فصلت
Fussilat
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
حمٓ
Open ayah 41:1Ha, Mim.
تَنزِيلٞ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Open ayah 41:2[Ito ay] isang Kapahayagang nagmula sa Mahabagin, ang Maawain -
كِتَٰبٞ فُصِّلَتۡ ءَايَٰتُهُۥ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 41:3Isang Aklat na ang mga ayaat [o talata] nito ay masusing ipinaliwanag - isang Qur’an sa [wikang] Arabe para sa mga taong nakaaalam,
بَشِيرٗا وَنَذِيرٗا فَأَعۡرَضَ أَكۡثَرُهُمۡ فَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ
Open ayah 41:4[Nagsisilbi] bilang tagapaghatid ng mga magagandang balita at tagapagbabala nguni’t karamihan sa kanila ay nagsisilayo, kaya sila ay hindi makaririnig [sa mga mahahalagang paanyaya nito].
وَقَالُواْ قُلُوبُنَا فِيٓ أَكِنَّةٖ مِّمَّا تَدۡعُونَآ إِلَيۡهِ وَفِيٓ ءَاذَانِنَا وَقۡرٞ وَمِنۢ بَيۡنِنَا وَبَيۡنِكَ حِجَابٞ فَٱعۡمَلۡ إِنَّنَا عَٰمِلُونَ
Open ayah 41:5At sila ay nagsasabing: ‘Ang aming mga puso ay nakatakip mula sa anumang ipinag-aanyaya mo sa amin; at sa aming mga tainga ay pagkabingi. At sa aming pagitan at iyong pagitan ay isang harang. Kaya ikaw ay gumawa [para sa iyong sarili], katotohanan kami ay gumagawa [para sa aming sarili].’
قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَٱسۡتَقِيمُوٓاْ إِلَيۡهِ وَٱسۡتَغۡفِرُوهُۗ وَوَيۡلٞ لِّلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 41:6Sabihin mo [O Muhammad]: “Ako ay isang taong katulad lamang ninyo. Ipinahayag sa akin na ang inyong Diyos ay isang diyos, samakatwid, inyong panindigan [at tahakin ang tamang daan patungo] sa Kanya at inyong hingin ang Kanyang kapatawaran.” At kasawian sa mga nagtatambal [sa Kanya] -
ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ
Open ayah 41:7[Sila] yaong mga hindi nagbibigay ng kawanggawa at [hinggil sa anumang kahihinatnan] sa kabilang buhay, sila ay mga di-naniniwala.
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونٖ
Open ayah 41:8Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, para sa kanila ay gantimpalang walang kupas.
۞قُلۡ أَئِنَّكُمۡ لَتَكۡفُرُونَ بِٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ فِي يَوۡمَيۡنِ وَتَجۡعَلُونَ لَهُۥٓ أَندَادٗاۚ ذَٰلِكَ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 41:9Sabihin: “Kayo ba ay hindi naniniwala sa Kanya na Siyang lumikha sa kalupaan sa loob ng dalawang araw? At kayo ay nag-aakibat sa Kanya ng mga kapantay? Iyan ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].”
وَجَعَلَ فِيهَا رَوَٰسِيَ مِن فَوۡقِهَا وَبَٰرَكَ فِيهَا وَقَدَّرَ فِيهَآ أَقۡوَٰتَهَا فِيٓ أَرۡبَعَةِ أَيَّامٖ سَوَآءٗ لِّلسَّآئِلِينَ
Open ayah 41:10At Kanyang inilagay doon [sa lupa] ang mga matatag na bundok na
ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰٓ إِلَى ٱلسَّمَآءِ وَهِيَ دُخَانٞ فَقَالَ لَهَا وَلِلۡأَرۡضِ ٱئۡتِيَا طَوۡعًا أَوۡ كَرۡهٗا قَالَتَآ أَتَيۡنَا طَآئِعِينَ
Open ayah 41:11Pagkaraan, Siya ay pumaitaas sa dakong kalangitan habang ito ay usok pa lamang, at Kanyang sinabi rito [sa langit] at sa lupa: “Humayo kayong dalawa nang kusa o nang sapilitan.” At sila [ang langit at lupa] ay nagsabi: “Kami ay humayo nang may pagkukusa.”
فَقَضَىٰهُنَّ سَبۡعَ سَمَٰوَاتٖ فِي يَوۡمَيۡنِ وَأَوۡحَىٰ فِي كُلِّ سَمَآءٍ أَمۡرَهَاۚ وَزَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَحِفۡظٗاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Open ayah 41:12Kaya, Kanyang binuong ganap ang mga ito bilang pitong kalangitan sa loob ng dalawang araw at ipinagkaloob sa bawa’t langit ang [sariling] kautusan nito. At Aming pinalamutian ang pinakamababang langit ng mga lampara [mga bituin] bilang bantay [laban sa mga demonyo]. Iyan ang takda ng Ganap na Makapangyarihan, ang Maalam.
فَإِنۡ أَعۡرَضُواْ فَقُلۡ أَنذَرۡتُكُمۡ صَٰعِقَةٗ مِّثۡلَ صَٰعِقَةِ عَادٖ وَثَمُودَ
Open ayah 41:13Nguni’t kung sila ay magsilayo, magkagayon, [O Muhammad] iyong sabihin sa kanila]: “Kayo ay aking binalaan ng isang sai’qah [matinding pagkulog at pagkidlat] tulad ng sai’qah [na pumuksa] sa [mga mamamayan ng] ’Aad at [Tribu ng] Thamud.
إِذۡ جَآءَتۡهُمُ ٱلرُّسُلُ مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۖ قَالُواْ لَوۡ شَآءَ رَبُّنَا لَأَنزَلَ مَلَٰٓئِكَةٗ فَإِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Open ayah 41:14[Iyan ay naganap] nang ang mga sugo ay dumating sa kanilang mga harapan at sa kanilang mga likuran [na nag-aanyayang]: “Wala kayong [dapat] sambahin kundi ang Allah. [Nguni’t] sila ay nagsabing: “Kung ninais ng aming Panginoon, marahil Kanyang pinababa ang mga anghel [at hindi mga taong katulad namin]. Kaya, sa anumang ipinadala sa inyo, kami ay mga di- naniniwala.”
فَأَمَّا عَادٞ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَقَالُواْ مَنۡ أَشَدُّ مِنَّا قُوَّةًۖ أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَهُمۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ
Open ayah 41:15Tungkol sa [mamamayan ng] ‘Aad, sila ay mapagmalaki sa mga lupain bagaman ito ay hindi marapat [gawin], at sila ay nagsabi: “Sino ba ang higit na makapangyarihan [sa lakas] kaysa sa amin? [Subali’t] hindi ba nila nakikita na ang Allah na Siyang lumikha sa kanila ay higit na Matindi sa lakas kaysa sa kanila? At kanilang itinatakwil ang Aming mga ayaat [mga babala].
فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِيٓ أَيَّامٖ نَّحِسَاتٖ لِّنُذِيقَهُمۡ عَذَابَ ٱلۡخِزۡيِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَخۡزَىٰۖ وَهُمۡ لَا يُنصَرُونَ
Open ayah 41:16Kaya, Aming ipinadala sa kanila ang isang nagngangalit na hangin sa mga araw [na kanilang itinuturing bilang] masamang pangitain upang Aming ipalasap sa kanila ang isang kahiya-hiyang parusa sa mundong ito. Subali’t, ang parusa sa kabilang buhay ay higit na kahiya-hiya, at sila ay hindi matutulungan.
وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيۡنَٰهُمۡ فَٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡعَمَىٰ عَلَى ٱلۡهُدَىٰ فَأَخَذَتۡهُمۡ صَٰعِقَةُ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡهُونِ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Open ayah 41:17At sa [Tribu ng] Thamud, sila ay Aming pinatnubayan subali’t higit nilang pinili ang pagiging bulag kaysa sa patnubay; kaya ang pagkulog [o pagkidlat] ng isang kahiya-hiyang parusa ay humablot sa kanila sanhi ng anumang [kasamaang] kanilang lagi nang pinagsumikapan.
وَنَجَّيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Open ayah 41:18At Aming iniligtas yaong mga naniwala at laging natatakot [sa Allah].
وَيَوۡمَ يُحۡشَرُ أَعۡدَآءُ ٱللَّهِ إِلَى ٱلنَّارِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ
Open ayah 41:19At [alalahanin] ang Araw na ang mga kaaway ng Allah ay titipunin sa Apoy, habang sila ay [itinataboy at], tinipong magkakahanay.
حَتَّىٰٓ إِذَا مَا جَآءُوهَا شَهِدَ عَلَيۡهِمۡ سَمۡعُهُمۡ وَأَبۡصَٰرُهُمۡ وَجُلُودُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 41:20Hanggang, kapag kanilang marating ito [ang Apoy], ang kanilang mga pandinig at ang kanilang mga mata, at ang kanilang mga balat ay sasaksi laban sa kanila hinggil sa anumang kanilang lagi nang ginagawa.
وَقَالُواْ لِجُلُودِهِمۡ لِمَ شَهِدتُّمۡ عَلَيۡنَاۖ قَالُوٓاْ أَنطَقَنَا ٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَنطَقَ كُلَّ شَيۡءٖۚ وَهُوَ خَلَقَكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Open ayah 41:21At sila ay magsasabi sa kanilang mga balat, “Bakit kayo sumaksi laban sa amin?” Sila [ang kanilang mga balat] ay magsasalita: “Sapagka’t pinangyari ng Allah na kami ay magsalita tulad ng lahat ng bagay na Kanyang pinangyaring [magkaroon ng kakayahang] magsalita: At Siya ang lumikha sa inyo noong una at sa Kanya kayo ay ibabalik.
وَمَا كُنتُمۡ تَسۡتَتِرُونَ أَن يَشۡهَدَ عَلَيۡكُمۡ سَمۡعُكُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُكُمۡ وَلَا جُلُودُكُمۡ وَلَٰكِن ظَنَنتُمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَا يَعۡلَمُ كَثِيرٗا مِّمَّا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 41:22At hindi ninyo itinatago [o pinangangalagaan] ang inyong mga sarili [laban sa mga kasamaan], upang di-mangyaring ang inyong mga pandinig ay sumaksi laban sa inyo at [gayundin] ang inyong paningin at ang inyong mga balat; subali’t inakala ninyong hindi [lubos na] nababatid ng Allah ang karamihan sa anumang inyong ginagawa.
وَذَٰلِكُمۡ ظَنُّكُمُ ٱلَّذِي ظَنَنتُم بِرَبِّكُمۡ أَرۡدَىٰكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Open ayah 41:23At iyang inyong [maling] pag-iisip na inyong napag-isipan tungkol sa inyong Panginoon ay naghatid sa inyo sa kapahamakan; at kayo ay napabilang sa mga nawalan [o mga talunan].”
فَإِن يَصۡبِرُواْ فَٱلنَّارُ مَثۡوٗى لَّهُمۡۖ وَإِن يَسۡتَعۡتِبُواْ فَمَا هُم مِّنَ ٱلۡمُعۡتَبِينَ
Open ayah 41:24Kaya, [kahit] sila man ay magtiis [sa parusa], ang Apoy [pa rin] ang siyang kanlungan para sa kanila at kung sila man ay makiusap upang palubagin [ang Kalooban ng Allah], sila ay hindi kabilang sa mga pinahintulutang magpalubag.
۞وَقَيَّضۡنَا لَهُمۡ قُرَنَآءَ فَزَيَّنُواْ لَهُم مَّا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَحَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَٰسِرِينَ
Open ayah 41:25At Aming itinalaga para sa kanila ang mga [kapalagayang-loob na] kasamahan na ginawang kaakit-akit para sa kanila ang anumang [kasalanang] nasa kanilang harapan at anumang [kasalanang] nasa kanilang likuran. At ang salita [o takdang parusa] ay pinangyaring ipinatupad laban sa kanila, kabilang ng mga pamayanang nagsiyaong una sa kanila mula sa [lipon ng mga] jinn at tao. Katotohanan, silang [lahat] ay naging mga nawalan [o mga talunan].
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَسۡمَعُواْ لِهَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ وَٱلۡغَوۡاْ فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَغۡلِبُونَ
Open ayah 41:26At yaong mga di-naniniwala ay nagsasabing: “Huwag kayong makinig sa Qur’an na ito, at kayo ay magsalita nang maingay [sa oras ng pagbigkas] nito upang sakali ay inyong mapaglabanan.”
فَلَنُذِيقَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَذَابٗا شَدِيدٗا وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَسۡوَأَ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 41:27Nguni’t katiyakan, Aming papangyarihing lumasap ng isang masidhing parusa yaong mga di-naniniwala, at katiyakan, sila ay Aming babayaran para sa kasamaan na kanilang lagi nang ginagawa.
ذَٰلِكَ جَزَآءُ أَعۡدَآءِ ٱللَّهِ ٱلنَّارُۖ لَهُمۡ فِيهَا دَارُ ٱلۡخُلۡدِ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ
Open ayah 41:28Iyan ang kabayaran ng mga kaaway ng Allah - ang Apoy. Doon [sa Impiyerno] ang walang hanggang tahanang nakalaan para sa kanila, bilang kabayaran para sa anumang kanilang palagiang pakikipagtalo [o pagtanggi] sa Aming mga ayaat [kapahayagan].
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ رَبَّنَآ أَرِنَا ٱلَّذَيۡنِ أَضَلَّانَا مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ نَجۡعَلۡهُمَا تَحۡتَ أَقۡدَامِنَا لِيَكُونَا مِنَ ٱلۡأَسۡفَلِينَ
Open ayah 41:29At yaong mga di-naniwala ay magsasabi:“Aming Panginoon, ipakita Mo po sa amin yaong mga nagligaw sa amin mula sa jinn at tao, silang dalawa ay aming ilalagay sa ilalim ng aming mga paa [at pagtatapak-tapakan] upang sila ay mapabilang sa mga pinakaaba.”
إِنَّ ٱلَّذِينَ قَالُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسۡتَقَٰمُواْ تَتَنَزَّلُ عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَلَّا تَخَافُواْ وَلَا تَحۡزَنُواْ وَأَبۡشِرُواْ بِٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ
Open ayah 41:30Katotohanan, yaong mga nagsabi: “Ang aming Panginoon ay ang Allah,” pagkaraan sila ay nanindigan [at tumahak sa tamang landas], ang mga anghel ay papanaog sa kanila [at magsasabing]: “Huwag kayong mangamba at huwag kayong malungkot, sapagka’t inyong tanggapin ang magandang balita ng Paraiso na sa inyo ay ipinangako!
نَحۡنُ أَوۡلِيَآؤُكُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَلَكُمۡ فِيهَا مَا تَشۡتَهِيٓ أَنفُسُكُمۡ وَلَكُمۡ فِيهَا مَا تَدَّعُونَ
Open ayah 41:31Kami [mga anghel] ay inyong naging mga kaibigan sa makamundong buhay at sa kabilang buhay. Para sa inyo doon [sa Paraiso] ay ang anumang minimithi ng inyong mga sarili, at para sa inyo doon ay ang anumang inyong kahilingan.
نُزُلٗا مِّنۡ غَفُورٖ رَّحِيمٖ
Open ayah 41:32Bilang isang [maganda at kaaya-ayang] panuluyan mula sa [Allah, ang] Mapagpatawad, Maawain.”
وَمَنۡ أَحۡسَنُ قَوۡلٗا مِّمَّن دَعَآ إِلَى ٱللَّهِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا وَقَالَ إِنَّنِي مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Open ayah 41:33At sino ba ang higit na mabuti sa pananalita kaysa sa isang nag- aanyaya [tungo] sa [landas ng] Allah, at gumagawa ng mga gawaing matwid, at nagsasabing: “Katotohanan ako ay kabilang sa mga Muslim [na tumatalima sa Allah].”
وَلَا تَسۡتَوِي ٱلۡحَسَنَةُ وَلَا ٱلسَّيِّئَةُۚ ٱدۡفَعۡ بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ فَإِذَا ٱلَّذِي بَيۡنَكَ وَبَيۡنَهُۥ عَدَٰوَةٞ كَأَنَّهُۥ وَلِيٌّ حَمِيمٞ
Open ayah 41:34Hindi magkatulad ang mabuting gawa at ang masamang [gawa]. Iwaksi [ang kasamaan sa pamamagitan] ng [paggawa ng] mabuti, sanhi nito, siya na may namamagitang galit sa iyo ay [magiging] tila isang matalik na kaibigan.
وَمَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَمَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ذُو حَظٍّ عَظِيمٖ
Open ayah 41:35Nguni’t walang ginagawaran nito maliban yaong matiisin [sa mga pagsubok] - at walang ginagawaran nito maliban ang isang nag-aangkin ng malaking bahagi [ng kabutihan].
وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ نَزۡغٞ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 41:36At kung may dumating sa iyo mula sa satanas ng isang masamang udyok, magkagayon, humingi ka ng paglingap sa Allah. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِ ٱلَّيۡلُ وَٱلنَّهَارُ وَٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُۚ لَا تَسۡجُدُواْ لِلشَّمۡسِ وَلَا لِلۡقَمَرِ وَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ ٱلَّذِي خَلَقَهُنَّ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ
Open ayah 41:37At kabilang sa Kanyang mga ayaat [o tanda] ay ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw o sa buwan sa halip kayo ay magpatirapa sa Allah na Siyang lumikha sa kanila, kung [tunay ngang] Siya ang inyong sinasamba.
فَإِنِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فَٱلَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ يُسَبِّحُونَ لَهُۥ بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَهُمۡ لَا يَسۡـَٔمُونَ۩
Open ayah 41:38Nguni’t kung sila ay nagmamalaki - magkagayon, yaong [mga anghel na] malalapit sa iyong Panginoon ay lumuluwalhati sa Kanya sa gabi at sa maghapon, at sila ay walang [anumang nararamdamang] kapaguran.
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنَّكَ تَرَى ٱلۡأَرۡضَ خَٰشِعَةٗ فَإِذَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡهَا ٱلۡمَآءَ ٱهۡتَزَّتۡ وَرَبَتۡۚ إِنَّ ٱلَّذِيٓ أَحۡيَاهَا لَمُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰٓۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Open ayah 41:39At kabilang sa Kanyang mga ayaat [tanda ay ito]; na iyong nakikita ang lupa na [dati ay] tigang, nguni’t kapag Aming ibinaba ang tubig [o ulan] dito, ito ay gumagalaw at [ang mga pananim nito] ay tumutubo. Katotohanan, Siya na nagbigay ng buhay nito [ng lupa], ay Siya ring magbibigay ng buhay sa [dati ay] patay. Katotohanan Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay.
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُلۡحِدُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا لَا يَخۡفَوۡنَ عَلَيۡنَآۗ أَفَمَن يُلۡقَىٰ فِي ٱلنَّارِ خَيۡرٌ أَم مَّن يَأۡتِيٓ ءَامِنٗا يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ ٱعۡمَلُواْ مَا شِئۡتُمۡ إِنَّهُۥ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ
Open ayah 41:40Katotohanan, yaong mga naghahasik ng kalihisan sa Aming mga ayaat [kapahayagan] ay hindi nakakakubli sa Aming [Kaalaman]. Kaya, ang isa bang itatapon sa Apoy ay nakahihigit o ang isang dumating na ligtas sa Araw ng Pagkabuhay na Muli? Inyong gawin ang anumang inyong nais. Katotohanan, Kanyang Ganap na Nakikita ang anumang inyong ginagawa.
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِٱلذِّكۡرِ لَمَّا جَآءَهُمۡۖ وَإِنَّهُۥ لَكِتَٰبٌ عَزِيزٞ
Open ayah 41:41Katotohanan, yaong mga di-naniwala sa mensahe [ng Islam] nang ito ay dumating sa kanila [ay magtatamo ng kaparusahan]. At katotohanan, ito [ang Qur’an] ay isang makapangyarihang Aklat.
لَّا يَأۡتِيهِ ٱلۡبَٰطِلُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَلَا مِنۡ خَلۡفِهِۦۖ تَنزِيلٞ مِّنۡ حَكِيمٍ حَمِيدٖ
Open ayah 41:42Ang kabulaanan ay hindi makalalapit mula sa harapan nito at maging sa likuran nito, [ito ay] isang kapahayagan mula sa [Isang] Tigib ng Karunungan, Kapuri-puri.
مَّا يُقَالُ لَكَ إِلَّا مَا قَدۡ قِيلَ لِلرُّسُلِ مِن قَبۡلِكَۚ إِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغۡفِرَةٖ وَذُو عِقَابٍ أَلِيمٖ
Open ayah 41:43Walang sinabi sa iyo [O, Muhammad] maliban kung ano ang sinabing [mensahe] sa mga sugong nauna sa iyo. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang Siyang may tangan ng kapatawaran, at Siya ang may tangan ng mahapding kaparusahan.
وَلَوۡ جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَانًا أَعۡجَمِيّٗا لَّقَالُواْ لَوۡلَا فُصِّلَتۡ ءَايَٰتُهُۥٓۖ ءَا۬عۡجَمِيّٞ وَعَرَبِيّٞۗ قُلۡ هُوَ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ هُدٗى وَشِفَآءٞۚ وَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٞ وَهُوَ عَلَيۡهِمۡ عَمًىۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُنَادَوۡنَ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ
Open ayah 41:44At kung ito ay Aming ginawa bilang Qur’an na nasa isang banyagang wika [at hindi sa Arabe], katiyakang sila ay magsasabing: “Bakit ang mga aayat [o talata] nito ay hindi ipinaliwanag nang masusi [sa aming sariling wika]?” Ito ba ay isang banyagang [pagbigkas] nguni’t isang arabo [ang sugo]? Sabihin: “Ito ay para sa mga naniniwala, [bilang] isang patnubay at lunas.” At yaong mga di-naniniwala [sa Qur’an], sa kanila ay pagkabingi sa kanilang mga tainga, at pagkabulag sa kanilang mga mata. Sila yaong mga [katulad niyaong mga di-nakakarinig habang] tinawagan mula sa malayong pook.
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَٱخۡتُلِفَ فِيهِۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ
Open ayah 41:45At katiyakan Aming ipinagkaloob kay Moises ang kasulatan, nguni’t ang di-pagkakasundo ay namayani roon. At kung hindi lamang sa isang salita na ipinauna mula sa iyong Panginoon marahil ito ay [malaon nang] napagpasiyahan sa kanilang pagitan. At katotohanan, sila ay nasa labis na pag-agam-agam hinggil dito [sa Qur’an].
مَّنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَسَآءَ فَعَلَيۡهَاۗ وَمَا رَبُّكَ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ
Open ayah 41:46Sinuman ang gumawa ng mga gawaing matwid - ito ay para sa [kapakanan ng] kanyang sariling kaluluwa; at sinuman ang gumawa ng kasamaan, ito ay laban dito [sa kapariwaraan ng kanyang sarili]. At ang iyong Panginoon ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa [Kanyang] mga alipin.
۞إِلَيۡهِ يُرَدُّ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِۚ وَمَا تَخۡرُجُ مِن ثَمَرَٰتٖ مِّنۡ أَكۡمَامِهَا وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ أَيۡنَ شُرَكَآءِي قَالُوٓاْ ءَاذَنَّٰكَ مَا مِنَّا مِن شَهِيدٖ
Open ayah 41:47[Tanging] Sa Kanya nakaugnay ang kaalaman ng [takdang] Oras. Walang prutas ang sumusulpot sa kalukop nito at walang babae ang magdadalantao o magsisilang maliban nasa Kanya ang Kaalaman. At sa Araw [na] Siya ay mananawagan sa kanila [sa mga mushrik at magsasabing]: “Nasaan ang [mga diyus-diyusang inyong iniaakibat bilang] Aking mga katambal?” Sila ay magsasabing: “Aming inihahayag sa Iyo [O Allah] na wala nang [nalalabi pang] kabilang sa amin ang sumasaksi [sa maling pag-akibat na iyan sa Iyo].”
وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَدۡعُونَ مِن قَبۡلُۖ وَظَنُّواْ مَا لَهُم مِّن مَّحِيصٖ
Open ayah 41:48At naglaho mula sa kanila ang [mga diyus-diyusan na] kanilang dating dinadalanginan noon [sa mundo], at kanilang matitiyak na sila ay walang pook na matatakasan [para sa kanilang mga sariling kaligtasan].
لَّا يَسۡـَٔمُ ٱلۡإِنسَٰنُ مِن دُعَآءِ ٱلۡخَيۡرِ وَإِن مَّسَّهُ ٱلشَّرُّ فَيَـُٔوسٞ قَنُوطٞ
Open ayah 41:49Ang tao ay hindi napapagod mula sa pagsusumamo ng mga mabubuting [bagay]; nguni’t kung ang kasamaan ay sumaling sa kanya, siya ay nanlulumo at nawawalan ng pag-asa.
وَلَئِنۡ أَذَقۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنَّا مِنۢ بَعۡدِ ضَرَّآءَ مَسَّتۡهُ لَيَقُولَنَّ هَٰذَا لِي وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّجِعۡتُ إِلَىٰ رَبِّيٓ إِنَّ لِي عِندَهُۥ لَلۡحُسۡنَىٰۚ فَلَنُنَبِّئَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِمَا عَمِلُواْ وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنۡ عَذَابٍ غَلِيظٖ
Open ayah 41:50At kung siya ay Aming palasapin ng habag mula sa Amin pagkatapos ng kahirapang kanyang dinanas, katiyakan na kanyang sasabihin: “Ito ay [nararapat] sa akin [sanhi ng aking kahusayan, kaalaman at kakayahan]; sa aking palagay ang Oras ay hindi darating. At, kung ako man ay ibabalik sa aking Panginoon, katotohanan, mayroong nakalaang pinakamainam para sa akin mula sa Kanya.” Nguni’t katiyakan, Aming ipababatid sa mga di- naniwala ang tungkol sa anumang kanilang ginawa, at katiyakang Aming ipalalasap sa kanila ang isang mabigat na parusa.
وَإِذَآ أَنۡعَمۡنَا عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ أَعۡرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ فَذُو دُعَآءٍ عَرِيضٖ
Open ayah 41:51At kapag Aming iginawad sa tao ang kabutihang-loob, siya ay lumalayo at humihiwalay [o mapagsarili]; nguni’t kapag ang kasamaan ay sumaling sa kanya, magkagayon, siya ay walang patid sa [haba ng] pagdalangin.
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كَانَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ ثُمَّ كَفَرۡتُم بِهِۦ مَنۡ أَضَلُّ مِمَّنۡ هُوَ فِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ
Open ayah 41:52Sabihin: “Isinasaalang-alang ba ninyo: kung ito [ang Qur’an] ay nagmula sa Allah, pagkaraan, ito ay hindi ninyo pinaniwalaan, sino ba ang higit na naliligaw kaysa sa isang labis sa pagsalungat [sa mensahe ng Islam].”
سَنُرِيهِمۡ ءَايَٰتِنَا فِي ٱلۡأٓفَاقِ وَفِيٓ أَنفُسِهِمۡ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَهُمۡ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّۗ أَوَلَمۡ يَكۡفِ بِرَبِّكَ أَنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
Open ayah 41:53Aming ipakikita sa kanila ang Aming mga ayaat [mga tanda] sa buong [abot-tanaw ng mga alapaap o] santinakpan, at sa kanilang mga sarili, hanggang maging malinaw sa kanila na ito ang katotohanan. Hindi pa ba sapat na ang iyong Panginoon ang Siyang Saksi hinggil sa lahat ng bagay?
أَلَآ إِنَّهُمۡ فِي مِرۡيَةٖ مِّن لِّقَآءِ رَبِّهِمۡۗ أَلَآ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءٖ مُّحِيطُۢ
Open ayah 41:54Walang alinlangan, sila ay nasa pag-aalinlangan hinggil sa kanilang pakikipagharap sa kanilang Panginoon. Tunay na Kanyang nasasaklawan ang lahat ng bagay?