غافر
Al-Ghaafir
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
حمٓ
Open ayah 40:1Ha, Mim .
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Open ayah 40:2Ang Kapahayagan ng Aklat [ang Qur’an] ay nagmula sa Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maalam.
غَافِرِ ٱلذَّنۢبِ وَقَابِلِ ٱلتَّوۡبِ شَدِيدِ ٱلۡعِقَابِ ذِي ٱلطَّوۡلِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ إِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 40:3[Siya] ang nagpapatawad ng mga kasalanan, ang tumatanggap ng pagsisisi, ang mahigpit sa pagpaparusa, ang nagtataglay ng kasaganaan. Walang diyos maliban sa Kanya, [at] sa Kanya ang huling patutunguhan.
مَا يُجَٰدِلُ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَلَا يَغۡرُرۡكَ تَقَلُّبُهُمۡ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
Open ayah 40:4Walang nakikipagtalo hinggil sa mga ayaat [o kapahayagan] ng Allah maliban yaong mga di-naniniwala. Kaya, huwag kang palilinlang sa kanilang [malaya at walang saysay na] magparoo't parito sa buong lupain [upang magliwaliw].
كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۖ وَهَمَّتۡ كُلُّ أُمَّةِۭ بِرَسُولِهِمۡ لِيَأۡخُذُوهُۖ وَجَٰدَلُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ لِيُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّ فَأَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ عِقَابِ
Open ayah 40:5Ang mga mamamayan ni Noah ay nagtakwil ng una sa kanila at ang mga magkakaanib [na di-naniniwala] pagkaraan nila, at bawa’t pamayanan [na di-naniniwala] ay nagtangka [ng masamang balakin] laban sa kanilang sugo upang siya ay paslangin at sila ay nakipagtalo sa pamamagitan ng [paggamit ng] kabulaanan upang [tangkaing] ipawalang-saysay sa pamamagitan nito ang katotohanan. Kaya, sila ay Aking hinablot [ng parusa] at sadyang [kagimbal-gimbal] ang Aking Parusa.
وَكَذَٰلِكَ حَقَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ
Open ayah 40:6At ganyan ang salita [o takda] ng iyong Panginoon na pinangyaring ipatupad para sa mga di-naniwala - na sila ay maninirahan sa Apoy.
ٱلَّذِينَ يَحۡمِلُونَ ٱلۡعَرۡشَ وَمَنۡ حَوۡلَهُۥ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَيُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَيَسۡتَغۡفِرُونَ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْۖ رَبَّنَا وَسِعۡتَ كُلَّ شَيۡءٖ رَّحۡمَةٗ وَعِلۡمٗا فَٱغۡفِرۡ لِلَّذِينَ تَابُواْ وَٱتَّبَعُواْ سَبِيلَكَ وَقِهِمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 40:7Yaong mga [anghel na] pumapasan ng Trono [ng Allah] at yaong mga nasa paligid nito ay lumuluwalhati sa mga papuri ng kanilang Panginoon, at sila ay [tapat na] naniwala sa Kanya, at humihingi ng kapatawaran para sa mga naniwala [na nagsasabing]: “Aming Panginoon, nasasaklawan Mo po ang lahat ng bagay sa [ilalim ng] Iyong habag at kaalaman, kaya patawarin Mo po yaong mga nagsisi at tumahak sa Iyong Landas, at sila ay Iyong pangalagaan laban sa parusa ng Apoy.
رَبَّنَا وَأَدۡخِلۡهُمۡ جَنَّٰتِ عَدۡنٍ ٱلَّتِي وَعَدتَّهُمۡ وَمَن صَلَحَ مِنۡ ءَابَآئِهِمۡ وَأَزۡوَٰجِهِمۡ وَذُرِّيَّٰتِهِمۡۚ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 40:8“Aming Panginoon, sila ay [Iyong] papasukin sa mga hardin ng walang hanggang paninirahan [sa Eden] na ipinangako Mo sa kanila at sa sinumang matwid na kabilang sa kanilang mga ama, sa kanilang mga asawa, at sa kanilang mga supling. Katotohanan, Ikaw ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
وَقِهِمُ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ وَمَن تَقِ ٱلسَّيِّـَٔاتِ يَوۡمَئِذٖ فَقَدۡ رَحِمۡتَهُۥۚ وَذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Open ayah 40:9“At sila ay [Iyong] pangalagaan laban sa mga masasamang bunga [ng kanilang mga gawa]. At sinuman ang Iyong pinangalagaan laban sa mga masasamang bunga sa Araw na iyon – siya ay napagkalooban Mo ng habag.” At iyan ang dakilang tagumpay.
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُنَادَوۡنَ لَمَقۡتُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُ مِن مَّقۡتِكُمۡ أَنفُسَكُمۡ إِذۡ تُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلۡإِيمَٰنِ فَتَكۡفُرُونَ
Open ayah 40:10Katotohanan, yaong mga di-naniniwala ay pagsasabihan: “Ang poot ng Allah sa inyo ay higit kaysa sa poot sa inyong mga sarili, nang kayo ay inanyayahan sa pananampalataya, subali’t kayo ay hindi naniwala.
قَالُواْ رَبَّنَآ أَمَتَّنَا ٱثۡنَتَيۡنِ وَأَحۡيَيۡتَنَا ٱثۡنَتَيۡنِ فَٱعۡتَرَفۡنَا بِذُنُوبِنَا فَهَلۡ إِلَىٰ خُرُوجٖ مِّن سَبِيلٖ
Open ayah 40:11Sila ay magsasabi: “Aming Panginoon, pinangyari Mo pong kami ay mamatay nang dalawang ulit at binigyan Mo po kami ng buhay nang dalawang ulit, at aming pinagsisihan ang aming mga kasalanan, kaya mayroon bang isang labasan mula sa [alinmang] kaparaanan [upang takasan ang Apoy]?
ذَٰلِكُم بِأَنَّهُۥٓ إِذَا دُعِيَ ٱللَّهُ وَحۡدَهُۥ كَفَرۡتُمۡ وَإِن يُشۡرَكۡ بِهِۦ تُؤۡمِنُواْۚ فَٱلۡحُكۡمُ لِلَّهِ ٱلۡعَلِيِّ ٱلۡكَبِيرِ
Open ayah 40:12[Sa kanila ay sasabihin], “Iyan ay sapagka’t kapag [kayo ay inaanyayahan] sa Kaisahan ng Allah, kayo ay hindi naniwala [bagkus nagtakwil] datapwa’t kapag ang iba ay itinambal sa Kanya [sa pagsamba], kayo ay naniwala. Kaya ang paghatol ay nasa [kapasiyahan ng] Allah, ang Kataas-taasan, ang Dakila.
هُوَ ٱلَّذِي يُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُنَزِّلُ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ رِزۡقٗاۚ وَمَا يَتَذَكَّرُ إِلَّا مَن يُنِيبُ
Open ayah 40:13Siya ang nagpapakita sa inyo ng Kanyang mga ayaat [tanda] at nagpapababa para sa inyo mula sa kalangitan ng panustos [ang ulan]. At walang sinuman ang makaalala maliban ang isang nagbabalik-loob [sa pagsisisi].
فَٱدۡعُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Open ayah 40:14Kaya, kayo ay dumalangin sa Allah, [at maging] matapat sa Kanya sa relihiyon bagaman ito ay kinamumuhian ng mga di-naniniwala.
رَفِيعُ ٱلدَّرَجَٰتِ ذُو ٱلۡعَرۡشِ يُلۡقِي ٱلرُّوحَ مِنۡ أَمۡرِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ لِيُنذِرَ يَوۡمَ ٱلتَّلَاقِ
Open ayah 40:15[Siya ay] Mataas nang higit [sa lahat ng] antas [ng karangalan], ang nagmamay-ari ng [Dakilang] Trono. Kanyang ipinagkakaloob ang kapahayagan mula sa Kanyang Kautusan sa sinumang Kanyang naisin mula sa Kanyang alipin upang magbabala sa Araw ng Pakikipagtipan.
يَوۡمَ هُم بَٰرِزُونَۖ لَا يَخۡفَىٰ عَلَى ٱللَّهِ مِنۡهُمۡ شَيۡءٞۚ لِّمَنِ ٱلۡمُلۡكُ ٱلۡيَوۡمَۖ لِلَّهِ ٱلۡوَٰحِدِ ٱلۡقَهَّارِ
Open ayah 40:16Sa Araw [na iyon] na sila ay magsilabas [sa libingan], walang bagay hinggil sa kanila ang maikukubli sa Allah. [At ang Allah ay magsasabi]: Kanino ang paghahari sa Araw na ito? Sa Allah - ang Nag-iisa, ang di- Mapaglalabanan.
ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡۚ لَا ظُلۡمَ ٱلۡيَوۡمَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 40:17Sa Araw na ito bawa’t tao ay babayaran para sa anumang kanyang pinagsumikapan. Walang [ipapataw kaninuman nang] di-makatarungan sa Araw na ito. Katotohanan, ang Allah ay Maagap sa pagtutuos [ng mga gawa].
وَأَنذِرۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡأٓزِفَةِ إِذِ ٱلۡقُلُوبُ لَدَى ٱلۡحَنَاجِرِ كَٰظِمِينَۚ مَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ حَمِيمٖ وَلَا شَفِيعٖ يُطَاعُ
Open ayah 40:18At magbabala sa kanila [O Muhammad] ng papalapit na Araw, kapag ang mga puso ay nasa mga lalamunan, tigib [ng ligalig]. Para sa mga mapaggawa ng kamalian ay walang magiging matalik na kaibigan at walang tagapamagitan [na] susundin.
يَعۡلَمُ خَآئِنَةَ ٱلۡأَعۡيُنِ وَمَا تُخۡفِي ٱلصُّدُورُ
Open ayah 40:19Nababatid ng Allah ang alinmang lumilinlang sa mga mata, at ang anumang itinatago ng mga dibdib [kalooban].
وَٱللَّهُ يَقۡضِي بِٱلۡحَقِّۖ وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَقۡضُونَ بِشَيۡءٍۗ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ
Open ayah 40:20At ang Allah ay humahatol nang makatotohanan samantalang yaong kanilang mga dinadalanginan bukod sa Kanya ay hindi makahahatol sa anupamang bagay. Katotohanan, ang Allah - Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Lubos na Nakakikita.
۞أَوَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ كَانُواْ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَانُواْ هُمۡ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗ وَءَاثَارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمۡ وَمَا كَانَ لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن وَاقٖ
Open ayah 40:21Sila ba ay hindi nagsipaglakbay sa mga lupain at kanilang natunghayan kung paano ang naging wakas ng mga naunang [lahi] sa kanila? Sila ay nakahihigit sa kanila sa lakas at sa mga bakas [o yamang kanilang naiwan] sa lupain. Subali’t, sila ay hinablot ng Allah sa kaparusahan nang dahil sa kanilang mga kasalanan. At sila ay walang isa mang tagapagtanggol laban sa Allah.
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانَت تَّأۡتِيهِمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَكَفَرُواْ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ قَوِيّٞ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Open ayah 40:22Iyan ay sa dahilang ang kanilang mga sugo ay dumating sa kanila na may [ipinakitang] mga malilinaw na katibayan subali’t sila ay hindi naniwala. Kaya, sila ay hinablot ng Allah [ng parusa]. Katotohanan, Siya ay Malakas, mahigpit sa pagpaparusa.
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
Open ayah 40:23At katiyakan Aming isinugo si Moises dala ang Aming mga ayaat
إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَقَٰرُونَ فَقَالُواْ سَٰحِرٞ كَذَّابٞ
Open ayah 40:24Kina Paraon, Haman at Qarun, subali’t sila ay nagsabing: “[Siya ay] isang salamangkero, [at] isang sinungaling!”
فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلۡحَقِّ مِنۡ عِندِنَا قَالُواْ ٱقۡتُلُوٓاْ أَبۡنَآءَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ وَٱسۡتَحۡيُواْ نِسَآءَهُمۡۚ وَمَا كَيۡدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ
Open ayah 40:25Kaya, nang kanyang [Moises] dinala sa kanila ang katotohanan mula sa Amin, sila ay nagsabing: “Patayin ninyo ang mga anak na lalaki ng sinumang naniwalang kasama niya at hayaan ang kanilang mga kababaihan na mabuhay; subali’t ang [masamang] balak ng mga di- naniniwala ay walang anumang [naidudulot] maliban sa kamalian.
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ ذَرُونِيٓ أَقۡتُلۡ مُوسَىٰ وَلۡيَدۡعُ رَبَّهُۥٓۖ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُبَدِّلَ دِينَكُمۡ أَوۡ أَن يُظۡهِرَ فِي ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡفَسَادَ
Open ayah 40:26At si Paraon ay nagsabi: “Hayaan ninyong patayin ko si Moises, at hayaan siyang manawagan sa kanyang Panginoon [upang ako ay kanyang pigilin sa pagpatay sa kanya]! Ako ay nangangamba na kanyang baguhin ang inyong relihiyon, o di kaya siya ay maghasik ng katiwalian sa lupain!”
وَقَالَ مُوسَىٰٓ إِنِّي عُذۡتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُم مِّن كُلِّ مُتَكَبِّرٖ لَّا يُؤۡمِنُ بِيَوۡمِ ٱلۡحِسَابِ
Open ayah 40:27At si Moises ay nagsabi: “Katotohanan ako ay humihingi ng paglingap sa aking Panginoon at inyong Panginoon laban sa bawa’t mapagmalaki na walang paniniwala [hinggil] sa Araw ng Pagtutuos!”
وَقَالَ رَجُلٞ مُّؤۡمِنٞ مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَكۡتُمُ إِيمَٰنَهُۥٓ أَتَقۡتُلُونَ رَجُلًا أَن يَقُولَ رَبِّيَ ٱللَّهُ وَقَدۡ جَآءَكُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ مِن رَّبِّكُمۡۖ وَإِن يَكُ كَٰذِبٗا فَعَلَيۡهِ كَذِبُهُۥۖ وَإِن يَكُ صَادِقٗا يُصِبۡكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي يَعِدُكُمۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ مُسۡرِفٞ كَذَّابٞ
Open ayah 40:28At sinabi ng isang taong naniniwala [sa Allah] mula sa angkan ni Paraon, na inililihim ang kanyang pananampalataya: “Papatayin ba ninyo ang isang tao nang dahil [lamang sa] siya ay nagsabing: ‘Ang aking Panginoon ay ang Allah’, at siya ay dumating sa inyo na may dalang mga malilinaw na katibayan mula sa inyong Panginoon? At kung siya man ay isang sinungaling, papasanin niya ang kasalanan ng kanyang kasinungalingan; nguni’t kung siya ay nagsasabi ng katotohanan, samakatwid ang ibang masamang pangyayari na kanyang ibinababala sa inyo ay darating sa inyo. Katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang isang mapagmalabis, [at] isang sinungaling!
يَٰقَوۡمِ لَكُمُ ٱلۡمُلۡكُ ٱلۡيَوۡمَ ظَٰهِرِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَمَن يَنصُرُنَا مِنۢ بَأۡسِ ٱللَّهِ إِن جَآءَنَاۚ قَالَ فِرۡعَوۡنُ مَآ أُرِيكُمۡ إِلَّا مَآ أَرَىٰ وَمَآ أَهۡدِيكُمۡ إِلَّا سَبِيلَ ٱلرَّشَادِ
Open ayah 40:29O, aking mga mamamayan, nasa sa inyo ngayon ang paghahari, [kayo bilang] nangingibabaw sa lupain. Nguni’t sino ba ang makapagliligtas sa atin mula sa parusa ng Allah, kung ito ay dumating sa atin?” Si Paraon ay nagsabi : “Wala akong ipinakikita sa inyo maliban kung ano ang aking nakikita at wala akong ipinapatnubay sa inyo maliban ang matwid na landas.”
وَقَالَ ٱلَّذِيٓ ءَامَنَ يَٰقَوۡمِ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُم مِّثۡلَ يَوۡمِ ٱلۡأَحۡزَابِ
Open ayah 40:30At siya na [taong] naniniwala ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, katotohanan, ako ay nangangamba para sa inyo ng [kinasapitang] katulad ng araw na mga magkakaanib -
مِثۡلَ دَأۡبِ قَوۡمِ نُوحٖ وَعَادٖ وَثَمُودَ وَٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۚ وَمَا ٱللَّهُ يُرِيدُ ظُلۡمٗا لِّلۡعِبَادِ
Open ayah 40:31Katulad ng sinapit ng mga mamamayan nina Noah, at [mamamayan ng] Aad, at [Tribu ng] Thamud at niyaong mga nagsirating pagkaraan nila. At ang Allah ay hindi naghahangad ng kawalan ng katarungan sa Kanyang mga alipin.
وَيَٰقَوۡمِ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ يَوۡمَ ٱلتَّنَادِ
Open ayah 40:32At, O aking mga mamamayan, katotohanan, ako ay nangangamba para sa inyo ng Araw ng Pagtatawagan.
يَوۡمَ تُوَلُّونَ مُدۡبِرِينَ مَا لَكُم مِّنَ ٱللَّهِ مِنۡ عَاصِمٖۗ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ
Open ayah 40:33Sa Araw [na iyon] na kayo ay magsisitalikod na humahangos; wala kayong tagapagtanggol laban sa Allah. At sinuman ang hinayaang maligaw ng Allah, sa kanya ay walang isa mang makapagpapatnubay.
وَلَقَدۡ جَآءَكُمۡ يُوسُفُ مِن قَبۡلُ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا زِلۡتُمۡ فِي شَكّٖ مِّمَّا جَآءَكُم بِهِۦۖ حَتَّىٰٓ إِذَا هَلَكَ قُلۡتُمۡ لَن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ مِنۢ بَعۡدِهِۦ رَسُولٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَنۡ هُوَ مُسۡرِفٞ مُّرۡتَابٌ
Open ayah 40:34At katiyakan si Joseph [Yusuf] ay dumating sa inyo [sa mga panahong nagdaan] na may dalang mga malilinaw na katibayan nguni’t kayo ay hindi nagsitigil sa pagkakaroon ng agam-agam sa anumang kanyang dinala para sa inyo: hanggang nang siya ay yumao at kayo ay nagsabing: ‘Wala ng sugo ang ipadadala ng Allah pagkaraan niya.’ Ganyan hinahayaang maligaw ng Allah ang sinumang mapagmalabis at mapanghinala.”
ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ سُلۡطَٰنٍ أَتَىٰهُمۡۖ كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ وَعِندَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ كَذَٰلِكَ يَطۡبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلۡبِ مُتَكَبِّرٖ جَبَّارٖ
Open ayah 40:35Yaong mga nakikipagtalo tungkol sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah, na wala namang batayan [o kautusang] ipinagkaloob sa kanila, ito ay lubhang kasuklam-suklam sa Allah at sa mga naniwala. Kaya, ganyan isinasara ng Allah ang puso ng bawa’t mapagmalaki at malupit [o mapaniil at matigas ang puso].
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ يَٰهَٰمَٰنُ ٱبۡنِ لِي صَرۡحٗا لَّعَلِّيٓ أَبۡلُغُ ٱلۡأَسۡبَٰبَ
Open ayah 40:36At si Paraon ay nagsabi: “O Haman, ipagtayo mo ako ng isang bantayog upang sakali ako ay makarating sa mga landasin –
أَسۡبَٰبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰٓ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُۥ كَٰذِبٗاۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرۡعَوۡنَ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَصُدَّ عَنِ ٱلسَّبِيلِۚ وَمَا كَيۡدُ فِرۡعَوۡنَ إِلَّا فِي تَبَابٖ
Open ayah 40:37Sa mga landasing [paakyat] sa mga kalangitan, upang aking matanaw ang Diyos ni Moises: At, katotohanan, siya ay aking napag-iisipan bilang isang sinungaling.” At ganyan nga naging kaaya-aya sa paningin ni Paraon ang kasamaan ng kanyang mga gawain, at siya ay hinadlangan nito tungo sa [matuwid na] landas; at ang balakin ni Paraon ay walang anupamang [naidulot] maliban sa kapahamakan.
وَقَالَ ٱلَّذِيٓ ءَامَنَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُونِ أَهۡدِكُمۡ سَبِيلَ ٱلرَّشَادِ
Open ayah 40:38At ang isang lalaking naniniwala [sa Allah] ay nagsabi: “O aking mga mamamayan, sumunod kayo sa akin, kayo ay aking papatnubayan sa landas na matuwid.
يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا مَتَٰعٞ وَإِنَّ ٱلۡأٓخِرَةَ هِيَ دَارُ ٱلۡقَرَارِ
Open ayah 40:39O, aking mga mamamayan, katotohanan, ang buhay sa mundong ito ay isang [maikling] kasiyahan lamang, at katotohanan, ang kabilang buhay ay isang tahanan na mananatili magpakailanman.
مَنۡ عَمِلَ سَيِّئَةٗ فَلَا يُجۡزَىٰٓ إِلَّا مِثۡلَهَاۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ يُرۡزَقُونَ فِيهَا بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Open ayah 40:40Sinuman ang gumawa ng isang masamang gawa ay hindi babayaran maliban sa [masamang] katulad din nito; at sinuman ang gumawa ng isang matuwid na gawain, lalaki man o babae at siya ay naniniwala [sa Allah], sila yaong mga magsisipasok sa Paraiso, na kung saan sila ay pagkakalooban doon ng panustos nang walang pagsukat.
۞وَيَٰقَوۡمِ مَا لِيٓ أَدۡعُوكُمۡ إِلَى ٱلنَّجَوٰةِ وَتَدۡعُونَنِيٓ إِلَى ٱلنَّارِ
Open ayah 40:41At O aking mga mamamayan, paano nga ba ako mananawagan sa inyo sa kaligtasan samantalang kayo ay nananawagan sa akin tungo sa Apoy!
تَدۡعُونَنِي لِأَكۡفُرَ بِٱللَّهِ وَأُشۡرِكَ بِهِۦ مَا لَيۡسَ لِي بِهِۦ عِلۡمٞ وَأَنَا۠ أَدۡعُوكُمۡ إِلَى ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡغَفَّٰرِ
Open ayah 40:42Kayo ay nag-aanyaya sa akin upang hindi paniwalaan ang Allah at magtambal [ng iba] sa Kanya na wala akong kaalaman; nguni’t ako ay nag- aanyaya sa inyo tungo sa [Kanya na] Ganap na Makapangyarihan, ang Mapagpatawad.
لَا جَرَمَ أَنَّمَا تَدۡعُونَنِيٓ إِلَيۡهِ لَيۡسَ لَهُۥ دَعۡوَةٞ فِي ٱلدُّنۡيَا وَلَا فِي ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَنَّ مَرَدَّنَآ إِلَى ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱلۡمُسۡرِفِينَ هُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ
Open ayah 40:43Walang alinlangan, ako ay inyong inaanyayahan [sa pagsamba] sa alinmang hindi [makatutugon sa] panalangin sa mundong ito at sa kabilang buhay. At katiyakan na ang ating pagbabalik ay sa Allah. At katotohahan, ang mga mapagmalabis – sila ang maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno]!
فَسَتَذۡكُرُونَ مَآ أَقُولُ لَكُمۡۚ وَأُفَوِّضُ أَمۡرِيٓ إِلَى ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Open ayah 40:44At inyong maaalala kung ano ang aking mga sinasabi sa inyo [ngayon], at ang aking mga gawain ay ipinagkakatiwala ko sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakakikita [sa Kanyang] sa mga alipin.”
فَوَقَىٰهُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِ مَا مَكَرُواْۖ وَحَاقَ بِـَٔالِ فِرۡعَوۡنَ سُوٓءُ ٱلۡعَذَابِ
Open ayah 40:45Kaya, siya ay iniligtas ng Allah mula sa mga kasamaang kanilang binalak [laban sa kanya], habang ang masamang parusa ay pumalibot sa mga mamamayan ni Paraon.
ٱلنَّارُ يُعۡرَضُونَ عَلَيۡهَا غُدُوّٗا وَعَشِيّٗاۚ وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ أَدۡخِلُوٓاْ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ أَشَدَّ ٱلۡعَذَابِ
Open ayah 40:46Ang Apoy [ng Impiyerno], ay ipinapakita sa kanila sa umaga at hapon. At sa Araw na iyon kapag ang [takdang] Oras ay inihudyat na [ito ang sasabihin sa mga anghel]: “Isadlak ninyo ang mga mamamayan ni Paraon sa pinakamahapding parusa.”
وَإِذۡ يَتَحَآجُّونَ فِي ٱلنَّارِ فَيَقُولُ ٱلضُّعَفَٰٓؤُاْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا كُنَّا لَكُمۡ تَبَعٗا فَهَلۡ أَنتُم مُّغۡنُونَ عَنَّا نَصِيبٗا مِّنَ ٱلنَّارِ
Open ayah 40:47At [banggitin mo] kapag sila ay magtatalu-talo [sa isa’t isa] sa gitna ng Apoy, ang mga mahihina [sa kanila] ay magsasabi sa mga naging mapagmalaki: “Katotohanan, kami ay inyong mga tagasunod [lamang]; maaari ba ninyong pawiin sa amin ang ilang bahagi ng Apoy?”
قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا كُلّٞ فِيهَآ إِنَّ ٱللَّهَ قَدۡ حَكَمَ بَيۡنَ ٱلۡعِبَادِ
Open ayah 40:48Yaong mga mapagmalaki ay magsasabi: “Katotohanan, tayo ay sama- samang [lahat] dito [sa Apoy]! Katotohanan, ang Allah ay naghatol sa pagitan [ng Kanyang] mga alipin.”
وَقَالَ ٱلَّذِينَ فِي ٱلنَّارِ لِخَزَنَةِ جَهَنَّمَ ٱدۡعُواْ رَبَّكُمۡ يُخَفِّفۡ عَنَّا يَوۡمٗا مِّنَ ٱلۡعَذَابِ
Open ayah 40:49At yaong mga nasa Apoy ay magsasabi sa mga tagapagbantay [na anghel] ng Impiyerno: “Manalangin kayo sa inyong Panginoon upang pagaanin para sa amin ang isang araw mula sa parusa!”
قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ تَكُ تَأۡتِيكُمۡ رُسُلُكُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِۖ قَالُواْ بَلَىٰۚ قَالُواْ فَٱدۡعُواْۗ وَمَا دُعَٰٓؤُاْ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٍ
Open ayah 40:50Sila [mga anghel] ay magsasabi: “Hindi ba dumating sa inyo ang inyong mga sugo na may dalang mga katibayan?” Sila ay magsasabi: “Oo.” Sila [mga anghel] ay sasagot: “Kung gayon, kayo [sa inyong mga sarili] ang manalangin, nguni’t [gayunpaman] walang [patutunguhan] ang panalangin ng mga di-naniniwala maliban sa kawalang-saysay.”
إِنَّا لَنَنصُرُ رُسُلَنَا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَيَوۡمَ يَقُومُ ٱلۡأَشۡهَٰدُ
Open ayah 40:51Katotohanan, Aming tatangkilikin ang Aming mga sugo at yaong mga naniniwala [sa mensahe] sa mundong ito at sa Araw na ang mga saksi ay magsisitayo [na maninindigan].
يَوۡمَ لَا يَنفَعُ ٱلظَّٰلِمِينَ مَعۡذِرَتُهُمۡۖ وَلَهُمُ ٱللَّعۡنَةُ وَلَهُمۡ سُوٓءُ ٱلدَّارِ
Open ayah 40:52Sa Araw na iyon ang pangangatuwiran ay hindi na makapagdudulot ng buti para sa mga mapaggawa ng kamalian. Sa kanila ay sumpa, at sa kanila ay isang pinakamasamang tahanan [ang Apoy].
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡهُدَىٰ وَأَوۡرَثۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡكِتَٰبَ
Open ayah 40:53At katiyakan Aming ipinagkaloob kay Moises ang patnubay, at Aming itinakda sa mga anak ni Israel na manahin ang [banal na] kasulatan –
هُدٗى وَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Open ayah 40:54[NagsiIbing] patnubay at isang babala sa mga taong may taglay na pang-unawa.
فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِبۡكَٰرِ
Open ayah 40:55Kaya, ikaw [O Muhammad] ay maging matiisin. Katotohanan, ang pangako ng Allah ay totoo, at [ikaw ay] humingi ng kapatawaran para sa iyong kasalanan at ipagbunyi mo ang mga papuri ng iyong Panginoon sa gabi at sa umaga.
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ سُلۡطَٰنٍ أَتَىٰهُمۡ إِن فِي صُدُورِهِمۡ إِلَّا كِبۡرٞ مَّا هُم بِبَٰلِغِيهِۚ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ
Open ayah 40:56Katotohanan, yaong mga nakikipagtalo hinggil sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah, nang wala namang batayang ipinagkaloob sa kanila - walang laman ang kanilang mga dibdib maliban sa pagmamalaki samantalang ito [ang masamang balakin] ay hindi nila magawang abutin. Kaya, humingi ng paglingap sa Allah. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Lubos na Nakakikita.
لَخَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ أَكۡبَرُ مِنۡ خَلۡقِ ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 40:57Ang paglikha sa mga kalangitan at kalupaan ay nakahihigit kaysa sa paglikha sa sangkatauhan; nguni’t karamihan sa mga tao ay hindi nakakaalam.
وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَلَا ٱلۡمُسِيٓءُۚ قَلِيلٗا مَّا تَتَذَكَّرُونَ
Open ayah 40:58At hindi magkatulad ang isang bulag [sa katotohanan] at ang isang nakakikita [sa katotohanan]; hindi rin magkatulad yaong mga naniwala [sa Allah] at gumawa ng mga gawaing matwid at ang isang [gumagawa ng] masama. [Sadyang] katiting lamang ang inyong naaalala.
إِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞ لَّا رَيۡبَ فِيهَا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 40:59Katotohanan, ang Oras [o Araw ng Paghuhukom] ay darating, walang pag-aalinlangan tungkol dito, nguni’t karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala.
وَقَالَ رَبُّكُمُ ٱدۡعُونِيٓ أَسۡتَجِبۡ لَكُمۡۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِي سَيَدۡخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ
Open ayah 40:60At ang inyong Panginoon ay nagsabi: “Manalangin kayo sa akin at kayo ay Aking diringgin. Katotohanan, yaong mga nagmamalaki sa pagsamba sa Akin, [katiyakan na] sila ay magsisipasok sa Impiyerno nang kadusta- dusta!”
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ
Open ayah 40:61Siya ang Allah na gumawa ng gabi para sa inyo upang kayo ay mamahinga at ng maghapon upang kayo ay makakita. Katotohanan, ang Allah ay Tigib ng biyaya sa sangkatauhan; subali’t karamihan sa sangkatauhan ay walang [isinusukling] pasasalamat.
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Open ayah 40:62Iyan ang Allah, ang inyong Panginoon, ang lumikha ng lahat ng bagay: Walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Paano nga bang kayo ay nalinlang?
كَذَٰلِكَ يُؤۡفَكُ ٱلَّذِينَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Open ayah 40:63Ganyan nga nalilinlang [noong una] yaong mga lagi nang tumatanggi [o tumututol] sa mga ayaat [kapahayagan o babala] ng Allah.
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارٗا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءٗ وَصَوَّرَكُمۡ فَأَحۡسَنَ صُوَرَكُمۡ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡۖ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 40:64Siya ang Allah na gumawa ng lupa para sa inyo [bilang] isang pook ng paninirahan at ang langit [bilang] bubungan [na masisilungan], at kayo ay [Kanyang] hinubog at ginawang ganap ang inyong mga hubog at [Kanyang] ipinagkaloob sa inyo ang mga mabubuting panustos. Iyan ang Allah, ang inyong Panginoon. Mapagpala ang Allah, ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].
هُوَ ٱلۡحَيُّ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱدۡعُوهُ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَۗ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 40:65Siya ang Lagi nang Buhay [Walang Kamatayan], Walang diyos maliban sa Kanya; kaya dumalangin sa Kanya, maging matapat sa Kanya sa relihiyon. Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah], ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha.
۞قُلۡ إِنِّي نُهِيتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَمَّا جَآءَنِيَ ٱلۡبَيِّنَٰتُ مِن رَّبِّي وَأُمِرۡتُ أَنۡ أُسۡلِمَ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 40:66Sabihin mo [O Muhammad]: Ako ay pinagbawalang sambahin yaong [mga diyus-diyusan na] inyong sinasamba bukod sa Allah nang dumating sa akin ang mga patunay mula sa aking Panginoon; at ako ay napag-utusang isuko ang aking sarili sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].
هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ مِنۡ عَلَقَةٖ ثُمَّ يُخۡرِجُكُمۡ طِفۡلٗا ثُمَّ لِتَبۡلُغُوٓاْ أَشُدَّكُمۡ ثُمَّ لِتَكُونُواْ شُيُوخٗاۚ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ مِن قَبۡلُۖ وَلِتَبۡلُغُوٓاْ أَجَلٗا مُّسَمّٗى وَلَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Open ayah 40:67Siya ang lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkaraan mula sa pinaghalong semilya [ng lalaki at babae] pagkaraan mula sa kapirasong kimpal ng dugo, pagkaraan kayo ay iniluwal [bilang] isang sanggol. Pagkaraan [kayo ay pinalaki] upang inyong maabot ang kaganapan [na inyong pagkatao] at pagkaraan ay upang kayo ay maging matatanda. At kabilang sa inyo ay isang maagang kinukuha ng kamatayan upang kayo ay umabot sa takdang oras at upang sakali kayo ay [matutong] makaunawa.
هُوَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ فَإِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Open ayah 40:68Siya ang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan. At kapag Kanyang itakda ang isang pangyayari [o bagay], Siya ay magsasabi rito ng: “Maging” kaya nangyari nga.
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ أَنَّىٰ يُصۡرَفُونَ
Open ayah 40:69Hindi mo ba nakikita yaong mga nakikipagtalo tungkol sa mga ayaat
ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِٱلۡكِتَٰبِ وَبِمَآ أَرۡسَلۡنَا بِهِۦ رُسُلَنَاۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 40:70Yaong mga nagtatakwil sa Aklat [ang Qur’an] at sa anumang Aming ipinadala sa Aming mga sugo - kanilang mapag-aalaman [na],
إِذِ ٱلۡأَغۡلَٰلُ فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ وَٱلسَّلَٰسِلُ يُسۡحَبُونَ
Open ayah 40:71Kapag ang mga kawing [o sakal na bakal] ay ipupulupot sa kanilang mga leeg at ang mga panggapos na tanikala [sa kanilang mga kamay at paa], sila ay kakaladkarin [patungo], -
فِي ٱلۡحَمِيمِ ثُمَّ فِي ٱلنَّارِ يُسۡجَرُونَ
Open ayah 40:72Sa kumukulong tubig; pagkaraan sila ay susunugin sa Apoy.
ثُمَّ قِيلَ لَهُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تُشۡرِكُونَ
Open ayah 40:73Pagkaraan, ay sasabihin sa kanila : “Nasaan ang anumang lagi ninyong itinatambal [sa pagsamba],
مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالُواْ ضَلُّواْ عَنَّا بَل لَّمۡ نَكُن نَّدۡعُواْ مِن قَبۡلُ شَيۡـٔٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Open ayah 40:74Bukod sa Allah?” Sila ay magsasabi: “Sila ay naglaho mula sa amin; nguni’t hindi kami dumalangin sa anupaman noon.” Ganyan iniligaw ng Allah ang mga di-naniniwala.
ذَٰلِكُم بِمَا كُنتُمۡ تَفۡرَحُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَمۡرَحُونَ
Open ayah 40:75[Ang mga anghel ay magsasabi] : Iyan ay sapagka’t kayo ay lagi nang nagsasaya sa mundo nang walang karapatan at kayo ay laging umaasal nang magaslaw.
ٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ
Open ayah 40:76[Sa gayon nga] humayo kayong magsipasok sa mga pintuan ng Impiyerno upang mamalagi roon: at [sadyang] napakasamang hantungan para sa mga mapagmalaki.
فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعۡضَ ٱلَّذِي نَعِدُهُمۡ أَوۡ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيۡنَا يُرۡجَعُونَ
Open ayah 40:77Kaya, ikaw [O Muhammad] ay maging matiisin. Katotohanan, ang pangako ng Allah ay totoo at kahit na Aming ipakita sa iyo [sa mundong ito] ang ibang bahagi ng Aming ipinangako sa kanila, o [kaya’y] Aming itulot na ikaw ay mamatay, sa Amin, sila ay ibabalik [na lahat].
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلٗا مِّن قَبۡلِكَ مِنۡهُم مَّن قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ وَمِنۡهُم مَّن لَّمۡ نَقۡصُصۡ عَلَيۡكَۗ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَن يَأۡتِيَ بِـَٔايَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ فَإِذَا جَآءَ أَمۡرُ ٱللَّهِ قُضِيَ بِٱلۡحَقِّ وَخَسِرَ هُنَالِكَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
Open ayah 40:78At katiyakan, Aming ipinadala ang mga sugo nang una sa iyo [O, Muhammad]: ang iba sa kanila ay Aming isinalaysay sa iyo [ang kanilang kasaysayan]. At ang iba sa kanila ay hindi Namin isinalaysay sa iyo [ang kanilang kasaysayan]. Hindi marapat sa sinumang sugo na siya ay magdala ng ayaat [kapahayagan o himala] maliban sa kapahintulutan ng Allah. Kaya, kapag dumarating ang Kautusan ng Allah, ito ay pagpapasiyahan [o pagtitibayin] nang makatotohanan, at ang mga mapaggawa ng kabulaanan noon ding iyon ay mawawalan [ng lahat].
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَنۡعَٰمَ لِتَرۡكَبُواْ مِنۡهَا وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Open ayah 40:79Siya ang Allah na gumawa para sa inyo ng mga hayop [sa kawan] ng bakahan upang ang iba nito ay inyong masakyan at ang iba nito ay inyong makain.
وَلَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَلِتَبۡلُغُواْ عَلَيۡهَا حَاجَةٗ فِي صُدُورِكُمۡ وَعَلَيۡهَا وَعَلَى ٱلۡفُلۡكِ تُحۡمَلُونَ
Open ayah 40:80At para sa inyo roon ay [ibang] mga pakinabang at upang inyong maisakatuparan sa kanilang ibabaw ang isang pangangailangan na nasa inyong mga dibdib. At sa kanilang ibabaw at sa loob ng mga sasakyang- dagat kayo ay isinasakay.
وَيُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ فَأَيَّ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ تُنكِرُونَ
Open ayah 40:81At Kanyang ipinakita sa inyo ang Kanyang mga ayaat [palatandaan]. Kaya alin sa mga ayaat ng Allah ang inyong itinatakwil?
أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَانُوٓاْ أَكۡثَرَ مِنۡهُمۡ وَأَشَدَّ قُوَّةٗ وَءَاثَارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Open ayah 40:82Hindi ba sila nagsipaglakbay sa mga lupain at kanilang natunghayan kung paano ang naging wakas niyaong mga nauna sa kanila? Sila ay nakahihigit sa bilang kaysa sa kanilang mga sarili at nakahihigit sa lakas, at sa bakas [ng pagkakilanlan o yaman] sa mga lupain; nguni’t walang buting naidulot sa kanila ang anumang kanilang lagi nang pinagsusumikapan.
فَلَمَّا جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَرِحُواْ بِمَا عِندَهُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Open ayah 40:83Kaya nang ang kanilang mga sugo ay dumating sa kanila na may dalang mga malilinaw na katibayan, sila ay nagalak [lamang] sa anumang kanilang nakuhang kaalaman, nguni’t sila ay nabalutan ng [parusa sanhi ng] anumang kanilang laging kinukutya [o pinagtatawanan].
فَلَمَّا رَأَوۡاْ بَأۡسَنَا قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَحۡدَهُۥ وَكَفَرۡنَا بِمَا كُنَّا بِهِۦ مُشۡرِكِينَ
Open ayah 40:84Kaya, nang kanilang makita ang Aming parusa, sila ay nagsabi: “Kami ay naniniwala sa Kaisahan ng Allah at kami ay hindi naniniwala sa anumang aming laging itinatambal sa Kanya.”
فَلَمۡ يَكُ يَنفَعُهُمۡ إِيمَٰنُهُمۡ لَمَّا رَأَوۡاْ بَأۡسَنَاۖ سُنَّتَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي قَدۡ خَلَتۡ فِي عِبَادِهِۦۖ وَخَسِرَ هُنَالِكَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Open ayah 40:85Nguni’t, ang kanilang pananampalataya ay walang naidulot na buti sa kanila nang kanilang makita ang Aming parusa. [Ito ang] dating kaparaanan ng Allah na Kanyang ipinagpauna na sa Kanyang mga alipin. At noon ding iyon, ang mga di-naniniwala ang nawalan [ng lahat ng pagpapala].