يس
Yaseen
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
يسٓ
Open ayah 36:1Ya, Seen.
وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡحَكِيمِ
Open ayah 36:2[Isinusumpa Ko] sa Qur’an, ang Tigib ng Karunungan,
إِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 36:3Katotohanan, ikaw [O Muhammad] ay kabilang sa mga sugo,
عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 36:4Sa isang matuwid na landas.
تَنزِيلَ ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ
Open ayah 36:5[Ito ay] kapahayagan ng Ganap na Makapangyarihan, ang Maawain.
لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أُنذِرَ ءَابَآؤُهُمۡ فَهُمۡ غَٰفِلُونَ
Open ayah 36:6Upang iyong bigyang-babala ang isang mamamayan na ang kanilang mga ninuno ay hindi napaalalahanan [noon], kaya sila ay hindi nakababatid.
لَقَدۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَىٰٓ أَكۡثَرِهِمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 36:7Katiyakan, ang salita [o takda] ay naipatupad na sa karamihan sa kanila, kaya sila ay hindi maniniwala.
إِنَّا جَعَلۡنَا فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ أَغۡلَٰلٗا فَهِيَ إِلَى ٱلۡأَذۡقَانِ فَهُم مُّقۡمَحُونَ
Open ayah 36:8Katotohanan, Kami ay naglagay sa kanilang mga leeg ng mga panakal na abot sa kanilang mga baba kaya ang kanilang mga ulo ay [nanatiling] nakataas.
وَجَعَلۡنَا مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ سَدّٗا وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ سَدّٗا فَأَغۡشَيۡنَٰهُمۡ فَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ
Open ayah 36:9At Kami ay naglagay mula sa kanilang harapan ng isang harang at mula sa kanilang likuran ng isang harang at sila ay Aming tinakpan upang sila ay hindi makakita.
وَسَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 36:10At walang kaibahan sa kanila kung sila man ay iyong paalalahanan o sila ay hindi mo paalalahanan - sila ay hindi rin maniniwala.
إِنَّمَا تُنذِرُ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلذِّكۡرَ وَخَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِۖ فَبَشِّرۡهُ بِمَغۡفِرَةٖ وَأَجۡرٖ كَرِيمٍ
Open ayah 36:11Mapaalalahanan mo lamang ang isa na sumusunod sa mensahe [ng Qur’an] at kinatatakutan ang Mahabagin [Allah] nang lihim [o di-nakikita]. Kaya, ibigay mo sa kanya ang magandang balita ng kapatawaran at marangal na gantimpala.
إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَنَكۡتُبُ مَا قَدَّمُواْ وَءَاثَٰرَهُمۡۚ وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ فِيٓ إِمَامٖ مُّبِينٖ
Open ayah 36:12Katotohanan, Kami ang nagbibigay ng buhay sa mga patay, at [Aming] itinatala ang anumang kanilang ginawa at ang anumang kanilang mga iniwan; at ang lahat ng bagay ay Aming itinala sa malinaw na Aklat.
وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلًا أَصۡحَٰبَ ٱلۡقَرۡيَةِ إِذۡ جَآءَهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Open ayah 36:13At maglahad para sa kanila ng isang paghahalintulad; ang [kasaysayan ng] mga mamamayan ng bayan, nang dumating sa kanila ang mga sugo.
إِذۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمُ ٱثۡنَيۡنِ فَكَذَّبُوهُمَا فَعَزَّزۡنَا بِثَالِثٖ فَقَالُوٓاْ إِنَّآ إِلَيۡكُم مُّرۡسَلُونَ
Open ayah 36:14Nang Aming ipinadala sa kanila ang dalawang sugo, subali’t kanilang itinakwil ang dalawang ito; kaya, sila [ang dalawang sugo] ay Aming pinalakas [o sinundan] ng ikatlong [sugo], at silang [tatlo] ay nagsabi: “Katotohanan, kami ay mga sugo [na ipinadala] sa inyo.”
قَالُواْ مَآ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا وَمَآ أَنزَلَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَكۡذِبُونَ
Open ayah 36:15Sila [ang mga taong-bayan] ay nagsabi: “Kayo ay mga taong katulad lamang namin, at ang Mahabagin [Allah] ay walang ipinahayag na anumang bagay; kayo ay nagsasabi lamang ng mga kasinungalingan.”
قَالُواْ رَبُّنَا يَعۡلَمُ إِنَّآ إِلَيۡكُمۡ لَمُرۡسَلُونَ
Open ayah 36:16Sila [ang mga sugo] ay nagsabi: “Ang aming Panginoon ay nakaaalam na kami ay mga sugo sa inyo;
وَمَا عَلَيۡنَآ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Open ayah 36:17At kami ay walang ibang pananagutan maliban ang ipalaganap nang malinaw [ang mensahe ng Allah para sa inyo].”
قَالُوٓاْ إِنَّا تَطَيَّرۡنَا بِكُمۡۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهُواْ لَنَرۡجُمَنَّكُمۡ وَلَيَمَسَّنَّكُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 36:18Sila [mga taong-bayan] ay nagsabi: “Katotohanan, kayo ay aming nakikitaan ng isang masamang pangitain. Kung kayo ay hindi magsisitigil, katiyakang kayo ay aming pagbabatuhin at katiyakang kayo ay makalalasap ng isang kasakit-sakit na parusa mula sa amin.”
قَالُواْ طَٰٓئِرُكُم مَّعَكُمۡ أَئِن ذُكِّرۡتُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ مُّسۡرِفُونَ
Open ayah 36:19Sila [ang mga sugo] ay nagsabi: “Ang inyong [masamang] pangitain ay nasa sa inyong mga sarili. Ito bang [banta laban sa amin] ay sa dahilang kayo ay pinapaalalahanan? Nguni’t, kayo ay mga taong mapagmalabis.”
وَجَآءَ مِنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ رَجُلٞ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُواْ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 36:20At dumating mula sa malayong pook ng bayan ang isang lalaking humahangos sa pagtakbo [patungo sa kanila]. Siya ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, sumunod kayo sa mga sugo;
ٱتَّبِعُواْ مَن لَّا يَسۡـَٔلُكُمۡ أَجۡرٗا وَهُم مُّهۡتَدُونَ
Open ayah 36:21Sumunod kayo sa sinuman [sa kanila na] hindi humihingi sa inyo ng kabayaran, at sila ay [matwid na] napatnubayan.
وَمَا لِيَ لَآ أَعۡبُدُ ٱلَّذِي فَطَرَنِي وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 36:22At bakit hindi ako sasamba sa Kanya na Siyang lumikha sa akin at sa Kanya, kayo ay [tiyak na] ibabalik?
ءَأَتَّخِذُ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً إِن يُرِدۡنِ ٱلرَّحۡمَٰنُ بِضُرّٖ لَّا تُغۡنِ عَنِّي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا يُنقِذُونِ
Open ayah 36:23Dapat ba akong kumuha [o magturing] bukod sa Kanya ng [huwad na] diyos [samantalang]; kung ang Mahabagin [Allah] ay maghangad para sa akin ng kapahamakan, ang kanilang pamamagitan ay hindi makatutulong sa akin kahit anupaman, at hindi nila magagawang ako ay mailigtas?
إِنِّيٓ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Open ayah 36:24Katotohanan, ako, kung mangyari nga ang gayon, ay nasa hayag na kamalian;
إِنِّيٓ ءَامَنتُ بِرَبِّكُمۡ فَٱسۡمَعُونِ
Open ayah 36:25Katotohanan, ako ay naniwala sa inyong Panginoon, kaya kayo ay makinig sa akin.”
قِيلَ ٱدۡخُلِ ٱلۡجَنَّةَۖ قَالَ يَٰلَيۡتَ قَوۡمِي يَعۡلَمُونَ
Open ayah 36:26Ito ang sinabi [sa kanya]: “Ikaw ay pumasok sa Paraiso.” Siya ay nagsabi: “Sana ito ay nababatid ng aking mga mamamayan,
بِمَا غَفَرَ لِي رَبِّي وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ
Open ayah 36:27Kung paano ako napatawad ng aking Panginoon at ako ay inilagay sa hanay ng mga pinarangalan.”
۞وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنۢ بَعۡدِهِۦ مِن جُندٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا كُنَّا مُنزِلِينَ
Open ayah 36:28At Kami ay hindi na nagpababa para sa kanyang mga mamamayan pagkaraan niya ng alinmang kawal [o alagad] mula sa kalangitan, at hindi rin Namin kailangan pang gawin ito.
إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ خَٰمِدُونَ
Open ayah 36:29[Nguni’t sapat na para sa kanila] ang isang as-sayhah, at kapagdaka, sila ay nangapuksa [at nangamatay].
يَٰحَسۡرَةً عَلَى ٱلۡعِبَادِۚ مَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Open ayah 36:30Sadyang nakapanlulumo sa mga alipin [tao] na walang sinumang sugo ang dumating sa kanila maliban na sila ay kanilang laging kinukutya.
أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ أَنَّهُمۡ إِلَيۡهِمۡ لَا يَرۡجِعُونَ
Open ayah 36:31Hindi ba nila isinaalang-alang kung ilang henerasyon na ang Aming winasak na nauna sa kanila - sila ay hindi na muling magbabalik sa kanila?
وَإِن كُلّٞ لَّمَّا جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ
Open ayah 36:32At katotohanan, silang lahat – ay dadalhin upang humarap sa Amin [para sa paghuhukom].
وَءَايَةٞ لَّهُمُ ٱلۡأَرۡضُ ٱلۡمَيۡتَةُ أَحۡيَيۡنَٰهَا وَأَخۡرَجۡنَا مِنۡهَا حَبّٗا فَمِنۡهُ يَأۡكُلُونَ
Open ayah 36:33At [bilang] ayah [palatandaan] para sa kanila ay ang tigang na lupa; ito ay Aming binigyan ng buhay at Kami ay nagpatubo mula rito ng mga butil at mula rito [sa inaning butil] sila ay nagsisikain.
وَجَعَلۡنَا فِيهَا جَنَّٰتٖ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَٰبٖ وَفَجَّرۡنَا فِيهَا مِنَ ٱلۡعُيُونِ
Open ayah 36:34At Kami ay naglagay doon [sa kalupaan] ng mga hardin ng palmera [ng datiles] at mga ubasan, at Aming pinangyaring bumulwak mula rito ang mga bukal [ng tubig].
لِيَأۡكُلُواْ مِن ثَمَرِهِۦ وَمَا عَمِلَتۡهُ أَيۡدِيهِمۡۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ
Open ayah 36:35Upang sila ay magsikain mula sa [mga hardin na] Kanyang [ipinagkaloob na] mga prutas. At hindi ang kanilang mga kamay ang
سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ وَمِنۡ أَنفُسِهِمۡ وَمِمَّا لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 36:36Luwalhati sa Kanya na Siyang lumikha sa lahat ng magkakapares – mula sa anumang tumutubo sa kalupaan at mula sa kanilang mga sarili, at mula sa alinmang hindi nila nalalaman.
وَءَايَةٞ لَّهُمُ ٱلَّيۡلُ نَسۡلَخُ مِنۡهُ ٱلنَّهَارَ فَإِذَا هُم مُّظۡلِمُونَ
Open ayah 36:37At [bilang] ayah [patandaan] para sa kanila ay ang gabi. Aming pinapawi [kinukubli] mula sa kanya [sa gabi] ang [liwanag ng] araw, kaya sila ay [naiiwan] sa kadiliman.
وَٱلشَّمۡسُ تَجۡرِي لِمُسۡتَقَرّٖ لَّهَاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Open ayah 36:38At ang araw ay umiinog sa [sariling ligiran nito] tungo sa takdang pagtigil nito. Iyan ang takdang panukat ng Ganap na Makapangyarihan, ang Maalam.
وَٱلۡقَمَرَ قَدَّرۡنَٰهُ مَنَازِلَ حَتَّىٰ عَادَ كَٱلۡعُرۡجُونِ ٱلۡقَدِيمِ
Open ayah 36:39At ang buwan - Aming itinakda para sa kanya [sa buwan] ang mga [iba’t ibang pagbabagong] hugis hanggang ito ay makabalik [lumitaw] tulad ng natuyot na tangkay ng [puno ng] datiles.
لَا ٱلشَّمۡسُ يَنۢبَغِي لَهَآ أَن تُدۡرِكَ ٱلۡقَمَرَ وَلَا ٱلَّيۡلُ سَابِقُ ٱلنَّهَارِۚ وَكُلّٞ فِي فَلَكٖ يَسۡبَحُونَ
Open ayah 36:40Hindi mangyayari para sa araw na maabutan ang buwan, o ang gabi ay mapangunahan [o lagpasan] ng araw. Bagaman, ang bawa’t isa [sa kanila], sa isang ligiran, ay lumalangoy.
وَءَايَةٞ لَّهُمۡ أَنَّا حَمَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُمۡ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
Open ayah 36:41At [bilang] ayah [palatandaan] para sa kanila ay [ito] - Aming isinakay ang kanilang mga ninuno sa isang may-lulang sasakyang-dagat [ni Noah].
وَخَلَقۡنَا لَهُم مِّن مِّثۡلِهِۦ مَا يَرۡكَبُونَ
Open ayah 36:42At Aming nilikha para sa kanila mula sa mga nakakatulad nito [ng barko] ang kanilang sinasakyan.
وَإِن نَّشَأۡ نُغۡرِقۡهُمۡ فَلَا صَرِيخَ لَهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنقَذُونَ
Open ayah 36:43At kung Aming naisin, sila ay Aming maaaring lunurin; magkagayon sila ay hindi magkakaroon ng isang makatutugon sa pagsigaw, o sila ay hindi maililigtas.
إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّنَّا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ
Open ayah 36:44Maliban bilang isang habag mula sa Amin at kaluwagan hanggang sa isang takdang panahon.
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّقُواْ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيكُمۡ وَمَا خَلۡفَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Open ayah 36:45At kapag ito ay sabihin sa kanila: “Pangambahan ninyo ang anumang nasa inyong harapan [parusa sa kabilang buhay] at ang anumang nasa inyong likuran [parusa sa mundong ito], upang sakali kayo ay tumanggap ng habag.”
وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٖ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Open ayah 36:46At walang ayah [kapahayagan] na dumating sa kanila mula sa mga ayaat [kapahayagan] ng kanilang Panginoon maliban na sila ay tumanggi mula rito.
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنُطۡعِمُ مَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ أَطۡعَمَهُۥٓ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Open ayah 36:47At kapag ito ay sabihin sa kanila: “Gumugol kayo mula sa anumang [panustos] na ipinagkaloob ng Allah sa inyo,” yaong mga di-naniwala ay nagsasabi sa mga naniniwala: “Magpapakain ba kami sa isang maaaring pakainin ng Allah kung ito ay Kanyang naisin? Katotohanan, kayo ay nasa hayag na kamalian.”
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 36:48At sila ay nagsasabi: “Kailan nga ba [magaganap] ang pangakong ito kung kayo ay makatotohanan?”
مَا يَنظُرُونَ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ تَأۡخُذُهُمۡ وَهُمۡ يَخِصِّمُونَ
Open ayah 36:49Sila ay walang hinihintay maliban sa isang as-sayhah [pag-ihip ng tambuli] na hahablot sa kanila habang sila ay nagtatalu-talo!
فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ تَوۡصِيَةٗ وَلَآ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ يَرۡجِعُونَ
Open ayah 36:50At sila ay walang kakayahan [upang magbigay] ng isa mang tagubilin at sila ay hindi makababalik sa kanilang angkan [o kaanak].
وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَإِذَا هُم مِّنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ يَنسِلُونَ
Open ayah 36:51At ang tambuli ay hihipan [sa ikalawang pagkakataon], at kapagdaka mula sa mga libingan, sila ay maghuhumangos patungo sa kanilang Panginoon!
قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا مَنۢ بَعَثَنَا مِن مَّرۡقَدِنَاۜۗ هَٰذَا مَا وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَصَدَقَ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Open ayah 36:52Sila ay magsasabi: “Ah! kasawian sa amin! Sino ba ang nagpabangon sa amin mula sa aming kinahihimlayan?” [Ito ay sasabihin sa kanila]: “Ito ang ipinangako ng Mahabagin [Allah], at ang mga sugo ay nagsabi ng katotohanan.”
إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ
Open ayah 36:53Ito ay isa lamang as-sayhah [pag-ihip ng tambuli], at kapagdaka, silang lahat ay naroroong dadalhin sa Aming harapan.
فَٱلۡيَوۡمَ لَا تُظۡلَمُ نَفۡسٞ شَيۡـٔٗا وَلَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 36:54Kaya, ngayong Araw [ng Paghuhukom], walang kaluluwa ang gagawan ng kamalian sa anupaman, at kayo ay hindi babayaran maliban para sa anumang inyong laging ginagawa.
إِنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ ٱلۡيَوۡمَ فِي شُغُلٖ فَٰكِهُونَ
Open ayah 36:55Katotohanan, ang mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon, ay maaaliw sa mga [kasiya-siyang] pagkakaabalahang gawain –
هُمۡ وَأَزۡوَٰجُهُمۡ فِي ظِلَٰلٍ عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ مُتَّكِـُٔونَ
Open ayah 36:56Sila at ang kanilang mga asawa - ay nasa lilim [na silungan], [sila ay] nakasandal sa mga [malalambot at mararangyang] higaan.
لَهُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَلَهُم مَّا يَدَّعُونَ
Open ayah 36:57[Inihanda] para sa kanila roon ay prutas, at para sa kanila roon ay ang anumang kanilang kahilingan.
سَلَٰمٞ قَوۡلٗا مِّن رَّبّٖ رَّحِيمٖ
Open ayah 36:58[At]: “Salaamun" [Kapayapaan] - isang salita [ng pagbati] mula sa Maawaing Panginoon.
وَٱمۡتَٰزُواْ ٱلۡيَوۡمَ أَيُّهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Open ayah 36:59[At Siya ay mag-uutos sa mga di-naniniwala]: “Magsilayo kayo [mula sa mga naniniwala] sa Araw na ito, O kayong mga mapaggawa ng kabuktutan.”
۞أَلَمۡ أَعۡهَدۡ إِلَيۡكُمۡ يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ أَن لَّا تَعۡبُدُواْ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Open ayah 36:60Hindi Ko ba iniutos sa inyo, O mga anak ni Adan, na huwag kayong sumamba sa satanas? Katotohanan, siya ay inyong hayag na kaaway.
وَأَنِ ٱعۡبُدُونِيۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Open ayah 36:61At kayo ay [nararapat] sumamba sa Akin? Ito ang matuwid na Landas.
وَلَقَدۡ أَضَلَّ مِنكُمۡ جِبِلّٗا كَثِيرًاۖ أَفَلَمۡ تَكُونُواْ تَعۡقِلُونَ
Open ayah 36:62At katiyakan, kanyang nailigaw na ang karamihang nilikha na kabilang mula sa inyo, kaya hindi ba kayo makauunawa?
هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ
Open ayah 36:63Ito ang Impiyerno na sa inyo ay ipinangako.
ٱصۡلَوۡهَا ٱلۡيَوۡمَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Open ayah 36:64[Magsipasok kayo upang] sunugin doon sa Araw na ito para sa anumang lagi ninyong di-pinaniniwalaan.
ٱلۡيَوۡمَ نَخۡتِمُ عَلَىٰٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَتُكَلِّمُنَآ أَيۡدِيهِمۡ وَتَشۡهَدُ أَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Open ayah 36:65Sa Araw na iyon, Aming tatakpan ang kanilang mga bibig, at ang kanilang mga kamay ay mangungusap sa Amin, at ang kanilang mga paa ay sasaksi laban sa anupamang kanilang lagi nang pinagsusumikapan.
وَلَوۡ نَشَآءُ لَطَمَسۡنَا عَلَىٰٓ أَعۡيُنِهِمۡ فَٱسۡتَبَقُواْ ٱلصِّرَٰطَ فَأَنَّىٰ يُبۡصِرُونَ
Open ayah 36:66At kung Aming naisin, magagawa Naming tanggalin [o bulagin] ang kanilang mga mata, at sila ay mag-uunahan upang [hanapin] ang landas, subali’t paano sila makakikita?
وَلَوۡ نَشَآءُ لَمَسَخۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ مَكَانَتِهِمۡ فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مُضِيّٗا وَلَا يَرۡجِعُونَ
Open ayah 36:67At kung Aming naisin, sila ay Aming magagawang baguhin [gawing mga inutil o lumpo] sa kanilang kinalalagyan upang sila ay walang kakayahang sumulong o bumalik [gumalaw o makuhang tumalikod].
وَمَن نُّعَمِّرۡهُ نُنَكِّسۡهُ فِي ٱلۡخَلۡقِۚ أَفَلَا يَعۡقِلُونَ
Open ayah 36:68At sinuman ang Aming gagawaran ng mahabang buhay, ay Aming ibabalik sa [unang] pagkalikha. Sila ba ay hindi nakauunawa?
وَمَا عَلَّمۡنَٰهُ ٱلشِّعۡرَ وَمَا يَنۢبَغِي لَهُۥٓۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ وَقُرۡءَانٞ مُّبِينٞ
Open ayah 36:69At siya [si Muhammad] ay hindi Namin tinuruan ng tula, at ito ay hindi nababagay sa kanya. Ito ay walang anupaman maliban sa isang paalala at isang malinaw na Qur’an.
لِّيُنذِرَ مَن كَانَ حَيّٗا وَيَحِقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 36:70Upang bigyang babala ang sinumang nabubuhay, at [upang] patotohanan ang salita [takda at parusa] laban sa mga di naniniwala.
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا خَلَقۡنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتۡ أَيۡدِينَآ أَنۡعَٰمٗا فَهُمۡ لَهَا مَٰلِكُونَ
Open ayah 36:71Hindi ba nila nakikita na Aming nilikha para sa kanila ang anumang ginawa ng Aming mga Kamay, ang mga pastulang hayop [sa kawan ng mga bakahan], at [pagkaraan] sila ang mga tagapag-ari [ng mga ito].
وَذَلَّلۡنَٰهَا لَهُمۡ فَمِنۡهَا رَكُوبُهُمۡ وَمِنۡهَا يَأۡكُلُونَ
Open ayah 36:72At Aming ginawang maamo ang mga ito [mga hayop] para sa kanila upang ang iba sa mga ito ay [gamitin bilang] mga sasakyan at ang iba naman ay kanilang pagkain.
وَلَهُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَمَشَارِبُۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ
Open ayah 36:73At para sa kanila ay mayroong [iba pang] mga pakinabang doon, at mga inumin. Kaya, hindi ba sila magpapasalamat?
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يُنصَرُونَ
Open ayah 36:74Nguni’t sila ay nagturing [o kumuha] bukod sa Allah ng [mga huwad na] diyos upang sakali sila ay matulungan.
لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَهُمۡ وَهُمۡ لَهُمۡ جُندٞ مُّحۡضَرُونَ
Open ayah 36:75[Subali’t] sila ay walang kakayahan upang tumulong sa kanila, bagkus sila ay mga kawal para sa kanila na pinangalagaan.
فَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّا نَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Open ayah 36:76Kaya huwag mong hayaang ang kanilang pananalita ay maghatid ng kalungkutan sa iyo [O Muhammad]. Katotohanan, Aming nababatid kung ano ang kanilang ikinukubli at kung ano ang kanilang inilalantad.
أَوَلَمۡ يَرَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ
Open ayah 36:77Hindi ba isinasaalang-alang ng tao na siya ay Aming nilikha mula sa isang patak ng pinaghalong semilya [ng lalaki at babae]? Nguni’t, kapagdaka - siya [ang tao] ay [naging] isang malinaw na kalaban [katalo].
وَضَرَبَ لَنَا مَثَلٗا وَنَسِيَ خَلۡقَهُۥۖ قَالَ مَن يُحۡيِ ٱلۡعِظَٰمَ وَهِيَ رَمِيمٞ
Open ayah 36:78At siya ay naglahad para sa Amin ng isang paghahalintulad, nguni’t nakaligtaan niya ang pagkakalikha sa kanya. Siya ay nagsasabi: “Sino ang magbibigay buhay sa mga [kalansay] butong ito pagkaraang magkalansaglansag [o maging alabok]?”
قُلۡ يُحۡيِيهَا ٱلَّذِيٓ أَنشَأَهَآ أَوَّلَ مَرَّةٖۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلۡقٍ عَلِيمٌ
Open ayah 36:79Sabihin: “Siya [ang Allah] ang magbibigay ng buhay sa kanila [sa mga butong ito sapagkat] Siya [ang] unang lumikha nito; At Siya ang Maalam sa lahat ng nilikha.”
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلۡأَخۡضَرِ نَارٗا فَإِذَآ أَنتُم مِّنۡهُ تُوقِدُونَ
Open ayah 36:80Siya ang gumawa para sa inyo ng apoy mula sa luntiang [sariwang] punongkahoy at pagkaraan mula rito [sa apoy] kayo ay
أَوَلَيۡسَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 36:81Hindi ba Siya na lumikha sa mga kalangitan at kalupaan, ang may kakayahan din upang lumikha ng tulad ng mga ito? Oo, [katotohanan nga]; at Siya ang [tanging] Tagapaglikha, ang Maalam.
إِنَّمَآ أَمۡرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيۡـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Open ayah 36:82Katotohanan, ang Kanyang kautusan, kapag Siya ay maglalayon ng anupamang [bagay na nais Niyang gawin o likhain]; Siya ay magsasabi rito na: “Maging,” kaya mangyayari nga.
فَسُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 36:83Kaya, Luwalhati sa Kanya na ang Kanyang Kamay ang Siyang may tangan ng lahat ng bagay: at sa Kanya, kayo ay ibabalik.