العنكبوت
Al-Ankaboot
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓمٓ
Open ayah 29:1Alif,Lam,Mim.
أَحَسِبَ ٱلنَّاسُ أَن يُتۡرَكُوٓاْ أَن يَقُولُوٓاْ ءَامَنَّا وَهُمۡ لَا يُفۡتَنُونَ
Open ayah 29:2Inaakala ba ng mga tao na sila ay pababayaan na lamang sapagka’t sila ay nagsasabing: “Kami ay naniniwala,” at sila ay hindi na susubukan?
وَلَقَدۡ فَتَنَّا ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَلَيَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْ وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Open ayah 29:3At katiyakan, Aming sinubukan yaong mga nauna sa kanila. At katiyakang ipababatid ng Allah [sa pamamagitan ng pagsubok] yaong mga makatotohanan, at katiyakang Kanyang ipababatid ang mga sinungaling,
أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن يَسۡبِقُونَاۚ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ
Open ayah 29:4O inaakala ba niyaong mga gumagawa ng kasamaan na Kami ay kanilang mapangungunahan [o malalagpasan]? Kasamaan ang [dulot ng] anumang kanilang paghatol.
مَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ ٱللَّهِ فَإِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ لَأٓتٖۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 29:5Sinumang umaasa para sa pakikipagharap sa Allah – katotohanan, ang panahon [na itinakda] ng Allah ay darating. At Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.
وَمَن جَٰهَدَ فَإِنَّمَا يُجَٰهِدُ لِنَفۡسِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَنِيٌّ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 29:6At sinuman ang nagpupunyagi ay nagpupunyagi para sa [kapakanan ng] kanyang sarili. Katotohanan, ang Allah ay Mayaman, [walang kailangan] sa mga nilikha,
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَنُكَفِّرَنَّ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَحۡسَنَ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 29:7At yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, katiyakang Aming papawiin mula sa kanila ang kanilang mga kasamaan at katiyakang sila ay Aming gagantimpalaan nang ayon sa kanilang mabuting ginawa.
وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حُسۡنٗاۖ وَإِن جَٰهَدَاكَ لِتُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٞ فَلَا تُطِعۡهُمَآۚ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 29:8At Aming itinagubilin sa tao ang pagiging mabuti sa kanilang mga magulang; nguni’t kung sila [mga magulang] ay magpunyagi upang ikaw ay magtambal sa Akin na wala kang kaalaman nito, samakatwid, sila ay huwag
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَنُدۡخِلَنَّهُمۡ فِي ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 29:9At yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid - katiyakan, sila ay Aming papapasukin [sa Paraiso] kabilang ng mga matutuwid.
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ فَإِذَآ أُوذِيَ فِي ٱللَّهِ جَعَلَ فِتۡنَةَ ٱلنَّاسِ كَعَذَابِ ٱللَّهِۖ وَلَئِن جَآءَ نَصۡرٞ مِّن رَّبِّكَ لَيَقُولُنَّ إِنَّا كُنَّا مَعَكُمۡۚ أَوَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَعۡلَمَ بِمَا فِي صُدُورِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 29:10At sa mga tao ay may ilang nagsasabing: “Kami ay naniniwala sa Allah,” nguni’t kapag ang isa [sa kanila] ay dumanas [ng hirap] para sa [Landas ng] Allah, kanilang itinuturing ang pagsubok [o hirap] ng mga tao bilang parusa ng Allah. At kung ang tagumpay ay dumating mula sa iyong Panginoon, sila ay nagsasabi: “Katotohanan, Kami ay nasa inyong panig.” Hindi ba ang Allah ang Lubos na Nakababatid ng anumang nasa dibdib ng lahat [ng mga nilikha].
وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ
Open ayah 29:11At katiyakang nababatid ng Allah yaong mga naniniwala, at katiyakan na Kanyang nababatid yaong mga mapagkunwari.
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّبِعُواْ سَبِيلَنَا وَلۡنَحۡمِلۡ خَطَٰيَٰكُمۡ وَمَا هُم بِحَٰمِلِينَ مِنۡ خَطَٰيَٰهُم مِّن شَيۡءٍۖ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Open ayah 29:12At yaong mga di-naniniwala ay nagsasabi sa mga naniniwala, “Kayo ay sumunod sa aming landas [o pamamaraan], at aming papasanin ang inyong mga kasalanan.” Subali’t sila ay hindi magpapasan ng alinmang bagay mula sa kanilang mga kasalanan. Katotohanan, sila ay mga sinungaling!
وَلَيَحۡمِلُنَّ أَثۡقَالَهُمۡ وَأَثۡقَالٗا مَّعَ أَثۡقَالِهِمۡۖ وَلَيُسۡـَٔلُنَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَمَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Open ayah 29:13At katiyakan sila ay magpapasan ng kanilang [sariling] mga dalahin, at [ibang] mga dalahing kasama ng kanilang mga dalahin, at katiyakang sila ay tatanungin sa Araw ng Pagkabuhay na Muli tungkol sa anumang kanilang laging nilulubid [na kasinungalingan].
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَلَبِثَ فِيهِمۡ أَلۡفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمۡسِينَ عَامٗا فَأَخَذَهُمُ ٱلطُّوفَانُ وَهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Open ayah 29:14At katiyakan, Aming isinugo si Noah sa kanyang mga mamamayan, at siya ay nanatili sa kanila sa loob ng isang libong mga taon kulang ng limampung taon; at ang delubyo [malaking baha] ay humablot sa kanila habang sila ay mga mapaggawa ng kamalian.
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَصۡحَٰبَ ٱلسَّفِينَةِ وَجَعَلۡنَٰهَآ ءَايَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 29:15Nguni’t, siya ay Aming iniligtas at yaong mga kasamahan ng sasakyangdagat, at ito ay ginawa Namin [ang sasakyang-dagat] bilang isang ayah [babala] para sa lahat [ng mga nilikha].
وَإِبۡرَٰهِيمَ إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُۖ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Open ayah 29:16At [Aming ipinadala] si Abraham nang kanyang sinabi sa kanyang mga mamamayan: “Sambahin ninyo ang Allah, at Siya ay inyong katakutan. Iyan ay makabubuti para sa inyo, kung [ito] ay inyo lamang nababatid.
إِنَّمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَٰنٗا وَتَخۡلُقُونَ إِفۡكًاۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَمۡلِكُونَ لَكُمۡ رِزۡقٗا فَٱبۡتَغُواْ عِندَ ٱللَّهِ ٱلرِّزۡقَ وَٱعۡبُدُوهُ وَٱشۡكُرُواْ لَهُۥٓۖ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 29:17“Kayo ay sumasamba bukod sa Allah, ng mga idolo [mga huwad na diyos], at kayo ay nakagawa ng mga hinabi [at tahi-tahing kasinungalingan]. Katotohanan, yaong inyong mga sinasamba bukod sa Allah ay walang taglay na kapangyarihan para sa inyo [upang magbigay] ng panustos. Kaya, inyong hanapin sa Allah ang inyong panustos, at Siya ay inyong sambahin at kayo ay magpasalamat sa Kanya. [Sapagka’t] sa Kanya kayo ay ibabalik.”
وَإِن تُكَذِّبُواْ فَقَدۡ كَذَّبَ أُمَمٞ مِّن قَبۡلِكُمۡۖ وَمَا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Open ayah 29:18“At kung kayo [mga tao] ay magtatakwil [sa mensahe], katotohanan, maging ang mga pamayanang nauna sa inyo ay nagtakwil na. At walang nakaatang sa Sugo maliban [ang tungkuling] ipalaganap nang malinaw [ang mensahe].”
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ كَيۡفَ يُبۡدِئُ ٱللَّهُ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥٓۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Open ayah 29:19Hindi ba nila isinaalang-alang kung paano sinimulan ng Allah ang paglikha, pagkaraan ay uulitin ito? Katotohanan, iyan ay [sadyang] madali para sa Allah.
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ بَدَأَ ٱلۡخَلۡقَۚ ثُمَّ ٱللَّهُ يُنشِئُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأٓخِرَةَۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 29:20Sabihin mo [O Muhammad]: “Magsipaglakbay kayo sa mga lupain at inyong tunghayan kung paano Niya sinimulan ang paglikha. Pagkaraan, ang Allah ay gagawa ng huling paglikha [sa Araw ng Pagkabuhay na Muli]. Katotohanan, ang Allah ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
يُعَذِّبُ مَن يَشَآءُ وَيَرۡحَمُ مَن يَشَآءُۖ وَإِلَيۡهِ تُقۡلَبُونَ
Open ayah 29:21“Kanyang pinarurusahan ang sinumang Kanyang nais at Kanyang kinahahabagan ang sinumang Kanyang nais, at sa Kanya kayo ay muling ibabalik.
وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ
Open ayah 29:22“At hindi ninyo mabibigo [o matatakasan ang Allah] sa ibabaw man ng lupa o maging sa kalangitan. At bukod sa Allah, wala kayong magiging wali [tagapangalaga, tagapagtaguyod] at walang makatutulong.”
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَلِقَآئِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ يَئِسُواْ مِن رَّحۡمَتِي وَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 29:23At yaong mga di-naniniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah at sa pakikipagharap sa Kanya [sa kabilang buhay] - sila yaong mga nawalan ng pag-asa sa Aking habag at sa kanila ay isang mahapding parusa.
فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱقۡتُلُوهُ أَوۡ حَرِّقُوهُ فَأَنجَىٰهُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلنَّارِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 29:24Kaya, ang kasagutan ng kanyang mga mamamayan ay walang anupaman malibang sila ay nagsabing: “Siya [si Abraham] ay inyong patayin o siya ay inyong sunugin.” Subali’t, siya ay iniligtas ng Allah mula sa apoy. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [aral o tanda] para sa mga taong naniniwala.
وَقَالَ إِنَّمَا ٱتَّخَذۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَٰنٗا مَّوَدَّةَ بَيۡنِكُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ ثُمَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكۡفُرُ بَعۡضُكُم بِبَعۡضٖ وَيَلۡعَنُ بَعۡضُكُم بَعۡضٗا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Open ayah 29:25At [si Abraham ay] nagsabi: “At kayo ay kumuha lamang bukod sa Allah, ng mga idolo [mga diyus-diyusan] bilang [isang bigkis ng] pagmamahal sa inyong pagitan sa makamundong buhay. Nguni’t sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, kayo ay magtatakwil sa isa’t isa, at inyong susumpain ang isa’t isa, at ang inyong hantungan ay ang Apoy, at wala kayong [matatagpuang] makakatulong.”
۞فَـَٔامَنَ لَهُۥ لُوطٞۘ وَقَالَ إِنِّي مُهَاجِرٌ إِلَىٰ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 29:26Kaya, si Lot ay naniwala sa kanya [kay Abraham]. Siya [si Abraham] ay nagsabi: “Ako ay mangingibang-bayan [hijrah] para [maglingkod] sa aking Panginoon. Katotohanan, Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.”
وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِ ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَ وَءَاتَيۡنَٰهُ أَجۡرَهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 29:27At Aming iginawad sa kanya [kay Abraham] sina Isaak at Hakob, at Aming itinalaga sa kanyang mga anak ang [tungkulin ng] pagiging propeta at kasulatan. At Aming ipinagkaloob sa kanya ang kanyang gantimpala sa mundong ito. At katotohanan, siya ay nabibilang sa [hanay ng mga] matutuwid sa kabilang buhay.
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ إِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مَا سَبَقَكُم بِهَا مِنۡ أَحَدٖ مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 29:28At [banggitin mo] si Lot, nang siya ay magsabi sa kanyang mga mamamayan, “Katotohanang kayo ay nagkasala ng gayong kahalayan, na walang isa mang nauna sa inyo [ang nakagawa] nito sa lahat [ng mga nilikha].
أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ وَتَقۡطَعُونَ ٱلسَّبِيلَ وَتَأۡتُونَ فِي نَادِيكُمُ ٱلۡمُنكَرَۖ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱئۡتِنَا بِعَذَابِ ٱللَّهِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Open ayah 29:29"Katotohanan, inyong nilalapitan ang [inyong kapwa] mga lalake, at inyong hinaharangan ang mga daraanan. At gumagawa ng [bawa’t] kasamaan sa inyong mga pagtitipon." Nguni’t ang kasagutan ng kanyang mga mamamayan ay walang anupaman maliban na sila ay nagsabing: “Dalhin mo sa amin ang parusa ng Allah kung ikaw nga ay isa sa makatotohanan.”
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Open ayah 29:30Siya ay nagsabi: “O aking Panginoon, tulungan Mo po ako laban sa mga taong mapaggawa ng katiwalian.”
وَلَمَّا جَآءَتۡ رُسُلُنَآ إِبۡرَٰهِيمَ بِٱلۡبُشۡرَىٰ قَالُوٓاْ إِنَّا مُهۡلِكُوٓاْ أَهۡلِ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِۖ إِنَّ أَهۡلَهَا كَانُواْ ظَٰلِمِينَ
Open ayah 29:31At nang ang Aming mga sugong [anghel] ay dumating kay Abraham na may dalang magandang balita,
قَالَ إِنَّ فِيهَا لُوطٗاۚ قَالُواْ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَن فِيهَاۖ لَنُنَجِّيَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Open ayah 29:32Sinabi [ni Abraham]: “Katotohanan, si Lot ay naroroon.” Sila [mga anghel] ay nagsabi: “Kami ay higit na nakababatid kung sino ang naroroon, katiyakang siya ay aming ililigtas at ang kanyang mag-anak maliban sa kanyang asawa; siya ay kabilang ng mga maiiwan.”
وَلَمَّآ أَن جَآءَتۡ رُسُلُنَا لُوطٗا سِيٓءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعٗاۖ وَقَالُواْ لَا تَخَفۡ وَلَا تَحۡزَنۡ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهۡلَكَ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Open ayah 29:33At nang ang Aming mga sugo ay dumating kay Lot, siya ay nanlumo para sa kanila, at nakaramdam ng malaking pagkabalisa. Sila ay nagsabi: “Huwag kang mangamba, at huwag kang malungkot. Katotohanan, ikaw at ang iyong mag-anak ay aming ililigtas maliban sa iyong asawa: siya ay kabilang ng mga maiiwan.
إِنَّا مُنزِلُونَ عَلَىٰٓ أَهۡلِ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِ رِجۡزٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ
Open ayah 29:34“Katotohanan, Aming ibababa sa mga mamamayan ng bayang ito ang salot [parusa] mula sa kalangitan sapagka’t sila ay naging suwail.”
وَلَقَد تَّرَكۡنَا مِنۡهَآ ءَايَةَۢ بَيِّنَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Open ayah 29:35At katiyakan na Kami ay nag-iwan dito ng isang ayah [aral, tanda] bilang malinaw na katibayan para sa mamamayang marunong makaunawa.
وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗا فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱرۡجُواْ ٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
Open ayah 29:36At sa [mga mamamayan ng] Madyan, [Aming isinugo] ang kanilang kapatid na si Shu’aib at siya ay nagsabi [at nag-anyayang]: “O aking mga mamamayan, sambahin ninyo ang Allah, at kayo ay umasa sa Huling Araw, at huwag kayong magsigawa ng kaguluhan sa kalupaan, naghahasik ng katiwalian.”
فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دَارِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Open ayah 29:37Subali’t, siya ay kanilang itinakwil: kaya, sila ay hinablot ng lindol at sila ay [patay na] nakahandusay sa loob ng kanilang mga pamamahay.
وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَقَد تَّبَيَّنَ لَكُم مِّن مَّسَٰكِنِهِمۡۖ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَكَانُواْ مُسۡتَبۡصِرِينَ
Open ayah 29:38At [gayundin, Aming winasak] ang [mga mamamayan ng] 'Aad at ang [mga Tribu ng] Thamud, at [ito ay] naging malinaw sa inyo mula sa [bakas] ng kanilang mga [gumuhong] tirahan. At ginawang kaaya-aya sa kanila ng satanas ang kanilang mga [masasamang] gawa, at sila ay hinadlangan mula sa landas, bagaman sila ay ginawaran ng matalinong pang-unawa.
وَقَٰرُونَ وَفِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كَانُواْ سَٰبِقِينَ
Open ayah 29:39At [Aming pinuksa] sina Qarun [Korah], Paraon, at Haman. At katotohanan, si Moises ay dumating sa kanila na may dalang malilinaw na ayaat [kapahayagan at babala]; nguni’t, sila ay naging [lubhang] mapagmalaki sa mga lupain, at [gayunpaman] hindi nila nagawang pangunahan [o lagpasan at takasan ang Aming parusa].
فَكُلًّا أَخَذۡنَا بِذَنۢبِهِۦۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِ حَاصِبٗا وَمِنۡهُم مَّنۡ أَخَذَتۡهُ ٱلصَّيۡحَةُ وَمِنۡهُم مَّنۡ خَسَفۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ وَمِنۡهُم مَّنۡ أَغۡرَقۡنَاۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظۡلِمَهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Open ayah 29:40Kaya, bawa’t isa [sa kanila] ay Aming hinablot sanhi ng kanilang mga kasalanan. At kabilang sa kanila ay yaong Aming mga pinadalhan ng isang unos na may dalang mga bato; at kabilang sa kanila ay inabutan [o dinatnan] ng as-sayhah [mula sa langit]. At kabilang sa kanila ay yaong mga pinangyari Naming lulunin ng lupa, at kabilang sa kanila ay Aming nilunod. At hindi ang Allah ang nagmali sa kanila, bagkus, sila ang gumawa ng kamalian sa kanilang mga sarili.
مَثَلُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَ كَمَثَلِ ٱلۡعَنكَبُوتِ ٱتَّخَذَتۡ بَيۡتٗاۖ وَإِنَّ أَوۡهَنَ ٱلۡبُيُوتِ لَبَيۡتُ ٱلۡعَنكَبُوتِۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 29:41Ang kahalintulad niyaong mga nagtuturing ng ibang awliyah [tagapangalaga] bukod sa Allah ay katulad ng isang gagamba na gumawa ng isang [guwang] bahay; nguni’t katotohanan, ang pinakamarupok [mabuway] sa lahat ng bahay ay ang bahay ng isang gagamba - kung ito ay kanilang nababatid lamang.
إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 29:42Katotohanan, nababatid ng Allah ang anumang bagay na kanilang dinadalanginan [o tinatawagan] bukod sa Kanya. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
وَتِلۡكَ ٱلۡأَمۡثَٰلُ نَضۡرِبُهَا لِلنَّاسِۖ وَمَا يَعۡقِلُهَآ إِلَّا ٱلۡعَٰلِمُونَ
Open ayah 29:43At itong mga paghahalintulad [o halimbawa] ay Aming inilahad para sa sangkatauhan [upang magbigay-aral]; nguni’t walang makauunawa sa mga ito maliban sa mga may kaalaman.
خَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 29:44Nilikha ng Allah ang mga kalangitan at kalupaan sa katotohanan. Tunay na naririto ang isang ayah [aral o tanda] para sa mga naniniwala.
ٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَۖ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ تَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۗ وَلَذِكۡرُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَصۡنَعُونَ
Open ayah 29:45Bigkasin mo [O Muhammad] ang anumang ipinahayag sa iyo sa Aklat, at magsagawa ng pagdarasal. Katotohanan, ang pagdarasal ay pumipigil sa mga kahalayan at kasamaan. At katiyakan ang pag-alaala sa Allah ay higit na dakila. At ang Allah ay nakababatid sa anumang inyong mga ginagawa.
۞وَلَا تُجَٰدِلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ إِلَّا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡۖ وَقُولُوٓاْ ءَامَنَّا بِٱلَّذِيٓ أُنزِلَ إِلَيۡنَا وَأُنزِلَ إِلَيۡكُمۡ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمۡ وَٰحِدٞ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ
Open ayah 29:46At huwag kayong makipagtalo sa mga Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] maliban sa paraang pinakamabuti, [at] maliban para sa mga gumagawa ng di-makatarungan sa kanila, at [ito ang inyong] sabihin: “Kami ay naniniwala sa anumang ipinahayag sa amin at ipinahayag sa inyo; ang aming Diyos at ang inyong Diyos ay isa; at kami ay tumatalima [sa Kanya bilang mga Muslim].”
وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَۚ فَٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۖ وَمِنۡ هَٰٓؤُلَآءِ مَن يُؤۡمِنُ بِهِۦۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا ٱلۡكَٰفِرُونَ
Open ayah 29:47At [tulad ng mga naunang kapahayagan ay] ganyan din Namin ipinahayag ang Aklat [Qur’an] sa iyo [O Muhammad]. Kaya, yaong Aming mga pinagkalooban ng kasulatan [noon] ay naniwala rito. At kabilang sa mga ito [sa mamamayan ng Makkah] ay yaong mga naniniwala rito. At walang tumatanggi sa Aming mga ayaat [kapahayagan] maliban sa mga dinaniniwala.
وَمَا كُنتَ تَتۡلُواْ مِن قَبۡلِهِۦ مِن كِتَٰبٖ وَلَا تَخُطُّهُۥ بِيَمِينِكَۖ إِذٗا لَّٱرۡتَابَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
Open ayah 29:48At ikaw [O Muhammad] ay hindi nakapagbigkas ng alinmang aklat na una pa rito [sa Qur’an], at hindi rin nakapagsulat ng alinmang aklat sa iyong kanang kamay. Kaya, [kung nangyari nga ang gayon, maaaring] ang mga
بَلۡ هُوَ ءَايَٰتُۢ بَيِّنَٰتٞ فِي صُدُورِ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا ٱلظَّٰلِمُونَ
Open ayah 29:49Bagkus, ito [Qur’an] ay mga malilinaw na kapahayagan [na itinanim] sa dibdib niyaong mga pinagkalooban ng kaalaman. At walang sinuman ang tumatanggi sa Aming mga ayaat [kapahayagan] maliban sa mga mapaggawa ng kamalian.
وَقَالُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَٰتٞ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡأٓيَٰتُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Open ayah 29:50At sila ay nagsasabi: “Bakit walang ayah [kapahayagan, palatandaan o himala] ang ipinahahayag [o ibinababa] sa kanya mula sa kanyang Panginoon?” Sabihin: “Ang mga ayaat [kapahayagan, palatandaan o himala] ay nasa Allah, at ako ay isa lamang malinaw na tagapagbabala.”
أَوَلَمۡ يَكۡفِهِمۡ أَنَّآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَرَحۡمَةٗ وَذِكۡرَىٰ لِقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 29:51At hindi pa ba sapat para sa kanila na Aming ipinahayag sa iyo ang Aklat [ang Qur’an] na [iyong] binibigkas sa kanila? Katotohanan, naririto ang isang habag at paalaala para sa mga taong naniniwala.
قُلۡ كَفَىٰ بِٱللَّهِ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡ شَهِيدٗاۖ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ وَكَفَرُواْ بِٱللَّهِ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Open ayah 29:52Sabihin: “Sapat na ang Allah bilang isang Saksi sa pagitan ko at pagitan ninyo. Nababatid Niya ang anumang nasa mga kalangitan at kalupaan.” At yaong mga naniwala sa kabulaanan, at hindi naniwala sa Allah, sila yaong mga nawalan [o naging mga talunan].
وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَلَوۡلَآ أَجَلٞ مُّسَمّٗى لَّجَآءَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ وَلَيَأۡتِيَنَّهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Open ayah 29:53At kanilang hinihiling sa iyo na madaliin ang parusa [para sa kanila]. At kung hindi nga lamang para [sa naitakdang] panahon nito, marahil ang parusa ay dumating sa kanila. At katiyakan, ito ay darating sa kanila nang biglaan habang sila ay walang kamalayan [hinggil dito].
يَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 29:54Kanilang hinihiling sa iyo na madaliin ang parusa. At katotohanan, ang Impiyerno ay papalibot sa mga di-naniniwala.
يَوۡمَ يَغۡشَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَمِن تَحۡتِ أَرۡجُلِهِمۡ وَيَقُولُ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 29:55Sa Araw na [iyon] ang parusa ay babalot sa kanila mula sa kanilang itaas at mula sa ibaba ng kanilang mga paa, at sa kanila ay sasabihin: “Lasapin ninyo [ang bunga] ng anumang inyong lagi nang ginagawa.”
يَٰعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ أَرۡضِي وَٰسِعَةٞ فَإِيَّٰيَ فَٱعۡبُدُونِ
Open ayah 29:56O Aking mga aliping naniwala, katotohanan, ang Aking kalupaan ay sadyang malawak, kaya, Ako ay inyong sambahin [at tanging Ako lamang]!
كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۖ ثُمَّ إِلَيۡنَا تُرۡجَعُونَ
Open ayah 29:57Bawa’t kaluluwa ay makararanas ng kamatayan. Pagkaraan, sa Amin, kayo ay muling ibabalik.
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَنُبَوِّئَنَّهُم مِّنَ ٱلۡجَنَّةِ غُرَفٗا تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ نِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Open ayah 29:58At yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid – sila ay Aming pagkakalooban ng mga [nagtataasang] bulwagan ng Paraiso na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, kung saan sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. [Isang] dakilang gantimpala para sa mga [matwid] na manggagawa.
ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ
Open ayah 29:59[Sila] yaong mga nagtiis, at sa kanilang Panginoon, kanilang ipinagkakaloob [nang buong puso] ang pagtitiwala.
وَكَأَيِّن مِّن دَآبَّةٖ لَّا تَحۡمِلُ رِزۡقَهَا ٱللَّهُ يَرۡزُقُهَا وَإِيَّاكُمۡۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 29:60At gaano karaming mga nilikhang gumagala ang hindi nagpapasan ng [sariling] panustos nito [upang mabuhay]? Ang Allah ang Siyang nagkakaloob [ng panustos] para sa kanya at para sa inyo. At Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Open ayah 29:61At kung sila ay iyong tanungin: “Sino ang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan at ang nagtalaga sa araw at sa buwan?” Katotohanan, sila ay magsasabi: “Ang Allah.” Kung gayon, paano nga bang sila ay nalinlang?
ٱللَّهُ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُ لَهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Open ayah 29:62Ang Allah ang Siyang nagpaparami [o nagpapalawig] ng panustos sa sinumang Kanyang naisin sa Kanyang mga alipin, at [Siya rin ang] naghihigpit nito para sa kanya. Katotohanan, ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّن نَّزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِ مَوۡتِهَا لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ
Open ayah 29:63At kung sila ay iyong tanungin: “Sino ang nagpababa ng tubig [ulan] mula sa kalangitan, at nagbigay ng buhay sa pamamagitan nito [ng tubig] sa lupa na dati ay tigang?” katiyakang, sila ay magsasabi: “Ang Allah.” [Kaya], sabihin: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah].” nguni’t karamihan sa kanila ay walang pang-unawa.
وَمَا هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا لَهۡوٞ وَلَعِبٞۚ وَإِنَّ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَ لَهِيَ ٱلۡحَيَوَانُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 29:64At itong makamundong buhay ay isa lamang pag-aaliw at paglilibang. Katotohanan, ang tahanan ng kabilang buhay - iyan ang [walang hanggang] buhay, kung [ito ay] kanilang nababatid lamang.
فَإِذَا رَكِبُواْ فِي ٱلۡفُلۡكِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ إِذَا هُمۡ يُشۡرِكُونَ
Open ayah 29:65At kapag sila ay nakasakay sa isang sasakyang-dagat, sila ay nanawagan [o nanalangin] sa Allah, tapat sa Kanya sa relihiyon nguni’t kapag sila ay Kanyang iniahon [at idaong] sa [kating] lupa, kapagdaka’y sila ay nagtatambal ng iba sa Kanya.
لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ وَلِيَتَمَتَّعُواْۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 29:66Upang kanilang [muling] itakwil [di- pasalamatan] ang anumang [pagpapalang] Aming ipinagkaloob sa kanila, at [upang] kanilang tamasahin ang kasiyahan [sa kanilang sarili] nguni’t [hindi maglalaon, ito ay] kanilang mapag-aalaman.
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا حَرَمًا ءَامِنٗا وَيُتَخَطَّفُ ٱلنَّاسُ مِنۡ حَوۡلِهِمۡۚ أَفَبِٱلۡبَٰطِلِ يُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ يَكۡفُرُونَ
Open ayah 29:67Hindi ba nila nakikita na Aming ginawa ang matiwasay na santuwaryo [Makkah] habang ang mga tao ay dinudukot mula sa nakapaligid sa kanila? Kaya, sila ba ay naniniwala sa kabulaanan, at itinatakwil [naman] ang pagpapala ng Allah?
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُۥٓۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 29:68At sino ba ang di-makatarungang nakahihigit kaysa sa isang naglulubid ng kasinungalingan tungkol sa Allah o nagtatakwil sa katotohanan nang ito ay dumating sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ang tirahan ng mga dinaniniwala?
وَٱلَّذِينَ جَٰهَدُواْ فِينَا لَنَهۡدِيَنَّهُمۡ سُبُلَنَاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَمَعَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 29:69At yaong mga nagpunyagi [o nakipaglaban] para sa Amin - katiyakan, sila ay Aming papatnubayan tungo sa Aming mga Landas. At katotohanan, ang Allah ay nasa [panig ng] mga mapaggawa ng kabutihan.