ص
Saad
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
صٓۚ وَٱلۡقُرۡءَانِ ذِي ٱلذِّكۡرِ
Open ayah 38:1Saad: [Isinusumpa Ko] sa Qur’an na naglalaman ng paalaala.
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي عِزَّةٖ وَشِقَاقٖ
Open ayah 38:2Nguni’t yaong mga di-naniniwala ay nasa [kalabisan, kapalaluan at kasidhiang] Izzat at pagsasalungatan [sa isa't isa].
كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّن قَرۡنٖ فَنَادَواْ وَّلَاتَ حِينَ مَنَاصٖ
Open ayah 38:3Ilan na bang henerasyon ang Aming winasak na nauna sa kanila, kaya sila ay nagsipanawagan; nguni’t [huli na at] wala ng oras upang makatakas.
وَعَجِبُوٓاْ أَن جَآءَهُم مُّنذِرٞ مِّنۡهُمۡۖ وَقَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا سَٰحِرٞ كَذَّابٌ
Open ayah 38:4At sila ay nagtataka na may dumating sa kanila na isang tagapagbabala [si Muhammad] na nagmula sa kanilang [sariling lahi]. At ang mga di- naniniwala ay nagsasabing: “Ito ay isang salamangkero, isang sinungaling!”
أَجَعَلَ ٱلۡأٓلِهَةَ إِلَٰهٗا وَٰحِدًاۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٌ عُجَابٞ
Open ayah 38:5“Ginawa ba niya ang mga diyos bilang isang Diyos? Katotohanan, ito ay isang kataka-takang [o di-karaniwang] bagay!”
وَٱنطَلَقَ ٱلۡمَلَأُ مِنۡهُمۡ أَنِ ٱمۡشُواْ وَٱصۡبِرُواْ عَلَىٰٓ ءَالِهَتِكُمۡۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٞ يُرَادُ
Open ayah 38:6At ang mga bantog [at kilalang namumunong] kabilang sa kanila ay humayong nagsipaglibot [at nagsasabing]: “Inyong ipagpatuloy, at kayo ay maging matiisin sa [pagtatanggol] ng inyong mga diyos! Katotohanan, ito ay isang bagay na kanyang tinangka [laban sa inyo]!
مَا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِي ٱلۡمِلَّةِ ٱلۡأٓخِرَةِ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا ٱخۡتِلَٰقٌ
Open ayah 38:7“Kami ay hindi nakarinig [ng katulad] nito sa pinakahuling relihiyon [ng nagdaang panahon]. Ito ay isang pinagtahi-tahing [kuwento] lamang.
أَءُنزِلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ مِنۢ بَيۡنِنَاۚ بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ مِّن ذِكۡرِيۚ بَل لَّمَّا يَذُوقُواْ عَذَابِ
Open ayah 38:8Ang mensahe ba ay ibinaba [o ipinahayag] sa kanya mula sa pagitan [ng nakararami sa] atin?“ Nguni’t, sila ay may agam-agam tungkol sa Aking mensahe. Sapagka’t, hindi pa nga nila nalalasap ang Aking parusa.
أَمۡ عِندَهُمۡ خَزَآئِنُ رَحۡمَةِ رَبِّكَ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡوَهَّابِ
Open ayah 38:9O nasa kanila ba ang kaban ng habag ng iyong Panginoon, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tagapaggawad [ng mga biyaya]?
أَمۡ لَهُم مُّلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَاۖ فَلۡيَرۡتَقُواْ فِي ٱلۡأَسۡبَٰبِ
Open ayah 38:10O nasa kanila ba ang kapamahalaan ng mga kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan ng mga ito? Kaya hayaan silang umakyat sa [alinmang] mga kaparaanan ng paglapit.
جُندٞ مَّا هُنَالِكَ مَهۡزُومٞ مِّنَ ٱلۡأَحۡزَابِ
Open ayah 38:11[Sila ay] mga kawal [na] magagapi roon mula sa mga magkakaanib [na mga di-naniniwala].
كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَعَادٞ وَفِرۡعَوۡنُ ذُو ٱلۡأَوۡتَادِ
Open ayah 38:12Ang mga mamamayan ni Noah ay nagtakwil nang una sa kanila, at [ang mamamayan ng] ’Aad, at ni Paraon na nagmamay-ari ng talasok.
وَثَمُودُ وَقَوۡمُ لُوطٖ وَأَصۡحَٰبُ لۡـَٔيۡكَةِۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلۡأَحۡزَابُ
Open ayah 38:13At [ang mga Tribu] ng Thamud, at ang mga mamamayan ni Lot, at ang mga naninirahan ng Al-Aykah [kakahuyan]; sila yaong mga magkakaanib.
إِن كُلٌّ إِلَّا كَذَّبَ ٱلرُّسُلَ فَحَقَّ عِقَابِ
Open ayah 38:14Bawa’t isa sa kanila ay nagtakwil sa mga sugo, kaya ang Aking Parusa [sa kanila] ay nararapat.
وَمَا يَنظُرُ هَٰٓؤُلَآءِ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ مَّا لَهَا مِن فَوَاقٖ
Open ayah 38:15At ang mga ito [mga di-naniniwala] ay walang hinihintay maliban sa [pagdating ng] isang as-sayhah [o pag-ihip ng tambuli, subali’t], hindi magkakaroon ng pag-antala para rito.
وَقَالُواْ رَبَّنَا عَجِّل لَّنَا قِطَّنَا قَبۡلَ يَوۡمِ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 38:16At sila ay nagsasabi [nang may panunuya]:“Aming Panginoon, madaliin Mo po para sa amin ang aming bahagi [ng parusa] bago ang [pagsapit ng] Araw ng Pagtutuos.”
ٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱذۡكُرۡ عَبۡدَنَا دَاوُۥدَ ذَا ٱلۡأَيۡدِۖ إِنَّهُۥٓ أَوَّابٌ
Open ayah 38:17[Kaya naman] maging matiisin ka [O Muhammad] sa anumang kanilang sinasabi, at iyong alalahanin ang Aming aliping si David, na nagtataglay ng lakas. Katotohanan, siya ay isa na paulit-ulit na nagbabalik-loob.
إِنَّا سَخَّرۡنَا ٱلۡجِبَالَ مَعَهُۥ يُسَبِّحۡنَ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِشۡرَاقِ
Open ayah 38:18Katotohanan, Aming itinalaga ang mga bundok [upang magpuring] kasama niya sa pagluwalhati [sa Amin] sa [dakong] dapithapon at [pagkaraan ng] pagsikat ng araw.
وَٱلطَّيۡرَ مَحۡشُورَةٗۖ كُلّٞ لَّهُۥٓ أَوَّابٞ
Open ayah 38:19At maging ang mga ibon ay nagsipagtipon: kasama niyang lahat na paulit-ulit [sa pagpuri sa Amin]
وَشَدَدۡنَا مُلۡكَهُۥ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحِكۡمَةَ وَفَصۡلَ ٱلۡخِطَابِ
Open ayah 38:20At Aming pinatatag ang kanyang kaharian at ipinagkaloob sa kanya ang karunungan at pang-unawa sa pananalita.
۞وَهَلۡ أَتَىٰكَ نَبَؤُاْ ٱلۡخَصۡمِ إِذۡ تَسَوَّرُواْ ٱلۡمِحۡرَابَ
Open ayah 38:21At nakarating na ba sa iyo ang kasaysayan ng mga nagtatalo [sa isang usapin? Nang sila ay umakyat sa bakod ng kanyang [sariling] silid- dalanginan -
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَىٰ دَاوُۥدَ فَفَزِعَ مِنۡهُمۡۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ خَصۡمَانِ بَغَىٰ بَعۡضُنَا عَلَىٰ بَعۡضٖ فَٱحۡكُم بَيۡنَنَا بِٱلۡحَقِّ وَلَا تُشۡطِطۡ وَٱهۡدِنَآ إِلَىٰ سَوَآءِ ٱلصِّرَٰطِ
Open ayah 38:22Nang sila ay pumasok patungo kay David, siya ay nagitla sa kanila? Sila ay nagsabi: “Huwag kang matakot! [Kami ay] dalawang nagtatalo, ang isa sa aming dalawa ay ginawan ng kamalian ng isa, kaya ikaw ay humatol sa aming pagitan nang makatotohanan, at huwag kang lumabis [dito], at patnubayan mo kami sa maayos na landas.
إِنَّ هَٰذَآ أَخِي لَهُۥ تِسۡعٞ وَتِسۡعُونَ نَعۡجَةٗ وَلِيَ نَعۡجَةٞ وَٰحِدَةٞ فَقَالَ أَكۡفِلۡنِيهَا وَعَزَّنِي فِي ٱلۡخِطَابِ
Open ayah 38:23Katotohanan, itong aking kapatid [sa relihiyon] ay nagmamay-ari ng siyamnaput siyam na tupa, samantalang ako ay may isa lamang, at siya ay nagsabi: ‘Ipagkatiwala mo ito sa akin,’ at dinaig niya ako sa pananalita [o pangangatwiran].”
قَالَ لَقَدۡ ظَلَمَكَ بِسُؤَالِ نَعۡجَتِكَ إِلَىٰ نِعَاجِهِۦۖ وَإِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلۡخُلَطَآءِ لَيَبۡغِي بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٍ إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَقَلِيلٞ مَّا هُمۡۗ وَظَنَّ دَاوُۥدُ أَنَّمَا فَتَنَّٰهُ فَٱسۡتَغۡفَرَ رَبَّهُۥ وَخَرَّۤ رَاكِعٗاۤ وَأَنَابَ۩
Open ayah 38:24[Si David ay] nagsabi: “Katiyakan siya ay nakagawa sa iyo ng kamalian nang kanyang hilingin ang iyong nag-iisang babaing tupa upang idagdag sa kanyang [kawan] ng babaing tupa. At katotohanan, karamihan sa mga magkakasama [o magkakasosyo] ay naglalamangan sa isa’t isa, maliban yaong [tunay na] mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid – nguni't sila ay mangilan-ngilan lamang.” At nahinuha [naisip] ni David na siya ay Aming sinubukan lamang kaya siya ay humingi ng kapatawaran sa kanyang Panginoon, at siya ay napayukong sumubsob [sa pagpapatirapa] at nagbalik-loob [sa Amin nang buong pagpapakumbaba].
فَغَفَرۡنَا لَهُۥ ذَٰلِكَۖ وَإِنَّ لَهُۥ عِندَنَا لَزُلۡفَىٰ وَحُسۡنَ مَـَٔابٖ
Open ayah 38:25Kaya Aming pinatawad iyan sa kanya, at katotohanan, para sa kanya ay [isang tanda] ng pagiging malapit [ng loob] sa Amin, at [tanda ng isang] mabuting pook ng pagbabalik [ang Paraiso].
يَٰدَاوُۥدُ إِنَّا جَعَلۡنَٰكَ خَلِيفَةٗ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱحۡكُم بَيۡنَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡحَقِّ وَلَا تَتَّبِعِ ٱلۡهَوَىٰ فَيُضِلَّكَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَضِلُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدُۢ بِمَا نَسُواْ يَوۡمَ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 38:26[Aming sinabi sa kanya], “O David, katotohanan, ikaw ay Aming ginawang kalifah [kahalili ng sinundang henerasyon] sa balat ng lupa, kaya ikaw ay maghatol sa pagitan ng mga tao nang makatotohanan at huwag mong sundin ang iyong [sariling] pagnanasa, sapagka’t ito ay maghahatid sa iyo sa pagkaligaw mula sa landas ng Allah.” Katotohanan, yaong mga naliligaw mula sa landas ng Allah, para sa kanila ay matinding parusa nang dahil sa kanilang paglimot sa Araw ng Pagtutuos.
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَآءَ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا بَٰطِلٗاۚ ذَٰلِكَ ظَنُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنَ ٱلنَّارِ
Open ayah 38:27At hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan niyon sa kabulaanan [o walang layunin]. Iyan ang pag-aakala niyaong mga di naniniwala, kaya kasawian sa mga di-naniniwala mula sa Apoy [ng Impiyerno]!
أَمۡ نَجۡعَلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ كَٱلۡمُفۡسِدِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ نَجۡعَلُ ٱلۡمُتَّقِينَ كَٱلۡفُجَّارِ
Open ayah 38:28Pakikitunguhan ba Namin yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid tulad niyaong mga mapaggawa ng katiwalian sa kalupaan? Pakikitunguhan ba Namin yaong mga natatakot sa Allah tulad ng mga makasalanan?
كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ إِلَيۡكَ مُبَٰرَكٞ لِّيَدَّبَّرُوٓاْ ءَايَٰتِهِۦ وَلِيَتَذَكَّرَ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Open ayah 38:29[Ito] ang Aklat [Qur’an] na Aming ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad], tigib ng pagpapala, upang kanilang mapagnilay-nilay ang mga ayaat [o babala] nito, at upang makaalaala ang mga nagtataglay ng pang-unawa.
وَوَهَبۡنَا لِدَاوُۥدَ سُلَيۡمَٰنَۚ نِعۡمَ ٱلۡعَبۡدُ إِنَّهُۥٓ أَوَّابٌ
Open ayah 38:30At Aming iginawad kay David si Solomon [bilang anak]. Isang kalugud- lugod na alipin. Katotohanan, siya ay isa na paulit-ulit na nagbabalik-loob sa pagsisisi [sa Amin].
إِذۡ عُرِضَ عَلَيۡهِ بِٱلۡعَشِيِّ ٱلصَّٰفِنَٰتُ ٱلۡجِيَادُ
Open ayah 38:31[Alalahanin] nang nagkaroon ng mga panoorin sa kanyang harapan sa kinahapunan ng mga matitikas na pangkarerang kabayo.
فَقَالَ إِنِّيٓ أَحۡبَبۡتُ حُبَّ ٱلۡخَيۡرِ عَن ذِكۡرِ رَبِّي حَتَّىٰ تَوَارَتۡ بِٱلۡحِجَابِ
Open ayah 38:32At siya ay nagsabi: “Katotohanan aking higit na kinalulugdan ang mabubuti [mga kabayao] kaysa sa pag-aalaala sa aking Panginoon,” hanggang ito [ang araw] ay magkubli sa dilim [ng gabi].
رُدُّوهَا عَلَيَّۖ فَطَفِقَ مَسۡحَۢا بِٱلسُّوقِ وَٱلۡأَعۡنَاقِ
Open ayah 38:33[Siya ay nagsabi], “Ibalik silang muli [ang mga kabayo] sa akin.” At naghandang tigpasin [ang mga binti at leeg ng mga ito].
وَلَقَدۡ فَتَنَّا سُلَيۡمَٰنَ وَأَلۡقَيۡنَا عَلَىٰ كُرۡسِيِّهِۦ جَسَدٗا ثُمَّ أَنَابَ
Open ayah 38:34At katiyakan, Aming sinubukan si Solomon at Aming inilagay sa kanyang luklukan [ng trono] ang isang katawan, pagkaraan ay nagbalik- loob [sa Amin nang may pagsisisi].
قَالَ رَبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَهَبۡ لِي مُلۡكٗا لَّا يَنۢبَغِي لِأَحَدٖ مِّنۢ بَعۡدِيٓۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡوَهَّابُ
Open ayah 38:35Siya ay nagsabi: “O aking Panginoon, ako po ay Iyong patawarin at ipagkaloob Mo po sa akin ang isang kaharian na hindi maaaring angkinin ng iba pagkaraan ko. Katotohanan, Ikaw ang Tagapaggawad.”
فَسَخَّرۡنَا لَهُ ٱلرِّيحَ تَجۡرِي بِأَمۡرِهِۦ رُخَآءً حَيۡثُ أَصَابَ
Open ayah 38:36Kaya, Aming itinalaga para sa kanya ang banayad na pag-ihip ng hangin sa pamamagitan ng kanyang kautusan, saan mang dako niya [nais] igawi,
وَٱلشَّيَٰطِينَ كُلَّ بَنَّآءٖ وَغَوَّاصٖ
Open ayah 38:37At [itinalaga rin] ang mga demonyo [sa pangkat ng jinn] – bawa’t manggagawa at maninisid,
وَءَاخَرِينَ مُقَرَّنِينَ فِي ٱلۡأَصۡفَادِ
Open ayah 38:38At ang mga iba ay nakagapos ng tanikala [sa kanilang mga paa].
هَٰذَا عَطَآؤُنَا فَٱمۡنُنۡ أَوۡ أَمۡسِكۡ بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Open ayah 38:39[Aming sinabi kay Solomon]: “Ito ang Aming handog, ipamigay mo man o di-ipamigay, walang pagtutuos [ang itatanong para sa iyo hinggil dito].”
وَإِنَّ لَهُۥ عِندَنَا لَزُلۡفَىٰ وَحُسۡنَ مَـَٔابٖ
Open ayah 38:40At katotohanan, para sa kanya ay isang malapit [na kalagayan] sa Amin, at [isang] mabuting pook ng pagbabalik [ang Paraiso].
وَٱذۡكُرۡ عَبۡدَنَآ أَيُّوبَ إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَسَّنِيَ ٱلشَّيۡطَٰنُ بِنُصۡبٖ وَعَذَابٍ
Open ayah 38:41At alalahanin ang Aming aliping si Hob [Ayyub] nang siya ay manalangin sa kanyang Panginoon:“Katotohanan, ang demonyo ay nagdulot sa akin ng hirap at dusa.”
ٱرۡكُضۡ بِرِجۡلِكَۖ هَٰذَا مُغۡتَسَلُۢ بَارِدٞ وَشَرَابٞ
Open ayah 38:42[Kaya, sinabi sa kanya]: “Ipadyak mo [sa lupa] ang isa mong paa; Ito ay isang [bukal para sa isang] malamig na paliligo at inumin.”
وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ أَهۡلَهُۥ وَمِثۡلَهُم مَّعَهُمۡ رَحۡمَةٗ مِّنَّا وَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Open ayah 38:43At Aming iginawad para sa kanya ang kanyang mag-anak at isang katumbas [na bilang] na kanilang kasama bilang habag mula sa Amin at isang paalaala para sa mga nakauunawa.
وَخُذۡ بِيَدِكَ ضِغۡثٗا فَٱضۡرِب بِّهِۦ وَلَا تَحۡنَثۡۗ إِنَّا وَجَدۡنَٰهُ صَابِرٗاۚ نِّعۡمَ ٱلۡعَبۡدُ إِنَّهُۥٓ أَوَّابٞ
Open ayah 38:44[Aming sinabi sa kanya],“At kunin mo sa iyong kamay ang isang bungkos [ng dayami] at ito ay iyong ihampas [sa iyong asawa] at huwag mong sirain ang iyong pangako [o panunumpa].” Katotohanan, siya ay Aming natagpuang matiisin, isang kalugud-lugod na alipin. Katotohanan, siya ay isa na paulit-ulit na nagbabalik-loob [sa Amin].
وَٱذۡكُرۡ عِبَٰدَنَآ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ أُوْلِي ٱلۡأَيۡدِي وَٱلۡأَبۡصَٰرِ
Open ayah 38:45At alalahanin ang Aming mga alipin, sina Abraham, Isaak at Hakob, [kanilang taglay ang katangian] ng lakas at katatagan at tamang pananaw.
إِنَّآ أَخۡلَصۡنَٰهُم بِخَالِصَةٖ ذِكۡرَى ٱلدَّارِ
Open ayah 38:46Katotohanan, sila ay Aming pinili para sa isang natatanging pag-uugali: ang [palagiang] pag-aaalala ng tahanan [sa kabilang buhay].
وَإِنَّهُمۡ عِندَنَا لَمِنَ ٱلۡمُصۡطَفَيۡنَ ٱلۡأَخۡيَارِ
Open ayah 38:47At katotohanan, sa Amin, sila ay kabilang sa mga pinili at nangunguna [bilang mga huwaran].
وَٱذۡكُرۡ إِسۡمَٰعِيلَ وَٱلۡيَسَعَ وَذَا ٱلۡكِفۡلِۖ وَكُلّٞ مِّنَ ٱلۡأَخۡيَارِ
Open ayah 38:48At alalahanin sina Ismail, Al-Yasa’ [Elisha] at Dhul-Kifl; silang lahat ay kabilang sa mga nangunguna [bilang huwaran].
هَٰذَا ذِكۡرٞۚ وَإِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ لَحُسۡنَ مَـَٔابٖ
Open ayah 38:49Ito ay isang paalaala. At katotohanan, para sa mga natatakot [sa Allah] ay isang mabuting pook ng pagbabalik –
جَنَّٰتِ عَدۡنٖ مُّفَتَّحَةٗ لَّهُمُ ٱلۡأَبۡوَٰبُ
Open ayah 38:50[Eden] ang walang hanggang [Paraiso o] harding tirahan, na ang mga pintuan nito ay ibubukas para sa kanila,
مُتَّكِـِٔينَ فِيهَا يَدۡعُونَ فِيهَا بِفَٰكِهَةٖ كَثِيرَةٖ وَشَرَابٖ
Open ayah 38:51Doon, sila ay magsisisandal, [at] magsisihiling doon para sa masaganang mga prutas at inumin,
۞وَعِندَهُمۡ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ أَتۡرَابٌ
Open ayah 38:52At kanilang makakapiling [doon] ang mga babaing [asawang mayuyumi at busilak] pigil ang [kanilang] pagsulyap [sa iba], at magkakasinggulang.
هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِيَوۡمِ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 38:53Ito ang anumang ipinangako sa inyo sa Araw ng Pagtutuos.
إِنَّ هَٰذَا لَرِزۡقُنَا مَا لَهُۥ مِن نَّفَادٍ
Open ayah 38:54Katotohanan, ito ang Aming panustos; na kailanma’y hindi mauubos.
هَٰذَاۚ وَإِنَّ لِلطَّٰغِينَ لَشَرَّ مَـَٔابٖ
Open ayah 38:55Ito [nga iyon]. Nguni’t katotohanan, para sa mga palasuway, ay isang masamang pook ng [huling] pagbabalik –
جَهَنَّمَ يَصۡلَوۡنَهَا فَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Open ayah 38:56Impiyerno, na kanilang [papasukin doon upang sila ay] sunugin, at [tunay ngang] napakasamang paghihimlayan.
هَٰذَا فَلۡيَذُوقُوهُ حَمِيمٞ وَغَسَّاقٞ
Open ayah 38:57Ito [nga iyon] - kaya hayaan nilang lasapin ito - ang kumukulong tubig at [nakaririmarim na] katas [ng nagnanaknak na sugat].
وَءَاخَرُ مِن شَكۡلِهِۦٓ أَزۡوَٰجٌ
Open ayah 38:58At ang ibang [mga paraan ng pagpaparusa nguni’t] magkakatulad sa uri.
هَٰذَا فَوۡجٞ مُّقۡتَحِمٞ مَّعَكُمۡ لَا مَرۡحَبَۢا بِهِمۡۚ إِنَّهُمۡ صَالُواْ ٱلنَّارِ
Open ayah 38:59[Ang mga naninirahan doon ay magsasabi], “Ito ay isang lipong kasama ninyong nagsusumiksik. Walang [kaaya-ayang] pagsalubong para sa kanila. Katotohanan, sila ay susunugin sa Apoy.”
قَالُواْ بَلۡ أَنتُمۡ لَا مَرۡحَبَۢا بِكُمۡۖ أَنتُمۡ قَدَّمۡتُمُوهُ لَنَاۖ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرَارُ
Open ayah 38:60Sila [ang mga tagasunod ng kanilang mga pinunong tagapagligaw] ay magsasabi: “Gayundin kayo! Wala [ring kaaya-ayang] pagsalubong sa inyo. Kayo [na aming mga pinuno] ang umakay nito sa amin, kaya ito ay isang napakasamang pook na paninirahan.”
قَالُواْ رَبَّنَا مَن قَدَّمَ لَنَا هَٰذَا فَزِدۡهُ عَذَابٗا ضِعۡفٗا فِي ٱلنَّارِ
Open ayah 38:61Sila ay magsasabi: “Aming Panginoon, sinuman ang nag-akay nito sa amin - dagdagan Mo po para sa kanya ang ibayong parusa sa Apoy.”
وَقَالُواْ مَا لَنَا لَا نَرَىٰ رِجَالٗا كُنَّا نَعُدُّهُم مِّنَ ٱلۡأَشۡرَارِ
Open ayah 38:62At sila ay magsasabi: “Bakit hindi namin nakikita ang mga tao na aming lagi nang ibinibilang [o itinuturing] mula sa mga masasama [noon]?
أَتَّخَذۡنَٰهُمۡ سِخۡرِيًّا أَمۡ زَاغَتۡ عَنۡهُمُ ٱلۡأَبۡصَٰرُ
Open ayah 38:63Ito kaya ay [sa dahilang] sila ay aming itinuring nang may panunuya, o ang [amin bang] mga paningin ay umiwas sa kanila?”
إِنَّ ذَٰلِكَ لَحَقّٞ تَخَاصُمُ أَهۡلِ ٱلنَّارِ
Open ayah 38:64Katotohanan, iyan ay katotohanang [magaganap sa kabilang buhay] - ang pagtatalu-talo ng mga tao ng Apoy.
قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ مُنذِرٞۖ وَمَا مِنۡ إِلَٰهٍ إِلَّا ٱللَّهُ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّارُ
Open ayah 38:65Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Ako ay isa lamang tagapagbabala at walang ibang diyos maliban sa Allah, ang Nag-iisa, ang di-Mapaglalabanan,
رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفَّٰرُ
Open ayah 38:66[Siya ang] Panginoon ng mga kalangitan at ng kalupaan at ng anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Mapagpatawad.”
قُلۡ هُوَ نَبَؤٌاْ عَظِيمٌ
Open ayah 38:67Sabihin: “ Ito ang dakilang balita,
أَنتُمۡ عَنۡهُ مُعۡرِضُونَ
Open ayah 38:68Na siya ninyong nilalayuan [o tinututulan at lubhang kinamumuhian].
مَا كَانَ لِيَ مِنۡ عِلۡمِۭ بِٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰٓ إِذۡ يَخۡتَصِمُونَ
Open ayah 38:69Ako ay walang kaalaman sa dakila [o marangal] na pagtitipon [ng mga anghel] nang sila ay nagsipagtalo [hinggil sa paglikha kay Adan].
إِن يُوحَىٰٓ إِلَيَّ إِلَّآ أَنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Open ayah 38:70Ito ay hindi ipinahayag sa akin maliban [upang] ako ay [inyong maging] isang malinaw na tagapagbabala.”
إِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّي خَٰلِقُۢ بَشَرٗا مِّن طِينٖ
Open ayah 38:71[Kaya, banggitin mo] nang sabihin ng iyong Panginoon sa mga anghel: “Katotohanan, Ako ay lilikha ng isang tao mula sa luad [o putik],
فَإِذَا سَوَّيۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُواْ لَهُۥ سَٰجِدِينَ
Open ayah 38:72Kaya, kapag siya ay Aking huhubugin [at aanyuhan] at siya ay hiningahan mula sa Aking [nilikhang] kaluluwa, magkagayon magsiyuko kayo sa kanya sa pagpapatirapa [bilang tanda ng pagsunod sa Akin].”
فَسَجَدَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ
Open ayah 38:73Kaya ang mga anghel ay nagsipagpatirapa – silang lahat nang sama- sama,
إِلَّآ إِبۡلِيسَ ٱسۡتَكۡبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 38:74Maliban kay Iblis [ang satanas]: siya ay nagmalaki at siya ay naging kabilang ng mga di-naniwala.
قَالَ يَٰٓإِبۡلِيسُ مَا مَنَعَكَ أَن تَسۡجُدَ لِمَا خَلَقۡتُ بِيَدَيَّۖ أَسۡتَكۡبَرۡتَ أَمۡ كُنتَ مِنَ ٱلۡعَالِينَ
Open ayah 38:75[Ang Allah] ay nagsabi: “O Iblis, ano ang pumigil sa iyo mula sa pagpapatirapa sa isang nilikha Ko sa dalawa Kong Kamay? Ikaw ba ay nagmamalaki o ikaw ay kabilang sa mga mapagmataas?”
قَالَ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡهُ خَلَقۡتَنِي مِن نَّارٖ وَخَلَقۡتَهُۥ مِن طِينٖ
Open ayah 38:76Siya [si Iblis] ay sumagot: “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya. Nilikha Mo ako mula sa apoy, at nilikha Mo siya mula sa putik.”
قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ
Open ayah 38:77[Ang Allah ay] nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay lumabas dito [sa Paraiso] sapagka’t, katotohanan, ikaw ay isinumpa.
وَإِنَّ عَلَيۡكَ لَعۡنَتِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
Open ayah 38:78At katotohanan, ang Aking sumpa ay sasaiyo hanggang sa Araw ng Pagbabayad.”
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Open ayah 38:79Sinabi [ng satanas]: “Aking Panginoon, bigyan Mo ako, kung gayon, ng palugit [na panahon] hanggang sa Araw na sila ay bubuhaying muli.”
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Open ayah 38:80[At ang Allah ay] nagsabi: “Katotohanan, ikaw ay kabilang sa mga pinalugitanan.
إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ
Open ayah 38:81Hanggang sa [pagsapit ng] Araw ng itinakdang Oras.”
قَالَ فَبِعِزَّتِكَ لَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 38:82[Ang satanas ay] nagsabi: “Sumpa man sa Iyong Kapangyarihan, katiyakang sila [mga anak ni Adan] ay aking ililigaw - silang lahat,
إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Open ayah 38:83Maliban sa Iyong mga aliping kabilang sa kanila na [Iyong ginawang] matatapat.”
قَالَ فَٱلۡحَقُّ وَٱلۡحَقَّ أَقُولُ
Open ayah 38:84[Ang Allah ay] nagsabi: “Ang katotohanan [ay Aking panunumpa], at katotohanan ang Aking sasabihin [na]–
لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنكَ وَمِمَّن تَبِعَكَ مِنۡهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 38:85Katiyakan nga [na] Aking pupunuin ang Impiyerno mula sa iyo [O, Satanas] at mula sa sinumang [sa sangkatauhang] sumunod sa iyo, [kayong] lahat.”
قُلۡ مَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٖ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُتَكَلِّفِينَ
Open ayah 38:86Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Wala akong hinihinging anumang kabayaran sa inyo para rito [sa Qur’an] at ako ay hindi kabilang sa mga mapagbalat-kayo [o mapagpasikat].
إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 38:87Ito [ang Qur’an] ay isang paalaala para sa lahat [ng mga nilikha].
وَلَتَعۡلَمُنَّ نَبَأَهُۥ بَعۡدَ حِينِۭ
Open ayah 38:88At katiyakan na inyong mababatid ang [katotohanan ng] balita pagkaraan ng [ilang] panahon.”