ق

Qaaf

The letter Qaaf · Surah 50 · Ayahs: 45 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. قٓۚ وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡمَجِيدِ

    Open ayah 50:1

    Qaf. [Isinusumpa Ko] sa marangal na Qur’an...

  2. بَلۡ عَجِبُوٓاْ أَن جَآءَهُم مُّنذِرٞ مِّنۡهُمۡ فَقَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا شَيۡءٌ عَجِيبٌ

    Open ayah 50:2

    Subali’t, sila [mga Tribu ng Quraish] ay namangha nang may dumating sa kanila na isang tagapagbabala mula sa kanilang [lahi]. Kaya, ang mga di- naniniwala ay nagsabing: “Ito ay isang kamangha-manghang bagay!”

  3. أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗاۖ ذَٰلِكَ رَجۡعُۢ بَعِيدٞ

    Open ayah 50:3

    “Kapag kami ay nangamatay na at maging alabok [kami ba ay muling bubuhayin?] Iyan ay [isang] pagbabalik na malayong [maganap].”

  4. قَدۡ عَلِمۡنَا مَا تَنقُصُ ٱلۡأَرۡضُ مِنۡهُمۡۖ وَعِندَنَا كِتَٰبٌ حَفِيظُۢ

    Open ayah 50:4

    Katiyakan, Aming nababatid kung ano ang ibinabawas [o ginagawa] ng lupa [sa kanilang mga patay na katawan], at nasa Amin ang isang talaan na nag-iingat.

  5. بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ فَهُمۡ فِيٓ أَمۡرٖ مَّرِيجٍ

    Open ayah 50:5

    Subali’t, kanilang itinakwil ang katotohanan nang ito ay dumating sa kanila, kaya sila ay nasa nakalilitong katayuan.

  6. أَفَلَمۡ يَنظُرُوٓاْ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَوۡقَهُمۡ كَيۡفَ بَنَيۡنَٰهَا وَزَيَّنَّٰهَا وَمَا لَهَا مِن فُرُوجٖ

    Open ayah 50:6

    Hindi ba nila sinusulyapan ang kalangitang nasa kanilang itaas, kung paano Namin ito itinayo at pinalamutian ito, at [paanong] ito ay walang [makikitang] siwang [o awang]?

  7. وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجِۭ بَهِيجٖ

    Open ayah 50:7

    At ang kalupaan – ito ay Aming inilatag [nang malawak] at nagtirik doon ng mga bundok na matatag, at doon ay nagpatubo ng bawa’t uri ng naggagandahang [mga halamang] magkakapares.

  8. تَبۡصِرَةٗ وَذِكۡرَىٰ لِكُلِّ عَبۡدٖ مُّنِيبٖ

    Open ayah 50:8

    [Ito ay bilang] isang [magandang] tanawin at isang babala sa bawa’t alipin [tao] na nagbabalik-loob [sa Allah].

  9. وَنَزَّلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ مُّبَٰرَكٗا فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ جَنَّٰتٖ وَحَبَّ ٱلۡحَصِيدِ

    Open ayah 50:9

    At Aming ibinaba ang pinagpalang ulan mula sa langit, at Aming pinangyaring tumubo sa pamamagitan nito ang mga halamanan at mga butil na pag-aanihan.

  10. وَٱلنَّخۡلَ بَاسِقَٰتٖ لَّهَا طَلۡعٞ نَّضِيدٞ 

    Open ayah 50:10

    At ang mga nagtataasang puno ng datiles na [hitik sa] mga bungang nagkakalipumpunan -

  11. رِّزۡقٗا لِّلۡعِبَادِۖ وَأَحۡيَيۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗاۚ كَذَٰلِكَ ٱلۡخُرُوجُ

    Open ayah 50:11

    [Bilang] panustos para sa mga alipin [ng Allah]. At Aming binigyang buhay sa pamamagitan nito ang [dati ay] tigang na lupa. Ganyan [nahahalintulad] ang paglabas [ng mga patay mula sa mga libingan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli].

  12. كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَأَصۡحَٰبُ ٱلرَّسِّ وَثَمُودُ

    Open ayah 50:12

    Ang mga mamamayan ni Noah ay naunang nagtakwil sa kanila, at ang mga naninirahan sa [bayan ng] Rass at ang [Tribu ng] Thamud;

  13. وَعَادٞ وَفِرۡعَوۡنُ وَإِخۡوَٰنُ لُوطٖ

    Open ayah 50:13

    At ang [mga mamamayan ng] ‘Aad, at si Paraon, at ang mga kapatid [o mga mamamayan] ni Lot;

  14. وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ وَقَوۡمُ تُبَّعٖۚ كُلّٞ كَذَّبَ ٱلرُّسُلَ فَحَقَّ وَعِيدِ

    Open ayah 50:14

    At ang mga naninirahan sa mga kakahuyan [i.e.Aykah] at ang mga mamamayan ng Tubba.’ Lahat ay nagtakwil sa [kanilang] mga sugo, kaya ang Aking banta [babala ng parusa] ay makatuwirang ipinatupad.

  15. أَفَعَيِينَا بِٱلۡخَلۡقِ ٱلۡأَوَّلِۚ بَلۡ هُمۡ فِي لَبۡسٖ مِّنۡ خَلۡقٖ جَدِيدٖ

    Open ayah 50:15

    “Kami ba ay nabigo sa unang paglikha? [Hindi!] Subali’t, sila ay nasa kalituhan tungkol sa panibagong paglikha [sa Araw ng Pagkabuhay na Muli].

  16. وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ وَنَعۡلَمُ مَا تُوَسۡوِسُ بِهِۦ نَفۡسُهُۥۖ وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنۡ حَبۡلِ ٱلۡوَرِيدِ

    Open ayah 50:16

    At katiyakang Aming nilikha ang tao, at Aming nababatid kung ano ang ibinubulong ng kanyang kaluluwa sa kanya. At Kami ay malapit sa kanya nang higit kaysa sa litid ng ugat [sa kanyang leeg].

  17. إِذۡ يَتَلَقَّى ٱلۡمُتَلَقِّيَانِ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ قَعِيدٞ

    Open ayah 50:17

    [Alalahanin] kapag ang dalawang tagapagtanggap [mga anghel na tagapagtala] ay tumatanggap [at nagtatala ng bawa’t gawa], nakaupo [ang isa] sa kanan at [ang isa ay] sa kaliwa.

  18. مَّا يَلۡفِظُ مِن قَوۡلٍ إِلَّا لَدَيۡهِ رَقِيبٌ عَتِيدٞ

    Open ayah 50:18

    Siya [ang tao] ay walang namumutawing isa mang salita malibang kasama nito ang isang tagapagmasid sa kanya na handang [magtala ng kanyang mga gawa].

  19. وَجَآءَتۡ سَكۡرَةُ ٱلۡمَوۡتِ بِٱلۡحَقِّۖ ذَٰلِكَ مَا كُنتَ مِنۡهُ تَحِيدُ

    Open ayah 50:19

    At ang pagkaaligaga [pagiging tuliro] sa kamatayan ay magdadala ng katotohanan; “Iyan ang anumang iyong tinatangkaang iwasan.”

  20. وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡوَعِيدِ 

    Open ayah 50:20

    At ang tambuli ay hihipan - iyan ang Araw ng [katuparan ng] banta [o babala].

  21. وَجَآءَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّعَهَا سَآئِقٞ وَشَهِيدٞ

    Open ayah 50:21

    At bawa’t kaluluwa [tao] ay darating, kasama nito ang isang [anghel na] magtataboy [sa kanya] at isang [anghel na] sasaksi.

  22. لَّقَدۡ كُنتَ فِي غَفۡلَةٖ مِّنۡ هَٰذَا فَكَشَفۡنَا عَنكَ غِطَآءَكَ فَبَصَرُكَ ٱلۡيَوۡمَ حَدِيدٞ

    Open ayah 50:22

    [At ito ang sasabihin]: Katiyakan ikaw ay hindi nagbigay-pansin tungkol dito; at Aming hinawi mula sa iyo ang iyong kubling-takip , kaya ang iyong paningin sa Araw na ito ay matalim.”

  23. وَقَالَ قَرِينُهُۥ هَٰذَا مَا لَدَيَّ عَتِيدٌ

    Open ayah 50:23

    At ang kanyang kasama [na anghel] ay magsasabi: “Ito ang aking [itinalang mga gawa] na nakahanda [para sa iyo].

  24. أَلۡقِيَا فِي جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيدٖ

    Open ayah 50:24

    [Ang Allah ay magsasabi sa mga anghel]: “Itapon sa Impiyerno ang bawa’t mapaniil [matigas ang loob] na di-naniwala!

  25. مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٖ مُّرِيبٍ

    Open ayah 50:25

    [Siya na] tagapaghadlang ng kabutihan, ang mapanlabag, [at] ang mapag-alinlangan,”

  26. ٱلَّذِي جَعَلَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَأَلۡقِيَاهُ فِي ٱلۡعَذَابِ ٱلشَّدِيدِ

    Open ayah 50:26

    [Siya] na gumawang [mag-akibat] sa Allah ng ibang diyos [bilang Kanyang kapantay]. Kaya, siya ay inyong itapon sa masidhing parusa.”

  27. ۞قَالَ قَرِينُهُۥ رَبَّنَا مَآ أَطۡغَيۡتُهُۥ وَلَٰكِن كَانَ فِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٖ

    Open ayah 50:27

    Ang kanyang kasamahan [na demonyo] ay magsasabi: “Aming Panginoon, hindi ko siya ginawang sumuway, bagkus siya [sa kanyang sarili] ay nasa malayong pagkaligaw.”

  28. قَالَ لَا تَخۡتَصِمُواْ لَدَيَّ وَقَدۡ قَدَّمۡتُ إِلَيۡكُم بِٱلۡوَعِيدِ

    Open ayah 50:28

    [Ang Allah ay] magsasabi: “Huwag kayong magtalo sa Aking harapan, sapagka’t katiyakan na Aking ipinakita [noon pa man] sa inyo ang banta [o babala].

  29. مَا يُبَدَّلُ ٱلۡقَوۡلُ لَدَيَّ وَمَآ أَنَا۠ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ

    Open ayah 50:29

    Ang salita [ng paghatol] ay hindi magbabago sa Akin, at [kailanman] Ako ay hindi naging di-makatarungan sa Aking mga alipin.”

  30. يَوۡمَ نَقُولُ لِجَهَنَّمَ هَلِ ٱمۡتَلَأۡتِ وَتَقُولُ هَلۡ مِن مَّزِيدٖ 

    Open ayah 50:30

    Sa Araw na Aming sasabihin sa Impiyerno: “Ikaw ba ay napuno na? Ito ay magsasabi: Mayroon pa bang [iba na darating]?”

  31. وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ غَيۡرَ بَعِيدٍ

    Open ayah 50:31

    At ang Paraiso ay ilalapit sa mga natatakot [sa Allah] sa di-kalayuan.

  32. هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِكُلِّ أَوَّابٍ حَفِيظٖ

    Open ayah 50:32

    [At sasabihin sa kanila]. “Ito ang anumang ipinangako sa inyo - [inilaan] para sa bawa't nagbabalik-loob [sa Allah], at nag-iingat [sa Kanyang kasunduan].

  33. مَّنۡ خَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِ وَجَآءَ بِقَلۡبٖ مُّنِيبٍ

    Open ayah 50:33

    [Sila yaong tunay na] kinatakutan ang di-nakikitang Mahabagin [ang Allah] at dumating na may pusong nagbabalik-loob [sa pagsisisi].

  34. ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٖۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُلُودِ

    Open ayah 50:34

    “Humayo kayong magsipasok dito [sa hardin ng Paraiso] nang mapayapa, iyan ang Araw ng Walang Hanggan.”

  35. لَهُم مَّا يَشَآءُونَ فِيهَا وَلَدَيۡنَا مَزِيدٞ

    Open ayah 50:35

    Kanilang makakamit ang anumang kanilang naisin dito, at sa Amin ay mayroong karagdagang [laang] iba pa.

  36. وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَشَدُّ مِنۡهُم بَطۡشٗا فَنَقَّبُواْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ هَلۡ مِن مَّحِيصٍ

    Open ayah 50:36

    At ilang henerasyon [o salin-lahi] na ba ang Aming winasak nang una sa kanila, [sila ay] higit na malakas sa kapangyarihan kaysa sa kanila? At [nang ang Aming parusa ay ipinatupad], sila ay nagsitakas sa mga lupain. Mayroon bang isang pook para makatakas?

  37. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكۡرَىٰ لِمَن كَانَ لَهُۥ قَلۡبٌ أَوۡ أَلۡقَى ٱلسَّمۡعَ وَهُوَ شَهِيدٞ

    Open ayah 50:37

    Katotohanan, naririto ang isang paalaala para sa sinumang may pusong [nakauunawa] at nakikinig habang siya ay nagbibigay-pansin.

  38. وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ وَمَا مَسَّنَا مِن لُّغُوبٖ

    Open ayah 50:38

    At katiyakan, Aming nilikha ang mga kalangitan at ang kalupaan at ang anumang nasa pagitan ng mga ito sa [loob ng] anim na araw. At Kami ay walang nadaramang kapaguran [mula sa paglikha] nito.

  39. فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ ٱلۡغُرُوبِ

    Open ayah 50:39

    Kaya, magtiis ka [O, Muhammad] sa anumang kanilang sinasabi. At luwalhatiin mo ang mga papuri ng iyong Panginoon bago sumikat ang araw at bago ang paglubog nito.

  40. وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَأَدۡبَٰرَ ٱلسُّجُودِ 

    Open ayah 50:40

    At sa [ilang] bahagi ng gabi, luwalhatiin mo ang Kanyang mga papuri at gayon din pagkaraan ng iyong mga pagpapatirapa.

  41. وَٱسۡتَمِعۡ يَوۡمَ يُنَادِ ٱلۡمُنَادِ مِن مَّكَانٖ قَرِيبٖ

    Open ayah 50:41

    At makinig sa Araw na [iyon] kapag ang tagatawag [ang Anghel Israfeel ] ay manawagan mula sa malapit na kinaroroonan.

  42. يَوۡمَ يَسۡمَعُونَ ٱلصَّيۡحَةَ بِٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُرُوجِ

    Open ayah 50:42

    Sa Araw na [iyon] kanilang maririnig ang as-sayhah ng katotohanan: iyan ang Araw ng Paglabas [ng mga patay mula sa mga libingan].

  43. إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَإِلَيۡنَا ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 50:43

    Katotohanan, Kami ang magbibigay ng buhay at [Kami rin] ang magdudulot ng kamatayan; at sa Amin ang huling patutunguhan.

  44. يَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلۡأَرۡضُ عَنۡهُمۡ سِرَاعٗاۚ ذَٰلِكَ حَشۡرٌ عَلَيۡنَا يَسِيرٞ

    Open ayah 50:44

    Sa Araw na [iyon] ang lupa ay mabibiyak mula sa kanila, [at sila ay maglalabasan sa mga libingan na] humahangos. Iyan ang pagtitipon na magaan sa Amin [para gawin].

  45. نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِجَبَّارٖۖ فَذَكِّرۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مَن يَخَافُ وَعِيدِ

    Open ayah 50:45

    Kami ang higit na nakababatid sa anumang kanilang sinasabi. At ikaw [O Muhammad] ay hindi isang tagapilit sa kanila [upang sila ay maniwala]. Subali’t, iyong paalalahanan sa pamamagitan ng Qur’an ang sinumang [tunay na] natatakot sa Aking banta [o babala].