bato]. Kaya, hindi ba nila nakita [ang bakas ng pangyayaring] ito? Nguni’t! sila ay hindi umaasa sa Pagkabuhay na Muli.
وَإِذَا رَأَوۡكَ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا ٱلَّذِي بَعَثَ ٱللَّهُ رَسُولًا
Open ayah 25:41At kapag ikaw [O Muhammad] ay kanilang nakita, sila ay nakikitungo sa iyo sa [paraang may] panunuya [na nagsasabing]: “Ito ba ang isang ipinadala ng Allah bilang Sugo?”
إِن كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا لَوۡلَآ أَن صَبَرۡنَا عَلَيۡهَاۚ وَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ حِينَ يَرَوۡنَ ٱلۡعَذَابَ مَنۡ أَضَلُّ سَبِيلًا
Open ayah 25:42“Halos nagawa niyang mailayo tayo mula sa ating mga diyos, kung hindi lamang tayo naging matiisin sa [pagsamba sa] kanila!” Nguni’t kanilang mapag-aalaman, kapag kanilang makikita ang parusa, kung sino ang higit na napalayo mula sa [tamang] landas!
أَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ أَفَأَنتَ تَكُونُ عَلَيۡهِ وَكِيلًا
Open ayah 25:43Hindi mo ba nakita [O Muhammad] ang isang taong nagturing sa kanyang sariling pagnanasa bilang kanyang diyos? Kung gayon, ikaw ba ay magiging kanyang wakil [tagapangasiwa]?
أَمۡ تَحۡسَبُ أَنَّ أَكۡثَرَهُمۡ يَسۡمَعُونَ أَوۡ يَعۡقِلُونَۚ إِنۡ هُمۡ إِلَّا كَٱلۡأَنۡعَٰمِ بَلۡ هُمۡ أَضَلُّ سَبِيلًا
Open ayah 25:44O inaakala mo ba na ang karamihan sa kanila ay nakaririnig o nakauunawa? Katotohanang hindi, bagkus sila ay tulad ng mga hayop; sa
أَلَمۡ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيۡفَ مَدَّ ٱلظِّلَّ وَلَوۡ شَآءَ لَجَعَلَهُۥ سَاكِنٗا ثُمَّ جَعَلۡنَا ٱلشَّمۡسَ عَلَيۡهِ دَلِيلٗا
Open ayah 25:45Hindi mo ba nakikita ang iyong Panginoon kung paano Niya pahabain
ثُمَّ قَبَضۡنَٰهُ إِلَيۡنَا قَبۡضٗا يَسِيرٗا
Open ayah 25:46Pagkaraan ay Aming babawiin ito [pabalik] sa Amin - isang marahang
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا وَٱلنَّوۡمَ سُبَاتٗا وَجَعَلَ ٱلنَّهَارَ نُشُورٗا
Open ayah 25:47At Siya ang gumawa ng gabi para sa inyo bilang saplot [o takip], at pagtulog [bilang pamamaraan] ng pamamahinga, at [Siya ang] gumawa ng araw [bilang] pagbangon.
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ طَهُورٗا
Open ayah 25:48At Siya ang nagpadala ng mga hangin bilang [pahiwatig ng] magandang balita, bago ang Kanyang habag [o pagpatak ng ulan]; at Aming ibinaba ang malinis na tubig mula sa langit.
لِّنُحۡـِۧيَ بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗا وَنُسۡقِيَهُۥ مِمَّا خَلَقۡنَآ أَنۡعَٰمٗا وَأَنَاسِيَّ كَثِيرٗا
Open ayah 25:49Upang Aming bigyang-buhay sa pamamagitan nito ang lupang [dati ay] tigang, at Aming ibinigay ito bilang inumin sa Aming napakaraming nilikhang mga hayop at tao.
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَٰهُ بَيۡنَهُمۡ لِيَذَّكَّرُواْ فَأَبَىٰٓ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ إِلَّا كُفُورٗا
Open ayah 25:50At katiyakan, Aming ipinamahagi ito [ang ulan o tubig] sa kanila upang sakali sila ay mapaalalahanan [tungkol sa pagpapala ng Allah], nguni’t [sa kabila nito] karamihan sa mga tao ay tumatanggi maliban sa kawalang pasasalamat.
وَلَوۡ شِئۡنَا لَبَعَثۡنَا فِي كُلِّ قَرۡيَةٖ نَّذِيرٗا
Open ayah 25:51At kung Aming naisin, maaari Naming palitawin sa bawa’t bayan ang isang tagapagbabala.
فَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَجَٰهِدۡهُم بِهِۦ جِهَادٗا كَبِيرٗا
Open ayah 25:52Kaya huwag sumunod sa mga di-naniniwala, bagkus makipaglaban sa kanila nang buong kagitingang pakikipaglaban.
۞وَهُوَ ٱلَّذِي مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ هَٰذَا عَذۡبٞ فُرَاتٞ وَهَٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجٞ وَجَعَلَ بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٗا وَحِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا
Open ayah 25:53At Siya ang nagpakawala [nang magkasabay] sa dalawang dagat [dalawang uri ng tubig], isang kasiya-siya
وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ مِنَ ٱلۡمَآءِ بَشَرٗا فَجَعَلَهُۥ نَسَبٗا وَصِهۡرٗاۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرٗا
Open ayah 25:54At Siya ang lumikha sa tao mula sa tubig [semilya], at ginawa siyang [isang kamag-anak sa pamamagitan ng] angkan at pag-aasawa. At ang iyong Panginoon ay may Ganap na Kakayahan [hinggil sa paglikha].
وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُهُمۡ وَلَا يَضُرُّهُمۡۗ وَكَانَ ٱلۡكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِۦ ظَهِيرٗا
Open ayah 25:55At sila ay sumasamba sa iba bukod sa Allah, na walang nagagawang pakinabang sa kanila o pinsala sa kanila; at ang taong di-naniniwala ay lagi nang alalay [ng satanas] laban sa kanyang Panginoon,
وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا مُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا
Open ayah 25:56At ikaw ay hindi Namin ipinadala [O Muhammad] maliban bilang tagapaghatid ng magandang balita at isang tagapagbabala.
قُلۡ مَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍ إِلَّا مَن شَآءَ أَن يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا
Open ayah 25:57Sabihin: “Ako ay walang hinihiling na anumang kabayaran sa inyo para rito – maliban na sinumang magnais ay maaaring tumahak ng Landas [tungo] sa kanyang Panginoon.”
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡحَيِّ ٱلَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِهِۦۚ وَكَفَىٰ بِهِۦ بِذُنُوبِ عِبَادِهِۦ خَبِيرًا
Open ayah 25:58At magtiwala sa [Allah na] Laging Nanatiling Buhay [di-namamatay], at Siya ay iyong luwahatiin ng Kanyang mga Papuri, at Siya ay Sapat na bilang Lubos na Nakababatid ng mga kasalanan ng Kanyang mga alipin;
ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَسۡـَٔلۡ بِهِۦ خَبِيرٗا
Open ayah 25:59Na Siyang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito sa loob ng anim na araw. Pagkaraan, Siya ay pumaitaas sa Trono - ang Mahabagin. Kaya, ikaw [O Muhammad] ay magtanong tungkol sa Kanya, [Siya ay] Isang Maalam [ng lahat ng bagay].
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱسۡجُدُواْۤ لِلرَّحۡمَٰنِ قَالُواْ وَمَا ٱلرَّحۡمَٰنُ أَنَسۡجُدُ لِمَا تَأۡمُرُنَا وَزَادَهُمۡ نُفُورٗا۩
Open ayah 25:60At kapag ito ay sinabi sa kanila: “Magpatirapa kayo sa Mahabagin [Allah].” Sila ay nagsasabi: “At ano ang Mahabagin? Kami ba ay nararapat na magpapatirapa sa Kanya na iyong ipinag-uutos sa amin?” At ito ay nakadaragdag lamang sa kanila ng [higit pang] pagtutol [paghihimagsik].
تَبَارَكَ ٱلَّذِي جَعَلَ فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَٰجٗا وَقَمَرٗا مُّنِيرٗا
Open ayah 25:61Ang pagpapala ay sa Kanya na naglagay sa kalangitan ng mga naglalakihang mga bituin, at naglagay doon ng [nagliliyab na] lampara [ito ang araw], at maningning na buwan.
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ خِلۡفَةٗ لِّمَنۡ أَرَادَ أَن يَذَّكَّرَ أَوۡ أَرَادَ شُكُورٗا
Open ayah 25:62At Siya ang gumawa ng gabi at ng araw na nagsasalit-salitan, para sa sinumang nagnanasang makaalala o nagnanasang magpasalamat.
وَعِبَادُ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلَّذِينَ يَمۡشُونَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ هَوۡنٗا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ ٱلۡجَٰهِلُونَ قَالُواْ سَلَٰمٗا
Open ayah 25:63At ang mga alipin ng Mahabagin ay yaong mga nagsisilakad sa kalupaan ng maayos [marangal at walang pagmamalaki], at kapag ang isang mangmang ay mangusap sa kanila [nang marahas], sila ay nagsasabi ng [mahinahong salita ng] kapayapaan.
وَٱلَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمۡ سُجَّدٗا وَقِيَٰمٗا
Open ayah 25:64At yaong mga gumugugol sa [bahaging oras ng] gabi sa kanilang Panginoon, nagpapatirapa at tumitindig [sa pagdarasal].
وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱصۡرِفۡ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا
Open ayah 25:65At yaong mga nagsasabing: “O aming Panginoon, ilayo Mo po sa amin ang parusa ng Impiyerno. Katotohanan, ang parusa nito ay lagi nang [nananatiling] nakakapit.
إِنَّهَا سَآءَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا
Open ayah 25:66Katotohanang ito ay kasamaan [Impiyerno] bilang isang hantungan at tirahan.”
وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَنفَقُواْ لَمۡ يُسۡرِفُواْ وَلَمۡ يَقۡتُرُواْ وَكَانَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ قَوَامٗا
Open ayah 25:67At yaong, kapag gumugugol ay hindi mapagmalabis o hindi mahigpit bagkus lagi nang nasa pagitan niyan, katamtaman.
وَٱلَّذِينَ لَا يَدۡعُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ وَلَا يَقۡتُلُونَ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَا يَزۡنُونَۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ يَلۡقَ أَثَامٗا
Open ayah 25:68At yaong hindi nananawagan [o dumadalangin] sa ibang diyos na itinatambal sa Allah, at hindi pumapatay ng kapwa-tao na ipinagbawal ng Allah, maliban sa makatwirang dahilan, at hindi nagkasala ng bawal na pakikipagtalik. At sinuman ang gumagawa niyan ay makatatanggap ng isang bayad-sala [kabayarang parusa].
يُضَٰعَفۡ لَهُ ٱلۡعَذَابُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَيَخۡلُدۡ فِيهِۦ مُهَانًا
Open ayah 25:69Pag-iibayuhin para sa kanya ang parusa sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, at siya ay mamamalagi roon nang hiyang-hiya,
إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ عَمَلٗا صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ يُبَدِّلُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِهِمۡ حَسَنَٰتٖۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Open ayah 25:70Maliban yaong mga nagsisi at naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid; papalitan ng Allah para sa kanila ang kanilang mga masasamang gawa ng mga mabubuting gawa, at ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.
وَمَن تَابَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَإِنَّهُۥ يَتُوبُ إِلَى ٱللَّهِ مَتَابٗا
Open ayah 25:71At sinuman ang nagsisi at gumawa ng mga gawaing matwid, katotohanan na siya ay nagbalik-loob sa Allah nang [buong pusong] pagsisisi.
وَٱلَّذِينَ لَا يَشۡهَدُونَ ٱلزُّورَ وَإِذَا مَرُّواْ بِٱللَّغۡوِ مَرُّواْ كِرَامٗا
Open ayah 25:72At [sila] yaong mga hindi sumasaksi sa kasinungalingan, at kapag sila ay napaparaang malapit sa masamang usapan, sila ay nagdaraan nang marangal [o kapita-pitagan].
وَٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَمۡ يَخِرُّواْ عَلَيۡهَا صُمّٗا وَعُمۡيَانٗا
Open ayah 25:73At yaong, kapag pinaaalahanan ng ayaat [o kapahayagan] ng kanilang Panginoon, sila ay hindi humahantong sa pagbingi-bingihan at pagbulagbulagan.
وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبۡ لَنَا مِنۡ أَزۡوَٰجِنَا وَذُرِّيَّٰتِنَا قُرَّةَ أَعۡيُنٖ وَٱجۡعَلۡنَا لِلۡمُتَّقِينَ إِمَامًا
Open ayah 25:74At yaong mga nagsasabing, “Aming Panginoon, igawad Mo po sa amin mula sa aming mga asawa at mga anak ang kasiyahan ng aming mga mata, at kami po ay gawin [Mong] pinuno [o huwaran] para sa mga natatakot [sa Iyo].”
أُوْلَٰٓئِكَ يُجۡزَوۡنَ ٱلۡغُرۡفَةَ بِمَا صَبَرُواْ وَيُلَقَّوۡنَ فِيهَا تَحِيَّةٗ وَسَلَٰمًا
Open ayah 25:75Sila yaong mga pagkakalooban ng Ghurfah [pinakamataas na kalagayan sa Paraiso] nang dahil sa kanilang pagtitiis. Doon, sila ay sasalubungin ng mga pagbati at [salita ng] kapayapaan.
خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ حَسُنَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا
Open ayah 25:76[Sila ay] mamamalagi roon nang walang hanggan. Sadyang napakabuting hantungan at tirahan.
قُلۡ مَا يَعۡبَؤُاْ بِكُمۡ رَبِّي لَوۡلَا دُعَآؤُكُمۡۖ فَقَدۡ كَذَّبۡتُمۡ فَسَوۡفَ يَكُونُ لِزَامَۢا
Open ayah 25:77Sabihin: “Ano ba ang pinangangalagaan sa inyo ng aking Panginoon kundi ang inyong mga panalangin.” Kaya katiyakan para sa inyong mga nagtakwil, [ang inyong pagtakwil] ay mananatili sa inyo.