الشورى

Ash-Shura

Consultation · Surah 42 · Ayahs: 53 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. Ha, Mim.

  2. عٓسٓقٓ

    Open ayah 42:2

    Ayn, Sin, Qaf.

  3. كَذَٰلِكَ يُوحِيٓ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 42:3

    Ganyan nga Niya ipinahayag sa iyo [O Muhammad] at sa mga [sugong] nauna sa iyo. [Siya] ang Allah – ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.

  4. لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡعَظِيمُ

    Open ayah 42:4

    Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan, at Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila.

  5. تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِن فَوۡقِهِنَّۚ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَيَسۡتَغۡفِرُونَ لِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِۗ أَلَآ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 42:5

    Halos magkabiyak-biyak ang mga kalangitang [magkakapatong] mula sa kanilang itaas, at ang mga anghel ay lumuluwalhati ng papuri sa kanilang Panginoon, at [sila ay] humihingi ng kapatawaran para sa mga nasa lupa. Walang alinlangan, ang Allah ang Siyang Mapagpatawad, ang Mahabagin.

  6. وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ ٱللَّهُ حَفِيظٌ عَلَيۡهِمۡ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِوَكِيلٖ

    Open ayah 42:6

    At yaong mga nagturing sa iba bukod sa Kanya bilang kanilang awliyah [mga tagapangalaga] – [samantalang] ang Allah ang Tagapagbantay sa kanila at ikaw [O Muhammad] ay hindi tagapangasiwa para sa kanila.

  7. وَكَذَٰلِكَ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا لِّتُنذِرَ أُمَّ ٱلۡقُرَىٰ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَتُنذِرَ يَوۡمَ ٱلۡجَمۡعِ لَا رَيۡبَ فِيهِۚ فَرِيقٞ فِي ٱلۡجَنَّةِ وَفَرِيقٞ فِي ٱلسَّعِيرِ

    Open ayah 42:7

    At ganyan nga Namin ipinahayag sa iyo [O Muhammad] ang Qur’an sa wikang Arabe upang iyong bigyang-babala ang [mga mamamayan ng] Inang bayan [Makkah] at ang mga karatig [na bayan] nito, at sila ay bigyan mo ng babala tungkol sa Araw ng Pagtitipon na ang tungkol dito ay walang alinlangan: [Ito ang Araw na] ang isang pangkat [ng tao] ay patungo sa Paraiso at ang isang pangkat ay patungo sa naglalagablab [na Apoy].

  8. وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَهُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَلَٰكِن يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّٰلِمُونَ مَا لَهُم مِّن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ

    Open ayah 42:8

    At kung naisin ng Allah, sila ay Kanyang magagawang pag-isahin sa relihiyon, nguni’t Kanyang tinatanggap sa Kanyang habag ang sinumang Kanyang nais. At ang mga mapaggawa ng kamalian ay walang [matatagpuang] wali [tagapangalaga] at walang makatutulong.

  9. أَمِ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَۖ فَٱللَّهُ هُوَ ٱلۡوَلِيُّ وَهُوَ يُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

    Open ayah 42:9

    O sila ba ay nagturing ng ibang mga tagapangalaga bukod sa Kanya? Subali’t ang Allah – Siya ang [tanging] Tagapangalaga. At Siya ang [tanging] nagbibigay ng buhay sa mga patay at Siya ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.

  10. وَمَا ٱخۡتَلَفۡتُمۡ فِيهِ مِن شَيۡءٖ فَحُكۡمُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبِّي عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ أُنِيبُ 

    Open ayah 42:10

    At sa anumang bagay na inyong ipinagkaiba [o pagtatalo] - ang kapasiyahan nito ay [nararapat isangguni] sa Allah. [Sabihin]. Iyan ang Allah, ang aking Panginoon - sa Kanya ako ay nagtitiwala, at sa Kanya ako ay nagbabalik-loob [sa pagsisisi].

  11. فَاطِرُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَمِنَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ أَزۡوَٰجٗا يَذۡرَؤُكُمۡ فِيهِۚ لَيۡسَ كَمِثۡلِهِۦ شَيۡءٞۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ

    Open ayah 42:11

    [Siya] ang Tagapaglikha ng mga kalangitan at ng kalupaan. Kanyang nilikha para sa inyo ang inyong mga asawa mula sa inyong mga sarili. At mula sa mga hayop, [ay nilikha ang kanilang] mga kapares. Kayo ay Kanyang pinararami sa pamamagitan nito. Walang bagay ang makatutulad sa Kanya, at Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Lubos na Nakakikita.

  12. لَهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

    Open ayah 42:12

    Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] mga susi ng mga kalangitan at ng kalupaan. Kanyang pinalalawig [o dinaragdagan] ang panustos ng sinumang Kanyang nais, at [Kanya ring] hinihigpitan. Katotohanan, Siya ay Maalam sa lahat ng bagay.

  13. ۞شَرَعَ لَكُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا وَصَّىٰ بِهِۦ نُوحٗا وَٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ وَمَا وَصَّيۡنَا بِهِۦٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَىٰٓۖ أَنۡ أَقِيمُواْ ٱلدِّينَ وَلَا تَتَفَرَّقُواْ فِيهِۚ كَبُرَ عَلَى ٱلۡمُشۡرِكِينَ مَا تَدۡعُوهُمۡ إِلَيۡهِۚ ٱللَّهُ يَجۡتَبِيٓ إِلَيۡهِ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِيٓ إِلَيۡهِ مَن يُنِيبُ

    Open ayah 42:13

    Kanyang itinakda para sa inyo sa relihiyon ang anumang Kanyang inihabilin kay Noah at ang anumang Aming ipinahayag sa iyo [O Muhammad] at ang anumang Aming inihabilin kina Abraham at Moises at Hesus – upang itatag ang relihiyon at huwag kayong magkawatak-watak dito. [Subali’t] napakahirap para sa mga mushrik [nagtatambal] ang anumang ipinag-aanyaya mo sa kanila. Ang Allah ay pumipili para sa Kanyang Sarili ng sinumang Kanyang nais at pinapatnubayan sa Kanyang Sarili ang sinumang nagbabalik-loob [sa Kanya].

  14. وَمَا تَفَرَّقُوٓاْ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى لَّقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُورِثُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ

    Open ayah 42:14

    At sila ay hindi nagkawatak-watak malibang pagkaraan na ang kaalaman ay dumating sa kanila - bunga ng paninibughong namamagitan sa kanila. At kung hindi lamang sa [isang] salita na ipinauna ng iyong Panginoon hanggang sa takdang panahon, marahil ito ay [malaon nang] napagpasiyahan sa kanilang pagitan. At katotohanan, yaong mga pinamanahan ng kasulatan pagkaraan nila ay nasa matinding pag-agam- agam hinggil dito.

  15. فَلِذَٰلِكَ فَٱدۡعُۖ وَٱسۡتَقِمۡ كَمَآ أُمِرۡتَۖ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَهُمۡۖ وَقُلۡ ءَامَنتُ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِن كِتَٰبٖۖ وَأُمِرۡتُ لِأَعۡدِلَ بَيۡنَكُمُۖ ٱللَّهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمۡۖ لَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡۖ لَا حُجَّةَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُۖ ٱللَّهُ يَجۡمَعُ بَيۡنَنَاۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 42:15

    Kaya, sa ganyan [na relihiyon ng Allah] ikaw [O Muhammad] ay mag- anyaya at maging matatag sa anumang ipinag-utos sa iyo at huwag kang sumunod sa kanilang mga [masasamang] pagnanasa subali’t iyong sabihin: ”Ako ay naniwala sa anumang ibinaba [o ipinahayag] ng Allah sa Aklat [Qur’an] at ako ay napag-utusang maging makatarungan sa inyong pagitan. Ang Allah ang Siyang aming Panginoon at inyong Panginoon. Sa amin ang aming mga gawa at sa inyo ang inyong mga gawa. At walang [kailangan pang] pagtatalo sa ating pagitan. Ang Allah ay magtitipon sa atin nang sama-sama at sa Kanya ang [huling] patutunguhan.”

  16. وَٱلَّذِينَ يُحَآجُّونَ فِي ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا ٱسۡتُجِيبَ لَهُۥ حُجَّتُهُمۡ دَاحِضَةٌ عِندَ رَبِّهِمۡ وَعَلَيۡهِمۡ غَضَبٞ وَلَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٌ

    Open ayah 42:16

    At yaong mga nakikipagtalo hinggil sa [relihiyon ng] Allah pagkaraan ng anumang ginawang pagtugon [ng mga tao] sa Kanya - ang kanilang pakikipagtalo ay walang saysay sa kanilang Panginoon, at kanilang matatamo ang [Kanyang] poot, at sa kanila ay isang mahapding parusa.

  17. ٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ وَٱلۡمِيزَانَۗ وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّ ٱلسَّاعَةَ قَرِيبٞ

    Open ayah 42:17

    Ang Allah ang Siyang nagbaba [o nagpahayag] ng Aklat [Qur’an] sa katotohanan, at ng timbangan [ng katarungan]. At ano ang makapagpapabatid sa iyo [O tao], na maaaring ang takdang Oras ay nalalapit na?

  18. يَسۡتَعۡجِلُ بِهَا ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِهَاۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مُشۡفِقُونَ مِنۡهَا وَيَعۡلَمُونَ أَنَّهَا ٱلۡحَقُّۗ أَلَآ إِنَّ ٱلَّذِينَ يُمَارُونَ فِي ٱلسَّاعَةِ لَفِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٍ

    Open ayah 42:18

    Yaong mga hindi naniniwala nito ay nagmamadali para rito, samantalang ito ay [lubhang] kinatatakutan niyaong mga naniniwala nito sapagka’t kanilang nababatid na ito ang katotohanan. Walang alinlangan, yaong mga nakikipagtalo [o tumututol] hinggil sa [takdang] Oras ay nasa matinding kamalian?

  19. ٱللَّهُ لَطِيفُۢ بِعِبَادِهِۦ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُۖ وَهُوَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡعَزِيزُ

    Open ayah 42:19

    Ang Allah ay Mabait sa Kanyang mga alipin; Siya ay nagkakaloob ng panustos sa sinumang Kanyang nais. At Siya ang Malakas, ang Ganap na Makapangyarihan.

  20. مَن كَانَ يُرِيدُ حَرۡثَ ٱلۡأٓخِرَةِ نَزِدۡ لَهُۥ فِي حَرۡثِهِۦۖ وَمَن كَانَ يُرِيدُ حَرۡثَ ٱلدُّنۡيَا نُؤۡتِهِۦ مِنۡهَا وَمَا لَهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِن نَّصِيبٍ 

    Open ayah 42:20

    Sinuman ang umasam ng pag-ani [ng gantimpala] ng kabilang buhay - Aming daragdagan para sa kanya ang kanyang pag-ani [ng gantimpala], at sinumang umasam ng pag-ani [ng kasiyahan] ng mundong ito - Aming ipagkakaloob sa kanya [ang anumang naitakda para sa kanya]; nguni’t wala siyang [nakalaang mabuting] bahagi sa kabilang buhay.

  21. أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَٰٓؤُاْ شَرَعُواْ لَهُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا لَمۡ يَأۡذَنۢ بِهِ ٱللَّهُۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةُ ٱلۡفَصۡلِ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۗ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 42:21

    O, sila ba ay may katambal [na ibang mga diyos] na nagtakda [o nagtatag] para sa kanila ng relihiyon na hindi pinahintulutan [o sinang- ayunan] ng Allah? At kung hindi lamang sa matibay na salita [ng Allah], marahil ito ay [malaon nang] napagpasiyahan sa kanilang pagitan. At katotohanan, para sa mga mapaggawa ng kamalian, sa kanila ay isang mahapding parusa.

  22. تَرَى ٱلظَّٰلِمِينَ مُشۡفِقِينَ مِمَّا كَسَبُواْ وَهُوَ وَاقِعُۢ بِهِمۡۗ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فِي رَوۡضَاتِ ٱلۡجَنَّاتِۖ لَهُم مَّا يَشَآءُونَ عِندَ رَبِّهِمۡۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡكَبِيرُ

    Open ayah 42:22

    Iyong makikita ang mga mapaggawa ng kamalian na kinatatakutan ang anumang kanilang pinagsumikapan, at [katiyakan na] ito ay darating sa kanila. Nguni’t yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila ay nasa mga naggagandahang pook ng mga hardin [sa Paraiso]; ipagkakaloob sa kanila ng kanilang Panginoon ang anumang kanilang minimithi. At iyan ang siyang napakalaking biyaya.

  23. ذَٰلِكَ ٱلَّذِي يُبَشِّرُ ٱللَّهُ عِبَادَهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِۗ قُل لَّآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًا إِلَّا ٱلۡمَوَدَّةَ فِي ٱلۡقُرۡبَىٰۗ وَمَن يَقۡتَرِفۡ حَسَنَةٗ نَّزِدۡ لَهُۥ فِيهَا حُسۡنًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ شَكُورٌ

    Open ayah 42:23

    Iyan ang magandang balita [na ibinibigay] ng Allah sa Kanyang mga aliping naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid. Sabihin mo [O Muhammad]: “Ako ay walang hinihiling sa inyo para rito [sa mensahe ng Islam] ng anumang kabayaran maliban [bilang] pagmamalasakit sa kamag- anakan.” At sinuman ang nakagagawa ng kabutihan - Aming dinaragdagan para sa kanya ang kabutihan nito. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, handang kumilala [o magpahalaga sa mga mabubuting gawa].

  24. أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗاۖ فَإِن يَشَإِ ٱللَّهُ يَخۡتِمۡ عَلَىٰ قَلۡبِكَۗ وَيَمۡحُ ٱللَّهُ ٱلۡبَٰطِلَ وَيُحِقُّ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

    Open ayah 42:24

    O sila ay nagsasabing: “Siya ay naglubid ng kasinungalingan laban sa Allah?” Nguni't kung naisin ng Allah, Kanyang magagawang sarhan ang iyong puso. At pinapawi ng Allah ang kabulaanan, at pinapatotoo ang katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Katotohanan, Kanyang nababatid ang anumang nasa mga dibdib [ng tao].

  25. وَهُوَ ٱلَّذِي يَقۡبَلُ ٱلتَّوۡبَةَ عَنۡ عِبَادِهِۦ وَيَعۡفُواْ عَنِ ٱلسَّيِّـَٔاتِ وَيَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ

    Open ayah 42:25

    At Siya ang tumatanggap ng pagsisisi mula sa Kanyang mga alipin, at nagpapatawad ng mga kasalanan, at Kanyang nababatid ang anumang inyong ginagawa.

  26. وَيَسۡتَجِيبُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَيَزِيدُهُم مِّن فَضۡلِهِۦۚ وَٱلۡكَٰفِرُونَ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞ

    Open ayah 42:26

    At Kanyang tinutugon [ang mga panalangin] niyaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, at dinaragdagan [para] sa kanila ang Kanyang biyaya. Nguni’t sa mga di-naniniwala, para sa kanila ay isang matinding parusa.

  27. ۞وَلَوۡ بَسَطَ ٱللَّهُ ٱلرِّزۡقَ لِعِبَادِهِۦ لَبَغَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِن يُنَزِّلُ بِقَدَرٖ مَّا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرُۢ بَصِيرٞ

    Open ayah 42:27

    At kung pinalawig ng Allah [nang labis] ang panustos para sa Kanyang mga alipin, marahil sila ay nakagawa ng pang-aapi sa kalupaan, nguni’t Kanya ibinaba [ito] sa sukat na Kanyang nais. Katotohanan, Siya ay Ganap na Nakababatid, [at] hinggil sa Kanyang mga alipin ay Lubos na Nakakikita.

  28. وَهُوَ ٱلَّذِي يُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ مِنۢ بَعۡدِ مَا قَنَطُواْ وَيَنشُرُ رَحۡمَتَهُۥۚ وَهُوَ ٱلۡوَلِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

    Open ayah 42:28

    At Siya ang nagbababa ng ulan pagkaraang sila ay nawalan ng pag- asa, at ipinamamahagi ang Kanyang habag. At Siya ang Tagapangalaga, ang Kapuri-puri.

  29. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ خَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَثَّ فِيهِمَا مِن دَآبَّةٖۚ وَهُوَ عَلَىٰ جَمۡعِهِمۡ إِذَا يَشَآءُ قَدِيرٞ

    Open ayah 42:29

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan] ay ang pagkakalikha sa mga kalangitan at sa kalupaan, at sa anumang mga nilikhang gumagala na Kanyang ikinalat sa lahat ng dako ng mga ito. At Siya ang may Ganap na Kakayahan upang sila ay pagsama-samahin kapag Kanyang nanaisin.

  30. وَمَآ أَصَٰبَكُم مِّن مُّصِيبَةٖ فَبِمَا كَسَبَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَيَعۡفُواْ عَن كَثِيرٖ 

    Open ayah 42:30

    At anumang dumating na sakuna sa inyo - ito ay bunga ng anumang [kasamaang] pinagsumikapan ng inyong mga kamay. At Siya ay Labis na Nagpapatawad.

  31. وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ

    Open ayah 42:31

    At hindi ninyo magagawang biguin [o takasan ang Allah] sa ibabaw ng lupa. At bukod sa Allah ay wala kayong [matatagpuang] tagapangalaga o ng isang makatutulong.

  32. وَمِنۡ ءَايَٰتِهِ ٱلۡجَوَارِ فِي ٱلۡبَحۡرِ كَٱلۡأَعۡلَٰمِ

    Open ayah 42:32

    At kabilang sa Kanyang mga ayaat [tanda] ay ang mga sasakyang- dagat, katulad ng mga bundok.

  33. إِن يَشَأۡ يُسۡكِنِ ٱلرِّيحَ فَيَظۡلَلۡنَ رَوَاكِدَ عَلَىٰ ظَهۡرِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٍ

    Open ayah 42:33

    Kung Kanyang naisin, Kanyang magagawang pigilin ang hangin, at sila ay mananatiling nakalutang sa ibabaw [ng dagat]. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [tanda] sa bawa’t matiisin at mapagpasalamat,

  34. أَوۡ يُوبِقۡهُنَّ بِمَا كَسَبُواْ وَيَعۡفُ عَن كَثِيرٖ

    Open ayah 42:34

    O di kaya, sila ay Kanyang magagawang wasakin para sa anumang kanilang [kasamaang] pinagsumikapan; nguni’t Siya ay Labis na Mapagpatawad.

  35. وَيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مَا لَهُم مِّن مَّحِيصٖ

    Open ayah 42:35

    At [gayon nga], yaong mga nakikipagtalo hinggil sa Aming mga ayaat [kapahayagan] ay makababatid na walang pook para sa kanila upang takasan [ang parusa ng Allah].

  36. فَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَيۡءٖ فَمَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ

    Open ayah 42:36

    Kaya, anumang bagay na naipagkaloob sa inyo – ito ay [para sa maikling] kasiyahan sa makamundong buhay, subali’t anumang nasa Allah ay higit na mabuti at mananatili para sa mga naniwala. At sa kanilang Panginoon, [sila] ay [buong pusong] nagtitiwala.

  37. وَٱلَّذِينَ يَجۡتَنِبُونَ كَبَٰٓئِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡفَوَٰحِشَ وَإِذَا مَا غَضِبُواْ هُمۡ يَغۡفِرُونَ

    Open ayah 42:37

    At yaong mga umiiwas sa mga malalaking kasalanan, at sa mga gawaing kahalayan, at kapag sila ay nagagalit, sila ay nagpapatawad.

  38. وَٱلَّذِينَ ٱسۡتَجَابُواْ لِرَبِّهِمۡ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَمۡرُهُمۡ شُورَىٰ بَيۡنَهُمۡ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ

    Open ayah 42:38

    At yaong mga tumugon sa kanilang Panginoon, at nagsagawa ng pagdarasal at ang kanilang mga gawain ay batay sa sanggunian sa kanilang pagitan, at gumugol mula sa anumang [panustos na] Aming ipinagkaloob sa kanila.

  39. وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَصَابَهُمُ ٱلۡبَغۡيُ هُمۡ يَنتَصِرُونَ

    Open ayah 42:39

    At yaong kapag dumanas ng [di-makatwirang] pag-usig, sila ay nagtatanggol sa kanilang mga sarili.

  40. وَجَزَٰٓؤُاْ سَيِّئَةٖ سَيِّئَةٞ مِّثۡلُهَاۖ فَمَنۡ عَفَا وَأَصۡلَحَ فَأَجۡرُهُۥ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلظَّٰلِمِينَ 

    Open ayah 42:40

    At ang kabayaran para sa isang gawang kasamaan ay isang kasamaang nakakatulad nito; nguni’t sinuman ang nagpatawad at gumawa ng pakikipagkasundo - ang kanyang gantimpala ay nasa [kapasiyahan ng] Allah. Katotohanan, Siya ay hindi nagmamahal sa mga mapaggawa ng kamalian.

  41. وَلَمَنِ ٱنتَصَرَ بَعۡدَ ظُلۡمِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَا عَلَيۡهِم مِّن سَبِيلٍ

    Open ayah 42:41

    At sinuman ang [makatarungang] naghiganti sa sarili pagkaraang siya ay dumanas ng [di-makatarungang] katampalasanan, sila yaong walang nakaatang na anumang dahilan [upang sila ay sumbatan o panagutin].

  42. إِنَّمَا ٱلسَّبِيلُ عَلَى ٱلَّذِينَ يَظۡلِمُونَ ٱلنَّاسَ وَيَبۡغُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 42:42

    Ang dahilan [ng pagkakasala] ay laban lamang sa mga mapaggawa ng di-makatarungan sa mga tao at nang-api [naniil, nagmalupit] sa kalupaan nang walang katuwiran. Sila yaong mga magtatamo ng mahapding parusa.

  43. وَلَمَن صَبَرَ وَغَفَرَ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ

    Open ayah 42:43

    At sinuman ang nagtimpi at nagpatawad – katotohanan, iyan ay bagay na [nangangailangan] ng katatagan.

  44. وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن وَلِيّٖ مِّنۢ بَعۡدِهِۦۗ وَتَرَى ٱلظَّٰلِمِينَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَ يَقُولُونَ هَلۡ إِلَىٰ مَرَدّٖ مِّن سَبِيلٖ

    Open ayah 42:44

    At sinuman ang hinayaan ng Allah na maligaw, sa kanya ay walang makapangangalaga pagkaraan Niya. At iyong makikita ang mga mapaggawa ng kamalian kapag kanilang makikita ang parusa, sila ay magsasabing: “Mayroon bang ibang paraan upang makabalik [sa mundo]?”

  45. وَتَرَىٰهُمۡ يُعۡرَضُونَ عَلَيۡهَا خَٰشِعِينَ مِنَ ٱلذُّلِّ يَنظُرُونَ مِن طَرۡفٍ خَفِيّٖۗ وَقَالَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَأَهۡلِيهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَآ إِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ فِي عَذَابٖ مُّقِيمٖ

    Open ayah 42:45

    At sila ay iyong makikita na idinadarang dito [sa Apoy] na kaaba-aba sa kahihiyan, sumusulyap mula sa [likuran] nang palihim. At yaong mga naniniwala ay magsasabi [sa kanila]: “Katotohanan, ang [tunay na] mga nawalan ay yaong mga nawalan sa kanilang mga sarili at sa kanilang pamilya sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.” Walang alinlangan, ang mga mapaggawa ng kamalian ay nasa kaparusahang walang katapusan.

  46. وَمَا كَانَ لَهُم مِّنۡ أَوۡلِيَآءَ يَنصُرُونَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِۗ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن سَبِيلٍ

    Open ayah 42:46

    At sa kanila ay walang [matatagpuang] ibang awliyah [tagapangalaga] upang sila ay tulungan maliban sa Allah. At sinuman ang hinayaan ng Allah na maligaw, sa kanya ay walang daan [patungo sa kaligtasan].

  47. ٱسۡتَجِيبُواْ لِرَبِّكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِۚ مَا لَكُم مِّن مَّلۡجَإٖ يَوۡمَئِذٖ وَمَا لَكُم مِّن نَّكِيرٖ

    Open ayah 42:47

    [Kaya] kayo ay tumugon sa inyong Panginoon bago dumating ang Araw mula sa Allah na hindi maiiwasan. Wala kayong mapagkakanlungan sa Araw na iyon, at wala kayong maipagkakaila.

  48. فَإِنۡ أَعۡرَضُواْ فَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظًاۖ إِنۡ عَلَيۡكَ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُۗ وَإِنَّآ إِذَآ أَذَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِنَّا رَحۡمَةٗ فَرِحَ بِهَاۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ فَإِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ كَفُورٞ

    Open ayah 42:48

    Nguni’t, kung sila ay magsilayo, [sa iyo O Muhammad] ikaw ay hindi Namin ipinadala sa kanila bilang tagapagbantay; [sapagka’t] ang tanging nakaatang sa iyo [bilang tungkulin] ay ipalaganap [nang malinaw ang mensahe]. At katotohanan, kapag Aming pinalasap sa tao ang habag mula sa Amin, siya ay nagagalak sanhi nito; nguni’t kapag dumapo sa kanila ang kasamaan sanhi ng anumang ginawa ng kanilang mga kamay, katotohanan, ang tao ay walang utang na loob.

  49. لِّلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ يَهَبُ لِمَن يَشَآءُ إِنَٰثٗا وَيَهَبُ لِمَن يَشَآءُ ٱلذُّكُورَ

    Open ayah 42:49

    Sa Allah ang pagmamay-ari ng mga kalangitan at ng kalupaan. Siya ay lumilikha ng anumang Kanyang nais. Kanyang iginagawad ang [mga anak na] babae sa sinumang Kanyang nais at Kanyang iginagawad ang mga [anak na] lalaki sa sinumang Kanyang nais.

  50. أَوۡ يُزَوِّجُهُمۡ ذُكۡرَانٗا وَإِنَٰثٗاۖ وَيَجۡعَلُ مَن يَشَآءُ عَقِيمًاۚ إِنَّهُۥ عَلِيمٞ قَدِيرٞ 

    Open ayah 42:50

    O kaya ay Kanyang [kapwa] iginagawad ang mga lalaki at mga babae at Kanyang ginagawang maging baog ang sinumang Kanyang naisin. Siya ay Maalam, may kakayahan [sa lahat ng bagay].

  51. ۞وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُكَلِّمَهُ ٱللَّهُ إِلَّا وَحۡيًا أَوۡ مِن وَرَآيِٕ حِجَابٍ أَوۡ يُرۡسِلَ رَسُولٗا فَيُوحِيَ بِإِذۡنِهِۦ مَا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ عَلِيٌّ حَكِيمٞ

    Open ayah 42:51

    At hindi marapat sa sinumang tao na ang Allah ay mangusap sa kanya maliban sa pamamagitan ng kapahayagan o mula sa likod ng isang kubli o Siya ay nagpapadala ng sugo [o anghel] upang magpahayag, sa Kanyang kapahintulutan, sa anumang Kanyang naisin. Katotohanan, Siya ay Kataas- taasan, Tigib ng Karunungan.

  52. وَكَذَٰلِكَ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ رُوحٗا مِّنۡ أَمۡرِنَاۚ مَا كُنتَ تَدۡرِي مَا ٱلۡكِتَٰبُ وَلَا ٱلۡإِيمَٰنُ وَلَٰكِن جَعَلۡنَٰهُ نُورٗا نَّهۡدِي بِهِۦ مَن نَّشَآءُ مِنۡ عِبَادِنَاۚ وَإِنَّكَ لَتَهۡدِيٓ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 42:52

    At ganyan nga Namin ipinahayag sa iyo [O Muhammad] ang ruh [inspirasyon] ng Aming Kautusan [ang Qur'an]. Hindi mo batid [noon] kung ano ang Aklat o [kung ano] ang pananampalataya. Nguni’t Aming ginawa ito [ang Qur’an] bilang isang liwanag na nagpapatnubay sa sinumang Aming nais sa Aming mga alipin. At katotohanan, ikaw [O Muhammad] ang umaakay sa matuwid na landas.

  53. صِرَٰطِ ٱللَّهِ ٱلَّذِي لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ أَلَآ إِلَى ٱللَّهِ تَصِيرُ ٱلۡأُمُورُ

    Open ayah 42:53

    [Ito] ang Landas ng Allah, na Siyang nagmamay-ari ng anumang nasa mga kalangitan at ng anumang nasa kalupaan. Walang alinlangan, sa Allah lamang bumabalik ang [kapasiyahan ng lahat ng mga] pangyayari.