القصص
Al-Qasas
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
طسٓمٓ
Open ayah 28:1Ta,Sin,Mim.
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Open ayah 28:2Ito ang mga ayaat [talata] ng malinaw na Aklat [Qur’an],
نَتۡلُواْ عَلَيۡكَ مِن نَّبَإِ مُوسَىٰ وَفِرۡعَوۡنَ بِٱلۡحَقِّ لِقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 28:3[Na] Aming binigkas sa iyo mula sa mga balitang [nangyari] kina Moises at Paraon sa katotohanan [bilang aral] para sa mga taong naniniwala.
إِنَّ فِرۡعَوۡنَ عَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَجَعَلَ أَهۡلَهَا شِيَعٗا يَسۡتَضۡعِفُ طَآئِفَةٗ مِّنۡهُمۡ يُذَبِّحُ أَبۡنَآءَهُمۡ وَيَسۡتَحۡيِۦ نِسَآءَهُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 28:4Katotohanan, si Paraon ay nagmataas [at itinuring ang kanyang sarili bilang diyos] sa kalupaan at kanyang ginawang [iba’t ibang] sekta ang mga mamamayan nito, inaalipusta ang isang pangkat [ng mga anak ni Israel] na
وَنُرِيدُ أَن نَّمُنَّ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنَجۡعَلَهُمۡ أَئِمَّةٗ وَنَجۡعَلَهُمُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Open ayah 28:5At Aming ninais na gawaran ng pagpapala yaong mga inalipusta sa kalupaan, at sila ay gawing mga pinuno at sila ay gawing mga tagapagmana,
وَنُمَكِّنَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنُرِيَ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا مِنۡهُم مَّا كَانُواْ يَحۡذَرُونَ
Open ayah 28:6At sila ay Aming patirahin sa mga lupain, at Aming hayaang ipakita kina Paraon at Haman at sa mga kawal nilang dalawa sa pamamagitan nila ang alinmang kanilang kinatakutan.
وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَرۡضِعِيهِۖ فَإِذَا خِفۡتِ عَلَيۡهِ فَأَلۡقِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ وَلَا تَخَافِي وَلَا تَحۡزَنِيٓۖ إِنَّا رَآدُّوهُ إِلَيۡكِ وَجَاعِلُوهُ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 28:7At Aming binigyang-inspirasyon ang ina ni Moises, “Pasusuhin mo siya [si Moises], nguni’t kapag ikaw ay nangangamba para sa kanya, magkagayon, siya ay iyong ipaanod sa ilog at huwag kang mangamba at huwag kang
فَٱلۡتَقَطَهُۥٓ ءَالُ فِرۡعَوۡنَ لِيَكُونَ لَهُمۡ عَدُوّٗا وَحَزَنًاۗ إِنَّ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا كَانُواْ خَٰطِـِٔينَ
Open ayah 28:8Kaya [nang siya ay ipaanod], siya ay napulot ng kasambahay ni Paraon [sa pampang ng ilog] upang siya ay kanilang maging kaaway at maging [sanhi ng] kalungkutan. Katotohanan, sina Paraon, Haman at ang mga kawal nilang dalawa ay mga makasalanan.
وَقَالَتِ ٱمۡرَأَتُ فِرۡعَوۡنَ قُرَّتُ عَيۡنٖ لِّي وَلَكَۖ لَا تَقۡتُلُوهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوۡ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Open ayah 28:9At ang asawa ni Paraon ay nagsabi: “Siya [ang sanggol na si Moises] ay isang kasiyahan ng mata para sa akin at para sa iyo. Huwag mo siyang patayin, maaaring siya ay maging pakinabang sa atin, o siya ay ating ampunin bilang anak.” At sila ay walang kamalayan [sa magiging bunga nito].
وَأَصۡبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَٰرِغًاۖ إِن كَادَتۡ لَتُبۡدِي بِهِۦ لَوۡلَآ أَن رَّبَطۡنَا عَلَىٰ قَلۡبِهَا لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 28:10At ang puso ng ina ni Moises ay nangulila. Halos malapit na niyang isiwalat [ang nangyayari hinggil] sa kanya [kay Moises], kung hindi lamang Namin siya binigyan ng tibay ng puso upang siya ay manatiling kabilang ng mga naniniwala.
وَقَالَتۡ لِأُخۡتِهِۦ قُصِّيهِۖ فَبَصُرَتۡ بِهِۦ عَن جُنُبٖ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Open ayah 28:11At kanyang sinabi sa kanyang kapatid na babae [sa kapatid na babae ni Moises]: “Subaybayan mo siya [si Moises].” Kaya, kanyang minatyagan ito [si Moises] mula sa isang di-kalayuang pook, habang sila ay walang kamalayan [sa magiging bunga nito].
۞وَحَرَّمۡنَا عَلَيۡهِ ٱلۡمَرَاضِعَ مِن قَبۡلُ فَقَالَتۡ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰٓ أَهۡلِ بَيۡتٖ يَكۡفُلُونَهُۥ لَكُمۡ وَهُمۡ لَهُۥ نَٰصِحُونَ
Open ayah 28:12At Aming ipinagbawal [ang lahat ng] nagpapasuso para sa kanya noong una, hanggang ang kanyang [kapatid na babae] ay dumating [sa kaharian ni Paraon] at nagsabi: “Maaari ko ba kayong dalhin sa isang mag-anak na mangangalaga sa kanya [kay Moises] para sa inyo, at sila ay tapat [sa pagpapalaki] sa kanya?”
فَرَدَدۡنَٰهُ إِلَىٰٓ أُمِّهِۦ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَ وَلِتَعۡلَمَ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 28:13Kaya, siya [si Moises] ay Aming naibalik sa [piling ng] kanyang [sariling] ina, upang siya ay maging panatag, at hindi malungkot, at upang kanyang malaman na ang pangako ng Allah ay totoo. Nguni’t, karamihan sa kanila [sa mga tao] ay hindi nakababatid [nito].
وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَٱسۡتَوَىٰٓ ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 28:14At nang siya ay umabot sa kanyang ganap na lakas, at wastong gulang, Aming ipinagkaloob sa kanya ang [kakayahan sa] paghatol at kaalaman. At ganyan Namin ginagantimpalaan ang mga mapaggawa ng kabutihan.
وَدَخَلَ ٱلۡمَدِينَةَ عَلَىٰ حِينِ غَفۡلَةٖ مِّنۡ أَهۡلِهَا فَوَجَدَ فِيهَا رَجُلَيۡنِ يَقۡتَتِلَانِ هَٰذَا مِن شِيعَتِهِۦ وَهَٰذَا مِنۡ عَدُوِّهِۦۖ فَٱسۡتَغَٰثَهُ ٱلَّذِي مِن شِيعَتِهِۦ عَلَى ٱلَّذِي مِنۡ عَدُوِّهِۦ فَوَكَزَهُۥ مُوسَىٰ فَقَضَىٰ عَلَيۡهِۖ قَالَ هَٰذَا مِنۡ عَمَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّهُۥ عَدُوّٞ مُّضِلّٞ مُّبِينٞ
Open ayah 28:15At siya ay pumasok sa lungsod sa oras na di-napapansin ng mga mamamayan nito: at kanyang natagpuan dito ang dalawang lalaking nagaaway, ang isa ay kabilang sa kanyang pangkat [ng mga anak ni Israel], at ang isa naman ay kabilang sa panig ng kanyang kaaway [na pangkat]. Ang isa [kabilang sa kanyang pangkat] ay humingi sa kanya ng tulong laban sa kaaway nito, at sinuntok ni Moises at [di-sinasadyang] kanyang napatay. Siya ay nagsabi: “Ito ay nagmula sa gawa ng satanas: Katotohanan, siya ay malinaw na mapanlinlang na kaaway.”
قَالَ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي فَٱغۡفِرۡ لِي فَغَفَرَ لَهُۥٓۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Open ayah 28:16Siya [si Moises] ay nagsabi: “Aking Panginoon, katotohanan, ako aynakagawa ng kamalian sa aking sarili, kaya ako ay Iyong patawarin.” Kaya, siya ay Kanyang pinatawad. Katotohanan, Siya ang Mapagpatawad, ang Maawain.
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ فَلَنۡ أَكُونَ ظَهِيرٗا لِّلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 28:17Siya [si Moises] ay nagsabi: “Aking Panginoon, para sa pagpapala [na ipinagkaloob] Mo sa akin, kailanman ay hindi ako magiging tagapagtangkilik ng mga mapaggawa ng kabuktutan.
فَأَصۡبَحَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا ٱلَّذِي ٱسۡتَنصَرَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَسۡتَصۡرِخُهُۥۚ قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰٓ إِنَّكَ لَغَوِيّٞ مُّبِينٞ
Open ayah 28:18Kaya, siya ay naging matatakutin sa loob ng lungsod at naghihintay [sa anumang bunga ng kanyang pagpatay] nang biglang ang isa na humingi sa kanya ng tulong noong nakaraang araw ay [muling] humingi ng tulong sa kanya. Sinabi ni Moises sa kanya: “Katotohanan, ikaw ay malinaw na mapanlinlang.”
فَلَمَّآ أَنۡ أَرَادَ أَن يَبۡطِشَ بِٱلَّذِي هُوَ عَدُوّٞ لَّهُمَا قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ أَتُرِيدُ أَن تَقۡتُلَنِي كَمَا قَتَلۡتَ نَفۡسَۢا بِٱلۡأَمۡسِۖ إِن تُرِيدُ إِلَّآ أَن تَكُونَ جَبَّارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا تُرِيدُ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡمُصۡلِحِينَ
Open ayah 28:19Kaya, nang siya ay magpasyang daluhungin ang isa na kapwa kaaway nila, siya [ang lalaki] ay nagsabi: “O Moises, ikaw ba ay naglalayon na ako ay iyong patayin tulad ng ginawa mong pagpatay sa lalaki kahapon? Ang iyong layon ay walang anupaman maliban upang ikaw ay magmalupit sa kalupaan, at hindi upang maging isa sa [hanay ng] mga tagapagtuwid [ng kamalian].”
وَجَآءَ رَجُلٞ مِّنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّ ٱلۡمَلَأَ يَأۡتَمِرُونَ بِكَ لِيَقۡتُلُوكَ فَٱخۡرُجۡ إِنِّي لَكَ مِنَ ٱلنَّٰصِحِينَ
Open ayah 28:20At isang lalaki ang dumating na humahangos mula sa malayong[dakong dulo ng] bayan. Siya ay nagsabi: “O Moises, katotohanan, ang mga bantog [na namumuno] ay nagpupulong tungkol sa iyo [na naglalayong] ikaw ay kanilang patayin, kaya lisanin mo [ang lungsod]. Tunay, na ako ay isang tapat na tagapayo sa iyo.”
فَخَرَجَ مِنۡهَا خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِي مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 28:21Kaya, kanyang nilisan ito, natatakot at naghihintay [na baka siya ay dakpin]. Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon, iligtas Mo po ako mula sa mga taong mapaggawa ng kamalian.”
وَلَمَّا تَوَجَّهَ تِلۡقَآءَ مَدۡيَنَ قَالَ عَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يَهۡدِيَنِي سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
Open ayah 28:22At nang siya ay mapagawi sa dakong [lupain ng] Madyan, siya ay nagsabi: “Maaaring ako ay patnubayan ng aking Panginoon sa maayos na landas.”
وَلَمَّا وَرَدَ مَآءَ مَدۡيَنَ وَجَدَ عَلَيۡهِ أُمَّةٗ مِّنَ ٱلنَّاسِ يَسۡقُونَ وَوَجَدَ مِن دُونِهِمُ ٱمۡرَأَتَيۡنِ تَذُودَانِۖ قَالَ مَا خَطۡبُكُمَاۖ قَالَتَا لَا نَسۡقِي حَتَّىٰ يُصۡدِرَ ٱلرِّعَآءُۖ وَأَبُونَا شَيۡخٞ كَبِيرٞ
Open ayah 28:23At nang siya ay nakarating sa patubigan [o balon] ng Madyan [Midian] kanyang natagpuan dito ang isang pangkat ng mga mamamayang nagpapainom [ng kanilang mga hayop], at kanyang natagpuan bukod sa
فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰٓ إِلَى ٱلظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّي لِمَآ أَنزَلۡتَ إِلَيَّ مِنۡ خَيۡرٖ فَقِيرٞ
Open ayah 28:24Kaya, kanyang pinainom [ang kanilang mga hayop] para sa kanilang dalawa, pagkaraan siya ay tumalikod patungo sa lilim, at nagsabi: “Aking Panginoon, ako po ay babaan Mo ng anumang buti na aking kailangan!”
فَجَآءَتۡهُ إِحۡدَىٰهُمَا تَمۡشِي عَلَى ٱسۡتِحۡيَآءٖ قَالَتۡ إِنَّ أَبِي يَدۡعُوكَ لِيَجۡزِيَكَ أَجۡرَ مَا سَقَيۡتَ لَنَاۚ فَلَمَّا جَآءَهُۥ وَقَصَّ عَلَيۡهِ ٱلۡقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفۡۖ نَجَوۡتَ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 28:25Pagkaraan, dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, nakikiming naglalakad. Siya ay nagsabi: “Katotohanan, ikaw ay inaanyayahan ng aking ama upang ikaw ay kanyang bayaran ng gantimpala dahil sa pagpapainom mo [sa mga hayop] para sa amin.” Kaya, nang siya ay dumating sa kanya [sa ama ng dalawang babae] at kanyang isinalaysay ang nangyari sa kanya, siya ay nagsabi: “Huwag kang matakot. Ikaw ay nakatakas mula sa mga taong mapaggawa ng kamalian.”
قَالَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا يَٰٓأَبَتِ ٱسۡتَـٔۡجِرۡهُۖ إِنَّ خَيۡرَ مَنِ ٱسۡتَـٔۡجَرۡتَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡأَمِينُ
Open ayah 28:26At sinabi [ng isa sa kanilang dalawa]: “O aking ama, kunin mo siya [bilang manggagawa]. Katotohanan, ang pinakamabuti sa isang kukunin mo [bilang manggagawa] ay isang malakas, at mapagkakatiwalaan.”
قَالَ إِنِّيٓ أُرِيدُ أَنۡ أُنكِحَكَ إِحۡدَى ٱبۡنَتَيَّ هَٰتَيۡنِ عَلَىٰٓ أَن تَأۡجُرَنِي ثَمَٰنِيَ حِجَجٖۖ فَإِنۡ أَتۡمَمۡتَ عَشۡرٗا فَمِنۡ عِندِكَۖ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أَشُقَّ عَلَيۡكَۚ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 28:27Siya ay nagsabi: “Hangad kong ipakasal sa iyo ang isa sa aking dalawang anak na babae, [sa kasunduang] ikaw ay maglilingkod sa akin nang walong taon; at kung ito ay gawin mong sampu [taon] ito ay [bilang kabutihang loob] mula sa iyo. Nguni’t hindi ko hahangarin na ikaw ay ilagay ko sa kahirapan. Ako ay iyong matatagpuan, sa kapahintulutan ng Allah, bilang isang matwid.
قَالَ ذَٰلِكَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَۖ أَيَّمَا ٱلۡأَجَلَيۡنِ قَضَيۡتُ فَلَا عُدۡوَٰنَ عَلَيَّۖ وَٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٞ
Open ayah 28:28Siya [si Moises] ay nagsabi: “Iyan ay [pinagtibay] sa pagitan ko at sa pagitan mo - na alinman sa dalawang kasunduan ang aking tuparin, walang di-makatarungan sa akin, at ang Allah ay Siyang Tagapangasiwa ng anumang ating pinag-uusapan.”
۞فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى ٱلۡأَجَلَ وَسَارَ بِأَهۡلِهِۦٓ ءَانَسَ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ نَارٗاۖ قَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ جَذۡوَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ لَعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ
Open ayah 28:29Kaya, nang lubos na natupad ni Moises ang kasunduan, at siya ay naglakbay kasama ng kanyang mag-anak, [at] kanyang nahiwatigan ang isang apoy sa dakong gawi ng Tur [bundok]. Siya ay nagsabi sa kanyang mag-anak: “Manatili kayo rito, katotohanan, ako ay nakahihiwatig ng isang apoy; maaaring ako ay makapagdala sa inyo mula roon ng [ilang bagay na] matutunan, o isang nag-aapoy na kahoy upang sakali kayo ay magpainit [ng inyong sarili].”
فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ مِن شَٰطِيِٕ ٱلۡوَادِ ٱلۡأَيۡمَنِ فِي ٱلۡبُقۡعَةِ ٱلۡمُبَٰرَكَةِ مِنَ ٱلشَّجَرَةِ أَن يَٰمُوسَىٰٓ إِنِّيٓ أَنَا ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 28:30Kaya, nang ito ay kanyang lapitan, siya ay tinawagan mula sa kanang bahagi ng lambak, sa pinagpalang pook - mula sa punongkahoy: “O Moises, katotohanan, ako ang Allah, ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].
وَأَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰٓ أَقۡبِلۡ وَلَا تَخَفۡۖ إِنَّكَ مِنَ ٱلۡأٓمِنِينَ
Open ayah 28:31“At [sinabi sa kanya], ihagis mo sa ibaba ang iyong tungkod.” Nguni’t nang ito ay kanyang nakitang pumupulupot na tila isang ahas, siya ay gulat na nagtatakbo, at hindi na ibinalik [ang paglingon]. [Sinabi ng Allah] “O Moises, [ikaw ay] lumapit at huwag kang matakot. Katotohanan, ikaw ay kabilang sa mga ligtas [mula sa panganib].
ٱسۡلُكۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖ وَٱضۡمُمۡ إِلَيۡكَ جَنَاحَكَ مِنَ ٱلرَّهۡبِۖ فَذَٰنِكَ بُرۡهَٰنَانِ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Open ayah 28:32“Isuksok mo ang iyong kamay sa bukasang [bahagi ng] iyong kasuutan [sa dibdib], ito ay lalabas na maputi, walang [bahid ng] sakit; at idikit mo [sa iyong dibdib] ang iyong kamay na malapit sa iyo [bilang pampigil] mula sa takot, sapagka’t iyan ay dalawang patunay mula sa iyong Panginoon [na inihanda] kay Paraon at sa kanyang mga namumuno. Katotohanan, sila ay mga taong suwail [sa Allah].
قَالَ رَبِّ إِنِّي قَتَلۡتُ مِنۡهُمۡ نَفۡسٗا فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ
Open ayah 28:33Siya [si Moises] ay nagsabi: “Aking Panginoon, katotohanang ako ay nakapatay ng isang kabilang sa kanila, at ako ay nangangamba na maaaring ako ay kanilang patayin.
وَأَخِي هَٰرُونُ هُوَ أَفۡصَحُ مِنِّي لِسَانٗا فَأَرۡسِلۡهُ مَعِيَ رِدۡءٗا يُصَدِّقُنِيٓۖ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ
Open ayah 28:34“At ang aking kapatid na si Aaron ay higit na mahusay kaysa sa akin sa dila [o pananalita]; kaya siya ay [Iyong] ipadalang kasama ko bilang tagapag-alalay upang magpatotoo sa akin. Katotohanan, ako ay nangangamba na ako ay kanilang itakwil.
قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجۡعَلُ لَكُمَا سُلۡطَٰنٗا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيۡكُمَا بِـَٔايَٰتِنَآۚ أَنتُمَا وَمَنِ ٱتَّبَعَكُمَا ٱلۡغَٰلِبُونَ
Open ayah 28:35Ang Allah ay nagsabi: “Aming patatatagin ang iyong mga bisig sa pamamagitan ng iyong kapatid, at Aming gagawin ang katibayan para sa inyong dalawa, upang kayo ay hindi nila magagawang abutan. Sa pamamagitan ng Aming ayaat [mga himala], kayong dalawa at yaong mga sumusunod sa inyo ang mangingibabaw.
فَلَمَّا جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّفۡتَرٗى وَمَا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِيٓ ءَابَآئِنَا ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 28:36Nguni’t, nang si Moises ay dumating sa kanila na dala ang Aming malilinaw na ayaat [babala o himala], sila ay nagsabi: “Ito ay walang anupaman maliban sa nilubid na salamangka, at hindi namin narinig ito [relihiyon] sa aming mga naunang ninuno.”
وَقَالَ مُوسَىٰ رَبِّيٓ أَعۡلَمُ بِمَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ مِنۡ عِندِهِۦ وَمَن تَكُونُ لَهُۥ عَٰقِبَةُ ٱلدَّارِۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Open ayah 28:37At si Moises ay nagsabi: “Ang aking Panginoon ang Siyang higit na nakaaalam [kaysa sa amin o sa inyo] ng sinumang dumating na may patnubay mula sa Kanya, at sino ang magiging maligaya sa tahanan. Katotohanan, ang mga mapaggawa ng kamalian ay hindi magtatagumpay.
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَأُ مَا عَلِمۡتُ لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرِي فَأَوۡقِدۡ لِي يَٰهَٰمَٰنُ عَلَى ٱلطِّينِ فَٱجۡعَل لِّي صَرۡحٗا لَّعَلِّيٓ أَطَّلِعُ إِلَىٰٓ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُۥ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Open ayah 28:38At si Paraon ay nagsabi: “O mga bantog [na namumuno], wala akong nakikilala sa inyo na may ibang [itinuturing na] diyos bukod sa akin. Kaya, ikaw, O Haman ay magpaningas [ng apoy] para sa akin [at maghurno] ng putik, at magtayo para sa akin ng isang bantayog upang sakali aking matanaw ang Diyos ni Moises; at katotohanan, siya ay aking itinuturing bilang isa sa mga sinungaling.”
وَٱسۡتَكۡبَرَ هُوَ وَجُنُودُهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ إِلَيۡنَا لَا يُرۡجَعُونَ
Open ayah 28:39At siya at ang kanyang mga kawal ay mapagmalaki sa lupain nang walang katuwiran, at sila ay nag-aakalang sila ay hindi [kailanman] ibabalik sa Amin.
فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 28:40Kaya, siya at ang kanyang mga kawal ay Aming kinuha [hinablot], at sila ay itinapon sa dagat. Kaya, inyong tunghayan kung paano ang naging wakas ng mga mapaggawa ng kamalian.
وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَئِمَّةٗ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلنَّارِۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا يُنصَرُونَ
Open ayah 28:41At sila ay Aming ginawang mga pinuno na nag-aanyaya tungo sa apoy; at sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, sila ay hindi matutulungan.
وَأَتۡبَعۡنَٰهُمۡ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا لَعۡنَةٗۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ هُم مِّنَ ٱلۡمَقۡبُوحِينَ
Open ayah 28:42At Aming pinangyaring sila ay maabutan sa mundong ito ng isang sumpa, at sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, sila ay kabilang sa mga hinamak [nawalan ng dangal at sawimpalad].
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ مِنۢ بَعۡدِ مَآ أَهۡلَكۡنَا ٱلۡقُرُونَ ٱلۡأُولَىٰ بَصَآئِرَ لِلنَّاسِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Open ayah 28:43At katiyakan Aming ipinagkaloob kay Moises ang Kasulatan, pagkaraang wasakin Namin ang naunang mga henerasyon, bilang liwanag para sa tao, at patnubay at habag upang sakali sila ay mapaalalahanan.
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلۡغَرۡبِيِّ إِذۡ قَضَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَى ٱلۡأَمۡرَ وَمَا كُنتَ مِنَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Open ayah 28:44At ikaw [O Muhammad] ay wala roon sa kanlurang bahagi [ng bundok], nang itinakda Namin kay Moises ang Kautusan, at ikaw ay hindi kabilang sa mga saksi [niyon].
وَلَٰكِنَّآ أَنشَأۡنَا قُرُونٗا فَتَطَاوَلَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡعُمُرُۚ وَمَا كُنتَ ثَاوِيٗا فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ تَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
Open ayah 28:45Nguni’t, Kami ay nagpalitaw ng [maraming] mga henerasyon [pagkaraan ni Moises] at pinahaba ang kanilang panahong itinagal. At ikaw [O Muhammad] ay hindi isang naninirahang kabilang ng mga mamamayan ng
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلطُّورِ إِذۡ نَادَيۡنَا وَلَٰكِن رَّحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٖ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Open ayah 28:46At ikaw [O Muhammad] ay wala sa paanan ng Tur [bundok] nang Kami ay manawagan [noon kay Moises]. Nguni’t [ikaw ay ipinadala] bilang isang habag mula sa iyong Panginoon upang ikaw ay magbigay-babala sa
وَلَوۡلَآ أَن تُصِيبَهُم مُّصِيبَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ فَيَقُولُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولٗا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ وَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 28:47At kung hindi lamang na ang isang pinsala ay dumapo sa kanila sanhi ng anumang ginawang [mga kasalanan] ng kanilang mga kamay at marahil sila ay magsasabi, “O Aming Panginoon, Bakit hindi Ka nagpadala sa amin ng isang sugo upang kami ay nakasunod sa Iyong mga ayaat [aral, kautusan] at naging kabilang ng mga naniniwala.”
فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ مِنۡ عِندِنَا قَالُواْ لَوۡلَآ أُوتِيَ مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ مُوسَىٰٓۚ أَوَلَمۡ يَكۡفُرُواْ بِمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ مِن قَبۡلُۖ قَالُواْ سِحۡرَانِ تَظَٰهَرَا وَقَالُوٓاْ إِنَّا بِكُلّٖ كَٰفِرُونَ
Open ayah 28:48Nguni’t, nang ang katotohanan ay dumating sa kanila mula sa Amin, sila ay nagsasabing: “Bakit hindi siya pinagkalooban nang katulad ng [ipinagkaloob] kay Moises? Hindi nga ba sila ay nagsipagtakwil sa anumang ipinagkaloob kay Moises noon? Sila ay nagsabi: “[Ito ay] dalawang gawa ng salamangka na nagtutulungan sa isa’t isa." At sila ay magsasabi: “Katotohanan, sa dalawang ito [sa Torah at Qur’an] kami ay mga dinaniniwala.”
قُلۡ فَأۡتُواْ بِكِتَٰبٖ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ هُوَ أَهۡدَىٰ مِنۡهُمَآ أَتَّبِعۡهُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 28:49Sabihin: “Kung gayon, magdala kayo ng aklat mula sa Allah na higit na makapapatnubay kaysa sa alin sa dalawang ito upang ito ay aking sundin, kung tunay nga na kayo ay makatotohanan.
فَإِن لَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكَ فَٱعۡلَمۡ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّنِ ٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ بِغَيۡرِ هُدٗى مِّنَ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 28:50Nguni’t, kung sila ay hindi makatugon sa iyo – magkagayon dapat mong malaman na sila ay sumusunod lamang sa kanilang [sariling] pagnanasa. At sino nga ba ang higit na naliligaw kundi ang isang sinusunod ang sariling
۞وَلَقَدۡ وَصَّلۡنَا لَهُمُ ٱلۡقَوۡلَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Open ayah 28:51At katiyakan, Kami ay [paulit-ulit] na naghatid sa kanila ng salita [itong Qur’an], upang sakali sila ay mapaalalahanan.
ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِهِۦ هُم بِهِۦ يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 28:52Yaong Aming mga pinagkalooban ng Kasulatan bago pa man ito - sila ang mga naniwala rito [sa Qur’an].
وَإِذَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦٓ إِنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّنَآ إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلِهِۦ مُسۡلِمِينَ
Open ayah 28:53At nang ito ay bigkasin sa kanila, sila ay nagsabing: “Kami ay naniniwala rito. Katunayan, ito ay katotohanang nagmula sa aming Panginoon. Tunay nga na kahit noon pa man kami ay nabibilang sa mga Muslim [na tumatalima sa Kanya].
أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡتَوۡنَ أَجۡرَهُم مَّرَّتَيۡنِ بِمَا صَبَرُواْ وَيَدۡرَءُونَ بِٱلۡحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
Open ayah 28:54Sila yaong mga pagkakalooban ng dalawang gantimpala para sa anumang kanilang pinagtiisang hirap, at [sapagka’t] sila ay umiiwas sa kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan, at gumugugol mula sa anumang [panustos] na Aming ipinagkaloob sa kanila.
وَإِذَا سَمِعُواْ ٱللَّغۡوَ أَعۡرَضُواْ عَنۡهُ وَقَالُواْ لَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡ لَا نَبۡتَغِي ٱلۡجَٰهِلِينَ
Open ayah 28:55At kung sila ay makarinig ng masamang pananalita, sila ay lumalayo mula rito at nagsasabing: “Para sa amin ang aming mga gawa at para sa inyo ang inyong mga gawa. Kapayapaan sa inyo; hindi namin hinahanap ang mga taong mangmang.
إِنَّكَ لَا تَهۡدِي مَنۡ أَحۡبَبۡتَ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Open ayah 28:56Katotohanan, [O Muhammad] hindi mo mapapatnubayan ang sinumang iyong kinalulugdan, nguni’t ang Allah ang nagpapatnubay sa sinumang Kanyang naisin. At Siya ang higit na Maalam sa [sinumang] napatnubayan.”
وَقَالُوٓاْ إِن نَّتَّبِعِ ٱلۡهُدَىٰ مَعَكَ نُتَخَطَّفۡ مِنۡ أَرۡضِنَآۚ أَوَلَمۡ نُمَكِّن لَّهُمۡ حَرَمًا ءَامِنٗا يُجۡبَىٰٓ إِلَيۡهِ ثَمَرَٰتُ كُلِّ شَيۡءٖ رِّزۡقٗا مِّن لَّدُنَّا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 28:57At sila [ang mga Quraish] ay nagsasabi: Kung kami ay susunod sa patnubay na kasama mo, kami ay mapapaalis mula sa aming mga lupain.” Hindi ba Kami ang nagtatag para sa kanila ng matiwasay na santuwaryo
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةِۭ بَطِرَتۡ مَعِيشَتَهَاۖ فَتِلۡكَ مَسَٰكِنُهُمۡ لَمۡ تُسۡكَن مِّنۢ بَعۡدِهِمۡ إِلَّا قَلِيلٗاۖ وَكُنَّا نَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Open ayah 28:58At ilang bayan na ba ang Aming winasak na [ang mamamayan nito] ay walang pagpapahalaga sa [paraan ng] pamumuhay nito, at iyan ang kanilang mga tirahan na hindi natirhan pagkaraan nila maliban sa maikling [panahon]. At katotohanan, Kami ang naging Tagapagmana.
وَمَا كَانَ رَبُّكَ مُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ حَتَّىٰ يَبۡعَثَ فِيٓ أُمِّهَا رَسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَاۚ وَمَا كُنَّا مُهۡلِكِي ٱلۡقُرَىٰٓ إِلَّا وَأَهۡلُهَا ظَٰلِمُونَ
Open ayah 28:59At kailanman ay hindi wawasakin ng iyong Panginoon ang mga bayan hanggang Kanyang isugo sa kanilang Inang Bayan ang isang sugo na bumibigkas sa kanila ng Aming ayaat [kapahayagan]. At hindi Namin winawasak ang mga bayan maliban na ang mga mamamayan nito ay mga mapaggawa ng kamalian.
وَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَيۡءٖ فَمَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتُهَاۚ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Open ayah 28:60At anumang bagay ang ipinagkaloob sa inyo [O mga tao] – ito ay [para lamang] sa kasiyahan ng makamundong buhay at ng palamuti [karangyaan] nito. At ang anumang nasa Allah ay higit na mabuti at nananatili; kaya hindi ba kayo makauunawa?
أَفَمَن وَعَدۡنَٰهُ وَعۡدًا حَسَنٗا فَهُوَ لَٰقِيهِ كَمَن مَّتَّعۡنَٰهُ مَتَٰعَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا ثُمَّ هُوَ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ
Open ayah 28:61Kaya, siya ba na Aming pinangakuan ng isang mabuting pangako na kanyang matatamo ay katulad ng isang pinagkalooban Namin ng kasiyahan ng makamundong buhay, nguni’t siya, sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, ay kabilang sa mga ihaharap [upang parusahan sa Impiyerno]?
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
Open ayah 28:62At [magbabala] sa Araw na sila ay Kanyang tatawagin at sasabihing: “Nasaan yaong [sinasabi ninyong] Aking mga katambal na inyong laging iginigiit?”
قَالَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَغۡوَيۡنَآ أَغۡوَيۡنَٰهُمۡ كَمَا غَوَيۡنَاۖ تَبَرَّأۡنَآ إِلَيۡكَۖ مَا كَانُوٓاْ إِيَّانَا يَعۡبُدُونَ
Open ayah 28:63Yaong [mga tao] na ang salita [o parusa] ay nakatakdang ipatupad sa kanila ay magsasabing: “Aming Panginoon, iyan ang mga [taong] aming inakay sa pagkaligaw. Sila ay aming iniligaw tulad naming mga nangaligaw. Aming ipinahahayag ang pagtitiwalag mula sa kanila hinggil sa Iyo. Sila ay lagi nang hindi sumasamba [o sumusunod] sa amin.”
وَقِيلَ ٱدۡعُواْ شُرَكَآءَكُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَرَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۚ لَوۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ يَهۡتَدُونَ
Open ayah 28:64At ito ang sasabihin sa kanila: “Manawagan kayo sa inyong [sinasabing] mga katambal [ng Allah],” at sila ay mananawagan sa kanila, nguni’t sila ay hindi makatutugon sa kanila, at kanilang makikita ang parusa. [Sila ay magnanais na] kung sila lamang ay sumunod sa patnubay.
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ مَاذَآ أَجَبۡتُمُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 28:65At [alalahanin] ang Araw na Siya ay mananawagan sa kanila, at magsasabing: “Ano ang inyong kasagutan sa mga sugo?”
فَعَمِيَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَنۢبَآءُ يَوۡمَئِذٖ فَهُمۡ لَا يَتَسَآءَلُونَ
Open ayah 28:66Subali’t, ang balita ay magiging malabo para sa kanila sa Araw na iyon, at sila ay hindi makapagtatanong sa isa’t isa.
فَأَمَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَعَسَىٰٓ أَن يَكُونَ مِنَ ٱلۡمُفۡلِحِينَ
Open ayah 28:67Nguni’t, sa sinumang nagsisi, naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, ito ay inasahan [o ipinangako ng Allah] na siya ay magiging kabilang sa [hanay ng] mga magtatagumpay.
وَرَبُّكَ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُ وَيَخۡتَارُۗ مَا كَانَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Open ayah 28:68At ang iyong Panginoon ay lumilikha ng anumang Kanyang nais at piliin: hindi para sa kanila ang pagpili. Luwalhati sa Allah, at Siya ay [higit na] Mataas sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].
وَرَبُّكَ يَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Open ayah 28:69At ang iyong Panginoon ay nakaaalam kung ano ang itinatago ng kanilang dibdib, at kung ano ang kanilang inihahayag.
وَهُوَ ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلۡأُولَىٰ وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَلَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 28:70At Siya ang Allah: walang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Sa Kanya nauukol ang lahat ng papuri sa una [sa mundo] at sa huli [sa kabilang buhay]. At sa Kanya ang [huling] pagpapasiya, at sa Kanya kayong [lahat] ay ibabalik.
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلَّيۡلَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِضِيَآءٍۚ أَفَلَا تَسۡمَعُونَ
Open ayah 28:71Sabihin: Isinaalang-alang ba ninyo: na kung ginawa ng Allah na tuluytuloy ang gabi para sa inyo hanggang sa [pagsapit ng] Araw ng Pagkabuhay na Muli, sino kayang diyos bukod sa Allah ang maaaring magdala sa inyo ng liwanag? Hindi ba kayo kung gayon makikinig?
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلنَّهَارَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِلَيۡلٖ تَسۡكُنُونَ فِيهِۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
Open ayah 28:72Sabihin: Isinaalang-alang ba ninyo: na kung ginawa ng Allah na tuluytuloy ang araw para sa inyo hanggang sa [pagsapit ng] Araw ng Pagkabuhay na Muli, sino kayang diyos bukod sa Allah ang maaaring
وَمِن رَّحۡمَتِهِۦ جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Open ayah 28:73At dahil sa Kanyang habag, ginawa Niya para sa inyo ang gabi at ang araw upang kayo ay mamahinga roon at [sa araw] ay inyong hanapin ang Kanyang biyaya at upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
Open ayah 28:74At [magbabala] sa Araw na sila ay Kanyang tatawagin at magsasabing: “Nasaan ang [mga sinasabi ninyong] Aking mga ‘katambal’ na lagi ninyong [pilit na] iginigiit?
وَنَزَعۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا فَقُلۡنَا هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ فَعَلِمُوٓاْ أَنَّ ٱلۡحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Open ayah 28:75At Aming hahanguin mula sa bawa’t pamayanan ang isang saksi at sasabihing: “Magpakita kayo ng inyong mga patunay.” Kaya, kanilang mapag-aalaman na ang katotohanan ay nasa Allah, at maglalaho mula sa kanila ang anumang [kasinungalingang] kanilang lagi ng nilulubid.
۞إِنَّ قَٰرُونَ كَانَ مِن قَوۡمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيۡهِمۡۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡكُنُوزِ مَآ إِنَّ مَفَاتِحَهُۥ لَتَنُوٓأُ بِٱلۡعُصۡبَةِ أُوْلِي ٱلۡقُوَّةِ إِذۡ قَالَ لَهُۥ قَوۡمُهُۥ لَا تَفۡرَحۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡفَرِحِينَ
Open ayah 28:76Katotohanan, si Qarun [Korah] ay mula sa mga mamamayan ni Moises, nguni’t siya ay nang-abuso sa kanila. At siya ay Aming pinagkalooban ng yaman na ang mga susi ay pinapasan ng mga malalakas na tao. Dahil dito
وَٱبۡتَغِ فِيمَآ ءَاتَىٰكَ ٱللَّهُ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَۖ وَلَا تَنسَ نَصِيبَكَ مِنَ ٱلدُّنۡيَاۖ وَأَحۡسِن كَمَآ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ إِلَيۡكَۖ وَلَا تَبۡغِ ٱلۡفَسَادَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 28:77Nguni’t hanapin, sa pamamagitan ng anumang ipinagkaloob ng Allah sa iyo, ang tahanan ng kabilang buhay, at [gayunpaman] huwag mong kalimutan ang iyong bahagi sa mundo; at gumawa ng kabutihan tulad ng ginawang kabutihan ng Allah sa iyo, at huwag kang magnasa ng katiwalian sa kalupaan. Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga mapaggawa ng katiwalian.
قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلۡمٍ عِندِيٓۚ أَوَلَمۡ يَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَهۡلَكَ مِن قَبۡلِهِۦ مِنَ ٱلۡقُرُونِ مَنۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُ قُوَّةٗ وَأَكۡثَرُ جَمۡعٗاۚ وَلَا يُسۡـَٔلُ عَن ذُنُوبِهِمُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Open ayah 28:78Siya ay nagsabi: “Ako ay napagkalooban lamang nito nang dahil sa aking taglay na kaalaman.” Hindi ba niya nalalaman na winasak ng Allah ang mga henerasyong nauna sa kanya na higit na malakas kaysa sa kanya sa kapangyarihan at nakahihigit sa dami ng [yamang] pinagtitipunan? Nguni’t ang mga mapaggawa ng kabuktutan ay hindi na tatanungin tungkol sa kanilang mga kasalanan.
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ فِي زِينَتِهِۦۖ قَالَ ٱلَّذِينَ يُرِيدُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا يَٰلَيۡتَ لَنَا مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ قَٰرُونُ إِنَّهُۥ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٖ
Open ayah 28:79Kaya siya ay lumabas harap ng kanyang mga mamamayan sa marangya niyang palamuti. Yaong mga naghahangad sa makamundong buhay ay nagsabi: “Nawa’y magkaroon din kami [ng yamang] tulad ng anumang ipinagkaloob kay Qarun! Katotohanan, siya ay nagmamay-ari ng malaking bahagi [ng yaman sa mundo].”
وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ وَيۡلَكُمۡ ثَوَابُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لِّمَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗاۚ وَلَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلصَّٰبِرُونَ
Open ayah 28:80Nguni’t yaong mga pinagkalooban ng kaalaman ay nagsabi: “Kasawian sa inyo! Ang gantimpala ng Allah ay higit na mabuti para sa sinumang naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid. Walang sinuman ang pinagkakalooban nito maliban sa mga matiisin.”
فَخَسَفۡنَا بِهِۦ وَبِدَارِهِ ٱلۡأَرۡضَ فَمَا كَانَ لَهُۥ مِن فِئَةٖ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُنتَصِرِينَ
Open ayah 28:81Kaya, Aming pinangyaring siya at ang kanyang pamamahay ay lulunin ng lupa. Kaya, wala siyang kasamahan upang tumulong sa kanya bukod sa Allah, at hindi rin siya kabilang sa mga [maaaring] magtanggol sa kanilang mga sarili.
وَأَصۡبَحَ ٱلَّذِينَ تَمَنَّوۡاْ مَكَانَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَقُولُونَ وَيۡكَأَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُۖ لَوۡلَآ أَن مَّنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا لَخَسَفَ بِنَاۖ وَيۡكَأَنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Open ayah 28:82At yaong mga nagnasa [sa katayuang tulad] ng katayuan niya noong nagdaang araw ay nagsimulang magsabing: “Ah pinararami ng Allah ang panustos sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin at [Siya
تِلۡكَ ٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ نَجۡعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوّٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فَسَادٗاۚ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلۡمُتَّقِينَ
Open ayah 28:83Ito ang tahanan sa kabilang buhay na Aming ilalaan para sa mga hindi naghahangad ng pagmamataas sa kalupaan at ng katiwalian. At ang [mabuting] wakas ay para sa mga natatakot [sa Allah].
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجۡزَى ٱلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 28:84Sinuman ang dumating [sa Araw ng Paghuhukom] na may dalang kabutihan, siya ay magkakaroon ng higit [na kabutihan] kaysa rito; at sinuman ang may dalang kasamaan – yaong mga gumawa ng masamang gawain ay hindi pagbabayarin maliban [ito ay hindi hihigit] sa anumang kanilang laging ginagawa.
إِنَّ ٱلَّذِي فَرَضَ عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لَرَآدُّكَ إِلَىٰ مَعَادٖۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ مَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ وَمَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Open ayah 28:85Katotohanan, Siya na nag-atas sa iyo ng Qur’an ay katiyakang ikaw ay muli [Niyang] dadalhin sa isang pook ng pagbabalik. Sabihin mo [O Muhammad]: “Ang aking Panginoon ay nakababatid sa sinumang may dalang patnubay, at sa sinumang nasa hayag na pagkaligaw.
وَمَا كُنتَ تَرۡجُوٓاْ أَن يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبُ إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرٗا لِّلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 28:86At hindi mo inaasahan na ang Aklat [itong Qur’an] ay ihatid sa iyo, nguni’t ito ay [tanda ng] habag na nagmumula sa iyong Panginoon. Kaya, huwag kang maging tagapag-alalay para sa mga di-naniniwala.
وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بَعۡدَ إِذۡ أُنزِلَتۡ إِلَيۡكَۖ وَٱدۡعُ إِلَىٰ رَبِّكَۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 28:87At huwag mong hayaan [O Muhammad] na ikaw ay kanilang hadlangan mula sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah pagkaraang ang mga ito ay ibaba [o ipahayag] sa iyo: at anyayahan [ang mga tao] sa iyong Panginoon at huwag kang makibilang sa mga nagtatambal [sa Kanya].
وَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۘ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ كُلُّ شَيۡءٍ هَالِكٌ إِلَّا وَجۡهَهُۥۚ لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 28:88At huwag kang manawagan [o manalangin] sa Allah nang may kasamang ibang diyos. [Sapagkat] walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Ang lahat ng bagay ay maglalaho maliban sa Kanyang Mukha. Sa Kanya ang paghatol, at sa Kanya - kayong [lahat] ay ibabalik.