محمد
Muhammad
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ أَضَلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Open ayah 47:1Yaong mga di-naniniwala at humahadlang [sa tao] mula sa Landas ng Allah, Kanyang gagawing walang kabuluhan ang kanilang mga gawa.
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَءَامَنُواْ بِمَا نُزِّلَ عَلَىٰ مُحَمَّدٖ وَهُوَ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّهِمۡ كَفَّرَ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَأَصۡلَحَ بَالَهُمۡ
Open ayah 47:2Nguni’t, yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, at naniniwala sa anumang ibinaba [o ipinahayag] kay Muhammad, sapagka’t ito [ang Qur’an] ang katotohanan mula sa kanilang Panginoon, Kanyang papawiin ang kanilang masasamang gawain at isasaayos ang kanilang kalagayan.
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱتَّبَعُواْ ٱلۡبَٰطِلَ وَأَنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّبَعُواْ ٱلۡحَقَّ مِن رَّبِّهِمۡۚ كَذَٰلِكَ يَضۡرِبُ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ أَمۡثَٰلَهُمۡ
Open ayah 47:3Iyan ay sa dahilang yaong mga di-naniniwala ay sumusunod sa kabulaanan, at yaong mga naniniwala ay sumusunod sa katotohanang nagmula sa kanilang Panginoon. Ganyan inilalahad ng Allah para sa tao ang kanilang kahalintulad.
فَإِذَا لَقِيتُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَضَرۡبَ ٱلرِّقَابِ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَثۡخَنتُمُوهُمۡ فَشُدُّواْ ٱلۡوَثَاقَ فَإِمَّا مَنَّۢا بَعۡدُ وَإِمَّا فِدَآءً حَتَّىٰ تَضَعَ ٱلۡحَرۡبُ أَوۡزَارَهَاۚ ذَٰلِكَۖ وَلَوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَٱنتَصَرَ مِنۡهُمۡ وَلَٰكِن لِّيَبۡلُوَاْ بَعۡضَكُم بِبَعۡضٖۗ وَٱلَّذِينَ قُتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَن يُضِلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Open ayah 47:4Kaya, kapag inyong makasagupa yaong mga di-naniniwalang [nakikipaglaban at umuusig sa inyo], tigpasin ang [kanilang] mga leeg hanggang, kapag sila ay inyong magapi, [ang nalalabi sa kanila] ay inyong igapos nang mahigpit [at bihagin]. Gayunpaman, [gumawa ng] mabuting- loob [o sila ay inyong palayain] pagkaraan o [humingi ng] kabayaran [bilang pantubos] hanggang mapawi ang siklab ng digmaan. Iyan [ang kautusan]. At kung ninais ng Allah, magagawa Niyang magpataw ng parusa mula sa kanila. Nguni’t, [kayo ay Kanyang hinayaang makipaglaban] upang subukan ang iba sa inyo sa pamamagitan ng iba. At yaong mga [napaslang o] namatay sa Landas ng Allah, kailanman ay
سَيَهۡدِيهِمۡ وَيُصۡلِحُ بَالَهُمۡ
Open ayah 47:5Sila ay Kanyang papatnubayan at isasaayos ang kanilang kalagayan.
وَيُدۡخِلُهُمُ ٱلۡجَنَّةَ عَرَّفَهَا لَهُمۡ
Open ayah 47:6At sila ay papapasukin sa Paraiso na Kanyang ipinabatid sa kanila.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تَنصُرُواْ ٱللَّهَ يَنصُرۡكُمۡ وَيُثَبِّتۡ أَقۡدَامَكُمۡ
Open ayah 47:7O, kayong mga naniwala, kung kayo ay makikipagtulungan sa [landas ng] Allah, kayo ay Kanyang tutulungan [laban sa inyong mga kaaway], at gagawing matatag ang inyong mga paa [o kinatatayuan].
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَتَعۡسٗا لَّهُمۡ وَأَضَلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Open ayah 47:8Nguni’t, yaong mga di-naniwala - para sa kanila ay abang kasawian, at Kanyang gagawing walang kabuluhan ang kanilang mga gawa.
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَرِهُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأَحۡبَطَ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Open ayah 47:9Iyan ay sa dahilang kanilang kinamuhian ang anumang ibinaba [o ipinahayag] ng Allah, kaya Kanyang hinayaang mawalan ng halaga ang kanilang mga gawa.
۞أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ دَمَّرَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡۖ وَلِلۡكَٰفِرِينَ أَمۡثَٰلُهَا
Open ayah 47:10Hindi ba sila nagsipaglakbay sa [iba’t ibang] lupain upang kanilang matunghayan kung paano ang naging wakas niyaong mga nauna sa kanila? Pinuksa ng Allah ang [lahat ng] nasa kanila at para sa mga di- naniniwala, [sa kanila] ay isang [wakas na] nakakahalintulad nito.
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ مَوۡلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَأَنَّ ٱلۡكَٰفِرِينَ لَا مَوۡلَىٰ لَهُمۡ
Open ayah 47:11Iyan ay sa dahilang ang Allah ang Siyang Tagapagtanggol niyaong mga naniniwala, - at katotohanan, ang mga di-naniniwala ay walang tagapagtanggol para sa kanila.
إِنَّ ٱللَّهَ يُدۡخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَتَمَتَّعُونَ وَيَأۡكُلُونَ كَمَا تَأۡكُلُ ٱلۡأَنۡعَٰمُ وَٱلنَّارُ مَثۡوٗى لَّهُمۡ
Open ayah 47:12Katotohanan, papapasukin ng Allah yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid sa mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Nguni't yaong mga di-naniwala ay nasisiyahan [sa mundong ito] at [sila ay] nanginginaing tulad ng panginginain ng mga hayop. Subali't ang Apoy ang magiging kanlungan para sa kanila [sa kabilang buhay].
وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ هِيَ أَشَدُّ قُوَّةٗ مِّن قَرۡيَتِكَ ٱلَّتِيٓ أَخۡرَجَتۡكَ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ فَلَا نَاصِرَ لَهُمۡ
Open ayah 47:13At ilan na bang bayang nakahihigit sa lakas kaysa sa iyong bayang nagtaboy sa iyo [O Muhammad], ang Aming winasak [sanhi ng kanilang kapalaluan]? Nguni’t walang tumulong para sa kanila!
أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّهِۦ كَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُم
Open ayah 47:14Kaya, siya ba na nasa malinaw na katibayang mula sa kanyang Panginoon ay katulad ng sinuman na ginawang kaakit-akit [ng demonyo] para sa kanya ang kasamaan ng kanyang mga gawa at kanilang sinusunod ang kanilang mga [sariling] pagnanasa?
مَّثَلُ ٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۖ فِيهَآ أَنۡهَٰرٞ مِّن مَّآءٍ غَيۡرِ ءَاسِنٖ وَأَنۡهَٰرٞ مِّن لَّبَنٖ لَّمۡ يَتَغَيَّرۡ طَعۡمُهُۥ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ خَمۡرٖ لَّذَّةٖ لِّلشَّٰرِبِينَ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ عَسَلٖ مُّصَفّٗىۖ وَلَهُمۡ فِيهَا مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ وَمَغۡفِرَةٞ مِّن رَّبِّهِمۡۖ كَمَنۡ هُوَ خَٰلِدٞ فِي ٱلنَّارِ وَسُقُواْ مَآءً حَمِيمٗا فَقَطَّعَ أَمۡعَآءَهُمۡ
Open ayah 47:15Ang kahalintulad ba [sa paglalarawan] ng Paraiso na ipinangako sa mga natatakot [sa Allah] na kung saan ang mga ilog ng tubig ay hindi narurumihan, ang mga ilog ng gatas na ang lasa ay hindi nagbabago, ang mga ilog ng alak na masarap sa mga umiinom, at ang mga ilog ng pinadalisay na pulut-pukyutan, at para sa kanila ay naroroon din ang bawa’t [uri ng] prutas at ang kapatawaran mula sa kanilang Panginoon, ay maihahalintulad sa mga mamamalagi nang walang hanggan sa Apoy at pinagkakalooban ng inumin na kumukulong tubig na humihiwa sa kanilang mga bituka?
وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُ إِلَيۡكَ حَتَّىٰٓ إِذَا خَرَجُواْ مِنۡ عِندِكَ قَالُواْ لِلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ مَاذَا قَالَ ءَانِفًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡ
Open ayah 47:16At kabilang sa kanila [O Muhammad] ay yaong mga nakikinig sa iyo hanggang kapag sila ay lumisan mula sa iyong [harapan], sila ay nagsasabi sa mga pinagkalooban ng kaalaman: ‘Ano ang kanyang sinabi kani-kanina lang? Sila yaong ang kanilang mga puso ay sinarhan ng Allah at kanilang sinunod ang kanilang mga [sariling] pagnanasa.
وَٱلَّذِينَ ٱهۡتَدَوۡاْ زَادَهُمۡ هُدٗى وَءَاتَىٰهُمۡ تَقۡوَىٰهُمۡ
Open ayah 47:17At yaong mga napatnubayan [mga naniniwala], Kanyang dinaragdagan ang kanilang patnubay at ipagkakaloob sa kanila ang kanilang [katangian ng pagkakaroon ng] takot [sa Kanya].
فَهَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗۖ فَقَدۡ جَآءَ أَشۡرَاطُهَاۚ فَأَنَّىٰ لَهُمۡ إِذَا جَآءَتۡهُمۡ ذِكۡرَىٰهُمۡ
Open ayah 47:18Kaya sila ba ay naghihintay [ng iba] maliban sa pagdating ng takdang Oras na dapat ay dumating sa kanila nang biglaan? Nguni’t katiyakan, ang [ilan sa] mga palatandaan [o mga pahiwatig] nito ay dumating na. Kaya, paano [pa makabubuti] para sa kanila ang mga paalaala kapag dumating na sa kanila?
فَٱعۡلَمۡ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مُتَقَلَّبَكُمۡ وَمَثۡوَىٰكُمۡ
Open ayah 47:19Kaya, dapat mong malaman [O Muhammad] na walang diyos maliban sa Allah, at humingi ng kapatawaran para sa iyong mga kasalanan at para sa mga naniniwalang lalaki at naniniwalang babae. At ang Allah ay Lubos na Nababatid ang inyong kilos at ang inyong pinagkakanlungan.
وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡلَا نُزِّلَتۡ سُورَةٞۖ فَإِذَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ مُّحۡكَمَةٞ وَذُكِرَ فِيهَا ٱلۡقِتَالُ رَأَيۡتَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ نَظَرَ ٱلۡمَغۡشِيِّ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡمَوۡتِۖ فَأَوۡلَىٰ لَهُمۡ
Open ayah 47:20At yaong mga naniniwala ay nagsabi: “Bakit walang kabanata [na nag- uutos ng Jihad] ang ipinahayag?” Nguni’t nang ang isang malinaw na kabanata ay ipinahayag sa kanila at ang Qital [pakikipaglaban sa Landas ng Allah] ay binanggit doon, iyong makikita yaong ang mga puso ay may sakit [ng pagkukunwari] na nakasulyap sa iyo - isang sulyap ng isang dinagit ng kamatayan. Kaya, ang higit na nararapat sa kanila ay,
طَاعَةٞ وَقَوۡلٞ مَّعۡرُوفٞۚ فَإِذَا عَزَمَ ٱلۡأَمۡرُ فَلَوۡ صَدَقُواْ ٱللَّهَ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ
Open ayah 47:21Ang pagsunod at mabuting salita. At kapag ang kapakanan [ukol sa Jihad] ay napagpasiyahan, [at] kung sila ay naging matapat [lamang] sa Allah, marahil ito ay higit sanang mabuti para sa kanila.
فَهَلۡ عَسَيۡتُمۡ إِن تَوَلَّيۡتُمۡ أَن تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَتُقَطِّعُوٓاْ أَرۡحَامَكُمۡ
Open ayah 47:22Kaya, magagawa ba ninyo, kung kayo ay magsitalikod, ang maghasik ng katiwalian sa kalupaan at putulin ang inyong [ugnayang] kamag- anakan?
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُ فَأَصَمَّهُمۡ وَأَعۡمَىٰٓ أَبۡصَٰرَهُمۡ
Open ayah 47:23Sila yaong mga isinumpa ng Allah, kaya sila ay ginawang mabingi at binulag ang kanilang mga paningin.
أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ ٱلۡقُرۡءَانَ أَمۡ عَلَىٰ قُلُوبٍ أَقۡفَالُهَآ
Open ayah 47:24Hindi ba nila napag-iisipan [nang buong puso] ang Qur’an, o ang kanila bang mga puso ay may mga susian [upang sila ay hindi makaunawa]?
إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱرۡتَدُّواْ عَلَىٰٓ أَدۡبَٰرِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡهُدَى ٱلشَّيۡطَٰنُ سَوَّلَ لَهُمۡ وَأَمۡلَىٰ لَهُمۡ
Open ayah 47:25Katotohanan, yaong mga nagsibalik [sa dating kawalan ng paniniwala] pagkaraang ang patnubay ay naging malinaw para sa kanila - sila ay inakit [o tinukso] ng satanas at pinatagal para sa kanila ang [huwad na] pag-asa.
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُواْ لِلَّذِينَ كَرِهُواْ مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ سَنُطِيعُكُمۡ فِي بَعۡضِ ٱلۡأَمۡرِۖ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِسۡرَارَهُمۡ
Open ayah 47:26Iyan ay sa dahilang sila ay nagsabi sa mga namumuhi sa anumang ibinaba [o ipinahayag] ng Allah, “Kami ay susunod sa inyo sa ibang bahagi ng kapakanang [nauukol dito].” Nguni’t nababatid ng Allah ang kanilang mga inililihim.
فَكَيۡفَ إِذَا تَوَفَّتۡهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَضۡرِبُونَ وُجُوهَهُمۡ وَأَدۡبَٰرَهُمۡ
Open ayah 47:27Kaya paano na nga, kapag sila ay kukunin ng mga anghel sa [oras ng] kamatayan, [sila ay] hinahampas sa kanilang mga mukha at sa kanilang mga likod?
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ ٱتَّبَعُواْ مَآ أَسۡخَطَ ٱللَّهَ وَكَرِهُواْ رِضۡوَٰنَهُۥ فَأَحۡبَطَ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Open ayah 47:28Iyan ay sa dahilang kanilang sinunod ang anumang ikinagalit ng Allah at kanilang kinamuhian ang [anumang] Kanyang ikinasisiya. Kaya, Kanyang ginawang walang halaga ang kanilang mga gawa.
أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ أَن لَّن يُخۡرِجَ ٱللَّهُ أَضۡغَٰنَهُمۡ
Open ayah 47:29O inaakala ba niyaong ang kanilang mga puso ay may sakit [ng pagkukunwari], na hindi isisiwalat ng Allah ang kanilang [kinikimkim na] suklam?
وَلَوۡ نَشَآءُ لَأَرَيۡنَٰكَهُمۡ فَلَعَرَفۡتَهُم بِسِيمَٰهُمۡۚ وَلَتَعۡرِفَنَّهُمۡ فِي لَحۡنِ ٱلۡقَوۡلِۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Open ayah 47:30At kung Aming ninais, sila ay magagawa Naming ipakita sa inyo, at sila ay inyong makikilala sa kanilang mga bakas; nguni't katiyakang sila ay inyong makikilala sa himig ng [kanilang mga] pananalita! At nababatid ng Allah ang inyong mga ginagawa.
وَلَنَبۡلُوَنَّكُمۡ حَتَّىٰ نَعۡلَمَ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ مِنكُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ وَنَبۡلُوَاْ أَخۡبَارَكُمۡ
Open ayah 47:31At katiyakan, kayo ay Aming susubukan hanggang Aming mapatunayan ang mga nagpunyaging kabilang sa inyo at [naging] matiisin, at Aming susubukan ang [tunay na layon ng] inyong mga gawa.
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَشَآقُّواْ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ لَن يَضُرُّواْ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗا وَسَيُحۡبِطُ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Open ayah 47:32Katotohanan, yaong mga di-naniwala, at humadlang [sa mga tao] mula sa Landas ng Allah, at sumalungat sa sugo pagkaraang ang patnubay ay naging malinaw sa kanila – kailanman ay hindi nila mapipinsala ang Allah sa anupaman, nguni’t gagawin Niyang walang halaga ang kanilang mga gawa.
۞يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَلَا تُبۡطِلُوٓاْ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Open ayah 47:33O kayong mga naniwala, sumunod kayo sa Allah, at sumunod kayo sa sugo at huwag ninyong sayangin ang inyong mga gawa.
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ مَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٞ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡ
Open ayah 47:34Katotohanan, yaong mga di-naniwala, at humadlang [sa mga tao] mula sa Landas ng Allah, pagkaraan ay namatay habang sila ay mga di- naniniwala, sila ay hindi kailanman patatawarin ng Allah.
فَلَا تَهِنُواْ وَتَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱلسَّلۡمِ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ وَٱللَّهُ مَعَكُمۡ وَلَن يَتِرَكُمۡ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Open ayah 47:35Kaya, huwag kayong panghinaan at [huwag] manawagan ng kapayapaan [sa kanila] habang kayo ay nangingibabaw. At ang Allah ay nasa sa inyo at kailanman ay hindi babawasin sa inyo ang [gantimpala ng] inyong mga gawa.
إِنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞۚ وَإِن تُؤۡمِنُواْ وَتَتَّقُواْ يُؤۡتِكُمۡ أُجُورَكُمۡ وَلَا يَسۡـَٔلۡكُمۡ أَمۡوَٰلَكُمۡ
Open ayah 47:36[Itong] buhay sa mundo ay isang libangan at aliwan lamang; nguni’t kung kayo ay maniwala at matakot [sa Allah], Kanyang ipagkakaloob sa inyo ang inyong mga gantimpala, at kayo ay hindi tatanungin [hinggil] sa inyong mga yaman.
إِن يَسۡـَٔلۡكُمُوهَا فَيُحۡفِكُمۡ تَبۡخَلُواْ وَيُخۡرِجۡ أَضۡغَٰنَكُمۡ
Open ayah 47:37Kung Siya man ay magtatanong sa inyo para sa mga [yamang] ito, at kayo ay pipilitin, maaaring ito ay inyong ipagkakait at Kanyang isisiwalat ang inyong pagkasuklam [o pagtutol ukol dito].
هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ تُدۡعَوۡنَ لِتُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَمِنكُم مَّن يَبۡخَلُۖ وَمَن يَبۡخَلۡ فَإِنَّمَا يَبۡخَلُ عَن نَّفۡسِهِۦۚ وَٱللَّهُ ٱلۡغَنِيُّ وَأَنتُمُ ٱلۡفُقَرَآءُۚ وَإِن تَتَوَلَّوۡاْ يَسۡتَبۡدِلۡ قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ ثُمَّ لَا يَكُونُوٓاْ أَمۡثَٰلَكُم
Open ayah 47:38Narito kayo! kayong mga inanyayahang gumugol para sa landas ng Allah, subali’t kabilang sa inyo ay yaong mga mapagkait [sanhi ng kasakiman]. At sinuman ang mapagkait, ay nagkait lamang para sa kanyang sariling [kawalan]. Subali’t ang Allah ay Mayaman samantalang kayo ay mga mahihirap. At kung kayo ay [tumangging] tumalikod, kayo ay papalitan Niya ng ibang mamamayang nakahihigit sa inyo; gayunpaman, sila ay hindi ninyo makakatulad [sa asal at gawa].