الفتح

Al-Fath

The Victory · Surah 48 · Ayahs: 29 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. إِنَّا فَتَحۡنَا لَكَ فَتۡحٗا مُّبِينٗا

    Open ayah 48:1

    Katotohanan, Aming ipinagkaloob ang tagumpay sa iyo [O Muhammad]

  2. لِّيَغۡفِرَ لَكَ ٱللَّهُ مَا تَقَدَّمَ مِن ذَنۢبِكَ وَمَا تَأَخَّرَ وَيُتِمَّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكَ وَيَهۡدِيَكَ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا

    Open ayah 48:2

    Upang patawarin ng Allah para sa iyo ang anumang nakaraan mong mga kasalanan [o pagkakamali] at ang anumang susunod at [upang] Kanyang lubusin ang Kanyang pagpapala sa iyo at ikaw ay patnubayan sa matuwid na landas.

  3. وَيَنصُرَكَ ٱللَّهُ نَصۡرًا عَزِيزًا

    Open ayah 48:3

    At [upang] ikaw ay tulungan ng Allah ng isang makapangyarihang tulong [o tagumpay].

  4. هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ ٱلسَّكِينَةَ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ لِيَزۡدَادُوٓاْ إِيمَٰنٗا مَّعَ إِيمَٰنِهِمۡۗ وَلِلَّهِ جُنُودُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا

    Open ayah 48:4

    Siya ang nagbaba ng katiwasayan sa mga puso ng mga naniniwala, upang Kanyang dagdagan ang kanilang pananampalataya nang higit sa kanilang [kasalukuyang Eeman] pananampalataya. At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] mga kawal sa mga kalangitan at sa kalupaan, at ang Allah ay Lagi nang Maalam, Tigib ng Karunungan.

  5. لِّيُدۡخِلَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا وَيُكَفِّرَ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عِندَ ٱللَّهِ فَوۡزًا عَظِيمٗا

    Open ayah 48:5

    [At] upang Kanyang papasukin ang mga naniniwalang lalaki at mga naniniwalang babae sa mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos upang doon sila ay mamalagi nang walang hanggan, at pawiin mula sa kanila ang kanilang mga kasalanan; - at iyan ay lagi nang, sa paningin ng Allah, isang dakilang tagumpay.

  6. وَيُعَذِّبَ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ وَٱلۡمُشۡرِكَٰتِ ٱلظَّآنِّينَ بِٱللَّهِ ظَنَّ ٱلسَّوۡءِۚ عَلَيۡهِمۡ دَآئِرَةُ ٱلسَّوۡءِۖ وَغَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ وَلَعَنَهُمۡ وَأَعَدَّ لَهُمۡ جَهَنَّمَۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرٗا

    Open ayah 48:6

    At [upang] Kanyang parusahan ang mga mapagkunwaring lalaki at mga mapagkunwaring babae, at ang mga lalaking nagtatambal [mushrik] at mga babaing nagtatambal [mushrikat], - yaong mga nag-aakala tungkol sa Allah ng masamang akala: sa kanila ay kasawiang likas na masama. At ang Allah ay napopoot sa kanila, at sila ay isinumpa at inihanda para sa kanila ang Impiyerno, at napakasama nito bilang isang patunguhan.

  7. وَلِلَّهِ جُنُودُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا

    Open ayah 48:7

    At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] mga kawal sa mga kalangitan at sa kalupaan. At ang Allah ay Lagi nang Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  8. إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ شَٰهِدٗا وَمُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا

    Open ayah 48:8

    Katotohanan, ikaw [O Muhammad] ay Aming ipinadala bilang isang saksi, at isang tagapaghatid ng magagandang balita at tagapagbabala.

  9. لِّتُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُعَزِّرُوهُ وَتُوَقِّرُوهُۚ وَتُسَبِّحُوهُ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلًا

    Open ayah 48:9

    Upang kayo [O, sangkatauhan] ay maniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, at [upang siya ay inyong] parangalan, at siya ay igalang, at luwalhatiin Siya [ang Allah] sa umaga at sa hapon.

  10. إِنَّ ٱلَّذِينَ يُبَايِعُونَكَ إِنَّمَا يُبَايِعُونَ ٱللَّهَ يَدُ ٱللَّهِ فَوۡقَ أَيۡدِيهِمۡۚ فَمَن نَّكَثَ فَإِنَّمَا يَنكُثُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَوۡفَىٰ بِمَا عَٰهَدَ عَلَيۡهُ ٱللَّهَ فَسَيُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا 

    Open ayah 48:10

    Katotohanan, yaong mga nagbibigay ng Bai‘ah [pangako ng katapatan] sa iyo [O Muhammad] – katunayan, sila ay nagbibigay lamang ng Bai’ah [para] sa Allah. Ang Kamay ng Allah ay nakapatong sa kanilang mga kamay. Kaya, sinuman ang sumira [ng kanyang pangako] ay sumira sa kanyang sariling [kapariwaraan]; at sinuman ang tumutupad sa anumang kanyang ipinagkasundo sa Allah, Kanyang ipagkakaloob sa kanya ang isang dakilang gantimpala.

  11. سَيَقُولُ لَكَ ٱلۡمُخَلَّفُونَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ شَغَلَتۡنَآ أَمۡوَٰلُنَا وَأَهۡلُونَا فَٱسۡتَغۡفِرۡ لَنَاۚ يَقُولُونَ بِأَلۡسِنَتِهِم مَّا لَيۡسَ فِي قُلُوبِهِمۡۚ قُلۡ فَمَن يَمۡلِكُ لَكُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔا إِنۡ أَرَادَ بِكُمۡ ضَرًّا أَوۡ أَرَادَ بِكُمۡ نَفۡعَۢاۚ بَلۡ كَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرَۢا

    Open ayah 48:11

    Silang mga nagpaiwan mula sa mga Arabo [bedouin] ay magsasabi sa iyo: “Ang aming mga ari-arian at ang aming mga mag-anak ay nakaabala sa amin, kaya hilingin mo [sa Allah] ang aming kapatawaran.” Sila ay nagsasabi sa kanilang mga dila ng anumang wala sa kanilang mga puso. Sabihin mo sa kanila: “Magkagayon, sino ang may taglay [na kapangyarihan] para sa inyo upang pigilin ang Allah sa anupaman kung Siya ay naglayon sa inyo ng pinsala o naglayon sa inyo ng buti? Nguni’t, ang Allah ay Lagi nang Nakababatid ng anumang inyong ginagawa.

  12. بَلۡ ظَنَنتُمۡ أَن لَّن يَنقَلِبَ ٱلرَّسُولُ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ إِلَىٰٓ أَهۡلِيهِمۡ أَبَدٗا وَزُيِّنَ ذَٰلِكَ فِي قُلُوبِكُمۡ وَظَنَنتُمۡ ظَنَّ ٱلسَّوۡءِ وَكُنتُمۡ قَوۡمَۢا بُورٗا

    Open ayah 48:12

    Nguni’t inyong inakala na ang Sugo at ang mga naniniwala ay hindi na makababalik pa sa kanilang mga mag-anak kailanman, at iyan ay ginawang kaakit-akit [ng satanas] sa inyong mga puso, at kayo ay nag- akala ng isang masamang akala at [kayo ay] naging mga taong napariwara.

  13. وَمَن لَّمۡ يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ فَإِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَعِيرٗا

    Open ayah 48:13

    At sinuman ang hindi maniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, magkagayon, katotohanan na Aming inihanda para sa mga di-naniniwala ang naglalagablab na Apoy.

  14. وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ يَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

    Open ayah 48:14

    At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan. Kanyang pinatatawad ang sinumang Kanyang nais, at pinarurusahan ang sinumang Kanyang nais. At ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain.

  15. سَيَقُولُ ٱلۡمُخَلَّفُونَ إِذَا ٱنطَلَقۡتُمۡ إِلَىٰ مَغَانِمَ لِتَأۡخُذُوهَا ذَرُونَا نَتَّبِعۡكُمۡۖ يُرِيدُونَ أَن يُبَدِّلُواْ كَلَٰمَ ٱللَّهِۚ قُل لَّن تَتَّبِعُونَا كَذَٰلِكُمۡ قَالَ ٱللَّهُ مِن قَبۡلُۖ فَسَيَقُولُونَ بَلۡ تَحۡسُدُونَنَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَفۡقَهُونَ إِلَّا قَلِيلٗا

    Open ayah 48:15

    Silang mga nagpaiwan ay magsasabi kapag inyong itatakdang likumin ang mga labi ng digmaan upang kuhanin: “Kami ay inyong hayaang makasunod sa inyo.” Sila ay naghahangad na baguhin ang salita ng Allah. Sabihin sa kanila: “Hindi kayo maaaring sumunod sa amin kailanman. Ganyan nga ang sinabi ng Allah nuon [pa man].” Kaya, sila ay magsasabi: “Kayo ay nang-iinggit sa amin!” Nguni’t, [ang katotohanan nito] sila ay hindi nakauunawa maliban sa bahagyang [pang-unawa] lamang.

  16. قُل لِّلۡمُخَلَّفِينَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ سَتُدۡعَوۡنَ إِلَىٰ قَوۡمٍ أُوْلِي بَأۡسٖ شَدِيدٖ تُقَٰتِلُونَهُمۡ أَوۡ يُسۡلِمُونَۖ فَإِن تُطِيعُواْ يُؤۡتِكُمُ ٱللَّهُ أَجۡرًا حَسَنٗاۖ وَإِن تَتَوَلَّوۡاْ كَمَا تَوَلَّيۡتُم مِّن قَبۡلُ يُعَذِّبۡكُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا

    Open ayah 48:16

    Sabihin sa mga [Arabong] bedouing nagpaiwan: “Kayo ay tatawagan [upang makipaglaban] sa mga mamamayang bihasa sa malalaking digmaan, kayo ay makipaglaban sa kanila at sila ay magsisisuko. Kaya, kung kayo ay sumunod, kayo ay bibigyan ng Allah ng isang mabuting gantimpala, nguni’t kung kayo ay magsitalikod katulad ng inyong [ginawang] pagtalikod nuong una, kayo ay Kanyang parurusahan ng isang mahapding parusa.

  17. لَّيۡسَ عَلَى ٱلۡأَعۡمَىٰ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡأَعۡرَجِ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرِيضِ حَرَجٞۗ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَمَن يَتَوَلَّ يُعَذِّبۡهُ عَذَابًا أَلِيمٗا

    Open ayah 48:17

    Walang pagkakasala sa mga bulag, at walang pagkakasala sa mga lumpo, at walang pagkakasala sa mga maysakit [na nagpaiwan]. At sinuman ang sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo - siya ay Kanyang papapasukin sa mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos; at sinuman ang tumalikod [sa kanyang pangako] – siya ay Kanyang parurusahan ng isang mahapding parusa.

  18. ۞لَّقَدۡ رَضِيَ ٱللَّهُ عَنِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ إِذۡ يُبَايِعُونَكَ تَحۡتَ ٱلشَّجَرَةِ فَعَلِمَ مَا فِي قُلُوبِهِمۡ فَأَنزَلَ ٱلسَّكِينَةَ عَلَيۡهِمۡ وَأَثَٰبَهُمۡ فَتۡحٗا قَرِيبٗا

    Open ayah 48:18

    Katiyakan, ang Allah ay nasisiyahan sa mga naniniwala nang sila ay nagbigay ng pangako ng katapatan sa iyo [O Muhammad] sa ilalim ng isang punongkahoy. At Kanyang nababatid ang anumang nasa kanilang mga puso kaya ibinaba Niya ang katiwasayan sa kanila at sila ay ginantimpalaan ng isang nalalapit na tagumpay [ang pananakop sa Makkah],

  19. وَمَغَانِمَ كَثِيرَةٗ يَأۡخُذُونَهَاۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا

    Open ayah 48:19

    At maraming labi [ng digmaan] ang kanilang makukuha. At ang Allah ay Laging Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng Karunungan.

  20. وَعَدَكُمُ ٱللَّهُ مَغَانِمَ كَثِيرَةٗ تَأۡخُذُونَهَا فَعَجَّلَ لَكُمۡ هَٰذِهِۦ وَكَفَّ أَيۡدِيَ ٱلنَّاسِ عَنكُمۡ وَلِتَكُونَ ءَايَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ وَيَهۡدِيَكُمۡ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا 

    Open ayah 48:20

    Ang Allah ay nangako sa inyo ng maraming labi [ng digmaan] na inyong makukuha [sa darating na panahon], at Kanyang inagapan para sa inyo ito [ang tagumpay], at Kanyang pinigilan ang mga kamay ng tao laban sa inyo - upang ito ay maging isang ayah [babala, aral] sa mga naniniwala, at [upang] kayo ay Kanyang patnubayan sa matuwid na landas.

  21. وَأُخۡرَىٰ لَمۡ تَقۡدِرُواْ عَلَيۡهَا قَدۡ أَحَاطَ ٱللَّهُ بِهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٗا

    Open ayah 48:21

    At [Kanyang ipinangako] ang ibang [tagumpay] na wala kayong kakayahan [sa ngayon upang mapag-isipan] [at ito ay] naitakda na ng Allah. At ang Allah ay Lagi nang may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.

  22. وَلَوۡ قَٰتَلَكُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوَلَّوُاْ ٱلۡأَدۡبَٰرَ ثُمَّ لَا يَجِدُونَ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا

    Open ayah 48:22

    At kung makipaglaban sa inyo yaong mga di-naniwalang [taga- Makkah], kanilang itatalikod ang kanilang mga likuran; Kaya, sila ay walang matatagpuang tagapangalaga o ng isang makatutulong.

  23. سُنَّةَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلُۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗا

    Open ayah 48:23

    [Ito] ang kaparaanan ng Allah [na umiral na] noon pa man. At kailanman, wala kang matatagpuang alinmang pagbabago sa kaparaanan [o landas] ng Allah.

  24. وَهُوَ ٱلَّذِي كَفَّ أَيۡدِيَهُمۡ عَنكُمۡ وَأَيۡدِيَكُمۡ عَنۡهُم بِبَطۡنِ مَكَّةَ مِنۢ بَعۡدِ أَنۡ أَظۡفَرَكُمۡ عَلَيۡهِمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرًا

    Open ayah 48:24

    At Siya ang pumipigil sa kanilang mga kamay laban sa inyo at sa inyong mga kamay laban sa kanila sa loob ng Makkah pagkaraan ay Kanyang ginawa na sila ay inyong magapi [at mabihag]. At ang Allah ay Lubos na Nakakikita sa anumang inyong ginagawa.

  25. هُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّوكُمۡ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَٱلۡهَدۡيَ مَعۡكُوفًا أَن يَبۡلُغَ مَحِلَّهُۥۚ وَلَوۡلَا رِجَالٞ مُّؤۡمِنُونَ وَنِسَآءٞ مُّؤۡمِنَٰتٞ لَّمۡ تَعۡلَمُوهُمۡ أَن تَطَـُٔوهُمۡ فَتُصِيبَكُم مِّنۡهُم مَّعَرَّةُۢ بِغَيۡرِ عِلۡمٖۖ لِّيُدۡخِلَ ٱللَّهُ فِي رَحۡمَتِهِۦ مَن يَشَآءُۚ لَوۡ تَزَيَّلُواْ لَعَذَّبۡنَا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابًا أَلِيمًا

    Open ayah 48:25

    Sila yaong mga di-naniwala at humadlang sa inyo mula sa Masjid Al Haram [sa Makkah] habang ang pag-aalay ay kanilang pinipigilan mula sa pagtungo sa pook ng pag-aalayan nito. At kung hindi lamang sa mga naniniwalang lalaki at sa mga naniniwalang babae [na nasa loob ng Makkah] na hindi ninyo nangakikilala na maaari ninyong yurakan [o tapakan] at maaaring maging sanhi ng inyong pagkakasala nang hindi ninyo sinasadya, [marahil kayo ay tinulutang pasukin ang Makkah]. [At mangyari nga] upang tanggapin ng Allah sa Kanyang habag ang sinumang Kanyang nais. Kung sila [mga naniniwala] ay nakahiwalay lamang [sa kanila], marahil ay Aming pinarusahan yaong mga kabilang sa kanila ng isang mahapding parusa.

  26. إِذۡ جَعَلَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡحَمِيَّةَ حَمِيَّةَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ فَأَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَعَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَأَلۡزَمَهُمۡ كَلِمَةَ ٱلتَّقۡوَىٰ وَكَانُوٓاْ أَحَقَّ بِهَا وَأَهۡلَهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا

    Open ayah 48:26

    Nang inilagay niyaong mga di-naniniwala sa kanilang mga puso ang Hameeyah [masidhing kapalaluan – masidhing kapalaluan ng panahon ng kamangmangan; magkagayon, ibinaba ng Allah ang katiwasayan sa Kanyang Sugo at sa mga naniniwala. At Kanyang ikinapit sa kanila ang salita ng Taqwa [mapitagang takot sa Allah] at sila ay higit na karapat- dapat [sa katangiang] ito at marapat para rito. At ang Allah ay Lagi nang Maalam sa lahat ng bagay.

  27. لَّقَدۡ صَدَقَ ٱللَّهُ رَسُولَهُ ٱلرُّءۡيَا بِٱلۡحَقِّۖ لَتَدۡخُلُنَّ ٱلۡمَسۡجِدَ ٱلۡحَرَامَ إِن شَآءَ ٱللَّهُ ءَامِنِينَ مُحَلِّقِينَ رُءُوسَكُمۡ وَمُقَصِّرِينَ لَا تَخَافُونَۖ فَعَلِمَ مَا لَمۡ تَعۡلَمُواْ فَجَعَلَ مِن دُونِ ذَٰلِكَ فَتۡحٗا قَرِيبًا

    Open ayah 48:27

    Katiyakan, ipinakita ng Allah sa Kanyang Sugo ang pangitain [o panaginip] sa katotohanan. Katiyakan, kung ipahihintulot ng Allah, kayo ay makapapasok sa Masjid Al Haram nang may kaligtasan - ahit ang inyong mga ulo at [buhok] na pinaikli na hindi pinangangambahan [ang sinuman]. Kanyang nababatid ang anumang hindi ninyo nababatid. At Kanyang ginawa [para sa inyo] ang isang nalalapit na tagumpay bago pa man iyan [ang pananakop sa Makkah].

  28. هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدٗا

    Open ayah 48:28

    Siya ang nagpadala ng Kanyang Sugo na may [kalakip na] patnubay at relihiyon ng katotohanan, upang ito ay gawin Niyang mangibabaw sa lahat ng mga relihiyon. At ang Allah ay Sapat na bilang Saksi.

  29. مُّحَمَّدٞ رَّسُولُ ٱللَّهِۚ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ أَشِدَّآءُ عَلَى ٱلۡكُفَّارِ رُحَمَآءُ بَيۡنَهُمۡۖ تَرَىٰهُمۡ رُكَّعٗا سُجَّدٗا يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٗاۖ سِيمَاهُمۡ فِي وُجُوهِهِم مِّنۡ أَثَرِ ٱلسُّجُودِۚ ذَٰلِكَ مَثَلُهُمۡ فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِۚ وَمَثَلُهُمۡ فِي ٱلۡإِنجِيلِ كَزَرۡعٍ أَخۡرَجَ شَطۡـَٔهُۥ فَـَٔازَرَهُۥ فَٱسۡتَغۡلَظَ فَٱسۡتَوَىٰ عَلَىٰ سُوقِهِۦ يُعۡجِبُ ٱلزُّرَّاعَ لِيَغِيظَ بِهِمُ ٱلۡكُفَّارَۗ وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِنۡهُم مَّغۡفِرَةٗ وَأَجۡرًا عَظِيمَۢا

    Open ayah 48:29

    Si Muhammad ay Sugo ng Allah. At yaong kanyang mga kasamahan ay mahigpit laban sa mga di-naniniwala, [nguni’t mahabagin sa isa’t isa [sa kapwa Muslim]. Sila ay inyong matatagpuang nagsisiyuko at nagsisipatirapa [sa pagdarasal o pagsamba], kanilang inaasam ang biyaya mula sa Allah at ang [Kanyang] kasiyahan. Ang tanda [ng Eeman] ay mababanaag sa kanilang mga mukha [o mga noo] mula sa bakas ng pagpapatirapa. Iyan ang kanilang kahalintulad [o paglalarawang inyong matatagpuan] sa Tawrah [ni Moises]. At ang kanilang kahalintulad [o paglalarawang inyong matatagpuan] sa Ebanghelyo [ni Hesus] ay tulad ng halaman na inuusbungan nito ng mga sanga at pinalalakas ang mga ito upang magsilaking matatag, at magsitayo sa kanilang mga katawan, nagbibigay kasiyahan sa mga manananim, upang gawin Niyang mapoot sa kanila ang mga di-naniniwala. At ang Allah ay nangako sa mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid na kabilang sa kanila - ng kapatawaran at [isang] dakilang gantimpala.