الدخان
Ad-Dukhaan
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
حمٓ
Open ayah 44:1Ha, Mim .
وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Open ayah 44:2[Isinusumpa Ko] sa malinaw na Aklat [ang Qur’an],
إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةٖ مُّبَٰرَكَةٍۚ إِنَّا كُنَّا مُنذِرِينَ
Open ayah 44:3Katotohanan, Aming ibinaba [o ipinahayag] ito sa pinagpalang gabi. Katotohanan, Kami ay lagi nang nagbabala [para sa sangkatauhan].
فِيهَا يُفۡرَقُ كُلُّ أَمۡرٍ حَكِيمٍ
Open ayah 44:4Doon [sa pinagpalang gabing iyon] ay itinatakda ang bawa't kautusan na matalinong pinagpasyahan [ukol sa mga pangyayari o bagay] -
أَمۡرٗا مِّنۡ عِندِنَآۚ إِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
Open ayah 44:5[Ito ay] kautusan na nagmumula sa Amin. Katotohanan, Kami ay lagi nang nagpapadala [ng mga sugo].
رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 44:6[Bilang] isang habag mula sa iyong Panginoon. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.
رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ
Open ayah 44:7[Siya] ang Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan, at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay nakatitiyak [sa inyong pananampalataya].
لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 44:8Walang diyos maliban sa Kanya. Siya ang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan. [Siya ang] inyong Panginoon, at Panginoon ng inyong mga ninuno.
بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ يَلۡعَبُونَ
Open ayah 44:9Nguni’t, sila ay may agam-agam, naglilibang [sa kanilang mga sarili].
فَٱرۡتَقِبۡ يَوۡمَ تَأۡتِي ٱلسَّمَآءُ بِدُخَانٖ مُّبِينٖ
Open ayah 44:10Kaya, ikaw ay maghintay [O Muhammad sa mga di-naniwala] sa Araw [na iyon] na ang kalangitan ay magdadala ng malinaw na usok.
يَغۡشَى ٱلنَّاسَۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 44:11[Ito ay] lalaganap [o babalot] sa [buong] sangkatauhan: ito ay isang mahapding parusa.
رَّبَّنَا ٱكۡشِفۡ عَنَّا ٱلۡعَذَابَ إِنَّا مُؤۡمِنُونَ
Open ayah 44:12[Sa gayon, sila ay magsasabing]: “Aming Panginoon, pawiin Mo po sa amin ang parusa, katotohanan, kami ay mga naniniwala.
أَنَّىٰ لَهُمُ ٱلذِّكۡرَىٰ وَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مُّبِينٞ
Open ayah 44:13Paano ba sila magkakaroon ng babala [sa oras na iyon], gayong dumating na sa kanila ang isang malinaw na sugo?
ثُمَّ تَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ وَقَالُواْ مُعَلَّمٞ مَّجۡنُونٌ
Open ayah 44:14Pagkaraan, sila ay nagsitalikod sa kanya [kay Propeta Muhammad] at nagsasabing: “[Siya ay] tinuruan [ng iba], [at siya ay] isang baliw!”
إِنَّا كَاشِفُواْ ٱلۡعَذَابِ قَلِيلًاۚ إِنَّكُمۡ عَآئِدُونَ
Open ayah 44:15Katotohanan, Aming bahagyang papawiin ang parusa. Katiyakan, kayo [mga di-naniniwala] ay magsisibalik [sa dati ninyong kawalan ng paniniwala].
يَوۡمَ نَبۡطِشُ ٱلۡبَطۡشَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ إِنَّا مُنتَقِمُونَ
Open ayah 44:16Sa Araw na [iyon] sila ay Aming parurusahan ng isang malaking parusa. Katiyakan, Kami ay magpapataw ng kaukulang ganti [kabayaran o parusa].
۞وَلَقَدۡ فَتَنَّا قَبۡلَهُمۡ قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَ وَجَآءَهُمۡ رَسُولٞ كَرِيمٌ
Open ayah 44:17At katiyakan, Kami ay nagbigay na ng pagsubok nang una pa sa kanila, sa mga mamamayan ni Paraon nang dumating sa kanila ang isang marangal na sugo [si Moises].
أَنۡ أَدُّوٓاْ إِلَيَّ عِبَادَ ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Open ayah 44:18[Na nagsasabing]: “Ibalik ninyo sa akin ang mga alipin ng Allah. Katotohanan, ako ay [naparito] para sa inyo bilang isang mapagkakatiwalaang sugo.”
وَأَن لَّا تَعۡلُواْ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنِّيٓ ءَاتِيكُم بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Open ayah 44:19“At huwag kayong magmataas laban sa Allah. Katotohanan, ako ay naparito sa inyo na may malinaw na batayan [o kapahintulutan].”
وَإِنِّي عُذۡتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمۡ أَن تَرۡجُمُونِ
Open ayah 44:20At katotohanan, ako ay humihingi ng paglingap sa aking Panginoon at inyong Panginoon baka ako ay inyong batuhin.”
وَإِن لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ لِي فَٱعۡتَزِلُونِ
Open ayah 44:21At katotohanan, kung hindi kayo maniniwala sa akin, samakatwid, ako ay inyong iwanan.”
فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ مُّجۡرِمُونَ
Open ayah 44:22Kaya [nang maglaon], siya [si Moises] ay nanawagan sa kanyang Panginoon na [nagsasabing] ang mga ito ay mga taong mapaggawa ng kabuktutan.”
فَأَسۡرِ بِعِبَادِي لَيۡلًا إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ
Open ayah 44:23[Ang Allah ay nagsabi]: “[O Moises] ikaw ay humayong lumisan kasama ng Aking mga alipin sa [oras ng] gabi. Katiyakan, kayo ay tutugisin [ni Paraon at ng kanyang mga kawal].
وَٱتۡرُكِ ٱلۡبَحۡرَ رَهۡوًاۖ إِنَّهُمۡ جُندٞ مُّغۡرَقُونَ
Open ayah 44:24“At [ikaw ay umahon at] iwanan mo nang mapayapa ang dagat. Sapagka't, sila ay mga kawal na lulunurin.”
كَمۡ تَرَكُواْ مِن جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ
Open ayah 44:25Gaano ba karami ang kanilang naiwang mga hardin at mga bukal?
وَزُرُوعٖ وَمَقَامٖ كَرِيمٖ
Open ayah 44:26At mga pananim at mararangyang pook [na pinamamahayanan].
وَنَعۡمَةٖ كَانُواْ فِيهَا فَٰكِهِينَ
Open ayah 44:27At kaginhawaan na kung saan sila ay palagiang nagdiriwang.
كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا قَوۡمًا ءَاخَرِينَ
Open ayah 44:28Ganyan nga [ang pangyayari]. At Aming ipinamana ito sa ibang mamamayan.
فَمَا بَكَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَا كَانُواْ مُنظَرِينَ
Open ayah 44:29Kaya, ang kalangitan at ang kalupaan ay hindi nagsitangis para sa kanila, at sila ay hindi binigyan ng palugit.
وَلَقَدۡ نَجَّيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ مِنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡمُهِينِ
Open ayah 44:30At katiyakan na Aming iniligtas ang mga anak ni Israel mula sa kahiya- hiyang parusa,
مِن فِرۡعَوۡنَۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَالِيٗا مِّنَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Open ayah 44:31Mula kay Paraon: “Katotohanan, siya ay isang mapagmataas [matigas ang puso] na kabilang sa mga mapagmalabis.
وَلَقَدِ ٱخۡتَرۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ عِلۡمٍ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 44:32At katiyakan na sila [mga anak ni Israel] ay Aming pinili sa pamamagitan ng kaalaman nang higit sa lahat [sa panahon ni Moises].
وَءَاتَيۡنَٰهُم مِّنَ ٱلۡأٓيَٰتِ مَا فِيهِ بَلَٰٓؤٞاْ مُّبِينٌ
Open ayah 44:33At Aming ipinagkaloob sa kanila ang mga ayaat [babala o himala] na may [kaakibat na] isang malinaw na pagsubok.
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَيَقُولُونَ
Open ayah 44:34Katotohanan, ang mga ito [mga di-naniniwala] ay nagsasabing:
إِنۡ هِيَ إِلَّا مَوۡتَتُنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُنشَرِينَ
Open ayah 44:35“Wala nang iba maliban sa aming unang kamatayan, at kami ay hindi na mabubuhay pang muli [pagkaraan ng aming kamatayan].”
فَأۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 44:36Kaya, inyong ibalik na muli ang aming mga ninuno kung kayo ay makatotohanan.
أَهُمۡ خَيۡرٌ أَمۡ قَوۡمُ تُبَّعٖ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Open ayah 44:37Sila ba ay nakahihigit [sa kapangyarihan] o ang mga mamamayan ng Tubba’ at yaong mga nauna sa kanila. Sila ay Aming winasak [sapagka’t] sila ay mga mapaggawa ng kabuktutan.
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا لَٰعِبِينَ
Open ayah 44:38At hindi Namin nilikha ang mga kalangitan at kalupaan, at ang anumang nasa pagitan ng mga ito sa paglalaro.
مَا خَلَقۡنَٰهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 44:39Hindi Namin nilikha ang mga ito maliban sa katotohanan subali’t karamihan sa kanila ay hindi nakababatid.
إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ مِيقَٰتُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 44:40Katotohanan, ang Araw ng Paghuhukom ay itinakdang oras para sa kanilang lahat -
يَوۡمَ لَا يُغۡنِي مَوۡلًى عَن مَّوۡلٗى شَيۡـٔٗا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
Open ayah 44:41[Ito ang] Araw na walang ugnayan ang makatutulong ng kahit anupaman sa isang ugnayan, at sila ay hindi matutulungan –
إِلَّا مَن رَّحِمَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Open ayah 44:42Maliban sa sinumang [naniwala] na kinahabagan ng Allah. Katotohanan, Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Mahabagin.
إِنَّ شَجَرَتَ ٱلزَّقُّومِ
Open ayah 44:43Katotohanan, ang punong-kahoy ng Zaqqum,
طَعَامُ ٱلۡأَثِيمِ
Open ayah 44:44[Ay magsisilbing] pagkain ng mga makasalanan.
كَٱلۡمُهۡلِ يَغۡلِي فِي ٱلۡبُطُونِ
Open ayah 44:45Tulad ng kumukulong langis, [ito] ay kumukulo sa loob ng tiyan.
كَغَلۡيِ ٱلۡحَمِيمِ
Open ayah 44:46Tulad ng pagkulo ng pambanling tubig.
خُذُوهُ فَٱعۡتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 44:47[Ito ang sasabihin sa kanya]: “Siya ay sakmalin at siya ay itulak [kaladkarin at hatakin] sa gitna ng naglalagablab na Apoy,
ثُمَّ صُبُّواْ فَوۡقَ رَأۡسِهِۦ مِنۡ عَذَابِ ٱلۡحَمِيمِ
Open ayah 44:48Pagkaraan, ay inyong buhusan ang ibabaw ng kanyang ulo mula sa parusa ng Hamim [kumukulong pambanling] tubig.
ذُقۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡكَرِيمُ
Open ayah 44:49[Ito ang sasabihin sa kanya]: Lasapin mo [ito]! Katotohanan, ikaw ay dinakila, ang marangal.”
إِنَّ هَٰذَا مَا كُنتُم بِهِۦ تَمۡتَرُونَ
Open ayah 44:50Katotohanan, ito ang [parusa na] lagi ninyong pinag-aalinlanganan.
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينٖ
Open ayah 44:51Katotohanan, ang mga natatakot [sa Allah] ay paroroon sa pook ng katiwasayan [sa Paraiso].
فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ
Open ayah 44:52Nasa mga hardin at mga bukal [ng tubig].
يَلۡبَسُونَ مِن سُندُسٖ وَإِسۡتَبۡرَقٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
Open ayah 44:53[Kanilang] mga kasuutan ay [yari sa] mamahaling manipis at makapal na sutla [na hinabi sa magandang disenyo], sila ay magkakaharap sa isa’t isa.
كَذَٰلِكَ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٖ
Open ayah 44:54Ganyan nga [ang kanilang gantimpala]. At sila ay Aming ipakakasal sa mga mayuyuming dalaga [ng Paraiso] na may malalaki [at magagandang] mga mata.
يَدۡعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَٰكِهَةٍ ءَامِنِينَ
Open ayah 44:55Sila ay mananawagan [o hihiling] doon ng bawa’t uri ng prutas – nang ligtas at matiwasay [na kalagayan].
لَا يَذُوقُونَ فِيهَا ٱلۡمَوۡتَ إِلَّا ٱلۡمَوۡتَةَ ٱلۡأُولَىٰۖ وَوَقَىٰهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 44:56Sila ay hindi makatitikim ng kamatayan doon maliban sa unang kamatayan [sa mundo] at sila ay Kanyang pangangalagaan mula sa parusa ng nagliliyab na Apoy.
فَضۡلٗا مِّن رَّبِّكَۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Open ayah 44:57Bilang biyayang nagmumula sa iyong Panginoon. Iyan ang dakilang tagumpay.
فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Open ayah 44:58[Katotohanan], Aming ginawang magaan ito [ang pagbigkas ng Qur’an] sa iyong dila upang sakali sila ay mapaalalahanan.
فَٱرۡتَقِبۡ إِنَّهُم مُّرۡتَقِبُونَ
Open ayah 44:59Kaya ikaw ay maghintay [O Muhammad]; sapagka’t katiyakan, sila ay naghihintay [para sa iyong wakas].