الشعراء

Ash-Shu'araa

The Poets · Surah 26 · Ayahs: 227 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. طسٓمٓ

    Open ayah 26:1

    Ta,Sin,Mim.

  2. تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ

    Open ayah 26:2

    Ito ang mga ayaat [kapahayagan] ng malinaw na Aklat [Qur’an].

  3. لَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ أَلَّا يَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:3

    Marahil [O Muhammad] nais mong patayin ang iyong sarili sa kalungkutan sapagka’t sila ay hindi naging mga naniniwala [sa iyong dalang mensahe].

  4. إِن نَّشَأۡ نُنَزِّلۡ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ ءَايَةٗ فَظَلَّتۡ أَعۡنَٰقُهُمۡ لَهَا خَٰضِعِينَ

    Open ayah 26:4

    Katotohanan kung Aming naisin, Kami ay maaaring magbaba sa kanila mula sa kalangitan ng isang ayah [palatandaan] upang baluktutin nito ang kanilang mga leeg sa pagkayupapa.

  5. وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن ذِكۡرٖ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ مُحۡدَثٍ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهُ مُعۡرِضِينَ

    Open ayah 26:5

    At walang paalalang dumarating sa kanila bilang isang panibagong [kapahayagan] mula sa Mahabagin, malibang sila ay nagsisilayo mula rito.

  6. فَقَدۡ كَذَّبُواْ فَسَيَأۡتِيهِمۡ أَنۢبَٰٓؤُاْ مَا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

    Open ayah 26:6

    Sapagka’t, katiyakan nga, kanilang itinakwil na [ang Qur’an], nguni’t [hindi maglalaon] may darating sa kanilang balita na siya nilang lagi nang pinagtatawanan.

  7. أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَمۡ أَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجٖ كَرِيمٍ

    Open ayah 26:7

    Hindi ba nila nakikita ang kalupaan - kung gaano karami ang Aming pinatubo roon ng bawa’t pinagpalang uri [ng mga halamanan]?

  8. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:8

    Katotohanan, naririto ang isang ayah [palatandaan], nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nagiging mga naniniwala.

  9. وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 26:9

    At katotohanan, ang iyong Panginoon - Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  10. وَإِذۡ نَادَىٰ رَبُّكَ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱئۡتِ ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ 

    Open ayah 26:10

    At [alalahanin mo] nang ang iyong Panginoon ay nanawagan kay Moises [na nagsasabing]: “Ikaw ay magtungo sa mga mamamayang mapaggawa ng kamalian -

  11. قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَۚ أَلَا يَتَّقُونَ

    Open ayah 26:11

    [Sila ang] mga mamamayan ni Paraon. Hindi ba nila kinatatakutan [ang Allah]?”

  12. قَالَ رَبِّ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ

    Open ayah 26:12

    Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon, katotohanan, ako ay nangangamba na maaaring sila ay magtakwil sa akin,

  13. وَيَضِيقُ صَدۡرِي وَلَا يَنطَلِقُ لِسَانِي فَأَرۡسِلۡ إِلَىٰ هَٰرُونَ

    Open ayah 26:13

    At maaaring ang aking dibdib ay manikip, at ang aking dila ay hindi maging matatas. Kaya ipadala si Aaron [upang siya ay aking maging alalay].

  14. وَلَهُمۡ عَلَيَّ ذَنۢبٞ فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ

    Open ayah 26:14

    At maaaring sila ay mayroong iatang [na kaso laban] sa akin ng isang pagkakasala [ng pagpatay], kaya ako ay nangangambang ako ay kanilang patayin.”

  15. قَالَ كَلَّاۖ فَٱذۡهَبَا بِـَٔايَٰتِنَآۖ إِنَّا مَعَكُم مُّسۡتَمِعُونَ

    Open ayah 26:15

    [Ang Allah ay] nagsabi: “Hindi, humayo kayong dalawa na dala ang Aming mga ayaat [babala, himala], katotohanan, Kami ay nasa sa inyo, na [sumusubaybay at] nakikinig.

  16. فَأۡتِيَا فِرۡعَوۡنَ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:16

    Kaya kayo ay magtungo kay Paraon, at inyong sabihin [sa kanya]: ‘Kami ay mga sugo ng Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  17. أَنۡ أَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ

    Open ayah 26:17

    [Kami ay inuutusang] ipadala mo sa amin ang mga anak ni Israel.’”

  18. قَالَ أَلَمۡ نُرَبِّكَ فِينَا وَلِيدٗا وَلَبِثۡتَ فِينَا مِنۡ عُمُرِكَ سِنِينَ

    Open ayah 26:18

    [Nang sila ay humarap kay Paraon] Siya ay nagsabi [kay Moises]: “Hindi ba ikaw ay aming pinalaking kabilang sa amin [at ikaw ay itinuring ko] bilang isang anak at ikaw ay nanatiling kabilang sa amin nang mahabang taon ng iyong buhay?

  19. وَفَعَلۡتَ فَعۡلَتَكَ ٱلَّتِي فَعَلۡتَ وَأَنتَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 26:19

    At [sa kabila nito] nagawa mo pang isagawa ang gawaing [pagpatay ng tao] at ikaw ay napabilang sa mga [taong] walang utang na loob.”

  20. قَالَ فَعَلۡتُهَآ إِذٗا وَأَنَا۠ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ 

    Open ayah 26:20

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Nagawa ko man iyon nang ako ay kabilang ng mga naliligaw [walang kaalaman].

  21. فَفَرَرۡتُ مِنكُمۡ لَمَّا خِفۡتُكُمۡ فَوَهَبَ لِي رَبِّي حُكۡمٗا وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

    Open ayah 26:21

    Kaya, ako ay tumakas mula sa inyo nang ako ay natakot sa inyo. Magkagayunman, ako ay ginawaran ng aking Panginoon ng [matwid na] paghatol, at ako ay ginawa [o itinalaga bilang] isa sa [Kanyang] mga sugo.

  22. وَتِلۡكَ نِعۡمَةٞ تَمُنُّهَا عَلَيَّ أَنۡ عَبَّدتَّ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ

    Open ayah 26:22

    At ito ba ay isang kabutihang-loob na isinusumbat mo sa akin - na iyong inalipin [at binusabos] ang mga anak ni Israel?”

  23. قَالَ فِرۡعَوۡنُ وَمَا رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:23

    Si Paraon ay nagsabi: “At ano ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha]?”

  24. قَالَ رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ

    Open ayah 26:24

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Ang Panginoon ng mga kalangitan at ng kalupaan, at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay may katiyakan [sa pananampalataya].”

  25. قَالَ لِمَنۡ حَوۡلَهُۥٓ أَلَا تَسۡتَمِعُونَ

    Open ayah 26:25

    Siya [si Paraon] ay nagsabi sa mga taong nakapaligid sa kanya: “Hindi ba kayo nakaririnig?”

  26. قَالَ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 26:26

    Siya [si Moises] ay nagsabi: "Ang inyong Panginoon at ang Panginoon ng inyong mga naunang ninuno!”

  27. قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ ٱلَّذِيٓ أُرۡسِلَ إِلَيۡكُمۡ لَمَجۡنُونٞ

    Open ayah 26:27

    Siya [si Paraon] ay nagsabi [nang may panunuya]: “Katotohanan, ang inyong ‘sugo’ na ipinadala sa inyo ay isang baliw!”

  28. قَالَ رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 26:28

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Ang Panginoon ng silangan at ng kanluran, at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay nakauunawa!”

  29. قَالَ لَئِنِ ٱتَّخَذۡتَ إِلَٰهًا غَيۡرِي لَأَجۡعَلَنَّكَ مِنَ ٱلۡمَسۡجُونِينَ

    Open ayah 26:29

    Siya [si Paraon] ay nagsabi: “Kung ikaw ay magturing ng ibang diyos bukod sa akin, ikaw ay aking ipakukulong kasama ng mga bilanggo.”

  30. قَالَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكَ بِشَيۡءٖ مُّبِينٖ 

    Open ayah 26:30

    Siya [si Moises] ay nagsabi: “Kahit ba ikaw ay dalhan [o pakitaan] ko ng isang malinaw na bagay [bilang katibayan]?”

  31. قَالَ فَأۡتِ بِهِۦٓ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

    Open ayah 26:31

    Siya [si Paraon] ay nagsabi: “Gayunpaman, dalhin [o ipakita] mo ito, kung ikaw nga ay kabilang sa mga makatotohanan!”

  32. فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 26:32

    Kaya, inihagis niya [ni Moises] ang kanyang tungkod, kaya, kagyat na - ito ay isang [tunay na] ahas, maliwanag.

  33. وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ

    Open ayah 26:33

    At inilabas niya ang kanyang kamay; kaya, kagyat na - ito ay naging maputi sa mga nakakikitang nanunuod!

  34. قَالَ لِلۡمَلَإِ حَوۡلَهُۥٓ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 26:34

    Siya [si Paraon] ay nagsabi sa kanyang mga bantog [at kilalang] namumunong nakapaligid sa kanya: “Katotohanan! Ito ay isang bihasang salamangkero,

  35. يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِۦ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ

    Open ayah 26:35

    Siya ay naghahangad na kayo ay kanyang itaboy sa labas ng inyong lupain sa pamamagitan ng kanyang salamangka: kaya ano ang inyong [dapat na] ipag-utos [o mungkahi]?”

  36. قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَٱبۡعَثۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ

    Open ayah 26:36

    Sila ay nagsabi: “Ipagpaliban [ang anumang nauukol] sa kanya at sa kanyang kapatid], at magpadala sa mga lungsod ng mga tagapagtipon.

  37. يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيمٖ

    Open ayah 26:37

    Na magdadala sa iyo ng lahat ng bihasang salamangkero.”

  38. فَجُمِعَ ٱلسَّحَرَةُ لِمِيقَٰتِ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ

    Open ayah 26:38

    Kaya, ang mga salamangkero ay tinipon para sa pakikipagharap sa naitakdang araw.

  39. وَقِيلَ لِلنَّاسِ هَلۡ أَنتُم مُّجۡتَمِعُونَ

    Open ayah 26:39

    At ito ang sinabi sa mga tao: “Hindi ba kayo magsisitipon?

  40. لَعَلَّنَا نَتَّبِعُ ٱلسَّحَرَةَ إِن كَانُواْ هُمُ ٱلۡغَٰلِبِينَ 

    Open ayah 26:40

    Upang sakali tayo ay magsisunod sa mga salamangkero kung sila ay magsipagwagi?”

  41. فَلَمَّا جَآءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالُواْ لِفِرۡعَوۡنَ أَئِنَّ لَنَا لَأَجۡرًا إِن كُنَّا نَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبِينَ

    Open ayah 26:41

    Kaya, nang ang mga salamangkero ay nagsirating, sila ay nagsabi kay Paraon, “Mayroon ba kaming tiyak na gantimpala kung kami ay magwawagi?”

  42. قَالَ نَعَمۡ وَإِنَّكُمۡ إِذٗا لَّمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ

    Open ayah 26:42

    Siya [si Paraon] ay nagsabi: “Oo, at sa gayon kayo ay mapabibilang sa mga malalapit [sa akin].”

  43. قَالَ لَهُم مُّوسَىٰٓ أَلۡقُواْ مَآ أَنتُم مُّلۡقُونَ

    Open ayah 26:43

    Si Moises ay nagsabi sa kanila: “Ihagis ninyo ang anumang inyong [nararapat na] ihagis!”

  44. فَأَلۡقَوۡاْ حِبَالَهُمۡ وَعِصِيَّهُمۡ وَقَالُواْ بِعِزَّةِ فِرۡعَوۡنَ إِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبُونَ

    Open ayah 26:44

    Kaya kanilang inihagis ang kanilang mga lubid at kanilang mga tungkod, at nagsabing: “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Paraon, katiyakang kami ang magsisipagwagi!”

  45. فَأَلۡقَىٰ مُوسَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ تَلۡقَفُ مَا يَأۡفِكُونَ

    Open ayah 26:45

    Kaya, inihagis ni Moises ang kanyang tungkod at kapagdaka’y, nilulon nito ang anumang kanilang hinuwad!

  46. فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سَٰجِدِينَ

    Open ayah 26:46

    Kaya, [sa oras na iyon] ang mga salamangkero ay nagsipagpatirapa [sa Allah].

  47. قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:47

    Sila ay [nagsisi at] nagsabi: “Kami ay naniwala sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  48. رَبِّ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ

    Open ayah 26:48

    Ang Panginoon nina Moises at Aaron.”

  49. قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَ فَلَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 26:49

    Siya [si Paraon] ay [nagalit at] nagsabi: “Kayo ay naniwala sa kanya [kay Moises] bago pa man ako nagbigay sa inyo ng kapahintulutan. Katotohanan, siya ang inyong pinuno na nagturo sa inyo ng salamangka! Nguni’t inyong mapag-aalaman. Katiyakang aking puputulin ang inyong mga kamay at ang inyong mga paa nang magkabilaan, at katiyakang kayong lahat ay aking ipapako.”

  50. قَالُواْ لَا ضَيۡرَۖ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ 

    Open ayah 26:50

    Sila ay nagsabi: “Walang mahirap [para sa amin]! Katotohanan, sa aming Panginoon [Allah] kami ay magbabalik.

  51. إِنَّا نَطۡمَعُ أَن يَغۡفِرَ لَنَا رَبُّنَا خَطَٰيَٰنَآ أَن كُنَّآ أَوَّلَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:51

    Katotohanan, kami ay umaasa na ang aming Panginoon ay magpapatawad sa aming mga kasalanan sapagka’t kami ang naunang mga naniwala.”

  52. ۞وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَسۡرِ بِعِبَادِيٓ إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ

    Open ayah 26:52

    At Kami ay nagbigay-inspirasyon kay Moises; “Maglakbay sa [oras ng] gabi kasama ang Aking mga alipin, katotohanan, kayo ay tutugisin.”

  53. فَأَرۡسَلَ فِرۡعَوۡنُ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ

    Open ayah 26:53

    Kaya, si Paraon ay nagpadala sa mga lungsod ng mga tagapagtipon.

  54. إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَشِرۡذِمَةٞ قَلِيلُونَ

    Open ayah 26:54

    [At kanyang sinabi]: “Katotohanan, ang mga ito ay maliit na pulutong [lamang].

  55. وَإِنَّهُمۡ لَنَا لَغَآئِظُونَ

    Open ayah 26:55

    At katotohanan, sila ay nakagagalit sa atin.

  56. وَإِنَّا لَجَمِيعٌ حَٰذِرُونَ

    Open ayah 26:56

    At katotohanan, [tayo ay] nagkakaisa, [laging] nakahanda.”

  57. فَأَخۡرَجۡنَٰهُم مِّن جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ

    Open ayah 26:57

    Kaya, sila ay Aming pinalayas mula sa mga hardin at mga bukal,

  58. وَكُنُوزٖ وَمَقَامٖ كَرِيمٖ

    Open ayah 26:58

    At [mula] sa mga yaman, at mga mararangal na tirahan –

  59. كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ

    Open ayah 26:59

    Ganyan nga. At Aming pinangyaring manahin ito ng mga anak ni Israel.

  60. فَأَتۡبَعُوهُم مُّشۡرِقِينَ 

    Open ayah 26:60

    Kaya, sila ay kanilang tinugis sa pagsikat ng araw.

  61. فَلَمَّا تَرَٰٓءَا ٱلۡجَمۡعَانِ قَالَ أَصۡحَٰبُ مُوسَىٰٓ إِنَّا لَمُدۡرَكُونَ

    Open ayah 26:61

    At nang ang dalawang pangkat ay magtagpo sa isa’t isa, ang mga kasamahan ni Moises ay nagsabi: “Katotohanan, tayo ay [malapit na nilang] maabutan.”

  62. قَالَ كَلَّآۖ إِنَّ مَعِيَ رَبِّي سَيَهۡدِينِ

    Open ayah 26:62

    Siya [si Moises] ay nagsabi: "Hindi! Katotohanan, nasa sa akin [panig] ang aking Panginoon. Siya ay magpapatnubay sa akin.”

  63. فَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡبَحۡرَۖ فَٱنفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرۡقٖ كَٱلطَّوۡدِ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 26:63

    Pagkaraan, Kami ay nagbigay-inspirasyon kay Moises; “Hampasin mo ng iyong tungkod ang dagat.” At ito ay nahati, at bawa’t bahagi [ng tubigdagat] ay naging tulad ng isang mataas na bundok.

  64. وَأَزۡلَفۡنَا ثَمَّ ٱلۡأٓخَرِينَ

    Open ayah 26:64

    At Aming pinasulong roon ang mga ibang [tumutugis].

  65. وَأَنجَيۡنَا مُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 26:65

    At Aming iniligtas si Moises at ang kanyang mga kasama – silang lahat.

  66. ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ

    Open ayah 26:66

    Pagkaraan, Aming nilunod ang mga iba.

  67. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:67

    Katotohanan, naririto ang isang ayah [aral], nguni’t karamihan sa kanila ay mga di-naniniwala.

  68. وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 26:68

    At tunay na ang iyong Panginoon - Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  69. وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ إِبۡرَٰهِيمَ

    Open ayah 26:69

    At bigkasin mo sa kanila ang pangyayari [balita] ni Abraham,

  70. إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَا تَعۡبُدُونَ 

    Open ayah 26:70

    Nang siya ay magsabi sa kanyang ama at kanyang mga mamamayan: “Ano ang inyong mga sinasamba?”

  71. قَالُواْ نَعۡبُدُ أَصۡنَامٗا فَنَظَلُّ لَهَا عَٰكِفِينَ

    Open ayah 26:71

    Sila ay nagsabi: “Sinasamba namin ang mga idolo [rebulto], at kami ay nananatiling tapat [nananalig] sa mga ito.”

  72. قَالَ هَلۡ يَسۡمَعُونَكُمۡ إِذۡ تَدۡعُونَ

    Open ayah 26:72

    Siya ay nagsabi: “Sila ba [mga rebulto] ay nakaririnig sa inyo kung kayo ay nananawagan [sa kanila]?

  73. أَوۡ يَنفَعُونَكُمۡ أَوۡ يَضُرُّونَ

    Open ayah 26:73

    O sila ba ay nakapagbibigay-buti sa inyo, o sila ba ay nakapipinsala?”

  74. قَالُواْ بَلۡ وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا كَذَٰلِكَ يَفۡعَلُونَ

    Open ayah 26:74

    Sila ay nagsabing: “[Nguni’t] natagpuan namin ang aming mga ninuno na ganyan ang ginagawa.”

  75. قَالَ أَفَرَءَيۡتُم مَّا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ

    Open ayah 26:75

    Siya ay nagsabi: “Nakikita ba ninyo kung ano ang inyong mga sinasamba,

  76. أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُمُ ٱلۡأَقۡدَمُونَ

    Open ayah 26:76

    Kayo at ang inyong mga ninuno?

  77. فَإِنَّهُمۡ عَدُوّٞ لِّيٓ إِلَّا رَبَّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:77

    Katotohanan, sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng lahat [ng lahat ng nilikha],

  78. ٱلَّذِي خَلَقَنِي فَهُوَ يَهۡدِينِ

    Open ayah 26:78

    Na Siyang lumikha sa akin, at Siyang papatnubay sa akin.

  79. وَٱلَّذِي هُوَ يُطۡعِمُنِي وَيَسۡقِينِ

    Open ayah 26:79

    At Siya ang nagpapakain sa akin at nagbibigay sa akin ng inumin.

  80. وَإِذَا مَرِضۡتُ فَهُوَ يَشۡفِينِ 

    Open ayah 26:80

    At kapag ako ay may sakit, Siya ang nagpapagaling sa akin.

  81. وَٱلَّذِي يُمِيتُنِي ثُمَّ يُحۡيِينِ

    Open ayah 26:81

    At Siyang magtutulot na ako ay mamatay, pagkaraan ay muling bubuhayin.

  82. وَٱلَّذِيٓ أَطۡمَعُ أَن يَغۡفِرَ لِي خَطِيٓـَٔتِي يَوۡمَ ٱلدِّينِ

    Open ayah 26:82

    At Siya ang aking inaasahang magpapatawad sa aking mga kasalanan sa Araw ng Pagbabayad.”

  83. رَبِّ هَبۡ لِي حُكۡمٗا وَأَلۡحِقۡنِي بِٱلصَّٰلِحِينَ

    Open ayah 26:83

    [At siya ay nagsabi], “Aking Panginoon, igawad Mo po sa akin ang tamang paghatol, at ibilang Mo po ako sa mga taong matwid.

  84. وَٱجۡعَل لِّي لِسَانَ صِدۡقٖ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ

    Open ayah 26:84

    At ipagkaloob Mo po sa akin ang pagbanggit [dangal] sa mga darating pang mga [salin-lahi] henerasyon.

  85. وَٱجۡعَلۡنِي مِن وَرَثَةِ جَنَّةِ ٱلنَّعِيمِ

    Open ayah 26:85

    At gawin Mo po ako bilang isa sa mga tagapagmana ng Paraiso ng Kaligayahan.

  86. وَٱغۡفِرۡ لِأَبِيٓ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ

    Open ayah 26:86

    At patawarin Mo po ang aking ama. Katotohanan, siya ay kabilang sa mga nangaligaw.

  87. وَلَا تُخۡزِنِي يَوۡمَ يُبۡعَثُونَ

    Open ayah 26:87

    At huwag Mo po akong gawing kaaba-aba sa Araw na silang [lahat] ay binuhay na muli.

  88. يَوۡمَ لَا يَنفَعُ مَالٞ وَلَا بَنُونَ

    Open ayah 26:88

    Ang Araw na walang yaman o mga anak ang makatutulong,

  89. إِلَّا مَنۡ أَتَى ٱللَّهَ بِقَلۡبٖ سَلِيمٖ

    Open ayah 26:89

    Maliban sa sinumang dumating sa Allah na malinis [may mabuting] puso.”

  90. وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ 

    Open ayah 26:90

    At ang Paraiso ay dadalhing malapit [sa Araw na iyon] sa mga natatakot [sa Allah].

  91. وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِلۡغَاوِينَ

    Open ayah 26:91

    At ang Impiyerno ay palilitawin [ipakikita] sa mga nagsipaglihis.

  92. وَقِيلَ لَهُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ

    Open ayah 26:92

    At ito ang sasabihin sa kanila: “Nasaan ang anumang lagi ninyong sinasamba,

  93. مِن دُونِ ٱللَّهِ هَلۡ يَنصُرُونَكُمۡ أَوۡ يَنتَصِرُونَ

    Open ayah 26:93

    Bukod sa Allah? Sila ba ay makatutulong sa inyo o kanilang matutulungan [man lamang ang kanilang mga sarili]?”

  94. فَكُبۡكِبُواْ فِيهَا هُمۡ وَٱلۡغَاوُۥنَ

    Open ayah 26:94

    Pagkaraan, sila [mga inidolong estatwa] ay itataob sa loob nito [ng Impiyerno], sila at ang mga nagsilihis.

  95. وَجُنُودُ إِبۡلِيسَ أَجۡمَعُونَ

    Open ayah 26:95

    At ang mga kawal [kampon] ni Iblis [satanas] – lahat ay magkakasama.

  96. قَالُواْ وَهُمۡ فِيهَا يَخۡتَصِمُونَ

    Open ayah 26:96

    Sila ay magsasabi habang nakikipagtalo roon,

  97. تَٱللَّهِ إِن كُنَّا لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ

    Open ayah 26:97

    “[Sumpa man] sa Allah, na kami ay nasa hayag na kamalian,

  98. إِذۡ نُسَوِّيكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:98

    Nang aming ipinantay sa inyo [kayong mga iniidolo] ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  99. وَمَآ أَضَلَّنَآ إِلَّا ٱلۡمُجۡرِمُونَ

    Open ayah 26:99

    At walang sinuman ang nagligaw sa amin maliban ang mga mapaggawa ng kabuktutan.

  100. فَمَا لَنَا مِن شَٰفِعِينَ 

    Open ayah 26:100

    Kaya, ngayon kami ay walang [matagpuang] mga tagapamagitan,

  101. وَلَا صَدِيقٍ حَمِيمٖ 

    Open ayah 26:101

    At wala kahit isang matalik na kaibigan [upang kami ay tulungan].

  102. فَلَوۡ أَنَّ لَنَا كَرَّةٗ فَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ 

    Open ayah 26:102

    [Kaya] kung kami lamang ay may isang [pagkakataong] bumalik [sa mundo], marahil kami ay kabilang sa mga naniniwala…”

  103. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ 

    Open ayah 26:103

    Katotohanan, naririto ang isang ayah [babala, palatandaan] nguni’t karamihan sa kanila ay mga di-naniniwala.

  104. وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ 

    Open ayah 26:104

    At katotohanan, ang iyong Panginoon - Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  105. كَذَّبَتۡ قَوۡمُ نُوحٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ 

    Open ayah 26:105

    Ang mga mamamayan ni Noah ay nagtakwil sa mga sugo,

  106. إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ 

    Open ayah 26:106

    Nang ang kanilang kapatid na si Noah ay nagsabi sa kanila: “Hindi ba ninyo kinatatakutan [ang Allah]?”

  107. إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ 

    Open ayah 26:107

    Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang sugo sa inyo.

  108. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ 

    Open ayah 26:108

    Kaya, matakot kayo sa Allah at ako ay inyong sundin.

  109. وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ 

    Open ayah 26:109

    At ako ay walang hinihiling para rito ng anumang kabayaran. Angaking kabayaran ay magmumula sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  110. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ 

    Open ayah 26:110

    Kaya, matakot kayo sa Allah, at ako ay inyong sundin.”

  111. ۞قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لَكَ وَٱتَّبَعَكَ ٱلۡأَرۡذَلُونَ

    Open ayah 26:111

    Sila ay nagsabi: “Kami ba ay [dapat na] maniwala sa iyo gayong wala namang [ibang] sumusunod sa iyo kundi ang mga mabababa [uri ng tao]?”

  112. قَالَ وَمَا عِلۡمِي بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 26:112

    Siya ay nagsabi: “At ano ang aking kaalaman tungkol sa anumang kanilang palagiang ginagawa?

  113. إِنۡ حِسَابُهُمۡ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّيۖ لَوۡ تَشۡعُرُونَ

    Open ayah 26:113

    Ang kanilang pagtutuos ay nakaatang lamang sa aking Panginoon kung ito ay inyong namamalayan [o magawang unawain].

  114. وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:114

    At hindi ako ang isang magtataboy sa mga naniniwala.

  115. إِنۡ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 26:115

    Ako ay isa lamang tagapagbabala.”

  116. قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰنُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمَرۡجُومِينَ

    Open ayah 26:116

    Sila ay nagsabi: “Kung ikaw O Noah ay hindi magtitigil, katiyakan ikaw ay mapabibilang sa mga pinagbabato.”

  117. قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوۡمِي كَذَّبُونِ

    Open ayah 26:117

    Siya [si Noah] ay [nanalangin at] nagsabi” “Aking Panginoon, katotohanan, ako ay itinakwil ng aking mga mamamayan.

  118. فَٱفۡتَحۡ بَيۡنِي وَبَيۡنَهُمۡ فَتۡحٗا وَنَجِّنِي وَمَن مَّعِيَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:118

    Kaya, [O Allah, Ikaw ay] maghatol sa pagitan ko at sa pagitan nila nang may makatwirang paghatol, at ako po ay iligtas [Mo] at ang mga kasama kong kabilang sa mga naniniwala.”

  119. فَأَنجَيۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ

    Open ayah 26:119

    Kaya, sila ay Aming iniligtas at ang kanyang mga kasama sa nilulang [o nilamnang] sasakyang-dagat.

  120. ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا بَعۡدُ ٱلۡبَاقِينَ 

    Open ayah 26:120

    Pagkaraan, Aming nilunod pagkatapos ang mga nalalabi [sa mga dinaniwala].

  121. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:121

    Katotohanan, naririto ang isang ayah [palatandaan at babala], nguni’t karamihan sa kanila ay mga di-naniniwala.

  122. وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 26:122

    At katotohanan ang iyong Panginoon, Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  123. كَذَّبَتۡ عَادٌ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

    Open ayah 26:123

    Ang [mamamayan ng] ‘Aad ay nagtakwil sa mga sugo,

  124. إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ

    Open ayah 26:124

    Nang ang kanilang kapatid na si Hud ay nagsabi sa kanila: “Hindi ba ninyo kinatatakutan [ang Allah]?

  125. إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ

    Open ayah 26:125

    Katotohanan, ako ay isang mapagkakatiwalaang sugo sa inyo.

  126. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

    Open ayah 26:126

    Kaya, matakot kayo sa Allah, at ako ay inyong sundin.

  127. وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:127

    At ako ay walang hinihiling sa inyo para rito ng alinmang gantimpala. Ang aking gantimpala ay magmumula sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  128. أَتَبۡنُونَ بِكُلِّ رِيعٍ ءَايَةٗ تَعۡبَثُونَ

    Open ayah 26:128

    Kayo ba ay nagtatayo sa bawa’t mataas ng pook ng isang palatandaan [mga palasyo at tanggulan], upang aliwin ang inyong mga sarili,

  129. وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمۡ تَخۡلُدُونَ

    Open ayah 26:129

    At kayo ay kumukuha para sa inyong mga sarili ng mga pagtatayuan [ng mga palasyo o tanggulan] upang sakali kayo ay manatili roon nang walang hanggan?

  130. وَإِذَا بَطَشۡتُم بَطَشۡتُمۡ جَبَّارِينَ 

    Open ayah 26:130

    At kapag kayo ay maghampas, kayo ay humahampas tulad ng mga taong malulupit?

  131. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

    Open ayah 26:131

    Kaya, matakot kayo sa Allah, at ako ay inyong sundin.

  132. وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِيٓ أَمَدَّكُم بِمَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 26:132

    At inyong katakutan [ang Allah] na Siyang nagkaloob sa inyo ng anumang [mga mabubuting bagay] na inyong nalalaman.

  133. أَمَدَّكُم بِأَنۡعَٰمٖ وَبَنِينَ

    Open ayah 26:133

    Nagkaloob sa inyo ng mga hayupan [sa kawan ng bakahan] at mga anak.

  134. وَجَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ

    Open ayah 26:134

    At ng mga hardin at mga bukal.

  135. إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ

    Open ayah 26:135

    Katotohanan, pinangangambahan ko para sa inyo ang [nagbabadyang] parusa ng isang nakasisindak na Araw.”

  136. قَالُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَوَعَظۡتَ أَمۡ لَمۡ تَكُن مِّنَ ٱلۡوَٰعِظِينَ

    Open ayah 26:136

    Sila ay nagsabi: “Walang pagkakaiba sa amin kung kami ay iyong bigyang-payo o ikaw ay hindi isa sa mga tagapayo.

  137. إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا خُلُقُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 26:137

    Ito ay walang anupaman maliban sa mga kaugalian ng mga sinaunang tao.

  138. وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ

    Open ayah 26:138

    At kami ay hindi maparurusahan.”

  139. فَكَذَّبُوهُ فَأَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:139

    Kaya, siya [si Hud] ay kanilang itinakwil, at sila ay Aming winasak. Katotohanan, naririto [sa kasaysayan ni Hud] ang isang ayah [babala], nguni’t karamihan sa kanila ay mga di-naniniwala.

  140. وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ 

    Open ayah 26:140

    At katotohanan, ang iyong Panginoon - Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  141. كَذَّبَتۡ ثَمُودُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

    Open ayah 26:141

    Ang [mga Tribu ng] Thamud ay nagtakwil sa mga sugo,

  142. إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ صَٰلِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ

    Open ayah 26:142

    Nang ang kanilang kapatid na si Salih ay nagsabi sa kanila: “Hindi ba ninyo kinatatakutan [ang Allah]?

  143. إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ

    Open ayah 26:143

    Katotohanan, ako ay isang mapagkakatiwalaang sugo sa inyo.

  144. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

    Open ayah 26:144

    Kaya, matakot kayo sa Allah at ako ay inyong sundin.

  145. وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:145

    At ako ay walang hinihiling sa inyo para rito ng alinmang gantimpala. Ang aking gantimpala ay magmumula sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  146. أَتُتۡرَكُونَ فِي مَا هَٰهُنَآ ءَامِنِينَ

    Open ayah 26:146

    Kayo ba ay maiiwanan dito sa anumang naririto, na ligtas [mula sa kamatayan]?

  147. فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ

    Open ayah 26:147

    Sa mga hardin at mga bukal.

  148. وَزُرُوعٖ وَنَخۡلٖ طَلۡعُهَا هَضِيمٞ

    Open ayah 26:148

    At sa mga sakahang pananim [bukirin] at mga punong-datiles na may malambot na bunga.

  149. وَتَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا فَٰرِهِينَ

    Open ayah 26:149

    At kayo ay nag-uukit mula sa mga bundok [upang inyong gawing] mga bahay nang buong husay.

  150. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ 

    Open ayah 26:150

    Kaya, matakot kayo sa Allah, at ako ay inyong sundin.

  151. وَلَا تُطِيعُوٓاْ أَمۡرَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ

    Open ayah 26:151

    At huwag kayong sumunod sa kautusan ng mga mapagmalabis,

  152. ٱلَّذِينَ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ

    Open ayah 26:152

    Yaong mga naghahasik ng labis na katiwalian sa mga lupain, at [sila ay] hindi [natutong maging] matwid.”

  153. قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ

    Open ayah 26:153

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga nagayuma [ng salamangka]!

  154. مَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا فَأۡتِ بِـَٔايَةٍ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

    Open ayah 26:154

    Ikaw ay tao lamang na tulad namin. Kaya, ikaw ay magdala [o magpakita] sa amin ng isang ayah [himala o palatandaan] kung tunay nga na ikaw ay kabilang sa mga makatotohanan.”

  155. قَالَ هَٰذِهِۦ نَاقَةٞ لَّهَا شِرۡبٞ وَلَكُمۡ شِرۡبُ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ

    Open ayah 26:155

    Siya [si Salih] ay nagsabi: “Ito ay isang babaing kamelyo: siya ay may karapatang uminom [ng tubig], at kayo ay may karapatan ding uminom [ng tubig sa bawa’t] araw, na itinakda.

  156. وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابُ يَوۡمٍ عَظِيمٖ

    Open ayah 26:156

    At huwag ninyong sasalingin ito ng anumang kapinsalaan, baka mangyaring kayo ay datnan ng parusa ng isang nakasisindak na Araw.”

  157. فَعَقَرُوهَا فَأَصۡبَحُواْ نَٰدِمِينَ

    Open ayah 26:157

    Nguni’t, ito [ang babaing kamelyo] ay kanilang pinilay [o nilumpo at pagkaraa’y pinatay], kaya sila ay nakaramdam ng pagsisisi.

  158. فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:158

    Kaya, ang parusa ay humablot sa kanila. Katotohanan, naririto ang isang ayah [tanda], nguni’t karamihan sa kanila ay mga di-naniniwala.

  159. وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 26:159

    At katotohanan, ang iyong Panginoon - Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  160. كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ 

    Open ayah 26:160

    Ang mga mamamayan ni Lot ay nagtakwil sa mga sugo.

  161. إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ لُوطٌ أَلَا تَتَّقُونَ

    Open ayah 26:161

    Nang ang kanilang kapatid na si Lot ay nagsabi sa kanila: “Hindi ba ninyo kinatatakutan [ang Allah]?

  162. إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ

    Open ayah 26:162

    Katotohanan, ako ay isang mapagkakatiwalaang sugo sa inyo.

  163. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

    Open ayah 26:163

    Kaya, matakot kayo sa Allah, at ako ay inyong sundin.

  164. وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:164

    At ako ay walang hinihiling sa inyo para rito ng alinmang gantimpala; ang aking gantimpala ay magmumula sa Panginoon ng lahat.

  165. أَتَأۡتُونَ ٱلذُّكۡرَانَ مِنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:165

    Kayo ba ay nakikipag-ulayaw sa mga lalaki mula sa ‘alamin [sangkatauhan],

  166. وَتَذَرُونَ مَا خَلَقَ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٌ عَادُونَ

    Open ayah 26:166

    At inyong tinatalikdan ang anumang [likas na] nilikha ng Allah para sa inyo [ang mga babae] bilang mga asawa? Nguni’t, kayo ay mga taong mapaghimagsik.”

  167. قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰلُوطُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُخۡرَجِينَ

    Open ayah 26:167

    Sila ay nagsabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Lot, katiyakan, ikaw ay mapabibilang sa mga itinaboy palabas [ng bayan].”

  168. قَالَ إِنِّي لِعَمَلِكُم مِّنَ ٱلۡقَالِينَ

    Open ayah 26:168

    Siya ay nagsabi: “Katotohanan, ako ay kabilang sa mga namumuhi ukol sa inyong mga gawaing [ito].

  169. رَبِّ نَجِّنِي وَأَهۡلِي مِمَّا يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 26:169

    Aking Panginoon, iligtas Mo po ako at ang aking mag-anak mula sa [masamang bunga ng] kanilang mga ginagawa.”

  170. فَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ 

    Open ayah 26:170

    Kaya, siya at ang kanyang mag-anak ay Aming iniligtas – silang lahat,

  171. إِلَّا عَجُوزٗا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ

    Open ayah 26:171

    Maliban sa isang matandang babae [asawa ni Lot] na kabilang sa mga napag-iwanan.

  172. ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ

    Open ayah 26:172

    Pagkaraan, Aming pinuksa ang mga iba.

  173. وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِينَ

    Open ayah 26:173

    At sila ay Aming pinaulanan ng isang ulan [ng bato bilang parusa]. At sadyang kasamaan [ang idinulot] ng ulan sa mga [taong] binalaan.

  174. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:174

    Katotohanan, naririto ang isang ayah [babala], subali’t karamihan sa kanila ay mga di-naniniwala.

  175. وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 26:175

    At katotohanan, ang iyong Panginoon - Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  176. كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ لۡـَٔيۡكَةِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

    Open ayah 26:176

    Ang mga naninirahan sa mga kakahuyan ay nagtakwil sa mga sugo,

  177. إِذۡ قَالَ لَهُمۡ شُعَيۡبٌ أَلَا تَتَّقُونَ

    Open ayah 26:177

    Nang si Shu’aib ay nagsabi sa kanila: “Hindi ba ninyo kinatatakutan [ang Allah]?

  178. إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ

    Open ayah 26:178

    Katotohanan, ako ay isang mapagkakatiwalaang sugo sa inyo.

  179. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

    Open ayah 26:179

    Kaya, matakot kayo sa Allah, at ako ay inyong sundin.

  180. وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ 

    Open ayah 26:180

    At ako ay walang hinihiling sa inyo para rito ng alinmang gantimpala; ang aking gantimpala ay magmumula sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  181. ۞أَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُخۡسِرِينَ

    Open ayah 26:181

    Magbigay kayo ng wastong sukat, at huwag kayong makibilang sa mga nagdudulot ng kawalan.

  182. وَزِنُواْ بِٱلۡقِسۡطَاسِ ٱلۡمُسۡتَقِيمِ

    Open ayah 26:182

    At inyong timbangin ng patas [walang pandaraya] ang pagtimbang.

  183. وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ

    Open ayah 26:183

    At huwag ninyong pagkaitan ang mga tao ng kanilang karapatan, at huwag kayong gumawa ng kasamaan sa mundo, naghahasik ng katiwalian.

  184. وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلۡجِبِلَّةَ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 26:184

    At inyong katakutan, Siya na lumikha sa inyo at sa mga naunang henerasyon [o salin-lahi].”

  185. قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ

    Open ayah 26:185

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga nagayuma.

  186. وَمَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا وَإِن نَّظُنُّكَ لَمِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ

    Open ayah 26:186

    Ikaw [O Shu’aib] ay isa lamang taong tulad namin. At katotohanan, sa palagay namin ikaw ay isa sa mga sinungaling!

  187. فَأَسۡقِطۡ عَلَيۡنَا كِسَفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

    Open ayah 26:187

    Kaya, papangyarihin mong ang isang piraso mula sa langit ay mahulog sa amin, kung ikaw nga ay kabilang sa mga makatotohanan!”

  188. قَالَ رَبِّيٓ أَعۡلَمُ بِمَا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 26:188

    Siya [si Shu’aib] ay nagsabi: “Ang aking Panginoon ay lubos na nababatid ang anumang inyong ginagawa.”

  189. فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمۡ عَذَابُ يَوۡمِ ٱلظُّلَّةِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٍ

    Open ayah 26:189

    Nguni’t, siya [si Shu’aib] ay kanilang itinakwil, kaya sila ay hinablot ng parusa ng araw ng maitim na ulap. Katotohanan, ito ay parusa ng isang nakasisindak na Araw.

  190. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ 

    Open ayah 26:190

    Katotohanan, naririto ang isang ayah [babala o palatandaan], nguni’t karamihan sa kanila ay mga di-naniniwala.

  191. وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 26:191

    At katotohanan, ang iyong Panginoon - Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  192. وَإِنَّهُۥ لَتَنزِيلُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 26:192

    At katotohanan, ito [ang Qur’an] ay isang kapahayagan mula sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha],

  193. نَزَلَ بِهِ ٱلرُّوحُ ٱلۡأَمِينُ

    Open ayah 26:193

    Ito ay ipinahayag [ibinaba] ng isang pinagkakatiwalaang Espiritu [ang Anghel Gabriel].

  194. عَلَىٰ قَلۡبِكَ لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُنذِرِينَ

    Open ayah 26:194

    [Kanyang itinanim] sa iyong puso [O Muhammad] - upang ikaw ay maging isa sa mga tagapagbabala –

  195. بِلِسَانٍ عَرَبِيّٖ مُّبِينٖ

    Open ayah 26:195

    Sa isang malinaw na dila [o wikang] Arabe.

  196. وَإِنَّهُۥ لَفِي زُبُرِ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 26:196

    At katotohanan, ito ay [binanggit] sa mga kasulatan ng mga naunang mamamayan.

  197. أَوَلَمۡ يَكُن لَّهُمۡ ءَايَةً أَن يَعۡلَمَهُۥ عُلَمَٰٓؤُاْ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ

    Open ayah 26:197

    At hindi ba ito ay isang ayah [kapahayagan] sa kanila na kinikilala ng mga taong maalam sa mga anak ni Israel?

  198. وَلَوۡ نَزَّلۡنَٰهُ عَلَىٰ بَعۡضِ ٱلۡأَعۡجَمِينَ

    Open ayah 26:198

    At kung ito man ay Aming ipinahayag sa ibang [wika ng] mga banyaga,

  199. فَقَرَأَهُۥ عَلَيۡهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ مُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:199

    At ito ay kanyang binigkas sa kanila [nang buong husay], [sa kabila nito] sila ay hindi [pa rin] naniniwala rito.

  200. كَذَٰلِكَ سَلَكۡنَٰهُ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ 

    Open ayah 26:200

    [Tulad ng kanilang pagtatakwil ay] ganyan din Namin itinatanim ito [ang kawalan ng paniniwala] sa puso ng mga mapaggawa ng kabuktutan.

  201. لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ حَتَّىٰ يَرَوُاْ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ 

    Open ayah 26:201

    Sila ay hindi maniniwala rito [sa mga kapahayagan] hanggang kanilang makita ang mahapding parusa.

  202. فَيَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ 

    Open ayah 26:202

    Kaya, ito ay darating sa kanila nang biglaan habang [ito ay] hindi nila namamalayan.

  203. فَيَقُولُواْ هَلۡ نَحۡنُ مُنظَرُونَ 

    Open ayah 26:203

    Sa gayon, sila ay magsasabi: “Kami ba ay maaaring palugitanan?”

  204. أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ 

    Open ayah 26:204

    Kaya, sila ba ay nagmamadali sa Aming parusa?

  205. أَفَرَءَيۡتَ إِن مَّتَّعۡنَٰهُمۡ سِنِينَ 

    Open ayah 26:205

    Hindi mo ba isinaalang-alang na kung Kami ay nagkaloob sa kanila ng kasiyahan sa mahabang panahon,

  206. ثُمَّ جَآءَهُم مَّا كَانُواْ يُوعَدُونَ 

    Open ayah 26:206

    Pagkaraan, dumating sa kanila ang anumang [parusang] ipinangako sa kanila,

  207. مَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يُمَتَّعُونَ 

    Open ayah 26:207

    Sila ay hindi matutulungan ng kasiyahang ipinagkaloob sa kanila.

  208. وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا لَهَا مُنذِرُونَ 

    Open ayah 26:208

    At kailanman, hindi Namin winasak ang alinmang bayan maliban ito ay nagkaroon muna ng isang tagapagbabala.

  209. ذِكۡرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَٰلِمِينَ 

    Open ayah 26:209

    Bilang isang paalala, at kailanman, Kami ay hindi naging dimakatarungan[kaninuman].

  210. وَمَا تَنَزَّلَتۡ بِهِ ٱلشَّيَٰطِينُ 

    Open ayah 26:210

    At ito [ang Qur’an] ay hindi ipinahayag ng mga demonyo.

  211. وَمَا يَنۢبَغِي لَهُمۡ وَمَا يَسۡتَطِيعُونَ

    Open ayah 26:211

    Ito ay hindi pinahihintulot para sa kanila at [sila ay] walang kakayahan.

  212. إِنَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّمۡعِ لَمَعۡزُولُونَ

    Open ayah 26:212

    Katotohanan, sila, mula sa pandinig [nito], ay inilayo.

  213. فَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُعَذَّبِينَ

    Open ayah 26:213

    Kaya huwag kayong manawagan [manalangin] sa Allah nang may ibang [kasamang diyos, magkagayon] kayo ay magiging kabilang ng mga pinarusahan.

  214. وَأَنذِرۡ عَشِيرَتَكَ ٱلۡأَقۡرَبِينَ

    Open ayah 26:214

    At magbabala [O Muhammad] sa iyong malalapit na kamag-anakan.

  215. وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 26:215

    At iyong ibaba ang diwa ng kabaitan [o pagpapakumbaba] sa mga sumusunod sa iyo mula sa mga naniniwala.

  216. فَإِنۡ عَصَوۡكَ فَقُلۡ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 26:216

    Kaya, kung sila man ay sumuway sa iyo, magkagayon iyong sabihin, “Katotohanan, ako ay walang kaugnayan sa anumang inyong ginagawa.”

  217. وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ

    Open ayah 26:217

    At magtiwala sa [Allah] - ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  218. ٱلَّذِي يَرَىٰكَ حِينَ تَقُومُ

    Open ayah 26:218

    Na Siyang nakakikita sa iyo kapag ikaw ay bumabangon.

  219. وَتَقَلُّبَكَ فِي ٱلسَّٰجِدِينَ

    Open ayah 26:219

    At [Siya ang Nakakikita] maging sa iyong mga galaw kasama ng mga nagpapatirapa.

  220. إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ 

    Open ayah 26:220

    Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.

  221. هَلۡ أُنَبِّئُكُمۡ عَلَىٰ مَن تَنَزَّلُ ٱلشَّيَٰطِينُ

    Open ayah 26:221

    [O mga tao] ipagbibigay-alam ko ba sa inyo kung kanino bumababa ang mga demonyo?

  222. تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٖ

    Open ayah 26:222

    Sila [ang mga demonyo] ay bumababa sa bawa’t sinungaling, makasalanan.

  223. يُلۡقُونَ ٱلسَّمۡعَ وَأَكۡثَرُهُمۡ كَٰذِبُونَ

    Open ayah 26:223

    Kanilang inililipat ang anumang kanilang narinig [sa tao], at karamihan sa kanila ay mga sinungaling.

  224. وَٱلشُّعَرَآءُ يَتَّبِعُهُمُ ٱلۡغَاوُۥنَ

    Open ayah 26:224

    At ang mga manunula - [tanging] ang mga nagsipaglihis ang magsisisunod sa kanila,

  225. أَلَمۡ تَرَ أَنَّهُمۡ فِي كُلِّ وَادٖ يَهِيمُونَ

    Open ayah 26:225

    Hindi mo ba nakikita na sa bawa’t lambak na kanilang nililibutan?

  226. وَأَنَّهُمۡ يَقُولُونَ مَا لَا يَفۡعَلُونَ

    Open ayah 26:226

    At sila ay nagsasabi ng anumang hindi nila ginagawa –

  227. إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَذَكَرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرٗا وَٱنتَصَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْۗ وَسَيَعۡلَمُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَيَّ مُنقَلَبٖ يَنقَلِبُونَ

    Open ayah 26:227

    Maliban yaong mga [manunula na] naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, at nag-alaala sa Allah nang palagian, at ipinagtatanggol [ang kapwa Muslim] pagkaraang sila ay ginawan ng kamalian [o dimakatarungan]. At yaong mga gumagawa ng kamalian ay kanilang mapagaalaman kung anong [uri ng masamang] pagbabalik ang kanilang babalikan.