السجدة
As-Sajda
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓمٓ
Open ayah 32:1Alif,Lam,Mim.
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ لَا رَيۡبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 32:2[Ito ang] Kapayahagan ng Aklat [ang Qur’an], walang alinlangan na ito ay nagmula sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۚ بَلۡ هُوَ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٖ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ
Open ayah 32:3O sila ba ay nagsasabing: “Ito ay kanyang nilubid [o kinatha lamang]?” Nguni’t, ito ay katotohanang nagmula sa iyong Panginoon, upang ikaw [O Muhammad] ay magbigay ng babala sa mga mamamayan na walang tagapagbabalang dumating sa kanila na nauna sa iyo upang sakali sila ay mapatnubayan.
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ مَا لَكُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيّٖ وَلَا شَفِيعٍۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ
Open ayah 32:4Ang Allah ang Siyang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan, at sa anumang nasa pagitan ng mga ito sa loob ng anim na araw; pagkaraan, Siya ay pumaitaas [Istawa] sa Kanyang Trono. Kayo ay wala kahit isa mang tagapangalaga o tagapamagitan bukod sa Kanya. Hindi ba kayo, kung gayon, makaaalala?
يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ يَعۡرُجُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥٓ أَلۡفَ سَنَةٖ مِّمَّا تَعُدُّونَ
Open ayah 32:5Kanyang isinasaayos ang [bawa’t] pangyayari mula sa kalangitan tungo sa kalupaan; pagkaraan, ito [ang pangyayari] ay aakyat patungo sa Kanya, sa isang Araw, na ang sukat [o layo nito] ay isang libong taon ng inyong pagbibilang.
ذَٰلِكَ عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Open ayah 32:6Iyan ang Maalam ng di-nakikitang [mga pangyayari o bagay] at nasasaksihan, [Siya] ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.
ٱلَّذِيٓ أَحۡسَنَ كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥۖ وَبَدَأَ خَلۡقَ ٱلۡإِنسَٰنِ مِن طِينٖ
Open ayah 32:7[Siya] na ginawang ganap ang lahat ng bagay na Kanyang nilikha at [Siya ang] nagpasimula ng paglikha sa tao mula sa luad [o putik].
ثُمَّ جَعَلَ نَسۡلَهُۥ مِن سُلَٰلَةٖ مِّن مَّآءٖ مَّهِينٖ
Open ayah 32:8Pagkaraan, Kanyang nilikha ang mga supling nito [ng tao] mula sa hinangong hamak na tubig [lamang].
ثُمَّ سَوَّىٰهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِن رُّوحِهِۦۖ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ
Open ayah 32:9Pagkaraan, siya [ang tao] ay Kanyang hinubog at siya ay [Kanyang] hiningahan mula sa Kanyang [nilikhang] kaluluwa, at ginawa para sa inyo ang pandinig, at paningin at puso [o isip]; [subali’t] napakaliit ng inyong [isinusukling] pasasalamat.
وَقَالُوٓاْ أَءِذَا ضَلَلۡنَا فِي ٱلۡأَرۡضِ أَءِنَّا لَفِي خَلۡقٖ جَدِيدِۭۚ بَلۡ هُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمۡ كَٰفِرُونَ
Open ayah 32:10At sila ay nagsasabi:“Kapag kami ba ay naglaho [at naghalo ang aming katawan] sa lupa, kami ba ay [lilikhaing muli bilang] bagong nilikha?” Subali’t, sila ay hindi naniniwala sa [Araw ng] Pakikipagharap sa kanilang Panginoon
۞قُلۡ يَتَوَفَّىٰكُم مَّلَكُ ٱلۡمَوۡتِ ٱلَّذِي وُكِّلَ بِكُمۡ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 32:11Sabihin: “Kayo ay kukunin ng anghel ng kamatayan, na itinalagang mangangasiwa sa inyo. Pagkaraan, kayo ay ibabalik sa inyong Panginoon.”
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلۡمُجۡرِمُونَ نَاكِسُواْ رُءُوسِهِمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ رَبَّنَآ أَبۡصَرۡنَا وَسَمِعۡنَا فَٱرۡجِعۡنَا نَعۡمَلۡ صَٰلِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ
Open ayah 32:12At kung iyong makikita ang mga mapaggawa ng kabuktutan kapag ang kanilang mga ulo ay nangagbitin sa harap ng kanilang Panginoon [at sila ay nagsasabing], “Aming Panginoon, aming natunghayan na at [aming] narinig na [ang katotohanan ng Islam], kaya kami po ay ibalik muli [sa mundo]; kami ay gagawa ng mga gawaing matwid. Katotohanan, kami [ngayon] ay mayroon ng katiyakan [sa pananampalataya].”
وَلَوۡ شِئۡنَا لَأٓتَيۡنَا كُلَّ نَفۡسٍ هُدَىٰهَا وَلَٰكِنۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ مِنِّي لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 32:13At kung Aming naisin, Aming maipagkakaloob sa bawa’t kaluluwa ang patnubay nito, subali’t ang salita [o takdang parusa] mula sa Akin ay naipatupad na, [na] Aking pupunuin ang Impiyerno ng mga jinn at tao, nang magkakasama.
فَذُوقُواْ بِمَا نَسِيتُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَآ إِنَّا نَسِينَٰكُمۡۖ وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡخُلۡدِ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 32:14Kaya, inyong lasapin [ang parusa ng Apoy] sapagka’t inyong kinalimutan ang pakikipagharap na ito - ang inyong araw. Katotohanan, kayo ay Aming kalilimutan; kaya inyong lasapin ang walang katapusang [parusa] nang dahil sa anumang lagi ninyong ginagawa.
إِنَّمَا يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِهَا خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَسَبَّحُواْ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ۩
Open ayah 32:15Ang mga naniniwala lamang sa Aming mga ayaat [kapahayagan], na kapag sila ay pinaalalahanan sa pamamagitan ng mga ito, ay napapasubsob sa pagpapatirapa, at lumuluwalhati ng mga papuri sa kanilang Panginoon, at sila ay hindi mapagmalaki.
تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمۡ عَنِ ٱلۡمَضَاجِعِ يَدۡعُونَ رَبَّهُمۡ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
Open ayah 32:16Ang kanilang mga tagilirang bahagi [o sila ay bumabangon] mula sa [kanilang] mga higaan, sila ay nagsusumamo sa kanilang Panginoon nang may [mapitagang] takot at pag-asam, at mula sa anumang [panustos na] Aming ipinagkaloob sa kanila, sila ay gumugugol [sa mga mabubuting kawanggawa].
فَلَا تَعۡلَمُ نَفۡسٞ مَّآ أُخۡفِيَ لَهُم مِّن قُرَّةِ أَعۡيُنٖ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 32:17Walang kaluluwa [o tao] ang nakaaalam kung anong kasiyahan ang ikinubli sa kanilang mga paningin bilang kabarayan nang dahil sa anumang kanilang lagi nang ginagawa.
أَفَمَن كَانَ مُؤۡمِنٗا كَمَن كَانَ فَاسِقٗاۚ لَّا يَسۡتَوُۥنَ
Open ayah 32:18Kaya, ang isa bang [tapat na] naniniwala [sa Kaisahan ng Allah] ay katulad ng isang suwail? Sila ay hindi magkatulad.
أَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَلَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلۡمَأۡوَىٰ نُزُلَۢا بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 32:19At yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, para sa kanila ay mga hardin ng kanlungan bilang tirahan nang dahil sa anumang [kabutihang] kanilang lagi nang ginagawa.
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ فَسَقُواْ فَمَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُۖ كُلَّمَآ أَرَادُوٓاْ أَن يَخۡرُجُواْ مِنۡهَآ أُعِيدُواْ فِيهَا وَقِيلَ لَهُمۡ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Open ayah 32:20Nguni’t yaong mga suwail, ang kanilang kanlungan ay ang Apoy, tuwing sila ay magtatangkang lumabas [upang tumakas] mula rito, sila ay dinadalang pabalik dito, habang sila ay sinasabihang: “Lasapin ninyo ang parusa ng Apoy na siya ninyong lagi nang itinatakwil.”
وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَدۡنَىٰ دُونَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَكۡبَرِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Open ayah 32:21At katiyakan, sila ay Aming palalasapin mula sa malapit na parusa [sa mundong ito] bago pa ang pinakamalaking parusa [sa Kabilang Buhay] upang sakali sila ay magsibalik [sa pagsisisi].
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ ثُمَّ أَعۡرَضَ عَنۡهَآۚ إِنَّا مِنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُنتَقِمُونَ
Open ayah 32:22At sino ba ang mapaggawa ng kamalian nang higit kaysa sa isang pinaalalahanan sa mga ayaat [babala at aral] ng kanyang Panginoon, [nguni't] pagkaraan ay lumayo mula rito? Katiyakan Aming ilalapat ang [kaukulang] parusa sa mga mapaggawa ng kabuktutan.
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَلَا تَكُن فِي مِرۡيَةٖ مِّن لِّقَآئِهِۦۖ وَجَعَلۡنَٰهُ هُدٗى لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Open ayah 32:23At katotohanan Aming ipinagkaloob kay Moises ang kasulatan, kaya huwag kang mag-alinlangan tungkol sa kanyang pakikipagharap. At Aming ginawa ito [ang Torah] bilang patnubay para sa mga anak ni Israel.
وَجَعَلۡنَا مِنۡهُمۡ أَئِمَّةٗ يَهۡدُونَ بِأَمۡرِنَا لَمَّا صَبَرُواْۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يُوقِنُونَ
Open ayah 32:24At Aming itinalaga mula sa kanila [sa mga anak ni Israel] ang mga pinuno na nagbibigay ng patnubay sa ilalim ng Aming Kautusan nang sila ay naging matiisin at [nang] sila ay [naniwalang] may katiyakan sa Aming mga ayaat [kapahayagan,babala at palatandaan].
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفۡصِلُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Open ayah 32:25Katotohanan, ang iyong Panginoon ay maghahatol sa kanilang pagitan, sa Araw ng Pagkabuhay na Muli hinggil sa anumang kanilang laging ipinagkakaiba.
أَوَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍۚ أَفَلَا يَسۡمَعُونَ
Open ayah 32:26Ito ba ay hindi naging malinaw para sa kanila kung ilang henerasyon na ang Aming winasak na una sa kanila, [habang] sila ay nagsisilakad sa kanilang mga pinamamahayanan? Katotohanan, naririto ang mga ayaat [babala o aral]; hindi ba sila, kung gayon, nakaririnig?
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا نَسُوقُ ٱلۡمَآءَ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡجُرُزِ فَنُخۡرِجُ بِهِۦ زَرۡعٗا تَأۡكُلُ مِنۡهُ أَنۡعَٰمُهُمۡ وَأَنفُسُهُمۡۚ أَفَلَا يُبۡصِرُونَ
Open ayah 32:27Hindi ba nila nakita kung paano Namin itinataboy ang tubig [sa ulap] tungo sa tigang na lupa at nagpatubo sa pamamagitan nito [ng ulan] ng mga pananim upang ang kanilang mga hayupan ay magsikain at [ganoon din] ang kanilang mga sarili? Hindi ba sila, kung gayon, nakakikita?
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡفَتۡحُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 32:28Sila ay nagsasabi [nang may pag-aalinlangan at agam-agam]: “Kailan ba [magaganap] itong Al-Fath, kung tunay ngang kayo ay makatotohanan?
قُلۡ يَوۡمَ ٱلۡفَتۡحِ لَا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِيمَٰنُهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ
Open ayah 32:29Sabihin mo [O Muhammad]: “Sa Araw ng Al-Fath [paghuhukom], ang paniniwala niyaong mga di-Muslim ay wala nang pakinabang sa kanila, at sila ay hindi palulugitanan.”
فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَٱنتَظِرۡ إِنَّهُم مُّنتَظِرُونَ
Open ayah 32:30Kaya, ikaw ay lumayo sa kanila at [ikaw ay] maghintay: [Sapagka’t] katotohanan, sila ay naghihintay.