الأحقاف
Al-Ahqaf
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
حمٓ
Open ayah 46:1Ha, Mim.
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Open ayah 46:2Ang Kapahayagan ng Aklat [Qur’an] ay nagmula sa Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
مَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَمَّآ أُنذِرُواْ مُعۡرِضُونَ
Open ayah 46:3Hindi Namin nilikha ang mga kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan ng mga ito maliban sa katotohanan, at [para] sa isang takdang panahon. Subali’t yaong mga di-naniniwala ay nagsilalayo sa anumang ibinabala sa kanila.
قُلۡ أَرَءَيۡتُم مَّا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُواْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ لَهُمۡ شِرۡكٞ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِۖ ٱئۡتُونِي بِكِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ هَٰذَآ أَوۡ أَثَٰرَةٖ مِّنۡ عِلۡمٍ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 46:4Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Isinaalang-alang ba ninyo ang alinmang inyong dinadalanginan bukod sa Allah? Ipakita [nga ninyo] sa akin kung ano ba ang kanilang mga nilikha sa kalupaan? O, sila ba ay may kabahagi [sa paglikha] ng mga kalangitan? Bigyan ninyo ako ng isang kasulatang [ipinahayag na] nauna rito o isang [nalalabing] bakas ng kaalaman, kung kayo ay makatotohanan!”
وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّن يَدۡعُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَن لَّا يَسۡتَجِيبُ لَهُۥٓ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَهُمۡ عَن دُعَآئِهِمۡ غَٰفِلُونَ
Open ayah 46:5At sino ba ang naliligaw nang higit kaysa sa isang nananalangin sa iba bukod sa Allah, na hindi [kailanman] nakatutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli at sila [mga diyus-diyusan] ay walang kamalayan ng kanilang pagdalangin?
وَإِذَا حُشِرَ ٱلنَّاسُ كَانُواْ لَهُمۡ أَعۡدَآءٗ وَكَانُواْ بِعِبَادَتِهِمۡ كَٰفِرِينَ
Open ayah 46:6At kapag ang sangkatauhan ay tipunin [sa Araw na iyon], sila [na dinalanginan] ay kanilang magiging kaaway at kanilang magiging mga tagapagtakwil ng kanilang pagsamba.
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٌ
Open ayah 46:7At kapag ang Aming mga ayaat [kapahayagan] ay binibigkas sa kanila bilang malilinaw na katibayan, ang mga di-naniniwala ay nagsasabi sa katotohanan [ng Qur’an] nang ito ay dumating sa kanila: “Ito ay isang malinaw na salamangka!”
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَيۡتُهُۥ فَلَا تَمۡلِكُونَ لِي مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَا تُفِيضُونَ فِيهِۚ كَفَىٰ بِهِۦ شَهِيدَۢا بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Open ayah 46:8O kaya sila ay nagsasabi: “Ito ay kanyang nilubid [o gawa-gawa]
قُلۡ مَا كُنتُ بِدۡعٗا مِّنَ ٱلرُّسُلِ وَمَآ أَدۡرِي مَا يُفۡعَلُ بِي وَلَا بِكُمۡۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ وَمَآ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Open ayah 46:9Sabihin: “Ako ay hindi naiiba sa mga sugo [ng Allah] at hindi ko nalalaman kung ano ang gagawin sa akin at sa inyo. Ako ay sumusunod lamang sa anumang ipinahahayag sa akin at ako ay isa lamang malinaw na tagapagbabala.”
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كَانَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ وَكَفَرۡتُم بِهِۦ وَشَهِدَ شَاهِدٞ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ عَلَىٰ مِثۡلِهِۦ فَـَٔامَنَ وَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 46:10Sabihin: “Isinaalang-alang ba ninyo: na kung ito [ang Qur’an] ay nagmula sa Allah at ito ay inyong itinakwil, samantalang ang isang saksi mula sa mga anak ni Israel ay sumaksi sa anumang nakakatulad nito at siya ay naniwala habang kayo naman ay mapagmalaki? Katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong mapaggawa ng kamalian.
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡ كَانَ خَيۡرٗا مَّا سَبَقُونَآ إِلَيۡهِۚ وَإِذۡ لَمۡ يَهۡتَدُواْ بِهِۦ فَسَيَقُولُونَ هَٰذَآ إِفۡكٞ قَدِيمٞ
Open ayah 46:11At yaong mga di-naniwala ay nagsabi sa mga naniwala: “Kung ito [ang Qur’an] ay [tunay na] naging mabuti, kami ay hindi nila mauunahan dito!” At nang sila ay hindi napatnubayan nito, sila ay nagsabing: “Ito ay dating hinabi [o tinahi-tahing kasinungalingan]!”
وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامٗا وَرَحۡمَةٗۚ وَهَٰذَا كِتَٰبٞ مُّصَدِّقٞ لِّسَانًا عَرَبِيّٗا لِّيُنذِرَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُحۡسِنِينَ
Open ayah 46:12At bago pa man [ipinahayag] ito, ang kasulatan ni Moises ay [nagsilbing] patnubay at habag. At ito [ang Qur’an] ay isang nagpapatunay na Aklat sa wikang Arabe upang bigyang babala yaong mga nakagawa ng kamalian, at bilang magandang balita para sa mga mapaggawa ng kabutihan.
إِنَّ ٱلَّذِينَ قَالُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسۡتَقَٰمُواْ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Open ayah 46:13Katotohanan, yaong mga nagsabing: “Ang aming Panginoon ay ang Allah” at pagkaraan ay nanindigan [o tinahak ang matuwid na daan], sa kanila ay walang [madaramang] pangamba at sila ay hindi malulungkot.
أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ خَٰلِدِينَ فِيهَا جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 46:14Sila yaong mga maninirahan sa Paraiso, mamamalagi roon nang walang hanggan, [iyon ay] isang gantimpala nang dahil sa kanilang [mga kabutihang] lagi nang ginagawa.
وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ إِحۡسَٰنًاۖ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ كُرۡهٗا وَوَضَعَتۡهُ كُرۡهٗاۖ وَحَمۡلُهُۥ وَفِصَٰلُهُۥ ثَلَٰثُونَ شَهۡرًاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَبَلَغَ أَرۡبَعِينَ سَنَةٗ قَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَصۡلِحۡ لِي فِي ذُرِّيَّتِيٓۖ إِنِّي تُبۡتُ إِلَيۡكَ وَإِنِّي مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Open ayah 46:15At Aming itinagubilin sa tao ang mabuting pakikitungo sa kanilang mga magulang. Siya [bilang anak] ay pinasan ng kanyang ina sa pagdurusa. At siya ay isinilang sa pagdurusa. At ang [panahon ng] pagdadalang-tao sa kanya at ang pagpapasuso sa kanya ay tatlumpung buwan, hanggang nang matamo ang tamang gulang at umabot sa [gulang na] apatnapung taon, siya ay nagsabi: “O aking Panginoon bigyan Mo po ako ng kakayahang maging mapagpasalamat sa pagpapala na Iyong ibinigay sa akin at sa aking mga magulang, upang ako ay makagawa ng mga gawaing matwid na Iyong ikalulugod at gawin Mo pong matwid para sa akin ang aking mga anak. Katotohanan, ako ay nagbabalik-loob sa Iyo [sa pagsisisi] at katotohanan, ako ay kabilang sa mga tumatalima [sa Iyo bilang Muslim].”
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ نَتَقَبَّلُ عَنۡهُمۡ أَحۡسَنَ مَا عَمِلُواْ وَنَتَجَاوَزُ عَن سَيِّـَٔاتِهِمۡ فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلۡجَنَّةِۖ وَعۡدَ ٱلصِّدۡقِ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ
Open ayah 46:16Sila yaong Aming tatanggapin ang pinakamabuti mula sa kanilang mga gawa at Aming ipagpapaumanhin ang kanilang mga masasamang gawa [bilang pagpapala para sa] mga maninirahan sa Paraiso - [iyan ay] isang pangako ng katotohanan na sa kanila ay ipinangako.
وَٱلَّذِي قَالَ لِوَٰلِدَيۡهِ أُفّٖ لَّكُمَآ أَتَعِدَانِنِيٓ أَنۡ أُخۡرَجَ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلۡقُرُونُ مِن قَبۡلِي وَهُمَا يَسۡتَغِيثَانِ ٱللَّهَ وَيۡلَكَ ءَامِنۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ فَيَقُولُ مَا هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 46:17Nguni’t, ang isang [anak na] nagsasabi sa kanyang mga magulang: “Uff sa inyong dalawa; kayo ba ay nangangako sa akin na ako ay bubuhaying muli samantalang ang mga henerasyong nauna sa akin ay nagsiyao na [at nabaon na sa limot]?” Habang sila [mga magulang] ay nagsusumamo ng tulong sa Allah [at ang kanilang anak ay kanilang binalaan]: “Kasawian sa iyo! Ikaw ay [nararapat na] maniwala! Katotohanan, ang pangako ng Allah ay totoo.” Nguni’t, siya [ang anak] ay nagsabi: “Ito ay mga alamat lamang ng mga sinaunang tao.”
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَٰسِرِينَ
Open ayah 46:18Sila yaong ang salita [o takdang parusa] ay makatuwirang ipinatupad laban sa kanila [upang sila ay maging] kabilang ng mga pamayanang nagsiyaong nauna sa kanila mula sa [lipon ng] jinn at tao. Katotohanan, sila ay naging mga talunan [o nawalan].
وَلِكُلّٖ دَرَجَٰتٞ مِّمَّا عَمِلُواْۖ وَلِيُوَفِّيَهُمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Open ayah 46:19At para sa lahat, mayroong mga antas [ng gantimpala at parusa] mula sa anumang kanilang ginawa, at [ito ay] upang sila ay Kanyang lubusang bayaran para sa kanilang mga gawa. At sila ay hindi dadayain [sa kanilang mga gantimpala].
وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَذۡهَبۡتُمۡ طَيِّبَٰتِكُمۡ فِي حَيَاتِكُمُ ٱلدُّنۡيَا وَٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهَا فَٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَفۡسُقُونَ
Open ayah 46:20At sa Araw [na iyon] yaong mga di-naniwala ay ihaharap sa Apoy [at ito ang sasabihin sa kanila]: “Inyong sinaid [o inubos] ang inyong mga mabubuting kasiyahan sa makamundong buhay, at ito ay inyong ikinasiya. Kaya, sa Araw na ito, kayo ay babayaran ng [lubhang] kahiya-hiyang parusa sapagka’t kayo ay naging mapagmalaki sa balat ng lupa nang walang katuwiran, at sapagka’t kayo ay naging mga suwail.”
۞وَٱذۡكُرۡ أَخَا عَادٍ إِذۡ أَنذَرَ قَوۡمَهُۥ بِٱلۡأَحۡقَافِ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلنُّذُرُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦٓ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Open ayah 46:21At banggitin mo [O Muhammad] ang kapatid ng [mga mamamayan ng] ‘Aad, nang siya ay nagbabala sa kanyang mga mamamayan sa [dakong timog ng] Ahqaf - at [tulad ng] mga tagapagbabalang nagsiyaong nauna sa kanya at pagkaraan niya - [sila ay nagkaisang nag-anyaya na]: “Walang diyos maliban sa Allah. Katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang parusa ng isang kasindak-sindak na Araw.”
قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا لِتَأۡفِكَنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Open ayah 46:22Sila ay nagsabi: “Ikaw ba ay naparito sa amin upang kami ay iyong ilayo sa aming mga diyos? Kung gayon, ipakita mo ang sinasabi mong babala [o parusa] sa amin kung ikaw nga ay isa sa mga makatotohanan!”
قَالَ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَأُبَلِّغُكُم مَّآ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦ وَلَٰكِنِّيٓ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمٗا تَجۡهَلُونَ
Open ayah 46:23Siya ay nagsabi: “Ang kaalaman [sa takdang oras nito] ay nasa Allah. At ako ay naghahatid lamang sa inyo ng anuman na siyang layon ng aking pagkakasugo, nguni’t aking nakikita na kayo ay mga taong mangmang!”
فَلَمَّا رَأَوۡهُ عَارِضٗا مُّسۡتَقۡبِلَ أَوۡدِيَتِهِمۡ قَالُواْ هَٰذَا عَارِضٞ مُّمۡطِرُنَاۚ بَلۡ هُوَ مَا ٱسۡتَعۡجَلۡتُم بِهِۦۖ رِيحٞ فِيهَا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Open ayah 46:24Kaya, nang ito ay kanilang matanaw na [wari bang] isang ulap na papalapit sa kanilang mga lambak [o lupain], sila ay nagsabi: “Ito ay isang ulap na maghahatid sa atin ng ulan.” Nguni’t, ito ang anumang [parusang] inyong minamadali - isang hanging hatid nito ay mahapding parusa.
تُدَمِّرُ كُلَّ شَيۡءِۭ بِأَمۡرِ رَبِّهَا فَأَصۡبَحُواْ لَا يُرَىٰٓ إِلَّا مَسَٰكِنُهُمۡۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 46:25Pinupuksa [nito] ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kautusan ng kanyang Panginoon! Kaya, nangyari ngang wala nang nakita pa maliban sa [guho ng] kanilang mga tirahan. [Tulad ng kabayarang ito] ganyan din Namin binabayaran ang mga taong mapaggawa ng kabuktutan!
وَلَقَدۡ مَكَّنَّٰهُمۡ فِيمَآ إِن مَّكَّنَّٰكُمۡ فِيهِ وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ سَمۡعٗا وَأَبۡصَٰرٗا وَأَفۡـِٔدَةٗ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُمۡ سَمۡعُهُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُهُمۡ وَلَآ أَفۡـِٔدَتُهُم مِّن شَيۡءٍ إِذۡ كَانُواْ يَجۡحَدُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Open ayah 46:26At katiyakan, sila ay Aming pinatatag [o pinaunlad] na hindi Namin naitatag nang gayon sa inyo. At Aming iginawad sa kanila ang [kakayahan ng] pandinig, pananaw at mga puso [o isip]; nguni’t ang kanilang pandinig, pananaw at mga puso [o isip] ay walang buting naidulot sa kanila laban sa anumang [parusa] nang sila [ay patuloy na] nagtatakwil sa mga ayaat [babala] ng Allah at sila ay napalibutan ng anumang kanilang lagi nang pinagtatawanan [o kinukutya].
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَا مَا حَوۡلَكُم مِّنَ ٱلۡقُرَىٰ وَصَرَّفۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Open ayah 46:27At katiyakan, Aming winasak ang alinmang bayang nakapaligid sa inyo, at Aming iniba-iba ang mga ayaat [tanda o aral] upang sakali sila ay magsibalik [sa tamang landas].
فَلَوۡلَا نَصَرَهُمُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ قُرۡبَانًا ءَالِهَةَۢۖ بَلۡ ضَلُّواْ عَنۡهُمۡۚ وَذَٰلِكَ إِفۡكُهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Open ayah 46:28Subali't, bakit hindi nakatulong sa kanila yaong kanilang mga itinuring bilang mga diyos bukod sa Allah upang mapalapit [sa Kanya]? Bagkus, sila [mga diyus-diyusan] ay napahiwalay sa kanila. At iyan ang kanilang mga hinabing kasinungalingan at siyang [naging bunga ng] anumang kanilang mga nilulubid [na kabulaanan].
وَإِذۡ صَرَفۡنَآ إِلَيۡكَ نَفَرٗا مِّنَ ٱلۡجِنِّ يَسۡتَمِعُونَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوٓاْ أَنصِتُواْۖ فَلَمَّا قُضِيَ وَلَّوۡاْ إِلَىٰ قَوۡمِهِم مُّنذِرِينَ
Open ayah 46:29At [alalahanin mo O Muhammad] nang Aming akayin [patungo] sa iyo ang ilan mula sa [lipon ng mga] jinn, [sila ay] nakikinig sa [pagbigkas ng] Qur’an. Kaya, nang ito ay kanilang lapitan [upang pakinggan], sila ay nagsabing: “[Tayo ay nararapat] makinig nang tahimik!” At nang ito ay matapos, sila ay nagsibalik sa kanilang mga mamamayan bilang mga tagapagbabala.
قَالُواْ يَٰقَوۡمَنَآ إِنَّا سَمِعۡنَا كِتَٰبًا أُنزِلَ مِنۢ بَعۡدِ مُوسَىٰ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّ وَإِلَىٰ طَرِيقٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 46:30Sila ay nagsabi: “O aming mga mamamayan, katotohanan, aming narinig ang [binigkas na] Aklat na ipinahayag pagkaraan ni Moises, [ito ay] nagpapatunay sa anumang [kapahayagang] nauna rito - nagpapatnubay tungo sa katotohanan at sa matuwid na landas.”
يَٰقَوۡمَنَآ أَجِيبُواْ دَاعِيَ ٱللَّهِ وَءَامِنُواْ بِهِۦ يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُجِرۡكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
Open ayah 46:31“O aming mga mamamayan, tumugon kayo sa tagatawag [o sugo] ng Allah at kayo ay maniwala sa kanya. [Upang sa gayon ay] Kanyang patawarin ang inyong mga kasalanan at kayo ay Kanyang pangalagaan laban sa mahapding parusa.”
وَمَن لَّا يُجِبۡ دَاعِيَ ٱللَّهِ فَلَيۡسَ بِمُعۡجِزٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَيۡسَ لَهُۥ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءُۚ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Open ayah 46:32“At sinuman ang hindi tumugon sa tagatawag [o sugo] ng Allah ay hindi makatatakas sa [Kanyang parusa sa ibabaw ng] lupa, at siya ay hindi magkakaroon ng ibang tagapangalaga bukod sa Kanya. Sila yaong nasa hayag na pagkaligaw.”
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَلَمۡ يَعۡيَ بِخَلۡقِهِنَّ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 46:33Hindi ba nila nakikita na ang Allah, na Siyang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan, at hindi nakadarama ng kahinaan sa Kanyang paglikha, [Siya] ay may kakayahang magbigay-buhay sa mga patay? Oo, katotohanan, Siya ang [may Ganap na Kakayahan at] Nakapangyayari sa lahat ng bagay.
وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَلَيۡسَ هَٰذَا بِٱلۡحَقِّۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَرَبِّنَاۚ قَالَ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Open ayah 46:34At sa Araw na [iyon] yaong mga di-naniwala ay ihaharap sa Apoy [at ito ang sasabihin sa kanila]: “Hindi ba ito ang katotohanan?” Sila ay magsasabi: “Opo, [sumpa man] sa aming Panginoon [ito ang katotohanan]!” Siya ay magsasabi: “Magkagayon, inyong lasapin ang parusang dulot ng anumang inyong lagi nang hindi paniniwala [sa Akin at sa Aking mga sugo].
فَٱصۡبِرۡ كَمَا صَبَرَ أُوْلُواْ ٱلۡعَزۡمِ مِنَ ٱلرُّسُلِ وَلَا تَسۡتَعۡجِل لَّهُمۡۚ كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَ مَا يُوعَدُونَ لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا سَاعَةٗ مِّن نَّهَارِۭۚ بَلَٰغٞۚ فَهَلۡ يُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Open ayah 46:35Kaya, ikaw ay maging matiisin [O Muhammad] tulad ng pagtitiis na taglay ng mga sugong [nauna sa iyo] at huwag mong madaliin [ang pagdating ng parusa] para sa kanila [na di-naniniwala sa Allah]. Sa Araw na [iyon], kanilang masisilayan ang [parusang] naipangako sa kanila, na wari bang sila ay hindi namalagi [sa mundo] maliban sa isang oras sa maghapon. [Ito ay isang] malinaw na mensahe. At walang nararapat na wasakin maliban sa mga taong suwail.