الزخرف

Az-Zukhruf

Ornaments of gold · Surah 43 · Ayahs: 89 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. Ha, Mim.

  2. وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ

    Open ayah 43:2

    [Isinusumpa Ko] sa malinaw na Aklat [ang Qur’an],

  3. إِنَّا جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَٰنًا عَرَبِيّٗا لَّعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ

    Open ayah 43:3

    Katotohanan, ito ay Aming ginawa bilang Qur’an sa [wikang] Arabe upang sakali [ito ay] inyong maunawaan.

  4. وَإِنَّهُۥ فِيٓ أُمِّ ٱلۡكِتَٰبِ لَدَيۡنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ

    Open ayah 43:4

    At katotohanan ito ay nasa Ina ng Aklat, sa Aming [pag-iingat], mataas [sa karangalan], [at] tigib ng karunungan.

  5. أَفَنَضۡرِبُ عَنكُمُ ٱلذِّكۡرَ صَفۡحًا أَن كُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّسۡرِفِينَ

    Open ayah 43:5

    Kaya, dapat ba Naming ilayo sa inyo ang mensahe [ng Qurán at], pabayaan na lamang kayo sapagka’t kayo ay isang mamamayang mapagmalabis?

  6. وَكَمۡ أَرۡسَلۡنَا مِن نَّبِيّٖ فِي ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 43:6

    At ilan na bang propeta ang Aming ipinadala sa mga naunang mamamayan?

  7. وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن نَّبِيٍّ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

    Open ayah 43:7

    At walang dumating sa kanila mula sa [hanay ng] mga propeta malibang siya ay kanilang lagi nang kinukutya.

  8. فَأَهۡلَكۡنَآ أَشَدَّ مِنۡهُم بَطۡشٗا وَمَضَىٰ مَثَلُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 43:8

    Kaya, Aming winasak ang mga nakahihigit sa lakas mula sa kanila, sa kapangyarihan at ang halimbawa ng mga naunang mamamayan ay lumipas na.

  9. وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ

    Open ayah 43:9

    At kung sila ay iyong tatanungin: “Sino ang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan?,” katiyakang sila ay magsasabing: “Ang Ganap na Makapangyarihan, ang Maalam ang lumikha sa kanila.”

  10. ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ 

    Open ayah 43:10

    [Siya] na gumawa para sa inyo ng kalupaan [bilang] isang higaan, at doon ay Kanyang ginawa para sa inyo ang mga daan upang sakali kayo ay mapatnubayan [sa landas na inyong patutunguhan].

  11. وَٱلَّذِي نَزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٖ فَأَنشَرۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗاۚ كَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ

    Open ayah 43:11

    At [Siya] na nagpababa ng ulan mula sa kalangitan nang may wastong sukat nito, kaya Aming binuhay sa pamamagitan nito ang dati ay tigang [na lupa]. [Tulad ng tigang na lupa] ganyan kayo ilalabas [mula sa libingan upang buhaying muli].

  12. وَٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡفُلۡكِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مَا تَرۡكَبُونَ

    Open ayah 43:12

    At [Siya] na lumikha ng lahat na mga magkakauri [o magkakapares]. At gumawa para sa inyo ng mga sasakyang-dagat at ng mga hayop na inyong sinasakyan,

  13. لِتَسۡتَوُۥاْ عَلَىٰ ظُهُورِهِۦ ثُمَّ تَذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ رَبِّكُمۡ إِذَا ٱسۡتَوَيۡتُمۡ عَلَيۡهِ وَتَقُولُواْ سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُۥ مُقۡرِنِينَ

    Open ayah 43:13

    Upang kayo ay manatiling [di-mahulog] sa ibabaw ng kanilang mga likuran, [at] pagkaraan ay inyong maalaala ang pagpapala ng inyong Panginoon kapag kayo ay nananatili sa ibabaw ng mga ito, at [upang] magsabing: “Luwalhati sa Kanya na Siyang nagtalaga nito sa amin, at hindi namin magagawang paamuin [o pigilin] ito.

  14. وَإِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنقَلِبُونَ

    Open ayah 43:14

    At katotohanan, sa Aming Panginoon, kami ay tiyak na magsisibalik.”

  15. وَجَعَلُواْ لَهُۥ مِنۡ عِبَادِهِۦ جُزۡءًاۚ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٞ مُّبِينٌ

    Open ayah 43:15

    At sila [mga tao] ay naglagay [o nag-akibat] sa Kanya mula sa Kanyang mga alipin ng isang bahagi. Katotohanan, ang tao ay malinaw na walang pasasalamat.

  16. أَمِ ٱتَّخَذَ مِمَّا يَخۡلُقُ بَنَاتٖ وَأَصۡفَىٰكُم بِٱلۡبَنِينَ

    Open ayah 43:16

    O Siya ba ay nagturing [kumuha] ng mga anak na babae mula sa anumang Kanyang nilikha at kayo ay pinili para [magkaroon] ng mga anak na lalaki?

  17. وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحۡمَٰنِ مَثَلٗا ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٌ

    Open ayah 43:17

    At kapag ang isa sa kanila ay tumanggap ng magandang balita na kanyang iniaakibat sa Mahabagin bilang paghahalintulad [sa isang anak na babae], ang kanyang mukha ay nagdidilim, at siya ay naninimdim.

  18. أَوَمَن يُنَشَّؤُاْ فِي ٱلۡحِلۡيَةِ وَهُوَ فِي ٱلۡخِصَامِ غَيۡرُ مُبِينٖ

    Open ayah 43:18

    [Iniaakibat ba ninyo sa Allah] ang isang iminulat sa mga palamuti [mga anak na babae] at sa oras ng pagtatalo, siya ay walang [kakayahang magpakita ng] linaw [para sa kanyang sarili]?

  19. وَجَعَلُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ ٱلَّذِينَ هُمۡ عِبَٰدُ ٱلرَّحۡمَٰنِ إِنَٰثًاۚ أَشَهِدُواْ خَلۡقَهُمۡۚ سَتُكۡتَبُ شَهَٰدَتُهُمۡ وَيُسۡـَٔلُونَ

    Open ayah 43:19

    At kanilang ginawang mga babae yaong mga anghel na alipin ng Mahabagin. [Subali’t] nasaksihan ba nila ang kanilang pagkakalikha? Ang kanilang pagsaksi ay itatala, at [sila ay Kanyang] tatanungin.

  20. وَقَالُواْ لَوۡ شَآءَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَا عَبَدۡنَٰهُمۗ مَّا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ 

    Open ayah 43:20

    At sila ay nagsabi: “Kung ninais ng Mahabagin, sila [mga anghel] ay hindi namin nagawang sambahin.” Sila ay walang [tamang] kaalaman sa ganyang [katotohanan]. Katunayan, sila ay naghaka-haka lamang.

  21. أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبٗا مِّن قَبۡلِهِۦ فَهُم بِهِۦ مُسۡتَمۡسِكُونَ

    Open ayah 43:21

    O sila ba ay Aming pinagkalooban ng isang aklat na nauna rito [sa Qur’an] na siya nilang pinagbabatayan [o pinanghahawakan]?

  22. بَلۡ قَالُوٓاْ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّهۡتَدُونَ

    Open ayah 43:22

    Nguni’t, sila ay nagsasabing: “Katotohanan, aming natagpuan ang aming mga ninuno na sinusunod ang isang relihiyon, at kami ay [matuwid na] napatnubayan ng kanilang mga yapak.

  23. وَكَذَٰلِكَ مَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّقۡتَدُونَ

    Open ayah 43:23

    At ganyan nga [ang kanilang katuwiran]. Wala Kaming ipinadalang isang tagapagbabala na nauna sa iyo sa isang bayan maliban na ang mga nakaririwasa sa kanila ay nagsabi: “Katunayan, aming nakagisnan ang aming mga ninuno sa isang relihiyon, kaya aming sinusunod ang kanilang mga yapak.”

  24. ۞قَٰلَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكُم بِأَهۡدَىٰ مِمَّا وَجَدتُّمۡ عَلَيۡهِ ءَابَآءَكُمۡۖ قَالُوٓاْ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ

    Open ayah 43:24

    [Bawa’t tagapagbabala ay] nagsabi: “Hindi ba ako ay nagdala sa inyo ng mas mabuting patnubay kaysa sa anumang [relihiyong] inyong nakagisnan sa inyong mga ninuno?” Sila ay nagsabing: “Katotohanan, sa anumang ipinadala sa inyo, kami ay mga di-naniniwala.”

  25. فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 43:25

    Kaya, Kami ay nagpataw ng ganting kabayaran para sa kanila; kaya, tunghayan mo kung paano ang naging wakas ng mga nagsipagtakwil.

  26. وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦٓ إِنَّنِي بَرَآءٞ مِّمَّا تَعۡبُدُونَ

    Open ayah 43:26

    At [banggitin mo] nang si Abraham ay nagsabi sa kanyang ama at sa kanyang mga mamamayan: “Katotohanan, ako ay malaya mula sa anumang inyong sinasamba,

  27. إِلَّا ٱلَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُۥ سَيَهۡدِينِ

    Open ayah 43:27

    Maliban [para sa Allah] na Siyang lumikha sa akin. Kaya, katotohanan, Siya ang magpapatnubay sa akin.”

  28. وَجَعَلَهَا كَلِمَةَۢ بَاقِيَةٗ فِي عَقِبِهِۦ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 43:28

    At kanyang ginawa ito [bilang] isang salitang mananatili sa kanyang mga angkan [lahi], upang sakali sila ay magsibalik [sa patnubay].

  29. بَلۡ مَتَّعۡتُ هَٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ وَرَسُولٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 43:29

    Gayun din, Ako ay nagbigay ng kasiyahan sa mga ito [sa mga mamamayan ng Makkah] at sa kanilang mga ninuno hanggang dumating sa kanila ang katotohanan [ng Qur’an], at ang isang malinaw na sugo.

  30. وَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ وَإِنَّا بِهِۦ كَٰفِرُونَ 

    Open ayah 43:30

    At nang ang katotohanan ay dumating sa kanila, sila [mga di-naniwala] ay nagsabi: “Ito ay isang salamangka. At katotohanan, kami ay hindi naniniwala rito.”

  31. وَقَالُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنَ ٱلۡقَرۡيَتَيۡنِ عَظِيمٍ

    Open ayah 43:31

    At sila ay nagsabi: “Bakit hindi ibinaba [o ipinahayag] itong Qur’an sa isang dakilang tao mula sa [isa sa] dalawang bayan [ng Makkah at Taif]?”

  32. أَهُمۡ يَقۡسِمُونَ رَحۡمَتَ رَبِّكَۚ نَحۡنُ قَسَمۡنَا بَيۡنَهُم مَّعِيشَتَهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَرَفَعۡنَا بَعۡضَهُمۡ فَوۡقَ بَعۡضٖ دَرَجَٰتٖ لِّيَتَّخِذَ بَعۡضُهُم بَعۡضٗا سُخۡرِيّٗاۗ وَرَحۡمَتُ رَبِّكَ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ

    Open ayah 43:32

    Sila ba ang namamahagi sa habag ng iyong Panginoon? Kami [Allah] ang Siyang namahagi sa kanila ng kanilang ikabubuhay sa mundong ito, at Aming itinataas ang iba sa kanila nang higit kaysa sa iba sa mga antas [ng katayuan] upang kanilang gamitin ang isa’t isa [para] sa paninilbihan. Nguni’t ang habag ng iyong Panginoon ay higit na mabuti kaysa sa anumang [yamang] kanilang pinagtipunan.

  33. وَلَوۡلَآ أَن يَكُونَ ٱلنَّاسُ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ لَّجَعَلۡنَا لِمَن يَكۡفُرُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ لِبُيُوتِهِمۡ سُقُفٗا مِّن فِضَّةٖ وَمَعَارِجَ عَلَيۡهَا يَظۡهَرُونَ

    Open ayah 43:33

    At kung hindi lamang na ang mga tao ay magiging isang pamayanan [ng mga di-naniniwala], marahil Aming ginawa para sa mga hindi naniniwala sa Mahabagin [Allah] – para sa kanilang mga pamamahay – ang mga bubungan at mga hagdanang [yari sa] pilak na kanilang pinapanhikan.

  34. وَلِبُيُوتِهِمۡ أَبۡوَٰبٗا وَسُرُرًا عَلَيۡهَا يَتَّكِـُٔونَ

    Open ayah 43:34

    At para sa kanilang mga pamamahay – mga pintuan, at mga luklukang [yari sa pilak] na kanilang sinasandalan,

  35. وَزُخۡرُفٗاۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 43:35

    At palamuting [yari sa] ginto. Nguni't ang lahat ng mga iyan ay walang anupaman kundi kasiyahan sa makamundong buhay. At ang [biyaya ng] kabilang buhay na nasa iyong Panginoon ay para sa mga natatakot [sa Kanya].

  36. وَمَن يَعۡشُ عَن ذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ نُقَيِّضۡ لَهُۥ شَيۡطَٰنٗا فَهُوَ لَهُۥ قَرِينٞ

    Open ayah 43:36

    At sinuman ang lumisan mula sa pag-alaala sa Mahabagin [Allah], Kami ay nagtalaga para sa kanya ng isang demonyo, at siya ay kanyang [kapalagayang-loob na] kasamahan.

  37. وَإِنَّهُمۡ لَيَصُدُّونَهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ

    Open ayah 43:37

    At katotohanan, sila [mga demonyo] ay tiyak na humahadlang sa kanila sa landas [ng patnubay], nguni’t kanilang inaakala na sila ay [matwid na] napatnubayan.

  38. حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَنَا قَالَ يَٰلَيۡتَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَ بُعۡدَ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرِينُ

    Open ayah 43:38

    Hanggang, kapag siya ay dumating sa Amin [sa Paghuhukom], siya ay magsasabi [sa kanyang kasamang demonyo], “Ahh, sana ay mayroon sa pagitan ko at pagitan mo ng agwat [o layo] ng dalawang silangan – sadyang napakasama [mo bilang] kasama.”

  39. وَلَن يَنفَعَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ إِذ ظَّلَمۡتُمۡ أَنَّكُمۡ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ

    Open ayah 43:39

    At kailanman ito ay hindi makatutulong sa inyo sa Araw [na iyon], sapagka't kayo ay gumawa ng mga kamalian [o pagtatambal], na kayong [lahat] ay makikibahagi sa parusa.

  40. أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ أَوۡ تَهۡدِي ٱلۡعُمۡيَ وَمَن كَانَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ 

    Open ayah 43:40

    Kaya, magagawa mo bang makarinig ang bingi, [O Muhammad], o mapapatnubayan ang bulag, at ang sinumang nasa hayag na kamalian?

  41. فَإِمَّا نَذۡهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنۡهُم مُّنتَقِمُونَ

    Open ayah 43:41

    At kahit ikaw [O Muhammad] ay Aming kuhanin [sa kamatayan o hindi], katotohanan, Kami ay magpapataw ng ganting [kabayaran para] sa kanila.

  42. أَوۡ نُرِيَنَّكَ ٱلَّذِي وَعَدۡنَٰهُمۡ فَإِنَّا عَلَيۡهِم مُّقۡتَدِرُونَ

    Open ayah 43:42

    O kahit Aming ipakita sa iyo [o hindi ipakita] ang anumang Aming ipinangako sa kanila, Kami ay may Ganap na kakayahan [laban sa kanila].

  43. فَٱسۡتَمۡسِكۡ بِٱلَّذِيٓ أُوحِيَ إِلَيۡكَۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

    Open ayah 43:43

    Kaya, panghawakan [o sundin] mo ang anumang ipinahayag sa iyo. Katotohanan, ikaw ay nasa matuwid na landas.

  44. وَإِنَّهُۥ لَذِكۡرٞ لَّكَ وَلِقَوۡمِكَۖ وَسَوۡفَ تُسۡـَٔلُونَ

    Open ayah 43:44

    At katotohanan, ito [ang Qur’an] ay isang karangalan [o paalala] para sa iyo at sa iyong mga mamamayan, at kayong lahat ay tatanungin.

  45. وَسۡـَٔلۡ مَنۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رُّسُلِنَآ أَجَعَلۡنَا مِن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ءَالِهَةٗ يُعۡبَدُونَ

    Open ayah 43:45

    At itanong mo [O Muhammad] sa mga sugo na Aming ipinadalang una sa iyo; kami ba ay gumawa ng mga diyos bukod sa Mahabagin [Allah] upang sambahin?

  46. وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 43:46

    At katiyakan, Aming isinugo si Moises na dala ang Aming mga ayaat [himala o babala] kay Paraon at sa kanyang mga bantog na namumuno. Siya [si Moises] ay nagsabing: “Katotohanan, ako ay sugo ng Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].”

  47. فَلَمَّا جَآءَهُم بِـَٔايَٰتِنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَضۡحَكُونَ

    Open ayah 43:47

    Nguni’t nang siya ay dumating sa kanila na dala ang Aming ayaat [mga babala o himala], kapagdaka, sila ay nagsipaghalakhakan sa mga ito.

  48. وَمَا نُرِيهِم مِّنۡ ءَايَةٍ إِلَّا هِيَ أَكۡبَرُ مِنۡ أُخۡتِهَاۖ وَأَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

    Open ayah 43:48

    At wala Kaming ipinakitang isang ayah [babala o himala] sa kanila maliban na ito ay nakahihigit kaysa sa naunang ayah [babala] nito, at sila ay Aming hinablot ng parusa upang sakali sila ay magsibalik [sa tamang paniniwala].

  49. وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَ ٱلسَّاحِرُ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ إِنَّنَا لَمُهۡتَدُونَ

    Open ayah 43:49

    At sila ay nagsabi [kay Moises]: “O salamangkero, ikaw ay manawagan sa iyong Panginoon para sa amin sa anumang Kanyang ipinangako sa iyo. Katotohanan, kami ay mapapatnubayan [sa aming mga sarili].”

  50. فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابَ إِذَا هُمۡ يَنكُثُونَ 

    Open ayah 43:50

    Nguni’t nang Aming pawiin ang parusa mula sa kanila, kapagdaka, sila ay sumira sa kanilang [binitiwang] salita.

  51. وَنَادَىٰ فِرۡعَوۡنُ فِي قَوۡمِهِۦ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَيۡسَ لِي مُلۡكُ مِصۡرَ وَهَٰذِهِ ٱلۡأَنۡهَٰرُ تَجۡرِي مِن تَحۡتِيٓۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ

    Open ayah 43:51

    At si Paraon ay nanawagan sa kanyang mga mamamayan at nagsabi: “O aking mga mamamayan, hindi ba pag-aari ko ang kaharian ng [buong lupain ng] Ehipto, at itong mga ilog na umaagos sa aking ilalim; kaya, hindi ba ninyo nakikita?”

  52. أَمۡ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ مَهِينٞ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ

    Open ayah 43:52

    Hindi ba ako ay nakahihigit kaysa sa isang ito [kay Moises] na walang dangal at halos nahihirapang linawin [ang kanyang pagsasalita]?

  53. فَلَوۡلَآ أُلۡقِيَ عَلَيۡهِ أَسۡوِرَةٞ مِّن ذَهَبٍ أَوۡ جَآءَ مَعَهُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ مُقۡتَرِنِينَ

    Open ayah 43:53

    Kaya, bakit hindi siya pinagsuot ng mga gintong pulseras o dumating na kasama niya ang mga anghel na magkasabay?”

  54. فَٱسۡتَخَفَّ قَوۡمَهُۥ فَأَطَاعُوهُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ

    Open ayah 43:54

    Kaya, kanyang napaglalangan ang kanyang mga mamamayan, at sila ay sumunod sa kanya. Katotohanan, sila ay mga taong suwail [sa Allah].

  55. فَلَمَّآ ءَاسَفُونَا ٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ أَجۡمَعِينَ

    Open ayah 43:55

    Kaya, nang Kami ay kanilang ginalit, Kami ay nagpataw ng ganti [parusa] sa kanila, kaya silang lahat ay nilunod.

  56. فَجَعَلۡنَٰهُمۡ سَلَفٗا وَمَثَلٗا لِّلۡأٓخِرِينَ

    Open ayah 43:56

    Kaya, sila ay Aming ginawa bilang aral [na dapat pag-isipan], at isang halimbawa para sa mga darating na salinlahi [o henerasyon].

  57. ۞وَلَمَّا ضُرِبَ ٱبۡنُ مَرۡيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوۡمُكَ مِنۡهُ يَصِدُّونَ

    Open ayah 43:57

    At nang ang anak ni Maria ay inilahad bilang isang halimbawa, kapagdaka, ang iyong mga mamamayan ay naghalakhakan nang malakas.

  58. وَقَالُوٓاْ ءَأَٰلِهَتُنَا خَيۡرٌ أَمۡ هُوَۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلَۢاۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٌ خَصِمُونَ

    Open ayah 43:58

    At sila ay nagsabing: “Ang amin bang mga diyos ay nakahihigit, o siya?” Sila ay hindi naglahad nito maliban upang makipagtalo [lamang]. Nguni’t, sila ay mga taong mahilig sa pakikipagtalo.

  59. إِنۡ هُوَ إِلَّا عَبۡدٌ أَنۡعَمۡنَا عَلَيۡهِ وَجَعَلۡنَٰهُ مَثَلٗا لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ

    Open ayah 43:59

    Siya [si Hesus] ay hindi humigit sa isang alipin. Aming iginawad ang Aming pagpapala sa kanya, at siya ay Aming ginawa bilang halimbawa para sa mga anak ni Israel.

  60. وَلَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَا مِنكُم مَّلَٰٓئِكَةٗ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَخۡلُفُونَ 

    Open ayah 43:60

    At kung Aming naisin, magagawa Naming kayo ay halinhan ng mga anghel bilang [inyong kasunod na] kapalit sa kalupaan.

  61. وَإِنَّهُۥ لَعِلۡمٞ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمۡتَرُنَّ بِهَا وَٱتَّبِعُونِۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ

    Open ayah 43:61

    At katotohanan, siya [si Hesus] ay magiging [isang tanda o hudyat para sa] kaalaman ng Oras, kaya huwag kayong mag-alinlangan hinggil dito, at sumunod sa akin. Ito ang matuwid na landas.

  62. وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 43:62

    At huwag ninyong hayaang kayo ay hadlangan ng satanas [mula sa patnubay]. Katotohanan, siya ay inyong hayag na kaaway.

  63. وَلَمَّا جَآءَ عِيسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالَ قَدۡ جِئۡتُكُم بِٱلۡحِكۡمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي تَخۡتَلِفُونَ فِيهِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

    Open ayah 43:63

    At nang si Hesus [anak ni Maria] ay dumating na may dalang malinaw na katibayan, siya ay nagsabi: “Katiyakan, ako ay naparito sa inyo na may dalang karunungan, at upang gawing malinaw para sa inyo ang ilan sa inyong ipinagkakaiba rito. Kaya, matakot kayo sa Allah at sumunod sa akin.”

  64. إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ

    Open ayah 43:64

    “Katotohanan, ang Allah ay ang aking Panginoon at inyong Panginoon. Kaya Siya ay inyong sambahin. Ito ang matuwid na landas.”

  65. فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ عَذَابِ يَوۡمٍ أَلِيمٍ

    Open ayah 43:65

    Nguni’t ang mga [magkakaanib na] sekta mula sa kanilang mga pagitan ay nagkaiba [at nagkahiwa-hiwalay]. Kaya, kasawian sa mga gumawa ng kamalian mula sa parusa ng isang mahapding Araw.

  66. هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ

    Open ayah 43:66

    Sila ba ay naghihintay na lamang para sa Oras upang ito ay dumating sa kanila nang biglaan habang ito ay hindi nila namamalayan?

  67. ٱلۡأَخِلَّآءُ يَوۡمَئِذِۭ بَعۡضُهُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوٌّ إِلَّا ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 43:67

    Ang mga matatalik na kaibigan sa Araw na iyon ay magiging magkakaaway sa isa’t isa maliban sa mga natatakot [sa Allah].

  68. يَٰعِبَادِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ

    Open ayah 43:68

    [Ang Allah ay magsasabi sa mga naniniwala], O Aking mga alipin, wala kayong [mararanasang] pangamba sa Araw na ito, at wala kayong [madaramang] kalungkutan,

  69. ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ مُسۡلِمِينَ

    Open ayah 43:69

    [Kayo] yaong mga naniwala sa Aming mga ayaat [kapahayagan] at naging mga Muslim,

  70. ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ أَنتُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ تُحۡبَرُونَ 

    Open ayah 43:70

    Magsipasok kayo sa Paraiso, kayo at ng inyong mga kauri [katulad ninyong mabubuti], na nasisiyahan.

  71. يُطَافُ عَلَيۡهِم بِصِحَافٖ مِّن ذَهَبٖ وَأَكۡوَابٖۖ وَفِيهَا مَا تَشۡتَهِيهِ ٱلۡأَنفُسُ وَتَلَذُّ ٱلۡأَعۡيُنُۖ وَأَنتُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 43:71

    [Doon ay] ililibot sa kanila ay mga bandehang sisidlan at tasang [yari sa] ginto at doon ay [matatagpuan] ang anumang inaasam ng kaluluwa, at [anumang] kaligayahan ng mga mata at kayo ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  72. وَتِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِيٓ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 43:72

    At iyon ang Paraiso na ipinamana sa inyo nang dahil sa anumang [kabutihang] lagi ninyong ginagawa [sa mundo].

  73. لَكُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ كَثِيرَةٞ مِّنۡهَا تَأۡكُلُونَ

    Open ayah 43:73

    Para sa inyo, ay naroroon ang masaganang mga prutas na inyong makakain.

  74. إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ

    Open ayah 43:74

    Katotohanan, ang mga mapaggawa ng kabuktutan ay nasa kaparusahan sa Impiyerno, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan.

  75. لَا يُفَتَّرُ عَنۡهُمۡ وَهُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ

    Open ayah 43:75

    Hindi hahayaang maibsan para sa kanila [ang parusa] at doon, sila ay nasa [gitna ng] panlulumo.

  76. وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُواْ هُمُ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 43:76

    At sila [mga di-naniniwala] ay hindi Namin ginawan ng kamalian, bagkus sila ay mga mapaggawa ng kamailan.

  77. وَنَادَوۡاْ يَٰمَٰلِكُ لِيَقۡضِ عَلَيۡنَا رَبُّكَۖ قَالَ إِنَّكُم مَّٰكِثُونَ

    Open ayah 43:77

    At sila ay mananawagan: “O Maalik, hayaan mong ang iyong Panginoon ay magbigay-wakas sa amin.” Nguni't siya [ang Anghel Maalik] ay magsasabi: “Katotohanan, kayo ay mamamalagi [rito nang walang hanggan o walang kamatayan].”

  78. لَقَدۡ جِئۡنَٰكُم بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَكُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ

    Open ayah 43:78

    Katiyakan na Aming ipinarating sa inyo ang katotohanan, subali’t karamihan sa inyo ay namumuhi sa katotohanan [ng Islam].

  79. أَمۡ أَبۡرَمُوٓاْ أَمۡرٗا فَإِنَّا مُبۡرِمُونَ

    Open ayah 43:79

    O sila ba ay nagtangka ng [ibang] mga balakin? Kaya, Kami ay nagtangka rin [ng isang balak].

  80. أَمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّا لَا نَسۡمَعُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيۡهِمۡ يَكۡتُبُونَ 

    Open ayah 43:80

    O sila ba ay nag-aakala na hindi Namin naririnig ang kanilang mga lihim at ang kanilang mga sarilinang usapan? Tunay [na Aming naririnig] at ang Aming mga sugo [mga anghel] ay nasa kanila na nagtatala [ng kanilang mga ginagawa].

  81. قُلۡ إِن كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٞ فَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡعَٰبِدِينَ

    Open ayah 43:81

    Sabihin mo [O, Muhammad]: “Kung ang Mahabagin [Allah] ay nagkaroon ng anak na lalaki, marahil, ako ay mangunguna sa mga sumasamba [sa kanya].”

  82. سُبۡحَٰنَ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ

    Open ayah 43:82

    Luwalhati sa Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan, ang Panginoon ng Dakilang Trono. Siya ay Mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang iniaakibat [sa Kanya].

  83. فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ

    Open ayah 43:83

    Kaya, sila ay inyong hayaang magsalita nang walang kabuluhan at maglibang hanggang kanilang makaharap ang kanilang araw na ipinangako sa kanila.

  84. وَهُوَ ٱلَّذِي فِي ٱلسَّمَآءِ إِلَٰهٞ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَٰهٞۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ

    Open ayah 43:84

    At Siya ang Tanging Diyos sa kalangitan, at [tanging] Diyos sa kalupaan. At Siya ay Tigib ng Karunungan, ang Maalam.

  85. وَتَبَارَكَ ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

    Open ayah 43:85

    At Mapagpala ang Siyang nagmamay-ari ng mga kalangitan at kalupaan, at ng anumang nasa pagitan ng mga ito, at nasa Kanya ang kaalaman ng [takdang] Oras, at sa Kanya, kayo ay ibabalik.

  86. وَلَا يَمۡلِكُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 43:86

    At yaong kanilang mga dinadalanginang [diyus-diyusan] bukod sa Kanya ay walang taglay [na kapangyarihan] upang mamagitan [sa kanila]; kaya, yaon lamang sumasaksi sa katotohanan [ang makikinabang], sapagka't sila ay nakakaalam [nito].

  87. وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ

    Open ayah 43:87

    At kung sila ay iyong tanungin kung sino ang lumikha sa kanila, katiyakang sila ay magsasabing: “Ang Allah [ang lumikha sa amin].” Magkagayon, paano nga bang sila ay nalinlang?

  88. وَقِيلِهِۦ يَٰرَبِّ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ لَّا يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 43:88

    At [tinanggap ng Allah ang] kanyang sinasabing [karaingan]: “O aking Panginoon, katotohanan, ang mga taong ito ay hindi mga naniniwala.”

  89. فَٱصۡفَحۡ عَنۡهُمۡ وَقُلۡ سَلَٰمٞۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 43:89

    Kaya, ikaw [O Muhammad] ay humabing bumukod [at lumayo] sa kanila, at magsabing: “Kapayapaan". Sapagka’t [hindi maglalaon] kanilang mapag- aalaman [ang katotohanan].