الجاثية

Al-Jaathiya

Crouching · Surah 45 · Ayahs: 37 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. Ha, Mim.

  2. تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ

    Open ayah 45:2

    Ang Kapahayagan ng Aklat [Qur’an] ay nagmula sa Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.

  3. إِنَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 45:3

    Katotohanan, sa mga kalangitan at sa kalupaan [dito ay matatagpuan] ang ayaat [mga palatandaan] para sa mga naniniwala.

  4. وَفِي خَلۡقِكُمۡ وَمَا يَبُثُّ مِن دَآبَّةٍ ءَايَٰتٞ لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ

    Open ayah 45:4

    At sa pagkakalikha sa inyo at [sa] anumang Kanyang mga nilikhang gumagala na ikinalat, [naririto ang] ayaat [palatandaan] para sa mga taong may katiyakan [sa pananampalataya].

  5. وَٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن رِّزۡقٖ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَا وَتَصۡرِيفِ ٱلرِّيَٰحِ ءَايَٰتٞ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 45:5

    At sa pagsasalit-salitan ng gabi at araw, at sa anumang ibinababa ng Allah mula sa kalangitan bilang panustos [ulan] at nagbibigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupang dati ay tigang, at [sa Kanyang] pagbabago [ng ihip] ng hangin ay mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong may [taglay na] pang-unawa.

  6. تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۖ فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَ ٱللَّهِ وَءَايَٰتِهِۦ يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 45:6

    Ito ang mga ayaat [kapahayagan] ng Allah na Aming binigkas sa iyo [O, Muhammad] sa katotohanan, Kaya ano pa kayang pahayag pagkaraan ng Allah at ng Kanyang mga ayaat ang kanilang paniniwalaan?

  7. وَيۡلٞ لِّكُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٖ

    Open ayah 45:7

    Kasawian sa bawa’t mapaghabi [ng mga tahi-tahing] kasinungalingan, [at] makasalanan.

  8. يَسۡمَعُ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ثُمَّ يُصِرُّ مُسۡتَكۡبِرٗا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٖ

    Open ayah 45:8

    Na nakaririnig ng mga ayaat [kapahayagan] ng Allah na binibigkas sa kanya, [subali’t] sa kabila nito ay patuloy [pa rin] sa pagmamalaki na wari bang hindi niya naririnig ang mga ito. Kaya, ibalita sa kanya ang isang mahapding parusa.

  9. وَإِذَا عَلِمَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا شَيۡـًٔا ٱتَّخَذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ

    Open ayah 45:9

    At kapag kanyang natutuhan mula sa Aming mga ayaat [kapahayagan] ang anuman, ito ay kanyang ginagawang katatawanan. Sila yaong mayroong nakahihiyang parusa.

  10. مِّن وَرَآئِهِمۡ جَهَنَّمُۖ وَلَا يُغۡنِي عَنۡهُم مَّا كَسَبُواْ شَيۡـٔٗا وَلَا مَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٌ 

    Open ayah 45:10

    Sa kanilang harapan ay Impiyerno at hindi makapagdudulot ng buti ang anumang kanilang pinagsumikapan at maging ang anumang kanilang itinuring bilang tagapangalaga bukod sa Allah. At para sa kanila ay isang matinding parusa.

  11. هَٰذَا هُدٗىۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ عَذَابٞ مِّن رِّجۡزٍ أَلِيمٌ

    Open ayah 45:11

    Ito [ang Qur’an] ay patnubay. At yaong mga di-naniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng kanilang Panginoon – para sa kanila ay isang mahapding parusang likas na karima-rimarim.

  12. ۞ٱللَّهُ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡبَحۡرَ لِتَجۡرِيَ ٱلۡفُلۡكُ فِيهِ بِأَمۡرِهِۦ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

    Open ayah 45:12

    Ang Allah ang Siyang nagtalaga para sa inyo ng dagat upang ang mga sasakyang-dagat ay makapaglayag dito [sa laot] sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan at upang inyong hanapin ang Kanyang mga biyaya at upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.

  13. وَسَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا مِّنۡهُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 45:13

    At Kanyang itinalaga para sa inyo ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan - ang lahat ay nagmula sa Kanya. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [kapahayagan] para sa mga taong nag-iisip.

  14. قُل لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَغۡفِرُواْ لِلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ أَيَّامَ ٱللَّهِ لِيَجۡزِيَ قَوۡمَۢا بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

    Open ayah 45:14

    Sabihin mo [O, Muhammad] sa mga naniwala - na kanilang [nararapat] patawarin yaong mga hindi umaasa sa mga Araw ng Allah upang Kanyang papagbayarin ang mga tao para sa anumang kanilang lagi nang pinagsumikapan.

  15. مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَسَآءَ فَعَلَيۡهَاۖ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ تُرۡجَعُونَ

    Open ayah 45:15

    Sinuman ang gumawa ng mga gawaing matwid, ito ay para sa [kapakanan ng] kanyang sarili; at sinuman ang gumawa ng masama, ito ay laban [o kapariwaraan] sa kanya. Pagkaraan, sa inyong Panginoon, kayo ay muling ibabalik.

  16. وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلۡنَٰهُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 45:16

    At katiyakang Aming ipinagkaloob sa mga anak ni Israel ang kasulatan at paghatol, at ang [tungkulin ng] pagka-propeta at Aming ipinagkaloob sa kanila ang mga mabubuting panustos at sila ay Aming biniyayaan nang higit sa lahat [ng mga nilikha].

  17. وَءَاتَيۡنَٰهُم بَيِّنَٰتٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِۖ فَمَا ٱخۡتَلَفُوٓاْ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

    Open ayah 45:17

    At Aming ipinagkaloob sa kanila ang mga malilinaw na katibayan sa larangan [ng relihiyon]. At sila ay hindi nagkaiba-iba malibang pagkaraang dumating sa kanila ang kaalaman – na nagbunga ng paninibugho sa kanilang mga pagitan. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay maghahatol sa kanilang pagitan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli hinggil dito sa anumang kanilang naging ipinagkaiba.

  18. ثُمَّ جَعَلۡنَٰكَ عَلَىٰ شَرِيعَةٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِ فَٱتَّبِعۡهَا وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 45:18

    Pagkaraan, ikaw [O Muhammad] ay Aming inilagay sa isang payak na pamamaraang nauukol sa paksang [relihiyon]; kaya, ito ay iyong sundin at huwag mong sundin ang mga pagkiling niyaong mga hindi nakaaalam.

  19. إِنَّهُمۡ لَن يُغۡنُواْ عَنكَ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۚ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۖ وَٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 45:19

    Katotohanan, sila ay walang maidudulot na anupamang buti sa iyo mula sa Allah. At katotohanan, ang mga mapaggawa ng kamalian ay awliyah [tagapangalaga, kaibigan] ng isa’t isa; nguni’t ang Allah ay Wali [o tagapangalaga] ng mga natatakot [sa Kanya].

  20. هَٰذَا بَصَٰٓئِرُ لِلنَّاسِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ 

    Open ayah 45:20

    Ito [ang Qur’an] ay liwanag para sa sangkatauhan, at [ito ay nagsisilbing] patnubay at habag para sa mga taong may katiyakan [sa pananampalataya].

  21. أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ ٱجۡتَرَحُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن نَّجۡعَلَهُمۡ كَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَوَآءٗ مَّحۡيَاهُمۡ وَمَمَاتُهُمۡۚ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ

    Open ayah 45:21

    O inaakala ba niyaong mga nakagawa ng kasamaan na sila ay Aming gagawing katulad niyaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid – [gagawin ba silang] magkatulad sa kanilang buhay at sa kanilang kamatayan? Sadyang napakasama ng anumang kanilang paghatol.

  22. وَخَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَلِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

    Open ayah 45:22

    At nilikha ng Allah ang mga kalangitan at kalupaan sa katotohanan at upang ang bawa’t kaluluwa ay bayaran nang ayon sa anumang kanyang pinagsumikapan, at sila ay hindi gagawan ng kamalian [o dadayain].

  23. أَفَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ وَأَضَلَّهُ ٱللَّهُ عَلَىٰ عِلۡمٖ وَخَتَمَ عَلَىٰ سَمۡعِهِۦ وَقَلۡبِهِۦ وَجَعَلَ عَلَىٰ بَصَرِهِۦ غِشَٰوَةٗ فَمَن يَهۡدِيهِ مِنۢ بَعۡدِ ٱللَّهِۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 45:23

    Hindi mo ba nakikita ang isang nagturing sa kanyang pagnanasa bilang kanyang diyos, at siya ay hinayaan ng Allah na maligaw [batay] sa [Kanyang] kaalaman [tungkol sa tunay niyang hangarin] at sinarhan ang kanyang pandinig at ang kanyang puso at nilagyan ang kanyang paningin ng takip. Sino pa kaya ang papatnubay sa kanya pagkaraan ng Allah? Kaya, hindi ba kayo makaaalala?

  24. وَقَالُواْ مَا هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا يُهۡلِكُنَآ إِلَّا ٱلدَّهۡرُۚ وَمَا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَظُنُّونَ

    Open ayah 45:24

    At sila [mga di-naniniwala] ay nagsasabi: “Wala ng [iba pang] buhay maliban sa aming [kasalukuyang] buhay sa mundong ito? Kami ay mamamatay at kami ay mabubuhay, at walang makasisira sa amin maliban ang panahon.” At [tunay nga na] sila ay walang kaalaman tungkol dito: sila ay nag-aakala lamang.

  25. وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ مَّا كَانَ حُجَّتَهُمۡ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱئۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 45:25

    At kapag ang Aming mga ayaat [kapahayagan] ay binibigkas sa kanila bilang malilinaw na katibayan, ang kanilang katuwiran ay ang pagsasabi lamang na: “Ibalik ninyong muli ang [buhay ng] aming mga [yumaong] ninuno, kung kayo ay makatotohanan.”

  26. قُلِ ٱللَّهُ يُحۡيِيكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يَجۡمَعُكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 45:26

    Sabihin mo [O Muhammad]: “Ang Allah ang nagbibigay-buhay sa inyo, pagkaraan ay nagdudulot sa inyo ng kamatayan, pagkaraan kayo ay Kanyang titipunin para sa Araw ng Pagkabuhay na Muli na walang alinlangan tungkol dito. Nguni’t karamihan sa sangkatauhan ay hindi nakababatid [nito].”

  27. وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يَوۡمَئِذٖ يَخۡسَرُ ٱلۡمُبۡطِلُونَ

    Open ayah 45:27

    At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] mga kalangitan at kalupaan. At sa Araw na [iyon na] ang Oras ay lilitaw - sa Araw na iyon, ang mga mapaggawa ng kabulaanan ay mawawalan [o magiging talunan].

  28. وَتَرَىٰ كُلَّ أُمَّةٖ جَاثِيَةٗۚ كُلُّ أُمَّةٖ تُدۡعَىٰٓ إِلَىٰ كِتَٰبِهَا ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 45:28

    At iyong makikita ang bawa’t pamayanan na naglulumuhod [sanhi ng ligalig at takot]; bawa’t pamayanan ay tatawagin para sa kanilang talaan [ng mga gawa]. “Ngayon, kayo ay babayaran para sa anumang lagi ninyong ginagawa.”

  29. هَٰذَا كِتَٰبُنَا يَنطِقُ عَلَيۡكُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّا كُنَّا نَسۡتَنسِخُ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 45:29

    "Ito - ang Aming talaan ay magsasalita tungkol sa inyo sa katotohanan. Katunayan, Kami ang sumisipi [at nagpapatala] sa anumang inyong lagi nang ginagawa.”

  30. فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَيُدۡخِلُهُمۡ رَبُّهُمۡ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡمُبِينُ 

    Open ayah 45:30

    Kaya, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila ay papapasukin [o tatanggapin] ng kanilang Panginoon sa Kanyang habag. Iyan ang [tunay na] malinaw na tagumpay.

  31. وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَفَلَمۡ تَكُنۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡ وَكُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ

    Open ayah 45:31

    At yaong mga di-naniwala, [ito ang sasabihin sa kanila]: “Hindi ba ang Aking mga ayaat [kapahayagan] ay binibigkas sa inyo [noon]? Subali’t kayo ay nagmalaki at kayo ay naging mga taong mapaggawa ng kabuktutan.”

  32. وَإِذَا قِيلَ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَٱلسَّاعَةُ لَا رَيۡبَ فِيهَا قُلۡتُم مَّا نَدۡرِي مَا ٱلسَّاعَةُ إِن نَّظُنُّ إِلَّا ظَنّٗا وَمَا نَحۡنُ بِمُسۡتَيۡقِنِينَ

    Open ayah 45:32

    At kapag ito ay sinabi [sa inyo]: “Katotohanan, ang pangako ng Allah ay totoo, at ang [takdang] Oras [ay darating] – walang alinlangan tungkol dito” [gayunpaman] kayo ay nagsabing: “Hindi namin nababatid kung ano ang [takdang] Oras. Kami ay [nangahas na] mag-akalang ito ay isang pag- aakala lamang, at kami ay walang matuwid na pananalig [tungkol dito].”

  33. وَبَدَا لَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا عَمِلُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

    Open ayah 45:33

    At ang masamang bunga ng anumang kanilang ginawa ay tatambad sa kanila, at sila ay mababalutan ng anumang [kasamaang] kanilang lagi nang pinagatatawanan [o kinukutya].

  34. وَقِيلَ ٱلۡيَوۡمَ نَنسَىٰكُمۡ كَمَا نَسِيتُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّٰصِرِينَ

    Open ayah 45:34

    At ito ang sasabihin: “Ngayon, kayo ay Aming kalilimutan [o kaliligtaan] tulad ng inyong paglimot sa pakikipagharap ng inyong Araw na ito. At ang inyong kanlungan ay ang Apoy, at para sa inyo ay walang sinumang makatutulong.”

  35. ذَٰلِكُم بِأَنَّكُمُ ٱتَّخَذۡتُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ هُزُوٗا وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُخۡرَجُونَ مِنۡهَا وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ

    Open ayah 45:35

    “Iyan ay sapagka’t kayo ay nagturing sa mga kapahayagan ng Allah sa [paraan ng] panunuya, at ang makamundong buhay ay luminlang sa inyo.” Kaya, sa Araw na iyon, sila ay hindi iaahon mula roon [sa Impiyerno], at sila ay hindi pahihintulutang magpalubag [sa Kalooban ng Allah].

  36. فَلِلَّهِ ٱلۡحَمۡدُ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَرَبِّ ٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 45:36

    Kaya, sa Allah ang [pagmamay-ari ng lahat ng] papuri – ang Panginoon ng mga kalangitan at Panginoon ng kalupaan, Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  37. وَلَهُ ٱلۡكِبۡرِيَآءُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 45:37

    At sa Kanya ang Kibriyaa'u sa mga kalangitan at sa kalupaan. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.