الذاريات

Adh-Dhaariyat

The Winnowing Winds · Surah 51 · Ayahs: 60 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَٱلذَّٰرِيَٰتِ ذَرۡوٗا

    Open ayah 51:1

    [Isinusumpa Ko] sa mga [hangin na] nagkakalat [ng alikabok].

  2. فَٱلۡحَٰمِلَٰتِ وِقۡرٗا

    Open ayah 51:2

    At sa mga [ulap na] nagbubuhat ng mabigat na pasanin [ng ulan].

  3. فَٱلۡجَٰرِيَٰتِ يُسۡرٗا

    Open ayah 51:3

    At sa mga [sasakyang dagat na] naglalayag nang matiwasay.

  4. فَٱلۡمُقَسِّمَٰتِ أَمۡرًا

    Open ayah 51:4

    At sa mga [anghel na] namamahagi ng [bawa’t] gawain [o kautusan].

  5. إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقٞ

    Open ayah 51:5

    Katotohanan, anumang ipinangako sa inyo ay sadyang totoo.

  6. وَإِنَّ ٱلدِّينَ لَوَٰقِعٞ

    Open ayah 51:6

    At katotohanan, ang pagbabayad ay tiyak na magaganap.

  7. وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡحُبُكِ

    Open ayah 51:7

    [Isinusumpa Ko] sa kalangitang tigib ng mga [masasalimuot na] landasin.

  8. إِنَّكُمۡ لَفِي قَوۡلٖ مُّخۡتَلِفٖ

    Open ayah 51:8

    Katotohanan, kayo ay nasa nagkakaiba-ibang pananalita.

  9. يُؤۡفَكُ عَنۡهُ مَنۡ أُفِكَ

    Open ayah 51:9

    [Ang sinumang] napaglalangang papalayo mula rito [sa Qur’an] - ay siyang napaglalangang inilayo [ng satanas mula sa tamang patnubay].

  10. قُتِلَ ٱلۡخَرَّٰصُونَ 

    Open ayah 51:10

    Sumpa sa mga mapaggawa ng haka-haka]!

  11. ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي غَمۡرَةٖ سَاهُونَ

    Open ayah 51:11

    [Sila] yaong mga nasa baha ng [kalituhan at] kapabayaan [sanhi ng agam-agam at kawalan ng pagpapahalaga sa kabilang buhay].

  12. يَسۡـَٔلُونَ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلدِّينِ

    Open ayah 51:12

    Sila ay nagtatanong: “Kailan nga ba ang Araw ng Pagbabayad?”

  13. يَوۡمَ هُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ يُفۡتَنُونَ

    Open ayah 51:13

    [Ito ang] Araw na sila ay pagdurusahin [at susunugin] sa Apoy.

  14. ذُوقُواْ فِتۡنَتَكُمۡ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ

    Open ayah 51:14

    [At ito ang sasabihin sa kanila] “Inyong lasapin ang inyong pagdurusang [kasakit-sakit]! Ito ang lagi ninyong [hinihiling na] madaliin!”

  15. إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ

    Open ayah 51:15

    Katotohanan, ang mga natatakot [sa Allah] ay nasa [gitna ng] mga hardin at ng mga bukal [ng tubig sa Paraiso],

  16. ءَاخِذِينَ مَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُحۡسِنِينَ

    Open ayah 51:16

    [Doon ay kanilang] tinatamasa ang anumang [biyayang] ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Panginoon. Katotohanan, bago pa man iyan, sila ay mga mapaggawa na ng kabutihan [noon pa man].

  17. كَانُواْ قَلِيلٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِ مَا يَهۡجَعُونَ

    Open ayah 51:17

    [Sila ay] lagi nang umiidlip ng kaunti sa gabi.

  18. وَبِٱلۡأَسۡحَارِ هُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ

    Open ayah 51:18

    At sa mga oras [ng gabi] bago sumapit ang madaling araw, sila ay [mapagkumbabang] nagsusumamo ng kapatawaran,

  19. وَفِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ

    Open ayah 51:19

    At sa kanilang yaman ay may karapatang bahaging [ibinibigay] para sa mga namamalimos at mga kapus-palad.

  20. وَفِي ٱلۡأَرۡضِ ءَايَٰتٞ لِّلۡمُوقِنِينَ 

    Open ayah 51:20

    At sa kalupaan ay mga ayaat [palatandaan] para sa mga may katiyakan [sa pananampalataya].

  21. وَفِيٓ أَنفُسِكُمۡۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ

    Open ayah 51:21

    At [maging] sa inyong mga sarili. Hindi ba ninyo, kung gayon, nakikita?

  22. وَفِي ٱلسَّمَآءِ رِزۡقُكُمۡ وَمَا تُوعَدُونَ

    Open ayah 51:22

    At sa kalangitan ay may laang-panustos sa inyo, at sa anumang sa inyo ay ipinangako.

  23. فَوَرَبِّ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِنَّهُۥ لَحَقّٞ مِّثۡلَ مَآ أَنَّكُمۡ تَنطِقُونَ

    Open ayah 51:23

    Kaya, [Ako ay sumusumpa bilang] Panginoon ng kalangitan at kalupaan, katiyakang ito ang katotohanan – tulad [ng katiyakang] kayo ay nagsasalita.

  24. هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ

    Open ayah 51:24

    Hindi ba nakarating sa iyo [O Muhammad] ang kasaysayan ng mga mararangal na panauhin ni Abraham [ang mga anghel]? -

  25. إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ

    Open ayah 51:25

    Nang sila ay pumasok [at nakiharap] sa kanya at sila ay bumati ng: “Sumaiyo ang kapayapaan.” At siya [si Abraham] ay sumagot [ng pagbating]: “Ang kapayapaan [ay sumainyo rin],” [kayo ay]: “mga taong hindi [ko] nangakikilala.”

  26. فَرَاغَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ فَجَآءَ بِعِجۡلٖ سَمِينٖ

    Open ayah 51:26

    Pagkaraan, siya ay sumaglit sa kanyang mag-anak, at dumating na may dala-dalang isang inihaw na matabang baka [bilang paanyaya sa mga panauhin].

  27. فَقَرَّبَهُۥٓ إِلَيۡهِمۡ قَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ

    Open ayah 51:27

    At ito ay kanyang inilapit [o inihain] sa kanila at nagsabing: “Hindi ba kayo magsisikain?”

  28. فَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ

    Open ayah 51:28

    [Nang sila ay hindi nagsikain] siya ay nakaramdam mula sa kanila ng pangamba. [Nguni’t] sila ay nagsabi: “Huwag kang mangamba!” At siya ay binigyan ng magandang balita ng pagkakaroon niya ng isang matalinong anak na lalaki.

  29. فَأَقۡبَلَتِ ٱمۡرَأَتُهُۥ فِي صَرَّةٖ فَصَكَّتۡ وَجۡهَهَا وَقَالَتۡ عَجُوزٌ عَقِيمٞ

    Open ayah 51:29

    At ang kanyang asawa ay lumapit [sa kanila] nang may sigaw [ng pagkagitla]: kanyang tinampal-tampal ang kanyang mukha, at nagsabing: “[Nguni’t ako ay] isang baog na matandang babae [at nilipasan na ng panahon?]”

  30. قَالُواْ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ 

    Open ayah 51:30

    Sila ay nagsabi: “Ganyan nga ang sinabi ng iyong Panginoon. Katotohanan, Siya ang Tigib ng Karunungan, ang Maalam.”

  31. ۞قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ

    Open ayah 51:31

    Siya [si Abraham] ay nagsabi: Samakatwid, ano ang inyong pakay [at] kayo ay naparito, O mga sugo?

  32. قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ

    Open ayah 51:32

    Sila ay nagsabi: “Kami ay ipinadala sa mga mamamayang mapaggawa ng kabuktutan.

  33. لِنُرۡسِلَ عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن طِينٖ

    Open ayah 51:33

    Upang sila ay paulanan ng mga [matitigas na] batong luad.

  34. مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُسۡرِفِينَ

    Open ayah 51:34

    Minarkahan sa harapan ng iyong Panginoon para sa mga [taong] mapagmalabis.

  35. فَأَخۡرَجۡنَا مَن كَانَ فِيهَا مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 51:35

    Kaya, Aming inilabas [inilikas] mula roon [sa mga bayan] ang sinuman sa mga naniniwala.

  36. فَمَا وَجَدۡنَا فِيهَا غَيۡرَ بَيۡتٖ مِّنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ

    Open ayah 51:36

    Nguni’t wala Kaming natagpuan doon [sa mga bayan] kundi ang [nag- iisang] bahay ng mga Muslim.

  37. وَتَرَكۡنَا فِيهَآ ءَايَةٗ لِّلَّذِينَ يَخَافُونَ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ

    Open ayah 51:37

    At Kami ay nag-iwan doon ng isang ayaat [palatandaan bilang babala] para sa mga natatakot sa mahapding parusa.

  38. وَفِي مُوسَىٰٓ إِذۡ أَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ

    Open ayah 51:38

    At kay Moises, [ay isang tanda], nang [siya ay] Aming isinugo kay Paraon nang may dalang malinaw na batayan.

  39. فَتَوَلَّىٰ بِرُكۡنِهِۦ وَقَالَ سَٰحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٞ

    Open ayah 51:39

    Nguni’t [si Paraon] ay tumalikod kasama ng kanyang mga kabig [o kapanalig] at nagsabing: “Isang salamangkero o isang baliw.”

  40. فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٞ 

    Open ayah 51:40

    Kaya siya at ang kanyang mga kawal ay Aming hinablot, at sila ay itinapon sa dagat sapagka’t siya [si Paraon] ay nararapat managot.

  41. وَفِي عَادٍ إِذۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلرِّيحَ ٱلۡعَقِيمَ

    Open ayah 51:41

    At sa [mga mamamayan ng] Aad [ay isang tanda] nang Aming ipinadala laban sa kanila ang masamang [daluyong ng] hangin.

  42. مَا تَذَرُ مِن شَيۡءٍ أَتَتۡ عَلَيۡهِ إِلَّا جَعَلَتۡهُ كَٱلرَّمِيمِ

    Open ayah 51:42

    Ito ay hindi nag-iwan ng anumang dinatnang bagay malibang ito ay ginawang tulad ng guhong nangadurog [o nangatuyot].

  43. وَفِي ثَمُودَ إِذۡ قِيلَ لَهُمۡ تَمَتَّعُواْ حَتَّىٰ حِينٖ

    Open ayah 51:43

    At sa [mga Tribu ng] Thamud [ay isang tanda], nang sila ay sinabihan: “Magtamasa kayo para sa sandaling panahon!”

  44. فَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ وَهُمۡ يَنظُرُونَ

    Open ayah 51:44

    Nguni’t, sila ay walang pakundangang nilapastangan ang kautusan ng kanilang Panginoon, kaya sila ay inagaw ng nakatutulig na sigaw habang sila ay [tulalang] nakamasid.

  45. فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مِن قِيَامٖ وَمَا كَانُواْ مُنتَصِرِينَ

    Open ayah 51:45

    Kaya, hindi nila nakayanang bumangon at hindi [rin nila nakuhang] tulungan [ang kanilang mga sarili].

  46. وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ

    Open ayah 51:46

    At [Aming winasak] ang mga mamamayan ni Noah noong una. Katotohanan, sila ay mga taong suwail.

  47. وَٱلسَّمَآءَ بَنَيۡنَٰهَا بِأَيۡيْدٖ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ

    Open ayah 51:47

    At ang langit, [ito ay] Aming itinayo nang buong lakas. At katotohanan, Kami ang Tagapagpalawak [nito].

  48. وَٱلۡأَرۡضَ فَرَشۡنَٰهَا فَنِعۡمَ ٱلۡمَٰهِدُونَ

    Open ayah 51:48

    At ang kalupaan, [ito ay] Aming inilatag nang maluwang, [at] sadyang Mahusay ang Tagapaghanda [nito].

  49. وَمِن كُلِّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَا زَوۡجَيۡنِ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 51:49

    At ang lahat ng bagay ay Aming nilikhang magkakapares, upang sakali kayo ay [matutong] makaaalala.

  50. فَفِرُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ 

    Open ayah 51:50

    Kaya, humayo kayong [magbalik-loob] sa Allah. Katotohanan, ako [si Muhammad] ay isang malinaw na tagapagbabala para sa inyo mula sa Kanya.

  51. وَلَا تَجۡعَلُواْ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ

    Open ayah 51:51

    At huwag kayong gumawa [ng pag-aaakibat] sa Allah ng ibang diyos [bilang Kanyang kapantay]. Katotohanan, ako [si Muhammad] ay isang malinaw na tagapagbabala para sa inyo mula sa Kanya.

  52. كَذَٰلِكَ مَآ أَتَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُواْ سَاحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٌ

    Open ayah 51:52

    [Tulad ng pagtakwil sa iyo O Muhammad] ganyan din na walang isa mang sugong dumating sa mga nauna sa kanila malibang sila ay nagsabing: “Isang salamangkero o [isang] baliw!”

  53. أَتَوَاصَوۡاْ بِهِۦۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ

    Open ayah 51:53

    Kanila bang iminungkahi ito sa kanila? Nguni’t sila [mismo] ay mga taong palasuway.

  54. فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَمَآ أَنتَ بِمَلُومٖ

    Open ayah 51:54

    Kaya, sila ay iyong layuan [O, Muhammad] sapagka’t ikaw ay hindi masusumbatan [o pananagutin].

  55. وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

    Open ayah 51:55

    At ikaw ay magpaalala, sapagka’t katotohanan, ang pagpapaalaala ay makabubuti para sa mga naniniwala.

  56. وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ

    Open ayah 51:56

    At hindi Ko nilikha ang jinn at tao maliban upang sila ay sumamba sa Akin [tanging sa Akin lamang].

  57. مَآ أُرِيدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقٖ وَمَآ أُرِيدُ أَن يُطۡعِمُونِ

    Open ayah 51:57

    Wala Akong hinahangad mula sa kanila ng anumang panustos. At wala Akong hinahangad na Ako ay kanilang pakainin.

  58. إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِينُ

    Open ayah 51:58

    Katotohanan, ang Allah ay Siyang [lagi nang] Tagapanustos, ang matatag na nagtataglay ng Lakas.

  59. فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذَنُوبٗا مِّثۡلَ ذَنُوبِ أَصۡحَٰبِهِمۡ فَلَا يَسۡتَعۡجِلُونِ

    Open ayah 51:59

    Kaya katotohanan, yaong mga gumawa ng kamalian ay may bahagi [ng parusang] katulad ng bahagi ng kanilang mga [naunang] kasamahan, kaya, huwag silang hahayaang magmadaling makiusap sa Akin.

  60. فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن يَوۡمِهِمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ 

    Open ayah 51:60

    Kaya, kasawian para sa mga di-naniniwala mula sa kanilang Araw na ipinangako sa kanila.