الأحزاب
Al-Ahzaab
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ ٱتَّقِ ٱللَّهَ وَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Open ayah 33:1O, Propeta [Muhammad], matakot sa Allah at huwag mong sundin ang mga di-naniniwala at mga mapagkunwari. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Nakababatid, Tigib ng Karunungan.
وَٱتَّبِعۡ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
Open ayah 33:2At sundin mo ang anumang inspirasyong ipinahayag sa iyo mula sa iyong Panginoon. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Nakaaalam sa anumang inyong ginagawa.
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا
Open ayah 33:3At ikaw ay magtiwala sa Allah; at ang Allah ay sapat na bilang Tagapangasiwa [ng lahat ng gawain].
مَّا جَعَلَ ٱللَّهُ لِرَجُلٖ مِّن قَلۡبَيۡنِ فِي جَوۡفِهِۦۚ وَمَا جَعَلَ أَزۡوَٰجَكُمُ ٱلَّٰٓـِٔي تُظَٰهِرُونَ مِنۡهُنَّ أُمَّهَٰتِكُمۡۚ وَمَا جَعَلَ أَدۡعِيَآءَكُمۡ أَبۡنَآءَكُمۡۚ ذَٰلِكُمۡ قَوۡلُكُم بِأَفۡوَٰهِكُمۡۖ وَٱللَّهُ يَقُولُ ٱلۡحَقَّ وَهُوَ يَهۡدِي ٱلسَّبِيلَ
Open ayah 33:4Hindi ginawa ng Allah para sa isang tao ang [magkaroon ng] dalawang puso sa loob ng kanyang [katawan]. At hindi rin Niya ginawa ang inyong mga asawa [na inyong hiniwalayan sa pamamagitan ng Dhihar] bilang inyong [tunay na] mga ina. At hindi rin Niya ginawa ang inyong mga [ampon] anak bilang inyong mga [tunay na] anak. Iyan ay inyong bukambibig [na namumutawi lamang] sa inyong mga bibig. Nguni’t, ang Allah ay nagsasabi ng katotohanan, at Siya ang nagpapatnubay sa [matuwid na] Landas.
ٱدۡعُوهُمۡ لِأٓبَآئِهِمۡ هُوَ أَقۡسَطُ عِندَ ٱللَّهِۚ فَإِن لَّمۡ تَعۡلَمُوٓاْ ءَابَآءَهُمۡ فَإِخۡوَٰنُكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَمَوَٰلِيكُمۡۚ وَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٞ فِيمَآ أَخۡطَأۡتُم بِهِۦ وَلَٰكِن مَّا تَعَمَّدَتۡ قُلُوبُكُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمًا
Open ayah 33:5Sila [mga inampong anak] ay inyong tawagin sa [pangalan ng] kanilang mga ama: ito ay higit na makatarungan sa [paningin ng] Allah. Nguni’t kung hindi ninyo nakikilala ang kanilang mga ama - samakatwid sila ay inyong mga kapatid sa relihiyon [Islam] at [sila ay] ipinagkatiwala sa inyo. At hindi isang pagkakasala para sa inyo ang anumang nagawang pagkakamali maliban sa anumang sinadyang layon ng inyong mga puso. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.
ٱلنَّبِيُّ أَوۡلَىٰ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ مِنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَأَزۡوَٰجُهُۥٓ أُمَّهَٰتُهُمۡۗ وَأُوْلُواْ ٱلۡأَرۡحَامِ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلَىٰ بِبَعۡضٖ فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ إِلَّآ أَن تَفۡعَلُوٓاْ إِلَىٰٓ أَوۡلِيَآئِكُم مَّعۡرُوفٗاۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَسۡطُورٗا
Open ayah 33:6Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga naniniwala kaysa sa kanilang mga sarili, at ang kanyang mga asawa ay [gumaganap bilang] kanilang mga ina. At yaong mga ugnayang [pangkamag-anakan] ay nakahihigit [hinggil sa pamana] sa itinakdang [batas ng] Allah kaysa sa [ibang] mga naniniwala at mga Muhajir [mga nagsilikas] malibang kayo ay nakagawa ng kabaitan sa inyong mga malalapit na kasamahan [sa pamamagitan ng pamana]. Iyan ay nasa nakatalang aklat.
وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِيثَٰقَهُمۡ وَمِنكَ وَمِن نُّوحٖ وَإِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَۖ وَأَخَذۡنَا مِنۡهُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
Open ayah 33:7At [banggitin mo O Muhammad] nang Aming kunin mula sa mga Propeta ang kanilang kasunduan, at mula sa iyo [O Muhammad], at mula kina Noah at Abraham at Moises at Hesus, anak ni Maria; at Aming kinuha mula sa kanila ang matibay na kasunduan.
لِّيَسۡـَٔلَ ٱلصَّٰدِقِينَ عَن صِدۡقِهِمۡۚ وَأَعَدَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا
Open ayah 33:8Upang Kanyang tanungin ang mga makatotohanan tungkol sa kanilang katotohanan. At Kanyang inihanda para sa mga di-naniniwala ang isang mahapding parusa.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ جَآءَتۡكُمۡ جُنُودٞ فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا وَجُنُودٗا لَّمۡ تَرَوۡهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرًا
Open ayah 33:9O kayong mga naniwala, inyong alalahanin ang pagpapala ng Allah sa inyo, nang ang mga hukbong-sandatahan ay dumating [upang sumalakay] sa inyo, at Kami ay nagpadala laban sa kanila ng isang hangin at mga kawal [na anghel] na hindi ninyo nakikita. At ang Allah ay Lagi nang Nakakikita sa anumang inyong ginagawa.
إِذۡ جَآءُوكُم مِّن فَوۡقِكُمۡ وَمِنۡ أَسۡفَلَ مِنكُمۡ وَإِذۡ زَاغَتِ ٱلۡأَبۡصَٰرُ وَبَلَغَتِ ٱلۡقُلُوبُ ٱلۡحَنَاجِرَ وَتَظُنُّونَ بِٱللَّهِ ٱلظُّنُونَا۠
Open ayah 33:10[Alalahanin] nang sila [mga kalaban] ay nagsirating sa inyo mula sa inyong [dakong] itaas [sa lambak ng bahaging kanluran] at mula sa inyong [dakong] ibaba [sa lambak ng bahaging silangan], at nang ang mga mata ay nanlaki [sa takot] at ang mga puso ay umabot sa mga lalamunan, at kayo ay nag akala tungkol sa Allah [ng maling] pag-aakala.
هُنَالِكَ ٱبۡتُلِيَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَزُلۡزِلُواْ زِلۡزَالٗا شَدِيدٗا
Open ayah 33:11[Sa pagkakataong] iyon, ang mga naniniwala ay sinubukan at [sila ay] ginimbal nang isang matinding pagkagimbal.
وَإِذۡ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ مَّا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ إِلَّا غُرُورٗا
Open ayah 33:12At [alalahanin] nang ang mga mapagkunwari at [kasama] niyaong ang kanilang mga puso ay may sakit [ng pag-aalinlangan] ay nagsabi: "Ang Allah at ang Kanyang Sugo ay walang ipinangako sa amin maliban sa nakalilinlang [na guni-guni].”
وَإِذۡ قَالَت طَّآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ يَٰٓأَهۡلَ يَثۡرِبَ لَا مُقَامَ لَكُمۡ فَٱرۡجِعُواْۚ وَيَسۡتَـٔۡذِنُ فَرِيقٞ مِّنۡهُمُ ٱلنَّبِيَّ يَقُولُونَ إِنَّ بُيُوتَنَا عَوۡرَةٞ وَمَا هِيَ بِعَوۡرَةٍۖ إِن يُرِيدُونَ إِلَّا فِرَارٗا
Open ayah 33:13At nang ang isang pangkat sa kanila ay nagsabi: “O mga mamamayan ng Yathrib, walang kapanatagan para sa inyo [rito], kaya kayo ay magsibalik [sa inyong mga pamamahay].” At ang isang pangkat sa kanila ay humingi ng pahintulot sa Propeta na nagsabing: “Katotohanan, ang aming mga pamamahay ay nakatiwangwang.” At [samantalang] ang mga ito ay hindi nakatiwangwang. Sila ay hindi naglayon maliban upang takasan [ang nagbabadyang labanan].
وَلَوۡ دُخِلَتۡ عَلَيۡهِم مِّنۡ أَقۡطَارِهَا ثُمَّ سُئِلُواْ ٱلۡفِتۡنَةَ لَأٓتَوۡهَا وَمَا تَلَبَّثُواْ بِهَآ إِلَّا يَسِيرٗا
Open ayah 33:14At kung sila ay nilusob mula sa lahat ng dako [ng kapaligiran] nito, at ang fitnah [pagtalikod sa Islam] ay hiniling sa kanila, marahil ito ay kanilang nagawa at hindi man lamang tinutulan ito maliban sa bahagyang [pagtutol].
وَلَقَدۡ كَانُواْ عَٰهَدُواْ ٱللَّهَ مِن قَبۡلُ لَا يُوَلُّونَ ٱلۡأَدۡبَٰرَۚ وَكَانَ عَهۡدُ ٱللَّهِ مَسۡـُٔولٗا
Open ayah 33:15At katiyakan sila ay nangako na sa Allah noon, na sila ay hindi tatalikod. At ang pangako sa Allah ay lagi nang tinatanong.
قُل لَّن يَنفَعَكُمُ ٱلۡفِرَارُ إِن فَرَرۡتُم مِّنَ ٱلۡمَوۡتِ أَوِ ٱلۡقَتۡلِ وَإِذٗا لَّا تُمَتَّعُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Open ayah 33:16Sabihin: “Kailanman, ang pagtakas ay hindi makatutulong sa inyo. Kung kayo man ay tumakas mula sa kamatayan o pagpatay; at pagkaraan [kung ito ay inyong ginawa], marahil hindi ipagkakaloob sa inyo ang kasiyahan [ng buhay] maliban para sa maikling sandali [lamang].”
قُلۡ مَن ذَا ٱلَّذِي يَعۡصِمُكُم مِّنَ ٱللَّهِ إِنۡ أَرَادَ بِكُمۡ سُوٓءًا أَوۡ أَرَادَ بِكُمۡ رَحۡمَةٗۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Open ayah 33:17Sabihin: “Sino ba siya na maaaring mangalaga sa inyo laban sa Allah kung Siya ay maglayon para sa inyo ng isang kasamaan, o kaya ay maglayon para sa inyo ng isang habag?” At sila ay walang matatagpuan para sa kanilang mga sarili ng tagapangalaga o ng tagapagtangkilik bukod sa Allah.
۞قَدۡ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ ٱلۡمُعَوِّقِينَ مِنكُمۡ وَٱلۡقَآئِلِينَ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ هَلُمَّ إِلَيۡنَاۖ وَلَا يَأۡتُونَ ٱلۡبَأۡسَ إِلَّا قَلِيلًا
Open ayah 33:18Katiyakan, nababatid na ng Allah ang mga pumipigil na kabilang sa inyo at ang mga [mapagkunwaring] nagsasabi sa kanilang mga kapatid, “Halina kayong magsilapit sa amin,” at sila ay hindi nakikilahok sa labanan, maliban sa bahagyang [paglahok dito],
أَشِحَّةً عَلَيۡكُمۡۖ فَإِذَا جَآءَ ٱلۡخَوۡفُ رَأَيۡتَهُمۡ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ تَدُورُ أَعۡيُنُهُمۡ كَٱلَّذِي يُغۡشَىٰ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡمَوۡتِۖ فَإِذَا ذَهَبَ ٱلۡخَوۡفُ سَلَقُوكُم بِأَلۡسِنَةٍ حِدَادٍ أَشِحَّةً عَلَى ٱلۡخَيۡرِۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَمۡ يُؤۡمِنُواْ فَأَحۡبَطَ ٱللَّهُ أَعۡمَٰلَهُمۡۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا
Open ayah 33:19[Sila ay] mapagkait sa inyo. Kaya, kapag ang takot ay dumarating, sila ay inyong makikitang nakatingin sa inyo, ang kanilang mga mata ay umiikot tulad ng isang inabutan ng kamatayan. Nguni’t sa sandaling ang takot ay maglaho, kayo ay kanilang nilalait [sa pamamagitan] ng matatalim na dila, [sila ay] mapagkait sa inyo sa [anumang] kabutihan. Sila yaong mga di-naniwala, kaya hinayaan ng Allah na mawalan ng kabuluhan ang kanilang mga gawain. At iyan ay Lagi nang Madali para sa Allah.
يَحۡسَبُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ لَمۡ يَذۡهَبُواْۖ وَإِن يَأۡتِ ٱلۡأَحۡزَابُ يَوَدُّواْ لَوۡ أَنَّهُم بَادُونَ فِي ٱلۡأَعۡرَابِ يَسۡـَٔلُونَ عَنۡ أَنۢبَآئِكُمۡۖ وَلَوۡ كَانُواْ فِيكُم مَّا قَٰتَلُوٓاْ إِلَّا قَلِيلٗا
Open ayah 33:20Kanilang inaakala na ang [mga magkaanib na] hukbo ay hindi pa nagagapi. At kung ang [mga magkaanib na] hukbo ay [muling] magsirating, sila ay maghahangad na sila ay nasa mga disyertong kapiling ng mga bedouin, sila ay nagtatanong [mula sa malayong pook] tungkol sa inyong mga balita; at kung mangyari ngang sila ay inyong makakasama, sila ay hindi makikipaglaban maliban sa bahagyang [paglaban].
لَّقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِي رَسُولِ ٱللَّهِ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَذَكَرَ ٱللَّهَ كَثِيرٗا
Open ayah 33:21Katiyakan, mayroon para sa inyo sa [katauhan ng] Sugo ng Allah ang isang mahusay na halimbawa para sa sinumang umaasa sa [pakikipagtipan sa] Allah at sa Huling Araw, at [na] sa tuwina ay nagalaala sa Allah.
وَلَمَّا رَءَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ قَالُواْ هَٰذَا مَا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَصَدَقَ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥۚ وَمَا زَادَهُمۡ إِلَّآ إِيمَٰنٗا وَتَسۡلِيمٗا
Open ayah 33:22At nang nakita ng mga naniniwala ang [mga magkaanib na] hukbo, sila ay nagsabi: “Ito ang ipinangako sa atin ng Allah at ng Kanyang Sugo; at ang Allah at Kanyang Sugo ay nagsabi ng katotohanan.” At ito ay nakaragdag lamang sa kanila ng [katatagan ng Eeman] pananampalataya at pagtalima [sa Allah].
مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ رِجَالٞ صَدَقُواْ مَا عَٰهَدُواْ ٱللَّهَ عَلَيۡهِۖ فَمِنۡهُم مَّن قَضَىٰ نَحۡبَهُۥ وَمِنۡهُم مَّن يَنتَظِرُۖ وَمَا بَدَّلُواْ تَبۡدِيلٗا
Open ayah 33:23At mula sa mga naniniwala ay mga lalaking makatotohanan sa anumang kanilang pangako sa Allah; at kabilang sa kanila ay isang tumupad sa kanyang pangako [hanggang kamatayan] at kabilang sa kanila ay isang naghihintay [ng kanyang pagkakataon], at hindi nila binago [ang kasunduan] ng alinmang pagbabago.
لِّيَجۡزِيَ ٱللَّهُ ٱلصَّٰدِقِينَ بِصِدۡقِهِمۡ وَيُعَذِّبَ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ إِن شَآءَ أَوۡ يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Open ayah 33:24Upang gantimpalaan ng Allah ang mga makatotohanan sa kanilang katapatan, at parusahan ang mga mapagkunwari kung ito ay Kanyang naisin o di kaya naman ay tanggapin ang kanilang pagsisisi. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.
وَرَدَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِغَيۡظِهِمۡ لَمۡ يَنَالُواْ خَيۡرٗاۚ وَكَفَى ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلۡقِتَالَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ قَوِيًّا عَزِيزٗا
Open ayah 33:25At itinaboy ng Allah yaong [magkakaanib na hukbo ng] mga dinaniwala, [at] sa kanilang pangangalit, [sila] ay walang natamong isa mang kabutihan. Ang Allah ay Sapat na para sa mga naniniwala sa [larangan ng] pakikipaglaban, at ang Allah ay Lagi nang Malakas, Ganap na Makapangyarihan.
وَأَنزَلَ ٱلَّذِينَ ظَٰهَرُوهُم مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ مِن صَيَاصِيهِمۡ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلرُّعۡبَ فَرِيقٗا تَقۡتُلُونَ وَتَأۡسِرُونَ فَرِيقٗا
Open ayah 33:26At Kanyang ginapi yaong mga tumangkilik sa kanila na kabilang sa mga Angkan ng Kasulatan mula sa kanilang tanggulang [pinagtataguan] at inihasik ang ligalig sa kanilang mga puso, [upang] ang isang pangkat [sa kanila] ay inyong mapapatay, at ang isang pangkat [sa kanila] ay inyong mabibihag.
وَأَوۡرَثَكُمۡ أَرۡضَهُمۡ وَدِيَٰرَهُمۡ وَأَمۡوَٰلَهُمۡ وَأَرۡضٗا لَّمۡ تَطَـُٔوهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٗا
Open ayah 33:27At Kanyang pinangyari na inyong manahin ang kanilang mga lupain, at ang kanilang mga pamamahay, at ang kanilang mga yaman, at ang isang lupain na hindi pa ninyo natapakan [o nasakop noon]. At ang Allah ay Lagi nang may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّأَزۡوَٰجِكَ إِن كُنتُنَّ تُرِدۡنَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتَهَا فَتَعَالَيۡنَ أُمَتِّعۡكُنَّ وَأُسَرِّحۡكُنَّ سَرَاحٗا جَمِيلٗا
Open ayah 33:28O Propeta [Muhammad], sabihin mo sa iyong mga asawa: “Kung kayo ay maghangad ng makamundong buhay, at ng kinang nito, magkagayon halina kayo, ako ay magkakaloob para sa inyo at magkakaloob sa inyo ng isang magandang paglaya.
وَإِن كُنتُنَّ تُرِدۡنَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَ فَإِنَّ ٱللَّهَ أَعَدَّ لِلۡمُحۡسِنَٰتِ مِنكُنَّ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Open ayah 33:29Subali’t kung kayo ay maghangad para sa Allah at sa Kanyang Sugo, at sa tahanan ng kabilang buhay - samakatwid katotohahan, ang Allah ay naghanda para sa mga mapaggawa ng kabutihang kabilang sa inyo ng isang dakilang gantimpala.”
يَٰنِسَآءَ ٱلنَّبِيِّ مَن يَأۡتِ مِنكُنَّ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖ يُضَٰعَفۡ لَهَا ٱلۡعَذَابُ ضِعۡفَيۡنِۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا
Open ayah 33:30O mga asawa ng Propeta [Muhammad], sinuman sa inyo ang magkasala ng hayag na kahalayan – pag-iibayuhin ang parusa para sa kanya nang dalawang ulit, at iyan ay Lagi nang Madali para sa Allah.
۞وَمَن يَقۡنُتۡ مِنكُنَّ لِلَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا نُّؤۡتِهَآ أَجۡرَهَا مَرَّتَيۡنِ وَأَعۡتَدۡنَا لَهَا رِزۡقٗا كَرِيمٗا
Open ayah 33:31At sinuman sa inyo ang naging masunurin [nang tapat] sa Allah at sa Kanyang Sugo, at gumawa ng mga gawaing matwid - Aming ipagkakaloob sa kanya ang kanyang dalawang ulit na gantimpala; at Aming inihanda para sa kanya ang isang marangal na panustos.
يَٰنِسَآءَ ٱلنَّبِيِّ لَسۡتُنَّ كَأَحَدٖ مِّنَ ٱلنِّسَآءِ إِنِ ٱتَّقَيۡتُنَّۚ فَلَا تَخۡضَعۡنَ بِٱلۡقَوۡلِ فَيَطۡمَعَ ٱلَّذِي فِي قَلۡبِهِۦ مَرَضٞ وَقُلۡنَ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا
Open ayah 33:32O mga asawa ng Propeta, kayo ay hindi katulad ng ibang karaniwang mga babae. Kung inyong kinatatakutan [ang Allah] samakatwid, huwag kayong maging malambot sa pagsasalita [sa mga lalaki] upang huwag na di magnasa ang sinuman na ang puso ay may sakit bagkus magsalita nang kapita-pitagang salita.
وَقَرۡنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجۡنَ تَبَرُّجَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ ٱلۡأُولَىٰۖ وَأَقِمۡنَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتِينَ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِعۡنَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُذۡهِبَ عَنكُمُ ٱلرِّجۡسَ أَهۡلَ ٱلۡبَيۡتِ وَيُطَهِّرَكُمۡ تَطۡهِيرٗا
Open ayah 33:33At manatili sa inyong mga pamamahay, at huwag ninyong ipakita ang inyong mga kagandahang [hindi dapat ipinakikita] tulad noong panahon ng kamangmangan. At magsagawa ng pagdarasal, at magbigay ng kawanggawa at sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo. Hangad lamang ng Allah na pawiin mula sa inyo ang dungis [ng pagkakasala], O kayong kabilang sa pamilya [ng Propeta], at upang kayo ay padalisayin nang [ganap na] dalisay.
وَٱذۡكُرۡنَ مَا يُتۡلَىٰ فِي بُيُوتِكُنَّ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ وَٱلۡحِكۡمَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ لَطِيفًا خَبِيرًا
Open ayah 33:34At inyong alalahanin ang anumang binibigkas sa inyong mga pamamahay mula sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah at karunungan. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Mabait, Nakababatid [ng lahat ng bagay].
إِنَّ ٱلۡمُسۡلِمِينَ وَٱلۡمُسۡلِمَٰتِ وَٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ وَٱلۡقَٰنِتِينَ وَٱلۡقَٰنِتَٰتِ وَٱلصَّٰدِقِينَ وَٱلصَّٰدِقَٰتِ وَٱلصَّٰبِرِينَ وَٱلصَّٰبِرَٰتِ وَٱلۡخَٰشِعِينَ وَٱلۡخَٰشِعَٰتِ وَٱلۡمُتَصَدِّقِينَ وَٱلۡمُتَصَدِّقَٰتِ وَٱلصَّٰٓئِمِينَ وَٱلصَّٰٓئِمَٰتِ وَٱلۡحَٰفِظِينَ فُرُوجَهُمۡ وَٱلۡحَٰفِظَٰتِ وَٱلذَّٰكِرِينَ ٱللَّهَ كَثِيرٗا وَٱلذَّٰكِرَٰتِ أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُم مَّغۡفِرَةٗ وَأَجۡرًا عَظِيمٗا
Open ayah 33:35Katotohanan, ang mga lalaking tumatalima at ang mga babaing tumatalima, ang mga lalaking naniniwala at ang mga babaing naniniwala, ang mga lalaking masunurin at ang mga babaing masunurin, ang mga lalaking matapat at ang mga babaing matapat, ang mga lalaking matiisin at ang mga babaing matiisin, ang mga lalaking mapagkumbaba at ang mga babaing mapagkumbaba, ang mga lalaking mapagkawanggawa at ang mga babaing mapagkawanggawa, ang mga lalaking mapag-ayuno at ang mga babaing mapag-ayuno, ang mga lalaking mapangalaga ng kanilang dangal at ang mga babaing mapangalaga ng kanilang dangal at ang mga lalaking nagbibigay alaala sa Allah at ang mga babaing nagbibigay alaala sa Allah tuwina - ang Allah ay naghanda para sa kanila ng kapatawaran at isang dakilang gantimpala.
وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٖ وَلَا مُؤۡمِنَةٍ إِذَا قَضَى ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ أَمۡرًا أَن يَكُونَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُ مِنۡ أَمۡرِهِمۡۗ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلٗا مُّبِينٗا
Open ayah 33:36At hindi marapat para sa isang naniniwala, lalaki o babae, na kapag ang Allah at Kanyang Sugo ay magpasiya ng isang bagay, sila ay may iba pang pagpipilian sa kanilang gawain [pagkaraan]. At sinuman ang sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo, katiyakan na siya ay nasadlak sa hayag na pagkaligaw.
وَإِذۡ تَقُولُ لِلَّذِيٓ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَأَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِ أَمۡسِكۡ عَلَيۡكَ زَوۡجَكَ وَٱتَّقِ ٱللَّهَ وَتُخۡفِي فِي نَفۡسِكَ مَا ٱللَّهُ مُبۡدِيهِ وَتَخۡشَى ٱلنَّاسَ وَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَىٰهُۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيۡدٞ مِّنۡهَا وَطَرٗا زَوَّجۡنَٰكَهَا لِكَيۡ لَا يَكُونَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ حَرَجٞ فِيٓ أَزۡوَٰجِ أَدۡعِيَآئِهِمۡ إِذَا قَضَوۡاْ مِنۡهُنَّ وَطَرٗاۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولٗا
Open ayah 33:37At [banggitin mo Muhammad] nang sinabi mo sa isang pinagpala ng Allah at pinagpala mo rin, “Panatilihin mo ang iyong asawa, at matakot sa Allah,” habang ikinubli mo sa iyong sarili ang ipinahayag ng Allah sa iyo. Nguni’t pinangambahan mo ang mga tao samantalang ang Allah ang Siyang higit mong dapat pangambahan. Kaya, nang si Zaid ay wala nang kailangan para sa kanya [kay Zainab], siya ay Aming ipinakasal sa iyo upang [sa hinaharap na panahon o pagkakataon ay] hindi magkaroon ng kahirapan para sa mga naniniwala hinggil sa mga asawa ng kanilang mga itinuturing na [inampon] anak na lalaki kapag sila ay wala nang kailangan sa kanila. At ang Kautusan ng Allah ay lagi nang naipatutupad.
مَّا كَانَ عَلَى ٱلنَّبِيِّ مِنۡ حَرَجٖ فِيمَا فَرَضَ ٱللَّهُ لَهُۥۖ سُنَّةَ ٱللَّهِ فِي ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلُۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ قَدَرٗا مَّقۡدُورًا
Open ayah 33:38Hindi isang pagkakasala sa [panig ng] Propeta ang anumang kahirapan hinggil sa anumang ipinag-utos ng Allah sa kanya. Ito ang kaparaanan ng Allah sa mga [propetang] nagsiyao na. At lagi nang ang Kautusan ng Allah ay isang kapasiyahang itinakda.
ٱلَّذِينَ يُبَلِّغُونَ رِسَٰلَٰتِ ٱللَّهِ وَيَخۡشَوۡنَهُۥ وَلَا يَخۡشَوۡنَ أَحَدًا إِلَّا ٱللَّهَۗ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبٗا
Open ayah 33:39[Ipinagkakapuri ng Allah] yaong mga nagpapalaganap ng mga mensahe ng Allah at may takot sa Kanya, at sila ay hindi natatakot kaninuman maliban sa Allah. At ang Allah ay sapat na bilang Tagapagtuos [ng mga gawa].
مَّا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَآ أَحَدٖ مِّن رِّجَالِكُمۡ وَلَٰكِن رَّسُولَ ٱللَّهِ وَخَاتَمَ ٱلنَّبِيِّـۧنَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Open ayah 33:40Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan, nguni’t [siya ay] Sugo ng Allah at huli sa [kawing ng] mga propeta. At ang Allah ay Lagi nang Maalam sa lahat ng bagay.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ ذِكۡرٗا كَثِيرٗا
Open ayah 33:41O kayong mga naniwala, inyong alalahanin ang Allah nang palagiang pag-alaala.
وَسَبِّحُوهُ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلًا
Open ayah 33:42At Siya ay inyong luwalhatiin sa umaga at sa hapon.
هُوَ ٱلَّذِي يُصَلِّي عَلَيۡكُمۡ وَمَلَٰٓئِكَتُهُۥ لِيُخۡرِجَكُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَكَانَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ رَحِيمٗا
Open ayah 33:43Siya na naggawad ng pagpapala sa inyo, at ang Kanyang mga anghel [ay nagsumamo sa Kanya], upang kayo ay Kanyang hanguin mula sa kadiliman tungo sa liwanag. At Siya ay Lagi nang Maawain sa mga naniniwala.
تَحِيَّتُهُمۡ يَوۡمَ يَلۡقَوۡنَهُۥ سَلَٰمٞۚ وَأَعَدَّ لَهُمۡ أَجۡرٗا كَرِيمٗا
Open ayah 33:44Ang kanilang pagbati sa Araw na Siya ay kanilang makahaharap ay, “Kapayapaan.” At Kanyang inihanda para sa kanila ang isang marangal na gantimpala.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ شَٰهِدٗا وَمُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا
Open ayah 33:45O Propeta, katotohanan, ikaw ay Aming ipinadala bilang saksi, at isang tagapaghatid ng magandang balita, at isang tagapagbabala.
وَدَاعِيًا إِلَى ٱللَّهِ بِإِذۡنِهِۦ وَسِرَاجٗا مُّنِيرٗا
Open ayah 33:46At [bilang] isang nag-aanyaya sa Allah sa pamamagitan ng Kanyang kapahintulutan, at isang nagliliwanag na lampara.
وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ بِأَنَّ لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ فَضۡلٗا كَبِيرٗا
Open ayah 33:47At magbigay ng magandang balita sa mga naniniwala na para sa kanila ay isang dakilang biyaya mula sa Allah.
وَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَدَعۡ أَذَىٰهُمۡ وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا
Open ayah 33:48At huwag mong sundin ang mga di-naniniwala at mga mapagkunwari, at huwag mo silang sasaktan. At ikaw ay magtiwala sa Allah. At ang Allah ay Sapat na bilang Tagapangasiwa [ng lahat ng gawain].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نَكَحۡتُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ ثُمَّ طَلَّقۡتُمُوهُنَّ مِن قَبۡلِ أَن تَمَسُّوهُنَّ فَمَا لَكُمۡ عَلَيۡهِنَّ مِنۡ عِدَّةٖ تَعۡتَدُّونَهَاۖ فَمَتِّعُوهُنَّ وَسَرِّحُوهُنَّ سَرَاحٗا جَمِيلٗا
Open ayah 33:49O kayong mga naniwala, kapag kayo ay mag-aasawa ng isang babaing naniniwala, at pagkaraan, ay inyong hiniwalayan bago pa man ang inyong pakikipagtalik sa kanila, samakatwid, walang takdang paghihintay para sa inyo upang magbilang hinggil sa kanila. Kaya, kayo ay magkaloob sa kanila, at sila ay inyong pagkalooban ng magandang paglaya.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِنَّآ أَحۡلَلۡنَا لَكَ أَزۡوَٰجَكَ ٱلَّٰتِيٓ ءَاتَيۡتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتۡ يَمِينُكَ مِمَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّٰتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَٰلَٰتِكَ ٱلَّٰتِي هَاجَرۡنَ مَعَكَ وَٱمۡرَأَةٗ مُّؤۡمِنَةً إِن وَهَبَتۡ نَفۡسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنۡ أَرَادَ ٱلنَّبِيُّ أَن يَسۡتَنكِحَهَا خَالِصَةٗ لَّكَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۗ قَدۡ عَلِمۡنَا مَا فَرَضۡنَا عَلَيۡهِمۡ فِيٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ لِكَيۡلَا يَكُونَ عَلَيۡكَ حَرَجٞۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Open ayah 33:50O Propeta, katotohanan na Aming ipinahintulot sa iyo ang iyong mga asawa na pinagkalooban mo ng kanilang kaukulang kabayaran [Mahr] at yaong mga taglay ng iyong kanang kamay [alipin] mula sa anumang ibinalik sa iyo ng Allah [na mga bihag] at ang mga anak na babae ng iyong tiyuhin [sa panig ng iyong ama] at ang mga anak na babae ng iyong tiyahin [sa panig ng iyong ama] at ang mga anak na babae ng iyong tiyuhin [sa panig ng iyong ina] at mga anak na babae ng iyong tiyahin [sa panig ng iyong ina] na lumikas [mula sa Makkah] na kasama mo, at ang isang babaing naniniwala kung ipinagkakaloob niya ang kanyang sarili sa Propeta [at] kung nais ng Propeta na siya ay pakasalan; [ito ay] para sa iyo lamang at hindi para [sa iba pang] mga naniniwala. Katiyakan, Aming nababatid kung ano ang Aming iniatang [bilang tungkulin] sa kanila hinggil sa kanilang mga asawa at yaong mga [alipin] na taglay ng kanilang kanang kamay [nguni’t ito ay para sa iyo] upang ikaw ay walang danasing kahirapan. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.
۞تُرۡجِي مَن تَشَآءُ مِنۡهُنَّ وَتُـٔۡوِيٓ إِلَيۡكَ مَن تَشَآءُۖ وَمَنِ ٱبۡتَغَيۡتَ مِمَّنۡ عَزَلۡتَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكَۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن تَقَرَّ أَعۡيُنُهُنَّ وَلَا يَحۡزَنَّ وَيَرۡضَيۡنَ بِمَآ ءَاتَيۡتَهُنَّ كُلُّهُنَّۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا فِي قُلُوبِكُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَلِيمٗا
Open ayah 33:51Ikaw [O Muhammad] ay maaaring lumiban sa sinuman na iyong nais sa kanila [sa iyong mga asawa], at maaari mong kuhanin ang sinumang iyong nais. At sinuman sa kanila na iyong [pansamantalang] niliban - hindi isang pagkakasala sa iyo [na siya ay muli mong balikan]. Iyan ay higit na mainam upang maging maaliwalas [ang kanilang mga mata] at hindi magdamdam, at upang sila ay masiyahan sa anumang ipagkaloob mo sa kanila – silang lahat. At nababatid ng Allah ang anumang nasa inyong mga puso. At ang Allah ay Lagi nang Maalam, Mapagparaya.
لَّا يَحِلُّ لَكَ ٱلنِّسَآءُ مِنۢ بَعۡدُ وَلَآ أَن تَبَدَّلَ بِهِنَّ مِنۡ أَزۡوَٰجٖ وَلَوۡ أَعۡجَبَكَ حُسۡنُهُنَّ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ يَمِينُكَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ رَّقِيبٗا
Open ayah 33:52Hindi ipinahihintulot para sa iyo, [O Muhammad] ang [karagdagan sa iyong] mga asawa pagkaraan [nito], o [hindi rin pinahihintulot] sa iyo na sila ay iyong ipagpalit para sa [ibang] mga asawa, kahit na ang kanilang kagandahan ay nakaaakit sa iyo, maliban sa alinmang [aliping] taglay ng iyong kanang kamay. At ang Allah ay Lagi nang Tagapagmasid sa lahat ng bagay.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَدۡخُلُواْ بُيُوتَ ٱلنَّبِيِّ إِلَّآ أَن يُؤۡذَنَ لَكُمۡ إِلَىٰ طَعَامٍ غَيۡرَ نَٰظِرِينَ إِنَىٰهُ وَلَٰكِنۡ إِذَا دُعِيتُمۡ فَٱدۡخُلُواْ فَإِذَا طَعِمۡتُمۡ فَٱنتَشِرُواْ وَلَا مُسۡتَـٔۡنِسِينَ لِحَدِيثٍۚ إِنَّ ذَٰلِكُمۡ كَانَ يُؤۡذِي ٱلنَّبِيَّ فَيَسۡتَحۡيِۦ مِنكُمۡۖ وَٱللَّهُ لَا يَسۡتَحۡيِۦ مِنَ ٱلۡحَقِّۚ وَإِذَا سَأَلۡتُمُوهُنَّ مَتَٰعٗا فَسۡـَٔلُوهُنَّ مِن وَرَآءِ حِجَابٖۚ ذَٰلِكُمۡ أَطۡهَرُ لِقُلُوبِكُمۡ وَقُلُوبِهِنَّۚ وَمَا كَانَ لَكُمۡ أَن تُؤۡذُواْ رَسُولَ ٱللَّهِ وَلَآ أَن تَنكِحُوٓاْ أَزۡوَٰجَهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦٓ أَبَدًاۚ إِنَّ ذَٰلِكُمۡ كَانَ عِندَ ٱللَّهِ عَظِيمًا
Open ayah 33:53O kayong mga naniwala, huwag kayong pumasok sa mga pamamahay ng Propeta, maliban kung kayo ay pinahintulutan para sa [paanyaya ng] isang kainan, na walang paghihintay sa paghahanda nito. Nguni’t kung kayo ay inanyayahan, magkagayon kayo ay pumasok, at kapag kayo ay nakakain na, magsialis na kayo na wala nang hinihintay pang pananatili para makipag-usap. Katotohanan, iyang [ganyang asal] ay nakagagambala sa Propeta, at siya ay nahihiyang [magpaalis] sa inyo. Nguni’t ang Allah ay hindi nahihiya sa katotohanan. At kapag kayo ay magtatanong [sa kanyang mga asawa] para sa anupaman, sila ay inyong tanungin sa likod ng tabing [kubling harang]. Iyan ay higit na dalisay para sa inyong mga puso at kanilang mga puso. At hindi [marapat] para sa inyo na inyong gambalain ang Sugo ng Allah, o kaya ay inyong pakasalan ang kanyang mga asawa pagkaraan [ng kamatayan] niya. Katotohanan, iyan ay isang kasuklamsuklam sa [paningin ng] Allah.
إِن تُبۡدُواْ شَيۡـًٔا أَوۡ تُخۡفُوهُ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Open ayah 33:54Ihayag man ninyo ang anupaman o inyong itago ito, katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Maalam sa lahat ng bagay.
لَّا جُنَاحَ عَلَيۡهِنَّ فِيٓ ءَابَآئِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآئِهِنَّ وَلَآ إِخۡوَٰنِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآءِ إِخۡوَٰنِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآءِ أَخَوَٰتِهِنَّ وَلَا نِسَآئِهِنَّ وَلَا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُنَّۗ وَٱتَّقِينَ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدًا
Open ayah 33:55Hindi isang pagkakasala sa kanila [sa mga babae], kung sila ay mag-alis ng hijab sa harap ng kanilang mga ama, o sa kanilang mga anak na lalaki o sa kanilang kapatid na lalaki o sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na lalaki o mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na babae, o sa kanilang mga babae o yaong mga taglay ng kanilang kanan kamay [i.e mga alipin]. At matakot sa Allah. Katiyakan, ang Allah ay Lagi nang Saksi sa lahat ng bagay.
إِنَّ ٱللَّهَ وَمَلَٰٓئِكَتَهُۥ يُصَلُّونَ عَلَى ٱلنَّبِيِّۚ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ صَلُّواْ عَلَيۡهِ وَسَلِّمُواْ تَسۡلِيمًا
Open ayah 33:56Katotohanan, ang Allah at ang Kanyang mga anghel ay naggawad ng salaat [o pagpapala] sa Propeta [Muhammad]. O kayong mga naniwala, inyong hingin [sa Allah na igawad] ang pagpapala sa kanya at hingin [sa Allah na igawad sa kanya] ang kapayapaan.
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَأَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابٗا مُّهِينٗا
Open ayah 33:57Katotohanan, yaong mga umalipusta sa Allah at sa Kanyang Sugo - sila ay isinumpa ng Allah sa mundong ito at sa kabilang buhay, at inihanda para sa kanila ang isang kahiya-hiyang parusa.
وَٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ بِغَيۡرِ مَا ٱكۡتَسَبُواْ فَقَدِ ٱحۡتَمَلُواْ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Open ayah 33:58At yaong mga nagbibigay-pasakit sa mga naniniwalang lalaki at mga naniniwalang babae nang higit kaysa sa anumang kanilang pinagsumikapan, katiyakang sila ay nagpapasan [sa kanilang mga sarili] ng kasiraang-puri at hayag na kasalanan.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّأَزۡوَٰجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَآءِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ يُدۡنِينَ عَلَيۡهِنَّ مِن جَلَٰبِيبِهِنَّۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن يُعۡرَفۡنَ فَلَا يُؤۡذَيۡنَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Open ayah 33:59O Propeta, sabihin mo sa iyong mga asawa at sa iyong mga anak na babae at sa mga babae ng mga naniniwala na kanilang ibaba ang kanilang takip sa kanilang mga sarili [ang bahagi] ng kanilang panlabas na kasuutan. Iyan ay higit na mabuti upang sila ay makilala [bilang marangal na babae] at sila ay hindi alipustain. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.
۞لَّئِن لَّمۡ يَنتَهِ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡمُرۡجِفُونَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ لَنُغۡرِيَنَّكَ بِهِمۡ ثُمَّ لَا يُجَاوِرُونَكَ فِيهَآ إِلَّا قَلِيلٗا
Open ayah 33:60Kung ang mga mapagkunwari, at yaong ang mga puso ay may sakit [ng pagnanasa] at yaong mga nagkakalat ng mga masamang balita sa [mga mamamayan ng] Madinah ay hindi magsitigil, katiyakan na ikaw ay Aming uudyukan laban sa kanila; pagkaraan sila ay hindi mananatili roon bilang iyong mga kapitbahay maliban para sa sandali lamang.
مَّلۡعُونِينَۖ أَيۡنَمَا ثُقِفُوٓاْ أُخِذُواْ وَقُتِّلُواْ تَقۡتِيلٗا
Open ayah 33:61[Sila ay] isinumpa saanman sila matagpuan, [sila ay nararapat na] dinarakip, at pinapatay nang lubusang pagpatay.
سُنَّةَ ٱللَّهِ فِي ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلُۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗا
Open ayah 33:62[Ito ang] itinatag na kaparaanan ng Allah sa mga [mapagkunwari sa kanilang mga Propeta] noong una [pa]; at wala kayong matatagpuang pagbabago sa kaparaanan ng Allah.
يَسۡـَٔلُكَ ٱلنَّاسُ عَنِ ٱلسَّاعَةِۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ ٱللَّهِۚ وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّ ٱلسَّاعَةَ تَكُونُ قَرِيبًا
Open ayah 33:63Ang mga tao ay nagtatanong sa iyo tungkol sa [takdang] Oras. Sabihin mo: “Ang kaalaman nito ay tanging nasa Allah lamang. Ano ba ang iyong kamalayan [hinggil dito]? Baka sakaling ang Oras ay nalalapit na.”
إِنَّ ٱللَّهَ لَعَنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَأَعَدَّ لَهُمۡ سَعِيرًا
Open ayah 33:64Katotohanan, isinumpa ng Allah ang mga di-naniniwala, at inihanda para sa kanila ang lagablab [ng Apoy].
خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ لَّا يَجِدُونَ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Open ayah 33:65[Sila ay] mamamalagi roon nang walang hanggan, sila ay walang matatagpuang tagapangalaga, o isang makatutulong.
يَوۡمَ تُقَلَّبُ وُجُوهُهُمۡ فِي ٱلنَّارِ يَقُولُونَ يَٰلَيۡتَنَآ أَطَعۡنَا ٱللَّهَ وَأَطَعۡنَا ٱلرَّسُولَا۠
Open ayah 33:66Sa Araw [na iyon] ang kanilang mga mukha ay pipihitin [o ibabaling] sa Apoy, sila ay magsasabi: “Sana kami ay sumunod sa Allah at sumunod sa Sugo [kay Muhammad].”
وَقَالُواْ رَبَّنَآ إِنَّآ أَطَعۡنَا سَادَتَنَا وَكُبَرَآءَنَا فَأَضَلُّونَا ٱلسَّبِيلَا۠
Open ayah 33:67At sila ay magsasabing: “Aming Panginoon, katotohanan, kami ay sumunod sa aming mga pinuno at sa aming mga matataas na pinuno, at sila ang umakay sa amin sa pagkaligaw sa [matuwid na] landas.
رَبَّنَآ ءَاتِهِمۡ ضِعۡفَيۡنِ مِنَ ٱلۡعَذَابِ وَٱلۡعَنۡهُمۡ لَعۡنٗا كَبِيرٗا
Open ayah 33:68“Aming Panginoon, bigyan Mo po sila [yaong mga umakay sa amin sa pagkaligaw] ng ibayong parusa at sila ay sumpain nang matinding sumpa.”
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ ءَاذَوۡاْ مُوسَىٰ فَبَرَّأَهُ ٱللَّهُ مِمَّا قَالُواْۚ وَكَانَ عِندَ ٱللَّهِ وَجِيهٗا
Open ayah 33:69O kayong mga naniwala, huwag ninyong tularan yaong mga nangalipusta kay Moises, pagkaraang siya ay pinawalang-sala ng Allah sa anumang kanilang sinabi [o ipinaratang], at siya ay marangal sa [paningin ng] Allah.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَقُولُواْ قَوۡلٗا سَدِيدٗا
Open ayah 33:70O kayong mga naniwala, inyong katakutan ang Allah, at magsalita kayo [tuwina] ng mga salitang makatuwiran [o makatarungan].
يُصۡلِحۡ لَكُمۡ أَعۡمَٰلَكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡۗ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَقَدۡ فَازَ فَوۡزًا عَظِيمًا
Open ayah 33:71[Upang sa gayon ay] Kanyang itutuwid para sa inyo ang inyong mga gawain at patatawarin kayo sa inyong mga kasalanan. At sinuman ang sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo, katiyakang natamo niya ang isang dakilang tagumpay.
إِنَّا عَرَضۡنَا ٱلۡأَمَانَةَ عَلَى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱلۡجِبَالِ فَأَبَيۡنَ أَن يَحۡمِلۡنَهَا وَأَشۡفَقۡنَ مِنۡهَا وَحَمَلَهَا ٱلۡإِنسَٰنُۖ إِنَّهُۥ كَانَ ظَلُومٗا جَهُولٗا
Open ayah 33:72Katotohanan, Aming inalok ang amanah [tiwala o pananagutan] sa mga kalangitan at sa kalupaan, at sa mga bundok, nguni’t sila ay tumangging pasanin ito at kinatakutan ito nguni’t ang tao [ay nangakong] ito ay kanyang papasanin. Katotohanan, siya [tao] ay mapaggawa ng kamalian at mangmang.
لِّيُعَذِّبَ ٱللَّهُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ وَٱلۡمُشۡرِكَٰتِ وَيَتُوبَ ٱللَّهُ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمَۢا
Open ayah 33:73[Ito nga ay], upang parusahan ng Allah ang mga mapagkunwaring lalaki at mga mapagkunwaring babae, ang mga lalaking nagtatambal at mga babaing nagtatambal. At upang tanggapin ng Allah ang pagsisisi mula sa mga naniniwalang lalaki at mga naniniwalang babae. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.