الزمر

Az-Zumar

The Groups · Surah 39 · Ayahs: 75 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ

    Open ayah 39:1

    Ang Kapahayagan ng Aklat [Qur’an] ay nagmula sa Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.

  2. إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ فَٱعۡبُدِ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ

    Open ayah 39:2

    Katotohanan Aming ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad] ang Aklat sa katotohanan: Kaya, sambahin ang Allah, [maging] matapat sa Kanya sa relihiyon.

  3. أَلَا لِلَّهِ ٱلدِّينُ ٱلۡخَالِصُۚ وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ

    Open ayah 39:3

    Walang alinlangan, para sa Allah ang katapatan sa relihiyon. At yaong mga nagturing [o kumuha] ng awliyah [mga tagapangalaga] bukod sa Kanya [ay nagsabing]: “Kami ay sumasamba lamang sa kanila upang kami ay kanilang dalhing malapit sa Allah sa katayuan.” Katotohanan, ang Allah ay maghahatol sa kanilang pagitan hinggil dito sa alinmang kanilang ipinagkakaiba. Katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang isang sinungaling, at [napatunayang] di-naniniwala.

  4. لَّوۡ أَرَادَ ٱللَّهُ أَن يَتَّخِذَ وَلَدٗا لَّٱصۡطَفَىٰ مِمَّا يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ سُبۡحَٰنَهُۥۖ هُوَ ٱللَّهُ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّارُ

    Open ayah 39:4

    Kung minarapat lamang ng Allah na magturing ng anak na lalaki, Kanyang magagawang pumili mula sa anumang Kanyang nilikha na Kanyang nais. [Nguni’t] Luwalhati sa Kanya; Siya ang Allah, ang Nag-iisa, ang di- Mapaglalabanan.

  5. خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۖ يُكَوِّرُ ٱلَّيۡلَ عَلَى ٱلنَّهَارِ وَيُكَوِّرُ ٱلنَّهَارَ عَلَى ٱلَّيۡلِۖ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِي لِأَجَلٖ مُّسَمًّىۗ أَلَا هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفَّٰرُ

    Open ayah 39:5

    Siya ang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan sa katotohanan. Kanyang binabalutan [o tinatakpan] ang gabi ng araw at binabalutan [o tinatakpan] ang araw ng gabi. At Kanyang itinalaga ang araw at ang buwan, bawa’t isa ay umiinog [sa isang ligiran] para sa takdang panahon. Walang alinlangan, Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Mapagpatawad.

  6. خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ ثُمَّ جَعَلَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ ثَمَٰنِيَةَ أَزۡوَٰجٖۚ يَخۡلُقُكُمۡ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡ خَلۡقٗا مِّنۢ بَعۡدِ خَلۡقٖ فِي ظُلُمَٰتٖ ثَلَٰثٖۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ لَهُ ٱلۡمُلۡكُۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُصۡرَفُونَ

    Open ayah 39:6

    Siya ang lumikha sa inyo mula sa iisang kaluluwa [o tao - si Adan]; pagkaraan Kanyang ginawa mula sa kanya ang kanyang asawa [si Eba]. At Kanyang ibinaba [ipinagkaloob] para sa inyo ang mga hayop [sa kawan] ng bakahan na walong magkakapares. Siya ang lumilikha sa inyo sa mga sinapupunan ng inyong mga ina: paglikha na sinundan ng paglikha sa tatlong [bahagi ng] kadiliman. Ganyan ang Allah, ang inyong Panginoon. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng kapamahalaan. Walang ibang diyos maliban sa Kanya. Paano nga bang kayo ay lumalayo?

  7. إِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنكُمۡۖ وَلَا يَرۡضَىٰ لِعِبَادِهِ ٱلۡكُفۡرَۖ وَإِن تَشۡكُرُواْ يَرۡضَهُ لَكُمۡۗ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُم مَّرۡجِعُكُمۡ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

    Open ayah 39:7

    Kung kayo ay hindi maniwala - magkagayon, katotohanan, ang Allah ay walang pangangailangan sa inyo. At hindi Niya kinalulugdan ang kawalan ng paniniwala sa Kanyang mga alipin. At kung kayo ay mapagpasalamat, Kanyang kinalulugdan ito para sa inyo. Walang tagapagpasan ng mga dalahin ang maaaring magpasan sa dalahin ng iba. Pagkaraan, sa inyong Panginoon ang inyong pagbabalik, at Kanyang ipababatid sa inyo ang tungkol sa anumang lagi ninyong ginagawa. Katotohanan, Siya ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib [ng tao].

  8. ۞وَإِذَا مَسَّ ٱلۡإِنسَٰنَ ضُرّٞ دَعَا رَبَّهُۥ مُنِيبًا إِلَيۡهِ ثُمَّ إِذَا خَوَّلَهُۥ نِعۡمَةٗ مِّنۡهُ نَسِيَ مَا كَانَ يَدۡعُوٓاْ إِلَيۡهِ مِن قَبۡلُ وَجَعَلَ لِلَّهِ أَندَادٗا لِّيُضِلَّ عَن سَبِيلِهِۦۚ قُلۡ تَمَتَّعۡ بِكُفۡرِكَ قَلِيلًا إِنَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلنَّارِ

    Open ayah 39:8

    At kapag ang sakit ay dumapo sa tao, siya ay nananalangin sa Kanyang Panginoon, nagbabalik-loob sa Kanya. Pagkaraan, kapag Kanyang iginawad sa kanya ang pagpapala mula sa Kanyang Sarili, siya ay nakalilimot sa Kanya na kanyang dinalanginan noon, at siya ay nag-akibat sa Allah ng kapantay, upang iligaw [ang iba] mula sa Kanyang Landas. Sabihin: “Tamasahin mo ang iyong kawalan ng paniniwala nang sandali; katotohanan, ikaw ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy.”

  9. أَمَّنۡ هُوَ قَٰنِتٌ ءَانَآءَ ٱلَّيۡلِ سَاجِدٗا وَقَآئِمٗا يَحۡذَرُ ٱلۡأٓخِرَةَ وَيَرۡجُواْ رَحۡمَةَ رَبِّهِۦۗ قُلۡ هَلۡ يَسۡتَوِي ٱلَّذِينَ يَعۡلَمُونَ وَٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَۗ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ

    Open ayah 39:9

    Ang isa bang [tapat na] sumusunod [sa Allah] sa mga oras ng gabi, nagpapatirapa at tumitindig [sa pagdarasal], pinangangambahan ang kabilang buhay at umaasa sa habag ng kanyang Panginoon [ay katulad ng isang di-gumagawa nito]? Sabihin: Magkatumbas ba yaong mga nakaaalam at yaong mga walang alam?” Ang mga makaaalala lamang [sa Allah] ay silang mga nagtataglay ng pang-unawa.

  10. قُلۡ يَٰعِبَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡۚ لِلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٞۗ وَأَرۡضُ ٱللَّهِ وَٰسِعَةٌۗ إِنَّمَا يُوَفَّى ٱلصَّٰبِرُونَ أَجۡرَهُم بِغَيۡرِ حِسَابٖ 

    Open ayah 39:10

    Sabihin: “O Aking mga naniniwalang alipin, matakot kayo sa inyong Panginoon. Para sa mga gumagawa ng kabutihan sa mundong ito, [ang gantimpala] ay kabutihan, at ang lupain ng Allah ay malawak. Katotohanan, ang mga matiisin lamang ang tatanggap ng kanilang gantimpala nang walang [takdang] pagtutuos.

  11. قُلۡ إِنِّيٓ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ

    Open ayah 39:11

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Katotohanan, ako ay napag- utusan na sambahin ang Allah; [maging] matapat sa Kanya sa relihiyon.

  12. وَأُمِرۡتُ لِأَنۡ أَكُونَ أَوَّلَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ

    Open ayah 39:12

    “At ako ay napag-utusan na manguna sa mga Muslim [sa pagtalima sa Allah].”

  13. قُلۡ إِنِّيٓ أَخَافُ إِنۡ عَصَيۡتُ رَبِّي عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ

    Open ayah 39:13

    Sabihin: “Katotohanan, kinatatakutan ko, na kung ako ay susuway sa aking Panginoon, ang parusa ng isang dakila Araw.”

  14. قُلِ ٱللَّهَ أَعۡبُدُ مُخۡلِصٗا لَّهُۥ دِينِي

    Open ayah 39:14

    Sabihin: “[Tanging] sa Allah ako sasamba, matapat sa Kanya sa aking relihiyon,

  15. فَٱعۡبُدُواْ مَا شِئۡتُم مِّن دُونِهِۦۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَأَهۡلِيهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡخُسۡرَانُ ٱلۡمُبِينُ

    Open ayah 39:15

    Kaya sumamba kayo sa anumang inyong nais bukod sa Kanya. [Nguni’t] sabihin: “Ang mga nawalan [o talunan] ay yaong mga nawalan sa kanilang mga sarili at sa kanilang pamilya sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Walang alinlangan, iyan ay isang malinaw na kawalan.”

  16. لَهُم مِّن فَوۡقِهِمۡ ظُلَلٞ مِّنَ ٱلنَّارِ وَمِن تَحۡتِهِمۡ ظُلَلٞۚ ذَٰلِكَ يُخَوِّفُ ٱللَّهُ بِهِۦ عِبَادَهُۥۚ يَٰعِبَادِ فَٱتَّقُونِ

    Open ayah 39:16

    Sila ay magkakaroon ng bubungang apoy sa kanilang itaas at bubungan [ng apoy] sa kanilang ibaba. Ganyan tinatakot [o binabalaan] ng Allah ang Kanyang mga alipin sa pamamagitan nito: “O aking mga alipin, Ako ay inyong katakutan!”

  17. وَٱلَّذِينَ ٱجۡتَنَبُواْ ٱلطَّٰغُوتَ أَن يَعۡبُدُوهَا وَأَنَابُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ لَهُمُ ٱلۡبُشۡرَىٰۚ فَبَشِّرۡ عِبَادِ

    Open ayah 39:17

    At yaong mga umiwas sa mga taaghoot upang sila ay hindi [magkamaling] sumamba sa mga ito, at nagbalik-loob sa Allah, para sa kanila ay magagandang balita. Kaya, magbigay ng magandang balita sa Aking mga alipin,

  18. ٱلَّذِينَ يَسۡتَمِعُونَ ٱلۡقَوۡلَ فَيَتَّبِعُونَ أَحۡسَنَهُۥٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ هَدَىٰهُمُ ٱللَّهُۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ

    Open ayah 39:18

    Yaong mga nakikinig sa salita at sinusunod ang pinakamabuti nito, sila yaong mga pinatnubayan ng Allah at sila yaong mga nagtataglay ng pang- unawa [o mabuting pag-iisip].

  19. أَفَمَنۡ حَقَّ عَلَيۡهِ كَلِمَةُ ٱلۡعَذَابِ أَفَأَنتَ تُنقِذُ مَن فِي ٱلنَّارِ

    Open ayah 39:19

    Kaya, ang isa bang pinatawan ng [takda] o salita ng parusa [ay nararapat na patnubayan]? Kaya, magagawa mo bang iligtas ang isang nasa apoy?

  20. لَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ لَهُمۡ غُرَفٞ مِّن فَوۡقِهَا غُرَفٞ مَّبۡنِيَّةٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ لَا يُخۡلِفُ ٱللَّهُ ٱلۡمِيعَادَ 

    Open ayah 39:20

    Nguni’t yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon [ang Allah] – para sa kanila ay mga silid, sa kanilang itaas ay mga silid na itinayong mataas, na sa ilalim ay may mga ilog na umaagos. [Ito] ang pangako ng Allah; at ang Allah ay hindi sumisira sa [Kanyang] pangako.

  21. أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَسَلَكَهُۥ يَنَٰبِيعَ فِي ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ يُخۡرِجُ بِهِۦ زَرۡعٗا مُّخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَجۡعَلُهُۥ حُطَٰمًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ

    Open ayah 39:21

    Hindi mo ba nakikita na katotohanan ang Allah ang nagbaba ng tubig [ulan] mula sa langit, at Kanyang ginawang umagos tulad ng mga bukal [at mga ilog] sa lupa; pagkaraan ay Kanyang pinatubo sa pamamagitan nito [ng tubig] ang mga pananim na may iba’t ibang kulay, at pagkaraan ay nangatuyot at iyong nakikitang naging dilaw; pagkaraan ay Kanyang ginawang [nangagkalat] na sukal. Katotohanan, naririto ang isang paalala para sa mga nagtataglay ng pang-unawa.

  22. أَفَمَن شَرَحَ ٱللَّهُ صَدۡرَهُۥ لِلۡإِسۡلَٰمِ فَهُوَ عَلَىٰ نُورٖ مِّن رَّبِّهِۦۚ فَوَيۡلٞ لِّلۡقَٰسِيَةِ قُلُوبُهُم مِّن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ

    Open ayah 39:22

    Kaya, siya ba na ang dibdib ay binuksan ng Allah sa [pagtanggap ng] Islam at siya ay nasa [patnubay ng] isang liwanag mula sa Kanyang Panginoon [ay katulad ng isang di-naniniwala]? Kaya, kasawian sa kanila na ang mga puso ay tumigas mula sa pag-aalala sa Allah. Sila yaong mga nasa hayag na kamalian.

  23. ٱللَّهُ نَزَّلَ أَحۡسَنَ ٱلۡحَدِيثِ كِتَٰبٗا مُّتَشَٰبِهٗا مَّثَانِيَ تَقۡشَعِرُّ مِنۡهُ جُلُودُ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُمۡ ثُمَّ تَلِينُ جُلُودُهُمۡ وَقُلُوبُهُمۡ إِلَىٰ ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُدَى ٱللَّهِ يَهۡدِي بِهِۦ مَن يَشَآءُۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٍ

    Open ayah 39:23

    Ibinaba [o ipinahayag] ng Allah ang pinakamabuting salaysay:[ito ay] isang mapananaligang Aklat [ang Qur’an] na kung saan ay inulit-ulit [ang paalala nito]. [Kaya] ang mga balat niyaong mga natatakot sa kanilang Panginoon ay nanginginig mula rito [kung kanilang binibigkas o naririnig ito]; pagkaraan, ang kanilang mga balat at ang kanilang mga puso ay tiwasay sa [pagbibigay] alaala sa Allah. Iyan ang patnubay ng Allah na Kanyang ipinapatnubay sa pamamagitan nito ang sinumang Kanyang nais; at sinumang hinayaang maligaw ng Allah, sa kanya ay walang makapagpapatnubay.

  24. أَفَمَن يَتَّقِي بِوَجۡهِهِۦ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَقِيلَ لِلظَّٰلِمِينَ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ

    Open ayah 39:24

    Kaya, siya ba na ipinanangga [o iniharap] ang kanyang mukha sa pinakamasamang parusa sa Araw ng Pagkabuhay na Muli [ay katulad ng isang ligtas mula rito]? At ito ang sasabihin sa mga mapaggawa ng kamalian: “Lasapin ninyo ang anumang inyong palagiang pinagsumikapan.”

  25. كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَأَتَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 39:25

    Nagsipagtakwil yaong mga nauna sa kanila, at ang parusa ay dumating sa kanila mula sa kung saang hindi nila namamalayan.

  26. فَأَذَاقَهُمُ ٱللَّهُ ٱلۡخِزۡيَ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 39:26

    Kaya, ginawa ng Allah na ipalasap sa kanila ang kahihiyan sa buhay sa mundong ito, nguni’t, ang parusa sa kabilang buhay ay nakahihigit, kung ito ay kanila lamang nalalaman.

  27. وَلَقَدۡ ضَرَبۡنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٖ لَّعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ

    Open ayah 39:27

    At katiyakan Aming inilahad para sa mga tao itong Qur’an mula sa iba’t ibang [uri ng] paghahalintulad upang sakali sila ay [matutong] makaalala.

  28. قُرۡءَانًا عَرَبِيًّا غَيۡرَ ذِي عِوَجٖ لَّعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ

    Open ayah 39:28

    [Ito ay] Qur’an sa wikang Arabe, na walang anumang taglay na paglihis [mula sa katotohanan] upang sakali sila ay [matutong] matakot [sa Allah].

  29. ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا رَّجُلٗا فِيهِ شُرَكَآءُ مُتَشَٰكِسُونَ وَرَجُلٗا سَلَمٗا لِّرَجُلٍ هَلۡ يَسۡتَوِيَانِ مَثَلًاۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 39:29

    Ang Allah ay naglahad ng isang paghahalintulad: isang tao [o alipin] na [magkasalong] pag-aari ng nag-aaalitang magkatambal [magkasosyo] at ang isa namang tao [o alipin] na [tanging] pag-aari ng isang tao – sila bang dalawa ay magkatulad sa paghahambing? Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah] nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam.

  30. إِنَّكَ مَيِّتٞ وَإِنَّهُم مَّيِّتُونَ 

    Open ayah 39:30

    Katotohanan, ikaw [O Muhammad] ay mamamatay, at katotohanan, sila [rin] ay mamamatay.

  31. ثُمَّ إِنَّكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عِندَ رَبِّكُمۡ تَخۡتَصِمُونَ

    Open ayah 39:31

    Pagkaraan, katiyakan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, kayo ay magtataltalan [o magtatalo] sa harapan ng inyong Panginoon.

  32. ۞فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَذَبَ عَلَى ٱللَّهِ وَكَذَّبَ بِٱلصِّدۡقِ إِذۡ جَآءَهُۥٓۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 39:32

    Kaya, sino ba ang gumagawa ng kamaliang nakahihigit kaysa sa isang nagsisinungaling laban sa Allah at nagtatakwil sa katotohanan nang ito ay dumating sa kanya. Hindi ba sa Impiyerno ay [may] isang [nakalaang] tirahan para sa mga di-naniniwala?

  33. وَٱلَّذِي جَآءَ بِٱلصِّدۡقِ وَصَدَّقَ بِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُتَّقُونَ

    Open ayah 39:33

    At ang isa na siyang nagdala ng katotohanan [si Muhammad] at [yaong] mga naniwala nito, sila yaong mga [tunay na] natatakot [sa Allah].

  34. لَهُم مَّا يَشَآءُونَ عِندَ رَبِّهِمۡۚ ذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 39:34

    Sila ay magkakaroon ng anumang kanilang inaasam sa kanilang Panginoon. Iyan ang gantimpala ng mga mapaggawa ng kabutihan.

  35. لِيُكَفِّرَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ أَسۡوَأَ ٱلَّذِي عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 39:35

    Upang pawiin ng Allah mula sa kanila ang pinakamasama sa kanilang ginawa at sila ay gantimpalaan nang ayon sa pinakamabuti nilang laging ginagawa.

  36. أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِكَافٍ عَبۡدَهُۥۖ وَيُخَوِّفُونَكَ بِٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ

    Open ayah 39:36

    Hindi ba sapat ang Allah para sa Kanyang alipin [si Muhammad]? Nguni’t, sila ay nanakot sa iyo sa pamamagitan niyaong mga ibang [kanilang sinasamba] bukod sa Allah. At sinumang hinayaan ng Allah na maligaw, sa kanya ay walang makapagpapatnubay.

  37. وَمَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن مُّضِلٍّۗ أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِعَزِيزٖ ذِي ٱنتِقَامٖ

    Open ayah 39:37

    At sinuman ang pinatnubayan ng Allah, sa kanya ay walang makapagpapaligaw. Hindi ba ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang may Tangan ng Pagpaparusa?

  38. وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلۡ أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ إِنۡ أَرَادَنِيَ ٱللَّهُ بِضُرٍّ هَلۡ هُنَّ كَٰشِفَٰتُ ضُرِّهِۦٓ أَوۡ أَرَادَنِي بِرَحۡمَةٍ هَلۡ هُنَّ مُمۡسِكَٰتُ رَحۡمَتِهِۦۚ قُلۡ حَسۡبِيَ ٱللَّهُۖ عَلَيۡهِ يَتَوَكَّلُ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ

    Open ayah 39:38

    At kung sila ay iyong tanungin: “Sino ang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan?” Katiyakan, sila ay magsasabi: “Ang Allah [ang Siyang lumikha ng mga ito].” Sabihin: “Kaya, isinasaalang-alang ba ninyo [bilang tagapaglikha] ang anumang inyong mga dinadalanginan bukod sa Allah? Kung ang Allah ay maglayon ng pinsala sa akin, sila ba [na inyong mga dinadalanginan] ay makapag-aalis ng Kanyang pinsala? O kung Siya [Allah] ay maglayon ng habag sa akin, sila ba ay makapipigil sa Kanyang habag? Sabihin: “Sapat na para sa akin ang Allah; [tanging] sa Kanya nagtitiwala ang mga nagtitiwala.

  39. قُلۡ يَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَٰمِلٞۖ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 39:39

    Sabihin: ”O aking mga mamamayan, magsigawa kayo nang ayon sa inyong kalagayan, [sapagka’t] katotohanan, ako ay gumagawa [nang ayon sa aking kalagayan]; at [hindi maglalaon] inyong mapag-aalaman -

  40. مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيۡهِ عَذَابٞ مُّقِيمٌ 

    Open ayah 39:40

    [Kung] kanino darating ang isang kahiya-hiyang parusa at kanino bababa ang walang hanggang parusa.”

  41. إِنَّآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ لِلنَّاسِ بِٱلۡحَقِّۖ فَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيۡهَاۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِوَكِيلٍ

    Open ayah 39:41

    Katotohanan, Aming ibinaba [o ipinahayag] sa iyo [O Muhammad] ang Aklat para sa sangkatauhan sa katotohanan. Kaya, sinuman ang napatnubayan, ito ay para sa [kapakanan ng] kanyang kaluluwa, at sinuman ang naligaw, siya ay naliligaw lamang para sa [sarili nitong] kapariwaraan. At ikaw [O Muhammad] ay hindi isang tagapangasiwa sa kanila.

  42. ٱللَّهُ يَتَوَفَّى ٱلۡأَنفُسَ حِينَ مَوۡتِهَا وَٱلَّتِي لَمۡ تَمُتۡ فِي مَنَامِهَاۖ فَيُمۡسِكُ ٱلَّتِي قَضَىٰ عَلَيۡهَا ٱلۡمَوۡتَ وَيُرۡسِلُ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمًّىۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 39:42

    Ang Allah ang kumukuha sa mga kaluluwa sa oras ng kanilang kamatayan, at sa mga hindi mamamatay, [Kanyang kinukuha ang kaluluwa nito] habang nasa kanilang pagtulog. At Kanyang pinamamalagi [sa Kanya] ang mga tinakdaan ng kamatayan at Kanyang ibinabalik ang iba [upang mabuhay] hanggang sa itinakdang panahon. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [tanda] para sa mga taong nag-iisip.

  43. أَمِ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ شُفَعَآءَۚ قُلۡ أَوَلَوۡ كَانُواْ لَا يَمۡلِكُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 39:43

    Sila ba ay kumuha [o nagturing] ng iba bukod sa Allah ng mga tagapamagitan? Sabihin: “Kahit ba [itong inyong mga sinasamba] ay walang [taglay na] kapangyarihan sa anupaman at sila ay walang pag-iisip?”

  44. قُل لِّلَّهِ ٱلشَّفَٰعَةُ جَمِيعٗاۖ لَّهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ ثُمَّ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

    Open ayah 39:44

    Sabihin: “Nasa [kapasiyahan ng] Allah ang [karapatan Niyang magkaloob ng] pamamagitan. Sa Kanya ang kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan. Pagkaraan, sa Kanya, kayo ay ibabalik.”

  45. وَإِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَحۡدَهُ ٱشۡمَأَزَّتۡ قُلُوبُ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِۖ وَإِذَا ذُكِرَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦٓ إِذَا هُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ

    Open ayah 39:45

    At kapag ang Allah ay nabanggit nang mag-isa, ang mga puso niyaong mga di-naniniwala [hinggil] sa kabilang buhay ay tigib ng pagkayamot at kapag yaong kanilang [mga sinasamba] bukod sa Allah ang nabanggit, pagmasdan! Sila ay nagagalak.

  46. قُلِ ٱللَّهُمَّ فَاطِرَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ عَٰلِمَ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ أَنتَ تَحۡكُمُ بَيۡنَ عِبَادِكَ فِي مَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

    Open ayah 39:46

    Sabihin: “O Allah, ang Tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan! Ang Maalam ng Ghaib [di nakikita] at ng nakikita. Ikaw ang maghahatol sa pagitan ng Iyong mga alipin hinggil dito sa anumang kanilang ipinagkakaiba.”

  47. وَلَوۡ أَنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ مَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا وَمِثۡلَهُۥ مَعَهُۥ لَٱفۡتَدَوۡاْ بِهِۦ مِن سُوٓءِ ٱلۡعَذَابِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَبَدَا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مَا لَمۡ يَكُونُواْ يَحۡتَسِبُونَ

    Open ayah 39:47

    At kung yaong mga nakagawa ng kamalian ay magkaroon ng lahat ng [yamang] nasa mundo at ng [higit pang] tulad nito, katotohanan, kanilang [tatangkaing] ipagpalit ito [para sa kanilang kaligtasan] mula sa kasamaan ng parusa sa Araw ng Pagkabuhay na Muli; at doon ay magiging malinaw sa kanila mula sa Allah ang alinmang hindi nila nagawang tuusin [o pahalagahan].

  48. وَبَدَا لَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

    Open ayah 39:48

    At ang mga kasamaan na kanilang pinagsumikapan ay magiging malinaw para sa kanila, at [ang parusa ay] papalibot sa kanila [para] sa anumang kanilang palagiang kinukutya.

  49. فَإِذَا مَسَّ ٱلۡإِنسَٰنَ ضُرّٞ دَعَانَا ثُمَّ إِذَا خَوَّلۡنَٰهُ نِعۡمَةٗ مِّنَّا قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلۡمِۭۚ بَلۡ هِيَ فِتۡنَةٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 39:49

    Kaya, kapag ang hirap ay sumaling sa tao, siya ay nananawagan sa Amin [upang tulungan]; pagkaraan, kapag Aming iginawad ang pagpapala sa kanya mula sa Amin, siya ay nagsasabing: “Ito ay ipinagkaloob sa akin nang dahil sa [aking taglay na] kaalaman.” Bagkus, ito ay isa lamang pagsubok, nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam.

  50. قَدۡ قَالَهَا ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ 

    Open ayah 39:50

    Katiyakan, yaong mga nauna sa kanila ay nagsabi na rin nito nguni’t sila ay hindi natulungan ng anumang kanilang lagi nang pinagsusumikapan.

  51. فَأَصَابَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْۚ وَٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ هَٰٓؤُلَآءِ سَيُصِيبُهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْ وَمَا هُم بِمُعۡجِزِينَ

    Open ayah 39:51

    Kaya ang mga masasamang bunga ng anumang kanilang pinagsumikapan ay humablot sa kanila. At yaong mga gumawa ng kamalian mula sa mga [taong] ito ay hahablutin din ng kasamaang bunga ng anumang kanilang pinagsumikapan; at sila ay walang kakayahang pigilin [ang Allah].

  52. أَوَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 39:52

    Hindi ba nila nalalaman na pinalalawig ng Allah ang panustos ng sinumang Kanyang naisin at hinihigpitan ito [sa sinumang Kanyang naisin]. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [pahiwatig o aral] para sa mga taong naniniwala.

  53. ۞قُلۡ يَٰعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ أَسۡرَفُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ لَا تَقۡنَطُواْ مِن رَّحۡمَةِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَغۡفِرُ ٱلذُّنُوبَ جَمِيعًاۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 39:53

    Sabihin: “O Aking mga alipin na nagmalabis [sa paggawa ng mga kasalanan] laban sa kanilang mga sarili, huwag kayong mawalan ng pag- asa mula sa habag ng Allah. Katotohanan, pinatatawad ng Allah ang lahat ng kasalanan. Katiyakan Siya ang Lagi nang Mapagpatawad, ang Maawain.”

  54. وَأَنِيبُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ وَأَسۡلِمُواْ لَهُۥ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَكُمُ ٱلۡعَذَابُ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ

    Open ayah 39:54

    At magbalik-loob kayo [sa pagsisisi] sa inyong Panginoon at tumalima sa Kanya [sa Islam] bago dumating ang parusa sa inyo; [sapagka’t] pagkaraan [niyan] kayo ay hindi matutulungan.

  55. وَٱتَّبِعُوٓاْ أَحۡسَنَ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَكُمُ ٱلۡعَذَابُ بَغۡتَةٗ وَأَنتُمۡ لَا تَشۡعُرُونَ

    Open ayah 39:55

    At inyong sundin ang pinakamahusay sa alinmang [kautusan o tagubiling] ipinahayag sa inyo mula sa inyong Panginoon bago sumapit ang parusa sa inyo nang biglaan habang hindi ninyo namamalayan.

  56. أَن تَقُولَ نَفۡسٞ يَٰحَسۡرَتَىٰ عَلَىٰ مَا فَرَّطتُ فِي جَنۢبِ ٱللَّهِ وَإِن كُنتُ لَمِنَ ٱلسَّٰخِرِينَ

    Open ayah 39:56

    Upang huwag na di magsabi ang isang kaluluwa: “Ahh [kay laki ng] aking siphayo para sa anumang aking nakaligtaan [o napabayaan] hinggil sa Allah; na ako ay naging kabilang ng mga mapanuya.”

  57. أَوۡ تَقُولَ لَوۡ أَنَّ ٱللَّهَ هَدَىٰنِي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 39:57

    O [maaaring] ito ay magsasabing: “Kung ako lamang ay pinatnubayan ng Allah, marahil ako ay naging kabilang ng mga natatakot [sa Kanya].”

  58. أَوۡ تَقُولَ حِينَ تَرَى ٱلۡعَذَابَ لَوۡ أَنَّ لِي كَرَّةٗ فَأَكُونَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 39:58

    O [maaaring], ito ay magsasabi kapag makikita nito ang parusa, “Kung mayroon lamang akong isa pang pagkakataon [na makabalik sa mundo] upang ako ay mapabilang sa mga mapaggawa ng kabutihan.”

  59. بَلَىٰ قَدۡ جَآءَتۡكَ ءَايَٰتِي فَكَذَّبۡتَ بِهَا وَٱسۡتَكۡبَرۡتَ وَكُنتَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 39:59

    Nguni’t [Oo], katiyakan, mayroon nang dumating sa iyo na Aking mga ayaat [babala] nguni’t ikaw ay nagtakwil sa mga ito, at ikaw ay naging mapagmalaki at ikaw ay naging kabilang ng mga di-naniniwala.

  60. وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ تَرَى ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ عَلَى ٱللَّهِ وُجُوهُهُم مُّسۡوَدَّةٌۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡمُتَكَبِّرِينَ 

    Open ayah 39:60

    At sa Araw ng Pagkabuhay na Muli iyong makikita yaong mga nagsinungaling laban sa Allah [na] - ang kanilang mga mukha ay nangitim. Hindi ba sa Impiyerno ay [may] isang tirahan para sa mga mapagmalaki?

  61. وَيُنَجِّي ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ بِمَفَازَتِهِمۡ لَا يَمَسُّهُمُ ٱلسُّوٓءُ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

    Open ayah 39:61

    At ililigtas ng Allah yaong mga natatakot [sa Kanya] sa pamamagitan ng kanilang mga napagtagumpayan [o natamong buti]; walang kasamaan ang sasaling sa kanila at sila ay walang [madaramang] kalungkutan.

  62. ٱللَّهُ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ

    Open ayah 39:62

    Ang Allah ang Siyang [tanging] Tagapaglikha ng lahat ng bagay, at Siya ang Tagapangasiwa sa lahat ng bagay.

  63. لَّهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

    Open ayah 39:63

    Sa Kanya ang pagmamay-ari ng mga susi ng mga kalangitan at kalupaan. At yaong mga di-naniniwala sa mga ayaat [kapahayagan, babala o tanda] ng Allah, sila yaong mga talunan [o mga nawalan].

  64. قُلۡ أَفَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَأۡمُرُوٓنِّيٓ أَعۡبُدُ أَيُّهَا ٱلۡجَٰهِلُونَ

    Open ayah 39:64

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad], “Kayo ba ay nag-uutos sa akin na sambahin ang iba bukod sa Allah, O kayong mga [taong] mangmang?”

  65. وَلَقَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ لَئِنۡ أَشۡرَكۡتَ لَيَحۡبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

    Open ayah 39:65

    At katiyakan, ito ay ipinahayag na sa iyo [O Muhammad] at sa mga [sugo ng Allah] na nauna sa iyo na kung ikaw ay magtatambal [ng anupaman] sa Allah, ang lahat ng iyong mga gawain ay magiging walang kabuluhan at katiyakan na ikaw ay mapabibilang sa mga talunan [o mga nawalan].

  66. بَلِ ٱللَّهَ فَٱعۡبُدۡ وَكُن مِّنَ ٱلشَّٰكِرِينَ

    Open ayah 39:66

    Bagkus, ang Allah ang iyong [nararapat na] sambahin [tanging Siya lamang] at makibilang sa mga mapagpasalamat.

  67. وَمَا قَدَرُواْ ٱللَّهَ حَقَّ قَدۡرِهِۦ وَٱلۡأَرۡضُ جَمِيعٗا قَبۡضَتُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَٱلسَّمَٰوَٰتُ مَطۡوِيَّٰتُۢ بِيَمِينِهِۦۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 39:67

    At sila ay hindi nagbigay ng pagpapahalaga [o pagdakila] sa Allah nang kaukulang pagpapahalaga [o pagdakilang nararapat ilaan para] sa Kanya samantalang ang buong kalupaan ay Kanyang dadakutin sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, at ang mga kalangitan ay lulukutin ng Kanyang Kanang Kamay. Luwalhati sa Kanya, at [sadyang] Mataas sa anumang itinatambal [sa Kanya].

  68. وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَصَعِقَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۖ ثُمَّ نُفِخَ فِيهِ أُخۡرَىٰ فَإِذَا هُمۡ قِيَامٞ يَنظُرُونَ

    Open ayah 39:68

    At ang tambuli ay hihipan [sa unang pagkakataon], kaya sinuman ang nasa mga kalangitan at sinuman ang nasa kalupaan ay malilipol, maliban sa sinumang ninais ng Allah. At ito ay muling hihipan [sa ikalawang pagkakataon], at kapagdaka’y, sila ay magsisitayuan, na nakatingin [at naghihintay sa kahihinatnang paghatol].

  69. وَأَشۡرَقَتِ ٱلۡأَرۡضُ بِنُورِ رَبِّهَا وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ وَجِاْيٓءَ بِٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَقُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

    Open ayah 39:69

    At ang kalupaan ay mangingislap sa liwanag ng Panginoon nito: at ang talaan [ng gawa] ay ilalagay [nang nakabukas]: at ang mga propeta at ang mga saksi ay dadalhin sa harapan; at ito [ang talaan] ay maghahatol sa kanilang pagitan nang makatotohanan, at sila ay hindi dadayain [sa paghuhukom].

  70. وَوُفِّيَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَا يَفۡعَلُونَ 

    Open ayah 39:70

    At bawa’t kaluluwa ay babayaran nang lubusan [para] sa anumang ginawa nito: At Siya ang Maalam ng anumang kanilang ginagawa.

  71. وَسِيقَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ زُمَرًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا فُتِحَتۡ أَبۡوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمۡ خَزَنَتُهَآ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ رُسُلٞ مِّنكُمۡ يَتۡلُونَ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ رَبِّكُمۡ وَيُنذِرُونَكُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَاۚ قَالُواْ بَلَىٰ وَلَٰكِنۡ حَقَّتۡ كَلِمَةُ ٱلۡعَذَابِ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ

    Open ayah 39:71

    At yaong mga di-naniniwala ay itataboy sa Impiyerno nang pangkat- pangkat hanggang kapag sila ay makarating dito, ang mga pintuan nito ay ibubukas [upang sila ay papasukin], at ang mga tagapagbantay nito ay magsasabi sa kanila: “Hindi ba dumating sa inyo ang mga sugong nagmula sa inyong mga sarili [inyong lahi], na bumibigkas sa inyo ng mga ayaat [kapahayagan] ng inyong Panginoon, at kayo ay binabalaan ng pakikipagharap sa inyong Araw na ito?” Sila ay sasagot: “Oo, nguni’t ang salita [o takda] ng parusa ay naisakatuparan laban sa mga di-naniniwala!”

  72. قِيلَ ٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ

    Open ayah 39:72

    Ito ang sasabihin [sa kanila]: “Humayo kayong magsipasok sa mga pintuan ng Impiyerno, upang manatili roon. At [tunay] na napakasamang hantungan para sa mga mapagmalaki!”

  73. وَسِيقَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ إِلَى ٱلۡجَنَّةِ زُمَرًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا وَفُتِحَتۡ أَبۡوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمۡ خَزَنَتُهَا سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡ طِبۡتُمۡ فَٱدۡخُلُوهَا خَٰلِدِينَ

    Open ayah 39:73

    At yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon ay dadalhin patungo sa Paraiso nang pangkat-pangkat, hanggang, kapag sila ay makarating dito at ang mga pintuan nito ay ibubukas at ang mga tagapagbantay nito ay magsasabi sa kanila: ‘’Kapayapaan sa inyo.’’ Kayo ay naging dalisay, kaya magsipasok kayo rito upang kayo ay manatili [rito] nang walang hanggan.”

  74. وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي صَدَقَنَا وَعۡدَهُۥ وَأَوۡرَثَنَا ٱلۡأَرۡضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ ٱلۡجَنَّةِ حَيۡثُ نَشَآءُۖ فَنِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ

    Open ayah 39:74

    At sila ay magsasabi: “Ang [lahat ng] papuri ay sa Allah na Siyang tumupad para sa amin ng Kanyang pangako at kami ay Kanyang ginawang magmana [nitong] lupain upang kami ay manatili sa Paraiso saanman namin naisin; kaya, [sadyang] pinagpala ang gantimpala ng mga [mabubuting] manggagawa.”

  75. وَتَرَى ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ حَآفِّينَ مِنۡ حَوۡلِ ٱلۡعَرۡشِ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡۚ وَقُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡحَقِّۚ وَقِيلَ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 39:75

    At iyong makikita ang mga anghel na pinaliligiran ang Trono [ng Allah], [kanilang] niluluwalhati ng mga papuri ang kanilang Panginoon. At sila [mga alipin ng Allah] ay hahatulan sa kanilang pagitan sa katotohanan. At ito ang sasabihin [ng mga nasa Paraiso]: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah], ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].”