الحجرات

Al-Hujuraat

The Inner Apartments · Surah 49 · Ayahs: 18 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُقَدِّمُواْ بَيۡنَ يَدَيِ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

    Open ayah 49:1

    O kayong mga naniwala, huwag ninyong pangunahan ang Allah at ang Kanyang Sugo at inyong katakutan ang Allah. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.

  2. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَرۡفَعُوٓاْ أَصۡوَٰتَكُمۡ فَوۡقَ صَوۡتِ ٱلنَّبِيِّ وَلَا تَجۡهَرُواْ لَهُۥ بِٱلۡقَوۡلِ كَجَهۡرِ بَعۡضِكُمۡ لِبَعۡضٍ أَن تَحۡبَطَ أَعۡمَٰلُكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تَشۡعُرُونَ

    Open ayah 49:2

    O kayong mga naniwala, huwag ninyong itataas ang inyong mga tinig nang higit sa tinig ng Propeta, at huwag ninyong gagawing malakas ang pakikipag-usap sa kanya tulad ng [karaniwang] lakas ng ilan sa inyo sa iba, upang huwag na hindi mawalan ng halaga ang inyong mga gawa habang [ito ay] hindi ninyo namamalayan.

  3. إِنَّ ٱلَّذِينَ يَغُضُّونَ أَصۡوَٰتَهُمۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱمۡتَحَنَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمۡ لِلتَّقۡوَىٰۚ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٌ عَظِيمٌ

    Open ayah 49:3

    Katotohanan, yaong mga ibinababa ang kanilang mga tinig sa harap ng Sugo ng Allah, sila yaong ang kanilang mga puso ay nasubukan ng Allah sa [taglay nilang] Taqwa. Para sa kanila ay kapatawaran at isang dakilang gantimpala.

  4. إِنَّ ٱلَّذِينَ يُنَادُونَكَ مِن وَرَآءِ ٱلۡحُجُرَٰتِ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 49:4

    Katotohanan, yaong mga tumatawag sa iyo [O Muhammad] mula sa likuran ng iyong mga pinamamahayanan [silid] - karamihan sa kanila ay walang pang-unawa.

  5. وَلَوۡ أَنَّهُمۡ صَبَرُواْ حَتَّىٰ تَخۡرُجَ إِلَيۡهِمۡ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 49:5

    At kung sila ay naging matiisin hanggang ikaw ay lumabas [at makiharap] sa kanila, marahil ito ay higit sanang mabuti para sa kanila. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  6. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن جَآءَكُمۡ فَاسِقُۢ بِنَبَإٖ فَتَبَيَّنُوٓاْ أَن تُصِيبُواْ قَوۡمَۢا بِجَهَٰلَةٖ فَتُصۡبِحُواْ عَلَىٰ مَا فَعَلۡتُمۡ نَٰدِمِينَ

    Open ayah 49:6

    O kayong mga naniwala, kung ang isang suwail ay dumating sa inyo na may dalang balita, siyasatin [ang katotohanan nito] upang hindi mangyaring inyong mapinsala [o masaktan] ang isang mamamayan [bunga] ng kamangmangan [at] sa gayon ay inyong pagsisihan ang anumang inyong nagawa.

  7. وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ فِيكُمۡ رَسُولَ ٱللَّهِۚ لَوۡ يُطِيعُكُمۡ فِي كَثِيرٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِ لَعَنِتُّمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ حَبَّبَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡإِيمَٰنَ وَزَيَّنَهُۥ فِي قُلُوبِكُمۡ وَكَرَّهَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡكُفۡرَ وَٱلۡفُسُوقَ وَٱلۡعِصۡيَانَۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلرَّٰشِدُونَ

    Open ayah 49:7

    At [dapat ninyong] malaman na kabilang sa inyo ay ang Sugo ng Allah. Kung kayo ay kanyang susundin sa karamihan ng inyong mga gawain, kayo ay hahantong sa kahirapan. Nguni’t, ginawang mapamahal ng Allah ang Eeman [pananampalataya] sa inyo at ito ay ginawang maganda [o kasiya- siya] sa inyong mga puso, at ginawa [namang] kamuhi-muhi sa inyo ang Kufr [kawalan ng paniniwala], ang paghihimagsik at ang pagsuway. Sila yaong mga [matwid na] napatnubayan.

  8. فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَنِعۡمَةٗۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

    Open ayah 49:8

    [Ito ay] isang biyaya mula sa Allah at pagpapala [sa inyo]. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.

  9. وَإِن طَآئِفَتَانِ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱقۡتَتَلُواْ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَاۖ فَإِنۢ بَغَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا عَلَى ٱلۡأُخۡرَىٰ فَقَٰتِلُواْ ٱلَّتِي تَبۡغِي حَتَّىٰ تَفِيٓءَ إِلَىٰٓ أَمۡرِ ٱللَّهِۚ فَإِن فَآءَتۡ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَا بِٱلۡعَدۡلِ وَأَقۡسِطُوٓاْۖ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ

    Open ayah 49:9

    At kung ang dalawang pangkat na kabilang sa mga naniniwala ay maglaban, samakatwid gumawa ng [hakbanging] pagsasaayos sa pagitan ng dalawa. Subali’t kung ang isa sa dalawa ay nilalapastangan ang isa, samakatwid, makipaglaban kayo sa isang lumalapastangan hanggang ito ay manumbalik sa kautusan ng Allah. Kung ito ay manumbalik, magkagayon, gumawa ng pakikipag-ayos sa pagitan ng dalawa nang makatarungan at pantay. Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa mga makatarungan.

  10. إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ إِخۡوَةٞ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَ أَخَوَيۡكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ 

    Open ayah 49:10

    Katotohanan, ang [tunay na] mga magkakapatid ay yaon lamang mga naniniwala [sa Allah]. Kaya, gumawa ng pakikipagkasundo sa inyong mga kapatid, at matakot kayo sa Allah upang kayo ay Kanyang kahabagan.

  11. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَسۡخَرۡ قَوۡمٞ مِّن قَوۡمٍ عَسَىٰٓ أَن يَكُونُواْ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا نِسَآءٞ مِّن نِّسَآءٍ عَسَىٰٓ أَن يَكُنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهُنَّۖ وَلَا تَلۡمِزُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ وَلَا تَنَابَزُواْ بِٱلۡأَلۡقَٰبِۖ بِئۡسَ ٱلِٱسۡمُ ٱلۡفُسُوقُ بَعۡدَ ٱلۡإِيمَٰنِۚ وَمَن لَّمۡ يَتُبۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

    Open ayah 49:11

    O kayong mga naniwala, huwag na ang isang mamamayan ay hamakin ang [ibang] mamamayan, maaaring sila ay higit na mabuti kaysa sa kanila. At maging [ang ilan] sa kababaihan ay huwag hamakin ang [ibang] kababaihan, maaaring sila ay higit na mabuti kaysa sa kanila. Huwag mangutya sa isa’t isa at huwag tawagin ang isa’t isa [sa nakasasakit] na mga palayaw. Napakasama ng pangalan [na nagpapahiwatig] ng pagsuway pagkaraan ng [kanyang] paniniwala. At sinuman ang hindi magsisisi - magkagayon, sila yaong mga mapaggawa ng kamalian.

  12. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱجۡتَنِبُواْ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلظَّنِّ إِنَّ بَعۡضَ ٱلظَّنِّ إِثۡمٞۖ وَلَا تَجَسَّسُواْ وَلَا يَغۡتَب بَّعۡضُكُم بَعۡضًاۚ أَيُحِبُّ أَحَدُكُمۡ أَن يَأۡكُلَ لَحۡمَ أَخِيهِ مَيۡتٗا فَكَرِهۡتُمُوهُۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ تَوَّابٞ رَّحِيمٞ

    Open ayah 49:12

    O kayong mga naniwala, inyong iwasan ang labis na hinala ; sapagka’t ang ibang hinala ay kasalanan. At huwag kayong maniktik o manirang puri sa isa’t isa. Nais ba ng isa sa inyo na kainin ang laman ng patay niyang kapatid? [Katiyakang] ito ay inyong kamumuhian. At matakot kayo sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay [Siyang] tumatanggap ng pagsisisi, Maawain.

  13. يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّا خَلَقۡنَٰكُم مِّن ذَكَرٖ وَأُنثَىٰ وَجَعَلۡنَٰكُمۡ شُعُوبٗا وَقَبَآئِلَ لِتَعَارَفُوٓاْۚ إِنَّ أَكۡرَمَكُمۡ عِندَ ٱللَّهِ أَتۡقَىٰكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٞ

    Open ayah 49:13

    O sangkatauhan, kayo ay Aming nilikha mula sa lalaki at babae, at kayo ay Aming ginawang mga pamayanan at mga tribu, upang kayo ay mangagkakilala. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa [paningin ng] Allah ay ang may [taglay na] takot [sa Kanya]. Katotohanan, ang Allah ay Maalam, Lubos na Nakababatid.

  14. ۞قَالَتِ ٱلۡأَعۡرَابُ ءَامَنَّاۖ قُل لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ وَلَٰكِن قُولُوٓاْ أَسۡلَمۡنَا وَلَمَّا يَدۡخُلِ ٱلۡإِيمَٰنُ فِي قُلُوبِكُمۡۖ وَإِن تُطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ لَا يَلِتۡكُم مِّنۡ أَعۡمَٰلِكُمۡ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

    Open ayah 49:14

    Ang mga [Arabong] bedouin ay nagsasabing: “Kami ay naniwala.” Sabihin: “Hindi [pa] kayo naniwala, nguni’t [sa halip] sabihin ninyo, “Kami ay tumalima,” sapagka’t ang Eeman [pananampalataya] ay hindi pa pumasok sa inyong mga puso. Nguni’t kung inyong susundin ang Allah at ang Kanyang Sugo, hindi Niya ipagkakait ang anupamang [gantimpala] mula sa inyong mga gawa. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.’

  15. إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ثُمَّ لَمۡ يَرۡتَابُواْ وَجَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصَّٰدِقُونَ

    Open ayah 49:15

    Katotohanan, ang mga [maituturing bilang] naniniwala ay yaong [tapat na] naniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, at pagkaraan ay hindi nag- alinlangan bagkus sila ay nagpupunyagi [at nakikipaglaban] sa pamamagitan ng kanilang yaman at ng kanilang mga buhay para sa Landas ng Allah. Sila yaong mga makatotohanan.

  16. قُلۡ أَتُعَلِّمُونَ ٱللَّهَ بِدِينِكُمۡ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

    Open ayah 49:16

    Sabihin: “Ipaaalam ba ninyo sa Allah ang inyong relihiyon samantalang ang Allah ay nakababatid ng anumang nasa mga kalangitan at ng anumang nasa kalupaan, at ang Allah ay Lubos na Nababatid ang lahat ng bagay.”

  17. يَمُنُّونَ عَلَيۡكَ أَنۡ أَسۡلَمُواْۖ قُل لَّا تَمُنُّواْ عَلَيَّ إِسۡلَٰمَكُمۖ بَلِ ٱللَّهُ يَمُنُّ عَلَيۡكُمۡ أَنۡ هَدَىٰكُمۡ لِلۡإِيمَٰنِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 49:17

    Kanilang itinuturing ito bilang kabutihang-loob sa iyo [O Muhammad] na sila ay yumakap sa Islam. Sabihin: “Huwag ninyong ituring ang inyong pagyakap sa Islam bilang kabutihang-loob sa akin. Bagkus, ang Allah ay naggawad ng kabutihang-loob sa inyo na kayo ay Kanyang pinatnubayan tungo sa paniniwala, kung tunay nga na kayo ay makatotohanan.”

  18. إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ غَيۡبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 49:18

    Katotohanan, nababatid ng Allah ang mga di-nakikitang [bahagi] ng mga kalangitan at ng kalupaan. At ang Allah ay Lubos na Nakikita ang inyong mga ginagawa.