الروم

Ar-Room

The Romans · Surah 30 · Ayahs: 60 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. الٓمٓ

    Open ayah 30:1

    Alif, Lam, Mim.

  2. غُلِبَتِ ٱلرُّومُ

    Open ayah 30:2

    Ang mga Romano ay nagapi –

  3. فِيٓ أَدۡنَى ٱلۡأَرۡضِ وَهُم مِّنۢ بَعۡدِ غَلَبِهِمۡ سَيَغۡلِبُونَ

    Open ayah 30:3

    Sa pinakamalapit [o mga karatig] na lupain, nguni’t sila, pagkaraang magapi, ay makababawi,

  4. فِي بِضۡعِ سِنِينَۗ لِلَّهِ ٱلۡأَمۡرُ مِن قَبۡلُ وَمِنۢ بَعۡدُۚ وَيَوۡمَئِذٖ يَفۡرَحُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 30:4

    Sa loob ng tatlo hanggang siyam na taon. Sa Allah ang pagmamay-ari ng kautusan - noon at pagkatapos [ng mga pangyayari]. At sa Araw na iyon, ang mga naniniwala ay magagalak,

  5. بِنَصۡرِ ٱللَّهِۚ يَنصُرُ مَن يَشَآءُۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 30:5

    Sa tagumpay [na ipinagkaloob] ng Allah. Kanyang ipinagkakaloob ang tagumpay sa sinumang Kanyang naisin, at Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.

  6. وَعۡدَ ٱللَّهِۖ لَا يُخۡلِفُ ٱللَّهُ وَعۡدَهُۥ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 30:6

    [Ito] ang pangako ng Allah. Hindi sumisira ang Allah sa Kanyang pangako, nguni’t karamihan sa mga tao ay hindi nakababatid [nito].

  7. يَعۡلَمُونَ ظَٰهِرٗا مِّنَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُمۡ عَنِ ٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ غَٰفِلُونَ

    Open ayah 30:7

    Kanilang nababatid lamang ang panlabas [na anyo ng] makamundong buhay, at sila, hinggil sa kabilang buhay, ay hindi nagbibigay-pansin.

  8. أَوَلَمۡ يَتَفَكَّرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۗ مَّا خَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَأَجَلٖ مُّسَمّٗىۗ وَإِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلنَّاسِ بِلِقَآيِٕ رَبِّهِمۡ لَكَٰفِرُونَ

    Open ayah 30:8

    Hindi ba sila nag-iisip nang malalim hinggil sa kanilang mga sarili? Hindi nilikha ng Allah ang mga kalangitan at kalupaan, at ang anumang nasa mga pagitan nito maliban sa katotohanan at para sa isang takdang panahon. At tunay na karamihan sa sangkatauhan ay hindi naniniwala [hinggil] sa [Araw ng] Pakikipagharap sa kanilang Panginoon.

  9. أَوَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَانُوٓاْ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗ وَأَثَارُواْ ٱلۡأَرۡضَ وَعَمَرُوهَآ أَكۡثَرَ مِمَّا عَمَرُوهَا وَجَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِۖ فَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظۡلِمَهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

    Open ayah 30:9

    Sila ba ay hindi nagsipaglakbay sa kalupaan, [upang] sa gayon ay kanilang matunghayan kung paano ang naging wakas niyaong mga nauna sa kanila? Sila ay nakahihigit sa kanila sa lakas [o kapangyarihan], at sila ay naglinang ng lupa at ito ay pinanirahan nang higit kaysa sa kanilang ginawang paninirahan dito [ng mga mamamayan ng Makkah]; at ang kanilang Sugo ay dumating sa kanila na may dalang mga malilinaw na katibayan. Sila ay hindi kailanman ginawan ng kamalian ng Allah [upang parusahan] bagkus kanilang ginawan ng kamalian ang kanilang mga sarili.

  10. ثُمَّ كَانَ عَٰقِبَةَ ٱلَّذِينَ أَسَٰٓـُٔواْ ٱلسُّوٓأَىٰٓ أَن كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَكَانُواْ بِهَا يَسۡتَهۡزِءُونَ 

    Open ayah 30:10

    Kaya, ang naging wakas niyaong mga gumawa ng kasamaan ay siyang pinakamasamang [bunga], sapagka’t kanilang itinakwil ang mga ayaat [babala o kapahayagan] ng Allah at lagi nang kinukutya ang mga ito.

  11. ٱللَّهُ يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ ثُمَّ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

    Open ayah 30:11

    Ang Allah ang nagpasimula sa paglikha; pagkaraan ito ay Kanyang uulitin, at pagkaraan sa Kanya, kayo ay muling ibabalik.

  12. وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يُبۡلِسُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ

    Open ayah 30:12

    At sa Araw na ang [takdang] Oras ay lilitaw, ang mga mapaggawa ng kabuktutan ay [labis na] manlulumo.

  13. وَلَمۡ يَكُن لَّهُم مِّن شُرَكَآئِهِمۡ شُفَعَٰٓؤُاْ وَكَانُواْ بِشُرَكَآئِهِمۡ كَٰفِرِينَ

    Open ayah 30:13

    At sila ay hindi magkakaroon ng isa mang tagapamagitan mula sa kanilang mga [itinuturing na] katambal. At [sa Oras na iyon] sila [sa kanilang mga sarili] ay hindi maniniwala sa kanilang mga [itinuturing na] katambal.

  14. وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يَوۡمَئِذٖ يَتَفَرَّقُونَ

    Open ayah 30:14

    At sa Araw na ang [takdang] Oras ay lilitaw - sa Araw na iyon sila ay maghihiwa-hiwalay.

  15. فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَهُمۡ فِي رَوۡضَةٖ يُحۡبَرُونَ

    Open ayah 30:15

    Kaya, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila ay nasa [hardin ng] kasiyahan, pinarangalan nang marangya [at magandang] buhay.

  16. وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَلِقَآيِٕ ٱلۡأٓخِرَةِ فَأُوْلَٰٓئِكَ فِي ٱلۡعَذَابِ مُحۡضَرُونَ

    Open ayah 30:16

    At yaong mga di-naniwala at nagtakwil sa Aming mga ayaat [kapahayagan] at [di-naniwala] sa pakikipagharap sa kabilang buhay, sila yaong mga ihaharap sa parusa [ng Impiyerno upang manatili roon nang habang panahon].

  17. فَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ حِينَ تُمۡسُونَ وَحِينَ تُصۡبِحُونَ

    Open ayah 30:17

    Kaya, inyong luwalhatiin [ng mga papuri] ang Allah kung kayo ay abutan ng gabi at kung kayo ay datnan ng umaga.

  18. وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَعَشِيّٗا وَحِينَ تُظۡهِرُونَ

    Open ayah 30:18

    At sa Kanya ang [mga] papuri sa mga kalangitan at kalupaan; at [luwalhatiin Siya] sa gabi [sa paglubog ng araw] at kung kayo ay nasa katanghalian [sa kasikatan ng araw].

  19. يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَيُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّ وَيُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ وَكَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ

    Open ayah 30:19

    Siya ang nagpapanauli [naglalabas] ng buhay mula sa patay, at nagpapanauli ng patay mula sa buhay. At nagbibigay ng buhay sa lupa na dati ay tigang. At sa ganyan [ding paraan] kayo ay ilalabas [upang buhaying muli].

  20. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنۡ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ إِذَآ أَنتُم بَشَرٞ تَنتَشِرُونَ 

    Open ayah 30:20

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan], na kayo ay Kanyang nilikha mula sa alabok, at pagkaraan nang kayo ay maging tao, [kayo] ay nangagkalat [sa balat ng lupa].

  21. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنۡ خَلَقَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا لِّتَسۡكُنُوٓاْ إِلَيۡهَا وَجَعَلَ بَيۡنَكُم مَّوَدَّةٗ وَرَحۡمَةًۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 30:21

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan], na Kanyang nilikha para sa inyo ang mga asawang nagmula [rin] sa inyong mga sarili, upang inyong matagpuan sa kanila ang kapanatagan [ng loob] at Kanyang inilagay sa inyong pagitan ang pagmamahal at habag. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nag-iisip.

  22. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ خَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱخۡتِلَٰفُ أَلۡسِنَتِكُمۡ وَأَلۡوَٰنِكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡعَٰلِمِينَ

    Open ayah 30:22

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan] ay ang pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ang pagkakaiba ng inyong mga dila [wika] at ng inyong mga kulay. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga nagtataglay ng kaalaman.

  23. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ مَنَامُكُم بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَٱبۡتِغَآؤُكُم مِّن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ

    Open ayah 30:23

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan] ay ang inyong pagtulog sa gabi at sa araw at ang inyong paghahanap mula sa Kanyang biyaya. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nakikinig.

  24. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ يُرِيكُمُ ٱلۡبَرۡقَ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَيُنَزِّلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَيُحۡيِۦ بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 30:24

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan] ay [na] Kanyang ipinakita sa inyo ang kidlat [na nagdudulot ng] takot at pag-asa, at Kanyang ibinababa ang tubig [ulan] mula sa kalangitan, at sa pamamagitan nito ay binigyang-buhay ang lupa na dati ay tigang. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nakauunawa.

  25. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَن تَقُومَ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ بِأَمۡرِهِۦۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمۡ دَعۡوَةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ إِذَآ أَنتُمۡ تَخۡرُجُونَ

    Open ayah 30:25

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan] ay [ito] na ang langit at lupa ay nakatayo [di-natitinag] sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan. Pagkaraan nito, kapag kayo ay Kanyang tinawagan sa pamamagitan ng isang panawagan, at pagmasdan, kayo ay magsisilabas mula sa lupa [sa inyong mga libingan].

  26. وَلَهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ كُلّٞ لَّهُۥ قَٰنِتُونَ

    Open ayah 30:26

    At sa Kanya ang pagmamay-ari ng sinumang nasa mga kalangitan at kalupaan. Ang lahat ay masunurin sa Kanya.

  27. وَهُوَ ٱلَّذِي يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَهُوَ أَهۡوَنُ عَلَيۡهِۚ وَلَهُ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 30:27

    At Siya ang nagpasimula sa paglikha, pagkaraan ito ay Kanyang uulitin; at ito ay madali para sa Kanya. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] pinakamataas na paglalarawan [o katangian] sa mga kalangitan at kalupaan. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.

  28. ضَرَبَ لَكُم مَّثَلٗا مِّنۡ أَنفُسِكُمۡۖ هَل لَّكُم مِّن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن شُرَكَآءَ فِي مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ فَأَنتُمۡ فِيهِ سَوَآءٞ تَخَافُونَهُمۡ كَخِيفَتِكُمۡ أَنفُسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 30:28

    Siya ang naglahad para sa inyo ng halimbawa mula sa inyong mga sarili; kayo ba ay may mga katambal [o kahati] sa [mga aliping] taglay ng inyong kanang kamay upang [sila ay] makibahagi bilang [inyong] kahati sa yaman na Aming ipinagkaloob sa inyo na siya ninyong pinangangambahan tulad ng inyong pangamba sa isa’t isa? Ganyan Namin masusing ipinaliliwanag ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong makatwiran [nakauunawa].

  29. بَلِ ٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَهۡوَآءَهُم بِغَيۡرِ عِلۡمٖۖ فَمَن يَهۡدِي مَنۡ أَضَلَّ ٱللَّهُۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ

    Open ayah 30:29

    Nguni’t, sinunod niyaong mga nagkakamali [mga nagtatambal sa Allah] ang kanilang mga [sariling] pagnanasa nang walang kaalaman. Kaya, sino ang papatnubay sa kanya na hinayaan ng Allah na maligaw? At para sa kanila, ay walang [matatagpuang] makatutulong.

  30. فَأَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفٗاۚ فِطۡرَتَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي فَطَرَ ٱلنَّاسَ عَلَيۡهَاۚ لَا تَبۡدِيلَ لِخَلۡقِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ 

    Open ayah 30:30

    Kaya, iyong ibaling ang iyong mukha [o sarili] tungo sa [matwid na] relihiyong Hanifah [ang tuwirang pagsamba sa Allah]. [Sumunod sa] Fitrah ng Allah [likas na pagkilala sa Allah] na kung saan ito [ang Fitrah] ay Kanyang nilikha para sa [lahat ng] tao. Walang [dapat magkaroon ng] pagbabago sa mga nilikha ng Allah. Iyan ang matwid na relihiyon, nguni’t karamihan sa mga tao ay hindi nakababatid [nito].

  31. ۞مُنِيبِينَ إِلَيۡهِ وَٱتَّقُوهُ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

    Open ayah 30:31

    [Magpakumbaba at] magbalik-loob sa pagsisisi sa Kanya at Siya ay inyong katakutan. At magsagawa kayo ng pagdarasal at huwag kayong makibilang sa mga nagtatambal [sa Allah],

  32. مِنَ ٱلَّذِينَ فَرَّقُواْ دِينَهُمۡ وَكَانُواْ شِيَعٗاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ

    Open ayah 30:32

    [At huwag ninyong tularan] yaong kabilang sa mga pinaghati-hati ang kanilang relihiyon at naging mga sekta, bawa’t kaanib [na sekta] ay nagagalak sa anumang nasa kanila.

  33. وَإِذَا مَسَّ ٱلنَّاسَ ضُرّٞ دَعَوۡاْ رَبَّهُم مُّنِيبِينَ إِلَيۡهِ ثُمَّ إِذَآ أَذَاقَهُم مِّنۡهُ رَحۡمَةً إِذَا فَرِيقٞ مِّنۡهُم بِرَبِّهِمۡ يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 30:33

    At kapag ang hirap [o dusa] ay sumaling sa mga tao, sila ay nananalangin sa kanilang Panginoon, nagbabalik-loob sa Kanya sa pagsisisi; [nguni’t] pagkaraan kapag sila ay Kanyang palasapin ng Kanyang habag, kapagdaka’y, isang pangkat sa kanila ay nagtatambal [ng iba] sa kanilang Panginoon.

  34. لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡۚ فَتَمَتَّعُواْ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 30:34

    Upang kanilang itakwil ang anumang Aming naipagkaloob sa kanila. Kaya, inyong tamasahin [ang kasiyahan] sa inyong mga sarili, sapagka’t [hindi maglalaon], ito ay inyong mapag-aalaman.

  35. أَمۡ أَنزَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٗا فَهُوَ يَتَكَلَّمُ بِمَا كَانُواْ بِهِۦ يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 30:35

    O Kami ba ay nagpahayag sa kanila ng isang batayan [o kasulatan] at ito ay nangungusap [para] sa anumang kanilang itinatambal sa Kanya?

  36. وَإِذَآ أَذَقۡنَا ٱلنَّاسَ رَحۡمَةٗ فَرِحُواْ بِهَاۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ إِذَا هُمۡ يَقۡنَطُونَ

    Open ayah 30:36

    At kapag Aming pinangyaring ipalasap sa mga tao ang habag, ito ay kanilang ikinagagalak; nguni’t kung ang kasamaan ay sumaling sa kanila sanhi ng anumang ginawa ng kanilang mga kamay, kapagdaka’y, sila ay nawawalan ng pag-asa.

  37. أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 30:37

    Hindi ba nila nakikita na pinalalawig ng Allah ang panustos ng sinumang Kanyang ninanais, at [Siya rin ang] naghihigpit [nito]? Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong naniniwala.

  38. فَـَٔاتِ ذَا ٱلۡقُرۡبَىٰ حَقَّهُۥ وَٱلۡمِسۡكِينَ وَٱبۡنَ ٱلسَّبِيلِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ يُرِيدُونَ وَجۡهَ ٱللَّهِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 30:38

    Kaya, ipagkaloob sa kamag-anak ang kanyang karapatan, at gayundin sa dukha at sa manlalakbay. Iyan ang pinakamabuti para sa mga naghahangad sa Mukha [Lugod] ng Allah; at sila yaong mga magtatagumpay.

  39. وَمَآ ءَاتَيۡتُم مِّن رِّبٗا لِّيَرۡبُوَاْ فِيٓ أَمۡوَٰلِ ٱلنَّاسِ فَلَا يَرۡبُواْ عِندَ ٱللَّهِۖ وَمَآ ءَاتَيۡتُم مِّن زَكَوٰةٖ تُرِيدُونَ وَجۡهَ ٱللَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُضۡعِفُونَ

    Open ayah 30:39

    At anumang inyong ipinagkaloob mula sa riba [patubuan] upang makaragdag sa yaman ng tao, [ito] ay hindi makararagdag sa Allah; nguni’t anuman ang inyong ipinagkaloob mula sa Zakaat upang hanapin ang Mukha [Lugod] ng Allah – sila yaong pag-iibayuhin [ang gantimpala ng biyaya at pagpapala].

  40. ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ ثُمَّ رَزَقَكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يُحۡيِيكُمۡۖ هَلۡ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَفۡعَلُ مِن ذَٰلِكُم مِّن شَيۡءٖۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ 

    Open ayah 30:40

    Ang Allah ang Siyang lumikha sa inyo, pagkaraan ay nagkaloob sa inyo [ng panustos], pagkaraan ay Kanyang papangyarihing kayo ay mamatay, pagkaraan [Siya] ay magbibigay ng buhay sa inyo [sa Araw ng Paghuhukom]. Mayroon ba sa alinmang [inyong itinuturing bilang] mga katambal [ng Allah] ang makagagawa ng anumang bagay na tulad niyon? Luwalhati sa Kanya! At Siya ay Mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].

  41. ظَهَرَ ٱلۡفَسَادُ فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ بِمَا كَسَبَتۡ أَيۡدِي ٱلنَّاسِ لِيُذِيقَهُم بَعۡضَ ٱلَّذِي عَمِلُواْ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 30:41

    Ang katiwalian ay lumaganap [o lumitaw] sa buong kalupaan at karagatan sanhi ng anumang pinagsumikapan ng mga kamay ng tao kaya Kanyang ipinalasap sa kanila ang ibang bahagi ng anumang [bunga ng] kanilang ginawa upang sakali sila ay magsibalik [sa landas ng kabutihan].

  42. قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلُۚ كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّشۡرِكِينَ

    Open ayah 30:42

    Sabihin mo [O Muhammad] “Magsipaglakbay kayo sa mga lupain at inyong tunghayan kung paano ang naging wakas niyaong mga [taong] nauna [sa inyo]! Karamihan sa kanila ay [kabilang sa] mga nagtatambal.

  43. فَأَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ ٱلۡقَيِّمِ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِۖ يَوۡمَئِذٖ يَصَّدَّعُونَ

    Open ayah 30:43

    Kaya, ibaling mo ang iyong mukha [o ang iyong sarili] tungo sa matuwid na relihiyon bago dumating ang Araw mula sa Allah na walang makapipigil. [Sapagka’t] sa Araw na iyon, sila ay paghihiwa-hiwalayin.

  44. مَن كَفَرَ فَعَلَيۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِأَنفُسِهِمۡ يَمۡهَدُونَ

    Open ayah 30:44

    Sinuman ang hindi maniniwala – [nakaatang] sa kanya [ang bunga] ng kanyang di-paniniwala, at sinuman ang gumagawa ng mga gawaing matwid – sila ay naghahanda para sa kanilang sarili,

  45. لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 30:45

    Upang Kanyang gantimpalaan yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid mula sa Kanyang biyaya. Katotohanan, Hindi Niya minamahal ang mga di-naniniwala.

  46. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَن يُرۡسِلَ ٱلرِّيَاحَ مُبَشِّرَٰتٖ وَلِيُذِيقَكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَلِتَجۡرِيَ ٱلۡفُلۡكُ بِأَمۡرِهِۦ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 30:46

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan ay ito] na Kanyang ipinadala ang hangin bilang tagapagdala ng magandang balita, at upang inyong lasapin ang Kanyang habag [ulan] at upang ang sasakyang-dagat ay maglayag sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan, at upang inyong hanapin ang Kanyang biyaya at upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.

  47. وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ رُسُلًا إِلَىٰ قَوۡمِهِمۡ فَجَآءُوهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَٱنتَقَمۡنَا مِنَ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْۖ وَكَانَ حَقًّا عَلَيۡنَا نَصۡرُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 30:47

    At katiyakan, Aming naipadala na ang mga sugo nang una pa man sa iyo [O Muhammad] sa kani-kanilang mga mamamayan, at sila ay dumating sa kanila na may dalang mga katibayan. Pagkaraan, Aming ipinataw ang parusa mula sa mga nagkasala ng kabuktutan at sa Amin nakaatang ang tulong [tagumpay] para sa mga naniniwala.

  48. ٱللَّهُ ٱلَّذِي يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابٗا فَيَبۡسُطُهُۥ فِي ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ يَشَآءُ وَيَجۡعَلُهُۥ كِسَفٗا فَتَرَى ٱلۡوَدۡقَ يَخۡرُجُ مِنۡ خِلَٰلِهِۦۖ فَإِذَآ أَصَابَ بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦٓ إِذَا هُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ

    Open ayah 30:48

    Ang Allah ang Siyang nagpapadala ng mga hangin at ito [mga hangin] ay nagpapaikot sa mga ulap, at ikinakalat sa himpapawid sa paraang Kanyang nais, at pagkaraan ay Kanyang ginagawang pira-piraso ang mga ito upang inyong makita ang ulang lumalabas mula sa loob nito. Kaya, kapag Kanyang pinangyaring bumuhos ito sa kaninumang Kanyang nais sa Kanyang mga alipin, kapagdaka'y, sila ay nangagagalak.

  49. وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلِ أَن يُنَزَّلَ عَلَيۡهِم مِّن قَبۡلِهِۦ لَمُبۡلِسِينَ

    Open ayah 30:49

    At bagaman sila, bago ito ibinaba sa kanila, bago pa man iyan – [sila ay] nanlulumo [sanhi ng kanilang kawalan ng pananalig at pag-asa].

  50. فَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ ءَاثَٰرِ رَحۡمَتِ ٱللَّهِ كَيۡفَ يُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ 

    Open ayah 30:50

    Kaya, tunghayan ang mga bungang idinudulot ng habag ng Allah - kung paano Niya binibigyang-buhay ang lupa na dati ay tigang. Katotohanan, iyan [din] ang magbibigay ng buhay sa patay at Siya ay may Ganap na kakayahan sa lahat ng bagay.

  51. وَلَئِنۡ أَرۡسَلۡنَا رِيحٗا فَرَأَوۡهُ مُصۡفَرّٗا لَّظَلُّواْ مِنۢ بَعۡدِهِۦ يَكۡفُرُونَ

    Open ayah 30:51

    At kung mangyari ngang Kami ay magpadala ng [masamang] hangin, at kanilang nakita ang paninilaw [ng kanilang mga pananim], sila ay mananatiling mga di-naniniwala pagkaraan niyon.

  52. فَإِنَّكَ لَا تُسۡمِعُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَلَا تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوۡاْ مُدۡبِرِينَ

    Open ayah 30:52

    Kaya katotohanan, [O Muhammad] hindi mo magagawang makarinig ang patay at hindi mo magagawang makarinig ang bingi sa panawagan kung sila ay nagsisiurong nang pabalik [sa kawalan ng paniniwala].

  53. وَمَآ أَنتَ بِهَٰدِ ٱلۡعُمۡيِ عَن ضَلَٰلَتِهِمۡۖ إِن تُسۡمِعُ إِلَّا مَن يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُم مُّسۡلِمُونَ

    Open ayah 30:53

    At hindi mo mapapatnubayan ang bulag [sa katotohanan] mula sakanilang pagkaligaw; magagawa mo lamang makarinig yaong mga naniniwala sa Aming mga ayaat [kapahayagan] sapagka’t sila ay tumatalima [nang buong katapatan].

  54. ۞ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن ضَعۡفٖ ثُمَّ جَعَلَ مِنۢ بَعۡدِ ضَعۡفٖ قُوَّةٗ ثُمَّ جَعَلَ مِنۢ بَعۡدِ قُوَّةٖ ضَعۡفٗا وَشَيۡبَةٗۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ وَهُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡقَدِيرُ

    Open ayah 30:54

    Ang Allah ang Siyang lumikha sa inyo mula sa kahinaan. Pagkaraan kayo ay ginawang malakas pagkatapos ng kahinaan. [At] pagkaraan ng lakas ay [muling] ginawang mahina at maputi ang buhok. Siya ay lumilikha ng anumang Kanyang nais. At Siya ang Maalam, ang may Ganap na Kakayahan.

  55. وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يُقۡسِمُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ مَا لَبِثُواْ غَيۡرَ سَاعَةٖۚ كَذَٰلِكَ كَانُواْ يُؤۡفَكُونَ

    Open ayah 30:55

    At sa Araw na ang Oras ay lilitaw, ang mga mapaggawa ng kabuktutan ay manunumpa na sila ay hindi namalagi [sa mundo] maliban sa isang oras lamang. Ganyan sila nalinlang [nang papalayo mula sa katotohanan].

  56. وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ وَٱلۡإِيمَٰنَ لَقَدۡ لَبِثۡتُمۡ فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡبَعۡثِۖ فَهَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡبَعۡثِ وَلَٰكِنَّكُمۡ كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 30:56

    At yaong mga ginawaran ng kaalaman at pananampalataya ay magsasabing: “Tunay na kayo ay namalagi [sa mundo] nang ayon sa takda ng Allah hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli; at ito ang Araw ng Pagkabuhay na Muli, nguni't ito ay hindi ninyo lagi nang nababatid .”

  57. فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مَعۡذِرَتُهُمۡ وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ

    Open ayah 30:57

    Kaya, sa Araw na iyon, ang kanilang pangangatuwiran ay hindi makatutulong sa mga gumawa ng kamalian at sila ay hindi papayagan upang palubagin ang [poot ng Allah].

  58. وَلَقَدۡ ضَرَبۡنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٖۚ وَلَئِن جِئۡتَهُم بِـَٔايَةٖ لَّيَقُولَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا مُبۡطِلُونَ

    Open ayah 30:58

    At katiyakan, Aming inilahad para sa sangkatauhan dito sa Qur’an ang bawa’t [uri ng] paghahalintulad. Nguni’t kung sila ay dalhan mo [O Muhammad] ng isang ayaat [o katibayan], yaong mga di-naniniwala ay tiyak na magsasabi: “Tunay nga na kayo ay mga mapaggawa ng kabulaanan.”

  59. كَذَٰلِكَ يَطۡبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 30:59

    Ganyan nga sinasarhan ng Allah ang mga puso niyaong mga hindi nakaaalam [sa katotohanan ng Islam].

  60. فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ وَلَا يَسۡتَخِفَّنَّكَ ٱلَّذِينَ لَا يُوقِنُونَ 

    Open ayah 30:60

    Kaya, [ikaw ay] maging matiisin. Katotohanan, ang pangako ng Allah ay totoo; at huwag mong hayaang ikaw ay bagabagin niyaong mga walang katiyakan [sa pananampalataya].