النمل
An-Naml
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
طسٓۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡقُرۡءَانِ وَكِتَابٖ مُّبِينٍ
Open ayah 27:1Ta,Sin. Ito ang mga ayaat [talata o kapahayagan] ng Qur’an at [ito ay] isang malinaw na Aklat.
هُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 27:2[Dito ay matatagpuan ang] patnubay at magandang balita para sa mga naniniwala,
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
Open ayah 27:3Yaong mga nagsasagawa ng pagdarasal at nagbibigay ng kawanggawa at sa kabilang buhay, sila ay [naniniwala nang] may katiyakan [sa kanilang puso].
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ زَيَّنَّا لَهُمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَهُمۡ يَعۡمَهُونَ
Open ayah 27:4Katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa kabilang buhay, Aming ginawang kasiya-siya sa kanila ang kanilang mga [masasamang] gawain, kaya sila ay nagsisipaglaboy nang bulag.
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَهُمۡ سُوٓءُ ٱلۡعَذَابِ وَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡأَخۡسَرُونَ
Open ayah 27:5Sila yaong mayroong pinakamasamang parusa. At sa kabilang buhay, sila ang mga nakahihigit sa kawalan.
وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى ٱلۡقُرۡءَانَ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ عَلِيمٍ
Open ayah 27:6At katotohanan, ikaw [O Muhammad] ay tumanggap ng Qur’an mula sa Isang Tigib ng Karunungan, Maalam.
إِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهۡلِهِۦٓ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا سَـَٔاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ ءَاتِيكُم بِشِهَابٖ قَبَسٖ لَّعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ
Open ayah 27:7[Banggitin mo] nang si Moises ay nagsabi sa kanyang mag-anak: “Katotohanan, ako ay nakahihiwatig ng isang apoy; ako ay magdadala sa inyo mula roon ng ilang kaalaman, o di kaya ay magdadala sa inyo ng isang nagliliyab na sulo, upang sakali kayo ay mainitan [sa inyong mga sarili].”
فَلَمَّا جَآءَهَا نُودِيَ أَنۢ بُورِكَ مَن فِي ٱلنَّارِ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 27:8Kaya, nang siya ay lumapit dito, siya ay tinawagan [ng Allah]: “Pinagpala ang sinumang nasa [tabi ng] apoy, at sinuman ang nakapaligid dito! At luwalhati sa Allah, ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].
يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّهُۥٓ أَنَا ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 27:9O Moises, katotohanan, Ako nga ito - ang Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.”
وَأَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰ لَا تَخَفۡ إِنِّي لَا يَخَافُ لَدَيَّ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Open ayah 27:10At sinabi [sa kanya]; “Ihagis mo sa ibaba ang iyong tungkod.” Nguni’t nang ito ay kanyang nakitang pumupulupot na tila isang ahas, siya ay gulat na nagtatakbo, at hindi na muling lumingon. [Sinabi ng Allah]: “O Moises, huwag kang matakot. Katotohanan, ang mga sugo ay hindi natatakot sa Aking harapan.
إِلَّا مَن ظَلَمَ ثُمَّ بَدَّلَ حُسۡنَۢا بَعۡدَ سُوٓءٖ فَإِنِّي غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 27:11Maliban siya na nagkamali, pagkaraan ay pinalitan ng kabutihan ang [nagawang] kasamaan - kaya, katotohanan, Ako ay Mapagpatawad, Maawain.
وَأَدۡخِلۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖۖ فِي تِسۡعِ ءَايَٰتٍ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَقَوۡمِهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Open ayah 27:12At ipasok mo ang iyong kamay sa unahang [bahagi] ng iyong kasuutan [sa dibdib], ito ay lalabas na maputi na walang sakit. [Ito ay mga] kabilang sa siyam na ayaat [himala, babala na iyong dadalhin] kay Paraon at sa
فَلَمَّا جَآءَتۡهُمۡ ءَايَٰتُنَا مُبۡصِرَةٗ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Open ayah 27:13Kaya, nang ang Aming ayaat [himala, babala] ay dumating sa kanila nang maliwanag, sila ay nagsabi: “Ito ay malinaw na salamangka.”
وَجَحَدُواْ بِهَا وَٱسۡتَيۡقَنَتۡهَآ أَنفُسُهُمۡ ظُلۡمٗا وَعُلُوّٗاۚ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 27:14At kanilang tinanggihan ang mga ito sanhi ng kamalian at pangmamataas [at katigasan ng loob] samantalang ang [kaibuturan ng] kanilang mga sarili ay umayon dito. Kaya, iyong tunghayan [O Muhammad] kung paano ang naging wakas ng mga taong mapaggawa ng katiwalian.
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ وَسُلَيۡمَٰنَ عِلۡمٗاۖ وَقَالَا ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّنۡ عِبَادِهِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 27:15At katotohanan Aming ipinagkaloob kina David at Solomon ang kaalaman, at sila ay kapwa nagsabing: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah], na Siyang nagbigay biyaya sa amin nang higit sa nakararaming mga naniniwalang alipin.”
وَوَرِثَ سُلَيۡمَٰنُ دَاوُۥدَۖ وَقَالَ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ عُلِّمۡنَا مَنطِقَ ٱلطَّيۡرِ وَأُوتِينَا مِن كُلِّ شَيۡءٍۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡمُبِينُ
Open ayah 27:16At si Solomon ay nagmana [ng kaalaman] kay David. Siya ay nagsabi: “O, mga tao, kami ay naturuan ng wika ng mga ibon, at kami ay napagkalooban [ng pagpapala] mula sa lahat ng bagay. Katotohanan, ito ay isang malinaw na biyaya.”
وَحُشِرَ لِسُلَيۡمَٰنَ جُنُودُهُۥ مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ وَٱلطَّيۡرِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ
Open ayah 27:17At tinipon para kay Solomon ang kanyang mga kawal mula sa mga jinn at tao at ibon, at sila ay [pinanatiling] magkakahanay.
حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَوۡاْ عَلَىٰ وَادِ ٱلنَّمۡلِ قَالَتۡ نَمۡلَةٞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّمۡلُ ٱدۡخُلُواْ مَسَٰكِنَكُمۡ لَا يَحۡطِمَنَّكُمۡ سُلَيۡمَٰنُ وَجُنُودُهُۥ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Open ayah 27:18Hanggang, nang sila ay makarating sa punso [o lambak] ng mga langgam, ang isang langgam ay nagsabi: “O mga langgam, magsipasok kayo sa inyong mga pinamamahayanan, baka kayo ay mapisa [matapakan] ni Solomon at ng kanyang mga kawal, nang hindi nila namamalayan.”
فَتَبَسَّمَ ضَاحِكٗا مِّن قَوۡلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَدۡخِلۡنِي بِرَحۡمَتِكَ فِي عِبَادِكَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 27:19Kaya, siya [si Solomon] ay napangiti, at nagalak sa pananalita nito [ng langgam] at nagsabi: “Aking Panginoon, igawad Mo po sa akin [ang kakayahang] magpasalamat sa mga pagpapalang iginawad Mo sa akin at sa aking mga magulang, at [ang kakayahang] makagawa ng mga gawaing matwid na Iyong ikasisiya. At tanggapin Mo po ako sa pamamagitan ng Iyong habag sa [hanay ng] Iyong mga aliping matwid [sa Paraiso].”
وَتَفَقَّدَ ٱلطَّيۡرَ فَقَالَ مَا لِيَ لَآ أَرَى ٱلۡهُدۡهُدَ أَمۡ كَانَ مِنَ ٱلۡغَآئِبِينَ
Open ayah 27:20At [sa isang pagkakataon] kanyang hinanap ang mga ibon, at kanyang sinabi: “Ano ba ang nangyayari at hindi ko nakikita ang Hudhud? O siya ba ay kabilang sa mga lumiban [hindi naparito]?
لَأُعَذِّبَنَّهُۥ عَذَابٗا شَدِيدًا أَوۡ لَأَاْذۡبَحَنَّهُۥٓ أَوۡ لَيَأۡتِيَنِّي بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Open ayah 27:21Katiyakang siya ay aking parurusahan nang matinding parusa, o siya ay aking kakatayin, malibang siya ay magdala sa akin ng maliwanag na katwiran.”
فَمَكَثَ غَيۡرَ بَعِيدٖ فَقَالَ أَحَطتُ بِمَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ وَجِئۡتُكَ مِن سَبَإِۭ بِنَبَإٖ يَقِينٍ
Open ayah 27:22Nguni’t hindi nagtagal, siya [ang Hudhud] ay [dumating at] nagsabi: “Aking nasasaklawan [sa kaalaman] ang alinmang hindi mo nasasaklawan, at ako ay naparito sa iyo mula sa [kaharian ng] Sheba na may dalang tiyak na balita.
إِنِّي وَجَدتُّ ٱمۡرَأَةٗ تَمۡلِكُهُمۡ وَأُوتِيَتۡ مِن كُلِّ شَيۡءٖ وَلَهَا عَرۡشٌ عَظِيمٞ
Open ayah 27:23Katotohanan, aking natagpuan [doon] ang isang babae [si Bilqis] na naghahari sa kanila: siya ay pinagkalooban ng lahat ng bagay at siya ay may dakilang Trono.
وَجَدتُّهَا وَقَوۡمَهَا يَسۡجُدُونَ لِلشَّمۡسِ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ فَهُمۡ لَا يَهۡتَدُونَ
Open ayah 27:24At siya ay aking natagpuan at ang kanyang mga mamamayan na sumasamba sa araw sa halip na ang Allah, at ginawang kaaya-aya ng satanas para sa kanila ang kanilang mga gawain, at sila ay kanyang hinadlangan mula sa Landas [ng Allah], kaya sila ay hindi napatnubayan,
أَلَّاۤ يَسۡجُدُواْۤ لِلَّهِ ٱلَّذِي يُخۡرِجُ ٱلۡخَبۡءَ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَيَعۡلَمُ مَا تُخۡفُونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ
Open ayah 27:25[At] sila ay hindi nagpapatirapa sa Allah na Siyang nagpapalitaw ng anumang nakatago sa mga kalangitan at sa kalupaan, at nakababatid ng anumang inyong ikinukubli at ng anumang inyong inihahayag.
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ۩
Open ayah 27:26Allah - walang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, ang Panginoon ng Dakilang Trono.”
۞قَالَ سَنَنظُرُ أَصَدَقۡتَ أَمۡ كُنتَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Open ayah 27:27Si Solomon ay nagsabi: “Aming titingnan kung ikaw nga ay nagsasabi ng katotohanan o ikaw ay isa sa mga sinungaling.
ٱذۡهَب بِّكِتَٰبِي هَٰذَا فَأَلۡقِهۡ إِلَيۡهِمۡ ثُمَّ تَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَٱنظُرۡ مَاذَا يَرۡجِعُونَ
Open ayah 27:28Magtungo kang dala ang aking liham na ito at iyong ihatid sa kanila, pagkaraan sila ay iyong iwanan, at iyong tingnan kung ano ang kanilang [kasagutang] ibabalik.”
قَالَتۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ إِنِّيٓ أُلۡقِيَ إِلَيَّ كِتَٰبٞ كَرِيمٌ
Open ayah 27:29Siya ay nagsabi: “O mga bantog [na namumuno] katotohanan, ipinadala sa akin ang isang marangal na liham,
إِنَّهُۥ مِن سُلَيۡمَٰنَ وَإِنَّهُۥ بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Open ayah 27:30Katotohanan, ito ay nagmula kay Solomon, at katotohanan, ito ay [nagsasaad ng]: Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain:
أَلَّا تَعۡلُواْ عَلَيَّ وَأۡتُونِي مُسۡلِمِينَ
Open ayah 27:31Huwag kayong magmataas sa akin, bagkus magsilapit kayo sa akin nang tumatalima [bilang Muslim].”
قَالَتۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَفۡتُونِي فِيٓ أَمۡرِي مَا كُنتُ قَاطِعَةً أَمۡرًا حَتَّىٰ تَشۡهَدُونِ
Open ayah 27:32Siya [si Bilqis] ay nagsabi: “O mga bantog [na namumuno], pagpayuhan ninyo ako sa aking gawain. Ako ay hindi magpapasiya hanggang kayo ay sumaksi [para] sa akin.”
قَالُواْ نَحۡنُ أُوْلُواْ قُوَّةٖ وَأُوْلُواْ بَأۡسٖ شَدِيدٖ وَٱلۡأَمۡرُ إِلَيۡكِ فَٱنظُرِي مَاذَا تَأۡمُرِينَ
Open ayah 27:33Sila ay nagsabi: “Kami ay mga taong may taglay ng lakas at ng malaking sandatahang-lakas [para sa pakikipaglaban], nguni’t ang kautusan ay nasa sa iyo: kaya pag-isipan mo kung ano ang iyong ipaguutos.”
قَالَتۡ إِنَّ ٱلۡمُلُوكَ إِذَا دَخَلُواْ قَرۡيَةً أَفۡسَدُوهَا وَجَعَلُوٓاْ أَعِزَّةَ أَهۡلِهَآ أَذِلَّةٗۚ وَكَذَٰلِكَ يَفۡعَلُونَ
Open ayah 27:34Siya ay nagsabi: “Katotohanan, ang mga hari - kapag sila ay nagsisipasok sa [loob ng] isang bayan, kanilang sinisira ito at ginagawang kaaba-aba ang mga [taong] mararangal nito. At [tulad nga nito] ganyan din ang kanilang gagawin [sa atin].
وَإِنِّي مُرۡسِلَةٌ إِلَيۡهِم بِهَدِيَّةٖ فَنَاظِرَةُۢ بِمَ يَرۡجِعُ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Open ayah 27:35Nguni’t katotohanan, ako ay magpapadala sa kanila ng isang handog, at [ako ay] maghihintay kung ano ang [kasagutang] ibabalik ng mga tagapagdala [ng handog].”
فَلَمَّا جَآءَ سُلَيۡمَٰنَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٖ فَمَآ ءَاتَىٰنِۦَ ٱللَّهُ خَيۡرٞ مِّمَّآ ءَاتَىٰكُمۚ بَلۡ أَنتُم بِهَدِيَّتِكُمۡ تَفۡرَحُونَ
Open ayah 27:36Kaya, nang [ang tagapagpadala] ay dumating kay Solomon, sinabi niya: “Kayo ba ay magkakaloob sa akin ng yaman? Nguni’t, ang anumang ipinagkaloob ng Allah sa akin ay nakahihigit kaysa sa anumang Kanyang ipinagkaloob sa inyo. Nguni’t, kayo ang nagagalak sa inyong handog.
ٱرۡجِعۡ إِلَيۡهِمۡ فَلَنَأۡتِيَنَّهُم بِجُنُودٖ لَّا قِبَلَ لَهُم بِهَا وَلَنُخۡرِجَنَّهُم مِّنۡهَآ أَذِلَّةٗ وَهُمۡ صَٰغِرُونَ
Open ayah 27:37[Kaya, si Solomon ay nagsabi: Ikaw ay] magbalik sa kanila sapagka’t katiyakang kami ay darating sa kanila kasama ng mga kawal na hindi nila magagawang pigilan, at katiyakang sila ay aming itataboy mula roon nang may kahihiyan, at sila ay magiging kaaba-aba.”
قَالَ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَيُّكُمۡ يَأۡتِينِي بِعَرۡشِهَا قَبۡلَ أَن يَأۡتُونِي مُسۡلِمِينَ
Open ayah 27:38Siya [Solomon] ay nagsabi: “O mga pinuno [ng jinn at tao], alin ba sa inyo ang makapagdadala sa akin ng kanyang [Sheba] trono bago sila dumating sa akin na tumatalima [sa pagsunod]?”
قَالَ عِفۡرِيتٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن تَقُومَ مِن مَّقَامِكَۖ وَإِنِّي عَلَيۡهِ لَقَوِيٌّ أَمِينٞ
Open ayah 27:39Ang Ifrit [isang makapangyarihan mula sa mga jinn] ay nagsabi: “Aking dadalhin ito sa iyo bago ka tumayo mula sa iyong kinauupan. At katotohanan, ako ay sadyang malakas, at mapagkakatiwalaan para sa gayong [tungkulin].”
قَالَ ٱلَّذِي عِندَهُۥ عِلۡمٞ مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن يَرۡتَدَّ إِلَيۡكَ طَرۡفُكَۚ فَلَمَّا رَءَاهُ مُسۡتَقِرًّا عِندَهُۥ قَالَ هَٰذَا مِن فَضۡلِ رَبِّي لِيَبۡلُوَنِيٓ ءَأَشۡكُرُ أَمۡ أَكۡفُرُۖ وَمَن شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيّٞ كَرِيمٞ
Open ayah 27:40Sinabi ng isang kasama niya na maalam mula sa kasulatan : “Dadalhin ko ito sa iyo sa isang kisap-mata [lamang]!” Kaya, nang kanyang [ni Solomon] makita itong inilagay sa kanyang harapan, siya ay nagsabi: “Ito ay mula sa pagpapala ng aking Panginoon - upang ako ay subukan kung ako ay mapagpasalamat o hindi mapagpasalamat. At sinuman ang mapagpasalamat - ang kanyang pagpapasalamat ay para lamang sa [kapakanan ng] kanyang sarili; at sinuman ang walang pasasalamat - katotohanan ang aking Panginoon ay Mayaman, Mapagpala.”
قَالَ نَكِّرُواْ لَهَا عَرۡشَهَا نَنظُرۡ أَتَهۡتَدِيٓ أَمۡ تَكُونُ مِنَ ٱلَّذِينَ لَا يَهۡتَدُونَ
Open ayah 27:41Siya ay nagsabi; “Inyong palitan [ang ibang bahagi] ng kanyang kaharian [o trono] at ating titingnan kung siya ba ay mapapatnubayan [o mamumukhaan ito] o siya ay kabilang niyaong mga hindi napapatnubayan.”
فَلَمَّا جَآءَتۡ قِيلَ أَهَٰكَذَا عَرۡشُكِۖ قَالَتۡ كَأَنَّهُۥ هُوَۚ وَأُوتِينَا ٱلۡعِلۡمَ مِن قَبۡلِهَا وَكُنَّا مُسۡلِمِينَ
Open ayah 27:42Kaya, nang siya ay dumating, ito ay sinabi sa kanya: “Ang trono mo ba ay katulad nito?” Sinabi niya: “[Ito ay] tila ito na nga.” [At sinabi ni Solomon]: “At kami ay pinagkalooban ng kaalaman nang una pa sa kanya, at kami ay mga Muslim [na una pa sa kanya].
وَصَدَّهَا مَا كَانَت تَّعۡبُدُ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ إِنَّهَا كَانَتۡ مِن قَوۡمٖ كَٰفِرِينَ
Open ayah 27:43At [na] ang alinmang kanyang sinasamba bukod sa Allah ay nakapaglihis sa kanya [mula sa pagtalima sa Kanya]. Katotohanan, siya ay nagmula sa isang mamamayang di-naniniwala.”
قِيلَ لَهَا ٱدۡخُلِي ٱلصَّرۡحَۖ فَلَمَّا رَأَتۡهُ حَسِبَتۡهُ لُجَّةٗ وَكَشَفَتۡ عَن سَاقَيۡهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ صَرۡحٞ مُّمَرَّدٞ مِّن قَوَارِيرَۗ قَالَتۡ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي وَأَسۡلَمۡتُ مَعَ سُلَيۡمَٰنَ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 27:44Sinabi sa kanya: “Ikaw ay pumasok sa palasyo.” Nguni’t nang ito ay kanyang makita, inakala niyang ito ay isang bahagi ng tubig, at [kanyang inililis ang kanyang damit, kaya] lumantad ang kanyang mga binti [upang
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ فَإِذَا هُمۡ فَرِيقَانِ يَخۡتَصِمُونَ
Open ayah 27:45At katiyakan na Aming ipinadala sa [mga mamamayan ng] Thamud ang kanilang kapatid na si Salih, na nagsasabing: “Sambahin ninyo ang Allah [tanging Siya lamang]” at kapagdaka’y sila ay naging dalawang pangkat na nagtatalu-talo.
قَالَ يَٰقَوۡمِ لِمَ تَسۡتَعۡجِلُونَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِۖ لَوۡلَا تَسۡتَغۡفِرُونَ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Open ayah 27:46Siya [si Salih] ay nagsabi: O aking mga mamamayan, bakit kayo nagmamadali para sa kasamaan nang una sa kabutihan? Bakit hindi ninyo hingin ang kapatawaran ng Allah upang sakali kayo ay tumanggap ng habag?
قَالُواْ ٱطَّيَّرۡنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَۚ قَالَ طَٰٓئِرُكُمۡ عِندَ ٱللَّهِۖ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تُفۡتَنُونَ
Open ayah 27:47Sila ay nagsabi: “Kami ay nagtuturing sa iyo bilang isang masamang pangitain, ikaw at ang iyong mga kasama.” Siya [si Salih] ay nagsabi: “Ang inyong pangitain [kapalaran] ay nasa sa Allah; nguni’t kayo ay mga mamamayang nasa [ilalim ng] pagsubok.”
وَكَانَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ تِسۡعَةُ رَهۡطٖ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ
Open ayah 27:48At sa lungsod ay mayroong siyam na tao [mula sa mga anak ng pinuno] na naghahasik ng katiwalian sa kalupaan, at hindi itinutuwid [ang kanilang mga gawa nito].
قَالُواْ تَقَاسَمُواْ بِٱللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِۦ مَا شَهِدۡنَا مَهۡلِكَ أَهۡلِهِۦ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Open ayah 27:49Sila ay nagsabi: “Kumuha ng pinagkaisang panunumpa sa [Ngalan ng] Allah na siya ay ating papatayin sa gabi, siya at ang kanyang mag-anak, at pagkaraan, ating sasabihin sa kanyang tagapangasiwa na: ‘Hindi namin
وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا وَمَكَرۡنَا مَكۡرٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Open ayah 27:50Kaya, sila ay nagbalak ng isang balakin, at Kami rin ay nagbalak ng isang balakin, habang sila ay walang kamalayan [hinggil dito].
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ مَكۡرِهِمۡ أَنَّا دَمَّرۡنَٰهُمۡ وَقَوۡمَهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 27:51Kaya, iyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng kanilang [mga masasamang] balakin – na sila ay Aming pinuksa at ang kanilang mga mamamayan, [silang] lahat.
فَتِلۡكَ بُيُوتُهُمۡ خَاوِيَةَۢ بِمَا ظَلَمُوٓاْۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 27:52Kaya, iyon ang kanilang mga pamamahay, [naging] mapanglaw nang dahil sa kamaliang kanilang nagawa. Katotohanan, naririto ang isang ayah [aral] para sa mga taong nakaaalam.
وَأَنجَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Open ayah 27:53At Aming iniligtas yaong mga [tapat na] naniwala [sa Kaisahan ng Allah], at lagi nang natatakot [sa Kanya].
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ
Open ayah 27:54At [banggitin mo] si Lot, nang siya ay nagsabi sa kanyang mga mamamayan. “Kayo ba ay gumagawa ng kahalayan habang inyong nakikita [o nababatid na ito ay hayag na kamalian]?
أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهۡوَةٗ مِّن دُونِ ٱلنِّسَآءِۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تَجۡهَلُونَ
Open ayah 27:55Ginagawa ba ninyong lapitan ang mga kalalakihan nang may [makamundong] pagnanasa sa halip ang mga kababaihan? Nguni’t, kayo ay mga taong nag-aasal ng kamangmangan.”
۞فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ أَخۡرِجُوٓاْ ءَالَ لُوطٖ مِّن قَرۡيَتِكُمۡۖ إِنَّهُمۡ أُنَاسٞ يَتَطَهَّرُونَ
Open ayah 27:56Kaya, walang naibigay na kasagutan ang kanyang mga mamamayan maliban na sila ay nagsabi: “Itaboy ninyo ang mag-anak ni Lot mula sa inyong bayan. Katotohanan, sila ay mga taong nagmamalinis [sa sarili].”
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَٰهَا مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Open ayah 27:57Kaya, siya at ang kanyang mag-anak ay Aming iniligtas maliban sa kanyang asawa. Kami ay nagtakda sa kanya na siya ay mapabilang sa mga naiwan.
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Open ayah 27:58At sila ay Aming pinaulanan ng ulan [ng mga bato]. Kaya, sadyang kasamaan ang ulan ng mga [taong] binalaan.
قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ وَسَلَٰمٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَىٰٓۗ ءَآللَّهُ خَيۡرٌ أَمَّا يُشۡرِكُونَ
Open ayah 27:59Sabihin mo [O Muhammad]: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah], at kapayapaan sa Kanyang mga alipin na Kanyang hinirang. Ang Allah ba ang nakahihigit o ang anumang [mga huwad na diyos na] kanilang itinatambal [sa Kanya sa pagsamba]?”
أَمَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ حَدَآئِقَ ذَاتَ بَهۡجَةٖ مَّا كَانَ لَكُمۡ أَن تُنۢبِتُواْ شَجَرَهَآۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ يَعۡدِلُونَ
Open ayah 27:60Hindi ba Siya ang [tanging] lumikha sa mga kalangitan at kalupaan, at nagpababa para sa inyo ng tubig [ulan] mula sa kalangitan, upang mangyaring tumubo sa pamamagitan nito ang mga hardin ng kahalihalinang ganda na hindi ninyo magagawang magpatubo ng mga punongkahoy sa pamamagitan niyon? Mayroon bang ibang diyos na kasama ng Allah? [Hindi], sila ay mga taong nag-aakibat bilang [Kanyang] kapantay.
أَمَّن جَعَلَ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارٗا وَجَعَلَ خِلَٰلَهَآ أَنۡهَٰرٗا وَجَعَلَ لَهَا رَوَٰسِيَ وَجَعَلَ بَيۡنَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ حَاجِزًاۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 27:61Hindi ba Siya ang [tanging] gumawa sa kalupaang di-natitinag, at Kanyang inilagay doon ang mga ilog sa mga gitna nito, at inilagay para rito ang mga matatatag na bundok at naglagay sa pagitan ng dalawang dagat ng isang harang? Mayroon pa bang ibang diyos na kasama ng Allah? Nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nakababatid [nito].
أَمَّن يُجِيبُ ٱلۡمُضۡطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكۡشِفُ ٱلسُّوٓءَ وَيَجۡعَلُكُمۡ خُلَفَآءَ ٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
Open ayah 27:62Hindi ba Siya ang [tanging] tumutugon [sa panalangin] ng isang nagdadalamhati, kapag siya ay nanawagan sa Kanya, at Siyang pumapawi ng kasamaan, at gumagawa sa inyo bilang mga tagapaghalili sa kalupaan?
أَمَّن يَهۡدِيكُمۡ فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَمَن يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦٓۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ تَعَٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Open ayah 27:63Hindi ba Siya ang [tanging] nagpapatnubay sa inyo sa kadiliman ng lupa at karagatan, at Siya ang nagpadala ng mga hangin bilang magandang balita, bago [pa man dumating] ang Kanyang habag [ulan]? Mayroon pa bang ibang diyos na kasama ng Allah? Siya ay Mataas nang higit sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].
أَمَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَمَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 27:64Hindi ba Siya ang [tanging] nagpasimula sa paglikha, at pagkaraan ito ay Kanyang uulitin, at Siya ang nagbigay [ng panustos] para sa inyo mula sa kalangitan at kalupaan? Mayroon bang ibang diyos na kasama ng Allah? Sabihin: “Magpakita kayo ng inyong mga patunay, kung kayo ay makatotohanan.”
قُل لَّا يَعۡلَمُ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَيۡبَ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ
Open ayah 27:65Sabihin: “Walang sinumang nasa mga kalangitan at sa kalupaan ang nakababatid ng Ghaib [di-nakikitang pangyayari] maliban sa Allah at sila ay walang kamalayan kung kailan sila bubuhaying muli.”
بَلِ ٱدَّٰرَكَ عِلۡمُهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ مِّنۡهَاۖ بَلۡ هُم مِّنۡهَا عَمُونَ
Open ayah 27:66Bagkus, ang kanilang kaalaman ay nababalam hinggil sa kabilang buhay. Nguni't, [sa mundong ito] sila ay may agam-agam tungkol dito. Kaya, sila ay lubos na nabubulagan hinggil dito.
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبٗا وَءَابَآؤُنَآ أَئِنَّا لَمُخۡرَجُونَ
Open ayah 27:67At yaong mga di-naniniwala ay magsasabi: “Kapag kami ay naging alabok na, at maging ang aming mga ninuno, kami ba ay ilalabas [mula sa mga libingan]?
لَقَدۡ وُعِدۡنَا هَٰذَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 27:68Katiyakan, kami ay pinangakuan nito - kami at ng aming mga ninunong nauna sa amin. Katotohanan, ito ay walang anupaman maliban sa mga alamat ng mga sinaunang tao.”
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 27:69Sabihin: “Magsipaglakbay kayo sa mga lupain at inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga mapaggawa ng kabuktutan.”
وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُن فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ
Open ayah 27:70At huwag kang malungkot sa kanila o di kaya ay masiphayo mula sa anumang [kasamaang] kanilang pinagsasabwatan.
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 27:71At sila [mga di-naniniwala] ay magsasabi: “Kailan [nga] ba ang [katuparan ng] pangakong ito, kung kayo ay makatotohanan?”
قُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي تَسۡتَعۡجِلُونَ
Open ayah 27:72Sabihin: “Marahil, ito ay malapit na sa inyong mga likuran – ang ilan sa alinmang inyong minamadali.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَشۡكُرُونَ
Open ayah 27:73Katotohanan, ang iyong Panginoon ay sagana sa biyaya para sa sangkatauhan, nguni’t karamihan sa kanila ay walang [isinusukling] pasasalamat.”
وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Open ayah 27:74At katotohanan, ang iyong Panginoon ay nakababatid ng anumang itinatago ng kanilang mga dibdib at ng anumang kanilang inihahayag.
وَمَا مِنۡ غَآئِبَةٖ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٍ
Open ayah 27:75At walang nakakubli sa loob ng kalangitan at ng kalupaan maliban na ito ay nasa malinaw na talaan.
إِنَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَكۡثَرَ ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Open ayah 27:76Katotohanan, itong Qur’an ay nagsasalaysay para sa mga anak ni Israel [tungkol] sa anumang karamihan [bagay na] kanilang ipinagkakaiba.
وَإِنَّهُۥ لَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 27:77At katotohanan, ito [Qur’an] ay patnubay at habag para sa mga naniniwala.
إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُم بِحُكۡمِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 27:78Katunayan, ang iyong Panginoon ay maghahatol sa kanilang pagitan sa pamamagitan ng Kanyang [matalinong] paghatol. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maalam.
فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنَّكَ عَلَى ٱلۡحَقِّ ٱلۡمُبِينِ
Open ayah 27:79Kaya, magtiwala ka sa Allah; [sapagka’t] tunay ngang ikaw [O Muhammad] ay nasa malinaw na katotohanan.
إِنَّكَ لَا تُسۡمِعُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَلَا تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوۡاْ مُدۡبِرِينَ
Open ayah 27:80At katiyakang hindi mo magagawa na ang patay ay makarinig o magagawang ang bingi ay makarinig sa panawagan kapag sila ay nagsisitalikod na tumatakas.
وَمَآ أَنتَ بِهَٰدِي ٱلۡعُمۡيِ عَن ضَلَٰلَتِهِمۡۖ إِن تُسۡمِعُ إِلَّا مَن يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُم مُّسۡلِمُونَ
Open ayah 27:81At hindi mo mapapatnubayan ang bulag mula sa kanilang pagkaligaw. Magagawa mo lamang makarinig yaong mga naniniwala sa Aming mga ayaat [kapahayagan] sapagka’t sila ay mga Muslim [na tumatalima sa Allah].
۞وَإِذَا وَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِمۡ أَخۡرَجۡنَا لَهُمۡ دَآبَّةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ تُكَلِّمُهُمۡ أَنَّ ٱلنَّاسَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا لَا يُوقِنُونَ
Open ayah 27:82At kapag ang takda [o salita] ay ipatutupad sa kanila, Kami ay magdadala sa kanila ng isang nilikha [isang hayop] na nagmula sa kalupaan na magsasalita sa kanila, [nagsasabi] ang mga taong iyan ay walang katiyakan [sa pananampalataya] sa Aming mga ayaat [kapahayagan].
وَيَوۡمَ نَحۡشُرُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ فَوۡجٗا مِّمَّن يُكَذِّبُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُمۡ يُوزَعُونَ
Open ayah 27:83At [magbabala] sa Araw na kapag Aming titipunin mula sa bawa’t pamayanan ang isang pangkat ng mga [taong] nagtakwil sa Aming mga ayaat [kapahayagan], kaya sila ay [itataboy na] magkakahanay,
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُو قَالَ أَكَذَّبۡتُم بِـَٔايَٰتِي وَلَمۡ تُحِيطُواْ بِهَا عِلۡمًا أَمَّاذَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 27:84Hanggang, kapag sila ay makarating [sa pook ng paghuhukom], Siya ay magsasabi: “Inyo bang itinakwil ang Aking mga ayaat samantalang hindi ninyo nasaklawan ang [kahulugan ng] mga ito sa kaalaman, o ano ba [itong] inyong ginagawa?”
وَوَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِم بِمَا ظَلَمُواْ فَهُمۡ لَا يَنطِقُونَ
Open ayah 27:85At ang takda [salita] ay ipatutupad sa kanila para sa kamaliang kanilang nagawa, at sila ay hindi [magagawang] makapagsalita.
أَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِيَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 27:86Hindi ba nila nakikita na Aming ginawa ang gabi upang sila ay mamahinga roon, at ang araw ay magbigay ng tanawin? Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong naniniwala.
وَيَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَفَزِعَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۚ وَكُلٌّ أَتَوۡهُ دَٰخِرِينَ
Open ayah 27:87At [magbabala] sa Araw na ang tambuli ay hihipan - at sinuman ang nasa mga kalangitan at sinuman ang nasa kalupaan ay maliligalig maliban sa sinumang naisin ng Allah. At ang lahat ay darating sa Kanya, na nakayupapa.
وَتَرَى ٱلۡجِبَالَ تَحۡسَبُهَا جَامِدَةٗ وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ ٱلسَّحَابِۚ صُنۡعَ ٱللَّهِ ٱلَّذِيٓ أَتۡقَنَ كُلَّ شَيۡءٍۚ إِنَّهُۥ خَبِيرُۢ بِمَا تَفۡعَلُونَ
Open ayah 27:88At iyong makikita ang mga bundok at iyong aakalaing ang mga ito ay buo, habang ang mga ito ay magdaraan na tila mga nagdaraang ulap lamang. [Ito] ay gawa ng Allah na Siyang nagbigay kaganapan sa lahat ng bagay, katotohanan Siya ay Maalam sa anumang inyong ginagawa.
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَا وَهُم مِّن فَزَعٖ يَوۡمَئِذٍ ءَامِنُونَ
Open ayah 27:89Sinumang ang dumating [sa paghuhukom] na may dalang mabuting gawa ay magkakaroon nang higit kaysa [sa halaga] nito; at sila ay maliligtas mula sa [dulot na] ligalig ng Araw na iyon.
وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَكُبَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فِي ٱلنَّارِ هَلۡ تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 27:90At sinuman ang dumating [sa paghuhukom] na may dalang masamang gawa – ang kanilang mukha ay itataob sa Apoy. [At sasabihin sa kanila]: “Hindi ba kayo ay binabayaran lamang para sa anumang inyong laging ginagawa?”
إِنَّمَآ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ رَبَّ هَٰذِهِ ٱلۡبَلۡدَةِ ٱلَّذِي حَرَّمَهَا وَلَهُۥ كُلُّ شَيۡءٖۖ وَأُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Open ayah 27:91[Sabihin mo, O Muhammad], “Ako ay napag-utusan lamang na sambahin ang Panginoon ng lungsod na ito [ng Makkah], na Kanyang ginawang sagrado at Siyang nagmamay-ari ng lahat ng bagay. At ako ay napag-utusan na maging isa sa mga Muslim [tumatalima sa Allah].
وَأَنۡ أَتۡلُوَاْ ٱلۡقُرۡءَانَۖ فَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهۡتَدِي لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَقُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُنذِرِينَ
Open ayah 27:92At upang bigkasin ang Qur’an” Kaya, sinuman ang napatnubayan ay napatnubayan para sa [kapakanan ng] kanyang sarili; at sinuman ang naligaw – sabihin mo, “Ako ay isa lamang sa mga tagapagbabala.”
وَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ فَتَعۡرِفُونَهَاۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 27:93At sabihin mo: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah]. Kanyang ipakikita sa inyo ang Kanyang mga ayaat [aral, babala, tanda] at inyong makikilala ang mga ito. At ang iyong Panginoon ay hindi nakakaligta [at di-nalilingat o nagpapabaya] sa anumang inyong ginagawa.”