لقمان
Luqman
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓمٓ
Open ayah 31:1Alif,Lam,Mim.
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡحَكِيمِ
Open ayah 31:2Ito ang mga ayaat [talata] ng Aklat - Tigib ng Karunungan,
هُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 31:3[Bilang] patnubay at habag para sa mga mapaggawa ng kabutihan,
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
Open ayah 31:4Yaong mga nagsasagawa ng pagdarasal at nagbibigay ng kawanggawa at sila, sa kabilang buhay ay may katiyakan [sa pananampalataya].
أُوْلَٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدٗى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Open ayah 31:5Sila nga yaong mga nasa [matwid na] patnubay mula sa kanilang Panginoon, at sila yaong mga matatagumpay.
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشۡتَرِي لَهۡوَ ٱلۡحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Open ayah 31:6At mula sa sangkatauhan ay isang bumibili ng libangang pananalita upang iligaw [ang iba] sa landas ng Allah nang walang kaalaman, at kanyang itinuturing ito [ang Kanyang landas] nang may panunuya. Sila yaong mga magtatamo ng kahiya-hiyang parusa.
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا وَلَّىٰ مُسۡتَكۡبِرٗا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَا كَأَنَّ فِيٓ أُذُنَيۡهِ وَقۡرٗاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Open ayah 31:7At kapag binibigkas sa kanya ang Aming mga ayaat [kapahayagan], siya ay tumatalikod nang may pagmamalaki na wari bang hindi niya narinig ang mga ito - wari bang may pagkabingi sa kanyang mga tainga. Kaya, ibalita sa kanya ang isang mahapding parusa.
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلنَّعِيمِ
Open ayah 31:8Katotohanan, yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga mga gawaing matwid – para sa kanila ay mga hardin ng kaligayahan,
خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٗاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 31:9[Na kung saan,] sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. [Ito ang] pangako ng Allah na katotohanan. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ بِغَيۡرِ عَمَدٖ تَرَوۡنَهَاۖ وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةٖۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجٖ كَرِيمٍ
Open ayah 31:10Kanyang nilikha ang mga kalangitan ng walang mga haligi na inyong nakikita, at nagtirik sa kalupaan ng matatatag na mga bundok upang ito ay hindi magpalipat-lipat na kasama ninyo. At Kanyang ikinalat doon ang bawa’t uri ng nilikhang gumagala. At Aming ibinaba mula sa langit ang tubig [ulan], at Aming ginawang tumubo mula roon ang bawa’t marangal na uri [ng halaman].
هَٰذَا خَلۡقُ ٱللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ بَلِ ٱلظَّٰلِمُونَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Open ayah 31:11Ito ang likha ng Allah. Kaya, inyong ipakita sa akin ang anumang nilikha niyaong [inyong mga sinasamba] bukod sa Kanya. Nguni’t, ang mga mapaggawa ng kamalian ay nasa hayag na pagkaligaw.
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا لُقۡمَٰنَ ٱلۡحِكۡمَةَ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِلَّهِۚ وَمَن يَشۡكُرۡ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٞ
Open ayah 31:12At katiyakan, Aming pinagkalooban si Lukman ng karunungan [na nagsabing]: “Magpasalamat sa Allah.” At sinuman ang magpasalamat, siya ay nagpasalamat para sa [kabutihan ng] kanyang sarili. At sinuman ang di-nagpasalamat [sa Kanyang biyaya], magkagayon, katotohanan ang Allah ay Mayaman [walang pangangailangan], Kapuri-puri.
وَإِذۡ قَالَ لُقۡمَٰنُ لِٱبۡنِهِۦ وَهُوَ يَعِظُهُۥ يَٰبُنَيَّ لَا تُشۡرِكۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّ ٱلشِّرۡكَ لَظُلۡمٌ عَظِيمٞ
Open ayah 31:13At [banggitin mo O Muhammad] nang si Lukman ay nagsabi sa kanyang anak na lalaki habang ito ay kanyang pinagpapayuhan: “O aking anak,
وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ وَهۡنًا عَلَىٰ وَهۡنٖ وَفِصَٰلُهُۥ فِي عَامَيۡنِ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيۡكَ إِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 31:14At Aming itinagubilin sa tao [na maging mabait] sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ina ay nagpasan sa kanya - [at nakaragdag sa
وَإِن جَٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٞ فَلَا تُطِعۡهُمَاۖ وَصَاحِبۡهُمَا فِي ٱلدُّنۡيَا مَعۡرُوفٗاۖ وَٱتَّبِعۡ سَبِيلَ مَنۡ أَنَابَ إِلَيَّۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 31:15Nguni’t kung sila ay nagpupunyagi upang ikaw ay makagawa ng pagtatambal sa Akin nang wala kang kaalaman hinggil dito, samakatwid, huwag mo silang sundin; nguni’t sila ay iyong damayin [at iyong kalingain] sa mundong [ito] nang may kaukulang kabaitan, at sundin mo ang landas niyaong mga nagbabalik-loob sa Akin [sa pagsisisi]. Pagkaraan, sa Akin ang inyong pagbabalik, at Aking sasabihin sa inyo ang anumang inyong laging ginagawa.
يَٰبُنَيَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٖ فَتَكُن فِي صَخۡرَةٍ أَوۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَوۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَأۡتِ بِهَا ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ
Open ayah 31:16[At sinabi ni Lukman]: “O aking anak! Maging ito mang [kamalian o kabutihang ito] ay kasingliit ng isang buto ng mustasa, at ito ay nasa loob ng isang bato, o [maging saanman] sa mga kalangitan at sa kalupaan, ito ay palilitawin [nang malinaw] ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay Mahinahon, Lubos na Nakababatid.
يَٰبُنَيَّ أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱنۡهَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَآ أَصَابَكَۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ
Open ayah 31:17O aking anak, magsagawa ng pagdarasal at ipag-utos mo ang kabutihan at ipagbawal mo ang kasamaan, at maging matiisin ka sa anumang sasapit sa iyo. Katotohanan, [lahat ng] iyan ay mahahalagang kautusan [na nangangailangan ng] katatagan.
وَلَا تُصَعِّرۡ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمۡشِ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَحًاۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٖ
Open ayah 31:18At huwag mong ibaling ang iyong pisngi [sa panlalait] sa [iyong kapwa] tao, at huwag kang maglakad ng magaslaw sa kalupaan. Katotohanan, hindi minamahal ni Allah ang bawat mapagmataas at mayabang.
وَٱقۡصِدۡ فِي مَشۡيِكَ وَٱغۡضُضۡ مِن صَوۡتِكَۚ إِنَّ أَنكَرَ ٱلۡأَصۡوَٰتِ لَصَوۡتُ ٱلۡحَمِيرِ
Open ayah 31:19At maging banayad ka sa iyong paglalakad, ibaba mo ang iyong tinig. Katotohanan, ang pinakamasama sa lahat ng tinig ay ang tinig [o atungal] ng isang asno.”
أَلَمۡ تَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَسۡبَغَ عَلَيۡكُمۡ نِعَمَهُۥ ظَٰهِرَةٗ وَبَاطِنَةٗۗ وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَلَا هُدٗى وَلَا كِتَٰبٖ مُّنِيرٖ
Open ayah 31:20Hindi ba ninyo nakikita na itinalaga para sa inyo ng Allah ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan, at ginawang
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ بَلۡ نَتَّبِعُ مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ يَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ
Open ayah 31:21At kung sa kanila ay sabihin: “Sumunod kayo sa anupamang ibinaba [o ipinahayag] ng Allah,” sila ay magsasabi: “[Hindi!] bagkus, aming susundin ang anumang natagpuan naming sinusunod ng aming mga ninuno.” Kahit ba sila ay inaanyayahan ng satanas tungo sa parusa ng naglalagablab [na Apoy ng Impiyerno]?
۞وَمَن يُسۡلِمۡ وَجۡهَهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰۗ وَإِلَى ٱللَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ
Open ayah 31:22At sinuman ang magsuko ng kanyang mukha [o ng sarili] sa Allah habang siya ay mapaggawa ng kabutihan – magkagayon, kanyang natanganan ang pinakamatibay na hawakan. At sa Allah ang wakas [o kahihinatnan] ng [lahat ng] pangyayari.
وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحۡزُنكَ كُفۡرُهُۥٓۚ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Open ayah 31:23At sinuman ang hindi naniwala, magkagayon, huwag mong hayaang ang kanyang kawalan ng paniniwala ay maghatid ng lungkot sa iyo. Sa Amin ang kanilang pagbabalik. At Aming ipababatid sa kanila ang anumang kanilang ginawa. Katotohanan, ang Allah ay Maalam ng nasa mga dibdib [ng tao].
نُمَتِّعُهُمۡ قَلِيلٗا ثُمَّ نَضۡطَرُّهُمۡ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٖ
Open ayah 31:24Aming ipinagkaloob sa kanila ang kasiyahan para sa kaunting sandali; pagkaraan, sila ay Aming sapilitang [dadalhin] tungo sa mabigat na parusa.
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 31:25At kung ikaw ay magtatanong sa kanila: “Sino ang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan,” katiyakan nga na sila ay magsasabing: “Ang Allah.” Sabihin: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah]” nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam [nito].
لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Open ayah 31:26Sa Allah ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga kalangitan at kalupaan. Katotohanan, ang Allah ang Mayaman, ang Kapuri-puri.
وَلَوۡ أَنَّمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن شَجَرَةٍ أَقۡلَٰمٞ وَٱلۡبَحۡرُ يَمُدُّهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦ سَبۡعَةُ أَبۡحُرٖ مَّا نَفِدَتۡ كَلِمَٰتُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Open ayah 31:27At kung ang mga punongkahoy sa lupa ay [magsilbing] mga panulat at ang dagat [ay magsilbing tinta nito upang makapagsulat], pagkaraan nito ay dinagdagan [pa] ng pitong dagat, ang mga salita ng Allah ay hindi masasaid. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.
مَّا خَلۡقُكُمۡ وَلَا بَعۡثُكُمۡ إِلَّا كَنَفۡسٖ وَٰحِدَةٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ
Open ayah 31:28Ang inyong pagkakalikha at ang inyong pagkabuhay na muli ay tulad lamang [ng pagkalikha at pagkabuhay na muli] ng isang tao [o ng kaluluwa nito]. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Lubos na Nakakikita.
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى وَأَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Open ayah 31:29Hindi mo ba nakikita [O Muhammad] na pinangyayari ng Allah na ang gabi ay pumasok sa araw, at pinangyayaring ang araw ay pumasok sa gabi? At Kanyang itinalaga ang araw at buwan; bawa’t isa ay umiinog sa [sariling ligiran nito] para sa takdang panahon. At ang Allah ay Lubos na Nakababatid ng anumang inyong ginagawa.
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ
Open ayah 31:30Iyan ay sa dahilang ang Allah ay Siyang Katotohanan, na ang anumang kanilang dinadalanginan bukod sa Kanya ay kabulaanan. At katotohanan, ang Allah ang Kataas-taasan, ang Dakila.
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ لِيُرِيَكُم مِّنۡ ءَايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ
Open ayah 31:31Hindi mo ba nakikita na ang sasakyang-dagat ay naglalayag sa laot ng karagatan sa pamamagitan ng pagpapala ng Allah upang magpakita sa inyo ng Kanyang mga ayaat [tanda]? Katotohanan, naririto ang mga ayaat [tanda] para sa bawa’t matiisin [at] mapagpasalamat.
وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوۡجٞ كَٱلظُّلَلِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ فَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا كُلُّ خَتَّارٖ كَفُورٖ
Open ayah 31:32At kapag ang mga alon ay sumaklob sa kanila katulad ng mga kubol [bubong o atip ng langit], sila ay dumadalangin sa Allah, matapat sa Kanya sa relihiyon. Nguni’t kapag sila ay Kanyang dinala sa [kating] lupa, mayroong [mga ilan] sa kanila ang katamtaman [sa pananampalataya]. Nguni’t walang tumatanggi sa Aming mga ayaat [tanda] maliban ang bawa’t sukab [taksil] na walang pasasalamat.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡ وَٱخۡشَوۡاْ يَوۡمٗا لَّا يَجۡزِي وَالِدٌ عَن وَلَدِهِۦ وَلَا مَوۡلُودٌ هُوَ جَازٍ عَن وَالِدِهِۦ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ
Open ayah 31:33O sangkatauhan, matakot kayo sa inyong Panginoon at inyong pangambahan ang Araw na walang ama ang makatutulong para sa kanyang anak at wala ring anak ang makatutulong para sa kanyang ama. Katotohanan, ang pangako ng Allah ay totoo; kaya huwag ninyong hayaang ang buhay sa mundong ito ay luminlang sa inyo at kayo ay malinlang tungkol sa Allah ng isang manlilinlang.
إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡأَرۡحَامِۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسٞ مَّاذَا تَكۡسِبُ غَدٗاۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسُۢ بِأَيِّ أَرۡضٖ تَمُوتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرُۢ
Open ayah 31:34Katotohanan, [tanging] ang Allah ang may kaalaman sa [takdang] Oras, at [Siya ang] nagpapababa ng ulan at [Siya ang] nakababatid ng anumang nasa mga sinapupunan [ng mga ina]. Walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kanyang kinahihinatnan sa kinabukasan, at walang sinuman ang nakaaalam kung saang lupain siya mamamatay. Katotohanan, ang Allah ay Maalam, Lubos na Nakababatid.