سبإ

Saba

Sheba · Surah 34 · Ayahs: 54 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡخَبِيرُ

    Open ayah 34:1

    Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah] na Siyang nagmamayari ng anumang nasa mga kalangitan at ng anumang nasa kalupaan. Sa Kanya ang mga papuri sa kabilang buhay, at Siya ang Tigib ng Karunungan, ang Lubos na Nakababatid.

  2. يَعۡلَمُ مَا يَلِجُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا يَخۡرُجُ مِنۡهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا يَعۡرُجُ فِيهَاۚ وَهُوَ ٱلرَّحِيمُ ٱلۡغَفُورُ

    Open ayah 34:2

    Kanyang nalalaman ang anumang pumapasok sa kalupaan at ang anumang lumalabas mula roon, at ang anumang bumababa mula sa kalangitan at ang anumang umaakyat patungo roon. At Siya ang Maawain, ang Mapagpatawad.

  3. وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَأۡتِينَا ٱلسَّاعَةُۖ قُلۡ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتَأۡتِيَنَّكُمۡ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِۖ لَا يَعۡزُبُ عَنۡهُ مِثۡقَالُ ذَرَّةٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَآ أَصۡغَرُ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكۡبَرُ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٖ

    Open ayah 34:3

    Nguni’t yaong mga di-naniniwala ay nagsasabi: “Ang Oras ay hindi darating sa amin.” Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Oo, sumpa man sa aking Panginoon, ito ay katiyakang darating sa inyo. Ang [Allah ay] Maalam ng Ghaib [di-nakikita].” Hindi makaliligta [o makakaalpas] mula sa Kanya ang kahit isang timbang ng munting bagay sa loob ng mga kalangitan at sa loob ng kalupaan, o [anumang] higit na maliit kaysa riyan o higit na malaki maliban na ito ay nakatala sa isang malinaw na talaan.

  4. لِّيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ

    Open ayah 34:4

    Upang Kanyang gantimpalaan yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid. Sila yaong may kapatawaran at marangal na panustos.

  5. وَٱلَّذِينَ سَعَوۡ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مِّن رِّجۡزٍ أَلِيمٞ

    Open ayah 34:5

    Nguni’t yaong mga nagsisikap laban sa Aming mga kapahayagan [nagtatangkang] magdulot ng kabiguan – sila yaong mayroong mahapding parusa na likas na karima-rimarim.

  6. وَيَرَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ هُوَ ٱلۡحَقَّ وَيَهۡدِيٓ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ

    Open ayah 34:6

    At nakikita niyaong mga pinagkalooban ng kaalaman na ang anumang ipinahayag sa iyo [O Muhammad] mula sa iyong Panginoon ay katotohanan, at ito ay nagpapatnubay tungo sa Landas ng Ganap na Makapangyarihan, ang Kapuri-puri.

  7. وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ هَلۡ نَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ رَجُلٖ يُنَبِّئُكُمۡ إِذَا مُزِّقۡتُمۡ كُلَّ مُمَزَّقٍ إِنَّكُمۡ لَفِي خَلۡقٖ جَدِيدٍ

    Open ayah 34:7

    At yaong mga di-naniniwala ay nagsasabi: “Kayo ba ay aming aakayin sa isang lalaking [kay Muhammad] magsasabi sa inyo na kapag kayo ay malansag nang lubusang pagkalansag, kayo ay [muling lilikhain] bilang bagong nilikha?

  8. أَفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَم بِهِۦ جِنَّةُۢۗ بَلِ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ فِي ٱلۡعَذَابِ وَٱلضَّلَٰلِ ٱلۡبَعِيدِ

    Open ayah 34:8

    Siya ba ay naglubid ng kasinungalingan laban sa Allah, o siya ba ay may kabaliwan sa kanyang [sarili]?” Nguni’t, yaong mga di-naniniwala [hinggil] sa kabilang buhay ay nasa kaparusahan, at malayong pagkaligaw.

  9. أَفَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِن نَّشَأۡ نَخۡسِفۡ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ نُسۡقِطۡ عَلَيۡهِمۡ كِسَفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّكُلِّ عَبۡدٖ مُّنِيبٖ

    Open ayah 34:9

    Hindi ba nila nakikita ang anumang nasa kanilang mga harapan at ang anumang nasa kanilang mga likuran mula sa mga kalangitan at kalupaan? Kung Aming naisin, sila ay maaari Naming hayaang lulunin ng lupa o ihulog sa kanila ang mga pira-pirasong nagmula sa langit. Katotohanan, naririto ang isang ayaat [palatandaan] para sa lahat ng aliping nagbabalikloob [sa Allah].

  10. ۞وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ مِنَّا فَضۡلٗاۖ يَٰجِبَالُ أَوِّبِي مَعَهُۥ وَٱلطَّيۡرَۖ وَأَلَنَّا لَهُ ٱلۡحَدِيدَ 

    Open ayah 34:10

    At katiyakan, Aming ipinagkaloob kay David ang biyayang nagmula sa Amin. [At Aming sinabi], “O mga bundok, inyong ulitin [ang Aming] mga papuri na kasama siya, at [gayundin] ang mga ibon. At Aming ginawang malambot para sa kanya, ang bakal.”

  11. أَنِ ٱعۡمَلۡ سَٰبِغَٰتٖ وَقَدِّرۡ فِي ٱلسَّرۡدِۖ وَٱعۡمَلُواْ صَٰلِحًاۖ إِنِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ

    Open ayah 34:11

    [Siya ay pinag-utusang]: “Gumawa ng kasuutang-kalasag at sukatin [ng wasto] ang mga baluting singsing [ng kalasag], at magsigawa kayong [lahat] ng mga gawaing matwid. Katotohanan, Aking Nakikita ang anumang inyong ginagawa.”

  12. وَلِسُلَيۡمَٰنَ ٱلرِّيحَ غُدُوُّهَا شَهۡرٞ وَرَوَاحُهَا شَهۡرٞۖ وَأَسَلۡنَا لَهُۥ عَيۡنَ ٱلۡقِطۡرِۖ وَمِنَ ٱلۡجِنِّ مَن يَعۡمَلُ بَيۡنَ يَدَيۡهِ بِإِذۡنِ رَبِّهِۦۖ وَمَن يَزِغۡ مِنۡهُمۡ عَنۡ أَمۡرِنَا نُذِقۡهُ مِنۡ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ

    Open ayah 34:12

    At kay Solomon [Aming itinalaga] ang hangin – [ang ihip] nito sa umaga ay [sukat ng] isang buwang [layo ng paglalakbay], at [ang ihip] nito sa hapon ay sukat ng isang buwang [layo ng paglalakbay]. At Aming pinangyaring umagos para sa kanya ang isang bukal ng [katas ng] bakal. At kabilang sa mga jinn ay nanilbihan para sa kanya sa kapahintulutan ng kanyang Panginoon. At sinuman ang lumihis mula sa kanila sa Aming Kautusan – Aming ipalalasap sa kanya ang parusa ng naglalagablab [na Apoy].

  13. يَعۡمَلُونَ لَهُۥ مَا يَشَآءُ مِن مَّحَٰرِيبَ وَتَمَٰثِيلَ وَجِفَانٖ كَٱلۡجَوَابِ وَقُدُورٖ رَّاسِيَٰتٍۚ ٱعۡمَلُوٓاْ ءَالَ دَاوُۥدَ شُكۡرٗاۚ وَقَلِيلٞ مِّنۡ عِبَادِيَ ٱلشَّكُورُ

    Open ayah 34:13

    Sila ay nagsigawa para sa kanya ng anumang kanyang nais ng mga nagtataasang mga silid, mga imahen, mga tinggalang tulad ng mga tapayan at mga pakuluan [ng tubig]. [At Aming sinabi sa kanila], “Magsigawa kayo O pamilya ni David nang may pasasalamat.” Subali’t mangilan-ngilan [lamang] sa Aking mga alipin ang mapagpasalamat.

  14. فَلَمَّا قَضَيۡنَا عَلَيۡهِ ٱلۡمَوۡتَ مَا دَلَّهُمۡ عَلَىٰ مَوۡتِهِۦٓ إِلَّا دَآبَّةُ ٱلۡأَرۡضِ تَأۡكُلُ مِنسَأَتَهُۥۖ فَلَمَّا خَرَّ تَبَيَّنَتِ ٱلۡجِنُّ أَن لَّوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ ٱلۡغَيۡبَ مَا لَبِثُواْ فِي ٱلۡعَذَابِ ٱلۡمُهِينِ

    Open ayah 34:14

    At nang Aming itakda para sa kanya [kay Solomon] ang kamatayan, walang ipinahiwatig sa kanila [sa mga jinn] ng kanyang kamatayan maliban sa isang maliit na uod ng lupa na ngumangatngat [nang banayad] sa kanyang tungkod. Kaya nang siya ay mahulog, naging malinaw sa mga jinn na kung kanila lamang nababatid ang di-nakikitang pangyayari, marahil sila ay hindi nanatili sa kaaba-abang parusa.

  15. لَقَدۡ كَانَ لِسَبَإٖ فِي مَسۡكَنِهِمۡ ءَايَةٞۖ جَنَّتَانِ عَن يَمِينٖ وَشِمَالٖۖ كُلُواْ مِن رِّزۡقِ رَبِّكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لَهُۥۚ بَلۡدَةٞ طَيِّبَةٞ وَرَبٌّ غَفُورٞ

    Open ayah 34:15

    Katiyakan, nagkaroon para sa [mga mamamayan ng] Saba, sa kanilang pinamamahayanang pook ng isang ayah [babala at paalala]: ang dalawang [taniman ng] hardin sa kanan at sa kaliwa; [at sila ay pinagpayuhang]: “Magsikain kayo mula sa panustos ng inyong Panginoon, at magpasalamat kayo sa Kanya.” [Mayroon kayong] isang mabuting lupa at isang Mapagpatawad na Panginoon.

  16. فَأَعۡرَضُواْ فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ سَيۡلَ ٱلۡعَرِمِ وَبَدَّلۡنَٰهُم بِجَنَّتَيۡهِمۡ جَنَّتَيۡنِ ذَوَاتَيۡ أُكُلٍ خَمۡطٖ وَأَثۡلٖ وَشَيۡءٖ مِّن سِدۡرٖ قَلِيلٖ

    Open ayah 34:16

    Nguni’t sila ay nagsilayo [mula sa babala ng Allah], kaya Aming ipinadala [laban] sa kanila ang salot ng baha [na bumuhos mula sa patubigan], at Aming hinalinhan ang dalawang hardin ng mga harding namumunga ng mapapait na bunga at tamarisko, at mangilan-ngilang puno ng sidrah.

  17. ذَٰلِكَ جَزَيۡنَٰهُم بِمَا كَفَرُواْۖ وَهَلۡ نُجَٰزِيٓ إِلَّا ٱلۡكَفُورَ

    Open ayah 34:17

    Iyan ang Aming ibinayad sa kanila sanhi ng kanilang hindi paniniwala. At hindi Kami nagbabayad [nang ganyan] maliban sa mga di-naniniwala.

  18. وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُمۡ وَبَيۡنَ ٱلۡقُرَى ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَا قُرٗى ظَٰهِرَةٗ وَقَدَّرۡنَا فِيهَا ٱلسَّيۡرَۖ سِيرُواْ فِيهَا لَيَالِيَ وَأَيَّامًا ءَامِنِينَ

    Open ayah 34:18

    At Aming inilagay sa kanilang pagitan at sa pagitan ng mga bayang Aming pinagpala, ang [maraming] abot-tanaw na bayan, at Aming itinakda para sa kanila roon ang [layo ng] paglalakbay [at nagsasabing]: “Magsipaglakbay kayo roon sa mga [bayang] ito nang matiwasay sa gabi at sa araw.”

  19. فَقَالُواْ رَبَّنَا بَٰعِدۡ بَيۡنَ أَسۡفَارِنَا وَظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَ وَمَزَّقۡنَٰهُمۡ كُلَّ مُمَزَّقٍۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ

    Open ayah 34:19

    Nguni’t sila ay [walang pakundangang] nagsabing: “Aming Panginoon, gawin Mong malayo ang pagitan ng aming mga paglalakbay,” at kanilang minali ang kanilang mga sarili; kaya sila ay Aming ginawa [bilang] mga salaysay [upang kapulutan ng aral], at sila ay Aming nilansag nang ganap na pagkalansag. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [babala] para sa bawa’t matiisin, [at] mapagpasalamat.

  20. وَلَقَدۡ صَدَّقَ عَلَيۡهِمۡ إِبۡلِيسُ ظَنَّهُۥ فَٱتَّبَعُوهُ إِلَّا فَرِيقٗا مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ 

    Open ayah 34:20

    At katiyakang napatunayan na ni Iblis [satanas] ang kanyang inaakala laban sa kanila [na sila ay iligaw]; kaya sila ay sumunod sa kanya maliban sa isang [matatag na] pangkat mula sa mga naniniwala.

  21. وَمَا كَانَ لَهُۥ عَلَيۡهِم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّا لِنَعۡلَمَ مَن يُؤۡمِنُ بِٱلۡأٓخِرَةِ مِمَّنۡ هُوَ مِنۡهَا فِي شَكّٖۗ وَرَبُّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَفِيظٞ

    Open ayah 34:21

    At siya [si Iblis] ay walang kapangyarihan sa kanila malibang [ito ay naitakda na] upang Aming ipakita kung sino ang naniniwala hinggil sa kabilang buhay mula sa sinumang may agam-agam [tungkol] dito. At ang iyong Panginoon ay Tagapagbantay sa lahat ng bagay.

  22. قُلِ ٱدۡعُواْ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَمۡلِكُونَ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا لَهُمۡ فِيهِمَا مِن شِرۡكٖ وَمَا لَهُۥ مِنۡهُم مِّن ظَهِيرٖ

    Open ayah 34:22

    Sabihin mo: [sa kanila O Muhammad] “Manawagan kayo sa inyong mga kinikilala [o itinuturing bilang mga diyos] bukod sa Allah,” sila ay walang taglay kahit na katiting na timbang [na kapangyarihan] sa mga kalangitan o sa kalupaan, at sila ay wala ni isa mang kabahagi [sa Kanya] roon, at wala ni isa mang umaalalay para sa Kanya mula sa kanila.

  23. وَلَا تَنفَعُ ٱلشَّفَٰعَةُ عِندَهُۥٓ إِلَّا لِمَنۡ أَذِنَ لَهُۥۚ حَتَّىٰٓ إِذَا فُزِّعَ عَن قُلُوبِهِمۡ قَالُواْ مَاذَا قَالَ رَبُّكُمۡۖ قَالُواْ ٱلۡحَقَّۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ

    Open ayah 34:23

    Ang pamamagitan sa Kanya ay walang ibubungang buti maliban para sa sinumang Kanyang pinahintulutan. [At yaong mga naghihintay] hanggang, kapag ang ligalig ay maglaho mula sa kanilang mga puso, sila ay magsasabi [sa isa’t isa]: “Ano ang sinabi ng inyong Panginoon?” Sila ay magsasabi: “Ang Katotohanan.” At Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila.”

  24. ۞قُلۡ مَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ قُلِ ٱللَّهُۖ وَإِنَّآ أَوۡ إِيَّاكُمۡ لَعَلَىٰ هُدًى أَوۡ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

    Open ayah 34:24

    Sabihin: "Sino ang nagbigay ng panustos para sa inyo mula sa mga kalangitan at kalupaan? Sabihin mo: “Ang Allah. At katotohanan, [sino kaya] kami o kayo ang nasa patnubay o ang nasa hayag na pagkaligaw?”

  25. قُل لَّا تُسۡـَٔلُونَ عَمَّآ أَجۡرَمۡنَا وَلَا نُسۡـَٔلُ عَمَّا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 34:25

    Sabihin: “Kayo ay hindi tatanungin tungkol sa anumang aming mga [nagawang] kasalanan, at hindi rin kami tatanungin tungkol sa anumang inyong ginawa.”

  26. قُلۡ يَجۡمَعُ بَيۡنَنَا رَبُّنَا ثُمَّ يَفۡتَحُ بَيۡنَنَا بِٱلۡحَقِّ وَهُوَ ٱلۡفَتَّاحُ ٱلۡعَلِيمُ

    Open ayah 34:26

    Sabihin: “Titipunin tayong lahat ng ating Panginoon nang sama-sama [sa Araw ng Paghuhukom], pagkaraan, Siya ay maghuhukom sa ating pagitan nang makatotohanan. At Siya ang Maalam na Hukom.”

  27. قُلۡ أَرُونِيَ ٱلَّذِينَ أَلۡحَقۡتُم بِهِۦ شُرَكَآءَۖ كَلَّاۚ بَلۡ هُوَ ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 34:27

    Sabihin: “Ipakita ninyo sa akin [ang katibayan] niyaong mga iniaakibat ninyo sa Kanya bilang mga katambal. Nguni't [wala nga]! sapagka’t, Siya ang Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.”

  28. وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا كَآفَّةٗ لِّلنَّاسِ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 34:28

    At ikaw [O Muhammad] ay hindi Namin isinugo maliban para sa buong sangkatauhan bilang isang tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala. Nguni’t karamihan sa tao ay hindi nakaaalam [nito].

  29. وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 34:29

    At sila ay nagsasabing:“Kailan ba itong pangako [ang Araw ng Paghuhukom]? Kung tunay ngang kayo ay makatotohanan?”

  30. قُل لَّكُم مِّيعَادُ يَوۡمٖ لَّا تَسۡتَـٔۡخِرُونَ عَنۡهُ سَاعَةٗ وَلَا تَسۡتَقۡدِمُونَ 

    Open ayah 34:30

    Sabihin: “Ang pakikipagtipan para sa inyo ay isang araw - na hindi ninyo maiuurong nang pabalik kahit isang oras, o inyong maiuusog nang pasulong.”

  31. وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَن نُّؤۡمِنَ بِهَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ وَلَا بِٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِۗ وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلظَّٰلِمُونَ مَوۡقُوفُونَ عِندَ رَبِّهِمۡ يَرۡجِعُ بَعۡضُهُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٍ ٱلۡقَوۡلَ يَقُولُ ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ لَوۡلَآ أَنتُمۡ لَكُنَّا مُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 34:31

    At yaong mga di-naniniwala ay nagsasabi:“Kami ay hindi maniniwala sa Qur’an na ito o sa anupamang [kapahayagang] nauna rito.” Nguni’t kung iyo lamang makikita kapag ang mga mapaggawa ng kamalian ay ihaharap sa kanilang Panginoon, [kanilang] ipagkakaila ang pananalita ng isa’t isa. Yaong mga naging mahina ay magsasabi sa mga nagmalaki: “Kung hindi lamang dahil sa inyo, marahil kami ay naging mga naniniwala.”

  32. قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُوٓاْ أَنَحۡنُ صَدَدۡنَٰكُمۡ عَنِ ٱلۡهُدَىٰ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَكُمۖ بَلۡ كُنتُم مُّجۡرِمِينَ

    Open ayah 34:32

    Yaong mga nagmalaki ay nagsasabi sa mga mahihina: “Kayo ba ay aming hinadlangan mula sa patnubay pagkaraang ito ay dumating sa inyo? [Hindi namin ginawa ang gayong paghadlang sa inyo] Bagkus, kayo ay sadyang mga mapaggawa ng kabuktutan.”

  33. وَقَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ بَلۡ مَكۡرُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ إِذۡ تَأۡمُرُونَنَآ أَن نَّكۡفُرَ بِٱللَّهِ وَنَجۡعَلَ لَهُۥٓ أَندَادٗاۚ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۚ وَجَعَلۡنَا ٱلۡأَغۡلَٰلَ فِيٓ أَعۡنَاقِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ هَلۡ يُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 34:33

    At yaong mga mahihina ay nagsasabi sa mga nagmalaki: “Nguni’t, [ito] ang [siya ninyong mga] balakin sa gabi at araw: nang inyong ipag-utos sa amin na talikdan ang Allah at mag-akibat ng mga kapantay sa Kanya!” At bawa’t isa sa kanila ay ikinukubli ang pagsisisi kapag kanilang nakita ang parusa; at Aming lalagyan ng sakal na bakal ang mga leeg niyaong mga di-naniniwala. Hindi ba sila ay pinagbayad lamang para sa anumang [kasamaang] kanilang laging ginagawa?

  34. وَمَآ أَرۡسَلۡنَا فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 34:34

    At walang tagapagbabalang [sugo na] Aming ipinadala sa isang bayan maliban na ang mga [mamamayang] nakaririwasa rito ay [nagmalaking] nagsasabi:“Kami ay hindi naniniwala sa anumang [mensaheng] ipinadala sa inyo.”

  35. وَقَالُواْ نَحۡنُ أَكۡثَرُ أَمۡوَٰلٗا وَأَوۡلَٰدٗا وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ

    Open ayah 34:35

    At sila ay nagsasabi [nang may pagyayabang]:“Kami ay nakahihigit sa [rami ng] yaman at sa [bilang ng] mga anak, at kami ay hindi maparurusahan.”

  36. قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 34:36

    Sabihin: “Katotohanan, ang aking Panginoon ang Siyang nagpapalawig ng panustos sa sinumang Kanyang naisin at [Siyang] naghihigpit [din nito], nguni’t karamihan sa tao ay hindi nakaaalam [nito].”

  37. وَمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُم بِٱلَّتِي تُقَرِّبُكُمۡ عِندَنَا زُلۡفَىٰٓ إِلَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ جَزَآءُ ٱلضِّعۡفِ بِمَا عَمِلُواْ وَهُمۡ فِي ٱلۡغُرُفَٰتِ ءَامِنُونَ

    Open ayah 34:37

    At hindi ang inyong yaman o ang inyong mga anak ang makapaglalapit sa inyo sa Amin, kundi [ang isang] naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid [ang tunay na makapaglalapit sa Amin]; kaya, sila yaong may ibayong gantimpala para sa anumang kanilang ginawa, at sila ay nasa nagtataasang bulwagan [ng Paraiso], ligtas [at panatag].

  38. وَٱلَّذِينَ يَسۡعَوۡنَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ٱلۡعَذَابِ مُحۡضَرُونَ

    Open ayah 34:38

    At yaong mga nagsisikap laban sa Aming mga ayaat [kapahayagan] upang magdulot ng kabiguan, sila ay dadalhin sa kaparusahan [upang manatili roon].

  39. قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُ لَهُۥۚ وَمَآ أَنفَقۡتُم مِّن شَيۡءٖ فَهُوَ يُخۡلِفُهُۥۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ

    Open ayah 34:39

    Sabihin: “Katotohanan, ang aking Panginoon ay nagpapalawig ng panustos para sa sinumang Kanyang naisin sa Kanyang mga alipin at [Siyang] naghihigpit [din nito] para sa kanya. At anumang bagay na inyong gugulin [para sa Kanyang Landas], ito ay Kanyang papalitan. At Siya ang pinakamahusay sa mga tagapanustos.”

  40. وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا ثُمَّ يَقُولُ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ أَهَٰٓؤُلَآءِ إِيَّاكُمۡ كَانُواْ يَعۡبُدُونَ 

    Open ayah 34:40

    At [alalahanin] ang Araw na sila ay Kanyang titipunin nang sama-sama, pagkaraan ay Kanyang sasabihin sa mga anghel:“Hindi ba ang mga [taong] ito ay dating sumasamba sa inyo?”

  41. قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ أَنتَ وَلِيُّنَا مِن دُونِهِمۖ بَلۡ كَانُواْ يَعۡبُدُونَ ٱلۡجِنَّۖ أَكۡثَرُهُم بِهِم مُّؤۡمِنُونَ

    Open ayah 34:41

    Sila [mga anghel] ay magsasabi:“Luwalhati sa Iyo! [O Allah] Ikaw ang aming Tagapangalaga sa halip na sila. Bagkus, sila ay dating sumasamba sa mga jinn; karamihan sa kanila ay mapagpaniwala sa kanila [sa mga jinn].”

  42. فَٱلۡيَوۡمَ لَا يَمۡلِكُ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٖ نَّفۡعٗا وَلَا ضَرّٗا وَنَقُولُ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ

    Open ayah 34:42

    Kaya, sa Araw na iyon [ng Paghuhukom] walang sinuman sa inyo ang [may kakayahang] magbigay-buti o magdulot ng pinsala sa isa’t isa. At Aming pagsasabihan yaong mga gumawa ng mga kamalian:“Lasapin ninyo ang parusa ng Apoy na lagi ninyong itinatakwil.”

  43. وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا رَجُلٞ يُرِيدُ أَن يَصُدَّكُمۡ عَمَّا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُكُمۡ وَقَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٞ مُّفۡتَرٗىۚ وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 34:43

    At kapag ang Aming mga ayaat [kapahayagan] ay binibigkas sa kanila bilang malilinaw na katibayan, sila ay nagsasabi:“Ito ay isang tao lamang na naghahangad na kayo ay hadlangan mula sa anupamang dating sinasamba ng inyong mga ninuno.” At sila ay nagsasabi:“Ito [ang Qur’an] ay isang nilubid na panghuhuwad.” At yaong mga di-naniwala ay nagsasabi [tungkol] sa anumang katotohanang dumating sa kanila: “Ito ay isang malinaw na salamangka!”

  44. وَمَآ ءَاتَيۡنَٰهُم مِّن كُتُبٖ يَدۡرُسُونَهَاۖ وَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمۡ قَبۡلَكَ مِن نَّذِيرٖ

    Open ayah 34:44

    At wala Kaming ipinagkaloob sa kanila mula sa mga kasulatan na maaari nilang pag-aralan [upang magpatunay sa kanilang mga sinasabi] at hindi Kami nagpadala sa kanila [O Muhammad] nang una sa iyo, ng isa mang tagapagbabala.

  45. وَكَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَمَا بَلَغُواْ مِعۡشَارَ مَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ فَكَذَّبُواْ رُسُلِيۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ

    Open ayah 34:45

    At yaong mga nauna sa kanila ay nagtakwil; at sila [mga mamamayan ng Makkah] ay hindi nakaabot ng kahit ika-sampung bahagi ng anumang Aming ipinagkaloob sa kanila. Nguni’t sila [mga naunang mamamayan] ay nagtakwil sa Aking mga sugo. Kaya, [pagmasdan mo kung] gaano [katindi] ang Aking poot!

  46. ۞قُلۡ إِنَّمَآ أَعِظُكُم بِوَٰحِدَةٍۖ أَن تَقُومُواْ لِلَّهِ مَثۡنَىٰ وَفُرَٰدَىٰ ثُمَّ تَتَفَكَّرُواْۚ مَا بِصَاحِبِكُم مِّن جِنَّةٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا نَذِيرٞ لَّكُم بَيۡنَ يَدَيۡ عَذَابٖ شَدِيدٖ

    Open ayah 34:46

    Sabihin: “Ako ay nagpapayo lamang sa inyo ng isang [mahalagang bagay] – na kayo ay [nararapat na] manindigan para sa Allah, [inyong hanapin ang katotohanan] nang magkasama o sarilinan, at pagkaraan, kayo ay mag-isip.” Ang inyong kasamahan [si Muhammad] ay walang anumang [taglay na] kabaliwan [sa sarili]. Siya ay isang tagapagbabala para sa inyo bago [dumating] ang isang matinding parusa.

  47. قُلۡ مَا سَأَلۡتُكُم مِّنۡ أَجۡرٖ فَهُوَ لَكُمۡۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٞ

    Open ayah 34:47

    Sabihin: “Anumang kabayarang maaari kong hingin sa inyo – ito ay para sa inyo. [Sapagka’t] ang aking kabayaran ay magmumula lamang sa Allah, at Siya ang Saksi sa lahat ng bagay.”

  48. قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَقۡذِفُ بِٱلۡحَقِّ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ

    Open ayah 34:48

    Sabihin: “Tunay na ang aking Panginoon ay nagtanghal ng katotohanan, [Siya ay] Maalam sa mga di-nakikitang [bagay o pangyayari].”

  49. قُلۡ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَمَا يُبۡدِئُ ٱلۡبَٰطِلُ وَمَا يُعِيدُ

    Open ayah 34:49

    Sabihin: “Ang katotohanan ay dumating na, at ang kabulaanan ay hindi maaaring magpanimula [o lumikha pa ng anuman] at ulitin [ito nang muli].”

  50. قُلۡ إِن ضَلَلۡتُ فَإِنَّمَآ أَضِلُّ عَلَىٰ نَفۡسِيۖ وَإِنِ ٱهۡتَدَيۡتُ فَبِمَا يُوحِيٓ إِلَيَّ رَبِّيٓۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٞ قَرِيبٞ 

    Open ayah 34:50

    Sabihin: “Kung ako man ay naligaw, katiyakan, ako ay naliligaw laban sa aking sariling [kapariwaraan]. Nguni’t kung ako ay napatnubayan, ito ay dahil sa anumang ipinahayag ng aking Panginoon sa akin. Katotohanan, Siya ay Lubos na Nakaririnig, Malapit.”

  51. وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ فَزِعُواْ فَلَا فَوۡتَ وَأُخِذُواْ مِن مَّكَانٖ قَرِيبٖ

    Open ayah 34:51

    At kung iyong makikita [ang isang tagpo sa kabilang buhay], kapag sila ay naliligalig [sa katotohanang natunghayan] nguni't [sila ay] walang [paraang] makatakas [sa gayong kalagayan] at sila ay hahablutin mula sa malapit na pook.

  52. وَقَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦ وَأَنَّىٰ لَهُمُ ٱلتَّنَاوُشُ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ

    Open ayah 34:52

    At [pagkaraan nito] sila ay [manlulumong] magsasabi:“Kami ay naniniwala rito!” Nguni’t paano pa nga nila [magagawang] maaabot [ang Eeman] mula sa isang malayong pook?

  53. وَقَدۡ كَفَرُواْ بِهِۦ مِن قَبۡلُۖ وَيَقۡذِفُونَ بِٱلۡغَيۡبِ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ

    Open ayah 34:53

    At katiyakan, sila ay hindi na naniwala rito noon pa man sapagka't sila ay nanghuhula lamang tungkol sa Ghaib [mga bahaging di-nakikita] mula sa isang malayong pook.

  54. وَحِيلَ بَيۡنَهُمۡ وَبَيۡنَ مَا يَشۡتَهُونَ كَمَا فُعِلَ بِأَشۡيَاعِهِم مِّن قَبۡلُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ فِي شَكّٖ مُّرِيبِۭ

    Open ayah 34:54

    At ang pampigil [upang sila ay magbalik-loob] ay inilagay sa kanilang pagitan at sa anumang kanilang pinagnanasaan, tulad ng ginawa sa kanilang mga kauri [kapwa tao] noong una. Katotohanan, sila ay nasa matinding pag-aalinlangan [o lubhang pagtakwil].