الصافات
As-Saaffaat
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلصَّٰٓفَّٰتِ صَفّٗا
Open ayah 37:1[Isinusumpa Ko] sa mga [anghel na] magkakahanay,
فَٱلزَّٰجِرَٰتِ زَجۡرٗا
Open ayah 37:2At sa mga [anghel na] nagtataboy [ng mga ulap].
فَٱلتَّٰلِيَٰتِ ذِكۡرًا
Open ayah 37:3At sa mga [anghel na] bumibigkas ng Dhikr [Qur’an].
إِنَّ إِلَٰهَكُمۡ لَوَٰحِدٞ
Open ayah 37:4Katotohanan, ang inyong Diyos ay [tanging] Isa.
رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَرَبُّ ٱلۡمَشَٰرِقِ
Open ayah 37:5[Siya ang] Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan at ng anumang nasa pagitan ng mga ito, at Panginoon ng [lahat ng] mga sinisikatan ng araw!
إِنَّا زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِزِينَةٍ ٱلۡكَوَاكِبِ
Open ayah 37:6Katotohanan, Aming pinalamutian ang kalangitang pinakamalapit sa mundo ng palamuti ng mga bituin.
وَحِفۡظٗا مِّن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ مَّارِدٖ
Open ayah 37:7At [ito ay Aming] pinangangalagaan laban sa bawa’t mapaghimagsik na demonyo.
لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى ٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰ وَيُقۡذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٖ
Open ayah 37:8[Upang] sila ay hindi makaririnig sa kataas-taasang pagtitipon [ng mga anghel] sapagka’t sila ay binabato sa bawa’t panig,
دُحُورٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ وَاصِبٌ
Open ayah 37:9[Sila ay] pinagtabuyan, at para sa kanila ay parusang walang katapusan.
إِلَّا مَنۡ خَطِفَ ٱلۡخَطۡفَةَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ ثَاقِبٞ
Open ayah 37:10Maliban sa sinumang nang-agaw [ng ilang salita] sa pamamagitan ng pagnanakaw, nguni’t sila ay tinutugis ng isang nagniningas na apoy, tumatagos [sa tindi ng nakasisilaw na liwanag].
فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَهُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَم مَّنۡ خَلَقۡنَآۚ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّن طِينٖ لَّازِبِۭ
Open ayah 37:11Kaya sila ay iyong tanungin [O Muhammad]: “Sila ba ay higit na malakas na nilikha o yaong [iba] na Aming nilikha?” Katotohanan, sila [ang mga tao] ay Aming nilikha [lamang] mula sa malagkit na putik.
بَلۡ عَجِبۡتَ وَيَسۡخَرُونَ
Open ayah 37:12Nguni’t, ikaw [O Muhammad] ay nagtataka [sa kanilang katigasan ng loob] habang sila ay [patuloy na] nanunuya [sa iyo].
وَإِذَا ذُكِّرُواْ لَا يَذۡكُرُونَ
Open ayah 37:13At kapag sila ay pinaaalalahanan, sila ay hindi makaaalala.
وَإِذَا رَأَوۡاْ ءَايَةٗ يَسۡتَسۡخِرُونَ
Open ayah 37:14At kapag sila ay nakakita ng isang ayah [tanda o himala], sila ay nanunuya,
وَقَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٌ
Open ayah 37:15At sila ay nagsasabing: “Ito ay walang anupaman maliban sa malinaw na salamangka.”
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ
Open ayah 37:16“Kapag kami ay mamatay at maging alabok at mga buto, kami ba [kung gayon] ay tunay na bubuhaying muli?”
أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ
Open ayah 37:17“At [gayundin ba] ang aming mga ninuno?”
قُلۡ نَعَمۡ وَأَنتُمۡ دَٰخِرُونَ
Open ayah 37:18Sabihin: “Oo, at kayo ay [gagawing] kadusta-dusta.”
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ فَإِذَا هُمۡ يَنظُرُونَ
Open ayah 37:19[Sapagka’t] sa minsanang sigaw lamang nito, kapagdaka sila ay [muling binuhay at] nakatingin.
وَقَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا هَٰذَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Open ayah 37:20Sila ay magsasabi: “Ahh! Kasawian sa amin! Ito ang Araw ng Pagbabayad.”
هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Open ayah 37:21[At sa kanila ay sasabihin]: “Ito ang Araw ng Paghuhukom na lagi ninyong itinatakwil [o pinasisinungalingan].”
۞ٱحۡشُرُواْ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَأَزۡوَٰجَهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَعۡبُدُونَ
Open ayah 37:22[At ipag-uutos sa mga anghel na]:“Tipunin ninyong magkakasama yaong mga nagsigawa ng kamalian, at ang kanilang mga kauri [o ang kanilang nakakatulad sa mga masasamang gawain] at ang anumang kanilang laging sinasamba,
مِن دُونِ ٱللَّهِ فَٱهۡدُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 37:23Bukod sa Allah. At sila ay inyong dalhin [o akayin] patungo sa landas ng nagliliyab na Apoy [ng Impiyerno].
وَقِفُوهُمۡۖ إِنَّهُم مَّسۡـُٔولُونَ
Open ayah 37:24Datapwa't, sila ay inyong patigilin; katotohanan, sila ay tatanungin.”
مَا لَكُمۡ لَا تَنَاصَرُونَ
Open ayah 37:25Ano ang nangyayari sa inyo? “Bakit hindi kayo magtulungan para sa isa’t isa [tulad ng inyong dating ginagawang pagtutulungan sa mundo]?”
بَلۡ هُمُ ٱلۡيَوۡمَ مُسۡتَسۡلِمُونَ
Open ayah 37:26Nguni’t, sila, sa Araw na iyon, ay magsisisuko.
وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ
Open ayah 37:27At sila ay magsisilapitan sa isa’t isa, nagtatanong [at nagsisisihan] sa isa’t isa.
قَالُوٓاْ إِنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَأۡتُونَنَا عَنِ ٱلۡيَمِينِ
Open ayah 37:28Sila ay magsasabi: “Kayo ang lagi nang nagsisilapit sa amin mula sa kanang panig [upang kami ay inyong udyukan].”
قَالُواْ بَل لَّمۡ تَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ
Open ayah 37:29Sila ay magsisisagot: “[Hindi], bagkus, kayo [sa inyong mga sarili], ay hindi rin naman naniniwala.”
وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭۖ بَلۡ كُنتُمۡ قَوۡمٗا طَٰغِينَ
Open ayah 37:30“At kami ay walang kapangyarihan [o kakayahan] laban sa inyo. Bagkus, [sa katunayan] kayo ay mga taong labis na palasuway.” sa atin; katotohanan, tayo ay makalalasap [ng masidhing parusa].
فَحَقَّ عَلَيۡنَا قَوۡلُ رَبِّنَآۖ إِنَّا لَذَآئِقُونَ
Open ayah 37:31Kaya, ang salita [o takda] ng ating Panginoon ay binigyang katuparan
فَأَغۡوَيۡنَٰكُمۡ إِنَّا كُنَّا غَٰوِينَ
Open ayah 37:32“At kami ang naglihis sa inyo [upang kayo ay maligaw]; katotohanan, kami ay tagapaglihis [mula sa patnubay].”
فَإِنَّهُمۡ يَوۡمَئِذٖ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ
Open ayah 37:33Kaya, katotohanan, sa Araw na iyon, sila ay magsasalu-salo sa parusa.
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 37:34Katotohanan, ganyan ang Aming pakikitungo sa mga mapaggawa ng kabuktutan.
إِنَّهُمۡ كَانُوٓاْ إِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ يَسۡتَكۡبِرُونَ
Open ayah 37:35Katotohanan, kapag ito ay sinabi sa kanila: walang ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Allah, sila ay mapagmalaki.
وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُوٓاْ ءَالِهَتِنَا لِشَاعِرٖ مَّجۡنُونِۭ
Open ayah 37:36At sila ay nagsasabing: “Iiwanan ba namin ang aming mga diyos nang dahil lamang sa isang baliw na manunula?”
بَلۡ جَآءَ بِٱلۡحَقِّ وَصَدَّقَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 37:37Nguni’t, siya [si Muhammad] ay dumating na may dalang katotohanan at pinatutunayan ang mga [naunang] sugo.
إِنَّكُمۡ لَذَآئِقُواْ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَلِيمِ
Open ayah 37:38Katotohanan, kayo [mga di-naniniwala] ay makalalasap ng mahapding parusa,
وَمَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 37:39At kayo ay hindi babayaran maliban sa anumang inyong laging ginagawa –
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Open ayah 37:40Maliban sa mga matatapat na alipin ng Allah.
أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ رِزۡقٞ مَّعۡلُومٞ
Open ayah 37:41Sila yaong magkakaroon ng nakalaang panustos [tulad ng] –
فَوَٰكِهُ وَهُم مُّكۡرَمُونَ
Open ayah 37:42Mga [masasarap na] prutas; at sila ay pararangalan,
فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Open ayah 37:43Sa mga hardin ng kaligayahan,
عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
Open ayah 37:44Sa mga sandalang magkakaharap sa isa’t isa.
يُطَافُ عَلَيۡهِم بِكَأۡسٖ مِّن مَّعِينِۭ
Open ayah 37:45Sa kanila ay mayroong ililibot na kopita [ng alak] mula sa umaagos na bukal,
بَيۡضَآءَ لَذَّةٖ لِّلشَّٰرِبِينَ
Open ayah 37:46[Ito ay] maputi, at masarap para sa mga umiinom,
لَا فِيهَا غَوۡلٞ وَلَا هُمۡ عَنۡهَا يُنزَفُونَ
Open ayah 37:47Ito ay walang masamang idudulot [sa kanila] at sila ay hindi rin malalasing mula rito.
وَعِندَهُمۡ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ عِينٞ
Open ayah 37:48At kanilang kapiling ay mga [busilak na] babaing pigil ang [kanilang] pagsulyap, may malalaki, [at magagandang] mga mata.
كَأَنَّهُنَّ بَيۡضٞ مَّكۡنُونٞ
Open ayah 37:49[Mayuyumi] na wari bang sila ay mga [maseselang] itlog na iniingatan.
فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ
Open ayah 37:50Kaya, sila ay magsisilapit sa isa’t isa na nagtatanong.
قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ إِنِّي كَانَ لِي قَرِينٞ
Open ayah 37:51Isang tagapagsalitang kabilang sa kanila ay magsasabing: “Katotohanan, ako ay may isang kasamahan [noon sa mundo],
يَقُولُ أَءِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُصَدِّقِينَ
Open ayah 37:52Na lagi nang nagsasabi na: 'Ikaw ba ay kabilang sa mga naniniwala,
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَدِينُونَ
Open ayah 37:53[Na] kapag tayo ay namatay at maging alabok at mga buto, tayo ba ay tunay na babayaran [parurusahan o gagantimpalaan]?”
قَالَ هَلۡ أَنتُم مُّطَّلِعُونَ
Open ayah 37:54Siya ay magsasabi [sa kanyang mga kasamahan sa Paraiso], “Nais ba ninyong sumulyap?”
فَٱطَّلَعَ فَرَءَاهُ فِي سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 37:55Kaya, siya ay susulyap at ito ay kanyang matatanaw sa gitna ng Apoy ng Impiyerno.
قَالَ تَٱللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرۡدِينِ
Open ayah 37:56Siya ay magsasabing: “Sumpa man sa Allah, ako ay halos ipahamak mo.
وَلَوۡلَا نِعۡمَةُ رَبِّي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ
Open ayah 37:57At kung hindi sa pagpapala ng aking Panginoon, marahil ako ay isa sa mga nasadlak [sa Apoy ng Impiyerno].
أَفَمَا نَحۡنُ بِمَيِّتِينَ
Open ayah 37:58Hindi ba [katotohanang], tayo ay hindi na mamamatay?
إِلَّا مَوۡتَتَنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ
Open ayah 37:59Maliban sa ating unang kamatayan [sa mundo], at tayo ay hindi maparurusahan?”
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Open ayah 37:60Katotohanan, ito ang dakilang tagumpay.
لِمِثۡلِ هَٰذَا فَلۡيَعۡمَلِ ٱلۡعَٰمِلُونَ
Open ayah 37:61Para sa [pangyayaring] tulad nito, hayaang ang mga manggagawa [sa mundo] ay magsigawa.
أَذَٰلِكَ خَيۡرٞ نُّزُلًا أَمۡ شَجَرَةُ ٱلزَّقُّومِ
Open ayah 37:62Iyan ba [ang Paraiso] ay higit na mabuting tirahan o ang puno ng Zaqqum [sa ilalim ng Impiyerno]?
إِنَّا جَعَلۡنَٰهَا فِتۡنَةٗ لِّلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 37:63Katotohanan, ito ay Aming ginawang isang pagsubok para sa mga mapaggawa ng kamalian.
إِنَّهَا شَجَرَةٞ تَخۡرُجُ فِيٓ أَصۡلِ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 37:64Katotohanan, ito ay isang punongkahoy na tumutubo sa ilalim ng Impiyerno,
طَلۡعُهَا كَأَنَّهُۥ رُءُوسُ ٱلشَّيَٰطِينِ
Open ayah 37:65Ang umuusling mga bunga nito ay tila mga ulo ng mga demonyo.
فَإِنَّهُمۡ لَأٓكِلُونَ مِنۡهَا فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ
Open ayah 37:66At katotohanan, sila ay magsisikain mula rito [sa punong ito] at bubusugin nito ang kanilang mga tiyan.
ثُمَّ إِنَّ لَهُمۡ عَلَيۡهَا لَشَوۡبٗا مِّنۡ حَمِيمٖ
Open ayah 37:67Pagkaraan, katotohanan, sila ay magkakaroon pagkatapos nito ng isang magkahalong kumukulong tubig.
ثُمَّ إِنَّ مَرۡجِعَهُمۡ لَإِلَى ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 37:68Pagkaraan, katotohanan, ang kanilang pagbabalik ay sa Apoy ng Impiyerno.
إِنَّهُمۡ أَلۡفَوۡاْ ءَابَآءَهُمۡ ضَآلِّينَ
Open ayah 37:69Katotohanan, kanilang natagpuan ang kanilang mga ninuno na naliligaw ng landas.
فَهُمۡ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ يُهۡرَعُونَ
Open ayah 37:70Nguni’t, sila ay nagmadali [upang sumunod] sa kanilang mga yapak.
وَلَقَدۡ ضَلَّ قَبۡلَهُمۡ أَكۡثَرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 37:71At katiyakan, mayroon ng mga nangaligaw na una sa kanila, ang karamihan ay mga sinaunang mamamayan;
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا فِيهِم مُّنذِرِينَ
Open ayah 37:72At katiyakan, Kami ay nagpadala sa kanila ng mga tagapagbabala;
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Open ayah 37:73Nguni’t tunghayan mo kung paano ang naging wakas ng mga binalaan [o pinaalalahanan].
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Open ayah 37:74Maliban sa mga matatapat na alipin ng Allah.
وَلَقَدۡ نَادَىٰنَا نُوحٞ فَلَنِعۡمَ ٱلۡمُجِيبُونَ
Open ayah 37:75At katiyakan, si Noah ay nanalangin sa Amin, at [Kami] ang pinakamahusay na tumutugon [sa mga dumaraing sa panalangin].
وَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 37:76At siya ay Aming iniligtas at ang kanyang mag-anak mula sa malaking delubyo [ng baha ng tubig].
وَجَعَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُۥ هُمُ ٱلۡبَاقِينَ
Open ayah 37:77At Aming ginawang manatili ang kanyang mga inapo [o lahi sa mundo]
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Open ayah 37:78At Kami ay nag-iwan sa kanya [ng isang magandang alaala] para sa mga susunod na henerasyon [upang magsilbing babala].
سَلَٰمٌ عَلَىٰ نُوحٖ فِي ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 37:79“Kapayapaan [bilang ala-ala para] kay Noah sa lahat [ng mga nilikha].”
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 37:80Katotohanan, ganyan Namin binabayaran [o ginagantimpalaan] ang mga mapaggawa ng mga kabutihan.
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 37:81Katotohanan, siya [si Noah] ay isa sa Aming mga naniniwalang alipin.
ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Open ayah 37:82Pagkaraan, Aming nilunod ang iba.
۞وَإِنَّ مِن شِيعَتِهِۦ لَإِبۡرَٰهِيمَ
Open ayah 37:83At katotohanan, kabilang sa kanyang kauri [o nakakatulad niyang may matatag na paninindigan] ay si Abraham.
إِذۡ جَآءَ رَبَّهُۥ بِقَلۡبٖ سَلِيمٍ
Open ayah 37:84Nang siya ay dumulog sa kanyang Panginoon na may malinis na puso,
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَاذَا تَعۡبُدُونَ
Open ayah 37:85Nang kanyang sabihin sa kanyang ama at sa kanyang mga mamamayan: “Ano ba itong inyong mga sinasamba?”
أَئِفۡكًا ءَالِهَةٗ دُونَ ٱللَّهِ تُرِيدُونَ
Open ayah 37:86“Ang hinahangad ba ninyo [upang sambahin ay ang inyong itinuturing bilang] mga diyos bukod sa Allah – silang [mga huwad na diyos na nagmula sa] inyong hinabi [at tinahi-tahing] kasinungalingan?”
فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 37:87“Ano ba ang inyong pag-iisip tungkol sa Panginoon ng lahat ng mga nilikha?”
فَنَظَرَ نَظۡرَةٗ فِي ٱلنُّجُومِ
Open ayah 37:88Pagkaraan, siya ay pasulyap na tumingin sa mga bituin.
فَقَالَ إِنِّي سَقِيمٞ
Open ayah 37:89At siya ay nagsabi: “Katotohanan, ako ay maysakit.”
فَتَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ مُدۡبِرِينَ
Open ayah 37:90Kaya, sila ay nagsitalikod nang humahangos mula sa kanya.
فَرَاغَ إِلَىٰٓ ءَالِهَتِهِمۡ فَقَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ
Open ayah 37:91Kaya, siya [si Abraham] ay humarap sa kanilang mga diyus-diyusan at tinanong ang mga ito: “Hindi ba kayo magsisikain?
مَا لَكُمۡ لَا تَنطِقُونَ
Open ayah 37:92Ano ba ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi nagsasalita?”
فَرَاغَ عَلَيۡهِمۡ ضَرۡبَۢا بِٱلۡيَمِينِ
Open ayah 37:93At siya ay humarap sa mga ito at pinaghahampas ng kanyang kanang kamay.
فَأَقۡبَلُوٓاْ إِلَيۡهِ يَزِفُّونَ
Open ayah 37:94At sila [mga sumasamba sa mga imahen] ay humahangos na lumapit patungo sa kanya [kay Abraham].
قَالَ أَتَعۡبُدُونَ مَا تَنۡحِتُونَ
Open ayah 37:95Siya [si Abraham] ay nagsabi: “Sinasamba ba ninyo ang mga [diyusdiyusang ito na] nililok [o ginawa lamang ng inyong mga kamay]?”
وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ وَمَا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 37:96“Samantalang, ang Allah ang Siyang lumikha sa inyo at sa anumang ginawa [ng inyong mga kamay]!”
قَالُواْ ٱبۡنُواْ لَهُۥ بُنۡيَٰنٗا فَأَلۡقُوهُ فِي ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 37:97Sila [mga sumasamba] ay nagsabi [kay Abraham]: “Ipagpagawa siya ng pugon at siya ay itapon doon sa nagliliyab na apoy [nito]!”
فَأَرَادُواْ بِهِۦ كَيۡدٗا فَجَعَلۡنَٰهُمُ ٱلۡأَسۡفَلِينَ
Open ayah 37:98Kaya, sila ay nagtangka ng balakin laban sa kanya, datapuwa’t sila ay Aming ginawang kaaba-aba [naging mga hamak at kadusta-dusta]!
وَقَالَ إِنِّي ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّي سَيَهۡدِينِ
Open ayah 37:99At siya [si Abraham] ay nagsabi: “Katotohanan, ako ay patutungo sa aking Panginoon. Siya ang papatnubay sa akin.”
رَبِّ هَبۡ لِي مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 37:100“O aking Panginoon, igawad Mo po sa akin [ang isang anak] na mula sa [hanay ng] mga matutuwid.”
فَبَشَّرۡنَٰهُ بِغُلَٰمٍ حَلِيمٖ
Open ayah 37:101Kaya Aming ipinagkaloob sa kanya ang magandang balita ng [pagkakaroon niya ng] isang mapagparayang anak [na lalaki].
فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ ٱلسَّعۡيَ قَالَ يَٰبُنَيَّ إِنِّيٓ أَرَىٰ فِي ٱلۡمَنَامِ أَنِّيٓ أَذۡبَحُكَ فَٱنظُرۡ مَاذَا تَرَىٰۚ قَالَ يَٰٓأَبَتِ ٱفۡعَلۡ مَا تُؤۡمَرُۖ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّٰبِرِينَ
Open ayah 37:102At nang siya [ang kanyang anak] ay nasa sapat na gulang [may kakayahang gumawa at maging karamay niya], siya ay nagsabi: “O aking anak, nakita ko sa aking panaginip na ikaw ay aking kinakatay [bilang alay]. Kaya, ano ang nasasaloob mo!” Siya [ang anak] ay nagsabi: “O aking ama, gawin mo po ang ipinag-uutos sa iyo. Kung naisin ng Allah, ako po ay iyong matatagpuang kabilang sa [hanay ng] mga matiisin.”
فَلَمَّآ أَسۡلَمَا وَتَلَّهُۥ لِلۡجَبِينِ
Open ayah 37:103At nang sila ay kapwa tumalima [sa tagubilin ng Allah], at siya ay kanyang ikinatang sa kanyang pisngi;
وَنَٰدَيۡنَٰهُ أَن يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ
Open ayah 37:104Kami [ang Allah] ay nanawagan sa kanya: “O Abraham!
قَدۡ صَدَّقۡتَ ٱلرُّءۡيَآۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 37:105Iyong naisakatuparan ang panaginip!” Katotohanan, ganyan Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng mga kabutihan.
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡبَلَٰٓؤُاْ ٱلۡمُبِينُ
Open ayah 37:106Katotohanan, ito ay malinaw na pagsubok.
وَفَدَيۡنَٰهُ بِذِبۡحٍ عَظِيمٖ
Open ayah 37:107At siya ay Aming tinubos ng isang dakilang alay.
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Open ayah 37:108At Kami ay nag-iwan para sa kanya [ng isang magandang alaala] para sa mga susunod na henerasyon [upang magsilbing babala].
سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ
Open ayah 37:109“Kapayapaan kay Abraham!”
كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 37:110Ganyan Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng kabutihan.
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 37:111Katotohanan, siya [si Abraham] ay isa sa Aming mga naniniwalang alipin.
وَبَشَّرۡنَٰهُ بِإِسۡحَٰقَ نَبِيّٗا مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 37:112At [pagkaraan nito] Aming ibinalita sa kanya ang [pagsilang] ni Isaak, isang propeta mula sa [hanay ng] mga matutuwid.
وَبَٰرَكۡنَا عَلَيۡهِ وَعَلَىٰٓ إِسۡحَٰقَۚ وَمِن ذُرِّيَّتِهِمَا مُحۡسِنٞ وَظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ مُبِينٞ
Open ayah 37:113Siya [si Abraham] ay Aming pinagpala at [gayundin naman] si Isaak. At kabilang sa kanilang mga supling ay isang mapaggawa ng kabutihan at isang mapaggawa ng kamalian sa sarili nang hayagan.
وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ
Open ayah 37:114At katiyakan, Aming ginawaran sina Moises at Aaron [ng magandang pagpapala bilang mga propeta].
وَنَجَّيۡنَٰهُمَا وَقَوۡمَهُمَا مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 37:115At silang dalawa ay Aming iniligtas at ang kanilang mga mamamayanmula sa malaking katampalasanan [o pasakit].
وَنَصَرۡنَٰهُمۡ فَكَانُواْ هُمُ ٱلۡغَٰلِبِينَ
Open ayah 37:116At sila ay Aming tinulungan, kaya sila ay nagtagumpay.
وَءَاتَيۡنَٰهُمَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلۡمُسۡتَبِينَ
Open ayah 37:117At silang dalawa ay Aming binigyan ng malinaw na kasulatan;
وَهَدَيۡنَٰهُمَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Open ayah 37:118At silang dalawa ay Aming pinatnubayan sa matuwid na landas.
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِمَا فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Open ayah 37:119At Kami ay nag-iwan sa kanilang dalawa [ng isang magandang alaala] para sa mga susunod na henerasyon [upang magsilbing babala].
سَلَٰمٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ
Open ayah 37:120“Kapayapaan kina Moises at Aaron.”
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 37:121Katotohanan, ganyan Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng kabutihan.
إِنَّهُمَا مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 37:122Katotohanan, silang dalawa ay kabilang sa Aming mga naniniwalang alipin.
وَإِنَّ إِلۡيَاسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 37:123At katotohanan, si Elias ay isa sa mga sugo.
إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَلَا تَتَّقُونَ
Open ayah 37:124Nang siya ay magsabi sa kanyang mga mamamayan: “Hindi ba ninyo kinatatakutan ang Allah?”
أَتَدۡعُونَ بَعۡلٗا وَتَذَرُونَ أَحۡسَنَ ٱلۡخَٰلِقِينَ
Open ayah 37:125“Kayo ba ay mananalangin kay Baal [isang sinasambang diyusdiyusan] at inyong iiwanan ang Pinakamahusay sa mga manlilikha ?”
ٱللَّهَ رَبَّكُمۡ وَرَبَّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 37:126“Ang Allah ang inyong [tunay na] Panginoon at ang Panginoon ng inyong mga ninuno?”
فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ
Open ayah 37:127Nguni’t siya [si Elias] ay kanilang itinakwil at katotohanan, sila ay ihaharap [sa malaking kaparusahan].
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Open ayah 37:128Maliban sa mga matatapat na alipin ng Allah.
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Open ayah 37:129At Kami ay nag-iwan sa kanya [ng isang magandang alaala] para sa mga susunod na henerasyon [upang magsilbing babala].
سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِلۡ يَاسِينَ
Open ayah 37:130“Kapayapaan kay Ilyas [Elias]!”
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 37:131Katotohanan, ganyan Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng kabutihan.
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 37:132Katotohanan, siya [si Elias] ay isa sa Aming mga naniniwalang alipin.
وَإِنَّ لُوطٗا لَّمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 37:133At katotohanan, si Lot ay isa sa Aming mga sugo.
إِذۡ نَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 37:134[Alalahanin] nang siya ay Aming iniligtas at ang kanyang mag-anak, silang lahat,
إِلَّا عَجُوزٗا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ
Open ayah 37:135Maliban sa isang matandang babae [ang kanyang asawa] na isa sa mga nagpaiwan.
ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Open ayah 37:136Pagkaraan, Aming pinuksa ang mga iba.
وَإِنَّكُمۡ لَتَمُرُّونَ عَلَيۡهِم مُّصۡبِحِينَ
Open ayah 37:137At katotohanan, inyong nararaanan ang mga [pook na] ito sa umaga.
وَبِٱلَّيۡلِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Open ayah 37:138At maging sa gabi; kayo ba, kung gayon, ay hindi nakakaunawa?
وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 37:139At katotohanan, si Yunus [i.e. Jonah] ay isa sa Aming mga sugo.
إِذۡ أَبَقَ إِلَى ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
Open ayah 37:140[Alalahanin] nang siya ay maglayas [mula sa kanyang mamamayan] patungo sa sasakyang-dagat na lulan ng mga pasaning bagay.
فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ ٱلۡمُدۡحَضِينَ
Open ayah 37:141Siya ay [sumang-ayon na] magpalabunutan at siya ay isa sa mga talunan.
فَٱلۡتَقَمَهُ ٱلۡحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٞ
Open ayah 37:142Kaya, ang isang [malaking] isda ay lumulon sa kanya, sapagka’t ang kanyang ginawa ay nararapat na isumbat sa kanya.
فَلَوۡلَآ أَنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُسَبِّحِينَ
Open ayah 37:143Marahil kung hindi lamang na siya ay kabilang sa mga lumuluwalhati [at nagbibigay alaala] sa Allah,
لَلَبِثَ فِي بَطۡنِهِۦٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Open ayah 37:144Katiyakang siya ay mananatili sa [loob ng] tiyan nito [ng isda] hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.
۞فَنَبَذۡنَٰهُ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ سَقِيمٞ
Open ayah 37:145Nguni’t, siya ay Aming dinala sa [pampang ng] dalampasigan habang siya ay may karamdaman.
وَأَنۢبَتۡنَا عَلَيۡهِ شَجَرَةٗ مِّن يَقۡطِينٖ
Open ayah 37:146At Aming pinangyaring tumubo sa ibabaw niya ang halaman ng yaqtheen.
وَأَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ مِاْئَةِ أَلۡفٍ أَوۡ يَزِيدُونَ
Open ayah 37:147At siya ay Aming isinugo sa [kanyang pamayanan na ang bilang ay] daang libo o higit pa.
فَـَٔامَنُواْ فَمَتَّعۡنَٰهُمۡ إِلَىٰ حِينٖ
Open ayah 37:148Kaya sila ay naniwala; sa gayon sila ay Aming binigyan ng kasiyahan [sa buhay] hanggang sa takdang panahon.
فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَلِرَبِّكَ ٱلۡبَنَاتُ وَلَهُمُ ٱلۡبَنُونَ
Open ayah 37:149Kaya sila ay tanungin mo [O Muhammad]: “Ang mga anak ba na babae ay para sa iyong Panginoon at para sa kanila ang mga anak na lalaki?
أَمۡ خَلَقۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِنَٰثٗا وَهُمۡ شَٰهِدُونَ
Open ayah 37:150O nilikha ba Naming babae ang mga anghel, at sila ba ay mga saksi rito?”
أَلَآ إِنَّهُم مِّنۡ إِفۡكِهِمۡ لَيَقُولُونَ
Open ayah 37:151Walang alinlangan, kabilang sa kanilang mga [kinathang] kabulaanan ay ang kanilang pagsasabi na:
وَلَدَ ٱللَّهُ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Open ayah 37:152“Ang Allah ay nagkaanak?” At katotohanan, sila ay mga sinungaling.
أَصۡطَفَى ٱلۡبَنَاتِ عَلَى ٱلۡبَنِينَ
Open ayah 37:153Pinili ba Niya ang mga anak na babae kaysa sa mga anak na lalaki?
مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Open ayah 37:154Ano ang nangyayari sa inyo? Paano ba kayo humatol?
أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Open ayah 37:155Hindi ba kayo, kung gayon, makaalaala?
أَمۡ لَكُمۡ سُلۡطَٰنٞ مُّبِينٞ
Open ayah 37:156O kayo ba ay mayroong malinaw na batayan?
فَأۡتُواْ بِكِتَٰبِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 37:157Kung gayon, magpakita kayo ng inyong kasulatan kung kayo ay makatotohanan?
وَجَعَلُواْ بَيۡنَهُۥ وَبَيۡنَ ٱلۡجِنَّةِ نَسَبٗاۚ وَلَقَدۡ عَلِمَتِ ٱلۡجِنَّةُ إِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ
Open ayah 37:158At sila ay gumawa ng isang ugnayan sa Kanyang pagitan at sa pagitan ng jinn, nguni’t ang jinn ay nakababatid na sila ay tiyak na ihaharap [sa paghatol].
سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ
Open ayah 37:159Luwalhati sa Allah, [Siya ay malaya] mula sa anumang [kamaliang] kanilang iniaakibat [sa Kanya].
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Open ayah 37:160Maliban sa mga matatapat na alipin ng Allah [na hindi kasangkot sa gayong pag-aakibat at pagkakasala].
فَإِنَّكُمۡ وَمَا تَعۡبُدُونَ
Open ayah 37:161Kaya, katotohanang kayong [mga di-naniniwala] at ang anumang inyong mga sinasamba,
مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ بِفَٰتِنِينَ
Open ayah 37:162[Ay] hindi ninyo magagawang tuksuhin [upang inyong] mailayo [ang sinuman] sa Kanya,
إِلَّا مَنۡ هُوَ صَالِ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 37:163Maliban sa isang [ipapasok at] susunugin sa Apoy ng Impiyerno.
وَمَا مِنَّآ إِلَّا لَهُۥ مَقَامٞ مَّعۡلُومٞ
Open ayah 37:164[Ang mga anghel ay magsasabi], "Wala ni isa mang kabilang sa amin malibang siya ay may tungkulin [na nakaatang];
وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلصَّآفُّونَ
Open ayah 37:165At katotohanan, kami [mga anghel] ay magkakahanay [para sa pagdarasal],
وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡمُسَبِّحُونَ
Open ayah 37:166At katotohanan, kami [mga anghel] ay lumuluwalhati [sa Allah]."
وَإِن كَانُواْ لَيَقُولُونَ
Open ayah 37:167At katotohanan silang [mga di-naniniwala] ay lagi nang nagsasabing:
لَوۡ أَنَّ عِندَنَا ذِكۡرٗا مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 37:168“Kung kami ay nagkaroon lamang ng mensaheng nagmula sa mga sinaunang mamamayan,
لَكُنَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Open ayah 37:169Marahil, kami ay naging matatapat na alipin ng Allah.”
فَكَفَرُواْ بِهِۦۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 37:170Nguni’t, sila ay hindi naniwala rito [sa Qur’an], kaya [di maglalaon] ito ay kanilang mapag-aalaman.”
وَلَقَدۡ سَبَقَتۡ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 37:171At katiyakan, ang Aming salita [takda] ay pinauna na para sa Aming mga alipin, [silang] mga sugo.
إِنَّهُمۡ لَهُمُ ٱلۡمَنصُورُونَ
Open ayah 37:172[Na] katotohanan, sila ang pagkakalooban ng tagumpay.
وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ
Open ayah 37:173At katotohanan, ang Aming mga kawal [mga naniniwala], sila ang mangingibabaw.
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ
Open ayah 37:174Kaya, sila ay iyong talikdan [O Muhammad] hanggang sa takdang panahon.
وَأَبۡصِرۡهُمۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ
Open ayah 37:175At sila ay iyong pagmasdan sapagka’t [ito ay] kanilang makikita.
أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ
Open ayah 37:176Kaya, para sa Aming parusa, sila ba ay nagmamadali?
فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمۡ فَسَآءَ صَبَاحُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Open ayah 37:177Nguni’t, kapag ito ay bumababa sa kanilang kinasasakupang [lupain], magkagayon, ang kasamaan ang [magiging] umaga ng mga binalaan.
وَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ
Open ayah 37:178At sila ay iyong talikdan [O Muhammad] hanggang sa takdang panahon.
وَأَبۡصِرۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ
Open ayah 37:179At sila ay iyong pagmasdan, sapagka’t [ito ay] kanilang makikita.
سُبۡحَٰنَ رَبِّكَ رَبِّ ٱلۡعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ
Open ayah 37:180Luwalhati sa iyong Panginoon, ang Panginoon ng Izzat [Karangalan], [Siya ay malaya] mula sa anumang [kamaliang] kanilang iniaakibat [sa Kanya].
وَسَلَٰمٌ عَلَى ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 37:181At kapayapaan sa mga sugo.
وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 37:182At Al-Hamdulillah [ang lahat ng] papuri ay sa Allah], ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha]