فاطر
Faatir
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ جَاعِلِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ رُسُلًا أُوْلِيٓ أَجۡنِحَةٖ مَّثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۚ يَزِيدُ فِي ٱلۡخَلۡقِ مَا يَشَآءُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 35:1Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah], Tagapagsimula [sa paglikha] ng mga kalangitan at ng kalupaan, [Siya ang] gumawa sa mga anghel bilang mga sugong mayroong mga pakpak, dalawa o tatlo o apat. Kanyang dinaragdagan sa paglikha ang anumang Kanyang nais. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay.
مَّا يَفۡتَحِ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ مِن رَّحۡمَةٖ فَلَا مُمۡسِكَ لَهَاۖ وَمَا يُمۡسِكۡ فَلَا مُرۡسِلَ لَهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 35:2Anuman ang igawad ng Allah para sa tao mula sa [Kanyang] habag – walang makapipigil nito, at anuman ang Kanyang pigilin - walang makapagpapakawala nito pagkaraan niyon. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ هَلۡ مِنۡ خَٰلِقٍ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Open ayah 35:3O sangkatauhan, inyong alalahanin ang pagpapala ng Allah sa inyo. Mayroon pa bang ibang tagapaglikha bukod sa Allah na nagbibigaypanustos sa inyo mula sa kalangitan at kalupaan? Walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Kaya, paano nga bang kayo ay nalinlang?
وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَتۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Open ayah 35:4At kung sila ay magtakwil sa iyo, [O Muhammad] – katiyakang naitakwil na rin ang mga sugong nauna sa iyo. At sa Allah ang pagbabalik ng mga pangyayari [o mga gawain].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ
Open ayah 35:5O sangkatauhan, katotohanan, ang pangako ng Allah ay totoo. Kaya, huwag ninyong hayaang ang makamundong buhay ay luminlang sa inyo, at huwag kayong palilinlang sa manlilinlang [satanas] tungkol sa Allah.
إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لَكُمۡ عَدُوّٞ فَٱتَّخِذُوهُ عَدُوًّاۚ إِنَّمَا يَدۡعُواْ حِزۡبَهُۥ لِيَكُونُواْ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
Open ayah 35:6Katotohanan, ang satanas ay isang kaaway para sa inyo, kaya siya ay inyong ituring bilang kaaway. Siya ay nag-aanyaya lamang sa kanyang mga kampon upang sila ay maging kabilang ng mga maninirahan sa naglalagablab [na Apoy ng Impiyerno].
ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٌ
Open ayah 35:7Yaong mga di-naniwala - para sa kanila ay matinding parusa, at yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid – para sa kanila ay kapatawaran at malaking gantimpala.
أَفَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ فَرَءَاهُ حَسَنٗاۖ فَإِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۖ فَلَا تَذۡهَبۡ نَفۡسُكَ عَلَيۡهِمۡ حَسَرَٰتٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا يَصۡنَعُونَ
Open ayah 35:8Kaya, ang isa ba na ang kasamaan ng kanyang gawa ay ginawang kaakit-akit upang ito ay kanyang itinuring na mabuti [ay katulad ng isang napatnubayan ng Allah]? Katotohanan, hinahayaan ng Allah na maligaw ang sinumang Kanyang nais, at Kanyang pinapatnubayan ang sinumang Kanyang nais. Kaya, huwag mong hayaang masira ang iyong sarili sa siphayo sa kanila. Katotohanan ang Allah ay Maalam sa anumang kanilang ginagawa.
وَٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابٗا فَسُقۡنَٰهُ إِلَىٰ بَلَدٖ مَّيِّتٖ فَأَحۡيَيۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ كَذَٰلِكَ ٱلنُّشُورُ
Open ayah 35:9At ang Allah ang Siyang nagpapadala sa mga hangin, [upang] pagalawin nito ang mga ulap, pagkaraan ay Aming itinataboy ang mga ito sa tigang na lupa – [at] sa pamamagitan nito ay nabubuhay ang lupang dati ay tigang. Ganyan [nahahalintulad] ang Pagkabuhay na Muli.
مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡعِزَّةَ فَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ جَمِيعًاۚ إِلَيۡهِ يَصۡعَدُ ٱلۡكَلِمُ ٱلطَّيِّبُ وَٱلۡعَمَلُ ٱلصَّٰلِحُ يَرۡفَعُهُۥۚ وَٱلَّذِينَ يَمۡكُرُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۖ وَمَكۡرُ أُوْلَٰٓئِكَ هُوَ يَبُورُ
Open ayah 35:10Sinuman ang naghahangad ng karangalan, – [ito ay nararapat hingin sa Allah, sapagka’t] nasa pagmamay-ari ng Allah ang lahat ng karangalan. Sa Kanya pumapaitaas ang mga mabubuting salita, at Kanyang itinataas ang mga gawaing matwid. Nguni’t yaong mga nagbabalak ng kasamaan – para sa kanila ay isang matinding parusa. At ang pagbabalak niyaon ay maglalaho [at hindi magtatagumpay].
وَٱللَّهُ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ جَعَلَكُمۡ أَزۡوَٰجٗاۚ وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَمَا يُعَمَّرُ مِن مُّعَمَّرٖ وَلَا يُنقَصُ مِنۡ عُمُرِهِۦٓ إِلَّا فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Open ayah 35:11At nilikha kayo ng Allah mula sa alabok, pagkaraan mula sa isang patak ng semilya; pagkaraan kayo ay Kanyang ginawang magkapares [babae at lalaki]. At walang babaing magdadalang-tao o manganganak malibang ito ay nasa Kanyang Kaalaman. At walang tumandang tao ang ginawaran ng [karagdagang] haba ng buhay o binabawasan ang haba ng kanyang buhay maliban na ito ay nasa isang talaan. Katotohanan, iyan ay [sadyang] madali para sa Allah.
وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡبَحۡرَانِ هَٰذَا عَذۡبٞ فُرَاتٞ سَآئِغٞ شَرَابُهُۥ وَهَٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجٞۖ وَمِن كُلّٖ تَأۡكُلُونَ لَحۡمٗا طَرِيّٗا وَتَسۡتَخۡرِجُونَ حِلۡيَةٗ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ فِيهِ مَوَاخِرَ لِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Open ayah 35:12At hindi magkatulad ang dalawang dagat [dalawang uri ng tubig]. Ang isa [tubig-tabang] ay sariwa at manamis-namis, kasiya-siyahang inumin, at ang isa [tubig-alat] ay maalat at mapakla. At mula sa bawa’t isa nito, kayo ay kumakain ng malalambot na laman at humahango ng mga palamuting inyong isinusuot. At iyong nakikita ang mga sasakyang dagat na naglalayag upang inyong hanapin mula rito ang Kanyang biyaya, at upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.
يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِي لِأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ لَهُ ٱلۡمُلۡكُۚ وَٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مَا يَمۡلِكُونَ مِن قِطۡمِيرٍ
Open ayah 35:13Kanyang pinapangyaring pumasok ang gabi sa araw, at Kanyang pinapangyaring pumasok ang araw sa gabi. At itinalaga ang araw at buwan; bawa’t isa ay umiinog [sa sariling ligiran] para sa isang takdang panahon. Iyan ang Allah, ang inyong Panginoon; sa Kanya ang pagmamay-ari ng kapamahalaan. At yaong [mga diyus-diyusang] inyong mga dinadalanginan bukod sa Kanya ay walang pag-aari kahit manipis na hibla sa buto ng datiles.
إِن تَدۡعُوهُمۡ لَا يَسۡمَعُواْ دُعَآءَكُمۡ وَلَوۡ سَمِعُواْ مَا ٱسۡتَجَابُواْ لَكُمۡۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكۡفُرُونَ بِشِرۡكِكُمۡۚ وَلَا يُنَبِّئُكَ مِثۡلُ خَبِيرٖ
Open ayah 35:14Kung kayo ay dumalangin [o manawagan] sa kanila, sila ay hindi nakaririnig ng inyong mga panalangin; at kung [sakali mang] sila ay nakaririnig, sila ay hindi makatutugon para sa inyo. At sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, kanilang itatakwil ang inyong ugnayan [o pagtatambal] sa kanila. At walang makapagbabalita [nito] sa iyo [O, Muhammad] tulad ng [Isang] Nakababatid [ng lahat].
۞يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ أَنتُمُ ٱلۡفُقَرَآءُ إِلَى ٱللَّهِۖ وَٱللَّهُ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Open ayah 35:15O sangkatauhan, kayo ang may pangangailangan sa Allah, samantalang ang Allah ay Mayaman [walang pangangailangan sa inyo], ang Kapuri-puri.
إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَأۡتِ بِخَلۡقٖ جَدِيدٖ
Open ayah 35:16Kung Kanyang naisin, magagawa Niyang kayo ay alisin at magpalitaw ng panibagong nilikha.
وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِيزٖ
Open ayah 35:17At iyan ay hindi mahirap para sa Allah.
وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ وَإِن تَدۡعُ مُثۡقَلَةٌ إِلَىٰ حِمۡلِهَا لَا يُحۡمَلۡ مِنۡهُ شَيۡءٞ وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰٓۗ إِنَّمَا تُنذِرُ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَمَن تَزَكَّىٰ فَإِنَّمَا يَتَزَكَّىٰ لِنَفۡسِهِۦۚ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 35:18At walang tagapagpasan ng mga dalahin [o kasalanan] ang magpapasan sa dalahin ng iba; at kung ang isang nagpapasan ng mabigat na dalahin ay manawagan [sa iba] upang [pasanin ang ibang] dalahin nito, walang anumang [dalahin] ang papasanin [ng iba] mula sa kanya, maging siya man ay isang malapit na kamag-anak. Ikaw ay makapagbababala lamang sa kanila [silang] natatakot sa kanilang Panginoon nang lihim at nagsasagawa ng pagdarasal. At sinumang pinadadalisay ang sarili, dinadalisay lamang ang kanyang sarili para sa [kalinisan ng] kanyang kaluluwa. At sa Allah ang [huling] patutunguhan.
وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُ
Open ayah 35:19At hindi magkatulad ang bulag at ang nakakikita.
وَلَا ٱلظُّلُمَٰتُ وَلَا ٱلنُّورُ
Open ayah 35:20At ang dilim at ang liwanag.
وَلَا ٱلظِّلُّ وَلَا ٱلۡحَرُورُ
Open ayah 35:21At ang lilim at ang init.
وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَحۡيَآءُ وَلَا ٱلۡأَمۡوَٰتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُسۡمِعُ مَن يَشَآءُۖ وَمَآ أَنتَ بِمُسۡمِعٖ مَّن فِي ٱلۡقُبُورِ
Open ayah 35:22At hindi magkatulad ang mga nabubuhay at ang mga patay. Katotohanan, ginagawang makarinig ng Allah ang sinumang Kanyang nais nguni’t hindi mo magagawang makarinig yaong mga nasa libingan.
إِنۡ أَنتَ إِلَّا نَذِيرٌ
Open ayah 35:23Katotohanan, ikaw [O Muhammad] ay isa lamang tagapagbabala.
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗاۚ وَإِن مِّنۡ أُمَّةٍ إِلَّا خَلَا فِيهَا نَذِيرٞ
Open ayah 35:24Katotohanan, ikaw ay Aming ipinadala na may dalang katotohanan, bilang tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala. At walang isang pamayanan malibang may isang tagapagbabalang dumating sa kanila.
وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَبِٱلزُّبُرِ وَبِٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُنِيرِ
Open ayah 35:25At kung ikaw man ay kanilang itakwil, katiyakan na yaong mga nauna sa kanila ay nagsipagtakwil din. Ang kanilang mga sugo ay dumating sa kanila na may dalang mga malilinaw na katibayan, at kalatas, at isang kasulatang nagsisilbing liwanag.
ثُمَّ أَخَذۡتُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ
Open ayah 35:26Pagkaraan, Aking hinablot yaong mga di-naniwala, kaya gaano [kasindak-sindak] ang Aking pagpaparusa.
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦ ثَمَرَٰتٖ مُّخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهَاۚ وَمِنَ ٱلۡجِبَالِ جُدَدُۢ بِيضٞ وَحُمۡرٞ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهَا وَغَرَابِيبُ سُودٞ
Open ayah 35:27Hindi mo ba nakikita na ang Allah ay nagpababa ng tubig [ulan] mula sa kalangitan, at Aming pinatubo sa pamamagitan nito ang mga prutas na may iba’t ibang kulay? At sa mga bundok ay mga landasin [o tawiran] na mapuputi at mapupula na magkakaibang kulay at [ang iba ay] labis na maiitim.
وَمِنَ ٱلنَّاسِ وَٱلدَّوَآبِّ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مُخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهُۥ كَذَٰلِكَۗ إِنَّمَا يَخۡشَى ٱللَّهَ مِنۡ عِبَادِهِ ٱلۡعُلَمَٰٓؤُاْۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ غَفُورٌ
Open ayah 35:28At kabilang sa mga tao at sa mga nilikhang gumagala at sa mga [kawan ng] bakahan ay ang iba’t-ibang kulay na tulad din niyaon. Ang mga natatakot lamang sa Allah mula sa Kanyang mga alipin ang may [taglay na] kaalaman. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Mapagpatawad.
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَتۡلُونَ كِتَٰبَ ٱللَّهِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ يَرۡجُونَ تِجَٰرَةٗ لَّن تَبُورَ
Open ayah 35:29Katotohanan, yaong mga bumibigkas ng Aklat ng Allah [Qur'an], at nagsasagawa ng pagdarasal, at gumugugol mula sa anumang [panustos na] Aming ipinagkaloob sa kanila, maging ito man ay lihim o hayag, [sila ay] umaasa ng isang kalakal na hindi kailanman maglalaho.
لِيُوَفِّيَهُمۡ أُجُورَهُمۡ وَيَزِيدَهُم مِّن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ غَفُورٞ شَكُورٞ
Open ayah 35:30Upang Kanyang ipagkaloob sa kanila ang kanilang lubos na kabayaran, at [upang sila ay] dagdagan mula sa Kanyang biyaya. Katotohanan, Siya ay Mapagpatawad, handang kumilala [o magpahalaga sa mabuting gawa].
وَٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ هُوَ ٱلۡحَقُّ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِعِبَادِهِۦ لَخَبِيرُۢ بَصِيرٞ
Open ayah 35:31At ang Aming ipinahayag sa iyo, [O Muhammad] sa Aklat [sa Qur’an] ay siyang katotohanan - nagpapatunay sa anumang [ipinahayag] na una rito. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na Nakababatid, Ganap na Nakakikita sa Kanyang mga alipin.
ثُمَّ أَوۡرَثۡنَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَيۡنَا مِنۡ عِبَادِنَاۖ فَمِنۡهُمۡ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ وَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞ وَمِنۡهُمۡ سَابِقُۢ بِٱلۡخَيۡرَٰتِ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡكَبِيرُ
Open ayah 35:32Pagkaraan, Aming pinamanahan ng Aklat [Qur’an] yaong Aming mga pinili mula sa Aming mga alipin. At kabilang sa kanila ay isang gumagawa ng kamalian sa kanilang mga sarili, at kabilang sa kanila ay nasa katamtaman, at kabilang sa kanila ay isang nangunguna sa paggawa ng kabutihan sa kapahintulutan ng Allah. Iyan ang siyang malaking biyaya.
جَنَّٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَلُؤۡلُؤٗاۖ وَلِبَاسُهُمۡ فِيهَا حَرِيرٞ
Open ayah 35:33[Para sa kanila ay] Eden - mga paraisong walang hanggang paninirahan na kanilang papasukin. Sila ay gagayakan doon ng mga gintong pulseras at mga perlas, at ang kanilang mga kasuutan doon ay [yari sa mga mararangya at magagandang] sutla.
وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِيٓ أَذۡهَبَ عَنَّا ٱلۡحَزَنَۖ إِنَّ رَبَّنَا لَغَفُورٞ شَكُورٌ
Open ayah 35:34At sila ay nagsasabing: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah] na Siyang pumawi sa amin ng [lahat ng] lumbay. Katotohanan, ang aming Panginoon ang Mapagpatawad, handang kumilala [o magpahalaga sa mabuting gawa].
ٱلَّذِيٓ أَحَلَّنَا دَارَ ٱلۡمُقَامَةِ مِن فَضۡلِهِۦ لَا يَمَسُّنَا فِيهَا نَصَبٞ وَلَا يَمَسُّنَا فِيهَا لُغُوبٞ
Open ayah 35:35Siya ang nagpatira sa amin sa tahanan ng Walang Hanggan [Paraiso] mula sa Kanyang biyaya. Doon ay hindi kami makararanas ng alinmang kapaguran, at doon ay hindi kami makararanas ng hirap [ng pag-iisip].”
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَهُمۡ نَارُ جَهَنَّمَ لَا يُقۡضَىٰ عَلَيۡهِمۡ فَيَمُوتُواْ وَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُم مِّنۡ عَذَابِهَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي كُلَّ كَفُورٖ
Open ayah 35:36At yaong mga di-naniwala - para sa kanila ay Apoy ng Impiyerno. [Ang kamatayan] ay hindi itinakda para sa kanila upang sila ay maaaring mamatay, at ang parusa ay hindi pagagaanin para sa kanila. Ganyan Namin pinagbabayad ang bawa’t isang di mapagpasalamat.
وَهُمۡ يَصۡطَرِخُونَ فِيهَا رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا نَعۡمَلۡ صَٰلِحًا غَيۡرَ ٱلَّذِي كُنَّا نَعۡمَلُۚ أَوَلَمۡ نُعَمِّرۡكُم مَّا يَتَذَكَّرُ فِيهِ مَن تَذَكَّرَ وَجَآءَكُمُ ٱلنَّذِيرُۖ فَذُوقُواْ فَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِن نَّصِيرٍ
Open ayah 35:37At sila ay mananangis doon nang malakas: “Aming Panginoon, kami ay [Iyong] ilabas, kami ay [nangangakong kami ay] magsisigawa ng mga gawaing matwid – iba kaysa sa [kasamaang dati] naming ginagawa.” Nguni’t hindi nga ba kayo ay Aming binigyan ng sapat na [haba ng] buhay upang makaalaala rito ang sinumang [nais na] makaalaala, at ang tagapagbabala ay dumating sa inyo? Kaya, inyong lasapin [ang parusa] sapagka’t para sa mga mapaggawa ng kamalian, [ay] walang isa mang makatutulong.
إِنَّ ٱللَّهَ عَٰلِمُ غَيۡبِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Open ayah 35:38Katotohanan, ang Allah ay Maalam sa [mga bahaging] di-nakikita sa mga kalangitan at kalupaan. Katotohanan, Siya ay Maalam sa [anumang] nasa mga dibdib [ng tao].
هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَكُمۡ خَلَٰٓئِفَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ فَمَن كَفَرَ فَعَلَيۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَلَا يَزِيدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ كُفۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ إِلَّا مَقۡتٗاۖ وَلَا يَزِيدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ كُفۡرُهُمۡ إِلَّا خَسَارٗا
Open ayah 35:39Siya ang nagtalaga sa inyo bilang Khalifah [kahalili sa bawa’t salinlahi] sa kalupaan. Sinuman ang di-naniwala, nakaatang sa kanya ang [bunga ng] kanyang kawalang-paniniwala. At ang kawalang-paniniwala ng mga di-naniwala ay hindi nakaragdag sa kanila sa [paningin ng] kanilang Panginoon maliban sa pagkapoot [sa kanila]. At ang kawalang-paniniwala ng mga di-naniwala ay hindi nakaragdag sa kanila maliban sa kawalan.
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ شُرَكَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُواْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ لَهُمۡ شِرۡكٞ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبٗا فَهُمۡ عَلَىٰ بَيِّنَتٖ مِّنۡهُۚ بَلۡ إِن يَعِدُ ٱلظَّٰلِمُونَ بَعۡضُهُم بَعۡضًا إِلَّا غُرُورًا
Open ayah 35:40Sabihin: “Isinaalang-alang ba ninyo yaong inyong mga [itinuturing na] katambal na inyong dinadalanginan bukod sa Allah? Ipakita ninyo sa akin, kung ano ang kanilang mga nalikha sa kalupaan? O sila ba ay may [nagawang] bahagi sa [pagkalikha sa] mga kalangitan? O Kami ba ay nagkaloob ng isang kasulatan sa kanila, kaya sila ay [naninindigan] sa katibayang nagmula roon? [Nguni’t hindi nga] bagkus, ang mga mapaggawa ng kamalian ay walang pangako sa isa’t isa maliban sa panlilinlang.”
۞إِنَّ ٱللَّهَ يُمۡسِكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ أَن تَزُولَاۚ وَلَئِن زَالَتَآ إِنۡ أَمۡسَكَهُمَا مِنۡ أَحَدٖ مِّنۢ بَعۡدِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ حَلِيمًا غَفُورٗا
Open ayah 35:41Katotohanan, ang Allah ang tumatangan sa mga kalangitan at kalupaan, upang huwag magsigalaw, at kung ang mga ito ay magsisigalaw, walang ibang makapagpapanatili sa [kinalalagyan ng] mga ito pagkaraan Niya. Katotohanan, Siya ay Lagi nang Mapagparaya, Mapagpatawad.
وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَئِن جَآءَهُمۡ نَذِيرٞ لَّيَكُونُنَّ أَهۡدَىٰ مِنۡ إِحۡدَى ٱلۡأُمَمِۖ فَلَمَّا جَآءَهُمۡ نَذِيرٞ مَّا زَادَهُمۡ إِلَّا نُفُورًا
Open ayah 35:42At sila ay sumumpa sa [Ngalan ng] Allah ng kanilang pinakamatibay na mga panunumpa na kung ang isang tagapagbabala ay dumating sa kanila, sila ay higit na mapapatnubayan kaysa sa alinmang pamayanang [nauna sa kanila] subali’t nang dumating ang isang tagapagbabala sa kanila, hindi ito nakaragdag sa kanila maliban sa [masidhing] pagtutol,
ٱسۡتِكۡبَارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَكۡرَ ٱلسَّيِّيِٕۚ وَلَا يَحِيقُ ٱلۡمَكۡرُ ٱلسَّيِّئُ إِلَّا بِأَهۡلِهِۦۚ فَهَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا سُنَّتَ ٱلۡأَوَّلِينَۚ فَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗاۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ ٱللَّهِ تَحۡوِيلًا
Open ayah 35:43[Na siyang naging sanhi ng] pagmamalaki sa kalupaan at ng pagtatangka ng kasamaan. Nguni’t ang masamang balakin ay hindi
أَوَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَكَانُوٓاْ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُعۡجِزَهُۥ مِن شَيۡءٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَلِيمٗا قَدِيرٗا
Open ayah 35:44Hindi ba sila nagsipaglakbay sa mga lupain, at natunghayan kung paano ang naging wakas niyaong mga nauna sa kanila? Bagaman sila ay nakahihigit kaysa sa kanila sa lakas [o kapangyarihan]. At ang Allah ay hindi maaaring biguin [o hadlangan] sa anupamang nasa mga kalangitan o nasa kalupaan. Katotohanan, Siya ay Lagi nang Maalam, Ganap na may Kakayahan.
وَلَوۡ يُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِمَا كَسَبُواْ مَا تَرَكَ عَلَىٰ ظَهۡرِهَا مِن دَآبَّةٖ وَلَٰكِن يُؤَخِّرُهُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۖ فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِعِبَادِهِۦ بَصِيرَۢا
Open ayah 35:45At kung ang Allah ay magpataw ng parusa sa mga tao para sa anumang [masamang layong] kanilang pinagsumikapan, hindi Siya maaaring mag-iwan dito [sa lupa] ng kahit isang gumagalang nilikha; nguni’t sila ay Kanyang pinagpapaliban hanggang sa takdang panahon; kaya kapag dumating na ang [pagsasakatuparan ng] kanilang takda, katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Nakikita ang Kanyang mga alipin.